- Latest articles
Nang ako’y muling nagkaroon ng malay, hindi ko alam kung nasaan ako, kung anong araw ng linggo o ano ang aking gulang. Iyon ang araw na ang bawat bagay ay naging napakaiba para sa akin.
Aking dadalhin ang mga bulag sa mga daan na hindi pa nila alam; sa mga ilang na landas aking papatnubayan sila; gagawin kong liwanag ang kadiliman sa harapan nila at ang magagaspang na pook ay gagawin kong makinis. (Isaias 42:16)
Sapagkat ako’y isinilang na mayroong hindi normal na pag-uumbok sa aking utak, ako ay nagsimulang makaranas ng mga pagkawala ng malay nang ako’y sanggol. Nakagawian ko na tiisin ang mga ito bilang palagiang bahagi ng buhay ko, hanggang isang bagong uri ng pagkawala ng malay ay pumutol ng aking mga kinagawian. Isang umaga, ako’y masaganang nag-aalmusal kasama ng aking ina nang biglaang nawalan ako ng malay. Ako’y bumagsak sa aking upuan at dumanas ng pagkawala ng malay na nagtagal ng sampu hanggang labing-limang minuto.
Nawala at Nawalan ng Pag-asa
Nang ako’y muling nagkamalay, nakilala ko ang aking ina, ngunit hindi ko nakilala ang bahay o anumang pumapaligid sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako, kung anong araw ng linggo o ano ang aking gulang. Sa aking bahay, hindi ko makilala ang aking silid-tulugan. Lahat ng bagay ay tila napakaiba sa akin. Ang pagkawala ko ng malay ay nagsanhi ng pagkawala ko ng napakaraming gunitain. Nakadama ako ng labis na pagkawala. Ito ay nagpatuloy ng may dalawang linggo, at ako’y nagsimulang magipit.
Isang gabi, sa gitna ng aking pagkawala ng pag-asa, tumingin ako sa larawan ng Banal na Awa na nakasabit sa pader ng aking silid-tulugan, at tumawag ako sa Panginoon. Hiniling ko sa Panginoon na pagtibayin Niya ako, na patnubayan Niya ako, ngunit, higit sa lahat, na maging malapit Siya sa akin. Panginoon, huwag Mong tulutan itong kalagayan upang mawalay ako sa Iyo. Sa halip ay, ipahintulot Mo na gamitin ito bilang kasangkapan upang mahila Mo ako ng mas malapit sa Iyo. Jesus, ako ay nananalig sa Iyo. Nang gabing yaon, nagising ako ng mga ika-2 ng umaga at nagkaroon ng isang pangitain: Nakita ko ang aking sarili na bumabagsak sa sangkailaliman. Pagkatapos ay bigla akong nakakita ng kamay na humahawak sa akin at upang maiwasan ko ang paglunod ng tuluyan. Ito ay ang kamay ng Panginoon. Sa loob ng mga ilang sandali, ang aking sakit at pagkawala ng pag-asa ay naging katahimikan at ligaya. Magmula noon, nalaman kong ako ay nasa mga kamay ng Panginoon, at ako’y nakadama ng kaligtasan.
Sakit na Umaalon
Makalipas ang dalawang linggo pagkatapos ng pagkawala ng malay, nagsimulang bumalik muli ang mga alaala mula sa aking pagkabata, ngunit karamihan nito ay masasakit. Hindi ko ninais na magunita iyan. Sa halip ay, ninais kong gunitain ang mga magaganda at masasayang tagpo ng buhay ko. Sa una, hindi ko maintindihan kung bakit karamihan ng mga masasakit na alaala ang aking natatanggap. Ang mga dalubhasa sa agham ng neurolohiya at sikolihiya ay mayroong paliwanag: ang mga gunita na may pinakamalaking kinalaman ay ang mga mainam na nakatala sa utak. Ngunit ang pananampalataya ay may kakaibang paliwanag: Ang Panginoon ay ninais na kilalanin ko ang aking mga sugat at mapagaling ako sa mga ito.
Isang gabi, habang binibigkas ko ang aking mga panggabing dasalin, nagunita ko ang mga ngalan at mga mukha ng mga taong nanakit sa akin ng lubha. Ako ay napaiyak sa matinding sakit, ngunit—sa aking pagkagulat—hindi ako nakadama ng galit o pagtatampo sa kanila. Sa halip ay nakadama ako ng anyaya na ipagdasal ang kanilang pagsisisi at pagbabalik-loob, at ginawa ko ito. Kalaunan, napagtanto ko na ang Banal na Espiritu ang naghimok sa akin na ipagdasal sila sapagkat ninais Niya na pagalingin ako. Ang Panginoon ay pinagagaling ako.
Isang Kakaibang Sagot
Ako ay may sariling talaarawan, at sinimulan kong basahin ito upang tulungan ang sarili kong maibalik ang ilan sa aking mga gunita. Nang binasa ko ito, naalala ko na ako ay nakadalo na sa Shalom Growth retreat noong Marso, ang huling linggo bago magsimula ang paghihigpit gawa ng Covid 19. Sa retreat, ipinaubaya ko sa Panginoon at hiniling ko na patnugutan Niya ang aking buhay. Kalaunan, sa buwan ng Mayo, ako’y dumalo ng Pagpapagaling na Misa sa aking parokya, at hiniling ko sa Panginoon na tulungan Niya akong kilalanin ang aking mga sugat at pagalingin ang mga ito. Hindi ko mapagpalagay na ang Panginoon ay tutugon sa ganitong paraan. Para sa akin, ang pagkawala ng malay, ang pagkawala ng gunitain at ang mga tagpong sumunod ay ang ganap na tugon ng Diyos sa mga panalangin ko. Maaaring tanungin mo kung bakit ang Diyos ay tumugon sa aking mga panalangin sa pagpayag nitong mga pagkawala ng malay at gunitain na mangyari, at ito ang aking sagot: Bawat sandali ng paghihirap ay pag-aanyaya sa atin upang mapalapit tayo sa Diyos, bawat suliranin ay isang anyaya na manalig sa Kanya, at ang pagkawala ng pagpigil ay anyaya para sa atin upang matandaan na Siya ang makapagpipigil at ang mga plano Niya ay mas mabuti sa mga plano natin.
Ang Lakad na Matatandaan
Ito ang isang bagay na dating hindi ko pa naranasan. Ang Panginoon ay tunay na dinala ako sa landas na hindi kilala, ngunit nananatili Siya sa tabi ko. Na kahit maraming bagay akong nalimutan, hindi Niya hinayaang malimutan ko ang Kanyang pagmamahal. Ang pang-araw-araw na pagbabasa ng Bibliya, ang mga pagninilay-nilay, ang larawan ng Banal na Awa, ang mga panaginip at mga taong nagdarasal para sa akin ay nanatiling pagpapaalala ng Kanyang pag-ibig. Nadama ko na Siya ay kasama ko sa paglalakad ng habang-daan, na nagawa itong hindi-kilalang lansangan na mas makinis para sa akin. Para sa dahilang ito, ang mga biyaya ay tiyak na mas malakas kaysa sa dalamhati.
Ako ay nakapagsilbi sa Panginoon, ng mahigit-kumulang na isang taon, sa pamamagitan ng pagsalin ng mga Katolikong artikulo at dokumento, at patuloy na nagampanan ko iyan sa lahat ng mga buwan nito. Kahit na maraming bagay akong nakaligtaan, hindi ko nawala ang kasanayan at kakayahang magsalin. Ako ay nagpapasalamat para diyan, sapagkat pinahintulutan ako nitong maghanap-buhay para sa Kanyang kaharian sa panahon ng kagipitan. Ngayon, pagkaraan ng maraming buwan, nanumbalik na ang karamihan ng mga gunita ko. Ako ay madalas pa ring makalimot, at ako’y naging mabagal na sa mga ilang bagay, ngunit ako’y lubos na nagpapasalamat sa Diyos para sa mga alaala na muli kong nabawi at sa lahat ng mga biyayang natanggap ko nitong mga buwan.
Kung ang Panginoon ay naidala ka na sa landas na hindi kilala, ipagpakatiwala mo sa Kanyang loob at hilingin mo sa Kanya na gawing makinis ang mga lansangan sa harapan mo. Alalahanin mo na ang Kanyang mga plano ay higit na mabuti sa ating mga plano. Hindi Niya ako pinabayaan, at kahit ikaw ay hindi Niya pababayaan.
'Maging mabighani sa buhay ni Brian Welsh, sa pag babahagi niya ng kanyang paglalakbay na matagpuan ang Idolong Bituwin at kung paano radikal na nagbago ang kanyang buhay.
Tumalon na Parang Usa
Noong ako ay bata pa, narinig ko ang Libro ni Isaias na binabasa, “Sino ang aking ipadadala?” “Sino ang sasama sa atin?” Mabilis kong itinaas ang aking kamay at binigkas kong, “Ipadala mo ako.”
Lumaki akoi sa isang bansa na mahal ang pangingisda at paglalaro ng football. Talagang mahusay ang pagpapalaki sa aking bilang Katoliko. Pagkatapos kong matanggap ang aking unang pagtanggap ng Komunyon isang umaga, nakaramdam ako ng matinding init ng apoy sa aking puso. Pag dating na pagdating ko sa bahay, ay para akong isang usa na talon ng talon at masayang nagtatakbo patungo sa burol. Ang pakiramdam ng Kapayapaan at Sigla ng Panginoon ay nag umapaw sa isang kanta “Ang Panginoon ay nagliiyab sa aking puso. Siya at ako ay iisa “
Sa aking pagtanda, nawala ang taglay na pagka walang muwang na pakiramdam na ang Panginoon ay nasa akin. Ako ay nabaling sa tukso. Nang ako ay nagsi silbing katulong sa altar, naging responsibilidad ko na dalhin ang mga nalikom na pera sa kumbento. Sabihin natin na “Ang kaunti ay para sa Panginoon Diyos, ang kaunti ay para sa kay Brian” para pambili ng ice cream. Habang tumatanda ako, ang pag nanakaw ay tumitibay, kaya kapag may mga naiwanan bagay ay walang akong dalawang isip na kukunin ko ito kapag walang nakatingin.
Riple sa Kamay
Itinutuwid ako ng aking ama ngunit ako ay naghimagsik sa kanyang awtoridad. Nakaramdam ako ng galit at ito ay natangay sa aking paglalaro ng football. Ako ay naging marahas at mapaghiganti. Nabahala ang mga taong nakapaligid sa akin dahil sa pag tindi ng aking galit. May nag pahayag ng kaniyang pagkabahala sa akin at sumagot ako ng buong tapang “Hindi mo alam ang iyong sinasabi “
Isang gabi, sa aking hinanakit sa aking ama at nilagyan ko ng bala ang aking riple para barilin siya. Ngunit, sa pag alis ko sa aking silid, ay na pako ang aking paningin sa imahen ng Sagradong Puso ni Jesus. Habang naka titig ako sa kanyang mata, nakaramdam ako ng pagkawala ng aking galit at tinanggal ko ang bala ng riple.
Ng namatay ang malapit kong kaibigan, si Andrew, ng cancer tinanong niya ako, “Sino ang Panginoon Diyos?” Wala aking maisagot, dahil lubusan ko nang nakalimutan ang pagmamahal ng Diyos sa atin at ang personal kong kaugnayan sa kanya.
Maaaring ang paglipat ko sa malaking siyudad ay makatulong na mapabuti ang mga bagay, ngunit lalo lang itong nagdulot ng pagkalungkot at mabillis na nawalan ng trabaho. Ang kawalan laman ng aking buhay ay hinihigop ako pailalim, kaya ipinasiya ko na tapusin ito. Walang makapag pupuno ng kawalng laman ng buhay, walang kaugnayan kanino man, walang karansan – hindi mabibili ng pera. Malawak na napakasakit! Sa isang saglit, ibinaling ko ang aking sarili sa pag biyahe sa Australia, nagnanakaw pa rin para ma sustinehan ang aking sarili.
Nagulat ni Lucia
Sa wakas, bumalik ako sa Panginoon Diyos at nagdasal. – “Panginoon Diyos, kailangan ko po ang iyong tulong.” Habang ako ay nakayuko, nakakita ako ng tindahan ng mga libro ng Katoliko. Ng pumasok ako sa tindahan ay nagdasal ulit ako “Panginoon, Kung mayroon pong libro dito na gusto niyo na basahin ko, ipakita nyo sa akin.” Habang nag titingin ako ng libro, may bumagsak na libro, pinulot ko at ibinalik ko sa lalagyan. Pangalawang beses na nahulog at ibinalik ko ulit. Sa pang tatlong beses na bumagsak ang libro ay sa harapan ko. Malamang na ito ang ipina babasa sa akin ng Panginoon. Nang aking baliktarin ang libro, ay ipinagisipan ko ang titulo – “Fatima sa mg salita ni Lucia.” Nagulat ako – “Ano ang Fatima at sino si Lucia?”
Binasa ko pa ulit ulit ang libro sa bahay. Nanumbalik sa akin ang lahat ng ginawa kong kamalian. Puno ng kalungkutan sa aking kasalanan, lumuhod ako at sumigaw sa Panginoon Diyos ng biyaya at awa sa kapatawaran. Nangumpisal ako at sa oras na binanggit ng Pari ang kapatawaran, naramdaman ko ang pagmamahal ng Diyos, at pag aalis ng kadiliman.
Mayroon par rin akong kailangan, ngunit sa halip na hanapin ko ito sa Simbahan Katoliko, ay napunta ako sa Simbahan Pentecostal. Habang sa isang sermon tungkol sa pagmamahal ng Panginooin. Nang tinanong ng Pari kung sino ang may kailangan ng dasal na pumunta sa unahan. May naramdaman akong boses na nagsabi sa aking pumunta ka.
Nang tinanong ako ng Pastor kung ano ang gusto ko, wala akong masabi kung hindi ang pagmamahal ng Panginoon Diyos. Hinimok niya ako na buksan ang aking puso sa pagmamahal at awa ating Panginoon Diyos. “Pumasok ka sa puso ko Jesus. Maging aking Panginoon at Tagapagligtas.” Dahil ako ay nakapg sisi na at nag kumpisal na, handa na ang aking puso. Nang isinara ko ang aking mata at humawak sa kamay ng Pastor at nagdasal ng taimtim, ang Espiritu Santo ay dumapo sa akin, pinuno ang kawalang laman sa aking katawan ng pagmamahal ng Panginoon Diyos.
Paghahanap ng Aking Tahanan
Nakapagbati kami ng aking ama at naunawan ko ngayon ang maging bilang ama. Bago siya namatay ng cancer, ibinahagi namin ang aming masasayang nakaraan at iniyakan naming ang aming hindi pag kakaunawaan. Pag katapos niyang mamatay, napanaginipan ko siya na siya ay puno ng ilaw kasama ang paborito niyang sombrero.
Na mirmihan ako sa Pentecostals hanggang pinagsabihan ako na huwag sambahin si Maria. “Hindi ko sinasamba si Maria. Ako ay nag ro Rosaryo.” Mahal ko ang simbahang ito, ngunit mas mahal ko ang aking BanaI na Ina. Ipinagdasal ko kung saan Niya ako gustong dalhin? Nang nabanggit ko ang pinagdaraanan sa pangungumpisal, nasabi sa akin ang isang samahan ng Katolikong Charismatic. Naging palagay ang aking loob dahil mahal nila ang ating Dakilang Ina, mahal nila ang tradisyong simbahan, at mahal nila ang Eukaristiya.
Ang aking buhay ay patuloy na mabilis na nagbago. Itinanong ko sa Panginoon Diyos, “Ano po ang gusto niyo sa akin?” Naramdaman ko ang tawag ng Panginoon na ako ay maging isang misyonaryo at ako ay ipinadala sa Papua New Guinea. Walang hanggan ang pamumuhay ko kasama ang mga taong nakikita ko na inantig ng Banal na Espiritu.
Isang pari ang nagsabi sa akin na ako ay isang evangelist, isang taong taga paglaganap ng istorya ng Panginoon Diyos at ang Kanyang Mga Salita. Lumabas kami sa kalsada at hinamon niya ako na puntahan ang isang kabataang lalaki at sabihan ng tungkol kay Jesus. Pinapunta rin niya ako sa aking bahay inuman at inutusan na ipamahagi ang pagmamahal ni Jesus sa unang tao na makausap niya. Sinunod ko ang utos niya. Ang sabi ng Pari, “ang ginawa mo ay ang pagiging taga pamahayag ng buhay at pagmamahal ng Panginoon Diyos “. Sa loon ng ng 32 taon, ako ay nagpupunta sa mg kalsada, sinasamahan ang mga taong nalulong sa masamang gamoit, hinahanap ang mga tao na hindi alam ang pagmamahal ni Jesus, mga gustong magpakamatay. Kailangan malaman ng mga tao ang tunko kay Jesus. May mga Katoliko na nagsisimba na hindi alam ang pagmamahal ni Jesus.
Mahal Mo Ba Ang Panginoon Diyos?
Kapag kausap ko ang mga tao na naagaw ng homosekwalidad, ang kanilang unang tanong ay”, ako ay isang tomboy, paano ako mamahalin ng Panginoon Diyos? Mahal ka ng Diyos katulad ng pagmamahal niya sa akin. Hindi niya gusto na malaman ang iyong sekswal na pagkatao. Gusto niya malaman kung ikaw ay may puso na nagmamahal sa Kanya “Ang anak ng Diyos ay dumating para sa atin upang tubusin ang ating mga kasalanan. Siya ay nagtagumpay sa pangingibabaw sa aking mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang awa. Naramdaman ko ang init ng kanyang pagmamahal and ngayon ako ay kanyang tinawag upang ipamahagi ang Kanyang pagmamahal sa buong mundo.
Sa pagluhod ko isang araw sa harap ng Pinagpalang Sakramento, nakatanggap ako ng imahen ni Jesus na lumalabas sa Tabernakulo, na nagniningning sa ilaw. Habang papalapit sa akin, naramdaman ko abg apoy ng pagmamahal niya sa aking puso. Nakaturo sa Kanyang Puso, sinabi niya “Ipamahagi mo ang aking pagmamahal sa buong mundo.” Ipinangako ko na gagawin ko ito kahit na ako ay nag iisa. Sa maraming panahon, ako ay nag iisa kasama ang presensya ng Panginoon Diyos, ngunit dumarami ang mga tao na sumasama sa akin.
Kapag kami ay nag babahagi ng Salita ng Diyos, maraming tao ang nagsasabi “Mabuti at kayo ay naririto,” ngunit may ibang tao na hindi sang ayon sa pagtanggap at kami ay poinhihinto. Ang aking kasagutan ay simpleng “Mahal kayo ng Panginoon Diyos.” Ang aking samahan ay pinagtibay ng Sakramento, Salita ng Diyos at pagdarasal para dalhin ang Kanyang kapanyarihan ng pagpapagaling at awa sa mga taong tunay na nangangailangan. Namimigay kami ng Biblia, Rosaryo, banal na mga babasahin. Sa panahon ng pandemya, ay inilalagay ko ito sa selyadong mga pakete at inaanyayahan ko ang mga tao na kumuha nito. Nag tayo ako ng munting kapilyal na may imahen ng Banal na Awa para sa aking tuntunin ng aking pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Ako ay nagpupunta sa mga paradahan ng sasakyan o sa mga lugar na dumaraan ang mga tao.
Sino ang Iyong Bituwin?
Ako ay namamahagi rin ng Salita ng Diyos sa lugar ng trabaho. Kung ang mga tao ay bukal sa pagtanggap, binibigyan ko sila ng Biblia at nakikipagdasal sa kanila. Kahit anumang pagkakagumon mayroon ka, alak, masamang gamot, sexwal, nikotene, publiko pamamahayag, lumapit tayo sa Panginoon Diyos, gamitin natin ang kapangyarihan ng Rosaryo at mag muni muni ng Evangeliyo. Isang araw, sasabihin ng Panginoon sa iyo “Hindi mo ito kailangan, ikaw ay malaya na.”
Siguraduhin na ikaw ay sumusunod sa tamang bituwin. Ang mga bituwin ng pelikula, ng mga laro, ng telivisyon, ng publiko pamamahayag ay lahat kumuhuha ng ating pansin. Kayo ba ay ginagabayan ng tamang bituwin? Ang tamang bituin ay nag gagabay sa inyo patungo kay Hesus Kristo, ang ating Panginoon at Taga pagligtas, ang manggagamot ng puso ng tao at ng publiko pamamahayag (social media), tagapagisa ng lahat ng bansa. Ang Bituwin ng Umaga, si Maria ang nag gabay sa aking patungo sa Panginoon Diyos. Ako ay namumuhay sa dilim, sa kawalang pagasa sa buhay hanggat ako ay ginabayan ng Mahal na Ina sa matinding pagibig ng Panginoon Diyos.
Ngayon, ang aking buhay ay para sa Kayna _ sa pamilya, sa lugar ng trabaho, sa buhay publiko. Kahit saan man ako pumunta, nabubuhay ako kasama ang kanyang presensya, taglay ang Kanyang ilaw para sa mundo para maalis ang kadiliman. Ang aking maybahay at mga anak ay nabubuhay para sa Kanya at nagagalak sa pakikibahagi ng pinaka mabuting bagay na mayroon kami – ang pagmamahal ni Jesus.
'Ano ang Pinakamabuting Lunas sa Kalungkutan?
Ito ay isang ordinaryong Linggo ng gabi sa paupahang bahay para sa mga estudyante kung saan ako ay tumutuloy. Karamihan sa aking mga kaibigan ay umuuwi sa kani-kanilang tahanan tuwing katapusan ng linggo. Matapos kong tapusin ang aking mga gawain at pag-aaral para sa araw na iyon, naghanda ako upang makadalo sa misa ng gabing iyon sa maliit na kapilya ng kumbento malapit sa aking tinutuluyan. Habang ako ay patungo sa kapilya ako ay nakaramdam ng lubos na pagkalungkot na halos hindi ko makayanan. Maliban sa katunayan na milya – milya ang layo ko sa aking pamilya, may isang bagay akong pinapasan, ngunit hindi ko matukoy kung ano ito. Ang kalungkutan ay bale wala na sa akin. Mahigit anim na taon na ang aking ginugol sa Kolehiyo/Unibersidad na aking tinutuluyan at nabibisita ko lang ang aking mga magulang na nagtratrabaho sa ibang bansa tuwing may mga araw ng pahinga sa eskwelahan.
Nang makarating ako sa kapilya, nagulat ako ng makita ko itong puno ng mga tao, na hindi pangkaraniwan. Gayunpaman, nakahanap ako ng upuan sa unahan at ako’y umupo. Hindi ko maitutok ang aking isipan sa mga panalangin dahil sa ibang mga bagay na umuukupa ng aking pag-iisip habang nagmimisa. Habang papalapit ako sa linya ng mga mangungumunyon ay lalong tumindi ang sakit ng loob na nararamdaman ko. Pagkatanggap ko kay Hesus, bumalik ako sa aking upuan at lumuhod upang magpasalamat.
Sa mga sumunod na sandali napagtanto ko na ang matinding kalungkutan at lumbay na nararamdaman ko ay nawala! Para bang may mabigat na naalis sa aking balikat sa isang iglap. Ako ay nagulat sa pagbabagong ito dahil hindi ako masyadong nakapagdasal sa oras ng Misa, o nakapagsabi man lang kay Hesus tungkol sa nararamdaman ko. Ngunit ang Panginoon ay nakatingin sa akin mula sa dambana. Alam niyang nahihirapan ako at nangangailangan ng tulong.
Ang maliit na pangyayaring iyon ay tumatak ng malalim sa aking ala-ala. Kahit sa paglipas ng maraming taon naalala ko kung paano niya ipinaramdam ang kanyang pagka mahabaging pag-aalaga sa akin. Ang Eukaristiyang Panginoon ang naging kanlungan ko sa lahat ng mahihirap na sandali ng aking buhay. Kahit minsan ay hindi siya nabigo na tulungan ako sa pamamagitan ng kanyang mga biyaya at awa. Kapag ang ating buhay ay parang binabagyo, at walang kasiguruhan, hindi natin malaman ang dapat gawin at tamang daan na tatahakin, ang dapat nating gawin ay tumakbo sa kanya. Ang ilan sa atin ay gumagastos ng maraming pera upang makipag-usap sa isang dalubhasa sa agham ng isip, ngunit madalas na hindi natin napagtanto na ang pinakadakilang tagapayo ay laging handa na makinig sa ating mga problema sa anumang oras, ng walang kailangang tipanan!
Walang hihigit na lunas sa kalungkutan kaysa sa presensiya ng Panginoon. Kapag naramdaman mo na talagang walang nakakaunawa o nagmamalasakit sa iyo, lumapit ka ng may buong pagtitiwala sa Banal na Sakramento. Hinihintay ka ng Panginoong Hesus upang maranasan mo ang kanyang dulot na kaginhawahan, lakas at labis na pagmamahal!
“Ang oras na ginugol mo kasama si Hesus sa Banal na Sakramento ay ang pinaka mabuting oras na ginugol mo sa mundo”. – Saint Teresa ng Calcutta
O aking Hesus tunay na naririyan sa Banal na Sakramento, tulungan mo akong ipagkatiwala sa iyo ang lahat ng aking mga alalahanin tungkol sa hinaharap. Ako ay nagtitiwala at lubos na naniniwala na walang imposible para sa iyo. Ako ay iyong aluin at palakasin ng iyong labis na pagmamahal, Amen!
'Si Padre Chris da Sousa ay bulag hanggang ang isang paglalakbay sa Fatima ay nagdulot sa kanya ng isang himala, at hindi iyon ang huling himala na natamo niya para sa kanyang pamilya.
Ang aking pananalangin sa ating Pinagpalang Ina ay nagsimula pa sa aking mga unang araw. Ako ay Ipinanganak sa Australia, ngunit ang aking mga magulang ay mga dayuhan na Portuges, kaya malakas ang pananalangin namin sa ating Dilag ng Fatima. Nagdadasal kami raw-araw ng Banal na Rosaryo at sa pamamagitanan nya, sumibol sa akin ang isang dakilang pagtitiwala sa kanyang pamagitanan.
Ipinanganak akong ligal na bulag sa kanang mata at ang kaliwang mata naman ay pipahirapan ng isang pangkatawanang kalagayan na naging sanhi ng panghina ng aking paningin sa paglipas ng mga taon. Habang ak Makipagsapalaran o’y lumalaki, napagkayarian ng aking mga magulang na dalhin ako sa ilang dalubhasa, umaasang sa isang lunas, ngunit parepareho ang kinalalabasan. Ito ay walang kagamutan at sa pagsapit ng pagkaadulto ako ay magiging ganap na bulag.
PAGSUBOK SA PANGANIB
Pagtuntong ko ng pagkaadulto, walang pangmalas ang naiwan sa aking kaliwang mata, kaya’t ang aking pag-aaral ng pagiging manananggol ay napakahirap. Pighating sinaksihan ng aking mga magulang ang aking pakikibaka sa pagbasa ng mga malalaking aklat sa limitado kong paningin. Kaya sa pangalawa sa huling taon ng aking pag-aaral, sila ay naglakbay sa Fatima upang humingi ng tulong sa ating Dilag na maibalik ang paningin ng kanilang anak. Ako ay naiwan para tapusin ang aking huling taon. Nang sila ay bumalik na may mas malakas na pananampalataya at tiwala sa tulong ng ating Ina, nakatagpo nila ang isang dalubhasa na may natutunang bagong kadalubtiasaan sa Belgium na maaaring makatulong sa akin. Bagaman ang pagtakda ng isang tipanan sa dalubtiasang ito ay halos hindi matamo, hiniling nila ang tulong ng ating Dilag, at hindi inaasahang tinawag ako para sa isang pagsangguni. Bagaman naitalaga ko na ang aking sarili sa kakulangan ng paningin, di ko magawang biguin ang aking mga magulang matapos ang lahat ng kanilang pagsisikap.
Matapos suriin ang aking paningin, kaagad sinabi ng dalubhasa na hindi tiyak kung makakatulong sa akin ang kadalubtiasaag ito. Ito ay mapanganib, at dahil wala itong pagsang-ayon ng pamahalaan, ito ay napakamahal. Gayunpaman, sa laki ng tiwala ng aking mga magulang sa tulong ng ating Dilag, agad silang sumang-ayon sa halaga at hinikayat akong ipagpatuloy ang pagpapagamot. Nag-aalala, bagamat umaayon, ipinagkatiwala ko ang aking sarili sa mapagmahal na pangangalaga ng ating Dilag.
PAGSUBOK SA PAGKAKATAON
Nagsimula sila sa aking kanang mata – ang ligal na bulag na mata. Sinabi ng siruhano na maaaring tumagal ng ilang buwan bago ako makakita nang ganap, kaya hindi ko inaasahan ang anumang agadang pagkakaiba. Ngunit sa loob ng 15 hanggang 20 minuto matapos ang pagtistis, sa kauna-unahang pagkakataon, malinaw na nakakita ang aking ligal na bulag na mata. Mga kulay at katuringang hindi ko pa nakita!
Buhat sa pagtistis na iyon, ibinubunyi ko ang Panginoon, pinupuri Siya at pinasasalamatan ang Ating Pinagpalang Dilag sa kanyang gabay at pamamagitan. Habang masayang niyakap ko ang aking mga magulang, hinirang ito ng dalubhasa, na hindi isang mananampalataya, bilang isang himala. Hindi niya maipaliwanag ang agadang-handog na malinaw na paningin matapos ang pagtistis sa isang mata na kailanman ay hindi nagkaron ng malinaw na paningin.
Lumipas ang isang buwan, inopera ang aking kabilang mata. Ang asahang maulit ang himala ay tila kalabisan na, ngunit ang mga pagpapala ng Diyos ay sagana. Minsan pa, sa loob ng 15 hanggang 20 minuto, malinaw akong nakakita sa kaliwang mata. Ang ganap na paningin ay naibalik. Salamat sa pamamagitan ng ating Pinagpalang Mahal na Dilag at sa dakilang pananalig at tiwala ng aking mga magulang, nasimulan ko ang buhay bilang isang tagatangkilik.
GUMAWA NG PAGBABAGO
Lagi kong minithi na maging isang manananggol, ngunit binuksan ko din ang aking puso sa Panginoon. Ano ang hinihiling niya sa akin? Alam kong ang himalang ito ay isang handog na hindi nararapat ngunit kasama ang ating Pinagpalang Dilag, tatanungin ko Siya, “Panginoon, ano ang nais mo sa akin? Bakit mo ibinalik ang aking paningin habang marami pa ang nanatiling bulag?” Sinimulan nito ang isang mahabang panahong pag-aaninaw, samantala namang sinimulan ko ang magtrabaho. Kahit nakadama ako ng katupadan bilang isang manananggol at nagbalak magkaron ng buhay may-pamilya, tinanggap ko ang isang buhay-relihiyoso at pagkasaserdote noong sumama ako’y kasama sa paglalakbay ng Araw ng Kabataan sa Mundo.
Puspos sa labis na takot, tumagal nang ilang buwan bago ko matukoy ang pagtawag sa akin. Noong ika-13 ng Mayo, sa Misa para sa Pista ng Ina ng Fatima sa aking bayan, hiniling ko sa kanya, “Kung ito ang gusto ng iyong Anak, tulungan mo akong makita ito nang malinaw gaya nang tinulungan mo akong makakita.” Parang isang belo ang naangat mula sa aking mga mata. Alam kong tinatawag ako ng kanyang Anak sa buhay-madasalin. Tinawag ako ng kanyang Anak sa pagkasaserdote. Ipinagkatiwala ang sarili sa mga kamay ng Ina, nabatid ko sa kalaunan na dapat kong ialay ang aking buhay sa Panginoon, kasama ang mga pari ng Somascan.
Sa pagsunod sa isang sinaunang kaugalian sa aming relihiyosong ordenan, nang ihayag ko ang aking mga panata ng kahirapan, kalinisang-puri at pagsunod, inilalay ko rin ang aking sarili sa ating Ina at idinagdag ang kanyang pangalang Maria sa akin. Ang aming tagapagtatag, si Santo Jerome Emiliani, ay mapaghimalang napalaya ng ating Pinagpalang Ina noong siya ay isang bilanggo ng digmaan 500 taon na ang nakalipas. Napalaya din ako mula sa aking pagkabulag, sa kanyang pamamagitan, na makayanang maibigay ko ang aking buong buhay sa kanyang Anak.
ANG MGA HIMALA AY NANGYAYARI
Noong ako ay nasa Roma, naghahanda para sa aking huling pagsusulit sa Teolohiya, ang aking ama ay nagkaron ng kanser sa dugo. Habang siya’y naghahandang mabigyan ng panlapat-lunas, nagpunta ako sa Fatima upang ipagkatiwala ang kalusugan ng aking ama sa pag-aalaga ng ating Ina at upang pasalamatan siya sa himala na maibalik ang aking paningin. Sa araw ding iyon na pa-luhod akong naglakad sa kung saan siya nagpakita sa 3 bata 100 taon na ang nakaraan, natuklasan ng manggagamot ng aking ama na ang kanser sa kanyang dugo ay ganap na nawala. Minsan pa, namagitan ang ating Mapagpalang Ina, mahimalang naibalik sa kalusugan ang isa pang kaanib ng pamilya.
Kasunod ng mga taong pagmimisyon sa India, Sri Lanka at Mozambique, umuwi ako sa Australia upang ihanda ang sarili para sa aking taimtim na panata at pag-orden ng pagkasaserdote. Ang aking pag-orden ay naganap sa buwan ni Maria, Mayo, Sabado, sa kanyang karangalan. Ipinagkatiwala ko ang aking buong pagkasaserdote sa kanyang mala-inang mga kamay. Kinabukasan, Kapistahan ng ating Dilag ng Fatima, ika-13 ng Mayo, idinaos ko ang aking unang Misa. Ito ay sinundan ng isang maganda at makandilang prusisyon, bilang parangal sa ating Dilag ng Fatima, sa haba ng kalye ng Fremantle.
Apaw kami ng kagalakan, nang malubhang magkasakit ang aking ina at agad na isinugod sa pagamutan. Mabilisan akong sumunod upang mabigyan ko sya ng Sakramento ng Pagpapahid sa May-sakit –ang sakramento ng pagpapagaling. Siya ang unang taong pinahiran ko sa sakramentong ito. Pinatibay nito ang aking pagkasaserdote upang magampanan ko ang paglilingkod sa kanya, hindi lamang bilang kanyang anak, kundi bilang isang pari. Inisip ng mga doktor na siya ay nagkaroon ng atake sa puso at binigyan siya ng gamot upang numipis ang kanyang dugo. Ang totoo, siya ay may isang aneurysm na kung saan ay nagdudugo sa loob ng katawanb.
Napagtanto lamang nila ito matapos ang mga ilang araw na binibigyan sya ng pampanipis ng dugo na syang tunay na dahilan ng labis na panloobang-pagdudugo. Siya ay madaliang pumasailalim ng pagtistis, na kung saan siya ay di inaasahang makaligtas; ngunit pinagpalaan kaming muli ng Diyos ng isang himala, salamat sa pamamagitan ng aming Pinagpalang Ina. Hindi naipaliwanag ng mga manggagamot kung paano nangyaring buhay pa ang aking ina matapos ang panloobang-pagdudugo nang napakadaming araw. Ipinaliwanag sa akin ng aking ina na ang Mahal na Ina ay namagitan para sa kanya. “Inihandog ng aking anak ang kanyang sarili sa kanya at, bilang isang pari, iniaalay niya ang Banal na Misa para sa akin araw-araw. Iyan ang dahilan kung bakit ako gumaling, iyan ang dahilan kung bakit nangyari ang himalang ito.”
Pinangunahan ni Mamma ang Daan
Ang mahirap-unawaing mga karanasang ito ay nagpalalim ng aking pananalangin sa Ating Pinagpalang Dilag. Hinihikayat ko kayo na ipagkatiwala ang inyong buhay sa kanyang makalangit na pamamagitan. Maaari akong magpatotoo sa mga himalang naganap noong siya ay namamagitan para sa atin sa kanyang Anak. Siya, na ipinaglihi na walang bahid, ay nakatanggap ng mga biyaya, na nakuha ng kanyang Anak sa Krus. Nagawa niyang sumagot ng “Oo” upang maging Ina ng Diyos, bago pa tinanggap ng ating Panginoon ang Kanyang Pagdurusa at Kamatayan sa Krus. Ang pagnanais ng ating Pinagpalang Ina na tulungan ang mag-asawa sa Cana ang naging dahilan ng unang himala ng Panginoon. Ang puso ng ating Mapalad na Ina ay tinuhog ng kalungkutan (Lucas 2:35) na nagbabala ng pagtusok ng Puso ng ating Panginoon sa Krus (Juan 19:34). Kaya, ipinapakita niya sa atin kung paano sundin si Jesus, sa lahat ng ating kagalakan at pagdurusa, na ipinagkakaloob ang mga ito sa Kanya.
'Nais mo bang maging pinakamabuting bersyon ng sarili mo? Magsagawa ng unang hakbang!
Nawawalang Karugtong
Ang patotoo ko ay hindi tungkol sa isang makapangyarihang pagbabalik-loob, isang sandaling pagbabago ng buhay o isang malahimalang pagpapagaling. Ito ay isang maliliit na hakbang sa paglalakbay. Isang paglalakbay na kung saan ako ay patuloy na natitisod at nadadapa, ngunit ang Panginoon ay lagi akong itinatayo at sinasamahan sa aking paglalakad. Ipinanganak at pinalaki akong Katoliko. Gayunpaman, tulad ng patunay ng maraming tao, hindi ito laging totoo. Sumali ako sa mga Sakramento at palagiang nagsisimba, ngunit kulang ang aking personal na kaugnayan kay Jesus.
Sa panahon ng aking pamumuhay sa Unibersidad, kapag ako ay nahaharap sa mga paghihirap, bumabaling ako sa Panginoon upang maalo. Palagi Siyang naririto para sa akin, ngunit ako ay hindi palaging naroon para sa kanya. Inilalagay ko ang Diyos sa isang kompartamento at bumabaling sa Kanya kapag may kailangan lang. Siya ay tiyak na bahagi ng buhay ko, dahil patuloy akong nagsisimba tuwing Linggo at madalas na magdasal, ngunit hindi Siya ang nasa gitna ng buhay ko. Ang aking mga interes at mga hangarin ay nangunguna sa aking isipan. Hindi ako kailanman huminto kahit sandali upang pag-isipan kung ano ang kalooban ng Diyos.
Anim na buwan bago ang pagtatapos, bumaligtad ang buong mundo ko. Dumaan ako sa matinding depresyon at sa mahabang panahon, puro kadiliman lang. Ang paghihirap ng kalooban at kawalan ng pag-asa na naramdaman ko ay mahirap ipaliwanag sa mga salita, ngunit sa palagay ko marami rin sa inyo na nagbabasa nito ang nakaranas din ng ganito. Kapag nangyari ito, gumagawa tayo ng paraan o iba pa. Tumatakbo tayo palapit sa Diyos naghahanap ng kanlungan sa Kanya o tumatakbong palayo sa kanya sa galit.
Nakakalungkot dahil pinili ko ang huli. Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan ng Diyos na ako’y dumaan sa isang bagay na nakakatakot kung mahal Niya ako. Ang pinakamabuting bahagi ng taon, lubusan akong humiwalay sa mga tao. Tumigil ako sa pagsisimba. Tumigil ako sa pagpunta kahit saan. Nabalot ako ng pakiramdam ng pagkahiya at kawalan ng halaga. Ang mga saloobin tulad ng “Ikaw ay isang pasanin’ at ang’ lahat ay magiging mas maayos kung wala ka! ay patuloy na pumapasok sa aking isipan. Ang aking isip ay tulad ng isang bilangguan na hindi ko matakasan.
Sa kabutihang palad, hindi doon nagtatapos ang aking kuwento. Isa sa mga paborito kong taludtod sa Bibliya ay ang Roma 8:28. “Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa Kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala,”sa kanilang ikabubuti. Tinitiyak nito sa atin na, Anuman ang maaaring mangyari sa ating buhay, gagawin ng Diyos ang makabubuti sa atin. At ipinaaalala rin Niya sa atin ng may buong pagmamahal na tayo ay pinili Niya at may layunin sa pamamagitan Niya.” Naging maliwanag ito sa aking buhay ng dahan-dahan akong bumalik sa pananampalataya sa tulong ng iba’t-ibang mga tao at mga pangyayari na tiyak kagagawan ng Diyos.
Maliliit na Hakbang
Sa pagkakataong ito, naiiba ito. Nagsisimba ako sa pang araw-araw na misa at mga pag-aayuno dahil tunay kong hinahangad ang pagmamahal ng Diyos. Gayunpaman, ang hindi pa maayos na kalusugan ng aking pag-iisip ay paulit-ulit at patuloy akong nakikibaka. Walang anumang pag-unlad o paggaling kaya ang aking kinabukasan ay walang katiyakan. Palagi akong nagsasawa sa buhay. Ang pag-asa at kapayapaan na ipinangako ni Jesus ay tila malayo pa. Gaya ng sabi ko noon, walang mahiwagang sandali na makapagbabago ng mga bagay sa paligid ko para sa akin gaya ng gusto ko. Kailangan kong maghintay sa oras ng Diyos. Gayunpaman, ang ilang maliliit na hakbang ay nakatulong sa akin sa pag-unlad sa mas tiyak na kalagayan.
Ang aking pamilya ay ang pinaka malaking pagpapala sa akin. Nanindigan sila sa tabi ko sa pinaka madilim na panahon ng aking buhay at tunay akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa kanila. Makalipas ang dalawang taon, nagsimula kaming magbasa ng Bibliya ng tatlumpong minuto araw-araw- isang bagay na patuloy naming ginagawa. Kahit na ito ay maaaring maging mahirap, lalo na sa pagsasaliksik ng ilang lumang Tipan, talagang sulit ang pagtityaga. Kapag pinahalagahan natin ang Bibliya bilang buhay na salita ng Diyos, maiisip natin na mayroong isang sagot doon para sa lahat ng bagay.
“Ang puntirya ni Satanas ay ang iyong isip at ang kanyang mga sandata ay ang mga kasinungalingan. Kaya punan ang iyong isip ng mga salita ng Diyos” – Greg Locke.
Binibigyang diin ng sipi na ito kung paano ginagamit ng diyablo ang kasinungalingan laban sa atin bilang mga sandata. Ang aking mga pakikibaka higit sa lahat ay nasa aking isip at pakiramdam ko ako ay nakulong. Nakipagbuno ako sa maraming kasalanan na patuloy na bumabalik paulit-ulit. Sinabi sa akin ng demonyo na hindi ako minahal, wasak at walang halaga samantalang ang totoo, ako ay anak ng Diyos na minahal ng walang hanggan. Ito ang ilang mga pagpapatunay na ibinibigay ng Salita ng Diyos sa bawat isa sa atin:
“Tayo’y Kanyang nilalang, nilikha sa pamamagitan ni Kristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti, na itinalaga ng Diyos para sa atin noon pa mang una.” (Mga Taga Efeso 2:10)
Mga anak, kayo’y sa Diyos at pinagtagumpayan ninyo ang mga bulaang propeta, sapagkat ang espiritong nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritong nasa makasanlibutan.” (1 Juan 4:4)
“Datapwa’t, kayo ay isang lahing hinirang, mga saserdote ng Hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos. Pinili kayo ng Diyos upang maging Kanya at maghayag ng mga kahanga-hangang gawa niya. Siya rin ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kanyang kagila-gilalas na kaliwanagan” (1 Pedro 2:9).
Walang Katulad na Pagmamahal
Isa sa aking paboritong bagay tungkol sa paniniwala ng Katoliko ay ang Sakramento ng Pagsisisi (Pagkakasundo). Ang pagkakaroon ng kakayahan upang humangos sa kumpisalan at ibuhos ang laman ng aking puso kay Jesus ay naging malaking kahalagahan. Ang pagtanggap ng Kanyang kapatawaran ay nagpapalaya sa atin mula sa pagkakasala at kahihiyan na ipinagkait ng demonyo sa atin. Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na ipaalam sa atin kapag tayo ay naliligaw ng landas at kailangang magsisi at magbalik sa Diyos. Hangga’t ginagawa natin ito, walang dapat ipag-alala kahit na maaaring kailangang gawin ito ng paulit-ulit. Gaano man tayo kalayo sa pagkakaligaw sa Diyos, ay mas higit siyang nagagalak sa ating pagbabalik, tulad ng pagdiriwang ng isang ama sa pagbabalik ng isang alibughang anak.
Matagal bago ko ito napagtanto at hindi ko pa rin maintindihan ng husto; Hindi ko na kailangang gumawa ng kahit na ano upang matamo ang pagmamahal ng Diyos. Ito ay isang walang kondisyon na regalo na ibinubuhos Niya sa atin. Ang Kanyang pag-ibig ay hindi nakasalalay sa akin o sa aking kamalian. Ito ay nakasalalay sa Kanyang kalikasan na puro pagmamahal at pagka mahabagin.
Kahit sa pinaka madilim na panahon ko at sa iyo, ang pag-ibig na ito ang nagbibigay pag-asa sa atin. Sa aklat ng propetang si Oseas, inihayag ng Diyos na “babaguhin Niya ang lambak ng problema sa isang Landas ng Pag-asa” (Oseas 2:15 NLT). Maganda nitong inilalarawan kung ano ang nangyari sa akng buhay.
Sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal, binago ng Diyos ang aking mga problema at naging isang pagkakataon upang magkaroon ng pag-asa at ibahagi ang pag-asang iyon sa iyo.
Unti – Unti
Dahil sa mga naranasan kong sakit tuluyan akong napalapit sa Diyos. Tanging Siya lamang ang totoong naroon para sa akin sa lahat ng bagay. Hindi lamang Siya dakila, at lubos na makapangyarihang Diyos, Siya ang aking taga-aliw at kaibigan. Higit kong natutunan na tanggapin ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang pagtatalaga. Hindi nangyari ang mga gusto kong mangyari na plinano ko sa buhay ko, pero hindi naman masama sapagkat ang mga paraan ng Diyos ay higit na mabuti kaysa aking mga pamamaraan. “Ang wika ni Yahweh: “Ang aking isipa’y di ninyo isipan, At magkaiba ang ating daan. Kung paanong ang langit higit na mataas, mataas sa lupa, at ang daa’t isip ko’y hindi maaabot ng inyong akala.” (Isaias 55: 8-9)
Sa katagalan maraming maliliit na kadahilanan ang nag-ambag upang madagdagan ang aking pananampalataya. Inakay ako nito sa mas matinding pagpapahalaga at pag-unawa sa Panginoon. Naniniwala rin ako na ang kapangyarihan ng panalangin ay nakatulong sa akin na makaligtas sa maraming mga hamon sa buhay. Buong pakumbaba akong humihiling na isama ninyo ako sa inyong mga panalangin at sana ugaliin natin at isaisip ang pagdarasal para sa isa’t isa. Ayon sa aking karanasan, hindi natin kinakailangang gumawa ng mga malalaking bagay upang mapalapit sa Diyos. Maliliit na hakbang ang kailangan lamang. Sana ikaw ay unti-unting humahakbang palapit sa Diyos sa araw na ito. Siya ay buong pagmamahal at bukas ang mga bisig na naghihintay.
Mahal na Diyos, ako ay lubos na naniniwala at umaasa sa iyo. Ang tanging hiling ko lang ay ang biyaya na makilala ka at mahalin. Yakapin mo ako at ikulong sa iyong mapagmahal na bisig.
Amen!
'Isang makapangyarihang panalangin na 7 minuto lamang ang kailangan, upang mabuksan ang pintuan ng Awa.
Ito ay isang mainit at mahalimuyak, na masayang araw. Ang lumot na nakabitin mula sa napakalaking mga puno ng oak sa tubig sa harapan ng aming bakuran ay umihip ng patagilid at ang mga damo ay naalikabukan ng mga labi nito. Ngayon ko lang natignan ang lalagyan ng sulat nang si Lia, isa sa aking matalik na kaibigan, ay huminto sa daanan. Nagmadali siyang lumapit at kita ko sa kanyang mukha na siya ay lubos na masama ang loob.
“Ang aking ina ay nagpunta sa ospital dalawang gabi na ang nakakaraan. Ang kanyang mga cancer cell ay kumalat mula sa kanyang baga papunta sa utak niya, ”pahayag ni Lia.
Ang magagandang brown na mga mata ni Lia ay nangislap sa luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Nakaka-durog ng puso ang makita siyang ganito. Hinawakan ko ang kamay niya.
“Maaari ba akong sumama sa iyo upang makita siya,” tanong ko.
“Oo, pupunta ako ngayong hapon,” aniya.
“Sige, Magkita tayo doon,” sabi ko.
Nang maglakad ako papasok sa silid ng ospital, si Lia ay nasa tabi ng kama ng kanyang ina. Tumingin ang mama niya sa akin, ang mukha niya ay napilipit sa sakit.
Sana okay lang na pumunta ako ngayon, ”sabi ko.
“Syempre. Mabuting makita ka ulit, “sabi niya.
“Nakarinig ka na ba mula sa kaibigan mong pari,” tanong niya, mahina ngunit mabait ang kanyang tinig.
“Oo, nag-uusap kami paminsan-minsan, sabi ko.
“Natutuwa ako na nakita ko siya sa araw na iyon,” sabi niya.
Si Lia at ako ay naging bahagi ng isang grupo na nagrorosaryo nagkikita linggu-linggo sa panahon na ang kanyang ina ay unang nasuri. May isang pari, kilalang-kilala sa kanyang mga espiritwal na regalo, ay dumating sa isa sa aming mga pagpupulong at sabik kaming sumali siya sa amin sa pagdarasal at pakinggan ang aming mga pangungumpisal.
Ang nanay ni Lia ay pinalaking Katoliko, ngunit nang siya ay nag-asawa, nagpasya siyang umanib sa pamilya ng kanyang asawa at pinagtibay ang kanyang Greek Orthodox na pananampalataya. Ngunit, sa paglipas ng mga taon, naramdaman niya na nababawasan ng unti-unti ang kanyang sariling pananampalataya at sa alinmang pamayanan ng pananampalataya. Nag-aalala na ang kanyang ina ay nalayo sa
simbahan at mga sakramento sa loob ng maraming taon, inimbitahan siya ni Lia sa grupo ng aming pagrorosaryo upang makilala niya ang aming espesyal na pari.
Habang naghahanda na ang pari na umalis ay tuluyang naglakad ang ina ni Lia papunta sa pintuan sa likuran. Binigyan ako ni Lia ng nakagiginhawang ngiti. Nag-usap ng sarilinan ang kanyang ina at ang pari nang halos dalawampung minuto. Maya-maya, tumawag si Lia upang sabihin sa akin na ang kanyang ina ay hindi halos masabi kung gaano kabait at mapagmamahal na pari ito maging sa kanya. Sinabi niya kay Lia na matapos silang mag-usap ay narinig niya na nangumpisal ang kanyang ina, at siya ay napuno ng kapayapaan.
Ngayon, nakahiga sa kamang pang ospital, hindi na siya kamukha ng dati. Ang kulay ng kanyang balat at ang hitsura ng kanyang mata ay nagpapakita ng kapaguran at pagdurusa, ang pananakit ng isang mahabang progresibong sakit.
“Iniisip ko lang kung mong magdasal tayo ng sabay,” tanong ko. “May espesyal na dasal na ang tawag ay ang Banal na Awa Chaplet. Ito ay isang makapangyarihang panalangin na ibinigay ni Jesus sa isang madre na nagngangalang Sister Faustina upang maikalat ang Kanyang awa sa buong mundo. Tumatagal ito ng halos pitong minuto lamang at isa sa mga pangako ng pagdarasal ay ang pagpasok sa pintuan ng awa sa halip na paghuhusga.Dinarasal ko ito nang madalas, ”sabi ko.
Tumingin sa akin ang mama ni Lia na nakataas ang isang kilay.”Paano ito magiging totoo?” tanong niya. “Anong ibig mong sabihin?” Sabi ko.
“Sinasabi mo ba sa akin na kung ang isang talamak na kriminal ay nagdasal nito ilang minuto bago siya mamatay, siya ay makakapasok sa pintuan ng awa sa halip na paghuhusga? Mukhang hindi tama iyan, “sabi niya.
“Kaya, kung ang isang talamak na kriminal ay talagang ginugugol ang oras upang dasalin ng buong taimtim ang panalangin na ito, siya ay umaasa na siya ay may pag-asa, sa kabila ng lahat ng kanyang nagawa. Sino ang makapagsasabi kung kailan magbubukas ng puso sa Diyos ang sinuman ? Naniniwala ako na habang may buhay ay may pag-asa. ”
Tinitigan niya ako ng maigi.
Nagpatuloy ako. “Kung ang iyong anak ay isang talamak na kriminal, hindi mo ba siya mamahalin kahit na kinamumuhian mo ang kanyang mga krimen? Hindi mo ba laging inaasahan ang pagbabago ng kanyang puso dahil sa dakila mong pagmamahal para sa kanya? ”
“Oo,” mahinang sabi niya.
“Mahal tayo ng Diyos nang higit pa kaysa sa pagmamahal natin sa ating mga anak at palagi Niyang handang papasukin ang puso ninuman sa Kanyang awa. Naghihintay siya para sa mga sandaling iyon nang matiyaga at may labis na pagnanasa dahil mahal na mahal niya tayo. ”
Tumango siya.
“May katuturan iyon. Oo, sasabay ako sa yo sa pagdadasal nito, “sabi niya.
Sabay kaming tatlong nagdasal ng Banal na Awa Chaplet, nagkwentuhan ng ilang minuto pa, at tapos umalis na ako.
Maya maya pa ay tinawag ako ni Lia.
“Tumawag ang nars ng aking ina upang sabihin sa akin na pagka-alis ko ng ospital ay nawala ang lahat ng kaliwanagan ng aking ina.”
Sama-sama kaming nagdadalamhati, nagdadasal at umaasa sa paggaling ng kanyang ina. Ang nanay ni Lia ay namatay pagkalipas ng ilang araw.
Sa gabi ng kanyang kamatayan ako ay nanaginip. Sa panaginip ko ay pumasok ako sa silid ng ospital ng makita ko siyang nakaupo sa kama na nakasuot ng magandang pulang damit. Nagniningning siya, puno ng buhay at kagalakan, abot tainga ang ngiti. Sa gabi ng lamay nang lumapit ako sa kabaong upang magbigay galang, natigilan ako ng makita ko siyang nakasuot ng pulang damit! Nangilabot ako na ramdam ko hanggang sa aking gulugod. Hindi ako kailanman napunta sa isang lamay kung saan nakasuot ng pulang damit ang namatay. Ito ay lubos na hindi kinaugalian at ganap na hindi inaasahan. Matapos ang libing ay hinawakan ko si Lia at dinala sa isang tabi.
“Bakit mo dinamitan ng pulang damit ang iyong ina?” Tanong ko.
“Napag-usapan namin ito ng aking mga kapatid na isuot sa kanya ang kanyang paboritong damit. Sa palagay mo ba hindi namin ito dapat na ginawa? ” tanong niya.
“Hindi, hindi naman sa ganon. Nang gabing namatay ang iyong ina napanaginipan kong lumakad ako sa silid ng ospital, Natagpuan ko siya na nakaupo na nakangiti abot tainga … at nakasuot ng pulang damit! ” Sabi ko. Napanganga si Lia at nanlaki ang mga mata.
“Ano? Imposible, ”sabi niya.
“Oo, posible,” sabi ko.
Habang may luhang dumadaloy sa kanyang pisngi sinabi ni Lia, “Ikaw at ako ang huling taong nakita niya bago siya nawalan ng ulirat. At nangangahulugan iyon na ang huling bagay na kanyang ginawa ay nanalangin sa Banal na Awa Chaplet! ” Hinawakan ko at niyakap si Lia.
“Lubos akong nagpapasalamat na sumama ka sa akin sa araw na iyon at nanalangin tayo kasama ang aking ina at nakasama ko siya bago siya mawalan ng malay, ”sabi niya.
“Hindi ko maalis sa aking isip ang katotohanang nakita mo siya sa iyong panaginip na napakasaya at nakasuot ng pulang damit.
Sa palagay ko ipinaaalam ni Jesus sa atin na talagang nakapasok siya sa pintuan ng awa, ”aniya. “Salamat, Jesus. ”
“Amen,” sabi ko.
'“Ako ay lumalakad sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi sa pamamagitan ng paningin” ang marahang tawa ni Mario Forte sa pagbahagi niya ng nakamamamanghang saksi sa buhay.
Ako ay ipinanganak na may glawkoma, kaya sa simula ng buhay ko, mayroon lamang akong bahagyang paningin sa kaliwang mata ko at lubusang wala sa aking kanang mata. Sa lahat ng nakalipas na mga taon, nagkaroon ako ng mahigit na tatlumpung operasyon—ang una ay noong tatlong-buwang gulang pa lamang ako… Sa ika-pitong taong gulang, tinanggal ng mga manggamot ang kanang mata ko, sa pag-asang mapamalagaan ang aking kaliwang mata. Noong ako’y Labindalawang taong gulang, ako ay tinamaan ng sasakyan habang tumatawid ng daan pauwi sa bahay mula sa eskuwela. Matapos akong tumalbog ng paitaas sa hangin—saglit na inakala kong ako’y “superman”—lumapag ako na may makapangyarihang lagpak at natapos na may nalagot na retina, kabílang sa mga ibang bagay may tatlong buwan akong natigil sa eskuwela na nagpapagaling at nagdadanas ng marami pang operasyon, kaya kinakailangan kong ulitin ang Ika-pitong Baytang.
Lahat ay Maaaring Mangyari
Bilang isang bata, ang pagkabulag ay normal para sa akin sapagkat hindi ko ito maihambing sa ano pang bagay. Ngunit ang Diyos ay binigyan ako ng pananaw. Mula sa pinakamaagang gulang, bago pa ako makatanggap ng anumang pampamahalaang tagublin, makikipag-usap ako sa Diyos, tulad sa sinuman dahil ako’y sadyang sanay sa pakikipag-usap sa mga taong hindi ko makita.
Maaari ko lamang masabi ang kaibhan ng liwanag sa dilim, isang araw, sa isang kisap-mata, ang lahat ay naging itim—tulad ng isang ilaw na pinatay. Bagama’t ako’y nasa kabuuang kadiliman na sa mahigit na tatlumpung-taon, ang biyaya ng Diyos ay binigyan ako ng tapang upang makaraos. Ngayon, hindi na ang karaniwang liwanag ang aking nakikita, ngunit ang liwanag ng Diyos na sumasaloob. Kung wala Siya, ako ay mas masahol pa sa isang pirasong kahoy. Ang Banal na Espiritu ang gumagawa upang mangyari ang lahat.
Minsan ang mga tao’y nalilimutan na ako’y bulag dahil nakakikilos ako saan man sa loob ng bahay, patakbuhin ang kompiyuter at pangalagaan ang aking sarili. Ito’y pasasalamat sa aking mga magulang na laging hinihimok ako na gawin ang mga bagay ng mag-isa. Ang aking ama ay isang elektrisista na sinasama ako sa lugar ng trabaho upang tulungan akong maintindihan ang kanyang kalakalan, tinuruan pa akong magkabit ng mga saksakan at mga pindutan ng ilaw. Tinuruan niya akong mag-isip ng may-saysay upang ako ay maka-angkop at makagawa agad sa mga panahon na ang mga bagay ay nagkakanda- mali- mali. Ang aking ina, na may mapag-alaga at mapagmahal na kalikasan, ang nagtanim ng mga binhi para sa aking pananalig. Tiniyak niya na dinadasal namin ang Rosaryo at ang Mabathalang Awa na dasalin nang sama- sama bawat-araw, kaya ang mga dasal na iyon ay nakabaon sa aking ala-ala.
Ang mga ito ay natulungan akong matagumpay na makatapos ng may antas sa Kaalamang Teknolohiya (IT). Sa kanilang pag-aalalay, ako ay nakapag-uugnay sa mga indibiduwal na nagbibigay ng lektura na makakuha ng balangkas sa kurso bago magsimula ang takdang panahon. Pagkatapos ay pupunta kami sa aklatan upang kopyahin ang mga kaugnay na materyal at upang ang Royal Blind Society ay maisalin ang mga ito para sa akin.
Ang Mas-mataas na Tawag
Sa aking kabinataan, ako ay nagkaroon ng isang kapuna-punang karanasan ng pagtawag sa akin ng Diyos. Sa yugtong yaon, may nalalabi pa akong paningin sa aking kaliwang mata. Isang araw habang ako’y nagdadasal sa loob ng simbahan, ang pangunahing altar ay biglang namusilak ng isang matinding liwanag at isang panloobang tinig na magiliw na nagsasabing, “Halika, halika sa akin.” Ito ay naganap ng tatlong ulit. Simula noon, nadadama ko ang Kanyang kamay na kumakalinga sa akin na may pag-ibig at awa na hindi ko nararapat na makamtan.
Ang tawag na ito ay ihinantong ako na pag-isipan kung maaari ba akong maging pari o diyakono. Ito ay nagpatunay na hindi- makatotohanan ngunit ang aking pang-aralang Teyolohiya ay napalalim ang pananalig ko. Ako ay nagsimulang magpasimuno ng pananalangin sa Mabathalang Awa sa isang grupo ng karismatiko na may pang-aalalay ng isang pari. Sa kabila ng mga sakuna na aking natamo, ako ay nagpapasalamat pagkat ako’y nakapaglilingkod sa Panginoon at sa mga tao na aking nakilala sa pamamagitan ng mga pagtitipon na isina-ayos ko—ang pananalangin sa Mabathalang Awa, ang magdamagang pagsamba at ang Apat-napung Araw sa Buhay—ay nakatulong sa akin matapos na pumanaw ang aking mga magulang, ang aking babaeng kapatid at ang aking babaeng pamagkin. Sila ay naging pamilya ko at lingguhang tinulungan nila ako sa mga pantahanang tungkulin at mga pasadyang paghahatid na pangailangan.
Sa Kaibuturan ng Aking Puso
Ang pinakamalungkot na mga pangyayari sa buhay ko ay hindi ang kakulangan ng aking paningin kundi ang mawalan ng mga pinakamatalik na kaugnayan, kaya ako’y sadyang nagpapasalamat na itong mga kaibigan na sinasamahan ako sa sementeryo upang makipagsalo ng pagkain sa tabi ng puntod ng aking mga minamahal at upang makipagdasal ng Mabathalang Awa para sa kanilang mga kaluluwa. Sinusubukan kong tanpulán ang mga bagay na positibo—ang mayroon ako, sa halip na kulang ako. Sinisikap kong gawin ng abot ng aking makakaya na isabuhay ang mga utos ng Diyos na magmahal. Bawat-araw, ako ay walang-alinlangang isinasauna ang loob ng Diyos at isinasangkatuparan ang Ebanghelyo.
Sinabi ni San Pablo, “Nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin.” (2 Mga Taga Corinto 5:7) Madalas na pabiro ko itong ginagawa ng literal. Yaong munting talata ay nagsasaad ng sangkatutak. Hindi natin makikita ang mga bunga ng ating mga gawa sa buhay na ito. Isang kaligayahan ang maglingkod sa ubasan ng Diyos. Si Jesus ay nagpakahirap at namatay para sa akin. Bawa’t-isang tao ay makapagsasabi nito. Sinuman ang nais na malaman Siya ay makararating upang tanggapin ang Panginoon. Ako ay nagbibigay ng pasasalamat at papuri sa Panginoon pagkat inihandog Niya sa atin ang pagkakataon na tanggapin ang Kanyang maluwalhating piling sa ating katauhan. Ang Kanyang buhay na Diwa ay magpapasigla sa atin na may pag-asa ng Muling Pagkabuhay, upang tayo”y mamuhay bawat-araw sa piling Niya at maisagawa ang Kanyang utos na magmahal. Sa aking puso, ako’y umaawit ng Aleluya!
Walang hanggang Diyos na ang awa ay walang katapusan at ang kabangyaman ng habag na di maubos-ubos, masuyong tingnan po kami at palagoin Mo po ang awa sa amin, nang sa mahihirap na sandali ay maaaring di kami panghinaan o kaya’y malupaypay, kundi ng may malaking pananalig isuko ang aming sarili sa Iyong kalooban, na siyang pag-ibig at awa din. Amen.
'Si Kim A-gi Agatha at ang kanyang asawa ay walang ugnayan sa Kristiyanismo o doktrinang Katoliko. Namuhay sila sa Confucianismo.
Dumalaw kina Agatha ang kanyang ate na isang debotong Katoliko. Habang minamasid ang kapaligiran na gayak sa kanilang kinaugaliang pananampalataya, pati na ng isang lalagyanan ng bigas na may mga ninunong sulatán, tinanong niya ang kanyang nakababatang kapatid kung bakit siya ay nakakapit pa sa kanilang mga pamahiin!.
Inihayag ng kanyang ate na ang iisang totoong namumuno sa mundo ay si Hesu-Kristo. “Gumising ka mula sa iyong kadiliman,” sinabi niya sa kanyang kapatid, “at tanggapin ang liwanag ng katotohanan.”
Ang paghimok na iyon ng kanyang kapatid ay pumukaw nang labis na pananabik kay Agatha. Batid niyang magiging mahirap salungatin ang kanyang asawa at ang tradisyon ng kanyang pamilya, nagpasiya pa rin siyang tanggapin si Kristo, at na magtiis ng anumang mga paghihirap na maaaring dumating sa kanya.
Si Agatha ay hindi katalinuhan at gaano man siya magsumikap, hindi niya makabIsa ang mga pang-umaga at panggabing panalangin. Nang lumaon, nakilala siya bilang isang babaeng walang nalalaman kundi ang “Jesus at Maria”. Sa simula, si Kim A-gi Agatha ay hindi nabinyagan gawa ng kawalan ng kakayahang matuto ng doktrina at mga panalangin.
Noong Setyembre ng 1836, si Agatha at dalawang pang mga kababaihan ay naaresto dahil sa kanilang pananampalatayang Katoliko. Nang tanungin, si Agatha ay nanatiling matatag at buong tapang na hinarap ang mga nagpapahirap sa kanya at nagwikang, “Wala akong alam kundi si Jesus at Maria. Hindi ko sila itatakwil.” Ang kanyang matapang na pagsaksi ay naging daan sa kanya upang maging unang binyágan sa bilangguan sa panahon ng pag-uusig.
Kasama ng iba pang mga nahatulang Kristiyano, si Agatha ay itinali sa isang malaking krus na itinayo sa ibabaw ng kariton ng baka. Sa taluktok ng isang matarik na burol, pinatakbo ng mga bantay ang mga baka pababa. Masama ang daan at mabato kaya ang mga kariton ay nangabaliktad na naging sanhi ng matinding paghihirap para sa mga matapang na bilanggo na nakabitin sa mga krus. Kasunod sa pagsubok na ito, sa paanan ng burol, marahas na pinugutan ng mga berdugo ang bawat isa sa mga banal na martir.
Si Agatha at walo pang mga martir ay nakatanggap ng kanilang korona ng kaluwalhatian sa parehong oras nang inihinga ni Hesus ang Kanyang huli— alas tres ng hapon. Halos isang daang taon na ang lumipas, si Kim A-gi Agatha ay binasbasan kasama ang ibang martir noong Hulyo 5, 1925. Itinanghal silang Santo sa kanilang katutubong Korea noong Mayo 6, 1984 ni Santo Papa Juan Paulo II.
'Sa sandaling naramdaman kong nabalot ako ng Mahal na Ina sa Kanyang balabal.
Noong 1947, ako ay ipinanganak sa isang maliit na bayan sa Italia , malapit sa Casalbordino, ang lugar ng pagpapakita “Our Lady of Miracles.” Yayamang ang aking kapanganakan ay sa araw ng pagitan ng fiesta ng “Our Lady of Miracles” at fiesta ng Saint Antony, ipinangalanan ako ng mga magulang ko ng Maria Antonia.
Lumipat kami sa Canada noong 7 taong gulang ako. Bagaman ang aking mga magulang ay hindi masugid na sumasamba sa simbahan sinisigurado nilang sumusunod kami sa pananampalatayang Katoliko, ngunit hindi ko binigyang pansin ang kahalagahan at kahalagahan ng Our Lady hanggang sa dumalaw ang aking mga magulang sa Medjugorje noong 1983. Ang aking ina ay lubos na naantig sa karanasan. , kaya umuwi siya at sinabi sa amin ang nangyayari doon. Kabilang sa mga rosaryo, medalya, singsing at trinket na dinala niya pabalik ay isang maliit na post card na may larawan ng Our Lady na napapalibutan ng anim na visionaries. Sa tuwing papasok ako sa kanyang bahay, nakikita ko ang imaheng ito sa isang maliit na istante sa sulok ng kanyang kusina, at hinawakan ako nito. Ramdam ko ang Mahal na Ina na nakatingin sa aking puso.
Noong 1995, habang nanunuod ako ng isang video tungkol sa mga nangyari sa Medjugorje, naramdaman kong tinatanong ako ng Mahal na Ina : “Kailan ka darating? Ako ang iyong ina at hinihintay kita. ” Nang sumunod na taon, nabalitaan namin ang tungkol sa isang peregrinasyon mula sa Calgary hanggang Medjugorje at pinilit kong magpatala. Dahil sa nagdaang digmaan sa Bosnia, maraming tao ang tumalikod mula sa peregrinasyon dahil sa takot sa maaaring mangyari, ngunit determinado akong pumunta.
Sa Medjugorje, naramdaman ko ang isang malalim na kumpirmasyon na tinawag talaga ako ng Mahal na Ina . Isang araw, nakilala ko si Padre Slavko Barbaric, na tumingin sa akin at nagsabing “Kapag umuwi ka, nais kong magsimula ka ng isang pangkat ng panalangin at ang mga panalangin ay dapat ituro sa pagtulong sa pamilya dahil ang pamilya ay nasa krisis ngayon.” Pagkabalik namin, sinimulan namin ang Oras ng Panalangin sa St. Bonaventure. Taon-taon, marami pa kaming mga taong sumasali sa amin para sa pagdarasal.
Binisita ko ang Medjugorje na seryosong nakatuon na gumawa ng ilang matinding pagbabago. Alam kong kailangan ko ng isang malakas na pagbabalik-loob ng puso, kaya’t hiningi ko ang tulong ng Mahal na Ina upang higit na maunawaan ang Banal na Kasulatan, na lumago sa aking buhay sa pagdarasal at maranasan ang saya at pagmamahal sa aking puso habang dinarasal ko ang Rosaryo. Ang lahat ng mga pagpapalang ito, at higit pa, ay ipinagkaloob.
Sa oras na iyon, naisip ko na “aking” paglalakbay lamang iyon dahil hindi ko namalayan na inaanyayahan ako ng Mahal na Ina na magdala ng maraming tao sa Kanya. Iginiit ni Padre Slavko na dalhin ko ang aking asawa, kaya noong 1998, nagsama kami. Naramdaman kong tinawag upang magdala ng maraming tao sa Mahal na Ina , ngunit humingi ng palatandaan sa Mahal na Ina upang kumpirmahin iyon. Di-nagtagal, lumapit sa akin ang dalawang ginang, na humihingi ng tulong para makapunta sa Medjugorje. Bawat taon mula noon, mayroon akong kamangha-manghang puso sa puso upang kausapin ang Mahal na Ina tungkol sa kung dapat ba akong pumunta ulit. Sa tuwing, natatanggap ko ang sagot na maraming mga tao na kailangang makatanggap ng mga biyaya at pagpapala mula sa Panginoon sa tulong ng Mahal na Ina, na puspos ng biyaya …
Ang aming buhay ay hindi naging perpekto at mayroon kaming mga sandali na pagsubok din sa aming pananampalataya. Walong taon na ang nakalilipas, nakatanggap kami ng balita na ikinagulat namin. Ang aking anak na babae ay na-diagnose na may leukemia. Agad kaming lumingon sa Panginoon, ngunit sa sobrang pagkasindak, mahirap na ituon ang pansin sa Diyos at kung ano ang magagawa Niya para sa atin. Isang partikular na araw, dumaan kami sa isang napakahirap na oras. Ang isang namuong ay nabuo sa daungan, kaya’t ang mga gamot ay hindi maaaring maibigay at ang mga doktor ay alamin kung paano siya gagamutin.
Tulad ng dati, dinala namin ang aming mga alalahanin sa Presensya ng Panginoon sa Adoration Chapel upang matanggap ang Kaniyang ginhawa. Tumingin ako sa Panginoon at tinanong Siya kung bakit nangyayari ito sa aming anak na babae at “Bakit kami?” Napakalinaw, narinig Ko siyang tumugon ng “Bakit hindi ka?” Napagtanto kong dumaan Siya sa napakasindak na pagdurusa at sinamahan Niya tayo sa ating pagdurusa, upang tayo ay lumago sa Kanyang pag-ibig. Sa sandaling iyon, naramdaman kong binalot ako ng Mahal na Ina sa kanyang balabal, hinawakan ako malapit na hawakan niya ang kanyang Anak pagkatapos ng Kanyang pagsilang at pagkamatay Niya.
Nang bumalik kami sa ospital, ang aming anak na babae ay napalibutan ng isang pangkat ng mga tao na nalulutas ang mga problema na pumipigil sa paggamot niya sa aking palagay ko ay tiniyak na narinig ang aming mga panalangin. Nandoon ang aming Panginoon at Mahal na Ina . Ang kailangan lang naming gawin ay ang pagtitiwala. Magiging maayos ang lahat. Palagi silang nasa buhay namin, inaalagaan kami. Noong nakaraang taon, ipinagdiwang ng aming anak na babae ang kanyang ika-25 anibersaryo ng kasal. Napakabuti ng Diyos sa atin.
Binigyan kami ng aming Ginang sa Medjugorje ng 5 mga bato upang maitayo ang pundasyon ng aming pananampalataya:
1. Upang manalangin araw-araw, lalo na ang Rosaryo.
2. Basahin ang Banal na Kasulatan araw-araw, upang makatanggap ng Salita ng Diyos.
3. Upang makilahok sa Banal na Misa nang madalas hangga’t maaari, kung hindi araw-araw, kahit na tuwing Linggo.
4. Upang matanggap ang pagpapagaling at kapatawaran ng Panginoon sa Sakramento ng Penitensya, kahit isang beses sa isang buwan nang hindi nabigo.
5. Upang mag-ayuno sa tinapay at tubig tuwing Miyerkules at Biyernes.
Hindi ito madali, lalo na kung bago ka dito. Ito ay tumatagal ng isang mahabang oras upang bumuo ng mga kaugaliang at ang pagtitiis upang sundin ang mga ito, ngunit ang aming Lady patuloy na hikayatin sa amin. Ang pinaka-ikinagulat ko ay kapag hindi kami pare-pareho sa pagdarasal ng Rosaryo, mas madali naming napagsasanay ang iba pang mga bato. Tinulungan kami ng Rosary na magkaroon ng kumpiyansa na mailagay ang mga ito sa aming pang-araw-araw na buhay at paunlarin ang mga ito sa isang gawain na lumaki tayong magmahal at umasa. Siya ay naging pang-araw-araw na presensya sa ating buhay.
Marami sa kanyang mga mensahe ang nagsasabi sa amin, hindi ko makakamit ang plano ng Diyos kung wala ka. Kailangan kita. Bigyan mo ako ng iyong mga problema at ipanalangin mo ang aking hangarin na kung saan ay sa lahat ng mga taong nagdarasal ng Rosaryo. Kaya’t kapag ipinagdarasal natin ang Rosaryo para sa mga hangarin ni Mary nararamdaman namin na konektado kami sa lahat. Nakita namin ang maraming kamangha-manghang mga pagbabago habang ang mga tao na dumarating sa paglalakbay ay bumalik at makisali sa napakaraming mahahalagang ministeryo. Ang Medjugorje ay naging isang paaralan ng pagmamahal para sa akin. Napakalaking ‘puno ng biyaya’ na kapag sinamahan namin siya sa pagdarasal, naging bukas kami sa lahat ng mga biyaya at pagpapala na inaalok ng aming Panginoon.
'Sa mga pagpapakita ni Maria, ang kanyang namamayani na mensahe ay “manalangin nang mabuti”. Napagtanto mo ba ang kapangyarihan ng panalangin sa iyong buhay?
Kami ng aking asawa ay may tradisyon tuwing Pasko na dalhin magkakasama ang aming mga anak at mga apo para sa pagdiriwang ng Pasko. Sa Araw ng Boksing dinadala ng asawa ko ang mga apo namin sa isang dulang walang salita, kasama ng ilan sa aming may sapat na gulang na mga anak. Alam kong inaabangan ng aking mga apo ang dulang walang salita na may kasamang tuwa. Ang huling pagkakataon na ginawa namin ito ay apat na taon na ang nakalilipas. Dahil ang mga apo ngayon ay lumaki na ng kaunti, ang dulang walang salita ay hindi na masyadong maapela tulad ng dati.
Labing-apat na taon na ang nakalilipas, inatake ako sa puso. Matapos akong malagyan ng dalawang stent at ilang rehabilitasyon ako ay ganap na umayos. Ngunit pagkalipas ng 10 taon , oras ng alas tres ng madaling araw sa Araw ng Boksing, Nagising ako sa sobrang sakit. Ito ay tulad ng isang muling atake sa puso. Dahil ayokong abalahin ang aking asawa, bumangon ako at bumaba upang magdasal sa kusina. Nagpasiya akong hindi tumawag ng ambulansya, higit sa lahat dahil sa ayaw kong masira ang lahat ng pagdiriwang ng Pasko.
Hindi pa ako nakapagdasal ng ganito kahirap o kataimtim sa aking buong buhay, na nagsusumamo ako na hilingin ni Birheng Maria sa kanyang anak, na si Hesus na hindi ito mangyari sa ngayon, hindi para sa aking kapakanan, ngunit para sa aking pamilya. Naisip ko ang matinding lungkot na idudulot nito sa kanilang lahat kung ako ay dinala sa ospital. Sa aking pagdarasal sa Ating Birhen, naalala ko ang pagbibigay sa kanyang hiling sa Himala ng Cana. Nagbigay ito sa akin ng labis na pag-asa na makinig siya sa aking mga pagsusumamo. Sa pagdaan ng oras, lalong tumitindi ang sakit. Sampung taon na ang nakararaan, nagdusa ako ng parehong sintomas. Sa aking kaluwagan, pagkatapos ng maraming oras ng taimtim, at kagyat na pagdarasal, ang sakit ay humupa at pagkatapos ay tuluyang nawala. Labis akong nagpapasalamat sa ating Banal na Ina sa pag-alo sa akin sa aking sakit at pagkabalisa at namagitan para sa akin.
Ngayon, makalipas ang apat na taon, nanatili akong ganap na malaya sa sakit sa puso at nakakapag-bisikleta ng maraming milya bawat linggo.
Magtiwala sa kapangyarihan ng panalangin.
'Maari kang maging kasangkapan sa pag dadala ng iyong kasama sa buhay na lumapit sa Panginoon Diyos!
Ang kwento ni STEPHEN KING, at ang kanyang paglalakbay sa Katolisismo ay siguradong magbibigay ng ng ispirasyon sa iyo.
May Kapansanan sa Agham
Nang si Stephen King ay lumaki na Protastante sa Northern Ireland, hindi niya naisip na isang araw siya ay tumawid sa hati at maging isang Katoliko. Ang mga Kaguluhan sa pagitan ng Katoliko at Protastante sa Northern Ireland ang nag dala kay Stephen at ng kanyang pamilya na maging malayo sa pagiisip ng relihiyon. Kahit na paminsan minsan siya ay pumupunta sa Linggong Eskwela ng kanyang kabataan, pagkamatay ng kanyang ama ng siya ay labingisang taon gulang, ang kanyang pamilya ay huminto ng pagpunta sa simbahan sa kabuuan.
Siya ay nilangin ang isang mapangutya at materyalistikong pananaw sa buhay, umaasa na ang Agham ay may sagot sa lahat. Hindi niya naramdaman ang pangangailangan sa Panginoon Diyos at ang relihiyon ay nagdudulot lamang ng gulo sa tao, kaya lalayo na lamang siya sa relihiyon. “Ang pagiging materialistiko o pang agham na uri ng tao ay isang kakila kilabot na kapansanan sa pananampalataya. Nagbibigay ito sa iyo ng kayabangan na napakahirap tanggalin. ”
Pagkatapos niyang tapusin ang pagaaral ng Heolohiya, nag trabaho siya sa isang kumpaniya sa Trinity College, Dublin. Bagaman ang kahalagahan ng pangalan ay nakatakas sa kanya, ang Panginoon Diyos ay hindi pa rin siya tinalikuran. Ang kanyang trabaho ay palagi siyang napupunta sa ibang bansa at siya ay tinanong na ipanatili ang sarili sa Brisbane, Australia. Nagpunta siya sa Australia, na walang kakilala o dili kaya ay suporta, ngunit sa Kanyang Pangangalaga,ang ating Panginoon Diyos ang namahala.
Ang Pagmamahal ay Nasa Hangin
Habang siya ay nasa tren papunta sa kanyang trabaho, napansin niya ang isang karaniwan pasahero—isang maganda, dalaga na nakatayo na ang ulo at balikat ay mas mataas sa ibang kababihan at karamihan sa mga kalalakihan. Si Nicole Davies ay nakaramdam ng isang matinding pag hanga sa mataas, makisig sa pananamit na binata – isa sa mga kakaunit na mas mataas sa kanya.
Pagkatapos ng anim na buwan na paghanga niya mula sa malayo, ang kanyang kapatid ay hinamon siya na lakasan ang loob na tanungin ang binata. “ Sa araw na iyon, kami lamang ang tao sa plataforma sa tren, tapos, kami rin lang ang tao sa karwahe ng riles, nguinit hindi ako makapagsalita “ Naalala ko ang pananalita ng aking kapatid, “ Huwag muna muli na babanggitin ang binata, kung hindi mo siya natanong” .Tinipon ko ang kanyang tapang, tumakbo ako sa kanya at tinanong. Tumanggi ang binata sa simula ngunit siya ay nagpatuloy.
Natagpuan nila ang pagkakaugnay sa isa’t isa na sa isang lawak ay binabanggit na ni Nicole ang pag aasawa. Si Stephen ay umiibig nguni’t hindi pa siya handa sa pag aasawa. Subalit, maliwanag kay Nicole na kung hindi papunta sa pag aasawa ang kanilang relasyon sa loob ng labing walong buwan, siya ay maghahanap sa ibang lugar. Pagkatapos ng isang taon na tipanan, inanyayahan ni Stephen si Nicole sa isang biyahe sa Europe para makilala ang kanyang pamilya, para mag ski at ibang pamamasyal.
Isang Pangunahing Paghahayag
Si Nicole ay isang lipas na Katoliko, ngunit ang kanyang ina ay kalian lang na naranasan ang pagbabalik tanaw. Bago sila umalis para pumunta sa Europe, sinamahan niya ang kanyang ina para makipag usap sa isang Katoliko na may pangitain. May nangyaring hindi kapani paniwala ng gabing iyon. Siya ay nakaramdam ng isang pangunahing pagpapahayag mula sa Panginoon Diyos. Sa simpleng pandinig na mahal siya ng Panginoon Diyos, ay pinagbago lahat ang pagiisip niya tungkol sa lahat ng bagay.. Sa isang iglap, lahat ay nagkaroon ng katuturan sa kanya at labis na labis ang kanyang pakiramdam. Simula sa oras na iyon, siya ay hinimok sa kanyang pananampalataya na maging isang nakatuon na Katoliko. Habang ito ay magandang balita sa kanya, ito ay naging simula ng mahirap na panahon sa kanilang relasyon.
Ang pelikula “The Case for Christ” ay isinalarawan ang magkatulad na pagsubok sa relasyon ng atistang mamahahayag at ang kanyang asawa pagkatapos maranasan ang pagbabalik loob. Ang damdamin niya ng galit, pag kainis at pagka mangambala ay katulad ng pakiramdam ni Stephen. Hindi siyan masaya na dinala si Nicole ng kanyang ina sa pakikipagkita sa Katolikong may pangitain at pinagbago ang lahat. Ang biyahe nila sa Europe ay isang malaking sakuna. “Gusto ni Nicole na makita ang kada simbahan na napalamit kami at napakaraming simbahan sa Europe. Araw araw ay mayroong pagtatalo at ang gabi ay natatapos sa pagiyak sa hapag kainan, “Inisip ko na lahat ng taga pagsilbi ay gusto akong patayin “Sa kalaunan, si Nicole ay mas maagang bumalik sa Australia.
Naisip ni Stephen na ang kanilang relasyon at tapos na. Paano maaring makapag patuloy na magkasama sila pagkatapos ng nagyari? Kahit na malayo sa kaisipan ni Stephen ang personal na pagbabagong loob, mahal pa rin niya si Nicole ant hindi niya alam kung ao ang gagawin kung wala si Nicole. Hinanap niya sa Nicole sa kanyang pagbabalik, nakipag ayos sa kanya at maging maayos. Sa loob ng pitong buwan, sila ay ikinasal. “Bagaman, sila ay nasa kabaligtaran ng espektro ng Relighiyon, mahal ko ang babaeng ito abd kami ay magkahanay sa moralidad, na sa isip ko ay mahalaga sa isang relasyon.”
May mga kakila kilabot na mga paghihirap para kay Nicole dahil wala siyang kaibigan na relihiyoso. Sa lahat ng mga talakayan, siya ay nagiisa sa na ang iba ay laban sa kanya. Kahit appaano, ay natagpuan niya ang lakas na manatili sa kanyang pananamplataya. Sa dahilan na ang paglalakbay ng pananampalataya ni Nicole ay nagmula sa patotoo ng isang pangitain, ito ay banyaga kay Stephen. Inisip niya na alin man sa mga patotoo o milagro ay hindi maaring totoo. Si Nicole ay nakuha sa kasiglahan ng pagbabalik loob magkaagapay sa kanyang ina. Si Stepehen ay hindi naging malapit sa mga taong nakikilala niya sa Simbahang Katoliko, na habang nagpapahayag ng pananampalataya ay hindi mukhang mababait na tao. Kaya hindi siya naakit.
Ang Pabor na Natapos
Sa paglipas ng panahon, si Nicole ay naging mas mapanimdim at pagkatapos masubukan ang ibat ibang Parokya, siya ay nagumpisang pumunta sa Misa na Latin. Ang pari ay si Fr. Gregory Jordan SJ, Naging malaking bahagi siya ng kanyang buhay at naging mabuting kaibigan. Isang araw, ay knausap niya si Stephen at sinabi “Si Nicole ay talagang napapasakitan sa mga bata habang nasa Misa. Pwede mo ba akong gawan ng pabor? Puwede bang sumama ka lang sa Misa sa isang Linggo at umupo ka lang at tulungan siya na tingnan ang mga bata, hindi mo kailangang mangako sa pananampalataya o gumawa ng anuman. Magiging mas magaan para sa kanya “Ito ay tila makatwiran, kaya sinimulan niya a sumama sa paypunta sa Misa kada Linggo at napapaisip niya ang mga nangyayari sa Misa. Nasisiyahan siya na guguin ang kanyang oras kasama ang mga anak nila, tapos ay ang pakikipag usap sa mga kaibigan.
“Lumabas na ito ay hindi isang pagpapataw para sa akin. May mga tao na natakot sa pagkadisiplina ng Misa Latin, ngunit ako ay totoong tinamaan ng paggalang. Iyan ang umakit sa akin. Isang araw, ang isang kaibigan ay nagbigay sa akin ng libro “Inilibing ba ng Agham ang Panginoon Diyos?” gawa ni Professor John Lennox na nagtuturo ng Mathematics sa Cambridge. Binasa ko ang libro at namulat ako sa posibilidad ng pananampalataya. May mga tanong na hindi masagot ng Agham. Ang kamangha manghang uniberso ng ating Panginoon Diyos ay mas kumplekado kaysa maari nating matanto. Kung paano mo maisip na nagmula sa wala ay hindi ko na maintindihan sa ngayon.
Sa pag kakaupo ko sa Simbahan Katoliko sa matagal na panahon, naging maliwanag sa akin na ang Isa, Totoong Simbahan as ang totoong kasagutan. Naging mabagal ako sa pagtungo sa pananampalataya. Ako ay binigyan ng sipa sa pantalon ng Panginoon Diyos ng ako ay nagkaroon ng heart attack noon 2015, at iyon ang nag pabago ng lahat. Ipinagbago nito ang aking nakagayak na oras. Naisip ko na hindi ako mabubuhay habang panahon. Kailangan kong gawin mas mabuti kung ano ang totoo at kung anuman ang mas importante ng mabilis. Parati akong kinakausap ng Panginoon Diyos, ngunit kailangan Niya akong pukpukin sa aking ulo ng palakol para ko marinig. Hindi ako mahusay na taga pakinig.”
Habang siya ay nagpapagaling, hindi nagtratrabaho ng tatlong buwan na nakaupo at nagiisip, ay nagbasa siya ng Banal na Bibliya. Habang napagisipan niya at ipinagdasal ito, unti unting napag tanto niya na dapat siyang gumawa ng pagpili. “Wala siyang mahusay na pagpapahayag, ngunit naging maliwanag na ang tamang gawin sa matuwid na paumuhay ay ag maging mabuting ama sa kanyang mga anak at mabuting asawa sa kanyang maybahay.”
Pagkaraan ng tatlong buwan, siya at tinanggap sa Simbahan Katoliko. Ang araw na iyon ay naging napaka bagbag damdamin sa lahat; lalo na sa kanyang pamilya na makita siya Simbahan pagkatapos ng napakahabang taon. Sa pagtanggap ng Banal na Pakikinabang sa unang pagkakataon, napag tanto niya kung gaano kahalaga ang pagtulong sa kanya ng Panginoon Diyos. “Naging parati akong naka pako sa aking kakayanan at inisip na mayroon aking ng lahat ng bagay para magtuloy tuloy ang pamumuhay. Sa unang pagtanggap ng Banal na Pakikinabang, natuntunan ko na Siya ang aking kailangan.”
“Nang si Nicole ay naging Katoliko, sa umpisa, ay nakakainis. Nagdala siya sa aming buhay ng hindi ko nagustuhan. Hindi nito nabihag ang aking kagustuhan. Nagbago ang lahat ng naka kilala ako ng mga Katoliko na hinangaan ko at nagustuhan ko at nakita ko kung gaanno sila mabuting tao. Si Fr. Jordan ay isa sa malaking bahagi nito. Kung hindi sa kanya, naniniwala akong hindi ako magtatapos kung nasaan ako ngayon.”
“Ako ay umaasa sa tulong ng Panginoon Diyos at kanungan at pag gabay ngayon, nag susumikap na mamuhay sa ibang paraan, pamamaraan ng isang tao na sumusunod sa Panginoon . Nag ro Rosaryo ako kasama ng aking pamilya ngayon at sinusubang magbasa ng Bibliya araw araw, na nagugunam gunam sa mga biyayang aking tinatanggap. Nag sisimba ako sa ibang pamamaraan. at nag I say the Rosary with the family now and I try to read the Bible every day, reflecting on the graces I’ve been given. I go to Mass in a different way. Ako ay naguguluhan sa paghahain ng Panginoon na inihandog Niya para sa atin. Ipinagbago nito ang aking buhay magpakailanman. Kahit na may mga kahirapan, ako ay magiging Katoliko sa buong buhay ko.”
'