• Latest articles
Apr 21, 2022
Makatagpo Apr 21, 2022

Sinasalayay sa atin ni Dr. Roy Schoeman kung paano siya kinaladkad ng ateismo sa hukay ng kawalan ng pag-asa at kung paano siya nakaahon dito

Ako ay sinilang at lumaki na Hudyo.  Nag-aral ako sa Massachusetts Institute of Technology kung saan nawala ang paniniwala ko sa Diyos, at sa makatuwid ay naging isang ateista.  Nagpatuloy ako sa Harvard Business School, at matapos makuha ang aking títuló ay inanyayahan akong bumalik sa pakultad.  Kaya sa gulang na 29, natagpuan ko ang aking sarili bilang isang guro ng panininda sa Harvard Business School.  Bagama’t tila nakakagulat, iyon ang pagguho ng aking mundo.  Mula pa nang ako’y maliit na bata, alam kong may tunay na kahulugan ang buhay, na inisip kong dadating ito sa pagkakaroon ng isang pansariling kaugnayan sa Diyos. Inasahan kong ito’y magaganap sa aking Bar Mitzvah ( hawig sa pag kukumpil sa Katoliko) sa gulang na 13.  Nang hindi nangyari, ito ay naging isa sa pinakamalungkot na araw ng aking buhay.  Pagkatapos ay naisip ko na ang tunay na kahulugan ay magmumula sa tagumpay sa makamundong buhay, ngunit bilang isang dalubguro sa Harvard, mas matagumpay na ako sa isang makamundong karera kaysa sa inaasahan ko, subalit wala pa ding kahulugan o layunin ang aking buhay.  Samakatuwid, sa puntong iyon, nalaglag ako sa pinakamadilim na kawalan ng pag-asa ng aking buhay.

Mahiwagang Paraan

Isang madaling araw, naglalakad ako sa isang Pangangalaga sa Kalikasan sa tabi ng karagatan, sa gitna ng mga puno ng pine at buhanginán.  Maginhawa akong nagbabaybay, nag-iisip ng kung anu-ano, di pansin ang paligid.  Matagal na akong nawalan ng pag-asa sa paniniwalang may Diyos.  Ngunit bigla na lang na ang tabing sa pagitan ng Lupa at Langit ay nawala, at natagpuan ko ang aking sarili sa presensya ng Diyos, nagbabalik tanaw sa aking buhay na para bang namatay na ako.  Nakita ko na ang lahat na naganap sa akin ay ang pinakamaayos na bagay na maaaring maganap na nagmumula sa mga kamay ng isang nakakaalam ng lahat, mapagmahal sa lahat na Diyos, hindi lamang kasama ng mga bagay na nagdulot ng higit na pagdurusa, ngunit lalo na ang mga bagay na iyon.  Nakita ko na magkakaroon ako ng dalawang malaking pagsisisi pagkamatay ko.  Unang-una, lahat ng panahon at sigasig na nasayang ko sa pag-aalala na ako ay hindi minahal samantalang ako ay yapos sa karagatan ng pagmamahal, higit pa kaysa sa anumang bagay na maaari kong isipin, sa bawat sandali ng aking pag-iral, na nagmumula sa isang nakakaalam ng lahat, mapagmahal sa lahat na Diyos na ito.  At pangalawa, ang bawat panahon na nasayang ko sa paggawa ng walang halaga sa mata ng Langit, dahil ang bawat sandali ay naglalaman ng pagkakataong gumawa ng isang bagay na mahalaga sa mata ng Diyos.  Sa tuwing pinakikinabangan natin ang pagkakataong iyon ay tunay na gagantimpalaan tayo para duon sa buong kawalang-hanggan, at bawat pagkakataongng pinahihintulutan nating lumampas at hindi pinapakinabangan ay magiging isang nawalang pagkakataon sa buong kawalang-hanggan.

Ngunit ang pinakamatinding aspeto ng karanasang ito ay ang maabot ang matalik, malalim at tiyak na kaalaman na ang Diyos Mismo—ang Diyos na hindi lamang lumikha ng lahat ng bagay na umiiral, ngunit lumikha ng mismong pag-iral—na kilala ako hindi lamang sa pangalan at nagmamalasakit sa akin, Siya ay nakamatyag sa akin bawat sandali ng aking pag-iral, ihinahanda ang lahat na nangyari sa akin kailanman sa pinakamahusay na paraan.  Napag-alaman Niyang talaga, at nagmalasakit kung ano ang nadama ko sa bawat sandali. Tunay na tunay, lahat ng bagay na nakapagpasaya sa akin ay nakapagpasaya sa Kanya, at lahat ng nagpalungkot sa akin ay nagpalungkot sa Kanya.

Napagtanto ko na ang kahulugan at layunin ng aking buhay ay ang sumamba at maglingkod sa aking Panginoon, sa Diyos at sa Guro na nagpahayag ng Kanyang sarili sa akin, ngunit hindi ko nalaman ang Kanyang pangalan o kung anong relihiyon ito.  Hindi ko naisip na ito ang Diyos ng Lumang Tipan, o ang relihiyong ito bilang Hudaismo.  Ang larawan ng Diyos na lumilitaw mula sa Lumang Tipan ay tungkol sa isang Diyos na higit na malayo, mahigpit at mapanghusga kaysa sa Diyos na ito.  Alam kong Siya ang aking Panginoon at Diyos at aking tagapamatnugot, at wala akong ibang nais kundi ang sambahin at paglingkuran Siya nang maayos, ngunit hindi ko alam kung sino Siya o kung anong relihiyon ang susundin.

Kaya nanalangin ako, “Tulutan Mo po akong malaman ang Iyong pangalan para malaman ko ang relihiyon na dapat sundin.  Wala sa akin kung ikaw ay si Buddha at kailangan kong maging isang Budist; wala sa akin kung ikaw si Krishna at kailangan kong maging Hindu;  wala sa akin kung ikaw si Apollo at kailangan kong maging paganong Romano.  Sapat nang Ikaw ay hindi si Kristo at kailangan kong maging Kristiyano!” Buweno, iginalang Niya ang panalanging iyon at hindi inihayag sa akin ang Kanyang pangalan.  Ngunit umuwi akong mas masaya kaysa sa tanang buhay ko.  Ang nais ko lamang ay malaman ang pangalan ng aking Panginoon, Diyos at tagapamatnugot na nagpahayag ng Kanyang sarili sa akin, at kung anong relihiyon ang susundin. Kaya’t tuwing gabi bago ako matulog ay binibigkas ko ang isang maikling panalangin na ginawa ko upang malaman ang pangalan ng aking Panginoon, aking Diyos at tagapamatnugot na nagpahayag ng Kanyang sarili sa akin sa karanasang iyon.

Kagandahang Di Maisalarawan

Isang taon sa mismong araw matapos ang unang karanasang iyon, natulog ako matapos kong bigkasin ang panalanging iyon, gayundin ang panalangin ng pasasalamat para sa nangyari eksaktong isang taon ang nakalipas.  Akala ko ginising ako ng isang kamay na marahang dumampi sa aking balikat, at dinala ako sa isang silid at iniwang mag-isa kasama ang pinakamagandang dilag na kong maiisip ko.  Alam ko nang hindi sinasabi sa akin na ito ay ang Banal na Birheng Maria.  Nang matagpuan ko ang aking sarili sa Kanyang presensya ang nais ko lang gawin ay ang lumuhod at kahit papaano ay parangalan Siya nang naaangkop.

Sa katunayan ang unang pumasok sa isip ko ay: “Ay, naku, sana kahit papano ay alam ko ang Aba Ginoong Maria!’ pero hindi ko alam.  Ang una niyang mga salita ay isang alok na tugunin ang anumang mga katanungan na maaaring mayroon ako para sa Kanya. Buweno, ang una kong naisip ay hilingin sa kanya na ituro sa akin ang Aba Ginoong Maria, para maparangalan ko siya nang naaangkop, ngunit labis akong mapagmalaking aminin na hindi ko ito alam.  Kaya bilang isang hindi direktang paraan para ituro niya sa akin ang Aba Ginoong Maria, tinanong ko siya kung ano ang paborito niyang dasal sa kanya.  Ang una niyang tugon ay, “Ibig ko ang lahat ng dasal sa akin.”  Ngunit may pagkamapilit ako, at sinabing, “Ngunit mas mahal mo ang ilang mga dasal nang higit pa kaysa sa iba.”  Siya ay nagpaunlak at nagbigkas ng isang panalangin sa Portuges.  Wala akong alam sa Portuges, kaya ang magagawa ko lamang ay subukang tandaan ang mga unang pantig ayon sa tunog nito at isulat ang mga ito sa sandaling magising ako kinaumagahan.  Nang maglaon, nang makilala ko ang isang babaeng Katolikong Portuges, hiniling ko sa kanya na bigkasin ang mga panalanging Marian sa Portuges para sa akin, at natukoy ko ang panalangin bilang ‘O Maria na ipinaglihi nang walang kasalanan, ipanalangin mo kaming lumalapit sa Iyo’.

Kung gaano kaganda si Mariang pagmasdan, ang mas matinding nakakatalab ay ang kagandahan ng kanyang tinig. Ang tanging paraan na maiilarawan ko ito ay ang sabihing ito ay binubuo ng kung ano ang lumilikha ng Musika, Musika.  Kapag siya ay nagsalita ang kagandahan ng kanyang tinig ay dumaaloy sa akin, dinadala kasama ng kanyang pagmamahal, at iniangat ako sa isang estado ng lubos na kaligayahang higit pa sa inaakala kong maaaring mangyari.

Kadamihan sa aking mga katanungan ay dumaloy na lamang sa aking pagiging pagkapuspos sa kung sino Siya.  Sa isang banda, nauutal kong sinabi, “Papaanong ikaw ay naging napakamaluwalhati, na napakahusay, na napakadakila?”  Ang kanyang tugon ay ang tingnan lamang ako nang halos may awa at marahang umiling at nagsabing ‘Naku hindi, hindi mo naiintindihan.  Wala ako.  Ako ay isang nilalang. Ako ay isang bagay na nilikha. Siya ay ang lahat’.

At muli dahil sa pagnanais na kahit papaano ay parangalan siya nang naaangkop, tinanong ko kung anong titulo ang pinakagusto niya para sa kanyang sarili.  Ang sagot niya ay, “Ako ang pinakamamahal na anak ng Ama, Ina ng Anak at Esposo ng Espirito.”  Tinanong ko siya ng iba pang mga tanong na hindi gaanong mahalaga, na nang matapos ay kinausap niya ako ng sumunod pang 10 o 15 minuto.  Pagkaraan nuon, natapos na ang pakikipakinig at bumalik ako sa pagtulog.  Kinaumagahan nang magising ako ay lubusang napaibig ako sa Mahal na Birheng Maria, at nalaman kong wala akong ibang nais kundi ang maging buo at ganap na Kristiyano hangga’t maaari.  Mula sa karanasang iyon ay napagtanto ko, siyempre, na ang Diyos na nagpahayag ng Kanyang sarili sa akin noong isang taon ay si Kristo.

Naghahanap

May dambana sa Our Lady of La Salette mga 45 na minuto mula sa aking tinitirhan.  Nagsimula akong magtungo doon tatlo o apat na beses sa isang linggo, para lang maglakad sa bakuran, maramdaman ang presensya ng Mahal na Birheng Maria, at makipag-usap sa kanya.  Ang dambana ay pag-aari ng Simbahang Katoliko at kaya, kung minsan, mayroong isang Banal na Misa na nagaganap.  Sa tuwing ako ay nasa presensya ng isang Misa, napupuno ako ng matinding pagnanais na tanggapin ang Eukaristiya, kahit na hindi ko alam kung ano iyon. I’m Ang dalawang bagay na iyon ay nagdala sa akin sa Simbahang Katoliko nang walang labis na paliko-liko—dahil nalalaman kung sino ang Mahal na Birheng Maria, at nagnanais na tumanggap ng Pakinabang, araw-araw kung maaari.

Sa pagpasok sa Simbahang Katoliko, hindi lamang ako tumigil sa pagiging Hudyo ngunit, sa nakikita ko, ako ay naging mas higit na Hudyo kaysa dati, dahil sa pagsagawa nito ako ay naging isang Hudyo na tagasunod ng Hudyong Mesiyas, sa halip na isang Hudyo na hindi nakilala ang Hudyong Mesiyas at nanatili sa “bago mag-Mesyaniko” na Hudaismo.  Sa nakikita ko, ang Simbahang Katoliko ay matapos-ang-Mesyanik  at ang Hudaismo ay bago mag-Mesyanik Katolisismo: dalawang yugto sa isa at mismong balangkas para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan.

Walang katapusan ang aking pasasalamat na natanggap ko ang mga karanasang ito.  Ako ay dinala sa kabuuan ng katotohanan, sa isang pansariling ugnayan sa Diyos na higit pa sa anumang bagay na di ko maubos maisip na maaaring maganap, sa pagkakaalam sa mga kasagutan sa lahat ng mga tanong tungkol sa Tao, tungkol sa Diyos, tungkol sa kahulugan ng buhay, tungkol sa kung ano ang magaganap pagkamatay, at iba pa na nagpahirap sa akin habang lumalaki.  Higit sa lahat, nakamit ko ang isang matatag na pag-asa sa isang walang-hanggang kaligayahan at pagmamahal sa piling ng Diyos.

————————————————————————————————————————————————————————————————————————————–

Ang lathalain ay batay sa nakakasiglang pagpapatotoo na ibinahagi ni Dr. Roy Schoeman para sa programang Shalom World na “Mary My Mother”.  Para mapanood ang bahagi, dalawin ang: shalomworld.org/episode/mary-my-mother

'

By: Dr Roy Schoeman

More
Mar 16, 2022
Makatagpo Mar 16, 2022

Katok, katok.

“Sino iyan?” Tinanong ko.

“Ako ay Pag-ibig,” dumating ang sagot.

“Tuloy.  Pumasok Ka,” ako’y nakiusap ng totoo.  Pagkat may mahaba nang panahon simula noong huling may isang dumating upang tumawag at ako’y nabighani na may taong nagpapahalaga na dumating sa akin.

Kalansing, kalansing     ang tunog ng hawakan ng pinto habang ito’y pumaikot-ikot.

“Napinid mo ang iyong pintuan,” dumating ang Tinig mula sa labas.

“Bubuksan ko kaagad,” tumugon ako.

Ngunit hindi ko magawa.  Natuklasan ko na ang daan sa aking pasukan ay nakabarikada.  Ang katunayan, ang aking silid ay puno ng mga bagay na ni hindi ko masimulang maitabi upang makarating sa bukana.

“Nakiki-usap akong bumalik Ka bukas,” ipinayo ko.

Kaya ang Pag-ibig ay lumisan.

At ako’y naghanda sa tungkulin na pawalan ng sagabal ang daan para sa Kanyang pagbalik.  Itinapon ko ang mga hindi mapag-aalinlangang yagit at isinalansan ko ang waring may pakinabang na mga bagay.  Gumawa ako ng lagusan upang makaraan patungo at, pagkarating sa pintuan, matanggal ko ang kadena.

Tuktok, tuktok.

“Sino iyan?”  Tinanong ko nang may kasabikan habang ang maliliwanag na mga sinag ng araw ay bumubuhos sa mga awang ng aking pinto.

“Ako ay Pag-ibig,” Siya’y tumugon.

“Tuloy.  Pumasok Ka,” Sinabi ko, habang kinakalas ang tarangka at hinihila ko nang pabukas ang mabigat na pinto.  “Upo.  Umupo Ka.”  Nakiusap ako, habang tinuturo ang dalawang magkatabing mga upuan.  Pag-ibig ay pumasok at sumandig.

Ako ay umupo sa Kanyang tabi nang isang minuto, ngunit matapos ay tumindig ako upang simulan ang tungkuling pag-iistima.

“Tignan Mo Ito,” Sinabi ko, habang sumesenyas sa  maririlag na mga palamuti sa aking dingding.  “Tignan Mo ang mga ito,” ako ay nagsabi, tinatanghal ang lahat ng mga makamundo kong kayamanan.  Patuloy akong nagngangawa nang may kahabaan.  Sinabi ko sa Pag-ibig ang lahat ng aking mga nagawa at mga pangarap ko.  Ibinunyag ko sa Kanya ang aking mga plano.  Siya ay umupo nang mahabang oras sa katahimikan habang ako’y pumaikot-ikot sa silid.  Hindi ko namalayan na lumipas na ang araw at ang Pag-ibig ay tumayo upang umalis.

“Bumalik Ka bukas,” nag-anyaya ako.  “Bukas ay may mas higit akong mai-aalay.”

Ang Pag-ibig ay lumabas ng pinto patungo sa luwasan.

“Ako ay dapat matulog,” sinabi ko sa aking sarili, ngunit sabik na sabik ako upang ihimlay ang ulo ko sa unan.  Sa halip, pinagod ko ang aking sarili sa pagpapalamuti nang muli.  Hinila ko ang bilog na mesa patungo sa gitna ng silid at ipinaligid dito ang aming mga upuan.  Ako ay naglatag ng inalmerol na puting tapete sa mesa at iniladlad ang sinaunang plorera sa ibabaw nito.   Pagkatapos ay hinalughog ko ang kailalimlalimam ng aking aparador at nakitang muli ang pinakamainam na bestido.  Ako ay nagtrabaho hanggang gabi upang ihanda ang aking selda at sarili.  Matapos kong maihayag ang aking mga kuwento, mga plano at mga nagawa noong huling pagdalaw ng Pag-ibig, ako’y naghanap ng mga nababagong pagbubuhatan ng  pag-iistima.  Ako’y nangisda ng isang lumang tugtuging plaka mula sa maalikabok na lalagyan nito at inihanda sa rekord pleyer na matagal nang hindi nagamit.  Nang naging malugod ako sa lahat ng bago kong pagsasaayos, nainip akong hintayin ang bukas.

Tuktok, tuktok.

“Sino ang nariyan?”  Ako ay nagtawag habang humahangos patawid ng silid at inaayos ang mga huling detalya  nang magsimula ang umaga.

“Ako ay Pag-ibig,” dumating ang sagot.

“Tuloy.  Pumasok Ka.”  Ako’y nagpumilit na itulak  ang pinto nang malawak na pagbukas.  “Tumuloy Ka at umupo sa hapag ko.”

Ang Pag-ibig ay tumuloy at kumuha ng Kanyang luklukan.

“Pakinggan Mo ito,” ako’y kumaway habang inilalapag ang karayom sa plaka.  Ang silid ay napuno ng ingay nang pumaikot-ikot ang plaka at ang bagong sigla ay uminog.  Sa sumunod na mga oras ako’y gumiwang at umalimpuyo suot ang  aking makamodang bestido.  Ako’y sumayaw sa harap ng Pag-ibig na tila  walang hanggang sigasig.  Inawit ko ang mga bahagi ng mga kanta na alam ko at hinuni ang tono kung ang mga titik ay tumalilis ng gunita ko.  Ang aking puso ay nabigyang-sigla sa tungkulin kong tagapag-aliw at kinalimutan ko ang aking pagkamahiyain sa pagnanasang maging kahangahangang mayhanda.  At ang nagugol na araw ay muling lumipas ng mabilis, na sa pagtayo ng Pag-ibig upang umalis, napagtanto ko na Siya ay hindi nagkaroon ng Sariling pagkakataon.  Pinuno ko ang dalawang araw ng aking tinig: nagsasalita at umaawit.  At nakaligtaan kong makinig sa kasagutan ng Pag-ibig.

“Nakikiusap ako, na Ikaw ay bumalik muli bukas,” ako ay sumamo.  “Ikaw ay pumunta bukas at sabihin sa akin ang tungkol sa Iyong sarili: ang mga kaluguran Mo, mga kuwento Mo, mga plano Mo.  Bukas ako’y maghahandang makinig.”

Nang may katahimikan, ang Pag-ibig ay lumabas.

Tuktok, tuktok.

“Sino ang nariyan?”  Ako’y nagtanong habang ang mainit na kumikinang na liwanag ng bukang liwayway ay sumisirit sa mga siwang ng bukana.

“Ako ay Pag-ibig,” dumating ang ngayo’y kilalang tugon sa dapit-umaga.

“Tuloy.  Pumasok Ka,” sinabi ko, “itong araw hangad kong marinig ang Iyong tinig.”  Sa katotohanan, matapos kong nahapo ang sarili sa mga nakaraang araw, labis na ikinagagalak ko lamang na umupo at hayaan ang Pag-ibig na gumawa.

Ang Pag-ibig ay tumuloy at humilig sa Kanyang upuan sa hapag ko, ngunit walang tunog na namutawi sa Kanyang mga labi.  Siya’y nanatiling tahimik.  Ako’y umupo rin sa katahimikan, bagama’t hindi ako lubusang maginhawa sa paraang ito.  Itinuring kong ilabas ang mga nalalabing kong laan ng lakas, sinusubukang suyuin Siya ng mga bagong kahusayan at kagamitan.  Ngunit naalala ko ang aking panata, at tinuloy kong maghintay sa Kanyang tinig.  Ang mga sandali ay naging mga minuto.  Ang mga minuto ay naging mga oras.  Ang orasan ay tila tumigil na o kahit papaano’y nag-alinlangang maya’t-maya, na akin ding inusisa nang madalas.  At sa pagsaliksik upang madinig ang tinig ng Pag-ibig ang aking mga tainga ay nakibagay sa lahat ng ibang ugali ng tunog: tumatalaok… humuhuni…tumitiktak… lumalangitngit…lumilipat…humihinga.  Ang katahimikan ay madalas na nakakabingi.  Pagòd sa aking ginagawa at nahilo sa aking balisang pakikinig, ako’y naanod sa kaalimpungatan sa tabing upuan ng aking Panauhin.  Pagkatapos, ang Pag-ibig ay tumayo upang umalis.

Gayunman, nang matapos itong mahabang araw, hindi ko lubusang tiyak ang aasamin bukas.  Ang pananahimik ng Pag-ibig ay nilito ang aking pagkaunawa ng mga tungkulin ng pagkakaibigan.  Nawawala ko ang tiwala sa aking kakayahan bilang isang mabuting mayhanda.  “Maaring kinakailangan Niyang makatagpo ng mas naangkop na kasama,” itinuring ko sa aking isip.  Sa kapanglawan ng aking puso, tilang mainam na tulutan ang Pag-ibig na umalis nitong araw.

Kaya sa halip na magpaalam na bumalik Siya sa akin, sinabi ko lamang na, “Paalam.”

Ang Pag-ibig ay umalis.

Ipininid ko ang pinto sa Kanyang likod.

Sa kabuuhan ng paggugol, isinikad ko ang aking mga sapatos sa ilalim ng hapag, ihinulog ko ang aking baro sa kimpal na nasa sahig at ihinanda ang tulugan.  Gumapang ako sa ilalim ng tagpi-tagping kubrekama sa aking higaan at ihininga ang pagnumukmok.  Maaaring nakapaglaan ako ng maikling panahon sa pag-unawa sa lahat ng mga namagitan sa Pag-ibig at sa akin, ngunit hindi ako nagkaroon ng paghangad sa saglit na yaon.  Ang antok ay humudyat at ako ay naghandang sumunod.

Nang ika-3:33 ng umaga, isang marahang tinig ang nagmula sa kabila ng aking nakapinid na pinto.  Bagama’t ito’y mas higit sa bulong, tinawag ako nito sa kailaliman ng aking tulog.   Dllat ang mga mata, ako’y nakahiga na walang galaw, habang ako’y nag-iisip na pumukaw; hinahanap ang saysay ng oras at ng kalagayan.

“Sino ang nariyan?”  Ako’y sumigaw, bahagyang natatakot sa tugon.

“Ako ay Pag-ibig,” ang naging sagot.

“Pag-ibig?”  Tinanong ko.  Dahil kahit na ang Pag-ibig ang kaisa-isang Panauhin na darating upang tumawag sa akin, ako’y nabigla pagkat di ko akalaing darating sa ganitong oras.   “Ako’y hindi handang harapin ka sa ngayon,” sumagot ako.  “Bumalik Ka bukas na may panahon akong makapagplano sa iyong pagdating.”

Ang Pag-ibig ay walang salitang sinagot, sa halip ay nanatiling nakatayong naghihintay.

Sa loob ng kalahating minuto ako’y nakalibing sa ilalim ng tagpi-tagping kubrekama, pinagtatagisan ang pagkahapo at pagkausyoso.  Ang ikalawa ang nagwagi, kaya ako’y bumangon mula sa higaan at dumausdos sa kadiliman hanggang maabot ko ang trangka.  Habang nakatayo ako sa loob, sa dilim, ako’y saglit na huminto.  Pagkat sumagit sa akin na sa oras na ito ang pagtuloy ng Pag-ibig ay kakaiba.  Hindi ko maunawaan kung paano ko nalaman Ito, ngunit malinaw sa aking isip na ako’y hindi na magiging katulad ng dati kapag inanyayahan kong tumuloy ang Pag-ibig ayon sa Kanyang kagustuhan.  Kaya ako’y huminga ng malalim, inalis ang kadena at hinila ang pinto ng may dakilang pag-iingat.

Ang Pag-ibig ay Tumuloy.

Nang ang Kanyang mga paa ay tumawid ng bukana, ang aking selda ay nalunod sa malambot na liwanag, kahit Siya’y walang bitbit na lampara.  Ang liwanag ay iniladlad pati ang pinakasulok ng aking silid, na walang iniwan na hindi makita.  Sa kahihiyan, ako’y nag-alay ng paumanhin sa gulanit na anyo at masamang ayos ng silid, ngunit ipinatong Niya nang marahan ang Kanyang  bisig sa aking balikat at bibasbasan ako sa aking pagkabalisa.  Tahimik Niya akong dinala sa aking upuan at ako’y umupo.

Ang Pag-ibig ay hindi gumawa ng talumpati, ngunit ang Kanyang mga salita ay pinuno ang aking mga tainga at inutusan ang aking isipan.  Hindi tulad ng nakaraang araw, ang panlabas na katahimikan ngayon ay ipinalaya ako sa lahat ng mga ligalig, pinapayagan akong mamahinga ng buo sa Kanyang Piling.  Hindi nakatali sa anumang mga plano at walang kalakasan, natuklasan ko ang katiwasayan at katahimikan ng pagiging mahina sa Pag-ibig.  Hindi Siya gumawa ng dahilan o tumanggap ng anuman.  Ang Pag-ibig ay payak na ibinalot ako sa Kanyang yakap at lahat ng mga nakaraang nangyari ay nawalit.

Ang mga kamay ng Pag-ibig ay lumitaw na walang laman nang Siya’y pumasok, ngunit sa hindi nakikitang pinagmulan Siya’y nakapagdulot ng Tinapay at Alak sa hapag.  Ito’y Kanyang bibasbasan at sinabi, “Tanggapin at kanin.”

Nang walang kasanayan na kumain sa ganitong oras, ako’y kataka-takang naakit sa nakahandang pagkain.  Sa kaibuturan, ako’y nakaranas ng gutom na di tulad ng nakaraan.  Itong pagnanais ay tumagos sa kalaliman.  Kaya ako’y kumain at ako’y uminom.  Nang sabay, ang matamis na Tinapay at masutlang Alak ay napawi ang aking gutom, at gayunpaman ang mga ito’y nag-iwan sa akin ng bagong pagkauhaw, ang kauhawang walang makamundong lunas ang makapapawi.

Hindi ko nais na lumisan ang Pag-ibig nang muli, kaya ako’y nagpasya na iiwan ang aking pinto na bukas, at ang daanan na malaya.

Tulad ni Solomon ako’y nagsumamo, “Ilagay mo ako bilang tatak sa Iyong puso.”

Ang Pag-ibig ay ngumiti, pagkat nagawa na Niya.

'

By: Tara K. E. Brelinsky

More
Mar 16, 2022
Makatagpo Mar 16, 2022

Kailangan nating maging maingat sa ating ipinagdarasal dahil baka makuha lang natin ito

Mayroong isang bagay na lubhang kasiya-siya tungkol sa proseso at mga resulta ng malalim na paglilinis ng aking tahanan. Para sa mga linggo, at kung minsan buwan pagkatapos, ang nakikitang mga bunga ng aking mga pagsisikap ay tinatamasa ng aking buong pamilya. Kapag dumarating ang malalim na pagnanasa sa paglilinis, ang kasiyahan sa pagharap sa isang lugar ay kadalasang humahantong sa pagtuon sa ibang bahagi ng bahay na nangangailangan ng parehong atensyon.

Ang paglilinis ay kadalasang humahantong sa paglilinis ng mga hindi kailangan na bagay at ang sasakyan ay puno ng mga kahon ng mga bagay na nakalaan para sa tindahan ng pag-iimpok. Pagtungo sa tindahan ng pag-iimpok isang hapon na may kargada ng kotse, naisip ko na ako ang bumili ng karamihan sa mga bagay sa mga kahon na iyon. Bagama’t hindi ko ito namalayan sa oras ng pagbili, ako ang nagdesisyon na guluhin ang aking buhay at tahanan sa mga mabibigat na bagay. Gayundin, naisip ko na ang parehong problemang ito ay pumasok din sa aking personal at pamilyang buhay. Sa paglipas ng mga taon, napuno ko ang aking iskedyul ng napakaraming “ dapat gawin” kaya ginulo ko ang sarili kong buhay. Ang kaisipang iyon ang nagpaunawa sa akin na kailangan kong gumawa ng ilang pagbabago.

Umaapaw Ang Aking Kopa

Nagsimula ang buhay may-asawa noong bata pa ako at puno ng lakas. Biniyayaan kami ng Diyos ng mga anak kaagad at tinanggap namin ang lahat ng mga pangangailangan at aktibidad na kasama ng mga anak. Ako ay isang abalang asawa at ina. Hindi lang puno ang kopa ko… umapaw. Gayunpaman, bilang puno ng aking kopa tila, ang isang pagtaas ng kawalan ng laman ang nabuo sa loob ko.

Ang buhay ko ay nakadama na hindi mapakali, ngunit wala akong panahon upang alisan ng takip kung ano ang nagpabagabag sa aking espiritu. Naglagay ang Diyos ng lumalagong pagnanais sa aking puso na magkaroon ng mas malapit na kaugnayan sa Kanya. Alam ko ang maraming pira-pirasong detalye tungkol sa Diyos, ngunit hindi ko naunawaan ang Kanyang kuwento o ang aking lugar sa kuwentong iyon. Napakakaunting oras, lalo na ang kalidad ng oras, para sa Diyos sa aking panahon.

Ang Resulta ng Pagiging Mabagal

Makalipas ang labinlimang taon at 4 na bata, naalala ko ang isang umaga na nakaramdam ako ng sobrang pagod, isang pakiramdam na matagal nang namumuo. Ito ay higit pa sa pagod. Ang bilis ng takbo ng  buhay, binuo, binilisan at lumago taon-taon, bumibilis na kalaunan ay nagbunsod sa aking isip, katawan at diwa na maubos. Sa wakas ay naabot ko ang Diyos sa desperasyon. Sumigaw ako sa Kanya, “PANGINOON… MAGING MABAGAL PO SANA AKO ! Hindi ko magagawa ang lahat at tiyak na hindi ko ito magagawa sa bilis na ito. Nasaan ka? Alam kong nariyan ka. Kailangan kita!”

Narinig ko na na sinabi na mag ingat sa ating panalangin  kasi baka makuha mo lang. Buweno, ang Diyos ay matiyaga at maawaing naghihintay ng mahabang panahon para ako ay tumawag sa Kanya. Sa loob ng ilang (abala pa rin) na buwan ng aking desperadong panalangin, ako ay nakagat ng isang makamandag na gagamba na nagtulak sa akin sa isang pababang paikot ikot  ng iba’t ibang mga problema sa kalusugan. Ang lahat ng mga aktibidad ay hindi lamang bumagal, sila ay huminto. Ako ay naging lubhang nanghina at masakit na nakahiga. Araw araw ay nakikipagkita ako sa  mga Mangagamot , at mga  pag susuri  …. Unti-unti akong nababawasan . Ang mahinang babae na aking nakita  mula sa salamin ay isang estranghero; isang balat lamang  ng aking sarili. “Panginoon tulungan mo ako,” umiiyak kong sabi.

Isang Pagkakaibigan Na Pagyamanin

Dahil sa kaunting lakas para gawin ang mga bagay, napakahaba at malungkot ang mga araw. Isang hapon, nakuha ng pansin ko ang maalikabok na Bibliya sa aking higaan. Sa pag-asang makahanap ng mga nakakainspirasyon na salita na magpapaginhawa sa akin, binuksan ko ang mga ginintuang pahina nito. Araw-araw, ang aklat na iyon ay naging isang malugod na kaibigan at pinahahalagahan. Gayunpaman, nakahanap ako ng higit pang mga katanungan kaysa mga sagot sa aking isipan habang sinisikap kong unawain, Sino ang Diyos na ito? Bakit Niya ginawa ang mga bagay na Kanyang ginawa? Paano nauugnay ang mga kuwento? Paano ako, nakahiga sa kama na ito, magkasya sa Kanyang kuwento? Nasaan na Siya ngayon? Naririnig niya ba ako? Bago pa man ako magtanong sa aking mga katanungan, ang Diyos ay gumagawa na ng mga tamang tao sa aking buhay. Dumating na ang tulong.

Ilang buwan bago ako nagkasakit, kumuha ako ng isang matalik na nakatatandang babae, na nagngangalang Priscilla, upang turuan ang aking mga anak at ako kung paano tumugtog ng piano. Dumating siya sa aming tahanan para sa lingguhang mga aralin. Bagama’t dumating pa rin siya upang turuan ang aking mga anak, kinailangan kong ikansela ang aking mga aralin dahil sa kahinaan at pagod. Nang malaman ni Priscilla kung gaano ako nagkasakit, ibinahagi niya sa akin ang kanyang pananampalataya at nag-alok na manalangin kasama ako para sa paggaling. Ang sandaling iyon ay nagbukas ng pagkakaibigan sa pagitan namin na pinapahalagahan ko hanggang ngayon.

Isang Bagay Para sa Diyos

Nang sumunod na linggo, nagtanong si Priscilla tungkol sa aking kalusugan. Wala akong napansing anumang pisikal na pagbabago, ngunit ibinahagi ko na nagsimula akong magbasa ng Bibliya at naaliw ako. Ipinagtapat ko, gayunpaman, na hindi ko naiintindihan ang ilang mga sipi na ikinabigo ko. Hindi ko alam na ang aming guro sa piano ay bihasa sa Banal na Kasulatan. Nagningning ang kanyang mga mata nang ipaliwanag niya ang kanyang pag-ibig sa Diyos at sa Kanyang Salita. Nag-alok siyang bumalik sa susunod na linggo at makibahagi sa akin ng oras sa Bibliya sa halip na sa oras ng piano. Dinala ng Diyos si Priscilla (na ang ibig sabihin ay kaluguran ng Panginoon) sa aking buhay at sa loob ng mahigit dalawang taon ay masayang sinagot niya ang aking mga tanong tungkol sa Kasulatan. Nanalangin siya kasama ko at tinulungan akong magkaroon ng makabuluhang buhay panalangin. Ang oras ng panalangin ay humantong sa isang magandang personal na kaugnayan sa Diyos. Ang walang laman na hindi mapakali na pakiramdam ay nagsimulang maglaho.

Bagaman napakasakit pa rin, naisip ko na dapat kong simulan ang pag-iwas sa aking sarili at subukang gumawa ng isang bagay para sa Diyos. Binigyan ako ng Diyos ng maraming talento, ngunit sa aking kalagayan ay wala akong maibibigay. “Panginoon,” nanalangin ako, “Sa palagay ko kaya ko pang maggantsilyo”. Nagtataka ako kung paano niya magagamit ang paggantsilyo, ngunit inaalok ko pa rin ito.

Nang sumunod na Linggo, masyado akong mahina para dumalo sa Misa, nag-click ako sa TV sa pag-asang makahanap ng isang Misa sa lokal na Katoliko na channel. Sa halip, sa mismong sandaling iyon, isang palituntunan mula sa isang simbahan sa kalye mula sa aking lugar ang ipinalabas. Ilang kaibigan at kapitbahay ang dumalo sa simbahang iyon, kaya inisip ko kung mayroon sa kanila ang naroon. Nang matapos ang serbisyo, isang babae ang tumayo upang ipahayag na nagsisimula sila ng isang bagong ministeryo na tinatawag na “The Prayer Shawl Ministry” at kailangan ang mga nag gagantsilyo, Muntik na akong mahulog sa kama ko! Dininig ng Diyos ang aking panalangin at tinawag ako sa paglilingkod. Bumaba ako nang mabilis hangga’t kaya ako ng mahina kong mga paa at tinawag ang isa sa mga kaibigan ko na dumalo sa simbahang iyon. “Sino ang babaeng iyon…at paano ako makakasali sa ministeryong iyon?” mapilit kong tanong.

Tinawag Ako ng Diyos

Inialay ko ang kaunting mayroon ako at tinawag ako ng Diyos na gamitin ito. Nang idaos nila ang pulong ng mga naglilingkod na iyon, sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, binigyan Niya ako ng lakas upang makapunta sa maliit na puting simbahan na iyon at sumali ako para gumawa ng Alampay na may Panalangin  para sa iba. Ang mga alampay ay ibibigay sa mga maysakit, nalulungkot, namamatay at sa mga nangangailangan ng kaaliwan upang ipaalala sa kanila na ang iba ay nag-iisip at nananalangin para sa kanila. Naggantsilyo ako ng maraming alampay at nanalangin para sa sinumang nangangailangan ng panalangin. Ang kanilang mga problema ay naging aking mga problema, at ginawa kong mas mahalaga ang kanilang mga pangangailangan kaysa sa akin. Kapansin-pansin, nagsimula iyon sa daan patungo sa pisikal na pagpapagaling.

Sa bawat araw, mas lumalakas ang aking pisikal at espirituwal na buhay. Pagkaraan ng ilang taon, lumipat ang aking pamilya mula sa kanayunan na bayan ng New England patungo sa isang bayan sa Northern California. Sa loob ng ilang buwan, binuksan ng Diyos ang pinto para simulan ang Ministeryo ng Alampay Na may Panalangin sa ating bagong parokya kung saan ipinaalala Niya sa akin na may dapat pang gawin para sa Kanya.

Gustung-gusto ko ang kuwento nina Marta at Maria sa Ebanghelyo ni Lucas (38-42) kung saan tinulungan ni Hesus si Marta na maunawaan na kailangan niyang muling ayusin ang kanyang mga priyoridad: “Ikaw ay nag-aalala at nababagabag sa maraming bagay,” sinabi niya sa kanya, “ngunit kakaunti ang kailangan. —o isa lang talaga.” Ang kaniyang kapatid na si Maria, sa kabilang banda, ay “umupo lamang sa paanan ng Panginoon na nakikinig sa kaniyang sinabi” at sinabi ni Jesus na “pinili niya ang mas mabuti, at hindi ito aalisin sa kaniya.” Naramdaman kong binabago ako ng Diyos mula kay Marta tungo kay Maria.

Ito ay naging isang mahabang mahirap na daan patungo sa pagbawi. Mayroon pa akong mahihirap na araw ngunit dinala ako ng Diyos mula sa espirituwal at pisikal na pagkaubos tungo sa isang mas malusog na buhay. Kailangan kong bitawan ang maraming bagay na akala ko noon ay mahalaga. Kinailangan kong linisin nang malalim ang aking buhay, alisan ng laman ang aking tasa at payagan ang Diyos na maging isa na nagpuno nito. Sa Awit 46:10, sinabi sa atin ng Diyos na “Tumahimik at kilalanin mo na ako ang Diyos”. Kaya ngayon, namumuhay ako ng mas matiwasay na may oras upang hilingin sa Banal na Espiritu ang pag-unawa na piliin lamang kung ano ang nais ng Diyos na masangkot sa akin. Ang aking oras, mga talento at kayamanan ay nasa Kanya, at sinisikap kong alalahanin na magkaroon ng puwang sa aking buhay. makasama ang Diyos, upang madama ang Kanyang presensya at marinig ang Kanyang tinig. Iyan ang “mga bagay na kailangan.”

Kapag nililinis natin ang ating mga tahanan at nakakaranas ng magagandang resulta, tayo ay nabibigyang-inspirasyon na pagbutihin ang iba pang mga lugar. Ang konseptong ito ay maaaring gumana sa ating espirituwal na buhay sa parehong paraan. Itinuro sa akin ng aking karanasan na ang mas maraming oras na ginugugol ko sa Diyos at inaanyayahan Siya sa aking buhay, mas maraming positibong bagay ang nangyayari. Sapagkat “Alam natin na ang lahat ng bagay ay gumagawa para sa ikabubuti ng mga umiibig sa Diyos” (Roma 8:28)

Kaya ngayon, hinihikayat kita na pumili ng isang lugar sa iyong buhay na maaaring maging hadlang sa mas malapit na kaugnayan sa Kanya. Ihandog ang bahaging iyon sa Kanya at anyayahan Siya na palalimin ang iyong pananampalataya at kaugnayan sa Kanya. Para sa bilang tumpak at malalim na sinabi ni St. Augustine,

“Ginawa mo kami para sa iyong sarili, O Panginoon, at ang aming mga puso ay hindi mapakali hanggang sa sila ay magpahinga sa Iyo.”

'

By: Teresa Ann Weider

More
Mar 16, 2022
Makatagpo Mar 16, 2022

Isang espesyal na panayam kay Dr. Thomas D. Jones na nagpunta sa apat na magkakahiwalay na misyon ng sasakyang pangalanggang  kasama ang NASA. Sa isa sa mga misyon na iyon, talagang nagawa niyang dalhin ang Eukaristiya!

Sabihin mo sa amin kung ano ang pakiramdam na nasa kalawakan na nakatingin sa mga bituin at pabalik sa Mundo. Paano ito nakaapekto sa iyong pananampalataya kay Hesus?

Upang matupad ang aking propesyonal na pangarap na lumipad sa Kalawakan, na inaasahan ng bawat astronaut, kinailangan kong maghintay ng halos 30 taon. Kaya ang aking unang paglipad ay ang pagsasakatuparan ng isang pangarap sa pagkabata. Ang pagtingin sa napakalawak na tanawin na ito ng kosmos na nakapalibot sa ating planeta, ay nagbigay sa akin ng pagkakataong isipin kung bakit ako naroon. Napaka-emosyonal na karanasan na tunay na makita ang hindi kapani-paniwalang kagandahan ng uniberso, at ang ating planetang tahanan sa lahat ng magagandang pagkakaiba-iba nito—talagang nakamamanghang. Nadama ko lang ang labis na pasasalamat sa Diyos para sa pagkakataong naroroon nang pisikal—nalulula sa Kanyang biyaya at Presensya.

Kilala ka bilang isa sa mga astronaut na nagawang dalhin ang Eukaristiya sa kalawakan. Para sa ating lahat na mananampalataya, iyan ay nakaka-inspire. Maaari mo bang ibahagi ang buong karanasan?

Ito ay tiyak na kamangha-mangha sa aming lahat na lumahok. Ang isang tao ay hindi maaaring pumunta kahit saan kasing layo ng espasyo at kalimutan ang tungkol sa iyong espirituwal na buhay. Pananampalataya ang tumulong sa akin na magtagumpay sa Mundo at ito ang parehong pananampalataya na inaasahan kong tulungan akong magtagumpay sa kalawakan. Sa aking unang paglipad noong 1994, sakay ng sasakyang pangalangaang , Endeavour, may dalawa pang Katolikong astronaut. Nang kami ay nagsama-sama upang maghanda para sa 11 araw na misyon, napag-usapan namin kung gaano kasarap dalhin ang Eukaristiya sa kalawakan. Kaya, dahil si Kevin Chilton, ang aming piloto sa paglipad, ay isang pambihirang ministro ng Banal na Komunyon, kami ay nakatanggap ng pahintulot mula sa aming pastor na dalhin ang Banal na Sakramento.

Ang bawat sandali ng labing-isang araw na paglipad ay mahigpit na naka-iskedyul, ngunit ang aming Katolikong kumander, si Sid Gutierrez, ay nakahanap ng puwesto mga pitong araw, nang kami ay komportable sa takbo ng misyon, para sa isang sampung minutong serbisyo ng Komunyon. . Kaya, sa Linggo na iyon – ang aming ikalawang Linggo sa kalawakan – huminto kami sa lahat ng gawain ng misyon upang gumugol ng sampung minutong mag-isa sa sabungan kasama ang Diyos na ginawang posible ang lahat ng ito, at ibahagi ang Banal na Komunyon sa Kanya. Sa katunayan, ito ay isang pagkilala na hindi natin mararating ang puntong iyon kung wala ang Kanyang presensya sa atin. Talagang kasiya-siya na dalhin ang ating buhay-pananampalataya sa kalawakan at malaman na Siya ay naroroon, pisikal, kasama natin.

Nahirapan ka na bang pagsamahin ang Agham at Pananampalatya? Maaari mo bang ipaliwanag ang kaugnayan ng agham at pananampalataya?

Sa kabuuan ng aking propesyonal na karera, marami akong nakilalang mga siyentipiko na espirituwal, at mayroon silang sariling mga kasanayan sa pananampalataya. Dito mismo sa hilagang Virginia, nakilala ko ang ilang Katolikong siyentipiko at inhinyero sa sarili kong simbahan na may matibay na pananampalataya. Naniniwala sila sa Paglikha ng Diyos, at sa inspirasyon ng Bibliya kung paano natin naiintindihan ang uniberso.

Sa tingin ko karamihan sa mga tao ay may ilang mga espirituwal na elemento sa kanilang buhay. May kilala akong mga astronaut na hindi pormal na relihiyoso, ngunit lahat sila ay naantig ng espirituwal na karanasan ng paglalakbay sa kalawakan. Kaya nalaman ko na karamihan sa mga tao ay bukas sa kung ano ang ibinubunyag ng uniberso at ng natural na mundo sa ating paligid kung paano natin naiintindihan ang Nilikha. Ang mga siyentipiko ay napaka-mausisa, tulad ng lahat ng tao, tungkol sa kalikasan ng uniberso at kung ano ang maaari nating malaman tungkol dito.

Para sa akin, ito ay isang senyales na ang agham at espiritwalidad ay magkasabay. Ang ating pagkamausisa at interes sa kalikasan at kung paano ito gumagana, kung paano pinagsama-sama ang uniberso at kung paano ito nilikha—ang pag-uusisa na iyon ay ibinigay sa atin dahil tayo ay ginawa ayon sa pagkakahawig ng Diyos. Iyan ay bahagi ng Kanyang personalidad na ibinigay sa atin. Kaya sa tingin ko ang paghahanap na ito ng katotohanan tungkol sa natural na mundo ay bahagi ng ating likas na kalikasan bilang tao. Naniniwala ako na ang paghahanap ng kaalaman ay isang bagay na nagbibigay ng labis na kasiyahan sa Diyos—ang makita ang mga nilalang na Kanyang ginawa na naghahanap ng mga lihim kung paano Niya pinagsama-sama ang uniberso. Bale, hindi Niya sinusubukang ilihim ito. Nais niya lamang itong maipakita sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap, talino at pagkamausisa. Kaya, para sa akin, walang masyadong salungatan sa pagitan ng Agham at Kalikasan at Espirituwalidad. Sa tingin ko ang mga taong nagsisikap na paghiwalayin sila ay sinusubukang hatiin ang kalikasan ng tao sa isang makatwirang kalahati at kalahating espirituwal. Siyempre, hindi iyon magagawa. Ang isang tao ay isang tao na ang kalikasan ay hindi maaaring paghiwalayin.

Sa iyong mga misyon sa kalawakan, nagagawa mo, sa maraming paraan, ang ehemplo ng tagumpay ng tao. Gumagawa ng isang bagay na talagang mahusay, ngunit nakatagpo pa rin ng isang bagay na higit na mas malaki sa kadakilaan—ang kaluwalhatian at ang kadakilaan ng nilikha ng Diyos…Ano kaya ang pakiramdam na marami kang nagawa, habang kinikilala pa rin ang iyong sariling kaliitan kumpara sa Diyos?

Para sa akin, naging kristal ang lahat sa huling misyon ko. Tumutulong ako sa pagtatayo ng istasyon ng kalawakan, gumagawa ng tatlong paglalakad sa kalawakan upang mag-install ng science lab na tinatawag na Destiny. Malapit sa dulo ng aking huling lakad pangkalawakan , nasa labas ako sa pinakaharap na dulo ng istasyon ng pangkalawakan. Dahil nauna ako sa aming iskedyul ng trabaho, hinayaan ako ng Mission Control ng NASA na tumambay nang mga limang minuto doon. Sa pamamagitan ng paghawak sa harapan ng istasyon ng pangkalawakan gamit ang aking mga daliri, nagawa kong umikot sa paligid upang makita ko ang kalawakan ng kalawakan na nakapalibot sa akin.

Tumingin ako sa Mundo, 220 milya diretso pababa sa aking bota hanggang sa malalim na asul ng Karagatang Pasipiko. Nakalutang ako doon na nakatingin sa abot-tanaw—isang libong milya ang layo–at pagkatapos ay ang walang katapusang, itim na kalangitan sa itaas ng aking ulo.

Humigit-kumulang 100 talampakan sa itaas ko, ang istasyon ng kalawakan ay kumikinang na parang ginto na may sinag ng araw mula sa mga solar panel nito, habang tahimik kaming nahulog sa buong mundo nang magkasama. Ang kahanga-hangang tanawin na ito ay napakaganda na nagpaluha sa aking mga mata. Na-overwhelm ako sa pakiramdam na ito, ‘Narito ako, isang lubos na sinanay na astronaut sa istasyon ng kalawakan na ito, na naglilibot sa Mundo, ngunit isa lang akong mahinang tao kumpara sa napakalawak na kosmos na ito.’

Medyo hinila ng Diyos ang kurtina para sa akin, hinahayaan akong makita ang kahanga-hangang kalawakan sa personal na paraan. Naramdaman ko, “Oo, napakaespesyal mo dahil nakikita mo ang pananaw na  ito”, ngunit naalala ko kung gaano tayo kawalang-halaga sa malawak na uniberso na nilikha ng Diyos. Ang pakiramdam na mahalaga at pagpapakumbaba sa parehong oras ay isang regalo mula sa Diyos. Ito ay literal na nagpaluha sa aking mga mata habang ako ay nagpasalamat sa Panginoon, na nasasabik na ibahagi ang pananaw na ito sa Kanya. Napakakaunting tao ang nagkaroon ng karanasan at pribilehiyong makita ang Earth mula sa pananaw na iyon, at lahat ito ay salamat sa Kanya.

Maraming kaguluhan sa mundo ngayon…maraming kadiliman at pagdurusa; ngunit kapag tiningnan mo ang mundo alinman mula sa napaka-natatanging vantage point na mayroon ka sa  Pangkalawakan o ngayon sa iyong kasalukuyang estado ng buhay, ano ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa?

Sa tingin ko kung ano ang nagbibigay-inspirasyon sa akin ay na tayo ay binigyan ng napaka-mausisa  na isip ng Diyos. Mayroon kaming likas na pagkamausisa at ginawa kaming mga tagapag ayos ng problema at tagapag siyasatin . Kaya, sa kabila ng lahat ng hamon na dinaranas natin ngayon, ito man ay pandemya, o banta ng digmaan, o pagpapakain ng pitong bilyong tao sa buong mundo, mayroon tayong mga kakayahan na ibinigay sa atin at tinawag tayo gamitin ang mga ito upang malutas ang mga problemang ito. Mayroong isang malawak na uniberso doon, puno ng mga mapagkukunan. Hinahamon tayo nito, ngunit kung titingnan natin ang sistema ng solar at ang uniberso sa kabila ng ating tahanan, maraming bagay ang magagamit natin.

Ang malalaking materyal na mapagkukunan sa Buwan at mga kalapit na asteroid ay maaaring makadagdag sa mga nakikita natin sa mundo. Mayroong napakalaking supply ng solar energy na maaaring kunin mula sa kalawakan at maipakita sa mundo upang tumulong na maibigay sa lahat ang kapangyarihan at kuryente na kailangan nila upang magtagumpay. Mayroon tayong kakayahan na itakwil ang mga masasamang asteroyd na madalas tumama sa Mundo at ang  pumunta sa paraan ng mga dinosauro kung gagamitin namin ang mga kasanayan na nakuha namin at ilagay ang aming sarili sa gawain.

Nabubuhay tayo sa isang mundo na naghihikayat sa atin na gamitin ang ating pagkamausisa at katalinuhan upang malutas ang mga problemang ito. Kaya’t lubos akong umaasa na sa pamamagitan ng paglalapat ng ating mga kasanayan at ng teknolohiyang ating binuo, maaari tayong manatiling nangunguna sa lahat ng mga hamong ito. Tingnan ang bakuna na ginawa natin ngayong taon para labanan ang lasong galing sa inpeksyon. Iyon ay isang marka ng kung ano ang maaari nating gawin kapag inilagay natin ang ating isip sa isang bagay, kung ito ay paglalagay ng isang lalaki sa Buwan o pagpapadala sa unang babae sa Mars. Sa tingin ko, nasa mabuting kalagayan din tayo para sa hinaharap.

'

By: Dr. Thomas D Jones

More
Mar 16, 2022
Makatagpo Mar 16, 2022

Maghanda na magbago habang ikinuwento ni Kim Zember kung paano niya pinalaya ang sarili mula sa isang tomboy na pamumuhay

Ipinanganak at lumaki ako sa isang debotong Katolikong pamilya na may dalawang nakatatandang kapatid na lalaki sa Southern California. Lumaki akong kilala ang Diyos at ang Kanyang pag-ibig. Hanggang sa ikawalong baitang, nag-aral ako sa isang Katolikong paaralan kung saan ako ay protektado ng biyaya ng Diyos, ngunit nagpumiglas ako laban dito. Nais kong maging katulad ng iba. Sa kasamaang-palad, dininig ng aking mga magulang ang aking mga pakiusap na lumipat sa isang pampublikong mataas na paaralan kung saan ako nagtrato ng masama sa mga tao upang makuha ko ang atensyon na gusto ko. Alam ko na nilikha ako ng Panginoon para sa mas malalaking bagay—upang tumulong sa iba, ngunit naiinip ako at nanatili ang aking mga mata sa aking sarili.

Puno ng Pagkakasala

Sa aking ika apat na taon sa mataas pamantasan, nakaramdam ako ng pagkahumaling sa isang babae sa paaralan. Hindi ko pa rin alam kung saan nanggaling ang pagnanasang iyon. Wala akong anumang sekswal na pang-aabuso sa aking buhay o anumang kapaitan sa mga lalaki. Sinimulan ko siyang habulin nang masigasig sa isang mapagkunwari, naghahanap sa sarili na paraan, na nanliligaw sa kanya sa isang romantikong relasyon. Isang gabi, nang pareho kaming lasing, nagtagumpay akong makalusot para makamit ang pisikal na relasyon na sa tingin ko ay gusto ko. Kung may huminto lang sa akin sa sandaling iyon bago kami kumonekta sa paraang hindi namin sinadya, at sinabi sa akin kung saan ako dadalhin nito.

Nagnasa ako nang mas marami, parang kapag kumakain ako ng brownie, gusto ko pa, kahit na hindi ito maganda para sa akin at iniiwan ako ng sakit. Pero alam niyang may mali sa ginawa namin, nakaramdam siya ng pagkakasala at ayaw niyang pag-usapan. Alam ko rin na mali ito, kaya itinago ko ang aking mga relasyon sa mga babae sa pamamagitan ng pakikipag-tagpo sa mga lalaki, hindi dahil sinabi ng Simbahan na mali ito, o dahil may pakialam ako sa sasabihin ng mga tao, ngunit dahil sa isang mahina at maliit na boses sa loob ko ay sumisigaw. para marinig, “Mas maganda ako para sa iyo Kim.”

Nakalulungkot, pinigilan ko ang panloob na boses na iyon, nilunod ito sa pamamagitan ng paghabol sa mga babae at pera habang ang aking karera sa pag titinda ng mga bahay  ay umaangat. Sa hitsura, mukhang maganda ang lagay ko, kumikita ng maraming pera at nakikipag-tagpo sa isang serye ng mga lalaki. Ngunit ang lahat ng ito ay binuo sa kasinungalingan. Halos dalawang taon akong nakipag-tagpo sa isang babae, ngunit walang nakakaalam. Nagsinungaling ako sa lahat. Nagiging ibang tao na ako. Ako ay isang tao sa aking kasintahan at isa pang tao sa kanila. Ako ay isang hunyango sa kung sino man ako sa paligid.

 Isang Pagbaluktot

Ang pinakamalaking pagpapatas  para sa akin ay ang emosyonal na pagpapagayang loob na naranasan ko sa mga babae, hindi ang pisikal na relasyon. Naunawaan nila ako; Naiintindihan ko sila. Noon pa man ay nakadama ako ng pagnanais na tumulong sa mga tao, lalo na kung may nasira sa loob nila. Hindi ko alam hanggang sa huli na ito ay isang regalo. Ngunit gustong pilipitin ni Satanas ang iyong espesyal na regalo para sa kanyang sariling layunin dahil wala siyang nilikha.

Binabaluktot at pinipilipit niya ang lahat, lalo na ang kabutihan at mga kaloob ng Diyos. Ang pagmamahal na iyon na ibinigay sa akin ng Diyos para sa mga kababaihan ay sinadya upang magamit upang bumuo ng malusog na pagkakaibigan, upang suportahan ang isa’t isa. Ngunit pinilipit iyon ni Satanas nang tumawid ako at ipinahayag ang pagmamahal na iyon sa hindi angkop na pisikal na paraan. Bawat relasyon na aking ginagalawan ay naging baluktot at hindi malusog. Bagama’t sila ay kamangha-manghang mga tao at natulungan ko sila sa ilang mahahalagang paraan, tulad ng pag-alis sa droga, sinasaktan ko sila sa mas malalim na paraan.

Pumunta ako sa isang Katolikong tagapag payo , ibinahagi ko ang lahat sa kanya at pinatunayan niya na ako ay tomboy . Hindi ko matatanggap iyon, ngunit sinabi niya sa akin na hindi ko naiintindihan ang Kasulatan. Gustung-gusto ng aking mga tainga na marinig ito, ngunit hindi ako nagkaroon ng kapayapaan sa bagay na iyon dahil alam kong hindi iyon totoo, bagaman tinanggap ko ito dahil nangangahulugan ito na magagawa ko ang anumang gusto ko.

Sumasabog na Puso

Sa idad na 23, nakipag-tagpo  ako sa isang kahanga-hangang lalaking Kristiyano. Naakit ang puso ko sa kanya at sa pagmamahal niya sa Panginoon, kaya nang sabihin niya sa akin na mahal niya ako, dapat ay natuwa ako. Sa halip, galit na galit ako, dahil alam ko kung ano ang nangyayari sa loob ko at ang lihim kong relasyon sa babaeng ito. Paano ako mamahalin ng isang lalaking konektado sa Diyos? Paanong ang isang taong napakasigla sa espirituwal, ay magmamahal sa isang taong labis ang motibasyon sa materyal? Nang tanungin ko siya, sinabi lang niya, “Mahal ko ang iyong puso, ngunit kung gusto mong malaman ang iyong puso, kailangan mong hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo.”

Napatulala ako. Pumasok ako sa aking silid at sumigaw mula sa kaibuturan ng aking puso, “Ipakita sa akin ng Diyos ang aking puso”. Hindi ko inaasahan na sasagutin kaagad ng Diyos, ngunit naramdaman ko ang aking sarili na umangat sa isang eksena mula sa aking buhay na lubos kong nakalimutan. Nakita ko ang aking sarili sa ika-7 baitang, nakikinig, nabighani, sa isang pari na nagsasalita tungkol sa kanyang misyon sa Africa. Hinawakan ko ang braso ng aking ina at sinabi sa kanya, “Gusto kong pumunta sa Africa.” Bagama’t ipinaalala niya sa akin kung gaano ko kinasusuklaman ang dumi at langaw at kakulangan sa ginhawa, hindi ako huminto, kaya umakyat kami upang makita ang pari pagkatapos. Nakinig siyang mabuti, pagkatapos ay niyakap ako, sinabing, “Kung gusto ka ng Panginoon sa Africa, dadalhin ka Niya, ipagpatuloy mo lang ang pagdarasal”. Bagama’t wala akong maalala tungkol dito, kinumpirma ito ng aking ina.

Naramdaman kong sasabog ang puso ko sa loob. Tinawagan ko ang aking kasintahan at inanunsyo, “Pupunta ako sa Africa!” Nagsalita ang Panginoon at tumakbo ako. Ipinakita niya sa akin kung para saan ako nilikha. Ang lahat ng pagnanasa ay maaaring ibuhos at magkaroon ng napakalaking epekto sa ibang tao. Nakita ko ang mga bata na nawalan ng mga magulang, na hindi kumakain. Kapag niyakap mo ang batang iyon, at nakakuha ka ng kuto mula sa batang iyon o nahawa ang kanilang mga pantal sa balat—talagang mga regalo iyon. Ang mga batang ito ay tunay na nagpabago sa akin at nagbukas ng aking puso.

Sinabi ng Panginoon na kung gusto mo akong mahanap, hanapin mo ang mga dukha, ang balo, ang ulila, ang dukha, ang mga nakakulong. Bumalik ako mula sa Ethiopia na buhay at tumitibok ang aking puso. Ibinigay ko ang aking karera na kumikita ng $200,000 bawat taon, ibinenta ang aking bahay, ang aking sasakyan at lahat ng mayroon ako. Bumalik ako sa Ethiopia kasama ang taong nagbukas ng puso ko sa lahat ng ito. Bago kami ikasal, inamin ko ang lahat ng ginawa ko at sinabi niya, “Kung gusto mong makasama ang mga babae, maaari mong piliin iyon, ngunit kung gusto mo akong makasama, piliin mo ako” at siya ang pinili ko.

Pababang Paglikaw

Sa gabi ng aking kasal lumuhod ako at sinabing “Panginoon hinding-hindi ko lolokohin ang lalaking ito sa isang babae” at pinatutunayan  ko ito sa lahat ng mayroon ako. Ang hindi ko maintindihan ay wala akong lakas para gawin iyon sa sarili ko. Kailangan ko ang tulong ng aking Tagapagligtas. Hindi ako nalubog sa Kanyang Salita. Dinadaanan ko lang. Mahusay na bumuo ng mabubuting gawi sa pamamagitan ng paggawa ng mga galaw tulad ng pagsipilyo ng iyong ngipin at pagdarasal, o pagkaladkad sa iyong sarili o sa iyong mga anak sa Misa, dahil nakaukit ka ng magagandang bagay, ngunit ito ay simula pa lamang.

Isang taon lamang pagkatapos naming ikasal, pagbalik namin mula sa Africa, niloko ko ang aking asawa sa isang babaeng may asawa. Pareho naming iniwan ang aming mga asawa at nauwi sa hiwalayan. Nagsimula ito ng mabilis na pababang paglikaw  sa aking buhay. Nagsimulang lumala ang mga bagay nang gusto niyang magka-anak. Doon ako gumuhit ng linya dahil alam kong kailangan ng isang sanggol ang isang Ama at ayaw kong gumanap bilang Diyos, kaya naghiwalay kami. Para sa isa pang dalawang taon, nagkaroon ako ng serye ng mga relasyon sa mga babae, ngunit nadama ko ang higit na pagkasira sa lahat. Sinisira ko ang sarili kong puso at sinisira ang ibang tao.

Minahal ako ng aking pamilya sa lahat ng ito, ngunit hindi nila pinahintulutan ang aking mga aksyon. Lagi nilang pinagtitibay kung ano ang ginawa sa akin ng Diyos at tinawag ako sa mas mataas na mga bagay. Hindi ito poot. Ito ang kailangan ko. Palagi nilang ipinapaalala sa akin na ako ay ginawa at nilikha para sa higit pa. Nang mapagtanto nila na ang pag-imbita sa aking mga kasintahan na sumali sa mga gawain ng pamilya ay nagpapatibay sa aking pamumuhay, gumawa sila ng mahirap na desisyon na sabihin na hindi na nila magagawa iyon, nakaramdam ako ng galit, inakusahan silang mapanghusga, at umatras sandali, ngunit sila sila pa rin ang nandyan para sa akin kahit anong mangyari.

Kapangyarihan ng Pagsuko

Nang niloko ako ng aking pinakahuling kasintahan at naramdaman ko ang aking pinakamababang pagbaba, lumuha akong bumalik sa Diyos, nanalangin, “Panginoon, sumuko na ako. Nagtitiwala ako na Ikaw ay Diyos at HINDI AKO. Kung ipakikita Mo sa akin na mayroon kang mas mabuting plano kaysa sa akin, kung gayon maglilingkod ako sa Iyo sa natitirang bahagi ng aking mga araw.”

Noong gabing iyon, dinala ako ng kaibigan kong si Daniel sa isang pagtitipon ng pagdarasal  meeting kasama ang isang African na tagapangaral , ngunit nang mapansin ko kung gaano kaganda ang pianista, kinailangan kong takpan ang aking mga mata para maiwasan ang tukso dahil wala akong gustong makita kundi ang Diyos. Nang tawagin nila ang mga tao para manalangin, umakyat ako kasama ang aking mga kaibigan, ngunit nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Nang makarating na kami sa pinakadulo ng linya, natigilan ako nang marinig ko ang pagsabog ng mangangaral kay Daniel na para bang alam niya ang lahat ng kanyang pagkakamali. Hindi pa ako nakaranas ng hula at natatakot ako sa sasabihin niya tungkol sa akin para marinig ng lahat.

Sumunod na sandali, nagsimulang ideklara ng mangangaral ang tagumpay sa aking buhay sa pangalan ni Jesu-Kristo. Ipinahayag niya, “Ibinigay mo na ang iyong buhay sa Kanya at sa wakas naibigay mo na ang lahat. Mabubuhay ka para sa Kanya sa lahat ng bagay.” Binanggit niya ang mga salita na aking isinigaw sa Diyos sa pag-aalay ng aking pagsuko, ang bagong direksyon  na aking hiniling sa Kanya. Alam ko na ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang nagsasalita sa akin sa pamamagitan niya.

Sa lahat ng mga taon na ito ay nakapagpapanatili ako sa biyaya ng Diyos at ang aking espirituwal na buhay ay ganap na nagbago. Ang susi sa paglakad sa kalayaan ay ang pagkakaroon ng personal na kaugnayan kay Hesus. Ang pagkakaroon ng mas malalim na lapit sa Kanya sa pamamagitan ng Araw-araw na Misa sa Banal na Komunyon, araw-araw na oras sa mga Banal na Kasulatan, madalas na pagkukumpisal, Pagsamba, Pagpupuri at Pagsamba sa musika, pagpunta sa mga kumperensyang Katoliko at pagiging nasa Kristiyanong komunidad ay nakatulong lahat sa aking paglalakad kasama si Kristo. Habang sinimulan kong gawin ang higit pa at higit pa sa lahat ng ito, natagpuan ko ang aking sarili na paunti-unti ang ginagawa ng iba pang mga bagay, na nakatulong sa akin na lumago sa Espiritu at sa labas ng aking laman. Para sa akin ang lahat ay nahulog sa lugar habang ako ay lumago sa personal na relasyon kay Hesus. Tiyak na inaakay Niya tayong lahat palabas ng kadiliman at tungo sa Kanyang perpektong liwanag!

Umaasa ako na ang aking kabagabagan ay makapagbibigay ng pag-asa sa sinumang nangangailangan ng pampatibay-loob na manindigan sa katotohanan ng Diyos dahil ang sinabi ng Diyos ay palaging magiging mas mabuti kaysa sa ating sariling opinyon. Hayaang ang Diyos ay patuloy na maging Diyos. Makinig sa Kanya kapag nagsasalita Siya tungkol sa Kanyang mga plano para sa mga lalaki at babae at mga relasyon. Ipinakita Niya sa atin kung ano ang pag-ibig sa Krus. Ang pag-ibig ay sakripisyo. Ang buhay ko ay hindi sa akin. Tinatawag niya ako sa isang mas malalim na relasyon sa Kanya araw-araw.

'

By: Kim Zember

More
Mar 16, 2022
Makatagpo Mar 16, 2022

Ako noon ay 65 taong gulang at sinisikap kong baguhin ang aking patakaran sa seguro sa buhay. Siyempre, kailangan nila ng ilang mga pagsusuri sa laboratoryo. Naisip ko, “Okay, Susunod ako sa mga kailangang gawin.” Mula noon hanggang sa nakaraan, ang bawat pagsusuri sa laboratoryo na ginawa sa akin, ay normal, kabilang ang mga x-ray sa dibdib, EKG at colonoscopy, lahat ay normal. Ang aking presyon ng dugo ay 126/72 at ang aking BMI ay 26. Nag-eehersisyo ako ng apat na beses sa loob ng isang linggo at kumakain ng medyo malusog na diyeta. Mabuti ang pakiramdam ko at ganap na walang sintomas.

Maayos at nasa normal ang lahat ng resulta ng lab ko…maliban sa PSA ko, ito ay 11 ng/ml (normal ay mas mababa sa 4.5ng/ml). Nuong nakaraang tatlong taon lagi itong normal. Nakaka-inis! Kaya, pumunta ako sa aking Doktor. Sa pagsusuri ng aking tumbong, nakita niyang lumaki ang aking prostate at naninigas. “May hinala akong ito ay cancer, isasangguni kita sa isang urologist,” sabi niya. Nakakadismaya, talaga.

Labing-isa sa labing-isang prostate biopsy ay positibo sa cancer. Ang aking marka sa Gleason ay 4+5 na nangangahulugan na ito ay isang mataas na uri ng cancer at maaaring lumaki at kumalat nang mas mabilis. Kaya, sumailalim ako sa isang radikal prostatectomy, radiation therapy at hormone therapy na may Lupron. Ooh ang mga biglaang maalinsangang pakiramdam! Mga kababaihan maniwala kayo sa akin pag sinabi ko, na alam ko kung ano ang pinagdadaanan nyo. Nakakadismaya na naman.

Kung ganon bakit “nakakadismaya” lang imbis na “hindi ako naniniwala, hindi maaari ito, na mamamatay ako. Pinarurusahan ba ako ng Diyos”?

Buweno, sasabihin ko kung bakit. Bago nangailangan ng gamutan sa sakit sa bato ang aking ina na ginagawa sa bahay, ang aking mga magulang ay nakapaglakbay ng husto, lalo na sa Mexico. Nang dahil sa araw-araw na dialysis tumigil sila sa kanilang paglalakbay, ginugol nila ang kanilang maraming oras sa paggawa ng mga puzzle, pagbabasa at pag-aaral ng kanilang Bibliya. Ito ang lalong naglapit sa kanila sa Diyos. Kaya, nang sabihin sa kanya ng kanyang mga doktor na wala na silang magagawa para sa kanya, okay na siya doon. Sinabi niya sa akin, “Pagod na ako, handa na akong makasama ang aking Ama. Ako ay may kapayapaan sa pamilya at mga kaibigan, sa aking sarili, ngunit higit sa lahat, ako ay may kapayapaan sa Diyos.” Makalipas ang ilang araw, namatay siya nang payapa na may ngiti sa labi.

“Ako ay may kapayapaan sa Diyos”. Iyon ang gusto ko. Hindi ko na ginustong maging isang Katolikong lingguhang nagsisimba lang. Magmula noon nagsimula ako sa pagtahak sa landas na mas maglalapit sa akin sa Diyos: pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya sa parehong Ingles at Espanyol, pagdarasal, pagdarasal ng rosaryo, pagpapasalamat sa aking mga pagpapala, at pagboluntaryo bilang isang guro ng Katesismo. Sa lalong madaling panahon, inaasahan kong matapos ang aking internship bilang isang boluntaryong chaplain sa ospital at malapit ko na ring matapos ang aking kursong espirituwal na paggabay.

Kaya, oo, ang pagkakaroon ng kanser sa prostate ay nakakadismaya, pero hanggang doon lang, dahil ako ay may kapayapaan sa Diyos.

'

By: Dr. Victor M. Nava

More
Mar 16, 2022
Makatagpo Mar 16, 2022

May isang nakababatang mag-asawa na ipinakilala ang kanilang walong-taong-gulang na   lalaking anak na si Gabriel sa pari ng isang parokya na may pakiusap na tanggapin siya na tagapaglingkod sa altar.  Tinanong ng pari ang bata, “Nais mo bang maging batang altar?”  Sa halip na tumugon ng salita, ang bata ay niyakap ang pari sa paligid ng baywang, hanggang sa maaabot niya.

Nang sumunod na Linggo, si Gabriel ay dumating kaagad, labinlimang minuto bago mag-Misa ayon sa pinagtugma ng pari.  Dahil walang sakristan, ang pari ay nagmadaling pumaroo’t  pumarito sa paghahanda.  Nang malapit nang magsimula ang Misa ay noon lamang napagtanto ng pari na si Gabriel ay walang nalalaman sa paglilingkod sa Misa.  Kaya sinabi niya, “Gabriel, gawin mo ang anuman na aking gagawin, ayos ba?”

Si Gabriel ay masunuring bata, at napaka-literal.  Nang magsimula ang Misa, ang pari ay humalik sa altar, ang bata ay humalik din.  Sa homilya, lahat ay nakangiti at hindi pinapansin ang pari pagkat sila’y nabighani ng nakatutuwang batang altar na puspusang ginagaya ang bawa’t kilos ng pari.

Pagkapos ng Misa, ang pari ay tinawag ang munting batang si Gabriel sa kanyang tabi at sinabi ang dapat at hindi dapat niyang gawin habang Misa.  Nilinaw niya na ang paghalik sa altar ay isang tanda na nakalaan sa pari;. “Ang altar ay isinasagisag si Kristo, at ang pari, habang ipinagdiriwang ang sakramento, ay kalakip sa Kanya sa isang nabubukod na paraan.”

Bagama’t si Gabriel ay masunurin, siya rin ay tahasan, kaya hindi siya nag-alinlangang sabihing, “Ngunit nais ko rin itong halikan.”  Ang mga karagdagang paliwanag ay hindi nabawasan ang  pagnanais ng bata na halikan ang altar, kaya ang pari ay nakapag-isip ng matalinong panlutas na sinasabihan ang bata na hahalikan niya ang altar “para sa kanilang dalawa”.  Ang bata ay tilang lumilitaw na sang-ayon sa panlutas kahit lamang sa yaong tagpo.

Nang simulan ng pari ang Misa sa sumunod na Linggo, pinagmasdan niya kung ano ang gagawin ni Gabriel, hindi humalik ang bata sa altar; sa halip, idiniin niya ang kanyang pisngi sa altar at nanatili doon na may malapad na ngiti sa mukha niya hanggang pinagsabihan siya ng pari na huminto.

Pagkatapos ng Misa, sinuri ng pastor ang mga bilin kasama ang bata, pinaalalahanan siya na hindi dapat humalik sa altar at ginagawa ito ng pari “para sa kanilang dalawa”.  Ngunit ang bata ay dagliang hindi sumang-ayon, sinasabing, “Hindi ko ito hinalikan; ito’y hinalikan ako!”  Sa pagkabigla ng pari, sinabi niya, “Gabriel, tigilan mo ang pagbibiro sa akin.”  Ngunit ang bata ay hindi umurong.  “Ito’y totoo!” sinabi niya, “Ako ay pinupog Niya ng mga halik!”

Itong pangyayari, na ibinahagi ni Padre Jose Rodrigo Cepeda, sa panlipunang midya ay naglalahad ng isang tagpo mula sa kanyang mga maaagang taon sa parokya ng Santuwaryo ng Santa Orosia sa Espanya.  Ang munting bata na si Gabriel ay tinuturuan tayo ng kahalagahan na ipaubaya muna ang ating mga sarili kay Jesus, at ng tuwina’y manatiling malapit, sa mabubuting panahon at masasama.  Nahalikan ka na ba Niya ngayong araw?

'

By: Shalom Tidings

More
Dec 04, 2021
Makatagpo Dec 04, 2021

Ano ang magyayari kapag ang pastor na Protestante ay nakatatagpo ng kayamanan sa Simbahang Katolika? 

Ang pagiging isang Katoliko ay hindi madali para sa akin.  Tulad ng mga nagbagong-anib, ako ay may bahagi ng mga maling akala at mga sagabal.  Ang aking pinakamalaking sagabal ay dahil ang aking pananalig/simbahang- tanawan ay ang linya ng tungkulin ko din.   Noong dalawampung-taong gulang, pinasukan ko ang buong-panahong ministeryo bilang Pangkabataang Pastor. Sa tanang dalawampu’t-dalawang taon ng tungkulin ko sa ministeryo, naganap ko na ang maraming papel—Nakatataas na Pastor, Gurong Pastor, Sambahan na Pinuno, Tagapag-ugnay ng mga Misyon at iba pa.

Ang aking pananalig ay ang aking buhay, at ang palagay na lisanin ang lahat upang maging Katoliko ay isang bagay na pinagtuggalian ko.  Ni-kailan ay naisip kong ito’y mangyayari.  Walang Katoliko sa aking pamilya.  Habang lumalaki bilang isang anak ng Metodistang Pastor, ang paniniwalat ko lamang sa pananalig na Katolika ay nagmula sa mga taong kinamumuhian ang pananalig na Katolika.  Noong nakilala ko ang aking asawa, tinanong ko siya kung sumisimba siya.  Tumugon siya, “Ako ay Katoliko ngunit hindi ako nagsisimba,” kaya dinala ko siya sa aking simbahan at ito’y naibigan niya!  Kami ay ikinasal sa simbahan ng mga Nagkakaisang Metodista na kung saan ako nagtatrabaho, at kailanma’y hindi na kami tumanaw nang pabalik.  Hanggang…

Nang Di-namamalayan

     Tulad ng mga ibang lubusan na nagbagong-anib, ang una kong karanasan na may kasamang Katoliko na isinabubuhay ang kanyang pananalig na Katolika ay nagpatunay bilang isang nakapagbabagong-buhay.  Ang ngalan niya ay Devin Schadt.  Siya’y isang grapikong dibuhante.  Inupahan ko siya na gumawa ng logo para sa aming pangkabataang ministeryo at ito’y humantong sa mga nakawiwiling usapán tungkol sa pananalig, simbahan at kinahulihan ay ang kanyang pananampalatayang Katolika. Ang unang palagay ko sa kanya ay mahal niya si Jesus at siya’y may matunog na pananampalataya.  Ito’y tilang napakaiba sa akin, dahil nang umupo ako sa loob ng kanyang silid-kainan, ako’y naintriga sa mga imahen, mga pintadong larawan at ibang mga mala-Katolikang bagay na mayroon siya sa kanyang bahay.  Sinong gumagawa niyan?  Kinakailangan kong idiin siya dito.  Wala pa akong narinig na Katoliko na nagsasalita sa  paraang ginagawa ni Devin.  Naakala ko lamang na hindi pa niya nababasa ang Bibliya nang sapat upang makita niya na ang kanyang pananalig na Katolika ay sinasalungat ang [banal na] kasulatan.  Hinahanda ko ang aking nalalaman sa pakana na ibahagi ang ilang mga bersikulo sa kanya at ipaliwanag ang Ebanghelyo.  Ako’y tiyak na pagkaraan ng mga iilang minuto, siya’y  nakahanda nang maging “tunay” na Kristiyano, dasalin ang orasyon para sa makasalan, at maging Protestante na tulad ko.  Tinanong ko siya, “Devin, kailan ka nasagip?”  Nais kong makita kung paano sasagutin ng isang Katoliko ang tanong na Ito.  Ako ay hindi nag-akala ng labis.  Ako’y mali.

Hindi lamang na may sagot si Devin sa yaong tanong, ngunit siya’y may mga sariling tanong para sa akin.  Mga tanong na hindi ako nakahanda.  Halimbawa, “Keith, saan nagmula ang iyong Bibliya?” “Bakit maraming mga sekta na Protestante?” “Paano natin malalaman nang katumpakan kung sino ang nagtuturo ng katotohanan ng Kristiyanismo kung mayroong napakaraming pagkakaiba-iba sa mga sektang Protestante?”  At napakarami pa!

Ako’y hindi pa nakarinig ng mga ganitong isipin noong dati.  Ngunit bagama’t ako’y naintriga,  hindi ko maisaklob ang isip ko sa paligid ng posibilidad na ang Simbahang Katolika ay maaaring ang isang totoong Simbahan na itinaguyod ni Kristo.  Kahit na ang isipín na mayroong isang totoong Simbahan na itinaguyod ni Kristo ay isang bagong isipín sa akin.  Ako’y palagi nang naniwala na ang mahalaga ay ang pananampalataya at paniniwala ng tao sa mga kasulatan, hindi sa anumang kaugnayan sa isang institusyon.  Tinutulungan ako ni Devin na makita na ang Bibliya mismo ay pinakikita na hindi lamang itinatag ni Jesus ang Simbahan, at na ito’y tuluyang umiiral ngayong araw sa pamamaraan ng karapatan ng mga apostol nang ipinagkatiwala nila ang pananampalataya.  Gayunpaman, ito ay isang bagay na para sa akin ay hindi madaling tanggapin.

Nang Tinawag Ako ng Diyos

Si Devin at ako’y patuloy na magkakaroon ng maraming mga  pag-uusap sa susunod na mga nakaraang taon.  Kami ay pumupunta sa mga pamamakay sa Roma at Medjugorje na magkasama.  Kami ay magtatalo nang masigasig.  Sa mga panahong ito, ang aking ministeryo at mag-anak ay lumalaki.  Naibigan ko ang aking papel sa simbahan.  Ang Diyos ay umiiral at ang mga bagay ay kahanga-hanga.  Bagama’t maraming mga bagay na naipakita si Devin sa akin na napagduda ang aking pag-iisip na Protestante, napakatakot pa rin akong paunlakan nang taimtiman ang palagay ng pagbabagong-pananalig.  Gayunpaman, mayroong isang nabubukod na gabi nang ang Diyos ay tinawag ako.

Ako ay nasa toldahang simbahan at isa sa mga kaibigan ko ay pinamumunuhan ang mga kabataan sa paglilingkod ng komunyon.  Ito’y pangkaraniwan para sa akin, ngunit habang ginagampanan niya ang paglilingkod at itinaas ang tinapay at katas at winikang, “ito ay isinasagisag si Jesus,” alam ko na hindi ito ang sinabi ni Jesus, at alam ko rin na hindi ito ang pinaniniwalaan ng Simbahang Kristiyano sa mahigit na nakaraang isang-libo’t-limang-daang taon.  Ito’y waring tinatawag ako ng Diyos na “umuwi ka at marami pa akong ipakikita sa iyo…”  Ako’y nanlumo at nilisan ko ang silid.  Tinawagan ko si Devin at ipinagtapat na ang pakiramdam ko’y  tinatawag ako na maging Katoliko.  Ako’y kinilabutan na baka lamang ipamukha niya sa akin na siya’y tama (sa dahilang ito lamang ang dapat kong ginawa), ngunit hindi.  Sinabi niya lamang na naroroon siya upang makatulong.

Ninanais kong Ito ang bahagi ng aking kathâ na ako’y nagbagong-anib, ngunit ito’y hindi.  Ako’y napakatakot.  Umurong ako pagkat hindi ko maarok na ito’y maaaring mangyari.  Ano ang gagawin ko bilang hanap-buhay?  Anong iisipin ng aking pamilya?  Paano ko ito maipaliliwanag?  Lahat ng mga tanong na Ito ay nalupig ang pag-aakay na aking nadama at inilagay ko itong buong bagay na Katolika sa aking likod nang maraming taon.  Ito’y isa sa mga pinakamalaking panghihinayang ng buhay ko.

Mahigit na sampung-taon ang nakalipas, sa huli’y ang tawag ng Diyos na umuwi ay magiging isang bagay na hindi ko na maipagsasawalang-kibo.  Dalawang taon na akong naging “Pastor sa mga Kabataan at Misyon” nang ang isang mabait kong kaibigang nagngangalang Greg ay inanyayahan ang aking asawa at ako na dumalo ng pagtatabing ng “Apparition Hill.” Ang pelikulang ito ay tungkol sa tunay na naganap nang sinubaybayan ang pitong mga taong hindi kilala sa pamamakay nila sa Medjugorje.  May katagalan rin na hindi ko na naisip yaong lakbayan, ngunit nang tumawag si Greg naisip kong mas maigi nang pumunta, sapagkat siya ang pinaka-unang nagdala sa akin sa yaong lakbayan noong mga nakalipas na taon.  Ang pelikula ay nakapagbalik ng maraming mga bagay sa aking isip at nasanhi akong magdanak ng mga luha nang maka-ilang ulit.  Itong palabas ay maliwanag na ginamit ng ating Pinagpalang Ina upang maabot niya ako.

Pinakamasahol na bahagi

     Ako’y nasa kalakasan na ng sigwa sa aking simbahan.  Bagama’t ang lokal na simbahan ko ay matindi, ang aming sekta ay may kaguluhan.  Naging maliwanag na sa akin na kapag walang makapangyarihang tinig na makapagpapaliwanag lamang ng Mga Kasulatan, kahit pati ang kasaysayan, ang saligutgot at paghihiwalay ay tiyak na mangyayari.  Para sa mga Nagkakaisang Metodista, ang mga suliraning pang-kultura ng araw na pinalilibutan ang Matrimonya at Kasulatan ay binubuwag ang minsang naging matatag na sekta.  Natagpuan ko ang aking sarili na nakikipagsalungatan sa maraming mga taong nais na ang simbahan ay nag-iiba ayon sa takbo ng mga panahon.  Waring binabale-wala nila na ang mga kasulatan ay maliwanag na itinakda ang mga bagay tulad ng kasal at sekswalidad ng tao.  “Yaan ay isang pagpapakahulugan lamang”.  “Ang simbahan ay may hindi wastong pagpapalagay sa tanang mga taon at ito’y ating itutuwid”.  “Ang Diyos ay hindi nasusuklam, ang tao’y nagmamahal ng bawat-isa at hindi mo mahuhusgahan ang sinuman”.  Ito ay mga ilan lamang sa mga pahayag na aking ipinakikipagbuno nang lahat ng panahon habang nalalaman kong wala akong lakas na tumindig kapag walang panlabasang bigay-ng-Diyos na kapangyarihan na kung maaaring may makapagsasabi sa akin.  Noong isa sa mga pakikipag-usap ko sa isang napakaliberal na kaibigang pastora, sinabi niya sa akin, “Keith, kung pinaniniwalaan mo ang lahat ng mga Katolikang bagay na yaan, bakit hindi ka Katoliko?” Dakilang tanong!

Nasimulan ko nang muli na buksan yaong kuru-kuro.  Tila na kapag lalong naiisip ko ang bawat bagay na pinagtaltalan ni Devin at ako, lalo itong nagkaroon ng tumpak na kahulugan.  Ako ay nasa ibang dako.  Natutunan ko na na ang hindi nakikinig sa Diyos ay ang pinakamasamang bagay na magagawa mo.  Ako’y marami pa ring pagtututol.  Marami pa ring mga suliranin, ngunit nasimulan ko nang madama ang isang bagong kahulugan ng pagtawag at ang bagong pag-iral sa aking buhay.  Ako’y natagalan na ituro ang aking daliri dito, ngunit ang lahat ay naging maliwanag sa akin habang ako’y naghahanda upang magbigay ng pangaral ukol sa Pagpapahayag.  (Noon ay panahon ng Abiento—kaya maaari naming pag-usapan ang hinggil kay Maria.)  Habang ginagawa ko ang mensahe nito sa aking opisina, ako’y nagapi ng damdamin. Habang lalo kong naiisip si Maria, lalo kong nababatid na hindi lamang kung gaano siya kahanga-hanga, ngunit kung paano siya naging patuloy na nakaugnay sa Espiritu Santo. Nadama ko ang kanyang piling. Nang ibinigay ko ang pangaral, nadadama ang Espiritu Santo na kumukilos.  Nagsalita ako tungkol sa paano si Maria ay ang naging “Bagong Eva” at ang “Bagong Kaban ng Tipanan.”  Nagsalita ako tungkol sa paanong maaari na kahanga-hanga siya sa anghel na si Gabriel na batiin siya nang “Aba, napupuno ka ng grasya”.  Ang mga tao’y sadyang naintriga sa pamamagitan nito.

Pagkaraan ay isang lalaki ang pumunta sa harapan na luhain, nagsasabi na hindi pa siya nakarinig ng katulad nito noon.  Napakarami pa akong masasabi na tungkol dito, ngunit ang kailaliman ng linya ay:  Ang aking mga doktrinadong pagtututol ay nalutas hindi sa pamamagitan ng pagtatalo, ngunit ng Pinagpalang Ina, binibihag niya ang aking puso.  Gayunpaman, ako’y may pag-aalala pa rin kung papaano ang magiging anyo ng aking buhay kapag ako’y nagbagong-pananalig.  Ang aking ama ay nasabihan na ako ng minsan, “Keith hindi mo maiiwanan ang iyong tungkulin nang ganyan lamang at maging Katoliko, kinakailangang mayroong paraan.”  Ibig sabihin niya’y kailangan kong malaman kung papaano ko mapapakain ang aking mag-anak.  Ano ang aking gagawin bilang hanap-buhay?  Paano ang aking ministeryo?

Isang Hakbang ng Pananalig

Ang mga sagot sa mga tanong na ito ay hindi maisisiwalat sa akin nang kaagad, ngunit isang gabi, nang ako’y nagdasal sa harapan ng krusipiho, sinabi ko kay Jesus, “Panginoon, ako’y handang maging Katoliko, ngunit kinakailangan ko ikaw na gumawa ng daan.”  Na may labis na kaliwanagan na noon ko lamang natamo mula sa Diyos, si Jesus ay nagsalita sa akin mula sa krusipiho, “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay.  Hindi mo ako kailangang gumawa ng daan, kailangan mo lamang AKO.  Alam ko ang kahulugan nito.  Katatanggap ko lamang ng aking pagbasbas habang nasa Misa (sapagkat hindi ako makatanggap ng Yukaristiya).  Ipinakikita ni Jesus sa akin na hindi Siya lamang tunay na naroroon sa Yukaristiya ngunit mandi’y ang pangunahing kinakailangan ko ay hindi para sa Diyos na gawin ang mga bagay na madali o ganap na malantad, ngunit manapa’y gumawa ng hakbang ng pananalig na kailan man ay hindi ko pa nagawa.  Ipinakikita Niya sa akin na ang totoong kailangan ko ay hindi pagpipigil, o katiyakan.  Ang aking kinailangan ay Siya.

Napagtatanto ko na kahit na mawala ko ang lahat dito sa mundo, ngunit nakamit ko si Jesus, ako ay nagwagi na!  Ako’y dapat na  makarating sa dako na kung saan ay hindi ko na kinakailangan ang lahat na matupad nang ganap, upang mapasalampatya. Dapat kong isaalang-alang ang lahat na ito para kay Jesus.  Nang nakayanan kong gawin ang hakbang na ito, lahat ay naging malinaw.  Wala nang lingunang pabalik.  Sinabi ni Jesus, “Ang Kaharian ng Langit ay tulad ng kayamanang nakatago sa bukid, na nakita ng tao at ibinaon; pagkatapos ay sa kanyang ligaya, siya’y humayo at ipinagbili niyang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang yaong bukid.” (Mateo 13:44)

Sa lahat nitong mga nakalipas na taon, sa katapusan ay handa na akong bilhin ang bukid. Ako’y masaya sa aking ginawa.  Simula nang aking pagiging Katoliko, ang mga bagay ay hindi nagiging madali.  Nawalan ako ng mga kaibigan, salapi, katiwasayan, katatagan, at marami pa.  Ngunit kung ano ang aking nakamit ay mas mahalaga sa kung ano ang aking hiningi.  Ang mga biyaya na aking natanggap ay hindi maihahambing sa kung ano ang aking isinakripisyo. Ang Diyos ay nananatiling tapat sa Kanyang salita.  Alam ko na anuman ang mangyari sa buhay na Ito, hindi ko lilisanin ang Simbahan.

Kapag sinusundan mo ang tawag ng Diyos, hindi nangangahulugan na ang buhay ay magiging madali, ngunit ito’y magiging mas makahulugan. Ako’y lubos na nagpapasalamat sa grasya na naibigay Niya sa akin, at maari ko lamang mapanagimpan, hanggang saan ako maaakay nitong paglalakbay mula rito.

'

By: Keith Nester

More
Dec 04, 2021
Makatagpo Dec 04, 2021

   “Ang mga katanungan ay umikot sa aking isip, at mahirap makipag-usap sa aking ina. Ngunit isang nakagugulat na rebelasyon ang nagpabago sa aking buhay magpakailanman.” Ibinahagi ni Chi (Su) Doan ang mga kamangha-manghang sandali …

 

Ang aking buhay ay nagsimula sa Vietnam sa isang mapagmahal na pamilya na nagtakda ng napakataas na pamantayan. Bagaman hindi kami mga Katoliko, pinadala nila ako upang matuto ng piano mula sa mga Madre sa lokal na kumbento. Naintriga ako sa kanilang pananampalataya at kahulugan ng kanilang layunin na sa palagay ko ay kulang sa aking sariling buhay. Isang araw, naglakad-lakad ako sa simbahan at nagkaroon ng magandang karanasan kasama si Jesucristo at ang Diyos Ama na nagpabago sa aking buhay magpakailanman, ngunit hindi ko natuklasan si Inang Maria hanggang sa kalaunan.

Paggawa ng Malalaking Bagay

Nagsimula ang lahat noong ako ay mga 13. Sa edad na iyon, lahat ay tila nakikibaka nang kaunti, sinusubukang alamin kung ano ang gagawin sa kanilang buhay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Pagtingin ko sa aking kapatid na lalaki at aking mga pinsan na naging matagumpay na sa buhay, naramdaman ko ang matinding  presyon na tularan ang kanilang mga nagawa. Nahirapan akong kausapin ang aking mga magulang tungkol dito. Iniisip ng mga tinedyer na makakagawa sila ng malalaking bagay nang walang sagabal mula sa mga may sapat na gulang tulad ng mga magulang at guro at naramdaman kong sobrang kinakabahan akong ilabas ang mga katanungang umiikot sa aking isip.

Gayunpaman, ang mabait, at malumanay na Madre na nagturo sa akin ng piano ay naiiba. Marahan niyang tinanong ang aking espiritwal na buhay, nakikinig syang may interes na nagsisimba ako at madalas na manalangin, komportable akong buksan sa kanya ang tungkol sa aking mga pakikibaka. Sinabi ko sa kanya kung paano ako nagtataka kung mayroong anumang salungatan sa pagitan ng pagiging mapanalangin at pagkakaroon ng isang matagumpay na karera bilang isang doktor, guro o negosyante. Puno ako ng pag-aalinlangan at nakaramdam ng pagkawala, ngunit puno siya ng maaliwalas na pananalig. Pinayuhan niya ako kung gaano kahalaga ang isang ina sa paggabay sa kanilang mga anak dahil inalagaan nila sila ng sobra at naobserbahan sila mula sa kanilang mga unang araw.

Sinabi ko, “Mahirap talagang kausapin ang aking ina tungkol dito sapagkat sa palagay ko nasa sapat na akong gulang upang magawa ko ang lahat nang wala siyang tulong.” Tiniyak niya sa akin na okay lang, dahil kung nahihirapan akong kausapin ang aking Ina, mayroon akong ibang ina na makakausap ko.

Ang Sorpresa

Medyo naguluhan ako sapagkat iyon ay isang bagong konsepto sa akin, dahil lumaki ako sa isang pamilya na walang relihiyon. “Anong ibig mong sabihin?” Nagtatakang tanong ko. Inihayag niya ang kamangha-manghang balita na dahil si Maria ang nanganak kay Jesucristo na ating Panginoon, siya rin ang ating ina. Sinabi sa atin ni Hesus na maaari tayong tumawag sa Kanyang Ama, ang ating Ama, samakatuwid maaari natin Siyang tawaging, Kapatid at ang Kanyang ina ay ating ina. Sa ating nabasa sa Bibliya, ipinagkatiwala Niya si San Juan at tayong lahat sa Kanyang Pinagpalang Ina nang Siya ay mapako sa Krus.

Ito ay isang ganap na bago at kakatwang ideya sa akin at nahirapan akong papaniwalain ang aking isip. Nagpatuloy siya, “Isipin mo lang ito ng ganito. Kapag umedad ka ng kaunti pa, malalaman mo na ang isang ina sa iyong buhay ay talagang mahalaga. Anumang mga problema na mayroon ka, tatakbo ka sa kanya para sa payo at ginhawa upang matulungan kang harapin ang mga ito. Siya ay isa pang ina na tumutulong sa iyo na gawin ang eksaktong bagay. Kaya, kung sa palagay mo ay mahirap ang pakikipag-usap sa iyong mga magulang, sa yugtong ito ng iyong buhay, maaari kang lumapit kay Inang Maria at kausapin siya upang makahanap ka ng kapayapaan. ”

Tila isang magandang ideya na karapat dapat na subukan, ngunit hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Sinabi sa akin ni Sister na maaari ko lamang ipikit ang aking mga mata at ipagtapat sa kanya ang lahat ng aking mga pakikibaka, mga paghihirap at pagdurusa. Maaari kong sabihin sa kanya kung anuman ang kailangan kong tulong at hilingin sa kanya na ipagkaloob sa akin ang kaunting ginhawa at kaunting pangangalaga. Ang pakikipag-usap pa lamang sa kanya ay makakatulong na upang maisip ko nang malinaw ang aking kinabukasan. Hindi ako sigurado kung totoo nga ang lahat, ngunit walang masamang subukan.

Kaya, nang magkaroon ako ng libreng oras, naupo ako ng tahimik, pumikit at nagdududa na sinabi sa kanya, “Okay, kung ikaw talaga ang aking ina, maaari mo ba akong tulungan dito. Sinusubukan kong alamin kung ano ang dapat kong gawin sa aking buhay dahil nais kong gumawa ng mga magagaling na bagay kapag lumaki na ako. Nararamdaman ko ang labis na bigat sa pag-aaral, ngunit sinusubukan kong ilagay ang aking sarili sa tamang landas, upang pagdating ng panahon ay wala akong pagsisihan. Mangyaring aluin ako at tulungan akong magkaroon ng tiwala sa aking sarili upang malaman ang tamang bagay na dapat kong gawin sa aking buhay. Tuwing gabi, patuloy ko lang sinasabi ang parehong bagay. Kapag ako ay nahihirapan sa aking pag-aaral, sinasabi ko, “Kung ang paksang ito ay hindi inilaan para sa akin at hindi ko dapat na ipagpatuloy, nakikiusap akong ipaalam lamang sa akin.” Sa tuwing sinasabi ko iyon, ang lahat ay tila gumagaan nang kaunti. Kahit papaano mayroon na akong nakakausap tungkol sa aking mga pakikibaka at paghihirap ngayon.

Pag-unawa Nito

Masyado akong naintriga, nang ikinuwento ni Sister ang tungkol sa Lourdes ng Vietnam, di-nagtagal ay bumisita ako. Nakita ko roon ang isang magandang estatwa ni Inang Maria, nasa itaas ng burol. Habang nakatingin ako sa kanya, naramdaman kong inaalagaan — at ginagabayan niya ako sa landas na para sa akin.

Nang umupo ako upang manalangin, saglit akong nakaramdam na hindi akma na. Inilalagay ko ba talaga ang aking sarili sa presensya ng isang tunay na aking ina, kahit na inabot ako ng 13 taon para malaman na siya ay naroroon? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa umpisa. Pagkatapos ay sinimulan kong ibulong ang aking magugulong  mga saloobin tungkol sa kung bakit ako naririto, kung bakit ito ay tumagal ng labis at pati ang aking pasasalamat sa pagkakaroon ng pagkakataong ito. Sinimulan kong sabihin sa kanya kung paanong pagkawala ang naramdaman ko. Sa palagay ko naliligaw ang lahat sa edad na ito kaya umaasa akong walang mali sa akin. Sinabi ko sa kanya na hindi ko talaga alam ang gagawin sa buhay ko. Hindi ko alam kung dapat kong pigain ang aking sarili na makakuha ng puro A’s sa paaralan o ibaba ang aking mga paningin sa isang bagay na mas makatwiran at alamin kung ano ang dapat gawin simula doon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko talaga. Hindi ko alam kung paano pangasiwaan ang aking pag-aaral o ang aking buhay o kung paano maging isang matagumpay sa aking paglaki.

Nagtapat ako kung gaano ang paghihirap ko sa lahat ng ito. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin dahil ayaw kong makipag-usap sa mga taong huhusgahan ako at ayokong makipag-usap sa mga taong aakalaing mahina ako. Ang aking mga mata ay puno ng luha habang ibinubunyag ko ang aking kaluluwa at inilalagay ang lahat sa kanyang mga kamay at umaasa na bibigyan niya ako ng ilang payo sa dapat na gagawin.

Kalaunan ay nasabi ko na lang, “Sige, ibinibigay ko ang lahat ng tiwala ko sa iyo. Nakikiusap akong ipanalangin ako sa Diyos at patnubayan ako sa aking buhay sapagkat hindi ko talaga alam kung sino ang dapat kong pagtiwalaan pa. Pakiusap bigyan mo ako ng lakas ng loob na kausapin ang aking mga magulang tungkol sa aking pinagdadaanan, upang sila ay mag-alok sa akin ng ilang payo at tulong? ”

Mga isang beses o dalawang beses sa isang buwan, bumabalik ako upang makita siya at makausap. Sa pagdaan ng panahon, naramdaman kong mas matapang na ako at nalalampasan ko ang aking mga problema sa pagsasabi ko sa aking Ina tungkol sa kung ano ang gusto kong maging paglaki ko at kung anong mga pagpipilian ang gusto ko. Hindi ko na nararamdaman na nawawala ako at hindi na ako nahihirapan na kausapin ang aking mga magulang at aking mga guro tungkol sa kung paano pumili ng mga paaralan, paksa, karera at unibersidad, o iba pang mga problema.

Mahinahong Pinagsabihan

Kakaiba sa umpisa dahil hindi ko alam na mayroon akong dalawang ina sa buhay ko. Sino ang mag-iisip nito kung hindi ka ipinanganak sa isang pamilyang Katoliko? Noong ako ay halos 16 taong gulang, nagsimula akong makipag-usap sa aking Ina tungkol sa karanasan na mayroon ako kay Inang Maria at nakakagulat na sumang-ayon sa akin ang aking ina na totoo ito. Naniniwala rin siya na si Maria ay isang ina na nag-aalaga ng kanyang mga anak. Pinatunayan niya na si Maria ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na kausapin siya tungkol sa aking mga pakikibaka, upang magkaroon siya ng pagkakataong tulungan ako.

Ito ay isang talagang kamangha-manghang karanasan. Kinausap ko lamang si Maria at sinubukang makinig sa kanyang tinig. Hindi ko narinig na nagsalita siya sa akin tulad ni St Bernadette, ngunit kung minsan kapag natutulog ako o nangangarap sa araw, nararamdaman kong naroroon siya na sinasabi sa akin na huminahon lang ng kaunti. Tila narinig ko na pinagsasabihan niya ako ng marahan, “Kailangan mo lang magdahan-dahan.”

Sa yugto ng aking pagbibinata, nais kong gawin ang lahat nang mabilisan at mag-isa para sa aking sarili. Ni hindi ko nais na ibahagi ang aking damdamin sa aking mga magulang dahil ayokong sabihin nila sa akin ang dapat kong gawin.

Kaya, napakalaking tulong nang maisip ko ang sinabi sa akin ni Nanay Maria na, “Magdahan-dahan ka lang ng kaunti. Alam ko na nais mong makamit ang tagumpay nang mabilis, ngunit hindi ito mangyayari. Magtiwala ka lang sa akin at sa bandang huli ay mangyayari ito. ” Talagang totoo iyon!

Makalipas ang dalawang taon, nagpasya ang aking pamilya na ipadala ako sa Australia. Sa wakas nabinyagan ako at natanggap sa Simbahang Katoliko sa St. Margaret Mary’s Church, Croydon Park kung saan masaya pa rin akong dumadalo sa Misa. Kapag nahihirapan ako, lumalapit ako sa kanya sa pamamagitan ng pananalangin at humihiling sa kanya na ipagdasal ako sa ating Diyos Ama. Pakiramdam ko ay nakikinig siya sa akin at tumutugon sa aking mga panalangin sa kamangha-manghang pamamaraan.

Kahit na ngayon na nasa 20’s na ako, at nakatira nang mag-isa malayo sa aking mga magulang sa nasa ibang bansa, hinihiling ko pa rin minsan kay Inang Maria na magkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin sila tungkol sa aking mga problema at makapagsabi din sa iba. Nagpapasalamat ako sa kanyang pagmamahal, at pag-aalaga tulad ng isang ina. Nakikinig siya sa akin at tumutugon sa aking mga panalangin sa nakakagulat na mga paraan.

'

By: CHI (SU) DOAN

More
Dec 04, 2021
Makatagpo Dec 04, 2021

Nang aking napagtanto na katulad ang ginawa ko sa aking anak na lalaki na ginawa ng ina ko sa akin…

“Ikaw ay tulad ng babaeng taga Samarya,” ang wika ng aking ispiritwal na patnugot habang dinarasalan niya ako.

Pinanginigan ako ng kanyang mga salita.

“Ako’y tulad ng babaeng taga Samarya?”

Siya’y tumango.

Ang mga salita niya’y nakatuturok ngunit ang kanyang maalam na mga kayumangging mata ay puno ng habag.  Siya’y hindi karaniwang pari.  May bilang na mga taong nakikipagkita ako sa kanya at nagkaroon na ako ng pambihirang mga karanasan ng Diyos sa pamamagitan niya.  Bawat panahon na ako’y nakipagkita sa kanya, ang silid-hintayan sa labas ng opisina niya ay malimit na puno ng mga tao mula sa iba’t-ibang lupalop ng mundo, na nakadinig tungkol sa kanya, na naghihintay na makita siya upang mabigyan ng panlunas o lakas ng loob.  Itong tahimik at banal na lalaki ay naging pamamaraan na ng Diyos sa maraming taon, at nakapagdala na ako ng di-mabilang sa daming mga tao upang makita siya.

Sa daang pauwi, ako’y nakipaghamok sa kanyang paghahambing.  Ang babaeng taga Samarya?  Hindi ako nagkaroon ng limang asawa, at ang lalaking kasama ko ay sarili kong asawa.  At dumaan sa isip ko na maaaring tulad ako ng babaeng taga Samarya dahil matapos ng pagtatagpo niya kay Kristo, siya’y humangos patungong bayan upang sabihin sa bawat-isa na nakita na niya ang Mesiyas.  Maaaring yaon ang kanyang ibig sabihin.

Babahagya lamang na nalaman ko na ang kanyang paghahambing ay magiging makahula.

Pagghihiganti

Sa mga nakaraang taon, ang mga di-pagkakasundo at mga suliranin sa tahanan ay dumami at humantong ako sa terapyutika.  Para sa lahat ng kaalaman ko sa pananampalatayang Katolika, ako ay may napakaliit na pagbabatid sa sarili.  Ako’y naniniwalang banal dahil ako’y isang tapat na  Katoliko na isinasagawa ang buhay-sakramento at mapagbigay ng aking panahon at pag-asikaso.  Ngunit sa sunud-sunod na mga Kumpisal, patuloy akong umaamin na pinagtatapat nang paulit-ulit ang parehong mga sala.  Karamihan sa panahon ng Kumpisal ko ay nakatuon sa mga kasalanan ng mga pinakamalapit sa akin at kung paano sila dapat magbago.  Kahit habang ako’y nakikinig ng mga sermon sa Misa, iniisip ko ang mga taong wala sa kasalukuyan, ngunit kinakailangan kong dinggin ang nadidinig ko.  Ako’y tiyak na ako’y makatwiran, at ang Diyos ay nasa panig ko…

Ang terapyutika ay simula ng paglakbay ng personal na paglalahad.  Ako’y nakatira sa isang Bahay ng Kahihiyan sa halip na sa isang Bahay ng Biyaya at nasaktan ko na ang mga taong pinakamalapit sa akin at nasira ko na ang aming mga relasyon.  Bawat araw ay nagdala ng mga pagkakataon para sa pagbabago, ngunit ito’y hindi madali.

“Maaari mo bang bantayan ang iyong babaeng kapatid para sa akin sa loob ng isa o dalawang oras?  Ako’y may kinakailangang sadyain,” tinanong ko ang aking lalaking anak na kauuwi lamang mula sa mataas na paaralan at patungong paakyat ng hagdan.  Sa masagwang tinig ay sumagot siya, “Hindi.”

Hindi Ito ang aking inaasahan, at ako’y galit.  Nais kong ilagay siya sa tamang lugar at patagin ang mga paratang tulad ng, “Ang tapang ng loob mong magsalita sa ‘kin ng ganyan!  Ikaw ay isang walang galang at walang utang na loob na bata.  Buong katapusan ng linggong wala ka rito at kasama ang mga kaibigan mo, at hindi ka man lamang makaupo kasama ng iyong babaeng kapatid sa loob ng isang oras o dalawa?  Ang damot mo naman!”

Ang labanan kasama ng aking kaakuhan ay puspusan na.  Tulungan mo ako Jesus, ang aking dinalangin.  Nagunita ko ang isa sa mga unang pagpupulong ng aking terapyutika.  “Huwag pansinin ang iyong mga unang inklinasyon.”

Ako’y sandaling huminga at inilipat ko ang tampulan ko palayo sa akin at patungo sa anak kong lalaki.  Nakikita ko na ang kanyang sagot ay hindi pantay sa aking pakiusap.  Siya’y galit.  Mayroong higit pa sa likod ng kanyang napopoot na pagtanggi, at nais kong malaman kung ano ito.

“Ikaw ay talagang galit.  Hindi ka kadalasan na ganito.  Anong nangyayari,” tinanong ko nang matapat.

“Palaging ako.  Ni- kailanma’y tinanong mo ang mga kapatid kong lalaki,” tumugon siya nang bigla.

Ang tinig sa aking ulo ay gumanti, ‘Siya’y mali!  Ang kanyang mga kapatid ay binabantayan ang bunsong kapatid nila tuwing wala siya.  Pinararatangan ka niya na hindi makatarungan, ito’y hindi totoo.’

Jesus, tulungan Mo akong ipadyak ang aking pagiging mapagmataas at ang aking kaakuhan.

Namula ang aking mga pisngi.  Nadama kong ako’y nalantad at napahiya.

Nais ko bang maging tama, o nais kong maunawaan siya at makipag-ugnay sa kanya?  Tinanong ko ang aking sarili. Sa kailalimlaliman nito alam kong tama siya. Siya ang laging sinabihan ko dahil naniwala akong siya ang pinakaresponsable.

“Tama ka, ikaw ang laging sinasabihan ko,” inamin ko.

Ang kanyang mukha ay lumamlam.

“Para sa akin, ito’y hindi makatwiran.”  Ang tinig niya’y gumaralgal at ang damdamin niya’y tumindi.

“Iniwan Mo ako upang mag-aruga sa kanya noong siya’y malinggit na sanggol, ako’y tarantang-taranta sa buong panahong wala ka dahil hindi ko nadamang kaya kong gawin iyon.”

Ang isipan ko’y bumalik sa isang gunita.  Ako’y napakabata at mag-isa kasama ang aking dalawang lalaking kapatid na sanggol. Nagunita ko ang takot na aking nadama.  Tumayo ako doon na patingalang nakatingin sa kanya habang gulát sa pagkatanto na nagawa ko sa kanya ang parehong bagay na nagawa ng ina ko sa akin.

“Sabihin mo sa akin ang tungkol dito,” bumulong ako ng malumanay.

Isinalaysay niya nang may karubduban ang kanyang nagunita.

Umipud-ipod ako ng mas malapit sa kanya.

“Yaan ay kakila-kilabot.  Hindi kita dapat inilagay sa ganyang katayuan.  Ang aking ina ay ginawa ang parehong bagay sa akin.  Inakala niyang ako ay mas may-kaya kaysa sa aking mga kapatid, at mabigat na kumiling siya sa akin, umaasa sa akin para sa mga bagay na hindi ko dapat pinanagutan.  Ito’y totoong idinaramdam ko,” inamin kong may pangiginig.

Dahil sa puno ng dalamhati at kalungkutan mula sa sugat na nasanhi ko sa kanya, nagpasya akong gumawa ng pagbabago.

Tunay  Na Mga Tagasamba

Ang paggugunita ko ng aking nadama bilang isang bata, at pagkikilala ng aking sariling poot at tampo sa aking ina at mga kapatid ay natulungan akong makita ang mga mapaglalang na paraan na kumiling sa kanya nang hindi makatwiran, at iniwasang mabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kapatid na lumaki sa katungkulan.  Higit na masama, sinimulan kong makita at matanggap na ang iba sa mga tungkulin na siya ang naatasan ko ay mga pasanin na nilayon para sa akin o sa aking asawa upang buhatin.

Gumawa ako ng sama-samang  pagsikap na ipagbahagi ang mga tungkulin na mas patas.

Ang aming ugnayan ay napabuti, at nang ang kagipitan sa mga tungkulin ay naibsan, makadama siya ng hindi lubhang tampo tungo sa kanyang mga kapatid.

Bagama’t ang mga salungatan ay nagpakita ng mga pagkakataon para sa pansariling kamalayan, ang mga napabuting ugnayan ay nadagdagan ang aking nais na malapirat ang aking kaakuhan, mapatay ang lumalagablab na tinig ng mga paratang sa aking ulo, at tanggapin at yumabong mula sa mga di-kasakdalan at mga pagkukulang ko.

Isang umaga nang matapos ang Misa ay nilapitan ako ng aking hipag.

“Nakahanap ako ng isang sipi mula pari, iniisip ko na ito ang buod ng ibig mong sabihin na ikaw ay natututong umalis sa Bahay ng Kahihiyan at lumipat sa Bahay ng Biyaya,” sinabi niya  habang may hinahanap  siya sa  telepono.

“Heto, nahanap ko,” ang sabi niya.

“Kapag ang kabuuhan ng kabanalan mo ay katumbas ng kabuuhan ng katotonan na matitiis ng sarili mo na hindi mo tinatakasan, Ito ay isang tanda ng taimtim na kabanalan.  Yaan ang kung paano nangyayari ang pagbabagong-anyo ng puso.  Ang Katotohanan lamang ang makapagbibigay-laya sa atin.  At pagkaraa’y tayo ay magiging tunay na tagasamba ng Panginoon.  Sasambahin natin ang Panginoon sa ispirito at katotohanan,” ang sabi niya.

“Oo! Yaan iyon!”  Aking ipinahayag.  “Sa maraming taon, inakala kong ang kinailangan ko lamang ay ang katotohanan ng Simbahan. Ngunit mayroong isa pang katotohanan na aking kailangan. Ito ay katotohanan na hindi ko madaling makita at maamin sa aking sarili.  Ito’y ang labanan sa looban ng aking puso at kaluluwa na manahan sa Bahay ng Biyaya sa halip na sa Bahay ng Kahihiyan.  At hindi ko ito magagawa na wala si Jesus.”

Pauwi sa tahanan, sinunggaban ko ang Bibliya at natagpuan ko ang mga tumpak na  salita sa katapusan ng salaysay tungkol sa babaeng taga Samarya.  Pangangatal ang dumanak sa aking gulugod.  Nang inilahad ni Jesus ang kanyang panariling katotohanan sa kanya, ito’y kanyang inamin sa halip na ipagkaila, binubuksan ang bunbon ng biyaya.  “Halikayo at tignan ang isang lalaki na nagsabi ng lahat ng mga bagay na ginawa ko.  Maaari kayang Ito ang Mesiyas?” (Juan 4:29)

Ang aking ispiritwal na patnugot ay tama.  Ako’y tulad ng babaeng taga Samarya.

'

By: Rosanne Pappas

More
Nov 19, 2021
Makatagpo Nov 19, 2021

Nagdarasal ako para sa isang himala at narinig ko ang banayad na tinig ni Maria, aking ina.

Isapuso Mo

Nag-iisa akong anak, minahal at itinangi ng aking mga magulang. Ang aking ama ay isang matapat na Katoliko ngunit ang aking ina ay kasapi ng Protestanteng Simbahan of Scotland. Gayon pa man, napakasaya niya para sa akin na napalaki sa Pananampalatayang Katoliko, kaya’t nag-aral ako sa isang paaralang Katoliko kung saan pinalad akong turuan ng Sisters of Mercy at ng Marist Brothers. Naalala ko ang pag-awit ko sa kanya ng lahat ng mga himno na natutunan ko, ngunit, bilang isang hindi Katoliko, ang mga himno sa Ating Dilag ay lingid sa kanya.

Nakakapagtaka na ito ang naging mga paborito niya at buong pagmamalaking inawit kapag dumalo siya sa mga pamimintuho kapag buwan ng Mayo at ng Marian Procession kasama ako at ang aking ama. Hinimok niya akong sumali sa Mga Anak ni Maria at ang pagmamahal niyang iyon sa Ina ng Diyos ang nagtulak sa kanya na sumali ng Simbahang Katoliko, pagkalipas ng ilang taon. Napakapalad ko ding nagkaroon ng isang napaka-madasaling tiyahin na kumandili sa aking pagmamahal kay Maria. Nagustuhan ko ang pagdalaw sa magandang simbahan ng Our Lady of Victories, sa tabi ng aking paaralan  papauwi, at pag-alay ng ilang minuto sa altar ng Dilag at makaramdama na ito ay nakalulugod sa kanya at na mahal niya ako.

Ang ugnayang ito na nagsimula pa sa aking pagkabata ay nagpatuloy hanggang sa aking paglaki, kaya’t sa mga oras ng pagkabalisa o paghihirap ay babaling ako kay Maria, ang aking Ina at nang laging maramdaman ang Kanyang malambing, pag-aalala at mapagmahal na tulong. Napakahirap ng aking buhay-may-asawa dahil sa pagkagumon sa alkohol ng aking yumaong asawa, kaya’t isang araw nagpasya akong magdasal ng Novena sa Ating Ina ng Awa.

Ang aking parokya nang panahong iyon ay pinamamahalaan ng mga Redemptorist na may isang partikular na pamimintuho sa ating Ina ng Mahal na Awa. Matapos ang isang linggo, tumigil sa pag-inom ang asawa ko!  Nagkaron kami ng 14 na buwan ng mapayapang kahinahunan, ngunit sa kasamaang palad ay bumalik ang pagkagumon. Gayunpaman, labis akong nagpapasalamat kay Maria sapagkat sa panahong iyon, isinilang ang aking bunsong anak na babae, si Alice — isang ika-apat na pagpapala.

Pentecost na Hindi Kasama si Maria?

Noong 1989, naranasan ko ang Bautismo sa Banal na Espirito. Ang aking espiritwal na buhay ay napagyaman sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng isang Charismatic na pangkat ng pagdarasal at tumulong ako sa pagpapalakad ng mga seminar ng Buhay sa Espirito sa maraming parokya. At noong 1993, nagsimula akong mamuno sa isang pangkat ng pagdarasal at pinaandar naming muli ang mga seminars na ito. Palagi akong nagpapasalamat sa bagong pakikipag-ugnay ko kay Jesus na bunga  ng aking Binyag sa Banal na Espiritu, ngunit napansin kong hindi binabanggit ang Mahal na Ina dahil ang mga seminar ay batay sa isang programa na ipinakilala ng mga simbahang Pentecostal.  Paano tayo magkakaroon ng karanasang Pentecostal kung wala si Maria? Nang iminungkahi ko na ito ay isang pagkukulang, ang mabuti kong kaibigan na si John Vaughan Neil ay sumang-ayon at muling isinulat ang kanyang mahusay na seminar, “Mga Anak ng Buhay na Panginoon” na may mga panalangin upang dalhin ang mga nagsidalo sa isang bago at mas malalim na pakikipag-ugnay sa kanilang Ina ng Langit.

Noong I994, nakaramdam ako ng isang malakas na tawag mula sa Ating Ina upang dumalaw sa Medjugorje at kahit na may digmaan pa rin sa Bosnia, ang aking kaibigan, si Anne, at ako ay nakapaglakbay doon kasama ang isang maliit na grupo mula sa Ireland. Ito ay humantong sa isang radikal na pagbabago sa aking espirituwal na buhay. Nabigyan kami ng pagtatanging makapunta sa banal na nayon na ito para sa ika-10 anibersaryo ng Pagtatalaga ng Daigdig sa Immaculate Heart of Mary. Kaya’t noong ika-25 ng Marso, sumali kami sa isang prusisyon patungo sa Hill of Aparitions ng Podbrdo na pinamunuan ng isang Czechoslovakian Bishop na isang personal na kaibigan ni Santo Papa John Paul II.

Doon, hinimok niya kami na italaga ang aming sarili at mga mag-anak sa Immaculate Heart of Mary, at sinabi na ito ay isang lugar ng kalinga at kaligtasan para sa buong mundo. Ginawa ko ito,  masaya ang pakiramdam na nag-alay ng isang kalugod-lugod na panalangin.  Kinabukasan, nagulat ako nang nawari kong iyon din ang aking panalangin, bawat salita, at napagtanto ko na ibinigay ito sa akin ng Ating Ina.  Ipinalangin ko ito araw-araw mula noon. Ipinagdasal ko rin ang 33 Araw na Pagtalaga para kay Maria, tulad ng isinulat ni St.Louis de Montfort, na hindi ko sapat na lubusang maipayo. Ang ipagkatiwala ang lahat sa mga kamay ng Ating Ina at sa kanyang napaka-makapangyarihang pamamagitan, ay ang madanasan ang pag-aaruga ng pagmamahal na ina, at matagpuan ng tunay na kapayapaan.

Isang Banayad na Tinig

Kakailanganin ko ang lahat ng kanyang hindi mapagmaliw na tulong nuong 2016 nang ang aking mas batang anak na si Ruairi ay nasuri na may tumor sa utak. Siya ay 33 taong gulang lamang, may angkop na pangangatawan at isang malusog na ama ng 2 maliliit na bata. Agad akong tumawag sa ating Ina, hiniling na tanganan ang aking anak sa kanyang mga braso tulad ng pagtangan niya kay Hesus at na maupo sa paanan ng Krus kandong si Ruairi. Hiniling ko rin kay Jesus na makikita lang niya si Ruairi sa mga bisig ng Kanyang Ina.  Nakalulungkot na sa kabila ng panglapat-lunas na natanggap niya at sa dami ng mga tao na nagdasal para sa kanya, naging malinaw noong Hulyo ng 2017 na walang magaganap himala. Mamamatay na ang anak ko. Isang Sabado sa Misa, nadama ko ang isang banayad na tinig sa kalooban ko na nagsasabing, “Kailangan ko ang iyong pahintulot.” Sinubukan kong baliwalain ito, ngunit ito’y nagpatuloy, banayad pero paulit-ulit, “Kailangan ko ang iyong pahintulot.”

Alam kong ito ay ang ating Ina, humihiling na pahintulutan Siya na bitawan si Ruairi.  Madaming luha ang iniyak ko ngunit alam kong mahal ng Diyos ang aking anak at nais ang pinakamabuti para sa kanya, kaya ipinagkaloob ko ang aking pahintulot. Napakagiliw ng ating mahal na Ina sa paghling. Lumipas ang mga araw, pumanaw ang aking minamahal na anak, ngunit ang kaalamang kasama niya ang ating makalangit na Ina ay isang malaking pampalubag-loob sa akin.  Ngayon, matapos ang 3 taon,  mapapasalamatan ko pa rin ang Panginoon sa malaking pagpapalayaw na ipinagkaloob Niya – pinahintulutan akong makibahagi sa mga kalungkutan at pagdurusa ni Maria. Pareho naming naranasan ang matinding paghihirap ng pagkawala ng isang anak. Pinili ni Ruairi si Sto. Maximilian Kolbe bilang kanyang santo sa Kumpil. Tulad ng dakilang santong ito, mahal niya ang ating Ina at ang Memorare ang itinatangil niyang panalangin. Sinabi ni San Maximilian, “Huwag na mahalin si Maria nang higit dahil hindi mo siya maaaring mahalin tulad ng pagmamahal ni Jesus sa kanya.”  Talagang totoo!  Hawakan mo ang kanyang kamay at hayaang dalhin  pamunuan ka niya patungo sa Langit.

'

By: Patricia Dowey

More