• Latest articles
Nov 19, 2021
Makatawag ng Pansin Nov 19, 2021

Ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga kilusang pang karapatang pambayan noong dekada ng 1950’s at 1960’s ay naging matagumpay kapwa sa moral at praktikal dahil sa ito ay pinamunuan ng mga taong may matibay na kaalaman sa pangrelihiyon. Ang pinaka- kilala sa mga pinuno na ito ay, siyempre, si Martin Luther King. Upang mapahalagahan ang banayad na ginagampanan sa pagitan ng pangrelihiyon at ng kanyang mga praktikal na gawain, ibabaling ko ang inyong pansin sa dalawang paksa- Ito ay ang, kanyang Sulat mula sa Birmingham Bilangguan ng Lungsod at ang kanyang “Ako ay may Pangarap” na pagsasalita, kapwa mula sa 1963.

Habang nakabilanggo sa Birmingham dahil sa pamumuno ng isang hindi marahas na protesta, tumugon si King para tiyakin sa ilang mga kapwa kristiyanong ministro na pinuna sa kanya sa kanyang pagmamadali na inaasahang pagbabago sa lipunan na hindi ito mangyayari sa magdamag. Sinagot ng ministro ng Baptist ang kanyang mga puna marahil sa isang nakakagulat na paraan, na humihingi ng tulong sa isang teologo ng Katolikong medyebal. Ibinaling ni King ang kanilang pansin sa mga pagmumuni-muni ni San Thomas Aquinas tungkol sa batas, partikular ang teorya ni Thomas na ang positibong batas ay makikita ang katwiran na may kaugnayan sa likas na batas, na makikita ang katwiran nito na may kaugnayan sa walang hanggang batas. Ang ibig sabihin ni Aquinas ay kung paano ito nagiging praktikal, ang pang araw-araw na batas na matuwid kahit papaano ay nagbibigay pahayag sa mga alituntunin ng batas ng moral, na siya namang sumasalamin sa sariling isip ng Diyos. Samakatuwid, pinagtibay ni King, ang hindi makatarungang mga positibong batas, tulad ng mga regulasyon ni Jim Crow na sinasalungat niya, at ang mga ito ay hindi lamang mga masasamang batas; kung hindi sila ay mga imoral at sa huli ay taliwas sa Diyos.

Narito ang sariling wika ni King: “Maaaring may magtanong ‘Paano mong itataguyod ang paglabag sa ilang mga batas at pagsunod sa iba? Ang sagot ay nakasalalay sa katotohanan na mayroong dalawang uri ng batas: makatarungan at hindi makatarungan. Ako ang unang magtataguyod sa pagsunod sa makatarungang batas. Bawat isa ay may pananagutan na sundin hindi lamang ang ligal kung hindi pati ang moral na batas. Ngunit pagkatapos ipinaalam ni King ang kaibahan ng pagsunod sa hindi makatarungang batas: “Sa kabaligtaran, bawat isa ay may moral na pananagutan sa pagsuway sa mga hindi makatarungang batas, Sumasang-ayon ako kay San Augustine na “ang hindi makatarungang batas ay walang batas sa kabuuan, bumaling siya kay Aquinas: Ano ngayon ang pagkakaiba ng dalawa? Paano matutukoy ng bawat isa kung ang batas ay makatarungan o hindi makatarungan? Ang makatarungang batas ay binabalangkas ng tao na may alituntunin na pumapanig sa batas ng moral o sa batas ng Diyos. Ang hindi makatarungang batas ay isang alituntunin na hindi naaayon sa batas ng moral. Upang malagay ito sa tuntunin ni San Thomas Aquinas: Ang hindi makatarungang batas  ay isang batas ng tao na hindi nakaugat sa walang hanggan at likas na batas. Hindi ito banal na kinatawan; sa halip, inihayag nito kung ano ang dahilan at layunin ng kilusan ni King.

Parehong pamamaraan ang nakalahad makalipas ang anim na buwan, nang harapin ni King ang makapal na tao na nagtitipon-tipon sa Lincoln Memorial para mag martsa sa Washington. Hindi siya nagbigay ng pangaral. Siya ay nagtalumpati ng pang pulitikang nagsusulong sa pampublikong lugar para sa lipunang pagbabago. Ngunit alalahanin ang ilan sa wika na ginamit niya:”May panaginip ako na isang araw ang bawat lambak ay itataas, at ang bawat burol at bundok ay ibababa, ang magulong lugar ay magiging payak, at ang mga baluktot na lugar ay magiging tuwid; ‘At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag kasama ang kanyang buong pagkatao.”’ Direkta niyang iniuugnay ang rebolusyong panlipunan na itinataguyod niya sa mahiwagang pangitain ng propetang ISAIAS. At pakinggan ang kahanga-hangang pagtatapos ng kanyang talumpati na kung saan masining niyang pinagsama ang mga titik ng isang awit na makabayan ng Amerikano sa mga titik ng isang awit na kinakanta niya kasama ang kanyang pamilya sa kanilang simbahan: “At kapag nangyari ito, at pinayagan natin ang sirkulo ng kalayaan, kung hayaan natin ang sirkulo mula sa bawat bayan at bawat nayon, mula sa bawat estado at bawat  Hudyo at mga Hintil, Protestante, at mga Katoliko, ay magagawang magkakahawak kamay na kumanta ng mga lumang salita ng espiritwal na Negro: Malaya na sa wakas! Malaya na sa wakas! Salamat Panginoon na Makapangyarihan, kami ay malaya na sa wakas!”Minsan pa, sa salita ni King, ang mga pampulitikang pugad sa loob ng moral, kung saan namumugad sa loob ng sagrado.

Si Martin Luther King ay nagmula sa kanyang relihiyosong pamana hindi lamang sa mga metapisiko na nagpapaalam sa kanyang pagiging aktibo sa lipunan, kungdi pati na rin ang hindi marahas na pamamaraan na kanyang ipinatupad. Ang isiniwalat ni Jesus sa retorika ng Sermon sa Bundok (“Mahalin mo ang iyong mga kaaway;”Pagpalain mo ang mga sumumpa sa iyo, Ipanalangin mo ang mga taong nagpapahamak sa iyo;” pag sinampal ka sa kaliwang pisngi, ibigay mo pati ang kabilang pisngi;”iba pa;” atbp.) at higit na kapansin-pansin sa kanyang salitang kapatawaran mula sa krus ay ang paraan ng Diyos patungo sa kapayapaan, walang karahasan, at mahabagin. Bilang isang Kristiyano, alam ni King na nasa kanyang mga buto ang pagtugon sa pang-aapi na may karahasan ay magpapalala lamang sa mga tensyon sa loob ng lipunan. Binuo niya ang alituntuning ito sa kanyang isang kilalang pangaral:”Ang pagbabalik ng poot sa poot, ay nagpapadami ng poot, pagdaragdag ng mas malalim na kadiliman sa isang gabi na wala ng bituin. Hindi maitataboy ng kadiliman ang kadiliman; tanging ilaw lang ang makagagawa nito. Ang poot ay hindi maaaring magtaboy ng poot; tanging pag-ibig lamang ang makagagawa nito.”

Sa loob ng mga limitasyon ng maikling artikulong ito, Hindi ko masimulan ng maayos ang pagtugon sa kaguluhan sa lipunan na nagaganap sa ating kultura ngayon. Ngunit sasabihin ko lang ito: Maliwanag at walang alinlangan na may malubhang kakulangan sa moral sa ating lipunan na dapat talakayin, ngunit ang pinakamahusay na paraan upang gawin ito ay sa loob ng moral at sa huli ay ang relihiyosong balangkas. Sana ang pamumuno ni Martin Luther King sa bagay na ito ay maging modelo at gabay.

'

By: Bishop Robert Barron

More
Nov 19, 2021
Makatawag ng Pansin Nov 19, 2021

Tanong.   Ang krisis sa virus na ito ay ipinaunawa sa akin kung gaano kaigsi ang aking buhay, at ngayon ay nagsisimula akong mag-alala – mag-alala tungkol sa pagkakaroon ng sakit, at matakot sa kamatayan. Paano ako magiging mapayapa kung hindi ko alam kung magkakasakit ako dahil sa coronavirus?

Sagot.    Ang bawat sangay nang mga balita ay ipinapahayag ang tungkol sa   epidemya ng coronavirus ng may pag-iingat. Mahirap maiwasan ang balita tungkol sa sakit na ito – literal ito saan man. Kahit na ang Simbahan ay kailangang makisali — ang buong bansa ay nagsara ng mga pang publikong Misa nang maraming buwan sa umpisa pa lang ng taong ito. Nakita ko ang isang simbahan na may benditadong panglinis ng kamay sa lalagyan ng Banal na Tubig!

Ang babala ay isang bagay, ngunit ang pagkataranta ay medyo iba. Sa palagay ko maraming mga tao (at mga kapisanan) ang napunta sa isang paraang pagkataranta na hindi makatotohanan, o kapaki-pakinabang sa oras na tulad nito. Narito ang tatlong bagay na dapat tandaan habang lahat tayo ay naghahangad na manatiling malusog sa panahon ng virus na ito:

Una, huwag matakot. Ito ay isa sa mga madalas na paulit-ulit na kasabihan sa Bibliya. Sa katunayan, sinasabing ang pariralang “Huwag kang matakot” ay lilitaw ng 365 beses sa Bibliya – isa para sa bawat araw ng taon, sapagkat kailangan nating marinig ito araw-araw.

Bakit hindi tayo dapat matakot? Dahil ang Diyos ang may kapangyarihan. Sa ating pangangatuwiran, sa kultura na nakabatay sa siyensiya, malamang na makalimutan natin ito – sa palagay natin nasa kamay natin ang kapalaran ng sangkatauhan. Sa kabaligtaran — Ang Diyos ang may hawak, at ang Kanyang kalooban ay laging mananaig. Kung Kanyang kalooban na makuha natin ang sakit na ito, dapat nating isuko ang ating kalooban sa Kaniyang kalooban. Oo, gumawa ng mga pag-iingat na hakbang, ngunit sa ating mga puso hindi natin dapat kalimutan na ang ating buhay ay nasa Kanyang mga kamay. Siya ay isang mabuting Ama na Hindi pinababayaan ang Kanyang mga anak, at sa halip iniayos ang lahat para sa ating ikabubuti. Oo, “lahat ng mga bagay ay umaayon para sa mabuti para sa mga nagmamahal sa Diyos” – lahat ng mga bagay  kasama ang coronavirus.

Pangalawa, bilang isang Kristiyano dapat nating isipin ang katotohanan na lahat tayo ay mamamatay. Sinasabi sa Banal na Kasulatan (Roma 14: 8) na “kung nabubuhay tayo, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung mamamatay tayo, mamamatay tayo para sa Panginoon; Kaya’t kung mabubuhay man tayo o mamamatay, tayo ay sa Panginoon. ” Minsan iniisip natin na maiiwasan natin ang kamatayan magpakailanman, ngunit hindi natin ito magagawa. Ang ating buhay ay hindi natin pagmamay-ari upang kapitan ito – ang mga ito ay ibinigay sa atin ng Panginoon, bilang hiram, at kailangang ibalik natin ito kay Jesus sa isa o anumang paraan. Anong kapayapaan ang meron kapag nalaman natin na balang araw ay ibabalik natin ang mga regalong ito sa Ama!

Tulad ng minsang sinabi ng Kristiyanong manunulat na si John Eldridge, “Ang pinaka-makapangyarihang tao sa mundo ay ang inaasahan ang kanyang sariling kamatayan.” Sa madaling salita, kung hindi ka natatakot sa kamatayan, ikaw ay hindi malalampasan. Sa parehong pamamaraan, sa sandaling tanggapin ng mga Kristiyano ang katotohanang ang kanilang buhay ay hindi nila pagmamay-ari, na kailangan nating lumapit sa Diyos sa isang paraan o sa iba pa, palalayain tayo nito na matakot sa kamatayan. Pinapalaya tayo nito mula sa ating mahigpit na pagkakahawak sa buhay, na para bang ang pisikal na buhay na ito ang pinakamahalagang bagay na dapat protektahan at mapanatili. Oo, ang buhay ay isang regalo, at dapat tayong magsikap upang maprotektahan ito. Subalit ang regalo ng buhay ay hindi ganap — dapat nating ibalik lahat ng regalong iyon sa Panginoon sa isang punto. Maging ito man ay coronavirus o cancer, isang sirang kotse o katandaan, lahat tayo ay dapat mamatay. Ang mga Kristiyano ay palaging nakatingin sa walang-hanggan, kung saan ang buhay ay hindi magtatapos.

Panghuli, dapat nating alalahanin ang ating mga tungkulin sa mga may sakit. Mayroon tayong tungkulin na huwag talikuran ang mga maysakit — kahit na nakakahawa sila. Tulad ng sinabi ni Saint Charles Borromeo sa panahon ng salot noong 1576, “Maging handa na talikuran ang mortal na buhay na ito sa halip na ang mga taong nakatalaga sa pangangalaga mo.” Kamakailan, ipinagdiwang natin ang ala-ala ni Saint Frances ng Roma, na nabuhay noong unang bahagi ng 1440s sa panahon ng matinding pag-aalsa ng lipunan. Inialay niya ang kanyang buhay sa mga may sakit. Makinig sa mga salita ng isang kapanahon niya:

Maraming iba’t ibang mga sakit ang laganap sa Roma. Ang mga nakamamatay na karamdaman at salot ay kung saan- saan, ngunit hindi pinansin ng santa ang panganib na mahawa at ipinakita ang lubos na kabaitan sa mga dukha at nangangailangan. Hahanapin niya sila sa kanilang mga kubo at sa mga pampublikong ospital, at papawiin ang kanilang pagkauhaw, aayusin ang kanilang mga kama, at tatakpan ang kanilang mga sugat. Mas nakapandidiri at nakasusukang baho, mas higit na pagmamahal at pag-aalaga ang ginagawa niyang pagtrato sa kanila. Sa loob ng tatlumpung taon ipinagpatuloy ni Frances ang paglilingkod nito sa mga maysakit at estranghero… (“Life of Saint Frances of Rome” ni Sr. Mary Magdalene Anguillaria).

Tayo, din, ay dapat na maghanap ng mga paraan upang mapangalagaan ang mga biktima ng sakit na ito. Huwag talikuran ang mga nalugmok dahil dito! Ito ay tungkulin nating Kristiyano, isa sa Pangtaong Kawanggawa. Siyempre, mag-iingat, ngunit kung sakaling tayo ay mahawa ng virus na ito dahil sa pagsisilbi sa kanila, ito ay isang uri ng puting pagkamartir, pagmamahal-na-gumagawa.

At sa pang wakas, ipaalala natin sa ating sarili na ang lahat ng ito ay nasa kamay ng Diyos. Kung Kaniyang kalooban na manatiling malusog tayo, papurihan natin Siya dahil dito. Kung Kanyang kalooban na magkasakit tayo, magdurusa tayo nang mabuti para sa Kanya. At kung Kanyang kalooban na mamatay tayo mula sa virus na ito, ipagkaloob natin ang ating buhay sa Kanyang Mga Kamay.

Kaya, oo, mag-ingat, manatili sa bahay kung may sakit ka (hindi ka nagkakasala kung napalampas mo ang Misa dahil sa sakit!), Hugasan ang iyong mga kamay at sikaping manatiling malusog. At ipaubaya ang mga bagay sa Diyos.

'

By: PADRE JOSEPH GILL

More
Nov 19, 2021
Makatawag ng Pansin Nov 19, 2021

Sa isang di pa natatagalang pamamasyal, ang anak kong babae ay dinapuan ng isang masamang sumpong tulad nuong umakyat kami sa isang kamangha-manghang lungga. Habang lahat kami ay humahanga sa likas na kagandahan, palagi syang nakatungo, tumatangging tumingala. Tila hindi makatuwirang pagkaitan nya ang sarili ng isang sulyap sa karingalan ng nakapalibot sa amin, para lang tumitig sa pagal na lupa sa paanan nya o takpan ang kanyang mga mata at baka sa isang  sulyap lang ay matuksu siyang maialis sa kanyang sumpong.

Sa pagninilay, ipinaalala nito sa akin ang mga pagkakataong nakababad ako sa pagkabalisa at mga gawain ng pang-araw-araw na buhay at kaya hindi ko napahalagahan ang mga yaman na inilahad sa akin ng Panginoon  — ang paghanga sa ngiti ng isang bata; ang init ng araw sa umaga ng taglamig; ang pagkain na buong pagmamahal na inihanda ng aking asawa; o ang kamangha-manghang pagsikat at paglubog ng araw na ipinipinta ng Diyos sa kalangitan araw-araw.

Gaano kadalas nating libangin ang ating sarili sa ating mga alalahanin ng labis na oras ng panonood sa palasak na screen? Ang walang katapusang mga uri ng mga pelikula, serye, tunay-na-buhay na palabas sa telebisyon, palaro, panlipunan ugnayan at mga laro sa kompyuter ay nakikipagkumpitensya sa ating pansin. Pero, parang walang sapat na oras para sa pagdarasal, mga gawaing pamilya at mga tungkulin sa bahay. Madalas nating ipinapanaghoy na walang sapat na oras upang makipag-ugnay sa mga kaibigan sa totoong buhay. Gayunpaman, kahit ang panahong kasama natin ang mga kaibigan o pamilya ay madalas na nakatampol sa isang panoodan, o bawat isa ay may hawak na panoorin.

Marahil ay oras na upang patayin ang mga panuurin, tanggalin ang mga takip sa taynga, at kalimutan ang mga pagkabalisa at mga gawain nang ilang sandali na maibaling ang ating tanaw paitaas upang mayakap ang kaluwalhatian na dulot ng ating Panginoon araw-araw. Pasalamatan natin ang Panginoon at anyayahan Siya sa ating pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa totoong mundo na nakapalibot sa atin.

'

By: Genevieve Swan

More
Nov 19, 2021
Makatawag ng Pansin Nov 19, 2021

Ang mga unos ng buhay ay sadyang nakakatakot, subalit kapag ang mga ito ay nagngangalit, hindi tayo kailanman nag-iisa.

Ako ay lumaki sa Hawaii at sa ikatlong taon ko sa mataas na paaralan, lumahok ako bilang isang gurong-mag-aaral sa programa tungkol sa agham-buhay na pandagat kung saan dinala namin ang mga mag-aaral, lulan ng malaking bangka, sa 4 na oras na paglalakbay sa karagatan.  Kasama sa paglalakbay na ito ang pangangalap ng mga ‘sample’ ng latak mula sa ilalim ng dagat, ang pag-aaral ng panimula ng paglalayag, at ang paghahagis ng isang malaking lambat upang tipunin at alamin ang tungkol sa mga nananahanan sa karagatan.

Bahagi ng aming pamboluntaryong gawain ang pagtulong sa mga upahang tauhan na maglayag ng yate sa bawat isla ng Hawaii upang maidulot namin ang mahussy na programang ito sa mga mag-aaral sa buong estado. Buhay na buhay sa aking alaala ang gabing naglakbay kami sa paligid ng isla ng Maui. Dalawa kaming boluntaryo ang nakatanod nang biglang dumating ang isang malaking unos. Ang mga alon ay humampas sa mga gilid ng bangka habang pilit naming iniumang ang manibela sa tamang direksyon.  Ang mga laging-handang tauhan ay dumating at tinulungan kami. Sa lakas ng hangin, kami ay nawaglit sa tamang daan. Upang maiwasang maitapon sa dagat, kailangan naming magsuot ng guwarnes at ikabit ang aming sarili sa barandilyang bakal.  Madaming oras kaming nakipaglaban sa unos bago namin nadating ang katiwasayan ng isang daungan.

Madalas kong maisip ang karanasang ito kapag binabasa ko ang ebanghelyo tungkol kay Jesus at sa mga disipulo na inabot ng unos sa dagat. “Kasunod nyang sumakay sa isang bangka ang kanyang mga alagad. Bigla na lang dumating ang isang marahas na unos sa dagat, kung kaya’t ang bangka ay nasalanta ng mga alon; subalit  siya ay natutulog. Pinuntahan siya at ginising ng mga ito at nagsabing, ‘Panginoon, iligtas mo kami! Nalilipol na tayo! ’Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit kayo natatakot, O kayong may kaunting palataya?’ At siya ay bumangon, pinagsabihan ang hangin at dagat, at nagkaroon ng kapayapaan.  Ang mga kalalakihan ay namangha at nagsabi, ‘Anong uri ng tao ito, na kahit ang hangin at dagat ay sumusunod sa kanya?’ (Mateo 8:23-27).

Ginugol ng mga disipulo ang kanilang buhay sa dagat, at tiyak na alam nilang lahat ang mga taong namatay sa mga bagyo. Alam nila kung gaano kapanganib ang mga biglaang unos na ito at kung gaano kakilabot ang maging lulan ng isang bangkang ibinabalibag ng napakalakas na hangin at mga alon.

Gayunpaman, nakatulog si Hesus! Kailangang gisingin siya ng kanyang mga alagad upang mahingi ang tulong niya at tila nagulat pa siya na sila ay natakot. Panatag niyang hinarap ang mga elemento at naibalik ang kaayusan at kapayapaan sa kalikasan, lahat nito sa labis na pagkamangha ng kanyang mga kaibigan. At nagtaka sila, “Anong uri ng tao ito, na kahit ang hangin at dagat ay tinutupad siya?”

Ano ang matututuhan natin sa pangyayaring ito? Ang taong 2020 ay naging isang bagyo sa maraming paraan: isang Madami ang nasalanta ng pag-aalala at pagkabalisa sa walang katiyakang mga oras na ito, nakadamang ang pundasyon na pinaninindigan natin ay nagbabago at bumibigay na.

Para sa aking pamilya ang hirap ng kawalan ng hanapbuhay na yumanig sa amin. Nawalan ng pagkakakitaan ang kapatid kong babae sa simula ng pandemiya at ang kapatid kong lalaki ay naghahanap na ng trabaho bago pa magsimula ang mga pagsasara. Ang paghahanap ng hanapbuhay ay tila walang pag-asa habang ang mga pangangalakal ay nagsara at nagtanggalan ng mga manggagawa. Ngunit tumawag kami sa Panginoon, “ginising” si Jesus ng aming mga panalangin araw-araw na hinihiling sa Kanya na gawin ang imposible. At narinig ni Hesus ang aming pananangis. Ang aking kapatid ay natanggap sa isang kumpanya ilang araw lamang bago nito maisagawa ang pagpapahinto ng empleyo at nakahanap ang isa ko pang kapatid ng mahusay na pagkakakitaan bilang isang kasangguni.

Ang mga bagyo ay hindi kailanman maginhawa. Sa katunayan, ang mga ito ay lubhang nakakatakot! Ngunit ang Diyos ay kasama natin sa bawat bagyo. Si Jesus ay nasa bangka at hindi umaalis sa ating tabi. Iyon ang pangako niya: “Hindi kita pababayaan o tatalikuran” (Hebreo13: 5), at iyan ang kanyang pangalan: Emmanuel, “Ang Diyos ay kasama natin.”

Kapag mukhang dadagsaan ka ng mga alon at pakiramdam mo’y ikaw ay nag-iisa at madaling magapi, tumawag sa Panginoon. Patuloy kang tumawag, kahit na parang siya ay natutulog. Sumulyap na may mga mata ng pananampalataya at makikita mo si Hesus sa bangka na kasama mo. Tandaan mo, “Ang Diyos ay walang kawangis … nangingibabaw sa kalangitan upang tumulong sa yo, at sa mga ulap sa kanyang kamahalan. Ang walang hanggang Diyos ay iyong kanlungan, at sa baba ay ang mga bisig na walang hanggan.” (Deuteronomio 33: 26-27).

Kahit ano pang unos.

'

By: Ellen Hogarty

More
Nov 19, 2021
Makatawag ng Pansin Nov 19, 2021

Madalas na tayo ay mabusisi sa paglista ng mga resolusyon; ngunit bigo natin silang nagagampanan.  Paano kaya kung mayroong pagkakaiba ng diskarte sa ngayon?

Naaanod na Walang Patutunguhan

Sa ganitong panahon ng taon, ang pakiramdam na ang aking buhay ay inaanod ay isang taunang pangyayari.  Ang katapusan ng isang taon at ang simula ng isa pa, ay di-maiwasang dinala ako upang pagnilayan ang mga pagbabagong kailangan kong gawin sa buhay at sa sarili.  Gayunman, ang mga nalalabing linggo patungo sa taon, ang mga pang-bagong taong resolusyon ay nabawasan ng kahalagahan.  Ang sigla na idinulot nitong mga intensyon sa akin nuong ika-31 ng Disyembre at hanggang Enero ay nagsimulang umunti nang kusa.  Lagi kong inaasam-asam na ipatuloy ang aking pakikipagsapalaran ng kabanalan at mapa-igi ang aking sarili, ngunit napakadalas na ako ay basta lamang natitigil.  Kahit naroon pa rin ang mabubuting intensyon, at alam na kung papaanong mangyayari ito at pananatilihin ang mga ito, madalas na ako ay napapalayo.  Sa matalinghagang pananalita, naramdaman kong tila ako’y nakapirmi o umaanod nang walang patutunguhan.

Bilang isang may kagiliwan sa pagsusulat, ang Diyos ay may paraan ng pananalita ng wika ng aking puso.  Isang gabi makalipas ang mga ilang taon,  habang ang karaniwang katamlayan matapos dumaan ang Bagong Taon, ay nakapabibigat sa aking puso, isang tula ay tila umagos mula sa puso ko bilang sagot sa aking dalagin.

 

Ako At Ang Aking Sarili

May isang barkong naka-angkla
Sa gitna ng dagat na malalim at tahimik,
Ang dumating lamang na mga lulan ay
Ako at ang Aking Sarili
Nagsi-upo kami at minasdan ang bawat takip-silim
Na may katahimikan, hindi tinig.
Inakala kong mayroong bumulong
At tumayo ako upang mag-masid sa paligid.

Isang píling ang pumuno sa hangin ng gabing yaon.
Na walang nakakita sino man sa amin.
Ang pabilin nito ay para sa sumusunod:
Ako at ang Aking Sarili.

Bumasag sa kadiliman ng gabi ang aking tinig
Sinabi ko sa aking sarili,
Paano’t tayo’y nakaupo pa rin?
Tuluyang nawala natin ang tadhanang minimithi.

Sinabihan ko ang aking sarili na umugit.
Upang maghanda  sa aking paglakbay.
Sinunggaban ko ang timon ng kapitan
Upang patnubapan kami sa pagtawid ng  karagatan.

Ang barko ay hindi gumalaw.
Nanatiling nakaupo ako sa gitna ng dagat.
May hangad kaming pagalawin siya.
Ngunit ako at ang aking sarili ay hindi sapat.

Isang bulong ay muling nagpadinig,
At isinaad itong mga salita sa akin
“Tumawag ka sa hangin upang humingi ng saklolo,
Ang lakas nito ay makapagpapalaya’t makapagpapahayo!”

Ako at ang aking sarili ay naghawakan ng mga kamay.
Habang nakaluhod, kami ay nagsiyuko.
Hiniling namin sa Espiritu sa hangin
“Sa pagtawid ng karagatan, kami ay tulungan Mo!”

Nakadama kami ng pagbabago, ng pagkilos
Ano kaya ang dadaanan namin?
Ang barko, ito ay lumiko sa hangin
Upang dumausdos nang walang hirap na lubos.

Ang patutunguhan ay di namin alam
O gaano kaalon ang karagatan.
Tiwala sa Espiritu ang kailangang manatili
Upang patnubayan kami,

Ako at ang Aking Sarili.

 

Isang Tawag Lamang

Ang unang pagsulat nitong tula ay bilisang lumabas sa aking pluma; karaniwang hindi ako makapagsulat nang katamtamang bilis upang makasubaybay sa mensahe na nais ng Diyos na pagnilayan ko. Kung makita mo, para sa dakilang bahagi ng aking buhay itinuring ko ang Diyos na pangsarili kong napakagandang plano sa seguro.  Ang mga pagpapasya na may kinalaman sa buhay ko ay akin upang gawin at kung may bagay na hindi nauukol, ako’y tatawag sa Kanya upang makawala ako sa pagkakagapos.  Ako ay tatawag sa Kanya tulad ng ginagawa ko sa aking ahente ng seguro.  Alam kong nariyan Siya, ngunit tilang hindi nararapat na abalahin Siya ng mga karaniwang pang-araw-araw na pagpapasya.  Ito ay tila ganito:  Natutuwa ako’t ang aking ahente ay nariyan sa isang tawag ko lamang, ngunit hindi ko siya kailangang nakikipag-maneho sa loob ng aking sasakyan sa bawat araw.

Sinabi ng mundo na ako ang kapitan ng aking sariling barko, ngunit habang ang bawat taon ay dumaraan, napagtanto ko na hindi ko pag-aari ang sarili kong kumpas.  Isang ulok na pag-iisip!  Bukod pa rito, hindi ko alam kung papaanong maglayag.  Hindi ko alam ang unang bagay tungkol sa paglayag o pagtakda ng lakbay pasulong sa mga maalong tubig!  Itong maling uri ng pag-iisip ang nagpadpad sa akin sa pagiging nakapirmi o walang patutunguhan, sa mga unang buwan ng bawat bagong taon.  Ang Diyos ay ni-kailan naging plano ng aking seguro.  Alam na Niya ang plano para sa buhay ko higit pa sa aking kaalaman.  Siya ay nasa plano sa simula at sa kasalukuyan.

 

Ang Bagong Pagkakaiba

Isang mahalagang bagay na makilala ang pangangailangan ng pagpapabuti sa buhay ko at pagnanais ng kabanalan, ngunit ito ay hindi magagawa ng sarili  kong kakayahan.  Nang pinagnilayan ko ang mga salitang dumanak sa tula, nadama kong kumakatok ang Diyos sa aking puso upang matiyak ko na nariyan Siya, naghihintay lamang sa akin na humiling na patnugutan ang aking buhay.  Nais Niyang ihabilin ang ang plano at paraan upang gawin ito.  Isinasaad Niya sa Kawikaan 3:5-8:  “Magtiwala ka sa Diyos ng buong puso mo, huwag manalig sa sarili mong kaunawaan.  Sa lahat ng iyong mga lakad kilalanin mo Siya, at Kanyang itutuwid ang iyong mga landas.  Huwag kang magpakapantas sa sarili mong mga mata.”

Inabot ng mahabang panahon para sa akin, habang ang bawat resolusyon ay nagawa’t nalimutan, upang mapagtantuhan na dapat na hingiin ko sa Diyos ang Kanyang plano na itinitakda Niya para sa akin sa Bagong Taon.  Nang sinimulan kong ihanay ang aking kalooban sa Kanyang kalooban, naging malinaw sa akin na hindi ako nagkulang ng paghahangad.  Ako ay naging napakahangal.  Nang  inihanay ko ang aking kalooban sa Kanya, natanggap ko ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ko.  Isinasaad sa atin ni San Pablo sa mga Taga-Filipo 4:13: “Ako ay may lakas para sa lahat ng bagay sa pamamagitan Niya na nagpapalakas sa akin.”

Ang aking mga resolusyon sa Bagong Taon ay may bagong pagkakaiba sa mga araw na ito.  Sa mapagnilay-nilay na dalangin hinihiling ko sa Diyos na ilahad, ayon sa Kanyang panahon, ang plano Niya sa Bagong Taon para sa akin.  Buong pagkukumbaba kong hinihiling sa Espiritu Santo na patnubayan ako at tulutang magyari ang mga bagay ayon sa banal na plano ng Diyos.  Hinihiling ko ang biyaya ng pananampalataya, na kahit sa karimlan ng mga tubig, makakapiling ko Siya, magtiwala na inaakay Niya ako at upang tanggapin ang Kanyang banal na kalooban para sa aking buhay.  Sinasabi sa aklat ni propeta Jeremias, “Pagka’t sadyang alam ko ang mga plano na iniisip Ko sa inyo; mga plano tungkol sa  inyong  kapayapaan at hindi sa inyong kapighatian, upang mabigyan kayo ng kinabukasang may pag-asa” (29:11).  Ito ba’y hindi ganap na kaibig-ibig?

Para sa ating may mga kapakinabangan ng gulang at karanasan, malinaw na mayroong mga panahon at mga oras para sa bawat bagay sa buhay.  Itong kasalukuyan ay maaring panahon upang tigilan ang pag-aanod at maaaring ito ang panahon upang ihanay ang iyong mga Pambagong Taong resolusyon sa banal na loob ng Diyos para sa iyo.  Nawa’y pagpalain ka ng Makapangyarihang Diyos at kausapin ka ayon sa diwa ng iyong puso.

'

By: Teresa Ann Weider

More
Oct 29, 2021
Makatawag ng Pansin Oct 29, 2021

Sindak sa kanyang sinabi, tinitigan ko siya …

Iyon ay isang napakagandang araw sa dalampasigan, walang ulap sa kalangitan.  Muli akong humimlay sa aking upuan na pantabin-dagat at ibinaon ang aking mga paa sa buhangin, kinawag-kawag ko ang aking mga daliri sa paa, inaasam na makaramdam ng bahagyang lamig ng buhangin sa pagitan ng mga ito. Yaon ay isang napakainit na araw ng Hulyo sa kanlurang baybayin ng Florida.

Masaya naming ipinagdiwang na magkaibigan ang araw na yon, pinanonood ang aking tatlong taong gulang na anak na lalaki habang siya ay nakasakay sa likod ng kanyang labindalawang taong gulang na pinsan samantalang gumagapang siya sa mababaw na berdeng tubig.  Mababa ang alon sa tabi ng daanan ng mga sasakyan kung saan ang isang makipot na pasukan ng tubig ay nagbigay sa mga bata ng malawak na puwang para makapaglaro sa malamig na tubig ng dalampasigan.  Ang pinakamainam na lugar!

Huminga ako nang malalim, binuksan ang palamigan, kinuha ang aking malamig na bote ng tubig at lumagok.  Kailangan kong uminom lagi ng tubig para manatiling malamig at hindi manuyo /mauhaw dahil halos siyam na buwan ko nang dinadala ang aking pangatlong anak.  At matapos ay nagbalik-tuon ako sa aking anak na nasa tabin-dagat. Naghiwalay na sila ng pinsan niya at nakatawang tumakbo at nagtampisaw sa tubig. Pagkatapos, siya ay parang naupo, ngunit tila napakababa ng pagkaka-upo niya sa tubig. Hindi ito makatuturan.

“Ano ang ginagawa niya? Bakit hindi siya tumatayo?” napasigaw ako habang tinutulak ang aking sarili palabas ng upuan. “Hindi ko maintindihan …”

“Kataka-taka yon,” sabi ng kaibigan ko.

Nakadama ako ng takot sa buo kong katawan, “Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Dios ay sumasaiyo,” nagdadasal habang kumarimot ako ng takbo sa tubig, ang mga mata ay nakatuon sa kanyang maliit na ulo, “Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang nasa iyong sinapupunan.  Santa Maria, Ina ng Diyos … Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya.  Ang Panginoong Dios ay sumasaiyo…” “Nakayapak sa tubig, nagtaka ako, ‘Bakit hindi siya tumatayo, mangyaring huwag Mong hayaang lumubog ang kanyang ulo sa ilalim ng tubig, pakiusap, Jesus.”

Kapos sa paghinga at puno ng takot, uinabot ko ang lugar at natuklasan kong napunta siya sa isang butas sa mabuhanging ilalim na hindi kita mula sa tabin-dagat. Takot na takot siyang sumisikad sa tubig, sinisikap na manatiling nakalutang ang kanyang ulo. Para akong tinamaan ng kidlat sa malaking takot.  Sinunggaban ko siya at hinila palapit sa akin habang papalabas ako sa butas. “Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya.  Ang Panginoong Dios ay sumasaiyo…” Ko Pakiusap, Maria, Mangyaring Iligtas Mo Siya, Pakiusap, Maria, makikinig sa iyo si Jesus.  Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat …”

Hirap na hirap ang kanyang paghinga.

“Tawagan nyo ang 911,” isang lalaki ang nagsabi.

Lumingon ako at tinitigan siya ng may pagkabigla.

“Ano? Hindi napunta sa ilalim ng tubig ang kanyang ulo, ”sabi ko, nagtataka kung saan siya nagmula.

“Tawagan nyo ang 911.  Kung lumanghap siya ng tubig, maaari siyang malunod sa may paradahan!  Tawagan nyo ang 911,” madiin niyang pahayag.

Lumingon ako at humiyaw sa kaibigan ko na tumawag sa 911. Kasabay nito, bagabag akong nagtaka kung ano ang pinagsasabi niya.

Nagsuka ang anak ko sa aking balikat.

Humiyaw ulit ako, “Tawagan mo ang asawa ko.”

“Aba ginoong Maria napupuno ka ng Grasya, …”

Lumapit pa nang kaunte ang mamà.

“Nasa kabilang bahagi ako ng daanan at nagsalita ang Diyos sa aking puso.  Sinabi niya sa akin na manalangin nang taimtim at agad na tumakbo sa kabilang bahagi ng daanan.  Nakita kitang nasisindak at nalaman kong dito ako dapat magpunta at siya ang dapat kong ipanalangin.”

Napatingin ako sa kanya, gulát sa kanyang mga pinagsasabi at sa bigat ng pangyayari.

Niyakap ko nang mahigpit ang aking anak, “Okay ka lang katoto.”  Tahimik akong nagpatuloy, “Aba ginoong Maria, napupuno ka ng Grasya, ang Panginoong Dios ay sumasaiyo …”

Dumating ang aking asawa, kinuha ang aming anak at ipinatong sa kanyang balikat.

Sumuka na naman siya.

Pinunasan ko ang kanyang bibig, humilig sa kanyang mukha at sinabi,

“Magiging ayos ka katoto.  Magiging maayos ang lahat, ”pilit na tinatakpan ang aking nag-aalsang takot at dalamhati.

“Aba ginoong Maria …” patuloy ako habang sinisikap ko siyang aliwin.

Dumating ang ambulansya.  Pumalit ang mga paramedics.

“Tinatawagan namin ang sasakyang panghimpapawidr para ilipad siya sa All Children’s Hospital,” sabi nila.

“Ano? Bakit? Ang kanyang ulo ay hindi napunta sa ilalim, “sabi ko.

“Hindi mahalaga yon, kailangan nating matiyak na ayos siya,” sabi nila.

Napatitig ako sa kanila sa pagkabigla.  Hindi ito maaaring mangyari, naisip ko.

“Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat …”

Nagkatinginan kami ng asawa ko.

Ang mamang katabi ko ang bumasag sa katahimikan.

“Hindi ako titigil sa pagdadasal.”

Lumapag ang sasakyang panghimpapawid.

Ang paramediko ay lumabas sa sasakyang panghimpapawid at lumapit sa    amin, nakalahad ang kanyang mga braso upang kunin ang aming anak.

“Sasama ako sa kanya,” sabi ko.

“Paumanhin po pero hindi ka maaaring sumama sa amin sa helikopter.  Hindi namin kayo sabay na maalagaan.  Maaari kang mag-damdam gawa sa bigat ng pag-aalala. Aalagaan namin siya nang maayos.”

“Ako ang sasama,” ang pahayag ng aking asawa.

“Hindi, hindi din namin kayo madadala, ginoo, siya lamang. Dapat namin          siyang pagtuunan ng pansin,” giit nila.

Lugmok kaming nakamasid na mag-asawa habang dinadala nila ang aming anak sa helikopter.

“Aba ginoong Maria, napupuno ka ng Grasya, Pakiusap, Jesus, Maria, Pakiusap…”

Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat.

“Tayo na,” sabi ng asawa ko.

Sumakay na kami at humarurot sa daanan papunta sa All Children’s Hospital.

“Hindi ka maaaring mag damdam,” aniya.

“Ayos ako,” ang sabi ko, “Basta padatingin mo tayo doon nang mabilis,” habang tahimik akong nagpatuloy, “Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang bunga sa iyong sinapupunan.”

Tumigil kami sa lote ng Emergency Room at tumakbo patungo sa ospital.  Itinuro nila kami sa lagusan patungo sa kalingaan ng mga bata.

Tumakbo ang aking asawa at sumunod ako, humihingal, walang sapatos at nakabihis ng basang suot-panlangoy.

“Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya…”

Pinapasok kami sa kanyang silid. Umakyat ako sa kama niya at hinawakan siya.

Pumasok ang doktor.

“Siya ay matatag na at nasa mabuting kalagayan, ngunit papanatilihin namin siya dito nang magdamag bilang pag-iingat,” aniya.

Napabuntong hininga ako ng kaginhawahan, at tahimik na nagpatuloy sa pagdadasal samantalang ang aking mga saloobin ay nagkahalu-halo sa katarantahan habang nagtataka kung paano nangyari ito.

Nakatulog ang anak ko sa aking mga bisig at nakadama ako ng pasasalamat, pero may-sala.  Ako ay isang masamang ina na halos hayaang malunod ang kanyang anak.  Balót ng kahihiyan, hinayaan kong dumaloy ang luha sa madilim, tahimik na silid ng ospital.

Humahagulgol dala nang pagkabalisa, tinawagan ko ang aking espiritwal na ama, isang banal na pari.  9:30 ng gabi, kaya’t maliit ang pag-asa ko na sasagutin niya. Ang kaniyang boses ang bumasag sa aking ligalig na isip.

Sumagot siya!

Ibinuhos ko ang buong nakapanghihilakbot na pangyayari sa araw na iyon.

“Ipagdasal mo po siya Padre, pakiusap po,” pagsusumamo ko.

Sumabay siya sa akin sa pagdadasal, ngunit masama pa din ang loob ko.

“Muntik nang malunod ang aking anak nang dahil sa akin,” pagtatapat ko.

“Hindi!  Iniligtas mo ang buhay ng anak mo,” mapagbigay-tiwala niyang sinabi.

Ang mga hikbi ng kaginhawahan ay nakihalo sa luha ng takot at pag-aalala.

“Sumaiyo ang Panginoon.  Magiging maayos ang lahat,” aniya.

“Salamat Padre,” sagot ko.  Bumabà ang tingin ko sa aking munting anak na payapang itinulog ang pinsala ng araw na yon.  Yumapos ako sa kanya habang patuloy na humihiling sa ating Ina na mamagitan, hanggang sa ako ay nakatulog na din.  “Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Pnginoong Diyos ay sumasa iyo …”

Kinaumagahan, buong pasasalamat naming nilisan ang ospital kasama ang aming masaya at malusog na anak. Hindi pa kami natatagalang nakauwi, nang humarap ang aking asawa sa kanyan at nagsabing, “Panahon na para maglanguyan, katoto.”

Nangangambang napatitig ako sa aking asawa. “Hayaan mo akong gawin ito,” bulong niya,

Nasasabik ngunit kinakabahan, pinanood ko ang aking asawa na hikayatin siya sa tubig, at masaya silang nagsilangoy.

Sa kanyang susunod na pag-aaral sa paglangoy, matapat na sinabi ng kanyang guro na nang nakaraang linggo lamang niya itinuro sa kanya kung paano lumutang ng tubig.

Napaiyak ako.

Salamat Jesus, salamat Maria.

'

By: Rosanne Pappas

More
Oct 29, 2021
Makatawag ng Pansin Oct 29, 2021

Naniniwala ka ba na ang Diyos ay nandito kasama natin, sa sandaling ito?

“Tiyak mong nakikita ka ng Diyos saan ka man naroon kaya mag-ingat ka sa lahat ng sandali sa iyong mga pagkilos.” Ang talatang ito mula sa ika-apat na kabanata ng Panuntunan ni San Benedicto ay angkop na nagsasalarawan sa isa sa mga pangunahing alituntunin ng Panuntunan: kamalayan na palagi tayong nasa presensya ng Diyos. Ang pagkabatid na tayo ay nasa palagiang sulyap ng Diyos ay parehong pinakadakilang mapagkukunan natin ng lakas laban sa tukso, at pinakamabisang pagpapaalala ng lubos na pagmamahal at pag-aaruga ng Diyos sa atin na Kanyang mga nilikha.

Ang katiyakan na walang kilos ang nakakaligtas sa pagmamatyag ng ating Lumikha ay nagbibigay dahilan na dapat natin laging pakaisipin ang ating pag-uugali at supilin ang ating angking pagkiling sa kalabisan o kawalan ng pagsasagawa; at sa halip pa, tinutulungan tayo nitong ituon ang mga hangarin sa kaluwalhatian ng Panginoon.  Sa taguyod ng mapagmatyag na mata ng Diyos, malamang na di tayo labis iinom ng alak o matutulog nang labis na malalaktawan natin ang pang-umagang panalangin.

Makapukaw-damdaming Panukala!

Ang mga pagkakawanggawa natin ay kayamanang maka-Langit, ngunit kung minsan ang mga ito ay nababahirdan ng pagkamakasarili. Dapat isaisip ang babala ni Hesus sa Ebangelyo ni San Mateo:” Mag-ingat sa paggawa ng makatuwiran sa harap ng kapwa, nang masaksihan nila ito, sapagkat sa gayon ay wala kang gantimpala mula sa iyong Ama na nasa langit.” (6: 1).  Ang paunang salita ng Panuntunan ni San Benedicto ay nagtuturo kung paano gawing dalisay ang ating mga hangarin: “Sa tuwing magsisimula ng mabuting gawain, magmakaawa [sa Diyos] nang may taimtim na panalangin na gawin itong ganap na mahusay.” Ang pagdadasal bago simulan ang pinakamaliit na gawain ay hindi lamang para gamitin ng Diyos ang ating mga kilos nang magawa Niya ang Kanyang mga layunin kundi nagpapaalala din sa atin na sa lahat ng ating gawain, ang Diyos ay kasama natin.

Naniwala si Benedicto na “ang Banal na Presensya ay nasa lahat ng dako, at ang mga mata ng Panginoon ay nakamasid sa mabuti at masama sa bawat lugar” (Panuntunan, Kabanata 19). Yamang dapat nating laging ipalagay na kasama natin ang Dakilang Lumikha, hinahamon tayo ni Benedicto sa naturang kabanata na “isaalang-alang kung paano tayo dapat kumilos sa presensya ng Diyos.” Isang makapukaw-damdaming panukala!

Subalit, naniniwala ba talaga tayo na ang Diyos ay kasama natin dito, sa sandaling ito? Ang totoo, kahit naniniwala tayo dahil sa pananampalataya na ang Diyos ay nasa lahat ng dako, madali nating maiwakli ito, lalo na kapag tayo ay nasabit sa pang-araw-araw na mga gawain. Madaling tayong mapahanga ng matinding Presensya ng Diyos kapag pinanunuod natin ang makapigil-hiningang paglubog ng araw, ngunit mahirap matanti ang Kanyang kapangyarihan at presensya pag inilabas natin ang basura.

Nagiging Ganap na Mahusay sa Pagsasagawa

Ang pagka-sa-lahat-ng-dako ng Panginoon ay hindi lamang isang teolohikal na pag-unawa na dapat nating tanggapin, kundi isang kagawian na kailangan ang paglinang.

Ang patuloy na kamalayan at pagtugon sa Presensya ng Diyos, na kilala bilang isang paggunita, ay isang nakamtang sanay ng pagsasaloob na pinag-ukulan ng ilang taóng pagsasagawa ng madaming santo — marahil kahit ni San Benedicto!

Isang paraan sa pagpapairal sa gayong paggunita ay ang tanungin ang sarili bawat araw kung paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa atin sa araw na iyon. Habang ginugunita natin ang napakadaming paraan na ipinapakita sa atin ng Diyos ang Kanyang malambing na pag-aaruga at awa, kusang napupuno ng pasasalamat at papuri ang ating mga puso, na magtatanim naman sa ating puso at isip ng taos na pagmamahal sa Diyos. Sa bandang huli, ang pagbibigay-luwalhati sa ating Lumikha, sa isip, salita, at gawa, ay nagiging pangalawang likas nating katangian.

Di-maiiwasang kahit na ang pinaka-magugunitain sa atin ay nawawalan na pananaw sa Diyos sa oras ng kaguluhan at kahirapan ng buhay. Ngunit ang totoo, sa mga oras ng takot at pagkalito kung kailan ang Diyos ay tila malayo, Siya ay talagang mas malapit kailan pa man, “sinusubukan tayo sa apoy” [pagsubok sa gitna ng kagipitan] upang mas mapalapit tayo sa Kanya. Sa gayon, hinihimok tayo ni San Tiago na “ibilang itong isang wagas na kagalakan kapag napaloob sa anumang uri ng pagsubok. Pakaisipin na kapag ang iyong pananampalataya ay sinusubukan, ito ay nagiging matatag”(1: 2-3). Bagaman hindi natin maramdaman ang tunay na kagalakan sa sandaling iyon ng pagsubok, napakalaking halaga ang pagtangka nating harapin ang anumang panganib nang may pananampalataya, na ang Diyos ay kasama natin at magbibigay ng kaginhawahan.

Pagsasamang Punó ng Kaligayahan  

Totoo, sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan na walang alinlangang hindi tayo kailanman iiwang mag-isa ng Panginoon, lalo na sa mga oras ng ligalig. Sa Awit 91, tinitiyak ng Diyos na kapag tayo ay tumawag, Siya ay sasagot:

“Kasama mo ako. Ililigtas [kita] sa pagkabalisa at bibigyan [kita] ng kaluwalhatian” (15).

Sino ang makakalimot sa makabagbag-damdaming mga salita ni Jesus na sinipi mula sa Awit 22 habang Siya ay nakapako sa Krus: “Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?” (2). Gayon pa man ang mismong salmong iyon ay nagtapos sa Isang puno-ng-pag-asang panipi na hindi pa nadidinig ng madami: “Sapagkat hindi Niya pinabayaan o hinamak ang paghihirap ng abang taong ito, hindi Ako tinalikdan, bagkos, pinakinggan Ako nang ako ay sumigaw” (25). Sa totoo, ang huling ikatlong bahagi ng salmo ay isang paanyaya upang purihin ang Diyos!

Ilang oras bago Siya dakpin, sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad na Siya ay itatakwil ng mga ito ngunit gayunpaman ay nagwika, “Hindi Ako kailanman mag-iisa; ang Ama ay kasama Ko”(Juan 16:32). At bago umakyat sa Kanyang Ama, nangako sa atin si Hesus, “Dapat mong malaman na lagi mo akong kasama” (Mateo 28:20).

Ang mga lungkot, hirap, balisa, yamot, kahinaan, tunggali, saway, paghamak — lahat ay maaaring pasanin at tanggapin kapag nakatuon ang pananaw natin Kay Jesus, na si Emmanuel –kasama-natin-ang-Panginoon– (Mateo 1:23). Kapag ang Siyang minamahal natin ay nakapaligid sa atin — sa unahan natin, sa likuran natin, sa ibabaw natin, sa ibaba natin, sa tabi natin — ang mga dating panghihinayang at mga dadating na pag-aalala ay nawawalan ng kapangyarihan. Sa ilalim ng mapagsang-ayon na mga mata ng Amang Makapangyarihan, na ang lahat ay nakikita, ang buhay na kasama si Jesus sa kasalukuyang sandali ay Isang pagsasamang puno ng kaligayahan. “Ngayon ay isang kasiya-siyang sandali; pagmasdan, ngayon ay ang araw ng kaligtasan! (2 Corinto 6: 2).

'

By: Donna Marie Klein

More
Oct 29, 2021
Makatawag ng Pansin Oct 29, 2021

Ang Simbahan ba ay nagpapataw ng mga “mabibigat na moral na paghihigpit” sa mga taong magkaparehong-kasarian ang oryentasyon?  Kunin ang katotohanan nang tuwid, galing dito. 

Sa nakalipas na mga taon, ako’y nagkaroon na ng mga napakainam na estudyante sa aking klase na may parehong-kasariang oryentasyon, at, mangyari pa, bilang isang Diyakono ng Simbahan, marami akong kilalang mga matatapat na Katoliko na may tularing-kasarian na oryentasyon.  Mahalaga na mapansin kaagad na maraming taong may parehong-kasariang oryentasyon ay hindi namumuhay ng masiglang sekswalidad.  Marami nang dumaan ng landas na yaon at natagpuan itong hindi sapat (nangangahulugang hindi lahat ng inaakalang bunga nito ay nagaganap).  Marami ang naghahabilin sa bisa ng kalinisang-puri—isang bahagi ng birtud ng kahinahunan.  Sa ibang salita, maraming magkaparehong-kasarian na Katoliko ay napagtanto na kung ano ang dapat na maunawaan ng mga karaniwang mag-asawa—na ang kasiyahan ay hindi nagmumula sa matalik na seksuwal na pagsasama.  Sa halip, ang kasiyahan ay mula sa matinding kaugnayan sa Diyos, at isang moral na buhay na sang-ayon sa ganitong uri ng pagsasama.  Hangga’t ang tao ay wala pang tunay na pakikipagtagpo sa Panginoon, karamihan sa mga itinuturo ng Simbahan ay magmimistulang kaunting higit pa kaysa sa mabibigat na mga pagpataw, na nangangahulugang hindi- kinakailangang paghihigpit sa ating sariling kasiyahan.

Kung maari lamang…

Ang nakawiwili ay maraming Katoliko na may parehong-kasariang oryentasyon ay tahasang  nagbigyang-diin sa di pagkagustong maging deretsahan, ibig sabihin, hindi pagkagustong magpakita at ituro ang mga batayang prinsipyo ng Katoliko sa seksuwal na aral, ay nakagawa ng labis  na kapinsalaan sa kanila.  Kung ang mga pari, mga katekista at mga guro ay naging mas matungkulin at nagpakita ng dakilang pagkamaalalahanin para sa mga matapatin sa pagturo ng pangkasariang etika at ang kalikasan ng pag-aasawa, sila (mga pari, mga katekista, at mga guro), ay maaaring nakapag-adya ng mga kinauukulan (mga Katolikong may parehong-kasariang oryentasyon) mula sa labis na panukala ng pasakit at nasayang na mga taon.  Sa madaling sabi, ang larawang madalas na ipinipinta ng midya o tanyag na kultura ay ang lahat ng mga taong may parehong-kasariang oryentasyon ay nasa isang panig, at ang Simbahan na may  “mapasaning moral na mga paghihigpit” ay nasa kabila.  Ang naturingang larawan ay sadyang hindi sang-ayon sa mga katotohanan.  Maraming Katoliko na may parehong-kasariang oryentasyon ay ganap na nakababatid ng pagkakaiba ng aliw sa ligaya, mahinhinang namumuhay ng tapat na ang kalagitnaang pinalilibutan ay ang Yukaristiya, inaakay ang kanilang Inspirasyon na nagmula sa mga pari, mga madre na matapat na isinabubuhay ang kanilang panunumpa ng kalinisan o mga panata ng pagiging walang asawa.

Ang sekswal na moralidad ay hindi mauunawaan sa labas ng katalastasan ng kalikasan ng pag-iisang-dibdib.  Ako ay nagtuturo ng Pangkasalang Paghahanda sa Arkdyosis, at masasabi ko ng may-kaukulang katiyakan na karamihan sa mga mag-asawang ikinakasal ngayong araw ay hindi nalilinawan ng buo kung ano ang kanilang ginagawa kapag pinili nilang magpakasal.  Sa madaling sabi, hindi lahatang malinaw sa kanila kung ano talaga ang pag-iisang-dibdib at paano ito nakaugnay sa sekswal na pagpapahayag.  Ito ay malinaw dahil tayo ay namumuhay sa kultura na talagang nawala na ang diwa ng totoong kalikasan ng pag-iisang-dibdib.  Mayroong kailanan ng mga dahilan na maaaring maipaliwanag ito, sisimulan ng Rebolusyong Sekswal ng mga kaanimnapung-taon; ang paninimula ng walang-salang paghihiwalay noong kahulihang bahagi ng mga kaanimnapung-taon; ang paninimula ng Karaniwang Batas na “pag-iisang-dibdib” (ang mag-asawa ay nagsasama ng mahabang panahon at pagkatapos ay tinuturing ng estado na tila sila ay ikinasal); ang paghihiwalay ng pagtatalik sa palagay ng mga bata (paghihiwalay na nagawang posible sa pagyari at pamamahagi ng mga makabagong kontraseptibo, atbp.).

Ngunit ang kasal ay lagi nang naunawaan bilang isang institusyon.  Ito’y higit pa sa pakkiipagkaibigan—ang ating mga pagkakaibigan ay pribado, ang mga ito ay hindi institusyon.  Ang buhay may asawa ay isang samahan na umiiral para sa panlahatang kapakanan (institusyon).  Kung ang selula ay isang yunit ng buháy na organismo, ang kasal ay ang pangunahing yunit ng lipunan.  Ang pag-iisang-dibdib ay isang kakaibang hiwaga.

Kahit pagkaraan…

Sa maikling salita,  ito ay ang pagsasama ng dalawa bilang isang laman, isang katawan.  Ito ay isang ganap (buo) at tugunang pag-aalay ng sarili sa isa pa, at dahil “ikaw ang iyong katawan,” upang i-alay ang sarili mo ay upang i-alay ang katawan mo.  Sapagkat ito ay ganap at buong pag-aalay, ito ay hindi mababawi—hindi ko mababawi kung ano ang hindi ko na mapanatili ang bahagi na aking inaalay.  Kung ito ay tugunan sa isa’t isa, ang dalawa ay naghabilin na sa bawat-isa kaya ang katawan ng babae ay sumapi sa lalaki at ang katawan ng lalaki ay sumapi sa babae.  Sila ay ganap na naging pagsasama ng isang laman.  Ang likas na pagpapahayag ng pagsasama ay ang sekswal na pagtatalik (ang pangmag-asawang kilos).  Sa kilos na ito, ang lalaki at babae ay nagiging “isang pampag-anakang organismo” (ang lalaki ay di-ganap na pampag-anakan, at gayundin ang babae.  Ngunit sa kilos ng mag-asawa, ang dalawa ay nagiging isang pampag-anakang katawan).  Sa pagtatalik, ang dalawa ay nagiging pagsasama ng isang laman, kung ano ang pag-iisang-dibdib.  Kaya ang pagtatalik ay isang pagpapahayag at pagdiriwang ng pangmag-asawang pagmamahalan.  Mayroong dalawang bahagi ng kabutihan sa pagtatalik; ito’y nagsisilbi ng dalawang layunin: 1) upang magpahayag at magdiwang ng pangmag-asawang pag-ibig, at 2) ang paglikha ng bagong buhay.

Iyan ang dahilan kung bakit isa sa mga sagabal na magpapatunay na ang kasal ay walang bisa (hindi-umiiral) ay ang kawalan ng sigla o kakayahan, na nagpapahiwatig ng walang kakayahang makipagtalik (walang kakayahang matupad ang pag-iisang-dibdib).  Ang kawalan ng pagyabong o kabaugan ay hindi isang sagabal sa pag-iisang-dibdib; hindi kinakailangang magkaroon ng totoong mga anak upang maging totoong kasal, ngunit ang pagiging bukas sa mga anak ay isang kinakailangang saligan para sa tunay na kasal, at kaya ang kusang layunin na hindi magkaroon ng mga anak ay patunay na ang pag-iisang-dibdib ay walang bisa (hindi umiiral).  Ang iba pang mga sagabal na nakasasanhi ng walang bisang kasal ay dahas o pannpupuwersa, panlilinlang (siya’y hindi ang taong naudyok akong paniwalaang siya), kusang pag-iiwan ng puwang upang makaphiwalay (ang layunin ay dapat hanggang “ang kamatayan ay paghiwalayin tayo”), kakulangan ng hustong pag-iisip (ang moral at pangkaisipang mga kailanganin upang totoong maikasal ay sadyang wala sa kahit isa lamang sa dalawa—ito ay lubhang mabigat na suliranin sa maraming tao ngayong araw, pagkat ang kultura natin ngayon ay hindi kaaya-ayang makapagpalaki ng mga matitinong matatanda).

Ang pag-iisang-dibdib ay naituring ng Hudeo-Kristiyanong kaugalian bilang isang nilalayong institusyon na may maliwanag na pinagmulan, ito’y hindi itinatag ng lipunan, na inaakala ng mga pangkasalukuyang makabago.  At dahil ang pag-iisang-dibdib ay pagbubuklod ng dalawa sa isang katawan, isang laman, ito ay matutupad lamang ng isang lalaki at isang babae.  Ito’y hindi mangyayari sa dalawang taong magkatulad ang kasarian upang maging isang katawan sa pag-ganap ng sekswal na pagsasama.  Sa ibang salita, hindi maaaring matupad ang pag-iisang-dibdib kung ang dalawa’y magkapareho ang kasarian.

Ang sekswal na etika—kahit para sa atin lamang—ay malimit na nagsisimula ng pagkaunawa na may kinalaman sa pag-aasawa.  Ang pagtatalik bago maikasal ay panimulaing tagpo ng pakikipagsiping sa katawan ng iba—pagkat ang dalawa ay naghahayag at nagdiriwang ng kasal na hindi umiiral.  Ngunit ang pagtatalik ng ikinasal na mag-asawa ay tunay na isang banal na kilos; isang nagbibigay-biyayang kilos. Sa labas ng ugnayang ito, ang pagtatalik ay karaniwan at halos-lahat ng kabuuhan nito ay isang uri ng paggawa ng paraan  upang makamit ang sekswal na aliw.  Ang pakikipagtalik sa ibang tao na hindi bilang isang buo at lahat na pag-aalay ng sarili sa kasal, ngunit bilang isang paraan lamang sa sekswal na aliw, ay upang gamitin lamang ang iba bilang paraan sa isang layunin; at ang paggamit ng iba bilang paraan sa layunin ay laging labag sa moral na alituntunin na pagtrato sa mga tao bilang mga layunin sa kanilang sarili, kailanma’y hindi bilang paraan sa  layunin.

Pagtuklas ng Ligaya

Mayroon pang mas maraming matatalakay dito sa pilosopiko at teyolohikong pag-unawa ng pag-iisang-dibdib at ang kahulugan ng sekswal na kilos kaysa maaaring maipahayag ng sapat para sa artikulo na ganito ang sukat, ngunit para sa malaking bahagi ng populasyon, ang sekswal na relasyon ay hindi na talagang isang bagay na may lubhang mensahe ng   kahalagahan.  Kadalasan ay ito’y hindi mas makabuluhan kaysa makainom ng martini o makalabas patungong Dairy Queen para sa sorbetes, o ibang bagay na magagawa mo na kasama kung sino man.  Ngunit ang  hangad ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at kabanalan ng pagtatalik at ang tunay na kahalagahan ng pag-iisang-dibdib ay napagtibayan ng kanyang paniniwala na ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan, at anuman ang nakapipinsala ng yaong yunit ay nakapipinsala sa pangmamamayang nayon bilang isang kabuuhan.

At kaya naman, ang Simbahan ay tinatawag ang mga taong may parehong-kasariang oryentasyon sa  buhay na kalinisan.  Ngayon ito’y maaaring mapakinggan ng may kalupitan para sa iba, ngunit ito’y maaari rin na mas maiging maging kalagayan ng kasalungat na paglapit na talagang malupit.  Higit pa rito, ang pagpapari ay marahil na mas mahalaga ngayong araw kaysa noon.  Ang isang makisig na pari o magandang madre na nakapagpahayag o nakapagpanata na ng kalinisan o buhay na walang asawa, at nakapamamanaag ng ligaya, nakapagbibigay ng mabisang katibayan na ang kasiyahan (o ligaya) ay hindi nagmumula sa matalik na sekswal na pagsasama; ngunit higit pa rito, ang kasiyahan ay natatagpuan kay Kristo.   Patas na mahirap para sa mga ikinasal na mag-asawa na makita Ito.  Sila’y malimit na naniniwala na ang kanilang kasiyahan ay matatagpuan sa isa’t-isa.  Ngunit si San Agustin ay isinaad noon, sa unang pahina ng kanyang Pagtatapat: “O Panginoon, nilikha Mo kami para sa Sarili Mo, at ang aming mga puso ay walang pahinga hanggang sila’y makapahinga sa Iyo.”  Sa ibang salita, nilikha ka ng Diyos para sa Kanyang Sarili, hindi para sa iba.  Ang lubos na kasiyahan ay ni-kailanma’y matatagpuan sa ibang mga tao, ngunit sa Diyos lamang.  Kung tinawag ng Diyos ang lalaki sa buhay na may asawa, siya’y tinatawag Niya upang mahalin ang kanyang kabiyak para sa kapakanan ng kanyang kabiyak, hindi para sa kanyang kapakanan o kanyang sariling kasiyahan.  Tinatawag Niya itong lalaki upang mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagmahal niya sa babae para sa kapakanan niya at ng Diyos.  Sa kasawiangpalad, maraming tao ang “naglalahad ng kanilang kamay” sa mga salitang kanilang minumutawi, nagsasabi ng mga bagay tulad ng “pinupuno niya ang puwang na nasa akin”, o “hindi na ako makadama ng kaganapan, kaya iniwan ko siya”, na tila ang pag-iisang-dibdib ay tungkol lamang sa “aking katuparan”.

Hindi masusukat

Mayroong napakatinding yaman ng pamana dito sa paksa ng sekswal na etika at kalikasan ng pag-iisang-dibdib sa kasaysayan ng Simbahan na nakapagdanas ng matinding pag-unlad sa ikadalawampung siglo (ito ay, ang Teyolohiya ng Katawan), at tuwing itinuturo namin ito sa aming mga estudyante, sila’y may sumasang-ayon na reaksyon.  Ito’y totoo rin sa mga estudyanteng may parehong-kasariang paghahalina.  Marami sa kanila ang nakabatid ng katotohanan ng mga itinuturo at sila’y nagpapasalamat sa pagtanggap ng mga ito.  Sa kasawiangpalad, maraming mga kleriko ay takot na ituro ito, at maraming mga tagapagruro ay hindi kilala ito.

Ang katunayan ay, tayong lahat ay may mga sariling pakikibaka.  Ano mang landas na tinatawag tayo ng Panginoon upang tahakin, mayroong mga pagpapakasakit na kinakailangan nating gawin, mga labanan sa ating mga sarili at ating mga kakaibang kalokohan na kailangan nating sagupain, ngunit ang ating kasiyahan ay tiyak na nasa katapusan ng ating landas.  Higit na mahalaga, “ang landas patungong langit ay makalangit”, bilang pasalungat, “ang landas patungong impyerno ay mala-impyerno.”  Kung ang mga tao’y mag-uumpisang talangguhitan ang kanilang sariling mga larangan ng labanan at ang tiyak na landas na tinatawag sila ng Panginoon na sundin, kasama ng lahat ng mga pagpapakasakit na kailangan nilang gawin, masisimulan nilang maranasan ang ligaya na hindi nila inakalang mangyayari.  Karamihan sa mga tao’y napapailalim ng maling akala na ako’y magiging masaya lamang kapag magagawa ko ang gusto kong gawin; malimit na dumadaan sila landas na yaon upang matuklasan lamang na hindi totoong sila’y  masaya, labis sa pagkasira ng loob nila.  Ngunit kapag sa huli’y masimulan nilang gawin ang kung anong tinatawag sila ng Panginoon na gawin, matutuklasan nila ang isang bagay na wala silang palagay na matatagpuan nila, tulad ng, malalim na kahulugan ng katuparan.

'

By: Deacon Doug McManaman

More
Oct 29, 2021
Makatawag ng Pansin Oct 29, 2021

Nitong nakaraang taon ang aking buhay ay dumaan sa isang pag-urong, tulad ng nangyari sa karamihan ng mga tao dahil sa mga paghihigpit at mga pagkakakulong  mula sa pandemya. Matapos ang ilang buwan ng dahan-dahan na masanay doon, isa pang malaking pagbabago ang naganap nang tumira sa akin ang aking matanda ng ina, at ako ang naging pangunahing tagapag-alaga niya. Nangangailangan iyon ng karagdagang pag-urong ng aking buhay at mga gawain. Ito ay isang pag-urong sa loob ng isang pag-urong, at ito ay may kaakibat na mga hamon.

Gayunpaman mayroong isang malalim na kapayapaan at kagalakan sa paglilingkod sa aking tumatandang ina, lalo na kapag tinatanggap ko at niyayakap ang bagong kabanata na ito sa aking buhay.

Nabubuhay tayo sa iba’t ibang panahon ng ating buhay, at ang bawat panahon ay may kanya-kanyang hamon, krus, kagalakan at ritmo. Minsan nagdurusa tayo sa isang partikular na panahon dahil lumalaban tayo sa hinihiling sa atin. Nagagalit at nagiging maramdamin tayo. Ngunit kung naniniwala tayo na ang Diyos ay kasama natin at ginagamit ang mga pangyayari upang mahubog, magabayan at mahalin tayo, kung ganon ang panahon kung saan matatagpuan natin ang ating sarili ay maaaring maging maganda at puno ng kahulugan at kapayapaan.

Hindi dahil sa ito ay madali. Kamakailan lamang matapos ang isang partikular na mapaghamong dalawang linggo ng mga problema sa kalusugan at mga pakikipagkita sa doktor para sa aking ina, pinanghinaan ako ng loob at napagod. Ngunit sa isang pag-uusap kung saan nakikinig lang ako ay narinig ko ang isang kaibigan na pinag-uusapan ang tungkol sa palumpon ng rosas  sa labas ng bintana. Sabi niya, “Patuloy na gupitin ang mga rosas sa paglabas nito. Kapag pinutol mo ang isa, lalo pang lalaki ito sa kanyang lugar . ”

Ang mga salitang iyon ay umaalingawngaw sa akin. Naisip ko ang sinabi ni Jesus tungkol sa pagpuputol. “Ako ang totoong baging, at ang aking Ama ang nagpapalaki ng baging. Inaalis niya ang bawat sanga sa akin na hindi namumunga, at ang bawat isa na namumunga ay pinuputulan niya upang ito ay lalong mamunga”(Juan 15: 1-2). Nais kong mabuhay na isang mabungang buhay para sa Panginoon. Ngunit nangangahulugan iyon na may mga bagay sa akin na nangangailangan ng pagpuputol — makasarili, walang pasensya, kawalan ng kawanggawa, at iba pa.

Paano tayo puputulan ng Diyos? Maraming beses na ang mga panggupit na ginagamit ng Panginoon ay ang tiyak na mga pangyayari sa ating buhay. Ang mga bagay na nakakainis sa atin, umuudyok sa atin, o maging sanhi ito upang mabatak tayo nang lampas sa ating personal na kaginhawahan o maaaring maging matalim na gilid ng pangputol na kutsilyo. Habang pinuputol ito, gumagawa ito ng paraan para sa bagong paglago sa loob natin.

Natutunan ko na kung magsisimula akong magalit sa aking kasalukuyang panahon at ang mga hinihiling na dala nito, maiinis ako at magiging miserable. Gayunpaman, kung aayon ako sa kasalukuyang sandali at yakapin kung ano ang pangyayari sa ngayon, at alam ko na ang Diyos ay kasama ko, isang banayad, at payapang lakas na tumatagos sa akin, ang aking panloob na balanse ay nabago.

Kaya pagkatapos kong maisip ang tungkol sa lahat ng ito, naglabas ako ng isang pares ng panggupit mula sa aking aparador ng imbakan, lumabas ako sa palumpon ng rosas at pumutol ng isang rosas. Inilagay ko ito sa mesa, at hinayaan kong ang mabangong halimuyak nito na paalalahanan ako na sa bawat hamon at pagsubok, ang Panginoon ay maaaring magdala ng higit na bunga sa aking buhay. At marahil ay maibabahagi ko ang bungang iyon sa iba na nangangailangan nito.

'

By: Ellen Hogarty

More
Oct 29, 2021
Makatawag ng Pansin Oct 29, 2021

Naghahanap ng panloob na kapayapaan? Narito ang mga napatunayan na paraan upang pagalingin ang iyong kaluluwa.

Mula sa Kadiliman

Ang gabi ay malamig; ang Iglesia ay tahimik, nakalaan para sa nakapapawing pagod na tinig ng isang pari mula sa Mataas na organisasyon ng Romano Katoliko. Isang dosenang kababaihan ang sumasalamin sa kanyang pagmumuni-muni. Sa kabila ng panahon ng liturhiko ng Pasko ng Pagkabuhay, nakatuon ito sa Krus.

“Ang Krus ay hindi gumagawa ng biktima,” deklara ng pari, habang ipinahihiwatig niya ang krusipiho na nakabitin sa itaas ng tabernakulo. “Gumagawa ito ng mga banal!”

Inulit niya ang katotohanang iyon bago magpatuloy: “Ang pananampalataya sa Diyos ay hindi nangangahulugang walang kadiliman sa ating buhay. Ang pananampalataya ay ang ilaw na gumagabay sa ating landas mula sa kadiliman. ”

Madali para sa atin na kalimutan na ang Krus ay maaaring maging isang daanan para sa panloob na paggaling. Kadalasan napupunta tayo sa pag-iisip na ang ‘pagdadala ng ating mga krus’ ay isang paraan ng pagtanggal ng pagdurusa nang hindi ganap na nakakapasok sa potensyal na paraan ng pagtubos nito.

Ang pagpapalagay bilang  isang biktima, at ang pagkabagabag sa ating sarili ay hindi makakatulong sa proseso ng pagpapagaling. Sa halip, tinawag tayo upang gayahin si Kristo — ang perpektong biktima.

Ang Habambuhay na Paglalakbay

“Ginawa Mo kami para sa Iyong Sarili, O Panginoon at ang aming mga puso ay hindi mapakali hanggang sa sila ay manatili sa Iyo.” Ang bantog na linya na ito mula kay Saint Augustine ng Hippo ay hindi kailanman nabibigo na umalingawngaw dahil ipinaalam sa atin na dapat nating  kilalanin, mahalin at paglingkuran ang Diyos. Upang matupad, ang hinahangad nating  isang makabuluhang buhay,.

Kahit na labis nating hinahangad na kilalanin, mahalin at paglingkuran ang Diyos, tayo ay tao pa rin: ang espiritu ay maaaring maging handa ngunit ang laman ay tiyak na mahina (cf. Mateo 26:41).

Ang pinagmulang  Orihinal na Kasalanan nina Adan at Eba, ay nagpatuloy sa anino ng kamunduhan – at bahagi ng ating  pagiging tao na tumutugon sa pang-akit ng kasalanan. “Ang bagong buhay na natanggap sa pagsisimula ng Kristiyano ay hindi tinanggal ang karupukan at kahinaan na likas sa tao, o ang pagkahilig sa kasalanan na ang tradisyon na tawag ay kamunduhan, na nananatili sa mga nabautismuhan na at sa tulong ng biyaya ni Kristo ay napatunayan nila ang kanilang mga sarili sa pakikibaka ng buhay Kristiyano. ” (Katesismo ng Simbahang Katoliko 1426)

Sa madaling salita, kahit na ang mantsa ng Orihinal na Kasalanan ay hinugasan mula sa ating mga kaluluwa sa pamamagitan ng Binyag, nakikita pa rin natin na kaakit-akit ang kasalanan. Ang pang-akit na ito sa kasalanan ay mananatili sa atin sa buhay na ito, ngunit sa biyaya ng ating Panginoon, maaari tayong lumago sa kabanalan.

Ang ating pagpayag na magpasakop sa Kaniyang kalooban – ang lumagong katulad Niya – ay ang bokasyon ng bawat kaluluwa. Sa praktikal na mga termino, ang panloob na paggaling at ang ating kalusugan sa espiritu ay hindi maiwasang magkaugnay. Kung nais nating makamit ang totoo at pang-matagalang panloob na paggaling, kailangan nating sumulong sa kabanalan, ngunit hindi ito makakamit sa isang magdamag lang.

Paano Ko Siya Mahahawakan?

Nabasa natin sa Ebanghelyo ni Mateo ang sumusunod: At nang tumawid na sila, napunta sila sa Gennesaret. Nang makilala siya ng mga lalake sa lugar na iyon, ay lumibot sila sa buong lupaing iyon, at dinala sa Kanya ang lahat ng mga may karamdaman, at nagsumamo sa kaniya na mahawakan lamang sana nila ang gilid ng kanyang kasuutan; at ang maraming humipo dito ay napagaling. (Mateo 14: 34-36)

Ang maraming humipo dito ay nagsigaling — isang pagpapala para sa kanila. Ngunit paano naman ang tungkol sa atin? Hindi tayo kasabayan ni Hesus na maaaring sumugod sa Kanya at makipag-siksikan sa bawat isa upang hawakan ang gilid ng Kanyang tunika para makamit ang panloob na paggaling.

Gayunpaman, sinabi sa atin ng Katesismo ng Simbahang Katoliko na: “Sa pamamagitan ng mga sakramento ay patuloy na ‘hinahawakan’ tayo ni Kristo upang pagalingin tayo.” (CCC 1504)

Lumalapit siya sa atin sa pamamagitan ng mga sakramento! Ito ay kapwa isang napakalaking pagpapala at isang patuloy na mapagkukunan ng pag-asa. Partikular na ang mga Sakramento ng Kumpisal at ng Eukaristiya ay isang magandang pagpapakita ng pagpapagaling ng Diyos sa gawa.

Sa pamamagitan ng Kumpisal: “’ Ang buong kapangyarihan ng Sakramento ng Pagpepenitensya ay binubuo sa pagpapanumbalik sa atin sa biyaya ng Diyos at pagsama sa Kanya sa isang matalik na pagkakaibigan. ’Ang pakikipagkasundo sa Diyos ay ang layunin at bunga ng sakramento na ito. Para sa mga tumatanggap ng Sakramento ng Penitensya na may pagsisisi sa puso at relihiyosong kalooban, ang pakikipag-kasundo ay karaniwang sinusundan ng kapayapaan at katahimikan ng budhi na may malakas na pang-espiritong pampalubag -loob. Ang katotohanan  ang sakramento ng pagbabalik-loob sa Diyos ay nagdudulot ng tunay na muling pagkabuhay ng espiritwal’,  ang pagpapanumbalik ng dangal at mga pagpapala sa buhay ng mga anak ng Diyos, na kung saan ang pinakamahalaga ay ang pakikipagkaibigan sa Diyos. (CCC 1468)

Ang madalas na pagtanggap ng Eukaristiya ay isang hindi pangkaraniwang kababalaghan na may kasamang mga benepisyo na wala sa mundong ito: “Ang Banal na Komunyon ay naghihiwalay sa atin mula sa kasalanan.” (CCC 1393) “Para sa pagpapanumbalik ng nawalang lakas ng  katawan, ang Eukaristiya ay nagpapalakas sa ating  kawanggawa, na may posibilidad na humina sa pang-araw-araw na buhay; at ang buhay ng kawanggawang ito ay nag-aalis ng mga maliliit na kasalanan. ” (CCC 1394) “Sa pamamagitan ng parehong kawanggawang ito na pumupukaw sa atin, pinangangalagaan tayo ng Eukaristiya mula sa hinaharap na mga kasalanang mortal. Ang mas maraming pagbabahagi natin sa buhay ni Kristo at pag-unlad sa Kanyang pagkakaibigan, mas mahirap na mapahiwalay sa Kanya sa pamamagitan ng mortal na kasalanan. ” (CCC 1395)

Mas Mabuti ang Huli Kaysa Hindi Kailanman

Si Zelie Martin, ina ni Saint Therese ng Lisieux, ay naitalagang santo noong 2015 kasama ang kanyang asawang si Louis. Ang masipag na ina at tagagawa ng puntas  ay alam na alam ang dapat gawin at kinakailangang pagsisikap para sa panloob na paggaling.

Siya ay bantog na nagsulat ng sumusunod: Nais kong maging isang santo; hindi ito magiging madali. Mayroon akong maraming kahoy na puputulin at matigas ito tulad ng bato. Dapat ay nagsimula ako nang mas maaga, habang hindi ito gaanong mahirap; ngunit sa anumang kaso ‘mas mabuti na huli kaysa hindi kailanman.’

Ang kanyang sariling paglalakbay sa lupa patungo sa kabanalan ay magtatapos sa isang maagang pagkamatay, siya ay pumanaw dahil sa cancer sa suso nang ang kanyang bunsong anak na si Therese ay apat na taong gulang pa lamang. Alam niya ang halaga ng paggaya sa perpektong biktima; dinala niya ang kanyang mga krus, matagumpay na ‘pagpuputol ng kahoy’ na kasing tigas ng bato. Ang bunga ng naturang trabaho ay madaling makita sa kanyang pamilya: bokasyon ng relihiyon at mga kanonisasyon.

Ang bawat isa sa atin ay may magkakaibang ‘kahoy’ upang putulin. Ang ating mga paglalakbay sa panloob na paggaling ay magkakaiba, sapagkat kahit na lahat tayo ay nilikha sa Kanyang imahe at wangis, bawat isa sa atin ay natatangi at sa gayon ang ating mga kalakasan, kahinaan at personal na karanasan ay magkakaiba.

Anuman ito, ang Simbahang Katoliko, ang institusyong ipinagkatiwala kay Saint Peter, ay isang kayamanan ng  iba’t ibang mga tulong para sa panloob na paggaling at pang espiritwal na kalusugan. Ngunit kailangan nating gawin ang unang hakbang upang maabot si Hesus, sa pamamagitan ng simbahan, at mahigpit na pagkapit sa laylayan ng Kanyang tunika, at pagpasyahan na magpatuloy sa pag-abot kung sakaling ang ating pagkakahawak ay lumuwag dahil sa tayo ay nagagambala ng ating pagka-akit sa kasalanan.

Ang tunay na panloob na paggaling ay maaaring maganap lamang kung mayroon tayong pananampalataya na humawak kay Hesus, at yakapin pareho Siya at ang Kanyang Krus; upang magtiwala sa mapagtubos na pagdurusa ng Krus sa ating sariling buhay, at  gawing prayoridad ang madalas na pagtanggap ng mga Sakramento, at upang hanapin ang ating espirituwal at emosyonal na katuparan sa walang hanggan.

Si Papa Saint John Paul II ay isa sa maraming nakaunawa na ang tunay na panloob na paggaling ay mula sa Diyos lamang. Dahil dito, ginugol niya ang marami sa kanyang pontipikasyon na hinihimok ang mga tapat na kumapit kay Kristo, at magkaroon ng lakas ng loob: “upang maging mga Santo ng bagong sanlibong taon.”

'

By: Emily Shaw

More
Oct 29, 2021
Makatawag ng Pansin Oct 29, 2021

Tanong:  Ako’y napakalapit sa aking babaeng kapatid, ngunit kamakailan lamang, sinabi niya sa akin na huminto na siyang isabuhay ang pananampalataya. Isang taon na siyang hindi dumalo ng misa, at sinabi niya sa akin na hindi na niya matiyak kung ang Katolisismo ay totoo.  Paano ko siya matutulungang ibalik ang  sarili niya sa Simbahan?

Sagot:  Ito ay isang karaniwang kalagayan na matatagpuan sa maraming pamilya.  Kapag ang mga magkakapatid, mga anak, o mga kaibigan ay lumisan ng Simbahan, nasasaktan ang mga puso ng mga nagmamahal sa kanila.  Ako’y may dalawang kapatid na hindi na isinasangkatungkulan ang pananampalataya, at ito’y nakapamimighati sa akin ng lubos.  Ano ang gagawin tungkol dito?

Ang una at ang pinakamagaan (ngunit hindi nangangahulugang pinakamadali) na sagot ay ang dasal at pag-aayuno.  Bagama’t magaan, ito ay masidhing mabisa. Sa huli, ang biyaya ng Diyos ang nakapagsasanhi sa kaluluwa na magbalik-loob sa Kanya.  Kaya bago tayo magsalita, kumilos, o gumawa ng ano pa man para sa isang naliligaw na tupa, dapat tayong magsumamo sa Diyos na palamlamin ang kanyang puso, liwanagin ang kanyang isip, at punuin ang kanyang kaluluwa ng dampi ng Kanyang pagmamahal.  Magpatulong sa iba na makipagdasal at makipag-ayuno sa iyo para sa pagbabago nitong kaluluwa.

Kapag tayo’y nakapagdasal na, dapat tayong magpakita ng saya at kabaitan.  Si San Francisco de Sales, na madalas na tawaging “Ang Maginoong Santo” dahil sa kanyang dakilang kagandahang-loob, ay nagsabi, “Maging mahinahon hangga’t maaari, at alalahanin na makahuhuli ka ng mas maraming langaw sa isang kutsarang pulòt kaysa sa isang daang bariles na sukà.”  Napakaraming tao ang gumagawi patungo sa paninisi at pagpaparatang kapag sinusubukang ibalik muli ang nawawalang kaluluwa.  Ngunit dapat nating hangarin na maging tagasunod ni Kristo bilang isang kasiyahan, at hindi  bilang katungkulan lamang!  Kung totoong Siya ang ating buhay, ating galak, ang Kanyang saya ay dapat magningning sa ating buhay.  Ito ay makapagkakayag ng mga kaluluwa kahit di man banggitin ang ngalan ni Jesus, pagkat ang saya at kabaitan ay sukdulang kaakit-akit. Sa katapusan, tulad ng winika ng isang Pranses na Heswita na si Pierre Teilhard de Chardin, “Ang ligaya ay tanda ng walang pagkakamaling pag-iral ng Diyos!”

Isang may malapit na kaugnayan dito ay ang tanong:  Isinasabuhay ba natin ang ating pananalig na sumasalungat sa makabagong kalinangan? Kung ang buhay natin ay walang kaibhan sa makamundong kultura, ngayon ay dapat nating tanungin kung tayo’y tunay na mabibisang saksi sa nakapagbabagong kapangyarihan ni Kristo. Kapag tayo’y walang humpay na pinag-uusapan ang ating mga ari-arian, o hindi nararapat na kalakip sa papuri o sa ating hanapbuhay, o kung malaya tayong makipagtsismis o manood ng mga walang kabuluhang palatuntunan, hindi tayo maaaring makapagpukaw ng kahit sino upang tumalima kay Kristo.  Ang mga sinaunang Kristiyano ay labis na matagumpay sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sapagkat ang buhay nila ay sukdulang puno ng kaibhan sa mapagpalayaw na kultura na kanilang tinitirhan.   Tayo ay nakatira pa rin sa mapagpalayaw na pangkasaluyang-Kristiyanong kultura, at ang ating buhay ay patas na makakatindig ng mahusay kapag isinasabuhay natin ang ating pananampalataya ng buong katapatan.

Mahalaga din na ikaw ay makipag-usap sa iyong babaeng kapatid.  Maaaring siya ay nagpagalagala dahil nagkaroon siya ng di-kanaisnais na karanasan sa pakikitungo sa pari, o maaaring siya ay nagkaroon ng maling pagkaunawa hinggil sa isang bagay na itinuturo ng Simbahan.  Maaari din na siya’y nakikipaghamok sa isang sala sa sarili niyang buhay, at ang kanyang pagliban sa simbahan ay nagsimula sa isang budhi na hindi mailagay sa katahimikan.  Huwag kang maging mapagsanggalang, ngunit makinig ng matiyaga at sumang-ayon sa anumang tamang paliwanag na kanyang gawin.  Kung siya ay nakahandang magtanong, maging handa ka sa mga kasagutan!  Tiyakin na alam mo ang itinuturo ng Simbahan, at kung hindi mo alam ang sagot sa isa sa mga tanong, mag-alay ka ng karagdagang pagsisiyasat.

Anyayahan mo siya na sumama sa iyo sa retreat o sa usapang pandiwa, kung siya ay handa para dito.  Maaaring bigyan mo siya ng regalong aklat  tungkol sa pananampalataya, o isang CD ng mabuting usapan na minsan mo nang narinig.  Mag-alay ka na magsaayos para sa kanya upang makipagkita sa isang pari, kung siya ay papayag.  Ito ay maaaring mapaglinlang, dahil ayaw mong maging mapilit, kaya gawin mo ang paanyaya na walang apurahan o kapanagutan.

Sa wakas, magtiwala ka sa Diyos.  Mahal Niya ang iyong kapatid higit pa sa maaaring magawa mo, at gagawin Niya ang lahat ng maaari upang siya’y magbalik-loob sa Kanya.  Magmasigasig ka, habang nalalaman mo na ang bawat-isa ay kasalukuyang nasa lakbayang pandiwa.  Ang iyong kapatid na babae ay maaaring maging katulad ni San Agustin, na naglagalag ng malayo ngunit naging isang Dalubhasa ng Simbahan.  Mahalin mong tuwina ang iyong kapatid, at magtiwala sa Diyos na nagnanais na walang masasawi bagkus lahat ay makakamtan ang buhay na walang-hanggan.

'

By: PADRE JOSEPH GILL

More