• Latest articles
Sep 09, 2022
Makatawag ng Pansin Sep 09, 2022

Q Alam ko na dapat tayong magkaroon ng debosyon kay Maria, ngunit kung minsan pakiramdam ko ay nakakagambala ito sa aking relasyon kay Jesus. Hindi lang ako gaanong malapit kay Maria.  Paano ako magkakaroon ng mas malalim na debosyon sa ating Ina nang hindi inaalis ang ugnayan ko kay Jesus?

– Sa sarili kong buhay, nakipaghamok ako sa mismong katanungang yan. Lumaki ako sa isang lugar sa Estados Unidos na karamihan ay Protestante, at wala sa mga kaibigan kong Protestante ang nagkaroon ng debosyon kay Maria.  Minsan nang tinedyer ako, napakwento ako sa isang tao sa pila sa pagbabayad  Wal-Mart, at nang malaman niyang nag-aaral ako na maging pari, tinanong niya ako kung bakit sinasamba ng mga Katoliko si Maria!

Siyempre, hindi sinasamba ng mga Katoliko si Maria.  Ang Diyos lamang ang nararapat sambahin. Bagkos, pinararangalan natin si Maria nang may pinakamataas na karangalan.  Dahil siya ang pinakamalapit kay Hesus sa lupa, siya ang pinakamalapit kay Hesus sa Langit.  Siya ang pinakamahusay na tagasunod ni Hesus, kaya ang pagtulad sa kanya ay tutulong sa atin na sundin kay Jesus nang mas matapat.  Hinihiling natin sa kanya na ipagdasal tayo, tulad ng maaari nating hilingin sa ating sariling mga magulang o isang kaibigan o isang pari na ipagdasal tayo – at ang mga panalangin ni Maria ay higit na mabisa, dahil siya ay mas malapit kay Kristo!

Upang lumago sa isang malusog na debosyon kay Maria, ipinapayo ko ang tatlong bagay.

Una, magdasal ng Rosaryo araw-araw.  Sinabi ni Papa Juan Pablo II na ang Rosaryo ay “Ang pagmamasid sa buhay ni Hesus sa pamamagitan ng mga mata ni Maria.”  Ito ay isang panalanging nakasentro kay Kristo, na nagmamahal sa Kanya sa pamamagitan ng Puso na nag-ukol sa Kanya ng labis na pagmamahal (ang Pusong Dalisay). Binago ng Rosaryo ang aking buhay—Tinanggap ko ito bilang isang pang Kuwaresmang pagpapakasakit noong ako ay tinedyer pa…at pinangambahan ko ito araw-araw.  Para sa akin, ito ay parang nakakabagot…mga ng paulit-ulit na panalangin.  Ngunit nang matapos na ang Kuwaresma, hindi ko ito maibaba.  Hindi na nakakasawa Ang pag-uulit nito ay hindi na nakakainip kundi nakakapagpayapa na. Ipinagpalagay ko ang aking sarili sa mga eksena ng buhay ni Kristo at nakatagpo ko Siya doon.

Pangalawa, italaga ang iyong sarili kay Maria. Si San Louis de Montfort ay may masaganang 33-araw na pagtatalaga kay Maria, o maaari mong gamitin ang kakalipas lamang na programa ng paglalaan ng “33 Araw sa Morning Glory”.  Kapag inialay natin kay Maria ang ating buhay, nililinis at dinadalisay niya tayo, at pagkatapos ay inihahandog natin ang ating buhay nang maayos sa Kanyang Anak.

Ganito tinutugon ni San Louis ang iyong tanong sa True Devotion to Mary: With Preparation for Total Consecration: “Kung gayon, tayo ay nagtatag ng matibay na debosyon sa ating Mahal na Ina, ito ay upang magtatag ng higit na mahusay debosyon kay Hesukristo, at magbigay ng madali at ligtas na paraan para matagpuan si Hesu-Kristo.  Kung inilalayo tayo ng debosyon sa Mahal na Birhen mula kay Jesu-Kristo, dapat nating tanggihan ito bilang isang ilusyon ng diyablo; ngunit sa malayong mangyari ito, ang debosyon sa ating Ina ay, sa kabaligtaran, ay kinakailangan natin…bilang isang maayos na paraan na matagpuan natin si Jesu-Kristo, ng may malambing na pagmamahal sa Kanya, ng maglingkod sa Kanya nang tapat.”

Pangwakas, bumaling kay Maria sa iyong pang-araw-araw na pangangailangan.  Minsan, pinangunahan ko ang isang pagsasanay sa kasal ng isang pinagpalang mag-pareha nang napagtanto namin, sa aming sindak, na nakalimutan nila ang lisensya sa kasal!  Hindi ko sila maaaring ikasal nang walang lisensya, ngunit huli na upang makuha ito bago ang kasal sa susunod na araw.  Dinala ko ang mag-asawa sa sakristiya at ibinalita sa kanila—hindi ko sila maaaring ikasal maliban kung may nangyaring himala.  Nasiraan sila ng loob!  Kaya, nanalangin kami sa ating Ina, na siya mismong may asawa na at may natatanging pagmamahal sa mga magpares na may kasunduang pakasal.  Ipinagkatiwala namin ang problemang ito sa kanya—at gumawa Siya ng isang himala!  Nagkataong isang parokyano ay may kakilalang isang klerk ng bayan na pumasok nang maaga sa kanyang araw ng pamamahinga upang bigyan sila ng lisensya para ikasal at ang kasal ay naganap ayon sa plano.  Siya ay isang Ina—dapat nating dalhin sa ating Ina ang lahat ng ating mga suliranin at alalahanin!

Huwag limutin kailanman—ang tunay na debosyon kay Maria ay hindi naglalayo sa atin kay Hesus, ito ang naglalapit sa atin kay Hesus sa pamamagitan ni Maria.  Hinding-hindi natin mapaparangalan si Maria ng sobra dahil hindi natin kayang higitan pa ang pagpaparangal sa kanya ni Hesus. Lumapit kay Maria—at magtiwala na aakayin ka niya sa kanyang Anak.

'

By: PADRE JOSEPH GILL

More
Sep 09, 2022
Makatawag ng Pansin Sep 09, 2022

Isang natatanging panayam kay Padre Elias Vella OFM, isang kilalang taga-palayas ng demonyo mula sa Archdiocese ng Malta, na nagbahagi ng kanyang hindi kapani-paniwalang paglalakbay sa ministeryo

Bilang isang taga-palayas ng demonyo para sa Diocese ng Malta at sa mga pang espirituwal na partitipon sa buong mundo para sa pagbibigay-lunas at pagpapalaya, ako ay pinagpalang makasaksi ng pagpapagaling at pagpapalaya ng madaming kaluluwa mula sa pag-aari ng demonyo, pang-aapi at tukso.

Ako mula sa isang maliit na bansang Katoliko, ang Isla ng Malta sa Dagat Mediteraneo. Bilang lektor ng Teolohiya sa seminaryo sa loob ng 24 na taon, hindi ako palaging naniniwala sa pag-iral ng Diyablo dahil nahikayat ako ng mga Dutch at German teologo na nag-alinlangan sa katotohanan ni Satanas. Gayunpaman, nang ako ay naging bahagi ng Katolliko  Karismatiko Pagpapanibago , nagsimulang magsilapit sa akin ang mga taong may mga suliraning nauugnay sa okulto, satanismo at diyablo. Hindi ko malaman ang gagawin. Nakikita kong ang lahat ng ito ay hindi lamang nila kathang-isip at ninais ko silang tulungan, kaya nilapitan ko ang Obispo at tinanong kung dapat ko ba silang papuntahin sa kanya. Sinabi niya na ako magpunta at pag-aralan ang bagay na ito at alamin kung ano ang sinasabi ng Diyos na gawin ko. Habang pinagmamasdan ko ang paksa, mas nakikita ko ang mga gawain ng demonyo at hindi na ako nag-alinlangan pa. Ako ay nahalina, hindi para sa aking sarili, bagkos, dahil nangangailangan ang mga tao, kaya hiniling ako ang Obispo na maging tagapag alis ng demonyo para sa diyosesis.

Ang pagsanib ay kapag kontrolado ng demonyo ang isang tao, upang hindi na sila malayang mag-isip para sa kanilang sarili. Ang kanilang kalooban, damdamin at katalinuhan ay napapailalim sa hikayat ng demonyo. Gayunpaman, hindi makukuha ng demonyo ang kaluluwa at hindi mapipilit ang isang tao na magkasala dahil maaari ka lamang magkasala kung malaya kang gawin ang gusto mo, alam mo kung ano ang iyong ginagawa at gusto mong gawin ito. Sa sandali ng pagpapalayas ng demonyo, ang isang tao ay makakagawa ng mga makasalanang kilos, halimbawa, magsabi ng mga kalapastanganan o manira ng rosaryo, ngunit ito ay hindi kasalanan sapagkat ang tao ay walang kontrol sa kanilang katawan.

Sa pagpapalayas ng demonyo, iniuutos ng tagapagaslis ng demonyo (na isang sadyang sinanay na pari) sa demonyo na lisanin ang katawan ng tao sa pangalan ng Diyos at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Simbahan. Ito ay madalas na isang pakikibaka sapagkat ang demonyo ay ayaw lisanin ang katawan kung saan siya ay nananahan, ngunit ang Diyos ay mas makapangyarihan kaysa demonyo, kaya siya ay dapat lumayas sa bandang huli. Hindi lahat ng pag-atake ng demonyo ay may kinalaman sa pagsanib.

Bagaman personal ko nang makatagpo ang madaming kaso ng sinaniban ng demonyo na nangangailangan ng exorcism, ito ay dahil ako ay isang exorcist, at kaya sila ay lumapit sa akin. Sa totoo lang, ito ay napakabihira. Madami sa mga tao na nag-aakalang kailangan nila ng exorcism ay hindi. Kailangan nila ng iba pang espirituwal, sikolohikal at pisikal na tulong. Kahit na madalas akong magpunta sa ibang bansa, makakapagsagawa lamang akong ng exorcism sa labas ng aking diyosesis kung may pahintulot ng lokal na obispo. Kaya kung wala ako nuon, maaari akong dasalin ang isang panalangin ng pagpapalaya, ngunit hindi ang liturhiya ng pag papaalis ng demonyo. Bawat pag papaalis ng demonyo ay natatangi. Ang diyablo ay matalino at tuso, kaya iniiba-iba nito ang 4th mga pamamaraan para iwasan at linlangin tayo.

Ang mga ito ay pares ng mga taong matagumpay na nailigtas mula sa pagsanib habang may isang exorcism.

Sa isang Misa ng panggagamot sa Czech Republic, inanyayahan ko ang kongregasyon pagtitipun-tipon ng mga tao na hugasan nila ang kanilang mga mukha ng banal na tubig upang ipaalala sa kanila ang kanilang pangangailangan sa pagpapadalisay. Matapos maghugas ng kanyang mukha, kumuha ng  krusipiyo  ang batang babaeng ito at sinimulan akong hatawin nito. Hindi ako makalaban nang marahas, ngunit nang maawat siya ng mga tao, idinulot namin sa kanya ang pag papaalis ng demonyo . Napakahirap dahil itinalaga siya ng kanyang ama sa diyablo sa isang satanikong seremonya kung saan siya ay pinahiran ng dugo ng mga hayop.

Sa Brazil, isang mahinang 16 na taong gulang na batang babae ang nawalan ng ulirat habang may Misa. Nang ipinagdasal namin siya, naging marahas siya at anupat nakaya niyang sirain ang isang upuan nang walang kahirap-hirap at kahit isang malakas na lalaki ay hindi makapigil sa kanya. Ang pagsanib sa kanya ay nagsimula sa mapamahiing paggamit ng mga anito, ngunit sa kabila ng paghihirap na ito, siya ay nailigtas sa tulong ng Ating Panginoon sa Eukaristiya.

Lahat tayo ay tinutukso o inaapi. Maging ang ating Panginoon at Mahal na Birhen ay madaming beses na tinukso na huwag gawin ang kalooban ng Ama, ngunit hindi sumuko. Ang pang-aapi ay kapag inaasinta ng diyablo ang ating mga mahihinang bahagi sa paglusob nito. Ito ay hindi katulad sa pagsanib. Kadalasan, ang isang taong espirituwal na sinalakay ay nagdudusa din ng mga sikolohikal na suliranin. Hindi palaging madaling unawain kung ano ang manggagaling sa espirituwal na problema at ano ang sikolohikal na problema.

Kadalasan, nangangailangan ito ng tugon na may ilang natatanging aspeto. Ang panalangin, biyaya mula sa mga sakramento, therapy at naaangkop na medikal na tulong ay maaaring kailanganin upang ganap na gumaling. Nagdadasal ako sa parehong pagpapagaling at pagpapalaya. Ang mga sakramento ang pinakamakapangyarihang sandata laban sa mga pag-atake ng dyablo. Kinatatakutan ng dyablo ang mga sakramento, lalo na ang Sakramento ng Pagkukumpisal dahil tahasang hinaharap nito ang kasalanan at ang tuksong magkasala. Kapag kinikilala at tinalikuran ng mga nagsisisi ang kanilang mga kasalanan, at humingi sila ng kapatawaran mula sa isang mapagmahal na Diyos, tinatanggihan nila ang mga panlilinlang ng dyablo na sumusubok na akitin tayo sa pag-iisip na ang ating mga kasalanan ay hindi mali; o na hindi natin kailangan ng kapatawaran; o hindi tayo mahal ng Diyos; o na hindi Niya tayo kaaawaang patatawarin. Ang pagtanggap ng kapatawaran ay naghahatid ng isang nakamamatay na dagok sa pagpigil sa atin ng dyablo. Ito ang dahilan kung bakit hindi natin dapat pabayaan ang palagian na Pagkumpisal.

Ang Eukaristiya ay isang makapangyarihang sandata laban sa dyablo dahil ibinibigay ng ating Panginoon ang Kanyang sarili sa atin nang may pagpapakumbaba at pagmamahal. Heto ang dalawang bagay na nagpapahirap sa dyablo. Ito ay ang kabaligtaran, puno ng pagmamataas at poot. Dahil si Satanas ay may matakaw na pagnanais sa kapangyarihan, hindi niya kailanman mauunawaan kung paano naihahandog ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin. Samakatuwid, kapag tinanggap natin ang Ating Panginoon sa Eukaristiya, o sambahin Siya sa harap ng Eukaristiya, ang dyablo ay lumalayo, dahil hindi niya ito matiis at nais na tumakas. Kaya, kapag walang tagapag alis nd demonyo  na tutulong sa mga taong nababagabag, dapat nilang hangarin ang presensya ng Panginoon sa Eukaristiya.

Panalangin Para Proteksyon 

Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, ipagkaloob mo sa akin ang Iyong biyaya sa pamamagitan ng pagdurusa, kamatayan at muling pagkabuhay ng Iyong minamahal na Anak, si HesuKristo. Tinatanggap ko Siya bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Pangalagaan Mo ako, ang aking pamilya, at ang lahat ng paligid na aking tinitirhan, sa pamamagitan ng Mahal na Dugo ni Hesus. Itinatakwil ko at iginagapos ang lahat ng masasamang impluwensyang gumugulo sa akin, sa pamamagitan ng makapangyarihang pangalan ni Hesus at sa kapangyarihan ng Kanyang Mahal na Dugo at ikinakadena ang mga ito sa paanan ng Krus. Amen.

'

By: Father Elias Vella

More
Sep 09, 2022
Makatawag ng Pansin Sep 09, 2022

May isang bagay na personal tungkol sa pagdidibuho ng isang tao, tungkol sa pagsusuri ng anyo ng kanyang mukha, pagtuklas ng mga kaliit-liitang bagay, at maselang pagbihag ng pahayag nito na walang kaparis. Ang makabagong teknolohiya sa pagkilala ng mukha ay nagpapatunay kung gaano katangi-tangi ang mukha ng bawat isa. Tulad ng DNA o bakas ng daliri, ang iyong kaanyuan ay sa iyo at sa iyo lamang. Gayon pa man, datapwat ang kaanyuan ng bawat tao ay katangi-tangi, lahat tayo ay itinulad sa isang Kinatawan. Sinasabi ng aklat ng Genesis na nilikha ng Diyos ang lalaki at babae sa Kanyang kaanyuan. Ang Diyos ay isang mapanlikha. Ito ang isa sa mga unang bagay na natutunan natin tungkol sa Kanya sa Banal na Kasulatan. Ang Diyos ay lumilikha ng mga larawan. Gumagawa Siya ng mga larawan-ng-sarili.

Kung ang bawat tao ay nilikha ayon sa kaanyuan ng Diyos, bakit iba-iba ang ating anyo at kilos? Ang Diyos ay walang hangganan. Walang sinuman ang makakabihag ng kabuuan ng kung sino ang Diyos. Kaya nga nilikha Niya tayo nang gaoon kadami. Si Picasso ay nagpinta ng hindi kukulang sa 14 na sariling- dibuho sa buong buhay niya. Ang bawat sariling-dibuho ay natatangi. Gayunpaman, mayroong ilang sukat ng katotohanan tungkol kay Pablo na ipinahayag sa lahat ng kanyang mga dibuho. Gayundin, ang bawat tao ay natatangi ngunit makatotohanang pagsasalarawan ng malawak na kalikasan ng Diyos.

Ang kasalanan ay indibidwalistiko.  Nang suwayin nina Adan at Eba ang Diyos sa hardin, may nangyari sa kanilang bigay-Diyos na kaanyuan. Gayundin, may nangyayari sa ating kaanyuan sa tuwing tayo ay nagkakasala sa Diyos o sa iba. Ang kasalanan ay ang pagbatik ng basang pintura sa canvas. Ito ay ang pagsira ng magandang likhang-sining ng Diyos. Ginagawa ng kasalanan na maging di sapat na makilala ang Diyos sa atin, at nang sa gayon ay di natin gaanong nakikilala. Ngunit buti na lang, ang Diyos, tulad ng isang tipikong pintor, ay mahigpit na nakatuon sa Kanyang likhang sining. Ito ang dahilan kung bakit ang Anak, ang pinakamahusay na Larawan ng Diyos, ay nagkusang maging daluyan ng laman.

Si Kristo ay naparito upang gawing bago, upang muling ipinta ang ating nasirang kaanyuhan. Sa pamamagitan ng pagbibigay- halimbawa ng buhay ng pagmamahal, karunungan, at pagpapatawad, ipinaalala sa atin ni Kristo kung ano ang anyo ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang dugo sinisimulan ni Kristo ang pagkuskos ng ating mga kamalian, pagpapakinis ng mga bahid, at pinupunan ang mga puwang. Sa pamamagitan ng panloob na disenyo ng Banal na Espiritu, nabalik ang kalinawan ng orihinal na obra maestra. Ang buhay ng isang Kristiyano ay isang patuloy na pagpapanumbalik ng sining. Alam ng bawat manlilikha kung gaano nakakapagod ang mahusay na pamamaraang ito, ngunit palaging sulit ang bunga nito.

Kapag napapadaan sa Washington DC, makabuluhang dalawin ang National Gallery of Art. Doon ay makikita mo ang mga nangagpapahalaga mula sa buong mundo na nagsisiksikan sa isang natatanging piraso. Ito ay isang kainamang sukat ng larawan ng isang mahiwagang binibini na ipininta ni Leonardo da Vinci. Sa ilang mga orihinal na natitira, ito ay kabilang sa mga pinakamahalagang likha ng sining ngayon. Sa likod ng dibuho ay nakasulat ang inskripsiyon, “Virtutem Forma Decorat” (ang kagandahan ay nagpapalamuti sa kabutihan). Ang imahe ng Diyos ay isang espirituwal na katotohanan. Ito ay nakikita sa pamamagitan ng paglaladhad ng ating pagkatao. Kapag hinahayaan natin ang ating buhay na umayon sa mga pahid-pinsel ng Diyos, sumusunod ang kagandahan sa pinakadalisay at pangmatagalang ningning nito. Ang Diyos ay ang pintor na nakakahigit sa lahat. Ang kanyang mata ay mas matalas kaysa kay da Vinci, at ang kanyang mga kamay ay mas maginoo kaysa kay Caravaggio. Ang iyong kagandahan ay higit pa sa anumang bagay sa Louvre, dahil ikaw ang Kanyang orihinal na likhang sining. Sa susunod na gawin mo ang tanda ng krus, tandaan na subaybayan mo ang lagda ng Diyos sa iyo. †

'

By: Brother John Baptist Santa Ana, O.S.B.

More
Sep 09, 2022
Makatawag ng Pansin Sep 09, 2022

Hindi madali kapag sumusumpong ang pagkabalisa, ngunit hindi ka nag-iisa…

Alam ko na ang susunod na mangyayari sa sandaling madinig ko ang kabog na umaalingawngaw sa loob ng aking dibdib, bawat kabog ay mas mabilis kaysa sinundan nito. Bumilis ang tibok ng puso ko habang pilit kong iniisip na huminga. Nabuo ang isang buhol sa aking tiyan na para bang alam kong kailangan ko ng isang bagay na kakapitan, mababaw na hininga pagkatapos ng mababaw na hininga. Ang kinatatakutang domino effect sa aking katawan ay isang pamilyar ngunit di-kinagigiliwang panauhin. Nandito ang Pagkabalisa na nagpipilit na muling mangibabaw. Tila habang nilalabanan ko siya, mas lalo siyang lumalakas. Ang aking pagpansin ay patuloy na nagpapaningas dito hanggang sa napagtanto ko na ang Kapayapaan, ang panauhin na nais kong aliwin, ay lumisan na.

Isang Mataas Na Lagnat 

Ang pagkabalisa ay isang paksang pinag-alinlangan kong isulat. Hindi ako isang propesyonal sa kalusugan ng isip. Hindi ako angkop na magbigay ng payo sa mga bagay na ito. Ngunit ako ay isang taong may karanasan, at karapatan akong ibahagi ang aking salaysay. Para sa akin, ang pagkabalisa ay tulad ng isang lagnat…isang palatandaan na nagpapakita sa akin ng isang bagay na nangangailangan ng pansin. Kung minsan, ang palatandaan, tulad ng mataas na lagnat, ay nangangailangan ng tuwirang tulong upang malusutan ang kalagayan, ngunit sa ibang pagkakataon, ang pag-iisip na “ito ay lilipas din” ay sapat na upang ako ay maupo sa kawalan ng ginhawa at maghintay sa Diyos na paginhawahin ako. Paulit-ulit, Siya ay  naghatid ng liwanag at pagpapagaling sa mga bahaging ito ng aking puso na nadamang nakahiwalay sa Kanya.

Nang unang naramdaman ko ang Kanyang nakapagpapagaling na kamay na napawi ang aking mga pangamba, akala ko ay gumaling na ako; akala ko ay hindi ko na madaranasan ang takot na iyon. Kaya, nung nangyari ulit yun, nalito ako. May ginawa ba ako upang bawiin Niya ang Kanyang kabutihan? Nabigo ba akong pumasa sa pagsusulit? Hindi… Talaga lang na mas madami pa ang kailangang pagalingin. Sa tuwing nakakadanas ako ng pagkabalisa ay nagiging pagkakataon para sa akin na tumawag sa Diyos upang tulungan ako. Sa bawat pagkakataon, inaanyayahan ko si Hesus na maghari sa aking puso at dalhin sa akin ang Kanyang Kapayapaan.

Isang Malaking Kasinungalingan

Sa isa sa mga pagkakataong iyon, nalaman ko kung paano ginagamit ng kaaway ng aking kaluluwa ang aking mga takot laban sa akin. Sa tuwing malapit ko nang makilala ang isang balangkas ng pagkakasala sa aking buhay, palihim na pumapasok ang takot. Dahil sa nakakapanlumpong takot, hindi ko na madinig sa aking isipan ang kasinungalingan na pinili kong paniwalaan. Parang isang awtomatikong reaksyon hanggang sa napapatigil ako sa halip na kumawala. Naalala ko ang propesiya ni Simeon sa Mahal na Birhen: “… at paglalampasanan ng isang tabak ang iyong sariling kaluluwa; upang mangahayag ang mga saloobin ng maraming puso.” (Lucas 2:35). Sa pamamagitan ni Maria, hiniling ko kay Hesus na ihayag sa akin ang mga saloobin ng sarili kong puso.

Nagsimulang umihip ang hangin, at, sa aking isipan, nakita ko ang malalaking anitong gawa sa buhangin na nagsimulang gumuho, isa-isa. Bawat kasinungalingan ay ginawa sa wala, at dahil sa ito ay laban sa katotohanan ng Diyos, hindi ito makakatagal. Ngunit ano ang natagpuan ko sa kabilang panig? Hindi kaligayahan, bagkos, isang malalim na kirot sa aking puso. Nakatagpo ko ang aking kasalanan, isang punong malalim ang ugat na nanatiling nakatago ngunit may masamang bungang prutas na lumilitaw sa buong buhay ko. Ang mga bagay na tila nakalag ay lahat na nagsipagtagpo sa isang malaking kasinungalingan na ito: “Hindi ka nakikita ng Diyos; Nag-iisa ka sa buhay na ito.”

Ang makitang lahat nang kasalanan na lumitaw mula sa isang kasinungalingang ito ay nagdulot ng sakit, ngunit walang pagkatakot. Ang biyaya ng pagsisisi ay umagos kasabay ng bawat luha…“kung saan dumami ang kasalanan, lalong nag-umapaw ang biyaya” (Roma 5:20). Pinuno ng banal na kasulatan ang aking isipan habang namamagitan para sa akin ang Espirito, at napuno ng Katotohanan ang aking puso. Nadama kong ako ay nakikita. Nadama kong ako ay minamahal. Alam kong ako ay hindi nag-iisa at hindi kailanman mag-iisa.

Tulad ng sinabi ko sa simula, hindi ako batikan sa kalusugan ng isip, kaya hindi ko alam kung ano ang kailangan mo upang matulungan kang harapin ang iyong mga takot. Ngunit alam kong mahal ng Diyos ang bawat isa sa atin. Ang pakikipagtagpong ito sa pag-ibig ng Diyos ay nagpagaling sa akin sa iba pang bagay. Ang isa sa mga pinaka nakapipinsalang aspeto ng pagkabalisa ay kapag natatakot tayo sa mismong pagkabalisa. Ang karanasag ito ay lubhang nakakabagabag at hindi maginhawa kung kaya ginagawa natin ang lahat upang maiwasang maulit ito. Ngunit alam ko na ngayon na wala nang dapat ikatakot dahil, sa pinakamadilim nating sandali, ang liwanag ay sumisikat nang pinaka maningning. Napagtagumpayan na Niya ang kamatayan. Ang Kanyang pag-ibig ay higit pa sa ating pagkatakot.

“Sa lahat ng mga ito, tayo’y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan Niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon” (Roma 8:37-39).

'

By: Ivonne J. Hernandez

More
Sep 09, 2022
Makatawag ng Pansin Sep 09, 2022

 

Sinulat ng Kristiyanong mangangatha na si Tertullian na “ang dugo ng mga martir ay ang binhi ng Simbahan.” Ang isang mahusay na halimbawa ng katotohanang iyon ay ang martir ng ikatlong siglo, si Cecilia. Ang kanyang pangalan ay araw-araw na binibigkas sa kanon ng Misa, at siya ay nananatili hanggang sa araw na ito bilang isa sa mga dakilang Santo ng naunang kapanahunan ng mga Kristiyano.

Heto ang kanyang kasaysayan na bagaman madugo ay kahanga-hanga din. Sa kabila ng pag-aalay niya ng kanyang kalinisang-puri kay Hesus, ipinagkasundo siya ng kanyang mayamang mga magulang na ipakasal sa isang manliligaw na nagngangalang Valerian. Isipin mo na lang ang laking-pagkagulat ng binata nang, sa gabi ng kanyang kasal, ipinaalam sa kanya ni Cecilia na hindi lamang siya nanumpa ng kalinisang-puri kundi ang kanyang pagkabirhen ay nasa ilalim ng maingat na pagbabantay ng kanyang anghel na tagapangalaga.

Nakakamangha, ang kanyang asawa ay sumang-ayon na igalang ang kanyang panata at nangako pang tanggapin ang Kristiyanismo, ngunit mayroon siyang pasubali: nais niyang makita ang kanyang anghel na tagapag-alaga. Ang kanyang pasalungat na sagot ay: na siya ay maglakbay sa ikatlong milyahe sa Appian Way at doon ay tumanggap ng binyag sa mga kamay ni Papa Urbanus. Matapos umahon mula sa tubig ng binyag at makauwi ng bahay, nakita nga ni Valerian ang anghel na nakaupo sa tabi ni Cecilia.

Nang maglaon, pati ang kapatid ng kanyang asawa na si Tiberius ay napagbagong loob, at ang magkapatid ay palagiang naglilibing ng mga Kristiyano na halos araw-araw na pinapatay ng lokal na Romanong prepekto.

Sa kalaunan sila ay nadakip at nakulong dahil sa pagtanggi nilang mag-alay ng mga sakripisyo sa mga diyos, ngunit nagawa nilang mabago ang kanilang tagapiit bago Sila binawian ng buhay sa pagkamartir.

Di -nagtagal, mismong si Cecilia ay dinakip at hinatulan ng kamatayan. Isang gabi, mahimalang naligtasan nya ang matinding apoy na sinadya para malagutan siya ng hininga. Matapos nuon ay nakatanggap siya mula sa isang berdugo ng tatlong magkakahiwalay na suntok sa kanyang leeg sa bigong-pagtangkang mapugutan siya ng ulo. Iniwang duguan, si Cecilia ay nagtagal pa ng tatlong araw, habang patuloy na nangaral sa mga taong nakapaligid sa kanya at nag-ipon ng dugong umaagos mula sa kanyang mga sugat.

Ang kanyang mga labi, kasama ng kanyang asawa, bayaw, at ang nagbalik-loob na tagapiit, ay iniingatan sa Simbahan ng Santa Cecilia ng Roma.

Ang kanyang katawan ay napatotohanang hindi nabulok nang ito ay hukayin noong 1599 at dahil nang araw ng kanyang kasal siya ay umawit ng mga himno kay Hesus sa kanyang puso, si Cecilia ang patron ng mga musikero. Ipinagdiriwang natin ang kanyang kapistahan sa ika-22 ng Nobyembre.

'

By: Shalom Tidings

More
Sep 09, 2022
Makatawag ng Pansin Sep 09, 2022

Araw-araw itong nangyayari ngunit bihira nating mapansin…

Nais kong sabihin sa iyo ang dalawang kuwento ng biyaya, kahanga-hangang biyaya na dumating kung kailan ko ito kailangan, sa katunayan, noong hiniling ko ito. Sa palagay ko ang mga karanasang ito ng biyaya ay mapaghimala, at bago ko ito ibahagi sa iyo, gusto kong pagnilayan nang kaunti ang mga himala.

Sasabihin sa iyo ng mga tao na ang mga himala ay hindi dumarating kapag hinihingi… at tama sila. Ang mga himala ay hindi dumarating kapag hinihiling. Ngunit sinabi sa atin ni Jesus na humingi, at nangangako na kung tayo ay humingi, tayo ay tatanggap (Mateo 7:7). Lubos akong naniniwala na kapag humingi tayo, dinirinig tayo ng Diyos at ibinibigay sa atin ang tunay nating kailangan.

Kailangan nating kilalanin na ang mga himala ay isang misteryo na higit sa pang-unawa ng tao. Meron tayong mga sulyap, mayroon tayong intuwisyon, ngunit hindi natin lubos na mauunawaan o maipaliwanag ang mga gawa ng biyaya ng Diyos na ipinakita bilang “mga himala.”

Wala Akong Nakuha!

Marami ang nanunuya sa paniwala na “kung hihiling tayo” ay “tatanggap” tayo. “Humilng ako at wala akong nakuha,” sasabihin ng ilan. Nakadagdag iyon sa misteryo. Si Jesus ay isang manggagawa ng himala, ngunit hindi Niya pinagaling ang lahat sa Israel. Milyun-milyon ang pumunta sa Lourdes, ngunit kakaunti ang mga himala na naidokumento. Masasabi ba natin na ang mga tao ay hindi humihiling ng “tama” o hindi talaga kailangan ang kanilang hinihiling? Hindi! Ang Diyos lamang ang nakakabasa ng puso; hindi tayo pwedeng humusga.

Ngunit ang karanasan ko at ng marami pang iba ay nagpapatunay na sinabi ni Jesus ang katotohanan nang sabihin Niya sa atin na humiling at umasa ng tugon mula sa Diyos na ating Ama. Kaya, naniniwala ako sa mga himala, sa mga simpleng pagpapakita ng biyaya ng Diyos—minsan sa dramatikong paraan at kung minsan ay hindi gaano, kung minsan ay napakalinaw na kahit sino ay makikilala ang mga ito at sa ibang mga pagkakataon ay napaka banayad at nagkukunwaring “nagkataon lamang” na tanging mga mata lamang ng pananampalataya. ang maaaring makahiwatig ng ang mga ito.

Dapat asahan ang mga himala…tulad ng inaasahan ng mga bata na pakakainin sila ng kanilang mga ina kapag sila ay nagugutom. Ngunit hindi kontrolado ng mga bata ang talaan ng mga putahe. Ang Nanay ang may kontrol sa talaan ng mga putahe kung hindi ay puro mac at keso gabi-gabi ang kakainin ng mga bata. Hindi napapagod ang mga nanay sa pagpapakain sa kanilang mga anak. Ganun din sa Diyos. Siya ay hindi nagsasawa sa ating mga kahilingan at tulad ng ating mga ina ay binibigyan Niya tayo ng ating kailangan at hindi ang sitserya na gusto natin.

Ang mga himala ay hindi gawaing pandaraya ng Diyos para maipagmalaki natin, “Tingnan mo kung ano ang ginawa ng Diyos para sa akin!” Sinasagot ng mga himala ng Diyos ang malalim na pananabik ng ating mga puso na nagpapaalala sa atin na laging umasa sa Kanya. Kapag pinagkalooban tayo ng Diyos ng mga himala, ginagamit Niya ang mga ito para ituro ang biyayang nasa paligid natin sa mga ordinaryong sandali ng buhay—bawat araw sa pagsikat ng araw, isang kamay na humihingi ng tawad, isang yakap ng pagpapatawad, isang pagkilos ng pagiging hindi makasarili. Kung makikilala lamang natin ang mga ordinaryong himala ng buhay maaari nating asahan na makakita ng mga hindi pangkaraniwang mga himala.

Ang mga himala ay nagpapatatag ng pananampalataya, hindi nila ito pinapalitan. Kapag patuloy tayong nakakakita ng mga himala, hindi natin kailangan ng maraming pananampalataya. Ngunit kapag ang Diyos ay tahimik at halatang ang mga pagpapala ay inalis, mayroon tayong pagkakataon na ipamuhay ang ating pananampalataya nang mas malalim. Iyon ang dahilan kung bakit maaari tayong makakita ng higit pang mga himala kapag tayo ay bago sa pananampalataya kaysa kapag tayo ay hinog na.

Unang Kwento

Ilang taon na ang nakalilipas, nagturo kami ng aking asawang si Nancy sa isang Summer Ministry Institute sa isang malaking Katolikong unibersidad sa lungsod. Tuwing tag-araw ay naglalagay kami ng isang palabas ng sayaw at drama na aming isinulat at inensayo sa loob ng anim na linggo ng Instituto. Ang aming mga tagapalabas ay mga mag-aaral sa Instituto na nagmula sa buong bansa at sa buong mundo. Pagkatapos ng limang taon ng paglikha ng mga nakakaganyak at kapana-panabik na mga programang ito ay kilala na at iginagalang kami ng mga mag-aaral at guro ng Institusyon. Pinahalagahan namin ang kamangha-manghang pagkakataong ito para maimpluwensyahan ang mga propesyonal sa ministeryo mula sa buong mundo habang natututo sila sa amin kung paano gamitin ang mga sining ng pagtatanghal bilang isang malakas na mapagkukunan para sa ministeryo at edukasyon.

Ngunit bago ang aming ika-anim na tag-araw ay sinabihan kami na hindi na namin ididirekta ang aming produksyon sa tag-araw at sa halip ay inanyayahan kaming magturo ng kurso. Tinanggap namin, at tinuruan ang aming klase, nag-ambag ng masining sa mga liturhiya, at sinubukang maging “naroroon” hangga’t maaari, ngunit talagang hindi ito pareho. Na-miss namin ang trabaho, ang pakikipag-ugnayan, ang pagkamalikhain, at ang natatanging kontribusyon na ginawa namin sa bawat isa sa nakaraang limang tag-araw.

Habang naglalakad ako sa kampus isang araw, nakaramdam ako ng panghihina ng loob tungkol sa nabawasang tungkulin namin. Pumasok ako sa isang gusali ng unibersidad mula sa dulong timog na nananaghoy sa Panginoon na kailangan ko ng ilang katibayan na mahalaga ang aming presensya, na nakagawa pa rin kami ng pagbabago. Naglakad ako sa entrada ng gusali at sa oras ng aking paglabas mula sa hilaga ng gusali ay nasagot ang aking panalangin. Nakatayo ako sa tuktok ng mahabang hanay ng mga hakbang ng may nakita akong isang sasakyan na biglang huminto sa kalye sa ibaba. Habang umaandar ang makina, tumalon ang tsuper at tinawag ang pangalan ko.

“Oh, Graz,” sabi niya, “Natutuwa akong makita ka. Gusto kong sabihin sa iyo kung gaano ako kasaya na nandito ka sa Institusyon. Ikaw at si Nancy ay nakagawa ng ganoong pagkakaiba, hindi ito magiging pareho kung wala ka. Salamat sa lahat ng ginawa mo.” At kasabay non, ay sumakay ulit siya sa kotse niya at nagmanehong paalis. “Wow, Aking Panginoon,” naisip ko, “ang bilis naman!”

Ikalawang Kuwento

Isang iglap na patuloy ng isang dosenang taon. Ako ang direktor ng isang tanggapan ng Arkdyoses sa Chicago. Dumaranas ako ng hirap sa buong linggong iyon, nasiraan ng loob, hindi sigurado kung ginagawa ko ba ang nais ng Diyos na gawin ko. Ako ay nasa kusina ng aming gusali ng opisina, naghuhugas ng aking mga pinagkainan ng tanghalian at nagdarasal ako, “Panginoon, binibigyan Mo ako noon ng maliliit na senyales na inaalagaan Mo ako, na ginagawa ko ang Iyong kalooban…Kailangan ko ang isa sa mga palatandaang iyon ngayon. .”

Kinaumagahan, wala pa ring pag-asa, nagpasya akong laktawan ang trabaho. Tag-araw na, walang pasok ang mga bata, kaya inanunsyo ko: “Maglalaro si Tatay ngayon. Sino ang gustong pumunta sa isang laro ng Cubs?” Ni hindi ko alam kung nasa bayan ang Chicago Cubs, ngunit inalam namin at sila nga ay may laro, at kaya umalis na kami.

Ibinaba namin ang mga bata sa isa sa mga entrada  para pumila para sa mga tiket at tumungo na sa paradahan. Ang paradahan ay palaging isang hamon sa Wrigley Field. Maaaring mag-park ka nang napakalayo at maglakad, o magbabayad ka ng malaki sa isang parking lot. Wala sa alinmang opsyon ang makatotohanan—nahuhuli na kami para sa mahabang paglalakad at ang pagbabayad ng labis na bayad sa parking lot ay sisira sa aking badyet. Ginawa ko ang katawa-tawang pagpili na maghanap ng paradahan sa kalye.

Hindi posible, na sa mismong harap ng entrada ay may puwesto sa metro ng paradahan. Para sa dalawang dolyar ay makakakuha ako ng pang mahigit na dalawang oras, na nangangahulugang kailangan kong umalis sa parke, hulugan ang metro, at bumalik sa laro (Hindi ko napagtanto na ang pag-alis at pagbabalik ay hindi pinapayagan). Paglabas ko sa aking sasakyan, nakita ko ang isang babae sa tapat ng kalye na naghahanda na upang lumabas sa kanyang paradahan. Walang metro ang gilid na iyon! Tumakbo ako papunta sa kanya, ipinaliwanag ang aking sitwasyon at itinanong kung maghihintay siya hanggang sa ako ay makalabas para makuha ko ang kanyang pwesto. Masaya niya akong pinagbigyan.

Nagkaroon ako ng libreng paradahan sa kalye isang minuto ang layo mula sa Wrigley Field. Hindi kapani-paniwala! Nagmamadali kami ni Nancy sa mga bata kung saan naghihintay ang mas malaking sorpresa. Tuwang-tuwang tumawag ang aming anak na babae, “Tatay,” sabi niya, “nakakuha kami ng mga libreng tiket.”

“Ano?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Ipinaliwanag niya: “Isang lalaki ang nagtanong sa akin at kay Christopher kung pupunta kami sa laro. ang sabi ko ay oo at ang sabi niya nandito siya kasama ang malaking grupo ngunit ang ilan sa kanila ay hindi nagpakita, kaya binigyan niya ako ng dalawang ticket. Tapos sabi ko, ‘Paano naman ang nanay at tatay ko?’

O, andito rin ang mga magulang mo?’ Eto na. Dalawang ticket pa.”

Libreng paradahan at libreng tiket sa isang laro ng Cubs! Ibinigay sa akin ng Diyos ang aking senyales.

Sa totoo lang, maaari mong sabihin na ang nakuha ko lang ay isang maliit na patunay sa isang pagkakataon at ilang mga palibre sa sumunod. Gayunpaman, ang katotohanan na ang mapagbigay na Diyos ay ibinigay kung ano mismo ang kailangan ko nang hilingin ko ito, iyon ang himala.

'

By: Graziano Marcheschi

More
Sep 09, 2022
Makatawag ng Pansin Sep 09, 2022

“Ang mundo ay ang iyong barko, hindi ang iyong tahanan” ay isang sikat na sipi ni Saint Therese ng Lisieux. Sa katunayan, lahat tayo ay nasa paglalakbay patungo sa ating huling hantungan…

Noong bata pa ako, minsang tiniyak sa akin ng aking ina na ang Diyos ay nag-uuwi lamang ng kaluluwa kapag ito ay handa na. Ito ay isang nakapag-papaginhawang isipin para sa akin na itinago ko sa aking puso, kinapitan ko nang mahigpit ito para sa katahimikan ng aking loob kapag ang pagkawala ng mga mahal sa buhay ay mangyari sa buong buhay ko. Ang pinaka nakamamanghang halimbawa na nasaksihan ko na nakapagpapatibay sa pahayag na ito ay ang mga pangyayari sa aking mahal na asawa sa mga huling araw ng kanyang buhay.

Simula ng Wakas

Mahigit tatlong taon nang nakikipaglaban si Chris sa kanser sa utak—isang nakaka – kilabot na sakit kung saan inaasahang mabubuhay na lamang siya ng isang taon, kasabay ang tuluy-tuloy, at halos hindi makayanang gamutan. Ito ay isang masaya at masakit na tatlong taong paglalakbay—puno ng mga matataas na pag-asa at isang parehas na bilang ng mga mapangwasak na pagbaba. Nang magsimulang kumalat ang kanser ni Chris na walang pag-asang mapigil, at naubos na ang lahat ng mga opsyon, ginawa ni Chris ang napakasakit sa dibdib na desisyon na ihinto na ang gamutan at magsaya na lamang para sa mga oras na natitira sa kanya, ipinauubaya ang lahat sa mga kamay ng Diyos. Ang desisyong ito ay palatandaan ng simula ng katapusan. Ang sakit sa dibdib na pakiramdaman kapag naiisip ko na mawawala siya pagkatapos ng isang matapang na labanan na umaasa kami na maaari pa niyang ipagpatuloy ang pakikipaglaban ay halos hindi ko na kaya. Inilagay ko si Chris sa hospisyo na may pangako sa kanya na igagalang namin ng aming mga anak ang kanyang tanging kahilingan at pangangalagaan siya sa bahay hanggang sa huli.

Sa takot sa pag-iisip ng napakalaking gawain na wala akong pagsasanay o karanasan, inilagay ko ang aking buong pananampalataya sa Diyos, na nagsusumamo para sa Kanyang awa at patnubay. Ang pagbuhos ng makalangit na mga biyaya at mga pagpapala na aming natanggap sa pamamagitan ng desperadong petisyon na ito ay siyang magtatawid sa aming pamilya sa mga huling linggo ni Chris.

Mas Malakas pa sa Bulong

Sa paghinto ng gamutan, ang mahalagang utak ni Chris ay nagsimulang magdusa sa mga epekto ng mabilis na pagkalat ng sakit. Ang bahagyang pagkawala ng memorya ay naging malaking pagkawala ng memorya, at pagkatapos ay nagsimula ang mga kombulsyon-lahat sa loob ng ilang linggo. Isang gabi, na may kasamang konting babala, si Chris ay dumanas ng isang malaking masamang kombulsyon. Pagkatapos maiupo ang sarili sa sofa kasunod ang kalagitnaang kombulsyon, nagtipon tipon kami ng mga anak ko nang maramdaman naming may mali. Hinawakan ko ang kamay niya, at habang hinahawakan ko, naramdaman kong nanigas ang buong katawan niya. Ang kanyang matingkad at kayumangging mga mata ay umikot pabalik sa kanyang ulo at nagsimula siyang manginig na hindi mapigilan—nagpakawala siya ng isang malakas na sigaw sa sakit.

Sa isang kalagayang hindi kapani-paniwala at takot na takot sa aming nasaksihan, sinubukan kong kalmahin ang aking mga anak at humingi ng lakas at banal na tulong para sa aking asawa sa tanging paraan na alam ko—ang panalangin. Habang hawak ko ang aking si Chris, marahan kong inakay ang aming mga anak sa pamamagitan ng Panalangin ng Panginoon—sinusundan ito ng panalangin sa Our Lady, kung kanino siya ay deboto. Ilang saglit pa ay nagsimulang humupa ang kombulsyon ni Chris. Nakahiga siya roon, hindi gumagalaw, hindi nakikita ang takot at luhaang mga mukha na nakapaligid sa kanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata pagkatapos na tuluyang magkamalay, sinimulan niyang titigan ang kanyang paligid na mukhang nalilito. Nagtama ang aming mga mata at malumanay kong tiniyak sa kanya na ayos lang siya—at agad na inalam kung anong gusto niyang tulong mula sa amin sa sandaling iyon.

Halos walang kakayahang makipag-usap, at hindi mas malakas kaysa sa isang bulong, sumagot si Chris sa mga salitang, “Gusto ko ..ang Panginoon ” Sa mismong sandaling iyon, alam ko. Alam kong inihahanda siya ng Diyos, at alam kong ang asawa kong puno ng pananampalataya ay nananabik na makauwi—sa kanyang buhay na walang hanggan. Bagama’t nalungkot dahil sa pagkaunawa na nalalapit na ang kanyang wakas, nadama ko ang labis na pasasalamat para sa mahalagang biyayang ito ng pagtanggap. Hindi na nabigatan si Chris sa mahirap na pag-iisip na iwan ang kanyang pamilya sa mundong ito. Siya ay hindi na nakatali sa krus na iyon at binigyan ng hindi masusukat na regalo ng kapayapaan pati na rin ng mas malalim na pag-unawa sa kung anong karilagan ang taglay ng susunod na buhay. Ang aking mahal at tapat na asawa ay handa na. Nang sumunod na katapusan ng linggo, habang mapayapang nagpapahinga sa kama at napapaligiran ng pamilya habang marahan kaming nagdarasal ng Rosaryo, namatay ang pinakamamahal naming si Chris. Iyon ay Araw ng Panginoon, at Pista ng Banal na Pangalan ni Maria. At ang magandang kaluluwang ito ay pinakahanda.

'

By: Mary Therese Emmons

More
Sep 09, 2022
Makatawag ng Pansin Sep 09, 2022

Kapag ikaw ay pabali-baligtad at pabiling-biling dahil sa kawalan ng tulog, naramdaman mo na ba ang Diyos na nagsasabing, “Kailangan nating mag-usap at ngayon ay mayroon ka bang oras”?

Sa isa sa aking mga pastoral na pagbisita sa isang lokal na elementarya, isang batang babae sa grade 5 ang nagsabi sa akin na nasabi sa kanya ng isang nasa hustong gulang na ang tungkol sa kanyang buhay, tungkol sa pandemyang ito, “nagbabakasyon ang Diyos.” Bagama’t may isang bagay na nagbibigay pag-asa sa pahayag—na anumang haba ng mga bakasyon ay natatapos din at ang nagbabakasyon ay bumabalik at inaasikaso ang mga natitirang mahahalagang gawain—para sa akin hindi ko ito gagawin sa ganitong paraan. Ito ay medyo mapanganib na pagpapahayag, dahil hindi tayo pinababayaan ng Diyos kahit na sa isang sandali. Sa katunayan, mayroon tayong lubos na atensyon ng Diyos sa bawat sandali ng ating buhay, at higit sa lahat ito ay kailangang ipaunawa sa mga bata. Hindi posible para sa isang limitadong tao na magbigay ng lubos na atensyon sa higit sa isang tao nang sabay-sabay, ngunit maaaring ibigay ng Diyos sa lahat ang Kanyang hindi nahahating atensyon nang sabay-sabay, dahil ang Diyos ay walang limitasyon.

Isang Dalisay na Regalo

Kapansin-pansing dapat na isaalang-alang kung ano ang ibig sabihin na mayroon tayong lubos na atensyon ng Diyos sa bawat sandali ng ating pagkabuhay; dahil ibig sabihin mahal Niya ang bawat isa sa atin na parang iisa lang tayo, ibig sabihin, parang ikaw lang ang mamahalin Niya. Para bang ang lahat ng bagay sa uniberso ay nilikha niya para sa iyo lamang, na ang lahat ng ito ay naririto upang suportahan at pagsilbihan ka-ang kapaligiran ng planeta, ang batas ng grabidad at lahat ng iba pang mga batas ng pisika, ang mga siklo at ang kaayusan ng kalikasan, atbp. Sa katunayan, kung alam mo o alam ko talaga kung gaano tayo kamahal ng Diyos, mamamatay tayo sa tuwa. At ang buhay na ito ay katunayang tungkol sa pag-alam na mahalin ng ganito.

Ito ay nangangahulugan na pinapahintulutan natin ang ating sarili na mahalin ng ganoon, dahil madalas hindi natin ito pinapayagan para sa ating sarili dahil mayroon tayong ugaling ayaw makompormiso at makitid na kaalaman ng hustisya para sa ating sarili kaya hindi natin nakikita ang ating sarili bilang karapat-dapat sa pagmamahal na iyon, mas pinili nating huwag buksan ang ating sarili dito. Ngunit ang Kanyang pag-ibig sa atin ay hindi usapin ng katarungan; siyempre, walang karapat-dapat na mahalin ng ganoon; sapagka’t ang isang tao ay hindi makakamit ang karapatang maging nilalang kung hindi siya buhay. At kaya kahit na ang Kanyang pag-ibig para sa akin ay hindi isang usapin ng katarungan, ito ay isang bagay na dalisay na regalo. Sa kabila ng lahat, ang katarungan ng Diyos ay nahayag, sa Persona ni Kristo, bilang ganap na awa.

May kaugnayan ang Banal na pag-ibig na iyon at kung paano natin naiintindihan ang ating sarili. Kilala lang talaga ng isang tao ang kanyang sarili sa antas na alam niya kung gaano siya kamahal ng Diyos, kaya’t lalo nating hinahayaan ang ating sarili na “mahalin ng ganoon” (na parang isa lang sa atin), mas magiging malalim ang ating sariling pag-unawa sa sarili; sapagkat sisimulan nating makita ang ating sarili gaya ng pagtingin Niya sa atin. Kung hindi natin nakikita ang ating sarili sa pamamagitan ng Kanyang mga mata, ibig sabihin, tulad ng nakikita Niya sa atin, kung gayon tayo ay naiwan upang makita ang ating sarili kung paano tayo nakikita ng iba.

Ang problema dito, gayunpaman, ay bihirang makita tayo ng iba kung ano talaga tayo—lalo na kung hindi tayo tinitingnan ng mga nasa buhay natin sa pamamagitan ng mga mata ng Diyos—at kung hindi nila tayo nakikita kung sino talaga tayo, hindi nila tayo mamahalin kung paano tayo dapat na mahalin. Kapag ang mundo ay tumingin sa iyo, ito ay hindi nakakakita ng isang hindi mauubos na misteryo; sa halip, ang nakikita nito ay isang bagay, isang bagay na dapat pahalagahan ayon sa gamit nito. Ngunit walang mahiwaga tungkol sa mga bagay. Sa kabilang banda, kapag nakita ka ng Diyos, nakikita Niya ang isang tunay na misteryo, dahil ang bawat tao ay nilikha ayon sa larawan at wangis ng Diyos at ang Diyos ay walang katapusang misteryo. Kaya naman, ang bawat tao ay isang hindi mauubos na misteryo na ang lihim ay nakatago sa kaibuturan ng hindi mauubos na misteryo ng Diyos.

Ang Uniberso sa Loob

Mayroon tayong dalawang panloob: 1) isang pisikal na panloob, at isang 2) espirituwal na panloob. Ang isang maninistis ay may daan sa pisikal na panloob, ngunit hindi iyon nagbibigay sa kanya ng daan sa espirituwal na panloob. Tanging ikaw at ang Diyos ang makaka-daan sa iyong espirituwal na panloob. Sa katunayan, ang Diyos ay laging naninirahan sa pinakamalalim na rehiyon ng panloob na iyon. Ang paraan upang magsimulang magkaroon ng kamalayan na ikaw ay kilala ng Diyos ay ang pagpasok sa “uniberso sa loob”. Iyan ang ibig sabihin ng ilagay ang ating sarili sa presensya ng Diyos. Ilang salita ang kailangan sa loob ng espasyong iyon; sapat na ang paulit-ulit na ulitin: “Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos, maawa ka sa akin, na isang makasalanan”.

Ang mas maraming oras na gugugulin natin sa loob ng espasyong iyon, nang walang kasamang kaguluhan, mas malalaman natin na tayo ay binabantayan, na mayroon tayong atensyon ng isang tao. Iyan ay isang napaka-positibo at nakapag-papaliwanag na karanasan; dahil nagsisimula nating makita ang ating mga sarili bilang isang taong karapat-dapat ng pansin. Nagsisimula nating tingnan ang ating sarili bilang mga tao, sa halip na mga indibidwal lamang. Ngunit ito ay nagsisimula sa pamamagitan ng pagpasok sa “uniberso sa loob”, at ang karanasang iyon ay gumagawa ng lahat ng pagkakaiba sa mundo, dahil karamihan sa atin sa halos buong buhay natin ay ibinaba natin ang ating mga sarili tulad sa mga bagay, ngunit alam natin na ang ating sarili ay “mga paksa”—mga tao na tunay na may halaga. Ang “pagtrato bilang bagay” na ito sa maraming paraan ay pinagmumulan ng napakaraming personal na galit at pakiramdam ng paghiwalay, ngunit habang gumugugol tayo ng mas maraming oras sa kaloob-looban  kung saan naghihintay sa atin ang Panginoon, mas mababawasan ang pagkahiwalay natin at magsisimula nating maramdaman ang mas mapayapang pamumuhay. sa ating  buhay.

'

By: Deacon Doug McManaman

More
Sep 09, 2022
Makatawag ng Pansin Sep 09, 2022

Dumausdos kami sa aming upuan na may nalalabi pang isang minuto, at nararamdaman ko na ang Misa ay magiging isang pakikibaka para sa aming pamilya. Sa oras na matapos basahin ng pari ang Ebanghelyo, ako ay nanlulumo at nalulula. At sa panahon ng Kredo— habang pinipigilan ko ang pagsigaw ng, “Hindi na tayo pupunta sa banyo!”—dinidilaan ng abalang tatlong taong gulang kong anak ang bangko habang sinasabi sa akin ng aking pitong taong gulang na anak na nauuhaw na naman siya at nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng con-substantial. Ang pagpunta sa misa ay hindi laging madali. Nasisiraan ako ng loob at nahihiya pa nga dahil sa hindi ko mapagtuunan ng hustong pansin ang misa. Paano akong makakasamba sa Diyos ng tama habang binabalanse ang maraming humihingi ng aking atensiyon? Ang sagot: isang pusong mababa ang loob.

Iniisip ko noon, ang kasabihang “aktibong pakikilahok sa Misa” ay nangangahulugan ng paglirip ng malalim na kahulugan ng bawat salitang naririnig ko. Ngunit sa panahong ito ng buhay, ang pagkakaroon ng pokus ay isang luho. Ngayon habang pinapalaki ko ang aking mga anak, nagsisimula akong maunawaan na hindi pinipigilan ng Diyos ang Kanyang paanyaya o Kanyang Presensya dahil lamang sa magulo ang aking buhay. Mahal niya ako at tinatanggap niya ako bilang ako—gulo at lahat—kahit sa gitna ng kaguluhan ng isang napakahirap na karanasan sa Misa. Kung natatandaan natin ito, ikaw at ako ay maaaring gumawa ng mga simpleng hakbang upang ihanda ang ating mga puso para sa pinakamataas na regalo ng pagmamahal ng Diyos na nasa Eukaristiya.

Tuklasin ang Isang Maikling Parirala

Madalas akong nalulula sa dami ng mga salita na naririnig ko sa bawat misa. Nawawala ang aking atensyon, at nahihirapan akong sundan ang marami sa mga binigkas na bahagi. Kung sasabak ka rin sa hamon na ito, dapat mong malaman na ikaw at ako ay tinatawag pa ring makinig at makibahagi sa Misa. Paano? Pasimplehin. Makinig para sa isang maikling parirala na nakakuha ng iyong pansin. Pagnilayan ito. Ulitin ito. Dalhin mo ito kay Jesus at hilingin sa Kanya na ipakita sa iyo kung bakit ito mahalaga. Hawakan ang pariralang ito sa iyong puso sa buong Misa at hayaan itong maging isang angkla para sa iyong atensyon habang ginagawa mo ang iyong mga responsibilidad sa pamilya. Ang iyong bukas na puso ay isang tanawin para sa biyaya ni Kristo.

Tumingin nang May Pagmamahal

Ang pag-ibig ay hindi palaging nangangailangan ng mga salita. Minsan ang isang simpleng sulyap ay maaaring magpahayag ng karagatan ng pag-ibig. Kung ang mga salita ay humuhugas sa iyo, ituon ang iyong puso at idirekta ang iyong pagmamahal sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtutuon ng iyong mga mata sa isang Krus o isang Istasyon ng Krus. Pagnilayan ang mga detalyeng makikita mo: Ang mukha ni Kristo, ang Kanyang koronang tinik, ang Kanyang dumudugong puso. Ang bawat detalyeng kinukusa mong tanggapin ay naglalapit ng iyong puso kay Hesus at naghahanda sa iyo na tanggapin ang napakalaking regalo ng Pag-ibig ng Ating Panginoon na nasa  Eukaristiya.

Dalhin ang Iyong Puso

Kung ang lahat ay mabibigo, dalhin ang iyong sarili kay Hesus bilang handog ng pag-ibig. Alam ng Panginoon ang iyong mga hangarin at ang iyong tunay na mga kagustuhan. Kung nakakaramdam ka ng pagkapagod at kawalan ng pansin sa mga bagay na hindi mo kontrolado, maaari ka pa ring lumapit sa Panginoon nang may pusong handang sambahin Siya, tanggapin Siya at mahalin Siya. Pukawin ang pagmamahal sa iyong puso at ulitin ang “Narito ako Panginoon. pinipili kita. Baguhin mo ang puso ko!”

Ang ating Panginoon ay nagagalak sa tuwing nakakaharap natin Siya sa Misa, anuman ang ating kalagayan. Si Jesus ay nagkatawang tao—Siya ay napagod, Siya ay nagambala. Naiintindihan ng ating Panginoon ang gulo ng buhay! At kahit sa gitna nito, nais Niyang ibigay ang Kanyang sarili sa iyo na nasa Eukaristiya. Kaya sa susunod na pagpunta mo sa Misa, ibigay mo kay Hesus ang iyong kusang loob, ang iyong “oo” na lumapit sa Kanya bilang ikaw. Ang pag-ibig ni Kristo ay mas malaki kaysa sa anumang kaguluhan sa pamilya na nangyayari sa iyong upuan.

'

By: Jody Weis

More
May 12, 2022
Makatawag ng Pansin May 12, 2022

Si Hanna Alice Simon ay sinilang na bulag, gayon pa man, nakikita nya ang hindi-abot makita ng kadamihan sa atin! Heto ang isang salaysay mula sa kanyang buhay na tiyak na makakabagbag ng iyong damdamin 

Bilang isang napaka maramdamin na tao, madali akong maluha sa mga napaka walang kabuluhang bagay, hanggang sa araw, nang ako ay inanyayahan sa isang simbahan upang magtalumpati sa isang umpok ng mga bata, dalawang taon na ang lumipas.  Masaya ako na magkaroon ng ganitong pagkakataon na makatagpo sila at palagay ang loob akong humayo.  Bahagya ang kaalaman ko kung ano ang naghihintay sa akin.

Sa aking pagdating, dinala nila ako sa loob ng simbahan at naghintay ako sa mga bata na makapasok pagtapos ng kanilang tanghalian.  Unti-unti, isa-isa silang dumating at nagsiksikan palibot sa akin.  Pinag-usapan nila kung gaano ako kakaiba at tinawag akong multo ng ilan sa kanila.  Sa kanilang mga kamay tila ipinakita nila sa akin ang mga bagay, ngunit hindi ko alam kung ano ang nangyayari.  Nang maunawaan ko ang malulupit nilang salita, ramdam kong ako’y halos malugmok at maiyak.  Habang ang mga luha ay tumuturok sa aking mga talukap, nagsimula akong manalangin nang tahimik, ngunit ang nais ko lang ay tumakas sa lugar na iyon.  Patuloy pa din akong nagdasal sa Diyos sa aking puso, “O Diyos…pakiusap po…ayokong umiyak sa harap nila…pakiusap na tulungan Mo akong maging malakas…”

Ang aking ina na pinagmamasdan ang lahat ng ito ay nagwika sa akin, “Hannah…hindi ito ang oras para umiyak at kahit hindi ito ang oras para magalit, dapat mong sabihin sa kanila na ang kanilang ginawa ay mali.  Hindi nila dapat gawin ito sa isa pang tao. Dapat mong sabihin ito sa kanila.”

May pangangambang hinarap ko ang mga batang nanghamak sa akin at biglang inilagay ng Diyos ang mga tamang salita sa aking mga labi.  Sinabi ko sa kanila, “Maaaring tawagin nyo akong kakaiba ngunit ako ay hindi.  Ako ay natatangi. Natatangi ako sa Diyos.  Ako ay minamahal Niya.  Sa susunod na makakita kayo ng taong sa tingin nyo ay naiiba o kakaiba, lapitan nyo siya at sabihin sa kanya na ‘Natatangi ka at mahal kita dahil duon.’

Nang araw na iyon, ang Diyos ay gumawa ng himala sa akin at sa buong umpukan ng mga bata.  Matapos akong magsalita, lahat sila ay nagsilapit sa akin at ang mga batang nanghamak sa akin ay humingi ng tawad, ngunit hindi iyon ang pinakamagandang bahagi.  Sa gitna ng umpukan ay may isa pang batang babae, mas bata sa akin, na may naiiba din na kapansanan.  Lumapit siya sa akin at nagsabi, “Kahit madami na akong hinarap na paghamak sa paaralan, ang mga sinabi mo ngayon ay nagpalakas sa akin.  Napagtanto ko na ako ay natatangi din.”  Nuon, naisip ko kung bakit pinahintulutan ng Diyos na harapin ko ang lahat ng mga paghamak na iyon.  Ang aking tadhana ay upang bigyan ng lakas ang isang tao sa umpukan na nangailangan nito.

Sa aklat ng Genesis, kabanata 12, taludtod 2, nagsasabi, “Gagawin Kitang isang malaking angkan at pagpapalain Kita.  Gagawin Kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging isang pagpapala.”  Kaya, ipagkatiwala mo sa Diyos ang iyong mga hinanakit at takot.  Kahit na ang buong mundo ay laban sa iyo at wala ni kahit isa mang tao na nagmamahal sa iyo … kahit na ang iyong araw ay kasing dilim ng gabi, alamin na may isang Diyos na nagmamalasakit sa iyo … na nagmamahal sa iyo ng higit pa sa ano man o sino pa man sa mundo.  Alamin na ikaw ay inibig ng Diyos, ikaw ay mahalaga sa Kanya.  Ikaw ay Isang pagpapala!

'

By: Hanna Alice Simmon

More
May 12, 2022
Makatawag ng Pansin May 12, 2022

Ang akin bang pagtitiwala sa Diyos ay lubos na nakaasa sa aking pera sa banko, ari-arian at mga mapagkukunan? O talagang nagtitiwala ako sa Diyos?

Isang misyonerong pamilya ang dumating upang tumira sa amin sa Kabukiran ng Panginoon para sa oras ng pamamahinga pagkatapos bumalik mula sa isang misyon sa kampo ng isang ikatlong-bahagi ng bansa. Sa pananghalian, isang araw sila ay nagbahagi ng isang magandang kuwento tungkol sa pagbibigay ng Panginoon. Nakatira sila sa isang napakahirap na lugar at madalas na pumupunta sa kanila ang mga tao para humingi ng tulong. Ang pamilyang misyonero ay tumatanggap ng buwanang sahod para sa kanilang mga gastusin sa pamumuhay, at kadalasan sa katapusan ng bawat buwan ay kapos na sila sa pananalapi. Wala silang repridyeretor sa bahay o kahit anumang aparador, kaya’t anumang pagkain ang kakailanganin nila para sa araw na iyon ay bibilhin nila sa palengke at iyon ang kanilang kakainin.

Isang buwan habang tinitingnan nila ang badyet, nakita nila na sayad na ang kanilang badyet—halos hindi sapat para makakuha ng ilang simpleng pagkain hanggang sa pagdating ng susunod na sahod. At pagkatapos ay nakarinig sila ng katok sa pinto. Ang isang pagkatok sa pinto ay karaniwang nangangahulugan na may isang nangangailangan na dumating upang humingi ng isang bagay. Sinabi ng mga magulang sa mga bata, “Huwag nyong buksan ang pinto. Wala tayong kahit anong maibabahagi.” Alam nina nanay at tatay na halos wala silang sapat para pakainin ang sarili nilang pamilya. Ngunit ang mga bata, na takot na takot, ay nagsabi sa kanilang mga magulang, “Nasaan ang inyong pananampalataya?!” Sabi ng isa sa mga bata, “Kung nagtitiwala ka sa iyong sarili lamang, wala kang iniiwan na puwang para sa Diyos na makagawa ng mga kamangha-manghang bagay.”

Napahiya at naitama sila sa tugon ng kanilang mga anak, binuksan ng mga magulang ang pinto. Sa katunayan, may isang taong humihingi ng tulong, at ibinigay ng mga bata ang lahat ng mayroon sila sa isang pamilya na mas nangangailangan kaysa sa kanilang mga sarili. “Sige, eto na tayo,” sabi ng ama pagkatapos niyang isara ang pinto. “Magugutom na tayo ngayong linggo.”

Isinalaysay niya ang kuwento sa amin, pagkatapos ay sinabi niyang, “Oh ako na mahina ang pananampalataya! Sana nakita mo ang probisyon na dumaloy sa linggong iyon! May nagdala sa amin ng bigas, may nagdala ng kartilya na puno ng niyog, mayroon ding nagdala ng tubo. Naimbitahan din kaming kumain sa labas ng linggong iyon. Ipinakitang muli sa amin ang katotohanan ng Salita ng Diyos, ‘Magbigay at ikaw ay pagkakalooban .’”

Sinipi niya ang Lucas 6:38 nang sabihin ni Jesus sa Kanyang mga disipulo, “Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos. hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo; sapagka’t ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo.”

Nang mapagnilayan ko kalaunan ang kahanga-hangang patotoong ito, naitanong ko sa aking sarili, “Nasaan ang aking pagtitiwala? Ito ba ay nasa aking mga mapagkukunan, sa aking pera sa banko, sa aking ari-arian? O nasa Diyos ba?” Naisip ko ang sinabi ng isa sa mga batang misyonero, “Kung ang pagtitiwala mo ay nasa iyong sarili lamang, hindi ka nag-iiwan ng puwang para sa Diyos na makagawa ng mga kamangha-manghang bagay.” Nag-iiwan ba ako ng anumang puwang sa aking buhay para sa Diyos na makagawa ng mga kamangha-manghang bagay?

Habang papalapit na tayo sa panahon ng Kuwaresma, inaanyayahan tayo ng Simbahan na dagdagan ang pagdarasal, pag-aayuno at paglilimos. Ang pagbibigay ng limos, lalo na kapag nagbibigay tayo nang may sakripisyo at hindi lamang mula sa ating sobra, ay maaaring mag-unat sa ating mga puso at maalis ang ilan sa ating pagiging makasarili. Makakatulong din ito sa atin na magkaroon ng puwang sa ating buhay para sorpresahin tayo ng Diyos sa Kanyang kahanga-hanga at masaganang pangangalaga at probisyon.

Ngayong Kuwaresma, tanungin natin ang Panginoon nang may kasamang panalangin kung paano tayo magiging mas bukas-palad sa mga regalo na ipinagkaloob Niya sa atin, maging para sa ating panahon, sa ating lakas, sa ating mga ngiti—ngunit lalo na sa ating mga pitaka. Habang sinusunod mo ang madasalin na pag-uudyok na magbigay ng limos, huwag magulat kapag tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako sa Lucas 6:38 na lampasan ang anumang ibinibigay natin ng “hustong takal, siksik, liglig, umaapaw…” Gaya ng madalas sabihin ng tatay ko. sa amin, “Hinding-hindi mo malalampasan ang Panginoon sa kabutihang-loob!”

'

By: Ellen Hogarty

More