Trending Articles
Kasama ng bawa’t kilos, tayo ay may itinututok na isang palaso. Nauuwi ba tayong nagsasabing “Ops! Maari ko bang gawin nang isa pang ulit?” sa bawa’t pagkakataon?
Ang pag-uusap ay nangyari noong gabing lumipas, tulad ng ginagawa ng iba, na pawang di-sadya. Ito’y noong isang maikling maneho pauwi nang natanto ko ang isang dama ng di-pagkapalagay. Matapos na mapagnilayan ang mga salitang ibinahagi ko nang maaga-aga sa aking kaibigan, nagtaka ako kung ang aking nadama ay yaong karaniwang dagil ng Banal na Ispirito. Marahil na ako’y muling gumala sa labas ng mga guhit ng hangganan na inilalarawan ng Salmo 16:6-7? “Ang mga guhit ng hangganan ay bumagsak para sa akin sa kaaya-ayang mga pook; ako’y may katamtamang pamana. Dinarangal ko ang Diyos na nagdudulot ng pagpatnubay; sa gabi rin ay nagbibilin sa akin ang puso ko. “ Pagkarating sa paradahan, daglian kong inialis ito sa isip… Kahit anupaman, itong babae ay lumapit sa akin na may mga suliranin na kanyang tinutous kabílang ang ibang dalawang mga babae, at sinisikap kong maging malinaw at maunawain sa aking tugon.
Ngunit noong sumunod na umaga, naging malinaw sa akin na ang karanasan ng Salmista ay akin na ngayon: ang Panginoon ay talagang “pinapatnubayan ako; pati ang puso ko’y nagbibilin sa akin.” Sa paggising, isang bagay na natutunan ko na noong ilang nakaraang mga taon tungkol sa bisa ng mga diwa natin ay dumating sa isip. Oo, lahat ng mga ibinahagi ko noong nakaraang gabi ay Totoo Ito rin ay Nakakatulong , sa malay ng kaugnayan ko sa taong ito. Nasa gitna ng dinaglat na salita, T.H.I.N.K. na Knapakalayong mapalagay rin na Kinakailangan ! Sa kabutihang-palad, ang aking pagsusuri ay natapos sa mapang-ayon na kinalabasan, pagkat ang aking mga puna ay mapagpapalagay na Mabait , dahil naalala kong ilista ang magagandang katangian na aking napuna sa bawa’t isa sa mga babaeng ito habang tinatalakay namin ang mga alalahanín ng aking kaibigan.
Gaya ng pinakamarami sa atin na may kinagigiliwang lasa ng sorbetes, o ano pang ibang kinahihiligang pagkain na pinagpapalayawan natin nang paulit-ulit, kaya rin, maaring may isang uri tayo ng kasalanan na makikita ang ating mga sarili na pinipili upang makapag-aliw nang paulit-ulit. (Ang salaysay ng isang lalaking nangungumpisal sa pari na siya’y nagkakaroon nang madalas na mahahalay na iniisip ay napaalalahanan ako… Tinanong ng pari: “Nilibang mo ba ang mga ito?” Ang nangungumpisal ay tumugon: “Hindi po, ngunit nilibang ako ng ito!” Natanggap ko na ako’y nahulog sa aking natipuhang ‘lasa’ ng pagkakasala, na aking madalas na ikinukumpisal, ngunit nakikita ang sarili kong pinauulit-ulit pa rin… Ngunit ang Pangungumpisal ko ay hindi nakapagpukaw ng pag-alik-ik mula sa akin, tulad ng sa lalaking nasa salaysay na maaring nakapagpukaw!
Habang pinagninilayan ang gulo sa aking isip, ako’y nagtaka kung anong mga tanong ang maaaring ipagpalagay sa kawangis na katayuan… Anong maaaring maging yaong ‘kinagigiliwang lasa ng sala’ para sa iba pang tao? Anong maaari rin na nakumpisal na nila nang madalas sa Diyos, sa isang pari, o kahit sa isang kaibigan na may tiwala sila?
Ang salin ng salitang ‘sala’ sa Griyego ay ‘hamartano’ sa Bibliya, na may kahulugan na isang taong nanunudla ng palaso, ngunit sumasablay na matamaan ang inaasinta. Sinuman ang sumablay na tamaan ang gatla ay naturing na nagkasala. Sa kabila ng aking pinakamabuting mga layon, hindi ko natamaan ang gatla!
Pagkaraan ng aking pagsangguni nito sa Panginoon noong umagang yaon, tineks ko ang aking kaibigan. Pagkaraan lamang ng paghingi ko sa kanya ng tawad, at ang pagbahagi ko ng palagay na dumating sa akin habang nagteteks ako, ay naging malinaw sa akin ang ugat ng aking ‘hamartano’ nang lubusan. Sa aking teks, sinulat ko: “Ang pagkawili ko sa paggamit ng mga salita at pagbabahagi ng mga salaysay at mga pag-uusap ay nahigitan ang aking pagnanais upang maiwasan ang paggamit ng dila ko sa mga paraang hindi kinakailangan o nakasisigla.” Tinapos ko ang teks na inaanyayahan siyang ituring na mananagot ako kung ako’y gumala sa labas ng yaong mga ‘guhit ng hangganan’ sa darating na panahon.
Nakatanggap ako ng teks pabalik: “Gaano man kahaba ng paglalakad natin kasama si Hesus tayo ay patuloy na magkakaroon ng mga tagpo ng pagyabong. Napatawad ka na! Sang-ayon ako na ang pag-uusap natin ay humaba nang higit pa sa dapat na maging, na inilalagay tayo sa loob ng mapanganib na sakop. Gagawin ko ang pinakamabuti upang maging higit na may-kamalayan sa yaong mga kalagayan at ituring kang may-pananagutan, kung dapat, at sabihan kang gawin mo ang katulad para sa akin. Pasalamatan ang Panginoon para sa Kanyang grasya at awa, at para sa pagpapakita sa atin kung saan tayo dapat na magpaigi.”
Sa pagkikilala ng mahinahong tugon at pati ng katapatan ng aking kaibigan, ako’y nabigyang-sigla na ‘makapagpaigi!’ Naunawaan ko na malinaw na mayroong bagay sa amin na pinamumudmod habang pinagpapalayawan, o habang pinaglilibangan ang aming pinakamarumal na tukso, kinakailangan naming makarating sa ugat ng pinanggagalingang ugali. Sa pamamagitan ng paghiling sa Banal na Ispirito na ipamulat ito sa atin, nakatatanggap tayo ng pananaw kung bakit laging hindi natin matutukan ang gatla sa bandang ito.
Ano ang nangyari sa atin noong nakaraan na nakagawa ng puwang na pinipili nating punuin sa paraan ng tinatanging lasa ng sala? Anong pangangailangan o pagnanais na ating napamumudmod sa pagpapalayaw na ito. Mayroon bang sugat na lumalala mula sa pagkabigo natin na nangangailangan ng paghilom? Ano ang maaaring maging isang matipunong sagot na mabibigyan natin ng halaga na hindi lamang makaiiwas na masaktan ang iba, ngunit pati na rin, mapahintulutan tayong mag-alay sa ating sarili ng habag at grasya sa ating kahinaan? Inaalam na dapat nating ‘mahalin ang ating kapwa tulad natin,’ hinahanap na mahalin ang iba ay kinakailangan lumaki sa pagmahal rin ng sarili natin, hindi ba?
Minsan, nananatili tayo sa walang-kaibhang ugali para sa mga taon. Kung walang sinuman ang may giting upang tumugon tulad ng ginawa ng kaibigan ko, tayo’y magpapatuloy sa mga gawi na natatakdaan ang mga pagtulong ng Banal na Ispirito sa pagtulad natin nang higit pang malapit sa wangis Ni Kristo. Maaring subukan nating magbago, ngunit habang hindi tayo nakaganyak nang tama, marahil sa pakipag-usap sa ibang tao na maging kapareha natin sa pananagutan, maaari tayong sumuko at bumalik sa ating linamnam ng pagpili. Maging ito’y rocky road na sorbetes, o napili kong di-kinakailangang mga salita, ang Panginoon ay pinapaalám sa atin kung gaano pa magiging higit na kalugud-lugod ang mga buhay natin at ng mga iba sa paligid natin kapag mahahayaan natin ang Banal na Ispirito na patnubayan tayo sa ibang mga mapagpipilian.
Alam kong kinakailangan ko na makahanap ng paraan na mapalitan itong pinaggagawian na madali akong mahulog. Hiningan ko ang aking kaibigan ng tulong na ako’y maging tagapanagot kapag napuna niyang ako’y magsisimulang tumahak sa yaong mapangahas na landas nang muli. Pagkat ang lahat ng ating mga pagpupunyagi na maiwasan ang sala ay upang tumungo sa higit na pagtulad sa asal no Hesus, ang talata mula sa sulat ni San Pablo sa taga-Galacia (5:22-23) ay sumaling sa isip. Maaari kong piliin na maibsan ang aking kagutuman sa tulong ng isa sa mga bunga ng Ispirito, sa halip na piliin ang aking tinatanging lasa ng sala. Ang pagbubunga ng pag-ibig, ligaya, kapayapaan, pagtitiis, kagandahang-loob, kabaitan, katapatan, kahinahunan, at pagtitimpi ay mga patunay ng pakikipagsosyo ng Banal na Ispirito sa atin sa pagsisikap nating maging higit na gaya ni Kristo. Ang pag-iinsayo ay maaring hindi makapagpapaganap, ngunit ito’y gumagawa ng kaunlaran! Sa pagpangasiwa ko ng aking layon patungo sa pagsasanay sa isa sa mga katangiang ito, alam kong makikita ko sa wakas ang bunga ng kabanalan. Bawa’t bunga ay nagsisimula ng isang binhi na itinatanim, pagkaraa’y pinatataba, binubungkal, at pinuputulan, hanggang sa huli, nakikita natin ang tamang ugali.
Sa ngayon, sisimulan kong patabain ang aking isip nang mga paalala gaya ng salawikain: “Ang mga diwa ay tulad ng mga palaso; pagkatudla nang minsan ay hindi matatawag nang pabalik.’ Ngayong alam ko na ang ugat ng aking asal, at naanyayahan ko na ang aking kaibigan na pagsabihan ako ng dapat kong panagután, gumagawa ako ng pasyang tampulan ang pagsasanay ng pagtitimpi, tatapusin ang mga pag-uusap sa iba kapag nadadama kong sila ay ‘inilalagay tayo sa mapanganib na sakop,’ tulad ng pagpaliwanag ng kaibigan ko nang payak.
Dahil nakita at natikman ko na na ang Diyos ay mabuti, alam ko na Siya lamang ang tunay na makadudulot nglugod sa mga nais ng puso ko. Ang Salmo 16:8 ay nagpapatuloy: “Laging naririyan ang Diyos sa aking harapan; dahil Siya ay nasa aking kanang kamay, ako ay hindi magagalaw.” Itinaas kong muli ang aking palaso upang itutok sa patatamaan. Kasama ng Kanyang biyaya, sa tamang panahon, ang matalas na ulo ng aking palaso ay darating nang higit na malapit sa gatla. Bilang may-katapan sa pagiging alagad Niya, susundan ko si Hesus, na Siyang Daan… Pauwi.
“Pihong kabutihan at awa ay susundan ako sa tanang mga araw ng buhay ko, at ako’y mananahan sa tahanan ng Panginoon sa buong buhay ko.” (Salmon 23:6)
Karen Eberts is a retired Physical Therapist. She is the mother to two young adults and lives with her husband Dan in Largo, Florida
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!