Home/Makatagpo/Article

Sep 09, 2022 707 0 Simon Carrington, Australia
Makatagpo

DI-BANAL LABAN SA BANAL

 Ang pagkagumon sa porno ay nagbunsod sa kanya na magalit sa sekswalidad at sa Diyos, ngunit isang gabi ay nagbago ang lahat. Tuklasin ang nakakapagligtas na paglalakbay ni Simon Carrington sa pagtakas sa pornograpiya

Napakapalad ko na lumaki sa isang Katolikong tahanan bilang ikatlo sa anim na anak. Ang aking ama ay isang mahusay na espirituwal na pinuno. Pinangunahan niya ang panggabing panalangin sa aming tahanan at dinadasal ang Rosaryo tuwing gabi bago kami matulog. Kami ay nagpupunta sa parokya ng St Margaret Mary, Merrylands, tuwing Linggo, naglilingkod sa altar at sa koro. Kaya sa pangkalahatan, ang Diyos ang sentro sa aking buhay.

Manabik Nang Labis Pa

Noong ako ay 15 taong gulang, namatay ang aking lola. Pinanabikan ko talagang siya ay makitang muli at gabi-gabi akong umiiyak makalipas ang ilang buwan. Ang sobrang kalungkutan at sakit na nadama ay nagbunsod sa akin na maghanap ng bagay na magpapadama sa akin na ako ay minamahal.

Noon ako nagsimulang magnasa ng pornograpiya. Sa kakapanood ng madami, mas lalo akong naghanap. Unti-unting humina ang aking pananampalataya. Sa paaralan, nagsasaya pa ako, naglalaro ng sports, at nagsisimba. Sa panlabas, ginagawa ko ang lahat ng tama bilang bahagi lamang ng nakagawian—ang pagdalo sa Misa, pagdadasal ng Rosaryo atbp, ngunit sa loob, ang aking pananampalataya ay pumapanaw. Nasa ibang dako ang aking puso dahil nabubuhay ako sa kasalanan. Bagaman ako’y nagkukumpisal, ito ay mas dahil sa takot na mapunta sa Impiyerno kaysa sa pag-ibig sa Diyos.

Ang Pagtalikod

Sa pagdalaw ko sa isang kaibigan ng pamilya, natuklasan ko ang isang imbak ng mga porn magazine sa tabi ng banyo. Hindi ko kailanman malilimutang kunin ang pagdampot ko sa una at buklatin ang buong magazine. Iyon ang unang tunay, pisikal at nasasalat na porn na nakita ko. Ibat-ibang damdamin ang dumaloy—kasabikan na ito ang sagot sa kahungkagan na naramdaman ko, ngunit pati na rin ng matinding kahihiyan. Tila ito ang “pagkain” na makakapawi ng kirot sa aking puso para sa pagmamahal. Nilisan ko ang banyong iyon sa naiibang tao mula nang araw na iyon. Noon ang araw na tinalikuran ko ang Diyos nang hindi ko namamalayan. Pinili ko ang pornograpiya at isang buhay na kalaswaan kaysa Kanya.

Matapos ng karanasang iyon, sinimulan kong mamili ng mga porn magazine. Dahil araw-araw akong nagpupunta sa gym, nakakita ako ng siwang sa dingding kung saan soon ko itinabi ang lahat ng porn magazine na ito. Sa tuwing pupunta ako sa gym, sisimulan at tatapusin ko ang sesyon sa pagpunta sa kumpol ng mga magazine at magbuklat ng mga ito nang 20 o 30 minuto. Iyon ang naging buhay ko sa loob ng madaming taon. Labis akong nahumaling sa pornograpya na halos mawalan ako ng hanapbuhay sa pagpunt-punta sa banyo bawat oras para manood ng porn. Dito nasayang ang bawat bakanteng sandali na mayroon ako.

Sinlamig Ng Bato

Nagsikap akong makinig sa iba’t ibang Katolikong tagapagsalita at magbasa ng mga aklat tungkol sa kalinisang-puri at sekswalidad. Napagtanto ko na lahat ng mga ito ay nagsasabing ang sekswalidad ay isang handog mula sa Diyos, ngunit hindi ko ito maintindihan. Ang tanging dulot sa akin ng sekswalidad ay sakit at kahungkagan. Para sa akin, ang aking sekswalidad ay napakalayong bagay sa isang handog na mula sa Diyos. Isa itong halimaw na humihila sa akin tungo sa impiyerno!

Nagsimula akong mamuhi sa aking sekswalidad at mamuhi sa Diyos. Iyon ay naging lason sa puso ko. Kapag ang aking pamilya ay nagdasal ng Rosaryo , hindi ko masabi ang isang Aba Ginoong Maria. Halos hindi ako matagpuan Ang sarili sa karingalan ng biyaya. Ilang buwan akong nagsisimba nang hindi tumanggap ng Eukaristiya. Kahit na magkumpisal ako pagtapos ng Misa, hindi ako halos magkatagal hanggang sa susunod na araw. Walang pagmamahal sa puso ko. Kapag niyayakap ako ng aking ina, naninigas ako na parang bato. Hindi ko alam kung paano tumanggap ng pagmamahal at pagsuyo. Sa labas, palagi akong palakaibigan at masaya, ngunit sa loob ay wala akong laman at walang buhay.

Naaalala kong pumasok ako sa aking silid isang araw matapos manood ng pornograpiya at nakita ko ang krusipiho sa aking dingding. Sa isang sandali ng galit sinabi ko kay Hesus sa Krus, “Paano mo inaasahan na maniniwala ako na ang sekswalidad ay regalo mula sa iyo? Ito ay nagdudulot sa akin ng labis na sakit at kahungkagan. Ikaw ay isang sinungaling!” Tinalon ko ang aking higaan at hinablot ang crucifix mula sa dingding at dinurog ito sa aking tuhod. Pagtingin ko sa nadurog na krusipiho, napabulalas ako sa galit, “Muhi ako sa Iyo! Ikaw ay isang sinungaling.” Pagkatapos ay itinapon ko ang crucifix sa aking basurahan.

Nang Tumama Ang Aking Panga Sa Lapag

Isang araw, inutusan ako ni Inay na magpunta sa isang talumpati tungkol.sa kalinisang-puri ni Jason Evert kasama ang aking kuya. Magalang kong sinabi sa kanya na ayaw kong magpunta, ngunit salamat. Nang tanungin niya akong muli, sinabi ko, “Ma, hindi totoo ang pag-ibig. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig!” Sabi lang ni mama, “Pupunta ka!” Nang gabing iyon ay nag-aatubili akong pumunta.

Naalala kong namangha ako sa pagsasalita ni Jason noong gabing iyon. Isang linya ang nagpabago sa buhay ko. Sinabi niya, “Ang porno ay ang pinakatiyak na paraan upang mabaril sa ulo ang hinaharap mong pag-aasawa”

Nang sinabi niya ito, napagtanto ko na kung hindi ko babaguhin ang aking mga gawi, masasaktan ko ang babaeng pakakasalan ko dahil hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan ng maayos. Lahat ng mga hinahangad ko noon para sa pag-aasawa ay muling nagpakita sa akin. Talagang gusto ko ang pag-ibig at pag-aasawa higit sa anupaman, ngunit ibinaon ko ang pagnanasang iyon sa kasalanang seksuwal.

Nagkaroon ako ng pagkakataon nang gabing iyon na makausap ng personal si Jason at ang payo na ibinigay niya ay nagpabago sa buhay ko. Sabi niya, “Tingnan mo, mayroong pag-ibig sa iyong puso at naroon ang lahat ng mga tuksong ito sa pagnanasa. Alinman ang pipiliin mong gatungan ng higit ay lalakas at sa bandang huli ay dadaigin ang isa. Hanggang ngayon ay mas ginagatungan mo ang pagnanasa kaysa sa pag-ibig, oras na upang simulan ang pagpapakain sa pag-ibig.”

Alam kong sinalat ako ng Diyos nang gabing iyon, at napagpasyahan kong kailangan ko ng isang simulaing Kumpisal na malinis. Nagpatalaga ako ng pari para sa Kumpisal at binalaan ko siya na ito ay magiging mahaba! Ginawa ko ang pangkalahatang Kumpisal na tumagal ng halos isang oras at kalahati. Ipinagtapat ko ang bawat kasalanang seksuwal na maalala ko, ang mga pangalan ng mga porn star na napanood ko, kung ilang ng ulit, ang dami ng oras at kung ilang taon. Para akong panibagong tao na palabas ng kumpisalan nang gabing iyon.

Isang Magandang Pagtuklas

Doon nagsimula ang ikatlong yugto ng pagbabago sa aking buhay. Bagama’t nakipagpunyagi pa rin ako sa mga kasalanang iyon ng karumihang sekswal, palagi akong nakikipaglaban. Unti-unti, nadanasan ko ang higit na kalayaan mula sa seksuwal na kasalanan, at naramdaman kong tinawag ako ng Diyos upang simulang pag-aralan Nang tunay kung ano ang Kanyang balak para sa sekswalidad ng tao, at simulang ibahagi ito sa iba.

Nakatagpo ako ng mga tagapagsalita na nag-unpack ng “Theology of the Body” ni San Juan Pablo at sa paglalahad ng nilalaman nito ay natamaan ako ng napakalakas na pagpapahalagang ito: Ang aking katawan at ang iba pang katawan ay sakramento ng Diyos. Napagtanto ko na ako at imahe ng Diyos at gayundin ang bawat babae. Nang masimulan kong makita ang bawat tao sa pamamagitan ng lenteng ito bilang isang buhay na sakramento ng Diyos, naging mas mahirap para sa akin na gamitin sila sa sekswal na paraan. Kung sakaling magnanasa ako sa isang tao lalo na sa pamamagitan ng masturbasyon at pornograpiya, kailangan kong yurakan ang pagkatao nila sa aking isipan at sa aking puso. Gayong nasangkapan ng bagong paraan ng pagtingin sa aking sarili at sa ibang kababaihan, binigyan ako ng kapangyarihan ng mga biyayang natanggap mula sa pang-araw-araw na Misa at palagian na Kumpisal upang makagawa ng malaking pagbabago.

Sinimulan kong pagmasdan ang kababaihan hindi para sa sekswal na kasiyahan kundi bilang tunay na magandang sakramento ng Diyos. Higit akong nag-aalab sa bagong pasabing ito kaya nais kong ibahagi ito sa lahat ng aking makakaya. Nang pagkakataong iyon, ako ay isang tagapagturo sa pagpapalakas ng katawan sa isang gym, ngunit naramdaman kong tinawag ako ng Diyos na lisanin ang kapaligirang iyon at paglingkuran Siya nang walang paliguy-ligoy. Hindi ko tiyak kung saan ako patungo, ngunit nagsimulang bumukas ang mga pinto. Napasok ako sa ministeryo ng kabataan at nagsimulang magtrabaho para sa Parousia Media, nag-impake at nag-post ng mga dulugan ng pananampalataya. Habang nagtatrabaho, ko ay nakikinig sa mga pahayag tungkol sa pananampalataya nang buong araw, natututo sa aking pananampalataya sa mabisang paraan. Sinimulan kong maging tagapahayag bilang ministro ng kabataan sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan halos tuwing katapusan ng linggo, at naibigan ko ang pag-eebanghelyo.

Magmahal Nang Walang Katulad

Isang araw, isang binibini ang lumapit sa akin sa tanggapan, naghahanap ng tao na maaaring makapagpahayag sa ilang kabataan tungkol sa kalinisang-puri, at lalo na sa pornograpiya. Bigla, sinabi ko sa kanya na gagawin ko ito. Ibinahagi ko ang aking patotoo nang gabing iyon, at ang tugon ay lubhang nakakahikayat. Sa pamamagitan ng salita, padami nang pardami ang nakakilala sa akin at nakaalam sa aking karanasan, at ang mga paanyayang magsalita ay nagsimulang dumagsa.

Sa nakalipas na 10 taon, nakapagbigay ako ng higit sa 600 na pahayag sa higit sa 30,000 katao tungkol sa kabutihan ng kalinisang-puri, dalisay na pakikipag-date at ang Teolohiya ng Katawan. Sa pamamagitan ng ministeryong ito, nakilala ko ang aking maybahay, si Madeleine, at nabiyayaan kami ng tatlong anak. Pinangunahan kami ng Diyos sa paglalakbay nang magkasama upang ilunsad ang Fire Up Ministries, na may misyon na anyayahan ang bawat tao na madanasan ang pagmamahal na lagi nilang pinapangarap!

Sa bahaging ito ng aking buhay, ako ay pinagpala na madanasan ang isang antas ng sekswal na kalayaan na hindi ko kailanman nadanasan. Tuwing pinasasalamatan ko ang Diyos sa kung nasaan ako ngayon, naaalala ko ang mga araw na lubhang nahirapan ako sa bahaging ito. May mga pagkakataon na naramdaman kong walang liwanag sa dulo ng lagusan at sumigaw sa Diyos, “Posible ba ang kadalisayan?” Tila wala nang pag-asa, at naisip ko na ako ay tiyak na mabubuhay nang ganito magpakailanman. Ngunit kahit na may mga maitim na patak sa buhay ko na akala ko’y hindi na matatapos, hindi tumigil ang Diyos sa pagmamahal sa akin. Matiyaga at banayad Siyang kumilios kasama ko. Nandoon pa din ako sa paglalakbay na iyon, at araw-araw pa din akong pinapagaling ng Diyos.

“Dumanas siya ng may ilang tunay na madilim na mga sandali na dala ang Krus ng sekswal na kasalanan, ngunit nang dalhin niya ito kay Kristo at isuko ito sa Kanya—napalaya siya ni Kristo. Si Simon ay nagkaroon ng tunay na pakikipagtagpo sa awa at nakadanas ng lubis na pagpapagaling kay Kristo. Mula sa dakong iyon ng awa at pagpapagaling at naihatid niya ang kagalakan, pagmamahal at higit sa lahat ang pag-asa para sa iba pa na dumadanas ng singtulad na pakikibaka sa sekswalidad. Habang pinapanood ko si Simon na naglilingkod sa napakadaming tao, palagi akong namamangha sa kung paano niya ipinakikita ang pag-ibig ni Kristo sa kanilang lahat.”

—Madeleine Carrington (maybahay ni Simon)

 

Share:

Simon Carrington

Simon Carrington co-founded Fire Up Ministries with his wife, Madeleine. They live in Sydney, Australia with their three beautiful children. This article is based on the testimony he shared in the Shalom World program “Jesus My Savior”. To watch the episode visit: shalomworld.org/show/jesus-my-savior

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles