Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 07, 2024 114 0 Delon Rojes
Makatawag ng Pansin

Grado Hanggang Grasya 

Ako’y lumapit sa Kanya para sa tagumpay ng aking pag-aaral, ngunit Siya’y nagpatuloy pa… 

Habang ako’y nasa mataas na pag-aaral, ako’y nakaranas ng kapuna-punang paglalakbay sa pananampaadlataya at pagyabong sa tulong-aral.  Bilang isang tapat na Katoliko, ako’y matatag na naniniwala sa piling ng Diyos na palaging sumasaakin, lalo na sa  aking mga pag-aaral.

Nagugunita ko noong isang semestro, ako’y hinarap ng katakut-takot na mga pagsusulit at mga araling-bahay.  Ang mga paksa ay tila nagpapatong-patong, at ako’y nagapi ng manipis na katumbas ng kaalamang kinakailangan kong masaligan.  Pag-aalinlangan ay simulang gumapang sa aking isip, nanghahamong tanungin ang mga kakayanan ko.

Sa yaong mga tagpo ng walang-katiyakan, ako’y lumingon sa pagdarasal na pinanggagalingan ng aking ginhawa at patnubay.  Bawa’t gabi, babalik ako sa aking silid, magsisindi ng kandila, at luluhod sa harap ng krusipiho.  Ibinuhos kong palabas ang aking puso, pinapakita ang aking mga takot at mga alinlangan habang humihingi ng lakas, talino at kalinawan sa mga pag-aaral ko.

Ang Di-nakikitang Gabay 

Sa pagkaraan ng linggo, ako’y nakapuna ng isang kahanga-hangang bagay na nangyayari.  Tuwing nakasasagupa ako ng nakahahamon na paksa o nahihirapang malinawan ang isang palagay, ako’y nakahahanap ng di-inaasahang kaliwanagan.  Ito’y para bagang isang ilaw na naipakita sa aking pinagdaraanan, nililiwanagan ang landas na pasulong.  Ako’y makatatapyok ng mga nakatutulong na kayamanan at mga sipi sa mga aklat na walang-palyang pinaliliwanag ang masalimuot na kuru-kuro o makatatanggap ng di-inaasahang pagtulong mula sa mga kaeskwela at mga guro.

Nasimulan kong maunawaan na ang mga ito ay hindi pawang biglaang kapalaran, ngunit sa katunayan, mga tanda ng pagpapakalapit at tulong ng Diyos sa aking pang-araling paglalakbay.  Ito’y kung baga’y Siya ang pumapatnubay sa akin, at marahang itinutulak ako patungo sa wastong mga kayamanan, mga tao, at tamang isip at loob.

Habang tuluyan akong nagtitiwala sa paggabay ng Diyos, ang tiwala ko sa sarili ay yumabong, at ang aking mga grado ay napagbuti.  Napansin ko ang tandang pagbabago sa aking kakayahang magpalaganap ng kabatiran at maintindihan ang sali-salimuot na mga palagay.  Ako’y hindi na nag-aaral nang mag-isa; nasa tabi ko ang di-nakikitang kasama, ginagabayan ako sa bawa’t pagsubok and pinasisigla ako upang magtiyaga.

Ngunit ito’y hindi lamang tungkol sa mga grado.  Sa tulong ng karanasang ito, ako’y natuto ng mga mamahaling aral tungkol sa pananalig at tiwala.  Nalaman ko na ang tulong ng Diyos ay hindi para lamang sa mga pambanalang bagay ngunit nakapapaabot sa bawa’t bahagi ng ating mga buhay, kasama ang ating mga pag-aaral.  Natutunan ko na kapag lumingon tayo sa Diyos nang may matapat na mga puso, hindi lamang Niya pinakikinggan ang mga dasal natin, ngunit nag-aalay rin ng tulong na ating kinakailangan.

Nananatiling Malapít 

Itong paglalakbay ay tunuruan ako ng kahalagahan ng pagpapanatili ng matibay na kaugnayan sa Diyos, tinutunton ang Kanyang paggabay, at nagtitiwala sa Kanyang pakay.  Ito’y nagpapaalala sa akin na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa pamamagitan ng mga pangkatalinuhang pagtatamo, ngunit dahil na rin sa pagyabong ng pagkatao, sariling pagpapanumbalik, at pananampalataya.

Sa pagbabalik-tanaw, ako’y nagpapasalamat para sa mga pagsubok na hinarap ko noong yaong semestro, pagka’t pinalalim nila ang kaugnayan ko sa Diyos at pinatibay ang paniniwala sa Kanyang walang-palyang pagtulong.  Ngayon, habang ako’y  nagpapatuloy sa aking mga hangarin sa pag-aaral, idinadala ko ang mga araling natutunan sa yaong panahon, isinasaisip na ang banal na patnubay ng Diyos ay mananatiling naroon upang samahan ako sa daan ng kaalaman at katuparan.  Sa mundong ito na kung saan ang mga pang-araling pinagkakaabalahan ay maari tayong mapuspos nang madalas, kailangan nating gunitain na tayo’y hindi nag-iisa sa ating paglalakbay.

Bilang mga Katoliko, tayo’y may tanging karapatan na mahanap ang paggabay ng Diyos at makatagpo ng ginhawa sa Kanyang piling sa lahat ng panahon.  Sa pamamagitan nitong sariling salaysay, inaasahan kong mapukaw ang iba na magtiwala sa matibay na pagtulong ng Diyos, hindi lamang sa kanilang pag-aaral ngunit sa bawa’t bahagi ng kanilang mga buhay.  Nawa’y mahanap natin ang kaginhawaan sa pag-alam na ang Diyos ay ang ating pangwakasang guro, na pumapatnubay sa atin patungo sa kaalaman, pagkaunawa, at walang-katinagang pananalig.

Share:

Delon Rojes

Delon Rojes .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles