- Latest articles
Isang handog na malaya mong magagamit saan man sa mundo, at hulaan mo! Ito ay libre hindi lamang para sa iyo kundi para sa lahat!
Ipagpalagay mong ikaw ay naligaw sa isang malalim na hukay ng kadiliman at walang pag-asang nangangapa sa paligid. Bigla kang nakakita ng napakagandang liwanag at may umabot sa iyo para iligtas ka. Anong ginhawa! Ang labis na kapayapaan at kagalakan ay hindi lubos na maipahayag sa mga salita. Ganito ang nadama ng babaeng Samaritana nang makatagpo niya si Jesus sa may balon. Winika Niya sa kanya: “Kung alam mo ang handog ng Diyos, at kung sino yaong nagsasabi sa iyo: ‘Bigyan mo Ako ng inumin, hihingan mo Siya, at bibigyan ka Niya ng tubig na buhay.” (Huan 4:10) Nang madinig niya ang mga salitang ito, napagtanto ng babae na tanang buhay niya na itong hinihintay. “Bigyan Mo ako ng tubig na ito, upang hindi na ako mauhaw kailanman,” nagsumamo siya: (Huan 4:15) Noon lamang, bilang tugon sa kanyang kahilingan at pagkauhaw sa kaalaman tungkol sa Mesiyas, ipinahayag ni Jesus ang Kanyang sarili sa kanya: “Ako ay Siya, ang Isa na nangungusap sa iyo.” (Huan 4:26)
Siya ang tubig na buhay na pumapawi sa bawat pagkauhaw—uhaw sa pagtanggap, uhaw sa pang-unawa, uhaw sa kapatawaran, uhaw sa katarungan, uhaw sa kaligayahan, at higit sa lahat, uhaw sa pag-ibig, Pag-ibig ng Diyos.
Hanggang Sa lkaw Ay Humiling
Ang handog ng presensya at awa ni Kristo ay nandiyan para sa lahat. “Pinatunayan ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin na, noong tayo ay makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.” (Roma 5:8) Siya ay namatay para sa bawat makasalanan upang sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, maaari tayong mapadalisay mula sa ating kasalanan at makipagkaisa sa Diyos. Ngunit, tulad ng babaeng Samaritana, kailangan nating humiling kay Hesus.
Bilang mga Katoliko, madali nating magagawa ito sa pamamagitan ng Sakramento ng Pagsisisi, pagkukumpisal ng ating mga kasalanan at pakikipagkasundong muli sa Diyos kapag pinawalang-sala tayo ng pari, gamit ang kapangyarihang ibinigay ng Diyos bilang persona Christi (sa katauhan ni Kristo). Nagbibigay sa akin ng malaking kapayapaan ang madalas na pagdalo sa Sakramento na ito dahil habang ito ay ginagawa ko, lalong nagiging bukal ang pagtanggap ko sa Banal na Espirito. Dama ko na Siya ay nangungusap mula sa aking puso, tinutulungan akong mapagwari ang mabuti sa masama, yumayabong sa pagiging matuwid habang ako ay tumatakas sa bisyo. Kung mas madalas kong pinagsisisihan ang aking mga kasalanan at nagbabalik-loob sa Diyos, mas madali kong madama ang presensya ni Hesus sa Banal na Eukaristiya. Nagkakaroon ako ng kamalayan sa presensya Niya duon sa mga tumanggap sa Kanya sa Banal na Komunyon. Dama ko sa aking puso ang Kanyang init kapag naglalakad padaan sa akin ang pari dala ang ciborium na puno ng benditadong hostia.
Maging tapat tayo tungkol dito. Madaming tao ang pumipila sa Komunyon, ngunit kakaunti ang pumipila sa Kumpisal. Nakalulungkot na madaming tao ang Hindi nakakapakinabang sa gayong napakahalagang pinagmumulan ng biyaya para palakasin tayo sa pangkaluluwa. Narito ang ilang bagay na makakatulong sa akin para maging sulit ang Kumpisal.
1. Maging Handa
Ang isang masusing pagsusuri ng budhi ay kinakailangan bago Magkumpisal. Maghanda sa pamamagitan ng pagsuri sa mga utos, ang pitong malubhang mga kasalanan, ang mga kasalanan ng pagkukulang, ang mga kasalanan laban sa kadalisayan, pagmamahal sa kapwa, atbp. Para sa isang taos-pusong kumpisal, ang pagpapahayag ng kasalanan ay isang pambungad na kailangan, kaya laging nakakatulong na hilingin sa Diyos na liwanagan tayo tungkol sa ilang mga kasalanang nagawa natin na hindi natin batid. Hilingin sa Banal na Espiritu na paalalahanan tayo sa mga kasalanan na naligtaan mo, o ipabatid sa iyo kung saan hindi mo namamalayan na ika’y nagkakamali. Minsan niloloko natin ang ating sarili sa pag-iisip na okay lang ang isang bagay kahit hindi naman.
Minsang makapaghanda tayo nang maayos, maaari nating hilinging muli ang tulong ng Banal na Espirito upang buong puso nating aminin ang mga pagkukulang nang may taos pusong pagsisisi. Kahit hindi natin hinaharap ang pagkumpisal nang may lubos na pagsisisi sa puso, ito ay maaaring mangyari sa oras ng kumpisal mismo sa pamamagitan ng biyayang naroroon sa Sakramento. Kahit ano pa man ang nadarama mo tungkol sa ilang mga kasalanan, makabubuting ipagtapat pa din ang mga ito; Pinatatawad tayo ng Diyos sa Sakramento na ito kung aaminin nating tapat ang ating mga kasalanan, kinikilala na tayo ay nakagawa ng pagkakamali.
2. Maging Matapat
Maging tapat sa iyong sarili tungkol sa sarili mong mga kahinaan at pagkukulang. Ang pag-amin ng mga pakikibaka, at ang iwaksi ang mga ito mula sa kadiliman tungo sa liwanag ni Kristo ay magpapaginhawa sa iyo sa nakakaparalisang pagkakasala at magpapalakas sa iyo laban sa mga kasalanan na madalas mong gawin nang paulit-ulit (tulad ng mga adiksyon). Naaalala ko minsan, sa pagkukumpisal, nang sabihin ko sa pari ang tungkol sa isang kasalanan na tila hindi ko mawaglit, nanalangin siya para sa akin na matanggap ang partikular na biyaya mula sa Banal na Espiritu upang matulungan akong maiwaksi ito. Ang karanasang ito ay tunay na nakapagpapalaya.
3. Maging Mapagpakumbaba
Sinabi ni Hesus kay Santa Faustina na “Ang isang kaluluwa ay hindi makikinabang gaya ng nararapat sa Sakramento ng Penitensiya kung hindi ito hamak. Ang pagmamataas ay nagpapanatili nito sa kadiliman.” (Diary, 113) Nakakahiya ang lumuhod sa harap ng ibang tao at hayagang harapin ang mga madilim na bahagi ng iyong buhay. Naaalala ko na nakatanggap ako ng isang napakahabang sermon dahil sa pag-amin ng isang mabigat na kasalanan minsan at ang mapagsabihan dahil sa paulit-ulit na pagkumpisal ng nasabing kasalanan. Kung matutunan kong tanawin ang mga karanasang ito bilang mapagmahal na pagwawasto ng isang Ama na labis na nagmamalasakit sa iyong kaluluwa at kusang-loob
Ang pagpapatawad ng Diyos ay isang makapangyarihang palatandaan ng Kanyang pag-ibig at katapatan. Kapag tayo ay masok sa Kanyang yakap at ikumpisal kung ano ang ating nagawa, ibinabalik nito ang ating kaugnayan sa Kanya bilang ating Ama at tayo, Kanyang mga anak. Ibinabalik din nito ang ating kaugnayan sa isa’t isa na kabilang sa isang katawan—ang katawan ni Kristo. Ang pinakamagandang bahagi ng pagtanggap ng kapatawaran ng Diyos ay kung paano nito ibinabalik ang kadalisayan ng ating kaluluwa nang sa gayon kapag tinitingnan natin ang ating sarili at ang iba, makikita natin ang Diyos na nananahan sa lahat.
'Nang ayusin ni Andrea Acutis ang isang banal na paglalakbay sa Jerusalem, inakala niyang matutuwa ang kanyang anak. Si Carlo ay masigasig na nagpupunta sa araw-araw na Misa at dinarasal ang kanyang mga panalangin, kaya ang kanyang tugon ay naging kagulat-gulat: “Mas gusto kong manatili sa Milan … Dahil si Hesus ay nananatili sa atin palagi, sa Benditadong Ostiya, ano ang kailangan upang maglakbay sa Jerusalem upang bisitahin ang mga lugar kung saan Siya nanirahan 2000 taon na ang nakalilipas, sa halip, ang mga tabernakulo ay dapat bisitahin nang may parehong debosyon!” Si Andrea ay tinamaan ng dakilang debosyon na itinatangi ng kanyang anak para sa Eukaristiya.
Ipinanganak si Carlo noong 1991, ang taon na naimbento ang World Wide Web. Ang maliit na henyo ay lumakad noong siya ay apat na buwan pa lamang, at nagsimulang magbasa at magsulat sa edad na tatlo. Ang mundo ay tumingin sa kanyang talino at nangarap ng isang magandang kinabukasan ngunit ang Banal ay may iba’t ibang mga plano. Pinagsama ang kanyang pagmamahal sa Eukaristiya at teknolohiya, iniwan niya sa mundo ang isang dakilang pamana ng isang talaan ng mga milagrong Eukaristiya mula sa buong mundo. Sinimulan niya ang koleksyon noong 2002 noong siya ay 11 taong gulang pa lamang at natapos ito isang taon bago siya sumakabilang-buhay dahil sa leukemia. Ang batang sobrang talion sa kompyuter na ito, sa murang edad, ay gumawa pa ng isang website (carloacutis.com), isang pangmatagalang rekord, kasama ang lahat ng nakolektang impormasyon.
Ang Eukaristikong eksibisyon na kanyang pinasimunuan ay ginanap sa limang kontinente. Mula noon, maraming mga himala ang naiulat. Sa kanyang website, isinulat niya ang pangmatagalang misyon ng kanyang buhay sa Lupa: “Sa pagtanggap ng mas maraming Eukaristiya, mas lalo tayong magiging katulad ni Hesus, upang sa Mundong ito, magkaroon tayo ng paunang tikim ng Langit.”
Malapit nang maging Saint Carlo Acutis ang Italiano na tinedyer na taga disenyo at matalino sa kompyuter na ito. Malawakang kilala bilang unang sanlibong patron ng internet, patuloy na hinahatak ni Blessed Carlo ang milyun-milyong kabataan sa pag-ibig kay Hesus sa Eukaristiya.
'Kung hindi ako dumaan sa kadilimang iyon, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Gustong-gusto ng aking mga magulang na magkaroon ng pamilya, ngunit ang aking ina ay hindi nakapagbuntis hanggang sa siya ay 40. Ako ang kanilang himalang sanggol, ipinanganak sa
kanyang kaarawan, eksaktong isang taon pagkatapos niyang makumpleto ang isang espesyal na Nobena sa petisyon para sa isang anak. Binigyan ako ng isang kapatid na lalaki makalipas ang isang taon.
Ang pamilya ko ay Katoliko sa tawag lamang; pupunta kami sa Lingguhang Misa at tumatanggap ng mga Sakramento, ngunit hanggang doon lang. Noong mga 11 o 12 taong gulang ako, tumalikod ang mga magulang ko sa Simbahan at huminto ang buhay ko sa pananampalataya nang napakatagal.
Pagtitiis sa Paghihirap
Ang mga panahon ng kabataan ay puno ng presyon, na karamihan ay inilagay ko sa aking sarili. Ihahambing ko ang aking sarili sa ibang mga babae; Hindi ako masaya sa itsura ko. Ako ay lubos na nababahala at nababalisa. Kahit na ako ay mahusay sa akademya, ako ay nahirapan sa paaralan dahil sa ako ay napaka-ambisyosa. Gusto kong manguna para—ipakita sa mga tao na kaya kong maging matagumpay at matalino. Wala kaming gaanong pera bilang isang pamilya, kaya naisip ko na ang pag-aaral ng mabuti at pagkakaroon ng magandang trabaho ay magiging solusyon sa lahat.
Sa halip, lalo akong nalungkot. Pupunta ako sa mga laro at mga pagdiriwang, ngunit gigising ako kinabukasan at mararamdaman ko na ang lahat ng ito ay hungkag. Mayroon akong ilang mabubuting kaibigan, ngunit mayroon din silang sariling mga pakikibaka. Naaalala ko na sinubukan kong suportahan sila at nagtatapos ako sa pagtatanong kung bakit ang lahat ng pagdurusa ay nasa paligid ko. Nawala ako, at dahil sa kalungkutang ito, napapikit ako at namaluktot sa aking sarili.
Noong ako ay mga 15 taong gulang, nabaling ako sa ugali ng pananakit sa sarili; sa bandang huli ay napagtanto ko, sa edad kong iyon, wala akong hustong pag-iisip o kakayahang magsalita tungkol sa aking nararamdaman. Habang tumitindi ang presyon, bumigay ako sa mga ideyang pagpapakamatay, maraming beses. Sa isang insidente ng pagka-ospital, nakita ako ng isa sa mga doktor na matinding naghihirap at nagsabing: “Naniniwala ka ba sa Diyos? Naniniwala ka ba sa isang bagay pagkatapos ng kamatayan?” Palagay ko ito na ang pinaka-kakaibang tanong na itatanong, ngunit noong gabing iyon, naalala ko ang pagmuni-muni tungkol dito. Noon ako umiyak sa Diyos para sa tulong: “Panginoon, kung totoo ka, mangyaring tulungan mo ako. Gusto kong mabuhay—Gusto kong gugulin ang aking buhay sa paggawa ng mabuti, ngunit hindi ko man lang kayang mahalin ang aking sarili. Kahit anong gawin ko, nauuwi ang lahat sa pagkasunog kung wala akong kahulugan sa lahat ng ito.”
Isang Tulong ng Kamay
Sinimulan kong kausapin si Mother Mary, umaasang baka maintindihan niya ako at matulungan. Di-nagtagal, inanyayahan ako ng kaibigan ng aking ina na maglakbay sa Međugorje. Hindi ko talaga gusto, ngunit tinanggap ko ang imbitasyon, dahil sa kagustuhan kong mag-usisa na makakita ng bagong bansa at magandang panahon.
Napapaligiran ng mga taong nagdadasal ng Rosaryo, nag-aayuno, naglalakad sa mga bundok, at dumadalo sa misa, pakiramdam ko nawala ako sa lugar pero kasabay nito, medyo naintriga din ako. Panahon iyon ng Catholic Youth Festival, at may humigit-kumulang na 60,000 kabataan doon, dumadalo sa Misa at Adorasyon, nagdadasal ng Rosaryo araw-araw; hindi dahil sa sila ay pinilit, pero masaya, mula sa dalisay na kagustuhan. Napaisip ako kung ang mga taong ito ay may perpektong pamilya na naging madali para sa kanila na maniwala, pumalakpak, sumayaw, at lahat ng iyon. Sa totoo lang, hinahangad ko ang kagalakan na iyon!
Habang kami ay nasa paglalakbay sa banal na lugar, nakinig kami sa mga patotoo ng mga babae at lalaki sa isang malapit na Cenacolo Community, at talagang ito ang nagpabago para sa akin ng maraming bagay. Noong 1983, isang Italyana na madre ang nagtatag ng Cenacolo Community upang tulungan ang mga kabataan na nagkamali ng landas sa buhay. Ngayon, ang organisasyon na ito ay matatagpuan sa maraming bansa sa buong mundo.
Nakinig ako sa kuwento ng isang batang babae mula sa Scotland na may mga problema sa droga; sinubukan din niyang kitilin ang sarili niyang buhay. Naisip ko sa sarili ko: “Kung kaya niyang mamuhay nang masaya, kung nakakaahon siya sa lahat ng sakit at pagdurusa na iyon at tunay na naniniwala sa Diyos, marahil ay meron ding bagay na ganon para sa akin.”
Ang isa pang malaking biyaya na natanggap ko noong ako ay nasa Međugorje ay ang pagpunta ko para sa pangungumpisal sa unang pagkakataon pagkalipas ng maraming taon. Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko ngunit ang pagkukumpisal at sa wakas ay masasabi ng malakas sa Diyos ang lahat ng bagay na nakasakit sa akin, lahat ng nagawa ko para saktan ang iba at ang aking sarili, ay isang napakalaking bigat na naalis sa aking balikat. Nakadama ako ng kapayapaan, at naramdaman kong malinis na ako para gumawa ng panibagong simula. Bumalik akong kumbinsido at nagsimula ng Unibersidad sa Ireland, ngunit dahil sa walang sapat na suporta, nauwi akong muli sa ospital.
Paghahanap ng Daan
Napagtanto ko na kailangan ko ng tulong, bumalik ako sa Italya at naging bahagi ng isang Cenacolo Community. Hindi naging madali. Ang lahat ay bago—ang wika, panalangin, iba’t ibang personalidad, kultura—ngunit may katotohanan ito. Walang sinuman ang nagsisikap na kumbinsihin ako ng anuman; lahat ay nabubuhay sa panalangin, trabaho, at tunay na pagkakaibigan, at ito ay nagpapagaling sa kanila. Namumuhay sila ng may kapayapaan at kagalakan, at hindi ito gawa-gawa kundi totoo. Kasama ko sila buong araw, araw-araw—nakita ko ito. Gusto ko yan!
Ang talagang nakatulong sa akin noong mga araw na iyon ay ang Adorasyon. Hindi ko alam kung ilang beses na akong umiyak sa harap ng Banal na Sakramento. Ang isang terapewtika ay hindi sumasagot sa akin, walang sinuman ang sumusubok na magbigay sa akin ng anumang gamot, pero pakiramdam ko parang nilinis ako. Maging sa komunidad, walang partikular na espesyal, maliban sa Diyos.
Ang isa pang bagay na talagang nakatulong sa akin na makaahon sa aking depresyon ay ang pagsisimula kong maglingkod sa iba. Habang tinitingnan ko ang sarili, ang sarili kong mga sugat at problema, hinuhukay ko na lang ang sarili ko sa mas malaking butas. Ang buhay sa komunidad ay nagpilit sa akin na lumabas sa aking sarili, tumingin sa iba, at subukang bigyan sila ng pag-asa, ang pag-asa na natagpuan ko kay Kristo. Nakatulong sa akin ito nang labis kapag ang ibang mga kabataan ay pumupunta sa komunidad, mga batang babae na may mga problemang katulad ng sa akin o kung minsan ay mas malala pa. Inalagaan ko sila, sinubukan kong maging isang nakatatandang kapatid na babae, at kung minsan kahit bilang isang ina.
Nagsimula akong mag-isip kung ano ang nararanasan ng aking ina sa akin kapag sinasaktan ko ang aking sarili o kapag hindi ako masaya. Kadalasan mayroong isang tiyak na pakiramdam ng kawalan ng kakayahan, ngunit may pananampalataya, kahit na hindi mo matulungan ang isang tao sa iyong mga salita, magagawa mo ito nang nakaluhod. Nakita ko ang pagbabago sa napakaraming babae at sa sarili kong buhay mula sa panalangin. Ito ay hindi isang bagay na misteryoso o isang bagay na maaari kong ipaliwanag sa teolohiko, ngunit ang katapatan sa Rosaryo, Panalangin, at mga Sakramento ay nagpabago sa aking buhay at sa napakaraming iba pang mga buhay, at ito ay nagbigay sa amin ng isang bagong kalooban upang mabuhay.
Pagpasa nito
Bumalik ako sa Ireland upang ituloy ang isang karera sa nursing; sa katunayan, higit pa sa isang karera, naramdaman ko nang husto na ito ang nais kong gawin para gugulin ang aking buhay. Nakatira na ako ngayon kasama ang mga kabataan, na ang ilan sa kanila ay katulad ko noong ako ay kaedad nila—nakikibaka sa pananakit sa sarili, depresyon, pagkabalisa, pag-abuso sa droga, o karumihan. Pakiramdam ko ay mahalagang sabihin sa kanila kung ano ang ginawa ng Diyos sa aking buhay, kaya kung minsan sa tanghalian, sinasabi ko sa kanila na hindi ko talaga magagawa ang trabahong ito, tingnan ang lahat ng paghihirap at sakit kung hindi ako naniniwala na merong isang bagay na mas higit sa buhay kaysa sa kamatayan pagkatapos ng sakit. Madalas sabihin sa akin ng mga tao: “Oh, Joy ang pangalan mo, bagay na bagay sa iyo; napakasaya mo at palaging nakangiti.” Natawa ako sa loob ko: “Kung alam mo lang kung saan nanggaling yan!”
Ang aking kagalakan ay bumangon mula sa pagdurusa; kaya naman totoo itong kagalakan. Ito ay nananatili kahit na may sakit. Kaya nais kong ang mga kabataang tao ay magkaroon ng parehong kagalakan dahil ito ay hindi lang para sa akin, ngunit ito ay kagalakan na nagmula sa Panginoon, kaya nais ko na maranasan din nilang lahat. Nais ko lang na maibahagi ang walang katapusang kagalakang ito ng Diyos upang malaman ng iba na maaari kang dumaan sa sakit, paghihirap, at kahirapan at makakaahon ka pa rin dito, nagpapasalamat ng buong kagalakan sa ating Ama.
'Ako’y lumapit sa Kanya para sa tagumpay ng aking pag-aaral, ngunit Siya’y nagpatuloy pa…
Habang ako’y nasa mataas na pag-aaral, ako’y nakaranas ng kapuna-punang paglalakbay sa pananampaadlataya at pagyabong sa tulong-aral. Bilang isang tapat na Katoliko, ako’y matatag na naniniwala sa piling ng Diyos na palaging sumasaakin, lalo na sa aking mga pag-aaral.
Nagugunita ko noong isang semestro, ako’y hinarap ng katakut-takot na mga pagsusulit at mga araling-bahay. Ang mga paksa ay tila nagpapatong-patong, at ako’y nagapi ng manipis na katumbas ng kaalamang kinakailangan kong masaligan. Pag-aalinlangan ay simulang gumapang sa aking isip, nanghahamong tanungin ang mga kakayanan ko.
Sa yaong mga tagpo ng walang-katiyakan, ako’y lumingon sa pagdarasal na pinanggagalingan ng aking ginhawa at patnubay. Bawa’t gabi, babalik ako sa aking silid, magsisindi ng kandila, at luluhod sa harap ng krusipiho. Ibinuhos kong palabas ang aking puso, pinapakita ang aking mga takot at mga alinlangan habang humihingi ng lakas, talino at kalinawan sa mga pag-aaral ko.
Ang Di-nakikitang Gabay
Sa pagkaraan ng linggo, ako’y nakapuna ng isang kahanga-hangang bagay na nangyayari. Tuwing nakasasagupa ako ng nakahahamon na paksa o nahihirapang malinawan ang isang palagay, ako’y nakahahanap ng di-inaasahang kaliwanagan. Ito’y para bagang isang ilaw na naipakita sa aking pinagdaraanan, nililiwanagan ang landas na pasulong. Ako’y makatatapyok ng mga nakatutulong na kayamanan at mga sipi sa mga aklat na walang-palyang pinaliliwanag ang masalimuot na kuru-kuro o makatatanggap ng di-inaasahang pagtulong mula sa mga kaeskwela at mga guro.
Nasimulan kong maunawaan na ang mga ito ay hindi pawang biglaang kapalaran, ngunit sa katunayan, mga tanda ng pagpapakalapit at tulong ng Diyos sa aking pang-araling paglalakbay. Ito’y kung baga’y Siya ang pumapatnubay sa akin, at marahang itinutulak ako patungo sa wastong mga kayamanan, mga tao, at tamang isip at loob.
Habang tuluyan akong nagtitiwala sa paggabay ng Diyos, ang tiwala ko sa sarili ay yumabong, at ang aking mga grado ay napagbuti. Napansin ko ang tandang pagbabago sa aking kakayahang magpalaganap ng kabatiran at maintindihan ang sali-salimuot na mga palagay. Ako’y hindi na nag-aaral nang mag-isa; nasa tabi ko ang di-nakikitang kasama, ginagabayan ako sa bawa’t pagsubok and pinasisigla ako upang magtiyaga.
Ngunit ito’y hindi lamang tungkol sa mga grado. Sa tulong ng karanasang ito, ako’y natuto ng mga mamahaling aral tungkol sa pananalig at tiwala. Nalaman ko na ang tulong ng Diyos ay hindi para lamang sa mga pambanalang bagay ngunit nakapapaabot sa bawa’t bahagi ng ating mga buhay, kasama ang ating mga pag-aaral. Natutunan ko na kapag lumingon tayo sa Diyos nang may matapat na mga puso, hindi lamang Niya pinakikinggan ang mga dasal natin, ngunit nag-aalay rin ng tulong na ating kinakailangan.
Nananatiling Malapít
Itong paglalakbay ay tunuruan ako ng kahalagahan ng pagpapanatili ng matibay na kaugnayan sa Diyos, tinutunton ang Kanyang paggabay, at nagtitiwala sa Kanyang pakay. Ito’y nagpapaalala sa akin na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa pamamagitan ng mga pangkatalinuhang pagtatamo, ngunit dahil na rin sa pagyabong ng pagkatao, sariling pagpapanumbalik, at pananampalataya.
Sa pagbabalik-tanaw, ako’y nagpapasalamat para sa mga pagsubok na hinarap ko noong yaong semestro, pagka’t pinalalim nila ang kaugnayan ko sa Diyos at pinatibay ang paniniwala sa Kanyang walang-palyang pagtulong. Ngayon, habang ako’y nagpapatuloy sa aking mga hangarin sa pag-aaral, idinadala ko ang mga araling natutunan sa yaong panahon, isinasaisip na ang banal na patnubay ng Diyos ay mananatiling naroon upang samahan ako sa daan ng kaalaman at katuparan. Sa mundong ito na kung saan ang mga pang-araling pinagkakaabalahan ay maari tayong mapuspos nang madalas, kailangan nating gunitain na tayo’y hindi nag-iisa sa ating paglalakbay.
Bilang mga Katoliko, tayo’y may tanging karapatan na mahanap ang paggabay ng Diyos at makatagpo ng ginhawa sa Kanyang piling sa lahat ng panahon. Sa pamamagitan nitong sariling salaysay, inaasahan kong mapukaw ang iba na magtiwala sa matibay na pagtulong ng Diyos, hindi lamang sa kanilang pag-aaral ngunit sa bawa’t bahagi ng kanilang mga buhay. Nawa’y mahanap natin ang kaginhawaan sa pag-alam na ang Diyos ay ang ating pangwakasang guro, na pumapatnubay sa atin patungo sa kaalaman, pagkaunawa, at walang-katinagang pananalig.
'Ang aking asawa ay nahatulan ng kamatayan; hindi ko ninais na mamuhay nang patuloy na wala sa piling niya ngunit ang kanyang matatag na pananalig ay ikinagulat ko.
Limang taon na ang lumipas, ang aking mundo ay gumuho nang ang asawa ko ay nasuri ng walang lunas na karamdaman. Ang buhay at ang kinabukasan na aking hinaraya ay habambuhay na nagbago nang mabilis. Ito’y nakagigimbal at nakalilito; ang pinakawalang pag-asa at walang magagawa na aking nadama. Ito’y tila ako’y nahulog sa ilalim ng palagiang takot at kawalan ng pag-asa. Ang pananalig ko lamang ang aking makakapitan habang hinaharap ko ang pinakamadilim na mga araw na aking naranasan. Mga araw na pag-aaruga sa aking asawa at mga araw ng paghahanda upang harapin ang buhay na lubusang iba sa akin nang ibinalak.
Si Chris at ako ay matagal nang magkasama simula pa nang kami ay dalaga’t binata. Kami’y matalik na mga magkaibigan at halos hindi mapaghihiwalay. Kami’y mahigit na dalawampung-taon nang kasal at nagpapalaki ng apat na mga anak na kung tanawin ay isang payapa’t maligayang buhay. Ngayon siya’y nagawaran ng kamatayan, at hindi ko malaman kung papaanong mamuhay na wala siya. Sa katotohanan, bahagi ng aking sarili ay walang nais na mabuhay. Isang araw, sa aking pagkakabigo, ipinagtapat ko sa kanya na ako’y maaring mamatay na lamang ng may sawing puso. Ang kanyang tugon ay walang bahid ng gipit. Mahigpit ngunit mariin niyang ibinilin sa akin na manatili akong buháy hanggang siya’y tinawag nang pauwi ng Diyos; na hindi ko dapat asamin o naising sayangin ang buhay ko pagka’t ang kanya ay dumarating sa wakas. Buong tiwala niyang binigyan ako ng katiyakan na siya’y magtatanod sa akin at sa mga bata mula sa kabila ng pindungan.
Ang Kabilang Dako ng Dalamhati
Si Chris ay may walang-katinagang pananalig sa pag-ibig at awa ng Diyos. Dahil siya’y nagtitiwalang kami’y hindi maipaghihiwalay kailanman, madalas niyang binibigkas ang pananalita: “Ito’y pansadalian lamang.” Ito ang aming patuloy na tagapaalala na walang bigat ng loob ay nananatili nang walang hanggan—at itong mga salita ay nag-alay sa akin ng walang takdaang pag-asa. Pag-asa na patnunubayan kami ng Diyos sa lakbay na ito, at pag-asa na muli kong makakapiling si Chris sa susunod na buhay. Itong mga araw ng kadiliman, kami’y kumapit sa Ating Ginang ng Rosaryo—isang taimtimang dasalin na matagal na naming nakasanayan. Ang Namimighating mga Hiwaga ay idinarasal nang higit na kadalasan sa halip na madalang dahil ang pagninilay-nilay ng paghihirap at kamatayan ng Ating Panginoon ay inakay kami sa Kanya sa aming sariling dalamhati. Ang Koronilya ng Mabathalang Awa ay isang bagong dasalin na idinagdag namin sa pang-araw-araw na karaniwang panalangin. Gaya ng Rosaryo, ito’y isang nagpapakumbabang tagapaalala ng kung anong kusang dinanas ni Hesus alang-alang sa kaligtasan natin, at kahit papaano’y nakapagbabawas ng bigat ng krus na naibigay sa amin upang pasanin.
Sinimulan naming makita nang higit na malinaw ang kariktan ng pamimighati at pag-aalay. Aking uulitin sa pag-iisip ang munting dasal: “O Kagalang-galang na Puso ni Hesus, ihinahabilin ko ang lahat ng aking tiwala sa Iyo” sa bawa’t oras ng araw. Ito’y nakapagdadala ng alon ng katiwasayan sa akin tuwing nakadarama ako ng biglang dagsa ng pagkabahala o takot. Noong panahong ito, ang aming buhay ng pananalangin ay lubos na nanaimtim at binigyan kami ng pag-asa na ang Ating Panginoon ay magiging maawain kay Chris at sa aming mag-anak sa pagdanas namin nitong napakasakit na lakbay. Ngayon, nabibigyan ako ng pag-asa na si Chris ay namamayapa, nagmamatyag at namamagitan para sa amin sa kabilang ibayo—ayon sa kanyang ipinangako.
Sa walang-katiyakang mga araw na ito ng aking bagong buhay, itong pag-asa ang nakapagpapalakad sa akin at nagbibigay ng lakas. Ito’y nabigyan ako ng di-masukat na utang na loob para sa walang-hanggang pag-ibig at magiliw na awa ng Diyos. Ang pag-asa ay isang pagkalaki-laking handog; isang walang-pugnawang panloob na tanglaw na matititigan kapag tayo’y nasasawi. Ang pag-asa ay nakapamamanatag, nakapagpapalakas, at nakalulunas. Ang pag-asa ay may taglay na giting na makakapitan.
Tulad ng sinabi ni San Juan Pablo II: “Isinasamo ko sa inyo! Kailanman, huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Kailanman ay huwag mag-aalinlangan, huwag mapapagal at huwag mahihinaan ng loob. Huwag kayong matatakot.”
'Nang ang isang kakila-kilabot na pagkawala ay nagbigay daan kay Josh Blakesley sa liwanag, ang musika mula sa kanyang kaluluwa ay naging balsamo sa maraming nagdurugong puso.
Si Josh ay lumaki sa maliit na bayan ng Alexandria, at siya ay isang masayahing bata.
Lumaki siyang nakikinig sa musika ng kanyang Tatay; Ang dalawang nakatatandang kapatid na babae naman ay may mahusay na koleksyon ng musika at isang bonus na nag-alaga sa kanyang panlasa sa musika. Sya ay walang propesyonal na pagsasanay o mga teoretikal na kasanayan, sa isang panahon na walang internet at YouTube, si Josh ay nagkaisip na maaari niyang tawagin ang kanyang pagpasok sa mundo ng musika na ‘isang daan sa gilid’. Simula sa drums ay sabay na natutong kumanta, siya ay nabighani ng mga tulad nina Don Henley at Phil Collins, sinusundan ang kanilang maalamat na mga gawa sa pamamagitan ng mga magasin at libro.
Gayunpaman, sa kanyang ina, ang Simbahan ay isang bagay na hindi mapag-usapan. Salamat dahil sa kanyang pagpupumilit, nagsisimba siya tuwing Linggo. Ngunit iniiwan niya ang Diyos doon at ipinamumuhay ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa isang ganap na naiibang pamantayan.
Mas Malalim na Pag-alam
Nagkakilala sila sa klase ng Espanyol noong siya ay 15, at hindi tulad ng ibang 15-taong-gulang, isinama siya nito sa isang pulong ng panalangin. Ito ay bago at iba sa anumang naranasan niya noon. Ang mga tinedyer na kaedad niya ay nagsasama-sama upang sumamba sa Panginoon. Ang karanasan sa pagsamba na ito ay moderno at nakakaengganyo…na may kasamang musika, mga pahayag, at mga dula ng mga taong kaedad niya! Naintriga siya, ngunit hindi na siya babalik linggo-linggo kung hindi siya inaaya ni Jenny.
Makalipas ang ilang buwan, nabangga si Jenny ng isang lasing na driver at namatay sa isang aksidente. Ang kanyang pagkawala ay isang malaking dagok sa buong komunidad. Habang pinaglalabanan niya ang kalungkutan ng pagkawala ni Jenny, nagdulot ito ng pagkaunawa na ang buhay dito ay may hangganan, at dapat may layunin ito, isang dahilan kung bakit tayo nabubuhay.
Mula sa sandaling iyon, nagsimula siyang maglakbay, naghahanap ng mga sagot sa mga tanong na nakakabighani sa kanya ‘Ano ang dahilan para sa akin? Ano ang layunin ng ginagawa ko ngayon? Bakit ako inilagay ng Diyos sa planetang ito? Ano ang papel ko habang nandito ako?’
Nagsimula siyang alamin nang higit pa kung bakit tayo narito sa planetang ito. Sa pagkaunawa na ang kanyang mga kaloob ay mula sa Diyos, at sa paghahanap ng layunin sa paggamit ng mga kaloob na ito, napagtanto niya na gusto niyang magbigay pabalik sa Diyos at suklian ang Kanyang pagmamahal.
Isang Kidlat ng Pagkaunawa
Nagsimula siyang tumugtog ng musika para sa Misa at makibahagi sa liturhiya. Gaya ng sinabi niya: “May bahagi ng pananampalataya sa aking musika at may bahagi rin ng musika sa aking pananampalataya. Nakaugat pa rin ang mga iyon. Madalas akong nagdadasal sa pamamagitan ng musika”. At ang karanasang ito ng panalangin ang sinisikap niyang ibigay sa kanyang mga kapatid sa pamamagitan ng pagsusulat at pagtugtog ng musika. Ang “kahanga-hanga at nakakalulang” karanasan ng pag-akay sa mga tao sa pagsamba at pakikinig sa kanila na sumasabay sa pag-awit ay nagpapabulong sa kanya nang napakadalas: “Ang Panginoon ay kumikilos ngayon, at hindi ko kinakailangang may gawin.”
Tulayan ang Agwat
Si Josh ay isa ng lubos na mang-aawit, manunulat ng kanta, producer, direktor ng musika, asawa, at ama.
Kahit na nangunguna sa musika sa Misa tuwing Linggo, alam ni Josh na ang Misa ay maaaring mangyari nang walang musika—ang ginagawa ng isang musikero sa Misa ay hindi mas nagpapadakila kay Hesus sa loob ng silid; Naririyan Siya kahit anong mangyari. Ang magagawa ng isang musikero ay “iangat ang pagsamba ng mga tapat sa pamamagitan ng pagdadala ng karagdagang kagandahan sa pamamagitan ng musika.” Ito nga, ay isa sa kanyang mga layunin sa buhay-ang subukan at tulayan ang agwat na iyon at dalhin ang kalidad ng musika sa liturhiya.
Ngunit hindi siya tumitigil doon; bilang karagdagan sa pagdaragdag ng kagandahan sa karanasan sa Sakramento, siya ay mas nagpupursige upang dalhin ang Diyos sa mga tao.
Mula mismo sa Kanyang Puso
Bilang isang Katolikong musikero, nagsusulat si Josh ng mga kanta para sa Misa at nagsusulat mula sa puso. Minsan, kapag ang kinalabasan, ay maaaring hindi ito ang tamang material para sa Misa, pero pagkatapos ay papuri pa rin sa Diyos ang kinauuwian para sa kaloob ng musika.
Isinalaysay niya na ang kanyang kanta na ‘Even in Thi’s ay isang karanasan mula mismo sa kanyang puso.
Sa komunidad ng Simbahan na kinabibilangan niya ay kamamatay lamang ng isang tinedyer, at ang makita silang dumaranas ng sakit, ang trahedya, at pagkawasak ay nagpabalik sa kanya sa sarili niyang karanasan sa pagkawala ng isang mahal na kaibigan sa kanyang mga taon ng tinedyer. Sumisid sa sakit, isinulat niya na kahit sa pinakamadilim na gabing ito, kasama natin ang Diyos. Sa mga’lambak ng sakit’, sa ‘basag-basag, sirang mga bagay’, sa ‘sakit na hindi mo maitatago’ at ‘takot na hindi mo kayang labanan’, tiniyak niya sa kanyang mga tagapakinig na kahit hindi mo nakikita ang Diyos, “Hindi ka nag-iisa.”
Ito ang isang mensahe na gustong ulitin ni Josh sa mundo: “Ang Diyos ay kumikilos kasama mo.”
'Nangangarap ka ba ng isang pangmatagalang kapayapaan na tila kahit papaano ay umiiwas sa iyo kahit anong pilit mo?
Ito ay isang natural na pakiramdam na palaging maramdaman natin ang pagiging hindi tayo handa sa isang pabago-bago, hindi mahulaan na mundo. Sa nakakatakot at nakakapagod na pagsubok na ito, madali tayong matakot—tulad ng isang nakulong na hayop na walang matatakbuhan. Kung nagsumikap lang tayo nang mas higit pa, mas matagal, o mas may kontrol, baka makahabol tayo at sa wakas ay malayang makapagpahinga at makahanap ng kapayapaan.
Ilang dekada na akong namuhay sa ganitong paraan.
Umaasa sa aking sarili at sa aking mga pagsisikap, hindi ako talaga ‘makaagapay.’ Unti-unti kong napagtanto na isang ilusyon ang mamuhay sa ganoong paraan.
Sa kalaunan, nakahanap ako ng solusyon na naging rebolusyonaryo para sa akin. Maaaring kabaligtaran ng nararamdaman sa hinihiling, ngunit maniwala ka sa akin sa sasabihin kong ito: Ang pagsuko ang sagot sa matrabahong paghahanap na ito para sa kapayapaan.
Ang Perpektong Hakbang
Bilang isang Katoliko, alam ko na dapat kong ibigay ang aking mabibigat na pasanin sa Panginoon. Alam ko rin na dapat kong ‘hayaan si Jesus na kunin ang manibela’ para gumaan ang aking pasanin.
Ang problema ko ay hindi ko alam kung paano “ibigay ang aking mga pasanin sa Panginoon.” Nagdarasal ako, nakikiusap, nakikipag-deal paminsan-minsan, at minsan, binigyan ko pa ng deadline ang Diyos (dahil dito nauwi ako sa pag-aaral sa isang retreat ni Saint Padre Pio: “Huwag bigyan ng deadline ang Diyos.” Natanggap ko ang mensahe!).
Kaya, ano ang gagawin natin?
Bilang mga tao, ibinabatay natin ang lahat sa isang pixel ng impormasyon na mayroon tayo at sa isang napakahirap na minutong pag-unawa sa lahat ng mga kadahilanan, natural at supernatural. Bagama’t naiisip ko ang pinakamahuhusay na solusyon, naririnig ko Siya nang malakas at malinaw sa aking isipan: “Ang aking mga pamamaraan ay hindi gaya ng iyong mga pamamaraan, Barb, ni ang aking mga pag-iisip ay hindi gaya ng iyong mga iniisip,” sabi ng Panginoon.
Narito ang panukala. Ang Diyos ay Diyos, at tayo ay hindi. Alam Niya ang lahat—nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Tayo ay walang kaalaman. Syempre, ang Diyos, sa Kanyang malawak na karunungan, ay mas nauunawaan ang mga bagay kaysa sa atin, gayundin ang perpektong hakbang na gagawin sa panahon at kasaysayan.
Paano Sumuko
Kung walang nangyayari sa iyong mga pagsisikap sa buhay sa pamamagitan ng kakayahang pantao, ang pagsuko sa kanila ay mahalaga. Ngunit ang pagsuko ay hindi nangangahulugan ng pagtingin sa Diyos bilang isang vending machine kung saan inilalagay natin ang ating mga panalangin at pinipili kung paano natin Siya gustong sumagot.
Kung, tulad ko, nahihirapan kang sumuko, gusto kong ibahagi ang nahanap kong panlunas: ang Surrender Novena.
Ipinakilala ako dito ilang taon na ang nakalilipas at nagpapasalamat ako nang higit pa sa walang hanggang mga salita. Ang Lingkod ng Diyos, si Padre Don Dolindo Ruotolo, Espirituwal na Direktor ni Padre Pio, ay tumanggap nitong Novena mula kay Kristo Hesus.
Bawat araw ng nobena ay maliwanag na nagsasalita sa bawat indibidwal sa mga paraan na tanging ang Panginoon lamang ang nakakaalam kung paano tutugunan. Sa halip na ang parehong paulit-ulit na mga salita sa bawat araw, si Kristo, na lubos na nakakakilala sa atin, ay nagpapaalala sa atin ng lahat ng mga paraan na may posibilidad na humadlang tayo sa tunay na pagsuko, samakatuwid humahadlang sa mga gawain ng Guro sa Kanyang sariling paraan at oras. Ang pangwakas na pahayag: “O Hesus, isinusuko ko ang aking sarili sa iyo, ingatan mo ang lahat,” ay inuulit ng sampung beses. Bakit? Dahil kailangan nating maniwala at lubos na magtiwala kay Kristo Hesus upang ganap na pangalagaan ang lahat.
'Isang pamilyar na larawan, isang nakagawiang gawain, ngunit sa araw na iyon, kakaibang bagay ang nakapukaw ng kanyang pansin.
Sa sulok ng tokador sa aking banyo ay isang lumang kopya ng isang dibuho (ang pinagmulan ay matagal nang nalimot) sa isang malinaw na kwadrong plastik. Madaming taon na ang nakaraan, isa sa mga anak kong lalaki, na nasa wastong gulang na ngayon, ang maingat na nag kwadro nito at inilagay ito sa ibabaw ng kanyang tokador. Nanatili ito doon hanggang sa paglaki niya. Nang ako’y magbalik-tahanan, inilipat ko ito sa sulok ng tokador sa banyo ko. Pag araw ng Sabado, kapag naglilinis ako ng mga banyo, palagi kong binubuhat ang maliit na kwadro at pinupunasan ang ilalim nito. Paminsan-minsan, ipapahid ko ang aking trapo sa makinis na mga gilid ng kwadro nang maalis ang anumang namuong alikabok at di-nakikitang mikrobyo. Ngunit, tulad ng napakadaming iba pang pangkaraniwan na mga bagay, bihira kong mapansin ang larawan sa loob ng lumang kwadrong pambata.
Isang piling araw, kaipala, nagulat ako sa larawang ito. Sabik akong nakatuon sa mga mata ng dalawang pigura sa larawan—isang bata at si Jesus. Ang pahayag sa mukha ng munting bata ay isang mapagmahal na pagsamba. Ang kawalang-malay ng mala-musmos na pagtataka at di-masawatang paghanga ay nagbigay-buhay sa kanyang malambot at mala guhit-lapis na mga mata. Ang magiliw, pailanlang na titig ng bata ay mistulang di nakapansin sa hilakbot ng koronang tinik sa ibabaw ng ulo ni Kristo o ng Krus na dumudurog sa Kanyang kanang balikat. Sa paghahambing, ang mga mata ni Jesus ay sumungaw sa ilalim ng mabibigat na talukap at madilim na mga lukot. Nagawa ng artist na mahusay na takpan ang lalim ng kirot sa kabila ng mga matang iyon.
Paghahalintulad
Naalala ko ang isang gunita ng mga unang taon tao ko bilang isang ina. Ako ay malaki sa aking pangatlong sanggol. Sa mga huling araw ng pagdadalang-tao, nagisikap ako na mapaginhawa ang aking nananakit na katawan sa pamamagitan ng maligamgam na paligo. Binigyan ko ng hangganan ang aking dalawang anak na lalaki. Sila ay puno ng sigla at daldal habang palibot libot sa batya at pinaulanan ako ng mga tanong. Ang aking katahimikan at kakulangan ng pisikal na kagingawahan ay binalewala nila sa kanilang batang kaisipan.
Naalala ko ang mga luhang tumulo sa aking mukha habang bigong sinisikap ko na ipaunawa sa aking mga anak na ako ay nasasaktan at nangangailangan ng kaunti pang lugar. Ngunit sila ay simpleng maliliit na bata na tinatanaw ako bilang ina nila na laging naroroon, ang siyang humahalik sa mga kirot at laging handang makinig sa kanilang mga kuwento at tumugon sa kanilang mga pangangailangan. Wala silang pang-unawa sa pisikal na paghihirap na hinihingi ng pagsisilang. At lubhang pamilyar ako sa kanila para ituring na sino pa man maliban sa kanilang malakas at matatag na ina.
Isinaalang-alang ko ang mga pagkakawangki. Tulad ng aking maliliit na anak, nakita ng nakalarawang bata ang ating Panginoon sa kanyang indibidwal at makataong lente ng mga karanasan. Nakita niya ang isang mapagmahal na Guro, isang tapat na Kaibigan, at isang matatag na Patnubay. Ikinubli ni Kristo ang tindi ng Kanyang Paghihirap sa Krus—dahil sa awa at sinalubong ang tingin ng bata nang may lambing at habag. Alam ng Panginoon na ang bata ay hindi handang makita ang buong sukat ng pagdurusa na kabayaran sa kanyang kaligtasan.
Nawawala Sa Kadiliman
Ang pagiging pamilyar natin sa mga bagay, tao, at sitwasyon ay maaaring makabulag sa atin sa katotohanan. Kadalasan nating makita sa maulap na lagusan ng mga nakalipas na karanasan at inaasahang manguari. Sa napakadaming pangganyak na nagpapaligsahan upang makamit ang ating pansin, makatuwirang salain natin ang mundo sa ating paligid. Ngunit, tulad ng bata sa larawan at ng sarili kong maliliit na anak, mas gawi nating makit ang nais nating makita at balewalain yaong hindi naaayon sa ating mga pananaw.
Naniniwala ako na nais ni Hesus na pagalingin ang ating kabulagan. Tulad ng taong bulag sa Bibliya na, nang mahawakan ni Jesus, ay nagwika: “Nakikita ko ang mga tao, ngunit sila’y mistulang mga puno, naglalakad” (Markos 8:22-26), kadamihan sa atin ay hindi handang dagliang makita ang mga ordinaryo sa paggamit ng banal na mga mata. Ang ating mga mata ay hirati pa din sa kadiliman ng kasalanan, lubhang nakakiling sa tiwala sa sarili, nasisiyahan na sa ating pagsamba, at lubhang mapagmalaki sa ating mga pagsusumikap bilang tao.
Ang Buong Larawan
Ang halagang ibinayad para sa ating kaligtasan sa Kalbaryo ay hindi isang magaang halaga. Ito ay kinasangkutan ng sakripisyo. Gayunpaman, tulad ng bata sa larawang nasa ibabaw ng tokador sa aking banyo, nakatuon lamang tayo sa pagkamagiliw at awa ni Hesus. At dahil Siya ay maawain, si Hesus ay hindi nagmamadali; hinahayaan niya tayong makaroon ng sa unti-unting paglago ng pananampalataya.
Gayunpaman, makabubuting tanungin ang ating sarili paminsan-minsan kung taos-puso tayong nagsisikap tungo sa espirituwal na paglago. Hindi ibinigay ni Kristo ang Kanyang buhay upang manatili tayo sa mundo ng pantasya ng tuloy-tuloy na pagpapala. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan, at kailangan nating buksan ang ating mga mata upang makita na binili Niya ito sa halaga ng Kanyang dugo.
Sa ating paglalakbay sa Kuwaresma at lalo na sa Semana Santa, kailangan nating pahintulutan si Kristo na unti-unting buksan ang ating mga mata, isuko ang ating sarili sa Kanyang kalooban, hayaang alisin Niya ang ating mga diyos-diyosan, at alisin ang naging pamilyar sa ating buhay. upang masimulan nating makita ang mga dating pagpapala ng pagsamba, pamilya, at kabanalan nang may mga bagong mata na may malalim, matibay na pananampalataya.
'Q – Paano ko malalaman kung ang pagmamahal ko sa palakasan ay idolatriya? Nagsasanay ako ng apat na oras sa isang araw, umaasa na makakuha ng iskolarsip sa kolehiyo, at iniisip ko ito sa lahat ng oras, sinusundang maigi ang mga propesyonal na koponan. Mahal ko ang Diyos, ngunit hindi lang Niya makuha ang pagkahilig ko tulad ng ginagawa ng palakasan. Kailan lumalampas sa guhit ng idolatriya ang aking hilig sa palakasan?
A – Ako din, ay mahilig sa palakasan. Naglaro ako ng baseball nuon sa mataas na paaralan at kolehiyo, at kahit bilang pari, patuloy akong naglalaro ng Ultimatong Prisbi, saker, at Amerikanong putbol. Ang palakasan ay maaaring maging “ang larangan ng kabanalan,” gaya ng sinabi minsan ni San Juan Paul II. Ngunit sa ating makabagong mundo, madalas nating pinahahalagahan ang palakasan…marahil higit pa.
Ang aking tagasanay ng besbol sa kolehiyo ay may magandang kasabihan: “Walang bagay sa palakasan na walang katapusan.” Nakatulong iyon sa akin na panatilihing nasa tamang pananaw ang lahat. Ang pagkapanalo sa kampeonato o pagkatalo sa laro ay hindi magkakaroon ng kaunting pagkakaiba sa kawalang-hanggan. Ito ay pangkatuwaan, na nagbibigay sa atin ng pagkakataong mag-ehersisyo at magsagawa ng pagtutulungan nang magkakasama, disiplina, lakas ng loob, at pagiging patas—subalit walang kahihinatnan sa isang paligsahan sa atleta na hindi nagmamaliw. Kaya paano natin mapapanatili ang palakasan sa tamang pananaw nito? Tingnan natin ang tatlong bagay upang malaman kung ang palakasan (o anumang bagay) ay nagiging isang diyos-diyosan.
Una, ang oras. Gaano kadaming oras ang ginugugol natin dito laban sa kung gaano kadaming oras ang ginugugol natin sa Panginoon? Minsan ay hinamon ko ang isang klase ng mga kabataan na gumugol ng sampung minuto bawat araw sa pagdadasal, at sinabi sa akin ng isang batang lalaki na imposible iyon dahil naglalaro siya ng mga video game. Tinanong ko siya kung gaano siya katagal maglaro, at sinabi niya sa akin na madalas siyang naglalaro ng walo hanggang labing-isang oras bawat araw! Kung ang isang tao ay walang oras para sa isang seryosong buhay panalangin—labing lima hanggang dalawampung minuto pinakamababa, araw-araw, dahil ginugugol nila ang oras na iyon sa palakasan, kung gayon ito ay tunay na idolatriya. Hindi ito nangangahulugan na dapat itong maging ganap na magkatumbas—kung magsasanay ka ng dalawang oras bawat araw, hindi mo kailangang magdasal ng dalawang oras bawat araw. Ngunit kailangang magkaroon ng sapat na oras sa iyong buhay upang magkaroon ng matatag na buhay panalangin.
Kinabibilangan nito ang pagtiyak na ang ating buhay palakasan ay hindi sumasalungat sa pagsamba sa Linggo. Ang aking kapatid na lalaki, isang mahusay na manlalaro, minsan ay kinailangang maligtaan ang isang mahalagang pagsubok dahil ito ay gaganapin sa umaga ng Linggo ng Pagkabuhay. Kahit anong gawin natin sa halip na Misa sa Linggo ay nagiging idolo natin!
Kasama din dito ang pag sasan-tabi ng oras na gawing mahalagang bahagi ng ating sakripisyo para sa Panginoon. Mayroon ka bang oras upang magboluntaryo sa iyong simbahan o isang lokal na kawanggawa? Mayroon ka bang sapat na oras upang maisagawa nang maayos ang iyong mga tungkulin sa araw-araw (upang gawin ang iyong pag-aaral sa abot ng iyong makakaya, gawin ang mga gawaing bahay, at maging mabuting anak at kaibigan)? Kung ang palakasan ay tumatagal ng napakadaming oras na wala nang oras para sa iba, sa gayon tayo ay wala sa balanse.
Pangalawa, pera. Magkano ang ginagastos natin sa mga larong pang palakasan, kagamitan, tagasanay, membership sa gym—hambing sa kung gaano kadaming pera ang ibinibigay natin sa simbahan, mga kawanggawa, o mga mahihirap? Kung saan natin ginugugol ang ating pera ay nagpapakita kung ano ang mahalaga sa atin. Muli, ito ay hindi kinakailangang isang ganap na pagkakatumbas—ngunit ang pagiging bukas-palad ay isang pangunahing bahagi ng pagiging kasapi ng Panginoon, na kung Kanino nagmumula ang lahat ng mabubuting handog.
Panghuli, sigasig. Sa amerika, kung saan ako nakatira, ang Amerikanong putbol ay ang aming pambansang relihiyon. Namangha ako na makita ang mga matatandang lalaki na nakaupo sa labas sa ilalim na nagyeyelo na temperatura sa isang laro ng Green Bay Packers, na walang suot na kamiseta at ang kanilang mga dibdib ay pinintahan ng mga kulay ng koponan, nakasuot ng foam na sumbrero sa hugis ng keso (ito ay isang kakatuwang tradisyon!), masayang sumisigaw sa ituktok ng kanilang mga baga…at madami sa mismong mga lalaking ito ay maiinip sa simbahan sa Linggo ng umaga, halos ibinubulong ang mga tugon sa Misa (kung sila man ay dumalo).
Ano ang nakapagpapasabik sa iyo? Mas nasasabik ka ba para sa isang paligsahan sa palakasan na hindi na maaalala paglipas ng isang taon o para sa hamon at kagalakan ng epikong paghahangad sa kabanalan, ang pagkakataong isulong ang Kaharian ng Diyos, ang labanan para sa mga kaluluwa na may panghabang-panahong kahihinatnan, ang pagtugis ng walang hanggang tagumpay na magpapaputla sa iyong mga tropeo kung ihahambing?
Kung malaman mong mas malakas pa din ang iyong sigasig sa palakasan, isaalang-alang kung ano talaga ang Kristiyanismo. Walang talagang higit na kapana-panabik at kapangahasan sa mundo kaysa sa pagnanais na maging isang santo. Ito ay nagsasangkot ng madami sa maturang mga katangian bilang isang mahusay na atleta: pagtanggi sa sarili, pag-uukol, at matapat na paghahangad ng isang layunin. Ngunit ang aming layunin ay may panghabang-panahong kahihinatnan!
Sa pagsasaalang-alang ng tatlong bagay na ito—kung saan mo ginugugol ang iyong oras, kung paano mo ginagastos ang iyong pera, at kung ano ang nagpapasaya sa iyo. Ang mga ito ay maaaring magbigay ng mahalagang pananaw kung kailan ang isang bagay ay nagiging diyos-diyosan sa atin.
'Sa pinakamadilim na lambak at pinakamahirap na gabi, nadinig ni Belinda ang isang tinig na patuloy na tumatawag sa kanya pabalik.
Iniwan kami ng aking ina noong ako ay mga labing-isang taong gulang. Noon, akala ko lumisan siya dahil ayaw niya sa akin. Subalit sa katunayan, pagkatapos ng mga taon ng tahimik na pagdurusa sa pang-aabuso sa mag-asawahan, hindi na siya nakatiis pa. Bagamat lubhang nais niyang iligtas kami, pinagbantaan siya ng aking ama na siya ay papatayin kung isasama niya kami. Iyon ay napakabigat tanggapin sa murang gulang, at habang sinisikap kong makayanan ang mahirap na panahong ito, sinimulan ng aking ama ang paulit-ulit na pang-aabuso na maglulumagi sa akin sa dadating na mga taon.
Mga Lambak At Burol
Upang mapawi ang sakit ng pang-aabuso ng aking ama at matumbasan ang kalungkutan sa pag-abandona ng aking ina, sinimulan kong gamitin ang lahat ng uri ng mga mekanismo ng ‘panlunas. At sa isang dako na hindi ko na makayanan ang pagmamalabis, tumakas ako kasama si Charles, ang aking kasintahan mula sa paaralan. Nakipag-ugnayan akong muli sa aking ina sa panahong ito at nanirahan sa kanya at sa kanyang bagong asawa nang panandalian.
Sa gulang na 17, pinakasalan ko si Charles. Ang kanyang mag-anak ay may kasaysayan ng pagkabilanggo, at di nagtagal siya naman ang sumunod. Patuloy akong nakisalamuha sa nasabing uri ng mga tao, at sa bandang huli, ako din ay nadamay sa krimen. Sa gulang na 19, nahatulan akong makulong sa unang pagkakataon—limang taon para sa mapanlubhang karahasan.
Sa bilangguan, nadama kong nag-iisa nang higit pa kailanman sa tanang buhay ko. Lahat nang dapat magmahal at mag-aruga sa akin ay nagpabaya, nanggamit, at nang-abuso sa akin. Naaalala ko ang pagsuko, kahit na ang pagtatangka kong tapusin ang aking buhay. Sa mahabang panahon, patuloy ang aking pagbulusok pababa hanggang sa makilala ko sina Sharon at Joyce. Ibinigay nila ang kanilang buhay sa Panginoon. Bagama’t wala akong malay tungkol kay Hesus, naisip kong subukan ito yayamang wala na akong iba pa. Doon, naipit sa pagitan ng mga pader na iyon, sinimulan ko ang panibagong buhay kasama si Kristo.
Pagbagsak, Pagbangon, Pagkatuto…
Humigit-kumulang isang taon at kalahati sa hatol sa akin, nagkaroon ako ng pagkakataon sa parol. Kahit papaano sa puso ko, alam kong mabibigyan ako ng parol dahil nabubuhay na ako para kay Hesus. Pakiramdam ko ay ginagawa ko ang lahat ng tamang bagay, kaya nang dumating ang hàtol fpagtanggi na may dagdag na isang taon na paghihintay, hindi ko talaga ito mawari. Simulan kong tanungin ang Diyos at talagang nagalit ako.
Iyon ang panahon na ako ay inilipat sa ibang pasilidad pagwawasto. Sa pagtatapos ng serbisyo sa simbahan, nang lumapit ang chaplain para makipagkamay, napaudlot ako at umatras. Siya ay isang taong puno ng Espirito, at ipinakita sa kanya ng Banal na Espirito na ako ay nasaktan. Kinaumagahan, hiniling niya na makita ako. Doon sa kaniyang tanggapan, habang nagtatanong siya tungkol sa nangyari sa akin at kung paano ako nasasaktan, nagsimula akong magtapat at sa unang pagkakataon sa aking buhay ay nagbahagi.
Sa wakas, nasa labas ng bilangguan at nasa panariling pagpapalakas, sinimulan kong maghanapbuhay at unti-unting ako ay nagkaroon ng panibaging buhay nang makilala ko si Steven. Nagsimula akong lumabas kasama siya, at kami ay nagdalantao. Naaalala kong ako’y nasasabik tungkol dito. Dahil nais niyang ito ay maisaayos, kami ay nagpakasal at nagsimulang magbuo ng pamilya. Iyon ang nagsilbing hudyat ng simula ng marahil pinakamasamang 17 taon ng aking buhay, na binigyang tanda ng kanyang pisikal na pagmamalabis at pagtataksil at ang pagpapatuloy na hikayat ng droga at krimen.
Sasaktan pa nga nya ang mga anak namin, at minsan ay nagdulot ito sa akin ng pagkapoot —gusto ko siyang barilin. Sa sandaling iyon, nadinig ko ang mga talatang ito: “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti.” (Roma 12:19) at “Ipagtatanggol kayo ng Panginoom.” (Exodo 14:14), at iyon ang nag-udyok sa akin na siya’y bigyang laya.
Hindi Kailanman Salarin
Hindi ko kailanman nakayang maging salarin nang matagal; dadakpin lang ako ng Diyos at sisikaping ibalik ako sa landas. Sa kabila ng Kanyang paulit-ulit na pagsisikap, hindi ako nabubuhay para sa Kanya. Palagi kong pinipigilan ang Diyos, kahit alam kong nandiyan Siya. Matapos ang sunud-sunod na pagdadakip at pagpapalaya, ako ay nakauwi din sa wakas noong 1996 nang totohanan. Nakipag-ugnayan akong muli sa Simbahan at sa wakas ay nagsimulang magbuo ng isang tunay at tapat na pakikipag-ugnayan kay Hesus. Ang Simbahan ay unti-unting naging buhay ko; hindi kailanman ako nagkaroon ng ganoong uri ng pakikipag-ugnayan kay Hesus.
Hindi mapawi ang pagkalugod ko dito sapagkat nasimulan kong makita na hindi dahil sa mga bagay na aking nagawa kundi kung sino ako kay Kristo ang syang magpapanatili sa akin sa daang ito. Subalit, nangyari ang tunay na pagbabalik-loob sa Tulay sa Buhay*.
Paanong Hindi Ko Gagawin?
Bagamat hindi ako naging kalahok sa programa bilang isang nagkasala, ang maisakatuparan ang maliliit na grupong iyon ay isang pagpapalang hindi ko inaasahan—isang pagpapala na makakapagpabago sa aking buhay sa magagandang paraan. Nang madinig ko ang iba pang mga babae at lalaki na magbahagi ng kanilang mga kuwento, may isang bagay na nag-click sa loob ko. Pinatunayan nito sa akin na hindi lang ako at hinikayat akong maging kapuna-puna muli’t muli. Pagod ako at hapong hapo sa trabaho, pero maglalakad ako papasok sa mga bilangguan at muling napapasigla dahil alam kong doon ako nararapat.
Ang Tulay Sa Buhay ay tungkol sa pagkakatuto na mapatawad ang iyong sarili; ang pagtulong sa iba ay hindi lamang nakatulong sa akin na maging buo, nakatulong din ito sa akin na gumaling…at ako’y nagpapagaling pa din.
Una ay ang aking ina. Siya ay nagka cancer, at iniuwi ko siya; Inalagaan ko hanggat sa siya ay nanatili hanggang sa siya’y mapayapang yumao sa aking tahanan. Nang 2005, ang cancer ng aking ama ay nagbalik, at ipinagpalagay ng mga manggagamot na mayroon siyang hindi hihigit sa anim na buwan. Iniuwi ko din siya. Sinabihan ako ng lahat na huwag kunin ang lalaking ito matapos ang ginawa niya sa akin. Tinanong ko: “Paanong hindi ko gagawin?” Pinatawad ako ni Hesus, at pakiramdam ko’y nais ng Diyos na gawin ko ito.
Kung pinili kong pang maghinanakit sa aking mga magulang dahil sa pagpapabaya at pang-aabuso, hindi ko alam kung maibibigay nila ang kanilang buhay sa Panginoon. Sa pagbabalik-tanaw pa lang sa aking buhay, nakikita ko kung paano ako patuloy na tinutugis ni Hesus at sinisikap na ako’y tulungan. Labis kong nilalalabanan na maramdaman kung ano ang bago, at napakadaling manatili sa kung ano ang maginhawa, ngunit nagpapasalamat ako kay Hesus na sa katapusan ay ganap akong sumuko sa Kanya. Siya ang aking Tagapagligtas, Siya ang aking bato, at Siya ang aking kaibigan. Hindi ko mapagtanto ang buhay na wala si Hesus.
* Isang panukalang nakabatay sa pananampalataya, na naglilingkod sa kapwa biktima at nagkasala, na nakatuon sa nakakapagpabagong kapangyarihan ng pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos
'Tayong lahat ay nakikipagbuno sa Diyos sa isang tagpo o iba pa. Ngunit tayo ba ay talagang nakapagkakamit ng kapayapaan?
Kamakailan lamang, isang nagdurusang kaibigan ay nagsabi sa akin: “Ni hindi ko malaman kung anong ipagdarasal ko.” Ninais niyang magdasal ngunit siya’y sukdulan nang napagod sa kahihiling ng isang bagay na hindi naman dumarating. Kaagad kong naisip ang Eucharistic Way of Prayer ni San Pedro Julián Eymard. Inaanyayahan niya tayong itulad ang ating panahon ng pagdarasal mula sa apat na mga dulo ng Misa: Pagsamba, Pasasalamat, Pagsisisi at Kahilingan.
Isang Higit na Mabuting Paraan
Ang dasal ay higit pa sa paghihiling, bagama’t mayroong mga panahon na kapag ang ating mga pangangailangan at mga pag-aalala tungkol sa mga minamahal natin ay sukdulang puspusan, na wala nang magawa kundi humiling nang humiling, magmakaawa, at humiling nang patuloy. Maari nating sabihin: “Hesus, ihinahabilin ko ito sa Iyong mga kamay,” ngunit pagkalipas ng tatlumpung sandali ay binabawi natin ito sa Kanyang mga kamay upang muling ipaliwanag kung bakit kailangan natin ito. Tayo’y nag-aalala, nababagabag, hindi makatulog. Tayo’y hindi titigil nang pagsusumamo nang sapat na kahabaan hanggang marinig natin ang maaaring ibulong ng Diyos sa ating napapagal na mga puso. Tayo’y mananatiling ganito nang panandali, at ito ay pahihintulutan ng Diyos. Siya’y maghihintay upang tayo’y mapagod, at maunawaan na hindi natin Siya pinakikiusapan ngunit nag-aakma tayong sabihan Siya batay sa palagay natin kung paano Niya tayo kailangang matulungan. Kapag tayo’y napapagal na sa pakikipaghamok at sa wakas ay magpapaubaya, tayo’y matututo nang higit na paraan ng pagdarasal.
Sa kanyang liham sa mga taga Pilipo, si San Pablo ay nagbibilin sa atin kung paano dapat sasaloobin ang ating mga kahilingan sa Diyos. “Huwag kayong mababalisa kailanman, ngunit sa bawa’t bagay, sa paraan ng pagdarasal at daíng, na may pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga hinihiling sa Diyos. At ang kapayapaan ng Diyos na sumasaibabaw sa lahat ng pag-iisip ay pag-iingatan ang inyong mga puso at mga isip kay Kristo Hesus.” (4:6-7).
Labanan ang mga Kasinungalingan
Bakit tayo nag-aalala? Bakit tayo nagiging balisâ? Sapagkat, tulad ni San Pedro, na humintong tumingin kay Hesus at nagsimulang malunod (Mateo 14:22-33), tayo ay may kakilingang mawala sa tanaw natin ang Katotohanan at mapiling makinig sa mga paratang. Sa pinakaugat ng bawa’t mabagabag na pag-iisip ay lantad ang isang malaking kasinungalingan—na ang Diyos ay hindi tayo kakalingain, na anumang nakababalisa ngayon sa akin ay dinadaig ang Diyos, na ako’y pababayaan ng Diyos at kalilimutan ako…na ako’y walang mapagmahal na Ama ni kailanman.
Paano natin lalabanan ang mga kasinungalingang ito? Sa pamamagitan ng KATOTOHANAN.
“Dapat natin pagaanin ang ginagawa ng ating isip sa pamamagitan ng payak at payapang paniniwala sa mga katotohanan ng Diyos,” ang paalala ni San Pedro Julián Eymard.
Ano ang katotohanan? Nakagiliwan ko ang sagot ni Santa Madre Teresa. “Ang pagpapakumbaba ay katotohanan.” Isinasaad sa atin ng Katekismo na ang “kababaang-loob ay ang saligan ng katotohanan.” Ang pagdarasal ay ang pagtataas ng ating mga puso at mga isip sa Diyos. Ito’y pakikipag-usap, isang pakikipag-ugnayan. Ako’y hindi makapagkakaroon ng ugnayan sa sinumang hindi ko kilala. Kapag sisimulan natin ang ating dasal ng kababaang-loob, tinatanggap natin ang katotohanan na Siya ay Diyos at kung sino tayo. Makikilala natin na, sa ating sarili, tayo ay wala kundi pawang kasalanan at kahirapan ngunit tayo ay nagawa ng Diyos bilang Kanyang mga anak at sa piling Niya, magagawa natin ang lahat ng mga bagay (Taga-Pilipo 4:14).
Ang yaong kababaang-loob, yaong katotohanan, ay idinadala muna tayo sa pagsasamba, kasunod ay sa pasasalamat, pagkaraan ay sa pagsisisi, at sa wakas ay sa paghihiling. Ito ang likas na pag-unlad ng sinumang ganap na umaasa sa Diyos. Kaya kung hindi natin malaman ang sasabihin sa Diyos, ating parangalan Siya at purihin ang ngalan Niya. Isipin natin ang lahat ng mga biyaya at pasalamatan Siya para sa lahat ng Kanyang mga idinulot sa atin. Ito’y matutulungan tayong magtiwala na ito rin ang Diyos na palagi nang kapiling natin, ay hanggang ngayo’y narito at laging sumasaatin sa mga panahon ng ginhawa at kagipitan.
'