- Latest articles
Kung minsan, ang mga maliliit na himala ang syang nakakapagpalakas ng ating pananampalataya at naghahanda sa atin sa mga gipit na sandali sa ating buhay.
Sa kalagitnaan ng edad 20 at 30 taon, nang kami ng aking maybahay ay kasalukuyang nagninilay sa tawag na lumipat sa Eureka Springs, Arkansas mula Chicago kasama ng mga kasapi ng Katolikong Charismatic na pamayanan, nagpasya kaming suriin ang Eureka upang makita kung anong uri ng tirahan ang meron doon. Dalawa sa mga kasapi ng aming pamayanan ang nag-saayos na makita namin ang lugar. Makaraan ang isang linggo, nasasabik tungkol sa kinabukasan namin sa kaakit-akit na bayan, sinimulan namin ang aming pagbalik sa Chicago upang gawin ang mga nalalabing paghahanda para sa paglipat sa mga bundok ng Ozark.
Mga Pag-ikot at Pag-liko
Mga ilang oras sa aming paglalakbay, napilitan kaming tumakbo o tumigil sa daan dahil sa problema sa makina. Ang talyer ay may magandang balita -hindi ito malaking problema, at masamang balita -hindi nila makuha ang bahaging ipapalit hanggang sa susunod na araw.
Kinailangan naming kumuha ng isang silid sa isang malapit na motel. Kinabukasan, nang maayos na ang sasakyan, humayo kami na medyo magaan ang bulsa, kung pera ang pag-uusapan. Napunta halos sa silid ng motel at sa pagpapaayos ng sasakyan ang lahat halos ng aming pera. Ni halos hindi sapat para sa pagkain, at dahil nagdadalantao si Nancy, ang paglaktaw sa pagkain ay hindi maaari. Wala akong mga kredit kard nang panahong iyon.
Naglalayag kami sa kalsada nang pahintuin kami ng isang pulis ng estado. Pinara niya kami, kasama ang limang iba pang mga sasakyan, dahil sa mabilis na pagmamaneho. Isa-isa, pinatabi kami sa gilid ng kalsada, habang naghihintay sa aming mga tiket. Wala akong alam tungkol sa pagbabayad sa singil ng tiket sa labas ng sarili kong probinsya, o lalo pa, kung paano makipagtalo sa halaga ng multa. Magalang na sinabi ng opisyal, “Maaari kang pumunta sa korte kung nais mo. Lumabas ka sa susunod na labasan, sundan ang mga palatandaan patungo sa korte, at makikita mo ito.”
Paggunita
Isang taon bago nito, isang naantalang pulot-gata ang nagdala sa amin ni Nancy sa Italianong bayan na sinilangan ko. Papunta doon, tumigil kami sa Assisi upang dalawin ang aming mga itinatanging santo, sina Francis at Clare. Sa basilica ng Santa Chiara (pangalan ni Clare sa Italyano) nakita namin ang kanyang totoong ginintuang dilaw na buhok na napanatili sa isang lalagyan na yari sa salamin. Humarap sa akin si Nancy at sinabing, “Kung magkakaroon tayo ng isang anak na babae, nais kong pangalanan siya ng Chiara.” Taos-puso akong sumang-ayon at inasahan ang araw na magkaroon ng kapangalan si St. Clare sa aming pamilya.
Nang palapit na kami sa labasan, alam na hindi namin mababayadan ang ticket sa trapiko, tumawag kami ni Nancy kay Santa Chiara. “Mahal na St. Clare,” dasal namin, “tulungan mo kaming makaligtas sa pagbabayad ng tiket na ito. Paki tulungan mo po kami.” Pabiro ko pang idinagdag, “St Clare, talagang papangalanan namin ang aming sanggol tulad ng sa iyo … kahit pa lalaki ito!”
Agad-agad, nakita namin ang karatulang nagtuturo patungo sa bayan. Hindi kami makapaniwala sa aming nakita. Hindi nasabi sa amin ng opisyal na pinapapunta niya kami ng St Clair, Missouri! Kamakailan ko lamang natutunan na ito ay pinangalanan para sa isang heneral ng Rebolusyonaryong Digmaan. Ngunit nakita ng aming mga walang muwang na mata ang “St” na sinundan ng “Clair” at napunan ni St. Clare ang aming mga puso. Hindi namin napansin ang pagkakaiba sa pagbaybay ng ipinapalagay namin na pangalan ng aming minamahal na santo. Ang bayang ito na may 4,000 na mamamayan sa American Bible-belt, naisip namin, ay pinangalanan para sa santo ng Assisi! Labis ang kagalakan, naniwala kaming maayos ang pagkapili namin na bumaling sa aming mahal na Chiara.
Pagpapagaan
Nagmamadali akong tumungo sa korte, umaasang maunahan ko ang ibang mga tsuper para mapakiusapan ko ang hukom na bigyan ako ng awa, ngunit kaagad na silang nagparadahan katabi namin. Nang tanungin ng kawani ng korte kung paano ko nais bayadan ang aking multa, sinabi ko na sa palagay ko ay hindi mabilis ang pagmamaneho ko at hiniling kung maari kong makausap ang hukom. Bagaman nagulat, sinabi niya na maari at tumango sa isang lalaking nakaupo sa katapat na mesa. Habang kumukuha siya ng isang mahabang itim na balabal mula sa katabing sabitan ng sombrero, sinenyasan kami ng kawani patungo sa hukuman kung saan nakaupo ang lalaking nakabihis na ng pang-hukom.
Tinawag niya ang unang ‘mabilis magmaneho’. Iginiit niya na hindi siya nagmamadali at sa aking kagalakan, naisip kong ang hukom ay mapag-unawa, sumasang-ayon pa sya na kung minsan ay nagkakamali ang mga opisyal ng pulisya at ang mga inosenteng tagamaneho ay napagkakamaliang mabigyan ng tiket. Lumakas ang loob ko hanggang sa sinabi niya, “ngunit siya ang opisyal ng pulisya at dapat kong tanggapin anuman ang sinabi nya. Ang iyong multa ay pitumpu’t limang dolyares.”
Sinubukan ng pangalawang akusado ang kabaliktaran na pamamaraan; ipinaliwanag niya nang buong katamisan at kabaitan na ang mabuting opisyal ay tiyak na nagkamali. Muli, pinakinggan sya ng hukom, umayon na ang mga opisyal ay hindi perpekto at kung minsan kahit na ang kagamitan sa radar ay nagkakamali. Ngunit muli, bumaliktad siya at nagpapaalala sa amin na ang pulis ay hinirang na opisyal ng batas. Ang multa niya ay walumpu’t limang dolyar.
Ako ang sumunod at sinimulan ko sa isang katanungan. “Ang iyong karangalan, maari bang mapagpasyahan dito ngayon na ako at hindi nagkasala?” “Ah hindi,” sagot niya. “Sinabi ng kawani na nais mong makipag-usap sa hukom, kaya masaya akong makinig. Ngunit hindi, hindi kita mapagpapasyahan na hindi nagkakasala. Kakailanganin natin ang isang paglilitis para dyan.”
Lumabas na ang mga pagpipilian ko lamang ay ang magmatuwid na nagkasala at bayadan ang aking multa o mangatwiranan na hindi nagkasala at bayadan ang aking multa. Hindi ako makakaalis nang hindi nagbabayad ng multa. Kung nais ko ng isang paglilitis, kailangan kong bumalik sa St. Clair.
Kapag Naligaw Nang Walang Kapag-a-pag-asa
“Kami ng aking asawa ay lilipat dito sa Setyembre,” sinabi ko sa kanya. “Handa akong bumalik para sa isang paglilitis.” Ang anyo sa kanyang mukha ang nagsabi sa akin na gumaganda ang aking pag-asa. Ngunit biglang tumayo si Nancy, naka-usli ang kanyang malaking tiyan, at malakas na nagwika para madinig ng lahat, “Naku, Mahal, huwag mong subukang mangatuwiran sa kanya. Wala siyang pakialam sa atin. Wala siyang pakialam na nasira ang ating sasakyan at ginugol natin ang lahat ng ating pera sa silid ng motel at mga gastos sa pagpaayos ng sasakyan. Huwag mong subukang mangatuwiran sa kanya, gusto lang niya ang pera natin.” Sinikap kong patigilin sya sa kanyang panaghoy, siya ay nagpatuloy.
Nang lumingon ako sa hukom, kumbinsido na ang aking pag-asa ay naglaho na, sumenyas siya sa akin na lumapit sa hukuman. Nang papalapit na ako, tinanong niya, “balak mong lumipat sa lugar na ito?”
“Oo, iyong karangalan. Lilipat kami sa Eureka Springs sa Setyembre. ”
Umabot siya sa loob ng kanyang kadamitan hangang sa bulsa ng kanyang pantalon at naglabas ng isang tarheta. Iniabot ito sa akin at nagsabing, “Sa susunod na madaan ka sa St. Clair, tawagan mo ako.”
Nakatayo ako doon, hindi malaman kung ano ang gagawin. Sumenyas siya na lumakad na ako. Hindi ko pa din maintindihan. Muli siyang sumenyas, mas masidhi. Pansamantala, dahan-dahan kaming lumisan ni Nancy sa korte.
Habang papalapit, nagtanong ang klerk, “Ano ang sinabi ng hukom?”
“Sinabi niya sa akin na sa susunod na madaan kami sa bayan ng St Clair, dapat ko siyang tawagan.”
Mukha siyang naiinis. “Ano ang multa mo?” tanong niya.
“Hindi niya ako binigyan,” sabi ko.
Siya ay nagulumihanan na tulad ko. “Hindi pa ito nangyari,” aniya. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa tiket mo.” Tumingin siya sa amin; “Ok, palagay ko maaari ka nang umalis.” ️
Sumakay kami ni Nancy sa sasakyan na di makapaniwala, gulát sa nangyari.
Ngunit alam namin kung sino ang dapat pasalamatan. Kapag bata pa tayo at mahina pa ang pananampalataya, madalas tayong basbasan ng Diyos ng maliliit na palatandaan, tulad nito, na nagpapalakas sa ating pananampalataya at inihahanda tayo sa mga hamon na hindi maiiwasang sa ating buhay. Nakatanggap kami ni Nancy ng mardaming maliliit na palatandaan sa mga unang araw namin sa Panginoon. Nahikayat kami ng mga ito na ang Diyos ay nagmamalasakit kahit na sa mas maliliit na mga bagay sa buhay -hindi lamang kanser o atake sa puso, hindi lamang sa remata o nawalang hanapbuhay. At ginagamit ng Diyos ang mga matapat sa Kanya, ang mga Santo, upang maging mga lagusan ng Kanyang biyaya. Habang umuunlad tayo sa Panginoon at lumalago ang ating pananampalataya, maaari tayong makakita ng ilan-ilan na lamang na mga palatandaan sapagkat ang mga nauna ay nakapagtayo na ng isang matatag na pundasyon ng pananampalataya na upang makaya natin na “mamuhay batay sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita (o mga palatandaan)” (2 Corinto 5: 7).
Ngunit sa araw na iyon, matagal na, sa isang bayan na tiyak kaming pinangalanan sa kaniya, nagdasal kami na tulungan kami ni Santa Chiara. At wala kaming alinlangan na ginawa niya ito. Lumipas ang limang buwan, isinilang ang anak naming babae sa ospital sa Eureka Springs, Arkansas. Siya ay bininyagang Chiara Faith.
'Hindi natin maiwasan na ang iba ay gagawa ng mga bagay na ating ikayayamot. Ngunit ang puso na sadyang lumalaki sa kabanalan ay nakapagsasalin ng mga kabiguan bilang mga pagkakataon ng pagyabong.
Sa mahabang panahon, ang itinalagang puwesto kay Sor Teresa sa pagbubulay ay malapit sa isang di-mapalagay na Madre na walang tigil na mangulit ng kanyang Rosaryo o iba pang mga bagay. Si Sor Teresa ay labis na mapagdama sa mga ligaw na tunog at di-nagtagal ay naubos niya ang lahat ng kanyang mapagkukunan upang manatiling nakatuon. Bagama’t siya lamang ang may ganitong sukdulang pagdama ng mga gambala, si Sor Teresa ay may malakas na udyok na lumingon at bigyan ang may-sala ng tingin upang matigilan niya ang idinudulot na mga ingay.
Nang pinag-isipan niya na gamitin itong pagtatangi alam ni Sor Teresa na ang mas mabuting paraan ay ang tiisin ito nang may katiwasayan, kapwa sa pagmamahal sa Diyos at upang maiwasang masaktan ang kulang-palad na Madre. Kaya pinagbutihan niyang manahimik, ngunit ang pagtitimpi niya ay nangangailangan ng labis na lakas hanggang nagsimula siyang mamawis. Ang kanyang pagmumuni-muni ay naging pagdurusa na may katiyagaan. Gayunpaman, sa tulong ng sapat na panahon, nasimulan ni Sor Teresa na tiisin ito na may kapayapaan at saya, habang pinagsisikapan niyang makakamit ng kaluguran kahit na sa nakababagot na ingay. Sa halip na subukang ito’y hindi marinig, na hindi magyayari, ito’y pinakinggan ni Sor Teresa na tila isang kaaya-ayang musika. Kung ano ang dapat na kanyang “panalangin ng katahimikan” sa halip ay naging pag-aalay ng “musika” sa Diyos.
Sa kayamutan na tinitiis natin sa pang-araw-araw na buhay, gaano kadalas nating malagpasan ang pagkakataong maisagawa ang kabutihan ng tiyaga? Sa halip na ipakita ang galit o pagkamuhi, maaari nating tulutan ang pinagdaanan na turuan tayo ng pagkabukas-palad, pagkamaunawain, at pagpapaumanhin. Ang pagpapaumanhin ay tuluyang magiging isang kilos ng kawanggawa, at ang kapanahunan ng pagbabagong-loob. Tayong lahat ay tinatawag sa lakbayang pananalig na kung saan matutuklasan si Jesus nang lalo pa bilang Isa na mapagpaumanhin sa atin.
'Ako ay sinilang at lumaki sa Tampa, Florida, USA. Ang aking ina at ama ay Katoliko at mula pagsilang, pinalaki akong isang Katoliko. Subalit noong ako ay anim na taong gulang, ang mga bagay at pangyayari ay hindi naging maayos. Naghiwalay ang aking mga magulang at ang aking ama ay naghain ng demanda para sa tuluyang paghihiwalay, o diborsyo. Nasundan ito ng mahabang pagtatalo tungkol sa pangangalaga ng anak hanggang sa muli silang magkabalikan noong ako ay 8 taong gulang. Lingid sa aking kaalaman, ito ay simula pa lamang.
Noong ako ay 10 taong gulang, ang aking ina ay naghabla para sa diborsyo. Iginawad sa kanya ang pangangalaga sa akin, ngunit kinailangan ko pa ding dumalaw sa aking ama. Madami siyang magagandang katangian —masipag, matipid, at mahilig sa mga laro— ngunit mayroon isang pagkukulang sa kanyang pagkatao na lubhang puminsala sa aking pakipag-ugnayan sa Diyos, at iyon ay ang kawalan niya ng tiyaga. Sa isang sandali, siya ay masaya, ngunit kung sa di sinasadya ay mabubo mo ang isang baso ng gatas, bigla syang sisiklab at pagagalitan ka na nang husto. Ang mala-‘atomic bomb’ na galit na ito ay maaaring makasama sa mga bata sa isa sa dalawang paraan. Maaaring ang bata ay maging makapal-ang-balat at tuloy walang pakialam kaya babale-walain lang ang mga pagsiklab na gaya nito, o kaya nama’y ang isang bata ay magkakaroon ng napakalaking takot na magkamali at sa gayon ay magsimulang ‘maglakad sa balat ng itlog’. Nangyari sa akin ang huli. Ito ay mahalagang tandaan sapagkat ito ay isang tamang-tamang paraan upang magbuo sa akin ng pagiging mabusisi.
Ang ating mga ama sa lupa ay dapat na mga kapilas na larawan ng ating Ama sa Langit, ang Diyos (Efeso 3: 14-15). Anuman ang gawin ng iyong ama na nasa lupa, kasama nang kanyang mga katangian, kung paano siya magsalita, at kung paano siya kumilos, ay maipapakita sa iyong panlarawan ng Diyos. Kaya, noong ako ay magbibinata, sinimulan kong katakutan nang lubha ang aking Ama sa Langit. Araw-araw akong ‘nagalakad sa balat ng itlog’, o naging napakaingat, nag-aalala na sa anumang sandali ay makakagawa ako ng isang mabigat na kasalanan at mapupunta sa impiyerno. Sa bawat isip, bawat salita, at bawat gawa, naiisip kong baka ako’y nagkakasala.
Isang halimbawa: kapag kumakain ako ng isang maliit na tinapay na may palamang manok sa Wendy’s, naiisip kong magiging katakawan o kalabisan na ang kumain ng isa pa. Subalit hindi ko ito tiyak kaya’t pabalik-balik akong nagmumuni-muni sa kabutihan o kamalian ng pagkain ng pangalawang tinapay. Ang karamdamang ito ay naging sanhi na bumaba ng 20 libras ang aking timbang sa dati nang maliit kong katawan.
Inisip kong makasalanan ang mga bagay, na hindi naman pala sa totoo lang. Sa katunayan, ginugugol ko ang lahat ng oras ng mga pari sa kumpisalan. Purihin ang Diyos at mayroon akong isang mahusay na pastor sa aking simbahan na matiyagang nagpayo sa akin. Ngunit ito ay isang maliit na bahagi lamang ng mas malaking pakikibaka. Ang buong pagkaunawa ko ng Diyos ay ibang-iba. Ang kailangan ko ay isang banayad at matiyagang kaanyuan ng ama. Nang magtapos ako sa mataas na paaralan, nag-aral ako sa Pamantasan ng Ave Maria sa timog-kanlurang Florida kung saan ay sinimulan kong harapin ang aking takot. Araw-araw akong nasa kapilya at duon ay sinimulan kong unawain ang pagmamahal ng Diyos, ang aking Abba.
Nang manalangin ako, pabalik-balik sa aking gunita ang isang awit —”Shoulders” ng “For King and Country.” Lubusang binago ng mga salitang, “Hindi kailangang ako ay makakita upang maniwala na binubuhat Mo ako sa Iyong balikat, Iyong balikat”, ang pag-iisip ko at ang aking puso. Sa paglipas ng panahon, ang aking takot ay
nagsimulang mapalitan ng pagmamahal. Minasdan ako ng Diyos bilang Kanyang Minamahal na Anak, na kinalugdan Niya (Marcos 1:11). Siya ay isang banayad na Ama, isinasaalang-alang ang aking mga karupukan. Tulad ng sinasabi ng Mga Awit, Siya ay “hindi madaling magalit.” Bumuo ako ng kaunting litanya para sa Diyos, ang tunay kong Ama:
Amang pinaka malumanay (1 Hari 19:12).
Amang pinaka mahabagin (Isaias 40:11).
Amang pinaka mapagbigay (Mateo 7:11).
Amang kalugud-lugod (Awit 23: 1).
Amang pinaka mapagpakumbaba (Lukas 2: 7).
Amang pinaka malumay magsalita (1 Hari 19:12).
Amang pinaka masayahin (Zefanias 3:17).
Amang pinaka- mapagtaguyod (Oseas 11: 3-4).
Amang pinakamapagmahal (1 Juan 4:16).
Amang pinaka masintahin (Jeremias 31:20).
Amang pinaka magiliw (Isaias 43: 4).
Ama, aking tagapagtanggol (Awit 91).
Hinihimok ko kayo na basahin ang mga siping nabanggit tulad ng ginawa ko, at magrakon ng malapit na ugnayan sa Ama. Ang landas patungo sa kalunasan at pagiging buo ay bukas para sa iyo. Samahan mo ako sa paglalakbay na iyon. Lagi nating tandaan ang mga salitang ito mula kay Santa Therese ng Lisieux, “Anong matamis na kagalakang isipin na ang Diyos ay makatarungan. Isinasaalang-alang niya ang ating kahinaan, alam Niya nang ganap ang likas nating karupukan. Ano ang dapat kong ikatakot?” (‘Kuwento ng Isang Kaluluwa’ ni Santa Therese).
'Ang ultimong ebangheliko ay ang sigaw na, “Si Hesukristo ay nabuhay na muli mula sa pagkamatay.” Mahigpit na naiugnay sa deklarasyong iyon ang paniniwala na sinabi ni Hesus kung sino siya, na ang mga pag-angkin ni Hesus mismo na kumilos at magsalita sa mismong persona ng Diyos ay nabibigyang katwiran. At mula sa kabanalan ni Hesus ay sumusunod ang radikal na pagkamakatao ng Kristiyanismo.
Ito ang pangatlong prinsipyong pang-ebangheliko na nais kong saliksikin, gayunpaman maikli, sa artikulong ito. Ang mga Ama ng Simbahan ay palaging nagbibigay ng buod ng kahulugan ng Pagkatawang-tao sa pamamagitan ng paggamit ng pormulang “Ang Diyos ay naging tao, at ang mga tao ay maaaring maging Diyos.” Ang pagpasok ng Diyos sa ating sangkatauhan, kahit na sa punto ng personal na pakiki-isa, sa mga halaga, nakita nila, sa pinakamaraming posibleng pagpapatibay at pagtataas sa mga tao. Si Saint Irenaeus, ang dakilang teologo noong ikalawang siglo, ay maaaring ipahayag ang pinakadiwa ng Kristiyanismo ng may pagpupunyagi sa kasabihan na “ang kaluwalhatian ng Diyos ay sa taong naging ganap na buhay!”
Ngayon napagtanto ko na ang karamihan sa mga ito ay salungat. Para sa marami, ang Kristiyanismo ng Katoliko ay laban sa makatao, isang sistemang nailalarawan sa pamamagitan ng isang hanay ng mga batas na pumipigil sa sariling pagpapahayag, lalo na sa larangan ng sekswalidad. Ayon sa modernong pamantayan ng pagbabalita, ang pag-unlad ng tao ay katumbas ng pagtaas ng personal na kalayaan, at ang kalaban ng pag-unlad na ito (kung papayagang ilabas ang mas nakatagong salita sa salaysay) ay masalimuot, ginagawang moral ang Kristiyanismo. Paano tayo nakakuha mula sa masiglang Kristiyanong makatao ni Saint Irenaeus hanggang sa modernong hinala ng Kristiyanismo bilang punong kalaban ng pag-unlad ng tao? Kadalasan ito ay nakasalalay sa kung paano natin ipakahulugan ang kalayaan.
Ang pananaw sa kalayaan na humubog sa ating kultura ay ang maaari nating tawaging kalayaan ng kawalan ng pagwawalang-bahala. Sa basahin na ito, ang kalayaan ay ang may kakayahang sabihin na “oo” o “hindi” nang simple batay sa sariling kagustuhan at ayon sa sariling desisyon. Dito, ang personal na pagpili ang pinakamahalaga. Kitang-kita natin ang pagbibigay pribilehiyo ng pagpili sa kasalukuyang panahon sa ekonomiya, pampulitika, at sa palibot ng kultura. Ngunit mayroong isang mas pangunahing pag-unawa sa kalayaan, na maaaring mailarawan bilang kalayaan para sa kahusayan. Sa basahing ito, ang kalayaan ay ang pagdidisiplina ng hangarin upang magawa at makamit ang mabuti, una ay magagawa, saka ng walang kahirap-hirap. Sa gayon, lalo akong naging malaya sa aking paggamit ng wikang Ingles nang higit na natuturuan ang aking pag-iisip at kalooban na nasanay sa mga patakaran at tradisyon ng Ingles. Kung ako ay ganap na nahubog ng mundo ng Ingles, ako ay naging isang ganap na malayang gumagamit ng wika, na maaaring sabihin ang anumang nais ko, kung anumang kailangang sabihin.
Sa katulad na paraan, naging mas malaya ako sa paglalaro ng basketball at mas higit na mga galaw sa laro ang ginagawa, nagiging pag-eehersisyo at disiplina ito, sa aking katawan. Kung ako ay ganap na nabuo ng mundo ng basketball, matatalo ko si Michael Jordan, sapagkat magagawa ko, ng walang kahirap-hirap, anuman ang iutos sa akin ng laro. Para sa kalayaan ng pagwawalang bahala, ang layunin ang mangingibabaw, mga utos, at ang disiplina ay walang katiyakan, sapagkat sila ay naramdaman, kinakailangan, bilang mga limitasyon. Ngunit para sa pangalawang uri ng kalayaan, ang mga naturang batas ay nagpapalaya, at ginawang daan upang makamit ang ilang posibleng dakilang kabutihan.
Sinabi ni San Paulo, “Alipin ako ni Kristo Hesus” at “ito ay para sa kalayaan kaya pinalaya ka ni Cristo.” Para sa tagapagtaguyod ng kalayaan ng kawalang pagwawalang-bahala, ang pag-aakma ng dalawang pahayag na iyon ay walang kaunti mang katuturan. Ang maging isang alipin ng sinuman ay, katunayang, hindi malaya na pumili. Ngunit para sa deboto ng kalayaan para sa kahusayan, ang mga pahayag ni Paulo ay ganap na magkakaugnay. Sa lalo kong pagsuko kay Kristo Hesus, na siya mismo ang pinakadakilang posibleng kabutihan, ang mismong Pagkatawang-tao ng Diyos, mas malaya ako na maging kung sino ako dapat. Mas pinapanginoon ko si Kristo sa aking buhay, mas naisasaloob ko ang kanyang mga kautusan tungkol sa moralidad, mas malaya akong maging anak ng Diyos upang tumugon sa tawag ng isang Ama.
Sa wakas, ang mga tao ay hindi gutom sa pagpili; gutom sila sa pagpili ng mabuti. Ayaw nila ang kalayaan ng kahalayan; nais nila ang kalayaan ng isang santo. At ito mismo ang huling kalayaan na iniaalok ng ebanghelisasyon, sapagkat ini-aalok nito si Kristo. Nakakapanibago mang sabihin, ang isa sa pinakadakilang ebanghelista sa Bagong Tipan ay si Poncio Pilato. Iniharap ang pinahirapang si Hesus sa karamihan ng tao, sinabi niya, “Narito ang tao.” Sa masarap na kabalintunaan ng Ebanghelyo ni Juan, hindi sinasadya na nakuha ni Pilato ang atensiyon sa katotohanan na si Hesus, na ganap na sumasang-ayon sa kalooban ng kanyang Ama, kahit na sa punto ng pagtanggap ng pagpapahirap at kamatayan, ay sa katunayan “ang tao,” ang sangkatauhan sa kabuuan nito at pinaka malaya.
Ang ebanghelista ngayon ay ginagawa ang parehong bagay. Itinataas niya si Kristo — ang kalayaan ng tao at banal na katotohanan sa ganap na pagsasama-sama at sinabi niya, “masdan ang sangkatauhan; masdan ang pinakamabuting magagawa mo. “
'Maaari bang magdala ng mga pagpapala ang iyong karupukan?
Kamakailan ang aking asawa at ako ay may tipanan sa paaralan upang masuri ang aming 6 na taong gulang na anak na lalaki na si Asher na mga isyu sa hindi pag aasikaso at pagganap. Ang pagtatasa ay nagpatuloy ng higit sa dalawang oras at kasama ang magkakahiwalay na pagpapayo at mga sesyon ng Tanong / Sagot para sa akin at sa aking asawa. Masidhi naming kailangan ang pagtatasa upang matulungan kaming maunawaan ang mga hamon ni Asher at matulungan siyang mapagbuti at maisagawa nang maayos sa kanyang mga aktibidad.
Nakaupo ako sa sentro ng pagtatasa kasama ang aking anak na babae sa aking kandungan habang ang aking anak na lalaki ay naglalaro sa isang silid na puno ng mga laruan at puzzle. Ang nagtasa ay nagdala ng mga palatanungan at nagsimulang magtanong sa akin. Tinanong niya ang tungkol sa kasaysayan ng pamilya, mga komplikasyon sa pagbubuntis, gamot, hamon sa bahay, pagganap ni Asher sa bahay at paaralan, mga paghihirap na kinakaharap niya, suporta ng pamilya at iba pa. Naitala niya ang lahat ng aking mga tugon.
Matapos makumpleto ang mga palatanungan, at marahil ay nasulyapan ang lalim ng aking pang-emosyonal na estado, sinabi ng tagapayo na hindi niya maiwasang magtanong sa akin ng isang napaka-personal na tanong – “Paano nakakayanan ng iyong damdamin sa lahat ng mga hamong ito? Ano ang mapagkukunan ng iyong lakas? ” Sinabi ko na mayroon akong pananampalataya sa Diyos at naniniwala akong binibigyan niya ako ng lakas upang harapin araw-araw.
Nagtataka ako kung gaano ang kahulugan ng lihim ng aking lakas na ginawa sa kanya. Ang alam niya sa akin ay ako ay isang kumpletong magulo-hawak ang isang apat na taong gulang na anak na babae sa aking kandungan na halos nasa isang estado ng gulay, ang isa pang bata na nagpupumilit na maiakma ang kanyang sarili sa isang mundo na hindi gumana tulad ng ginagawa , at ako isang malinaw na pagod na ina na nakaupo sa sentro ng pagtatasa na umaasa na susubaybayan nila ang pagiging natatangi ng aking anak na lalaki hindi lamang ang kanyang mga pagkukulang at bigyan ako ng ilang madaling gamiting mga kaalaman sa pagiging magulang upang maiuwi sa bahay.
Ngunit sa aking pagkagulat , ang tagapayo ay tumango ang kanyang ulo ng nakangiti at may mga luhang luhang mga mata ay sumang-ayon siya sa akin tungkol sa inaangkin kong mapagkukunan ko ng lakas.
Akala ko ang aking kumplikadong buhay ay magpapawalang-bisa sa akin mula sa pagbabahagi ng aking pananampalataya kay Hesus. Ngunit nalaman ko na ang pagbabahagi ng aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking pagka mahina ay nagpapakita ng kapangyarihan ni Kristo sa aking buhay. Tulad ng wastong sinabi ni San Pablo, ang Kanyang kapangyarihan ay ginawang perpekto sa ating kahinaan (2 Cor 12: 8).
Karaniwan, nais nating luwalhatiin ang Diyos sa pamamagitan ng ating lakas at tagumpay at sa gayon naghihintay tayo hanggang sa maayos na tumatakbo ang mga bagay sa ating buhay upang magbigay ng patotoo. Ngunit nais din ng Diyos na gamitin ang aming kahinaan para sa Kanyang kaluwalhatian. Nais niyang ibahagi natin ang ating pananampalataya sa gitna mismo ng ating mga pagsubok.
Sa kanyang librong “The Purpose Driven Life” nagbahagi si Rick Warren ng mga salita na nagbibigay sa akin ng labis na ginhawa: “Ang iyong mga kahinaan ay hindi isang aksidente. Sadyang pinayagan sila ng Diyos sa iyong buhay para sa hangaring maipakita ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan mo. Ang iba pang mga tao ay makakahanap ng paggaling sa iyong mga sugat. Ang iyong pinakadakilang mga mensahe sa buhay at ang iyong pinaka-mabisang ministeryo ay lalabas mula sa iyong pinakamalalim na sugat. ”
Kung nakikita mo ang iyong sarili sa gitna ng sakit at sa gitna ng kadiliman, huwag mong sayangin ang mga karanasang iyon. Gamitin ang mga ito upang luwalhatiin ang Diyos. Huwag maghintay hanggang sa mapabuti ang lahat upang masabi mo, Tingnan kung paano ko ito nadaanan! Isaalang-alang ang pagpapaalam sa Diyos sa iba sa pamamagitan ng iyong kaguluhan. Hayaan ang Kanyang lakas na maipakita sa pamamagitan ng iyong pagkasira habang sumasandal ka sa Kanya para sa lakas ng loob. Ang mismong bagay na sa palagay mo ay wala kang karaptan mula sa pagbabahagi ng iyong pananampalataya ay maaaring maging isang bagay na mas malinaw na ipinahayag ang iyong pananampalataya at mga saksi sa pag-ibig ng Diyos. Inaasahan kong hinihikayat ka ng aking karanasan ngayon
'Ang aking monasteryo ay nagpapatakbo ng isang paaralan, at noong isang taon, ako ay naatasan ng napakalaking karangalan na magturo ng Teyolohiya sa mga nasa ikapitong baytang. May dalawampu’t-dalawa ako nilang nasa pinakahuling oras ng klase sa bawat araw ng linggo. Ngayon, walang guro na nasa kanyang sariling bait na pipili na magturo ng kahit anumang paksa sa pinakahuling oras ng araw, at ang mga nasa ikapitong baytang ay hinihigitan ang bawat ibang baytang na nasa eskuwela bilang karaniwang pag-ganyak. Kaya kami ay lumikha ng isang laro na ang tawag ay “Lituhin ang Monghe” na aming lalaruin sa pinakahuling limang minuto ng klase kapag ang buong grupo ay talagang nagminabuti.
Ang pinakamahusay na “panlito ng monghe” na aking nadinig ay nagmula sa isang magiting na mapekas na munting radikal na nagngangalang Chad: “Kung lubos tayong mahal ni Jesus,” ika niya, “bakit hindi na lamang siya bumaba at ipakita ang kanyang sarili sa atin?”
“Pinakikita ni Jesus ang kanyang sarili sa atin,” sinabi ko sa kanya, “tuwing tinatanggap natin ang Eukaristiya.”
“Tama. Tama.” Sumagot siya ng may pabuntung-hininga, “ngunit ang tinatanong ko ay: Bakit hindi siya bumaba at bisitahin tayo ng personal, ng katawan?”
“Ginagawa Niya ito!” Tumugon ako, “Sa Eukaristiya siya’y bumababa at bumibisita sa atin ng personal, ng katawan.”
“Hindi yan ang aking ibig sabihin,” sinabi niya, “nais kong malaman kung bakit hindi niya gawing personal, na harap-harapang pagpapakita sa mga taong katulad ko?”
“Ginagawa Niya rin ‘yan,” sinabi ko, “Kinakailangan mo lamang maging matiyaga.”
Masasabi ko na si Chad ay hindi mapalulubayan ng ganoon kadali. “Kaya, sinasabi mo sa ‘kin,” sinabi niya, “na natugunan mo na si Jesu Cristo ng personal, ng katawan, ng harap-harapan. Nakita mo na siya. Nakita mo na ng personal ang Diyos.”
Tinignan ko siya sa mata, at sinabi ko, “Oo, Chad, nakita ko na.”
“Mainam!” sinabi niya, “Kung gayon ano ang kahawig niya?
Nagkaroon ng kakaba-kabang katahimikan sa silid-aralan habang siya at ang mga ibang estudyante ay naghihintay sa aking sagot. At nang makalipas ang isang sandali o dalawa, ako ay inabot ng kaunting kaba na tila kinakailangan kong umurong. Ngunit ang sagot ay dumating sa akin na tila isang handog mula sa langit. “Chad,” ang sabi ko, “Natugunan ko na si Jesus. Harap-harapan. At alam mo? Siya ay hawig na hawig mo.”
“Kaya nilalang ng Diyos ang sangkatauhan ayon sa Kanyang larawan, sa Kanyang larawan nilalang Niya sila…” (Gen 1:27)
'Ang pagsasalarawan ng daan patungo sa tunay na tagumpay sa loob ng 1000 na salita!
Tinawag tayo sa isang buhay na may pag-asa, kapayapaan at kagalakan. Minsang nagpahayag si Papa San Juan Paul ikalawa na, “Sa totoo lang, ang kagalakan ang pangunahing tagubilin ng pagiging Kristiyano. Ang hiling ko ay na ang tagubiling ito ay makabigay ng kagalakan sa lahat nang magbubukas ng kanilang puso para tanggapin ito … Ang pananampalataya ang pinagmumulan ng kagalakan.
Ano ang isasagot mo kung tatanungin mo ang iyong sarili, “Nagpapahayag ba ng kagalakan ang aking buhay? Ang pananampalataya ko ba ang pinagkukunan ko ng aking kagalakan?
Kung tayo ay magiging matapat, malamang masasabi natin na kadalasan, ang mga pangyayari sa buhay ay nagiging sagabal upang mamuhay na galak. At kamakailan lang, ang mga nangyayari sa paligid ay naging hindi kanais-nais – ang pandemya ay nakasama sa bawat isa sa atin.
Ang manatiling positibo at may pag-asa hindi madaling gawin. Higit pa sa mga pangyayari sa paligid natin, may isa pang kawatan ng ating kagalakan: ang ating Sarili. Ang pangunahing dahilan ng kawalan ng kaligayahan ay nagmumula sa negatibong saloobin at pananaw sa sarili.
Lahat tayo ay mga anak ng Diyos – mahalaga at minahal. Ngunit kadalasan, nakakalimutan natin ito at sa halip, tinutukoy natin ang sarili ayon sa makamundong pamantayan; isa na ang tagumpay. Marahil, sinusukat natin ang sarili sa pamamagitan ng tagumpay mula pa sa pagkabata. Paulit-ulit tayong pinagsasabihan na kailangan nating tiyakin ang mahusay na karera, suweldo, at buhay-may-asawa. At na maging masinop sa anumang gawain! Tila iyon ang mahigpit na tagubilin na makapagbibigay sa atin ng pakiramdam na hindi sapat ang ating kakayahan.
Tayo ay sinanay na manghusga ayon sa nakikita natin. Pinupuri natin ang mga tao sa kanilang mga nagawa, hindi sa kanilang mga pagsisikap. Ayon pa, ang kinalabasan ng anumang gawa ang mahalaga. Kung kaya madali nating makalimutan kung ano ang totoong mahalaga.
Ang propetang si Jeremias ay tinawag ng Diyos upang bigyan ng babala ang mga taga Israel tungkol sa nalalapit na paghuhukom. Ngunit sa sarili nyang pananalita alam natin ang kanyang kabiguan: “Sino ang makikinig sa akin kung kakausapin ko sila at bigyan ng babala? Matigas ang ulo nila at tumatangging makinig sa Iyong mensahe; tinatawanan nila ang sinasabi Mong sabihin ko sa kanila.” (Jeremias 6:10 GNT). Tumanggi ang mga tao na makinig kay Jeremias at tinanggihan siya ng mga pinuno ng Israel. Nangyari ang paghuhukom na hinulaan niya at naghirap ang Israel.
Kung pagmamasdan natin ito sa pamamagitan ng isang makamundong lente, lahat ng gawain ni Jeremias ay tila walang halaga. Gayunpaman, nagpakita siya ng kapuna-punang katapatan sa harap ng napakalaking pagsalungat. Sinunod nya ang kalooban ng Diyos at iyon ang dahilan ng kanyang tagumpay.
Ngayon naman, tingnan natin ang isang makabagong halimbawa. Sinabi ni Santa Mother Teresa, “Hindi ako tinawag ng Diyos upang maging matagumpay; Tinawag niya ako upang maging matapat.” Makakaisip ka pa ba ng isang mas kontra-kultural na /salungat sa kulturang kasabihan na magiging gabay mo sa buhay?
Sa palagay ko madami ang sasang-ayon na si Mother Teresa ay namuhay sa isang makabuluhan at kahanga-hangang pamamaraan. Paano naging makabuluhan at kahanga-hanga ang kanyang buhay? Ang kanyang mga salita ang magpapahayag nito. Sa halip na magtangkang maging matagumpay, sinunod niya ang iniutos ng Diyos; nakatuon sya sa Diyos at hindi sa kanyang sarili. Malinaw itong makikita sa kanyang pambihirang kabaitan, at kung paano nya nakita ang Diyos lalo na sa pinakamahina at pinakamahirap sa lipunan.
Ang patunay nila Jeremias at Mother Teresa ay magbibigay sa atin ng isang mahalagang pananaw: “Ang PANGINOON ay hindi tumitingin sa mga bagay na tinitingnan ng tao. Ang mga tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang PANGINOON ay tumitingin sa puso.
Kung kaya, huwag tayong magpagapi at magpakahirap na maging matagumpay alinsunod sa mga pamantayan ng mundo. Kung tayo ay malapit sa Diyos at buong pusong maglingkod sa Kanya, pagpapalain Niya ang ating mga pagsisikap. Gayunpaman, kasama ng pagiging matapat sa Diyos ang madaming hamon. Kailangan nito ang tiis at tiyaga; ngunit alam natin na ito ay isang layunin na dapat nating pagsikapang matamo.
Nakakatuksong ihambing natin ang ating sarili sa kapwa at magsumikap na magtamo ng makamundong tagumpay na hahantong lang naman sa pagkabigo at kawalang-kabuluhan dahil palaging may mas mahusay, mas matalino, at mas matagumpay. Gayunpaman, mayroong isang mapagkakatiwalaang katotohanan:
Nakikita tayo ng mundo kaiba sa paraang nakikita tayo ng Diyos. Ang Diyos ay nakatingin sa ating puso. Tinitingnan ng Diyos ang ating mga puso. At sa bandang huli ang husga ng Diyos lamang ang mahalaga.
'Nababahala ka ba at nag-aalala tungkol sa maraming bagay? Ito ay para sa iyo!
Hinuhulaan ko ito ay ang aking linggo para sa mga malaking kaguluhan. Habang sinusubukan kong manahimik na sa oras ng aking pagdarasal, umuungal ang aking isip. Para sa pangalawang araw nang sunud-sunod, binigyan ko si Hesus ng isang sunod sunod na pagsasabi ng lahat ng mga isyu sa kalusugan na na memeste sa akin. Nagreklamo ako tungkol sa kung paano nagpatuloy ang pagiging sagabal sa mga di-katiyakan sa paligid ng Covid-19. Nag-alala ako tungkol sa aking tila hindi malulutas na mga kakulangan sa maraming mga relasyon, at ang aking panghihina ng loob sa malaking proyekto ng pagsulat na kinasasangkutan ko na tila hindi umaunlad nang maayos. “Nararamdaman ko na napapaligiran ako ng mga kaaway sa bawat panig”, sinabi ko kay Hesus, pinunasan ang aking mga mata at hinihipan ng malakas ang aking ilong. Binuksan ko ang Araw araw na Banal na Kasulatan (Lukas 10: 38-42). At huminto muna ako. Oo— Tiyak na napaloob ako sa isang gulo ni Martha, nag-aalala at nag-aalala tungkol sa maraming bagay.
Alam kong nais ni Hesus na ibaling ito, ngunit paano? Hindi nagtagal bago ko narinig sa aking puso ang dalawang tahimik na salitang: “Maging Matibay.” Agad na ako ay nakatuon sa lahat ng pansin. Nakakonekta ako pabalik sa isang sermon na narinig ko noong nakaraang linggo sa pagiging matigas sa espiritu ni Saint Therese. “Therese”, nagdasal ako, “ikaw na napakatibay ng espiritwal ng naharap mo ang matinding paghihirap sa pagtatapos ng iyong buhay, ipanalangin mo ako. Tulungan mo ako.”
Hindi nagtagal, sinimulan ko ang paningin kung paano ako nais ni Hesus na gawin ang “pagiging matibay.” Napagtanto ko na ngayon kailangan kong ituon ang pansin sa dalawang bagay:
1. Pagtitiwala kay Hesus.
2. Pagtanggi sa Panghihina ng Loob.
Pagtitiwala kay Hesus. Kailangan kong ituon sa Kanya, hindi sa mga problema. Alalahanin na palagi Siyang may mahusay na layunin sa aking puso ang magtiwala ako sa Kanyang talaan ng paguusapan, at hindi susubukan na sabihin sa Kanya kung ano ang dapat gawin. Si Marta ay gumawa ng dalawang pagkakamali na nagpahina ng kanyang tiwala kay Hesus. Hindi Siya nakatuon sa Kanya, ngunit sa kanyang kapatid na si Mary. At, itinulak ni Marta ang kanyang sariling solusyon pasulong na dapat tumayo si Maria at tulungan siya.
Pagtanggi sa Panghihina ng Loob. Ngayon ay dapat kong tandaan na ang panghihina ng loob ay isang paraan ng Kaaway. Ito ay nagmumula sa diyablo, hindi kay Hesus. Minsan, natutukso akong bugbugin ang sarili ko sa malaking patpat ng mga saloobin na akusado sa sarili. Sa halip na gawin iyon — at sa gayo’y ilagay ang aking pansin sa aking sarili at sa aking sariling mga kakulangan – ipaalalahanan ko ang aking sarili na ituon ang pansin kay Jesus at magtiwala sa Kanya.
Upang matulungan ang aking sarili na sundin ang araling ito, naglagay ako ng isang tarheta sa aking mesang patungan sa kusina (kung saan makikita ko ito ng labing-isang beses) kung saan isinulat ko ang mga salitang ito:
Maging Matibay
“Jesus, Saint Therese, Saint Martha, tulungan akong magtiwala, tanggihan ang panghihina ng loob, at maging matibay. Ipagdasal mo ako!”
Hesus, may tiwala ako sa iyo!
'Mayroong isang bagay na mahalaga sa kalooban mo!
Sinabi nilang ang tanging sigurado na dalawang bagay sa buhay ay ang kamatayan at buwis. Ngunit sa ginugol ko ang aking buhay sa pagtatrabaho sa industriya ng konstruksyon at pagkakaroon ng mga kilalang tao na kumita ng pera sa pagharap sa bawal na gamot , masasabi kong sigurado ang panipi ay kalahating totoo lamang. Tiyak na naghihintay sa atin ang kamatayan, kahit na ang karamihan sa atin ay bihirang mag-isip tungkol dito hanggang sa mapilit tayo. Nakatuon kami sa aming mga mortal, temporal na katawan at nakalimutan ang tungkol sa ating walang hanggang kaluluwa. Ngunit ang kawalang-hanggan ay totoo at ngayon ang oras upang magpasya kung saan natin ito gugugol.
Ilang taon na ang nakalilipas, nagkaroon ako ng pribilehiyo at pagpapala ng pagboboluntaryo kasama si Mother Teresa’s Missionaries of Charity sa isang Calcutta (Kolkata), India na tahanan para sa mga dukha, may sakit, at namamatay. Sinabi ni Mother Teresa, ‘Ang isang magandang kamatayan ay para sa mga taong namuhay tulad ng mga hayop na mamatay tulad ng mga anghel.’ Mapalad akong maranasan ang gayong kamatayan nang una sa aking unang pagbisita sa India.
Nananatili ako sa mga kapatid na panrelihiyon sa gabing natanggap nila ang balita na ang kahalili ni Mother Teresa bilang superyor ng Missionaries of Charity, si Sister Nirmala, ay namatay. Ang pamayanan ay nagluluksa at sa pagdarasal ko, naramdaman kong nagbago ang kalangitan sa gabi. Para bang nagbubukas ang Langit upang matanggap ang banal at matapat na babaeng ito. Gayunpaman, kakaiba, naramdaman ko na ang “pagbubukas” ay hindi lamang para kay Sr. Nirmala, kundi para din sa iba na mamamatay sa lalong madaling panahon. Naramdaman ko sa aking diwa na ang isang tao sa bahay kung saan ako nagboboluntaryo ay mamamatay sa susunod na araw. Sinulat ko pa ito sa aking talaarawan. Nang gabing iyon, halos hindi ako nakatulog.
Kinaumagahan pagkatapos ng pagdalo sa Banal na Misa at pagdarasal sa pagpasok sa bahay, agad akong pumunta sa dalawang pinakamaysakit na mga kalalakihan upang matiyak na sila ay nabubuhay pa. Sa kabutihang palad, sila ay buhay pa. Itinakda ko ang tungkol sa aking mga tungkulin tulad ng dati. Ngunit hindi nagtagal ay hinawakan ako ng isang babae sa braso at tinanong kung alam ko kung paano manalangin. Sinabi ko sa kanya na alam ko.
Dinala niya ako sa isang lalaking pinaniniwalaan niyang hindi nagtagal upang mabuhay at hiniling niya sa akin na manalangin kasama siya. Umupo ako sa tabi ng kanyang kama at nakapatong ang aking kamay sa kanyang puso at nagsimulang manalangin. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa kisame at naramdaman kong ganap na siyang sumuko. Nabawasan siya ng labis na timbang na ang kanyang mukha ay naging ligaw at ang kanyang mga pisngi ay guwang. Napakalubog ang kanyang mga mata kung kaya’t lumuhod ang luha niya sa mga sulok ng kanyang mga mata at hindi maubusan ng pisngi. Sumakit ang puso ko. Habang nagdarasal ako, nakikita ko ang kamay na ipinatong ko sa kanyang dibdib na pabagal at pabagal ng dahan-dahan sa bawat sunud-sunod na paghinga. Ang buhay niya patuloy na sa pagkawala. Sa galit, nagsimula akong magtanong sa Diyos ng galit na mga katanungan: Mayroon bang pamilya ang taong ito at kung gayon, nasaan sila? Bakit wala sila dito? Alam ba nila kung ano ang nangyari sa taong ito? May pakialam ba sila? May nagmamalasakit ba?
Sa pamamagitan ng aking pagdarasal, nagsimula akong makarinig ng mga tunog ng tambol at na nagmumula sa katabing templo ng Hindu, isang templo na nakatuon sa diyosa na si Khali (ang diyosa ng kamatayan). Ang tunog ng tambol ay lumakas nang palakas. Naramdaman ko ang isang labanan na naghuhupa para sa kaluluwa ng taong ito. Nang makita ko siyang humugot ng huling hininga, ipinikit ko ang aking mga mata at umiyak.
Ngunit nang muli ko silang buksan, bigla kong nahanap ang mga sagot sa aking galit na mga katanungan. Hindi ko namalayan, dalawa sa mga kapatid na babae, isang kapatid, at isa pang boluntaryo ay nagtipon din sa paligid ng lugar ng kamatayan. Tahimik silang tumayo sa pagdarasal. May nagmamalasakit ba? Siyempre, nanduon sila! Nasaan ang kanyang pamilya? Doon mismo nagdarasal para sa kanya – ang pamilya ng Diyos! Naluluha ako at pinagsisihan kung paano ko kinuwestiyon ang Diyos ngunit napuno rin ako ng labis na pagmamangha at pasasalamat sa Kanyang walang katapusang kabutihan at awa. Hindi ako maaaring humiling ng anumang bagay na higit na espesyal sa oras ng aking sariling kamatayan kaysa mapalibutan ako ng mga taong taimtim at buong pagmamahal na nagdarasal para sa aking kaligtasan. Habang nakapikit ako upang manalangin muli, nakita ko ang isang imahe ng namatay na lalaki na nakasuot ng makinang na puti, naglalakad patungo kay Jesus. Ang mga bisig ni Hesus ay nakabukas nang malawak habang hinihintay niya ang lalaki at pagkatapos ay niyakap siya ng buong pagmamahal. Napakaganda nito.
Ngunit ang Diyos ay may higit na ilaw upang lumiwanag sa aking puso. Nasa kamay pa rin ng aking kamay ang dibdib ng patay, binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang lalaki sa malapit na kama na nadumihan ang pantalon. Walang ibang nakapansin sa kanya, kaya’t may desisyon akong gagawin: Maaari kong ipagpatuloy ang pagdarasal para sa isang lalaking pinaniniwalaan ko na kasama ni Jesus o kaya kong bumangon at tulungan ibalik ang dignidad ng ibang tao. Ito ay isang madaling pagpipilian. Tumayo ako ng diretso at nilinis ang lalaking nakahiga at sinuot sa kanya ang mga sariwang damit. Ang narinig kong tahimik sa aking puso ay, ‘Ang buhay ay nagpapatuloy.’
Ang mga namumuhay kasama si Hesus ay alam ang kamatayan ay hindi dapat matakot. Sa katunayan, mga Kristiyano, ang kamatayan ay dapat na magaganyak sa atin: Mapanghimok na sinabi ni Pablo: ‘Sapagkat ako ay sigurado na hindi ang kamatayan o ang buhay, ni ang mga anghel o mga demonyo, ni ang kasalukuyan o ang hinaharap, o ang anumang kapangyarihan, alinman sa taas o lalim, o anupaman. sa lahat ng nilikha, ay makapaghihiwalay sa atin mula sa pag-ibig ng Diyos na nasa kay Cristo Hesus na ating Panginoon ‘(Roma 8: 38-39).
Oo, nagpapatuloy ang buhay, ngunit para sa bawat isa sa atin ay magtatapos din ito isang araw. Ang atiung oras dito ay maikli, at ang kawalang-hanggan ay mahaba.’ Kaya, kay San Pablo ay kalimutan natin ‘kung ano ang nasa likod at (sa halip) salain ang hinihintay at magpatuloy patungo sa layunin ng paitaas na tawag ng Diyos kay Kristo Hesus’ (Mga Taga Filipos 3:14).
'Nagdadalamhati sa pagkawala ng isang mahal sa buhay? Narito ang taos-pusong pagsasalarawan ng isang ina kung paano niya natagpuan ang pag-asa kahit sa pinakamadilim na ‘valley’.
Biniyayaan kami ng dalawang anak na lalaki. Si David na mas nakakatanda ay may ginintuang buhok. Ang aming bunso, si Chris, ay may itim na buhok. Ang ginintuang buhok ni David ay mas magaan ang kulay sa panahon ng tag-init lalo kapag siya ay naarawan. Ang mga anak namin ang kagalakan ng aming buhay.
Nang si David ay labing pitong taong gulang, isang matinding dagok ang dumating sa aming buhay. Isang malubhang sakuna pang-sasakyan ang kumitil sa kanyang buhay at sa isa pang kaibigan. Durog ang aming mga puso. Ilang linggo kaming ‘shocked’. Bigla na lang, ang aming pamilya ng apat ka-tao ay naging tatlo na lamang dahil ang isa ay marahas na kinuha sa amin. Kaming mag-asawa at ang aming 15-taong-gulang na anak, si Chris, ay nagsikapit sa isa’t isa, sa aming mga kaibigan, at sa aming pananampalataya. Ang tanggapin ito nang kahit paisa-isang araw ay labis labis pa din, kaya ko lang gawin ito nang paisa-isang minuto. Ang akala ko ay hindi na kami lulubayan ng sakit ng pagdadalamhati.
Ang pagdalaw sa puntod ni David ay nagbigay-lunas sa matinding hapis ng pagkawala. Dinadalaw ko ang kanyang puntod kahit man lang minsan sa isang linggo. Maayos ang pangangalaga sa libingan sa aming munting bayan. Nakadagdag sa katahimikan nito ang nakakaayang damuhan at mga puno. Ang daan patungo sa libingan ay paikot kaya’t makikita mula sa anumang dako ang sinumang lumalabas o pumapasok sa sementeryo.
Isang araw, habang nakaupo sa damuhan sa tabi ng libingan ng aking anak, nagsimulang tumulo ang luha sa aking mukha. Labis akong nag-aalala kay Chris na nahihirapang harapin ang pagkawala ng kanyang nag-iisang kapatid. Matapos kong ibuhos ang aking pighati, pinahid ko ang luha sa aking mga mata at nagmasid sa paligid ng sementeryo. Nakita ko ang isang batang lalaking may ginintuang buhok, nakasuot ng puting kamiseta, ang mahusay at walang kahirap hirap na nagbibisekleta, na ikinabighani ko. Napatigil ako at nagtaka kung bakit ang isang bata ay namimisekleta sa sementeryo. Saglit akong sumuyap pababa sa puntod ng aking anak, ngunit nang tumingin ako pabalik, ang batang may ginintuang buhok ay naglahong iglap sa aking paningin. Naramdaman ko, mula sa kaibuturan ng aking kaluluwa, na ito ay ang aking anak na si David. Ang puting kamisetang suot ng batang lalaki ay tulad na tulad sa isang palagiang suot ni David. Parang dinalaw ako ni David sa sementeryo nung araw na iyon upang aliwin at ipaalam sa akin na siya ay payapa na.
Hanggang sa araw na ito, hindi ko maipaliwanag ang tagpong iyon, ngunit ang alaala nito ay inukit ng Banal na Espirito sa aking puso magpakailanman. Naniniwala ako na ipinagkaloob ng Diyos ang makalangit na tagpong ito upang patunayan sa akin na ako ay hindi mag-isang nagdadalamhati. Si Hesus ay tumatangis kasama ko at pinapahidan ng Banal na Espirito ang aking luha, pa-isa-isang araw. “Ang Diyos ang ating kublihan at tapang, isang palagiang tulong sa pagkabagabag.” Awit 46: 1.
Matapos ang mahiwagang tagpong ito, gumaan ng kaunti ang mabigat kong pasanin. Kahit na maraming taon na ang nakalipas mula nang pumanaw ang aming David, ang kalungkutan sa pagkawala ng aming anak ay nanatili sa aming mga puso. Ang dalamhati ay walang hangganan. Naiibsan ito sa paglipas ng panahon, ngunit ang mga ina at mga ama ay patuloy na nagdadalamhati. Nakakadama ako ng kaginhawahan sa pag-asang makikita naming muli ang aming mahal na anak balang araw.
Kapag ang sakuna at kamatayan ay dumating sa isang pamilya, ang bawat isa ay mapupuspos ng kalungkutan. Malaking paghamon ang harapin ang pagkawala, inilulubog tayo sa malalim at madilim na mga valleys; ngunit ang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kamangha-manghang biyaya ay muling makakapagbigay ng sinag ng sikat ng araw at ng pag-asa sa ating buhay.
“Yanigin man ang mga bundok at ang mga burol ay alisin, ang Aking walang maliw na pag-ibig sa iyo ay hindi pa din mayayanig, o dili kaya’y maaalis ang Aking tipan ng kapayapaan ,” sabi ng Panginoon, na may pagkahabag sa iyo. Isaias 54:10.
'Si San Francisco de Asis ay minsang nagkaroon ng labis na takot at pagkasiphayo sa mga ketongin. Ipinagtapat niya na ang anyo ng ketongin ay napakaririmarim at tinanggihan niya na kahit lumapit sa kanilang mga tirahan. Kung nagkataong nakasulyap siya ng isa sa kanyang mga lakbay o dumaan ng leprosaryo, dagli siyang lumilingon ng pasalungat at tatakban ang kanyang ilong.
Nang siya’y naging mas dibdiban sa kanyang pananampalataya at inatupag ang bilin ni Kristo na mahalin ang iba tulad ng iyong sarili, siya’y nagsimulang ikahiya ang ugaling ito. Kaya noong isang araw nang siya’y nakasalubong ng lalaking nagdurusa ng ketong, napaglabanan niya ang kanyang mga takot at pagkamuhi at, sa halip na siya’y tumaliwas, bumaba siya ng kanyang kabayo, hinalikan ang ketongin at naglagay ng salapi sa kanyang kamay.
Ngunit nang siya’y muling lumulan at lumingong pabalik, hindi na niya mahanap ang ketongin saan man. Sa labis na kagalakan, kanyang napagtanto na si Jesus ang kanyang hinalikan. Matapos siyang makatipon ng pondo, pumunta siya sa pagamutan ng mga ketongin at nagbigay ng abuloy sa bawa’t-isa, hinahalikan ang kanilang mga kamay ng buong galang tulad ng dati. Ang minsang hindi kanaisnais sa kanya—ang tanaw at dampî ng isang ketongin—ay naging matamis. Kalaunan ay sinulat ni Francisco, “Nang ako’y nasa pagkakasala, ang anyo ng mga ketongin ay nakaduduwal sa akin ng higit sa anumang maihahambing; ngunit ang Diyos na Mismo ang pumatnubay sa akin patungo sa kanilang umpukan, at kinahabagan ko sila.”
Ngayon, tayo ay madalas makakita ng mga taong nagdurusa ng pangkaluluwang sakit na ketong. Karamihan sa atin ay susubukang lumayo sa kanila, ngunit napabayaan nating maunawaan na ito’y gumapang na rin sa ating mga puso. Kaya sa halip na manghusga at paratangan ang iba, linisin natin ang ating sariling baldadong pag-iisip at katigasan ng puso. Sa unang lagay, ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang biyaya at awa bagamat tayo’y bagbag at sugatán. Ipangabot natin sa iba itong awa at pagdamay ng dalamhati na tinanggap natin na walang pasubali.
'