Trending Articles
Madalas, madaling mahanapan ng mali ang iba ngunit labis na namahirap matututunan ang tunay na salarin…
Natuklasan ko ang isang tiket sa pagparada na nakaipit sa wayper ng aking sasakyan. Ito’y isang pagpapaalam ng paglabag na may $287 na multa sanhi ng pagharang ng isang daanan. Ako’y naging balisà, ang aking isip ay puno ng pansariling pangangatwiran.
Paulit-ulit kong pinagpipilitan: “Ito’y iilang pulgada lamang! Hindi ba nakapinid ang garahe? Mukhang ito’y hindi naman ginagamit. May isa pang taong pumarada sa harapan ng aking sasakyan, hinaharangang halos ang buong daanan. Walang mapaparadahang patlang na makukuha, kaya nagmaneho ako ng kalahating kilometro, palayo sa aking nilayon na paroroonan.
Ngunit maghintay nang saglit! Bakit ako gumagawa ng napakaraming palusot? Malinaw na nalabag ko ang mga patakaran ng pagparada, at ngayon, kinailangan kong harapin ang mga kahihinatnan. Gayunman, ito’y palagi nang naging unang gawi kong ipagtanggol ang aking sarili kapag ako’y nagkakamali. Itong ugali ay nananalaytay nang malalim sa akin. Nagtataka ako kung saan ito nagsimula.
Buweno, ito’y pabalik na nagmumula sa Halamanan ng Eden. Mandin, isa pang palusot? Maaari, ngunit ako’y may akmang maniwala na ang unang sala ay hindi ang pagsuway o kakulangan ng tiwala sa Diyos kundi ang pagtalilis ng pananagutan.
Bakit? Nang si Adan at Eva ay nahulog sa patibong ng ahas, hindi nila naranasan kailanman ang masamà o natikman ang bunga ng karunungan. Diyos lamang ang kanilang alam, kaya paano nila malalaman na ang ahas ay masamà at nagsisinungaling? Ano kahit na ang kasinungalingan? Maaasahan ba natin silang mawalan ng tiwala sa ahas? Hindi ba sila tulad ng isang anim-na-buwang gulang na batang nakikipaglaro sa isang ulupong?
Gayunman, ang mga bagay ay nagbago matapos nilang makain ang ipinagbabawal na bunga. Ang kanilang mga mata’y namulat, at napagtanto nilang sila’y nagkasala. Ngunit nang sila’y tinanong ng Diyos hinggil dito, sinisi ni Adan si Eva, at sinisi ni Eva ang ahas. Hindi kataka-takang tayo’y umaakmang gawin din ito!
Ang Kristiyanismo, sa isang paraan, ay payak. Ito’y tungkol sa pagiging may pananagutan sa ating mga sala. Inaasahan lamang ng Diyos na papasanin natin ang katungkulan sa ating mga kakulangan.
Kapag tayo’y di-sadyang nadarapa, ang pinakaangkop na kilos para sa Kristiyano ay ang managot ng lubos para sa ating mga pagkakamali, lumingon kay Hesus, at mag-alay ng walang-pasubaling paumanhin. Nang walang baggit, ang pagtupad ng tungkulin ay may kasamang pansariling pangako na sikaping iwasan na maulit ang pagkakamali. Si Hesus ay kusang isinasakatuparan ang pananagutan at nilulutas ito kasama ng Ama sa pamamagitan ng walang-kasukatang halaga ng Kanyang Mamahaling Dugo.
Harayain lamang na isang nagmumula sa iyong kamag-anakan ay nakagawa ng mali na nagbunga ng isang napakalaking pagkakawala sa pananalapi. Kung nalaman mo na ang iyong bangko ay handang sagutin ang pagkakalugi sa tagpo ng pagpahayag nito, pag-aaksayahan mo ba ng panahon na magsisihan sa isa’t-isa para sa kamalian?
Tayo ba’y may totoong kamalayan ng mamahaling pagkakataon kay Kristo?
Huwag tayong mahuhulog sa patibong ni Satanas, na kung sino ay nagnanasang manisi. Bagkus, magkaroon tayo ng buong kamalayang pagpupunyagi na huwag ituro ang mga daliri sa iba ngunit sa halip ay humangos patungo kay Hesus kapag tayo’y nadarapa.
Antony Kalapurackal serves in the Editorial Council of Shalom Tidings. Antony lives in Brisbane with his wife Vinita and children Abiel, Ashish, and Lucina.
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!