Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 22, 2024 94 0 Cecil Kim Esgana
Makatawag ng Pansin

Isang Handog na Aalisan ng Balot

Isang handog na malaya mong magagamit saan man sa mundo, at hulaan mo! Ito ay libre hindi lamang para sa iyo kundi para sa lahat!

Ipagpalagay mong ikaw ay naligaw sa isang malalim na hukay ng kadiliman at walang pag-asang nangangapa sa paligid.  Bigla kang nakakita ng napakagandang liwanag at may umabot sa iyo para iligtas ka.  Anong ginhawa!  Ang labis na kapayapaan at kagalakan ay hindi lubos na maipahayag sa mga salita.  Ganito ang nadama ng babaeng Samaritana nang makatagpo niya si Jesus sa may balon.  Winika Niya sa kanya: “Kung alam mo ang handog ng Diyos, at kung sino yaong nagsasabi sa iyo: ‘Bigyan mo Ako ng inumin, hihingan mo  Siya, at bibigyan ka Niya ng tubig na buhay.” (Huan 4:10) Nang madinig niya ang mga salitang ito, napagtanto ng babae na tanang buhay niya na itong hinihintay.  “Bigyan Mo ako ng tubig na ito, upang hindi na ako mauhaw kailanman,” nagsumamo siya: (Huan 4:15) Noon lamang, bilang tugon sa kanyang kahilingan at pagkauhaw sa kaalaman tungkol sa Mesiyas, ipinahayag ni Jesus ang Kanyang sarili sa kanya: “Ako ay Siya, ang Isa na nangungusap sa iyo.” (Huan 4:26) 

Siya ang tubig na buhay na pumapawi sa bawat pagkauhaw—uhaw sa pagtanggap, uhaw sa pang-unawa, uhaw sa kapatawaran, uhaw sa katarungan, uhaw sa kaligayahan, at higit sa lahat, uhaw sa pag-ibig, Pag-ibig ng Diyos.

Hanggang Sa lkaw Ay Humiling

Ang handog ng presensya at awa ni Kristo ay nandiyan para sa lahat.  “Pinatunayan ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin na, noong tayo ay makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.” (Roma 5:8) Siya ay namatay para sa bawat makasalanan upang sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, maaari tayong mapadalisay mula sa ating kasalanan at makipagkaisa sa Diyos.  Ngunit, tulad ng babaeng Samaritana, kailangan nating humiling kay Hesus.

Bilang mga Katoliko, madali nating magagawa ito sa pamamagitan ng Sakramento ng Pagsisisi, pagkukumpisal ng ating mga kasalanan at pakikipagkasundong muli sa Diyos kapag pinawalang-sala tayo ng pari, gamit ang kapangyarihang ibinigay ng Diyos bilang persona Christi (sa katauhan ni Kristo). Nagbibigay sa akin ng malaking kapayapaan ang madalas na pagdalo sa Sakramento na ito dahil habang ito ay ginagawa ko, lalong nagiging bukal ang pagtanggap ko sa Banal na Espirito. Dama ko na Siya ay nangungusap mula sa aking puso, tinutulungan akong mapagwari ang mabuti sa masama, yumayabong sa pagiging matuwid habang ako ay tumatakas sa bisyo. Kung mas madalas kong pinagsisisihan ang aking mga kasalanan at nagbabalik-loob sa Diyos, mas madali kong madama ang presensya ni Hesus sa Banal na Eukaristiya.  Nagkakaroon ako ng kamalayan sa presensya Niya duon sa mga tumanggap sa Kanya sa Banal na Komunyon. Dama ko sa aking puso ang Kanyang init kapag naglalakad padaan sa akin ang pari dala ang ciborium na puno ng benditadong hostia.

Maging tapat tayo tungkol dito. Madaming tao ang pumipila sa Komunyon, ngunit kakaunti ang pumipila sa Kumpisal. Nakalulungkot na madaming tao ang Hindi nakakapakinabang sa gayong napakahalagang pinagmumulan ng biyaya para palakasin tayo sa pangkaluluwa.  Narito ang ilang bagay na makakatulong sa akin para maging sulit ang Kumpisal.

1.  Maging Handa

Ang isang masusing pagsusuri ng budhi ay kinakailangan bago Magkumpisal.  Maghanda sa pamamagitan ng pagsuri sa mga utos, ang pitong malubhang mga kasalanan, ang mga kasalanan ng pagkukulang, ang mga kasalanan laban sa kadalisayan, pagmamahal sa kapwa, atbp.  Para sa isang taos-pusong kumpisal, ang pagpapahayag ng kasalanan ay isang pambungad na kailangan, kaya laging nakakatulong na hilingin sa Diyos na liwanagan tayo tungkol sa ilang mga kasalanang nagawa natin na hindi natin batid.  Hilingin sa Banal na Espiritu na paalalahanan tayo sa mga kasalanan na naligtaan mo, o ipabatid sa iyo kung saan hindi mo namamalayan na ika’y nagkakamali.  Minsan niloloko natin ang ating sarili sa pag-iisip na okay lang ang isang bagay kahit hindi naman.

Minsang makapaghanda tayo nang maayos, maaari nating hilinging muli ang tulong ng Banal na Espirito upang buong puso nating aminin ang mga pagkukulang nang may taos pusong pagsisisi.  Kahit hindi natin hinaharap ang pagkumpisal nang may lubos na pagsisisi sa puso, ito ay maaaring mangyari sa oras ng kumpisal mismo sa pamamagitan ng biyayang naroroon sa Sakramento.  Kahit ano pa man ang nadarama mo tungkol sa ilang mga kasalanan, makabubuting ipagtapat pa din ang mga ito; Pinatatawad tayo ng Diyos sa Sakramento na ito kung aaminin nating tapat ang ating mga kasalanan, kinikilala na tayo ay nakagawa ng pagkakamali.

2.  Maging Matapat

Maging tapat sa iyong sarili tungkol sa sarili mong mga kahinaan at pagkukulang.  Ang pag-amin ng mga pakikibaka, at ang iwaksi ang mga ito mula sa kadiliman tungo sa liwanag ni Kristo ay magpapaginhawa sa iyo sa nakakaparalisang pagkakasala at magpapalakas sa iyo laban sa mga kasalanan na madalas mong gawin nang paulit-ulit (tulad ng mga adiksyon).  Naaalala ko minsan, sa pagkukumpisal, nang sabihin ko sa pari ang tungkol sa isang kasalanan na tila hindi ko mawaglit, nanalangin siya para sa akin na matanggap ang partikular na biyaya mula sa Banal na Espiritu upang matulungan akong maiwaksi ito.  Ang karanasang ito ay tunay na nakapagpapalaya.

3.  Maging Mapagpakumbaba

Sinabi ni Hesus kay Santa Faustina na “Ang isang kaluluwa ay hindi makikinabang gaya ng nararapat sa Sakramento ng Penitensiya kung hindi ito hamak.  Ang pagmamataas ay nagpapanatili nito sa kadiliman.” (Diary, 113) Nakakahiya ang lumuhod sa harap ng ibang tao at hayagang harapin ang mga madilim na bahagi ng iyong buhay.  Naaalala ko na nakatanggap ako ng isang napakahabang sermon dahil sa pag-amin ng isang mabigat na kasalanan minsan at ang mapagsabihan dahil sa paulit-ulit na pagkumpisal ng nasabing kasalanan.  Kung matutunan kong tanawin ang mga karanasang ito bilang mapagmahal na pagwawasto ng isang Ama na labis na nagmamalasakit sa iyong kaluluwa at kusang-loob

Ang pagpapatawad ng Diyos ay isang makapangyarihang palatandaan ng Kanyang pag-ibig at katapatan. Kapag tayo ay masok sa Kanyang yakap at ikumpisal kung ano ang ating nagawa, ibinabalik nito ang ating kaugnayan sa Kanya bilang ating Ama at tayo, Kanyang mga anak.  Ibinabalik din nito ang ating kaugnayan sa isa’t isa na kabilang sa isang katawan—ang katawan ni Kristo.  Ang pinakamagandang bahagi ng pagtanggap ng kapatawaran ng Diyos ay kung paano nito ibinabalik ang kadalisayan ng ating kaluluwa nang sa gayon kapag tinitingnan natin ang ating sarili at ang iba, makikita natin ang Diyos na nananahan sa lahat.

Share:

Cecil Kim Esgana

Cecil Kim Esgana ay Naninirahan at namamasukan bilang isang manunulat at pintor sa Manila, Philippines. Ibinahagi niya ang kanyang pananampalatayang Kristiyano sa pamamagitan ng isang online na portal ng misyonero, sinisikakap na turuan ng Ebanghelyo ang mga hindi naturuan at palakihin ang mga mananampalataya ng isang artikulo sa bawat pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles