Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jun 23, 2021 950 0 Margaret Ann Stimatz
Makatawag ng Pansin

Huwag Pabayaang Lumihis sa Tamang Hakbang Sanhi ng Gawain ng Isang Hunghang

Halimbawang ang isang taong nag i eski sa kalsada ay naka tutok sa iyong patutunguhan at iniwasan mo ito ngunit sa pag iwas mo ay nakarinig ka ng tunog ng nakakayod.     Ano ang gagawin mo?

Paminsan, sa aming lugar, ang taglamig ay umaabot hanggang Marso. Sa paglilinis ng nyebe sa kalsada, ang mga sobrang nyebe ay natatambak sa mga pinaparadahan ng sasakyan.  Ang dalawang salubungan na kalsada ay nagiging isang daan na lang at makitid  dahilan sa sobrang nyebe.

Sa isang pagkakataon na dumaan ako sa naging makitid na kalsada, na puno ng mga naka paradang sasakyan, nakasalubong ako ng isang nag i eski na handang isagasa ang sarili sa aking sasakyan. Iniwasan ko ito ngunit sa pag iwas ko ay nagasgasan ng aking sasakyan ang isang itim na sasakyan SUV.  Hindi man lamang huminto ang taong nag I eski at nilagpasan ako na parang hindi siya nagdulot ng problema.

Sa pag kakaalam ko sa sandaling iyon na walang nakakita sa pagkakagasgas ng sasakyan, ako ay umalis na.  Galit man ako at naging biktima ng isang hunghang na tao,  inuusig pa rin ako ng aking responsibilidad sa pagkakagasgas ng itim na SUV. Ngunit, hindi ko ito pinagukulan ng pansin.

Pagtusok ng Kunsiyensya

Sa araw araw na nakikita ko ang itim na SUV pagdaan ko sa lugar na iyon ay lalong nababagabag ang aking isip.  Isang beses ay tinignan ko ang naging gasgas sa SUV.   Nagtatalo sa aking isip ang mga sari saring tanong na magdudulot sa akin ng tamang hakbang para malinis ang aking kunsiyensa.  Sumasagi sa aking isip ang mga ito ;

Maliit lang naman ang gasgas, kaunting pahid lang ng pintura ay maayos na ,  …kapag dinala sa pagawaan ng sasakyan ay malaking gastos sa akin, …. sa klase ng SUV na ito ay nangangahulugang may pera ang may ari nito, hindi ko ito gagastusan.

Ngunit, sa kabila ng aking isip ay ang mga sari saring tanong;  paano kung bata ang driver at hiniram lang ang sasakyan,… kung siya ay nag iisang magulang lamang, …paano kung wala siyang pambayad sa pag pagpapagawa ng gasgas sa sasakyan

Pinagisipan ko ng malawak ang mga ito at dumating sa aking isip ang pag aayos ng lahat sa tama.

Hindi Na Makatulog

Sa pangamba at takot, hindi ako makatulog sa gabi. Alam kong kailangan, ng kumpisal. Ginawa ko ang hakbang na tamang gawin.

Gumawa ako ng sulat para ilagay sa SUV.    “Ako ang nagmamaneho ng sasakyan na naka gasgas sa SUV mo. Inilagay ko sa sulat ang lahat ng impormasyon  para sa pagpapagawa ng sasakyan.”

Sa tatlong linggo na ang itim na SUV ay pirming nasa paradahan nito, unang pagkakataon na hindi ito naka parada ng araw na handa kong ilagay ang sulat. Hanggat sa sumunod pang mga araw ay hindi ko na nakita ang SUV

Ano ang aking masasabi?   Pinagbigyan ako ng Panginoon ng malaking pagkakataon na gawin ang tamang hakbang. Ang biyaya ng katahimikan ay napasaakin ng ako ay nangumpisal. Ang Panginoon, sa kanyang awa, ay tinanggap ng maluwalhati ang aking ginawang sulat na katunayan ng pagtanggap sa aking kamalian.

Kung sakali man may ganitong pangyayari dumating sa aking buhay, ang Panginoon lamang ang aking tatakbuhan sa pag sasaysay ng pangyayari at ng paghingi ng  tamang hakbang ng paglutas.  Kailangan kong itanim sa aking isipan na ang payo galing sa ating Panginoon ay hindi mapapantasan ng aking sariling isip lamang.

Share:

Margaret Ann Stimatz

Margaret Ann Stimatz is a retired therapist currently working to publish her first book “Honey from the Rock: A Forty Day Retreat for Troubled Eaters”. She lives in Helena, Montana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles