- Latest articles
Isang natatanging panayam tungkol kay Leah Darrow—isang datihang kalahok sa America’s Next Top Model—na nagkaroon ng matinding karanasan ng pagbabalik-loob na di-akalaing binago ang kanyang buhay.
Ilahad mo sa Amin ang Pagpapalaki sa iyo?
Ako’y lumaki nang pangkaraniwan, naghahanap-buhay kasama ang mag-anak sa isang magandang kabukiran. Wala kaming kapit-bahay; ngunit hindi ako nalulungkot dahil ang aking mga kapatid ay ang mga matatalik kong kaibigan. Ang aking mga magulang ay ipinamahagi ang kanilang matibay na pananalig na Katolika at pamimitagan sa Banal na Ina, dinadala kami Lingguhang Misa at nagdarasal ng Rosaryo kasama ang mag-anak bawa’t gabi. Ngunit hindi ko nais na magbigay ng sapantaha na tulad kami ng mga bata ng Fatima. Laging sinisikap ng mga magulang ko na mabigyang diin ang pananalig sa loob ng tahanan.
Yaon ay tunay na magandang pagpapalaki. Ang mabuti at tapat na mga magulang ko ay mahal si Jesus nang buong puso at magkasamang nagdarasal bawa’t araw. Ang kanilang halimbawa ay naglatag ng matatag na saligan na nakatulong nang muli sa aking buhay. Sa kasawiang-palad, ito’y hindi ako napigil na malihis mula sa pananalig ko. Noong ako’y nasa mataas na paaralan, ako’y nakagawa ng talagang hindi magagandang pasya na nauwi sa aking pagkawala ng kalinisang-puso sa ika-15 na gulang. Hindi talaga yaon ang kung ano ang inaakala namin. Pagsasapanahon ay may-kinalaman. Kapag ang gawa sa paraan ng pagbabahagi ng katawan natin sa iba ay hindi ukol sa layunin, ito’y nag-iiwan sa atin ng pandama na nakagagaping kahihiyan. Yaon ay nanghimasok sa aking tanaw sa sarili bilang babae at niyayamot ako nang labis na sukat kong isinasantabi ang bawat nagpapaalala sa akin na ako’y isang makasalanan. Sa halip na pagsisihan at hingin ang awa ng Diyos upang ako’y makapagsimulang muli, sa pagbibigay sa Kanya ng lahat ng yaong sawing-palad na mga bahagi ng aking mga pasya, nakinig ako sa tinig ng kahihiyan at hinayaan itong idikta kung papaano ugitin ang aking buhay.
Mula noon, lumayo ako sa pananalig ko at sa pagsasagawa nito, bagama’t naniniwala pa rin akong ito’y totoo. Hindi ko lamang maisip na mayroong dako para sa akin sa Simbahan na nalalabi dahil inakala kong nabigo ko na ang lahat, lalo na ang aking mga matatapat na magulang na nagdulot sa akin ng lahat ng kabutihan.
Pinahintulutan ko ang kahihiyan na lubusang alisin ang kumpas ng Diyos sa buhay ko, at lumingon sa mundo para sa patutunguhan. Mga babae sa ating kultura ngayon ay may maraming pananawagan na nagsasabi sa atin kung ano ang dapat nating gagawin, sino dapat tayo na maging, pati ang kung papaano tayo dapat na humantad. Pinakinggan ko at tinanggap ang pandiwang payo mula sa kultura, sa halip na mula kay Kristo at ito’y humantong sa mga pagpipili na tahasang malayo sa Diyos at sa pananalig.
Paano Nakaakit ang Pagmomodela sa iyo?
Tayo ay namumuhay sa kultura na nahuhumaling sa kariktan nang may pagkabaligho. Ngunit ito ang kariktan na hindi pangmatagalan. Ito ay nasala, napilit at huwad. Ang Diyos ang may-likha ng kagandahan. Ngunit tayo’y minsanan lamang na lumingon sa Kanya upang matagpuan ito. Nagapi na tayo ng kathaing, walang-saysay na salin. Noong ako’y bata pa, naaalala ko pa ang pangingilig sa paglalakdaw ng mga páhina ng mga babasahin na ipinakikita ang mga babae mula sa mga pelikula at programa sa TV na may kaakit-akit na pamumuhay. Hindi lamang ganda ang kanilang pinaglalako. Ipinaglalako nila ang isang pamumuhay—ideyolohiya o ang paraan ng buhay, lalo na para sa mga babae, na nagsasabi na ang pamilya, kasal at mga bata ay tahasang lipas na, mga sagabal sa iyong mga mithiin na kaligayahan. Ipinipiit nila na ang ligaya mo ay bumabatay sa mga panlabasang katangian lamang—ang iyong hantad, pananamit, hanap-buhay, katayuan… Ikinalulungkot ko na ako’y nagapi ng yaong pamimingwit. Ako’y nagsimulang magmodela sa murang gulang na inakay ako upang mapili sa paglahok sa ikatlong kapanahunan ng programang, America’s Next Top Model. Ako’y tuwang-tuwa na mapili, ngunit hindi ako handa para sa nakabibiglang karanasan na maging nasa reality TV bilang palatuntunan na gumagawa ng dula sa pamamaraan ng panunuso sa mga kalahok at inilalathala ang mga bahagi nito na wala sa tamang pag-uugnay. Nang matapos akong naalis sa bandang huli ng palabas, ipinasya ko na marapating gamitin ang pinaghirapan kong mataas na panagilirang-anyo sa pagtahan sa New York upang ipagpatuloy ang aking karera.
Sa tagpong ito, tinalikdan ko ang aking pananampalataya nang mahigit-kumulang na sampung taon—hindi sumisimba, hindi tumatanggap ng mga sakramento at ni-hindi nagdarasal. Madalamhati akong nangulila sa malalim at banal na pag-uugnay. Ang kaluluwa ko ay pinananabikan Ito nang labis, ngunit ang mga gunita na nagbibigay ng kahihiyan ay pumigil sa akin, “Ikaw ay nagkamali noong higit na bata ka pa, at patuloy kang nagkakamali, kaya walang pag-asa para sa iyo. Sumandal ka lamang sa bagong buhay na ito at gawin mo na lamang ang pinakamabuti.” Kaya, yaon ang ginawa ko, tinitiis ang sakit sa aking puso na maaaring mahilom ni Jesus at sinisikap na palamutian ang pagiging patay na aking nadama sa looban.
Ikaw ay may pamumuhay na ang pinakamarami ay pinapanagimpan—bilang kaakit-akit na modela, kumikita ng maraming salapi habang ang larawan mo ay naliliwanagan sa Times Square at hindi ka pa ba masaya?
Sa kaloob-looban, lubha akong hindi masaya, ngunit ako’y kataka-takang bihasa sa pagkukunwari habang nagmomodela ako. Sa totoo, ang buhay ko sa New York ay dahasang lumalala habang ako’y nakasisid sa pamumuhay na nakapagpapalayo. Bawa’t bagay tungkol dito ay huwad, sumasalalay sa pamamaraan ng mga bagay na sinadyang maging masaya ka, ngunit ipinasasahintulad lamang kung ano ang tunay na ligaya. Wala akong nadama ni-tunay na kasiyahan o katahimikan at nadama kong magapi ng masidhing lumbay at kaisipang magpakamatay.
Kinakailangan ng buong giting upang iiwan ang isang bagay na malinaw na pinagdulutan mo ng maraming taon ng pagod. Ano talaga ang nakapagsang-ayon sa iyo na lumakad nang palayo sa iyong karera ng pagmomodela?
Ang unang sagot ay ang biyaya ng Diyos na nagpalakas sa akin na gumawa ng magiting na pagpapasya upang lumayo sa lahat ng ito. Ito’y nangyari sa gitna ng isang pagkukuha ng retrato. Malinaw na narinig ko ang mga salita sa aking puso, “Nilikha kita para sa higit pa…” At hindi ko na ito maisawalang-pansin. Biglaang may sumiklab sa kaloob-looban ng aking budhi—isang bagay na sukdulang nakaligtaan ko na sa kailaliman ng aking kaluluwa. Alam kong ito’y tinig ng katotohanan. Ito ang pinakamasahol na pagsasa-oras sa planeta upang ang isang uri ng banal na tagpo ay maganap. Ngunit hindi ko na ito maisawalang-kibo. Lumingon ako sa retratista at tumugon lamang, “Kinakailangan kong umalis…” Bawa’t isa sa paligid ko na nasa sesyon ay natuliro. Alam ko ang iniisip nila, “Wala ka sa isip mo, o ikaw ay nagdadanas lamang ng kakaibang saglit.” Hinimok nila akong uminom laman ng kaunting tubig at bumalik, ngunit tumanggi ako. Hinakot ko ang aking mga gamit at nilisan ko ang pagkukuha ng retrato at lumakad nang palayo sa yaong pamumuhay at patungo hanggang pauwi.
Ang unang ginawa ko ay tawagan ang aking ama upang pumunta at kunin ako bago ko mawala ang aking kaluluwa. Ito ay isang tunay na pandiwa na pangkaisipan at pangkatawang pagmumulat. Ang Diyos ay nag-alay ng biyaya upang makita ang pamamaraan ng aking buhay kung ano talaga ito noong nakalipas, at ito’y gumuguho. Ako’y matagal nang nagsisinungaling sa sarili ko na ang lahat ay nasa-ayos at ang buhay ko ay mainam, ngunit ito’y hindi. Kaya ang biyaya na nagmula sa Diyos ang nakatulong sa aking paggawa ng magiting na pasya. Bawa’t kapurihan ay sumasa-Kanya!
Binitiwan ng aking ama ang lahat at nakarating kaagad. Ang pinaka-unang bagay na nais niyang gawin ay idala ako sa Kumpisal. Inaalala ko sa pag-iisip, “Ang Simbahan ay hindi nais ang babaeng tulad ko. Ito ay para lamang sa mga banal na taong nanatiling matatapat.” Ngunit ang aking ama ay lumingon sa akin na nagsasabi, “Leah, tinawagan mo ako at ninais mong umuwi. Naririto ako upang dalhin ka pauwi. Si Jesus at ang Simbahang Katolika ay tahanang uwian.” Sa tagpong yaon, napagtanto ko na siya’y tama. Totoo ito, nakauwi na ako at ang Ama ay naghihintay na tanggapin akong muli. Bago ko nilisan ang New York, inialay ko sa Diyos ang lahat ng aking naranasan at hiningi ko na tanggapin akong muli. Yaon ay hindi madali, at hindi ko ito maipagkukunwari, at yaon ang nais Niya na gawin natin. Lahat ay nais Niya, kabilang ang lahat ng nakaraang gulo. Ang pagpasok ko ng kumpisalan ay ang unang hakbang sa aking daan pauwi sa pananalig na Katolika.
Matapos yaong Kumpisal, nadama ko nang tunay na ako’y nakauwi na—pabalik sa Simbahang Katolika. Ako’y kusang nakipagsundo na nagsasabi, “Mainam, o Diyos, tama Ka, ako’y mali. Pakitulungan Mo ako.” Ipanagbago nitong muli ang tiwala at pandama sa aking sarili na, “Nais ko itong gawin.” Hindi na ako natatakot na sabihin, “Ako ay Kristiyano… ako ay Katoliko.” Ninais kong magmukhang tulad ng Kristiyano, kumilos na tulad ng Kristiyano at mangusap na tulad ng Kristiyano. Kaya, nang ako’y bumalik, pinagdulutan ko ng pag-iisip na ipagpanibagong-buhay at patibayin ang mga kabutihan na tinutulan ko sa paraan ng aking nakaraang mga makasalanang gawain. Kinailangan kong maipagpanibago ang kalinisan sa aking buhay—patapangin ang loob, sabihin ang tama, at maging tapat. Kinailangan kong maging mahinahon sa pagpapasya at magpairal ng pagpigil sa sarili at pagdadahan-dahan upang ang aking mga pagnanasa ay hindi ako malinlang, at sa gayo’y ako ang nakapagpipigil. Yaan ang kung saan tayo tinatawag upang gawin bilang mga Kristiyano.
Sa mga sumunod na taon, ang Diyos ay naghandog ng mga pagkakataon para sa akin na manalumpati tungkol sa maayos na moda, kabutihan at kalinisan. Sa una ay hindi ako tiyak na dapat ko itong gawin, ngunit nakama ako ng malumanay na paniniko mula sa Ispirito Santo. Sa panahong yaon, ako’y namamasukan nang karaniwang haba sa isang hanap-buhay na ginagamit ang antas ko sa kolehiyo, at ako’y walang ginagawang apostoliko. Ang aking mga talakdaan ng pananalumpati ay marahang naragdagan at nang higit pa hanggang ito’y naging malinaw na ang Diyos ay tinatawag ako sa isang punuang-panahon na gawain. At tumugon ako sa Diyos, “Idinala Mo ako nang ganito kalayo at tuluyan Mo akong aakayin nang higit na malayo.” At ito’y Kanyang ginawa, nakapaglakbay ako sa daigdig upang ipamahagi ang pag-ibig at habag ng Diyos, at kung papaano tayo makagagawa ng lubusang pagpili na mamuhay sa kalinisan at pananalig.
Mailalahad mo ba sa amin ang iyong podcast, Lux initiative at ang lahat ng mga panukala na kasalukuyan mong isinasaayos?
Ang lahat ng ito’y tungkol sa pagdadala kay Kristo sa mga kababaihan kung nasaan sila. Simulan natin sa podcast na ang tawag ay “Gumawa ng isang bagay na maganda”. Madadakma mo ito mula sa anumang plataporma ng podcast. Nakapapanayam ako ng sari-saring uri ng mga tao na makahihimok ng mga babae na gumawa ng isang bagay na maganda sa kanilang buhay sa pamamaraan ng pagtatalakay ng kung ano ang ating magagawa sa mundo para kay Kristo at sa iba. Ang Tunay na Ganda ay ang aninag ng Ganda ng Diyos na may dalawang katangian—kabuuhan at kabanalan—pagiging buo ayon sa pagkalikha sa atin ni Kristo at pagsaalang-alang sa atin na maging, at nagsisikap din para sa kabanalan sa paraan ng pagsasabuhay ng mga kabutihang-asal.
Ang bagong pagkukusa ay ang Lux Catholic app—isang app na walang bayad para sa mga babaeng Katoliko na sa bawa’t gabi ay nagdarasal kami ng Rosaryo sa kinagawiang paraan kasama ang mga babae sa palibot ng mundo. Libu-libo nang mga babae ang nakasali sa amin upang magdasal ng Rosaryo para sa mga panalangin ng isa’t-isa, gumagawa ng isang taimtim na ugnayan sa katawan ni Kristo.
Ako’y patas na sabik na magbahagi tungkol sa aming bagong programa na ang tawag ay, “POWER MADE PERFECT”—ang kauna-unahang Catholic Personal Development Program! Sa paghahatid ng pinakamainam na mga panariling pag-unlad at pag-uugnay ng lahat sa Banal na Kasulatan, kami ay halos handa nang simulan itong bagong pakikipagsapalaran na sumasalalay sa Kapangyarihan ni Kristo upang nakatulong sa pagbago ng mga buhay.
Kung ikaw ay pasubaybay na binabasa ang aking patotoo, dapat mong mabatid na kami rin ay nagdarasal para sa iyo. Hindi ka nag-iisa. Kapag nadarama mong ikaw ay walang pag-asa, nais kong sabihan ka na si Kristo ay naririyan para iyo. Gagawin Niya na mapalapit sa iyo—mapalapit sa Kanyang Banal na Puso.
'
Sinasagot ng Diyos ang mga panalangin at kung minsan ay higit pa Siya sa anumang pinaniniwalaan nating maaaring mangyari…
May isang sikat na patalastas sa telebisyon na ipinalabas sa loob ng maraming taon na naglalarawan ng isang taong nasugatan na desperadong tumatawag, “Tulong, nahulog ako at hindi na ako makabangon!” Bagama’t sila ay mga aktor lamang na nagbebenta ng isang medikal na sistema ng alerto na humihingi ng tulong kung sakaling magkaroon ng emerhensiya, sa tuwing nakikita ko ang komersyal na iyon ay iniisip ko kung ano ang magiging pakiramdam na nasa isang desperadong masusugatan na posisyon. Ang pagiging mag-isa at walang kakayahang bumangon pagkatapos mahulog ay dapat makaramdam ng lundo at nakakatakot. Sa kabutihang palad may mga kumpanya at gadyet get na maaasahan natin upang maglagay ng mga hakbang sa kaligtasan para sa atin o sa ating mga nanganganib na mahal sa buhay.
Paulit-ulit na Suliranin
Naisip ko ang patalastas na iyon isang araw nang sinusuri ko ang aking budhi bilang paghahanda sa pagtanggap ng Sakramento ng Penitensiya (kilala rin bilang Pagkakasundo o Pagtatapat). Matapos pagnilayan ang mga bagay na nakakasakit sa Diyos na nagpapalayo sa akin sa Kanyang presensya, nakakabigo ang paulit-ulit na mahulog sa landas tungo sa kabanalan. Nangyari na may mga bagay na kailangan kong aminin na madalas kong ipagtapat noon. Si San Pablo ay nagsasalita tungkol sa kanyang mga pakikibaka sa parehong suliranin . Sa aklat ng Roma (7:15-19) sinabi niya, “Hindi ko maintindihan ang sarili kong pag-uugali. Nabigo akong maisakatuparan ang mga bagay na gusto kong gawin, at nakita ko ang aking sarili na ginagawa ang mismong mga bagay na kinasusuklaman ko…sa halip na gawin ang mabubuting bagay na gusto kong gawin, ginagawa ko ang mga makasalanang bagay na hindi ko gusto.” Ito ay isang pakikibaka na nararanasan nating lahat. Ang Katesismo ng Simbahan Katoliko ay tumutukoy sa hindi kanais-nais na hilig sa kasalanan bilang “pagkahumaling”.
Madaling maka-ugnay ang aktor sa komersyal dahil sa espiritwal ako ay nadapa na, at parang hindi na ako makabangon. Ang paglayo sa Diyos ay naglagay sa akin sa isang desperado, mahinang posisyon na pinagkaitan ng maraming biyayang iniaalok Niya sa atin. Ang aking relasyon sa Diyos ay nasira, at ang pag-iisip na manatili sa bumagsak na kalagayang iyon ay nakababahalang at nakakatakot. Gayunpaman, mahal ako ni Jesus. Siya ay maawain at naglagay ng mga hakbang na pangkaligtasan para sa ating lahat na nagdurusa pa rin sa hindi gustong magkasala.
Walang Humpay na Panalangin
Ang simbahan na dinaluhan ng aking pamilya ay nag-alay ng Sakramento ng Penitensiya isang oras bago ang Sabado ng gabi ng Misa ng Pagpupuyat.. Mahalaga para sa akin na pumunta sa Pangungumpisal sa Sabado dahil pinahahalagahan ko ang aking relasyon sa Diyos at nais kong ibalik ito. Tinanong ko ang aking asawa kung sasamahan niya ako kapag natapos na ang mga pagtatapat, para makadalo kami ng misa nang magkasama. Sa tuwa ko, pumayag siya. Siya ay pinalaki na Metodista at sa loob ng higit sa 25 taon ito ang aking walang humpay na panalangin na ang Diyos ay ilagay ang pagnanais sa kanyang puso na dumating sa kabuuan ng kanyang pananampalataya, sa pamamagitan ng pagiging isang miyembro ng Simbahang Katoliko. Sa ngayon, naghihintay ako sa timing ng Diyos at masaya lang na magkasama kami.
Hindi siksikan ang simbahan, kaya hindi nagtagal ay lumuhod ako sa harap ng pari para ipagtapat ang aking mga kasalanan. Ang pagtatapat ng kasalanan ay nangangailangan ng kababaang-loob, ngunit ang kagalakan ng pagpapatawad ay nagdulot sa akin ng pakiramdam na bago at naibalik. Matapos makumpleto ang penitensiya mula sa pari, ang puso ko ay hindi na nakaramdam ng bigat sa kasalanan. Tahimik ang lahat sa paligid ko at sa loob ko, dahil ang pakiramdam ng kapayapaan ay muling sumakop sa aking espiritu. Paulit-ulit akong nagpasalamat sa Diyos sa Kanyang awa. Sa isang punto, napabuntong-hininga ako nang may kasiyahan, “Panginoon, hindi ko gustong sirain ang sandaling ito sa pamamagitan ng paghingi sa iyo ng anuman. Gusto ko lang magpasalamat sa Iyo ng paulit-ulit. Gusto kong maging katulad ng isang ketongin na bumalik upang magpasalamat sa Iyo pagkatapos Mo siyang pagalingin.” Lumuhod ako roon at niramdam sa Kanyang banal na presensya at naunawaan kung ano talaga ang pakiramdam ng nasa isang estado ng biyaya. Ibinalik ni Hesus ang aming relasyon at muli kaming naging isa. Gayunpaman, ang pagiging tahimik at tahimik ay isang birtud na isang regular na pakikibaka para sa akin. Hindi nagtagal, isang malakas na udyok na humingi sa Diyos ng isang bagay lang ang pumasok sa aking isipan. “Panginoon, isang bagay lang at hindi ito para sa aking sarili. Mangyaring bigyan ang aking asawa ng pagnanais na maging Katoliko. Gusto kong malaman niya kung ano ang pakiramdam nito.” Mabilis na lumipas ang oras sa tahimik na panalangin at hindi nagtagal ay umupo sa tabi ko ang aking asawa.
Narinig ko na sinabi na kapag nananalangin ka sa estado ng biyaya, ang iyong mga panalangin ay malinaw na dininig ng Diyos. Napakalapit mo sa Kanya na naririnig Niya ang mga bulong ng iyong puso. Hindi ako sigurado kung iyon ay matatag na doktrina ng Katoliko, ngunit ito ay nagbibigay ng isang punto kung gaano kahalaga ang manatiling malapit sa Diyos. Nang magsimula ang Misa noong gabing iyon, tinanggap ng pari ang lahat at hiniling niya sa amin na maglaan ng ilang sandali upang ihandog ang aming Misa para sa anumang personal na intensyon na maaaring mayroon kami sa gabing iyon. Ang kanyang pag-udyok ay kahanga-hanga ngunit hindi ang paraan ng kanyang karaniwang pagbubukas ng Misa. Dahil hindi ko gustong sayangin ang sandali, agad kong inulit ang panalangin para sa aking asawa na pumasok sa pananampalatayang Katoliko. Hindi ko pa narinig na sinimulan ng pari ang Misa nang ganoon bago o mula noong gabing iyon. Sa pagbabalik-tanaw, ito ay isang magandang indikasyon na ang sagot ng Diyos sa aking panalangin ay nalalapit na. Ang intensyon ay nanatili sa aking puso para sa natitirang bahagi ng Misa, at nadama kong napaka konektado sa Diyos at sa aking asawa.
Nakakagulat na Balita
Sa aming pag-uwi, hindi inaasahang sinabi ng aking asawa na may sasabihin siya sa akin. Napakabuting bagay na siya ang nagmamaneho, dahil ang mga sumusunod na salita ay maaaring nagulat sa akin upang lumihis sa kalsada. “Napagpasyahan ko na gusto kong mag-palista sa RCIA (Seremonya ng Pagtanggap ng Bagong Kasapi na Kristiyano May Mga Hustong Gulang) na programa sa aming simbahan at tingnan kung gusto kong maging isang Katoliko.” Natulala, wala akong nasabi. Ang mga saloobin at emosyon ay umiikot sa aking isip at katawan. Naaalala ko ang pagtatanong sa Diyos: “Ano ang nangyayari dito? Nilinaw ba ng Sakramento ng Pakikipagkasundo ang koneksyon para marinig mo ang aking panalangin? Narinig ba ang aking personal na intensyon sa Misa? Talaga bang sinasagot Mo ang aking mga panalangin pagkatapos ng lahat ng mga taon na ito?” Pagkaraang mapanatag ang loob ko, nag-usap kami ng asawa ko tungkol sa desisyon niya.
Magkasama kaming dumadalo sa Misa para sa aming buong kasal at mahalaga sa kanya na ang aming pamilya ay nagpunta sa isang simbahan. Sa paglipas ng mga taon, marami siyang katanungan, ngunit lumago ang pagmamahal at pagtitiwala sa Simbahang Katoliko bilang kanyang pamilya. Ginabayan siya ng Banal na Espiritu na maunawaan na iyon ang tamang panahon para lubos na mangako na maging bahagi ng pamilyang iyon at makabahagi sa lahat ng mga sakramento at kanilang mga grasya. Ang sumunod na Pagpupuyat ng Mahal Na Araw, pagkatapos niyang makumpleto ang programa ng RCIA, sa wakas ay nakumpirma na ang aking asawa bilang miyembro ng Simbahang Katoliko, na pinuspos ng malaking kagalakan sa aming dalawa. Ang puso ko ay patuloy na sumasayaw sa kagalakan, walang humpay na nagpapasalamat sa Diyos para sa pinakahihintay na sagot sa aking panalangin.
Higit Pang Mga Sorpresa Na Nakalaan!
Pero teka, meron pa! Alam ng Diyos na tinanong ko Siya kung talagang dininig at sinagot niya ang aking mga panalangin. Nais niyang tiyakin na alam ko nang may katiyakan na mayroon Siya, dahil mas maraming sorpresa ang naghihintay. Dalawa sa aming mga anak na lalaki ay nasa matatag na relasyon. Pareho silang magagandang kabataang babae na lumaki na kasama ng Panginoon sa kanilang pananampalatayang Protestante. Sila rin ay regular na kasama sa aking mga panalangin para sa pagbabalik-loob sa pananampalatayang Katoliko, bagaman hindi ako espesipikong nanalangin para sa kanila nang gabing iyon. Sa loob ng isang linggo ng espesyal na Misa na iyon, na independyente sa isa’t isa, ibinahagi sa akin ng dalawang kabataang babae na nilayon nilang maging Katoliko. Alam ko nang may katiyakan na ang desisyon ng aking asawa na maging isang Katoliko ay hindi lamang nagkataon at bilang karagdagang biyaya: ang mga magagandang dalagang iyon ay mga manugang ko na ngayon. Purihin ang Diyos!
Hindi ako nagkukunwaring alam ang pag-iisip ng Diyos, o kung paano silang 3, na independyente sa isa’t isa, ay nagpasya na maging Katoliko. Ito ay isang himala sa akin at masaya akong iwanan ito. Okay, hindi eksakto…isa pa. Naniniwala ako na kapag gumawa tayo ng isang bagay na nakakasira sa ating relasyon sa Diyos, kailangan nating pumunta sa Kanya sa Pagtatapat at magsabi ng paumanhin. Naniniwala ako na kapag talagang gusto nating maging tama ang ating relasyon sa Diyos, gusto Niya tayong pagpalain. Naniniwala ako na talagang gumagana ang panalangin at gusto Niya tayong sagutin. Naniniwala ako na mahal ako ng Diyos at pinagpala ako hindi isang beses, hindi dalawang beses, ngunit tatlong beses noong Sabado, ngunit nais Niyang malaman ko rin na dinirinig Niya ang LAHAT ng aking mga panalangin sa LAHAT ng oras anuman ang aking kalagayan.
Alam kong bumagsak na ako at, dahil sa pagkahumaling, malamang na mahulog na naman ako. Aleluya, may magandang balita! Kahit na hindi ko maintindihan ang sarili kong pag-uugali; kahit na hindi ko naisasakatuparan ang mga bagay na gusto kong gawin, at nasumpungan ko ang aking sarili na ginagawa ang mismong mga bagay na kinasusuklaman ko…kahit na hindi ko ginagawa ang mabubuting bagay na gusto kong gawin, at isagawa ang mga makasalanang bagay na hindi ko ginagawa. gusto; sa biyaya ng Diyos at sa Kanyang pagpapatawad, alam kong hindi ako nag-iisa, hindi ko kailangang ma-lundo sa pakiramdam, matakot o manatiling bumagsak. MAAARI akong bumangon.
San Pablo, ipanalangin mo kami. Amen.
'
Binigyan tayo lahat ng regalo ng oras, pero ano ang ginagawa natin dito?
Minsan nahihirapan akong maunawaan kung ano ang sinusubukang sabihin sa akin ng Diyos. Madalas ko Siyang inuulit. Noong nakaraang taon, paulit-ulit, naramdaman kong inilalagay ng Panginoon ang mga salitang ito sa aking puso –“Lagyan mo ito ng bakod.”
Nang maglaon ay humingi ako ng paglilinaw at naisip ko ang banal na kasulatang ito: “May isang may-ari ng lupa na nagtanim ng ubasan, naglagay ng bakod sa paligid nito, naghukay dito ng pisaan ng alak, at nagtayo ng tore.” (Mateo 21:33)
Alam ko na ang mga bakod ay mga palumpong na malapit na lumaki, madalas na nakapaloob sa mga hardin. Nang tanungin ko ang Diyos kung ano ang nais Niyang ilakip sa akin, naunawaan ko na dapat kong bantayan ang aking oras, lalo na ang oras ko sa Kanya.
Kaya, nagsimula akong maging mas maingat sa aking gawain sa umaga. Mas naging may malay ako sa mga nakakagising kong kaisipan, panaginip, at kanta na tumatakbo sa utak ko. Nagsimula akong mag-talaarawan. Sinikap kong itaas ang puso ko sa Panginoon nang may papuri at pasasalamat bago ako bumangon sa kama. Sa halip na suriing mabuti ang mga laman ng balita sa sosyal midya o magbasa ng balita, ibinuhos ko ang pang-araw-araw na pagbabasa ng Misa araw-araw, kasama ang aking kape sa umaga.
Ako ay nagbabantay sa aking panloob na buhay. Iniingatan ko ang aking oras sa Panginoon. Para akong bantay sa pagsikat ng araw.
Nang maghanap ako ng isang espirituwal na direktor nitong nakaraang taon, ang una niyang itinanong ay kung mayroon akong pang-araw-araw na gawain sa pagdarasal. Ang kanyang numero unong layunin para sa akin ay panatilihin ang isang regular at pare-parehong buhay panalangin.
Ang aking asawa at ako ngayon ay mas matapat na nananalangin bilang mag-asawa. Sinimulan naming manalangin nang higit na sinasadya sa mga oras ng pagkain, na nagdaragdag ng taos-pusong mga panalangin kasama ng mga panalangin na alam namin sa puso. Sa pagtatapos ng araw, tinutupad namin ang aming pangako na manalangin bilang isang pamilya.
Nagdadasal ako sa kotse. Nagdarasal ako sa simbahan. Nagdarasal ako sa aking morning jog. Minsan naglalakad ako sa kapaligiran ng isang parke habang nagdarasal ng Rosaryo o Banal na Awa naglalagay ng bakod ng panalangin sa paligid nito.
Naniniwala akong nagbubunga na ang mga bagong ugali na ito. Napansin ko ang pagbaba sa kaduda-dudang aktibidad sa parke sa tabi. Napansin ko rin ang aking asawa at ako ay nagtatrabaho nang higit pa sa parehong pahina at mas handang pagtawanan ang aming mga pagkakaiba. Pero higit sa lahat, may napansin akong pagbabago sa sarili ko. Mas payapa ako.
Mas naaayon ako sa sinasabi ng Panginoon sa aking puso. Mas handa akong harapin ang mga hamon ng bawat araw.
Nais ng Diyos na tayong lahat ay manalangin nang walang tigil, ngunit ang unang hakbang ay ilagay ang mga bakod ng panalangin sa paligid ng ating mga araw. Kailangan nating ialay ang mga unang bunga ng ating araw sa Panginoon at tapusin ang ating araw sa panalangin. Magkaiba ang ating mga bakod sa pagdarasal, ngunit dapat nating tiyakin na ilagay ang mga ito upang tamaan ang mga taktika ng diyablo.
Ang Diyos ay palaging lumalapit sa atin, at gusto Niya tayong mapalapit sa Kanya. Pero madali tayong ma-distract. Kailangan nating masigasig na bantayan ang ating oras. Ang mga bakod ng panalangin ay hahantong sa isang mas mabungang lugar.
'
Kung bubuksan mo ang iyong puso ngayong araw, mababago mo ang mundo! Inilalarawan ni Daniella Stephens ang kanyang di-kapanipaniwalang paglalakbay sa pagtatagpo ng pag-ibig na walang-hanggan.
Ako’y sunud-sunurang lumaki bilang Katoliko sa kalagitnaan ng pamilyang Katolika na may pitong mga anak. Kami ay dumadalo sa Misa nang panayan at nadama kong ako’y naakit na matuto nang higit pa tungkol sa aking pananalig, upang tularan ang mga santo at naakit ng mga magagandang imahen na nagsalaysay sa akin tungkol sa pag-iral ng Panginoon. Itinanim Niya ang binhi ng pag-ibig sa aking buhay mula sa murang gulang. Nang ako’y nabigyan ng pagpasya sa aking pagdadalaga, itinuloy ko ang pagdalo sa Misa, kahit ang ilan sa aking mga kapatid ay hindi na, bilang payak na pagtalima. Ninais kong lagi na gawin ang nararapat at ni-kailanma’y ninais kong masangkot sa gulo. Hindi ko nais na biguin ang mga magulang ko at alam ko na ang hindi pagdalo sa lingguhang Misa nang sadya ay isang kasalanan.
Bagaman, kailan man ay hindi ko naintindihan kung ano ang nangyayari. Ginagampanan ko lamang ang nararapat sa iba’t-ibang bahagi ng Misa. Bagama’t dama ko na ang Diyos ay nasa tabi ko, hindi ko Siya kilala nang buong katauhan at dama ko pa rin itong humihikab at tumitibok na butas sa aking puso. Kapag ako’y mayroong mga gawain sa buong linggo, ito’y hindi ko naiisip, ngunit sa katapusan ng linggo, ako’y nagagapi nitong malubhang pag-iisa.
Umiibig
Ako ay nasa gulang na kung saan ay nadama kong ako’y naaakit ng lahat na maidudulot ng mundo na pangkatawan, kaya sinubukan kong lutasin ang suliranin sa panginginom at pagdadalo sa mga pagtitipon kasama ng mga kaibigan, ngunit yaong humihikab na butas ay nanatiling walang kapunuan. Nadama kong ako’y tinanggihan, nag-iisa at bigo. Ninais ko man na maging malaya sa paggawa ng sariling bagay, ako’y nakikipaghamok sa aking budhi na sinasabihan ako na napakarami sa mga nais kong gawin ay mali. Hindi ako ginawa ng Diyos para sa mga yaon. Nabasa ko sa Bibliya ang tungkol kay Jacobo sa pakikipagbuno niya sa isang anghel at tunay na nakakapag-ugnay ako dito.
Habang ipinagdarasal ko ang lahat ng tungkol dito sa isang Lingguhang Misa, napagtanto ko na pinagkakaila ko ang aking sarili. Ang Diyos ay may higit na mabuting plano para sa buhay na isinaalang-alang Niya sa akin. Sa pagtitig ko nang patingala sa imahen ng Banal na Puso ni Jesus, naunawaan kong Siya ay kumakatok sa pinto ng aking puso, humihingi ng pahintulot na pumasok, ngunit ako’y sukdulang natatakot na tanggapin itong kahanga-hangang alay dahil ikinatatakot ko na si Jesus ay tutuloy upang alisin ang aking kalayaan. Hanggang sa tagpong yaon, ang takot na masangkot sa gulo ang nakapagligtas sa akin mula sa higit na masahol na mga sala. Kaya, kahit papaano, sa tulong ng biyaya ng Diyos, natagpuan ko ang aking sarili na nagsasabi, “Tunay na marapat, Panginoon, bibigyan Kita ng pagkakataon.”
Sa tagpong yaon, ako’y tumingala at sa kauna-unahang pagkakataon, napansin ko ang isang larawan na si Jesus ay binibinyagan. Siya ay lumilitaw na napakalakas, mapagkumbaba at mahinahon. Ang puso ko biglaang nagbago. Ang takot ay nawala, ang humihikab na buslot ay napuno ng di-kapanipaniwalang init at ako’y umibig kay Jesus. Ang tagpong ito ay ibinago ang lahat. Lumabas ako ng simbahan ng may sigla. Nadama ko na ako’y tulad ng babaeng dumampi sa borlas ng damit ni Jesus at nahilom kaagad, napalaya sa lahat ng aking mga sakit.
Naging takot ako na kung papaasukin ko siya sa aking puso, aalisin niya ang aking kalayaan, ngunit nagkamali ako. Ang siwang sa bato kung saan inilagay ng Diyos si Moises ay kahalintulad sa butas na tinusok sa tagiliran ni Kristo. Nadama ko na kinabig ako ni Kristo sa Kanyang Sagradong Puso kung saan ako ay mapanatiling malapit at mapangalagaan at maaari Siyang makipag-usap sa akin tulad ng isang kaibigan na nakikipag-usap sa isang kaibigan, katulad ni Moises nang siya ay nakipag-usap sa Panginoon.
Ang Makulimlim na Butas
Habang lalo kong hinanap ang panariling pakikipagtagpo sa Panginoon sa pang-araw-araw na Misa at Pagsamba, mas lalo kong nadamang mas malapít sa Kanya. Kaya, nag-aral ako ng Teolohiya at nang mas nakilala ko nang matalik ang Diyos, lalo pa Niyang ipinahayag sa akin ang Kanyang sarili, kahit sa mga oras ng kapahamakan, tulad ng pagkamatay ng kapatid ko. Noong panahong iyon, naghihirap ako sa pagtuklas ng aking pagkatao matapos sa aking pag-aaral at tatakot sa hinaharap. Hindi ko na madama ang Kanyang presensya at nag-isip kung pinabayaan na ako ng Diyos. Alam ko ang lahat ng mga salitang binigkas ni Jesus, “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay… Ako ang Pagkabuhay na Mag-uli at ang buhay.” ngunit ngayon ang aking paniniwala ay sinusubok. Totoo ba ang lahat ng iyon? Sa katahimikan habang nakaupo ako sa silid ng aking kapatid, nakamasid sa kanyang bakanteng kama, naalaala ko kung paano sinabihan ni Jesus si Marta, “Babangon muli ang iyong kapatid,” at nadama kong sinasabi Niya ang mga salitang iyon sa akin.
Noong ako ay nagtungo sa World Youth Day, dama ko’y naliligaw ako sa napakalaking katipunán. Nang sinipat ko ang lahat ng mga taong ito, tinanong ko si Hesus, “Panginoon, paano Mong minamahal ang lahat ng taong ito at mahalin din ako?” Ipinakita sa akin ng Diyos kung paano Niya nakita ang bawat isa bilang isang indibidwal na kung kanino’y mayroon Siyang panariling kaugnayan. Minamasdang mabuti ng Diyos ang bawat isa sa atin nang may tangi at indibidwal na pag-ibig. Mahal Ka niya katulad ng walang nang iba, sapagkat wala nang iba ang katulad mo sa mundo. Mahal ka ng Diyos nang natatangi, personal at indibidwal. Walang sinuman mula kay Adan hanggang sa katapusan ng panahon na naging ganap na katulad mo. Kaya, kapag personal mong madama ang Kanyang pag-ibig, nakikita ka Niya na isang natatanging indibidwal bilang ikaw, sa paraang hindi magagawa nino man. Ibinigay Niya ang Kanyang sarili para sa bawat isa sa atin. Noong Siya ay nasa Krus, iniisip Niya ang bawat isa sa atin nang personal sa pangalan.
Pagtataboy sa Aking Mga Takot
Ipinakita sa akin ni Jesus na ang aking imahe ng Ama ay may dungis. Nadama ko na hinahatulan ako ng Diyos, na ako ay napahamak. Natakot ako sa Kanyang katarungan, ngunit nagkamali ako. Naparito si Jesus sa mundo upang ihayag ang pag-ibig ng Ama sa atin sa Kanyang panukala para sa ating kaligtasan—upang pagalingin ang hidwaan sa pagitan ng Diyos at Tao sa pamamagitan ng pakikipamuhay kasama natin. Sinabi pa Niya sa atin na kung nakita natin Siya, nakita natin ang Ama. Ipinakita niya sa akin na ang nakangangang butas sa aking puso ay sinadya para punan ng Diyos, at nang pinapasok ko Siya, pinalaya Niya ako, sa totoo lang. Ginawa tayo ng Diyos at para sa Diyos, kaya nang anyayahan ko Siyang pumasok, pinuno Niya ako ng Kanyang mainit at mapagmahal na presensya, tinataboy ang pagkalumba at pagkabalisa na dati nang bumabagabag sa akin.
Kapag sinusubukan nating punuin ang hugis-Diyos na butas na iyon ng iba pang mga bagay, lahat nito ay hindi magiging sapat, sapagkat Siya ay walang hanggan at hindi kayang palitan. Ipinaalala nito sa akin kung paano tayo binalaan na “ang paglalagay ng maling gasolina sa sasakyan ay maaaring magdulot ng kaguluhan sa iyong paglalakbay at malamang magdulot ng matinding pinsala sa makina ng iyong sasakyan.” Ang puso mo ang iyong makina at kailangan nito ng tamang gasolina upang maiwasan ang pinsalang dinulot ng kasalanan.
Ang pang-araw-araw na Misa, palagiang Pagkumpisal, panalangin, Pagsamba, pagbabasa ng Bibliya at pag-aaral ng pananampalataya, at isang mas taintim na pakikipag-ugnayan sa ating Ina ang naging gatong na nagpanumbalik ng aking puso at nagbigay sa akin ng biyaya na mamuhay sa personal na pakikipagtagpo sa Diyos. Tinawag niya ako para maging mas taimtim. Bagama’t kung minsan masakit pasanin ang aking krus at sundin Siya araw-araw, nagabayan Niya ako sa pagsubok at tukso at pinalawak ang aking kakayahang tanggapin at ibahagi ang Kanyang pag-ibig.
Sa Gitna Ng Iyong Mga Pakikibaka
Araw-araw, sinusubukan ni satanas, ang kaaway, na panghinaan tayo ng loob at ilayo tayo sa pag-ibig ng Diyos. Ayaw niyang malaman at madanasan natin kung ano ang iniaalok ng Diyos. Pinapatigas niya ang ating pagmamataas upang hindi tayo yumuko sa kalooban ng Diyos. Kapag nadama natin ang sakit na dulot sa atin ng kasalanan, nililinlang natin ang ating sarili sa pag-iisip na hindi tayo mahal ng Diyos. Sinabi ni Santa Teresa na ang pamamaraan ni Satanas ay lansagin at gibain ang ating paniniwala na kaya tayong mahalin ng Diyos gayong Siya ay ganap at tayo ay hindi ganap.
Mahal ba talaga ako ng Diyos kapag ako ay naghihirap ? Isang gabi, iniwan ni Hesus ang Kanyang mga disipulo na pakikibaka sa hangin buong magdamag habang Siya ay nananalangin sa isang bundok, ngunit pagka umaga ay nakita nila Siya na naglalakad papalapit sa kanila sa kabila ng tubig. Kapag dumadanas ka ng mahihirap na panahon, nandiyan ang Panginoon sa gitna ng iyong pakikibaka. Sinasabi rin Niya sa iyo, “Huwag kang matakot.” At kapag nadama nating ang ating sarili ay lumulubog, tulad ni Pedro nang binigo siya ng kanyang pananampalataya habang naglalakad siya sa tubig patungo kay Jesus, maaari tayong tumawag, “Panginoon, iligtas Mo ako.” Kapag ang lahat ay tila laban sa iyo, ituon mo ang iyong mga mata sa Kanya at hindi ka Niya bibiguin.
Laging may bagong bukang-liwayway. Bawat araw ay araw na magsimulang muli. “Ang pagtangis ay maaaring tumagal sa buong magdamag, ngunit ang kagalakan ay dumarating sa umaga” (Awit 30:5). Ang gabi ay maaaring simbolo ng pagsubok at tukso. Ang umaga ay simbolo ni Kristo na Siyang Liwanag ng Mundo. Alalahaning sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, iniwan ni Kristo ang libingan sa isang pagsabog ng liwanag. Siya ay naparito upang ibahagi ang Kanyang liwanag sa atin.
Ang ibig sabihin ng pangalan ni Hesus ay nagliligtas ang Diyos. Siya ay dumating upang iligtas tayo. Siya ay dumating upang makibahagi sa ating mga pagsubok, pumasok sa kalaliman kasama natin at hilahin tayo palabas. Ang pagtitiwala ay tulad ng kalamnan na lumalago sa ilalim ng mga mapagsubok na pangyayari at kagipitan. Ang pagsuko ng aking mga hangarin sa Kanya at ang pagtitiwala na tutuparin Niya ang mga iyon ay mahirap. Ang taimtimang masabi, “Nais ko ang kalooban ng Diyos higit pa sa sarili kong kalooban,” ay hindi madali sapagkat gusto nating gawin ang nais nating gawin. Iyan ang ginawa ng ating Ina nang sabihin niyang, “Maganap nawa sa akin ang ayon sa Iyong Salita,” (Lucas 1:38). Sa kanyang malumanay na paraan, nakatayo siya sa tabi namin, tinutulungan tayong iayon ang ating pinakasidhing hangarin sa lahat na mabuti.
Kaya, sa biyaya ng Diyos, sumusulong ako nang may pananalig, nalalamang makakausap ko ang Panginoon bilang isang kaibigan at kaanak ng pamilya tungkol sa lahat ng aking mga pangangailangan. Nakilala ko ang Diyos bilang Isang mapagmahal na Ama na tumatawag sa atin na lumapit sa Kanya nang may halintulad na pagtitiwala ng isang bata sa Kanyang mapagmahal na panukala, sa kabila ng lahat ng ating mga kapintasan, at pagkakamali, gaano man kadaming ulit na tayo ay nabigo.
“Magsilapit tayo sa luklukan ng biyaya” (Hebreo 4:16) at “Huwag matakot, ni manglupaypay: sapagka’t ang Panginoon mong Dios ay sumasaiyo”. (Josue 1:9)
Ang ARTIKULO ay batay sa patotoo na ibinahagi ni Daniella Stephens para sa programang Shalom World na “Jesus My Savior”.
'
Sa mga nagdaang taon, si Margaret Fitzsimmons ay tiniis ang sukdulang pasakit at kahihiyan hanggang narinig niya ang apat na mga salita na ibinago ang kanyang buhay magpakailanman.
Nasirang Kamusmusan
Ako’y dumating sa mundo sa taong 1945, noong ang digmaang-wasak na Alemanya ay nakikipaghamok sa napinsalang mga gusali at libu-libong mga tao na walang matirhan. Ang aking ina ay ipinalaki ako bilang isang magulang at tumahak ng sunud-sunod na pakikipag-ugnayan. Upang makabayad ng upa, kailangan niyang gampanan ang mga karagdagang tungkulin tulad ng pagwawalis ng mga hagdan ng gusali na sa ilalim nito ay tinirhan namin, at ako’y paroroon na may pandakot upang tumulong.
Ang itinatangi kong naturing na ama ay isang pulis. Sila’y nakapagbuntis sa pagsasama nila, ngunit ayaw ng inay ang bata, kaya siya’y kusang nagpalaglag, pagkatapos ay nilisan yaong samahan at nagsimulang mamasukan sa mga otel. Habang si Mama ay nanunungkulan sa baba at nakikipag-inuman sa mga mananangkilik, ako’y nag-iisa sa silid-tulugan sa taas ng kisame. Kung siya’y lasing, ang ina ko’y sumpungin at naghanap ng mali na walang katuturan kapag siya’y umuwi. Laging iniwanan niya ako ng mahabang listahan, ngunit hindi ko ito nabuo sa kanyang kaluguran. Naging masahol ang mga bagay at isang gabi ay humantong siya sa bilangguan matapos makipag-away sa bagong kasintahan ng pulis.
Mula Masama Patungong Higit na Masama
Pagkatapos na mangibangbansa ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki sa Ostralya, ang aking lolo ay inisip na mabuti kapag kapwa ang aking ina at tiyo ay nasa bansang yaon. Kaya sinundan namin siya sa Ostralya noong 1957 at tumira kaming kasama siya nang maikling panahon. Si Mama ay nakapaghanap-buhay bilang tagapagluto, at hinugasan ko ang lahat ng mga kaldero at mga kawali. Kung nadakip niya akong hindi pinapagbuti ang aking gawain, hinahagisan niya ako ng mga bagay, tulad ng pang-ihaw na sambat. Dahil ako’y labindalawang gulang pa lamang at madalas na nagkakamali, ako’y nagkaroon ng mga peklat sa buong katawan. Kapag siya’y manhid sa panginginom, ito’y lumalala. Sinimulan kong kamuhian siya.
Kami ay nakatira sa isang bahay-panuluyan sa panahong yaon, at siya’y nakipagkilala na sa maraming taong nagigiliwang magmaneho patungo sa kabukiran at magsisi-upo sa lilim ng mga puno upang mag-inuman. Ako’y halos na nasa ikalabintatlong gulang noon, kaya ayaw niya akong iwanan na mag-isa sa bahay, ngunit siya’y pumaparoon sa talahiban at iiwanan akong nakaupo kasama ng kung sino man ang naroroon. Isa sa mga yaong gabi, ginahasa ako ng mga magkakabarkada, ngunit ako’y napakatakót na ipaalam ito kay Mama.
Isa pang gabi, habang nagmamaneho sa daang-bayan, isang sasakyan ay paulit-ulit kaming nilalagpasan, at sa huli’y napahinto kami sa tabi. Lumitaw na ito pala ay sikretang pulisya. Dinala nila kami sa himpilan ng pulis at bawa’t-isa kaming tinanong. Nang nalaman nilang ako’y napagsamantalahan, dumating ang isang manggagamot upang suriin ako. Binigyan nila si Mama ng patawag ng hukom para sa isa o dalawang araw nang matapos ito. Ngunit nang kami ay nakauwi, siya’y nagsimulang mag-impake at naabutan namin ang sumunod na tren paalis ng bayan. Kami ay napadpad sa isang munting bayan na kung saan siya muling namasukan bilang tagapagluto, at ako’y naatasan bilang katulong. Ito’y mahirap na buhay, ngunit natuto akong makaraos.
Gipit sa Pag-asa
Si Mama ay kumabit sa lalaking nagngangalang Wilson, at kami ay nanirahan na kasama siya. Si Wilson ay nagmula na sa pagamutan ng may mga sakit sa isip matapos pumanaw ang unang asawa niya. Malaot-madaling sinuhulan siya ni Mama, at nagsimula silang mag-away kapag lasing na sila. Kinamuhian kong mamagitan sa kanilang awayan. Nang si Mama ay nagbuntis, sinabi niya, “Dalhin natin ang sasakyan ni Wilson at pumaroon sa Sydney at magsimula ng bagong buhay. Hindi ko talaga nais makasal o maisilang itong sanggol.” Ako’y kinilabutan. Sawa na akong mag-isa at nagnais na akong magkaroon ng lalaki o babaeng kapatid nitong mga taon. Kaya ako’y pumunta at sinabihan si Wilson. Matapos niyang harapin ang aking Mama, natuloy silang magpakasal, ngunit tinuring niya itong kagagawan ko. Inatasan niya akong arugain ang bata pagkat ito’y hindi niya ninais. Ang aking batang kapatid na babae ay ang aking mundo hanggang makilala ko si Tom.
Ako’y sawa na sa lahat ng mga bakbakan at pinangakuhan ako ni Tom na pakasalan pagkarating ko ng sapat na gulang. Inakala kong ang buhay ay magiging masaya pagkaraan nito, ngunit hindi. Ang ina ni Tom ay kaibig-ibig. Talagang sinikap niya na pangalagaan ako, ngunit si Tom ay magpapakalasing, pagkatapos ay uuwi at pagmamalabisan ako. Palagi siyang nalalasing at nasisibak sa bawa’t pinasukan na hanapbuhay, kaya kami’y parating lumilipat. Kami ay nakasal, at ako’y nanalig na siya’y magpapakaayos at pakikitunguhan ako nang mabuti-buti, ngunit patuloy niya akong sinasaktan at ang pakikipagkalaguyo sa iba. Minarapat kong takasan itong dusa, kaya ako’y nag-alsabalutan at lumipat sa Brisbane kung saa’y namasukan ako bilang tagapaghugas.
Isang malalim na gabi, nang ako’y nanaog mula sa bus, nakakita ako ng isang tao na nakatayo sa kabila ng daan. Alam kong ito’y si Tom. Bagama’t ako’y nangilabot, ako’y nanatiling malapit sa liwanag kung sakaling mag-akma siyang gumawa ng kaungasan. Sinundan niya ako, sinabihan ko siya na ayaw kong makipagbalikan at nais kong makipaghiwalay.
Isang Bagong Simula
Nang ako’y nakauwi, inimpake ko ang mga bagahe. Ako’y lumulan ng tren patungo sa Sydney, at sumakay ng bus palabas ng bayan. Sa mga sumunod na mga buwan, ako’y nagkaroon ng mga masasamang panaginip na hinahabol niya ako. Ako’y nagpatibay ng sarili at nakatagpo ng hanapbuhay bilang katulong sa ospital kung saa’y nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Mayroong isa pang dalagita na nahihirapan sa wikang Ingles na katulad ko sa maraming bagay. Kami ay malugod na nagkakasundo at magkasama kaming nagsimula sa pag-aaral ng nursing, at namasukan kami sa ospital nang matapos ang pagsasanay.
Siya’y may kilalang lalaki na nasa Pambansang Paglilingkod ng sandatahang hukbo. Nang inanyayahan niya ang lalaki sa isang sayawan, isinaayos niya ako sa isang blind date upang kami ay magkatagpo. Hindi ko nahangaan ang pagtagpuan, ngunit ito’y isang paraan upang makalabas. Isa sa mga tagapagtustos ng kakanin na kasapi sa hukbo ay nagsimulang bigyan ako ng pansin. Inakala ko siyang higit na mainam sa blind date, kaya kami’y sumayaw nang iilang ulit at nagkaigihan. Madalas kaming nakipagkita sa isa’t-isa, ngunit pagkaraan ng iilang linggo sinabi sa akin ni Peter na siya’y ipadadala ng hukbo para sa pag-aaral ng abiyasyon. Ako’y sukdulang nabalisa.
Nakapagbahagi na kami ng mga salaysayin sa isa’t-isa, kaya alam niya kung anong nagaganap, ngunit hindi niya ako tinalikdan at patuloy siyang nakikipagbigay-alam. Habang nakikilala ko nang lalo ang katauhan niya, lalo ko siyang kinagiliwan, ngunit hindi ko nais na muling magpakasal, pagkaraan ng unang kasawian. Sa huli, pinakilala niya ako sa kanyang kamag-anakan, at nagkaroon kami ng kasunduan bago niya natapos ang kanyang pagsasanay. Siya ay inilagay sa Townsville kung saan kami nanirahan ng dati ni Tom. Bagama’t hindi ko nais na madalaw muli ang mga lagim ng nakaraan, hindi ako makatanggi kay Peter. Nagsama kami ng halos dalawang taon bago kami makasal na sang-ayon sa batas. Si Peter ay napalaking Katoliko ngunit huminto sa pagsasabuhay nito gawa ng masidhing pangkawal na pagsasanay, kaya kami ay ikinasal sa likod ng aming bakuran.
Mga Salitang Nakapagbago ng Lahat
Paminsan-minsan ay nalulungkot ako kapag si Peter ay napapalayo upang maglingkod sa pag-ayos ng mga elikoptero sa palapagan. Ako ay nakahanap ng mapapasukan sa mataas na paaralan bilang kawani sa laboratoryo, ngunit napagtanto namin na mayroong isang bagay na nawawala sa aming buhay. Mayroon kami ng lahat na kinakailangan, ngunit mayroon pa ring kawalan ng laman. Iminungkahi ni Peter, “Pumunta tayo sa simbahan.” Sa mga kauna-unahang ulit, kami ay umupo sa likod ng mga bangko, ngunit nang mabuksan ang aming mga puso sa piling ng Panginoon, kami ay lalong napasaloob. Nakarinig kami ng Marriage Encounter sa katapusan ng linggo at nagpalista. Ito ay tunay na pangmulat ng mga mata sa aming dalawa. Ang mga puso namin ay nabigyang-sigla.
Sa katapusan ng yaong linggo, natutunan namin na makipag-usap sa paraan ng pagsusulat ng mga bagay. Matagal ko nang hindi magawang mailagay ang aking nadama sa pananalita. Si Mama ay palagi akong sinasabihan na tumahimik, kaya ako’y natutong hindi magsalita at magawang ipamahagi ang aking mga damdamin.
Nang unang marinig ko ang mga salitang, “ang Diyos ay hindi lumilikha ng basura,” alam kong yaong mga salita ay nauukol sa akin. Isang alon ng damdamin ang gumapi sa akin. ‘Ako’y ginawa ng Diyos. Ako’y maayos. Ako’y hindi basura.’ Lahat ng yaong mga taon, pinupulaan ko ang aking sarili, sinisisi ang aking sarili sa mga masasamang bagay na nangyari—ang pagkagahasa, ang pagpapakasal sa isang lasenggo na dapat na napag-isipan ko ng mabuti, ang paghihiwalay, ang panlalabis ng aking ina… Ako ay bumalik sa pagkabuhay. Ang puso ko ay nagbabago nang higit pa tuwing dumadalo ako ng Misa o isang pulong ng panalangin. Ako’y lubos na napamahal sa Diyos at aking asawa.
Pinapalitan ang Poot ng Pag-ibig
Hanggang sa tagpong ito, wala pa akong napatawad kahit sinoman. Ikinubli ko ang lahat ng aking dinaramdam sa likuran at ikinulong ko ang mga ito nang palayo na tila hindi nangyari ang mga ito. Nang kami ni Peter ay nagkaroon ng kasunduang magpakasal, nais kong malaman ito ni Mama. Ako’y nagpadala sa kanya ng mga sulat ngunit isinauli niya ang mga ito “sa nagpadala,” kaya ako’y tumigil na lang. Napanagimpan ko ang aking ina na nakasabit mula sa isang punongkahoy. Ang kanyang matingkad na bughaw na mga mata ay dilát at nakatitig sa akin. Tumingala ako sa kanya nang may habag at sinabi ko, “O Diyos, kinasusuklaman ko siya, ngunit hindi gaano.” Kahit papaano, ang yaong panaginip ay pinayuhan akong huwag magalit. Kahit na sukdulan kong kinamuhian ang ginawa ng isang tao, ang poot ay mali. Pinatawad ko si Mama nang lubusan, at ito’y nagbukas sa ibang mga pintuan ng biyaya. Ako’y nagpakahinahon at muling nakipag-abót sa aking ina hanggang siya’y muling sumagot, at kami’y nanatiling kasama siya ng dalawang araw. Nang ang aking kapatid na babae ay tumawag upang sabihan ako na siya’y biglaang namatay ng atake sa puso, ako’y sumambulat ng mga luha.
Pagkaraan ng kanyang pagpanaw, pakiramdam ko’y hindi ko pa napatawad si Mama nang wasto, ngunit ang pagpapayo at mga dalangin kasama ng isang mabuting pari ay nakatulong sa pagbalik ng aking kapayapaan. Nang binigkas ko ang mga diwa ng kapatawaran, ang Banal na Ispirito ay lumagos sa aking katauhan, at nalaman kong napatawad ko na siya.
Ang pagpapatawad kay Tom ay isang bagay na paulit-ulit kong ibinalik sa panalangin. Ito’y inabot ng kahabaan, kinakailangan kong sabihin nang malakas nang higit sa isang ulit na pinatatawad ko si Tom para sa mga panahon na pinagmalabisan niya ako, sa kanyang mga pangangaliwa, at sa kanyang hindi wastong pakikitungo sa akin. Alam ko na napatawad ko na siya. Hindi maaalis nito ang mga gunita, ngunit maaalis nito ang pasakit.
Pinupunasan ang Pisara nang Malinis
Ang pagpapatawad ay hindi pang-isahang ulit na bagay. Kailangan nating magpatawad kapag ang mga hinanakit ay nanunumbalik. Dapat nating ipagpatuloy ang pagtigil sa pagnanais na magtanim ng mga sama ng loob at ipaubaya ang mga ito kay Jesus. Ito ang panalangin ko, “Jesus, ipinauubaya ko sa Iyo ang bawa’t bagay, alintanahin Mo ang bawa’t bagay.” At ginagawa Niya. Nadadama ko ang lubos na kapayapaan kapag idinasal ko ito ng makailang ulit.
Inabot ng mahabang panahon bago ako nagkalakas upang maidala ang nakahihilom na pagpatawad sa panggagahasa. Ito’y itinulak ko lamang sa tabi. Di ko nais na kahit pag-isipan Ito. Ngunit kahit yaon ay nahilom nang ihinarap ko ito kay Kristo at pinatawad ko ang aking mga manamantala. Ito’y hindi na ako ginagambala. Ito’y pinunasan ng Diyos nang malinis, dahil hiniling ko sa Diyos na sumapit at pawiin ang anumang hindi nararapat sa Kanya.
Ngayon, ihinahabilin ko ang mga bagay sa Diyos habang ang mga ito ay nagaganap, at ang kapayapaan ay humuhugas sa akin. Tayo ay may isang Diyos na kahanga-hanga, na nagpapatawad, umaga, tanghali, at gabi. Anumang kadiliman ang nasa ating buhay, ang Diyos ay naghihintay para sa atin na magsisi at humiling ng Kanyang tawad, upang tayo ay malinisan Niya at magawang buo.
'
Kapag tinawag tayo ng Diyos, binibigyan din niya tayo ng lakas upang malampasan natin ang anumang darating na mga hadlang . Basahin ang kamangha-manghang kuwento kung paanong si Fr. Si Pedro ay kumapit sa Diyos nang sinalakay siya ng mga unos ng buhay.
Noong Abril 1975, ang buhay ng mga taong Vietnamese na naninirahan sa Timog ay nagbago magpakailanman nang sakupin ng mga Komunista ang bansa. Mahigit sa isang milyong sundalo ng Timog Vietnam ang nahuli at ikinulong sa mga kampong piitan sa buong bansa, habang daan-daang libong klero, seminarista, madre, monghe at kapatid ang ikinulong sa mga kulungan at sentro ng mga pag baballik aral upang sila ay ma-impluwensiya. Humigit-kumulang 60% sa kanila ang namatay sa mga kampo kung saan hindi sila kailanman pinayagang tumanggap ng mga pagbisita mula sa kanilang mga pamilya o kaibigan. Nabuhay sila na parang nakalimutan na sila.
Bansang Nasalanta ng Digmaan
Ipinanganak ako noong dekada ng 1960, noong panahon ng digmaan, kararating lamang ng mga Amerikano sa aking bansa. Ako ay pinalaki sa panahon ng labanan sa pagitan ng Hilaga at Timog, kaya ito ang naging senaryo ng aking pagkabata. Nang matapos ang digmaan, halos nakatapos na ako ng sekondaryang paaralan. Hindi ko gaanong naintindihan kung ano ang tungkol dito, ngunit labis akong nalungkot nang makita ang napakaraming tao na nagdadalamhati para sa lahat ng kanilang mga mahal sa buhay na pinatay o ikinulong.
Nang sakupin ng mga Komunista ang aming bansa, nabaligtad ang lahat. Nabuhay kami sa takot sa ilalim ng patuloy na pang-uusig para sa aming pananampalataya. Wala kang makikitang kalayaan sa anumang paraan. Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa aming kinabukasan. Ang aming kapalaran ay ganap na nasa kamay ng mga miyembro ng Partido Komunista.
Pagsagot sa Tawag ng Diyos
Sa mga hindi magandang kalagayang ganito, naramdaman ko ang tawag ng Diyos. Noong una, malakas akong tumugon dito, dahil alam kong imposibleng sundin ko ang tawag na iyon. Una sa lahat, walang seminaryo kung saan ako makapag-aaral para sa pagpapari. Pangalawa, hindi lang para sa akin ang pagiging delikado, kundi mapaparusahan din ang pamilya ko kapag nalaman ito ng gobyerno. At sa huli, nadama kong hindi ako karapat-dapat na maging disipulo ni Jesus. Gayunpaman, ang Diyos ay may sariling paraan upang maisakatuparan ang Kanyang plano, kaya sumali ako sa (palihim na) seminaryo noong 1979. Pagkalipas ng labing-anim na buwan, natuklasan ng lokal na pulisya na gusto kong maging pari at kaya tinawagan ako para sa hukbo.
Umaasa ako na baka makalaya ako pagkatapos ng 4 na taon, upang makabalik ako sa aking pamilya at sa aking pag-aaral, ngunit sa aking pagsasanay ay binalaan ako ng isang kaibigan na kami ay ipinadala upang lumaban sa Kampuchea. Alam ko na 80% ng mga sundalong lumaban sa Kampuchea ay hindi na nakabalik. Takot na takot ako sa inaasam-asam na pag-alis, at gumawa ako ng mga plano para makaalis, sa kabila ng mga nakaambang panganib. Bagama’t matagumpay akong nakatakas, nasa panganib pa rin ako. Hindi ko maaaring ilagay sa panganib ang aking pamilya sa pag-uwi, kaya patuloy akong patago-tago, sa takot na baka may makakita sa akin at isumbong ako sa pulisya.
Tumatakas para Mabuhay
Pagkatapos ng isang taon ng pang-araw-araw sa takot na ito, na tila walang katapusan, sinabi sa akin ng aking pamilya na, para sa kaligtasan ng lahat, kailangan kong subukang tumakas mula sa Vietnam. Pagkalipas ng hatinggabi, isang madilim na gabi, sinundan ko ang mga lihim na direksyon pagapang sa isang maliit na bangkang pangisda na gawa sa kahoy kung saan limampung tao ang nagtipon tipon na nagsisiksikan sa barko upang patakbuhin ang barko ng mga Komunistang patrol. Mula sa maliliit na bata hanggang sa matatanda, pigil-hininga kami at ang mga kamay ng isa’t isa hanggang sa ligtas kaming nakalabas sa dagat. Ngunit ang aming mga problema ay nagsisimula pa lamang. Nagkaroon lang kami ng malabong ideya kung saan namin gustong pumunta ngunit wala kaming ideya kung paano kami pupunta doon.
Ang aming pagtakas ay puno ng paghihirap at panganib. Apat na araw kaming gumugol sa kakila-kilabot na panahon, napatapon sa maalon na dagat. Sa isang yugto, nawalan na kami ng pag-asa. Nag-alinlangan kami na makakaligtas pa kami sa susunod na bagyo at naniniwala kami na hindi na kami makakarating sa aming destinasyon dahil nasa awa kami ng dagat na tila dinadala kami ng walang direksiyon at kami’y walang magawa dahil hind namin alam kung nasaan kami. Ang magagawa lang namin ay ipagkatiwala ang aming buhay sa tulong at awa ng Diyos. Sa lahat ng oras na ito, nasa ilalim kami ng Kanyang proteksyon. Hindi kami makapaniwala sa aming magandang kapalaran nang sa wakas ay nakahanap kami ng kanlungan sa isang maliit na isla sa Malaysia kung saan gumugol ako ng walong buwan sa isang refugee camp, bago ako tinanggap sa Australia.
Malakas na Nakabangon
Pagkatapos na mapagtiisan ang mga ganoong mga kakila-kilabot na pangyayari, sa wakas ay natuklasan ko na “pagkatapos ng ulan ay sumisikat ang araw”. Meron tayong tradisyonal na kasabihan, “ang isang daloy ay magkakaroon ng pagbagsak”. Ang bawat tao sa buhay ay dapat magkaroon ng ilang malulungkot na mga araw upang ihambing sa mga araw ng kagalakan at kasiyahan. Marahil ito ay isang tuntunin ng buhay ng tao. Walang sinuman mula sa kapanganakan ang maaaring malaya sa lahat ng kalungkutan. Ang iba ay pisikal, at ang iba ay mental at ang iba ay espirituwal. Ang ating mga kalungkutan ay naiiba sa bawat isa, ngunit halos lahat ay magkakaroon ng parte. Gayunpaman, ang kalungkutan mismo ay hindi maaaring pumatay ng isang tao. Tanging ang kakulangan ng kalooban na magpatuloy sa pagsuko sa kalooban ng Diyos ang makapagpapapahina ng loob ng isang tao na labis na naghahanap ng kanlungan sa hindi mapang-unawang kagalakan, o pumili ng pagpapakamatay sa walang kabuluhang pagtatangkang makatakas mula sa kalungkutan.
Pakiramdam ko ay masuwerte ako na natutunan ko, bilang isang Katoliko, na magtiwala nang buo sa Diyos para sa aking buhay. Naniniwala ako na tutulungan Niya ako sa tuwing ako ay may problema, lalo na kapag tila wala na akong mga pagpipilian, at napapalibutan na ng mga kaaway. Natutunan ko sa pamamagitan ng karanasan na humanap ng kanlungan sa Diyos, ang kalasag at muog ng aking buhay. Walang makapipinsala sa akin kapag Siya ay nasa aking tabi (Awit 22).
Bagong Buhay sa Bagong Lupain
Pagdating ko sa Australia, itinuon ko ang aking sarili sa pag-aaral ng Ingles upang matupad ko ang pananabik sa aking puso na patuloy na mag-aral para sa pagpapari. Ito ay hindi madali para sa akin sa simula, naninirahan sa isang ganap na kakaibang kultura. Kadalasan, hindi ko mahanap ang tamang mga salita upang ipaabot ang aking mga iniisip nang walang kaguluhan. Minsan parang gusto kong sumigaw ng malakas dahil sa pagkabigo. Kapag walang pamilya, o kaibigan, o pera, mahirap magsimula ng bagong buhay. Nakaramdam ako ng kalungkutan at pag-iisa, na may kaunting suporta mula sa sinuman, maliban sa Diyos.
Siya ang aking laging kasama, na nagbibigay sa akin ng lakas at tapang na magpatuloy sa pagtitiyaga sa kabila ng lahat ng mga hadlang. Ginabayan ako ng Kanyang liwanag sa kadiliman, kahit na hindi ko nakilala ang Kanyang presensya. Ang lahat ng aking nakamit ay sa pamamagitan ng Kanyang biyaya at hindi ako titigil sa pasasalamat sa Kanya sa pagtawag sa akin na sumunod sa Kanya.
'
Ang Tanong Na Bakit
Ang dalubhasa sa pisika na si Christian Simon, 33, ay isang ateista sa loob ng mahabang panahon at umasa sa agham para sa mga sagot sa lahat ng mahahalagang tanong sa buhay – hanggang sa makatagpo niya ang hangganan nito.
Lumaki akong Katoliko, tumanggap ng lahat ng sakramento gaya ng nakaugalian, at may pagka deboto din noong bata pa ako. Sa kasamaang palad, sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ako ng isang napakalaking huwad na imahe ng Diyos: Ang Diyos bilang isang mahigpit na hukom na nagtatapon ng mga makasalanan sa impiyerno, ngunit kung hindi man ay di-maabot at hindi talaga interesado sa akin. Labis akong nag-alinlangan kung mabuti ang pakay sa akin ng Diyos. Sa aking kabataan, lalo pa akong naging naniwala na ang Diyos ay sumasalungat sa akin. Naisip ko na lagi Niyang ginagawa ang siyang kabaligtaran ng ipinagagawa ko sa Kanya. Minsan para sa akin, ito ay nagwakas na. Wala na akong gustong malaman pa tungkol sa Diyos.
A Pananampalataya – Isang Bagay para sa Mga Kakaiba
Sa gulang na mga 18, naniwala ako na talagang walang Diyos. Para sa akin, kung ano lang ang nadadanasan ko sa aking mga pandama o kung ano ang masusukat ng natural na agham ang mahalaga. Para sa akin, ang pananampalataya ay para lamang sa mga kakaiba na maaaring may labis na imahinasyon o sadyang ganap na napaniwala at hindi kailanman nagsuri sa kanilang pananampalataya. Naniniwala ako na kung ang lahat ay kasing talino ko, wala nang maniniwala sa Diyos.
Matapos ang ilang taong pansariling paghahanap- buhay, nagsimula akong mag-aral ng pisika sa gulang na 26. Labis akong nabighani sa kung paano tumatakbo ang mundo at umasa akong mahanap ang mga sagot. Sino ang maaaring sumumbat sa akin? Ang pisika ay maaaring napakahiwaga sa kanyang di kapani-paniwalang makabagong palatuusan na napaka kaunting tao sa mundo ang nakakaunawa. Madaling makuha ang kaisipang kung lamang kaya mong lansagin itong nakakodigong pagsasaayos at simbolong mga ito, mabubuksan ang di abot-maisip na karunungan – at talagang maaaring mangyari ang kahit anumang bagay.
Matapos mapag-aralan ang lahat ng uri ng mga galamay ng pisika at maging ang pag-intindi sa mga pinaka-napapanahon na saligang pisika, naupo ako upang gawin ang aking tesis tungkol sa isang mahirap unawaing paksang panteorya – isang bagay na hindi ko pinaniwalaang magkakaroon ng anumang kaugnayan sa totoong mundo. Sa bandang huli ay nahinuha ko ang hangganan ng pisika: ang pinakamataas na layunin na maaaring maabot ng pisika ay ang pinakatumpak na palatuusang paglalarawan sa kalikasan. At iyon ay napaka-mapag-asang pag-iisip. Sa pinakamahusay na kalagayan, maaaring ilarawan ng pisika kung paano gumagana ang isang bagay, ngunit hindi kailanman kung bakit ito gumagana nang ganap sa paraan nito at hindi ang kasaliwaan nito. Ngunit ang tanong na ito tungkol sa kung bakit ang siyang nagpapahirap sa akin sa oras na ito.
Ang Probabilidad ng Diyos
Para sa mga kadahilanang hindi ko maipaliwanag nang kasiya-siya, napahawak ako sa taglagas ng 2019 ng tanong kung may Diyos nga ba. Ito ay isang tanong na itinanong ko sa aking sarili, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako pakakawalan. Humingi ito ng sagot, at hindi ako titigil hangga’t hindi ko ito nahanap. Walang mahalagang karanasan, walang hagupit ng kapalaran na hahantong dito. Kahit si Corona ay hindi isyu noong panahong iyon. Sa loob ng kalahating taon ay sinabsab ko lahat ng mahahanap ko sa paksang “Diyos” araw-araw. Sa panahong ito halos wala akong ibang ginawa, ang daming naakit sa akin ng tanong. Gusto kong malaman kung umiiral ang Diyos at kung ano ang sinabi ng iba’t ibang relihiyon at pananaw sa mundo tungkol dito. Sa paggawa nito, napakasiyentipiko ng myapproach. Naisip ko na kapag nakolekta ko na ang lahat ng argumento at mga pahiwatig, sa kalaunan ay matutukoy ko na ang posibilidad kung mayroong Diyos. Kung ito ay higit sa 50 porsiyento, kung gayon ay maniniwala ako sa Diyos, kung hindi. Medyo simple, hindi ba? Hindi talaga!
Sa matinding panahon ng pananaliksik na ito, natutunan ko ang isang hindi kapani-paniwalang halaga. Una, napagtanto ko na hindi ko maaabot ang aking layunin nang may dahilan lamang. Pangalawa, inisip ko hanggang sa wakas ang mga kahihinatnan ng isang realidad na walang Diyos. Hindi maiiwasang dumating ako sa konklusyon na sa mundong walang Diyos, ang lahat ay magiging walang kabuluhan. Mula sa isang purong siyentipikong pananaw, alam natin na sa isang punto sa uniberso ay mamamatay ang lahat ng mga ilaw. Kung wala nang higit pa riyan, ano ang pagkakaiba ng aking maliliit at malalaking desisyon, sa katunayan, anuman sa lahat?
Nahaharap sa malungkot na pag-asang ito ng isang mundong walang Diyos, nagpasya akong sa tagsibol ng 2020 na bigyan Siya ng pangalawang pagkakataon. Ano ang masakit na magpanggap lamang na naniniwala sa Diyos pansamantala, at subukan ang lahat ng ginagawa ng mga taong naniniwala sa Diyos? Kaya sinubukan kong manalangin, dumalo sa mga serbisyo sa simbahan, at gusto ko lang makita kung ano ang gagawin nito sa akin. Siyempre, ang aking pangunahing pagiging bukas sa pagkakaroon ng Diyos ay hindi pa ako naging Kristiyano; pagkatapos ng lahat, may iba pang mga relihiyon. Ngunit ang aking pagsasaliksik ay mabilis na nakumbinsi sa akin na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay isang makasaysayang katotohanan. Para sa akin, ang awtoridad ng Simbahan gayundin ang Banal na Kasulatan ay sumusunod dito
Patunay Ng Diyos
Sa gayon, ano ang lumabas sa aking eksperimento sa “pananampalataya”? Ginising ng Banal na Espiritu ang aking budhi mula sa pamamahinga nito nang madaming taon. Nilinaw niya sa akin na kailangan kong lubusang baguhin ang aking buhay. At malugod Niya akong tinanggap. Kung tutuusin, ang aking salaysay ay nasa talinghaga sa bibliya tungkol sa alibughang anak (Lucas 15:11-32). Buong lakas kong tinanggap ang sakramento ng kumpisal sa unang pagkakataon. Hanggang ngayon, tuwing matapos ang bawat kumpisal, pakiramdam ko’y isinilang akong muli. Dama ko ito sa buong katawan ko: ang kaginhawahan, ang nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos na naghuhugas ng lahat ng kulimlim ng kaluluwa. Ang karanasang ito lamang ay patunay ng Diyos para sa akin, dahil ito ay higit sa anumang pagtatangka ng agham sa pagpapaliwanag.
Bilang karagdagan, binigyan ako ng Diyos ng napakadaming magagandang pagtatagpo nitong nakalipas na dalawang taon. Sa simula pa lang, nang magsimula akong dumalo sa mga paglilingkod sa simbahan, nakilala ko ang isang taong angkop para sa akin sa aking katayuan sa oras na iyon kasama ang lahat ng aking mga katanungan at suliranin. Hanggang ngayon siya ay tapat at mabuting kaibigan. Simula noon, halos buwan-buwan ay dumadating ang mga bagong dakilang tao sa buhay ko, na nakatulong sa akin nang higit sa paglapit ko kay Hesus – at ang pamamaraang ito ay nagpapatuloy pa din! Ang ganitong uri ng “masayang mga pagkakataon” ay nagkaipon-ipon na hindi na ako makapaniwala sa mga di sinasadyang pagkakataon.
Ngayon, lubos kong itinuon ang aking buhay kay Hesus. Syempre, araw-araw akong nabibigo dito! Ngunit sa tuwing nangyayari iyon, bumabangon ako. Salamat sa Diyos na ang Diyos ay mahabagin! Nakikilala ko Siya ng mas maige araw-araw at pinapayagan akong iwan ang lumang Christian Simon. Napakasakit nito kadalasan, ngunit laging nakakapanlunas at ako’y lumalakas. Ang panayang pagtanggap ng Eukaristiya ay nagdudulot ng malaking bahagi sa aking pagpapalakas. Para sa akin ngayon, hindi ko maisip ang buhay na wala si Hesus. Hinahanap ko Siya sa pang-araw-araw na panalangin, papuri, Banal na Kasulatan, paglilingkod sa iba, at sa mga sakramento. Walang sinuman ang nagmahal sa akin ng katulad Niya. At sa Kanya ang puso ko. Para sa lahat nang oras.
'
Ang pananalangin kay Maria ay hindi ang siyang katapusan…Ito ay isang banal na landas na laging humahantong kay Kristo
Ang aking ina at lola ay may malaking pananalig sa ating Ina at sa Pusong Sagrado. Bilang mga bata, madalas kaming nagdadasal kay Maria para sa madaming bagay na kinailangan namin. Kahit nang sinikap naming hanapin ang nawawalang manika o bisikleta na ninakaw, bumaling kami sa ating Ina. Ang ama ko ay dating namamasukan sa konstruksyon. Kapag mahirap makahanap ng gawain na pagkakakitaan, na madalas na mangyari, nanalangin ang aking ina ko kay Maria at walang sala, hindi nagtagal, isang kontratista ang tatawag na nag-aalok ng gawain para sa aking ama.
Dahil sa akala naming ito ay lubhang mahaba, kadamihan sa aming mga bata ay tumatakbo at nagtatago sa tuwing nadidinig namin ang salitang ‘Rosaryo’. Ngunit sa kalaunan ay nahahanap kami ng aming ina at pinagsasamasama kami para manalangin. Sa kasamaang palad, habang kami ay lumalaki, ang ating Ina ay naging hindi kasing mahalaga sa amin gaya noong kami ay mga bata pa.
Muli Sa Bisig Ni Maria
Noong 2006, ang Komunidad San Patrick’s ay dumating sa aming parokya upang magbigay ng misyon. Ang bawat araw ay binuo ng Banal na misa sa umaga at mga talumpati at patotoo sa gabi. Sa pagtatapos ng linggo, nalaman kong ang aking puso ay nagsimula nang magbago. Isang alon ng mga pagkabatang alaala ng pagdadasal sa ating Ina, ang bumalot sa akin, at naalala ko ang mahalagang papel na ginampanan niya sa aming buhay. Inasam kong mabawi ang aking pagkabatang pagkakaugnay kay Inang Maria.
Sa kahuli-hulihang araw ng Misyon, nagdiwang kami ng isang magandang Banal na Misa. Pagkaraan, ang mga kabataan ng parokya ay nagtipon-tipon sa pagsisindi ng kandila para sa ating Ina. Kaming mga nakakatanda ay sumama sa kanila. Habang nagtitirik kami ng kandila at nagdadasal, ang mga bata ay madaming tinanong tungkol sa Banal na Ina: “Nasaan siya ngayon?” gusto nilang malaman, at “Paano natin siya kakausapin?” Taimtim silang nanalangin, nakapikit ang mga mata at magkadikit ang mga kamay. Muli, naramdaman ko ang pagnanais na mabawi ang aking kabanalan noong ako ay bata pa. Nagsimula akong makipag-usap sa ating Ina gaya ng ginawa ko noong bata pa. Kung minsan sapat na sa ating mga nakakatanda na kausapin siya, ngunit hindi ang makipag-usap sa kanya. Hindi natin siya kinakausap tulad ng ginagawa nating makipag-usap sa ating mga ina. Sa panahon ng misyon ng parokya, muli kong natutunan kung paano huminahon kasama ang ating Ina at hayaang ang aking mga panalangin ay dumaloy mula sa akin.
Isang araw sa kotse kasama ang aking anak na si Sarah, sinabi ko na ibig kong makita ang ating Ina. Sumagot siya na ito ay magiging “kahanga-hanga”. At sinabi niya, “Sandali, Mommy, nakikita natin ang ating Ina. Araw-araw natin siyang nakikita, pero walang naglalaan ng oras para talagang makita siya o makausap siya.” Namangha ako sa kanyang puna na kamuntik na akong mapunta sa bangketa. May katwiran ang sinabi ni Sarah. Nang lumingon ako para hingin ang kanyang paliwanag, balik na siyang naglaro ng kanyang manika. Naniniwala ako na ang kanyang puna ay udyok ng Banal na Espiritu. “Bagaman inilihim Mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at matatalino, inihayag Mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata” (Mt 11:25).
Nakahawak Sa Mga Kamay Ni Maria
Oo nga, kasama sa pagdadasal ko sa ating Mahal na Ina ang pagbigkas ng rosaryo. Bagama’t isa itong mahalaga at magandang panalangin, sa loob ng madaming taon ay nahirapan akong dasalin ito dahil hindi ko pa natakasan ang daing ko noong ako at bata pa na ito ay napakahaba. Subalit sinimulan kong tanggapin ang kahalagahan ng rosaryo nang inumpisahan kong pagnilayan ang buhay ni Jesus. Bago nuon, ang rosaryo ay isang dasal na minamadali ko para matapos na agad. Ngunit sa aking pagninilay sa buhay ni Jesus, itinuro sa akin ng ating Ina na ang rosaryo ay lalong naglalapit sa atin sa Kanyang puso. Dahil siya ang Ina ng Diyos at Ina din natin, makakaasa tayong tangan niya tayo sa kamay at aakayin tayo sa mas taimtim na paglalakad kasama ni Kristo na siya lamang ang lubos na nakakaunawa.
Sa patuloy nating pakikibaka sa buhay, ang mga paghihirap na ating nadadanasan ay maaaring makapagdulot sa atin ng pag-aalinlangan sa pag-ibig ng Diyos o ilayo tayo sa ating Ina. Ang aking hipag ay namatay sa cancer noong siya ay apatnapu’t dalawa pa lamang na naiwan ang isang asawa at tatlong anak. Sa mga ganitong pagkakataon, natural na magtanong, “Bakit nangyari ito?” Ngunit sino ang higit na makakaunawa sa ating mga pagsubok kaysa kay Maria? Tumayo siya sa paanan ng Krus at minasdan ang kanyang anak na magdusa at mamatay. Maaari natin siyang maging kasakasama sa anumang landas na ating tatahakin, kabilang na ang landas ng pagdurusa.
Ang Pinakamaikling Daan Tungo sa Puso ni Kristo
Ang ating Ina ang naging daan na akayin ako ng Diyos tungo sa minimithi ng aking puso. Ngunit hindi ito agad nangyari. Nang dahil sa kanya naunawaan ko ang kahalagahan ng Eukaristiya. Kung minsan ang pagmamahal ng mga tao sa ating Ina ay hindi humahantong sa higit na kaalaman tungkol kay Kristo. Ngunit ang ating Ina ay patungkol lahat sa kanyang Anak at sa pagdadala sa atin sa isang mas malalim na pakikipag-ugnay sa Kanya. Ang ating Ina Ang nagbigay daan na magawa ko ang buong pag-aalay kay Hesus. Ito ay isang panariling paglalakbay kasama si Maria tungo sa kanyang Banal na Anak. Si Maria ay isang gabay na laging umaakay sa atin sa Sagradong Puso ni Hesus.
Noong 2009 nagtungo ako sa Medjugorje matapos madinig na ang ating Ina ay nagpapakita doon sa anim na maliliit na bata. Isa itong simple ngunit magandang pook kung saan makikita ang kapayapaan. Mayroong isang estatwa ng Sagradong Puso sa Medjugorje kung saan madaming manlalakbay ang nagtitipon upang manalangin. Nang dumating na ang oras ko, nilapitan ko ito, pumikit, at nagdasal habang nasa balikat ng estatwa ang aking kamay. Ngunit nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko na ang aking kamay ay nakapatong hindi sa balikat kundi sa puso ni Jesus! Ang aking simpleng panalangin ay, “Hesus, hindi kita kilala gaya ng pagkakilala ko sa Iyong Ina.” Naniniwala ako na sinasabi sa akin ng ating Ina, “Bueno, ngayon na ang oras. Oras na para pumunta ka sa Puso ng aking Anak.” Hindi ko alam na ang sumunod na araw ay ang kapistahan ng Sagradong Puso ni Hesus!
Isang Bagong Ministeryo ang Isinilang
Noong Agosto 2009, isang dumadalaw na pari ang nagbigay sigla sa akin na simulan ang debosyon ng Divine Mercy sa aking parokya. Inasahan kong gumawa ng isang bagay na may kaugnayan sa Rosaryo, ngunit sa pagbalik-tanaw ay nakita kong tuloy-tuloy akong dinadala ng Mahal na Birhen sa kanyang Anak. Nagtakda din ako ng mga talumpati ng Divine Mercy sa buong Ireland, at mga dalangin para sa Apostolado ng Eukaristikong Pagsamba . Nang maglaon, inanyayahan akong tumulong sa pagpaplano ng Kongreso ng Internasyonal Eukaristiya na ginanap sa Ireland. Lahat ng bagay na hindi ko inisip na gagawin!
Pagtatapos iyon ng Kapulungang Pang-Eukaristiya nang ang binhi ng aking ministeryo ay naitanim sa aking puso. Dahil natagpuan ko ang labis na kagalakan at biyaya na dumadaloy mula sa Kongreso Eukaristiya, tinanong ko ang aking sarili, “Bakit kailangang magwakas ito matapos ang isang linggo ng biyaya? Bakit hindi ito maaaring magpatuloy?” Sa biyaya ng Diyos, ito ay hindi nagwakas. Sa nakalipas na sampung taon, namagitan ako sa Eukaristiya ng Kabataan , na itinatag sa ilalim ng pamamatnubay ng Apostolado ng Eukaristiya sa Ireland. Ang layunin ng ministeryo ay palakasin ang pananampalataya ng ating mga anak at ilapit sila kay Kristo sa pamamagitan ng Pagsamba. Ang ministeryong ito ay nabuo nang makita ko ang pangangailangan ng mga batang matuto nang higit pa tungkol sa pagsamba sa Eukaristiya at madanasan ito nang panayan, sa paraang kagigiliwan ng bata. Matapos masubukan ang programa sa aming lokal na primaryang paaralan, mabilis na kumalat ang programa sa madaming paaralan sa buong Ireland.
Noong ako’y maliit pa, inasahan ko na sa kalaunan ako ay kukuha ng pag na nars o iba pang tungkulin, ngunit nawala ang mga pangarap na iyon nang ako’y mag-asawa sa bata sa edad na 22. Matapos simulan ang Apostolado ng Kabataan ng Eukaristiya, sinabi sa akin ng isang pari, “Siguro kung naging nars ka, hindi ka nag-aalaga ng mga kaluluwa ngayon. Ikaw ay nag-aalaga ng mga bata sa pagsamba, tinutulungan sila, at ginagabayan sila.”
Hindi lamang ako inakay ni Inang Maria papalapit sa kanyang Anak, kundi pinukaw niya ako na tulungan ang mga Bata na mapalapit din sa Kanya. Kapag binigyan natin ang atas sa ating pagtalima, ang ating pinakataimtim na ‘oo’ sa ating Ina, isang paglalakbay ang magsisimula. Kumikilos siya sa loob ng atas sa atin, dinadala tayo sa isang mas taimtim na pagkakaisa kay Hesus at tinutupad ang kanyang mga balak para sa ating buhay.
'
Bilang isang batang adik sa droga, nadama ni Jim Wahlberg na hinamak at kinalimutan siya ng mundo…hanggang sa kinausap siya ng Diyos sa pamamagitan ng isang espesyal na tao! Basahin ang kanyang nakasisiglang kuwento ng pagtubos
Lumaki akong Katoliko, ngunit higit sa tradisyong Katoliko kaysa sa pananampalatayang Katoliko. Ako ay nabinyagan at ginawa ang aking unang banal na komunyon. Pinapunta kami ng aking mga magulang sa simbahan, ngunit hindi kami pumunta sa Sunday Mass bilang isang pamilya. Mayroong 9 na bata sa aking pamilya, kaya kahit sinong nasa hustong gulang na para maglakad papunta sa simbahan, ay pumunta sa simbahan. Naaalala ko ang pakiramdam ng hindi pag-aari: sa ilang beses na nagpunta ako sa simbahan ay kukunin ko ang bulletin, at pagkatapos ay aalis para gumawa ng iba pa. Pagkatapos ay tumigil ako ng tuluyan. Ganun din ang ginawa ng karamihan sa mga kapatid ko. Walang nagsabi sa akin na si Hesus ay namatay para sa akin o na mahal ako ng Diyos o na ang Birheng Maria ay mamagitan para sa akin. Nadama ko na hindi ako karapat-dapat, na ang mga tao sa mga bangko ay mas mahusay kaysa sa akin at na kahit papaano ay hinuhusgahan nila ako. Nagugutom ako sa atensyon at pagtanggap.
Hinahabol ang Pagtanggap
Noong 8 taong gulang ako, nakita ko ang mga batang kapitbahay na umiinom ng beer. Pinilit kong pumasok sa kanilang maliit na grupo at nakumbinsi silang bigyan ako ng beer. Hindi ako naging alkohol sa araw na iyon, ngunit nakuha ko ang aking unang pagtanggap at atensyon mula sa mas matatandang, ‘presko’ na mga bata. Agad akong naakit sa atensyon at nagpatuloy sa pakikisalamuha sa mga taong umiinom, nagdodroga, o naninigarilyo, dahil nakita ko ang pagtanggap doon. Ginugol ko ang natitirang bahagi ng aking kabataan sa paghabol sa atensyon na iyon.
Lumaki ako sa panahon ng sapilitang pagsasama ng sistema ng pampublikong paaralan sa Boston, kaya bawat taon ay isinasakay ako sa bus at ipinapadala sa paaralan sa ibang lugar. nag-asikaso ng pitong magkakaibang paaralan sa unang pitong taon ko sa mababang paaralan , na nangangahulugang bawat taon ay nagsimula ako bilang “bagong bata.” Ang Diyos ay ganap na wala sa larawan. Ang tanging kaugnayan ko sa Diyos ay ang takot. Naaalala ko nang paulit-ulit na naririnig na kukunin ako ng Diyos, na Siya ay nanonood, at na Kanyang parurusahan ako sa lahat ng masasamang bagay na aking ginagawa.
Isang Nawawalang Batang Lalaki
Noong Biyernes ng gabi ng huling araw ko sa ika-7 baitang, naghahanda na akong lumabas nang lumingon sa akin ang tatay ko at sinabing, “huwag mong kalimutan, kapag bumukas ang mga ilaw sa kalye, mas mabuting dito ka sa bahay, o kung hindi, wag kang mag-abala pang umuwi.” Iyon ang banta niya para siguraduhing sinusunod ko ang mga patakaran. Ako ay isang 12-taong-gulang na batang lalaki na nakikipag-hang-out sa iba pang 12-taong-gulang na mga bata na pawang mula sa sirang tahanan. Lahat kami ay umiinom ng beer, naninigarilyo, at nagdodroga. Nang maglaon nang gabing iyon, nang tumingala ako at nakita kong bumukas ang mga ilaw sa kalye, alam kong hindi ako makakauwi. Dahil mahuhuli ako, hindi opsyon ang pag-uwi, kaya ginugol ko ang buong tag-araw na iyon sa kalye, isang milya o dalawang milya ang layo mula sa bahay, kasama ang aking mga kaibigan. Nagdroga at umiinom kami ng alak araw-araw. Isa lang akong nawawalang bata.
Noong tag-araw na iyon, ilang beses akong inaresto at naging tangkilik ng estado. Hindi nagtagal ay hindi na ako kinalulugdan sa bahay. Inilagay ako sa bahay ampunan, grupong tahanan at tampulan ng detensyon ng kabataan. Ako ay walang tirahan at ganap na nawala at nag-iisa. Ang tanging pumupuno sa kawalan ay ang alak at droga. Uubusin ko sila at pagkatapos ay hihimatayin o matutulog. Kapag nagising ako, mapupuno ako ng takot, at kakailanganin ko ng higit pang droga at alkohol. Mula sa edad na 12 hanggang 17, ako ay walang tirahan, o nakatira sa bahay ng ibang tao, o nakakulong sa kabataan.
Nakagapos at Nasira
Sa 17 ako ay inaresto muli dahil sa pananakit ng isang tao. Napunta ako sa bilangguan ng estado sa isang 3 hanggang 5 taong sentensiya. Natagpuan ko ang aking sarili na nakikipaglaban sa parehong panloob na labanan tulad noong ako ay mas bata, struggling para sa atensyon at pagtanggap, sinusubukang lumikha ng isang ilusyon. Pinagsilbihan ko ang buong limang taon ng aking sentensiya.
Sa pagtatapos ng termino sa bilangguan, sinabi nilang maaari akong umuwi, ngunit ang problema ay wala akong tahanan na mapupuntahan. Isang nakatatandang kapatid na lalaki ang mabait na nagsabing, “maaari kang manatili sa akin hanggang sa makabangon ka.” Ngunit hindi iyon mangyayari. Sinundo ako ng kapatid ko sa kulungan para dalhin ako sa aking ina. Ngunit huminto muna kami para uminom sa isang bar sa dati kong lugar. Kailangan kong uminom bago ko makita ang aking ina. Ito ang aking unang legal na inumin mula noong ako ay higit sa 21. Nang umupo ako sa mesa sa kusina ng aking ina, hindi niya ako nakilala bilang kanyang anak; naramdaman niyang estranghero ako.
Humigit-kumulang anim na buwan akong nakalabas sa bilangguan bago ako muling inaresto dahil sa pagsalakay sa bahay. Ang bahay na pinasukan ko ay pag-aari ng isang pulis ng Boston. Sa korte, nagsalita ang opisyal para sa akin. Aniya, “tingnan mo itong batang ito, tingnan mo ang kalagayan niya. Bakit hindi mo siya tulungan? Hindi ko alam kung ang kulungan ang tamang lugar para sa kanya.” Ipinakita niya sa akin ang pakikiramay dahil nakikita niya na ako ay isang ganap na adik sa droga.
Bigla akong bumalik sa bilangguan na nagsisilbi ng anim na taong sentensiya. Ginawa ko ang lahat upang lumikha ng ilusyon na binabago ko ang aking buhay upang maaga akong palayain ng mga pulis sa rehabilitasyon. Ngunit hindi ko kailangan ng rehabilitasyon, kailangan ko ang Diyos.
Ang Daan tungo sa Kalayaan
Pagkatapos ng ilang buwan ng pagpapakita ng pagbabagong ito sa aking buhay, ang chaplain ng bilangguan, si Fr. Si James, napansin ako at inalok ako ng trabaho bilang isang tagapag alaga sa kanyang kapilya. Ang una kong naisip ay, “Maninipulahin ko ang taong ito “. Naninigarilyo siya, umiinom ng kape, may telepono – lahat ng bagay na walang access ang mga bilanggo. Kaya, kinuha ko ang trabaho, lihim na motibo at lahat.
Pero ang hindi ko alam ay may plano din pala siya. Nang lapitan niya ako, ang layunin niya ay i-pagtutulak ako gaya ng binabalak kong i-pagtutulak siya. Ngunit ang kanyang pagmamanipula ay para sa kaluwalhatian ng Diyos. Nais niyang ibalik ako sa Misa, pabalik sa paanan ng Krus.
Di-nagtagal pagkatapos kong magsimulang magtrabaho sa kapilya, humingi ako ng ilang pabor kay Fr. James. Kapag pinagbigyan niya ang aking mga kahilingan, parang gumagana ang aking pagmamanipula. Isang araw, gayunpaman, nilapitan niya ako at sinabi sa akin na gusto niya akong pumunta at maglinis pagkatapos ng Misa ng Sabado ng Pagbabatay para maging handa ang kapilya para sa Misa ng Linggo . Nang mag-alok akong pumunta pagkatapos ng Misa, pinilit niyang pumunta ako nang maaga at manatili ang Misa.Itinulak na niya ako sa direksyon ng pananampalataya.
Isang Banal na Tipanan
Sa misa, nakaramdam ako ng nakakahiya at hindi komportable. Hindi ko alam ang mga panalangin o kung kailan uupo o tatayo, kaya pinanood ko kung ano ang ginagawa ng iba para makadaan. Hindi nagtagal, si Fr. James ay opisyal na kinuha ako ni para sa trabahong tagapag-alaga at sinabi sa akin na magkakaroon kami ng espesyal na panauhin sa bilangguan, “Mother Teresa.” Sabi ko, “Naku nakakamangha! Sino si Mother Teresa?” Sa pagbabalik-tanaw, malamang na hindi ko pa alam kung sino ang Pangulo ng Estados Unidos noong panahong iyon; ang aking buhay ay umiikot lamang sa pag-inom ng alak, at bihira kong inaalala ang aking sarili sa mga tao at mga kaganapan sa labas ng aking bula ng pagkagumon.
Hindi nagtagal, dumating si Mother Teresa sa aming kulungan. Naaalala ko nang makita ko siya sa malayo at iniisip, “Sino ang taong ito na ang lahat ng mga dignitaryo, ang guwardya, at ang mga bilanggo ay umaaligid sa paligid, na sinasabi sa kanya ang bawat salita?” Paglapit ko, napansin kong mukhang isang libong taon na ang kanyang sweater at sapatos. Ngunit napansin ko rin ang kapayapaan sa kanyang mga mata, at ang pera na pumupuno sa kanyang mga bulsa. Madalas binibigyan siya ng mga tao ng pera dahil alam niyang ibibigay niya ito sa mga mahihirap.
Dahil nagtrabaho ako sa kapilya, pinagpala akong maging bahagi ng prusisyon para sa pagpasok para sa Misa kasama si Mother Teresa. Bilanggo na ako, nakatayo ako na napapalibutan ng kardinal, iba pang mga dignitaryo, at mga kapatid na babae mula sa kanyang order. Inanyayahan ng kardinal si Mother Teresa na umupo sa altar kasama niya, ngunit mapagpakumbaba siyang tumanggi, at may paggalang na yumuko, pumunta at lumuhod sa sahig kasama ang ilan sa mga pinaka-mapanganib na kriminal na nakilala ko sa aking buhay.
Nakatitig sa Mata ng Diyos
Habang nakaupo ako sa sahig, nahuli ko ang kanyang mata at naramdaman kong para akong nakatingin sa Diyos. Umakyat si Mother Teresa sa hagdanan ng altar at nagsalita ng mga salitang nakaantig nang malalim sa akin, mga salitang hindi ko pa narinig. Sinabi niya na si Hesus ay namatay para sa aking mga kasalanan, na ako ay higit pa sa mga krimen na aking nagawa, na ako ay anak ng Diyos, at na ako ay mahalaga sa Diyos. Sa sandaling iyon, sa katahimikan na iyon, naramdaman kong parang walang ibang tao sa silid, na para bang direktang nagsasalita siya sa akin. Ang kanyang mga salita ay umabot sa malalim na bahagi ng aking kaluluwa.
Tumakbo ako pabalik sa kapilya kinabukasan at sinabi kay Fr, “Kailangan kong malaman ang higit pa tungkol sa Hesus na sinasabi niya, ang Diyos at ang pananampalatayang Katoliko na sinasabi niya.” Tuwang-tuwa si Fr James! Dinala niya ako sa Paanan ng Krus kung saan gusto niya ako mula noong inalok niya ako ng trabahong tagapag-alaga. Handa akong gawin ang lahat para matuto pa tungkol kay Hesus, kaya sinimulan akong ihanda ni Fr. James para sa aking Kumpirmasyon.
Linggu-linggo kaming nagkikita, nag-aaral ng Katesismo para malaman ang tungkol sa pananampalataya. Bagaman dalawang beses akong inilipat sa ibang mga bilangguan, nakipag-ugnayan din ako sa mga pari sa mga bilangguan na iyon at nakapagpatuloy sa paglago sa aking pananampalataya.
Isang bagong simula
Makalipas ang isang taon, oras na para gawin ko ang aking pormal na pangako sa aking pananampalataya. Ang Aking Kumpirmasyon ay isang maalalahanin at sinadyang sandali sa aking buhay. Bilang isang may sapat na gulang, alam kong ito ay isang malaking hakbang na maghahatid sa akin sa daan patungo sa isang mas malalim na relasyon kay Hesucristo.
Nang dumating ang oras, tinawagan ko ang aking ina upang sabihin sa kanya na ako ay makukumpirma, at gusto kong naroroon siya. Nangako siya na hindi niya ako bibisitahin sa bilangguan, kaya nag-ingat siya. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko sa kanya, nasugatan siya bilang isang ina. Ngunit nang tumawag ulit ako makalipas ang ilang araw, pumayag siyang pumunta. Napakalaki ng araw ng Kumpirmasyon. Ito ay hindi lamang makabuluhan para sa akin at sa aking paglalakad kasama si Kristo, kundi para din sa aking relasyon sa aking ina.
Nang sumunod na taon, oras na para tumayo ako sa harap ng lupon ng paglaya na may kondisyon. board. May sulat daw sila mula sa aking ina na isinulat niya para sa akin. Alam kong hindi kailanman magsisinungaling ang aking ina sa mga awtoridad para mailabas ako sa bilangguan. Mababasa sa kanyang liham, “Sa harap mo ay tumayo ang isang tao ng Diyos. Okay lang, pwede mo na siyang bitawan. Hindi na siya babalik.” Ang mga salitang iyon ang ibig sabihin ng lahat sa akin.
Sa oras na pumanaw ang aking ina, mayroon siyang demensya. Sa paglipas ng mga taon ay nawalan siya ng kakayahang magkuwento at naging maliit ang kanyang mundo. Ngunit kahit na sa mga sandaling iyon na siya ay higit na nasa kapit ng demensya, naalala niya ang aking Kumpirmasyon, ang sandali na alam niyang naligtas ako.
Si Hesucristo ang aking Tagapagligtas, at nararamdaman ko ang kanyang presensya sa aking buhay. Bagama’t nangangailangan ito ng trabaho at pagsisikap, ang aking relasyon kay Hesus ang pinakamahalaga sa aking buhay. Palagi niya akong mamahalin at susuportahan, ngunit maliban kung ako ay ganap na makisali sa relasyon, hindi ko malalaman ang ginhawa at pagmamahal na nais niyang ibahagi sa akin.
Pagpalain ka ng Diyos. Isang karangalan na ibahagi ang aking paglalakbay. Si Hesucristo ang ating tagapagligtas.
'
Kayo ba ay naghihirap na hiwalayan ang pagpapaulit-ulit ng kasalanan sa inyong buhay? Si Gabriel Castillo ay dumako sa lahat ng mga bagay na sinabi ng mundo ay mabuti—sex, drugs, rock and roll—hanggang siya’y nagpasiya na talikdan ang kasalanan at harapin ang pinakamalaking labanan ng kanyang buhay.
Ako ay ipinalaki ng nag-iisang magulang sa pamamahay na walang sadyang banal na pag-aaral. Ang aking ina ay isang kahanga-hangang ginang na ginawa ang pinakamabuti upang maglaan para sa akin, ngunit ito’y hindi sapat. Habang siya ay wala upang maghanap-buhay, ako’y mag-isa sa tahanan sa harap ng telebisyon. Ako’y lumaking nasanay na nanonood ng mga palabas tulad ng MTV. Pinahalagahan ko kung anong pinahahalagahan ng MTV: kabantugan, aliw, awit, at lahat ng hindi makadiyos. Ginawa ng aking ina hangga’t maaari ang lahat upang maugit ako sa tamang dako, ngunit dahil wala ang Diyos naglakbay ako mula sa isang kasalanan patungo sa susunod. Mula sa masama patungo sa higit na masama. Ito ang salaysay ng mahigit na kalahating mga tao sa bansang ito. Ang mga bata ay naipalalaki sa medya at ang medya ay inaakay ang mga tao sa kalungkutan sa buhay na ito at sa susunod.
ANG ATING GINANG AY NAMAMAGITAN
Ang buhay ko ay nagsimulang magbago na may kapansin-pansin nang pumasok ako sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Texas. Sa UST ay kumuha ako ng mga kursong Teyolohiya at Pilosopya na iminulat ang isip ko sa layuning katotohanan. Nakita ko na ang pananalig na Katolika ay may kabuluhan. Nasimulan ko sa aking isip na maniwala na ang Katolisismo ay tama, ngunit mayroong isang suliranin lamang… Ako ay alipin ng mundo, laman at dimonyo.
Ako’y nagiging kilala bilang isa sa pinakatangi sa mga masasamang bata at isa sa pinakamasama sa mga mabubuting bata. Sa aking mga masasamang kaibigan, marami sa kanila ay tumatahak ng programang tinatawag na RCIA upang makatanggap ng Sakramento ng Kumpil at inakala ko “Oy, ako’y masamang Katoliko… dapat lamang na makumpilan ako”. Sa kinakailangang Confirmation Retreat, o paggugunita, kami ay nag-ukol ng isang banal na oras. Wala akong akala kung ano ito, kaya nagtanong ako sa isang dalubguro na pinayuhan ako na tanawin lamang ang Yukaristiya at uliting banggitin ang Banal na Ngalan ni Jesus. Matapos ang mga sampung minuto ng ganitong gawî itinusok ng Diyos ang Kanyang daliri sa aking kaluluwa at pinuspos ako ng Kanyang pag-ibig, at ang aking pusong bato ay natunaw. Sa nalalabi ng oras, ako’y lumuha. Nalaman ko na ang Katolisismo ay totoo hindi lamang sa aking isipan, kundi sa puso rin. Kailangan kong magbago.
Isang Kuwaresma, pinagtatagan ko ng pasya na ipasaloob ang lahat at talikdan ang malubhang kasalanan. Pagkalipas lamang ng dalawang oras, napagtanto ko kung gaano kagulo ang aking sarili nang matapos akong nakagawa ng malubhang kasalanan. Napagtanto ko na ako’y isang alipin. Sa gabing yaon binigyan ako ng Diyos ng tunay na pagsisisi sa aking mga kasalanan at sumigaw ako sa Kanya para sa awa. Sa tagpong yaon ay kung kailan nagsalita ang dimonyo. Ang tinig niya ay malakas at nakatatakot. Sa matining na ungol, inulit niya ang aking mga salita nang may-panunuya, “Diyos patawarin ako. Ako’y nagsisisi!” Kaagad kong tinawag si San Juan Biyano. Sa isang saglit ng pagtawag ko, ang tinig ay lumisan. Nang sumunod na gabi takot na takot akong matulog sa aking silid dahil ikinatakot kong marinig muli yaong tinig.
Kaya ako’y naglabas ng Rosaryo, na nabasbasan na ni San Juan Pablo II. Binuksan ko ang munting aklat ng Rosaryo, dahil hindi ko alam magdasal ng Rosaryo. Nang binigkas ko ang parirala, “Ako ay naniniwala…” isang dahas ang sumunggab sa aking lalamunan, idinuldol akong pababa at sinumulan akong sakalin. Sinubukan kong tawagin ang aking ina, ngunit hindi ako makapagsalita. Pagkatapos ay may isang munting tinig sa loob ng aking ulo na nagsalita, “Magdasal ka… Aba Ginoong Maria.” Pinilit ko ngunit hindi ko magawa. Ang tinig sa aking isip ay tumugon “Banggitin mo ito sa iyong isip.” Kaya nagsalita ako sa aking isip ng “Aba Ginoong Maria.” Pagkatapos ay ihiningal ko ang mga salita nang malakas, “Aba Ginoong Maria!” Dagliang bumalik ang lahat sa katamtaman. Ako’y sukdulang natakot nang napagtanto ko na itong dimonyo ay lagi nang sumasaakin sa tanang buhay ko. Kasabay nito ay naunawaan ko na si Maria ang tanging sagot. Kahit nang tinawag ko lamang ang kanyang ngalan ay naipalaya ako sa mga di-mapagkakailang kapit ng dimonyo. Matapos ang maikling pananaliksik, nakilala ko ang maraming dahilan kung bakit ako ay pinaliligiran ng mga dimonyo. Ang aking ina ay nag-aari ng mga aklat tungkol sa Bagong Kapanahunan, ako ay may makasalanang mga awitin, ako ay may malalaswang mga pelikula, ako’y buong-buhay nang nasa kalagayan ng malubhang kasalanan. Ako’y naging pag-aari na ng dimonyo, ngunit ang Ating Ginang ay dinurog ang ulo niya. Ako ngayon ay pag-aari niya.
NABIBIGO NA MAPABALIK-LOOB ANG MGA MAKASALANAN
Ako’y nagsimulang mag dasal ng Rosaryo bawa’t araw. Ako’y nakatagpo ng mabuting pari at nagsimula akong mangumpisal nang madalas, halos bawa’t araw. Hindi ko ito magawa nang palagi, kaya ako’y gumawa ng mga munting hakbang kasama si Maria upang tigilan ang lahat ng aking mga pagkagumon. Si Maria ay tinulungan akong lumaya mula sa pagkaalipin at pinukaw ang aking nais na maging isang apostol. Kapag ako’y nagdadasal ng Rosaryo, tinutulungan niya akong tigilan ang aking mga pagkagumon at pinagdadalisay ang aking isip. Naratnan ko na makakamit ng katibayan sa teyolohiya at bahagyang antas sa pilosopya dahil sa aking labis na pagbabago at pagnanais para sa kabanalan. Nagdasal ako ng maraming Rosaryo bawa’t araw nakita ko si Maria kahit saan at ang dimonyo ni-saan ay Wala. Pagkalipas ng kolehiyo, umanib ako sa pamamaraan ng eskuwelang Katolika bilang guro ng Pananampalataya; sinumulan kong turuan ang mga kabataan nang lahat ng nalalaman ko. Bagama’t sila’y nasa paaralang Katolika sila ay may mga paghihirap na higit na malala pa sa dinanas ko. Sa pagdating ng smartphones nagkaroon sila ng mga bagong pagkakataon na magkaroon ng mga lihim na ugali at mga lihim na buhay. Ako’y isang dakilang guro na ginagawa ang pinakamabuti upang pagwagihan ang kanilang mga puso para sa Diyos, ngunit nabibigo.
Dalawang taon dito, ako’y dumalo sa isang retreat na pinamumunuhan ng isang SUKDULANG banal na paring kilala na nahandugan ng banal na pagkakakilala ng mabuting mga ispirito, pagbasa sa mga kaluluwa. Kami ay nahimok na gumawa ng pangkalahatang pangungumpisal. Nang binalikan ko ng tanaw ang mga sala ng nakaraan, lumuha ako nang makita ko kung gaano ako naging karima-rimarim sa kabila ng lahat ng kabutihan at awa ng Diyos. Nagtanong ang pari, “Bakit ka umiiyak?” at tumugon akong humihikbi, “sapagka’t napakaraming tao na ang nasaktan ko at nailigaw ko dahil sa aking masamang halimbawa.” Sumagot siya, “Nais mo bang mag-alay ng mabisang pagbabayad sa pinsalang nagawa mo? Pagtibayin mong magdasal ng lahat ng mga misteryo ng Rosaryo bawa’t araw para sa isang buong taon, na hinihiling sa Ating Ginang na makapagdala ng kabutihan sa bawa’t isa sa mga masasamang ginawa mo at para sa bawa’t tao na iyong nasaktan. Pagkaraan nito, huwag ka nang lumingon ng pabalik. Ituring mong bayad na ang iyong utang at magpatuloy na humayo.”
NAGWAWAGI KASAMA SI MARIA
Ako’y nakapagdasal na ng maraming pang-araw-araw na mga Rosaryo noong nakaraan, ngunit ni -kailan ay bilang patakaran ng buhay. Nang ginawa ko ang buong Rosaryo bilang pangkaraniwang bahagi ng bawa’t araw, lahat ay nagbago. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nanatili sa akin kailanman. Si Maria ay nagwawagi sa pamamagitan ko. Nakatatagpo ako ng mga kaluluwa, at ang aking mga estudyante ay nagbabago nang kapuna-puna. Nagsumamo sila sa akin na maglagay ng mga mapanonood nila sa YouTube. Yaon ay ang mga kauna-unahang araw at kinukulang ako ng lakas ng loob, kaya kumuha ako ng mga pag-uusap na may mga larawan buhat sa ibang mga tao.
Pinatnubayan ako ni Maria na mamasukan sa isang karatig na parokya na higit na nakahanay sa aking adhika para sa mga kaluluwa. Ang kura ay talagang hinimok akong magpakilos, kaya ako’y sumang-ayon nang may tulong niya. Nagsimula akong gumawa ng mga mapanonood sa YouTube na mga talusalang paksa. Ako’y lumahok sa paligsahan ng mga palabas at nagwagi ng libreng lakbay sa Pandaigdigang Araw ng Kabataan at $4,000 na halaga ng kagamitan sa paggawa ng video. Sasabihin ko sa inyo, ang Ating Ginang ay isang mapagtagumpay. Sa Pandaigdigang Araw ng Kabataan sa Espanya, dumalo ako sa Banal na Misa sa Simbahan ng Santo Domingo. Ako’y nagdarasal sa harap ng rebulto ng Ating Ginang ng Rosaryo nang nadama ko ang nakagagaping paramdam ng piling ni Santo Domingo. Ito’y napakalakas na halos nakatayo ako sa harap ng rebulto ni Domingo at hindi ng Ating Ginang. Hindi ko maisalaysay ang tamang mga salita, yaon ay higit na isang malalim na panloobang pag-unawa na ako’y mayroong layunin na ipalaganap ang Rosaryo dahil ito ay mayroong mga kasagutan sa mga pandaigdigang suliranin.
Pinagtibayan kong gawin yaon sa tulong ng mga kasangkapan na wala siya. Sinumulan kong saliksikin ang bawa’t bagay tungkol sa Rosaryo—ang kasaysayan, kabuuan, abakada, mga santo na nagdasal nito. Nang lalo kong pinag-aralan ito, lalo kong naunawaan kung gaano karaming mga sagot na ipinagkaloob nito. Mga pagbabagong-loob at tagumpay sa banal na buhay ang mga bunga ng Rosaryo. Nang lalo kong pinalaganap ito, lalo akong nagtagumpay.
Bilang bahagi ng layuning ito, ako ay nakapagpaunlad ng YouTube channel, Gabi After Hours, na naglalaman din ng pagpapalaki ng mga bata sa pananampalataya, pag-aayuno at pag-aadya. Ang Rosaryo ay ang gatong para sa aking apostolikong gawain. Kapag dinadasal natin Ang Rosaryo, malinaw na maririnig natin ang Ating Ginang. Ang Rosaryo ay tulad ng isang tabak na tumatagpas ng mga kadena na naigapos ng dimonyo sa atin. Ito’y isang lubusang dasal.
Ako ay kasalukuyang naghahanap-buhay nang pirmihan sa pangkabataang ministeryo na may mga batang tulad ng aking sarili. Karamihan sa kanila ay nagmumula sa mga mag-anak na kulang ng mga nauukol na pangangailangan, karamihan ay mayroong isang magulang lamang sa tirahan. Dahil ang pinakamarami sa mga batang ito at walang mga ama, na may mga ina na mayroong dala-dalawang mga hanap-buhay, ang ilan ay naluluklok sa masasamang gawî sa likod ng kanilang mga magulang, tulad ng paghithit ng mariwana o paglalasing. Gayunpaman, kapag sila’y masimulang maipakilala sa Birheng Maria, sa eskapularyo, sa mapaghimalang medalya at sa Rosaryo, na bukod-tangi, ang kanilang mga buhay ay nagbabagong lubos. Sila’y nagmumula bilang makasalanan upang maging mga santo. Mula alipin ng dimonyo bilang mga tagapaglingkod ni Maria. Sila’y hindi lamang nagiging mga tagasunod ni Jesus, sila’y nagiging mga apostol.
Tumuloy sa kaloob-looban kasama si Maria. Tumuloy sa kaloob-looban na may Rosaryo. Lahat ng mga dakilang Santo ay sumasang-ayon na ang pagsunod kay Maria ay mai-aakay kayo sa pinakabilis, pinakaligtas, at mabisang landas patungo sa puso ni Jesu-Kristo. Ayon kay San Maximiano Kolbe, isang layunin at tungkulin ng Espiritu Santo na maihugis si Kristo sa sinapupunan ni Maria nang walang hanggan. Kung nais mong mapuspos ng Espiritu Santo, kailangan mong maging tulad ni Maria. Ang Espiritu Santo ay sumasahimpapawid tungo sa mga kaluluwang malapit kay Maria. Ito ang basihan para sa tagumpay na ninanais ng Ating Panginoon. Iniaalay natin ang ating mga sarili kay Maria, tulad ng ginawa ni Jesus. Kumakapit tayo sa kanya, tulad ng ginawa ni Jesus. Nananatili tayong munti upang manatili siya sa atin at maidala si Kristo sa iba. Kung nais ninyong magwagi sa digmaan humayo kayong kasama ang Ating Ginang. Dadalhin niya tayo kay Kristo at tutulungan niya tayo na maging tulad ni Kristo.
'Ang pagkagumon sa porno ay nagbunsod sa kanya na magalit sa sekswalidad at sa Diyos, ngunit isang gabi ay nagbago ang lahat. Tuklasin ang nakakapagligtas na paglalakbay ni Simon Carrington sa pagtakas sa pornograpiya
Napakapalad ko na lumaki sa isang Katolikong tahanan bilang ikatlo sa anim na anak. Ang aking ama ay isang mahusay na espirituwal na pinuno. Pinangunahan niya ang panggabing panalangin sa aming tahanan at dinadasal ang Rosaryo tuwing gabi bago kami matulog. Kami ay nagpupunta sa parokya ng St Margaret Mary, Merrylands, tuwing Linggo, naglilingkod sa altar at sa koro. Kaya sa pangkalahatan, ang Diyos ang sentro sa aking buhay.
Manabik Nang Labis Pa
Noong ako ay 15 taong gulang, namatay ang aking lola. Pinanabikan ko talagang siya ay makitang muli at gabi-gabi akong umiiyak makalipas ang ilang buwan. Ang sobrang kalungkutan at sakit na nadama ay nagbunsod sa akin na maghanap ng bagay na magpapadama sa akin na ako ay minamahal.
Noon ako nagsimulang magnasa ng pornograpiya. Sa kakapanood ng madami, mas lalo akong naghanap. Unti-unting humina ang aking pananampalataya. Sa paaralan, nagsasaya pa ako, naglalaro ng sports, at nagsisimba. Sa panlabas, ginagawa ko ang lahat ng tama bilang bahagi lamang ng nakagawian—ang pagdalo sa Misa, pagdadasal ng Rosaryo atbp, ngunit sa loob, ang aking pananampalataya ay pumapanaw. Nasa ibang dako ang aking puso dahil nabubuhay ako sa kasalanan. Bagaman ako’y nagkukumpisal, ito ay mas dahil sa takot na mapunta sa Impiyerno kaysa sa pag-ibig sa Diyos.
Ang Pagtalikod
Sa pagdalaw ko sa isang kaibigan ng pamilya, natuklasan ko ang isang imbak ng mga porn magazine sa tabi ng banyo. Hindi ko kailanman malilimutang kunin ang pagdampot ko sa una at buklatin ang buong magazine. Iyon ang unang tunay, pisikal at nasasalat na porn na nakita ko. Ibat-ibang damdamin ang dumaloy—kasabikan na ito ang sagot sa kahungkagan na naramdaman ko, ngunit pati na rin ng matinding kahihiyan. Tila ito ang “pagkain” na makakapawi ng kirot sa aking puso para sa pagmamahal. Nilisan ko ang banyong iyon sa naiibang tao mula nang araw na iyon. Noon ang araw na tinalikuran ko ang Diyos nang hindi ko namamalayan. Pinili ko ang pornograpiya at isang buhay na kalaswaan kaysa Kanya.
Matapos ng karanasang iyon, sinimulan kong mamili ng mga porn magazine. Dahil araw-araw akong nagpupunta sa gym, nakakita ako ng siwang sa dingding kung saan soon ko itinabi ang lahat ng porn magazine na ito. Sa tuwing pupunta ako sa gym, sisimulan at tatapusin ko ang sesyon sa pagpunta sa kumpol ng mga magazine at magbuklat ng mga ito nang 20 o 30 minuto. Iyon ang naging buhay ko sa loob ng madaming taon. Labis akong nahumaling sa pornograpya na halos mawalan ako ng hanapbuhay sa pagpunt-punta sa banyo bawat oras para manood ng porn. Dito nasayang ang bawat bakanteng sandali na mayroon ako.
Sinlamig Ng Bato
Nagsikap akong makinig sa iba’t ibang Katolikong tagapagsalita at magbasa ng mga aklat tungkol sa kalinisang-puri at sekswalidad. Napagtanto ko na lahat ng mga ito ay nagsasabing ang sekswalidad ay isang handog mula sa Diyos, ngunit hindi ko ito maintindihan. Ang tanging dulot sa akin ng sekswalidad ay sakit at kahungkagan. Para sa akin, ang aking sekswalidad ay napakalayong bagay sa isang handog na mula sa Diyos. Isa itong halimaw na humihila sa akin tungo sa impiyerno!
Nagsimula akong mamuhi sa aking sekswalidad at mamuhi sa Diyos. Iyon ay naging lason sa puso ko. Kapag ang aking pamilya ay nagdasal ng Rosaryo , hindi ko masabi ang isang Aba Ginoong Maria. Halos hindi ako matagpuan Ang sarili sa karingalan ng biyaya. Ilang buwan akong nagsisimba nang hindi tumanggap ng Eukaristiya. Kahit na magkumpisal ako pagtapos ng Misa, hindi ako halos magkatagal hanggang sa susunod na araw. Walang pagmamahal sa puso ko. Kapag niyayakap ako ng aking ina, naninigas ako na parang bato. Hindi ko alam kung paano tumanggap ng pagmamahal at pagsuyo. Sa labas, palagi akong palakaibigan at masaya, ngunit sa loob ay wala akong laman at walang buhay.
Naaalala kong pumasok ako sa aking silid isang araw matapos manood ng pornograpiya at nakita ko ang krusipiho sa aking dingding. Sa isang sandali ng galit sinabi ko kay Hesus sa Krus, “Paano mo inaasahan na maniniwala ako na ang sekswalidad ay regalo mula sa iyo? Ito ay nagdudulot sa akin ng labis na sakit at kahungkagan. Ikaw ay isang sinungaling!” Tinalon ko ang aking higaan at hinablot ang crucifix mula sa dingding at dinurog ito sa aking tuhod. Pagtingin ko sa nadurog na krusipiho, napabulalas ako sa galit, “Muhi ako sa Iyo! Ikaw ay isang sinungaling.” Pagkatapos ay itinapon ko ang crucifix sa aking basurahan.
Nang Tumama Ang Aking Panga Sa Lapag
Isang araw, inutusan ako ni Inay na magpunta sa isang talumpati tungkol.sa kalinisang-puri ni Jason Evert kasama ang aking kuya. Magalang kong sinabi sa kanya na ayaw kong magpunta, ngunit salamat. Nang tanungin niya akong muli, sinabi ko, “Ma, hindi totoo ang pag-ibig. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig!” Sabi lang ni mama, “Pupunta ka!” Nang gabing iyon ay nag-aatubili akong pumunta.
Naalala kong namangha ako sa pagsasalita ni Jason noong gabing iyon. Isang linya ang nagpabago sa buhay ko. Sinabi niya, “Ang porno ay ang pinakatiyak na paraan upang mabaril sa ulo ang hinaharap mong pag-aasawa”
Nang sinabi niya ito, napagtanto ko na kung hindi ko babaguhin ang aking mga gawi, masasaktan ko ang babaeng pakakasalan ko dahil hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan ng maayos. Lahat ng mga hinahangad ko noon para sa pag-aasawa ay muling nagpakita sa akin. Talagang gusto ko ang pag-ibig at pag-aasawa higit sa anupaman, ngunit ibinaon ko ang pagnanasang iyon sa kasalanang seksuwal.
Nagkaroon ako ng pagkakataon nang gabing iyon na makausap ng personal si Jason at ang payo na ibinigay niya ay nagpabago sa buhay ko. Sabi niya, “Tingnan mo, mayroong pag-ibig sa iyong puso at naroon ang lahat ng mga tuksong ito sa pagnanasa. Alinman ang pipiliin mong gatungan ng higit ay lalakas at sa bandang huli ay dadaigin ang isa. Hanggang ngayon ay mas ginagatungan mo ang pagnanasa kaysa sa pag-ibig, oras na upang simulan ang pagpapakain sa pag-ibig.”
Alam kong sinalat ako ng Diyos nang gabing iyon, at napagpasyahan kong kailangan ko ng isang simulaing Kumpisal na malinis. Nagpatalaga ako ng pari para sa Kumpisal at binalaan ko siya na ito ay magiging mahaba! Ginawa ko ang pangkalahatang Kumpisal na tumagal ng halos isang oras at kalahati. Ipinagtapat ko ang bawat kasalanang seksuwal na maalala ko, ang mga pangalan ng mga porn star na napanood ko, kung ilang ng ulit, ang dami ng oras at kung ilang taon. Para akong panibagong tao na palabas ng kumpisalan nang gabing iyon.
Isang Magandang Pagtuklas
Doon nagsimula ang ikatlong yugto ng pagbabago sa aking buhay. Bagama’t nakipagpunyagi pa rin ako sa mga kasalanang iyon ng karumihang sekswal, palagi akong nakikipaglaban. Unti-unti, nadanasan ko ang higit na kalayaan mula sa seksuwal na kasalanan, at naramdaman kong tinawag ako ng Diyos upang simulang pag-aralan Nang tunay kung ano ang Kanyang balak para sa sekswalidad ng tao, at simulang ibahagi ito sa iba.
Nakatagpo ako ng mga tagapagsalita na nag-unpack ng “Theology of the Body” ni San Juan Pablo at sa paglalahad ng nilalaman nito ay natamaan ako ng napakalakas na pagpapahalagang ito: Ang aking katawan at ang iba pang katawan ay sakramento ng Diyos. Napagtanto ko na ako at imahe ng Diyos at gayundin ang bawat babae. Nang masimulan kong makita ang bawat tao sa pamamagitan ng lenteng ito bilang isang buhay na sakramento ng Diyos, naging mas mahirap para sa akin na gamitin sila sa sekswal na paraan. Kung sakaling magnanasa ako sa isang tao lalo na sa pamamagitan ng masturbasyon at pornograpiya, kailangan kong yurakan ang pagkatao nila sa aking isipan at sa aking puso. Gayong nasangkapan ng bagong paraan ng pagtingin sa aking sarili at sa ibang kababaihan, binigyan ako ng kapangyarihan ng mga biyayang natanggap mula sa pang-araw-araw na Misa at palagian na Kumpisal upang makagawa ng malaking pagbabago.
Sinimulan kong pagmasdan ang kababaihan hindi para sa sekswal na kasiyahan kundi bilang tunay na magandang sakramento ng Diyos. Higit akong nag-aalab sa bagong pasabing ito kaya nais kong ibahagi ito sa lahat ng aking makakaya. Nang pagkakataong iyon, ako ay isang tagapagturo sa pagpapalakas ng katawan sa isang gym, ngunit naramdaman kong tinawag ako ng Diyos na lisanin ang kapaligirang iyon at paglingkuran Siya nang walang paliguy-ligoy. Hindi ko tiyak kung saan ako patungo, ngunit nagsimulang bumukas ang mga pinto. Napasok ako sa ministeryo ng kabataan at nagsimulang magtrabaho para sa Parousia Media, nag-impake at nag-post ng mga dulugan ng pananampalataya. Habang nagtatrabaho, ko ay nakikinig sa mga pahayag tungkol sa pananampalataya nang buong araw, natututo sa aking pananampalataya sa mabisang paraan. Sinimulan kong maging tagapahayag bilang ministro ng kabataan sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan halos tuwing katapusan ng linggo, at naibigan ko ang pag-eebanghelyo.
Magmahal Nang Walang Katulad
Isang araw, isang binibini ang lumapit sa akin sa tanggapan, naghahanap ng tao na maaaring makapagpahayag sa ilang kabataan tungkol sa kalinisang-puri, at lalo na sa pornograpiya. Bigla, sinabi ko sa kanya na gagawin ko ito. Ibinahagi ko ang aking patotoo nang gabing iyon, at ang tugon ay lubhang nakakahikayat. Sa pamamagitan ng salita, padami nang pardami ang nakakilala sa akin at nakaalam sa aking karanasan, at ang mga paanyayang magsalita ay nagsimulang dumagsa.
Sa nakalipas na 10 taon, nakapagbigay ako ng higit sa 600 na pahayag sa higit sa 30,000 katao tungkol sa kabutihan ng kalinisang-puri, dalisay na pakikipag-date at ang Teolohiya ng Katawan. Sa pamamagitan ng ministeryong ito, nakilala ko ang aking maybahay, si Madeleine, at nabiyayaan kami ng tatlong anak. Pinangunahan kami ng Diyos sa paglalakbay nang magkasama upang ilunsad ang Fire Up Ministries, na may misyon na anyayahan ang bawat tao na madanasan ang pagmamahal na lagi nilang pinapangarap!
Sa bahaging ito ng aking buhay, ako ay pinagpala na madanasan ang isang antas ng sekswal na kalayaan na hindi ko kailanman nadanasan. Tuwing pinasasalamatan ko ang Diyos sa kung nasaan ako ngayon, naaalala ko ang mga araw na lubhang nahirapan ako sa bahaging ito. May mga pagkakataon na naramdaman kong walang liwanag sa dulo ng lagusan at sumigaw sa Diyos, “Posible ba ang kadalisayan?” Tila wala nang pag-asa, at naisip ko na ako ay tiyak na mabubuhay nang ganito magpakailanman. Ngunit kahit na may mga maitim na patak sa buhay ko na akala ko’y hindi na matatapos, hindi tumigil ang Diyos sa pagmamahal sa akin. Matiyaga at banayad Siyang kumilios kasama ko. Nandoon pa din ako sa paglalakbay na iyon, at araw-araw pa din akong pinapagaling ng Diyos.
“Dumanas siya ng may ilang tunay na madilim na mga sandali na dala ang Krus ng sekswal na kasalanan, ngunit nang dalhin niya ito kay Kristo at isuko ito sa Kanya—napalaya siya ni Kristo. Si Simon ay nagkaroon ng tunay na pakikipagtagpo sa awa at nakadanas ng lubis na pagpapagaling kay Kristo. Mula sa dakong iyon ng awa at pagpapagaling at naihatid niya ang kagalakan, pagmamahal at higit sa lahat ang pag-asa para sa iba pa na dumadanas ng singtulad na pakikibaka sa sekswalidad. Habang pinapanood ko si Simon na naglilingkod sa napakadaming tao, palagi akong namamangha sa kung paano niya ipinakikita ang pag-ibig ni Kristo sa kanilang lahat.”
—Madeleine Carrington (maybahay ni Simon)
'