Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article
Minsan, ang Diyos ay hindi babaguhin ang iyong katayuan dahil nais niyang baguhin ang iyong puso.
Ang Diyos ay walang tigil na nag-aanyayang talikdan ang buhay nating makasalanan at humangos sa Kanya. Ang ating Diyos ay pag-ibig at ang Kanyang awa ay walang hanggan. Ihinahalintulad ko ang pusong mapagmatigas sa sementadong puso. Tila walang makatatagos sa pusong matigas at nakapinid sa mga biyaya ng Diyos.
May pag-asa pa ba ang mga pusong mapagmatigas? Oo, laging may pag-asa. Noon, nang ako ay nawawala sa kaguluhan ng buhay ko, may mga taong nagdarasal para sa akin. Ang aking ina ay nag-alay ng maraming rosaryo para sa aking kaligtasan.
Sa pamamagitan ng magigiting na mga tagapagdasal, na walang humpay na sumasalakay sa pinto ng Langit, ang mga biyaya ay humuhulog sa mga taong nawawala ng landas sa sarili nilang lungaw ng pagkakasala, kagumonan, at makamundong aliw.
Kung pupunahin mo ang lakarang yari sa semento sa mahabang panahon, maaari kang makatagpo ng isang maliit na lamat o awang na nag-uumpisang magbigay-daan sa binhi at tubig na sa maikling panahon ay sasambulat ng luntiang dahunin at magsasanhi ng paglawak ng lamat na magpapahintulot sa paglaganap nito. Ang lamat ay naging malawak na biyak na nagpapayabong ng buhay. Ito ay katulad ng pusong mapagmatigas. Sila na patuloy na manalangin, mag-ayuno at mag-alay ng kanilang paghihirap para sa mga naliligaw ng landas ay maaaring magsimulang makapuna ng kaunting lamat sa uri ng hadlang na pumapaligid sa kanilang mga puso. Kinakailangan lamang ng Diyos ang isang lamat upang ang Kanyang biyaya, pag-ibig, at panlulunas na bumuhos sa puso ng tao. Isang magandang tanawin sa Diyos na makita ang taong tumalikod sa makasalanang buhay at maging kabilang sa Kanyang hukbo na handang tumulong sa iba. Ang Diyos at ang lahat ng Kanyang mga anghel at santo ay magbubunyi.
Kung ikaw ay matagal nang nananalangin sa mga mahal sa buhay mo na bumalik sa pananampalataya, huwag kang mawalan ng pag-asa. Magmasigasig sa pagdarasal. Hind mo man maarok itong balaybay ng Langit—na kung gaano kabisa ang panalangin mo sa taong natulungan mong mag balik-loob sa Diyos. Alam ko na kung makikita mo itong mga nag-gagandahang kaluluwa sa Langit, Sila ay magpapasalamat sa iyo.
Sabi ng Diyos, “Pagkakalooban kita ng bagong puso at maglalagay Ako ng bagong diwa sa iyo. Ihihiwalay ko sa iyo ang iyong pusong bato at bibigyan kita ng pusong may-kalamnan.” (Ezekiel 36:26).
Mahal kong Diyos, kung ako ay mag-akmang makipagsundo sa mga mahal ko sa buhay, Ikaw ang nagbabago ng kanilang puso. Kasangkapanin Mo ako ng Iyong kapayapaan upang matupad ang layunin Mo sa aking buhay. Amen.
Connie Beckman is a member of the Catholic Writers Guild, who shares her love of God through her writings, and encourages spiritual growth by sharing her Catholic faith
Kapanglawan, ay ang bagong pangkaraniwan sa buong mundo, ngunit hindi para sa mag-anak na ito! Ipagpatuloy ang pagbabasa para dito sa di-kapanipaniwalang payo na makapagpapanatili ng pagiging sama-sama. Kailan lamang, ako’y naging isang pugad na nawalan ng laman. Lahat ng aking limang mga anak ay nagsipagbukod na manirahan nang mga ilang oras ang layo sa bawa’t isa, na nagawang madalang ang mga pagkakataong makapagtipon ang mag-anak. Ito ang isa sa mga pait-tamis na bunga ng matagumpay na paglulunsad ng iyong mga anak, minsan sila’y lumilipad nang napakalayo. Noong lumipas na Pasko, ang buong mag-anak namin ay nagkaroon ng masayang pagkakataon na dalawin ang bawa’t isa. Sa katapusan ng yaong tatlong maliligayang mga araw, nang sumapit na ang panahon ng pagpapaalam, narinig ko ang isang kapatid na nagsalita sa isa pa: “Magkita tayo sa Yukaristiya!” Ito ang paraan. Ito ang kung papaano kami nanatiling malapit sa isa’t-isa. Kumakapit kami sa Yukaristiya. At sama-sama kaming isinasaklaw ni Hesus. Pihong kami’y nananabik na makita ang isa’t-isa at nagmimithi na kami’y may higit na panahong magsama-sama. Ngunit ang Diyos ay natawag kami na magbungkal sa iba’t-ibang mga pastolan at dapat maging masaya sa panahong naibigay sa amin. Kaya, sa pagi-pagitan ng mga pagdadalaw at mga tawag sa telepono, kami ay dumadalo sa Misa upang manatiling magkakarugtong. Nakadarama ng Pag-iisa? Ang pagdalo ng Pinakabanal na Pag-aalay ng Misa ay tinutulutan tayong pumasok sa katotohanan na hindi mapagtatakdaan ng lawak at panahon. Ito ay ang paghahakbang nang palayo mula sa mundo at patungo sa isang sagradong patlang na kung saan ang Langit ay dumadampi sa Lupa nang totohanan, at tayo ay sama-sama bilang buong mag-anak ng Diyos, yaong mga sumasamba dito sa Lupa at pati sa Langit. Sa pakikipagsalo ng Banal na Komunyon, ating matatagpuan na tayo’y hindi nag-iisa. Isa sa huling mga salita ni Hesus sa Kanyang mga alagad ay: “Ako ay laging sumasainyo hanggang sa wakas ng panahon.” (Mateo 28:20) Ang Yukaristiya ay ang malawak na handog ng Kanyang patuloy na pag-iral sa atin. Bilang likas na katunayan, pinangungulilahan natin ang piling ng ating mga yumaong minamahal; minsan, ang hapdi ay maaaring napakabagsik. Yaon ang mga tagpong dapat na tayo’y kumakapit sa Yukaristiya. Lalung-lalo na sa mga araw ng kalumbayan, isinasaalang-alang kong makarating sa Misa nang may kaagahan at mananatili ng may kahabaan pagkaraan nito. Ako’y magdarasal ng pamamagitan para sa aking mga minamahal at makatatanggap ng ginhawa sa pagkaalam na hindi ako nag-iisa at nalalapit ako sa Puso ni Hesus. Idinadalangin ko na ang bawa’t puso ng aking mga minamahal ay malapít sa Puso ni Hesus, upang lahat kami ay maaari ring magkasama-sama. Pinangako ni Hesus: “At ako, kapag naitaas na mula sa lupa, ang magpapadagsa ng lahat ng mga tao sa Aking sarili.” (Huan 12:32) Di-kapanipaniwalang Malapít Isa sa mga kinagigiliwan kong taludtod na bahagi ng Yukaristikong Pananalangin ay ito: Mapagkumbaba naming isinasamo na sa pakikipagsalo ng katawan at dugo ni Kristo, kami ay maititipon bilang isa sa Banal na Ispirito.” Ang Diyos ay itinitipon kung ano ang dating nagkalat at inilalapit tayo patungo sa isang katawan ni Kristo. Ang Banal na Ispirito ay napag-atasan sa natatanging paraan sa pagkakaisa natin. Naranasan mo na bang nasa loob ng iisang silid na may kasamang ibang tao, ngunit gayunpama'y dama mong ika’y nakahiwalay nang sang-angaw na mga milya? Ang kasalungat ng yaon ay maaaring maging totoo. Kahit tayo ay magkakahiwalay nang sandaming milya, maaari nating madama na tayo’y di-kapanipaniwalang malapít sa iba. Pangwakas na Katotohanan Itong nakalipas na taon, nadama ko nang lubusang malapít sa aking lola sa kanyang misa ng paglibing. Ito’y lubos na nakapagaan ng loob, pagka’t tilang dama kong naroon siyang kasama namin, lalo na sa bahagi ng Yukaristikong Pananalangin at Banal na Komunyon. Ang lola ko ay may matatag na pamimintuho sa Yukaristiya, at sinikap niya na makadalo sa Misa bawa’t araw habang ito ay nagagampanan niya nang may kaluwagan. Ako ay nagpapasalamat sa matalik naming ugnayan at yao'y lagi kong pahahalagahan. Ito ay pinapaalalahanan ako ng isa pang bahagi ng Yukaristikong Pananalangin: “Alalahanin Mo ang aming mga kapatid na nagsihimlay sa pag-asa ng muling pagkabuhay at lahat ng mga yumao sa Iyong awa: tanggapin Mo sila sa liwanag ng Iyong mukha. Maawa Ka sa aming lahat, idinadalangin namin, na kasama ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos, si San Jose, ang kanyang kabiyak, ang mga Mapalad na Apostol, at ang lahat ng mga Santo na nagpalugod sa Iyo sa lahat ng panahon, kami ay maging karapat-dapat na mga tagapagmana ng buhay na walang hanggan, at purihihin at luwalhatiin Ka sa pamamagitan ng Iyong Anak, na aming Panginoong Hesukristo.” Habang nasa Misa o Pagsamba ng Yukaristiya, tayo ay nasa Tunay na Pag-iral ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Tayo rin ay sinasamahan ng mga Santo at mga Anghel sa Langit. Isang araw, makikita natin ang katotohanang ito para sa ating sarili. Para sa ngayon, tayo ay naniniwala na may mga mata ng pananampalataya. Magkaroon tayo ng kagitingan sa tuwing tayo’y nalulumbay o nangungulila sa isang minamahal. Ang Mapagmahal at Maawaing Puso ni Hesus ay patuloy na pumipintig para sa atin, naghahangad para sa atin na makapaggugol ng panahon na kapiling Siya sa Yukaristiya. Dito natin matatagpuan ang ating kapayapaan. Dito ang kung saan tayo mapapakain. Tulad ni San Juan, mamahinga tayo nang mapayapa sa dibdib ng pag-ibig ni Hesus at manalangin upang marami pang iba ang makatatagpo ng kanilang daan sa Kanyang Kabanal-banalang Puso. Upang sa gayon, tayo’y magiging tunay na magkakasama.
By: Denise Jasek
MoreMay isang kalungkut-lungkot na pakahulugan ang Krus na, sa kasamaang-palad, nakahawa sa isipan ng madaming Kristiyano. Ito ay ang pananaw na ang madugong sakripisyo ng Anak sa krus ay "kasiya-siya" sa Ama, isang pagpapayapa ng isang Diyos na walang hanggang galít sa makasalanang sangkatauhan. Sa pagbasang ito, ang ipinako sa krus na si Hesus ay tulad ng isang bata na inihagis sa nagniningas na bibig ng isang paganong kabanalan upang pawiin ang poot nito. Ngunit ang talagang nagpapatunay sa kamalian ng baluktot na teolohiyang ito ay ang bantiog na sipi mula sa Ebanghelyo ni Juan: "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, na isinugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan" (3:16). Inihayag ni Juan na hindi dahil sa galit o paghihiganti o sa pagnanasa sa kabayadan kaya isinugo ng Ama ang Anak, kundi dahil mismo sa pag-ibig. Ang Diyos Ama ay hindi kung anong kalunus-lunos na pagka-Diyos na ang nalamog na pansariling karangalan ay kailangang maipanumbalik; sa halip, ang Diyos ay isang magulang na nag-aalab ng may pagkahabag sa Kanyang mga anak na napagala sa panganib. Kinamumuhian ba ng Ama ang mga makasalanan? Hindi, subalit napopoot Siya sa pagkakasala. .Nagkikimkim ba ang Diyos ng ngitngit sa mga hindi makatarungan? Hindi, subalit namumuhi ang Diyos sa kawalan ng katarungan. Kaya naman, isinusugo ng Diyos ang kaniyang Anak, hindi sa kagalakan na makita Siyang nagdudusa, kundi may-habag na itumpak ang mga bagay-bagay. Si San Anselmo, ang dakilang medieval na theologian madalas na di-matwid na sinisisi dahil sa malupit na theology ng kasiyahan, ay malinaw na malinaw sa bagay na ito. Tayong mga makasalanan ay tulad ng mga brilyante na nalaglag sa putikan. Nilikha ayon sa larawan ng Diyos, nadungisan natin ang ating sarili sa dala ng karahasan at poot. Ang Diyos, pag-angkin ni Anselmo, ay bibigkas lamang ng isang salita ng pagpapatawad mula sa langit, ngunit hindi nito malulutas ang problema. Hindi nito maibabalik ang mga brilyante sa dati nilang ningning. Sa halip, sa kanyang pagsinta na muling itatag ang kagandahan ng nilikha, bumaba ang Diyos sa putikan ng pagkakasala at kamatayan, iniakyat ang mga brilyante, at pagkatapos ay pinakintab ang mga ito. Sa paggawa nito, mangyari pa, kailangang madungisan ang Diyos. Ang paglulubog na ito sa dungis—ang banal na pakikipag-isa sa mga naliligaw—ay ang “sakripisyo” na ginagawa ng Anak para sa walang hanggang kasiyahan ng Ama. Ito ay ang sakripisyong nagpapahayag, hindi ng poot o paghihiganti, kundi ng pakikiramay. Sinabi ni Hesus na sinumang disipulo Niya ay dapat handang magpasan ng kanyang krus at sumunod sa Guro. Kung ang Diyos ay pag-ibig na hindi makasarili kahit na hanggang sa kamatayan, dapat tayong maging ganoong pag-ibig. Kung handang buksan ng Diyos ang sarili niyang puso, dapat handa tayong buksan ang ating puso para sa iba. Ang krus, sa madaling salita, ay dapat na maging mismong kayarian ng buhay Kristiyano.
By: Bishop Robert Barron
MoreBilang isang batang babae, ginawa ko kung ano ang lahat ng mga tinedyer ay subukan upang gawin – May pakiramdam ako na ako ay naiiba sa aking mga kasamahan. Sa isan lugar sa isang daan, napagisipan ko na ang aking pananampalataya ang aking pagkakaiba. Minasama ko ang aking mga magulang sa pagbibigay sa akin ng bagay na tio na naging pagkakaiba ko. Ako ay naging rebelde at nagsimulang pumunta sa mga kasayahan, disko at panggabihan grupohan. Hindi ako nais na manalangin pa. Gusto ko lamang ang buong kagalakan ng paglalagay sa paganda sa mukha, pag dadamit ng magara, nana naginiginip sa araw tungkol sa kung sino ay magkakaroon sa mga kasayahan, sayawansa buong gabi, at higit sa lahat, lamang 'makiayon doon. ' Ngunit, sa paguwi ko ng isang gabi, habang nakaupo sa kama na nagiisa , nakaramdam ako ako ng pangungulila sa aking kalooban. Namumuhi ako sa naging ako; ito ay isan kabalintuanan na hindi ko nagustuhan kung sino ako , at ganon paman hindi ko alam kung paamo magbago at maging sarili ko. Sa isa sa mga gabing ganoon, habang umiiyak na nagiisa, naalala ko ang simpleng kaligayahan na mayroon ako ng ako ay bata ng alam ko na ang Diyos at ang aking pamilya ay mahal ako. Noon, yun ang mahalaga. Kaya, sa unang pagkakataon sa tagal ng panahon ako ay nagdasal Umiyak ako sa Kanya and hiningi ko sa Kanya na ibalik ako sa dating kaligayahan. Parang binigyan ko Siya ng ultimatum na kapag hindi Niya ipinakita and sarili Niya sa susunod na taon, hindi na ako babalik sa Kanya. Ito ay nakakatakot na dasal, ngunit ito rin ay isang mabisa. Ito ay aking dinasal at nakalimutan ko na ng husto. Ako ay ipinakilala sa Nanal na Misyon ng Pamilya, isang pamayanan na tiraha, kunng saan ppumupunta para matuto ng iyong pananampalataya at mak ilala ang Panginoon. Mayroon araw away na dasal, buhay Sakramento , madalas na kumpisal, araw araw na pagro rosaryo at pagmamasid ng Banal na Oras. Naalalako na naisisp” Ito ay sobrang pagdarsal sa isang araw!” Sa puntong iyon, hindi man lang akong makapagbigay ng limang minute sa aking araw sa Panginoon Kahit paano, ako ay nagtapos na aplayan para sa Misyon. Bawat isang araw, ako ay nauupo sa pagdarasal sa harap ng Eukaristiya Panginoon at tinatanong Siya kung sino ako at kung ano ang layunin ng aking buhay. Dahan dahan ngunit sigurado, ipinkato sa akin ng Paninoon ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Mga Banal na Kasulatan at sap ag gugol ng oras sa katahimikan sa Kanya .Unti unti akong nakatanggap ng pag hilom ng sugat sa aking kalooban at lumago sa pagdarasal at relasyon sa Panginoon. Simula sa pagiging rebelde babaeng tinedger na nawala sa masayahing anak ng Panginoon, ako ay nagtungo sa isang ganap na pagbabago. Oo, gusto ng Panginoon na makilala natin Siya. Ipinakikita Niya ang Kanyang sarili sa atin dahil sinasagot Niya ng tapat kada isang dasal na itaas sa Kanya.
By: Patricia Moitie
MoreHanga pa rin ako sa salaysay ni Reverend Sebastian tungkol sa isang mahimalang pagtakas niya mula sa nakamamatay na panganib. Tiyak na magiging gayon ka rin, tulad ng ibabahagi ko dito ayon sa sarili niyang mga salita. Iyon ang pinakamalamig na gabi ng taglagas ng Oktubre 1987, halos 3 AM na, at may isang oras pa ako bago sumakay sa aking paglipad papuntang London. Nagpasya akong magtungo sa pahingahan ng paliparan at kumuha ako ng isang tasang mainit na kape, na nakatulong sa akin na mapawi ang aking antok. Uminom ako ng ilang gamot para sa isang bahagyang lagnat, ngunit ang epekto ay nawawala na. Kaya, uminom ako ng isa pa, at habang nakasakay ako sa paglipad, nakiusap ako sa serbidora, na nagpakilalang Anne, para sa isang libreng hilera sa gitna para makapagpahinga ako sa mahabang byahe. Tiyak na nasagi siya ng kwelyo ko dahil noong nakailaw ang sinturong pang upuan, lumapit sa akin si Anne at inakay ako ng tatlong hilera pabalik kung saan walang nakaupo. Inayos ko ang mga upuan na parang maliit na sopa at humiga doon. Nakakabalisang mga Balita Nasira ang komportable kong pagkakahimbing dahil sa mga galaw ng sasakyang panghimpapawid. Bumukas ang aking mga mata; ang kamarote ay bahagyang may ilaw, at karamihan sa mga pasahero ay tulog o nakadikit sa mga panooran sa harap nila. Hindi ko maiwasang mapansin ang mabibilis na galaw ng mga tripulante sa kamarote habang nagmamadali sila sa makipot na daanan sa pagitan ng mga hilera ng upuan. Sa pag-aakalang merong maysakit at nangangailangan ng tulong, tinanong ko si Anne, na dumadaan sa aking upuan, kung ano ang nangyayari. "Gulo lang, Padre, lahat ay kuntrolado," sagot niya bago mabilis na sumulong. Gayunpaman, iba ang iminungkahi ng kanyang mga mata na nataranta. Hindi ako makatulog, naglakad ako patungo sa likod ng eroplano para humiling ng isang tasa ng tsaa. Inutusan ako ng isang tauhan ng eroplano na bumalik sa aking upuan ngunit nangakong dadalhan ako ng tsaa mamaya. Naramdaman kong may mali. Habang matiyaga kong hinihintay ang aking tsaa, isang lalaking tripulante ang lumapit sa akin. "Father Sebastian, may nasusunog sa isa sa mga makina, at hindi pa namin naaapula. Puno ang tangke ng gasolina, at halos dalawang oras na tayong lumilipad. Kapag umabot ang apoy sa tangke ng gasolina, maaaring sumabog ang eroplano anumang oras," huminto siya bago tumingin sa akin ng diretso sa mga mata. Nanlamig ang katawan ko sa pagkabigla. "May espesyal na kahilingan ang kapitan—manalangin para sa lahat ng 298 kaluluwang nakasakay at mapatay ang apoy. Alam ng dalawang kapitan na mayroon tayong pari na sakay at hiniling na iparating ko ang mensaheng ito sa iyo," pagtatapos niya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, sumagot ako: "Pakiusap, sabihin sa mga kapitan na manatiling matapang, dahil poprotektahan tayo ni Hesus at ni Inang Maria mula sa mapanganib na sitwasyong ito, tulad ng kung paano iniligtas ni Hesus ang Kanyang mga disipulo mula sa maalon na dagat. Walang dapat ikabahala, at ang Banal na Espiritu ang magkokontrol sa sitwasyon mula sa puntong ito. Sila ay gagabayan Niya nang buong talino." Nakarinig ako ng pagod na boses sa harapan ko na nagtatanong kung sasabog na ba ang byahe. Si Sophie iyon, isang babae na may edad na at nakilala ko sa eroplano kanina. Narinig niya ang ilan sa aming pag-uusap at naging isteriko siya. Binalaan siya ng mga miyembro ng tripulante na huwag gumawa ng eksena; medyo kumalma siya at umupo sa tabi ko, ikinumpisal niya sa akin ang kanyang mga kasalanan sa itaas ng 30,000 talampakan. Patuloy na Kumakapit Gayunpaman, nagkaroon ako ng malaking pananampalataya kay Inang Maria, na tumulong sa akin na malampasan ang mga katulad na sitwasyon noon. Kinuha ko ang aking rosaryo at nagsimulang magdasal, ipinikit ang aking mga mata at binibigkas ito nang may sukdulang debosyon. Sa kalagitnaan ng paglipad, sinabihan ako na sinusubukan ng kapitan na gawin ang emerhensyang paglapag sa isang hindi abalang paliparan at kailangan naming kumapit pa ng panibagong pitong minuto. Nang maglaon, dahil hindi pa rin kontrolado ang sitwasyon, ipinaalam ng kapitan sa mga pasahero na ihanda ang kanilang sarili para sa isang emerhensyang paglapag. Ipinaalam sa akin ni John, ang tripulante na nakausap ko kanina, na umabot na sa gate 6 ang apoy, isang gate na lang ang naiiwan para maabot ang makina. Tahimik akong nagdadasal para sa kaligtasan ng lahat ng nasa byahe. Habang nagpapatuloy ang sitwasyon nang walang pagbabago, ipinikit ko ang aking mga mata at patuloy na nagdarasal, upang magkaroon pa ako ng lakas at tapang sa aking pananampalataya. Nang imulat ko ang aking mga mata, ligtas nang nakalapag ang eroplano sa paliparan, at nagpalakpakan ang mga pasahero. Kaginhawaan sa Wakas! "Mga mahal kong kaibigan, ito si Rodrigo, ang inyong kapitan mula sa kubyerta!" Tumigil siya saglit at saka nagpatuloy. "Tayo ay nasa isang lubhang mapanganib na sitwasyon sa mga nakaraang oras, at tayo ay nasa mabuti ng kalagayan ngayon! Isang espesyal na pasasalamat sa Makapangyarihang Diyos at kay Padre Sebastian. Ipinagdasal niya tayong lahat at binigyan tayong lahat ng ibayong lakas at tapang na malampasan ang sitwasyong ito at…” huminto siya muli, “nagawa natin!” Sumabay sa akin sina John at Anne habang sinasalubong kami ng mga tripulante at mga opisyal sa terminal ng paliparan. Sinabihan ako na ang isang kapalit na sasakyang panghimpapawid ay darating sa lalong madaling panahon at ang lahat ng mga pasahero ay ililipat sa bagong eroplano sa loob ng isang oras. Pagkatapos ng malagim na karanasan sa paglipad, hindi ko maiwasang isipin ang kapangyarihan ng panalangin at ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa anumang sitwasyon. Naalala ko ang mga salita mula sa Marcos 4:35-41, kung saan pinatahimik ni Jesus ang isang bagyo sa dagat at tinanong ang kanyang mga alagad: "Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananampalataya?" Nang sumakay kami sa bagong paglipad, nadama ko ang panibagong pakiramdam ng pasasalamat para sa mahimalang pagkalampas at mas malakas na pananampalataya sa proteksyon ng Diyos. Ibinahagi ni Padre Sebastian ang kanyang kuwento sa maraming tao at hinikayat silang magtiwala sa Diyos sa oras ng mahihirap na panahon. Ipinaalala niya sa kanila na sa pananampalataya at panalangin, malalampasan din nila ang anumang unos at makakatagpo ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan.
By: Shaju Chittilappilly
MoreAng buhay ay puno ng di-inaasahang mga liko. Halos anim na taong pagkaraan ng kanyang ina, si Bernadette ay kinailangang magdusa sa pagkawala rin ng kanyang ama. Nagmula ng pag-alis sa Lourdes upang sumapi sa samahang pambanalan, siya ay hindi na nagkaroon ng pagkakataong makita ang kanyang ama. Kapag natutuligsa ng ganitong biglaang pagpanaw, ganito kung paano nakatagpo si Bernadette ng lakas—Isang madre ang nakakita sa kanya na lumuluha sa harap ng estatwa ng Birheng Maria, at nang sinikap ng madre na damayan siya, sinabi niya: “Aking kapatid, magkaroon ka palagi ng dakilang katapatan sa matinding paghihirap ng ating Tagapagligtas. Noong nakaraang Sabado ng hapon, nagdasal ako kay Hesus sa Kanyang paghihirap para sa lahat ng yaong mga mamamatay sa yaong sandali, at sa yaong ganap na sandali na nakarating ng kabilang-buhay ang aking ama. Isang kaginhawaan para sa akin na natulungan siya.” Para kay Bernadette, ang Santa na, bilang isang musmos na babae, ay nakasaksi sa pangitain ni Maria sa Lourdes, ang buhay ay hindi walang mga kagipitan. Kinakailangan niyang dumaan ng maraming mga pagsubok; malalaki at maliliit na mga pagpapahiya ay pinasan niya. Malimit niyang sinabi: “Kapag ang mga dinarama ko ay napakalakas, ginugunita ko ang mga diwa ng Ating Panginoon: ‘Narito Ako, huwag kang matakot.' Kaagad kong kinaluluguran at pinasasalamatan ang Ating Panginoon para sa biyayang ito ng pagtanggi at pagkapahiya mula sa yaong mga may-kapangyarihan. Ang pag-ibig nitong Mabuting Panginoon na makapag-aalis ng mga ugat mula rito sa puno ng pagmamataas. Kapag lalo akong magiging musmos, lalo akong lumalaki sa loob ng Puso ni Hesus.”
By: Shalom Tidings
MoreAng mga pasanin sa buhay ay maaaring magpabigat sa atin ngunit lakasan ang loob! Ang Mabuting Samaritano ay naghihintay sa iyo. Sa nakalipas na ilang taon, naglakbay ako mula sa Portland, Oregon, patungong Portland, Maine, literal na tumatawid sa bansa, nagsasalita at nangunguna sa mga pagbabalik na pulungan ng kababaihan. Gustung-gusto ko ang aking trabaho at madalas akong napapakumbaba nito. Ang maglakbay at makilala ang napakaraming matatapat na kababaihang nakaluhod, na hinahanap ang mukha ng Panginoon, ay isa sa mga pinakadakilang biyaya ng aking buhay. Ngunit sa umpisa ng taong ito, ang aking trabaho ay nahinto nang ako ay masuri na may kanser sa suso, ang aking pangalawang laban. Sa kabutihang palad, nahuli namin ito nang maaga; hindi ito kumalat. Tinitimbang namin ang aming mga opsyon para sa paggamot at napagpasyahan gawin ang isang double mastectomy. Inaasahan namin na pagkatapos ng operasyon na iyon, wala nang karagdagang panggagamot na kakailanganin. Ngunit nang tingnan nilang mabuti ang tumor sa ilalim ng mikroskopyo, natukoy na ang uri ng pagka-ulit ng sakit ko ay bababa nang malaki sa pamamagitan ng ilang ulit na pang-iwas na chemo. Sa pusong puno ng pangamba at mga nakikinita kong pagsusuka at pagiging kalbo na tumatakbo sa aking isip, tumawag ako sa oncologist at nakipag-appointment. Pagkatapos noon, dumating ang aking asawa mula sa trabaho at sinabing: “Natanggal ako sa trabaho.” Kung minsan, kapag umulan, parang ito ay tag-ulan. Babala Babala Kaya, dahil sa walang kita at ang mga inaasahan naming napakaraming mga singil sa medikal na malapit nang mang-atake sa aming mailbox, naghanda kami para sa aking mga paggagamot. Ang aking asawa ay masigasig na nagpadala ng mga resume at nakakuha naman ng ilang mga panayam. Kami ay umaasa. Ang Kimo, para sa akin, ay naging, hindi masyadong nakakasuka ngunit napakasakit. Ang sakit na sagad hanggang sa buto ay nagpapaluha sa akin minsan, at walang nakakapagpagaan nito. Ako ay nagpapasalamat na ang aking asawa ay nasa bahay at maaaring tumulong sa pag-aalaga sa akin. Kahit na sa mga sandali na wala siyang magagawa, ang pagiging nasa tabi ko lamang siya ay isang malaking kaginhawahan na. Ito ay isang hindi inaasahang biyaya sa kanyang pagkakatanggal sa trabaho. Nagtitiwala kami sa plano ng Diyos. Nagpatuloy ang mga linggo. Nagpasya ang aking buhok na magbakasyon ng mahabang panahon, humina ang aking katawan, at ginawa ko ang kaunting trabaho na magagawa ko. Walang nag-aalok ng trabaho para sa aking talentadong asawa. Nanalangin kami, nag-ayuno kami, nagtiwala kami sa Panginoon, at nagsimula naming maramdaman ang hirap ng panahon. Tinamaan sa Kaibuturan Sa taong ito, nagdarasal ang grupo ko ng panalangin na mga kababaihan sa pamamagitan ng trabaho ng maestro ng Divine Intimacy ng Amang Gabriel ng Santa Maria Magdalena. Isang Linggo, nang ang pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang dalhin ang mga pasanin na ito ng isa pang hakbang, ang kanyang pagmuni-muni sa Mabuting Samaritano ay tumama sa akin sa kaibuturan. Naalala mo ang minamahal na talinghaga mula sa Lucas 10 kapag ang isang tao ay ninakawan, binugbog, at iniwan sa gilid ng daan. Isang saserdote at Levita ang lumampas sa kanya, hindi nag-alok ng tulong. Tanging ang Samaritano ang tumigil para lingapin siya. Sinasalamin ni Padre Gabriel: “Tayo rin, mayroon ding nakakasalubong na mga tulisan sa ating daan. Ang mundo, ang diyablo, at ang ating mga hilig ay hinubad at nasugatan tayo… Sa walang katapusang pag-ibig [ang Good Samaritan par excellence] ay yumuko sa ating bukas na mga sugat, pinagaling ang mga ito kasama ng langis at alak ng Kanyang biyaya … Pagkatapos ay kinalong Niya tayo sa Kanyang mga bisig at dinala tayo sa isang ligtas na lugar.” (Banal Pagpapalagayang-loob #273). Gaano katindi ang naramdaman ko sa talatang ito! Pakiramdam namin ng asawa ko ay ninakawan, binugbog, at kami ay inabandona. Kami ay natanggalan ng aming kita, aming trabaho, at aming dignidad. Ninakawan kami ng aking mga suso, ang aking kalusugan, maging pati ang aking buhok. Habang nananalangin ako, malakas ang pakiramdam ko na ang Panginoon ay yumuko sa amin, pinahiran at pinagaling kami, at pagkatapos ay kinuha ako sa Kanyang mga bisig at binuhat habang ang aking asawa ay naglalakad kasama namin, dinadala kami sa isang lugar ng kaligtasan. Napuno ako ng luha ng kaginhawaan at pasasalamat. Sinabi pa ni Padre Gabriel: “Dapat tayong pumunta sa Misa upang makita Siya, ang Mabuting Samaritano … Pagdating Niya sa atin sa Banal na Komunyon, pagagalingin Niya ang ating mga sugat, hindi lamang ang ating mga panlabas na sugat, kundi maging ang ating mga panloob ding mga sugat, saganang ibinubuhos sa kanila ang matamis na langis at pampalakas na alak na biyaya Niya.” Nang maglaon sa araw ding iyon, nagpunta kami sa Kumpisalan at Misa. Mayroon kaming isang magandang bisitang pari mula sa Africa ang paggalang at kahinahunan ay agad na bumalot sa akin. Nanalangin siya para sa akin sa pakumpisalan, na hinihiling sa Panginoon na ibigay sa akin ang mga ninanais ng aking puso—ang marangal na gawain para sa aking asawa—at para pagalingin ako. Sa oras ng pagdating ng Komunyon, umiiyak ako sa aking pag-akyat upang salubungin ang Mabuting Samaritano, alam kong dinadala Niya kami sa isang lugar ng kaligtasan—sa Kanya. Kailanman Huwag Mo Akong Lampasan Alam kong ito ay maaaring o hindi nangangahulugan na ang aking asawa ay makakakuha ng trabaho, o ako ay makakalampas sa chemo nang walang labis na sakit na mararamdaman. Ngunit walang pagdududa sa aking isip, puso, o katawan na nakatagpo ko ang Mabuting Samaritano sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya na iyon. Hindi niya ako nilampasan pero sa halip ay tumigil at inaalagaan niya ako at ang mga sugat ko. Siya ay totoo sa akin gaya ng dati maski noon, at kahit pakiramdam ko bugbog pa rin kami ng asawa ko, nagpapasalamat ako kay Lord sa pagiging laging andiyan para sa amin bilang ang Mabuting Samaritano na huminto, nag-aalaga, nagpapagaling, at pagkatapos ay tinitipon tayo sa isang lugar ng kaligtasan. Ang kanyang kaligtasan ay hindi kaligtasan ng mundo. Ang tumayo at maghintay sa gitna ng "pag-atake" na ito, ang pagnanakaw, ay ilan sa pinakamahirap na gawaing espirituwal na naimbitahan akong gawin. Oh, pero nagtitiwala ako sa ating Mabuting Samaritano par excellence. Naghihintay siya roon para buhatin ako—para tipunin ang sinumang may pakiramdam na ninakawan, binugbog, at pinabayaan—at, sa pamamagitan ng Banal na Sakramento, itinakda ang kanyang tatak ng kaligtasan sa ating mga puso at kaluluwa.
By: Liz Kelly Stanchina
MoreGaano man kahirap ang panahon, kung matiyaga ka, hindi ka matitinag. Namumuhay tayo sa napakadilim at nakakalitong panahon. Ang kasamaan ay nasa paligid natin, at ginagawa ni Satanas ang lahat para wasakin ang lipunan at ang mundong ginagalawan natin. Ang pagtingin sa mga balita kahit ilang minuto ay maaaring maging lubhang nakakasira ng loob. Kapag sa tingin mo ay hindi na ito maaaring lumala pa, makakadinig ka ng ilang bagong kalupitan o kasamaan sa mundo. Madali kang masiraan ng loob at mawalan ng pag-asa Ngunit bilang mga Kristiyano, tayo ay tinawag na maging tauhan ng pag-asa. Paano ito mangyagari? Mayroon akong kaibigan na katutubo ng Rhode Island. Minsang Araw ng mga Ama, binigyan siya ng kanyang mga anak ng isang sombrero na may larawan ng angkla at Hebreo 6:19 na nakaburda dito. Ano ang kahalagahan nuon? Ang watawat ng estado ng Rhode Island ay may angklang may nakasulat na salitang "pag-asa". Ito ay isang patukoy sa Hebreo 6:19, na nagsasabing: “Taglay natin ang pag-asang ito, isang matibay at matatag na angkla ng kaluluwa, isang pag-asang tumutuloy sa Kabanal-banalanng templo sa kabila ng tabing..." Ang aklat ng Hebreo ay sinulat sa mga taong dumadanas ng matinding pag-uusig. Ang kilalanin na ikaw ay Kristiyano ay nangangahulugan ng kamatayan o pagdurusa, pagpapahirap o pagpapatapon. Dahil napakahirap, madami ang nawalan ng pananampalataya at nag-isip kung karapat-dapat bang sundin si Kristo. Sinisikap ng may-akda ng liham sa mga Hebreo na hikayatin silang manatili, magtiyaga—na ito ay sulit. Sinasabi niya sa kanyang mga mambabasa na ang pag-asa na nakabatay kay Hesus ang kanilang angkla. Masinsin At Hindi Natitinag Noong ako ay nasa mataas na paaralan sa Hawaii, bahagi ako ng isang programa na nagtuturo ng pandagat aghambuhay sa mga mag-aaral. Gumugol kami ng Ilang linggo sa bawat pagkakataon na naninirahan at gumagawa sa isang bangka. Sa kadamihan ng mga pook na aming nilayagan, may isang pantalan o daungan kung saan maaari naming itali ang bangka nang walang panganib sa lupa. Ngunit may ilang malalayong mataas na paaralan na hindi malapit sa pantalan o bayo na may daungan. Sa mga pagkakataong iyon, kinailangan naming gamitin ang angkla ng bangka—isang mabigat na metal na bagay na may ilang matutulis na kawit dito. Kapag inihulog ng isa ang angkla sa tubig, kumakapit ito sa ibaba ng kama ng dagat at pumipigil sa bangka sa paglutang papalayo. Maaari tayong maging tulad ng mga bangka, na pahagishagis at palutanglutang sa kati at alon ng pang-araw-araw na buhay. Nadidinig namin sa mga balita ang tungkol sa paglusob ng terorista, barilan sa mga paaralan at simbahan, masamang kapasiyahan ng hukuman, masamang balita sa iyong pamilya, o mga natural na sakuna. Madaming mga bagay ang maaaring yumanig sa atin at masiraan ng loob at puno ng kawalan ng pag-asa. Maliban kung tayo ay may isang angkla para sa ating mga kaluluwa, tayo ay maiibalibag at hindi magkakaroon ng anumang kapayapaan. Subalit upang ang isang angkla ay gumana, kailangan nitong ikabit sa isang bagay na matibay at matatag. Ang isang bangka ay maaaring magkaroon ng pinakamalakas, pinakamahusay na angkla na magagamit, ngunit maliban kung ito ay nakakabit sa isang bagay na matibay at matatag, ang bangkang ito ay matatangay ng susunod na pagtaas ng tubig o alon. Madaming tao ang may pag-asa, ngunit inilalagay nila ang kanilang pag-asa sa kanilang kwenta sa bangko, sa pagmamahal ng kanilang asawa, sa kanilang mabuting kalusugan, o sa pamahalaan. Maaring sabihin nila: “Hangga’t nasa akin ang tirahan ko, ang hanap-buhay ko, ang sasakyan ko, lahat ay magiging maayos. Hangga't bawat isa sa aking mag-anak ay malusog, lahat ay maayos." Ngunit nakikita mo ba kung gaano kahina iyon? Ano ang mangyayari kung mawalan ka ng hanap-buhay, magkasakit ang isang miyembro ng mag-anak, o bumagsak ang ekonomiya? Nawawalan ka na ba ng pananampalataya sa Diyos? Kailanman Ay Hindi Natangay Naaalala ko noong ang aking ama ay nakikipagtunggali sa kanser sa mga huling taon ng kanyang buhay. Ito ay isang mabagyo, magulong panahon para sa aming mag-anak dahil sa bawat bagong pagsusuri, salit-salit naming nadinig ng magandang balita o masamang balita. May mga pagpunta sa ER, at minsan siyang inilipad pa sa ibang pagamutan para sa madaliang pagtistis. Nakaramdam ako ng labis na pag-aalipusta at kahinaan ng loob habang pinagmamasdan namin ang aking ama na nagdudusa at nanghihina. Ang aking ama ay isang matatag at debotong Kristiyano. Gumuugol siya ng ilang oras bawat araw sa pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos, at nagturo siya ng mga pag-aaral ng Bibliya sa loob ng madaming taon. Nakakatukso para sa akin na magtaka kung nasaan si Hesus sa lahat ng ito. Matapos madinig ang isa pang masamang pagbabala, habang pakiramdam ng aking kaluluwa'y nabanat ng pinakahuling ulat na ito, nagpunta ako sa isang simbahan upang manalangin. "Panginoon, ako'y nawawalan ng Pag-asa. Nasaan Ka?" Habang tahimik akong nakaupo duon, napagtanto ko na inilagay ko ang aking pag-asa sa paggaling ng aking ama. Kung kayat ramdam ko'y nangangatog at hindi matatag. Subalit inaanyayahan ako ni Hesus na ilagay ang aking pag-asa, ang aking angkla, sa Kanya. Mahal na mahal ng Panginoon ang aking ama nang mas higit pa sa kakayanin ko, at Siya ay kasama niya sa mahirap na pagsubok na ito. Ibibigay ng Diyos sa aking ama ang kakailanganin niya upang makatakbo nang maayos ang kanyang pakikipagtunggali hanggang sa katapusan, kailanman iyon. Kailangan ko yung tandaan at ilatag ang aking pag-asa sa Diyos at sa dakilang pagmamahal ng Diyos sa aking ama. Pumanaw ang aking ama sa bahay makalipas ang ilang linggo, pinaligiran ng pagmamahal at madaming panalangin, magiliw na inalagaan ng aking ina. Namatay siya na may maamong ngiti sa kayang mukha. Siya ay handa nang magtungo sa Panginoon, umaasa na makita nang harapan ang kanyang Tagapagligtas sa wakas. At ako ay payapa sa ganito, handang siya ay payagang lumisan. Ang pag-asa ay ang angkla, ngunit ang angkla ay kasing-tibay lamang ng kung ano ang kinakapitan nito. Kung ang ating angkla ay matatag na nakakapit kay Hesus, Siya na nakadaan na sa tabing nauna pa sa atin at naghihintay sa atin, kung kaya't gaano man kataas ang mga alon, gaano man kalakas ang mga bagyo sa paligid natin, tayo ay mananatiling matatag at hindi matatangay.
By: Ellen Hogarty
MorePalagi nating pinupunan ang ating mga kalendaryo hangga't maaari ngunit paano kung dumating ang isang hindi inaasahang pagkakataon? Ang Bagong Taon ay nagbibigay ng impresyon na mayroon tayong blangkong talaan sa harap natin. Ang paparating na taon ay puno ng mga posibilidad, at marami ang mga resolusyon habang nagmamadali tayong punan ang ating mga bagong limbag na kalendaryo. Gayunpaman, nangyayari na marami sa mga kapana-panabik na pagkakataon at detalyadong mga layunin para sa perpektong taon ay hindi nangyayari. Sa pagtatapos ng Enero, ang ating mga ngiti ay nanginginig, at ang mga lumang gawi mula sa mga nakaraang taon ay gumagapang pabalik sa ating mga buhay. Paano kung trinato natin ang taong ito, sa sandaling ito, ng medyo naiiba? Sa halip na magmadali upang punan ang lahat ng puting espasyo sa ating mga kalendaryo, bakit hindi bigyan ng kaunti pang espasyo ang blangkong espasyo, para sa mga walang kabuluhan na bulsa ng oras kung saan wala tayong nakaiskedyul? Sa mga walang laman na espasyong ito binibigyan natin ang Banal na Espiritu ng pinakamaraming puwang upang gumana sa ating buhay. Alam ng sinumang lumilipat mula sa isang bahay patungo sa isa pang lugar ang nakakagulat na dami ng espasyo na nalilikha ng isang walang laman na silid. Habang lumilipat ang mga kasangkapan, tila patuloy na lumalaki ang silid. Kung walang natitira, palaging nakakagulat na isipin na ang sapat na espasyo ay isang problema, tingnan kung gaano ito kalaki! Kung mas maraming laman ang isang silid ng mga alpombra, muwebles, mga sabit sa dingding, at iba pang mga ari-arian, mas malapit ang espasyong mararamdaman. Pagkatapos, may bumisita sa iyong bahay na may dalang regalo, at lumingon ka at nagtataka—ngayon, saan natin ito ilalagay? Ang ating mga kalendaryo ay maaaring gumana sa halos parehong paraan. Pinupuno natin ang bawat araw ng trabaho, pagsasanay, mga laro, mga pangako, serbisyo sa panalangin—napakaraming mabuti at kadalasang tila kinakailangang mga bagay. Ngunit ano ang mangyayari kapag ang Banal na Espiritu ay kumakatok na may pagkakataong hindi natin inaasahan? Mayroon ba tayong espasyo para sa Kanya sa ating kalendaryo? Maaari nating tingnan si Maria bilang isang huwaran kung paano maging bukas sa Banal na Espiritu. Narinig ni Maria ang mga salita ng anghel at malayang tinanggap ang mga ito. Sa pag-aalay ng kanyang buhay sa Diyos, ipinakita niya ang perpektong disposisyon sa pagtanggap ng mga regalo ng Diyos. Ang isa pang paraan para pag-isipan ito ay ang tinawag ni Bishop Barron na 'Loop of Grace.' Nais ng Diyos na bigyan tayo ng kasaganaan. Kapag binuksan natin ang ating sarili sa mapagmahal na pagkabukas-palad ng Diyos, kinikilala natin na ang lahat ng mayroon tayo ay isang regalo. Sa kagalakan, ibinabalik natin sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapasalamat, na muling sinisimulan ang sirkulo. Inabot ng Diyos si Maria, na malayang inialay ang kanyang sarili sa Kanyang Kalooban at layunin. Pagkatapos ay tinanggap niya si Jesus. Muli nating makikita ito sa katapusan ng buhay ni Jesus. Sa lubos na kalungkutan at matinding sakit, pinakawalan ni Maria ang kanyang pinakamamahal na Anak. Hindi siya kumapit sa Kanya habang Siya ay nakabitin sa krus. Sa masakit na sandaling iyon, ang lahat ay tila nawala, at ang kanyang pagiging ina ay nawalan ng saysay. Hindi siya tumakas, nananatili siya sa kanyang Anak, na kinailangan siyang palayain. Ngunit pagkatapos, binigyan siya ni Jesus ng hindi lamang isang anak na lalaki kay Juan kundi mga anak na lalaki at babae para sa kawalang-hanggan sa kanyang pagiging ina sa Simbahan. Dahil si Maria ay nanatiling bukas at tinanggap ang plano ng Diyos, kahit na ito ay pinakamasakit, maaari na natin siya ngayong tawaging, Ating Ina. Habang nagpapatuloy ang taon, marahil dapat ay maglaan ng ilang oras upang ipagdasal ang iyong iskedyul. Napuno mo na ba ang iyong mga araw ng higit sa sapat, marahil ay sobra pa? Hilingin sa Banal na Espiritu na bigyang-inspirasyon ka na isaalang-alang kung anong mga aktibidad ang kailangan para sa Kanyang mga layunin at alin ang mas para sa sarili mong mga personal na hangarin at layunin. Humingi ng lakas ng loob na muling ayusin ang iyong iskedyul, para sa karunungan na sabihin ang "Hindi" kung kinakailangan, upang masaya at malaya kang makapagsabi ng "Oo!" kapag Siya ay kumakatok sa iyong pintuan.
By: Emmanuel
MoreTuklasin ang kagandahan ng pagsagawa ng pinakamahusay na Bagong Taong Panukala sa taong ito Sa ganang tayo'y nakatayo sa bingit ng bagong taon, ang hangin ay puno ng pag-asa, pag-asa, at pangako ng isang bagong simula. Para sa madami, ang pagbabagong ito ay sumasagisag ng isang pagkakataon na iwanan ang mga pasanin ng nakaraan at simulan ang isang paglalakbay ng paglago at paghilom. Pati ako ay tumahak ng landas na ito—nilalakbay ang mga sali-salimuot ng buhay, paghahanap ng ginhawa, lakas, at kagalakan sa pamamagitan ng mapagbagong biyaya ng panalangin. Pagsapit Ng Hatinggabi Ilang taon na ang nakakalipas, natagpuan ko ang aking sarili na nakikipagbuno sa mga labi ng mga nakaraang kirot na tila mabigat sa aking puso. Ang mga peklat ng mga pagkabigo at kawala ay umukit ng kanilang mga tatak, na nag-iiwan sa akin ng pananabik para sa isang panibagong pasimula. Sa sandaling ito ng pagmumuni ako gumawa ng isang panukala—isang panukala na magdadala sa akin sa landas patungo sa biyaya at paghilom. Nang sumapit ang hatinggabi, nagpasiya akong ialay ang aking sarili sa nakakapagpanibagong kapangyarihan ng dasal. Ang panukalang ito ay hindi bunga nang isang panandaliang pagnanais para sa pagbabago kundi mula sa isang malalim na pangangailangan na ayusin ang mga sirang piraso ng aking kaluluwa at hanapin ang kagalakan na nawala sa akin sa napakatagal na panahon. Sa mga naunang araw ng bagong taon, ang pamilyar na kirot ng aking nakalipas na mga pasakit ay naging balakid sa pagpapanatili ng aking panukala. Sinikap ng mga kaguluhan ng isip at pag-aalinlangan na madiskaril ang aking pangako, ngunit kumapit ako sa aking pananampalataya at determinasyon. Sa pamamagitan ng patuloy na pagdadasal, nagsimula akong makadanas ng banayad na pagbabago sa loob ko—mga bulong ng biyaya na sumasalat sa aking sugatang espirito. Habang lumilipas ang mga buwan, bumuhos ang mga biyaya sa aking buhay na tulad ng banayad na ulan, na nagpapaginhawa sa tigang na lupa ng aking puso. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na patawadin ang mga nagkasala sa akin at naunawain na ang pagpapatawad ay isang handog na ibinigay ko sa aking sarili. Ito ay nakapagpapalaya, isang dakilang biyaya na nagpalaya sa akin mula sa mga kadena ng kapaitan, pinapahintulutan ako na yakapin ang pag-ibig at kagalakan. Panindigan Ang Iyong Resolusyon Ang landas ay hindi salat sa tinik, ngunit ang biyaya ng panalangin ang nagbigay sa akin ng lakas at katatagan upang magtiyaga. Napagtanto ko na ang paglalakbay na ito ay hindi lamang tungkol sa paninindigan sa isang resolusyon—ito ay tungkol sa pagyakap sa isang buhay na tinatanglawan ng nagniningning na liwanag ng pananampalataya. Ang pagkamaalinsunod sa pagdadasal ay may mahalagang papel sa aking paglalakbay sa paghilom at pagpapanibago. Madalas ay nahihirapan akong panatilihin ang bagong ugaling ito sa gitna ng mga pakikibaka at pang-abala sa buhay. Heto ang ilang mga payo na nakatulong sa akin na makapaglimi at mapanatiling buhay ang aking resolusyon: 1. Magtakda ng Kagalang-galang na Oras: Magtalaga ng tiyakang oras ng araw na pinakamainam para sa iyo na manalangin nang palagian. Maaaring sa umaga bago magsimula ang kaguluhan ng maghapon, sa tahimik na pamamahinga sa tanghalian, o sa gabi upang pag-isipan ang nagdaang araw. Ang nakatalagang oras na ito ay makakatulong sa pagbuo ng isang gawi. 2. Lumikha ng Kagalang-galang na Lugar: Magtalaga ng isang natatanging lugar para sa panalangin, maging ito man ay isang maaliwalas na sulok sa iyong tahanan, simbahan, o isang natural na lugar sa may labas. Ang pagkakaroon ng nakalaang espasyo ay nakakatulong upang makalikha ng isang ugnayan sa kabanalan at kapayapaan. 3. Pakinabangan ang mga Panulong sa Pananalangin: Isama ang mga pantulong sa panalangin tulad ng pahayagan, rosaryo, o mga espirituwal na aklat. Ang mga gamit na ito ay maaaring mapahusay ang iyong karanasan sa pagdadasal at panatilihin kang nakatutok, lalo na kapag ang mga abala ay nagbabanta na hilahin ka papalayo. 4. Maghangad ng Pananagutan: Ibahagi ang iyong resolusyon sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya na makakagabay sa iyo sa iyong paglalakbay at magpapaalala sa iyo sa pananagutan mo. Ang pagkakaroon ng taong makakasama mo sa iyong pag-unlad at pakikibaka ay ng mapagkukunan mo ng pampasigla. Pagharap Sa Unos Ngayon, habang iniisip ko ang napakahalagang taon na iyon at ang mga sumunod pang iba, napupuno ako ng matinding kagalakan. Ang sakit na minsang bumihag sa akin ay naging bukal ng lakas, habag, at mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ang mga peklat ay nananatili, ngunit ngayon ang mga ito ay patunay ng biyaya na gumabay sa akin sa pagharap sa unos. Habang tayo ay nakatayo sa bukana ng bagong taon, hinihikayat ko kayong yakapin ang kapangyarihan ng dasal sa inyong buhay. Ito ay isang gabay ng pag-asa, isang mapagkukunan ng kaginhawaan, at isang kaligtasan sa pinakamadilim na panahon. Anuman ang iyong maging pasiya, nawa'y ang mga ito ay puno ng pananalangin at sagana sa pananampalataya, batid na ang biyaya ng Diyos ay gagabay sa iyo sa bawat hakbang ng daan.
By: Sharon Justine
MoreT – Bakit kinailangang mamatay ni Hesukristo para sa atin? Tila malupit na hihilingin ng Ama ang kamatayan ng Kanyang bugtong na Anak para mailigtas tayo. Wala na bang ibang paraan? A – Alam natin na pinatawad tayo ng kamatayan ni Hesus sa ating mga kasalanan. Ngunit kailangan ba ito, at paano nito naisakatuparan ang ating kaligtasan? Pag-isipan ito: kung susuntukin ng isang mag-aaral sa paaralan ang kanyang kaklase, ang natural na kahihinatnan ay isang tiyak na parusa—marahil ay detensyon, o maaaring masuspinde. Pero kung susuntukin ng estudyanteng iyon ang isang guro, mas matindi ang parusa—marahil ay baka mapatalsik sa paaralan. Kung susuntukin ng parehong estudyante ang Presidente, malamang na makulong siya. Depende sa dignidad ng kung sino ang nasaktan, mas matindi ang kahihinatnan. Ano, kung gayon, ang magiging kahihinatnan ng pagkakasala sa buong kabanalan, buong mapagmahal na Diyos? Siya na lumikha sa iyo at sa mga bituin ay nararapat lamang na pakamahalin at sambahin at sa lahat ng Nilikha—kapag sinaktan natin Siya, ano ang natural na kahihinatnan? Walang hanggang kamatayan at pagkawasak. Pagdurusa at pagkalayo sa Kanya. Kaya, may utang tayong kamatayan sa Diyos. Ngunit hindi natin ito mababayaran—dahil Siya ay napakabuti, ang ating paglabag ay nagdulot ng walang katapusang bangin sa pagitan natin at Niya. Kailangan natin ng isang taong walang hanggan at perpekto ngunit tao rin (dahil kailangan niyang mamatay para bayaran ang utang). Tanging si Hesu-Kristo lamang ang angkop sa paglalarawang ito. Nang makita tayong naiwan sa isang hindi mabayarang utang na hahantong sa walang hanggang kapahamakan, dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig, Siya ay nagkatawang tao nang lubusan upang mabayaran Niya ang ating utang para sa atin. Ang dakilang teologo na si Saint Anselm ay sumulat ng isang buong detalyadong paksa na pinamagatang, Cur Deus Homo? (Bakit naging Tao ang Diyos?), at naghinuha na ang Diyos ay nagkatawang tao upang mabayaran Niya ang ating utang na hindi natin kayang bayaran, upang maibalik tayo sa Diyos sa pamamagitan ng isang Tao na Siya mismo ang perpektong pagkakaisa ng Diyos at sangkatauhan. Isaalang-alang din ito: kung ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay, at ang kasalanan ay nangangahulugan na tayo ay tumalikod sa Diyos, ano ang ating pipiliin? Kamatayan. Sa katunayan, sinabi ni San Pablo na “Sapagka't kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon” (Roma 6:23). At ang kasalanan ay nagdudulot ng kamatayan sa buong katauhan. Nakikita natin na ang pagnanasa ay maaaring humantong sa mga STD at mga wasak na puso; alam natin na ang katakawan ay maaaring humantong sa isang hindi malusog na pamumuhay, ang inggit ay humahantong sa kawalang-kasiyahan sa mga kaloob na ibinigay sa atin ng Diyos, ang kasakiman ay maaaring maging sanhi ng labis na pagtratrabaho at pagpapakasawa sa sarili, at ang pagmamataas ay maaaring masira ang ating relasyon sa isa't isa at sa Diyos. Ang kasalanan, kung gayon, ay tunay na nakamamatay! Kinailangan ng kamatayan, kung gayon, upang maibalik tayo sa buhay. Gaya ng sinabi ng isang sinaunang homiliya ng Sabado Santo mula sa pananaw ni Hesus, “Tingnan mo ang dumura sa aking mukha, upang maibalik ka sa unang banal na paghinga at paglikha. Tingnan ang mga suntok sa aking mga pisngi, na tinanggap ko upang muling iayos ang iyong baluktot na anyo sa aking sariling imahe. Tingnan mo ang paghampas sa aking likod, na aking tinanggap upang ikalat ang pasan na iyong mga kasalanan na nakapatong sa iyong likod. Tingnan mo ang aking mga kamay na ipinako sa puno para sa isang mabuting layunin, para sa iyo, kung sinong nag-unat ng iyong kamay sa puno para sa isang masama." Sa wakas, naniniwala ako na ang Kanyang kamatayan ay kinakailangan upang ipakita sa atin ang lalim ng Kanyang pagmamahal. Kung tinusok lang Niya ang Kanyang daliri at nagbuhos ng isang patak ng Kanyang Mahal na Dugo (na sapat na para iligtas tayo), iisipin natin na hindi Niya tayo gaanong minahal. Ngunit, tulad ng sinabi ni San Padre Pio: "Ang patunay ng pag-ibig ay ang magdusa para sa mahal mo." Kapag namasdan natin ang hindi kapani-paniwalang pagdurusa na tiniis ni Hesus para sa atin, hindi tayo magdududa kahit isang sandali na mahal tayo ng Diyos. Mahal na mahal tayo ng Diyos kaya mas gugustuhin pa Niyang mamatay kaysa magpalipas ng walang hanggan na wala tayo. Bilang karagdagan, ang Kanyang pagdurusa ay nagbibigay sa atin ng kaginhawahan at kaaliwan sa ating pagdurusa. Walang paghihirap at sakit na maaari nating tiisin na hindi pa Niya naranasan. May masakit ba sa iyong katawan? Gayon din Siya. Masakit ba ulo mo? Ang kanyang Ulo ay kinoronahan ng mga tinik. Nakaramdam ka ba ng pag-iisa at pagka-iwan? Iniwan Siya ng lahat ng Kanyang mga kaibigan at itinanggi Siya. Nahihiya ka ba? Hinubaran siya para tuyain ng lahat. Nakikipaglaban ka ba sa pagkabalisa at takot? Siya ay sobrang nabahala kaya pinagpawisan Siya ng dugo sa Hardin. Nasaktan ka na ba ng iba na hindi mo kayang magpatawad? Hiniling Niya sa Kanyang Ama na patawarin ang mga lalaking nagpapako sa Kanyang mga kamay. Pakiramdam mo ba ay pinabayaan ka ng Diyos? Si Hesus mismo ay sumigaw: “O Diyos, Diyos ko, bakit Mo Ako pinabayaan?” Kaya hinding-hindi natin masasabi: “Panginoon, hindi mo alam ang pinagdadaanan ko!” Sapagkat Siya ay puwedeng laging tumugon: “Oo, ginagawa ko, mahal kong anak. Nanggaling na ako doon—at kasama mo ako ngayon sa paghihirap." Napakalaking kaginhawahang malaman na inilapit ng Krus ang Diyos sa mga nagdurusa, na ipinakita nito sa atin ang lalim ng walang katapusang pag-ibig ng Diyos sa atin at ang napakalaking pagsisikap na Kanyang gagawin upang iligtas tayo, at nabayaran nito ang utang ng ating mga kasalanan upang tayo ay makatayo sa harapan Niya, pinatawad at tinubos!
By: PADRE JOSEPH GILL
MorePabalik na si Padre Jerzy sa Warsaw matapos mag-alay ng Misa. Pinahinto ng tatlong opisyal ng serbisyo sa seguriday ang sasakyan, kinuha ang susi, at kinaladkad siya palabas. Marahas siyang pinaghahampas ng mga opisyal, ikinulong sa likudan ng sasakyan, at rumagada na kasama siyang nasa loob. Ang tsuper ay tumakbo sa lokal na simbahan upang ipaalam sa mga may- kapangyarihan ang pangyayari. Samantala, nagsimulang sumigaw si Jerzy at muntik nang mabuksan ang likudan. Nang mapuna ang panganib, agad na inihinto ng mga mama ang sasakyan upang isara ang likudan, ngunit nakatakas siya at tumakbo sa kakahuyan. Sinundan siya at nahuli sa bandang huli, pagkatapos ay nagtungo sa imbakang-tubig ng Vistula River kung saan si Jerzy ay mahigpit na itinali. Ang mga damit ay ipinalaman sa kanyang bibig at nakaplaster ang ilong. Matapos itali ang kanyang mga paa sa isang bag ng mga bato, itinapon nila siya sa imbakang-tubig. Ito ang pangalawang pagtatangka sa kanyang buhay sa loob ng anim na araw. Ang Polish na paring ito ay inordenan noong ika-28 ng Mayo 1972, sa katindhain ng rehimeng Komunista. Ang unang larawan ng kanyang Misa ay naglahad ng di malilimutang mga salita: "Ipinadala ako ng Diyos upang maipangaral ko ang Ebanghelyo at pagalingin ang mga pusong sugatan." Ang kanyang buhay-pagkapari ay tunay na saksi ng mga salitang ito. Tinaguyod niya ang mga naaapi at nangaral ng sermon na nagpapaliwanag sa mga umiiral na mahirap na kalagayang pampulitika sa pamamagitan ng pagpapakilala ng Ebanghelyo, na kaagad ay naging isa sa mga pangunahing asinta ng pamahalaan. Ang mga pagtatanong, maling paratang, at pagdakip ay nangyari nang madaming ulit, ngunit kahit na sa kanyang huling pangaral, ang pasiya niya ay ang"magdasal upang tayo ay malaya sa takot, pananakot, at higit sa lahat, pagkauhaw sa paghihiganti at karahasan." At kasama nito, buong tapang siyang lumakad patungo sa kanyang pagkamartir nang walang takot o galit! Sampung araw matapos ang pangyayari, noong Oktubre 29, ang kanyang halos hindi na makilalang katawan ay natagpuan sa ilog .Noong ika-2 ng Nobyembre, nang ang kabataang mandirigmang ito na sa wakas ay inihimlay, humigit-kumulang na 800,000 katao ang dumating upang magpaalam sa kanya. Siya ay taimtim na hinayag na Santo sa harap ng kanyang 100-taong-gulang na ina noong 2010, at inalala bilang "isang pari na tumugon sa mga tanda na natanggap mula sa Diyos at sa loob ng madaming taon, ay naging nahinog sa edad para sa kanyang pagiging martir.” Nawa'y ang martir na ito, na matatag na nagtanim ng Katolisismo sa kanyang sariling bayan, ay magbigay ng inspirasyon sa atin na mag-alab para sa Kaharian ng Diyos, hindi lamang sa kamatayan kundi maging sa buhay.
By: Shalom Tidings
MoreAng Pasko ay sinasamahan ng pagkakaroon ng mga handog para sa bawa’t isa, ngunit ang handog ba ang talagang may kinalaman? Palakdaw-lakdaw na nag-uusisa noong mga taóng lumipas sa isang tindahan ng Kristiyanang mga aklat kasama ng aking kasintahan ng panahong yaon, ang mga mata namin ay lumapag sa iisang larawan nang sabayan sa yaong tagpo. Ito’y isang malaki't makulay na paglalarawan ni Hesus na pinamagatang The Laughing Christ; na may ulo Niyang di-gaanong nakatapong pabalik, nakalugaygay nang kaunti ang madilim na kayumangging buhok na kumukulot, mga matang nangingislap sa tuwa! Ito’y ganap na kabigha-bighani! Nakita namin ang aming sarili na nakatitig sa di-gaanong tuwid na ngiti sa ilalim ng paksa ng kaakit-akit na tanaw ng larawan. O, sadyang nakaaanyaya! Sadyang nakatatanggap! Pagkaakit-akit! Sa pagsulyap mula sa pagkakawig na ito tungo sa isa’t isa, napamahagi namin ang pananabik na nadama ng isa’t isa sa pagtuklas nitong kakaibang pagpapakita ng tao na kapwa naming nakilala at napagkakatiwalaan sa huling mga ilang taon. Kaming dalawa'y napalaki nang may mga estatwa at mga larawan ni Hesus sa aming kinaukulang mga tahanan, ngunit Siya ay palaging naisasalarawan na bilang taimtim, tila nakahiwalay sa buhay na karaniwan alam namin. Bagama’t pinaniwalaan namin na ang taong ipinapakita sa mga larawang ito ay tunay na nanahan sa lupang ito at mandi’y nagdasal sa Kanya kapag mayroon kaming pangangailangan, ang panarili naming mga pananampalataya ay kamakailan lamang ay naging napakatunay… napakabuháy, pati. Itong sapantaha ng pintor ay napaaninag na paano ang Panginoon sa kapwa naming pagtuklas ay magiging sino Siya sa aming mga buhay—isang taong kasama naming mapagbabahaginan ng aming buhay, isang taong nagmahal sa amin sa paraang hindi pa namin nalalaman noong dati, isang taong nagpahayag ng Kanyang sarili nang kami’y nagdasal. Bilang kinahinatnan, ang aming pag-unawa ng Diyos ay nagbago mula sa pawang pangkatalinuhang pagsang-ayon ng Kanyang pag-iral tungo sa isang karanasan ng isang buháy, tumutugon at kahanga-hangang kaibigan; aming pinakamabuting kaibigan. Kahit sa paglisan namin ng tindahan pagkalipas ng ilang sandali, ang aming masiglang pag-uusap ng paglalarawang ito ay nagpatuloy. Ginapi nito ang aming mga puso, kahit wala sa aming dalawa ang nag-akmang bilhin ito. Matapos akong makauwi, nalaman kong dapat na balikan at bilhin ko itong larawan. Lumipas ang ilang mga araw, yao'y alinsunod na ginawa ko, maingat na ibinalot ito, at sabikang naghintay para sa pagsapit ng Pasko. Handog ng Karangalan Ang mga araw ay lumipas hanggang sa wakas, Bisperas na ng Pasko. Kasama ng mga pamaskong awit sa paligid, umupo kami sa sahig katabi ng masukal na huwarang pamaskong puno na inialay sa akin ng ina ko. Nang ibinigay ko ang aking handog sa aking sinisinta, naghintay ako nang may pag-aasam na marinig ang pagkalugod niya habang kanyang tinitiktikan ang bagong relo, ito’y inilagay ko sa paa ng pinalamanang maliit na munting laruang aso na listong magdadala ng orasan. Isang paungot na 'salamat' ang narinig kong sagot lamang. Hindi bale, hindi yaon ang handog na alam kong magiging ganap. Ngunit dapat munang buksan ko ang kanyang handog sa akin. Habang inaabot ko upang tanggapin ito, ako’y bahagyang natuliro. Ito’y napakalaki, parihaba, at patag. Nang sinimulan kong buksan ito, hinihila ang pambalot na papel paalis mula sa regalo, nakita kong biglaan ang… aking larawan?! Kagaya ng binili ko nang palihim para sa kanya? Oo,yaon nga ito! The Laughing Christ. Ang larawang naibigan ko nang labis ngunit sa halip na maging galak, ako’y nabigo. Ito ang dapat na regalo niya. Ang tanging alam kong ganap na ninais niya. Sinubukan kong itago ang aking pagkabigo, lumalapit upang bigyan siya ng halik habang pinahahayag ko ang aking paghahalaga. Pagkaraa'y inilalabas ko ang aking regalong naibalot ko nang maingat na ikinubli ko sa puno, ibinigay ko ito sa layon ng aking pag-ibig. Binuksan niya ito, pinipilas nang mabilis ang papel, ipinakikita ang laman ng pakete. Ang mukha niya ay may-pagkamasaya… o hindi ba? O kaya ito'y bahagyang yukayok tulad ng hitsura ng aking mukha kung hindi ko ito pinaghirapang ikubli sa pagkabigo ko mula sa kanya noong pagkakataon ko nang buksan ang isang handog? Ay naku, kusa naming winika ang tamang mga salita, mangyari pa, ngunit kahit papaano ay natanto namin na ang mga handog na tinanggap mula sa isa’t-isa’y hindi makahulugang napalapit sa aming inaasahan. Ang paghahandog ng yaong regalo ang kapwa naming pinaghandaan nang lubusang pag-aabang. Ipinaaninag nito ang Kristo na kapwa naming naranasan at ang aming hangad na ipamahagi kung sino ang bawa’t isa sa amin na narating upang makilala. Yaon ang kung saan natagpuan ang ligaya, hindi sa pagkakaroon ng pagtatagpo ng mga nais, ngunit ang pagtutupad ng mga nais ng iba. Sa takdang panahon, ang ugnayan ko sa binatang yaon ay nagwakas. Habang ito’y masakit, ang maligayang larawan ni Hesus ay patuloy na sumakop sa isang bahagi ng karangalan sa aking pader. Ngayon, ito’y higit pa bilang isang paglalarawan, at lalong higit pa sa isang lalaki lamang. Ito’y nananatili bilang isang tagapaalala ng Isa na kailanma’y hindi ako lilisanin, ang Isa na may pakikipag-ugnayan sa akin, ang Isa na magpapawi ng mga luha ko nang maraming ulit sa mga taóng dumaraan. At higit sa yaon, ang Isa na gayong pagmumulan lagi ng tuwa sa aking buhay. Matapos ang lahat, Siya ang buhay ko. Yaong mga matang lukot ay nakilala ang mga akin. Pagkaraan, yaong nakakaakit na ngiti ay inanyayahan ang mga sulok ng aking bibig na humilang pataas. At sa ganoon lamang, ako’y tumatawa katabi ng aking Pinakamabuting Kaibigan.
By: Karen Eberts
MoreHindi ko alam ang kanilang wika o ang kanilang emosyonal na dinaramdam...Paano ako makikipag-ugnay sa kanila? Noong Huwebes, Pebrero 22, 2024, ay ang isang araw na hindi ko malilimutan. Ika- 05:15 ng umaga, kasama ang ilan sa aking mga kasamahan sa Catholic Social Services, hinintay ko ang pagdating ng 333 mga takas mula sa Ethiopia, Eritrea, Somalia, at Uganda. Ang Egyptian Airlines ay pinagkatiwalaang ilipad sila sa Entebbe, Uganda, patungong Cairo, Egypt, at sa wakas sa kanilang Canadian punto ng pagpasok , Edmonton. Bigla, ang mga pinto sa kabilang dulo ay bumukas at ang mga pasahero ay nagsimulang magsilakad patungo sa amin. Hindi malaman kung paano magsalita ng kanilang mga wika, nakaramdam ako ng matinding kahinaan ng loob. Paano kaya mangyaring ako, na isang may kakayanan, na isinilang sa Canada, isang hindi kailanman gumugol ng isang sandali sa isang kampo ng mga takas , ay makakayang batiin ang pagod, umaasa, at nangangambang mga kapatid na babae at lalaki sa paraang makapagsasabing: "Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan" ...? Tinanong ko ang isa sa aking mga kasamahan na nagsasalita ng limang wika: “Ano ang masasabi ko?” "Sabihin mo lang, Salam, sapat na iyon." Habang sila'y papalapit, sinimulan kong sabihin: "Salam" habang may ngiti sa aking mga mata. Napansin ko na madami ang yuyuko at ilalagay ang kanilang kamay sa tapat ng kanilang puso. Sinimulan kong gawin ang kaparis. Habang papalapit ang isang kabataang mag-anak na may 2-5 anak, yumuko ako kapantay ng kanilang taas at nag-alok ng tanda ng kapayapaan. Kaagad, tumugon sila ng isang malaking ngiti, ibinalik ang tanda ng kapayapaan, tumakbo sa akin, tumingala gamit ang kanilang napakarilag na kayumangging mga mata, at niyakap ako. Kahit na sa pagkukuwento ko sa mga mahahalagang sandaling ito, naluluha ako. Hindi kailangan ng isang tao ang wika upang mailahad ang pagmamahal. "Ang wika ng Espirito ay ang wika ng puso." Pag-aabot Ng Kamay Matapos maipila ang lahat sa Bulwagan ng Adwana nagsibaba ang aming pangkat at nagsimulang mamigay ng mga bote ng tubig, granola bar , at mga dalandan. Napansin ko ang isang nakatatandang babaeng Muslim, marahil 50-55 taong gulang, na nakayuko sa kanyang troli, sinusubukang itulak ito. Nilapitan ko siya at binati ng 'Salam' at ngumiti. May pa-senyas , sinubukan kong magtanong kung maari ko bang tulungan syang itulak ang troli. Umiling siya: “Hindi.” Anim na oras ang lumipas, sa labas ng Bulwagan ng Adwana , ang mga tao ay nakaupo sa iba't ibang dakong nakakordon; 85 na lang ang matitira sa Edmonton at naghihintay ng pamilya o mga kaibigan para sila'y salubungin at maiuwi. Ang ilan ay sasakay ng bus upang dalhin sa ibang mga lungsod o bayan, at ang iba ay magdamag sa isang hotel at lilipad sa kanilang huling paroroonan kinabukasan. Para doon sa mga isasakay sa bus patungo sa ibang mga lungsod sa Alberta, apat hanggang pitong oras na biyahe ang naghihintay sa kanila. Ang nakatatandang babaeng Muslim na nakita ko sa Bulwagan ng Adwana , natuklasan ko, ay lilipad patungong Calgary kinabukasan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, at ang buong mukha niya ay nagningning. Habang papalapit ako sa kanya,sabi niya sa putol-putol na Ingles: "Mahal mo ako." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, tumingin sa kanyang mga mata, at sinabi: "Oo, mahal kita at mahal ka ng Diyos/Allah." Ang babaeng katabi niya, na natuklasan kong anak nya, ay nagsabi sa akin: “Salamat. Ngayon ay masaya na ang ina ko." May luha ang mga mata, pusong puno ng kagalakan, at pagod na pagod na mga paa, nilisan ko ang Edmonton International Airport, lubos na nagpapasalamat sa isa sa pinakamagagandang karanasan ng aking buhay. Maaaring hindi ko na siya makakatagpong muli, ngunit lubos akong nakakatiyak na ang ating Diyos na ang sagisag ng magiliw, mahabagin na pag-ibig ay ginawa itong nakikita at nasasalat para sa akin sa pamamagitan ng aking magandang kapatid na Muslim. Noong 2023, mayroong 36.4 milyongmga takas na naghahanap ng bagong tinubuang-bayan at 110 milyong tao ang lumikas dahil sa digmaan, tagtuyot, pagbabago ng klima, at higit pa. Araw-araw, nakakadinig tayo ng mga komento tulad ng: "Magtayo ng mga pader," "Isara ang mga hangganan," at "Ninanakaw nila ang aming mga trabaho." Umaasa ako na ang aking salaysay, sa maliit na paraan, ay makakatulong sa mga tao na higit na maunawaan ang eksena ng Mateo 25. Tinanong ng mga matuwid si Hesus: “Kailan, Panginoon, Diyos, namin ginawa ang lahat ng ito para sa Iyo?” at sumagot Siya: “Sa tuwing inyong ginawa sa isa dito sa Aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ginawa ninyo ito sa Akin.”
By: Sr. Mary Clare Stack
MoreNagdatingan ang mga krus nang sunod-sunod, ngunit ang awa ng Panginoon ay hindi kailanman nabigo sa mag+anak na ito! Nagsilang ako sa aking panganay sampung taon na ang lumipas, at kami ay tuwang-tuwa! Naaalala ko pa ang araw; tuwang-tuwa kaming malaman na ito ay isang sanggol na babae. Hindi ako makapagpasalamat ng sapat sa Panginoon para sa Kanyang mga pagpapala sa aking mag-anak. Tulad ng bawat ina, pinangarap kong bumili ng mga nakatutuwang baro, ipit, at booties para sa aking maliit na manika. Pinangalanan namin siyang ‘Athalie,’ ibig sabihin ay ‘Ang Diyos ay dakila.’ Pinupuri namin ang Diyos dahil sa Kanyang magandang regalo. Lingid sa aming kaalaman na di magtatagal ang kagalakan namin ay mauuwi sa matinding kalungkutan o na ang aming panalangin ng pasasalamat ay mapapalitan ng mga pagsamo sa Kanyang awa para sa aming pinakamamahal na sanggol. Sa apat na buwang gulang, siya ay nagkasakit ng malubha. Sa dami ng pagsalakay ng seizure, iiyak siya ng ilang oras at hindi makatulog o makakain nang maayos. Matapos ang madaming pag-eksamen, nasuri siyang maykapansanan sa utak; nagdurusa din siya sa isang pambihirang uri ng malubhang childhood epilepsy na tinatawag na 'West Syndrome,' na lumiligalig sa isa sa bawat 4,000 na bata. Pabalik-balik Na Bagyo Ang pagsuri ay lubhang nakakagitla at nakakasugat ng puso para sa amin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bagyo. Ninais kong maging manhid ang aking puso sa kirot na dinadanas ko. Madaming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko. Ito ay simula pa lamang ng isang mahaba at mahirap na paglalakbay na kailanman ay hindi ako nakahandang akuin. Ang aking sanggol na babae ay patuloy na dumadanas ng mga seizure sa loob ng halos dalawa at kalahating taon. Sinubukan ng mga doktor ang madaming gamot, masakit na turok, at araw-araw na pagsusuri ng dugo. Ilang oras siyang iiyak at ang tanging magagawa ko lamang ay humiling na ipataw ng Diyos ang Kanyang awa sa aking anak. Pakiramdam ko ay wala akong magawa dahil hindi ko siya mabigyang-ginhawa sa anumang paraan. Ang buhay ay parang isang malalim at madilim na hukay ng paghihirap at kawalan ng pag-asa. Ang kanyang mga seizure sa kalaunan ay humupa, ngunit siya ay dumanas ng madaming pagkaantala sa pag-unlad. Habang umuusad ang paglalapat-lunas sa kanyan, isa pang nakakasindak na balita ang bumalot sa aming mag-anak. Ang aming anak na si Asher, na may pagkaantala sa pagsasalita at mga isyu sa pag uugali, ay nasuri na may mataas na gumaganang autism sa gulang na tatlo. Kami ay nasa bingit ng kawalang pag-asa; ang buhay ay naging napakabigat para sa amin bilang mga bagong magulang. Hindi maiintindihan o mararamdaman ng isa ang sakit na aming pinagdadaanan. Nakadama kami ng lungkot at pagka-aba. Gayunpaman, ang panahong ito ng kalungkutan at ang mapighating mga araw ng pagiging ina ay nagpalapit sa akin sa Diyos; Ang Kanyang Salita ay nagdulot ng kaginhawahan sa aking pagod na kaluluwa. Ang kanyang mga pangako, na binabasa ko ngayon nang may mas malalim na kahulugan at mas buong pang-unawa, ay nagpaganyak sa akin. Sulat-kamay Na May Patnubay Ng Espirito Iyon ay sa masalimuot na panahon ng aking buhay na hinayaan ako ng Diyos na magsulat ng mga blog na puno ng pananampalataya at nakakaganyak para sa mga taong dumadanas ng mga hamon at paghihirap na katulad ng sa akin. Ang aking mga artikulo, na sumibol mula sa mga pang-araw-araw kong debosyon, ay nagbahagi ng mga hamon ng kakaibang pagiging magulang at naglakio ng mga karanasan at pananaw ko sa buhay. Ginamit ng Diyos ang aking mga salita upang pagalingin ang madaming namimighating kaluluwa. Ako ay tunay na nagpapasalamat sa Kanya sa pagpaikot sa aking buhay na maging isang kapaki-pakinabang na sisidlan para sa Kanyang pag-ibig. Sasabihin ko na ang desperasyon sa karamdaman ng aming anak na babae ay nagpatibay sa pananampalataya ng aming mag-anak sa Diyos. Habang kami ng aking asawa ay nakipagsapalaran sa di- batid na landas ng naiibang paglalakbay na ito bilang magulang, ang kinailangan naming panghawakan ay ang mga pangako ng Diyos at ang pananampalataya sa aming mga puso na hindi kami iiwan o pababayaan ng Diyos. Ang dating tila mga tambak ng abo ay nagsimulang maging ganda ng kalakasan habang iniabot ng Diyos ang Kanyang biyaya, kapayapaan, at kagalakan sa amin sa panahon ng napakasakit at madilim na panahon ng aming buhay. Sa pinakamalungkot na sandali, ang paggugol ng oras sa Kanyang paanan ay nagdulot sa amin ng panibagong pag-asa at lakas ng loob upang sumulong. Tinugon Na Mga Panalangin Matapos ang mga taon ng paggagamot at walang katapusang mga panalangin, umayos na ngayon ang mga kombulsyon ni Athalie, ngunit patuloy siyang nagkakaroon ng malubhang anyo ng cerebral palsy. Hindi siya makapagsalita, makalakad, makakita, o makaupo nang mag-isa at lubos na umaasa sa akin. Kalilipat kamakailan lang sa Canada mula India, ang aming mag-anak ay kasalukuyang tumatanggap ng pinakamahusay na paggagamot. Ang malaking kaunlaran sa kanyang kalusugan ay ginagawang mas makulay ang aming buhay. Si Asher ay nasa labas na ng pagbukod-bukod, at siya ay ganap nang nakahabol sa kanyang pananalita. Matapos ang unang pagtanggi sa kanya ng madaming paaralan dahil sa kanyang kawalan ng sigasig, siya ay nag-aral sa bahay hanggang ikalimang baytang. Bagama't nagpapakita siya ng ilang tanda ng ADHD, sa awa ng Diyos, nakalista na siya ngayon sa ika anim na baytang sa isang pribadong paaralang Kristyano. Isang mahilig sa aklat siya ay nagpapakita ng kakaibang interes sa solar system. Nais na nais niyang matuto tungkol sa iba't ibang bansa, sa kanilang mga bandila, at mga mapa. Bagama't ang buhay ay puno pa din ng mga hamon, ang pag-ibig ng Diyos ang nagtutulak sa amin na maging magulang ng aming mga anak nang may pagmamahal, tiyaga, at kabutihan. Sa patuloy na pagyakap sa pananalig namin kay Hesus at pagtahak ng kakaibang landas na ito ng espesyal na pangangailangan ng pagiging magulang , naniniwala ako na may mga pagkakataon na mayroong mga dagliang sagot sa aming mga panalangin, at ang aming pananampalataya ay nagsisilbi at nagdudulot ng mga bunga. Ang mga panahong iyon, ang lakas at kapangyarihan ng Diyos ay ipinahayag sa ano mang ginagawa Niya para sa amin—ang tiyak na sagot sa aming mga panalangin. Sa ibang mga pagkakataon, ang Kanyang lakas ay patuloy na tumatanglaw sa amin, tinutulungan kaming matiis ang aming dinaramdam nang may katapangan, hinahayaan kaming madanasan ang Kanyang mapagmahal na awa sa aming mga paghihirap, ipinapakita sa amin ang Kanyang kapangyarihan sa aming mga kahinaan, tinuturuan kami na paunladin ang kakayahan at karunungan na tanggapin ang mga tamang hakbang, binibigyan kami ng kapangyarihan na magkuwento ng Kanyang lakas, at hinihikayat kaming saksihan ang Kanyang liwanag at pag-asa sa gitna ng mga paghamon.
By: Elizabeth Livingston
More