Home/Makatawag ng Pansin/Article

Nov 19, 2021 2576 0 Teresa Ann Weider, USA
Makatawag ng Pansin

ISANG KAKAIBANG DISKARTE SA MGA RESOLUSYON SA BAGONG TAON

Madalas na tayo ay mabusisi sa paglista ng mga resolusyon; ngunit bigo natin silang nagagampanan.  Paano kaya kung mayroong pagkakaiba ng diskarte sa ngayon?

Naaanod na Walang Patutunguhan

Sa ganitong panahon ng taon, ang pakiramdam na ang aking buhay ay inaanod ay isang taunang pangyayari.  Ang katapusan ng isang taon at ang simula ng isa pa, ay di-maiwasang dinala ako upang pagnilayan ang mga pagbabagong kailangan kong gawin sa buhay at sa sarili.  Gayunman, ang mga nalalabing linggo patungo sa taon, ang mga pang-bagong taong resolusyon ay nabawasan ng kahalagahan.  Ang sigla na idinulot nitong mga intensyon sa akin nuong ika-31 ng Disyembre at hanggang Enero ay nagsimulang umunti nang kusa.  Lagi kong inaasam-asam na ipatuloy ang aking pakikipagsapalaran ng kabanalan at mapa-igi ang aking sarili, ngunit napakadalas na ako ay basta lamang natitigil.  Kahit naroon pa rin ang mabubuting intensyon, at alam na kung papaanong mangyayari ito at pananatilihin ang mga ito, madalas na ako ay napapalayo.  Sa matalinghagang pananalita, naramdaman kong tila ako’y nakapirmi o umaanod nang walang patutunguhan.

Bilang isang may kagiliwan sa pagsusulat, ang Diyos ay may paraan ng pananalita ng wika ng aking puso.  Isang gabi makalipas ang mga ilang taon,  habang ang karaniwang katamlayan matapos dumaan ang Bagong Taon, ay nakapabibigat sa aking puso, isang tula ay tila umagos mula sa puso ko bilang sagot sa aking dalagin.

 

Ako At Ang Aking Sarili

May isang barkong naka-angkla
Sa gitna ng dagat na malalim at tahimik,
Ang dumating lamang na mga lulan ay
Ako at ang Aking Sarili
Nagsi-upo kami at minasdan ang bawat takip-silim
Na may katahimikan, hindi tinig.
Inakala kong mayroong bumulong
At tumayo ako upang mag-masid sa paligid.

Isang píling ang pumuno sa hangin ng gabing yaon.
Na walang nakakita sino man sa amin.
Ang pabilin nito ay para sa sumusunod:
Ako at ang Aking Sarili.

Bumasag sa kadiliman ng gabi ang aking tinig
Sinabi ko sa aking sarili,
Paano’t tayo’y nakaupo pa rin?
Tuluyang nawala natin ang tadhanang minimithi.

Sinabihan ko ang aking sarili na umugit.
Upang maghanda  sa aking paglakbay.
Sinunggaban ko ang timon ng kapitan
Upang patnubapan kami sa pagtawid ng  karagatan.

Ang barko ay hindi gumalaw.
Nanatiling nakaupo ako sa gitna ng dagat.
May hangad kaming pagalawin siya.
Ngunit ako at ang aking sarili ay hindi sapat.

Isang bulong ay muling nagpadinig,
At isinaad itong mga salita sa akin
“Tumawag ka sa hangin upang humingi ng saklolo,
Ang lakas nito ay makapagpapalaya’t makapagpapahayo!”

Ako at ang aking sarili ay naghawakan ng mga kamay.
Habang nakaluhod, kami ay nagsiyuko.
Hiniling namin sa Espiritu sa hangin
“Sa pagtawid ng karagatan, kami ay tulungan Mo!”

Nakadama kami ng pagbabago, ng pagkilos
Ano kaya ang dadaanan namin?
Ang barko, ito ay lumiko sa hangin
Upang dumausdos nang walang hirap na lubos.

Ang patutunguhan ay di namin alam
O gaano kaalon ang karagatan.
Tiwala sa Espiritu ang kailangang manatili
Upang patnubayan kami,

Ako at ang Aking Sarili.

 

Isang Tawag Lamang

Ang unang pagsulat nitong tula ay bilisang lumabas sa aking pluma; karaniwang hindi ako makapagsulat nang katamtamang bilis upang makasubaybay sa mensahe na nais ng Diyos na pagnilayan ko. Kung makita mo, para sa dakilang bahagi ng aking buhay itinuring ko ang Diyos na pangsarili kong napakagandang plano sa seguro.  Ang mga pagpapasya na may kinalaman sa buhay ko ay akin upang gawin at kung may bagay na hindi nauukol, ako’y tatawag sa Kanya upang makawala ako sa pagkakagapos.  Ako ay tatawag sa Kanya tulad ng ginagawa ko sa aking ahente ng seguro.  Alam kong nariyan Siya, ngunit tilang hindi nararapat na abalahin Siya ng mga karaniwang pang-araw-araw na pagpapasya.  Ito ay tila ganito:  Natutuwa ako’t ang aking ahente ay nariyan sa isang tawag ko lamang, ngunit hindi ko siya kailangang nakikipag-maneho sa loob ng aking sasakyan sa bawat araw.

Sinabi ng mundo na ako ang kapitan ng aking sariling barko, ngunit habang ang bawat taon ay dumaraan, napagtanto ko na hindi ko pag-aari ang sarili kong kumpas.  Isang ulok na pag-iisip!  Bukod pa rito, hindi ko alam kung papaanong maglayag.  Hindi ko alam ang unang bagay tungkol sa paglayag o pagtakda ng lakbay pasulong sa mga maalong tubig!  Itong maling uri ng pag-iisip ang nagpadpad sa akin sa pagiging nakapirmi o walang patutunguhan, sa mga unang buwan ng bawat bagong taon.  Ang Diyos ay ni-kailan naging plano ng aking seguro.  Alam na Niya ang plano para sa buhay ko higit pa sa aking kaalaman.  Siya ay nasa plano sa simula at sa kasalukuyan.

 

Ang Bagong Pagkakaiba

Isang mahalagang bagay na makilala ang pangangailangan ng pagpapabuti sa buhay ko at pagnanais ng kabanalan, ngunit ito ay hindi magagawa ng sarili  kong kakayahan.  Nang pinagnilayan ko ang mga salitang dumanak sa tula, nadama kong kumakatok ang Diyos sa aking puso upang matiyak ko na nariyan Siya, naghihintay lamang sa akin na humiling na patnugutan ang aking buhay.  Nais Niyang ihabilin ang ang plano at paraan upang gawin ito.  Isinasaad Niya sa Kawikaan 3:5-8:  “Magtiwala ka sa Diyos ng buong puso mo, huwag manalig sa sarili mong kaunawaan.  Sa lahat ng iyong mga lakad kilalanin mo Siya, at Kanyang itutuwid ang iyong mga landas.  Huwag kang magpakapantas sa sarili mong mga mata.”

Inabot ng mahabang panahon para sa akin, habang ang bawat resolusyon ay nagawa’t nalimutan, upang mapagtantuhan na dapat na hingiin ko sa Diyos ang Kanyang plano na itinitakda Niya para sa akin sa Bagong Taon.  Nang sinimulan kong ihanay ang aking kalooban sa Kanyang kalooban, naging malinaw sa akin na hindi ako nagkulang ng paghahangad.  Ako ay naging napakahangal.  Nang  inihanay ko ang aking kalooban sa Kanya, natanggap ko ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ko.  Isinasaad sa atin ni San Pablo sa mga Taga-Filipo 4:13: “Ako ay may lakas para sa lahat ng bagay sa pamamagitan Niya na nagpapalakas sa akin.”

Ang aking mga resolusyon sa Bagong Taon ay may bagong pagkakaiba sa mga araw na ito.  Sa mapagnilay-nilay na dalangin hinihiling ko sa Diyos na ilahad, ayon sa Kanyang panahon, ang plano Niya sa Bagong Taon para sa akin.  Buong pagkukumbaba kong hinihiling sa Espiritu Santo na patnubayan ako at tulutang magyari ang mga bagay ayon sa banal na plano ng Diyos.  Hinihiling ko ang biyaya ng pananampalataya, na kahit sa karimlan ng mga tubig, makakapiling ko Siya, magtiwala na inaakay Niya ako at upang tanggapin ang Kanyang banal na kalooban para sa aking buhay.  Sinasabi sa aklat ni propeta Jeremias, “Pagka’t sadyang alam ko ang mga plano na iniisip Ko sa inyo; mga plano tungkol sa  inyong  kapayapaan at hindi sa inyong kapighatian, upang mabigyan kayo ng kinabukasang may pag-asa” (29:11).  Ito ba’y hindi ganap na kaibig-ibig?

Para sa ating may mga kapakinabangan ng gulang at karanasan, malinaw na mayroong mga panahon at mga oras para sa bawat bagay sa buhay.  Itong kasalukuyan ay maaring panahon upang tigilan ang pag-aanod at maaaring ito ang panahon upang ihanay ang iyong mga Pambagong Taong resolusyon sa banal na loob ng Diyos para sa iyo.  Nawa’y pagpalain ka ng Makapangyarihang Diyos at kausapin ka ayon sa diwa ng iyong puso.

Share:

Teresa Ann Weider

Teresa Ann Weider ay naglingkod sa Simbahan sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng kanyang aktibong pakikilahok sa iba't ibang ministeryo. Nakatira siya kasama ang kanyang pamilya sa California, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles