Home/Makatagpo/Article

Dec 24, 2022 411 0 Daniella Stephans, UK
Makatagpo

HALINA UPANG UMIBIG

Kung bubuksan mo ang iyong puso ngayong araw, mababago mo ang mundo!  Inilalarawan ni Daniella Stephens ang kanyang di-kapanipaniwalang paglalakbay sa pagtatagpo ng pag-ibig na walang-hanggan.

Ako’y sunud-sunurang lumaki bilang Katoliko sa kalagitnaan ng pamilyang Katolika na may pitong mga anak.  Kami ay dumadalo sa Misa nang panayan at nadama kong ako’y naakit na matuto nang higit pa tungkol sa aking pananalig, upang tularan ang mga santo at naakit ng mga magagandang imahen na nagsalaysay sa akin tungkol sa pag-iral ng Panginoon.  Itinanim Niya ang binhi ng pag-ibig sa aking buhay mula sa murang gulang.  Nang ako’y nabigyan ng pagpasya sa aking pagdadalaga, itinuloy ko ang pagdalo sa Misa, kahit ang ilan sa aking mga kapatid ay hindi na, bilang payak na pagtalima.  Ninais kong lagi na gawin ang nararapat at ni-kailanma’y ninais kong masangkot sa gulo.  Hindi ko nais na biguin ang mga magulang ko at alam ko na ang hindi pagdalo sa lingguhang Misa nang sadya ay isang kasalanan.

Bagaman, kailan man ay hindi ko naintindihan kung ano ang nangyayari.  Ginagampanan ko lamang ang nararapat sa iba’t-ibang bahagi ng Misa.  Bagama’t dama ko na ang Diyos ay nasa tabi ko, hindi ko Siya kilala nang buong katauhan at dama ko pa rin itong humihikab at tumitibok na butas sa aking puso.  Kapag ako’y mayroong mga gawain sa buong linggo, ito’y hindi ko naiisip, ngunit sa katapusan ng linggo, ako’y nagagapi nitong malubhang pag-iisa.

Umiibig

Ako ay nasa gulang na kung saan ay nadama kong ako’y naaakit ng lahat na maidudulot ng mundo na pangkatawan, kaya sinubukan kong lutasin ang suliranin sa panginginom at pagdadalo sa mga pagtitipon kasama ng mga kaibigan, ngunit yaong humihikab na butas ay nanatiling walang kapunuan.  Nadama kong ako’y tinanggihan, nag-iisa at bigo.  Ninais ko man na maging malaya sa paggawa ng sariling bagay, ako’y nakikipaghamok sa aking budhi na sinasabihan ako na napakarami sa mga nais kong gawin ay mali.  Hindi ako ginawa ng Diyos para sa mga yaon.  Nabasa ko sa Bibliya ang tungkol kay Jacobo sa pakikipagbuno niya sa isang anghel at tunay na nakakapag-ugnay ako dito.

Habang ipinagdarasal ko ang lahat ng tungkol dito sa isang Lingguhang Misa, napagtanto ko na pinagkakaila ko ang aking sarili.  Ang Diyos ay may higit na mabuting plano para sa buhay na isinaalang-alang Niya sa akin.  Sa pagtitig ko nang patingala sa imahen ng Banal na Puso ni Jesus, naunawaan kong Siya ay kumakatok sa pinto ng aking puso, humihingi ng pahintulot na pumasok, ngunit ako’y sukdulang natatakot na tanggapin itong kahanga-hangang alay dahil ikinatatakot ko na si Jesus ay tutuloy upang alisin ang aking kalayaan.  Hanggang sa tagpong yaon, ang takot na masangkot sa gulo ang nakapagligtas sa akin mula sa higit na masahol na mga sala.  Kaya, kahit papaano, sa tulong ng biyaya ng Diyos, natagpuan ko ang aking sarili na nagsasabi, “Tunay na marapat, Panginoon, bibigyan Kita ng pagkakataon.”

Sa tagpong yaon, ako’y tumingala at sa kauna-unahang pagkakataon, napansin ko ang isang larawan na si Jesus ay binibinyagan.  Siya ay lumilitaw na napakalakas, mapagkumbaba at mahinahon.  Ang puso ko biglaang nagbago.  Ang takot ay nawala, ang humihikab na buslot ay napuno ng di-kapanipaniwalang init at ako’y umibig kay Jesus.  Ang tagpong ito ay ibinago ang lahat.  Lumabas ako ng simbahan ng may sigla.  Nadama ko na ako’y tulad ng babaeng dumampi sa borlas ng damit ni Jesus at nahilom  kaagad, napalaya sa lahat ng aking mga sakit.

Naging takot ako na kung papaasukin ko siya sa aking puso, aalisin niya ang aking kalayaan, ngunit nagkamali ako. Ang siwang sa bato kung saan inilagay ng Diyos si Moises ay kahalintulad sa butas na tinusok sa tagiliran ni Kristo. Nadama ko na kinabig ako ni Kristo sa Kanyang Sagradong Puso kung saan ako ay mapanatiling malapit at mapangalagaan at maaari Siyang makipag-usap sa akin tulad ng isang kaibigan na nakikipag-usap sa isang kaibigan, katulad ni Moises nang siya ay nakipag-usap  sa Panginoon.

Ang Makulimlim na Butas

Habang lalo kong hinanap ang panariling pakikipagtagpo sa Panginoon sa pang-araw-araw na Misa at Pagsamba, mas lalo kong nadamang mas malapít sa Kanya. Kaya, nag-aral ako ng Teolohiya at nang mas nakilala ko nang matalik ang Diyos, lalo pa Niyang ipinahayag sa akin ang Kanyang sarili, kahit sa mga oras ng kapahamakan, tulad ng pagkamatay ng kapatid ko. Noong panahong iyon, naghihirap ako sa pagtuklas ng aking pagkatao matapos sa aking pag-aaral at tatakot sa hinaharap. Hindi ko na madama ang Kanyang presensya at nag-isip kung pinabayaan na ako ng Diyos. Alam ko ang lahat ng mga salitang binigkas ni Jesus, “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay… Ako ang Pagkabuhay na Mag-uli at ang buhay.” ngunit ngayon ang aking paniniwala ay sinusubok. Totoo ba ang lahat ng iyon? Sa katahimikan habang nakaupo ako sa silid ng aking kapatid, nakamasid sa kanyang bakanteng kama, naalaala ko kung paano sinabihan ni Jesus si Marta, “Babangon muli ang iyong kapatid,” at nadama kong sinasabi Niya ang mga salitang iyon sa akin.

Noong ako ay nagtungo sa World Youth Day, dama ko’y naliligaw ako sa napakalaking katipunán.  Nang sinipat ko ang lahat ng mga taong ito, tinanong ko si Hesus, “Panginoon, paano Mong minamahal ang lahat ng taong ito at mahalin din ako?” Ipinakita sa akin ng Diyos kung paano Niya nakita ang bawat isa bilang isang indibidwal na kung kanino’y mayroon Siyang panariling kaugnayan.  Minamasdang mabuti ng Diyos ang bawat isa sa atin nang may tangi at indibidwal na pag-ibig.  Mahal Ka niya katulad ng walang nang iba, sapagkat wala nang iba ang katulad mo sa mundo.  Mahal ka ng Diyos nang natatangi, personal at indibidwal.  Walang sinuman mula kay Adan hanggang sa katapusan ng panahon na naging ganap na katulad mo.  Kaya, kapag personal mong madama ang Kanyang pag-ibig, nakikita ka Niya na isang natatanging indibidwal bilang ikaw, sa paraang hindi magagawa nino man.  Ibinigay Niya ang Kanyang sarili para sa bawat isa sa atin. Noong Siya ay nasa Krus, iniisip Niya ang bawat isa sa atin nang personal sa pangalan.

Pagtataboy sa Aking Mga Takot

Ipinakita sa akin ni Jesus na ang aking imahe ng Ama ay may dungis.  Nadama ko na hinahatulan ako ng Diyos, na ako ay napahamak.  Natakot ako sa Kanyang katarungan, ngunit nagkamali ako.  Naparito si Jesus sa mundo upang ihayag ang pag-ibig ng Ama sa atin sa Kanyang panukala para sa ating kaligtasan—upang pagalingin ang hidwaan sa pagitan ng Diyos at Tao sa pamamagitan ng pakikipamuhay kasama natin.  Sinabi pa Niya sa atin na kung nakita natin Siya, nakita natin ang Ama.  Ipinakita niya sa akin na ang nakangangang butas sa aking puso ay sinadya para punan ng Diyos, at nang pinapasok ko Siya, pinalaya Niya ako, sa totoo lang.  Ginawa tayo ng Diyos at para sa Diyos, kaya nang anyayahan ko Siyang pumasok, pinuno Niya ako ng Kanyang mainit at mapagmahal na presensya, tinataboy ang pagkalumba at pagkabalisa na dati nang bumabagabag sa akin.

Kapag sinusubukan nating punuin ang hugis-Diyos na butas na iyon ng iba pang mga bagay, lahat nito ay hindi magiging sapat, sapagkat Siya ay walang hanggan at hindi kayang palitan. Ipinaalala nito sa akin kung paano tayo binalaan na “ang paglalagay ng maling gasolina sa sasakyan ay maaaring magdulot ng kaguluhan sa iyong paglalakbay at malamang magdulot ng matinding pinsala sa makina ng iyong sasakyan.”  Ang puso mo ang iyong makina at kailangan nito ng tamang gasolina upang maiwasan ang pinsalang dinulot ng kasalanan.

Ang pang-araw-araw na Misa, palagiang Pagkumpisal, panalangin, Pagsamba, pagbabasa ng Bibliya at pag-aaral ng pananampalataya, at isang mas taintim na pakikipag-ugnayan sa ating Ina ang naging gatong na nagpanumbalik ng aking puso at nagbigay sa akin ng biyaya na mamuhay sa personal na pakikipagtagpo sa Diyos.  Tinawag niya ako para maging mas taimtim.  Bagama’t kung minsan masakit pasanin ang aking krus at sundin Siya araw-araw, nagabayan Niya ako sa pagsubok at tukso at pinalawak ang aking kakayahang tanggapin at ibahagi ang Kanyang pag-ibig.

Sa Gitna Ng Iyong Mga Pakikibaka

Araw-araw, sinusubukan ni satanas, ang kaaway, na panghinaan tayo ng loob at ilayo tayo sa pag-ibig ng Diyos.  Ayaw niyang malaman at madanasan natin kung ano ang iniaalok ng Diyos.  Pinapatigas niya ang ating pagmamataas upang hindi tayo yumuko sa kalooban ng Diyos.  Kapag nadama natin ang sakit na dulot sa atin ng kasalanan, nililinlang natin ang ating sarili sa pag-iisip na hindi tayo mahal ng Diyos.  Sinabi ni Santa Teresa na ang pamamaraan ni Satanas ay lansagin at gibain ang ating paniniwala na kaya tayong mahalin ng Diyos gayong Siya ay ganap at tayo ay hindi ganap.

Mahal ba talaga ako ng Diyos kapag ako ay naghihirap ?  Isang gabi, iniwan ni Hesus ang Kanyang mga disipulo na pakikibaka sa hangin buong magdamag habang Siya ay nananalangin sa isang bundok, ngunit pagka umaga ay nakita nila Siya na naglalakad papalapit sa kanila sa kabila ng tubig.  Kapag dumadanas ka ng mahihirap na panahon, nandiyan ang Panginoon sa gitna ng iyong pakikibaka. Sinasabi rin Niya sa iyo, “Huwag kang matakot.”  At kapag nadama nating ang ating sarili ay lumulubog, tulad ni Pedro nang binigo siya ng kanyang pananampalataya habang naglalakad siya sa tubig patungo kay Jesus, maaari tayong tumawag, “Panginoon, iligtas Mo ako.”  Kapag ang lahat ay tila laban sa iyo, ituon mo ang iyong mga mata sa Kanya at hindi ka Niya bibiguin.

Laging may bagong bukang-liwayway.  Bawat araw ay araw na magsimulang muli.  “Ang pagtangis ay maaaring tumagal sa buong magdamag, ngunit ang kagalakan ay dumarating sa umaga” (Awit 30:5).  Ang gabi ay maaaring simbolo ng pagsubok at tukso.  Ang umaga ay simbolo ni Kristo na Siyang Liwanag ng Mundo.  Alalahaning sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, iniwan ni Kristo ang libingan sa isang pagsabog ng liwanag.  Siya ay naparito upang ibahagi ang Kanyang liwanag sa atin.

Ang ibig sabihin ng pangalan ni Hesus ay nagliligtas ang Diyos.  Siya ay dumating upang iligtas tayo. Siya ay dumating upang makibahagi sa ating mga pagsubok, pumasok sa kalaliman kasama natin at hilahin tayo palabas.  Ang pagtitiwala ay tulad ng kalamnan na lumalago sa ilalim ng mga mapagsubok na pangyayari at kagipitan.  Ang pagsuko ng aking mga hangarin sa Kanya at ang pagtitiwala na tutuparin Niya ang mga iyon ay mahirap.  Ang taimtimang masabi, “Nais ko ang kalooban ng Diyos higit pa sa sarili kong kalooban,” ay hindi madali sapagkat gusto nating gawin ang nais nating gawin. Iyan ang ginawa ng ating Ina nang sabihin niyang, “Maganap nawa sa akin ang ayon sa Iyong Salita,” (Lucas 1:38).  Sa kanyang malumanay na paraan, nakatayo siya sa tabi namin, tinutulungan tayong iayon ang ating pinakasidhing hangarin sa lahat na mabuti.

Kaya, sa biyaya ng Diyos, sumusulong ako nang may pananalig, nalalamang makakausap ko ang Panginoon bilang isang kaibigan at kaanak ng pamilya tungkol sa lahat ng aking mga pangangailangan. Nakilala ko ang Diyos bilang Isang mapagmahal na Ama na tumatawag sa atin na lumapit sa Kanya nang may halintulad na pagtitiwala ng isang bata sa Kanyang mapagmahal na panukala, sa kabila ng lahat ng ating mga kapintasan, at pagkakamali, gaano man kadaming ulit na tayo ay nabigo.

“Magsilapit tayo sa luklukan ng biyaya” (Hebreo 4:16) at “Huwag matakot, ni manglupaypay: sapagka’t ang Panginoon mong Dios ay sumasaiyo”. (Josue 1:9)


Ang ARTIKULO ay batay sa patotoo na ibinahagi ni Daniella Stephens para sa programang Shalom World na “Jesus My Savior”.

 

 

 

Share:

Daniella Stephans

Daniella Stephans is a Catholic speaker who lives in Manchester, UK.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles