• Latest articles
Nov 19, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Nov 19, 2021

Paano magsisimula ng isang pag-uusap sa isang taong pinapahalagahan mo? Narito ang simpleng paalala na hindi mo dapat palampasin.

Kagalakan ng Pagnamnam

Sineryoso ko ang payo ni apostol Paul na “magsabi ng katotohanan tungkol sa pag-ibig” (Mga Taga-Efeso 4:15). Kadalasan, dahil sa mabuting hangarin, nagpatuloy ako kasama ang payong iyon at sinubukang ibahagi ang katotohanan sa iba. Ngunit mas maraming beses na ang resulta ay pagkabigo, hindi pagkakasundo, at hindi pagkakaunawaan. Naranasan mo na ba ito? Habang pinag-iisipan ko kung bakit dinanas ko ang negatibong kinalabasan nito at tinanong ko ang aking sarili kung anong mga salita ng karunungan ng aking Pinagpalang Ina maaaring mayroon siya para sa akin, Kaagad, malakas at malinaw, narinig ko ang kanyang mga salita sa mga tagapaglingkod sa Cana: “Gawin ang anumang sasabihin niya sa iyo” ( Juan 2: 5). Ngunit hindi iyon ang lahat.

Habang naglalakbay ako sa mga ebangheliko nasa kamay ko ang kanyang kamay, naalala ko ang sinabi tungkol sa kanya sa ebanghelyo ni Lukas sa pagtatapos ng salaysay ng kamusmusan: “Iningatan ng kanyang ina ang lahat ng mga bagay na ito sa kanyang puso” (Lukas 2:51). Nakatulong iyon sa akin na maunawaan kung bakit ang mapusok kong pagsisikap ay hindi nagbunga ng mabuti: Kailangan ko munang obserbahan / pag-aralan / pagnilayan mula sa paningin ni Maria at kailangan kong maunawaan kung paano sinabi ni Jesus ang katotohanan tungkol sa pag-ibig bago ko subukang gayahin ang kanyang ginawa. Kailangan kong matuklasan at kung minsan ay muling tuklasin ang kagalakan ng pagnamnam ng salita ng Diyos kaysa sa simpleng paglunok lamang nito. Kaya paano sinabi ni Jesus ang totoo tungkol sa pag-ibig?

Bahid ng Kabiguan

Ang isang naunang halimbawa ng pagsasalita ni Jesus ng totoo tungkol sa pag-ibig ay matatagpuan sa pagtatagpo ni Jesus at isang mayamang binata. Bilang tugon sa tanong ng binata tungkol sa kung ano ang dapat niyang gawin upang makamit ang buhay na walang hanggan ay itinuro ni Jesus ang mga utos na tumatawag sa atin na mahalin ang ating kapwa tulad ng ating sarili. Sa mga utos na ito, sinabi ng binata, “Guro, lahat ng ito ay aking sinusunod mula sa aking pagkabata” (Marcos 10:20).

Ang panimulang punto ni Hesus sa talakayang ito ay kung ano ang mahusay na ginagawa ng binata – ang mga pagkilos, ideya at huwaran ng pag-iisip na kung saan ang binata ay maipagkakapuri at kapuri-puri. Ngunit ang pinaka mabigat na obserbasyon ay ang sumusunod. Ang paliwanag ni Marcos ay patuloy na nagsasabi sa atin na “Si Jesus, na tinitingnan siya, ay minahal siya,” (Marcos 10:21). Dito nahayag ang panimula ni Jesus: pagmamahal. Nagsisimula si Hesus ng may pagmamahal para sa kung kanino man siya magsasalita ng isang mabigat na katotohanan.

Kapag tinatalakay ko ang mga bagay tungkol sa pananampalataya sa ibang tao at kung ang aking pagsisikap sa pagbabahagi ng Mabuting balita ng Ebanghelyo ay tila walang bunga, dapat kong aminin na nakadama ako ng pagkabigo. Gayunpaman sa kuwentong ito, si Jesus, na alam nang eksakto kung paano tutugon ang binata sa kanyang paanyaya, ay tumingin sa kanya at minahal siya kaysa makaranas ng kaunting pagka-inis. Malamang na alam ni Jesus sa sandaling iyon na ang binata ay makakaramdam ng kalungkutan at lalayo. Ngunit marahil ang Panginoon ay puno ng pag-asa na sa paglaon ay maaaring sumuko ang binata sa biyayang inialok sa kanya sa pagtatagpo nila ni Jesus.

Ginagawa ba natin ang ginawa ni Jesus? Nagsisimula ba tayo nang may pagmamahal kung mayroon tayong ibabahaging katotohanan?

Ikaw ang Lalaking iyon

Ang isa pang kapaki-pakinabang na aral tungkol sa kung paano magsalita ng totoo ng may pagmamahal ay nagmula sa Lumang Tipan sa kwento ni Nathan na propeta na humarap kay Haring David tungkol sa kanyang mga seryosong kasalanan ng pangangalunya at pagpatay (2 Samuel 12). Ang pangunahing tanong sa tagpong ito ay kung bakit nagsimula si Nathan sa pamamagitan ng pagsasabi kay David ng isang talinghaga tungkol sa isang mayamang taong gumagawa nang hindi makatarungan sa isang mahirap na tao? Bakit hindi niya deretsahang sinabi kay David na nakagawa siya ng isang matinding hindi makatarungang laban sa ibang tao?

Habang nakikinig si David sa kathang-isip na kwento ni Nathan, nalaman natin na siya ay labis na nagalit sa lalaking iyon ”na pinaniniwalaan niyang gumawa nang hindi makatarungan sa kanyang kapit-bahay (2 Samuel 12: 5), si Nathan ay hindi nagsisimula sa pamamagitan ng pagkompronta kay David sa kanyang gulo, kungdi sa pamamagitan ng pagpukaw nang kanyang pakiramdam sa hustisya na nakatanim sa kanyang puso. Kung si David ay hindi isang matuwid na tao, hindi siya magpapahayag ng matinding galit sa mayamang tao ng parabula, at hinihingi na malaman ang kanyang pangalan. Nang sabihin ni Nathan ang mga tanyag na salitang “Ikaw ang lalaking iyon,” tumugon si David na may matinding pagsisisi, na kalaunan ang Salmista ay ipinahayag ang napakagandang Salmo 51. Kaya, kung sinuman sa atin ang tawagin upang talakayin sa isang tao ang kanilang mga moral na pamimili makabubuti na gayahin natin mabuti at sundin ang halimbawa ni Nathan at magsimula sa pamamagitan ng pagpukaw ng mabuti sa indibidwal, at labanan ang tukso na magmadali upang mailantad ang kanilang gulo?

Ang Wakas

Ang isang pangalawang halimbawa ng Ebanghelyo na nagpapakita kung paano sinabi ni Jesus ang totoo sa pag-ibig ay natagpuan sa pagtatagpo nina Jesus at Pedro kasunod ang pagkabuhay na mag-uli (Juan 21: 15-18). Sa tabi ng baybayin pagkatapos niyang pakainin ng almusal ang kanyang mga alagad, tinanong ni Jesus si Pedro ng tatlong beses, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Tulad ng alam natin, nakikipagbuno si Peter sa matinding pagkakasala at kahihiyan ng pagtanggi sa kanyang Panginoon ng tatlong beses. Saan nagsisimula si Jesus sa dayalogo na ito? Nagsimula siya sa katotohanang totoong mahal siya ni Peter.

Si Father Daniel Poovannathil ay isang kinikilalang mangangaral mula sa Kerala, timog India, ay nagbabahagi ng mga kaalamang ito. Nang si Hesus ay naaresto sa Hardin ng Getsemani, alam ni Pedro na hindi ito magtatapos nang maayos para kay Hesus. Ngunit siya ay sumunod, kahit na sa isang distansya, ipinapakita na siya ay nasa panganib pati na para sa kanyang buhay. Ang kanyang pangunahing pakikibaka ay sa pagitan ng katapatan at takot. Sa wakas, nang siya ay hinarap, siya ay nagpadala sa takot at itinanggi si Jesus. Ngunit idinagdag ni Lukas ang karagdagang detalye na nagsasaad na, “Ang Panginoon ay lumingon at tumingin kay Pedro.”

Ipinaliwanag ni Padre Daniel na hindi katulad ni Hudas, si Pedro ay hindi nawalan ng pag-asa hanggang sa punto na nawala siya sa linya ng paningin ni Jesus. Ang pagmamahal niya kay Hesus bilang kanyang Panginoon ay dinala si Pedro ‘sa wakas’ sa kabila ng kanyang nakakahiyang ikinilos sa isang sandali ng kahinaan. Kaya’t, nang lumingon si Jesus at tumingin, parang ang pangitain niya ay naghagis ng lambat at inilapit si Pedro at hinawakan hanggang sa halos mahipo siya ni Jesus para tulungan ang kanyang kaluluwa.

Kapag hinarap natin ang mga taong alam natin na nagkagulo sila, saan natin sisimulan ang pag-uusap?

Bilang pagtatapos, tanungin natin ang ating mga sarili, “Nakikita ko ba ang aking sarili sa anumang mga sitwasyon na inilarawan sa itaas?” Nagsisimula ba ako sa mga mahihirap na tagpo sa parehong paraan tulad ng ginawa nina Nathan at Jesus?

Ang nakasisiglang tagapagsalitang Katoliko na, si Dr. Mark Nimo, ay madalas sabihing, “Ang ating kwento ay hindi nagsimula sa kasalanan, nagsimula ito na may pagmamahal.” Kung nais ni Jesus na lapitan ang mga makasalanan sa kung ano muna ang kabutihang meron sila, hindi ba dapat ganon din ang gawin ko?

Mahal na Hesus tulungan mo akong magsalita ng totoo tungkol sa pag-ibig tulad ng ginawa mo. Hayaang mabuo ng aking mga salita ang mga nasa paligid ko. Kahit danasin ang pagkabigo, hayaan mo akong makakita sa pamamagitan ng Iyong mga mata at magtiwala na ang Iyong mensahe na nagbibigay-buhay ay papasok sa bawat puso. Ipinagdarasal ko lalo na ang mga naligaw ng landas. Patnubayan nawa ng Iyong Espiritu ang bawat salita ko at gawin mo akong mapagkukunan ng pagmamahal at pagpapagaling. Amen.

'

By: Jenson Joseph

More
Nov 19, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Nov 19, 2021

Nagising ka ba ngayon para humantong sa isang katamtamang buhay?

Ikaw at tinawag sa isang mas dakila. mahusay at mataas na plano.

Palatandaan at Kababalaghan

Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.  At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak. Kung kayo’y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.  (Juan 14:12-14)

Oo, nabasa mo ito ng tama. Sinabi ng Panginoon HesuKristo na tayo ay makagagawa ng mga dakilang bagay kaysa sa Kanya. Mga dakilang bagay kaysa sa Diyos Na kumuha ng laman ng tao at tumira sa gitna natin! Kaya ba natin itong gawin?  Talaga bang ito ang ibig sahihin ni Hesus na walang kulang? Paano natin ito bibigyan ng kahulugan?  Mas dakila ba sa pag gamot ng mga ketongin, mga bulag o dili kaya ay mga taong bingi. Hindi kaya sinabi ni Jesus sa atin na literal nating gagawin ang mga nasabing gawa. Ginawa Niya, ngunit higit na mas malaki sa bilang dahil handa na siyang umakyat sa Kanyang Ama? Naniniwala ba talaga tayo na ang mga ‘palatandaan’ na sinabi sa atin ni Jesus na ‘sasamahan sa mga naniniwala’, ay maaaring literal para sa bawat isa sa atin, ng sinabi Niya “At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika; Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila’y magsisigaling (Marco 16:17-18) ?????

Sa mga nakaraang taon, ako ay nag boluntayo sa isang local na kawanggawas sa aking lungod bahay sa Manchester, England , kung saan may mag local na simbahan Kristiyano ng ibat ibang  denomonasyon, naghahalinlinan sa pag tanggap ng mga taong naghahanap ng mag aampon para sa isang gabi, isang beses sa isang lingo, binibigyan sila ng tulugan para sa isang gabi, pagkain sa hapunan at pagkain sa almusal bago sila umalis. Sa isang Sabado ng gabi na tungkulin ng Simbahan Katolikona ako ay dumalo sa sentro ng Lungsod. Ako ay madalas na pinagpala na maging bahagi ng koponan ng nakikitulog, nanatili sa pakikitulog at nakikibahagi sa pagkain.  Ang simpleng pag uukol ng oras  kasama ang mga magagandang lalaki ito ay lampas sa salita . Karamihan sa kanila ay Muslim.

Teorya ng Kaguluhan

Maraming himala sa buong taon.  Isa nangingibabaw, higit sa karaniwan paraan. Nagumpisa ang gabi, gaya ng dati ng umalis ako kasama ang isa pang nag boboluntaryo, isang mabuting kaibigan, para pagtipunin ang mga lalaki.  night started, as usual, when I set off with another volunteer, a good friend of mine, to collect the men. Ng kami ay nag bell sa pintuan at pumasok sa gusali, ako ay sinalubong ng isang babae at binigyan ng papel na may nakasulat napangalan.  Sinabi niya na ang pangalan ay isang tgao na dinala sa kanina ng mg polisya mula sa lansangan na kawalan ng pandamdam dahil sa bawal na gamot.  Kahit na siniguro sa akin ng babae na ang alalki at ayos na pagkatapo ng pagkakatu;log, hindi ako masaya sa ganon at and tinanong na makita ko ang lalaki, Nang Nakita ko siya, Nakita ko sa kanyang mga mata ang kadiliman. Nakramdam ako agad ng pag tataboy, kaya sinabi ko sa kaya na sa kasamaang palad, hindi siya makakatuloy sa gabing iyon. Ito ay napakahirap, dahil alamk ko ang kahulugan sa kanya ng ng isang gabi sa lansangan para sa kanya, ngunit hindi tama na siya ay patuloyin at manatili sa gabi. Ipinaliwanag ko na kami ay piniagsabihan na siya ay gumamit ng bawal na gamot at may mga kababihan sa tirahan at may mga kalallakihan na kailangan din naming isipin.

Hindi naming maaaring bantayan ang isang lalaki at mapabayaan ang iba.  Kahit na pinilit niya na siya as magiging maayos, sinabi ko sa kanya na hindi possible ba manatili siya ng isang gabi dahil ang kawanggawa ay may zero na pagpapaubaya sa paggamit ng bawal na gamut. Nagumpisa siayng magsisigaw at magmura at sinabing siya ay pupunta pa rin, ngunit sinabi ko sa kanya na hindi siya pwedeng pumunta kung wala sila. Nang siya ay umalis na papunta sa buhay ng gabi sa siyidad, ay may pag aaway naman na naganap sa isang bahagi ng silid ng dalawang lalaki. Ito ay kaguluhan  mula sa salitang paroon! Dahil dito, kailangan ko ipaalam sa panglawang lalaki na hindi siya  puedeng sumali sa iba. Hindi ito nagdulot ng mahusay.  Sinuguro jo sa kanya ang aming pagdarasal ngunit ito an maliit na pag aaliw sa isang lalaki na galit na, magulo na ang isip at maaring lasing pa.

Nagpapayo sa Panginoon Diyos?

Habang sabay na naglalakad na kami, ang isa sa mga lalaki at lumapit para kamayan ako, pasasalamat sa hindi pag papatuloy sa dalawang lalaki dahil sa dulot na gulo ng dalawang lalaki bawat gabi.  Sila ay naginhawahan at nagpapasalamat sa katahimikan ng gabi.  Habang naglalakad kami, ay nakatagpo kami ng sasakyan ng polisya na may kumikislap na ilaw sa gitna ng daan, Ang isang opisyal ng polisya ay sumigaw ng mg utos na lumayo, naka lawak ang braso para hindi malapitan ang isang lalaki na nakalupasay sa daan na walang malay. May isan opisyal ng polisya na nakaluhod sa tabi ng lalaki na tinitingnan ang kanyang leeg kung may pulos dahil huminto na ang kanyan pang hinga. Mabilis kong natanto ns siya ang unang Muslin na lalaki na umalis kanina.  Kaagad, umikot ako sa ilalim ng braso ng polisya at lumuhod at inilagay ang aking kamay sa kanya.

“Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa “sinigaw ng polisya, ngunit pinilit ko na kailangan ko siyang ipagdasal.  Kaagad, tinawagan ko ang Panginoon Diyos. “’Nakahinga ka ng buhay sa mundong ito sa simula ng oras, huminga ng buhay sa lalaking ito.  Hesus, tinawag Mo ang iyong kaibigan na si Lazarus mula sa libingan, mangyaring itaas ang taong ito ngayon.’ Nag alangan ako, at naisip na “sino ba ako para pagsabihan ang Panginoon Diyos sa makamundong pananalita? Ito ay ang Panginoon Diyos na aking pinagsasabiuhan.”  Gaano hindi kasapat ang aking mga pananalita.  Ito ay galing sa aking puso, siempyre .  Tapos, ako ay nagdasal sa paggamit ng higit na pagkaraniwan regalo ng Banal na Espiritu Santo na ako ay biniyayaan… ang regalo ng pagsasalita sa dila (Cor 12:1-11 & Cor 14:1-5).

Ng Lumubog ang Puso Ko

Sinabi ni San Paulo na:” Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan sapagkat hindi tayo marunong manalangin nang nararapat, kaya’t ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, at dumaraing sa paraang hindi natin kayang sambitin.  At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, ayon sa kalooban ng Diyos (Roma 8:26-27).  Wala akong ideya kung gaano ako katagal na nakaluhod na nagdarasal, ngunit biglaan na sinabi ng polisya na nag susuri ng pulso,” Naramdaman ko ang pulso!!!”   Ang aking puso ay kumanta. Ako ay tuwang tuwa at hindi ko mapigit na pasalamtan si Hesus. Maya maya ay dumating ang abulansya.  Isang biyaya na makita sa monitor ng puso ay kumukuha.  tibok ng puso.  Muli, pinasalamatan ko at pinuri si Hesus ng buong kamangha-mangha at pagtataka.

Ako ay naging ganap na hindi napapansin sa aking paligid dahil ako ay puro kilos sa likas na kilos. Naniniwala ako na ang Diyos ang humimok sa akin kaagad sa panig ng taong ito. Sa aking pagtayo, napagtanto kong ang isang mas malaking karamihan ng tao ay natipon. Muli ay binati ako ng mga pagkakamay mula sa mga naghahanap ng pagpapakupkop, nagpapasalamat sa akin sa pagiging sapat na bukas upang manalangin para sa kanya.

Pagkalipas ng ilang linggo, nagboboluntaryo ulit ako sa silungan ng gabi nang may isa pang lalaking Muslim na lumapit sa akin na may malaking ngiti sa labi na sabik na sabihin sa akin ang tungkol sa lalaking ito na pinagdasal ko. Sinabi niya sa akin na ang lalaki ay nalulong sa pag-inom at droga mula nang dumating siya sa England tatlong taon na ang nakalilipas. Nang mabangga siya nito ilang araw pa lang, hindi na siya nalulong sa pag-inom at bawal na gamot  at lumipat sa sarili niyang tahanan, kaya’t hindi na siya natutulog sa mga kalye. Namangha ulit ako at pinuri ang Diyos. Gayunpaman, Ang Panginoon ay hindi natapos doon. Sa gitna ng magandang sandali na ito, nakita ko ang matinding sakit sa lalaking ito na nakaupo sa harapan ko. Naibahagi ko sa kanya ang Ebanghelyo at nagdasal kaming magkasama. Mayroon tayong Diyos na hindi tumitigil sa pagbuhos ng mga pagpapala.

Ang Panginoon Diyos talaga ay dakila!

Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya. Sinabi sa atin ni Jesus na ang pinakamaliit na binhi ng pananampalataya ay sapat na upang ilipat ang mga bundok (Marcos 11: 22-25) at ‘sa Diyos ang lahat ng mga bagay ay posible’ (Mateo 19:26). Ang aming Tatlong Diyos, Ang Lumikha, Ang Manunubos, at Ang Pinagpapabanal; Ang Ama, Anak at Banal na Espiritu ay naninirahan sa loob ng bawat bautismong Kristiyanong mananampalataya. Dapat talaga nating paniwalaan iyon at ipamuhay ito. ‘Si Hesucristo ay pareho kahapon at ngayon at magpakailanman’ (Mga Hebreo 13: 8) at ang Kanyang mga salita ay ‘Espiritu at buhay’ (Juan 6:63).

'

By: Sean Booth

More
Oct 29, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Oct 29, 2021

Si Raymund Kolbe ay isinilang sa isang mahirap na mag-anak, na ang ikinabubuhay ay ang pagsasaka, sa Poland noong 1894. Nang siya ay bata pa, siya ay isang pasaway kaya’t walang sinuman ang nakahula na sya ay ituturing na isang Martir ng Kawanggawa, Santo ng Auschwitz, Tagapagtatag ng Militia Immaculata, Apostol ni Maria, at Santong Patron ng ika-20 siglo! Isang araw ang kanyang ina ay lubhang nabagot sa kanyang asal kaya sa matinding pagkayamot, sinigawan siya nito ng: “Raymund, ano na kaya ang mangyayari sa iyo ?!”

Lubha niya itong ikinaligalig. Puno ng pighati, siya ay nagtungo sa isang simbahan at sa panalangin ay inialay ang katanungang ito, “Ano na kaya ang mangyayari sa akin?” Matapos nito, nagkaroon siya ng isang pangitain ng Birheng Maria na may hawak na dalawang korona, isang puti at isang pula. Mapagmahal siyang tinitigan nito at tinanong siya kung gusto niya ng isa sa mga ito. “Oo,” ang sagot ni Raymund, pareho niyang gusto.

Ang puting korona ng Pagkadalisay ang nauna, nang kunin niya ang pangalang Maximilian Kolbe at nagpahayag ng relihiyosong mga panata, isa dito ang Kalinisang-puri. Nang siya ay bumalik sa Mababang Seminaryo, madalas niyang banggitin sa kanyang mga kamag-aaral na nais niyang ilaan ang kanyang buong buhay sa isang mahusay na layunin. Kinalaunan, itinatag niya ang “Militia Immaculata” noong 1917 na may layuning dalhin ang sangkatauhan sa Panginoon sa pamamagitan ni Kristo sa ilalim ng pamumuno ni Maria Immaculata. Upang matupad ang layuning ito, inialay niya ang lahat, at ito ang  nagdala sa kanya sa pulang korona ng Pagkamartir.

Noong 1941 si Kolbe ay nadakip ng Gestapo at ipinadala sa Auschwitz. Isang bilanggo na may asawa at mga anak ang tumangis dahil sa kanyang asawa at mga anak matapos na siya ay mapiling ilagay sa kulungan kung saan ang mga bihag ay pinapatay sa gutom kapalit ng isang nakatakas na bilanggo. Nang madinig ito ni Padre Kolbe, nagkusa siyang humalili para dito. Habang nasa kulungan, pinangunahan niya sa pagdadasal ang mga nandoon, at tumulong na palakasin ang kanilang loob. Tuwing oras ng pagsusuri, habang ang iba ay nakahiga sa sahig, nakaluhod o nakatayo sa may gitna si Padre Maximilian at masayang nakatingin sa mga opisyal. Makalipas ang dalawang linggo, lahat ng mga bilanggo, maliban kay Padre Maximilian, ay namatay dahilan sa pagkatuyot at gutom. Nang bisperas ng kapistahan ng Pagpunta ni Maria sa Langit, tinurukan ng mga nabubugnot na mga Nazi ng carbolik acid si Padre Kolbe, na mahinahon pang itinaas ang kaliwang braso para tanggapin ang nakakamatay na iniksyon. Noong 1982 itinanghal na santo ni Pope John Paul II si Maximilian Kolbe bilang isang Martir ng Pagkakawanggawa, at “Santong patron ng ating mahirap na siglo.”

'

By: Shalom Tidings

More
Oct 29, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Oct 29, 2021

Ang Pangunahing Kristiyanong Radio sa UK ay nag-isponsor lamang ng isang pagsisiyasat na nag-imbestiga kung paanong ang krisis sa COVID ay nakaapekto sa mga paniniwala at ugali sa relihiyon. Mayroong tatlong pangunahing mga natuklasan-katulad ng, na 67% ng mga nagpapakilala sa kanilang sarili bilang “relihiyoso” ay natagpuan ang kanilang paniniwala sa Diyos na nahamon, na halos ang ika-apat na bahagi ng lahat ng mga natanong ay nagsabi na ang pandemya ay nagdulot ng higit na takot sa kanila sa kamatayan, at mga ikatlong bahagi sa mga natanong ay  nagsabi na ang kanilang buhay sa pananalangin ay naapektuhan ng krisis. Justin Brierley, kung sino ang nagho-host ng tanyag na programa na Hindi Kapani-paniwala? nagkomento na lalo siyang humanga sa malaking bilang ng mga taong, dahil sa COVID, ay nakaranas ng paghihirap na maniwala sa isang mapagmahal na Diyos. Gusto kong tampulan din tungkol dito.

Siyempre, sa isang banda, naiintindihan ko ang problema. Ang isang kabuuan ng pamantayang pagtutol sa paniniwala sa Diyos ay dahil sa paghihirap ng tao, lalo na kapag dumako ito sa mga inosente. Ang tagapagtanggol para sa ateismo o naturalismo ay nakahandang tanungin ang mananampalataya, “Paano mo masasabi na mayroong  isang mapagmahal na Diyos na nagbigay ng Malaking Pinsala, mga pamamaril sa paaralan, mga tsunami na pumatay sa daan-daang libong mga tao, mga pandemya, atbp?” Ngunit dapat kong aminin na, sa ibang kahulugan, nakita ko ang argumentong ito mula sa kasamaan na lubos na hindi nakakumbinsi, at sinasabi ko ito mismo bilang isang obispo ng Katoliko – iyon ay, bilang isang taong naninindigan at nagtuturo ng doktrina ng Diyos na nagmula sa Bibliya. At sa palagay ko ang sinumang magbasa nang maingat sa Banal na Kasulatan ay maaaring magtapos na ang paniniwala sa isang mapagmahal na Diyos kahit papaano ay hindi tugma sa pagdurusa.

Walang alinlangan na mahal ng Diyos si Abraham, ngunit hiniling niya sa patriyarka na isakripisyo, sa kanyang sariling mga kamay, ang kanyang minamahal na anak na si Isaac. Higit sa lahat sa tradisyon ng Bibliya, mahal ng Diyos si Moises, ngunit hinadlangan niya ang dakilang tagapagpalaya na makapasok sa Lupang Ipinangako. Si David ay isang nilalang ayon sa sariling puso ng Panginoon, ang matamis na mang-aawit ng sambahayan ng Israel, ngunit pinarusahan ng Diyos si David dahil sa kanyang pangangalunya at ang kanyang pakikipagsabwatan sa pagpatay. Walang dudang mahal ng Diyos si Noah, ngunit inilagay niya si Noah sa mabibigat na pagsubok. ng isang baha na nilipol ang halos lahat ng buhay sa mundo. Si Jeremias ay espesyal na pinili ng Diyos upang magsalita ng banal na salita, ngunit ang propeta ay nauwi sa itinanggi at ipinadala sa pagkatapon. Ang bayang Israel ay natatanging piniling lahi ng Diyos, ang kanyang maharlikang pagkasaserdote, ngunit pinahintulutan ng Diyos ang Israel na maalipin, mapatapon, at gawing pagmalupitan ng kanyang mga kaaway. At sa pagdadala ng dinamikong ito sa buong pagpapahayag, ang Diyos ay hinatid ang kanyang bugtong na Anak upang pahirapan hanggang sa mamatay sa krus.

Minsan pa, ang puntong, maanomalyang totoo sa kapwa mga naniniwala at hindi naniniwala ngayon, ay ang mga may-akda ng Bibliya na walang nakita na kontradiksyon sa pagitan man ng pagkukumpirma ng pagkakaroon ng isang mapagmahal na Diyos at ang katotohanan ng paghihirap ng tao, kahit na ang hndi marapat na pagdurusa ng tao. Sa halip, pinahahalagahan nila ito bilang, sapat na misteryoso, at isang sangkap sa plano ng Diyos, at iminungkahi nila ang iba’t ibang iskema para maunawaan ito. Halimbawa, kung minsan, haka-haka nila, ang pagdurusa ay dumaan sa atin bilang parusa sa kasalanan. Sa ibang mga oras, maaaring ito ay isang paraan kung saan ang Diyos ay nagbubunga ng isang espiritwal na paglilinis sa kanyang mga nilalang. Sa ibang mga oras, maaaring ito lamang ang paraan na, dahil sa mga kundisyon ng isang may hangganan na uniberso, ang Diyos ay maaaring magdala ng ilang mga kabutihan. Ngunit kinilala din nila na, mas madalas kaysa sa hindi, hindi natin alam kung paano umaangkop ang pagdurusa sa mga disenyo ng Diyos, at ito ay tiyak sapagkat ang ating may hanggan at maka-historikal na isip ay hindi maunawaan, kahit na ang prinsipyo, di maunawaan ang mga hangarin at layunin ng isang walang hanggang isip, na nababahala sa buong kalawakan at panahon. Halos ang buong pasanin ng aklat ng Job ay upang ipakita ito. Kapag nagprotesta si Job laban sa kung ano ang tinanggap niya upang maging napakalaking kawalan ng katarungan ng kanyang mga pagdurusa, ang Diyos ay tumugon sa isang mahabang pananalita, sa katunayan ito ang kanyang pinakamahabang orasyon sa Bibliya, na pinapaalalahanan si Job kung gaano karami ang mga layunin ng Diyos na hindi alam ng kanyang mapagpakumbabang taong lingkod: “Nasaan ka noong inilatag ko ang mga pundasyon ng daigdig. . . ”

Muli, kung naintindihan man nila ang layunin ng pagdurusa ng tao o hindi ito naiintindihan, walang may akda sa Bibliya ang natukso na sabihin na ang sinabing kasamaan ay hindi tugma sa pagkakaroon ng isang mapagmahal na Diyos. Siguradong, sila ay humagulhol at nagreklamo, ngunit ang tumanggap ng panaghoy at reklamo ay walang iba kundi ang Diyos na, sa buong paniniwala nila, mahal sila. Hindi ako nag-aalinlangan kahit sa isang saglit na marami ang nakadarama ngayon na ang pagdurusa ay nagdudulot ng isang hindi malulutas na balakid sa paniniwala sa Diyos, ngunit nanatili akong kumbinsido na ang pakiramdam na ito ay isang kagagawan ng katotohanang ang mga pinuno ng relihiyon ay hindi naging bihasa sa pagtuturo ng bibliyang doktrina ng Diyos. Sapagkat kung ang paghihirap ng tao ay nagpapahina sa iyong paniniwala sa Diyos, samakatuwid, sa simpleng salita, hindi ka naniniwala sa Diyos na ipinakita ng Bibliya.

Nais kong liwanagin na wala sa nabanggit ang sinadya upang pagaanin ang kakila-kilabot na karanasan ng pagdurusa o kasiyahan upang maalis ang mga tensyon ng intelektuwal na idinulot nito. Ngunit ang hangarin ko ay upang anyayahan ang mga tao sa isang mas malalim na pakikipagtagpo sa misteryo ng Diyos. Tulad ni Jacob na nakipagbuno buong gabi sa anghel, hindi natin dapat sukuan ang Diyos bagkus makipagsapalaran tayo na kasama siya. Ang ating pagdurusa ay hindi dapat humantong sa pagtalikod sa banal na pag-ibig, sa halip dapat na higit na pahalagahan ito di man natin ito lubos na maisip. Ito ay lubos na nauunawaan na, tulad ni Job, maaari nating ipagsigawan ang ating protesta laban sa Diyos, ngunit pagkatapos, tulad ng dakilang espiritwal na bayani, dapat nating handang pakinggan ang Boses na sumasagot sa atin mula sa himpapawid.

'

By: Bishop Robert Barron

More
Sep 09, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Sep 09, 2021

Nagtataka kung paano tumugon sa mga puna tungkol sa iyong patotoo sa buhay?  Narito ang tatlong pinakamahusay na pabalik na sagot para lamang sa iyo!

Nitong nakaraang linggo lamang, ipinarada ko ang aming malaking van sa harap ng tindahan. Matapos na makakuha ng ilang mga bagay sa tindahan, bumalik ako at inabutang ang aking mga anak na nakikipag-usap sa mga pasahero ng katabing sasakyan — isang ama at kanyang anak na lalaki.

Sa isang maliit na bayang tulad ng sa amin, palaging may di magandang pag-uugnay sa ibang mga tao. Sa kasong ito, ang bata sa kabilang sasakyan na nakasama ng aming ika-apat na anak sa preschool ay ibig mangumusta.

Ang pintuan sa aming van ay bukas upang mapaunlakan ang naturang pagbati.

Nakikita ko ang may halong sindak na pagmamasid ng ama habang binibilang nya ng mga bata sa aking sasakyan — anim — at pagkatapos ay napansin nya ang di mapag-aalinlanganang umbok na nagpapahayag ng inaasahang pampito.

Ang kanyang puna ay ang  nakakainis, at pangkaraniwang nakukuha ng may malaking pamilya, na: “Dapat kang kumuha ng TV” na may dagdag pang: “o anong bagay pa man” kasunod ang isang masalimuot na halakhak na patunay lamang na napagtanto niya ang kagaspangan ng kanyang puna. Ngunit huli na upang bawiin ito.

Sapilitan ang ngiti, kami ay nagpaalamanan at umuwi. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatagpo ako ng ganoong mga puna, at hindi ito ang magiging huli. Ang katotohanan, ang laki ng aking pamilya, kahit papaano, ay angkop sa isang malaking proporsyon ng lipunan.

“Hindi lang nila naiintindihan,” sabi ng isang kaibigan, at ina ng anim, “kung anong kasiyahan ang nararanasan nating mga pinagpalaan ng malaking pamilya.”

Tama siya. Ang pagiging mapalad sa isang malaking pamilya ay isang bagay na kakaiba sa pagsunod sa 2.1 na mga bata bawat pamilya at, mula sa labas, ay lilitaw na napaka kontra sa kultura.

Siyempre, di ayon sa kultura, ngunit hindi dapat. ganito. Hindi lahat sa atin ay tinawag na magkaroon ng isang ‘malaking’ pamilya ngunit tinawag tayong maging bukas sa buhay. Para sa ilan, nangangahulugan ito ng isang malaking pamilya, ngunit para sa iba, ito ay nangangahulugan na isang maliit na pamilya na nakaharap sa pagkawala ng sanggol o ng pagbubuntis, nagsusumikap na magkaanak, o pag-aampon.

Anuman ang laki ng ating pamilya, lahat tayo ay makakasaksi sa masidhing pagpapala ng pagiging bukas sa buhay.

1. Magbigay Ng Kagalakan.

Ang balita ng isang pagdadalantao ay dapat na isang malaking kagalakan. Mayroong ilang pagkakataon at ilang sitwasyon, kung kailan maaaring malamlam ang balitang ito.

Anupaman, ang isang bagong buhay ay dapat palaging ipagdiwang.

Kapag nakatagpo ka ng iba, bahagi man sila ng iyong pananaw na bukas-sa-buhay o hindi, hayaan mong makita nila ang kagalakan na dala ng pahayag na ito para sa iyo.

Nakakahawa ang kagalakan – at isang bagay na madalas na kulang sa ating mundo ngayon.

Marahil hindi pa rin nila maintindihan kung bakit nais mong magkaroon ng iyong ika-apat, ikaanim, ikapitong o labing isang anak, ngunit dapat pa rin nilang pabayaang nasisiyahan kang umaasa sa isa pang bungkos ng kagalakan.

2.Tumugon Ng May Katatawanan, Hindi Galit.

May ilang katugunang maaaring ibigay ng mga pariralang: “Wala ka bang TV?” o, “Hindi ba puno ang iyong mga kamay?” at iba pa. Ngunit ang ilan ay marahil hindi mapagkawanggawa.

Hindi natin mapagbabago ang mga puso sa pagalít na tugon o, sa totoo lang, ng ano pa mang tugon. Ngunit, maaari tayong magpunla ng isang binhi.

Isang ina na kakilala ko ay mahilig magcuento ng tugon ng isang ina sa mga sumusunod na katanungan: “Bakit maraming mga anak mo? O, mayroon ka pang isa? “Ang di kanaisnais na sagot: “Patuloy kaming gagawa hanggang makuha namin ang gusto namin!” O kaya: “Titiyakin lang namin na marami ang mag-aalaga sa amin sa aming pagtanda.”

Marahil ang mga pasaring na ito ay hindi para sa lahat. Ngunit ang pagpapatawa ay maaaring mahusay na kasangkapan sa pagtugon sa mga litong katanungan ng mga di gaanong relihiyoso sa atin.

Hinihikayat tayo ni San Juan Cantius na: “Labanan ang lahat ng pagkakamali sa paggamit ng mabuting katatawanan, tiyaga, kabutihang loob, at pagmamahal. Ang karahasan ay mapaminsala sa sariling kaluluwa at nakakasira sa pinakamahusay na layunin.”

Marahil ang pagdagdag ng isang dosis ng pagpapatawa ay ang mainam na kasagutan.

3.Saksihan Naang Walang Salita

Bagamat nakatanggap ako ng mga di kaayaayang mga pagpuna tungkol sa laki ng aking pamilya, mayron din ilang mga magaganda.

Isang natatanging nakatatandang ale ang nagsimula sa karaniwang parirala: “Hindi ba puno ang iyong mga kamay?” at idinagdag pa, “at hindi ka ba pinagpala?”

Oo naman; tama siya. Di kapani-paniwalang kami ay pinagpala, at yung mga nakakakilala sa amin ay alam na ang aming pagiging bukas sa buhay ay umaabot pa hanggang sa labas ng aming sariling tahanan.

May mga taong lumalapit sa amin para humingi tulong, gabay at taguyod sa harap ng mga hindi sinasadyang pagdadalantao, hirap matapos makapanganak, pamamahala sa pag-aalaga ng mga ulila o pag-aampon, at ang mga pangkalahatang tagumpay at kabiguan sa pagiging isang magulang. Kadalasan, ang mga kakilalang di-Katoliko ay naghahangad ng aming payo. Dahil sa laki ng aming pamilya, nailalathala namin ang aming taimtim na paniniwalang ang bawat buhay ay katangitangi.

Hindi ito ang sinadyang kalalabasan ng pagkakaroon ng isang malaking pamilya, kundi, naging napakalawak na pagpapala sa amin upang makatulong sa kapwa.

Sa hindi sinasadya, sinusunod namin ang payo ni San Francisco ng Assisi: “Ipangaral ang Salita sa lahat ng oras. Kung kinakailangan, gumamit ng mga salita.”

Kung kaya, bagaman maaasahan mo ang walang katuturang mga puna, hindi nangangahulugang dapat mong pahinain ang iyong sigasig kapag nagbabalita ka ng isang pagdadalantao – maging ito’y sa iyo o sa iba.

Tumugon nang may kagalakan at pagpapatawa, patuloy na nagpapatotoo sa kahalagahan at karangalan ng lahat ng buhay ng tao.

'

By: Emily Shaw

More
Sep 02, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Sep 02, 2021

Pumapasok  ito sa pamamagitan ng tainga at diretso sa puso!

Isang kamangha-manghang paraan upang panariwain ang iyong kaluluwa ngayon

 Ang aking mga pagbisita bilang isang pastoral care worker, at  nag-aalok ng mga panalangin sa pamamagitan ng liturhiya at musika sa mga nursing home, lalo na sa kanilang lugar na mataas na pangangalaga, ay palaging puno ng magkahalong damdamin. Binalaan ako na ang mga residente na ito ay maaaring pumunta ng maraming oras, o kahit na mga araw nang hindi tumutugon.

Kapag nakikita ko ang mga kalahok, mahina at binugbog ng mga laban sa buhay, naghihintay lamang na umalis, ang kanilang mga mata, nakatuon sa “kawalan”, mayroong isang bahagi sa akin na nag-aalinlangan kung ang aking inihanda para sa kanila ay magbubunga ng labis

Gayunpaman napatunayan kong nagkamali ako ng maraming beses. Sa sandaling ang Kamangha-manghang Biyaya, Napakadakila Mo, Isa- bawat araw at iba pang mga himno na puno ng pagmamahal na kapag narinig nila, iniaangat nila ang kanilang  mga ulo, ang mga mata ay nanlalaki o kumukurap, at ang luha ay dumadaloy sa ilang pisngi.

Hindi Kailanman Nakakalimutan

Minsan, isang mahinang ginoo, na paralisado sa isang shell chair, hinawakan niya ang aking kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Tumulo ang aking sariling luha sa araw na iyon. Ang isa naman na naging tahimik at masungit, ay masayang  kinumpasan ang kanta, nang paulit-ulit, sa kanyang magagandang baritone hanggang sa siya ay patahimikin ng ilang mga residente na nainis sa kanyang “ingay” pagkatapos ay binigyan ako ng isang banal na kindat at ok na senyas!

Inihayag ng mga pag-aaral sa demensya na ang musika ay nakakatulong sa mga tao sa lahat ng mga yugto na kumokonekta sa kanilang mga magagandang alaala, at napatunayan na ito ay mabuting gamot. Ang mga melodiya ay maaaring maalala ng matagal  samantalang ang mga pangalan, mukha at salita ay nakakalimutan.

Nakakalimutan natin minsan ang kapangyarihan ng musika sa pag-gising sa bahaging iyon ng utak— pumupukaw ng mga tugon, kumokonekta muli sa mga mahal sa buhay at nagpapabuti ng pagtuon. Dinadagdagan nito ang kaligayahan at binabawasan ang pagkapagod habang iniaangat ang manipis na ulap — ang belo na marahil ay naghihiwalay sa atin  mula sa nais nating kalimutan at kung ano ang nais nating tandaan.

Ang Clay Center para sa mga Bata at Malusog na Pag-iisip ay nagsulat na ang musika ang pinakamahusay na pinag-aralan nang arte ng terapewtika, at makakatulong upang mapababa ang pagkabalisa, pagkalungkot, trauma, pagkasira ng isip at pagkabahala. Nakakatulong ang musika sa pagpapagaling.

Umawit para sa Kanya

Ang sermon ni Bishop Brewer noong Linggo, Oktubre 4, 2015 ay nagbabahagi ng ilang natatanging mga layunin ng musika sa ating buhay. Sinabi niya na ang musika ay nagtuturo sa atin ng Ebanghelyo; nag-uugnay sa atin sa Diyos sa mga natatanging paraan; hinahayaan tayong ipahayag ang ating pag-ibig sa Diyos sa buong pagkatao; at, kung ginamit para sa pagsamba, natutupad ang utos ng Diyos. Sinabi pa niya na ang musika na parangal sa Diyos ay magiging sanhi ng ating puso na kumanta. At kapag ang ating puso ay kumakanta, nangyayari ang pagsamba. Tayo ay nababago sa loob.

Napatunayan kong totoo ito. Kabilang ako sa isang pangkat ng mga nagdarasal kung saan ang pagpupuri at pagsamba ang naghubog sa aming mga serbisyo kapag nagtitipon kami tuwing Biyernes. Sa loob ng 23 taon na ngayon, magkakasama kaming nagbabahagi ng musika, na nagdadala sa amin sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Karamihan sa aking sariling personal na pagbabago ay napadali ng mga papuri at pagsamba. Kapag kumakanta ako sa Panginoon, ang Banal na Espiritu ay naghahayag ng mga katotohanan tungkol sa aking sarili at sa aking pangangailangan para sa panloob na pagbabago. Mas naging nalaman ko ang aking pangangailangan sa biyaya ng Diyos at naluha ako at nalungkot para sa aking mga kasalanan at kagalakan para sa Kanyang tagumpay sa kasalanan at kamatayan. Kapag ako ay malungkot  at lugmok, ang musika ay nagbibigay sa akin ng ginhawa; kapag nakikipaglaban ako sa mga pagdurusa, binibigyan ako nito ng lakas at pananampalatayang magpatuloy; kapag ako ay nagagalak, ang musika ay nagbibigay ng inspirasyon sa akin na sumayaw at ibahagi ang aking pag-asa sa iba; kapag tinutukso ako ng diyablo, ang mga papuri at pagsamba ang naglalayo sa akin para sundan ang kanyang mga bakas.

Ang Batayan ng Pagkakaisa

Kung nais mong maging mas malalim, basahin ang artikulong isinulat ni John Michael Talbot sa Musika ng Diyos. Sinabi niya, “Ang Diyos ay perpektong espirituwal na musika. Marami sa mga pangunahing relihiyon ng mundo ang nagsabi na nilikha ng Diyos ang uniberso sa pamamagitan ng musika. Ngunit ang musikang kanilang pinag-uusapan ay hindi lamang pang-mundong awit. Ito ay malalim na espiritwal at mistiko. Sinasabi ng mga mistiko na sa mala himalang estado maaari mong makita ang tunog at marinig ang kulay Ito ang ating orihinal na paraan at muling mangyayari sa Walang Hanggan. Ang magkatugmang musika na ito ay bahagi ng pagkatao ng Diyos.

Ang Diyos ay isang perpektong pagkakasundo ng transendente sa pagkakaloob ng sarili at mapagbigay ng kabutihan at pag-ibig na hindi makasarili. Ang magaling na balanse at mapayapang pagkakaisa ay perpektong ipinakita sa Trinidad ng Ama, Anak, at Espiritu Santo. Ito ay perpektong lohika, ngunit hindi maunawaan ng lohika lamang. ” Ang isa pang manunulat ng musika ay nagpapahiwatig na ang pagkakaisa ay itinalaga ng Diyos – ang batayan ng pagkakaisa ay isang tatluhan, isang tatlong mga tala na nasa perpektong pagkakaisa sa bawat isa.

Maaaring wala tayong maraming musika noong 2020, dahil sa COVID 19 — marami sa atin ang nawalan ng ritmo sa buhay, natalo ng mga walang katiyakan, ang ating buhay ay sinira ng hindi magkakasundo na tala ng pagkawala at pag-aalinlangan. Ngunit hinihikayat tayong lahat na sa taong 2021 dapat nating muling mabawi kung ano ang nawala sa atin at muling tuklasin ang pag-asa, pagtitiwala at pananampalataya na iniatas sa atin ng Diyos – paglikha ng pagkakaisa, kapayapaan at kagalakan.

Maaaring nasaisantabi tayo ng pandemia ng corona virus, ngunit ipinaaalala muli sa atin ang Apocalipsis 5: 8-9: “Ngayon nang kinuha Niya (Jesus) ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang (mga anghel na nilalang) at ang dalawampu’t apat na matanda ang nangayupapa sa harap ng Kordero (Jesus), na ang bawat isa ay mayroong alpa, at mga gintong mangkok na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal. At kumanta sila ng isang bagong kanta. ”

Awitin nating muli ang ating mga dating kanta o lumikha ng mga bago habang nagpapatuloy tayo sa paggawa ng musika para sa Panginoon, upang makasali tayo sa makalangit na koro. Kung tatalikuran natin ang ating pagiging  makasarili,at pag-ayon sa ingay at takot, at hanapin ang Diyos sa halip, maririnig natin Siyang muli na nagsasalita sa atin sa isang mapayapang himig ng pagtitiwala, magagandang balita at pasasalamat.

'

By: Dina Mananquil Delfino

More
Sep 02, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Sep 02, 2021

Sugapa, walang tulog, balisa at pakiramdam na nawawala? Lakasan ang loob, may pag-asa

“May pag-asa.” Ito ang huling mga salita na sinabi sa akin ng aking ama bago siya namatay sa edad na 77. Ang mga salitang ito ay masasabi sa akin ng dalawang beses pa at babaguhin ng mga ito ang aking buhay. Dadalhin ako ng mga salitang ito mula sa isang buhay na pagkagumon papunta sa pagiging isang alagad ni Hesus na nagpapatakbo ng isang kawanggawa para sa mga gumagaling na adik, kung saan ang magandang balita ng Ebanghelyo ay nabubuo bilang isang pang-araw-araw, na pagkakaroon, ng panghahawakan na nagbibigay ng pag-asa sa lahat ng naghahanap nang katotohanan.

Mag-uumpisa ako sa simula. Ipinanganak ako na pinakabata sa 6 na mga anak na masasabi mong isang normal at medyo nakaririwasang pamilyang Katoliko kung saan natanggap ko ang mga pundasyon ng pananampalatayang Katoliko. Ngunit sa kabila ng  matibay na saligan na ito sa Simbahan, nahihirapan ako sa disiplina, pag-unawa, at pagdarasal. Dumalo ako sa Misa, ngunit mahina ang aking pananampalataya.

Nang dumating ako sa pagbibinata, mabilis akong naliligaw, at sa pag-aaral ko sa kolehiyo, ang gusto ko lang na gawin ay ang pag-tugtog ng masisiglang musika sa isang modernong banda. Pinangarap kong maging isang bayani ng gitara habang tinatamasa ang buhay kasayahan.

Kinilala ako, kahit papaano sa aming lugar, ngunit upang makakilos laging kailangan kong uminom ng nakakalasing na alak. Ang aking iniinom na napili ay naging alkohol, bagaman sa paglaon ay dumidepende ako sa marami pang mga inumin. Lumipas ang mga taon at lalo akong umiinom — masaya man o malungkot, galit man o mapayapa, ako ay umiinom. Ang paglabas o pananatili sa, kasayahan o pagbangon para sa pagpasok sa trabaho sa susunod na araw, ay walang ipinagkaiba. Ako ay dumidepende sa alkohol, ngunit hindi ko ito namalayan o inamin ito sa loob ng maraming taon.

Matapos mamatay ang aking ama, ang aking pagkabalisa ay lalong lumala. Inabuso ko ang mga iniresetang gamot mula sa mga gamot para sa pagkabalisa, mga tabletang pampatulog,  mga gamot para sa kirot at mga gamot na panlaban sa pagkalumbay. Ang buhay ko ay walang direksiyon. Ako ay na-ospital nang maraming beses sa loob ng maraming taon, at isang beses na gumugol ako ng isang linggo para gamutin at linisin  mula sa alkohol. Doon ko muling narinig ang mga salitang iyon sa pangalawang pagkakataon. Nagising ako sa aking kama sa ospital na nagdedeliryo at nagsasalita, ngunit may isang nars na nakahawak sa aking kamay at sinasabing, “Mark, ok lang, may pag-asa.”

Mabilis na lumipas ang ilang taon, at nasa dating ospital pa rin ako, sa pagkakataong ito ay nakahiwalay ako sa isang silid pagkatapos kong umamin sa pag-iisip ng pagpapakamatay. Ang aking katawan ay puno ng halo-halong nakakalason na mga gamot, para sa kirot, at alkohol. Napansin ko ang pasyente sa kama sa tabi ko na nakikipag-usap sa kanyang kapareha sa telepono, at lahat ng sinabi niya ay nakaiirita sa akin. Ang pag-uusap na iyon ay nabalot ng mga tinig na narinig ko sa aking sariling isip na sa loob ng maraming taon ay kinondena ako. Hindi ko maipaliwanag, bigla kong naramdaman ang pagnanasa na patayin ang lalaki sa kama sa tabi ko. Humiga ako doon hanggang sa hatinggabi na nag-iisip, nang walang alkohol o mga tabletas na pampatulog, hindi ako makatulog. Mababaliw ako sa galit.

Ang udyok na gumawa ng karahasan sa lalaking katabi ko ay tumindi. Na-imagine ko ang aking sarili na sinasakal siya. Nasa loob ko ba talaga ang sakalin ang isang tao? Siguro nagawa ko. Naisip ko ang paglalagay ng unan sa kanyang ulo hanggang sa malagutan siya ng hininga. Inimagine kong paluin siya ng ubod lakas hanggang sa mawalan siya ng ulirat. Tapos, natigilan ako. “Teka, pinatay ko ba ang isang inosenteng lalaki sa kama sa tabi ko? Hindi lang isang beses, hindi dalawang beses ngunit tatlong beses. Sino ba ako? Bakit ako nagkaganito? Napatay ko ang isang lalaki sa puso ko ng tatlong beses! ”

Ibinaling ko ang aking galit sa Diyos. “Naniniwala ako sa Iyo, kaya ngayon kailangan Mong tulungan ako,” naiyak ako. Ngunit sinisi ko siya. “Bakit mo ako nilikha para lang pahirapan at ipadala sa impyerno?”

Napagtanto kong mahina ako at wala ng natitirang laban para sa akin. Dahil naubos ko na ang lahat ng aking pananampalataya sa sangkatauhan, kailangan ko ng isang bagay o kahit na sino para may makapitan. Kailangan kong umasa. Sinubukan ko ng dose-dosenang beses upang malinis ang aking sarili na palaging pareho ang kinalabasan. Ngayon ay gumawa ako ng isang bagay na hindi ko nagawa sa maraming taon. Kahit na ako ay napalayo sa Diyos at sa aking pananampalataya mula sa pagkabata, naalala ko ang aking mga panalangin at nagsimula akong manalangin. “Sumusuko ako sa Iyo, Jesus. Iligtas mo ako. Alam kong Ikaw ang Aking Diyos at Tagapagligtas, tulungan mo ako! ” Patuloy akong nagdasal. Nagsimula akong banggitin ang Banal na Kasulatan: “Humingi at tatanggap ka.” Sabi ko, “Panginoong Jesus ito ang Iyong mga salita. Inuulit ko po sa Iyo, kaya’t pakinggan mo ako. Hindi ito ang aking mga salita ngunit sa Iyo, ”Alam kong binabanggit ko ang Bibliya at alam kong totoo ito, ngunit wala akong ideya kung anong talata ito.

Alam ko ngayon na binabanggit ko ang Mateo 7: 7: “Humingi at ibibigay sa iyo; hanapin at makikita mo; kumatok at ang pinto ay bubuksan sa iyo. Ang huling mga salita sa akin ng aking ama ay naging ‘May pag-asa’ heto ako at binabanggit ang Mateo 7: 7.

Bandang 7:00 ng umaga, nagising ako sa kaluskos ng isang nars na nagtanong sa akin kung gusto ko ng isang tasang tsaa. Nakatulog ako ng pitong oras! Alam ng karamihan sa mga tao na ang isang ospital ay hindi lugar upang makatulog nang maayos, ngunit heto ako tumatalikod sa alkohol, mga tabletang pampatulog, at lahat ng iba pang mga inumin at nakatulog ako ng mahimbing pagkatapos ng maraming taon. Habang inaalok ako ng nars ng tsaa at tostadong tinapay, nakarinig ako ng isa pang boses na bumulong, “May pag-asa.” Ang Nars ba ito o kinakausap ako ng Diyos? Naniniwala akong sinagot na ni Jesus ang aking mga panalangin: Nakatulog ako ng maraming oras at muli ay naririnig ko, “May pag-asa.”

Ngunit ang higit na mahalaga, may nagbago, isang bagay na malalim. Nawala ang aking pagkabalisa at nakaramdam ako ng bahagyang kaligayahan at saya. Hindi ako sigurado kung ano ang sanhi nito, ngunit ang mga demonyo na nagpahirap sa akin sa loob ng maraming taon ay nawala na.

Ito ang simula ng himala ng aking pagbabalik-loob, ang una sa marami. Humiga ako doon ng buong kapayapaan at nagpasalamat kay Hesus. Ang aking paglalakbay kasama si Hesu-Kristo ay nagsimula sa araw na iyon at patuloy akong naglalakad sa daan kung saan inaakay niya ako.

'

By: Mark Yates

More
Sep 02, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Sep 02, 2021

Ang ROSARYO ay isang mataimting espiritwal na pakikipag-usap mo sa Pinagpalang Birheng Maria at sa DIYOS upang mailahad ang iyong mga takot, ang iyong mga pangangailangan at hangarin.  Ang Rosaryo ay nagbibigay sa IYO ng Espirituwal na Lakas upang matupad ang anumang nais mo sa buhay at  mapagtagumpayan ang mga di-magagawa.

Ang mapagnilay na espiritwal na pakikipag-usap na ito ay maaaring gawin anumang oras at saan ka man magpunta.  Maaari mo itong gawing mag-isa o kasama ng isang grupo.  Maaaring dasalin ang Rosaryo kasama ng iyong mga anak, ng  iyong asawa o katipan, at ng mga kaibigan.  Maaari itong gawing pagtitipon ng pamilya.  Maaari mo ding dasalin ang Rosaryo habang nagluluto, nagmamaneho, nasa pampublikong sasakyan, nag-aantay sa pila, o naliligo.  Walang hangganan kung saan ka makakapagdasal ng Rosaryo.

Sa tuwing dinadasal mo ang Rosaryo, mas lalong lumalakas ang iyong pagiging espirituwal, nagtatamo ka ng higit na kalunasan, higit na tiwala sa sarili, mas higit na sigla, madaming mahimalang pagbabago sa buhay mo, higit na kamalayan sa pagkabanal at higit pang pinagpalang biyaya sa iyong buhay.  Oo … ang Rosaryo ay may dalang MAPAGHIMALANG KAPANGYARIHAN!

Ang pagbigkas ng Rosaryo ay nagbibigay sa iyo ng kapayapaan para sa iyong sarili at sa buong mundo, at mas mataas na adhika, lakas, tagumpay, panglunas, himala, katahimikan, kalinawan, pagpupunyagi, pananaw, pagkakaisa at pagsasamahan para sa sarili at sa iyong mag-anak.  Higit pang mga pagpapala ang dadating sa iyong buhay kapag binigkas mo ang Rosaryo!

Tuwing mayroon kang alinlangan, o magkaroon ng balakid para maabot ang iyong mga hangarin; anumang oras na damdam mong ikaw ay nag-iisa, nalulumbay o nababalisa, o tuwing dama mong inaapi ka o itinatakwil, o parang ang buong mundo ay laban sa iyo, taimtim mong dasalin ang Rosaryo nang may paniniwala at pagmamahal sa iyong puso upang mapatibay ang iyong katawan, isip, at kaluluwa.  Ang kasangkapang ito na nagbibigay-kapangyarihan sa espirito ay maghihikayat sa iyo na huwag talikdan ang sarili.

Kasangkapanin ang Rosaryo para sa pag-aalay ng mga pansariling kahilingan at mga pangangailangan ng kapwa at ng buong daigdig, lalo na sa pagpapagaling.  Sa pagitang ng iyong pagmumuni-muni at pananalangin, habang inaalay mo ang iyong pasasalamat sa Diyos at sa Pinagpalang Birheng Maria sa mga kaganapan sa Ebanghelyo, makakatanggap ka ng kinakailangan mong espiritwal na patnubay.

Kung hindi ka marunong mag-Rosaryo, ito ang pagkakataon mong matuklasan at masubukan ang kapangyarihan nito!

Ang Rosaryo ay isa sa mga pinakadakilang pamana na maaari mong iwan sa iyong mga anak at isang kamangha-manghang handog upang ibahagi sa iyong mag-anak at mga kaibigan.

'

By: Dahla Louis

More
Sep 01, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Sep 01, 2021

Kaugnay sa aking proyektong akademiko, kamakailan ay masinsinan kong binabasa ang aklat ng Exodo at pagdaka’y maraming komentaryo.  Ang pumapangalawang pinakabantog na aklat ng Lumang Tipan ay hinggil sa uri ng paghugis ng Diyos sa kanyang mga tao upang sila ay maaaring maging maningning na tanglaw, isang bayan sa tuktok ng bundok. Base sa makasaysayang pagbasa ng bibliya, ang bansang Israel ay tunay na napili, ngunit ito ay ni-kaylan napili para sa sariling kapakanan nito kundi para sa lahat ng mga bansa ng mundo.

Masasabi ko na ang pagbuong ito ay nagaganap sa tatlong mga pangunahing yugto:  una, tinuturuan ng Diyos ang Israel na manalig sa Kanyang kapangyarihan; ikalawa, binibigyan Niya ang Israel ng moral na batas; at ikatlo, tinuturuan Niya ang Kanyang mga tao ng kabanalan sa pamamagitan ng tamang papuri.  Ang araling inihahabilin ay tiyak na nangyayari sa pamamagitan ng dakilang gawa ng pagpapalaya ng Diyos. Ang mga walang  bisang alipin ay lubusang nakakatagpo ng kalayaan, hindi sa pag-asa sa sarili nilang kakayanan kundi  sa mapagmahal na pamamagitan ng Diyos.  Ang moral na tagubilin ay nagaganap sa pamamagitan ng Sampung Utos at kanilang kalakip na batas. Sa wakas, ang pagbubuo  sa kabanalan ay nangyayari sa pag sang-ayon sa detalyadong lipon ng mga pansamba at seremonyal na pag-uutos. Ito ay ang pinakahuling galaw na marahil na mabibigyang-pansin natin sa ngayon na pinaka-kakaiba, ngunit, aking maipagtatalo, may partikular na alingawngaw sa ating kakaibang panahon ng COVID.

Tila kusang malinaw marahil sa karamihan sa atin, na ang moral na tagubilin ay kasali sa pag-aral sa relihiyon. At ito ay dahil tayo ay, ayaw man natin o gusto, Kantiyanista.  Noong ika-labing-walong siglo, si pilosopo Immanuel Kant ay pinagtalo na ang kalahatan ng relihiyon ay mababawas sa etika.  Ang bagay ng relihiyon ay, sa bandang huli, pinaglaban ni Kant, tungkol sa pagiging mas makatarungan, mapagmahal, mabait at maawain. Sa kapanabay na wika, ang Kantiyanismo sa relihiyon ay tumutunog na katulad nito:  “Hangga’t ikaw ay mabuting tao, hindi talaga mahalaga kung ano ang paniwala mo at kung paano ka sumamba.”

Walang alinlangan na ang aklat ng Exodo at ang Bibliya sa pangkalahatan nito ay sumasang-ayon na ang moralidad ay mahalaga sa pagbuo ng panalangin ng mga tao ng Diyos.  Yaong mga naghahangad na sumunod sa Panginoon, Siya na katarungan at pag-ibig, ay dapat nakaayon sa katarungan at pag-ibig.  At dahil dito ay matatagpuan natin ng katiyakan, sa dakilang tipan ng Sinai, ang mga pag-uutos na huwag magnakaw, huwag makiapid, huwag mangimbot, huwag pumaslang, at iba pa. Hanggang sa ngayon, Kantiyanista.

Ngunit marahil ang ikinagugulat ng karamihan ng mga magkapanabay na mambabasa ng aklat ng Exodo ay, kaagad na matapos na maisaysay ang mga moral na pag-uutos, halos ginugugol ng may-akda ang mga nalalabing paksa, mula sa kapitulo 25 hanggang 40, sa paglalarawan ng mga tagubiling pang-liturhiya, na susundin ng mga tao.  Kaya bilang halimbawa, matatagpuan natin ang mahabang bahagi sa pag-gawa ng Kaban ng Tipan: “Sila ay gagawa ng Kaban mula sa punong-kahoy ng akasya; ito ay dapat na may haba na dalawa’t kalahating kubit, may lapad na isa’t kalahating kubit, at may taas na isa’t kalahating kubit.  Kakalapkapan ninyo ito ng purong ginto, labas at loob ay kakalapkapan ninyo ito.” At bilang palamuti sa itaas ng kaban, “Gagawa kayo ng dalawang ginintuang kerubin… Gumawa ng isang kerubin sa isang dulo, at isang kerubin sa kabila… Ang mga kerubin ay dinidipa nila ang kanilang mga bagwis sa itaas, nilililiman ang luklukan.”  Ang sunod ay matatagpuan natin ang mga tagubilin na may kinalaman sa mga detalyadong kagamitan sa loob ng tabernakulo, kasama ang lampara, ang mesa para sa kung tawagin ay “tinapay ng pagharap,” mga haligi at iba-ibang mga sinasabit.  Sa pinakahuli, ang napakalaking kabuuan ng ispasyo ay iniukol sa paglalarawan ng mga kasuotang gagamitin ng mga pari ng Israel.  Dito ay isang halimbawa: “Ito ang mga kasuotan na gagawin nila: isang piyesang suot sa dibdib, isang epod, isang balabal, isang dawa-dawang tuniko, isang turban, at isang sintas sa baywang. Sa pag-gawa nila nitong mga sagradong kasuotan…  sila ay gagamit ng mga ginintuan, bughaw, lila, at matingkad na pulang sinulid, at pinong lino.”

Ni walang pahiwatig na binibigay na ang mga moral na tagubilin ay mas mahalaga kaysa sa mga liturhiyang tagubilin.  Kung kahit anuman, ang salungat ay tilang mas maipagpapalagay, pagka’t ang Exodo ay kaagad na sinundan ng aklat ng Levitico, na nagbubuo ng dalawampu’t-walong mga kabanata ng mga pag-uutos ng pandiyeta at liturhiya.   Kaya, ano bilang mga makabagong Kantiyano ang magagawa natin dito?  Una, dapat nating mapuna na ang biblikal na mga may-akda ni-isang saglit ay hindi inisip na ang Diyos ay nangangailangan ng liturhiyang katapatan, na parang ang kawastuhan ng ating pagsamba ay nakakadagdag sa Kanyang pagiging perpekto, o nakabibigay ng lugod sa sikolohikal na pangangailangan Niya. Kung ikaw ay nagkikimkim ng pag-aalinlangan sa puntong ito, ipapayo ko ang maingat na pagbabasa ng unang kapitulo ng propeta Isias at ng ika-limampung salmo.  Hindi kailangan ng Diyos ang Kaban, ang tabernakulo at mga ng pari at palagiang pagsamba, ngunit kailangan natin.  Sa pamamagitan ng mga kilos at ng mga simbolo ng liturhiyang papuri, ang Israel ay nakasang-ayon sa Diyos, nakahanay sa Kanya.  Ang moral na batas ay pinapatnubayan ang mga kalooban natin tungo sa banal na kabutihan, ngunit ang liturhiyang batas ay pinapatnubayan ang ating mga isip, mga puso, mga emosyon, at, oo, kahit ang ating mga katawan sa banal na karilagan.  Punahin ang seremonyal na tagubilin ng Exodo kung paano na puspusang isinasangkot ang kulay, tinig at amoy (mayroong napakaraming bagay hinggil sa insenso), at paano tumutulong ang mga ito   sa produksyon ng kagandahan.

Isinaad ko sa taas na ang pagbibigay-diin ng Exodo sa liturhiya at seremonyal ay may matimbang na kabuluhan sa panahon natin, at ito ang dahilan kung bakit.  Para sa mga pinaka-mabuting dahilan, tayo ay ganap na umiwas sa pampublikong pansamba, at kahit ngayon ang ating abilidad na sumamba ng sama-sama ay napaka limitado.  Sa mga diyosesis sa ating bansa, ang obligasyon na dumalo sa Misa tuwing Linggo ay, para sa mga mabuting dahilang muli, suspendido.  Ang aking ikinatatakot ay kapag kung dumating ang angkop na panahon, na tayo ay maaari nang bumalik sa Misa, maraming mga Katoliko ang iiwas, pagka’t sila ay nasanay na iliban ang kanilang mga sarili sa pagsamba.  At ang aking pag-aalala ay may mas partikular na Kantiyanistang anyo:  Marami bang mga Katolikong magsasabi sa sarili nila, “Alam mo, basta’t ako’y talagang mabuting tao, ano ang punto ng lahat nitong pormal na pagsamba ng Diyos?”

Maaari ko bang irekomenda na ilabas mo ang iyong Bibliya, buksan sa aklat ng Exodo, lalung- lalo na sa mga kapitulo 25 hanggang 40, at kilanlin kung gaano kahalaga sa Diyos ang tamang pagsamba na iniaalay ng Kanyang mga banal na tao? Ang liturhiya ay laging mahalaga.  Ang Misa—kabilang ang mga kasuotan, mga ritwal na pagkilos, mga amoy at mga kampanilya, awit at katahimikan—ay mahalaga pa rin, matimbang.  Hindi ba sapat na ikaw ay mabuting tao?  Hindi upang ilagay ang pinong punto dito:  hindi.

'

By: Bishop Robert Barron

More
Jun 23, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Jun 23, 2021

“Tingnan mo. Tingnan mo ang mga sugat. Pumasok ka sa mga sugat.  Sa mga sugat na iyan, tayo ay gumaling.  Nakakaramdam ka ba ng kapaitan, kalungkutan, ng buhay na tila  hindi alinsunod sa tamang landas at ikaw din ay may sakit? Tingnan mo diyan. Sa katahimikan.”

Sa mga salitang ito ay sinasabi ni Santo Papa Francisco kung gaano kalalim mapagagaling ang tao sa pamamagitan ng limang Banal na Sugat ni Jesus — ang kanyang mga binutas na kamay, paa at tagiliran. Maraming mga Katoliko ang nakakaalam sa debosyon sa limang sugat na ito. Ngunit narinig mo ba ang ikaanim na sugat ni Jesus?

Noong ika-12 siglo, isang Priyor na Pranses at mistiko na si San Bernardo ng Clairvaux ay nagtanong kay Jesus kung alin ang Kanyang pinakahigit na di-naitalang pagdurusa at ang Panginoon ay sumagot: “Nasa Aking Balikat habang dinadala ko ang Aking Krus sa Daan ng mga Kalungkutan, isang malubhang Sugat na mas masakit kaysa sa iba, at na hindi naitala ng katauhan.”

Noong ika-20 siglo, isa pang santo ang nakapagpatunay sa ikaanim na sugat na ito: Santo Pio ng Pietrelcina. Sikat na kilala bilang isang buhay na Santo, sa mahigit sa 50 taon ay dinala niya ang mga sugat ni Kristo sa kanyang katawan. Si Padre Pio ay nagkaroon minsan ng isang kagiliw-giliw na pakikipag-usap kay Karol Wojtyla, ang hinaharap na Santo Papa Juan Pablo II, kung saan tinanong siya ni Padre Wojtyla kung alin ang sugat sa kanyang stigmata na siyang dahilan ng labis na sakit, na inaasahan na sabihin ni Padre Pio na ito ay ang sugat sa kanyang dibdib. Sa halip ay sumagot si Padre Pio, “Ito ang aking sugat sa balikat, na hindi alam ng kahit sino at hindi pa gumaling o ginamot kailanman.”

Matapos ang pagkamatay ni Padre Pio, si Brother Modestino na may tungkulin na kumuha ng imbentaryo ng lahat ng mga pag-aari ng santo, ay natuklasan na ang isa sa mga kamiseta ni Padre Pio ay may isang bilog na marka ng dugo sa lugar ng kanang balikat. Noong gabing iyon, hiniling ni Brother Modestino kay Padre Pio sa panalangin na paliwanagan sya tungkol sa kahulugan ng marka ng dugo. Humingi siya ng tanda na tunay na dinala ni Padre Pio ang sugat sa balikat ni Kristo. Nagising si Brother Modestino sa kalagitnaan ng gabing iyon na may sobrang sakit sa kanyang balikat, na parang hiniwa ng isang kutsilyo hanggang sa buto ng balikat. Pakiramdam niya ay mamamatay siya sa sakit kung magpapatuloy ito, ngunit tumagal lamang ito sa maikling sandali. Pagkatapos. ang silid ay napuno ng amoy ng isang makalangit na pabango – ang tanda ng espirituwal na presensya ni Padre Pio – at narinig niya ang isang tinig na nagsasabing, “Ito ang kinailangan kong pagdusahan!”

Isaalang-alang ito:  Pinayagan ni Jesus ang kanyang mga paa na mai-pako sa krus. Kusa niyang isinuko ang Kanyang mga kamay. At pinayagan niya ang kanyang tagiliran na mabuksan. Subalit ang kanyang balikat na nagdala ng nakadudurog na bigat ng krus, na nabugbog at madugong balikat Nya, ayon sa ebanghelyo ni San Juan, ay ang nagdala ng bigat ng ating mga kasalanan nang walang anumang tulong o ginhawa, ang balikat na iyon ay nanatiling nagsilbi sa buong paghihirap Niya.

At ngayon magagamit pa rin ito, sa atin, at sa lahat ng nangangailangan nito.

Tumingin at makinig sa tinig ni Jesus na nag-aanyaya sa iyo na sumandal sa Kanyang balikat at ipahinga ang iyong ulo doon at madama ang pag-ibig na nagbigay gaan sa Kanya upang matiis ang kahila-hilakbot na sakit na mula sa lahat ng mga kakilakilabot na sugat para sa kapakanan nating lahat.

Kaya “Tingnan mo duon. Sa katahimikan,” tulad ng iminumungkahi ni Santo Papa Francisco. Tumingin at makinig sa tinig ni Jesus na nag-aanyaya sa iyo na sumandal sa Kanyang balikat at ipahinga ang iyong ulo doon at madama ang pag-ibig na nagbigay-gaan sa Kanya upang matiis ang kahila-hilakbot na sakit na mula sa lahat ng mga nakahihilakbot na sugat para sa kapakanan nating lahat.

Upang mapagyaman ang debosyon sa sugat ng Balikat ni Kristo, sinulat ni San Bernardo ng Clairvaux ang panalangin na ito sa Balikat ni Kristo:

“Pinakamamahal kong Jesus, maamong Kordero ng Diyos, ako, isang nakakahabag na makasalanan, sumasaludo at sumasamba sa pinakabanal na sugat ng Iyong balikat kung saan ipinasan Mo ang Iyong mabigat na krus na syang nagpunit ng Iyong laman at inilatag sa Iyong mga buto upang ipabata sa Iyo ang isang paghihirap na mas malaki kaysa sa iba pang sugat ng Iyong Pinaka Pinagpalang katawan. Sinsamba Kita, O Hesus na higit na nagdadalamhati; pinupuri at niluluwalhati Kita, at pinasasalamatan Kita dahil sa sagrado at masakit na sugat na ito, na nagsusumamo sa Iyo sa pamamagitan ng labis na sakit, at sa makadurog-pasanin ng Iyong mabigat na krus na maging maawain sa akin, isang makasalanan, patawarin Mo ako sa lahat ng aking mortal at mga maliit na kasalanan, at upang akayin ako patungo sa langit sa daan ng iyong krus. Amen.”

'

By: Shalom Tidings

More
Jun 23, 2021
Magturo ng Ebanghelyo Jun 23, 2021

Naramdaman mo na ba ang mag isa, ang mawala, hindi segurado kung sono ka, bakit ka nandito, o ano ang plano ng Dios sa buhay mo? Bilang sikat na modelo, artista, at tv host, mukhang ang lahat ay nakamit na ni Joelle Maryn ang lahat ng yon, hanggang nang sapitin nya ang spiritual rock bottom. Ituloy ang pagbabasa upang malaman kung paano ang nyang dagliang pagbalik kay Cristo!

Noong ako ay 6 na taong gulang, ang aking pamilya ay dumanas ng malagim na trahedya. Isang linggo bago mag Pasko, nakalimutang patayin ang kandila sa Advent korona at  naging sanhi ng sunog. Ang totoong Christmas tree na nasa tabi nito ay lumiyab, na nasundan naman ng pagkasunog ng buong kabahayan. Bahagya lang akog nakalabas samantalang walang palad naman ang aking ama sa pagligtas sa 11-taong gulang kong kapatid na si Maria.

Naputol na Linya ng Buhay.

Habang kami ay nagdadalamhati sa kanyang pagkamatay at sa pagkawala ng lahat ng aming ari-arian, ang mga tao ay bukas-palad na nagbigay ng mga gamit upang kami ay matulungan.  Tuwang-tuwa akong nakatanggap ng madaming magagandang manika, ngunit ang pinakatatangi kong pag-aari ay ang nakaligtas na manika ni Maria na may mga marka ng sunog at may isang kakaibang amoy.

Madasalin akong bata at alam kong sinabi ng Bibliya na kayang buhayin ni Jesus ang patay. Kaya inilatag ko ang lahat ng mga manika sa kama sa hugis ni Maria at nanalangin, “Panginoon, ibibigay ko sa Iyo lahat nang meron ako kung ibabalik Mo lamang ang kapatid ko.”  Hinintay ko Syang tumugon ngunit walang nangyari.  Umaasa at matatag pa din ang paniniwalang maibabalik Nya ang kapatid ko, nagdasal akong muli, nang walang resulta.nagpatuloy ako sa pananalangin, na may karagdagang mga magic na salita, ngunit nang walang nangyari, pumasok ang duda sa aking puso. “Siguro, hindi ako mahal ng Diyos.” Kung talagang alam Nya ang traumang dinaramdam ng aking buong pamilya, ibabalik Nya si Mara. Sa tingin ko iyon ang sandali na ako ay nagpasyang putulin ang linya ko ng telepono sa Diyos at tumigil na sa pagdadasal.

Sumisikat sa Tanghalan

Dahil ang aking ina ay may theater company, nag-umpisa ako sa pag-arte para makasama ko sya.  Pag ako ay umaarte, maciado akong involved sa papel na ginagampanan ko, na tuloy, nalilimutan ko kung sino ako.  Minsan, nagtatago ako sa ideal at perfectong buhay na ito, kung saan maaari akong magpanggap na ang lahat ay okay.

Habang ako’y lumalaki, tila ang ilusyon ay nagiging isang katotohanan.  Ako ay nakapagmodelo sa buong bansa para sa Jergens at Target at sa isang billboard sa Times Square;  lumalabas sa independenteng pelikula;  tumatampok sa mga pabalat ng libro at pagho-host ng isang TV show.  Nagsimula ako ng kumpanya ng kosmetiko na naging popular sa mga celebrities at naitampok sa magasin.  Nakabili ako ng tatlong  bahay.  Mistulang nakamit ko na ang lahat. Ganunpaman, tila wala pa din akong kasiyahan. Ibig ko pa ding abutin ang isa pang bagay na nakapagpapasaya sa akin.

Sa taas ng isang Hollywood rooftop para sa isang kaakit-akit na photo shoot, halos naabot na ang rurok ng buhay habang naka pose suot ang $4k na damit, eksakto lang ang tama ng araw sa akin, pero ang nadama ko ay kawalan ng laman. Ako ay walang ideya kung sino ako o kung bakit ako nandito. Ganap na nawala ang aking identity. Natiyak kong malayo ako kay Kristo.

Haligi ng Pag-ibig

Haligi ng Pag-ibig. Ginugol ko sa pagtangis ang gabi sa sahig ng shower ng magarbong cuarto ng hotel, nagdarasal sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon: “Panginoon, Kailangan Kita. Nawala Ka na sa akin.”  Ang taimtim na panalangin para sa tulong na yon ang nagbukas sa aking puso para papasukin ang gracia ng Dios.  Sumilay sa harapan ko ang buong buhay ko at ipinakita ang bawat kasalanang nagawa ko. Napakasakit makita ang mga epekto ng masasama kong halimbawa sa mga taong sumusunod sa akin, sa mga sumusunod sa kanila, na sumunod pa sa kanila at iba pa.

Masakit makita kung gaano ako nagkulang magmahal.  Ipinakita sa akin ang dalawang haligi.  Ang haligi na nakapaloob ang lahat ng gawa ng pagmamahal –kung paano ko ginamit ang mga regalo at mga biyayang ibinigay sa akin ng Diyos sa pagtatayo ng Kanyang kaharian– ang hanay na iyon ay halos walang laman, pero nakita kong mas matimbang.  Bakit ang haligi ng kabutihan ay higit na matimbang sa pinakamasamang kasalanan?  Ni hindi ko pa alam ang Banal na Kasulatan sa oras na iyon, “Ang pag-ibig ay sumasaklaw sa maraming kasalanan.” (1 Pedro 4: 8).

Kung pinupuno natin ang mahusay na hanay sa pagiging taong nilikha ng Diyos at maging mapagmahal sa isa’t isa, tayo ay hindi nagkakasala.  Hindi ito pinapakita sa akin ng Diyos para ako’y hatulan kundi, bilang isang gawa ng awa.  Hindi ako karapat-dapat sa biyayang ito. Ibinigay ito ng Diyos sa akin dahil napakalayo ko na sa Kanya.  Ngunit ito ay may responsibilidad –na ibahagi ang Kanyang mensahe sa lahat.  Walang kahit ano pa man tayong nagawa na makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, walang kasing sama na hindi Niya tayo maaaring tanggapin na muli. Kung matutulungan at maililigtas ako ng Diyos, matutulungan at maililigtas Niya sinuman.

Pagkatapos ng karanasang ito, binago ko ang aking buong buhay.  Nabasa ko ang buong Bibliya sa loob lamang ng 2 buwan. Sabik akong madinig ang katotohanan. Nang naabot ko ang bahagi kung saan si Jesus ay  nawala sa Templo, sinabi ko, “Panginoon na saan ang templong ito? Gusto kong mahanap ang Iyong Templo “. Naisip ko ang Simbahang Katoliko kaya sinimulan kong magpunta araw-araw sa Misa.  Nadama kong ako ay nasa sarili kong tahanan. Kahit na hindi ko napagtanto ang pangangailangan ng Pangungumpisal bago tumanggap ng Komunyon, lalo na kung nakagawa mortal na kasalanan, nagsimula ang Diyos upang mapatunayang may sala sa aking puso.  Hindi pa ako nakapag  pangumpisal simula nang pinilit ako ng aking lola noong ako ay nasa Kolehiyo.  Iyon ay isang mahusay na gawa ng pag-ibig. Kailangan natin ng matatag at mapanghikayat na tao sa ating buhay –upang sabihin: “Oras na!”

Matapos akong mangumpisal, umige ang pakiramdam ko pero ang pari ay nagbigay ng babala sa akin, “Kung bubulong ang kaaway na ikaw ay hindi pinatawad, huwag itong pansinin at  maniwala ka lamang na ikaw ay pinatawad na.” Tama siya.  Ako nga ay inaatake. “Iyon ay napakadali.  Paanong napatawad ni Jesus ang aking mga kasalanan nang ganun ganun lamang?”

Nakadama pa din ako ng kadiliman na bumabalit sa pagkatao ko, ngunit dahil sa aking Pananampalataya alam kong ako ay pinatawad na.  Kaya nagpacia akong mangumpisal na muli sa sumunod na linggo matapos ang pag-aayuno at pananalangin.  Nang isaysay ko ang lahat ng ito sa Pangungumpisal, inirekomenda ng pari ang Dalangin sa Adoration Chapel. Hindi ko alam kung ano ito, kaya nanaliksik ako sa bahay.  Nang natuklasan ko na ang Banal na Sacramento ay ang tunay na anyo ni Jesus at hinanap ko Sya sa Kapilya, naramdaman kong tumigil ang buong chapel.

Napasong Muli

Gusto kong mabuong muli  –kung sino ako at tuklasin ang aking misyon.  Sa Adoration, matyaga kong tinatanong, “Panginoon, ano ang sabi Mo kung sino ako? Kung sino ako sa Iyong mga mata? Ano ang Iyong nakikita kapag tumingin ka sa akin?  Bakit ako nandito?”  Walang malaking boses na dumating galing sa kalangitan, ngunit na nagsimulang dumating ang mga saloobin. “Ikaw ay  minamahal.  Ikaw ay akin.  Ikaw ay aking anak.”  Kung maglalaan tayo ng panahon ng katahimikan, nakakamanghang malalaman natin kung gaano patuloy ang Diyos na nakikipag-usap sa atin.

Sa Adoration isang araw, tinanong ko si Jesus na ipakita ang lahat ng mga kasinungalingan sa aking puso na na pumupigil na alamin ang sarili ko bilang minamahal na anak ng Diyos.  Nang sinimulan kong magsulat, hindi ako makapaniwala kung ilan mayroon, halos 80!  Natanto ko rin na ang tanging paraan para makamit ang kagalakan ay ang paggawa ng Kalooban ng Diyos.  Sa umpisa, mahirap gawin ang Pagsuko.  Nais ng Diyos na patuloy nating iwanan ang mga bagay na hindi umaakay sa atin patungo sa Kanya.  Nadama kong naupos na namang muli ang buhay ko.  Ngunit may isang bagay na nakakapagpagaling, –kapag ang kadiliman ay dinala sa liwanag ni Cristo.

Tayo ay tinawag na maging  tinapay para sa iba.  Naging makahulugan ang komunidad sa akin nang magbalik ako sa Simbahang Katoliko.  Ako ay nag-asam na maging kasali ng isang komunidad. Hindi natin kailangang magdusang nag-iisa. Ang pakiramdam na kasali ako –ang pagkakaroon ng mga kaibigan sa aking paglalakbay, at mga saserdote na gagabay sa akin–  ay isang pagpapala. Paano tayo magiging Liwanag Nya sa madilim na mundo?  Tayo ay nilikha para makipag-isa, pinag-isa ng pag-ibig natin kay Cristo, syang pag-ibig kaya tayo nagiging Eucharistic.  Naging tinapay si Jesus para sa atin.  Siya ang buhay na tinapay na bumababa mula sa Langit.

Dahil sa lahat nang nangyayari sa mundo, waring ang mga nilalabanan nating apoy ay  napakalaki para takasan, ngunit kung ibabahagi natin ang Kanyang Buhay na Tubig, hindi tayo kayang lipulin ng liyab.  Kung tayo ay naghihirap ito ay dahil sa hindi tayo konektado sa Diyos.  Kailangan nating magpakababa at aminin sa Dios na hindi natin kaya na hindi Siya kasama sa ating buhay.  Yan ang pagpapakumbaba.

Muntik na akong mamatay sa sunog at isang sunog din ang nagligtas sa akin.  Mahirap at halos imposible ang magsimulang muli, pero sa Dios, walang imposible.  Tinanggap Nya ako at binigyan ng bagong pagkakakilanlan, o identity, na nakaugat sa Kanyang Pag-ibig na Walang Hanggan.  Ngayon, nagtuturo ako ng klase ng sertipikasyon sa ‘Katekismo ng Pag-Ibig’ paraq sa diyosesis ng Austin.  Nakikita kong ito ay mapagligtas sa madaming paraan dahil sa wakas natutunan ko kung ano ang pag-ibig.  Ngayon, alam ko na mahal ako ng Diyos. Alam ko kung paano magbigay ng pag-ibig na iyan sa ibang tao para makabahagi sila Mabuting balita. Iniwan ko na ang ang mga pag-uugnayang hindi mabuti sa katawan na syang naglayo sa akin kay Cristo.  At ngayon, meron akong kagalakan sa aking puso na hindi nakasalalay sa aking anyo o sa aking mga ari-arian.

'

By: Joelle Maryn

More