- Latest articles
Noong ika-18 ng Agosto, taong 1996, nang matapos ang misa sa simbahan ng Santa Maria y Caballito Almagro [sa Buenos Aires, Argentina], isang babae ang naghayag na may benditadong ostiya na naiwan sa maalikabok na lagayan ng kandila sa likod ng simbahan. Sapagka’t ito ay nasa hindi tamang kalagayan upang makain, sinunod ng pari [na ang ngalan ay Fr. Alejandro Pezet] ang karaniwang pamamaraan ng paglagay ng ostiya sa malinis na tubig at ang pagsilid nito sa tabernakulo.
Sumunod ang araw ng Lunes, nang nabuksan ang tabernakulo ang ostiya ay lumitaw na napigta ng madugong sangkap. Ito ay inihayag kay Obispo Jorge Bergoglio (ang magiging Santo Papa Francisco na noon ay Katulong na Obispo at di-nagtagal ay naging Obispo ng Buenos Aires) at inilipat sa mainam na kinalalagyan habang ang ostiya ay patuloy na mag-ibang anyo hanggang sa ito ay naging payak na kalamnan. Si Arsobispo Bergoglio ay namuno ng pagsusuri sa himala matapos na ang ostiya-na-naging-madugo ay kataka-takang nanatili na ganito nang maraming taon.
Noong ika-lima ng Oktubre ng taong 1999, sa harap ng mga kinatawan ng Arsobispo, isang siyentipiko [na nagngangalang Dr. Ricardo Castanon Gomez] ay kumuha ng kapiraso ng bahagi ng laman at ipinadala ito sa Nueva York upang suriin. Ang pinagmulan ng nasabing bahagi o piraso ay hindi ibinunyag sa mga siyentipiko. Si Mediko Federico Zugibe, isang kilalang dalubhasa sa larangan ng kardiyolohiya at patolohiya ay tiniyak na ang nasuring sangkap ay tunay na laman at dugo na may pangkatauhang “DNA” na nagmula sa puso ng buhay na tao na nagdanas ng labis na paghihirap.
Pinatunayan niya na ang “nasuring bagay ay bahagi ng kalamnan na tumutulong sa pag-urong o pagliit ng puso. Ang nasabing kalamnan ay nasa magàng kalagayan at puno ng puting dugong selula. Ito ay nangangahulugan na ang puso ay buhay nang panahon na ito ay kinunan ng bahagi. Maliban dito, ang mga puting selula ay nagtagusan na sa manipis na bahagi (o tisyu) nito, na tuloy na nagpapaphiwatig na ang puso ay nagdanas na ng matinding pagod, na tila ang nagmamay-ari ay pinagpapalo ng marahas sa dakong dibdib.”
'Noong 1926, sa umpisa ng digmaan ng Cristero, ang mga Mexicano ay nagdusa sa pag uusig ng relihiyon ng maraming taon. Ang mag Simbahan ay kumpiskado at sarado, ang edukasyong pang relihiyon at ang pagtitipon ay ipinagbabawal. Ang mga taong maka relihiyon at mga pari ay napilitan sa pagtatago.
Isang gabi, ang mga polisiya ay umusig sa isang bahay na inaakalang ang mga tao ay nagtitipon para tumanggap ng Banal na Komunyon. Isang lalaki ang lumapit at mabilis na binaligtad ang lapel ng kanyang suot na jacket at ipinakita ang badge na pagka Tenyente.
“Anong nangyayari”? Ang tanong niya. “Palagay namin ay may pari sa loob,” sagot ng mga tao. “Mag hintay kayo dito at susuriin ko,” ang utos niya. Nakatingin ang mga tao habang ang pari ay nagbibigay ng Banal na Komunyon sa mga taong naghihintay sa loob ng bahay.
Si Padre Miguel Pro ay kilala sa pagbabalatkayo, sa pag gamit niya ng iba’t ibang pagbabalatkayo. Kadalasan kapag patay na ng gabi, siya ay matapang na nag bibinyag ng bagong panganak na bata, binabasbasan na pag palain ang nag iisang dibdib, nag mimisa, nakikinig sa pagtatapat, pagpa pahid ng sakit, at pagbibigay ng Banal na Komunyon. Mahigit sa ilang beses siyang nag panggap bilang polisiya para makapagbigay ng Banal na Viaticum sa mga Katoliko na nag hihintay ng pag uusig. Siya ay nagbalatkayo bilang sunod sa moda na negosyante para makakolekta sa lugar ng kanyang mga kaaway, para ibigay sa mahihirap.
Kabisig man ng braso ng isang batang babae o nakadamit ng pulubi, masaya niyang dinadalhan ng espiritwal o materyal na pagpapaluwag ng dibdib ang mga nagugulumihanang Mexicano na Katoliko, kahit sa bingit ng kanyang buhay. Pagkatapos ng isang taon ng kanyang minesteryo, ang kanyang mga kaaway ay desperado na tapusin ang kanyang inpluwensya sa mga tao. Siya ay kinasuhan ng pagtatangka ng pagpatay. Siya ay pinatungan ng sintensyang mamatay ng walang pagsubok pagkatapos siyang dakpin.
Inimbetahan ni Presente Calles ang mga mamamahayag sa buong mundo para makita ang pagpapatupad ng parusa at inaasahan niya na masisiraan ng loob si Padre Pro at tatalikuran niya ang pananampalataya sa harap ng isang pulutong ng pagpapaputok. Sa halip, ang mga litrato na kuha sa pagpapatupad ng parusa ay ipinakita ang kanyang pagpapatawad at ipinagdarasal ang mga pulutong na nagpapaputok sa kanya. Hindi siya nag patakip ng mata at nakadipa ang kanyang kamay katulad ng porma ng Kurus, sa maligayang pagsalubong ng bala sa kanya at humiyaw ng “Viva Cristo Rey!” (Mabuhay si Kristo na Hari!)
'Ang tanyag na mananaysay na si Tom Holland ay nagsulat ng isang kakaibang aklat na tinawag na Dominion: Paano Itinatag Na Muli Ng Kristiyanong Paghihimagsik Ang Mundo. Nilalagum ng pangalawang pamagat ang kanyang pangangatwiran. Si Holland ay inis sa makamundong kaisipan na nangingibabaw sa kalipunan at na may gawing ituring ang Kristiyanismo bilang isang lipás, walang kwentang relihiyon, isang labí ng makalumang kapanahunan, isang sagabal sa pag-unlad ng moralidad at pag-iisip. Ang katotohanan, katwiran nya, ang Kristiyanismo ang siyang naging at patuloy na pinaka-makapangyarihang tagahubog ng Kanluraning pag-iisip, bagamat ang panghikayat nito ay laganap at malalim na kung kaya madali itong bale-walain.
Ang mabisa nyang paraan sa pagsisiwalat nito ay una, ang bawian ng dangal ang Kristyanismo sa pamamagitan ng isang malupit at makatotohanang pagsasalarawan ng kahulugan ng pagpapako sa krus nang sinaunang panahon. Nuon, ang mahatulang mamatay sa krus ng Roma ay ang pinakamasaklap na kapalarang maaring maisip ninuman. Ang salitang ‘excruciating’, na tumutukoy sa pinakamasakit sa lahat ng pagdurusa na galing sa salitang Latin na ‘ex cruce’ (mula sa krus), ay angkop na naglalahad ng tunay na kahulugan ng mismong salitang ito. Ngunit higit pa sa labis na pagdurusa sa krus ay ang di-maihahambing na dulot nitong kahihiyan. Ang hubdan, ipako sa dalawang piraso ng kahoy, iwang mamatay sa krus nang ilang oras, o kahit araw pa, ilantad sa panunuya ng mga nagdaraan, at kahit namatay na, ay bayaan ang katawan na kainin ng mga ibon sa himpapawid at hayop sa parang, ay ang pinaka-walang-puring karanasan na maaaring mangyari. Na hinirang, sa makatuwid, ng mga unang Kristiyano ang isang makasalanang ipinako sa krus bilang nabuhay na Anak ng Diyos ay katawa-tawa, nakakainis, at nakapanghihimagsik na pahatid. Binaliktad nito ang lahat ng mga pagpapalagay ng sinaunang mundo tungkol sa Diyos, sa sangkatauhan, at sa tamang kaayusan ng lipunan. Kung ang Diyos ay nakilalang isang ipinako sa krus, ibig sabihin, kahit na ang pinakamababa at nalimot nang mga kaanak ng sangkatauhan ay karapat-dapat na mahalin. At na hindi lang sa ipinahayag ng mga unang alagad ni Kristo ang katotohanang ito kundi tahasang isinabuhay pa sa pag-aalaga ng mga walang tirahan, mga maysakit, mga bagong-silang, at mga matatanda — na dahil dito ay naging mas mapanghimagsik ang kanilang pahatid.
Datapwat sinisiyasat niya ang mga iba pang paraan kung paano nahikayat ng kaisipang Kristiyano ang Kanluraning kabihasnan, tinuturing ni Holland ang pag-unawang ito, na nababanaag sa nakapakong si Jesus, ang syang higit na nakapagpabago. Na winawalang bahala natin na karapat-dapat igalang ang bawat tao, na ang lahat ay nagtataglay ng pantay-pantay na karapatan at dangal, na ang mapang-unawang pagmamahal ay ang tamang pag-uugaling kapuri-puri, na sa totoo lang, ay isang tungkulin, tanggapin man natin o hindi, ng ating pagiging Kristiyano. Ang patunay nito ay nasa pagbabalik-tanaw sa sinaunang kalinangan kung saan ang mga kuro-kurong ito ay hindi nangibabaw, at kung bibigyang pansin kahit maging sa kasalukuyan, pati sa mga lipunan na hindi nahubog ng Kristiyanismo, kung saan ang mga pagpapahalagang ito ay walang pag-aalinlangan na iginalang.
Ang kahigtan ng aklat ni Holland ay inunawa nang may bihasang pagsisiyasat sa mahahalagang sandali ng kasaysayan ng Kanluran, na nagsiwalat sa hikayat ng punong kaisipan ng krus. Lalagyan ko ng mahalagang diin ang kanyang pagbasa ng ‘Enlightenment’, na ang pagpapahalagang pampulitika ay malayo sa Salita ng Diyos at sa kapanabay na mga kilusang “woke” [o “paggising”], na ang pagka-abala sa pagdurusa ng mga biktima at ng mga isinantabi ay bunga ng kulturang ang nasa puso, sa loob ng dalawang libong taon, ay ang isang nilalang an di- makatarungang hinatulan at ipinako sa krus. Pinahahalagahan ko ang pag-ulat nya sa sikat na awiting “All You Need is Love [Pagmamahal lamang ang kailangan mo]” na tinugtog ng Beatles sa harap ng masayang manunood. Ang damdaming ipinahiwatig ng walang kupas na awit na iyon ay ni isa kina Cesar Augustus o Genghis Khan o Friedrich Nietzsche ay sasang-ayon, ngunit sa katunayan ay tugma sa kaisipan nina San Augustin, SanTomas Aquinas, San Francisco ng Asisi, at ni San Pablo Apostol. Gusto man natin o hindi, hinuhubog ng Kristiyanong paghihimagsik kung paano tayong mga nasa Kanluran ay patuloy na nakamasid sa mundo.
Ako ay lubos na sumasang-ayon sa bahaging ito ng paliwanag ni Holland – na nobenta porsyento ng aklat. Ang puntong tinatalakay niya ay hindi lamang totoo; ito ay may malaking kahalagahan sa panahong ang Kristiyanismo, kadalasan, ay minamaliit o isinasantabi. Para sa akin, ang buong aklat ay naipaliwanag sa bandang huli, nang aminin ng may-akda na hindi siya naniniwala sa Diyos o sa kabanalan ni Hesus o ng Kanyang Pagkabuhay na Muli. Sa kanyang panghinuha, ang mapanghimagsik na etika [pagiging wasto] mula sa mga ganoong paniniwalap ay matatag, ngunit ang mga paniniwalang ito mismo, sa palagay niya, ay hindi sapilitan. Ang paglilinang ng isang wastong kaayusan mula sa kahinahinalang mga dogma ay isang kilalang pagkilos sa mga makabagong naglilimi/pilosopo. Nagsikap sina Immanuel Kant at Thomas Jefferson na gawin ang naturan. Ngunit ito ay walang kabuluhang panukala dahil hindi maaring ihiwalay ang étika ng Kristiyano sa metapisiko at sa kasaysayan ng pinagmulan nito. Kung walang Diyos at kung si Hesus ay hindi muling nabuhay, paanong ang bawat tao ay karapat-dapat na igalang at isakop sa mga karapatang hindi maaaring salungatin? Kung walang Diyos at kung si Hesus ay hindi muling nabuhay, paanong hindi natin mapaghinuhang nanalo si Cesar sa lakas ng kanyang mapanghilakbot na krus? Maaaring hinangaan si Hesus bilang isang guro na may matibay na paninindigan, subalit kung siya ay namatay at nanatili sa kanyang libingan, mananaig ang kapangyarihang pulitika, at ang pagpapatunay na ang dangal ng bawat tao ay isang hangarin lamang na hindi maiisakatuparan.
Dapat lang malaman na nang ang mga unang Kristiyano ay nagpalaganap ng Ebanghelyo o Salita ng Diyos hindi sila nagpahayag para sa karapatang pantao o sa dangal ng lahat o ng iba pang mga naturang ideyang mahirap unawain; sila ay magpahayag tungkol kay Hesus na namatay at nabuhay na muli dahil sa kapangyarihan ng Banal na Espirito. Giit nila, ang taong pinatay ng emperyo ni Cesar ay binuhay ng Diyos. Talagang tama si Tom Holland na madami sa mga pinakamahusay na matuwid at katutubong gawi na pampulitika sa Kanluran ay nagmula kay Kristo. Ngunit gaya ng mga pinitas na bulaklak na tatagal lamang ng ilang oras sa tubig, gayon din ang mga kaisipang iyon — hindi magtatagal ang mga ito kung ilalayo natin mula sa katotohanan ng krus ni Hesus.
'Hindi maganda ang araw mo? Lumisan ka sa “maalingasaw na pag-iisip” sa oras na ito.
Nitong umaga, nagising ako na masungit at wala sa kondisyon. Alam mo ang kasabihang, ‘Ako ay bumangon sa maling gilid ng kama’ – ako yon, sigurado. Talagang hindi magandang simulan ang araw na parang kumain ako ng isang kumpol ng maasim na gummy. Gayunpaman, habang nakaupo ako sa aking mesa sa kusina, kumakain ng agahan at nagbabasa ng aking pang-araw-araw na mga Banal na Kasulatan, binubuksan ko ang pintuan sa may harap para papasukin ang sikat at liwanag ng araw. Pagkatapos ito ang nangyari! Narinig ko ang maluwalhating tugtugin ng mga ibong umaawit. Naupo ako na nakapikit at nakinig habang pinupuri ng mga ibon ang kanilang May-likha. “Sa tabi nila, ang mga ibon sa kalangitan ay nanahan; humuhuni kasabay ng mga sanga. ” Awit 104: 12.
Para akong binuhusan ng Banal na Espiritu ang aking puso ng isang himig ng mga papuri. Ang aking kasungitan ay nalansag sa kalagitnaan ng koro ng mga ibon na masayang nagbubunyi ng mga papuri sa Diyos, ang kanilang Lumikha. “Halika, awitan natin ang Panginoon; lumikha tayo ng isang masayang ingay sa ugoy ng ating kaligtasan!” Awit 95.
Ang sandaling ito ng Banal na Espiritu ay tumulong sa aking mapagtanto na ang pinakamahusay kong kalasag, upang maiwaksi ang isang masamang kalagayan, ay ang umawit ng mga papuri sa ating Panginoon. Hindi ko tiyak kung ang mga ibon kailanman ay nagkaroon ng di-magandang araw o kaya’y naging masungit. Kahit gayonman, kumakanta pa rin sila ng mga papuri sa kanilang May-likha. Sinabi sa atin ni Jesus: “Tingnan ang mga ibon sa himpapawid: hindi sila nagpupunla o nag-aani o ni nagtitipon sa mga kamalig, subalit pinapakain sila ng iyong Makalangit na Ama. Hindi ba mas may halaga ka kaysa sa kanila? ”
Narinig kong sinabi na ang paraan upang matigil ang maalingasaw na pag-iisip ay ang salungatin ito ng tatlong positibong kaisipan. Ang isang tiyak na lunas upang mailabas ang sarili sa isang salungat na pag-uugali ay ang magbasa ng Mga Awit at magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga pagpapala at mapagmahal na pangangalaga Niya sa akin at sa aking pamilya at mga kaibigan.
Oo naman, minsan, nais ko lamang manatili sa aking mundo ng maalingasaw na pag-iisip nang ilang sandali kasama ng katapusan at kadiliman. Subalit inaanyayahan ako ng Banal na Espiritu na maupo sa aking terasa, pumikit, at makinig sa orkestra ng mga ibong umaawit. Sa gayon, langhap ko ang Liwanag ni Kristo, hinahalinhan ang aking kadiliman, ginagawang isang masayang saloobin ng pasasalamat at papuri.
Salamat, Hesus sa paglalahad Mo sa akin, sa pamamagitan ng mga ibong umaawit at mga ligaw na bulaklak, na ako man ay maaaring magalak at umawit ng mga papuri sa Ating Lumikha. “Ang mga bulaklak ay lumitaw sa lupa, ang oras ng pag-awit ay dumating, at ang tinig ng kalapati ay narinig sa ating lupain.” Kanta ni Solomon 2:12.
'Bilang isang May-akda, Kwentista at Pambansang Tagapagsalita ay hinahangad niyang maging maningning ang ilaw ni Kristo sa buong mundo. Kilalanin si Graziano Marcheschi ang Senior Programming Consultant ng Shalom World habang maganda niyang inilalarawan ang kakanyahan ng ministeryo ng Shalom.
Paunang salita
Hindi sila madalas mangyari. Mga araw ng pagkakaisa na ang sentro ay kung saan gumagana ang lahat, at ang lahat ay magkakasama; mga araw na walang nagdudulot ng pag-aalala sa sarili kapag sumuko tayo sa daloy at paglalahad ng mga kaganapan … at sa biyaya ng Diyos.
Ganito ang araw ng kasal ng aking anak na babae.
Nagising ako ng masaya, inaabangan ang araw na walang anumang kaba o alalahanin bilang ama-ng-ikakasal sa araw ng kasal. Lahat ay ayon sa inaasahan . Sa buong araw, nakaranas ako ng kapayapaan sa bawat sandali. Ang Misa, na pinamumunuan ng aming lokal na arsobispo, ay perpekto – ang kanyang homiliya ay isang napakatalinong pagbubukas ng salita ng Diyos. Ang handaan, ang aking pag- anyaya ng tagayan ng inumin bilang ama ng ikinasal, ang banner na may 20 talampakang inilatag sa pahiwatig ng aking mga pamangkin na nagpapahayag ng pagmamahal ng isang ama para sa kanyang maliit na batang babae – lahat banal, lahat ay bahagi ng isang maayos na daloy. Walang makagagambala sa perpektong balanse. Kahit na ang galit na galit kong anak na babae na nagbulong sa aking tainga na ang mga nagsisilbi ay naghahain ng “maling” menu ay hindi nagdala ng alarma. “Ano ang ibig mong sabihin, ‘ang maling menu?'” Tanong ko, “Hindi ito ang inorder namin!” diin niya. Ngunit ang pagkain ay maayos. Napakaayos na lalong pinataas ang balanse ng espesyal na araw na iyon. Bumisita ako kasama ang mga kaibigan at miyembro ng pamilya. “Maraming salamat sa pagsama sa amin,” ang sabi ng isa. “Oo naman, syempre!” Ang lahat ng ito ay dumaan nang napakabilis, napakaayos, na para bang may gumagabay mula sa isang lugar at sa dako pa roon.
Ngunit ang tunay na biyaya ng araw na iyon, kung bakit ito naging pambihira at natatangi, ay ang aking kawalan ng pag-iisip sa sarili at pag-aalala. Syempre, nandoon ako. Hindi ako nahiya o natulala. Alam ko ang mga nagaganap, at hindi ako makapaniwala sa aking sarili, ngunit lahat ng ito ay maganda, at kaaya-ayang inilalahad sa amin. Ito ay isang pambihirang mahika na naranasan ko ngunit ilang beses lang sa aking buhay.
Ang palaisipan
Noong una kong nakasalubong ang mga ministro ng Shalom World, nagtaka ako kung bakit ang isang samahang Katoliko ay gagamitin ang pangalang Judio. Ang mga kaibigan ko na nakakaalam ng aking trabaho sa Shalom ay madalas na nagtatanong ng parehong katanungan. Kaya, napagpasyahan kong alamin nang mas malalim upang mas maunawaan ang isang salita na naipinta sa aking bokabularyo hangga’t naaalala ko.
Tulad ng Italyano na “Ciao” o Hawaii na “Aloha,” ang Shalom ay isang salitang pangkaraniwan na ginamit upang bumati at magpaalam: “Shalom!” kapag may nakasalubong ka. “Shalom!” pag alis nila. Bagaman pinaka-karaniwang isinalin bilang “kapayapaan,” ang shalom ay nagtataglay ng mas malalim na kahulugan para sa mga Hudyo na pinaghiraman natin ng salita. Higit pa sa kawalan ng hidwaan, ang shalom ay nagpapahiwatig ng isang pakiramdam ng pagkakumpleto at pagiging buo. Ang salitang nagmula sa pandiwa na “shalem” na nagmumungkahi ng isang kaganapan at pagiging isa sa katawan, isip, at estado ng buhay. Ipinagdiriwang nito ang isang panloob na katahimikan o pagkakaisa na nagpapakita ng sarili na nagnanasang makapagbigay pabalik, manumbalik at gawing buo ang isang bagay.
Kapag ang isang taong Hudyo ay bumabati sa isa pa ng shalom, hinahangad nila ang kalusugan, kagalingan, at kaunlaran. Ganun din ang totoo kapag pinagpala ng mga Hudyo o Kristiyano ang sinuman sa bantog na panawagan mula sa Aklat ng Mga Bilang: “Pagpalain ka ng PANGINOON at ingatan ka! Ipinakita ng PANGINOON ang kanyang mukha sa iyo at naging mabait sa iyo! Ang Panginoon ay tumingin sa iyo ng may kabaitan at bibigyan ka ng kapayapaan! ” (Bilang 6: 24-26). Hindi ito ang “kapayapaan at tahimik” na minsan ay isinisigaw natin sa mga oras ng kaguluhan. Ito ay isang katahimikan at pagkakasundo na hindi natin magagawa at tanging Diyos lamang ang maaaring magbigay nito sa atin. Tanging mula sa Diyos mismo, mula sa “kanyang mukha” na nagniningning sa atin, mula sa kanyang proteksyon na nakapaligid sa atin, saka natin maaaring matanggap ang panloob na kapayapaan at pagkakumpleto na totoong kahulugan ng Shalom.
Kinikilala ng banal na kasulatan ang Diyos na may kapayapaan hanggang sa ang Shalom ay naging isang pangalan ng Diyos. Sa Aklat ng Mga Hukom (6:24) Nagtayo si Gideon ng isang dambana para sa Panginoon at tinawag itong “Yahweh-Shalom” (“Ang Diyos ay kapayapaan”). Kung nais nating batiin ng shalom ang isang tao, hinahangad nating ang Diyos ay mapasa kanila.
Isang Patikim
Sa pananaw ng isang Kristiyano, ang shalom ay naging isa pang salita para sa kaharian ng Diyos. Sa pinakamalalim na kahulugan nito, ang kaharian ay si Hesucristo mismo. Sa kanyang katauhan, sinasalamin ni Jesus ang kaharian ng Diyos. Nang sabihin niya, “Ang oras ay natupad na at ang kaharian ng Diyos ay malapit na” Inihayag ni Jesus na sa kanyang katauhan, tulad ng kapwa Diyos at tao, langit at lupa ay nagkasanib na at ang kaharian ng Diyos, ang pagkakaroon mismo ng Diyos, ay nasa atin na. At ano ang naiintindihan natin tungkol sa kahihinatnan ng kaharian ngunit ang pamamahala ng Diyos sa atin, ang kanyang paghahari ay pinalawak sa buong mundo, isang pagpapakita ng mga katangian ng shalom – pagiging kumpleto, kaligtasan, katahimikan, pagkakasundo, at kapayapaan.
Sa isang aklat na pinamagatang Hindi Ito ang Dapat na Paraan Ipinapalagay na Maging: Isang Breviary of Sin, ipinakita ng may-akda na si Cornelius Plantinga ang pag-unawa ng Hebrew bibliya ng shalom sa ganitong paraan:
“Ang sama- samang binigkis ng Diyos, mga tao, at lahat ng nilikha sa hustisya, katuparan, at kagalakan ay tinatawag ng mga Hebreong propeta na shalom. … Sa Bibliya, ang shalom ay nangangahulugang pangkalahatan na yumayabong, kabuuan at kasiyahan – isang matagumpay na kalagayan ng mga gawain kung saan ang mga likas na pangangailangan ay natugunan at ang likas na mga regalong nabubuhay na ginagamit, ay isang estado ng mga gawain na nagbibigay inspirasyon na may kagalakan at paghanga habang binubuksan ng Tagalikha at Tagapagligtas ang mga pintuan at tinatanggap ang mga nilalang na kanyang kinagigiliwan. Ang Shalom, sa madaling salita, ay ang paraan ng mga bagay na dapat maging. “Ang napaka perpektong paglalarawan ng tungkol sa kaharian ng Diyos.
Bilang mga Kristiyano, kapag sinabi nating shalom, hinahangad natin ang kaganapan ng Kaharian. Ipinagdarasal natin ang pamamahala ng Diyos sa atin bilang mga indibidwal at bilang mga bansa. Inaasam natin ang kaganapan ng paninirahan sa atin ng Banal na Espiritu. Ang Shalom sa mga labi ni Jesus ay isang paalala sa mga alagad na ang dinala niya ay isang pauna lamang sa darating na kaganapan ng kaharian ng Diyos.
Ang pag-unawa sa shalom na ito ay naranasan ko sa araw ng kasal ng aking anak na babae-isang pakiramdam ng pagkakaisa, kawalan ng pakikibaka at tiwala sa sarili, ang pag-aalis ng takot at walang hirap na pagtitiwala sa ipagkakaloob ng Diyos.
Iyon ang dahilan kung bakit sinaway ni Hesus ang higit pa sa hangin nang ang mga alagad ay sumigaw, “Panginoon, iligtas mo kami! Mamamatay kami! ” bilang tugon sa biglaang bagyo na pumuno sa kanila ng takot habang nakahiga si Hesus sa likuran ng bangka. Kinuha niya ang mga ito sa kanilang gawain dahil nabigo siya dahil isinuko nila ang shalom. Hindi sila simpleng nabalisa; takot sila sa kanilang kaibuturan. Nakalimutan nila na wala sila sa tunay na panganib dahil ang panginoon ng langit at lupa ay nasa bangka kasama nila. Nangangamba sila na pababayaan Niya silang, matulog sa panganib at hayaang malunod sila. Ngunit ang tunay na shalom ay nangangahulugang pag-alam na hindi tayo kailanman mamamatay sa panganib; na naaalala Niya tayong palagi at nasa kamay ng panginoon ang langit at lupa. Nangangahulugan ito ng pagtitiwala, sa kaibuturan ng ating pagkatao, at sa mga kamay ng Diyos natin matatagpuan ang kaligtasan, ginhawa, pagkakasundo, at kapayapaan.
Kung nais mong lumikha ng isang ministeryo upang maihatid ang mabuting balita ng ebanghelyo sa milyun-milyon sa buong mundo, kung pinangarap mo ang isang limbag na magazine, programa sa telebisyon, at oras – oras na hinihikayat ang mga mambabasa at manonood na may mensahe ni Jesus— sinabi ko sa iyo ang mga bagay na ito upang ikaw ay magkaroon ng kapayapaan sa akin. Sa mundong ito magkakaroon ka ng problema. Ngunit lakasan mo ang iyong loob! Sapagkat Nasakop Ko na ang mundo ”(Juan 16:33) —ano ang itatawag mo sa ministeryo na iyon?
Paano kaya kung Shalom World?
'Tinanong ko ang Panginoon, “Bakit, bakit ang Krus na ito sa ating buhay?” At binigyan Niya ako ng isang hindi kapani-paniwalang sagot!
Tulad ni Simon ng Cyrene, ang bokasyon ng bawat Kristiyano ay ang magdala ng Krus ni Kristo. Ito ang dahilan kung bakit Sinabi ni Saint John Marie Vianney, “Ang lahat ay isang paalala ng Krus. Tayo mismo ay ginawa sa hugis ng Krus. ” Mayroong mahalagang kaugnayan na masisiwalat sa tila simple ngunit malalim na pagtuturo.
Ang mga pagdurusa na ating nararanasan ay nagbibigay daan sa atin na makibahagi sa pagdurusa ni Cristo. Di man natin gustuhin kailangan yakapin natin ang pagdurusa alang-alang kay Cristo, dahil hindi natin matutupad ang ating Kristiyanong Misyon sa mundo. Ang Kristiyanismo ay ang tanging relihiyon na kinikilala ang kaligtasan sa mga aspeto ng pagdurusa at itinuturo nito na ang pagdurusa ay maaaring makatulong sa atin na makamit ang walang hanggang kaligtasan – kung isasama natin ito sa sariling pagdurusa ni Cristo.
Sinabi ni kagalang galang na Fulton Sheen na hanggat walang krus sa ating buhay, hindi magkakaroon ng muling pagkabuhay. Si Hesus mismo ang nagsabi sa atin kung ano ang hinihiling niya upang maging alagad Niya, “Ang sinumang tao ang gustong sumunod sa akin, ay kailangang ikaila ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa Akin ”(Mateo 16:24). Muli, sabi ni Jesus sa Mateo 10:38, “Ang hindi pinapasan ang kanyang krus at sumusunod sa Akin, ay hindi karapat-dapat sa Akin.”
Sa Kaibuturan ng Aking Puso
Noong 2016, habang nag-aaral ako para sa aking Masters, nagsimulang magpakita ang aking ina ng mga palatandaan ng kahinaan. Ang iminungkahi ng mga doktor ay ang isang biopsy. Noong Semana Santa, natanggap namin ang balita na ang aking ina ay may cancer. Nawasak ang aking pamilya sa balita. Nang gabing iyon, umupo ako sa aking silid at tinitigan ang isang estatwa na Dala-dala ni Hesus ang Kanyang Krus. Dahan-dahan, tumulo ang luha sa aking mga mata habang nagrereklamo ako kay Jesus: sa loob ng huling dalawang taon hindi ko napalampas ang Banal na Misa, nagrorosaryo ako araw-araw at nagbigay ako ng maraming oras sa pagtatrabaho para sa kaharian ng Diyos (Ako ay medyo aktibo sa Jesus Youth noong panahong iyon). Ang aking maka-Diyos na ina ay napaka deboto kay Inang Maria. Kaya tinanong ko si Jesus mula sa kaibuturan ng aking puso, “Bakit, bakit ang krus na ito sa aming buhay? ”
Ngayong Semana Santa, dumaan ako sa matinding paghihirap. Habang nakaupo ako sa aking silid na nakatingin sa estatwa, may naisip ako at pumasok sa isip ko. Si Hesus ay nag-iisa na nagbubuhat ng Kanyang krus. Maya-maya, may narinig akong boses sa aking puso na nagsasabing, “Josin maaari mo ba akong tulungan sa pagbubuhat ng Aking Krus?” Napagtanto ko kung ano ang itinatawag sa akin ni Jesus na gawin at ang aking bokasyon ay naging malinaw. Tumulong ako sa pagbuhat ng Krus ni Jesus, tulad ni Simon ng Cyrene.
Sa oras na iyon, bumisita ako sa isa sa aking mga tagapagturo sa Jesus Youth at ibinahagi sa kanya ang sakit na aking pinagdadaanan mula nang masuri ang cancer ng aking ina. Matapos marinig ang aking mga alalahanin, binigyan niya ako ng isang
payo: “Josin, sa pagdarasal para sa iyong kasalukuyang sitwasyon, mahahanap mo ang isa sa dalawang mga sagot: alinman sa Pagagalingin ng Diyos ng buong buo ang iyong ina, o kung wala Siyang plano na pagalingin ang karamdaman na ito ngunit ibinibigay niya itong sakit bilang isang krus na pasanin. Ngunit kung ito ang kaso, bibigyan ka din Niya at ang iyong pamilya ng biyaya at lakas upang makayanan ito.
Di-nagtagal ay naintindihan ko na sinasagot ng Diyos ang aking mga panalangin sa pangalawang paraan. Pero ibinigay niya sa akin ang biyaya at lakas na dalhin ang Kanyang krus; at hindi lamang para sa akin, ngunit para sa aking buong pamilya. Sa paglipas ng panahon, nagsimula kong mapagtanto na ang krus na ito ng cancer ay paglilinis ng aming pamilya. Nadagdagan ang aming pananampalataya. Binago nito ang aking ama at naging isang taong madasalin. Ito ang tumulong at gumabay sa akin upang piliin ang buhay relihiyoso. Tinulungan nito ang aking kapatid na lumapit kay Jesus. Ang krus na ito sa kalaunan ay nakatulong sa aking ina upang makapunta siya nang payapa
sa makalangit na Jerusalem.
Ang Liham ni Santiago (1:12) ay nagsasabing “Mapalad ang taong nagtitiis sa pagsubok, sapagkat kapag siya ay nanindigan sa pagsubok, tatanggapin niya ang korona ng buhay na ipinangako ng Diyos sa mga nagmamahal sa Kanya. ” Pagsapit ng Hunyo ng 2018, lumala ang sakit ng aking ina. Dumaranas siya ng napakatinding sakit, ngunit nakakagulat, nanatili siyang masaya. Sinabi niya sa aking ama isang araw, “Tama na ang lahat ng panggagamot na ito. Pagkatapos ng lahat, pupunta ako sa langit. ” Makalipas ang ilang araw, nagising siya mula sa isang panaginip at sinabi sa aking
ama “nakakita ako ng panaginip”. Ngunit bago pa siya makapaglarawan, si Celine Thomas ay umalis na sa mundo, kinumpleto ang kanyang paglalakbay sa lupa.
Sa loob ng dalawang taon, sa pamamagitan ng 30 chemotherapies at dalawang pangunahing operasyon, dinala niya ang kanyang krus ng matapat at nang walang kaginhawahan sa kanyang sakit. Sigurado ako na tinitingnan niya ang luwalhati ni
Kristo, nang harapan.
Ang Lihim
Naiisip ba natin na sinasabi sa atin ng ating Panginoon, “Marami akong mga kaibigan sa Aking mesa, ngunit kakaunti sa Aking Krus?” Sa panahon ng pagpapako sa krus ni Jesus si Maria Magdalene ay buong tapang na nakatayo sa harap ng Krus. Minabuti niya na makasama si Kristo sa Kanyang pagdurusa. At dahil dito, makalipas ang tatlong araw, siya ang unang nakakita ng kaluwalhatian ng Muling Nabuhay na Panginoon. Ang engkwentro na ito ay nagpabago ng kanyang kalungkutan sa kagalakan at Siya ay ginawang Apostol ng Mga apostol. Ang dakilang misteryosong Carmelite na si Saint John of the Cross ay nagsabi, “Sinumang hindi humingi ng Krus ni Kristo ay hindi hinahangad ang kaluwalhatian ni Kristo. ” Ang kaluwalhatian ni Kristo ay nakatago sa Kanyang Pasyon. Ito ay ang kahanga-hangang lihim ng Krus! Paalala sa atin ni Saint Peter, “Magalak ka hanggang sa maibahagi mo kay Kristo ang mga pagdurusa, upang kayo ay magalak din at matuwa kapag ang Kanyang kaluwalhatian ay nahayag ”(1 Pedro 4:13).
Tulad ni Saint Mary Magdalene, kung tumayo tayo sa paanan ng Krus na may kagustuhan na makibahagi sa pagdurusa Niya, makakaharap din natin ang nabuhay na Panginoon, at babaguhin Niya ang ating mga kamalian upang maging mga mensahe, at ang ating mga pagsubok ay maging mga testemonia, at ang ating mga paghihirap na nauwi sa tagumpay.
Panginoong Hesus, buong-buo kong ibinibigay sa iyo ang aking sarili sa pamamagitan ng mga kamay ni Inang Maria. Bigyan mo ako ng lakas na dalhin ang aking krus kasunod mo, sa lahat ng mga araw ng aking buhay. Amen.
'Isang pari ang bumisita sa Roma na mayroong tipan upang makipagkita kay Santo Papa Juan Pablo II sa isang sarilinang panayam. Patungo doon, dumaan siya sa isa sa mga magagandang basilika. Gaya ng kinagawian, ang mga hakbang ay pinagkumpulan ng mga pulubi, ngunit isa sa mga ito ang nakakuha ng kanyang interes. “Kilala kita. Hindi ba tayo magkasama sa seminaryo?” Tumango ang pulubi bilang pagsang-ayon. “Kung gayon naging pari ka, di ba?” tanong sa kanya ng pari. “Hindi na ngayon! Mangyaring iwan mo akong mag-isa!” ang pagalit na sagot ng pulubi. Alumana sa tipan niya sa Santo Papa, lumisan ang pari na nangako, “Ipagdarasal kita,” ngunit pakutyang nagsalita ang pulubi, “Madaming buti ang magagawa niyan!”
Kadalasan, ang mga pansariling panayam ng madla upang makasama ang Santo Papa ay maiksi — pagpapalitan ng ilang salita habang ibinibigay niya ang kanyang basbas at isang binasbasan na rosaryo. Nang dumating ang oras ng pari, ang pakikipagtagpo sa paring pulubi ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan, kaya pinakiusapan niya ang Kanyang Kabanalan na ipanalangin ang kanyang kaibigan, pagkatapos ay ibinahagi ang buong kuwento. Ang Santo Papa ay naintriga at nabahala, humingi ng karagdagang detalye at nangako na ipagdarasal siya. Hindi lamang iyon, siya at ang kanyang kaibigan na pulubi ay nakatanggap ng paanyaya na makasalong mag-isa kasama si Santo Papa Juan Pablo II. Matapos ang hapunan, sarilinang kinausap ng Santo Papa ang pulubi.
Luhaang lumabas mula sa silid ang pulubi. “Ano ang nangyari doon?” tanong ng pari. Ang pinaka pambihira at hindi inaasahang tugon, “Pinakiusapan ako ng Santo Papa na pakinggan ang kanyang Kumpisal,” pahikbing tugon ng pulubi. Nang mabalik sa kanyang kahinahunan, nagpatuloy siya, “Sinabi ko sa kanya, ‘Iyong Kabanalan, tingnan mo ako, isang pulubi, hindi pari.”
“Ang Santo Papa ay magiliw na tumingin sa akin at nagwika, ‘Aking anak, ang isang pari ay palaging isang pari, at sino sa atin ang hindi pulubi. Lumalapit din ako sa harapan ng Panginoon bilang isang pulubi na humihingi ng kapatawaran ng aking mga kasalanan.” Matagal na mula nang huli siyang makinig ng Kumpisal kaya’t kinailangang tulungan siya ng Santo Papa sa mga salita ng pagpapatawad. “Ngunit napakatagal mo doon,” puna ng pari. “Tiyak na ang sa Papa ay hindi tumagal nang ganon upang ipagtapat ang kanyang mga kasalanan.”
“Hindi,” sabi ng pulubi. “Ngunit makatapos kong madinig ang kanyang Kumpisal, hiniling ko sa kanya na pakinggan ang sa akin.” Bago sila lumisan, inanyayahan ni Santo Papa Juan Pablo II ang alibughang anak na ito na gumawa ng panibagong misyon – na humayo at maglingkod sa mga walang tirahan at mga pulubi sa mga hakbang ng mismong simbahan kung saan siya nagmamakaawa.
'Tanong: Ako ay nakagayak na ikasal sa loob ng ilang buwan, ngunit ang ideya ng gayong buong buhay na pananagutan ay nagdudulot sa akin ng pagkabalisa. Alam kong napakaraming pag-aasawahan na nagtatapos sa diborsyo o pagdurusa – paano ko masisiguro na ang aking pag-aasawa ay mananatiling matatag at puno ng kaligayahan?
Sagot: Binabati kita sa iyong kasunduang magpakasal! Ito ay isang kapanapanabik na oras sa iyong buhay, ngunit isa ding mahalagang panahon para maggayak – hindi lamang para sa kasal, ngunit para sa maraming mga taon ng pagsasama bilang mag-asawa na ipapagpala sa inyo ng Diyos!
Sa pantaong pananalita, ang pag-aasawa ay isang mabigat na katotohanan, sapagkat pinagbubuklod nito ang dalawang tao na patehong may kapintasan sa isang pamilya… habang sila ay nabubuhay. Ngunit sa kabutihang palad, ang pag-aasawa ay hindi lamang isang pantaong katotohanan: itinatag ito ni Kristo bilang isang Sakramento! Tulad ng naturan, ito ay isang mapagkukunan ng biyaya para sa lahat ng pumapasok dito – mga biyaya na maaari nating unawain sa bawat sandali!
Kaya, ang unang hakbang sa isang maligayang pag-aasawahan ay ang panatilihin ang Diyos sa gitna nito. Sumulat si Venerable Fulton Sheen ng isang aklat na pinamagatang, “Tatlo upang Mag-asawa,” sapagkat ang kasal ay hindi lamang sa pagitan ng isang lalaki at isang babae kundi kasama rin dito ang isang pangatlong persona – Ang Diyos, na dapat manatili sa gitna. Kaya’t manalangin kayo bilang mag-asawa, at ipanalangin ang iyong asawa.
Ang mas maraming oras na iginugol mo sa Diyos, mas magiging katulad ka Niya – na mabuti, sapagkat kakailanganin mong paunlarin ang mga birtud sa pagtahak mo sa buhay may-asawa! Ang pasensya, kabaitan, kapatawaran, katapatan, dangal, at mapagpakasakit na pagmamahal ay mga birtud na mahalaga sa buhay. Kahit bago ka pa mag-asawa, magsumikap kang umunlad sa larangang ito. Gawing palagian ang pagkumpisal samantalang hinahangad mong maging katulad ni Cristo. Manalangin para sa mga birtud na ito; isagawa ang mga ito araw-araw – lalo na ang pagpapatawad.
Ang isang mabuting pag-aasawahan ay hindi kailanman umiiral sa labas ng isang mas malawak na pamayanan, kaya palibutan ang iyong sarili ng mga tagapayo sa iyong kasal – mga mag-asawa subók na ang pagsasama at nakaranas ng ilang bagyo ngunit lumalabas na mas malakas. Maaari kang humingi sa kanila ng payo at inspirasyon pagdumating ang mabuway na araw. Hindi kailangang lahat sila ay buhay: ang ilang dakilang santo ay nanirahan sa buhay-may-asawa, tulad nina San Louis at Zelie Martin, o Sta.Monica na naging isang dakilang santo dahil sa pinagdaanang mahirap na pag-aasawahan.
Ang inyong pagsasama ay sasalakayin – kinamumuhian ng Masama ang mabuting pag-aasawahan, sapagkat ang pag-aasawa ang pinakamalinaw na tanda ng Trinity dito sa lupa. Gaya nang ang Trinity ay isang nagbibigay-buhay na pamayanan ng pagmamahal, tulad ng tatlong Banal na Persona na nagbibigay ng kanilang sarili sa bawat isa para sa kawalang-hanggan, kaya ang mabuting pag-aasawahan ay dapat na nakikitang halimbawa dito sa lupa – dalawang taong ganap na ibinibigay ang kanilang sarili sa isa’t isa na nagbubunga ng bagong nilikha (mga anak). Kaya’t lubhang napupuot ang Diyablo sa pag-aasawahan. Ihanda ang iyong sarili sa espirituwal na pakikidigma, kung gayon. Kadalasan, ito ay isang natural na di-pagkakaintindihan lamang, na lumalala. Marahil, may isang maliit na di-pagkakasundo at sa isang iglap, ang pag-iisip ng diborsyo ay nagsisimulang mangulit ng iyong kaisipan; marahil ay agad kang matuksong mangarap ng iba matapos kayong ikasal; baka naman lubha kang abala sa ibang bagay para makipag-ugnayan sa iyong asawa.
Labanan ang mga pagsalakay na ito! Tulad ng nais sabihin ng Protestanteng manunulat na si John Eldredge, ang pag-aasawa ay napapasalooban ng dalawang tao na “magkatalikurang nakabunot ang espada.” Ang kaaway ay HINDI kailanman ang habangsamantalang ayo ay isang koponan, pinagbuklod ng mga panata at biyaya, ipinaglalaban ang inyong pagsasamang mag-asawa sa pakikibaka sa totoong kaaway, ang diyablo.
At madami tayong sandata! Ang mga Sakramento, ang Salita ng Diyos, panalangin, pag-aayuno… lahat ng ito ay dapat na maging regular na bahagi ng inyong pagsasama. Manatiling matiwasay na bibigyan ka ng Diyos ng biyaya upang maisabuhay ang iyong mga panata, ano man ang mangyari. Mapagbigay Siya sa mga taong mapagbigay sa Kanya; Tapat Siya sa mga taong tapat sa Kanya. Pag-aralan ang turo ng Simbahan tungkol sa kasal at pamilya, tulad ng encyclicals na Humanae Vitae at Familiaris Consortio, o ang “Theology of the Body” o “Pagmamahal at Pananagutan,” at ialinsunod ang iyong pagsasama dito sa magandang paningin sa kasal na pag-ibigan na iminumungkahi ng Simbahan.
Higit sa lahat, huwag sumuko! Minsan, nang ako ay nagtuturo ng isang klase sa relihiyon, isinama ko ang isang mag-asawa na higit na 50 taon nang kasal. Matapos silang magbigay ng isang mahusay na pagtatanghal tungkol sa kanilang pagsasamang mag-asawa, tinanong nila ang mga bata kung mayroon silang anumang nais itanong. Isang masulong sa pag-iisip na 12-taong-gulang na batang lalaki ang nagtanong, “Naisip nyo ba ang tungkol sa paghihiwalay?”
Madaming kaasiwaan sa loob ng silid. Nag-aatubili, nagwika ang maybahay, “Buweno, oo, may mga araw …” Ang asawa niya ay tumingin sa kanya ng may pagtataka at sumagot, “Talaga? Ikaw rin?”
Sila ay nagtiyaga – at umabot sila nang 50 taon. Ipinagdarasal ko na mangyari din ito sa iyong pagsasama!
'Ipinagdarasal mo ba ang iyong mga mahal sa buhay? Narito ang isang kwento upang mapanatili kang may pag-asa
Kahapon lamang
Naaalala ko na parang ito ay kahapon lamang-nakaupo sa sala na may isang malabong ilaw kasama ang aking magiging biyenan pagkatapos kumain ng hapunan. Ito ang unang pagkakataong nakilala ko ang mga magulang ng aking kasintahan, at kapansin-pansin akong kinakabahan. Ang pamilya ay naghiwa-hiwalay na pagkatapos ng hapunan, iniwan kami ni Harry upang makipag kuwentahan sa harap ng maliit na apoy. Marami akong narinig tungkol sa kanya kaya nasasabik ako na magkaroon ng pagkakataong tulad nito na makipag-usap sa kanya. Tunay na makatawag pansin si Harry dahil sa kanyang katangiang hindi kapani-paniwalang pagkamapagpatawa. Siya ay ama ng anim na anak — masipag, isang kampeon ng equestrian may-ari, at isang beterano ng isang piling organisasyon ng militar. Nililigawan ako ng kanyang panganay na anak.
Hinahangaan ko na siyang matagal bago ko pa siya nakilala at inaasahan ko na makagawa ako ng magandang impression. Ako rin, ay nagmula sa isang malaking pamilya, at isang debotong Katoliko — isang bagay na inaasahan kong makikita niyang kanais-nais. Alam ko si Harry ay lumaki sa Simbahang Katoliko, ngunit umalis sa pagka katoliko matagal na bago siya nagpakasal at nagsimula ng isang pamilya. Ito ay isang bagay na pumukaw sa aking pag-usisa at nais kong may malaman pa — upang maunawaan ko kung bakit. Ano ang maaaring dahilan at tinalikuran niya ang pananampalatayang ito na ako, kahit na isang kabataan, ay mahal na mahal? Kalaunan ang pag-uusap ay napunta sa paksa ng relihiyon, nasasabik akong ibahagi sa kanya ang aking debosyon sa pananampalataya. Ang sagot niya ay hindi ko inaasahan at nakasasakit ng puso. Siya ay walang pag-aalinlangan, at malamig, na sinabing siya ay dating Katoliko—at naging sakristan nuong siya ay bata pa, ngunit ngayon ay hindi na siya sigurado kung maaalala pa niya ang Panalangin na Ama Namin. Gustong kong sumagot nang may kasamang paggalang, kaya malumanay kong sinabi kung gaano kalungkot iyon — at labis kong naramdaman ito. Ang pag-uusap na ito ay nag-iwan ng isang impression sa akin at isina-isang tabi upang isara at alisin sa aking memorya ito.
Kumikislap na mga Ilaw
Dumating at lumipas ang mga taon, isinama naming mag-asawa si Harry sa aming mga dasal — umaasa na balang araw siya ay babalik sa pananampalataya. Naroroon si Harry ng ikasal kami ng kanyang anak sa Simbahang Katoliko. Siya ay nandoon para sa mga pagdiriwang ng sakramento para sa aming mga anak, at nandoon din siya noong araw na ang kanyang sariling anak ay naging isang Katoliko.
Hindi ko mapigilan ang aking luha dahil sa kagalakan habang pinapanood ko ang bautismo ng aking asawa, ang alaala ng aking pakikipag-uusap sa kanyang ama, sampung taon na ang nakalilipas, bumalik na nag-uumapaw at nakaramdam ako ng konting pag–iinit dahil sa galit – galit na ang ama ng aking asawa ay niloko siya at pinalaki sa labas ng pananampalataya. Mas higit pa ang gusto ng asawa ko para sa kanyang sariling mga anak. Hindi lamang niya sinuportahan ang pagpapalaki ng aming pamilya sa pananampalatayang Katoliko, kungdi siya mismo ay nakadama ng pag-asam at higit pang pananabik. Ang kanyang pagpasok sa Simbahang Katoliko ay isang napakagandang halimbawa niya sa pagmamay-ari ng malalim na pananampalataya at tiwala.
Nakita ko ang maliliit na kutitap ng pananampalataya kay Harry sa paglipas ng mga taon, at palagi akong umaasa na mayroon pa ring paniniwala na nakabaon sa kanyang puso. Nang masuri ang aking asawa na may cancer, sinabi ng aking biyenan ng buong tiwala na siya ay nagdarasal sa Ating Ina para sa kanya, dahil siya ay may isang malalim na debosyon sa kanya.
Ito ay isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa kanino man, at ipinagtapat niya ito sa akin. Naramdaman ko ang isang tunay na kaligayahan sa pagkaka-alam nito, kahit na hindi nakikita, ay naroon pa rin. Optimistiko, kami ng aking asawa at nagpatuloy na manalangin para sa tuluyang pagbabalik ni Harry sa pananampalataya.
Isang Regalong Walang Katumbas
Ang taong 2020 ay naging malupit sa marami, at ang aking mahal na biyenan ay isa sa mga biktima nito. Naging masama ang kanyang pagkatumba, kaya inilagay siya sa isang rehabilitasyong pasilidad na walang personal na pakikipag-ugnay sa loob ng maraming linggo. Ang kanyang kalusugan ay nagsisimulang manghina, at ang malakas, at puno ng buhay na taong ito ay nagsisimulang lumiliit — sa tangkad pati na rin sa pag- iisip at ang sintomas ng demensya ay naging malinaw na din. Nagpasya ang aking asawa na subukan at gamitin ang pagkakataon na ito para tanungin ang kanyang ama kung nais niyang mabisita ng isang paring Katoliko. Sa aming labis na pagkagulat, sabik siyang sumang-ayon — at hiniling sa akin na magbigay ng isang kopya ng Ama Namin upang masariwa niya sa kanyang memorya. Muli, ang pag-uusap namin nuong aking kabataan ay agad na sumagi sa aking isipan, ngunit sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng pagkasabik at pag-asa.
Sa sumunod na mga araw, sinamahan ng aking asawa ang isang pari sa tahanan ng kanyang ama dahil limitado na ang madaliang pagkilos ngayon. Tiwala si Harry na sumali sa Sakramento ng Kumpisal at tinanggap ang pag-aalay ng Banal na Komunyon mula sa kanyang sariling anak na lalaki. Ang pagtanggap ng sabay sa mga sakramentong ito sa kauna-unahang pagkakataon sa halos animnapung taon ay isang napakahalagang regalo. Natanggap din ni Harry ang Pagpapahid ng Banal na langis sa maysakit, at ang mga mahahalagang sakramento ng walang pag-aalinlanganan at binigyan siya ng mga biyaya upang mabuhay ng payapa sa kanyang huling linggo.
Sa kanyang huling araw, ang kanyang anak ay dinalhan siya ng isang rosaryo, at pinagdasalan ito sa tabi ng kanyang kama kasama ang aming mga anak—alam namin na si Harry ay naglalakad ngayon sa mabuting daan sa pagitan ng buhay na ito at sa susunod. Bilang isang tapat na anak ng Ating Ina, tila isang angkop na pamamaalam. Si Harry ay pumanaw ng mabilis at mapayapa pagkatapos ng dasal, at ang aming mga puso magpakailanman ay punong-puno ng pasasalamat sa ating maawain na Diyos at sa Ating Ina sa pagbabalik kay Harry sa pananampalataya bago siya pumanaw. Ang pagkaalam na si Harry ay nakikipagpayapaan sa mga makalangit na anghel ay labis na nakagiginhawa sa amin. Maaaring inabot siya ng mga dekada upang kilalanin ito, ngunit pagkatapos ng maraming mga taon ng walang tigil na mga panalangin, at isang pangwakas na pagkakataong alok mula sa kanyang mapagmahal na anak, ay nariyan pa rin ang kanyang pananampalataya. Palagi itong nandiyan.
'Isang gabi, sinabi ng aking maybahay na inimbitahan niya ang isang ‘Rosary group’ sa aming tahanan. Sila ay magdadala ng estatwa ng Ating Ina at magdadasal ng Rosaryo. Ipinagkibit- balikat ko ito dahil wala akong paniwala sa lakas ng dasal. Hindi ko mabigyan ng katwiran kung paanong ang pagbigkas ng mga salita ay makakapagdulot ng makabuluhang kaugnayan sa Diyos.
Upang maihanda ang angkop na ayos para sa estatwa ng Ating Ina, bumili sya ng dalawang plorera ng matingkad na pulang rosas. Nang dumating ang grupo ng padasal dala ang magandang estatwa ng Ating Ina, lumayo ako patungong likuran. Ngunit habang binibigkas ang Rosaryo, tumayo ako sa bandang likod ng silid nakatingin sa estatwa at namamangha tungkol sa Rosaryo. Mga katanungang tulad ng: “Talaga bang pinagdadasalan namin ang isang estatwa?” ang pumasok sa isip ko. Gayundin, natagpuan ko ang sarili na nagtatanong, “Nandito ka ba talaga? Talagang kailangan kong malaman!” Damdam kong sabihin, “Kailangan ko ng palatandaan na ipakita sa aking nandito ka”.
Ang mga mata ko ay napunta sa matingkad na pulang mga rosas at nanalangin ako, “Kung mababago mo lamang ang kulay ng isa o dalawa sa mga rosas na iyon …” Kinaumagahan, nagmamadali akong nagpunta sa aking pinapasukan. Pag-uwi ko kinagabihan, sinalubong ako ng aking asawa sa pintuan na tuwang-tuwang nagsabing, “Tingnan mo ang mga rosas … May isang tao marahil na humiling ng isang patunay.” Nang sumulyap ako para suriin ang mga ito, namangha akong makita ang kulay-rosas na mga bulaklak sa halip na matingkad na pulang mga rosas. Naiwan akong kapos ang paghinga. Nang mabalik ang aking kahinahunan, sinabi ko, “Mahal, sa palagay ko may isang taong humiling ng patunay … at ang taong iyon ay ako.” Ang aking asawa ay napahiyaw sa tuwa, “Ito ay isang himala!”
Maingat kong sinuri ang mga ito upang makita kung ang mga kulay-rosas ay kakaibang uri sa mga pulang rosas, ngunit malinaw na magkatulad na magkatulad ang mga ito maliban sa kulay. Tunay na ito ay patunay mula sa Ating Ina na nagsasabi sa akin, “Nandito ako. Nandito ako pata tumulong sa iyo. Tumawag ka sa akin.”
Magmula noon, sinimulan kong “dasalin” ang rosaryo sa halip na “sabihin” ang Rosaryo. Sa tuwing dinadasal ko nang taos-puso ang Rosaryo, ito ang napakalakas na pakikipag-ugnayan sa ating Inang makaLangit. Lagi syang nasa aking tabi, hawak ang kamay ko, at kasama ko sa paglalakbay sa buhay. ✔
'Ang buhay sa aking pamilya ay naging isang paglalakbay ng parehong kagalakan at kalungkutan. Ang pagmamahal at kagalakan ay madalas na natabunan ng pagkawala ng mga kaibigan, pagkabigo sa mga pagsusulit, pagbabago ng mga paaralan at mga problema sa pabahay. Naranasan ko ang matinding pagdurusa at kalungkutan sa buong pagsubok na ito, ngunit sa kabila nito, mananatili ako sa tulong ng Mahal na Ina na susuporta at aaliwin ako.
Ang pagsisimula ng mataas na paaralan ay isang malaking pagbabago sa aking buhay. Marami sa aking mga kaibigan at kasamahan sa paaralan mula sa pangunahing paaralan ay lumipat sa iba pang mga mataas na paaralan kaya’t kailangan kong subukang umangkop sa mga bagong tao at hanapin ang mga magiging kaibigan ko. Mayroong mas maraming trabaho at pagtatasa sa aking bagong paaralan, at ito ay mahirap nang walang malapit na kaibigan sa tabi ko.
Sa paglipas ng mga buwan, naisip ko kung ang mga paghihirap at pagsubok na ito ay magtatapos na. Nanalangin ako sa Inang Maria para sa ginhawa sa mga panahong mahirap na ito at nagsimula sa isang pamamahinga na ‘Do-It-Yourself’ ni Fr Michael E. Gaitley na tinawag na “33 Days to Morning Glory” upang maghanda para sa pagtatalaga kay Maria. Ang bawat araw ng pamamahinga ay may kasamang araw-araw na pagbabasa mula sa mga santo. Naging inspirasyon ako ng mga pangunahing sipi mula sa mga katuruang Saint Louis De Montfort, Saint Maximilian Kolbe, Saint Teresa ng Calcutta at Pope Saint John Paul II. Ang librong ito ay nagpalalim ng aking relasyon kay Maria at nagtitiwala sa kanyang ina pag-aalaga habang ako ay sumasalamin sa aking binasa habang nagdarasal ako ng Rosaryo araw-araw.
Ngayon, kapag natupok ako ng pagkabahala o pag-aalala, simpleng ipinagdarasal ko ang Rosaryo at ramdam ko ang nakakaaliw na kamay ng Inang Maria sa aking balikat. “Habang binibigkas ko ang Rosaryo, hawak ko ang kamay ng Banal na Ina. Matapos ang pagdarasal ng Rosaryo ay hinawakan ng Banal na Ina ang aking kamay ”(Pope John Paul II). Habang lumalalim ang aking pagmamahal at pagtitiwala kay Maria sa bawat araw ng pag-urong, hindi na ako nakaramdam ng lungkot at pag-iisa sa paaralan. Ang pagdarasal ng Rosaryo at iba pang mga panalangin kay Maria ay nagdala ng isang malaking pagbabago sa aking buhay espirituwal. Sa araw ng pagtatalaga, nagising ako ng maaga sa umaga upang ipanalangin ang pagdarasal ng pagtatalaga. Nang dumaan ang mga salita sa aking mga labi, bumubulusok ang aking puso ng labis na kagalakan at kaligayahan habang ako ay nasisiyahan sa kaalamang sa wakas ay nakalaan ako kay Maria.
Marami sa atin, na nahaharap sa mga katulad na paghihirap sa ating buhay ay madalas na hindi sigurado tungkol sa kung ano ang gagawin o kung saan pupunta. Gawin natin ang opurtunidad na ito upang magtiwala sa pamamagitan nng Mahal na Ina . Kailangan nating tandaan na nakaranas si Maria ng maraming kalungkutan at paghihirap noong siya ay nasa lupa at maaaring maunawaan nang eksakto kung ano ang nararamdaman natin. Ang paghawak sa kanyang kamay at paghingi sa kanya na samahan kami sa aming mga pagdurusa ay maaaring humantong sa amin sa ‘isang landas ng mga rosas at pulot.’
Ipagdasal natin ang malakas na dasal na ito na humihingi ng tulong kay Maria sa mga paghihirap sa buhay:
Ina ng Diyos at ating Ina,
Ipagdasal mo kami sa Diyos, aming maawain na Ama,
Upang ang matinding paghihirap na ito ay magtapos at ang pag-asa at kapayapaan ay maaaring muling magsimula.
Amen.
'