• Latest articles
Nov 19, 2021
Makatagpo Nov 19, 2021

Kung minsan may pampalipas-oras na sa simula ay mukhang hindi nakakapinsala at sa bandang huli ay nagiging isang bagay na magdadala sa iyo sa kadiliman! 

Paghahanap ng Aking Kapalaran

Noong aking kabataan, nahirapan akong manalig sa Diyos at dahil dito nagpasya akong ipagkatiwala ang sarili at ang aking hinaharap sa mga pwersa na nangako ng kaunlaran, pagmamahal, at kaligayahan. Bumaling ako sa mga paniniwala ng Bagong Panahon at di naglaon ako ay nasangkot sa mga baraha ng tarot , saykika, oroscopyo, at salamangka.

Sa umpisa, ang makipaglaro sa mga bagay na ito ay nagbigay saya at kaaliwan. Dahil sa mga gawi sa Bagong Panahon naramdaman kong hindi na ako nangangapa – malinaw ko nang nakita ang landas ng aking kapalaran at nakatanggap ako ng kapaki-pakinabang na patnubay sa buhay ko. Naniwala akong kilala ako ng mga kard at psychics. Naintindihan nila kung ano ang nangyayari sa aking personal na buhay na hindi ko naibahagi kaninuman, at dahil dito, naniwala ako sa kanila nang buong kaluluwa. Sa madaling panahon, ang nagsimulang isang mukhang hindi naman nakakapinsalang libangan ay naging isang pagkahumaling na naglayo sa akin sa Diyos.

Higit Pa sa Pagkahumaling

Palagi akong sumasangguni sa aking mga baraha ng tarot, nagmamadaling makahanap ng kasagutan sa mga suliranin sa buhay ko. Sumamba ako sa mga huwad na idolo, humingi ng tulong na kahit kailan ay hindi naman ipinagkaloob. Sinimulan kong subukan ang mga gayuma na dapat sana’y makatulong sa akin na maialis ako sa mga mabagabag na kalagayan, o kaya’y mapahusay ang aking buhay. Sa kabutihang palad, hanggang ‘subok’ lang ako, ngunit muntik-muntikan na din talaga. Kung hindi pa dahil sa pagkakasala na naramdaman ko habang nananaliksik ako ng pangkukulam, marahil ay itinuloy ko ito. Sa paglingon sa nakaraan, naniniwala akong ito ay biyaya ng Diyos upang ilayo ako sa isang bagay na magdadala sa akin sa isang mas madilim na landas.

Ang aking pananampalataya ay labis na naapektohan ng kahumalingan ko. Bagaman lumaki akong Katoliko, hindi ko na itinuring ang aking sarili na Katoliko. Pakiramdam ko’y mas kinikilala ko ang mga paniniwala sa Bagong Panahon kaysa anupaman. Sinabi ko sa aking mga kaibigan at pamilya na hindi ako sigurado kung naniniwala pa ba ako sa Diyos. Kung tutuusin, kung mayroon talagang Diyos, bakit pakiramdam ko’y sirang-sira ang loob ko at naliligaw? Bakit gumawa ng himala ang Diyos para sa ibang tao at para sa akin ay hindi? Hindi ko nakita ang aking sarili na bumalik kailanman sa sampalatayang Katoliko, matapos kong matutunan ang lahat ng “katotohanan”  tungkol sa “kaliwanagan.”

Akala ko ang mga Kristiyano ang bulag, ang mga hindi makakita ng katotohanan na mismong nasa harap na nila, samantalang nakikita ko ang mga kasinungalingan at panloloko ng mundo. Hindi ko alam na ako pala ang bulag na mag-isang tinatahak ang buhay. Inip dahil sa kawalan /kakulangan ng patnubay, naisip kong ang mga paniniwala sa Bagong Panahon ay magdudulot sa akin ng isang bagay na nagbibigay-pag-asa.

Magbalik Ka Sa Akin

Sa loob ng ilang linggo, ang baraha ng tarot ay nagpadala sa akin ng halo-halong pahatid.  Hindi na makatuwiran ang mga ito, o kaya’y umayon sa mga hinihiling ko. Nawalan ako ng pag-asa, nasiphayo. Ang mga baraha ng tarot ko lamang ang tangi kong katiyakan na ang lahat ay magiging maayos, ngunit kahit ang mga ito ay tumigil sa paggana. Parang ang lahat ng bagay ay bumulusok, at nawala ang kapangyarihan kong diktahan ang buhay ko. Yun lang ‘yon! Lubha akong nahumaling sa kapangyarihang magdikta o mag-utos at nang nawala ito sa akin ako ay nanghina, naging marupok.

Agad kong natanto na nais ng Diyos na maging marupok tayo upang matutunan nating isuko ang lahat ng pamamahala at ilagay ang lubos nating pananampalataya sa Kanya. Si Hesus ang nagligtas sa akin at nagbalik sa Katotohanan na matagal ko nang hinangad. Alam kong ang buhay ng tao ay hindi nila sarili; hindi sila ang mag-uutos ng mga hakbang na dapat nilang gawin (Jeremias 10:23). Nagsimulan madinig ko ang Diyos na bumubulong sa aking puso na panahon na para ako ay magtiwala sa kanya. Binuksan ko ang pinto para sa Panginoon, at hindi Siya nag-atubiling pumasok.

Matapos ang mga taon ng pananangis sa walang namang tinutukoy kung kanino, natanggap ko ang isang pagganyak mula sa Panginoon kaysa mula sa aking mga kard. Pinangunahan ako ng Panginoon patungo sa kalikasan kung saan higit kong nadama ang kapayapaan, at Inakbayan Niya ako. Tumingala ako sa langit at kinausap ako ng Diyos, nakatago sa mga ulap sa mapalad na hapong iyon. “Magbalik ka sa Akin,” sabi Niya, at nasidlan ako ng pagmamahal na higit pa sa nadama ko sa tanang buhay ko. “Magtiwala ka sa Panginoon nang buong puso, at huwag kang umasa sa iyong sariling pang-unawa. Sa lahat ng iyong mga gawi, kilalanin mo Siya, at itutuwid Niya ang iyong landas” (Kawikaan 3: 5-6).

Tumagal lamang ng isang araw upang hayaan ko ang Liwanag ng Banal na Espirito na punan ako sa mga puwang na pinabayaan ko sa dilim nang mahabang panahon. Ito ang kagandahan ng Pagpapagaling na Kapangyarihan ng Diyos: ang tanglawan kahit na ang pinakamanimdim sa mga kaluluwa! Gayunpaman, batid ko na dapat kong ipakita sa Panginoon na totoong nais kong  na matamasa ang Kanyang biyaya. Nang gabing iyon, sa aking silid-tulugan, ibinuhos ko ang lahat sa Diyos. Sinabi ko sa Kanya na ikinalulungkot ko na naligaw ako nang napakalayo, napakatagal at na pinagsisihan ko ang lahat ng mga kasalanan na nagawa ko. Sinabi ko sa Panginoon na mula ngayon, ipinagkakatiwala ko sa Kanya ang aking buhay.

Ipinaubaya ko ang aking kapalaran sa mga kamay ng Diyos at isinuko ko ang mga paniniwala ng bagong panahon. Nanahan ako sa mga bisig ng isang Diyos na nagmamahal sa akin bilang Kanyang anak. Sa sandaling nadama ko ang ginhawa ng pamamahinga sa maawaing bisig ng Diyos, namulat sa akin ang pananampalatayang Katoliko bilang isang bagay na maaasahan ko ng buong puso, at wala na akong nadamang pagnanasa na mag-atas sa aking sariling kapalaran. Wala na ang pagkahumaling ko tungkol sa mga sagot sa tanong ko; ngayon nagtitiwala ako sa panukala ng Panginoon para sa akin. “Sumuko kayo sa Diyos. Labanan ang diyablo, at ito ay lalayo sa iyo” (Santiago 4: 7).

'

By: Ashley Fernandes

More
Nov 19, 2021
Makatagpo Nov 19, 2021

Basahin ang di-pangkaraniwang kasaysayan ni Cintia na mahimalang naligtas mula sa kamay ng pagpapatiwakal.

Masayang mga Labi

Lumaki ako sa isang nakakaangat na mag-anak sa Brazil. Ang aking ama ay isang siruhanong manggagamot ng mga bata, nagturo, at kapagdaka’y lumipat sa pamamahala sa kalusugan. At ang aking ina ay isang nurse, kaya madaming panggastos para sa mga materyal na bagay — mahusay na paaralan, magandang bahay, masarap na pagkain. Dahil ito ang pangalawang pag-aasawa ng aking ama, mayroon siyang dalawang pamilyang tinutustusan, kayat puro pagtatrabaho ang hinarap niya.  gayundin ang aking ina. May mga panahong hindi ko siya nakikita sa bahay ng dalawa o tatlong araw dahil sa mga pagbabago ng oras ng kanyang gawain. Mayroon kaming katulong sa bahay para sa pangangalaga sa amin at tumulong sa mga gawaing bahay, ngunit talagang dama ko ang pagliban ng aking mga magulang.

Nang ako ay labing anim na taong gulang, pinagtaksilan ng aking ama ang aking ina at sila ay naghiwalay. Lalo kong naramdam na ako ay pinabayaan at habang damdam ko ang kawalan ng magawa, sumulak sa akin ang pagkasiphayo. Kahit na taglay namin ang karangyaan ng lahat ng materyal na bagay, hindi kami maligaya.

Bagaman kami nang aking mga kapatid ay nabinyagan, hindi kami naturuan ng katekismo. Paminsan-minsan, kami ay nagsisimba pag Linggo ngunit dahil hindi namin talaga naiintindihan kung ano ang nangyayari, naging nakakainip ito para sa amin. Naniniwala kami sa Diyos, ngunit wala kaming anumang kaugnayan sa Kanya. Wala ang palagiang pagdadasal at ang pag-unawa sa aming pananampalatayang Katoliko.

Kami ng kaibigan ko ay nagdadalamhati sa kawalan ng mabubuting kaibigan at ang pangangailangang gumawa ng isang mas mahusay na bagay sa aming mga buhay nang sabihan kami ng kaibigan ng aking kapatid na, “Oh alam ko kung saan kayo makakatagpo ng madaming kabataan na maaaring maging mabuting kaibigan dahil sinusunod nila ang Diyos. Galing sila sa Simbahang Katoliko. Baka gusto n’yong magsimba o magpunta sa isang retreat doon.”

Nagustuhan namin ng kaibigan ko ang ideyang iyon, kaya nagpunta kami. Ibang-iba ito sa nadanasan ko; madaming kabataan ang masayang nagkakantahan at pumupuri sa Panginoon. At nadinig ko ang isang kabataan na nagdadasal, nagsasabi ng madaming bagay na lapat na lapat sa aking buhay. Ang lahat ng mga bagay na kinimkim ko – ang kawalan, kalungkutan, at pagkauhaw sa Diyos na hindi ko naintindihan. Hindi ko namalayan na ang Diyos pala ang hinahanap ko.

Nang dumalo ako sa isang apat na araw na bakasyunan sa komunidad na ito, iyon ang unang pagkakataon na nakasama ko talaga ang Diyos. Apat na araw akong tumangis nang labis habang pinapakinggan ko ang paliwanag, sa unang pagkakataon, ng mga pangunahing saligan ng pananampalataya. Sa kauna-unahang pagkakataon naramdaman ko ang talagang pag-iral ng Diyos, kaya’t sinimulan ko ang madalas na pagbasa ng Bibliya at ang pagdadasal araw-araw sa aking silid.

Mabigat na Pagtahak /Tahakin

Madalas bigyang diin ng aking mga magulang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinag-aralan para magkaroon ako ng isang magandang hanap-buhay, kumita ng pera upang makabili ng sariling gamit, at maging malaya. Taimtim kong binigyan ng pansin ang lahat ng ito ngunit salat sa damdamin, palaging naghahanap ng kung anong bagay. Hindi ko alam na makakatulong sa atin ang Diyos sa ganitong paraan.

Sa lubhang kasiphayuan ko sa sitwasyon ng aking pamilya,  sinunggaban ko ang paayaya ng isang lalaking nakilala ko sa paaralan — isang pagkakataong makalabas ng bahay. Sapagkat wala namang nagturo sa akin ng maka-Diyos na gawi, at walang gabay, sa maiksing panahon, natagpuan ko ang aking sarili na nasangkot sa hindi maayos na pakikipag-ugnayan.

Gumawa kami ng mga bagay na hindi karapatdapat. Sinimulan niyang panghawakan ang lahat sa buhay ko. Sa simula sumasama siya sa akin sa simbahan at ginamit niya iyon upang manipulahin ang aking isipan. Gumagamit siya ng mga salitang nadidinig niya sa simbahan o nababasa sa Bibliya upang maging sunud-sunuran akong gawin ang lahat ng gusto niya. Madaming kulang sa aking pormasyon kaya’t hindi ko naintindihan kung gaano siya kamali at nagsimula siyang ilayo akon sa Simbahan.

Sa pagtitiwala ako sa kanya, nawala ang lahat sa akin. Inilayo niya ako sa aking pamilya at mga kaibigan at pati ang pag-aaral ko sa pamantasan ay nasira. Sa paglipas ng apat na taon sa relasyong ito, ako ay nalagay sa napakapangit na katayuan. Sa bandang huli, nagsimula ulit akong manalangin. Sinabi ko kay Jesus, “Tatlong taon na ang nakaraan, nadama ko ang tunay na pagmamahal mula sa Iyo, ngunit napakalungkot ko ngayon. Ano ang nangyari?” Nakiusap ako sa Kanya na tulungan ako sa madaming bagay na gumugulo sa akin. Ibinigay ko muli kay Jesus ang lahat at ipinangakong mamuhay sa Kanyang pamamaraan. Nais kong maging malaya at magtiwala na kung namatay Siya para sa akin, ililigtas Niya ako.

Wala akong lakas upang putulin ang ugnayan namin ng aking kinakasama, hanggang sa siya ay nakakuha ng trabaho sa ibang lunsod, labindalawang oras ang layo. Sa wakas, naputol din ang pakikipag-ugnay ko sa kanya. Para itong isang himala dahil hindi ko iyon nagawa sa mahabang panahon.

Humilig sa Gilid

Gayunpaman, madami pa din akong hinanakit bunga ng lahat ng aking pinagdaanan. Isang araw, di ko na makayanan ang paghihirap na ito; labis akong pinahirapan ng mga saloobin ng pagpapatiwakal, at ako ay sumuko. Tumapat ako sa bintana at naghandang tumalon sa pagnanais kong kitlin ang aking buhay, ngunit mabuti na lamang, wala akong lakas ng loob na basta tumalon. Humilig ako sa gilid ng bintana papalabas at pinapabayan ang aking timbang na hatakin ako pabagsak. Bigla, nakaramdaman ako ng isang malaking kamay sa aking dibdib na tinutulak ako pabalik. Bumagsak ako sa sahig at napaiyak dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang naramdaman ko.

Binigyan ako ng Diyos ng pangalawang pagkakataon. Iniligtas niya ako at hindi ko maintindihan kung bakit. Sumigaw ako, “Ano ang gusto mo sa akin?” Pagkatapos nadama kong sinabi Nya, “Buksan mo ang TV.”  Nang buksan ko ang TV, nakita ko ang isang pari na nagsasalita tungkol sa kahalagahan ng buhay, kung bakit hindi tayo dapat sumuko. Tumulo ang luha sa aking mga mata; tumagos sa aking puso ang kanyang mga salita. Buhos-loob akong nakinig habang masigasig siyang nangaral tungkol sa handog na buhay. Paulit-ulit niyang binigyang diin, “Mahalaga ang iyong buhay.” Sa wakas ay naintindihan ko kung bakit ako iniligtas ni Jesus, at na kailangan ko ng tulong sapagkat wala akong magagawa nang mag-isa.

Napansin ng aking ina ang aking luha kaya’t tinanong nya kung kailangan ko ng tulong. Sa bandang huli ay inamin ko din. Nang magsimula akong magpagamot, nakabalik ako sa aking pag-aaral. Kasabay nito, naintindihan ko na kailangan kong bumalik sa simbahan. Labis kong kinailangan si Jesus. Sapagkat iniligtas Niya ang aking buhay at binigyan ako ng pangalawang pagkakataon, nangako ako na magtitiwala ako sa Kanya at matututong gawin ang nais Niya.

Noong 2009 ay ginugol ko ang isang taon sa pamayanan ng Palavra Viva sa paarala ng pag-eebanghelyo. Sa loob ng ilang buwan, inilahad ng Diyos ang aking bokasyon. Lubos ang katapatan ng Kanyang pagsasalita sa aking puso at hiniling Nya sa aking na maging isang laan-sa-Diyos na babae. Nalito ako sapagkat inaasahan kong mag-asawa dahil gusto ko ng mga bata. Sinimulan kong alamin kung ang pagtawag na ito sa itinalagang buhay ay totoo. Kalaunan, nakatagpo ako ng mga taong makakatulong sa akin upang gabayan ang aking pang-unawa sa aking bokasyon. Nang maunawaan ko na ang aking tungkulin na mamalagi sa inilaang buhay ay kalooban ng Diyos, sinabi kong “Sige, gagawin ko ito”, kahit na hindi ko ito lubos na naunawaan sa simula. Noong 2011 inihayag ko ang aking unang mga pangako na karalitaan, kalinisang-puri, at pagtupad. Noong 2017,  ako ay naglahad ng aking pangwakas na mga pangako at dumating sa Tasmania kung saan isinasabuhay ko ang aking bokasyon. Ako ay isa lamang na taong may-takda at may madaming mga kasalanan, ngunit kung magtitiwala ako sa Kanya lahat ay magiging mahusay.

'

By: Cintia Ramos Sozinho Amorim

More
Oct 29, 2021
Makatagpo Oct 29, 2021

Hindi ako lumaki na may pananampalataya. Bagaman ang aking mga lolo’t lola ay matapat na mga Anglikano, ang aking pamilya ay hindi nagsisimba. Nag-aral ako sa isang mataas na paaralan ng Anglican, ngunit hindi iyon mahalaga sa akin. Sandaling naisip ko ang pagkakaroon ng Diyos ng ako ay tinedyer, ngunit mabilis na iwinaksi ito bilang katawa-tawa. Naalala ko na nakaupo ako sa aking surfboard isang araw, napapaligiran ako ng maliliit na alon, nagdarasal, “Sana magpadala kayo sa akin ng ilang mga alon.” Pagkatapos, naisip ko, “Paano ako magdarasal kung hindi ako naniniwala sa Diyos?”

Hindi ko alam pero sa kaibuturan ng aking puso ay nakaramdam ako ng isang tunay na kawalan. Ang kusang pagdarasal na iyon ay palatandaan na may nawawala akong isang bagay na mahalaga. Pagkatapos ng pag-aaral, sumali ako sa hukbo upang mag-aral sa Australian Defense Academy. Gayunpaman, ito ay sumabay sa aking yugto ng pagloloko ng kabataan. Lumalabas ako at nag-iinom, nagpabaya at hindi gumagawa ng mga takdang aralin at bumabagsak sa halos bawat pagsusulit. Tumanggi pa akong gupitin ang aking buhok, na hindi magandang tingnan sa hukbo.

Kaya, hindi nakapagtataka na napauwi akong pabalik sa bahay. Ngunit hindi kinunsinti ng aking ina ang masasamang gawi na ito. Matapos akong magpagabi sa pag-iinom, sinabi niya sa akin na ang aking pag-uugali ay hindi katanggap-tanggap. Kapag nakikipagtalo ako at sumasagot, sabi niya sa akin na magsimula na akong magbayad  sa pagtira kung nais kong magtakda ng sarili kong oras. Napakatigas ng aking ulo at sinimulan kong gawin iyon, ngunit ito ay isa sa mga pinakamahusay na bagay na sinabi sa akin ng aking ina.

Nag-udyok iyon sa akin na pag-aralan ang Pagsisiyasat at kumapit sa tatlong mga part-time na trabaho. Gayunpaman, sa aking mga libreng oras, ako ay nasa inuman ng hindi bababa sa tatlong gabi sa isang linggo at nag-eeksperimento sa iba pang mga bawal na gamot. Ang interbensyon lamang ng aking anghel de la guwardiya ang pumigil sa akin na patayin ang sarili ko o ang iba sa aking kawalang-ingat, lalo na kapag nagmamaneho ako ng lasing.

Kung minsan, wala akong ganap na maalala sa nangyari sa loob ng maraming oras. Tuluyan akong nawalan ng ulirat. Sa palagay ko walang nakakaunawa sa ginagawa ko sa aking sarili. Ang aking sekswal na moralidad ay masyadong kahina-hinala. Ang pagkakalantad ko sa pornograpiya sa murang edad ay nakaapekto sa kung paano ko tinatrato ang mga kababaihan. Kinikilabutan akong masyado ngayon at nahihirapan ako na pagnilayan ang aking pag-uugali sa oras na iyon. Nais kong bumalik at ayusin ang pinsalang idinulot ko.

Mga Ginusto Nating Gawin

Pagkatapos ng unibersidad, nakakuha ako ng trabaho sa pagmimina at ako’y nakaipon at nakapagtipid ng marami, dahil walang gaanong pagkakagastusan dito. Kaya, nagdesisyon ako na magbakasyon sa Europa. Ang aking napiling materyal sa pagbasa – ay isang aklat ng Bagong Panahon – ito ay isang magandang pahiwatig ng estado ng aking kabanalan. Oras na upang tuklasin ang kahulugan ng buhay. Naaalala kong iniisip ko noon, “Gusto ko talaga ang lalaking ito, si Jesus Christ. Mahal niya ang mahirap. Hindi siya materialistiko. Nasa mga daliri niya ang pulso sa mga tuntunin ng kapayapaan, ngunit ang bagay  tungkol sa kanya bilang Anak ng Diyos – imposible iyon. Isa lamang siya sa mga magagaling na tao sa kasaysayan, tulad ng Gandhi o Buddha. ”

Upang mapalawak ang aking pananatili sa Europa, nakakita ako ng trabaho sa pag-giya sa mga barko at aparato ng langis sa paligid ng North Sea. Mula sa isang himpilan sa Scotland, ililipad ako ng isang helikopter hanggang sa mga aparato na nakakalat sa Hilagang Dagat hanggang sa Arctic Circle. Pagkatapos ng dalawa o tatlong araw na trabaho, babalik ako para sa dalawa o tatlong araw na pahinga. Ang kasintahan ng aking kasero ay isang muling ipinanganak na Kristiyano na nagbigay sa akin ng isang libro na babasahin, “The Late, Great Planet Earth” tungkol sa mga oras ng pagtatapos. (Basahin ni Scott Hahn ang parehong libro bago ang kanyang paunang paglipat sa Kristiyanismo.) Nakapagbasa ako ng mga sampung pahina bago ako nagpasya na hindi ito ang aking gustong basahin (hindi ako nagka-interes).

Isang araw, hindi ko inaasahan na matawag ako sa isang madaliang trabaho. Upang palipasin ang oras sa mga paglipad, kadalasan nagdadala ako ng isang libro na babasahin, ngunit wala akong ibang libro maliban sa isang iyon, kaya kinuha ko ito dahil sa pagkadesperado habang papalabas ng pinto. Naging abala ako sa pagbabasa nito, kaya’t mabilis na nakaraan ang paglipad. Dahil ang trabaho ay hindi nagtagal, mayroon akong maraming oras upang magpahinga at mag-isip habang hinihintay ko ang helikopter. Pagkatapos ay halos hindi ko napansin, ang mga sunod- sunod na saloobin na sumagi sa aking isipan na humantong sa nakakagulat na pagkatanto ko na si Jesucristo ay Anak ng Diyos. Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga kaisipang ito.

Lahat ng narinig ko tungkol kay Jesus ay nagsimulang magkaroon ng katuturan sa ilang kadahilanan. Medyo natigilan ako at hindi ko alam ang gagawin ko, kaya’t sinabi ko, “Jesus, kung totoo ito mangyaring ipaalam mo sa akin.” Sa sandaling iyon, isang kamangha-manghang ilaw ang tila bumuhos mula sa aking dibdib sa buong kabina, na pinuno ako ng lubos na kagalakan. Hindi ako nakaranas ng anumang katulad nito at natanggal nito ang aking mga medyas. Nakaramdam ako ng isang masidhing pagnanasa na basahin ang Bibliya, kaya’t hinanap ko ito kaagad dahil hindi ako makapaghintay. Ginugol ko ang aking tatlong araw na lumipas sa pagbabasa ng buong Bagong Tipan diretso, mula sa Mateo hanggang sa Apocalipsis.

Lumalagong Mas Malalim

Sa aking pagbabalik sa Australia, tuwang-tuwa si Mama nang makita akong muli at nakita ang aking Bibliya habang tinutulungan akong alisin sa pagkakaimpake ang mga gamit. “Ano ito?” nagtatakang sabi niya kaya sinabi ko sa kanya ang balita. “Ako ay isa ng Kristiyano. Natagpuan ko ang pananampalataya. ” Ang kanyang tugon ay nakapanghihina ng loob, “Craig, huwag mong hayaang mawala ang iyong mga kaibigan.” Nagkaroon ako ng isang talagang mahusay na grupo ng mga kaibigan. Sa totoo lang sa pamamagitan ng isa sa kanila naging Katoliko ako. Nag-asawa si Karl ng isang Katoliko na ang pamilya ay kasapi sa isang karismatikong pamayanan. Nang inimbitahan nila ako na sumama sa isang pagpupulong ng panalangin, ito ay isang ganap na nobela na karanasan para sa akin, ngunit mahal ko ito. Mayroon silang sampung linggong kurso na nagsisimula sa linggong iyon, kaya tinanong ko kung maaari akong sumali.

Mukhang talagang p9nauwii ako ng Panginoon. Tinanong ako ng isa sa kanila isang araw, “Bakit hindi mo isiping maging isang Katoliko?” Walang pag-aatubili, sumagot ako, “Oo, bukas talaga ako sa ganyan.” Kaya, nagsimula ako ng isang one-on-one na programa ng RCIA ang kanilang chaplain ay si Father Chris. Binigyan niya ako ng isang katesismo na nagpapaliwanag tungkol sa lahat ng doktrinang Katoliko na aming pag-aaralan. Binasa ko ito at sinabi sa kanya na wala akong problema sa anuman dito. Pinaniniwalaan ko ang lahat, nang walang pagdududa. Walang itinuro Ang Simbahang Katoliko ang hadlang para sa akin. Tulad ng lahat na naging makatuturan sa akin noong una kong binasa ang Bagong Tipan, agad kong nahiwatigan na ang mga aral ng Ang Simbahang Katoliko ay totoo. Wala naman akong pag-aalinlangan.

Tawag ng Nakakataas?

Sa sumunod na dalawang taon, ako ay naging isang Katoliko, dumalo sa pang-araw-araw na Misa at nagpatuloy sa paglago ng aking pananampalataya. Habang iniisip ko ang tungkol sa hinaharap, isinaalang-alang ko kung tinatawag ako ng Diyos sa isang relihiyosong bokasyon o sa kasal. Si Father Chris ay nasa patakaran ng Servite, kaya’t nagpasya akong sumali sa kanila upang mapagnilayan ko kung nilalayon akong maging pari. Ipinadala nila ako sa Melbourne para sa pagsasanay, ngunit hindi nagtagal ay napagtanto ko na hindi doon kung bakit ako tinawag ng Diyos. Gayunpaman, bahagi ng plano Niya ang lahat tulad ng sa Melbourne ay makikipag-ugnay ulit ako kay Lucy, isang kaibig-ibig, na dalaga na siyang magiging asawa ko pagkalipas ng dalawang taon.

Ang aking paglalakbay sa pananampalataya ay isang regalo sa akin. Ni hindi ako naging interesado na maging isang Katoliko o maging isang Kristiyano. Ni hindi ko sinusubukan na maunawaan kung sino ang Diyos. Ni hindi ako nagtatanong. Ang Diyos, sa Kanyang walang katapusang awa, ay nagpasiya lamang na sabihin, “Buweno, oras na para sa kanya na dumating ngayon.” Ibinigay niya sa akin ang karanasang iyon sa aparato ng langis at ginawa itong madula dahil alam niya na kailangan ko iyon. Kung ito ay naging isang mas banayad na karanasan, marahil ay hindi ako magiging isang Kristiyano ngayon. Kailangan ko lang na masampal sa pagitan ng mga mata. Ngunit, ang aking kamay na nasa puso, masasabi ko ng buong tapat na hindi ako nag-alinlangan, ni isang segundo mula noon, na mayroong Diyos, o na si Jesucristo ay Anak ng Diyos at aking Tagapagligtas, sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus para sa aking mga kasalanan.

Umpisa ng Himala

Ang pagsisimula ng isang paaralan-Ang Angelorum College sa Brisbane-ang malaking proyekto ng aming pamilya ngayon. Nais ni Lucy na tulungan ang mga pamilya na lumago sa kabanalan. Ito ang pangunahing layunin ng paaralan at lahat ng aming ginagawa ay idinisenyo upang suportahan iyon. Dahil dati ay walang paaralan ng Catholic Distance Education sa Australia, sinusuportahan din namin ang mga pamilya na may home school na may kurikulum at iba pang praktikal na tulong.

Sa simula, halos nagdarasal ako na huwag itong malugi, dahil parang nakakabaliw  isipin na maaari kaming magsimula ng isang paaralan at maraming mga hadlang na dapat na malampasan. Ang unang himala ay inaprubahan. Ang pangalawang himala ay ang paghahanap ng isang lugar upang maipatayo ang paaralan – salamat, Legion of Mary. Nagkaroon ng maraming mga himala mula noon at, limang taon na na maayos, ito ay nagbubunga sa buhay ng lahat ng mga pamilya na sumali sa amin sa nakatutuwang pakikipagsapalaran na ito. Ipinagdarasal namin ngayon ang himala na makahanap ng mas malaki at permanenteng tahanan. Nakatutuwang ibahagi ang aming pananampalataya sa susunod na henerasyon, sa piling ng mga tapat, mapagbigay, at mapagmahal na pamilya.

Ang pakikipagtagpo sa pag-ibig ni Kristo at pag-alam kung ano ang ginawa Niya para sa atin, at ginagawa para sa atin sa lahat ng oras ay maaaring makapagpabago ng mga buhay. Bumukas sa harap ko ang kawalang-hanggan, kaya nais kong ibahagi ang mabuting balita na iyon. Namatay ako noon, ngunit ngayon ako ay buhay, natuklasan ko ang perlas na napakahalaga. Ang bawat isa sa atin ay nilikha sa larawan at wangis ng Diyos at matatagpuan natin ang ating katuparan sa Kanya.

Bago ang aking pagbabalik-loob, pilit kong sinubukan na punan ang pagnanasa ng kahungkagan ng mga temporal na kasiyahan na hindi kailanman totoong nasiyahan, ngunit pagkatapos ng aking pagbabalik-loob ay ginawa Niya akong kumpleto. Kaya, hindi na ako lumalabas upang maglasing ngayon, hindi lamang dahil ayaw kong mawala ang aking katinuan, ngunit dahil hindi ko na kailangang gawin iyon dahil nahanap ko ang aking kagalakan sa Panginoon. Sa wakas ako ay naging isang taong hinubog niya ayon sa intensyon ng Panginoon, dahil iniligtas Niya ako.

'

By: Craig Robinson

More
Oct 29, 2021
Makatagpo Oct 29, 2021

Nagdadasal ka ba para sa isang himala? Heto ang isang paraan na gagawa ng kababalaghan para sa iyo!

Madaming taon na ang lumipas, napagpasyahan naming mag-asawa na harapin ang tungkol sa katiyakan ng kamatayan. Pinangahasan namin ang sakop ng huling habilin, pamana, ari-arian, at iba ba tungkol dito, kasama na ang pagpapatupad ng mga ito.  Tinangka din naming pag-uri-uriin ang aming mga makamundong ari-arian.  Hindi kapanipaniwalang nang sinisikap naming itala ang aming mga pag-aari ayon sa halaga nito.  Ang sasakyan ba ay nagkakahalaga nang higitpa sa album ng aming mga kuha noong kami ay ikasal?  Mauunawaan ba ng aming mga anak ang kahalagahan ng mga alaala, sentimental na bagay, o pamana ng aming mga ninuno tulad nang pagpapahalaga naming mga magulang nila?  Anong pangmatagalang pamana ang maaari naming iiwan sa bawat isa sa kanila na magiging mahalaga o makabuluhan para sa kanila kapag kami ay pumanaw na pabalik sa Panginoon?  Sa kabutihang palad, ang Diyos ay may sagot sa lahat ng aking mga katanungan at, tulad din sa Banal na Kasulatan, gumamit Siya ng mga kwento upang ihayag ang mga katotohanang ito.

Mga Abubot at Kayamanan

Ang kasaysayang ito ay umiikot sa aming pangalawang anak, si James (o Jimmy na kung tawagin namin), noong siya ay mga 6 na taong gulang.  Pinalaki namin ang aming mga anak sa isang maganda at kakaibang lugar ng New England na nag-aalok ng madaming mabubuting pagdiriwang na pangmag-anak para sa pakikipag-ugnayan sa pamayanan, tulad ng taunang perya ng bansa na idinadaos ng aming simbahan tuwing Taglagas. Ang aming mag-anak ay masigasig na tumutulong sa paghahanda ng peryang ito na inaabangan namin taun-taon.

Lumaki ang aming mga anak na  tumutulong kung saan at kailan sila kinakailangan.  Dahil dito, nakilala sila ng iba pang mga nagsikusang-loob na tumulong sa parokya para maganap ang peryang ito.  Natutunan ni Jimmy kung aling mga kubol ang mayroong mga kayamanan na pumukaw sa kanyang kinawiwilihan.  Mayron siyang pagtatangi sa iba’t ibang mga kubol ng ‘White Elephant’ at ‘Rummage Sale’.  Kaya mga ilang linggo papalapit sa araw ng perya, siya ay kusang-loob na tumulong na itayo ang mga kubol na iyon na isang paraan para masiyasat ang anumang papasok na mga ‘goodies’ [mga kanais-nais, kaakit-akit na bagay].  Si Jimmy ay may katangi-tanging pagkawili sa lahat ng mga uri ng mga abubot at nabiyayaan siya ng isang matalas na mga mata para sa mumunting kayamanan, at isa ding pambihirang kakayahan sa pakikipagtawaran para sa mga ito.  (Isang pagunita lamang … ginagawa pa din niya ito!)

Isang taon, sa araw ng perya, matapos ang lahat ng mga pagsasaayos at ang bawat isa ay nakahanda nang makipagsaya sa pagdiriwang, nagpaalam si Jimmy para maghanap ng mga hiyas.  Kasama ng aming basbas at isang maliit na bulsa na puno ng pera, siya ay masaya at malayang humayo sa kanyang pakikipagsapalaran; samantalang ginugol naman naming mga naiwan ang araw sa pagtulong kung saan man kami kinailangan upang gawing matagumpay ang pagdiriwang na ito.

Ang buong araw ng pagdiriwang ay kapanapanabik at masaya para sa aming mag-anak, bagamat ito’y mahaba at nakakapagod, lalo na para sa aming munting mga anak.  Nang matapos ang perya, hapo kaming umuwi ng bahay at palit-palitan kaming nagsibahagi ng mga kaganapan sa araw na yon at nagsipakita ng anumang mga kayamanang nalikom.  Nang dumating ang pagkakataon ni Jimmy, taas-nuo niyang hinugot ang isang dakot na mahalagang mga abubot mula sa kanyang bulsa.

Isa-isa niyang ipinaliwanag ang kahalagahan sa kanya ng mga ito at kung paano siya tumawad para sa bawat isa.  Ipinahuli niya ang kanyang pinakamahalagang tuklas.  Habang dahan-dahan siyang dumukot sa kanyang maliit na bulsa, maingat niyang hinugot ang isang mahaba at gasgas na ginintuang kadena na may nakakabit na isang kasing gasgas na ginintuang krus. Habang itinaas niya ito para hangaan ng lahat, namanaag ang isang ngiting halos bumulalas ng “TA DA!”  Ang aking pusong-ina ay lumundag sa tuwa.  Kusang naunawaan ng itinatanging anak ng Diyos na ito ang tunay na halaga ng upod na krus.  Niyakap ko siya nang higit sa anim na ulit upang makibahagi sa kanyang kagalakan, bago ko sila pinaakyat para matulog.

Isang Maliit na Siwang

Di natagalan nang sila ay nagsi-akyat na, isang mahabang sigaw ng “Moooooom!” ang umalingawngaw sa may hagdanan na sinundan ng isang malinaw at namimighating hikbi na palatandaan ng isang malagim na pangyayari. Habang nananalangin na sana’y walang nasaktan, sumugod ako at natagpuan ko si Jimmy na nakatayo sa may pintuan niya, nakaturo sa sulok ng kanyang silid.  “Ano yon? Anong nangyari?  Ano ang problema?”, sunod-sunod kong tanong habang sinisipat ang silid para sa mga maaaring kasagutan.  Upang makatuklas ng linaw, yumuko ako para pakinggan kung ano ang bumabagabag sa kanya.  Humihikbi, agaw-hiningang ipinaliwanag niya na ang kadena ay dumulas sa kanyang mga daliri at nahulog sa isang napakaliit na awang sa tabla ng sahig.  Luhaang itinuon ang paningin sa akin, nagsumamong maibalik ang kanyang mahalagang kayamanan.  Pinatotohanan ng kanyang kuya ang kwento ni Jimmy.

Ang unang plano ay ang sinagan ng lente ang maliit na siwang, umaasang ang kadena ay tuloy-tuloy na nahulog kung saan makikita at mawawari kung paano ko ito masusungkit. Ngunit … sinawimpalad ako.  Sa sumunod na plano, tinipon ng aking asawa ang kanyang mga kagamitan at nagsimulang kalasin ang mga tabla ng sahig.  Bagamat maingat na naming ginalugad ang naturang puwang, ang kadena ay hindi pa din matagpuan.  Habang muling ibinalik ng aking asawa ang mga tabla ng sahig, sinubukan kong aliwin ang aming bigo at hapong anak.

Lahat kami ay hapong-hapo, maliwanag na wala nang magagawa pa sa gabing iyon.  Gayunpaman, nang sinimulan naming magdasal ng panggabing panalangin kasabay ng mga bata, isang bagay ang sumaisip sa akin.  Noong ako’y bata pa, mga kasing-gulang ni Jimmy, nagkaron ako ng laruang luksung-lubid na ikinatangi-tangi ko.  Sa kung anong kadahilanan, ang luksung- lubid ay nawakli na labis kong ikinalungkot, walang magawa. Napatigil ako at humiling ng tulong sa Panginoon na hanapin Nya ito para sa akin at ilagay sa isang takdang lugar na makikita ko kinaumagahan.  Sa laking-tuwa ko, nandoon nga ito kinabukasan. Sinagot ng Panginoon ang aking panalangin at mula noon, hindi ako tumigil sa pananalangin o pagtitiwala sa Kanya. (Basahin ang kuwentong ito sa aking sanaysay “Tulad ng Isang Bata” para sa Setyembre / Oktubre 2019 na lathala ng Shalom Tidings sa ShalomTidings.org).

Sa pagbabalik-gunita ng damdaming iyon, ipinasa ko ang aking karanasan sa aking mga anak at nanalangin kami katulad ng pagpanalangin ko nuon, na tulungan ng Diyos si Jimmy. Hiniling ni Jimmy sa Panginoon na ilagay ang kuwintas sa kanyang tokador, sa isang maliit na sisidlan kung saan niya inilalagay ang iba pang mahahalagang yaman. Tinapos namin ang araw sa panalangin na iyon.

Kayamanang Walang-Kupas

Kinaumagahan, nagising ako sa isa pang mahabang sigaw na, “Moooooom!” Nagpakahinahon ako sabay-suot ng bata, umaalingaw-ngaw sa aking isipan ang mga katanungan nang nakaraang gabi. Subalit sa halip na datnan ko ang isang umiiyak na anak sa may pintuan, si Jimmy ay bigay-todong nakangiti, at ang upod na ginintuang kadena at krus ay minsan pang nakabitin mula sa mahigpit na pagkakahawak ng kanyang munting kamay. “Nakita mo ba ang kadena ko kagabi?” sabik niyang tanong. Napasinghap ako. Alam ko ang tanong na iyon! Itinanong ko sa aking ina ang mismong tanong patungkol sa luksong-lubid nang makita ko ito madaming taon na ang nakalipas. Alam ko ang magiging talab ng aking sagot sa kanya. Dahan-dahan akong umiling at inabot para hawakan ang munting kamay ni Jimmy. “Hindi, Jimmy. Hindi ko nakita ang kadena mo. Humingi ka ng tulong sa Diyos at sinagot Niya ang iyong panalangin.” Hinayaan ko munang manahan nang ilang sandali ang aking sagot sa kanyang munting puso.

Humantad sa may pintuan ang aking asawa at ang isang anak na inaantok pa at nagtanong, “Ano ang nangyayari dito?”  Sa kanila naman nagtanong si Jimmy, “Nakita nyo ba ang aking kadena kagabi?”  Walang makapagpaliwanag kung paano lumitaw ang kadena sa maliit na kahon ng kayamanan.  Dinalaw ng Panginoon si Jimmy nang gabing iyon, at naging pagkakataon ko ito na maipasa ang aral na natutunan ko noong ako ay bata pa.

Jimmy, kapag nagdadasal tayo sa Diyos, nakikinig Siya sa atin. Kagabi, kinailangan mo ng tulong at hiniling mo sa Diyos na tulungan ka sa isang tuwirang paraan.  Nadinig ka ng Diyos at tinulungan ka.  Nais kong pakatandaan mo ang sandaling ito.  Nais kong malaman mo na PALAGI kang makakahiling sa Panginoon na tulungan ka ano man ang kailangan mo o kahit ano pa ang edad mo.  Palagi ka Niyang tutulungan.  Naiintindihan mo ba?” Tumingin siya sa kanyang maliit na krus at tumango.  Ang katuturan ng pangyayari ay nagsimulang mag-ugat sa kanya at sa aming lahat. Wala sa amin ang nakalimot sa araw na iyon at ibinahagi namin ang kuwento ng maliit na krus sa mga kapatid nilang isinilang kasunod ni Jimmy.

Mutyang Pamana

Sa wakas, natapos naming mag-asawa ang aming mga paglilimi sa pamamahagi ng aming mga ari-arian sa aming mga anak. Maaaring hindi nila lubos na maunawaan ang halaga sa pera, o ang aming pagpapahalaga sa aming mga makamundong pag-aari at okey lang iyon.  Kapag nagugunita ko ang kwentong ito, ipinaaalala ng Panginoon ang Kanyang sinabi sa Mateo 6: 19-20, “Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na doo’y mayrong gamu-gamo at kalawang na maninira, at doo’y mayrong mga manloloob na papasok at magnanakaw.  Sa halip, mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo’y wala ni gamu-gamo o kalawang na naninira at doo’y walang manloloob na papasok o magnanakaw”. Sinasabi sa atin ng Diyos sa Banal na Kasulatan na huwag mag-ipon ng mga bagay dito sa lupa na malalanta at mamatay.  Sinasabi Niya sa atin na tipunin ang ating mga kayamanan sa langit.  Idiniin namin sa aming mga anak ang kahalagahan ng panalangin at ang walang hanggang halaga ng pagkakaroon ng sampalataya sa Diyos.

Natagpuan ko ang kapayapaan at ginhawa sa pagkakaalam na naipamana namin sa aming mga anak ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang tapat at mapagdasal na pakikipag-ugnay sa Diyos.  At ipinasa naman nila sa kani-kanilang mag-anak ang pananampalataya at mga kasaysayan nila tungkol sa Diyos.  Ang pagpasa ng aming sampalataya sa pamamagitan ng pagdadasal ay ang panghabang-panahong pamana namin at yaman sa langit.  Ngayon, nais kong hikayatin ka.  Hindi pa huli ang lahat upang simulan ang iyong sariling pamana.  Ipanalangin na lumakas pa ang iyong sampalataya at ipasa ang iyong sampalataya sa mga taong inilagay ng Diyos sa iyong buhay.  Pagpalain kayo ng Diyos, mahal na mga kapatid.

'

By: Teresa Ann Weider

More
Oct 29, 2021
Makatagpo Oct 29, 2021

Ang tsekbook mo ba ay nagpapakita ng mga walang maliw na katotohanan?  Kapag hindi, panahon na upang mamuhunan para sa pangmatagalang bunga.

Dumating ako sa kolehiyo na may lubos na bagbag na damdamin gawa ng mga pangmag-anakang kaguluhan.  Ihinantong ako nito na maghanap ng kahulugan sa mga maling pook.  Bagama’t ipinalaki ako bilang isang Katoliko, nasuya ko ang Diyos nang katakut-takot at lumayo ako sa pananampalataya.  Sa tagpong yaon, tumigil na akong sumimba ng Linggo at ang buhay ko ay umiikot sa paligid ng pagdalo sa mga pagdiriwang at mga bagay na inilayo ako sa Diyos.

Saglit ng Pagtatagpo

Isang araw ng Linggo, nagising ako na may malalim na pagnanasang dumalo ng Banal na Misa.  Sa liturhiya ng yukaristiya, nang itinaas ng pari ang hostiya, ako’y talagang nagdasal mula sa puso “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na tanggapin Ka, ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ang kaluluwa ko.”  Alam ko na maaaring may awa para sa akin, ngunit hindi ko alam kung ibibigay Niya Ito sa akin.  Sa komunyon, ako ay nagkaroon ng nakagugulat na karanasan ng isang paglilinis at mapagpaumanhing pag-ibig ni Kristo nang tinaggap ko si Jesus sa Banal na Sakramanto. Nadama ko na tila ako’y hinugasan mula sa taas, at aking nadama na ako’y masigla at malinis.  Isang matinding ligaya ang pumuno sa akin, na hindi na ako nilisan.  Ang Panginoon ay niyakap ako sa kabila ng lahat ng aking pagkabagbag.  Halos ako’y nagsayaw pabalik sa aking upuan na may saya sa aking puso.  Ayan ang kung paanong nagsimula ang aking bagong buhay.

Sa kabila nitong di-kapanipaniwalang karanasan kay Kristo, ako pa rin ay masyadong naiimpluwensyahan ng mundo.  Hindi ko na iginugugol ang aking buong buhay sa pagdadalo ng mga pagdiriwang, ngunit ang karangyaan, katanyagan, at karangalan ay naging aking tampulan.  Kinailangan ko na ang aking matataas na mga nagawa sa eskuwela ay matustusan ang aking pagpapahalaga sa saril, kahit na ako’y lumalakad na kasama si Kristo.  Kasunod ng matagumpay kong pagtapos ng dobleng pangunahing kurso sa Nursing, nakatanggap ako ng mabuting alok mula sa isa sa pinakamagaling na mga pagamutan para sa mga bata sa Estados Unidos.  Ang layunin ay narating na, ngunit ang puso ko ay nagsimulang maghangad ng bagay na mas mabuti—upang maging isang misyonero.

Mula sa pagtatagpong yaon, masigasig akong nagnais na ipamahagi ang nagliliyab na pag-ibig ng Diyos na natagpuan ko sa Simbahang Katoliko.  Ako’y nagsimulang magdasal para sa pamamatnubay, at di-nagtagal ay nakatagpo ako ng isang kasapi ng ministeryo ng Jesus Youth, isang pandaigdigang kilusan ng mga misyonero na naglilingkod sa Simbahan.  Ako’y labis na napukaw ng paglingap na ang Panginoon ay naibilang ang mga karanasan ko sa buhay hanggang sa tagpong yaon, at inilunsad ako sa mas malalim at mas punong pagkaunawa kay Kristo.

Mga Arawing Inspirasyon

Ako’y nagpasyang pumunta sa Bangkok sa Thailand kasama ang Jesus Youth (JY), sa halip na tanggapin ang pinangarap na hanapbuhay.  Ang pagsasanay na inihanda ako para dito ay kahanga-hanga.  Ang buong buhay ko ay marahas na nagbago at kamangha-manghang tinulungan ako nito habang nasa Misyon at hanggang sa araw na ito.  Bilang halimbawa,  pagkatapos ng pagsilang ng aking unang anak na lalaki, ako ay nasuri na may sakit na Lyme, ngunit ako’y nakatanggap ng panlunas na aking kinakailangan, na may kaugnayan sa sangkatutak na medisina, kasama ng apat na antibiotic.  Aking natandaan ang natutunan ko sa pagsasanay:  Hindi natin tinatanong ang Diyos, “Bakit ako?” kapag tayo’y nakatatanggap ng mga biyaya, ngunit kapag ang mga paghihirap ay dumarating, madalas tayong nagtatanong, “Bakit ako?”  Kaya tuwing ako’y nagdadalamhati, sa halip na tanungin ang Diyos, “bakit ako?”, tinaggap ko ang aking kalagayan at pinasalamatan ko Siya para sa mga biyayang naibigay Niya sa akin—ang anak ko, ang pamilya ko, ang napakahusay na pag-aarugang medikal…  Binigyan ako ng Diyos ng pagpapala na tanggapin ang Kanyang kalooban at sabihin, “Sundin ang loob Mo.”  Maraming halimbawa akong maibibigay kung paanong nahihimok ako sa pang-araw-araw ng aking pagsasanay at mga karanasan sa Misyon.

Noong wala pa akong karanasan sa Misyon, ako’y mapagtiwala sa sarili, inisip ko lamang ang tungkol sa aking sariling mga layunin at mga kinakailangan.  Kahit na ako’y may mabubuti, malalapit na kaibigan, sila ay walang pararatingan sa puso ko.  Gumawa ako ng mga dingding sa paligid ko.  Habang ako’y nasa programa ng pagsasanay, ang mga dingding na ito ay gumuho.  Sa Misa ng kapistahan ng Binyag ni Jesus, nakatanggap ako ng isang namumukod na pagpapala upang tunay na makilala si Kristo at papaano ang binyag ay napagbabago kung sino ako.

Ang Patikim ng Langit

Sa pamamagitan ng Binyag tayo ay naging tagapagmana ng Kanyang kaharian.  Ito’y isang nakapagbabagong-buhay na sandali para sa akin.  Madalas kong tanawin ang aking pamilya at mga kaibigan sa mga tuntunin ng, “Paano ninyo ako mapaglilingkuran?”  Iyon ang araw na napagtanto ko na bilang isang minamahal na anak ng Diyos, ako ay dapat mag-isip na, “Paano ko sila mapaglilingkuran?  Paano ko maipamamahagi ang pag-ibig ng Diyos?”  Nasimulan kong madama ang ganap na pagbabago sa akin.  Sa pagiging isang kasapi ng Jesus Youth, nakaranas ako ng pamayanang buhay na lubusang umiinog kay Kristo.

Bilang isang parte ng bandang REX, ako’y nabigyan ng napakagandang pagkakataong umawit para sa luwahati ng Diyos, lalung-lalo na sa Pandaigdigang Araw ng Kabataan sa Poland.  Nang kami ay nasa entablado habang nanananghal, nakatutulalang makita ang milyon-milyon na kabataang nagwawasiwas ng mga watawat mula sa kawan ng mga iba-ibang  bansa.  Yaon ay isang nakamamanghang karanasan, tulad ng patikim ng Langit, na makita ang buong mundo na nagtipon upang purihin ang Diyos.  Yaong ligaya, na nagagampanan at nabibilang na kasama sa Misyon, ay nakapangingibang-buhay!

Ang taòng yaon na ginugol ko ng buong panahon sa Misyon na kasama ang Jesus Youth ay nagdulot ng kapansin-pansing kaibhan sa akin.  Nadama ko na pinili ako ng Diyos sa kakaibang paraan at nagkamit ako ng mas malalim, mas malapit na kaugnayan kay Kristo.

'

By: Katie Bass

More
Oct 29, 2021
Makatagpo Oct 29, 2021

Ibinahagi ni Father Tao Pham ang kanyang nakamamanghang paglalakbay sa gitna ng bagyo, sa kabila ng kanyang kapansanan at pagkabalda.

Upang matupad ang pangarap kong maging pari, kailangan kong mapagtagumpayan ang maraming mga hamon at paghihirap. Maraming beses, kapag ang sakit ay tila hindi mabata, nagdadasal ako na ang aking mga pagdurusa ay pagsama kay Jesus sa Kanyang Passion. Alam ko na may magagawa Siya, kaya kung nais Niya akong maging pari, balang araw magiging pari ako. Ipinanganak ako sa hilaga ng Vietnam, ang ika-7 sa walong magkakapatid. Lumaki kami sa isang mahirap na nayon kung saan nagtatapos ang pag-aaral sa ika-siyam na taon, ngunit naramdaman kong tinawag ako ni Kristo sa pagkasaserdote. Posible lamang ito kung nakatanggap ako ng tersiyaryong edukasyon. Noong ako ay 14, malungkot kaming nagpaalam ng aking kapatid sa aming pamilya upang makapasok kami sa mataas na paaralan.

Sa panahon na iyon, ang gobyerno ng Komunista sa Hilagang Vietnam ay isinara ang lahat ng mga seminaryo, kaya pagkatapos ng pagtatapos ng high school, gumugol ako ng 4 na taon sa pagtulong sa aming kura paroko sa lahat ng panahon, 4 na taon sa unibersidad at 4 na taong pagtuturo bago ko tuluyang nasimulan ang pagsasanay sa seminaryo sa Timog. Ang aking pangarap sa wakas ay matutupad, ngunit ito ay nagsisimula pa lamang. Nang natapos ko ang 3 taon ng Pilosopiya, naimbitahan akong kumpletuhin ang aking pag-aaral para sa pagkasaserdote sa Australia.

Hindi Inaasahan …

Matapos ang 3 pang taon na pag-aaral ng Teolohiya at isang taon ng pag-aayos ng pastoral, natanggap ko sa wakas ang masayang balita na pinili na ng obispo ang petsa para sa aking pagtatalaga bilang isang dyakono. Ilang araw bago ang mahalagang araw, nagkaroon ako ng maliit na aksidente nang bumagsak ang car boot at naipit ang aking mga daliri habang tinatanggal ang aking bagahe. Ang iba pang mga seminarista ay nilinis ako, ngunit ang mga daliri ko ay namamaga na at napakasakit na pagkatapos ng 3 araw, sa bandang huli ay nagpunta na ako sa ospital. Nagulat ako, sa sinabi sa akin ng mga doktor na mayroon akong mas mababa sa 50% ng normal na dami ng dugo dahil dinudugo ako sa loob. Natuklasan nila ang isang ulser sa tiyan na kinakailangan ng isang madaliang operasyon.

Nang magising ako, nagtaka ako nang makita kong nakatali ako sa kama. Sinabi ng doktor na nanginginig ako nang labis kaya kinakailangan nila akong itali upang masalinan ako ng dugo. Sinabi nila sa akin na mayroon akong tetanus, ngunit pagkatapos ng 40 araw na gamutan, sapat na ang aking lakas upang makabalik sa seminaryo para simulan ang masidhing pag-aaral bago ang pagtatalaga. Matapos ang ilang linggo, hiniling sa akin ng Obispo na pumunta sa kanya at samahan siya. Nakakamangha ang pagtulong sa kanya sa Misa, ngunit bigla akong hinimatay sa Cathedral at kailangang ibalik sa ospital.

Inilagay nila ako sa masidhing pangangalaga dahil nagkaroon ako ng isang malubhang impeksyon sa dugo at hindi inaasahang mabuhay. Huminto ako sa paghinga at kinailangang ilagay sa suporta sa buhay. Dahil natitiyak ng mga doktor na mamamatay ako, ipinasundo nila ang aking pamilya at ang aking kapatid na nagmula sa Vietnam. Matapos matanggap ang Huling Ritwal, ang suporta sa buhay ay pinatay, ngunit hindi ako namatay. Matapos ang ilang oras, binuksan nila ulit ang mga makina. Pagkalipas ng ilang linggo, pinatay ulit nila ang mga makina, ngunit nakaligtas pa rin ako. Ako ay nawalan ng malay sa loob ng 74 na araw at naoperahan ng 18 beses.

Pagpuputol

Nang magising ako mula sa pagkawala ng malay, marami pa rin akong masasakit. Hindi ako nakapagsalita dahil may tubo sa lalamunan ko. Kahit na ng natanggal na ang mga tubo, hindi pa rin ako nakapagsalita. Tumagal ng ilang buwan at naging mabagal at masakit na matutong magsalitang muli. Kritikal pa rin ang aking kalagayan kaya inihanda ako ng mga doktor para sa isa pa uling operasyon, na may pahintulot na ng aking kapatid, ngunit nang mabasa ko na balak nilang putulin ang aking binti, tumanggi ako. Sinabi sa akin ng doktor na mamamatay ako kung hindi ito puputulin, pero ayaw kong maging dahilan ito para di ako maordinahan bilang pari. Hindi ko isusuko ang aking pangarap na maging pari kahit na sinasabi sa akin ng aking pamilya at maraming mabubuting kaibigan na wala na itong pag-asa, na umuwi na lamang sa Vietnam at magpakasal. Napakahirap, sa mental at pisikal, ngunit inilalagay ko ang aking pag-asa at pagtitiwala sa Diyos.

Pagkatapos ng isang buwan na “Nil by Mouth”, o walang kain labis kong hinahangad na matanggap ang Ating Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Komunyon. Kung makakatanggap ako kahit isang patak ng Mahalagang Dugo, alam kong gagaling ako. Kinabukasan ay dinala sa akin ni Padre Peter ang Mahalagang Dugo sa Banal na Komunyon. Habang tumutulo ito sa aking bibig, parang nakikita ko ito na gumagalaw sa aking katawan at hinahawakan ang impeksyon. Kinabukasan, gumaan ang pakiramdam ko. Tapos na ang mga pagsusuri at nawala rin ang impeksyon.

Matapos ang higit na isang taon sa ospital, nagkaroon kami ng pagpupulong kasama ang mga tauhan ng ospital upang talakayin ang aking kinabukasan. Dumalo ang obispo sa ngalan ng aking pamilya. Iniulat ng doktor na hindi na ako makakalakad muli at mangangailangan ng pangangalaga sa mataas na antas nang 24 na oras bawat araw sa natitirang buhay ko. Sinabi nila na hindi ko magagawang alagaan ang aking sarili, paliguan ang aking sarili o kahit na makalabas o makabalik ng kama nang walang tulong. Nakapanglulumo na marinig ito at mas nakapanglulumo na marinig ang desisyon ng obispo na hindi na niya ako itatalaga bilang isang dyakono o pari. Pagkatapos ng lahat ng mga taon ng pag-aaral at paghihintay, ang aking pangarap ay tila nawala na.

Napakahirap para sa akin, subalit nanatili akong nagdarasal. Determinado akong makalakad muli, kaya’t nagsumikap ako na gawin lahat ng mga masasakit na pagsasanay na ibinigay sa akin, at iniaalay ko ang aking pagdurusa na kaisa ni Kristo para sa lahat ng mga taong nangangailangan ng aking mga panalangin. Ang rehabilitasyon ay tumagal ng maraming taon. Kadalasan ay nais ko ng sumuko, ngunit pinanghahawakan ko ang aking pangarap at iyon ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na magpatuloy.

Nangingislap na Mga Mata

Sa kabila ng lahat ng mga hamon at hadlang na ito, naramdaman ko pa rin ang pagtawag sa akin ni Kristo na maging isang pari upang maglingkod sa Kanyang mga tao, kahit sa aking kahinaan. Kaya’t, isang araw nagpadala ako ng isang sulat sa Arsobispo ng Melbourne na humihiling sa kanya na tanggapin ako para sa pagtatalaga. Nagulat ako, dahil inayos niya na makita ako kaagad upang talakayin kung ano ang kailangang gawin ko. Sumang-ayon siya na ordenahan ako, kahit na ako ay nakahiga sa kama o nakaupo sa isang wheelchair, ngunit sinabi niya sa akin na gagaling ako at bubuti at makakalakad. Sa yugtong iyon nasa wheelchair pa rin ako, ngunit nagpatuloy akong nagtrabaho sa aking mga ehersisyo habang tinatapos ko ang aking pag-aaral, kaya pagdating ng araw ng ordenasyon ay nakasama ko ang iba pa na naglalakad sa prusisyon. Ang Katedral ay napuno ng masasayang mukha ng mga kaibigan. Marami sa kanila ang nakakilala sa akin nang kailanganin ko ang kanilang pangangalaga sa ospital kaya alam nila kung gaano kagila-gilalas na nabuhay ako upang makita ang araw na ito. Puno ng luha ng saya ang aking mga mata at kita ko ang kanilang mga mata na kumikislap din. Hindi ako makapaniwala na ang araw na ito sa wakas ay dumating, 30 taon matapos akong umalis mula sa aking nayon upang ituloy ang aking pangarap.

Ngayon, nakikipagtulungan ako sa 2 iba pang mga pari sa isang abalang komunidad na may 4 na simbahan, maraming paaralan at 6 na tahanan ng pag-aalaga. Sa bawat araw na lumalakad ako upang mag Misa ay tulad ito ng isang sariwang himala. Hindi ko iniisip na magsasawa ako rito. Pagkatapos, mapalakas ng banal na sakripisyo ng Misa, lumabas ako upang bisitahin ang mga bata sa mga paaralan at mga matatanda sa mga nursing homes. Pakiramdam ko’y pinagpala akong dalhin ang Kanyang presensya sa kanila. Ang mahabang paghihintay na ibahagi ang pagkasaserdote ni Kristo ay tapos na at maibabahagi ko sa kanila ang mga bunga ng aking pagdurusa sa pakikiisa sa Kanya.

Ang pagpupursige sa lahat ng aking mga paghihirap ay nagbigay daan sa akin na maunawaan at matulungan ang mga tao sa kanilang mga paghihirap. Natutunan ko na ang pag-iisip tungkol sa mga pangangailangan ng iba at paglalagay ng isang nakangiting mukha para sa kanila ay inilalayo ako mula sa aking sariling mga pagdurusa at binabago ang aking pagdurusa sa kagalakan. Kapag ang mga tao ay lumapit sa akin para sa tulong, maaari kong makuha ang lakas na nakuha ko mula sa aking mga karamdaman upang hikayatin silang magtiyaga sa kanilang mga pagsubok. Dahil nakikita nila na nagdusa ako ng may kapansanan, mas madali para sa kanila na makipag-ugnay sa akin sa mga oras ng kaguluhan upang matanggap nila ang suporta ng Simbahan para mapanatili ang pag-asa sa pinakamahirap na panahon.

'

By: Father Tao Pham

More
Oct 29, 2021
Makatagpo Oct 29, 2021

Noong ako ay mga 15, ang aking ama at sumakabilang buhay at nakadama ako ng kawalan ng pag-asa. Isang gabi habang nagdadasal, hinanap-hanap ko ang Panginoon dahil kinailangan ko ang Kanyang tulong.  At sinagot Niya ako.  Nakaharap ko Siya sa isang pangitain.  Noong una, Hindi ako makapaniwala dahil nuon lang ako nakadanas ng ganito.  Bilang sagot ni Jesus sa aking dalangin, nagpapakita Siya na nakaunat ang mga braso, may koronang tinik sa Kanyang ulo, at nagniningning ang Kanyang puso.  Wala siyang binigkas o anupaman, ngunit lubos akong naantig sa Kanyang Presensya.  Dito ko unang nadama ang matinding pagiging malapít kay Jesus.

Sa pagbalik-tanaw, napagtanto ko na ang anyong nakita ko sa pangitain ay sumasagisag sa mga bahagi ng aking buhay.

Ang koronang-tinik ay sumasagisag sa hapis na dinadanas ko sa panahong iyon, at ang nagniningning na puso ni Jesus ay nagpapahiwatig ng Kanyang dakilang pagmamahal sa akin.  Sa tuwing naaalala ko ang pangitaing iyon, ang larawan ng nakalahad na mga braso ni Jesus ay nagpapaalala sa akin na ang lahat ay magiging maayos dahil Siya ay palagi kong kasama.

Naging madali para sa akin na maisabuhay ang aking sampalataya, salamat at lumaki ako sa isang Katolikong sambahayan.  Ang panayang pagsisimba ay bahagi ng aming pang araw-araw na pamumuhay.  Subalit nang magpunta ako sa Hilagang Africa para magturo ng Ingles, walang ginaganap na pan-Linggong Misa sa lugar na tinigilan ko.  Ipinamalay nito sa akin kung gaano ako dapat magpasalamat sa bawat pagkakataong makibahagi sa Eukaristiya at makatanggap ng Banal na Pakikinabang.

Nang magturo ako ng Ingles sa Albania, pinalad akong makapanalagi sa isang kumbento kung saan ang pagsamba sa harap ng Mahal na Sakramento ay bahagi ng aming pang-araw-araw na gawain.  Ang karanasang iyon ay tumulong na mahubog ang pagmamahal ko sa pagsamba at mapalalim ang pagmamahal ko sa Pinagpalang Sakramento.  Noong kasama ko ang Panginoon sa Banal na Sakramento, binuksan ko ang aking puso sa Kanya at inilahad ang lahat ng dinadama ko.

Tinatanong nila kung paano kong natitiyak na si Jesus ay nandoon sa Mahal na Sakramento.  Naniniwala ako nang walang pasubali dahil dama ko Siya.  Ang Kanyang Presensya —ang Kanyang init at pagmamahal— ay nakapalibot sa buong pagkatao ko.  Ang Pagsamba sa harap ng Banal na Sakramento ay napakahalaga sa aking buhay sapagkat binibigyan ako nito ng pagkakataong makinig sa ano mang nais ipagawa ng Diyos sa akin.  Mas lalo kong naunawaan ang layunin ng Diyos para sa buhay ko kapag nakikinig ako sa Kanya.

Ang paglahok ko sa Pandaigdigang Araw ng Kabataan sa aplaya ng Copacabana sa Rio de Janeiro nuong nasa pamantasan ako ay isang masayang karanasan para sa akin.  Apat na milyon kaming nagtipon-tipon upang idaos ang Pamimintuho o Adorasyon.  Ang mga alon ay nagsipagtagpo sa isang dako, sinininagan naman kami ng araw; nang itinaas ang Mahal na Sakramento, nalula ako.  Ang kaluwalhatian ni Jesus, ang Kanyang hindi nakikitang di-tambad na Presensya, ay napakatindi.  Nakaluhod, nakayuko, napaliligiran ng milyun-milyong tao, naramdaman kong napawi ang aking mga pasanin at lalong napalapit sa Kanya nang higit pa kailan man.

Sa paglipas ng mga taon, ang pakikipa-ugnayan ko kay Jesus ay tumindi at ang Banal na Eukaristiya ay naging pangunahin sa buhay ko.  Sa mga pagsubok man sa buhay ko, napag-alaman kong nandodoon si Jesus para sa akin.  Kahit sa Misa o sa Pamimintuho, o sa aking pansariling pananalangin, lagi akong naaantig sa Kanyang kahanga-hanga, kamangha-manghang Presensya.

'

By: Rebecca Bradley

More
Sep 17, 2021
Makatagpo Sep 17, 2021

Magsimula nang panibago ngayon at ibahin ang iyong buhay magpakailan man!

 Sa Loob ng Madaming Taon

Paglipas ng siyam na taong pormasyon, ipinahayag ko ang pangwakas na panata bilang isang Sister ng Banal na Pamilya ng Nazareth. Kasunod ng Banal na Pakikinabang sa Misa para dito, nanaig sa akin ang isang matinding damdamin at malaking utang na loob. Damdam ko ay binigyan ako ng Diyos ng mas malawak na kamalayan sa lahat ng mga naisakatuparan Nya sa akin sa paglipas ng mga taon. Ang mga handog at biyaya ng bawat dasal, kumpisal, at pagtanggap ng Yukaristiya ay naroon /napahayag sa sandaling iyon. Humanga ako sa walang maliw, walang katapusang pag-ibig ng Diyos. Habang paluhod na nagdasal, ninilay ko kung paano /bakitna ako ay di karapatdapat na maging katambal ni Cristo. Naalala ko, “Sa Diyos ay walang hindi maisasakatuparan.”

Lumaki ako na isang Baptist sa Houston, Texas. Nang ako ay walong taong gulang, ang aking ama ay nagpatiwakal makaraan ang madaming taon ng pakikibaka nya sa pagkagumon at dahil hindi kami maalagaan ng aming ina, kami ng aking mga kapatid ay ipinaampon sa aming tiyahin at tiyuhin. Ang sumunod na sampung taon ay nagbigay ng isang kapanatilihan at katatagan na hindi ko nalasap sa unang walong taon ng aking buhay. Nag-aral ako sa mahuhusay na paaralan, nagbasa ng mga aklat, naglaro ng soccer, sumali sa mga koro ng simbahan at paaralan, at nadanasan ko ang pagiging isang karaniwanng bata.

Nang ako ay labing walong taong gulang, isang polyeto na naglathala ng isang paaralan para sa mga “malayang mag-isip” ang nagdala sa akin sa University of Dallas sa Texas; ang katotohanang ito ay paaralang Katoliko ay ganap na nawaglit sa akin. Ang karamihan sa apat na taong ginugol ko sa kolehiyo ay naubos sa mga makasalanang gawi na sa akala ko’y magpapahilom sa mga nakalipas kong sugat. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa pighating nagmula sa pagpapabaya. Sa University of Dallas hinubog ang aking budhi. Ginugol ko ang isang semestre sa Roma at doon ay nakasalamuha ang minamahal kong si Papa Santo Juan Pablo II. Ang kanyang pang-unawa sa Panginoon ay umugnay sa aking paniniwala. Sumapi ako sa koro ng isang Litorhikong Latin at sa pag-awit sa daan-daang eukaristikang liturhiya ay mas naintindihan ko ang Misa.

Nilikha para sa Ibang Mundo

Nang matapos ako ng pag-aaral, halos ang buong buhay ko ay napako sa pagtatrabaho sa araw at sa gabi naman ay nasa bar o dili kaya’y nakikipag-halubilo sa mga kaibigan.  Sa kalaunan napansin kong mayroong kulang; dahil “kung walang makamundong karanasan ang makakatugun sa aking mga pagnanasa, malamang nilikha ako para sa isang higit pa sa mundong ito.”  At  nuon ko sinimulang hanapin ang mas maalab na pananampalataya. Nais kong matulad sa maka-Diyos na mga babaeng nagpalaki sa akin. Nang dumating ang oras ng pagpasya kung anong simbahan ang dadaluhan /sasalihan ko, nagulat akong matagpuan ang sariling nananabik sa Misa. Nag-alangan akong maging isang Katoliko dahil kakaunti ang mga amerikanong itim sa simbahan. Ngunit ang pagnanasang tanggapin si Jesus sa Eukaristiya ang humila sa akin sa simbahan.

Ang maging Katoliko ay hindi sapat para maituwid ang lahat. Patuloy pa din akong nagpakalulong sa makasalanang pag-uugali, subalit madalas akong nasa kumpisalan. Dinanas ko ang pakikibakang pandamdamin at pang-espirituwal. Bagama’t damdam kong pinapatay ko ang aking sarili sa pangkaluluwang bahagi nito (at pisikal – ang aking timbang ay halos 400 libra na), pumailanlang naman ang aking propesyonal na buhay sa tayog na di ko inkalang aabot. Habang hinarap ko ang pakikibakang iyon, bumalik ako sa Roma, nangumpisal, at nagsimba sa Saint Peter’s. Ang payo ng pari sa kumpisalan nang araw na iyon na “magsimula ka lang” ang nagbago nang lahat. Nang taong iyon, binigyang pansin ko ang tungkulin na pangrelihiyon, at tatlong taon matapos ang pagkumpisal na iyon, ako ay naging kandidato sa Sisters ng Banal na Pamilya ng Nazareth.

Isang Pag-iibigan

Labing-isang taon matapos mangyari ang kumpisal na iyon, sumagot ako ng ‘Oo’ kay Hesus na ni hindi ko alam kung ano ang sunod na mangyayari. Ang mga pasakit at hiya ay nagtulak sa akin na makagawa ng isang pangkaraniwang pagkakamali na mahusay na ipinaliwanag ni CS Lewis: “Tayo ay mga nilalang na mahina ang loob, pinaglalaruan lamang ang pag-inom at sex at pangarap, kapag ang tuloy-tuloy na kasayahan ay inialok sa atin, tulad ng isang batang walang kaalaman na ibig magpatuloy sa paggawa ng mga empanadang putik sa isang putikan sapagkat hindi niya mapagkuro kung ano ang ibig sabihin ng pagliliwaliw sa dagat na iniaalok sa kanya. Napakababaw ng ating kaligayahan.” Hindi lang napakababaw ng kaligayahan ko kundi nagkamali pa akong ipagpalagay na isang pakikibaka ang buhay ko sa halip na kilalanin na ito ay handog ng Isang nagmamahal sa akin.

Sa aking ‘postulancy’ [ang unang hakbang para matanggap sa isang komunidad ng mga relihiyoso], isang madre na may pitumpo o higit na taong gulang ang nagbigay ng isang klase sa buhay espiritwal at nagsabi, “Mahal ko ang aking edad.  Hindi ko nanaisin na bumata pa at ayaw ko nang bumalik duon. Nasa akin na ang lahat ng mga taóng nakasama ko si Hesus. Nasa akin ang lahat ng mga karanasang yun at hindi ko ito ipagpapalit.”  Tiyak na nakadanas siya ng kawalan, nakagawa ng mga pagkakamali at kasalanan, ngunit sa lahat ng iyon ay kahalo ang isang matatag na pag-ibig ni Jesus na ang buhay nya ay ginawang isang pag-iibigan nila ni Jesus at yon ay isang kayamanang hindi maiipagpapalit.

Ang Handog ng Luha

Nang araw ng panghuli kong panata, ang aking luha ay may bakas ng lungkot na may kasamang kagalakan at pasasalamat. Sa mga dinanas na pagkawala, sakit, pakikibaka at mga kasalanan sa buhay ko, nanatili ang kagalakan dahil sa mapagpasakit na pag-ibig ni Cristo na nasa Yukaristiya. Napag-alaman ko na ang pinakahuling salita sa lahat ng ating kwento ay si Cristo mismo. Sinasabi ni San Juan, “Yaon na sa simula pa ay naduon na, na nadinig namin, na nakita ng aming mga mata, na tiningnan at hinipo ng aming mga kamay … nakita namin ito at nagpapatotoo kami para dito.”

Ang luha ko nuong araw na iyon ng aking panghuling panata ay nagpatotoo sa walang hanggang pag-ibig ni Kristo sa habang panahon ano man ang mangyari.

'

By: Sister Josephine Garrett

More
Sep 17, 2021
Makatagpo Sep 17, 2021

Mararamdaman mong ikaw ay naliligaw at nag-iisa. Lakasan mo ang iyong loob, sapagkat alam ng Diyos kung nasaan ka!

Sa paliguan, mag-isa, maaari akong sumigaw nang walang nakakadinig. Malakas na pumatak ang tubig sa aking tuktok habang winawasak ng kalungkutan ang aking puso. Ang  pinakapangit na pangitain ang naglaro sa aking isipan, isang maliit na ataol at isang pagpanaw na napakabigat pasanin. Parang pinisil ng isang kasamaan, kumirot ang aking puso, kirot na mas higit pa sa isang pisikal na sakit, at pinahirapan ng isang mapang-api at nakakaupos na pakiramdam. Binalot nito ang buo kong katauhan. Hindi mapapagaan ang sakit ng kahit ano man at walang sinumang makapagbibigay sa akin ng ginhawa.

Ang pagdurusa ay bahagi ng pagkatao, talagang di maiiwasan. Isang natatanging krus ang nakahugis para pasanin ng bawat isa sa atin na; ngunit hindi ko ginusto ang isang ito. Napahagod ako sa ilalim ng bigat nito. “Panginoon, pakibigyan mo ako ng ibang krus, hwag ito; hindi ko madadala ang isang ito. Tatanggapin ko ang anumang sakit, karamdaman, anupaman, hwag lang ito, hwag ang aking anak. Napakalaki nito; hindi ko kaya, maawa Ka,” ang pagsusumamo ko. Nakaramdam ako ng pagduduwal, nasuka at napasadlak sa sahig ng paliguan, humihikbi.

Walang saysay ang aking ‘Hindi’ /’Hwag’.  Ang tanging landas pasulong ay ang pagsuko. Pagal at pagod na pagod, nagdasal ako, “Kung hindi Mo papalitan ang krus na ito, Panginoon, mangyaring bigyan Mo ako ng lakas para pasanin ito. . . (ang imahe ng isang maliit na ataol ay muling sumulpot sa aking isipan). . . saan man ako dalhin nito. Tulungan Mo po ako. Hindi ko ito makakaya nang wala Ka.”

Ang aking maliit at kagiliw-giliw na anak ay na-ospital dahil sa malubhang kalagayan. Sa loob ng walong araw tinabihan ko siya sa kanyang katreng pang-ospital.  Hindi nabahala ng kanyang karamdaman ang kanyang diwa ngunit hindi na siya gaya ng dati. Mga pasang matingkad na kulay rosas at lila ay nagkalat sa kanyang mga pisngi, na tumawid sa kabila ng tulay ng kanyang ilong at sa mga braso at binti. Ang gamot na nagbigay kaginhawahan sa kanya ay  nagpamaga sa kanyang mukha at katawan. Pag siya ay tulog, na halos hindi naman nangyayari, pahagulgol akong nakakatulog. Ang pagdarasal, pagkalinga at pag-uga sa kanyang maselang katawan ay ang tanging maiialay kong tulong sa kanyang pakikipaglaban para mabuhay. Binasahan ko siya at ginuhitan ng mga karikatura sa isang laruang pagmanetikong  pagguhit na ibinigay sa kanya bago siya naospital. ito para sa aming dalawa. Bagaman hindi ako gumuhit kailanman, sa aking pagsisikap na bigyan siya ng kaunting kagalakan, bigla kong napagtanto na madali para sa akin ang gumuhit.

Sa wakas, siya ay nakalabas nang ospitall na may isang plano sa pagpapagaling, pag-asa, at isang panalangin para makaramdam ng ginhawa sa sakit .  Ang aming bagong pangkaraniwan na pamumuhay ay nagsimula. Iminungkahi ng aking ina na siyasatin ko ang aking bagong-tuklas na kakayahang gumuhit. Magkasama kaming kumuha ng klase sa isang  lokal na talyer ng sining sa pagguhit. Pinapagdala kami ng guro ng larawan na nakapagpapatinag sa amin.  Isang Christmas card na nakalarawan ang Mahal na Ina hawak ang Sanggol na Hesus ang pinili ko ng. Inisip ng guro na dahil kulang ako sa karanasan at pagsasanay, dapat akong gumuhit ng mas pangkaraniwan , tulad ng isang bulaklak. Humarap ako sa kanya at nagsabing,  “Ang aking anak ay patay na sana ngunit siya ay buhay. Si Hesus at ang Mahal na Ina ang mahalaga sa akin. Sila ang nagpapatinag ng damdamin ko.” Nanlaki ang mga mata niya. “Oh, wala akong ideya tungkol sa anak mo. Patawad. Siguraduhin mong mamanmanan ang iyong ‘prinsipyo.'” Nalito ako. Tanong ko, “Ano ang kaugnayan ng aking moralidad sa larawan ko?”  “Magaan at madilim na ‘prinsipyo’,” malumanay niyang sagot. “Oh, okay,” sabi ko, medyo napahiya.

Hinarap ko ang aking  pinagpipinturahan , pumikit at nagdasal, “Banal na Espirito, tulungan Mo akong gumuhit ng larawan na makakatulong sa iba na mahalin at kailanganin nila sina JHesus at Maria gaya nang pangangailangan ko sa Kanila ngayon.” Sa aking pagguhit, umasa ako sa lakas, pagmamahal, at talino ng langit na tulungan ako.  Naipahayag ko ang aking hangarin sa aking sa pamamagitan ng sining.  Bawat bagong gawa ay isang panalangin at kaloob mula sa Diyos.

Isang umaga, paglabas ko ng simbahan matapos ang Misa, isang pari na dumadalaw ang lumapit sa akin, nagsabing, “Nang nasa bahay ako ng iyong kapatid, nakita ko ang iginuhit mong larawan ng anghel at ni Kristo sa Hardin ng Gethsemane habang Siya ay naghihirap. Lubha akong natinag dahil dito. Sinabi sa akin ng iyong kapatid ang tungkol sa iyong anak at kung paano mo natuklasan ang iyong kakayahang gumuhit sa gitna ng iyong paghihirap. Ang iyong sining ay tunay na isang pagpapala na nagmula sa pagdurusa, isang handog.”

“Salamat.” Sagot ko, “Sya nga. Sa balik-tanaw, ang masining na handog na ito ay isang babala, sa pakiramdam ko.”

“Bakit? Ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya.

“Ang pagpinta ay nagbigay sa akin ng ibang pananaw sa bawat bagay.  Natuklasan ko na ang kaibahan ng dilim at ng liwanag sa isang larawan ay lumilikha ng lalim, yaman at ganda. Pag walang liwanag, ang kadiliman ng pinta ay isang walang saysay na kailaliman. Ang kadiliman ng pagdurusa ay tulad ng kadiliman sa isang larawan. Nang wala ang ilaw ni Kristo, nagbanta ang pagdurusa na lamunin ako sa kalaliman ng kawalan ng pag-asa. Nang isuko ko ang aking pasakit at katayuan kay Hesus, nasadlak ako sa Kanyang mapagmahal na bisig at sumuko sa Kanyang panukala para sa aking buhay. At si Kristo, ang Dalubhasang Pintor, ay ginamit ang kadiliman ng aking pagdurusa upang mapalambot ang aking puso na syang nagbigay ng puwang sa sampalataya, habag, pag-asa, at pagmamahal na lumago sa kalooban ko. Ang ilaw ni Kristo ay nagbigay liwanag sa kadiliman at nagdala ng madaming pagpapala mula sa mga pagsubok sa aking anak, sa aking  buhay may asawa at sa aming pamilya.”

“Nauunawaan ko na. Totoo talaga.  Tinutularan ng sining ang buhay, at ang pagdurusa na nakikiisa kay Kristo ay nagdudulot ng dakilang pagpapala. Purihin ang Diyos,” bulalas niya.

“Amen,” Sang-ayon ko.

'

By: Rosanne Pappas

More
Sep 17, 2021
Makatagpo Sep 17, 2021

Dumaranas ba ng pakiramdam ng paggigipit dahil sa pananalapi at mga utang? Narito ang isang solusyon para sa lahat ng iyong mga problema.

Mula pa noong high school, nang mabasa ko ang tungkol sa labinlimang mga pangako ng Birheng Maria sa mga nagdarasal ng Banal na Rosaryo, ginawa ko ang aking makakaya na mag Rosaryo araw-araw. Bilang isang mag-aaral, ipinangako ko sa aking sarili na hindi ko kailanman sisingilin ang mga tao para sa pagbibigay ko ng anumang tulong, lalo na kung may kinalaman sa paggamit ng aking mga talento na bigay ng Diyos. Ang mga salita ng pasasalamat mula sa mga nakinabang sa aking tulong, ay pinaramdam sa akin na mas natupad ko ang pagtulong kaysa sa anumang materyal na anyo ng pagpapasalamat.

Hindi inaasahang Pangyayari

Sa pagsasagawa ng undergraduate at nagtapos na edukasyon sa Catholic Institute of West Africa (CIWA) sa Pag-aaral sa komunikasyon at Organisasyon sa Komunikasyon, inaasahan kong palagi akong magkakaroon ng sapat na suporta sa pananalapi mula sa aking pamilya, dahil mayroon kaming isang istasyon ng serbisyo na nagbebenta ng mga produktong petrolyo. Siyempre, ito ay isang malakas na negosyo sa aking bansa, sa Nigeria, kaya’t hindi ko inaasahan ang anumang kakulangan sa pondo. Ngunit sa pagpasok ko sa aking huling taon bilang isang undergraduate, minarkahan ng pamahalaang federal ang mga lugar ng negosyo ng aking pamilya at iba pang mga gusali para sa demolisyon upang mapalawak ang isang pangunahing kalsada, na nangangako ng malaking kabayaran.

Dahil sa intensyon ng demolisyon, kinailangan ng aking pamilya na isara ang negosyo at bumili ng iba pang puwesto sa ibang lugar upang ilipat ang istasyon ng serbisyo, inaasahan namin na ang magiging kabayaran ay sasakupin ang utang at ang gastos sa muling pagtatayo. Gayunpaman, anim na taon mula ngayon, wala pang bayad kaming natatanggap. Naapektuhan nito ang aking edukasyon, dahil hindi ko mabayaran ang aking mga bayarin. Mabuti na lang at ang iba kong mga kapatid ay nakatapos na sa unibersidad.

Hinihila Pababa

Napakabait ng Diyos, dahil meron akong konting naipon, na nagamit ko upang bayaran ang aking mga bayarin para sa huling taon ng aking undergraduate na pag-aaral. Sa pag-asang mababayaran kaagad ang utang sa amin, nag-enrol ako sa isang dalawang taong Master degree, ngunit ang pagbabayad sa amin ay hindi nangyari, kaya’t hindi nakabangon at nakabalik ang negosyo ng pamilya. Patungo sa huling taon ng aking pag-aaral ng aking Master, naipunan ako ng halos tatlong libong dolyar na utang. Hangga’t hindi ko nababayaran ang bawat sentimo, hindi nila ako papayagang makapagtapos.

Ang pakiramdam ng pangigipit na dulot ng aking pag-kakautang ay hinihila akong pababa kasama ang aking pisikal, emosyonal, at sikolohikal. Naramdaman kong hindi ko kayang humingi ng tulong sa kanino man dahil hindi ko makayanan ang takot ng matanggihan. Nauwi ako sa pag-inom ng alak at pinalalampas ang mga gabi sa mga kaibigan upang maiwaksi ang palagiang mga paalala ng aking kahirapan na bumabagabag sa akin kapag ako ay nag-iisa at hindi nakainom. Ang ilan sa aking mga kaibigan, ay nagulat sa mga pagbabago ko sa aking pamumuhay, at nagtanong kung ano ang nangyayari, ngunit nahihiya akong sabihin sa kanila.

Nang hindi ko na makayanan ang pakiramdam ng pangigipit , sa bandang huli ay nagtapat na ako sa aking tagapayo sa tesis — si Propesor Oladejo Faniran, na pinuno din ng aking departamento, at isang paring Katoliko. Matapos isiwalat ang aking mga problema, hiniling ko sa kanya na aprubahan ang aking kahilingan na pagpapaliban, upang maipasa ko ito sa tagapag rehistro ng paaralan para paaprubahan. Tumutol siya, at sinabi sa akin na huwag sumuko. Hinimok niya akong magtiwala sa Diyos, dasalin ang Rosaryo, ibahagi ang mga problema sa iba, at nangakong kakausapin ang ilang mga tao para sa akin. Nang gabing iyon, sa halip na lasingin ang aking sarili sa alak tulad ng dati, lumabas ako sa kadiliman ng gabi upang dasalin ang Banal na Rosaryo. Sa mga mata kong puno ng luha, isinigaw ko ang laman ng aking puso sa Diyos, at humingi ng awa at tulong.

Ang Pangkatapusang Pagtatagpo

Sa loob ng ilang linggong natitira bago ang aking pagtatapos, hindi pangkaraniwan na nagkaroon ako ng lakas ng loob na ibunyag ang aking sitwasyon sa sinumang may pag-aalala na malaman, kabilang ang aking mga kaibigan, kamag-aral at maging ang aking mga kakilala sa social media. Kahit na ang mga kapwa mag-aaral, na narinig ang tungkol dito mula sa iba, ay tumulong sa akin na may mga kontribusyon sa pananalapi na lampas sa aking imahinasyon. Para sa akin, ang pinaka-mahimalang aspeto ng lahat ng ito ay walang tumanggi sa akin. Ang mga tao ay sinagip ako sa mga paraang hindi ko inaasahan. Nagawa kong likumin ang buong halaga, at may natira pang pera.

Dati, palagi akong umaasa sa sariling lakas ng aking kalooban para sa kahusayan, ngunit nang hindi makayanan ang pagkagipit, sumuko ako at nalungkot. Ngunit ngayon na ako ay bumaling sa pananalangin upang matulungan akong makayanan ang stress, lalo na ang pagdarasal ng Rosaryo sa paggising ko tuwing umaga, napuno ako ng isang nakatitiyak na kumpiyansa na nagtutulak sa akin na ibigay ang aking makakaya at umasa para sa pinakamabuti.

Kahit na ang mga bagay ay hindi naganap sa paraang inaasahan at hinahangad ko, ang aking espiritu ay nakataas pa rin at mapayapa. Hindi ko maramdamang kumpleto ang  araw na nagdaan kapag hindi ako nakapag Rosaryo, sapagkat hindi ko kayang palampasin ang mga pangako ni Hesukristo, na ibinunyag sa pamamagitan ng Kanyang ina, ang Mahal na Birheng Maria. Ang aking pang-araw-araw na pakikipagtagpo sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Rosaryo ay patuloy na nagbibigay ng malaking kontribusyon sa pagbuo ng aking kumpiyansa sa sarili,  pinangangalagaan ang aking pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan at pagtatakda sa akin sa isang landas ng responsableng pamumuhay.

'

By: Innocent Umezuruike Iroaganachi

More
Sep 17, 2021
Makatagpo Sep 17, 2021

Ang galit o poot ba ang tanging paraan upang makitungo sa kawalan ng katapatan sa iyong buhay?  Nalutasan  ni Sarah Juszczak ang landas na hindi gaanong tinapakan, sa pamamagitan ng kanyang kwento ng sakit at tagumpay.

Ang Pagtatagpo – Maganda

Galing ako sa isang kaibig-ibig, pamilyang Italyano. Ipinalaki  ako at lumaki na Katoliko, ngunit sa aking pagka  tinedyer, kahit na pupunta ako sa Misa tuwing Linggo, hindi talaga ako namumuhay sa pananampalataya.

Noong labing-anim ako, sumali ako sa isang grupo ng kabataan at doon ko nakilala si Tomasz. Hiniling sa amin ni Tom na manguna nang sama-sama sa isang katapusan ng linggo ng kabataan, kaya natapos kaming gumugol ng maraming oras na magkasama na sinusubukan itong ayusin. Di-nagtagal, nagsimula kaming “nakikita ang bawat isa”. Ni alinman sa amin ay masigasig na bigyan ang aming relasyon ng isang tatak – walang sinadya tungkol dito.

Ako ay medyo mapanghimagsik sa aking kabataan, na kinamumuhian ni Tom. Ang pagiging Polish, ang kanyang pananampalatayang Katoliko ay mahalaga sa kanya, at marami siyang tradisyunal na pagpapahalaga. Ni alinman sa amin ay talagang hindi alam ang aming pananampalataya o ipinamuhay ito-at dahil hindi niya talaga naintindihan ang mga dahilan sa likod ng kanyang mga halaga, hindi mahirap para sa akin na kumbinsihin siya kung hindi man. Hindi malinaw kung saan patungo ang relasyon na ito at hindi ito ang pinaka malusog, ngunit pinahahalagahan namin ang bawat isa.

Hamog sa Salamin

Matapos ang halos tatlong taon na magkasama, nagsisimula kaming mag-isip ni Tom tungkol sa kasal. Nagtatapos si Tom sa unibersidad at palaging pinangarap na gumastos ng ilang buwan na paglalakbay sa Europa bago makakuha ng isang full-time na trabaho. Hindi ako sigurado tungkol dito, ngunit may sinabi sa aking puso na mahalaga ito. Ang oras na ito na magkahiwalay ay maaari kaming mabuo o magkasira .

Bago pa umalis si Tom patungong Europa, sumali kami sa aming grupo ng kabataan sa World Youth Day 2008 sa Sydney. Sa puntong iyon ng aking buhay, napagtanto ko na ang aking buhay sa pananampalataya ay kailangang magbago. Hindi ko natuloy ang lumulutang kasama kung ano talaga ang isang ‘praktikal na ateismo’. Nagpunta ako sa World Youth Day kasama ang katanungang ito sa aking puso: “Diyos, kung mayroon Ka, ipakita ang iyong sarili sa akin. Gusto kitang makilala”.

May dalawang  mga pag-uusap at karanasan ay talagang nagsalita sa akin sa linggong iyon. Habang nakaupo ako sa biyahe sa tren pauwi isang gabi, pinag-iisipan ko ang mga bagay na naririnig ko, binuksan ko ang manwal ng manlalakbay sa isang sipi mula kay Santo Augustine: “Ginawa mo kami para sa iyong sarili, O Panginoon, at ang aming mga puso ay hindi mapakali hanggang sa magpahinga sa Iyo.” Sa sandaling iyon, nagkaroon ako ng bigla at napakalaking kamalayan sa pagkakaroon ng Diyos. Ang aking sentro ng grabidad ay lumipat. Alam kong totoo ang Diyos, at wala nang magiging katulad muli.

Di-nagtagal, umalis si Tomasz papuntang Europa at biglang nagkaroon ako ng maraming oras upang matitira. Nakinig ako sa mga pag-uusap tungkol sa Theology of the Body, nagbasa nang higit pa tungkol sa buhay ng mga Santo at dumalo sa lingguhang Banal na Oras. Ang anim na buwan na wala si Tom ay isang oras ng pagbabalik-loob para sa akin, na nagtapos sa isang buwan, nanirahan sa loob na kurso sa pagbuo ng pinuno ng kabataan. Sa panahong iyon, napagtanto ko na kung nais kong magpatuloy sa paglalakbay na ito kasama ang Diyos, kailangan kong bitawan ang mga bagay na nagdadala sa akin palayo sa Kanya, upang masundan ko siya ng buong puso.

Ang Pinakamasamang Bahagi?

Sa pagkawala ni Tomasz na nasa Europa, naisip ko kung gagana ang mga bagay sa amin nang umuwi siya. Siya ay patuloy parin  sa isang mundo na napagpasyahan kong iwanan, at ang aming mga halaga at priyoridad ay milya na ang distansya. Iningatan ko ito sa pagdarasal at pagdarasal para kay Tom. Sinubukan kong magtanim ng ilang mga binhi, at nang ang ilan sa kanyang mga plano sa paglalakbay ay hindi naalis, nagawa kong kumbinsihin siya na gumawa ng isang daanan sa Lourdes, na isang malakas na karanasan para sa kanya-ngunit hindi pa siya handa na gumawa ng mga pagbabago.

Nang siya ay bumalik mula sa Europa, alam kong kailangan nating magkaroon ng matapat na pag-uusap. Lumabas kami sa hapunan at sinubukan kong sabihin sa kanya ang ilan sa mga bagay na nangyari sa aking buhay. Sinabi ko sa kanya ang mga bagay na kailangang baguhin tungkol sa aming relasyon. Para sa pinaka-bahagi mukhang okay siya dito, hanggang sa sinabi ko sa kanya na gusto ko na siyang tumigil sa paggamit ng pornograpiya. Siya ay bahagyang nag-atubili bago tumugon sa isang patag na “Hindi”. Ito ay isang pagkabigla para sa akin. Akala ko kahit papaano ay buksan niya ito rito. Sinabi niya sa akin sa paglaon na nakikipaglaban siya sa isang pagkagumon sa pornograpiya, kahit na hindi niya talaga namamalayan iyon sa oras na iyon.

Habang Kumupas ang Hamog

Habang patuloy kaming nagkukuwento ng aming mga karanasan sa aming oras na magkalayo, naging mas malinaw sa kanya na naiiba ako, at medyo hindi siya mapalagay. Nang isiwalat ko na talagang nais kong ipanalangin ang Rosaryo kasama ang aking pamilya araw-araw nang ako ay may asawa, mariin siyang reaksyon laban dito. Susubukan kong hamunin siya at hikayatin siya. Habang inilalarawan ko ang aking imahe ng buhay pampamilya at kung paano ko inaasahan na mabuhay ang aking buhay, siya ay umuurong . Hindi na siya ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko, at medyo hindi niya ito nagustuhan.

Sinimulan kong maramdaman na hindi ako dapat nasa relasyon na ito, kaya, humingi ako ng sagot sa Panginoon. Alam kong gusto Niya akong makipaghiwalay kay Tom, ngunit mahirap ito dahil napakalalim ng aming samahan. Sinubukan kong putulin ito nang maraming beses, ngunit para kay Tom ang aming relayson ay lahatan o wala na.  Mahal ko siya at ayaw kong tuluyan siyang mawala sa buhay ko. Sinabi ko sa Panginoon na wala akong sapat na lakas upang wakasan ang relasyon sa aking sarili. Ang tanging paraan lamang na maaaring mangyari ito ay kung ginulo ni Tom ng napakahalaga , ngunit nakatiyak ako na hindi posible.

Ganap na Hindi Alintana

Hindi nagtagal, nakita ako ni Tom. Malinaw na siya ay lubos na kinakabahan, ngunit sa wakas ay nagtaguyod siya ng lakas ng loob na malinis. Gusto niya akong lokohin. Nabasag ang aking damdamin. Paano niya ako pinagkanulo, kung ganon ko siya lubos na pinagkatiwalaan? Paano siya nakakapagsinungaling ng napakatindi, nang hindi man lang pinalo ang isang talukap ng mata? Paano ako naging hindi nakakalimutan?

Ang paghahayag na ito ay nagtanong sa akin ng maraming bagay na sa palagay ko alam ko. Hindi ko inakalang si Tom ay may kakayahang maging mapanlinlang at naisip kong ako ay isang mabuting hukom ng tauhan. Natuklasan ko na siya ay ugali ng pagsisinungaling at matagal na. Nakakatakot siyang magaling dito.

Sa likas na epekto,  ipinagtabuyan ko kaagad si Tom. Palagi akong mahilig  sa pag-drama, kaya naka-pakete ako ng isang kahon ng kanyang mga gamit sa gabing iyon at tinawag siyang bumalik upang kolektahin ang mga ito. Nang makilala ko siya sa labas ng aking bahay, tuluyan na akong nawala sa sarili. Nagalit ako. Nagulat ako, hindi niya sinubukan ipaliwanag o ipagtanggol ang kanyang sarili, nahulog lamang siya sa lupa at umiyak.

Tinanggap Ng Diyos

Mahirap ipahayag kung ano ang nangyari sa sandaling iyon. Habang nakikita ko si Tom na umiiyak, lahat ng galit sa akin ay agad na natunaw. Sobrang naantig ako sa awa at pagmamahal kaya lumuhod ako sa tabi niya at niyakap siya. Maaari ko lamang ilarawan ang sandaling iyon bilang isang sulyap sa Puso ng Ama. Naramdaman ko ang pag-ibig at awa ng Diyos na dumadaloy sa akin at nakita kong wala akong pagkakaiba kay Tomasz. Sa sandaling iyon, binigyan ako ng Diyos ng isang sulyap ng Kanyang sariling Puso habang Niyayakap niya ako at pinatawad ang aking sariling pagtataksil.

Maya-maya ay inilarawan ni Tomasz ang karanasang ito nang katulad, na para bang ang Diyos ang pumapaloob sa kanya sa loob ng Kanyang maawain, mapagmahal na yakap. Hindi ako mabilis magpakawal sa mga bagay, kaya’t ang biyayang patawarin si Tomasz nang labis na siguradong nagmula sa Diyos, hindi ako.

Pagkunekta ng Tuldok

Bagaman pinatawad ko si Tom, alam nating pareho na kailangan naming maghiwalay. Sa paglaon ay sasabihin ni Tom na ang pagtatapon ko sa kanya ay isa sa pinakamagandang bagay na nangyari sa kanya. Ang Diyos ay nangunguna kay Tom sa kanyang sariling paglalakbay, at kailangan niyang gawin ang bahaging ito nang wala ako. Sa detour na iyon sa Lourdes, mga buwan na mas maaga, naranasan niyang gabayan siya ng Diyos. Sa katunayan, iginiya siya ng Diyos diretso sa kumpisalan. Nang magsimula siyang ilagay ang mga bagay sa ilaw, nakatanggap siya ng biyaya na sa huli ay maging tapat sa akin.

Matapos ang aming paghihiwalay, gumawa ng matauhan na pagsisikap si Tomasz na paikutin ang kanyang buhay. Sinimulan niyang gumawa ng regular na Mga Oras na Banal, pagpunta sa isang kaibigan naming pari para sa patnubay, at sa wakas ay nakinig sa mga CD sa Theology of the Body na kinukulit ko sa kanya mula nang bumalik siya mula sa Europa.

Hindi Ko Alam

Magkasama kami ni Tom tatlong taon bago kami naghiwalay at magkalayo ng tatlong taon bago kami muling ibalik ng Diyos. Sa panahong iyon, naibalik namin ang aming pagkakaibigan. Nakumpleto ko ang aking pag-aaral, tinatangkilik ang isang bagong karera sa marketing at komunikasyon at pagtuklas sa aking bokasyon. Medyo natitiyak kong magiging relihiyosong  Sister. Kumikita si Tom ng mabuting pamumuhay bilang isang consultant sa rehabilitasyon ngunit lumalaking hindi mapakali. Pareho kaming matindi ang hangad na tuklasin ang kalooban ng Diyos para sa aming mga buhay.

Ang pagkakataong dumalo sa WYD 2011 sa Madrid ay dumating para sa bawat isa sa amin sa magkakahiwalay na mga paglalakbay sa banal na lugar. Pareho kaming nagpunta sa hangarin na tuklasin kung ano ang susunod na nais ng Diyos. Inaasahan kong matugunan ang kautusang panrelihiyon na dapat kong sumali, at naghahanda si Tom na umalis sa kanyang trabaho, ngunit hindi alam kung saan pupunta sa susunod. Sa pagtatapos ng pamamasyal, nagpasya si Tom na magpatala sa isang kurso sa Theology. Hindi ako naging matagumpay sa paghahanap ng isang kaayusan sa relihiyon. Sa halip, habang bumibisita sa Poland kasama ang aking grupo sa paglalakbay, nalaman ko ang aking sarili na iniisip ang tungkol kay Tom at kung paano tila hindi tama na bisitahin ang kanyang tinubuang bayan nang wala siya.

Makalipas ang ilang sandali pagkatapos umuwi, napagtanto ko na talagang kailangan kong manalangin tungkol sa kalooban ng Diyos patungkol sa aking relasyon kay Tom, kaya nagsimula ako ng isang nobena. Sa parehong araw, inimbitahan ako ni Tom na sumali sa kanya sa isang limampu’t apat na araw na Rosary Novena para sa isang partikular na hangarin – 27 araw upang manalangin para sa hangarin at 27 araw upang magpasalamat. Sumang-ayon ako, ngunit idinagdag sa aking lihim, pangalawang hangarin para sa aming relasyon.

Dalawampu’t pitong araw sa nobena na iyon, pareho kami ni Tom sa isang retreat ng pamumuno. Tumutulong si Tom na patakbuhin ang retreat habang nagsisilbi ako sa kusina. Bumaba ako upang makinig sa kanya na nagbibigay ng usapan at nasaktan ako sa laki ng kanyang pagtubo. Siya ay talagang nagiging isang tao ng Diyos. Naisip ko sa sarili ko, “Narito ang isang lalaki na mapagkakatiwalaan ko ang aking sarili.” Ito pala ay nagbahagi ng parehong hangarin sa Novena. Nang ipagpatuloy namin ang pakikipag-date, naramdaman ko ang lubos na kapayapaan dahil pareho kaming naghahangad ng kalooban ng Diyos – kaya walang kinatakutan.

Upang paikliin ang isang mahabang kwento, kami ni Tom ay nagkasunduan magpakasal nakatuon sa Solemnity ng Assumption ng Our Lady. Sinabi sa akin ni Tom na pinili niya ang araw na iyon, hindi lamang dahil mahal niya ang Our Lady, ngunit dahil itinuro nito ang panghuliang pagtatapos ng kasal na kanyang iminungkahi: Langit. Ikinasal kami noong Sabado ng Pasko ng Pagkabuhay, o bisperas ng Banal na Awa ng Linggo at nanalangin na ang aming pag-aasawa ay maaaring magpatotoo sa nagbabagong kapangyarihan ng Awa ng Diyos. Ang Diyos ay kinuha ang gulo na ginawa namin ng aming relasyon sa unang pagkakataon sa paligid at ginawa itong isang bagay na ganap na bago.

Ang kasal ay isang pangako, isang bokasyon, isang unyon. Nang nagawa natin ang pangakong iyon sa dambana na mahalin ang isa’t isa, hanggang sa ang kamatayan ay magkakahiwalay tayo. Dito talaga natin natututunan ang tungkol sa pag-ibig. Hindi madalas na hinihiling sa atin ng Diyos na mamatay para sa ating asawa, tulad ng ginawa ni Hesus para sa atin: Kanyang Simbahan, ngunit hinihiling Niya sa atin na mamatay sa ating sarili sa pamamagitan ng pagpapatawad sa bawat isa sa maliit na paraan araw-araw. Ang kasal ay dapat na batay sa mapagmahal na kapatawaran. Pinatawad tayo ng Diyos bago pa man tayo humingi ng paumanhin. Sinabi niya sa amin na “Magmahal sa isa’t isa tulad ng pagmamahal ko sa iyo.” Kapag ginaya natin Siya at nagpapatawad nang walang kalokohan, pagkatapos ay ibinabahagi natin ang totoong pag-ibig sa isang relasyon na nakasentro kay Kristo. Ang relasyon na iyon ay magtatagal hanggang sa kawalang-hanggan.

'

By: Sarah Juszczak

More