Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 23, 2023 586 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

EPEKTO NG PANLIPUNAN PAKIKIKIPAGTALASTASAN SA MGA KABATAAN

Q – Ang aking mga dalagita ay humihingi ng telepono para makakuha sila ng panlipunan pakikipagtalastasan, tulad ng lahat ng kanilang mga kaibigan.  Ako ay naliligalid dahil ayaw kong maiwanan sila, ngunit alam ko kung gaano ito mapanganib.  Ano ang iyong palagay?

A: Maaaring gamitin ang panlipunan pakikipagtalastasan para sa kabutihan.  May kakilala akong labindalawang taong gulang na gumagawa ng maikling pagmumuni-muni sa Bibliya sa TikTok, at nakakuha siya ng daan-daang panonood.  Ang isa pang kabataang kakilala ko ay may akwawnt sa Instagram na nakatuon sa pagpapahayag tungkol sa mga santo.  Ang ibang mga kabataan na kilala ko ay nagtungo sa Hindi Pagkakasunduan o iba pang mga silid pang usap upang makipagtalo sa mga ateista o upang hikayatin ang ibang mga kabataan sa kanilang Pananampalataya. Walang alinlangan, may magandang gamit ang panllpunan pakikipagtalalstasan  sa pagtuturo ng Ebanghelyo at pagbuo ng Kristiyanong komunidad

At gayon pa man…mas malaki ba ang mga pakinabang kaysa sa mga panganib?  Ang isang magandang kasabihan sa espirituwal na buhay ay: “Magtiwala nang lubos sa Diyos…huwag magtiwala sa iyong sarili!”  Dapat ba nating ipagkatiwala sa isang kabataan ang walang pagpigil na paggamit sa internet?  Kahit na nagsimula sila sa pinakamabuting pakay, sapat ba ang kanilang lakas na labanan ang mga tukso?  Ang panlipunan pakikipagtalastasan ay maaaring maging isang imbornal—hindi lamang halatang mga tukso tulad ng pornograpiya o pagpuri sa karahasan, ngunit mas mapanlinlang na mga tukso tulad ng ideolohiya ng kasarian, pang-aapi, pagiging gumon sa pagiging “mataas ” na makakuha ng mga likes at views, at mga pakiramdam ng kakulangan kapag nagsimulang ihambing ng mga kabataan ang kanilang sarili sa iba sa panlipunan pakikipagtalastasan. Sa aking palagay, ang mga panganib ay mas malaki kaysa sa mga pakinabang ng pagpapahintulot sa mga kabataan na makapasok sa isang sekular na mundo na nagsusumikap na hubugin sila papalayo sa pag-iisip kay Kristo.

Kamakailan ay pinag-usapan namin ng isang ina ang hindi magandang asal at ugali ng kanyang teenager na anak, na nauugnay sa paggamit niya ng TikTok at sa kanyang walang kapararakang paggamit sa internet.  Ang ina ay napabuntong hininga sa kawalan nang magawa at nagwika, “Nakakalungkot lang na ang mga kabataan ay nalululong sa kanilang mga telepono…ngunit ano ang magagawa mo?”

Ano ang maaari mong gawin? Maaari kang maging isang magulang!  Oo, alam kong napakatindi ng panggigipit ng mga barkada upang payagan na magkaron ang iyong mga anak ng telepono o kasangkapan upang magkaron nang walang pigil na paggamit sa lahat ng pinakamasamang maiaalok ng sangkatauhan (kaparehas ng panlipunan pakikipagtalastasan) – ngunit bilang isang magulang ang iyong tungkulin ay hubugin ang iyong mga anak na maging mga santo.  Ang kanilang kaluluwa ay nakadalalay sa iyong mga kamay.  Dapat na tayo ang syang unang linya ng pagtatanggol laban sa mga panganib ng mundo.  Kailanman, hindi natin hahayaan na sila ay gumugol ng oras sa pedopilya; kung alam natin na sila ay inaapi, sisikapin nating sila ay pangalagaan; kung may nakapipinsala sa kanilang kalusugan, hindi tayo magtitipid at isusugod natin sila sa manggagamot.  Kung gayon, bakit natin sila na bibigyan ng pagkakataong makalusot sa imburnal ng porn, poot, at basurang mapag-aksaya ng oras na madaling makuha sa internet nang hindi nag-dudulot ng maingat na patnubay?  Madaming pag-aaral ang nagpakita ng mga hindi magagandang epekto ng internet sa pangkalahatan—at partikular na sa panlipunan pakikipagtalastasan —ngunit nagbulag-bulagan pa din tayo at nagtataka kung bakit nahihirapan ang ating mga anak na lalaki at babae sa mga krisis sa pagkakakilanlan, depresyon, pagkamuhi sa sarili, pagkagumon, di kaayaayang pag-uugali, katamaran, kawalan ng pagnanais sa kabanalan!

Mga magulang, huwag talikuran ang iyong kapangyarihany at responsibilidad! Sa huling bahagi ng inyong buhay, tatanungin kayo ng Panginoon kung gaano nyo pinastol ang mga kaluluwang ito na ipinagkatiwala Niya sa iyo—naakay mo man sila sa Langit o hindi at iniligtas ang kanilang mga kaluluwa mula sa kasalanan sa abot ng iyong makakaya.  Hindi natin magagamit ang dahilan na, “Naku, ang mga anak ng bawat isa ay may , kaya ang aking mga anak ay magiging kakaiba kung wala sila!

Magagalit ba sa iyo ang iyong mga anak, baka sabihin pa nga na muhi sila sa iyo, kung maglalagay ka ng mga paghihigpit sa kanilang mga device?  Malamang.  Ngunit ang kanilang galit ay pansamantala—ang kanilang pasasalamat ay magiging walang hanggan.  Kamakailan ay isa pang kaibigan na naglalakbay sa bansa na nananalumpati tungkol sa mga panganib ng social media ay nagsabi sa akin na pagkatapos ng kanyang talumpati ay palaging madaming mga kabataan ang lumapit sa kanya na may isa sa dalawang tauli: Noong panahong iyon, galit na galit ako sa aking mga magulang sa pagbawi ng aking telepono, ngunit ngayon ay nagpapasalamat ako.”  O “Talagang minimithi ko na sana ay naipagtanggol ako ng aking mga magulang laban sa pagkawala ng kamusmusan.”  Walang sinuman ang nagpasalamat na ang kanilang mga magulang ay naging mapagparaya!

Kaya, ano ang maaaring gawin? Una, huwag bigyan ang mga kabataan (o mas bata!) ng mga teleponong may internet o pagpapairal. Madami pa ding mga pulpol na telepono ang umiiral! Kung kailangang bigyan mo sila ng teleponong makakagamit sa internet, lagyan mo ng mga paghihigpit ng magulang ang mga ito. Maglagay ng Covenant Eyes sa telepono ng iyong anak—at sa iyong kompyuter  sa bahay habang ginagawa mo ito (halos lahat ng Kumpisal na nadidinig ko ay may kasamang pornograpiya, na lubhang makasalanan at maaaring magtulak sa iyong anak na ituring ang na mga babae ay walang iba kundi mga bagay lamang, na magkakaroon ng malaking epekto sa kanyang mga pakikipag-ugnayan sa hinaharap).  Huwag pahintulutang gamitin ang kanilang mga pagpapairal sa hapag kainan o habang nag-iisa sa kanilang mga silid-tulugan.  Kunin ang pagtataguyod ng ibang mga pamilya na may singtulad na mga patakaran.  Pinakamahalaga—huwag pagsikapang maging kaibigan ng iyong anak, ngunit maging magulang ka sa kanila.  Ang tunay na pagmamahal ay nangangailangan ng mga hangganan, disiplina, at pagpapakasakit.

Sulit ang walang hanggang kapakanan ng iyong anak, kaya huwag mong sabihing, “Naku, wala akong magagawa—kailangang makibagay ang anak ko.” Mas mainam na maging katangi-tangi dito sa lupa nang tayo ay maging kaayaaya sa Komunyon ng mga Santo!

 

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles