Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 02, 2021 794 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

HIMALA NG MGA ROSAS

Isang gabi, sinabi ng aking maybahay na inimbitahan niya ang isang ‘Rosary group’ sa aming tahanan.  Sila ay magdadala ng estatwa ng Ating Ina at magdadasal ng Rosaryo. Ipinagkibit- balikat ko ito dahil wala akong paniwala sa lakas ng dasal. Hindi ko mabigyan ng katwiran kung paanong ang pagbigkas ng mga salita ay makakapagdulot ng makabuluhang kaugnayan sa Diyos.

Upang maihanda ang angkop na ayos para sa estatwa ng Ating Ina, bumili sya ng dalawang plorera ng matingkad na pulang rosas. Nang dumating ang grupo ng padasal dala ang magandang estatwa ng Ating Ina, lumayo ako patungong likuran. Ngunit habang binibigkas ang Rosaryo, tumayo ako sa bandang likod ng silid nakatingin sa estatwa at namamangha tungkol sa Rosaryo. Mga katanungang tulad ng: “Talaga bang pinagdadasalan namin ang isang estatwa?” ang pumasok sa isip ko. Gayundin, natagpuan ko ang sarili na nagtatanong, “Nandito ka ba talaga? Talagang kailangan kong malaman!”  Damdam kong sabihin, “Kailangan ko ng palatandaan na ipakita sa aking nandito ka”.

Ang mga mata ko ay napunta sa matingkad na pulang mga rosas at nanalangin ako, “Kung mababago mo lamang ang kulay ng isa o dalawa sa mga rosas na iyon …” Kinaumagahan, nagmamadali akong nagpunta sa aking pinapasukan. Pag-uwi ko kinagabihan, sinalubong ako ng aking asawa sa pintuan na tuwang-tuwang nagsabing, “Tingnan mo ang mga rosas … May isang tao marahil na humiling ng isang patunay.”  Nang sumulyap ako para suriin ang mga ito, namangha akong makita ang kulay-rosas na mga bulaklak sa halip na matingkad na pulang mga rosas. Naiwan akong kapos ang paghinga.  Nang mabalik ang aking kahinahunan, sinabi ko, “Mahal, sa palagay ko may isang taong humiling ng patunay … at ang taong iyon ay ako.”  Ang aking asawa ay napahiyaw sa tuwa, “Ito ay isang himala!”

Maingat kong sinuri ang mga ito upang makita kung ang mga kulay-rosas ay kakaibang uri sa mga pulang rosas, ngunit malinaw na magkatulad na magkatulad ang mga ito maliban sa kulay.  Tunay na ito ay patunay mula sa Ating Ina na nagsasabi sa akin, “Nandito ako.  Nandito ako pata tumulong sa iyo. Tumawag ka sa akin.”

Magmula noon, sinimulan kong “dasalin” ang rosaryo sa halip na “sabihin” ang Rosaryo.  Sa tuwing dinadasal ko nang taos-puso ang Rosaryo, ito ang napakalakas na pakikipag-ugnayan sa ating Inang makaLangit. Lagi syang nasa aking tabi, hawak ang kamay ko, at kasama ko sa paglalakbay sa buhay. ✔

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles