• Latest articles
Jun 23, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Jun 23, 2021

Naramdaman mo na ba ang mag isa, ang mawala, hindi segurado kung sono ka, bakit ka nandito, o ano ang plano ng Dios sa buhay mo? Bilang sikat na modelo, artista, at tv host, mukhang ang lahat ay nakamit na ni Joelle Maryn ang lahat ng yon, hanggang nang sapitin nya ang spiritual rock bottom. Ituloy ang pagbabasa upang malaman kung paano ang nyang dagliang pagbalik kay Cristo!

Noong ako ay 6 na taong gulang, ang aking pamilya ay dumanas ng malagim na trahedya. Isang linggo bago mag Pasko, nakalimutang patayin ang kandila sa Advent korona at  naging sanhi ng sunog. Ang totoong Christmas tree na nasa tabi nito ay lumiyab, na nasundan naman ng pagkasunog ng buong kabahayan. Bahagya lang akog nakalabas samantalang walang palad naman ang aking ama sa pagligtas sa 11-taong gulang kong kapatid na si Maria.

Naputol na Linya ng Buhay.

Habang kami ay nagdadalamhati sa kanyang pagkamatay at sa pagkawala ng lahat ng aming ari-arian, ang mga tao ay bukas-palad na nagbigay ng mga gamit upang kami ay matulungan.  Tuwang-tuwa akong nakatanggap ng madaming magagandang manika, ngunit ang pinakatatangi kong pag-aari ay ang nakaligtas na manika ni Maria na may mga marka ng sunog at may isang kakaibang amoy.

Madasalin akong bata at alam kong sinabi ng Bibliya na kayang buhayin ni Jesus ang patay. Kaya inilatag ko ang lahat ng mga manika sa kama sa hugis ni Maria at nanalangin, “Panginoon, ibibigay ko sa Iyo lahat nang meron ako kung ibabalik Mo lamang ang kapatid ko.”  Hinintay ko Syang tumugon ngunit walang nangyari.  Umaasa at matatag pa din ang paniniwalang maibabalik Nya ang kapatid ko, nagdasal akong muli, nang walang resulta.nagpatuloy ako sa pananalangin, na may karagdagang mga magic na salita, ngunit nang walang nangyari, pumasok ang duda sa aking puso. “Siguro, hindi ako mahal ng Diyos.” Kung talagang alam Nya ang traumang dinaramdam ng aking buong pamilya, ibabalik Nya si Mara. Sa tingin ko iyon ang sandali na ako ay nagpasyang putulin ang linya ko ng telepono sa Diyos at tumigil na sa pagdadasal.

Sumisikat sa Tanghalan

Dahil ang aking ina ay may theater company, nag-umpisa ako sa pag-arte para makasama ko sya.  Pag ako ay umaarte, maciado akong involved sa papel na ginagampanan ko, na tuloy, nalilimutan ko kung sino ako.  Minsan, nagtatago ako sa ideal at perfectong buhay na ito, kung saan maaari akong magpanggap na ang lahat ay okay.

Habang ako’y lumalaki, tila ang ilusyon ay nagiging isang katotohanan.  Ako ay nakapagmodelo sa buong bansa para sa Jergens at Target at sa isang billboard sa Times Square;  lumalabas sa independenteng pelikula;  tumatampok sa mga pabalat ng libro at pagho-host ng isang TV show.  Nagsimula ako ng kumpanya ng kosmetiko na naging popular sa mga celebrities at naitampok sa magasin.  Nakabili ako ng tatlong  bahay.  Mistulang nakamit ko na ang lahat. Ganunpaman, tila wala pa din akong kasiyahan. Ibig ko pa ding abutin ang isa pang bagay na nakapagpapasaya sa akin.

Sa taas ng isang Hollywood rooftop para sa isang kaakit-akit na photo shoot, halos naabot na ang rurok ng buhay habang naka pose suot ang $4k na damit, eksakto lang ang tama ng araw sa akin, pero ang nadama ko ay kawalan ng laman. Ako ay walang ideya kung sino ako o kung bakit ako nandito. Ganap na nawala ang aking identity. Natiyak kong malayo ako kay Kristo.

Haligi ng Pag-ibig

Haligi ng Pag-ibig. Ginugol ko sa pagtangis ang gabi sa sahig ng shower ng magarbong cuarto ng hotel, nagdarasal sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon: “Panginoon, Kailangan Kita. Nawala Ka na sa akin.”  Ang taimtim na panalangin para sa tulong na yon ang nagbukas sa aking puso para papasukin ang gracia ng Dios.  Sumilay sa harapan ko ang buong buhay ko at ipinakita ang bawat kasalanang nagawa ko. Napakasakit makita ang mga epekto ng masasama kong halimbawa sa mga taong sumusunod sa akin, sa mga sumusunod sa kanila, na sumunod pa sa kanila at iba pa.

Masakit makita kung gaano ako nagkulang magmahal.  Ipinakita sa akin ang dalawang haligi.  Ang haligi na nakapaloob ang lahat ng gawa ng pagmamahal –kung paano ko ginamit ang mga regalo at mga biyayang ibinigay sa akin ng Diyos sa pagtatayo ng Kanyang kaharian– ang hanay na iyon ay halos walang laman, pero nakita kong mas matimbang.  Bakit ang haligi ng kabutihan ay higit na matimbang sa pinakamasamang kasalanan?  Ni hindi ko pa alam ang Banal na Kasulatan sa oras na iyon, “Ang pag-ibig ay sumasaklaw sa maraming kasalanan.” (1 Pedro 4: 8).

Kung pinupuno natin ang mahusay na hanay sa pagiging taong nilikha ng Diyos at maging mapagmahal sa isa’t isa, tayo ay hindi nagkakasala.  Hindi ito pinapakita sa akin ng Diyos para ako’y hatulan kundi, bilang isang gawa ng awa.  Hindi ako karapat-dapat sa biyayang ito. Ibinigay ito ng Diyos sa akin dahil napakalayo ko na sa Kanya.  Ngunit ito ay may responsibilidad –na ibahagi ang Kanyang mensahe sa lahat.  Walang kahit ano pa man tayong nagawa na makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, walang kasing sama na hindi Niya tayo maaaring tanggapin na muli. Kung matutulungan at maililigtas ako ng Diyos, matutulungan at maililigtas Niya sinuman.

Pagkatapos ng karanasang ito, binago ko ang aking buong buhay.  Nabasa ko ang buong Bibliya sa loob lamang ng 2 buwan. Sabik akong madinig ang katotohanan. Nang naabot ko ang bahagi kung saan si Jesus ay  nawala sa Templo, sinabi ko, “Panginoon na saan ang templong ito? Gusto kong mahanap ang Iyong Templo “. Naisip ko ang Simbahang Katoliko kaya sinimulan kong magpunta araw-araw sa Misa.  Nadama kong ako ay nasa sarili kong tahanan. Kahit na hindi ko napagtanto ang pangangailangan ng Pangungumpisal bago tumanggap ng Komunyon, lalo na kung nakagawa mortal na kasalanan, nagsimula ang Diyos upang mapatunayang may sala sa aking puso.  Hindi pa ako nakapag  pangumpisal simula nang pinilit ako ng aking lola noong ako ay nasa Kolehiyo.  Iyon ay isang mahusay na gawa ng pag-ibig. Kailangan natin ng matatag at mapanghikayat na tao sa ating buhay –upang sabihin: “Oras na!”

Matapos akong mangumpisal, umige ang pakiramdam ko pero ang pari ay nagbigay ng babala sa akin, “Kung bubulong ang kaaway na ikaw ay hindi pinatawad, huwag itong pansinin at  maniwala ka lamang na ikaw ay pinatawad na.” Tama siya.  Ako nga ay inaatake. “Iyon ay napakadali.  Paanong napatawad ni Jesus ang aking mga kasalanan nang ganun ganun lamang?”

Nakadama pa din ako ng kadiliman na bumabalit sa pagkatao ko, ngunit dahil sa aking Pananampalataya alam kong ako ay pinatawad na.  Kaya nagpacia akong mangumpisal na muli sa sumunod na linggo matapos ang pag-aayuno at pananalangin.  Nang isaysay ko ang lahat ng ito sa Pangungumpisal, inirekomenda ng pari ang Dalangin sa Adoration Chapel. Hindi ko alam kung ano ito, kaya nanaliksik ako sa bahay.  Nang natuklasan ko na ang Banal na Sacramento ay ang tunay na anyo ni Jesus at hinanap ko Sya sa Kapilya, naramdaman kong tumigil ang buong chapel.

Napasong Muli

Gusto kong mabuong muli  –kung sino ako at tuklasin ang aking misyon.  Sa Adoration, matyaga kong tinatanong, “Panginoon, ano ang sabi Mo kung sino ako? Kung sino ako sa Iyong mga mata? Ano ang Iyong nakikita kapag tumingin ka sa akin?  Bakit ako nandito?”  Walang malaking boses na dumating galing sa kalangitan, ngunit na nagsimulang dumating ang mga saloobin. “Ikaw ay  minamahal.  Ikaw ay akin.  Ikaw ay aking anak.”  Kung maglalaan tayo ng panahon ng katahimikan, nakakamanghang malalaman natin kung gaano patuloy ang Diyos na nakikipag-usap sa atin.

Sa Adoration isang araw, tinanong ko si Jesus na ipakita ang lahat ng mga kasinungalingan sa aking puso na na pumupigil na alamin ang sarili ko bilang minamahal na anak ng Diyos.  Nang sinimulan kong magsulat, hindi ako makapaniwala kung ilan mayroon, halos 80!  Natanto ko rin na ang tanging paraan para makamit ang kagalakan ay ang paggawa ng Kalooban ng Diyos.  Sa umpisa, mahirap gawin ang Pagsuko.  Nais ng Diyos na patuloy nating iwanan ang mga bagay na hindi umaakay sa atin patungo sa Kanya.  Nadama kong naupos na namang muli ang buhay ko.  Ngunit may isang bagay na nakakapagpagaling, –kapag ang kadiliman ay dinala sa liwanag ni Cristo.

Tayo ay tinawag na maging  tinapay para sa iba.  Naging makahulugan ang komunidad sa akin nang magbalik ako sa Simbahang Katoliko.  Ako ay nag-asam na maging kasali ng isang komunidad. Hindi natin kailangang magdusang nag-iisa. Ang pakiramdam na kasali ako –ang pagkakaroon ng mga kaibigan sa aking paglalakbay, at mga saserdote na gagabay sa akin–  ay isang pagpapala. Paano tayo magiging Liwanag Nya sa madilim na mundo?  Tayo ay nilikha para makipag-isa, pinag-isa ng pag-ibig natin kay Cristo, syang pag-ibig kaya tayo nagiging Eucharistic.  Naging tinapay si Jesus para sa atin.  Siya ang buhay na tinapay na bumababa mula sa Langit.

Dahil sa lahat nang nangyayari sa mundo, waring ang mga nilalabanan nating apoy ay  napakalaki para takasan, ngunit kung ibabahagi natin ang Kanyang Buhay na Tubig, hindi tayo kayang lipulin ng liyab.  Kung tayo ay naghihirap ito ay dahil sa hindi tayo konektado sa Diyos.  Kailangan nating magpakababa at aminin sa Dios na hindi natin kaya na hindi Siya kasama sa ating buhay.  Yan ang pagpapakumbaba.

Muntik na akong mamatay sa sunog at isang sunog din ang nagligtas sa akin.  Mahirap at halos imposible ang magsimulang muli, pero sa Dios, walang imposible.  Tinanggap Nya ako at binigyan ng bagong pagkakakilanlan, o identity, na nakaugat sa Kanyang Pag-ibig na Walang Hanggan.  Ngayon, nagtuturo ako ng klase ng sertipikasyon sa ‘Katekismo ng Pag-Ibig’ paraq sa diyosesis ng Austin.  Nakikita kong ito ay mapagligtas sa madaming paraan dahil sa wakas natutunan ko kung ano ang pag-ibig.  Ngayon, alam ko na mahal ako ng Diyos. Alam ko kung paano magbigay ng pag-ibig na iyan sa ibang tao para makabahagi sila Mabuting balita. Iniwan ko na ang ang mga pag-uugnayang hindi mabuti sa katawan na syang naglayo sa akin kay Cristo.  At ngayon, meron akong kagalakan sa aking puso na hindi nakasalalay sa aking anyo o sa aking mga ari-arian.

'

By: Joelle Maryn

More
Nov 19, 2020
Magturo ng Ebanghelyo Nov 19, 2020

Minsan, ang Diyos ay hindi babaguhin ang iyong katayuan dahil nais niyang baguhin ang iyong puso.

Ang Diyos ay walang tigil na nag-aanyayang talikdan ang buhay nating makasalanan at humangos sa Kanya. Ang ating Diyos ay pag-ibig at ang Kanyang awa ay walang hanggan. Ihinahalintulad ko ang pusong mapagmatigas sa sementadong puso. Tila walang makatatagos sa pusong matigas at nakapinid sa mga biyaya ng Diyos.

May pag-asa pa ba ang mga pusong mapagmatigas? Oo, laging may pag-asa. Noon, nang ako ay nawawala sa kaguluhan ng buhay ko, may mga taong nagdarasal para sa akin. Ang aking ina ay nag-alay ng maraming rosaryo para sa aking kaligtasan.

Sa pamamagitan ng magigiting na mga tagapagdasal, na walang humpay na sumasalakay sa pinto ng Langit, ang mga biyaya ay humuhulog sa mga taong nawawala ng landas sa sarili nilang lungaw ng pagkakasala, kagumonan, at makamundong aliw.

Kung pupunahin mo ang lakarang yari sa semento sa mahabang panahon, maaari kang makatagpo ng isang maliit na lamat o awang na nag-uumpisang magbigay-daan sa binhi at tubig na sa maikling panahon ay sasambulat ng luntiang dahunin at magsasanhi ng paglawak ng lamat na magpapahintulot sa paglaganap nito. Ang lamat ay naging malawak na biyak na nagpapayabong ng buhay. Ito ay katulad ng pusong mapagmatigas. Sila na patuloy na manalangin, mag-ayuno at mag-alay ng kanilang paghihirap para sa mga naliligaw ng landas ay maaaring magsimulang makapuna ng kaunting lamat sa uri ng hadlang na pumapaligid sa kanilang mga puso. Kinakailangan lamang ng Diyos ang isang lamat upang ang Kanyang biyaya, pag-ibig, at panlulunas na bumuhos sa puso ng tao. Isang magandang tanawin sa Diyos na makita ang taong tumalikod sa makasalanang buhay at maging kabilang sa Kanyang hukbo na handang tumulong sa iba. Ang Diyos at ang lahat ng Kanyang mga anghel at santo ay magbubunyi.

Kung ikaw ay matagal nang nananalangin sa mga mahal sa buhay mo na bumalik sa pananampalataya, huwag kang mawalan ng pag-asa. Magmasigasig sa pagdarasal. Hind mo man maarok itong balaybay ng Langit—na kung gaano kabisa ang panalangin mo sa taong natulungan mong mag balik-loob sa Diyos. Alam ko na kung makikita mo itong mga nag-gagandahang kaluluwa sa Langit, Sila ay magpapasalamat sa iyo.

Sabi ng Diyos, “Pagkakalooban kita ng bagong puso at maglalagay Ako ng bagong diwa sa iyo. Ihihiwalay ko sa iyo ang iyong pusong bato at bibigyan kita ng pusong may-kalamnan.” (Ezekiel 36:26).

Mahal kong Diyos, kung ako ay mag-akmang makipagsundo sa mga mahal ko sa buhay, Ikaw ang nagbabago ng kanilang puso. Kasangkapanin Mo ako ng Iyong kapayapaan upang matupad ang layunin Mo sa aking buhay. Amen.

'

By: Connie Beckman

More