• Latest articles
Feb 22, 2023
Makatawag ng Pansin Feb 22, 2023

Kahiman alam mo o hindi, kapag hanap mo ang katotohanan, hanap mo ang Diyos

Isang maalinsangan na araw ng tag-init nang ako’y siyam na taong gulang, ako ay namasyal kasama ang ilang kaibigan.  Isa sa mga kaibigan ko, na mas matanda, ay may dalang riple.  Habang naglalakad kami sa loob ng sementeryo, itinuro niya ang isang ibon sa ibabaw ng bubong ng simbahan at tinanong kung sa tingin ko ay tatamaan ko ito.  Hindi ako nagdalawang isip, kinuha ko ang baril, kinargahan, at tinutukan.  Nang sandaling pinisil ko ang gatilyo, isang malamig na pakiramdam ng kamatayan ang dumagan sa akin.  Bago pa man lumisan ang bulita sa baril, alam kong tatamaan ko ang buhay na nilalang na ito at ito’y mamamatay.  Habang pinagmamasdan ko ang pagbagsak ng ibon sa lupa, narkadanas ako ang kalungkutan at pagsisisi, at nalipos ako ng pagkalito.  Naitanong ko kung bakit nagawa ko iyon, ngunit wala akong maisagot.  Wala akong sapantaha kung bakit ako sumang-ayon, ngunit nakadama ako ng kawalang-halaga at pagkamanhid. Katulad ng madaming bagay sa buhay, ibinaon ko ang pangyayari sa loob ko at sa madaling panahon ay nalimutan ko ito.

Muling Nangyari

Noong bandang huli ng aking twenties, nagdalantao ang babaeng karelasyon ko.  Nang nalaman namin, hindi kami nagtapat kahit kanino. Hindi ako umasa ng anumang tulong o payo kung sabagay, at hindi ito naging malaking bagay.  Pinapaniwala ko ang aking sarili na ginagawa ko ang ‘kapitagang bagay’– pangakuhan siya na aalalayan ko ang anumang pasya na gagawin niya, kung panatilihin ang sanggol o ipalaglag.  Sa madaming kadahilanan, nagpasya kaming wakasan ang pagdadalantao.  Ang nakatulong sa akin na madating ang desisyon na yon ay ang legalidad ng pagpapalaglag sa bansang ito at ang malaking bilang ng mga taong nagpapalaglag.  Paano ito naging masama? Sa kabalintunaan, ang magpalaki ng sarili kong mga anak ay ang pinakamalaking pangarap ko sa buhay.

Nakipagtipán kami sa ‘clinic ng aborsyon.’  Ang pagtungo doon ay parang isang simpleng paglalakbay sa parmaseutiko para kumuha ng reseta, kung kaya’t, sa katunayan, naghintay ako sa sasakysn sa may labas, di -alintana ang kalakhan at pagkakaroon ng epekto ng pasyang ito.  Paglabas ng girlfriend ko sa gusali, agad kong nakita ang pagbabago niya. Ang kanyang maputlang mukha ay nagtudla ng ‘Kamatayan.’  Ang mga damdamin na naramdaman ko bilang siyam na taong gulang na batang lalaki na bumabaril ng ibon ang dumagsa sa akin.  Tahimik kaming naglakbay pauwi, at halos hindi na nag-usap muli tungkol dito.  Subalit pareho naming alam na may nabago sa amin noong araw na iyon, isang bagay na kalunos-lunos, isang bagay na madilim.

Kalayaan

Dalawang taon ang lumipas, and inakusahan ako ng isang krimen na hindi ko ginawa at inilagay sa pagtatanod sa HMP Manchester (Strange ways Prison) upang maghintay ng paglilitis.  Sinimulan kong makipag-usap sa Diyos sa aking puso, at sa unang pagkakataon sa aking buhay nagsimula akong magdasal ng Rosaryo ng maayos.  Pagkaraan ng ilang araw, sinimulan kong suriin ang aking buhay, eksena bawat eksena, at nakita ko ang madaming biyayang natanggap ko, pati na din ang aking madaming kasalanan.

Nang madating ko ang kasalanan ng pagpapalaglag, sa unang pagkakataon sa aking buhay ay malinaw kong napagtanto na ito ay isang tunay na buhay na sanggol na lumaki sa sinapupunan, at na iyon ay aking anak.  Ang pagkaunawa na pinili kong wakasan ang buhay ng sarili kong anak ay dumurog sa aking puso, at habang umiiyak na nakaluhod sa selda ng bilangguan na iyon ay sinabi ko sa aking sarili, ‘Hindi ako mapapatawad.’

Subalit nang mismong sandaling iyon na si Jesus ay lumapit sa akin at nagwika ng mga salita ng kapatawaran, nuon at doon ko nalaman na Siya ay namatay para sa aking mga kasalanan.  Agad akong dinagsa ng Kanyang pagmamahal, awa, at biyaya.  Sa unang pagkakataon ang buhay ko ay naging makabuluhan.  Dapat akong bigyan ng kamatayan ngunit tumanggap ng buhay mula sa Isang nagsabi, ‘Ako ang Buhay’ (Juan 14:6).  Gaano man kalaki ang ating mga kasalanan, napagtanto ko, ang pag-ibig ng Diyos ay higit na dakila (Juan 3:16-17)!

Isang Pagtatagpo

Kamakailan, nakaupo ako sa isang himpilan ng tren sa London naghihintay ng aking tren, tahimik kong hiniling kay Jesus na pasakayin ang isang tao sa tren na mapapasaksihan ko tungkol sa Kanya.  Nang maupo ako, natagpuan ko ang aking sarili na kaharap ang dalawang babae.  Ilang sandali ang lumipas, nagsimula kaming mag-usap at isa sa kanila ang nagtanong tungkol sa aking sampalataya at kung ako ay dati nang isang mananampalataya.  Ibinahagi ko ang ilan sa aking nakaraan, kabilang ang pagpapalaglag, at ipinaliwanag na sa sandaling napagtanto kong kinitil ko ang buhay ng sarili kong anak ay nakaharap ko ang ipinakong Kristo, at pinatawad at pinalaya.

Kaagad na nagbago ang kaaya-ayang kalagayan.  Nakasagi ako ng damdamin at ang isa sa mga babae ay nagsimulang maghihiyaw sa akin.  Pinaalala ko sa kanyang hiningi niya ang aking kuwento, kaya sinasagot ko lamang ang kanyang tanong.  Sa kasamaang palad, walang maayos na pangangatwiran sa kanya.  Humiyaw siya “Hindi ito isang sanggol sa sinapupunan!” sabay tango ng isang babae bilang pagsang-ayon.  Matiyaga akong nakaupo at pagkatapos ay tinanong sila kung ano ang magiging dahilan kung bakit ang nasa sinapupunan ay “isang sanggol”.  Ang isa ay sumagot ng “DNA,” at ang isa ay sumang-ayon. Sinabi ko sa kanila na ang DNA ay naroroon sa sandaling ang isang sanggol ay ipinaglihi, at ang kasarian at kulay ng mata ay napagpasyahan na.  Muli, sinigawan nila ako hanggang sa ang isa sa kanila ay nanginig.  Matapos ang isang nakakailáng na katahimikan, nagpaumanhin ako na labis kong napasama ang kanyang damdamin.  Kinalabasan, ang babaeng ito ay nagpalaglag ng sanggol dati pa madaming taon na at malinaw na dinadala pa din niya ang mga sugat mula doon sa karanasan.  Nang tumayo siya para bumaba, nagkamayan kami, at pinangako ko sa kanya ang aking mga panalangin.

Pinalaya Sa Pagkakatali

Ang kalunusan ng pagwawakas ng isang inosenteng buhay sa sinapupunan ay bihira nang pinag-uusapan ngayon, at kapag nangyari ito, madami tayong nadidinig na maling pabatid at mga kasinungalingan pa sa halip na katotohanan.  Ang piliing ipalaglag ang isang anak ay hindi isang minsanang, tapos-na-ang-lahat na pagpasya, na walang pangmatagalang kalalabsan na masama.  Iginigiit ng kilusang pro-choice na “katawan ito ng ina, kaya’t sa kanya ang pagpili.”  Ngunit may higit pa sa katawan ng ina at pagpili na dapat isaalang-alang.  Mayroong isang maliit, mahimalang buhay na tumutubo sa sinapupunan.  Bilang ama ng isang ipinalaglag na sanggol, ang pamamaraan ng aking paghilom ay patuloy…ito ay patuloy at maaaring hindi na matatapos.

Madaming salamat sa Diyos na ang mga naghahanap ng katotohanan ay matatagpuan ito, kung lamang ay bubuksan nila ang kanilang mga puso.  At kapag napag-alaman nila ang ‘Katotohanan’, ang ‘katotohanan ang magpapalaya sa kanila’ (Juan 8:31-32).

 

'

By: Sean Booth

More
Feb 22, 2023
Makatawag ng Pansin Feb 22, 2023

Pinagpala  bilang isa sa labing-apat na Banal na Katulong (mga tagapamagitan lalo na laban sa mga sakit) Saint Catherine ng Alexandria ay isang birhen martir ng huling ikatlong siglo at unang bahagi ng ikaapat na siglo. Bagamat walang pangunahing pinagmumulan na nagpapatunay sa kanyang buhay maraming mga tradisyon tungkol sa kanya na pinananatiling buhay sa paglipas ng mga siglo kabilang ang katotohanan na inangkin ni Joan of Arc ang kanya bilang isa sa mga tinig na nagsalita sa kanya.

Ipinanganak sa paligid ng 287 sa Alexandria, Egypt, isang sentro ng kultura at pang-edukasyon ng sinaunang mundo, siya ay nasa marangal na uri at isang napaka-mahusay na estudyante. Niyakap niya ang Kristiyanismo sa edad na 14 matapos makita ang isang pangitain ni Jesus at ng Kanyang pinagpalang ina.

Isang maagang kabataang babae, hindi siya nag-atubili sa edad na 18 na hamunin ang emperador na si Maxentius nang magsimula itong malupit na usigin ang pamayanang Kristiyano. Ang emperador ay labis na humanga sa kanyang karunungan na, sa halip na patayin si Catherine, inutusan niya itong pagdebatehan ang kanyang pinakamahusay na mga pilosopo, na madali niyang natalo. Sa katunayan, ang mga pilosopo ay labis na nabihag sa kaniyang karunungan, anupat sila at ang mga 200 sundalo ay yumakap sa pananampalataya. Nakalulungkot, lahat ay agad na naging martir.

Nabigo sa kamangha-manghang katatagan ni Catherine, iniutos ng emperador na ikulong siya at pahirapan. Ngunit kahit na ang kanyang malupit na paghampas ay hindi naging dahilan upang talikuran ni Catherine ang kanyang pananampalataya. Kaya, sinubukan ng emperador ang isang nobelang diskarte: inalok niya na pakasalan siya at gawin siyang isang empress. Kasal na kay Kristo at sa pag-alay ng kanyang pagkabirhen sa kanya, tinanggihan ni Catherine ang emperador.

Dahil sa galit, iniutos ng emperador na siya ay patayin sa isang may mga timnik na gulong l, isang partikular na brutal na paraan ng pagpapahirap. Ngunit nang hawakan ni Catherine ang gulong, himalang nabasag ito. Sa wakas, iniutos ng emperador na pugutan siya ng ulo.

Lalo na sikat sa panahon ng medyebal, ang debosyon kay Catherine ay lumaganap sa panahon ng mga krusada at siya ay nanatiling popular sa parehong mga simbahang Romano Katoliko at Ortodokso. Ipinagdiriwang sa maraming sining ng renesance , si Catherine ang patrones ng mga estudyante at guro,  tagapamahal ng aklatan , at abogado. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang noong Nobyembre 25.

Nawa’y ang kanyang katapangan at ang kanyang karunungan sa pagtanggap ng kamatayan sa halip na talikuran ang kanyang pananampalataya kay Kristo ay magbigay sa atin ng inspirasyon at pag-asa.

Saint Catherine of Alexandria, ipanalangin mo kami.

 

'

By: Shalom Tidings

More
Feb 22, 2023
Makatawag ng Pansin Feb 22, 2023

Ito ay isang walang humpay na alamat kapag sinusubukang hanapin ang katotohanan ngunit isang mabilis na pagbabago kapag ang katotohanan mismo ang nakahanap sa iyo

Minsang tinanong si Pope Emeritus Benedict XVI kung anong libro ang gusto niyang meron siya kung sakaling mapadpad siya sa isang disyertong isla. Kasama ng Bibliya ay pinili niya ang St Augustine’s Confessions. Ang ilan ay maaaring magulat sa napili ngunit sa palagay ko ako ay sumasang-ayon. Ang katatapos ko pa lamang na pagbabasang muli sa libro sa ika-apat o ikalimang pagkakataon ay natagpuan ko ang aking sarili na mas abala dito kaysa dati. Ang unang kalahati ng aklat na nagsasalaysay ng kanyang kuwento ng pagbabalik-loob ay lalong nakakaengganyo.

Tulad ng Ang Storya ng Kaluluwa ni St Thérèse, parang mararamdaman na mas pamilyar ang aklat na ito pagkatapos ng ilang ulit na pagbabasa at kahit papaano ay mas nakapagbibigay ito ng mga bagong liwanag. Ang ginagawa ni St Augustine ay tinuturuan niya tayo kung paano ipagpapatuloy ang isang bagay na mahalaga para sa espirituwal na paglago, ibig sabihin, ang pagkamit ng kaalaman sa sarili. Tinutunton niya ang pasikot-sikot na paggawa ng biyaya ng Diyos, gayundin ang kanyang sariling pagkamakasalanan, mula sa kanyang pinakaunang mga alaala hanggang sa panahon ng kanyang pagbabalik-loob at higit pa. Binabalikan din niya ang lahat ng kanyang malalim na mga ala-ala upang isulat niya kung ano ang mga sinabi sa kanya ng iba mula sa  kanyang pagkasanggol. Ang maliit na detalye tungkol sa kanyang pagiging madaling patawanin maski habang natutulog bilang isang sanggol ay partikular na kaibig-ibig.

Pagkatapos nitong ikaapat o ikalimang pagbasa, naiwan akong nag-iisip ng isang bagay na nais kong ibahagi sa inyo sa maikling artikulong ito. Ito ay may kinalaman sa impluwensya ng kanyang kabataang pakikipagkaibigan. Ang mga magulang ay hindi sapat na mapagbantay pagdating tungkol sa mga kaibigan ng kanilang mga anak. Napakarami sa atin ang nalayo sa anumang maliit na kabutihang taglay natin noong ating kabataan dahil sa pamamagitan ng halimbawa at pang-akit ng ating naliligaw na mga kasama. Walang pinagkaiba si Augustine. Ang buhay noong ika-apat na siglo ay parang nakakagulat na katulad rin ng buhay sa ating panahon.

Mga peras at mga kaparehas

Ang tanyag na kuwento ni Augustine tungkol sa pagnanakaw ng mga peras ay naglalarawan ng paksa. Sinisiyasat niya ang kanyang memorya para sa motibasyon sa likod ng desisyon na pagnakawan ang isang halamanan, kahit na mas maganda ang mga peras niya sa bahay at hindi nagugutom. Karamihan sa mga peras ay nauuwi lang sa pagtapon sa mga babuyan. Alam na alam niya noong panahong iyon na ang kanyang ginagawa ay isang gawang walang kabayaran at di makatarungan. Gumawa ba siya ng masama noon para lang sa paggawa ng masama? Gayunpaman, hindi ito ang paraan na karaniwang nakalaan sa ating puso. Ang kasalanan sa atin ay karaniwang ang kabuktutan ng ilang kabutihan. Sa kasong ito, ito ay ginawa dahil sa isang uri ng di mapigilang pagtitiwala at pagkakaibigan at ang panunuya ng isang grupo ng mga kaibigan sa pag-iisip ng galit ng mga may-ari ng halamanan.

Ang ligaw na pagkakaibigan ang motibo nito. Hindi kailanman gagawin ni Augustine ang ganoong bagay nang nag-iisa, kungdi dahil lamang sa naudyukan siya ng kanyang mga kasamahan. Siya ay desperado upang mapabilib ang mga ito at upang magkaroon ng kanyang bahagi sa kanilang ginagawang di pinag-iisipang kalokohan. Ang pakikipagkaibigan ay isa sa mga pinakadakilang kaloob ng Diyos, ngunit ang pagkakaibigang binaluktot ng kasalanan ay maaaring magkaroon ng masasamang epekto. Ang malinaw na panaghoy ng santo ay nagbubunyag ng panganib nito, “O pagkakaibigan na lahat ay hindi palakaibigan! Ikaw na kakaibang manliligaw ng kaluluwa, na nagugutom sa kasamaan mula sa mga simbuyo ng katuwaan at kahalayan, na naghahangad ng pagkawala ng iba nang walang pagnanais para sa sariling pakinabang o paghihiganti—upang, kapag sinabi nila, “Tara, gawin natin,” tayo ay nahihiya na huwag maging walanghiya.” (Confessions Book II, 9).

Pagkabihag

Mayroong katulad na tularan na may kaugnayan sa kasalanan na magiging nakamamatay na lason para sa kaluluwa ni Augustine at maaaring humantong sa kanyang walang hanggang kapahamakan. Ang kasalanan ng pagnanasa ay kumapit din sa kanyang puso habang siya ay naglalakbay kasama ang kanyang mga kaibigan na mas malayo sa tinatawag niyang “mabagyong pagsasama” ng buhay ng tao. Ang samahang kanyang iningatan noong panahon ng kanyang kabataan ay naging kaugalian na ang pagnanais na daigin ang isa’t isa sa kahalayan. Ipinagmamalaki nila ang kanilang mga pagsasamantala at pinalalaki pa nila ang tunay na sukat ng kanilang imoralidad upang mapabilib ang isa’t isa. Ang tanging bagay na ikinahihiya nila ngayon ay ang kawalang-kasalanan at kalinisang-puri. Ang kanyang banal na ina ay mahigpit na binalaan siya sa kanyang ikalabing-anim na taon na iwasan ang pakikiapid at lumayo sa mga asawa ng ibang lalaki. Sumusulat siya kalaunan sa Panginoon tungkol sa kanyang mapagmataas na pagtanggi sa kanyang mga payo, “Ang mga ito ay nagpamulat sa akin ngunit ito ay mga payo ng babae, na kung saan ako ay namumula sa pagsunod. Ngunit sila ay mula sa Iyo, at hindi ko alam.” (Confessions Book II, 3) Ang nagsimula sa isa o dalawang kasalanan ng laman ay naging isang ugali kaagad, at nakalulungkot para kay Augustine, ang masamang bisyong ito ay magsisimulang madama na parang isang pangangailangan. Ang nagsimula bilang isang pagmamalaki sa kanyang mga kaibigan sa huli ay nagkulong sa kanyang kalooban at nagkaroon ng sariling buhay sa loob niya. Ang demonyo ng pagnanasa ay natagpuan ang pintuan nito sa silid ng trono ng kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng walang kabuluhang pananabik na makapagpabilib.

Ang Kislap ng Katotohanan

Matapos basahin si Cicero sa edad na labinsiyam, ang nakapagliligtas na biyaya ng kanyang intelektwal sa paghahanap upang matuklasan ang karunungan ay napukaw. Ang marubdob na paghahanap na ito ay magdadala sa kanya sa pag-aaral ng iba’t ibang paaralan ng pilosopiya, gnostisismo, at isang matagal na pagninilay-nilay sa problema ng kasamaan. Sa lahat ng oras, ang paglalakbay na ito ay tumakbong pantay sa sekswal na imoralidad na bumalot sa kanyang buhay. Ang kanyang isip ay nangangapa sa itaas para sa liwanag, ngunit ang kanyang kalooban ay nababalot pa rin sa putik ng kasalanan. Ang pinaka rurok na punto ng paglalakbay na ito, ay kapag ang parehong mga tendensya sa loob niya sa wakas ay marahas na nagsagupaan, ay dumating sa edad na tatlumpu’t dalawa. Iyon ang pakikibaka na magtatakda ng kanyang walang hanggang kapalaran— kung siya ay magiging isang liwanag o hindi para sa lahat ng susunod na henerasyon ng mga Kristiyano o basta na lang maglalaho sa kadiliman—ay nauwi sa isang nagngangalit na panloob na impyerno.

Matapos makinig sa mga sermon ng dakilang San Ambrose at matapos basahin ang mga sulat ni San Pablo, wala nang pag-aalinlangan sa kanyang isipan na sa Simbahang Katoliko lamang niya matatagpuan ang katotohanang lagi niyang hinahanap. Malinaw na sa kanya ngayon na si Jesucristo ang tunay na hangarin ng kanyang puso ngunit wala siyang kapangyarihang putulin ang mga tanikala ng pagnanasa na nagsara sa parehong pusong iyon sa bilangguan ng bisyo. Siya ay lubos at  taos-puso sa pagharap ng katotohanan upang isipin na maaari siyang mabuhay kay Kristo nang walang pagpayag na mamatay sa matinding kasalanan.

Digmaan at Paglaya

Ang huling labanan na magpapasya sa digmaan para sa kanyang kaluluwa ay sumunod sa isang talakayan kasama ang kanyang mga kaibigan tungkol sa ilang kilalang mga Romano na iniwan ang lahat upang sumunod kay Kristo. (Ngayon ang pagkakaroon ng mabubuting kaibigan ay nagsimulang ituwid ang mga kamalian ng kabataan.) Nakuha ng isang banal na pagnanais na sundin ang halimbawa ng mga banal, ngunit hindi magawa ito dahil sa kanyang pagkatali sa pagnanasa, isang emosyonal na Augustine ang humangos palabas ng bahay papunta sa hardin. Sa paghahanap ng isang lugar ng pag-iisa, pinahintulutan niya ang mga luha ng panghihinayang at panloob na pagkabigo na sa wakas ay malayang dumaloy. Mga luhang nagpapatunay ng paglilinis.

Dumating na sa wakas ang sandali na handa na siyang bumitaw. Pumayag siyang pakawalan ang kanyang pagkakahawak sa kasalanan para sa kabutihan. Hindi sa lalong madalng panahon  na ang banal na espirituwal na pagnanasang ito ay nagtagumpay sa kanyang labis na pagnanais para sa pisikal na kasiyahan kaysa sa narinig niyang boses ng isang bata na paulit-ulit na umaawit ng, “Kunin at basahin.” Ipinalagay niya ito bilang isang utos mula sa Makapangyarihang Diyos na inilagay sa mga labi ng mga sanggol. Nagmamadaling bumalik siya sa bahay upang kunin ang aklat ng mga liham ni San Pablo na iniwan niya sa mesa, sinabi niya sa kanyang sarili na tatanggapin niya ang anumang mga salita na una niyang makita bilang pagpapahayag ng kalooban ng Diyos para sa kanyang buhay. Ito ang kanyang nabasa, “Mamuhay tayo nang marangal at huwag gugulin ang panahon sa paglalasing at magulong pagsasaya, sa pagpapakasawa sa pita ng laman at kahalayan, sa alitan at inggitan. Ang Panginoong Jesu-Kristo, ang paghariin ninyo sa inyong buhay at huwag paglaanan ang laman upang bigyang-kasiyahan ang mga nasa nito.” (Roma 13:13-14)

Tagumpay

Kasabay ng mga salitang ito ng Banal na Kasulatan, ang kahima-himalang liwanag ay pumasok sa kanyang kaluluwa. Ilang sandali lamang matapos ang tunay na pagnanais na mailigtas sa kauna-unahang pagkakataon, ang pagpapalaya ay kanya na ngayon. Ang mga tanikala na nakagapos sa kanyang kalooban sa napakatagal na panahon, na nagpailalim sa mabagsik na paghahari ng mga pagnanasa, ay nabasag ng pira-piraso sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo na Tagapagligtas. Ang kanyang pinahihirapang kaluluwa ay pinahintulutang makapasok kaagad sa kagalakan, kapayapaan, at kalayaan ng mga anak ng Diyos. Sa napakahalagang oras na iyon para sa buong Simbahan, ang taong minsang naging alipin ng pagnanasa sa pamamagitan ng kapus-palad na samahang itinangi bilang isang kabataan ay namatay at isa sa mga pinaka-maimpluwensyang santo sa lahat ng panahon ay biglang nabuhay.

Sa pagbabalik-tanaw sa nakalipas na mga taon, mahirap para sa santo na maniwala na maaari niyang pahintulutan ang gayong maliit na bagay na walang kabuluhan para mapigilan siya mula sa Panginoon at ang kalugod-lugod na kagalakang ibibigay sa kanya kay Kristo. Siya ay tulad ng isang desperado na kumakapit sa walang kabuluhang mga hiyas habang ang hindi mabibiling kayamanan ay iniaabot sa kanya. Ang Protestanteng scholar R.C. Binubuod ni Sproul ang pinagkasunduan ng lahat ng mga Kristiyano tungkol sa napakalaking kahalagahan ng nangyari sa araw na iyon, “Kung mayroon mang higanteng namumukod-tangi sa kasaysayan ng Simbahan bilang ang taong nasa balikat niya ang buong kasaysayan ng teolohiya ay nakatayo, ito ay isang tao sa pangalan ni Aurelius Augustine, Saint Augustine.”

 

'

By: Father Sean Davidson

More
Dec 24, 2022
Makatawag ng Pansin Dec 24, 2022

Sa loob ng maraming taon ay nakipaglaban ako sa katakawan na hindi napagtanto ang ugat sa likod ng aking labis na pagkain

Kahapon, habang naghahanda ako para sa Misa, iniisip ko ang aking patuloy na pakikipaglaban sa sobrang pagkain. Bagama’t hindi ako nakikitang sobra sa timbang sa karaniwang tao, alam kong kumakain ako ng higit sa dapat. Kumakain ako kahit hindi ako nagugutom, dahil lang nandoon ang pagkain at natutukso ako nito. Dahil tapos na akong magbihis para sa Misa bago pa handa ang aking asawa, nagpasiya akong magbukas ng aklat ng panalangin ni San Jude na ginagamit ko tuwing gabi para sa panalangin upang makita kung mayroon din itong Panalangin sa Umaga. Habang binuklat ko ang mga pahina, nakatagpo ako ng panalangin para sa mga adiksyon na hindi ko napansin noon. Habang binibigkas ko ang panalangin, lalo kong hiniling sa Diyos na pagalingin ako sa aking pagkalulong sa pagkain. Kahit na sinubukan kong pagtagumpayan ang pagnanais na kumain nang labis sa loob ng maraming taon, ang aking mga pagsisikap ay nabigo.

Pagmamaneho Paalis

Sa Misa, ang Pagbasa ng Ebanghelyo ay Marcos 1:21–28. Sabi ko sa sarili ko, “Sa parehong paraan na mapaalis ni Hesus ang masamang espiritu sa taong ito, mapapaalis Niya sa akin ang espiritung ito ng katakawan dahil ganito pa rin ang hawak ng masama sa buhay ko.” Nadama ko na tinitiyak ako ng Diyos na kaya at itataboy Niya sa akin ang espiritu ng katakawan na ito. Ang aking damdamin ay pinalakas ng homiliya ng pari.

Sa kanyang homiliya, inilista niya ang maraming uri ng masasamang espiritu na kailangan nating iligtas, tulad ng galit, depresyon, droga, at alkohol. Ang pinakanahirapan niya ay ang pagkalulong sa pagkain. Ipinaliwanag niya kung paano siya nawalan ng apatnapung pounds, para lamang makabawi ng tatlumpu. Dagdag pa niya, kahit anong pilit niyang pigilan ang kanyang sarili, palagi siyang napapadala sa tuksong kumain nang labis, kaya nagagawa niya ang kasalanan ng katakawan. Lahat ng inilarawan niya ay direktang nauugnay sa akin. Tiniyak niya sa atin na si Hesus ay dumating at namatay upang tayo ay palayain, kaya hindi tayo maaaring mawalan ng pag-asa kahit gaano man tayo kawalang pag-asa, dahil ang pag-asa ay laging nariyan. Binibigyan tayo ni Hesus ng pag-asa dahil dinaig Niya ang kamatayan at muling nabuhay. Kaya natin maangkin ang tagumpay dahil tinalo na Niya ang kapangyarihan ng kasalanan sa ating buhay. Kailangan lang nating magtiwala na darating si Hesus para iligtas tayo, sa Kanyang sariling panahon.

Kapag mabagal tayong napagtanto na wala tayong magagawa kung wala ang Kanyang tulong, kung minsan ay pinahihintulutan tayo ng Diyos na mapunta sa mga posisyon kung saan nakakaramdam tayo ng kawalan ng kakayahan. Ngayong umaga, sa aking pagdarasal sa umaga, binuksan ko ang aking aklat ng pang-araw-araw na pagninilay sa isang pagbabasa na nakatuon sa paghahanap ng kapayapaan. Upang makatagpo ng kapayapaan dapat tayong maging kaayon ng kalooban ng Diyos. Kapag tayo ay naaayon sa kalooban ng Diyos, mas mabisa nating matutulungan ang iba at maakay sila sa Panginoon.

Paano ako makakatulong sa ibang tao kung ako ay perpekto? Maiintindihan ko ba ang paghihirap ng ibang tao kung hindi ako nahirapan? Kapag ako ay nagsusumikap laban sa isang kasalanan, tulad ng katakawan, ang aking pakikipaglaban ay hindi walang kabuluhan. Ito ay para sa isang dahilan. Hinahayaan tayo ng Diyos na makaranas ng mga paghihirap upang tayo ay makiramay at matulungan ang iba at matanto na tayo ay hindi mas mahusay kaysa sa iba. Kailangan nating lahat ang isa’t isa, at kailangan nating lahat ang Diyos.

Kakaibang Koneksyon

Ipinakita ito ni San Pablo nang igiit niya ang “isang tinik sa laman” na ibinigay sa kanya upang maiwasan siyang maging “sobrang kagalakan” at sinabi sa kanya ni Kristo na “ang kapangyarihan ay ginagawang perpekto sa kahinaan”. Kaya, siya ay “masayang ipagmalaki ang aking mga kahinaan, upang ang kapangyarihan ni Kristo ay manahan sa akin.” (Corinto 12:7–9)

Itinuturo sa akin ng Banal na Kasulatan na ito na ang pakikibaka sa aking pagkagumon sa pagkain ay para panatilihin akong mapagpakumbaba. Hindi ko maramdamang nakahihigit ako sa sinuman dahil nahihirapan din akong madaig ang tukso, tulad ng iba, naniniwala man sila sa Diyos o hindi. Gayunpaman, kapag naniniwala tayo sa Diyos, nagiging mas madali ang mga pakikibaka dahil nakikita natin ang layunin sa pagpapatuloy ng labanan. Maraming tao ang nakikipagpunyagi sa mga adiksyon at iba pang problema sa iba’t ibang dahilan, ang isa ay maaaring dahil sa bunga ng kasalanan. Gayunpaman, kapag ang isang tao ay isang mananampalataya ng Diyos at isang tunay na tagasunod, kinikilala niya na ang kanyang mga problema ay para sa ikabubuti athindi bilang parusa. Itinuturo sa atin ng Roma 8:28 na “lahat ng bagay ay gumagawa para sa ikabubuti ng mga umiibig sa Diyos, na tinawag ayon sa Kanyang layunin.” Pinakamahalaga, ito ang katotohanan para sa lahat ng tinawag sa layunin ng Diyos. Ang pag-alam sa katotohanang ito ay gumagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng pagtingin sa mga problema, pagkagumon, at pagdurusa bilang mga parusa, o bilang mga pagpapala na gagana para sa ating ikabubuti sa katagalan. Kapag ang isang tao ay tinawag ng Diyos ayon sa Kanyang layunin, ang taong iyon ay lubos na nababatid ang tawag na ito, kaya tinatanggap niya ang mabuti at masama sa kanyang buhay bilang kalooban ng Diyos.

Habang nag-iisip ako, sinubukan kong alalahanin kung kailan nagsimula ang aking pagkalulong sa pagkain. Nakakahiya akong nalaman na ang sarili kong pagkagumon sa pagkain ay nagsimula nang harapin at kinondena ko ang isa sa aking sariling mga kamag-anak tungkol sa kanyang pagkagumon sa droga at alkohol.

Nakikilala ko na ngayon na kasabay ng galit kong pagkondena sa aking kamag-anak, unti-unti akong nalulong sa pagkain. Sa huli, ang pagkondena at kawalan ng kapatawaran ang pinagmulan ng aking pagkagumon. Kinailangan akong pakumbabain ng Panginoon sa pamamagitan ng paghahayag, sa pamamagitan ng sarili kong pagkagumon, na tayong lahat ay mahina. Lahat tayo ay nahaharap sa mga adiksyon at tukso, at nakikipagpunyagi sa mga ito sa maraming anyo. Sa aking pagmamataas, naisip ko na sapat na ang aking lakas upang madaig ang mga tukso sa aking sarili, ngunit sa pagiging biktima ng aking katakawan, natuklasan kong hindi pala. Makalipas ang walong taon, nahihirapan pa rin akong malampasan ang aking pagkalulong sa pagkain at ang kasalanang ito ng katakawan.

Hindi tayo magagamit ng Diyos kung nadarama nating mas mataas tayo sa iba sa anumang paraan. Kailangan nating maging mapagpakumbaba upang bumaba sa antas ng mga nangangailangan sa atin, upang matulungan natin sila kung nasaan sila. Upang maiwasang hatulan ang iba para sa kanilang mga kahinaan, dapat nating ipagdasal sila, ibigay ang tulong at ialay ang ating sariling mga pakikibaka para sa kanila. Hindi ba ito ang dahilan kung bakit inilalagay ng Diyos ang mga makasalanan at ang mga nasasaktan sa ating landas? Sa tuwing makakatagpo tayo ng iba, mayroon tayong pagkakataon na ipakita sa kanila ang mukha ng Diyos, kaya dapat nating iwanan sila sa isang mas mabuting kalagayan para sa pagharap sa ating landas, hindi mas nasaktan o nasisira. Sa Lucas 6:37, nagbabala si Jesus, “Huwag na kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Itigil ang pagkondena at hindi ka hahatulan. Magpatawad at patatawarin ka.”

 

'

By: Adeline Jean

More
Dec 24, 2022
Makatawag ng Pansin Dec 24, 2022

Nakikinig sa walang kibo, maliit na tinig na iyon…  

Ang mga bulong ay dumadating nang hindi inaasahan. Ang mga mahinang mga salitang iyon na matatagpuan sa isang aklat o nadinig mula sa isang kaibigan o mananalumpati na nagkrus sa ating landas sa tamang sandali—ang sandaling ang ating mga puso ay pinalad na madinig ang mga ito sa dalisay o natatanging paraan. Nangyayari ito tulad ng isang siklapb ng kidlat na dagliang tinatanglawan ang tanawin sa ibaba.

Kamakailan ay natawag ng aking pansin ang ganitong parirala, “Kapag hinalinhan mo ang paghuhusga ng pagkamausisa, ang lahat ay nagbabago.” Hmm…Napatigil ako upang isaalang-alang ang pangungusap. May katuturan! Sinanay kong palitan ang mga negatibong paniniwala ng mga positibong pagpapatibay at iba’t ibang Kasulatan sa paglipas ng mga taon, at nagbunga ito ng panibagong paraan ng pag-iisip. Tila may namana akong pagkahilig sa katumbalikan. Ang ugaling ito na nakita ko sa isa sa aking mga magulang habang lumalaki ay natanim sa aking isip, ngunit hindi ko ninais na maging ganuon. Ang nangyari, naakit ako sa mga kaibigang hindi madaling masiraan ng loob! Sila ay nagpakita ng isang mahalagang bagay na kakaiba sa aking karanasan, at naakit ako dito! Ang paghahanap ng ano mang mabuti sa kapwa ay ang pakay, ngunit ito ay lumawig pa sa paghahanap sa positibong bagay sa gitna ng mabigat na paghamon.

Ang buhay ay puno ng mga hadlang at hamon; alam iyon ng sinumang nabuhay nang gaano man katagsl sa mundong ito. Tinukoy ng Ebanghelyo ni San Juan si Jesus na nagsasalita ng katotohanang ito: “Nasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito, upang sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Sa mundong ito ikaw ay magkakaroon ng bagabag. Ngunit lakasan mo ang iyong loob! Napaglabanan ko ang mundo.” Nakikita natin ang Kanyang mga salita sa mga taong tulad ni Helen Keller, na sa kabila ng isang karamdamang nagdulot ng kanyang pagkabingi at pagkabulag, ay nagawa niyang ipahayag na “bagama’t ang mundo ay puno ng pagdurusa, ito ay puno din ng paggapi nito. Ang pag-asam ko sa mabuting hinaharap, kung gayon, ay hindi nakasalalay sa kawalan ng kasamaan, ngunit sa halip ay sa isang malugod na paniniwala sa kahigtan ng kabutihan at ng kusang pagsisikap na laging makipagtulungan sa mabuti, na ito ay manaig. Sinisikap kong dagdagan ang kapangyarihang ibinigay sa akin ng Diyos upang makita ang pinakamabuti sa lahat ng bagay at gawing bahagi ng aking buhay ang pinakamabuting iyon.”

Sa paglipas ng panahon, ang aking mga pagsisikap at ang biyaya ng Diyos ay naging daan na matugunan ang mga paghihirap sa pamamagitan ng dagliang pagtuon ng aking pansin sa ano mang maaari kong ipagpasalamat sa kabila ng hindi kanais-nais na mga pangyayari. Madaling mabitag sa “mabahong pag-iisip!” Kinakailangan ng pakay at lakas ng loob upang mapili nating mabago ang landas ng mga panloob at panlabas na pag-uusap palayo sa mga hinaing, pagpuna, at pagtuligsa! Madalas kong pagnilayan ang mga salitang ito na una kong nadinig noong bata pa ako: “Magpunla ng kaisipan, mag-ani ng kilos. Magpunla ng kilos, mag-ani ng gawi. Magpunla ng gawi, mag-ani ng pamumuhay. Magpunla ng pamumuhay, mag-ani ng kapalaran.”

Ang ating iniisip ang siyang pasimula ng ating ginagawa. Ang ginagawa natin nang paulit-ulit ay nagiging gawi. Ang ating mga gawi ang bumubuo ng ating pamumuhay. Ang ating pamumuhay, ang ating mga kagustuhan habang lumilipas ang panahon, ang syang humuhubog sa atin kung sino tayo. Hindi ako naniwala sa mga salitang ito nang dahil lamang sa may nagsabi nito. Kailangan lamang na dumalo sa mga libing at taimtin na makinig sa mga papuri para malaman ang katotohanang ito! Kung paanong namuhay ang Isang tao ay ang siyang nagpapasiya kung paano siya maaalala…o kung siya ay maaalala.

Dapat lang, ang maayos na pamumuhay ay nangangailangan ng madalas na pagmumuni-muni, gayundin ng pagsang-ayon na makibagay. Ngayon ay pinag-iisipan ko ang payo na ‘halinhan ang paghatol ng pagtatanong’. Madaming mga pagkakataon ang nakapaligid sa akin! Kung paanong sa nakaraan ay hindi ko ninais na mamuhay nang may negatibong pananaw, sa ngayon, ayaw ko ang mapanghusgang saloobin at gawin pang mas mahirap sundin ang utos ni Jesus na mahalin ang aking kapwa gaya ng aking sarili.

Natagpuan ko ang pagkakataon na halos kaagad na subukan ang bagong tugon na ito! Isang bagay na ibinahagi sa akin ng isang kaibigan nang sumunod na araw ang mabilis na naging isang paghuhusga tungkol sa ibang tao, at simbilis ng kidlat, natagpuan ko ang aking sarili na sumasang-ayon! Ngunit simbilis din na dumating ang bulong, “Kapag hinalinhan mo ang paghatol ng pag-usisa, lahat ay nagbabago.” Sa isang iglap, ang kagustuhan na maging mausisa kung bakit pinili ng taong iyon ang bagay na sa tingin naming dalawa ay napakadaling husgahan, isang makatwirang dahilan ang sumaisip sa akin! Totoo nga ito….ang pagiging matanong ay nakakapagbabago ng lahat. At kahit na hindi, mababago nito ako…hindi ba’t iyon ang layon sa simula pa?!

“Kung mababasa natin ang lihim na kasaysayan ng ating mga kaaway, ating matutunghayan sa buhay ng bawat tao ang lungkot at dusa sapat na upang maalis ang lahat ng poot.” – Henry Wadsworth Longfellow

 

'

By: Karen Eberts

More
Dec 24, 2022
Makatawag ng Pansin Dec 24, 2022

Natatakot sa mga pakikibaka sa iyong buhay? Gawin mong mga pagpapala ang mga pakikibakang iyon!

Sinasabi sa atin ng Aklat ni San Jaime na magalak sa ating mga pagsubok?  Ngunit maaari ba iyon, lalo na kapag pakiramdam mo ay napaloob ka sa isang ipu-ipo at ang pinakamabuting magagawa mo ay huminga nang minsan pa bago ka muling mahigop?  Mangyayari ba sa panahon ng 3-taong pandemya na humamon sa madami sa atin sa mga paraang hindi natin naisip?

May mga araw sa nakalipas na ilang taon na pakiramdam ko’y nasa pelikula ako.  Ang mga pelikula ay makakapagturo sa atin ng madaming mga bagay at ang pinakamahusay na mga pelikula, yaong ang mga makakapagpabuntong-hininga sa iyo nang may ngiting puno pananalig, hindi lamang ang magkaroon ng magandang pagtatapos.  Ang mga ito ay naglalaman ng nagpapahiwatig na katotohanan na dumadaloy sa kabuuhan ng balangkas ng kwento at patungo sa kasukdulan.  Ang mga ganitong pelikula ay lumilikha ng hindi maipaliwanag na pag-akit sa mga manonood na sumisigaw, ‘may higit pa sa nakikita mo, may mas malalim na katotohanan dito’.

Bagama’t hindi sine, iyon ang nararamdaman ko kapag binabasa ko ang aklat ni Job sa Lumang Tipan.  Kung ang kwento lang ay, ‘Si Job ay nasubok, nawalan ng lahat at nakuhang muli ang higit pa kaysa dati,’ sasabihin ko, “Hwag na, salamat, mas nais ko pang taglayin ang ano mang meron ako at laktawan ang lahat ng hirap.”

Ngunit may mas malalim pang bagay na nangyayari sa lahat ng pagsubok at kapighatian ni Job.  Ang mas malalim na bagay na ito sa kuwento ni Job ay maaaring isang mabisang panustos para sa ating lahat habang pasulong tayo sa nalalabing araw ng Covid at dumadanas ng iba pang mga hamon sa buhay.

Nagpupumilit

Sa pinakaunang talata ng aklat nalalaman natin na si Job ay “isang taong matuwid at walang kapintasan na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.”  Si Job ay isang mabuting tao, isang huwarang tao, at kung sinuman ang dapat maligtas sa kapahamakan, ang taong ito ang dapat. Iyon noon ang inaasahan ko dahil ginagawa ko ang mga tamang bagay, dahil inialay ko ang aking buhay sa Diyos at ninais na sundin Siya, na magiging maayos ang aking landas sa buhay— kahit papaano.  Ngunit nagawang alisin ng karanasan ko sa buhay ang kaisipang iyon. Ipinaaalala sa atin ni Job na hindi tinitiyak ng Diyos ang isang magaang buhay kanino man, ni sa Kanyang mga kaibigan.  Ang tanging tinitiyak ng Diyos ay ang makakasama natin Siya sa pakikibaka!

Nawala kay Job ang lahat, at ang ibig kong sabihin ay lahat. Sa bandang huli, nagkakaroon siya ng sakit sa balat na nagmistulang eksema ang ketong. At sa buong panahon yon, tumatanggi siyang itakwil ang Diyos. Tandaan mo, si Job ay walang Bibliya na sasandalan. Ang meron lamang siya ay mga saling-angkang kasaysayan na ipinagpasapasa tungkol sa kung sino ang Diyos at kung paano kumilos ang Diyos. Sa isang banda, namili siya–ang parehong pagpili na dapat gawin ng bawat isa sa atin: Susundin ba natin ang isang hindi natin nakikita upang makamit ang hindi natin maikakaila?

Matapos magtiis ng matinding paghihirap at kabawasan, ninais ni Job na hindi na sana siya isinilang. Ito ay hindi kawalan ng galang na pag-alboroto ng kabataan na kasunod sa away at paghihiwalay ng magkasintahan.  Narating na ni Job ang higit pa sa sukdulan na makatarungan.  Ang lahat ng kanyang kayamanan ay nawala, ang lahat ng kanyang mga alagang hayop, mga lupain, mga gusali, mga tagapaglingkod, at ang kalunus-lunusan, ang kanyang mga anak ay patay nang lahat. At na kuskusin pa ng asin ang sugat, ang kanyang sakit sa balat ay tulad ng isang tambol na walang tigil na nagpapaalala ng kanyang mga kawalan.

Tamang-tamang Sandali

Dito sa tagpong ito, sa ika- 38 Kabanata, sa wakas ay itinuwid ng Diyos si Job.  Aasahan mong ito ay isang mabuting panahon para sa Diyos na mapang-aliw na yakapin siya, o ang Diyos na haring mandirigma ay patalsikin ang kaaway sa isang tabi.  Ngunit sa halip, ang Diyos ay nagsasabi ng pagtutuwid.  Maaaring mahirap para sa atin na unawain ito, ngunit higit na kinailangan ni Job ang naturang tugon mula sa Diyos kaysa ano pa mang tugon.

Paano ko ito masasabi nang may pagtitiwala?  Sapagkat alam lagi ng Diyos kung ano ang kailangan natin.  Ibinibigay sa atin ng Diyos kung ano ang pumapatnubay sa paglago, sa kabuuan, at sa kaligtasan—kung hahayaan natin ito.  Ang bahagi natin ay ang magpasiya kung nagtitiwala tayo na ang ginagawa ng Diyos ay para sa ating ikabubuti.

Sa wakas, ang maganda, tunay na katotohanan na dumadaloy sa kasaysayan ni Job ay pumaibabaw sa simula ng ika-42 Kabanata kung saan ipinagtapat ni Job, “Noo’y nakilala Kita dahil sa sinabi ng iba, subalit ngayo’y nakita Ka ng sarili kong mata. Kaya ako ngayon ay nagsisisi, ikinahihiya lahat ng nasabi, sa alabok at abo, ako ay nakaupo.”

Sa mag-isang talatang ito natin makikita ang pinakabuod ng paglalakbay ni Job. Ang kamalayang iyon na, meron pang higit kaysa sa ating makikita, isang mas malalim na katotohanan na dama natin ngunit hindi natin alam kung ano ang tawag, ay naging malinaw na ngayon.

Hanggang sa tagpong ito, si Job ay nakadinig ng tungkol sa Diyos mula sa ibang tao.  Ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay mula sa “sabi-sabi.” Ngunit ang kapinsalaan na kanyang dinanas ay naging daan upang pahintulutan siya na makita nang harapan ang iisa at tunay na Diyos sa sarili niyang mga mata.

Kung ninais ng Diyos na makipagkita sa iyo nang harapan, kung gusto Niyang maging mas malapit sa iyo higit sa iyong maiisip, ano ang handa mong batahin para mangyari iyon?  Mapipili mo bang masdan itong huling dalawang taon bilang isang hain ng pagsamba sa Diyos?  Kaya mo bang pagmasdan ang lahat ng mga pagsubok sa iyong buhay, ang lahat ng mga pagkawala at paghihirap, at aninawin ang mahiwagang kalooban ng Diyos na magsaayos sa mga ito?

Maglaan ngayon ng sandali at ialay ang iyong mga pagsubok sa Kanya bilang pagsamba, at pagkatapos ay mamahinga sa kapayapaang dumarating!

 

'

By: Stephen Santos

More
Dec 24, 2022
Makatawag ng Pansin Dec 24, 2022

T – Winika sa atin ni Jesus na kailangan nating maging “mga musmos na bata” upang makapasok sa Kaharian ng Diyos, ngunit winika ni San Pablo na dapat tayong maging makatuwirang mga Kristiyano na may sapat na gulang (Epeso 4:14). Alin ang dapat?

S – Kapwa ay dapat! Ngunit suriin muna natin ang ibig wikain ni Jesus at San Pablo, pagkat ang mga kabutihan ng mga bata at matatanda ay magkakaiba ngunit nagkakasundo.

Una, ano ang mga kabutihan ng mga bata? Sila ay walang kamalayan at wagas, sila’y masayahin, at nagmamahal ng buong puso.

Ang ina ng isang labing-pitong-taon na lalaking nagngangalang Christopher ay ibinahagi sa akin ang tagpo noong isinalaysay niya ang kuwento ni San Juan Biyano. Si San Juan Biyano ay napakabanal kaya ang dimonyo ay minsang nagpakita sa kanya na nagsasabing kung may mga tatlong tao na kasing-banal niya sa mundo, ang kaharian ng dimonyo ay magugunaw. Sa pagkadinig nitong kuwento, si Christopher ay nagsimulang umiyak. Nang ang kanyang ina ay nagtanong kung ano ang mali, tumugon si Christopher, “Ako’y malungkot pagkat isa pa lamang ang tao na ganoong kabanal sa mundo. Nais kong maging ikalawa. Itong walang kamalayang buong-pusong pag-ibig ang nais ni Kristo na tawagin tayo upang tularan.

Ang mga bata ay madalas na tumatawa dahil sila’y hindi sukdulang taimtim sa mga sarili nila. Maaari silang maging hangal sapagka’t sila’y hindi maalalahanin sa sariling katayuan at mapagmalaki. Nais ni Jesus na tayo ay mamuhay tulad nitong pagwawalang-bahala!

Madalas, isang musmos na bata ay bibigyan ako ng isang malaking yakap—kahit na hindi ko pa ito natagpuan noong una. Sa kanilang pagkawalang-malay at pagkawagas, sila’y nakapagmamahal nang walang pasubali. Ito ang kung papaano tayo tinatawag na kumilos. Ang mga bata ay hindi nanghahatol sa pamamagitan ng mga pananamit o hitsura; ang natatanaw lamang nila ay isang maaaring maging kaibigan.

Tinatawag tayo ni Jesus na umasal tulad ng mga bata. Ngunit dapat nating matiyak ang kaibhan ng asal-bata sa isip-bata, na nangangahulugang nagpapakita ng damot, kamangmangan, at kasalawahan, na naitutukoy din sa paglalarawan ng mga bata.

Inaatasan tayo ni San Pablo hindi bilang mga bata sa pananampalataya, kundi bilang ganap na mga lalaki at babae kay Kristo. Ano ang ibig sabihin ng pagiging ganap-na kay Kristo? Ang ganap na mananampalataya ay nakapagsigasig na sa mga kahirapan, tumatahak sa kaloob-looban ng taos na ugnayan kay Kristo, at nagtataglay ng talino.

Ako’y nagtuturo sa isang paaralang Katolika na tinatawag na Cardinal Kung Academy, na ipinangalan mula kay Cardinal Ignatius Kung. Si Cardinal Kung ay isang Intsik na Obispong nadakip na ng partidong komunista noong 1955 at nabilanggo ng mahigit na tatlompung-taon, karamihan nito ay nakahiwalay na nag-iisa. Pagkalipas ng maraming taon ng pagkabilanggo at pagpapahirap, ang mga may-kapangyarihan ay idinala siya sa isang palaruang puno ng mga tao sa Beijing na kung saan ay inaasahan siyang ipagkaila ang Pananalig. Bagkus, tumayo siya sa harap ng libu-libong mga tao at inihayag, “Mabuhay si Kristong Hari!” Ng may dakilang paggiliw ang mga tao’y tumugon, “Mabuhay si Obispo Kung!” Dahil dito ay naniklab sa galit ang mga may-kapangyarihan, na nagdagdag ng kanilang pagpapahirap sa obispo, ngunit hindi niya tinalikdan ang Pananalig.

Narito ang isang disipulo na nagsigasig sa matinding paghihirap, na ihinugis ang banal na kaganapan sa loob ng maligasgas na hulmahan ng mga pagsubok at mga pighati. Nang matapos siyang makawala patungo sa Estados Unidos noong 1986, ipinagpatunay niya na ang kanyang pang-araw-araw at katapatang-loob na pagdarasal kasama si Jesu-Kristo ang nagpagintulot sa kanya na tuminding nang matatag sa pananalig. Sa lahat ng ito, lumabas siya nang walang kapaitan o poot, ngunit nag-uumapaw na talino.

Kaya, sa pagsunod kay Kristo ay ang pagkakaroon ng mga magagandang katangian ng mga bata–taos-pusong walang pasubaling pag-ibig; bumubulubok na ligaya at pagtataka; walang- kamalayan at kalinisan—at ang subók-at-tunay na pagsisigasig, at pang-araw-araw na pakikipaglapit sa Panginoon na itinatangi ng mga yaong ganap na sa pananalig. Nawa’y masundan natin si Kristo sa pagsasabuhay ng walang malay na kaganapan!

 

'

By: PADRE JOSEPH GILL

More
Dec 24, 2022
Makatawag ng Pansin Dec 24, 2022

Kilalanin ang pinakadakilang kapangyarihan sa uniberso na may kakayahang baguhin ka…at ang mukha ng mundo

Noong 2019, natapos ng aming Parokya ang pagkukumpuni ng simbahan na nagdagdag ng lugar para sa pagtitipon, mga upuan , elebeytor, at banyo na naging mas madaling mapuntahan at magiliw sa ating simbahan. Ngunit tatlong taon pagkatapos ng pagsasaayos, tila kakaunti ang mga parokyano ang nakakaalam tungkol sa pinakanagbabagong karagdagan sa lahat: Ang Kapilya ng Walang hanggang Pagsamba  na matatagpuan sa silong ng aming simbahan.

Ang Pinakamagandang Oras sa Mundo

Nakatago sa pagitan ng aming bagong silid para sa Tinedyer /Nakakatanda at ng isang abalang hagdanan ay isang maganda, matalik, santuwaryo na inilaan para sa Eukaristikong Pagsamba. Naniniwala ang mga Katoliko na si Hesus ay tunay na naroroon—Katawan, Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos—sa Banal na Eukaristiya. Ang Eukaristikong Pagsamba ay ang ating pagsamba sa Eukaristiya sa labas ng Misa. Dalawampu’t apat na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo ang sinuman ay maaaring pumasok sa katapatang loob sa kalawakan  na ito upang maglaan ng oras sa pagsamba sa Eukaristiya Panginoon na ipinapakita sa isang magandang pinaglalagyan ng Eukaristiya  sa altar.

Minsan ay sinabi ni San Teresa ng Calcutta, “Ang oras na iyong ginugugol kasama ni Hesus sa Banal na Sakramento ay ang pinakamagandang oras na iyong gugugulin sa lupa. Ang bawat sandali na iyong kasama ni Hesus ay magpapalalim sa iyong pakikipag-isa sa Kanya at gagawing mas maluwalhati at maganda ang iyong kaluluwa magpakailanman sa langit, at tutulong na magkaroon ng walang hanggang kapayapaan sa lupa.” Magdulot ng walang hanggang kapayapaan sa lupa? Sino ba naman ang hindi gugustuhing gawin yun?! Gayunpaman, karamihan sa mga araw ay sinusubukan ko lamang na maging isang mas mabuting ina.

Isang Matibay na Pagsasama

Sa nakalipas na taon, ang Eukaristikong Pagsamba ay naging mahalagang bahagi ng aking relasyon kay Hesus at ng aking pagsisikap na maging magulang nang may higit na pagmamahal. Sapagkat “kung ako ay may pananampalataya na makapagpapalipat ng mga bundok, ngunit walang pag-ibig, ako ay walang kabuluhan” (1 Mga Taga-Corinto 13:1).

Ang Kapilya ng Pagsamba ang pinupuntahan ko kapag pakiramdam ko malayo ako kay Hesus. Dito ko hinarap ang araw-araw na pakikibaka ng pagsama sa aking pamilya sa landas tungo sa pagiging banal. Minsan ay nakakita ako ng karatula sa labas ng simbahan na nagsasabing, “Halika kung ano ka; pwede kang magpalit sa loob.” Iyan ang nararamdaman ko sa pagtungo sa Pagsamba —hindi na kailangang magbihis o gumawa ng espesyal na paghahanda. Kahit na medyo matagal na, pumasok ako sa kapilya at kinuha kung saan ako tumigil. Ang oras ng aking pagsamba ay katulad ng isa sa isa na oras na ginugugol ko sa mga taong pinakamamahal ko. Tulad ng “gabi sa pakikipag-tipanan” sa ating asawa o sa mahabang pakikipag-usap sa isang mabuting kaibigan na nag-aangkla sa mga relasyong iyon, ang Pagsamba ay nagtatatag ng tiwala sa Diyos at nagpapaunlad ng uri ng pagsasama na komportable sa katahimikan at presensya.

Ano ang ginagawa ng isang tao sa Pagsamba? Iba-iba ang nakagawian ko. Minsan nagdadasal ako ng Rosaryo, minsan naman ay nagninilay-nilay ako sa isang talata ng banal na kasulatan o naglalaan ng oras sa pag-talaarawan. May posibilidad tayong magsikap nang husto upang mahanap ang Diyos kaya hindi natin Siya binibigyan ng oras na hanapin tayo. Kaya, kadalasan, inilalagay ko lang ang aking sarili sa presensya ng Panginoon at sinasabi, “Panginoon, narito ako. Gabayan mo ako.” Pagkatapos ay itinaas ko ang mga sitwasyon o “buhol” Kailangan ko ng tulong at ipagdasal ang sinumang pinangako ko ng panalangin sa linggong iyon.

Karaniwang umaalis ako sa kapilya na nadarama kong lumakas, payapa, o tinutulak sa isang bagong direksyon. Ang paggugol ng isa sa isa na oras sa ating Panginoon ay ginagawang mas matalik ang ating relasyon. Kapag narinig mo ang isang miyembro ng pamilya na bumababa sa hagdan, alam mo kung sino ito mula sa tunog ng kanilang mga yapak. Ang pagiging pamilyar na iyon ay nagreresulta mula sa dami ng oras na ginugugol namin sa mga miyembro ng pamilya at nagbibigay sa amin ng malalim na pakiramdam ng pag-alam at pagpapahalaga sa bawat isa sa kanila. Ang pagsamba ay nagtataguyod ng ganitong uri ng pagkakilala sa Diyos.

Isaalang-alang ang paggugol ng oras kasama si Hesus sa Banal na Sakramento sa pamamagitan ng pagbisita sa isang Kapilya ng Pagsamba. Anuman ang iyong sitwasyon—kung hindi ka regular na dumadalo sa Misa, kung kailangan mong maglatag ng mga pakikibaka sa paanan ng Panginoon, kung gusto mong maging isang mas mapagmahal na magulang, o kung kailangan mo lamang na lumayo sa kaguluhan ng iyong araw at humakbang sa sagradong katahimikan ng Pagsamba— anuman ang pangangailangan, palagi kang malugod na tinatanggap sa presensya ng Panginoon. Ang regular na oras sa pagsamba ay huhubog sa atin bilang mga Kristiyanong alagad at bilang mga magulang. Gaya ng sinasabi sa atin ni Mother Teresa, ito ay maaaring “magdulot ng walang hanggang kapayapaan sa lupa”.

 

'

By: Jessica Braun

More
Dec 24, 2022
Makatawag ng Pansin Dec 24, 2022

Ang madulang kasaysayan tungkol sa Paglilinis ng Templo na matatagpuan sa kabanata 2 ng Ebanghelyo ayon kay Juan ay nagkukuwento tungkol kay Jesus na nagpunta sa Templo ng Jerusalem kung saan nakakita Siya ng mga mangangalakal na nagbebenta ng mga baka, tupa, at mga kalapati at mga mamamalit ng salapi na nakaupo sa kanilang mga mesa. Gumawa Siya ng latigo mula sa mga kurdon, itinaboy Niya sila palabas ng templo, ibinabaligtad ang mga mesa ng mga mamamalit ng salapi at inutusan silang “alisin ninyo rito ang mga iyan! huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” (t. 16).

Hindi sinaktan ni Jesus ang sinuman, ngunit ang dramatikong pagkilos na ito na napakalapit sa Paskuwa, ay tiyak na nakakuha ng atensyon ng mga tao at nagdulot ng pagsalungat mula sa mga awtoridad ng relihiyon at mula sa mga may interes sa ekonomiya ay nanganganib.

Ang pag-uugali ni Hesus sa salaysay na ito ay hinahamon tayo na hanapin hindi ang ating sariling mga pakinabang at interes, kundi ang kaluwalhatian ng Diyos na pag-ibig. Ang matapang na interbensyon ni Jesus ay nilinis ang Templo ng “basura na relihiyon” upang bigyang puwang ang tunay na relihiyon. Ano ang hitsura ng basura ng relihiyon ngayon?

Sa madaling salita, ang basurang relihiyon ay pumupulot at pumipili ng mga elemento ng Tradisyon ng Katoliko na sumusuporta sa ating personal na agenda habang maginhawang naglalagay ng mga piring sa mga hindi Katolikong elemento. Magagawa natin ang lahat ng tama— regular na dumalo sa Misa, pahalagahan ang mabuting liturhiya, bukas-palad na magbigay, sumipi ng banal na kasulatan at gawing  unawain ang ilang teolohiya, ngunit kung hindi natin hahayaang tumagos ang Ebanghelyo sa kaibuturan ng ating mga puso, hahantong tayo sa pagpapaamo sa Katolikong pananampalataya at gawing “basurang relihiyon.” Kung wala ang malalim na pangakong iyon, ang relihiyon ay nagiging mas mababa ang tungkol sa Mabuting Balita at mas higit pa ang tungkol sa sarili at sa personal na ideolohiya ng isa—anuman ang dulo ng pampulitikang espektro na kung saan mahahanap natin ang ating sarili.

Tinatawag tayo ng Ebanghelyo na yakapin ang Daan ni Hesus, na walang pag-iisip sa sarili at mapagpatawad. Tayo ay tinawag na maging walang dahas at itaguyod ang katarungan at kabutihan. At kailangan nating gawin ang mga bagay na iyon kapwa sa panahon at wala sa panahon kapag ito ay madali at kapag hindi madali. Nang maging mahirap ang sitwasyon, ninais ng mga Israelita na bumalik sa ginhawa at katiwasayan ng kanilang dating buhay sa Ehipto. Tulad nila, maaari tayong matukso na isuot ang relihiyon bilang isang kasuotan na nagbibigay ng pahayag tungkol sa atin sa halip na hayaan itong maging isang lebadura na nagbabago sa atin mula sa loob. Dapat nating tandaan na tayo ay mga instrumento ng mapagbigay at sumusuportang pag-ibig ng Diyos at dapat na maging matatag sa ating tawag.

Ang ating ritwal at mga gawaing debosyonal ay magpapaalala sa atin na ang tunay na pagsamba sa Diyos ay binubuo ng pasasalamat sa buhay at pagpapahayag ng pasasalamat sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating buhay sa iba. Kung gagawin natin iyan, magkakatawang-tao tayo sa muling nabuhay na Kristo dito at ngayon. Ihahatid natin ang kapayapaan na may katarungan sa ating komunidad. Sa kabuuan, tayo ay magsasanay ng tunay na relihiyon, na nagbubuklod sa ating sarili sa isang Diyos na nais lamang na mahalin tayo at mahalin pabalik.

 

'

By: Deacon Jim McFadden

More
Dec 24, 2022
Makatawag ng Pansin Dec 24, 2022

Hindi madaling magsabi ng ‘Pinapatawad ko’ at tunay na magpatawad hangga’t hindi mo ito ginagawa

“Para sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Kristo.” (Galacia 5:1)

Sigurado ako na ang karamihan sa mga tao ay makakaalam na ang pagpapatawad ay nasa pinakapuso ng mensaheng Kristiyano, ngunit marami ang magugulat na malaman na ang hindi pagpapatawad sa isang tao ay maaaring magresulta sa pisikal na sakit. Alam ko ito mula sa personal na karanasan. Ilang beses ko nang nasaksihan ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa pagpapagaling sa kakila-kilabot, kadalasang nakakaparalisa, na karamdaman.

Hindi isang Pangkaraniwan

Ang mga unang salitang binigkas ni Hesus, habang Siya ay namamatay sa Krus, ay mga salita ng pagpapatawad (Lucas 23:34). Ang Kanyang mapagmahal na sakripisyo ay ang sandali na hinihintay ng sangkatauhan, – upang palayain sila mula sa kasalanan at kamatayan. Muling namuo ang pagpapatawad sa Kanyang mga labi nang makilala Niya ang Kanyang mga disipulo matapos Siyang mabuhay mula sa mga patay, na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihang ipagkaloob ito sa Kanyang ngalan (Juan 20:19-23). Nang tanungin Siya ng mga Apostol kung paano manalangin, tumugon si Jesus sa isang panalangin na nagpapahintulot sa atin na tawagan ang Diyos bilang ‘Ama Namin’, at hinihiling sa Kanya na ‘patawarin mo kami sa aming mga kasalanan (mga kasalanan) tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala (nagkasala) sa amin’ ( Mateo 6:12). Kung inaasahan natin ang kapatawaran sa ating sarili, dapat nating patawarin ang iba (Mateo 5:23-26; 6:14).

Ang hindi pagpapatawad ay maihahalintulad sa isang nakakuyom na kamao. Ang nakakuyom na kamao ay mabagting , at madalas na nakakuyom sa galit. Ito ay talagang angkop lamang para sa isang bagay; upang tamaan ang isang tao, o hindi bababa sa upang maging handa. Kung ang kamao na iyon ay tumama sa isang tao, kung gayon ito ay isang makatarungang pag-aakala na asahan ang isang pabalik, na lumilikha ng higit na poot. Kung nakakuyom ang kamao, hindi ito bukas. Ang bukas na kamay ay kayang tumanggap ngunit kung ito ay sarado at nakakuyom ay hindi maaring tanggapin ang maaaring ialay. Bilang kahalili, kapag binuksan natin ang ating mga kamay para makatanggap tayo, naibibigay din natin ang ating natatanggap.

Kapag Siya ay Pinalaya

Habang nagdarasal ako tungkol dito sa Misa, nagkaroon ako ng imahe ng isang tungkod, at napagtanto ko na kapag hindi tayo nagpatawad, ito ay humahadlang sa ating paglalakad sa buhay. Pagkatapos ng misa, may lumapit na lalaki habang nagkukwentuhan kami sa labas, pinakuha namin siya sa labas ng simbahan. Nang mapansin ko ang kanyang tungkod, naramdaman ko na ang kanyang sakit ay dulot ng hindi pagpapatawad. Habang nagpapatuloy ang pag-uusap, sinimulan niyang sabihin sa akin ang tungkol sa kanyang nakaraan, na nagtapos sa isang kahilingan na panatilihin siya sa aking mga panalangin, dahil siya ay nagdurusa na may masamang likod. Inanyayahan ko siyang manalangin kasama ko kaagad dahil gusto siyang pagalingin ni Jesus, ngunit nangangailangan ito ng isang bagay mula sa kanya. Naiintriga at bukas, pumayag siya, nagtatanong kung ano ang kakailanganin. Sinabi ko sa kanya na kailangan niyang patawarin ang mga taong nabanggit niya at ang sinumang nakasakit sa kanya. Nakikita ko siyang nahihirapan sa loob, kaya hinimok ko siya nang may katiyakan na hindi niya kailangang umasa sa sarili niyang lakas para magpatawad. Kung siya ay magpatawad sa pangalan ni Hesus, kung gayon si Hesus ay magbibigay ng kapangyarihan sa kanya, aakayin siya at palalayain siya. Nagningning ang kanyang mga mata habang bumulong, “Sa lakas ng aking Panginoon, oo, kaya kong magpatawad.”

Pinangunahan ko siya sa isang panalangin, na nagtapos sa pamamagitan ng pagdarasal para sa paggaling ng kanyang likod sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa lugar ng problema (Marcos 16:15-18). Sinabi ko sa kanya na gawin ang sinabi ni Hesus at angkinin ang kagalingan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pasasalamat sa Diyos sa paniniwalang natanggap niya ito, (Marcos 11:22-25). Ito ay noong Biyernes ng gabi.

Noong Linggo, pinadalhan niya ako ng mensahe , “Purihin ang Panginoon, pinagaling ni Hesus ang aking likod.” Pinuri ko talaga ang Panginoon, buong puso akong nagpapasalamat sa Kanya. Lalo akong natamaan sa detalyeng ito. Hiniling namin ang pagpapagaling sa Biyernes sa pamamagitan ng kapangyarihan at merito ng Krus. Ang sagot ay natanggap sa ikatlong araw, Linggo, ang araw ng Muling Pagkabuhay.

Isinulat minsan ni C.S. Lewis, “Iniisip ng mga tao na ang pagpapatawad ay isang magandang bagay hanggang sa mayroon silang dapat patawarin.” Mahalagang malaman na ang pagpapatawad ay isang gawa ng kalooban; ito ay isang bagay na ating pipiliin. Hindi ibig sabihin na ito ay isang madaling pagpili, na kadalasan ay tila ito ang pinakamahirap, pinakamasakit na desisyon sa mundo na gagawin, ngunit kapag hinarap natin ang lahat sa Pangalan ni Hesus, ‘sa pamamagitan Niya, kasama Niya, at sa Kanya. ‘, nalaman natin na ‘sa Diyos ay walang imposible’ (Lucas 1:37). Mahalagang tanungin natin ang ating sarili kung may sinuman sa ating buhay na kailangan nating patawarin. Itinuro sa atin ni Jesus, “Sa tuwing kayo ay tatayo upang manalangin, kung mayroon kayong anumang laban sa sinuman, patawarin ninyo sila, upang patawarin kayo ng inyong Ama sa Langit sa inyong mga kasalanan’ (Marcos 11:25). Samakatuwid, dapat nating dalhin ang lahat kay Hesus at hayaan Siya na palayain tayo, dahil “Kung palalayain kayo ng Anak, magiging malaya kayo.” (Juan 8:36).

 

'

By: Sean Booth

More
Dec 24, 2022
Makatawag ng Pansin Dec 24, 2022

Bakit Ang Nakalaang Salungatan ng Agham at Pananampalataya ay isang Makapinsalang Kalokohan

Noong nakaraang linggo lamang, ako’y nagkaroon ng kasiyahan na manalumpati sa Araw ng mga Kabataan sa Los Angeles Religious Education Congress.  Ang aking mga tagapakinig ay mahigit-kumulang na apat-na-daang estudyante ng mataas na paaralan na nagmula sa palibot ng bansa, at ang paksa, ayon sa hiling ng mga tagabuo ng kongreso, ay ang kaugnayan ng agham at pananampalataya.  Alam nila, sa mga taon ng pangangatwiran ko, na ang malaking dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang humihiwalay sa ating mga simbahan ay ang pakunwaring salungatan ng agham at pananalig.  Sinabi ko sa aking mga batang tagapakinig na itong “digmaan” ay sa totoo’y isang kahibangan, guniguni, isang bunga ng makapinsalang di-pagkakaunawaan.  At sinubukan kong ipakita ito sa pagtingin sa apat na mga paksa, na aking bubuurin sa artikulong ito.

Una,  sa napakatotoong saysay, ang mga makabagong pisikang agham ay nagmula sa pananampalataya.  Ang mga dakilang nagtatag ng agham—sina Kepler, Copernicus, Galileo, Newton, Descartes, atbp.—ay hindi naliliban, nainsayo sa mga paaralan at mga pamantasang itinaguyod ng simbahan.  Sa pagtutustos ng simbahan, sila’y nakapagdulog sa kanilang pisika, kanilang astronomya, at kanilang matematika.  Higit na tiyak, natutunan nila sa yaong mga pagtatatag ang dalawang mahahalagang  teyolohikong katotohanan na kinakailangan sa paglitaw ng mga pagsubok na agham—ibig sabihin, ang daigdig ay hindi Diyos at ang daigdig, sa bawa’t sulok at puwang, ay nagatlaan ng pagkaunawa.  Kung ang kalikasan ay banal—na sa katunayan ay ipinapalagay sa maraming mga pananampalataya, mga pilosopya at mga mistisismo—sa gayon, ito ay ni-kailanma’y maaaring maging paksa para sa pagpupuna, pagsusuri at pagsusubok.  At kung ang kalikasan ay maligalig lamang, walang hugis, ito’y hindi makapagbibigay-daan sa pagkakasundo at tularang pagkakaunawa na handang hinahanap ng mga dalub-agham.  Kapag ang itong dalawang katotohanan, na kapwang pamamaraan ng doktrina ng paglikha, ay natatamo, ang mga agham ay maaaring maisagawa.

Ikalawa, kapag ang angham at teyolohiya ay nauunawaan nang maayos, ang mga ito ay hindi nagsasalungatan, ang mga ito’y hindi nagtatagisan para sa pinakatampok sa isang panlaruang lupain, tulad ng mga naglalabanang pangkat ng putbol.  Sa paggamit ng mga siyentipikong pamamaraan, ang  pisikong agham ay nakikipagtungo sa mga pangyayari, mga bagay, mga dinamiko at mga pagkakaugnayan sa loob ng nasuri at mapapatunayang ayos.  Ang teyolohiya, na gumagamit ng ibang sangkabuuhang paraan, ay nakikipagtungo sa Diyos at mga bagay ng Diyos—at ang Diyos ay hindi isang bagay sa loob ng mundo, na sumasalalay sa loob ng kalikasan.  Tulad ng isinaad ni Santo Tomas de Aquino, ang Diyos ay hindi  ens summum (pinakamataas na nilalang), kundi ipsum esse (ang yugto ng pagiging bilang Siya)—na ibig sabihin na ang Diyos ay hindi nabibilang sa mga nilalang, ngunit sa halip ay ang dahilan kung bakit may pinagmulan ang mga bagay na ating mapagdudulugan ng pagsisiyasat sa anumang paraan.  Sa pamamagitan nito, Siya ay tulad ng may-akda ng isang mayaman na sali-salimuot na nobela.  Si Charles Dickens ay kailanma’y hindi lumitaw bilang isang tauhan sa anumang magugulong salaysayin niya.  Ngunit siya ang dahilan kung bakit ang anumang mga tauhan na yaon ay umiiral sa anumang paraan.  Kaya ang agham, mismo, ni-kailanma’y makakahatol sa tanong ng pag-iiral ng Diyos o makapagsasalita ng Kanyang mga gawain at mga katangian.  Isa pang uri ng pagkamakatwiran—na walang pakikipagpaligsahan sa makaagham na pagkamakatwiran—ay kinakailangan sa pagpasya sa yaong mga bagay.

At ito’y idinidala ako sa aking ikatlong paksa: ang siyentismo ay hindi agham.  Malungkot man na ito’y lumalaganap ngayon, lalo na sa mga kabataan, ang siyentismo ay ang pagbabawas ng lahat ng mga kaalaman sa makaagham na anyo ng kaalaman.  Ang di-mapagkakailang tagumpay ng mga pisikang agham at ang katangi-tanging pakinabang ng mga teknolohiya na nagbigay ng daan dito ay nagdulot sa mga isip ng karamihan ang paniniwalang ito, ngunit ito’y nagpapakita ng makapinsalang paghihirap.  Ang isang kimiko ay maaaring maisasabi sa atin ang kemikal na kabuuan ng mga pintura na ginamit ni Michelangelo sa Kisame ng Sistino, ngunit hindi niya, bilang dalub-agham, maisasabi ang anuman tungkol sa anong nakapagpapaganda sa yaong likha ng sining.  Ang heyologo ay maaaring masabi sa atin ang pagkasapin-sapin ng lupain sa ilalim ng lunsod ng Chicago, ngunit ni-kailanma’y, minsan pa bilang dalub-agham, makapagsasabi sa atin na ang yaong lunsod ay makatarungan o di-makatarungang pinamamahalaan.  Ang dulang Romeo and Juliet ay walang bakas ng siyentipikong pamamaraan, ngunit sinong napakahangal na makapag-uulat na ang yaong dula ay walang maisasabing totoo tungkol sa kalikasan ng pag-ibig.  Sa katulad na paraan, ang mga dakilang sulat ng Bibliya at ang teyolohikong kaugalian ay hindi “makaagham,” ngunit gayunman ang mga ito’y nagsasaad ng pinakamalalim na mga katotohanan tungkol sa Diyos, likha, kasalanan, pagtubos, biyaya, atbp.  Kapwa ang sanhi at bunga ng siyentismo, nakalulungkot man, ay ang pagpapalambing ng mga liberal na sining sa ating mga kapisanan ng higit na mataas na pagtuturo.  Sa halip na pahalagahan ang panitikan, kasaysayan, pilosopya, at pananampalataya bilang mga padaluyan ng nilalayong  katotohanan, marami ngayong araw ay  isinasantabi ito sa tagpuan ng panariling pagdama o isinasakop ang mga ito sa mapanlibak na ideyolohikong pagpupuna.

Ang aking ikaapat at ganap na paksa ay ito:  ang tungkol kay Galileo ay isang talata sa isang kabanata ng isang napakahabang aklat.  Ang dakilang astronomo ay madalas na pinananawagan bilang patron ng mga magigiting na dalub-agham na naghihirap na palayain ang kanilang mga sarili sa oskurantismo at pagiging hindi makatwiran ng pananampalataya.  Ang pagsensura ng kanyang mga aklat, at ang totohanang pagkabilanggo nitong dakilang dalub-agham sa utos ng papa, ay kinikilalang isang madilim na uliran ng kaugnayan ng Simbahan at agham.  Malinaw na ang episodya ng Galileo ay hindi isa sa pinakatanyag na sandali ng Simbahan, at sa katunayan, si San Juan Pablo II, sa pagpapahayag ng tunay na pagsisisi, ay totohanang humingi ng tawad para dito.  Ngunit upang gamitin ito bilang isang lente para sa pagtanaw sa palabas ng pananalig at agham ay mapanganib na kulang.  Mula sa pinakamaagang mga araw ng mga makabagong agham, nagkaroon na ng libu-libong mga taos-pusong maka-Diyos na tao ang dumulog sa siyentipikong pananaliksik at panunuri.  Upang banggitin lamang ang sandakot: Copernicus, nagpabago ng lubos sa kosmolohiyo at isang Dominikano ng ikatlong antas; Nicholas Steno, ang ama ng heyolohiyo at isang obispo ng Simbahan; Louis Pasteur, isa sa mga nagtatag ng mikrobiyolohiya at isang tapat na Katoliko; Gregor Mendel, ang ama ng makabagong henetika at isang Agustinyong prayle; George Lemaître, ang nagbalangkas ng teyorya ng Big Bang na pinagmulan ng sansinukob at isang pari ng Katolika; Mary Kenneth Keller, ang unang babae sa Estados Unidos na tumanggap ng dalubhasang antas sa computer science at isang ihinirang na madre ng Katolika.  Ako’y naniniwala na makatarungang sabihin na lahat ng itong mga pangangatwan ay naintindihan ang mga pangunahing paksa na aking nailatag sa artikulong ito at sa gayo’y nakita nila na maaaring sila’y naging ganap na tapat sa kanilang agham at pananalig.

Bilang wakas, nawa’y mahimok ko lalo na ang mga Katolikong dalub-agham ngayong araw—mga mananaliksik, mga manggamot, mga pisiko, mga astronomo, mga kimiko, atbp.—na makipag- usap sa mga kabataan tungkol sa lathalang ito.  Sabihin sa kanila kung bakit ang nakalaang labanan ng pananampalataya at agham sa totoo’y isang maling akala at higit na mahalaga, ipakita sa kanila kung paano ninyo napagkasundo ang mga ito sa sarili ninyong buhay.  Hindi basta natin mahahayaan itong hangal na pagkamakatwiran at di-pagkaakibat na manindigan

 

'

By: Bishop Robert Barron

More