Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 15, 2024 126 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

Eukaristiya sa Web sa Buong Mundo

Nang ayusin ni Andrea Acutis ang isang banal na paglalakbay sa Jerusalem, inakala niyang matutuwa ang kanyang anak. Si Carlo ay masigasig na nagpupunta sa araw-araw na Misa at dinarasal ang kanyang mga panalangin, kaya ang kanyang tugon ay naging kagulat-gulat: “Mas gusto kong manatili sa Milan … Dahil si Hesus ay nananatili sa atin palagi, sa Benditadong Ostiya, ano ang kailangan upang maglakbay sa Jerusalem upang bisitahin ang mga lugar kung saan Siya nanirahan 2000 taon na ang nakalilipas, sa halip, ang mga tabernakulo ay dapat bisitahin nang may parehong debosyon!” Si Andrea ay tinamaan ng dakilang debosyon na itinatangi ng kanyang anak para sa Eukaristiya.

Ipinanganak si Carlo noong 1991, ang taon na naimbento ang World Wide Web. Ang maliit na henyo ay lumakad noong siya ay apat na buwan pa lamang, at nagsimulang magbasa at magsulat sa edad na tatlo. Ang mundo ay tumingin sa kanyang talino at nangarap ng isang magandang kinabukasan ngunit ang Banal ay may iba’t ibang mga plano. Pinagsama ang kanyang pagmamahal sa Eukaristiya at teknolohiya, iniwan niya sa mundo ang isang dakilang pamana ng isang talaan ng mga milagrong Eukaristiya mula sa buong mundo. Sinimulan niya ang koleksyon noong 2002 noong siya ay 11 taong gulang pa lamang at natapos ito isang taon bago siya sumakabilang-buhay dahil sa leukemia. Ang batang sobrang talion sa kompyuter na ito, sa murang edad, ay gumawa pa ng isang website (carloacutis.com), isang pangmatagalang rekord, kasama ang lahat ng nakolektang impormasyon.

Ang Eukaristikong eksibisyon na kanyang pinasimunuan ay ginanap sa limang kontinente. Mula noon, maraming mga himala ang naiulat. Sa kanyang website, isinulat niya ang pangmatagalang misyon ng kanyang buhay sa Lupa: “Sa pagtanggap ng mas maraming Eukaristiya, mas lalo tayong magiging katulad ni Hesus, upang sa Mundong ito, magkaroon tayo ng paunang tikim ng Langit.”

Malapit nang maging Saint Carlo Acutis ang Italiano na tinedyer na taga disenyo at matalino sa kompyuter na ito. Malawakang kilala bilang unang sanlibong patron ng internet, patuloy na hinahatak ni Blessed Carlo ang milyun-milyong kabataan sa pag-ibig kay Hesus sa Eukaristiya.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles