• Latest articles
Jan 24, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Jan 24, 2024

Tuwang-tuwa sa magandang balita ng isang pinakahihintay na pagdadalantao, nabaligtad ang kanilang mundo sa ika-12 linggong pangkaraniwang kalaluang tunog

Ang aming panganay na si Mary Grace ay lumalaking isang magandang bata.  Ang aming mag-anak at mga kaibigan ay aktibong nagdadasal para sa amin na magkaroon ng isa pang sanggol, kaya tuwang-tuwa kaming malaman ang tungkol sa pagdadalantao!  Ang genetiko pagsusulit ay nagbalik ng mga normal na kalabasan, at nagpasya kaming panatilihing isang magandang sorpresa ang kasarian.

Nang magtungo ako para sa nakagawiang ika-12 na linggong kalaluang tunog, ipinakita sa akin ng tekniko ang tagilirang anyo ng sanggol at pagkatapos ay mabilis na inilihis ang screen mula sa akin.  Inilabas nila ang aking anak na babae, at kaagad nalaman ko na may hindi tama.  Naisip ko: “Siguro may problema sa puso o kapinsalaan ang sanggol, ngunit ayos lang.  Kayang ayusin ng Diyos ang anumang bagay, at maaaring operahan.”  Ngunit bilang isang doktor, nanalangin ako: “Pakisuyo, Diyos, huwag sana itong maging anensepali.”  Dahil nakita ko ang kalaluang tunog, palagay ang loob kong ito ay iba pa.

Nang pumasok ang manggagamot sa silid, tinanong ko: “Pakisabi sa akin na ang sanggol ay buhay.”  Taimtim ang mukha, sinabi niya: “Oo, may tibok ang puso ng sanggol, ngunit hindi ito maganda.” Nagsimula akong umiyak at tumawag sa aking asawa sa Facetime.  Ito ang pinakakinatatakutan ko—may anencephaly ang aming sanggol, isa sa mga malubhang kapinsanan na maaaring magkaroon ang sanggol sa utero kung saan hindi nabubuo nang maayos ang bungo—at sinabi sa akin ng doktor na ang similya ay hindi mabubuhay nang matagal.

Nakakadurog ng puso.  Ang itinatanging batang ito na matagal na naming hinihintay ay hindi mabubuhay!  Naisip ko kung gaano kasabik ang aking panganay na babae.  Sa aming pang-araw-araw na panalangin ng mag-anak, madalas niyang sinasabi: “Hesus, mangyaring bigyan Mo ako ng isang sanggol na kapatid na lalaki o babae.”  Paulit-ulit kong sinasabi sa aking isipan: “Panginoon, maaari Mong lunasan, maaari Mong lunasan ang sanggol.”

Agad na bumaba ang aking asawa.  Sa pagsisikap na panatilihing tuwid ang mukha, sinabi ko sa aking anak na umiiyak ako sa tuwa.  Ano pa ang masasabi ko?

Sinabi ng doktor na maaari naming ihinto ang pagdadalantao. Sabi ko, “Hinding-hindi.  Dadalhin ko ang sanggol hanggang siya ay nabubuhay.  Kung ito ay magpapatuloy nang 40 linggo, ito ay 40 linggo.”  Binalaan niya ako na malamang ay hindi ako aabot nang ganuon katagal, at sakaling mamatay ang sanggol sa sinapupunan, maaaring magkaroon ako ng malubhang impeksyon sa dugo.  Kailangan ko din ng madalas na pagsusuri dahil ang pagbuo ng likido sa aking matris ay maaaring maging lubhang mapanganib.  Sinabi ko sa kanya na handa akong harapin anumang bagay.  Salamat naman, hindi ako pinilit pa, kahit na sa mga sumunod na pagdalaw.  Alam nila na ako ay nakapagpasya na!

Itinalaga Sa Pag-asa

Dumating kami sa bahay at ginugol ang panahon na sama-samang nagdadasal at nag-iiyakan.  Tinawagan ko ang aking kapatid na babae, na isang residente ng OBGYN.  Tinawagan niya ng madami niyang kaibigan, lalo na sa Kabataan Hesus at nagsimula ng Nobena sa Zoom nang gabing iyon.  Sinabi lang namin sa aming anak na ang sanggol ay may “kaunting hindi tama, ngunit ayos lang.” Hindi kami nagsabi sa aming mga magulang o biyenan; ikakasal ang kapatid ko sa susunod na buwan, at ayaw naming maapektuhan ang kasal.  Napag-isipan din namin na hindi nila ito mahaharap nang may lakas tulad ng lakas na naramdaman namin.

Sa mga unang araw, madaming tao ang nakipag-usap sa akin, tinutulungan akong magtiwala sa Kalinga ng Diyos at maniwala na hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi mabuti para sa atin.  Nakaramdam ako ng matinding kapayapaan.  Naisip ko si Inang Maria—ang kagalakan ng pagtanggap ng mabuting balita sa Pagpapahayag at ang kalungkutan sa kalaunan nang pagkakaalam na Siya ay mamamatay.  Napagpasyahan namin, noong araw na iyon, na buksan ang tarheta  sa mga pagsusuri sa dugo na nagpahayag ng kasarian dahil noon, ibig naming ipagdasal ang sanggol nang may pangalan.

Pinangalanan namin siyang Evangeline Hope, na ang ibig sabihin ay ‘ang tagapagdala ng mabuting balita’ dahil, para sa amin, pinapakita pa rin niya ang pag-asa ng pag-ibig at awa ni Kristo.  Ni minsan ay hindi namin naisip na siya ay ipalaglag dahil Siya ay isang napakagandang balita, hindi lamang para sa amin kundi para sa lahat ng mga bumabati sa amin —isang batang mag-eebanghelyo sa mundo sa madaming paraan.

Sinalihan ko ang isang grupo ng suporta sa Ansipepali na  nakatulong nang napakalaki sa aking paglalakbay.  Nakilala ko ang madaming tao, maging ang mga ateista, na labis na nagsisi sa kanilang pasyang ipalaglag ang kanilang mga sanggol.  Nakipag-ugnayan ako sa mga babaeng nanahi ng mga toga ng anghel mula sa mga donasyong damit pangkasal at mga propesyonal na potograpo na nagkusang-loob na idokumento ang kapanganakan sa pamamagitan ng magagandang larawan.

Nagsagawa kami ng pagpapahayag ng kasarian sa kasal ng aming kapatid ngunit hindi pa din sinabi kanino man na ang sanggol ay may karamdaman.  Nais lang naming parangalan at ipagdiwang ang kanyang munting buhay.  Ang kapatid kong babae at mga kaibigan ay nagbuo din ng isang magandang baby shower (higit na parang isang pagdiriwang ng buhay), at sa halip na mga regalo, lahat ay sumulat ng mga liham sa kanya para mabasa namin matapos ang pagsilang.

Walang Tigil Na Tagapagsamba

Dinala ko siya hanggang sa ika-37 linggo.

Kahit matapos na ang isang kumplikadong pagsisilang, kabilang ang pagputok ng pader ng matris, si Evangeline ay hindi naipanganak na buhay.  Ngunit kahit papaano, natatandaan kong nakaramdam ako ng malalim na pagkaunawa sa kapayapaan ng Langit.  Siya ay tinanggap nang may labis na pagmamahal, dignidad, at karangalan.  Ang pari at ang kanyang mga Ninong at Ninang ay naghihintay na makilala si Evangeline.  Doon sa silid ng ospital, nagkaroon kami ng kanaisnais na panahon ng pananalangin, papuri, at pagsamba.

Meron kaming magagandang damit para sa kanya.  Binasa namin ang mga liham na isinulat ng lahat para sa kanya.  Nais namin siyag pahalagahan nang may higit na dignidad at dangal kaysa sa isang ‘normal’ na bata.  Umiyak kami dahil  nasala  namin ang kanyang presensya, at dahil din sa kagalakan habang kasama niya si Hesus ngayon.  Sa silid ng ospital na iyon, inisip namin, “Wow, hindi ako makapaghintay na makadating sa Langit.  Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang makasama ang lahat ng mga Santo.”

Pagkalipas ng dalawang araw, nagkaroon kami ng ‘pagdiwang sa buhay’ para sa kanya na ang lahat ay nakasuot ng puti.  Ang misa ay ipinagdiwang ng apat na pari, at mayroon kaming tatlong seminarista at isang magandang koro na nagparangal sa aming pinakamamahal na sanggol. Inilibing si Evangeline sa  bahagi ng mga Anghel laan sa mga sanggol sa sementeryo, na madalas pa din naming dinadalaw.  Bagama’t wala siya dito sa mundo, bahagi siya ng aming buhay.  Mas malapit ako kay Hesus dahil nakikita ko kung gaano ako kamahal ng Diyos at kung paano Niya ako pinili para ipagdslantao siya.

Damdan ko’y pinarangalan ako.  Siya ay isang walang hanggang tagapagsamba para sa aming mag-anak upang madala kami sa pagkasanto sa paraang wala nang iba pa na kailanman ay maaari kaming madala.  Ang tanging biyaya ng Diyos at ang buong pagtanggap sa Kanyang kalooban ang nagbigay sa amin ng lakas upang mapagdaanan ito.  Kapag tinanggap natin ang kalooban ng Diyos, ibinibigay Niya ang mga biyayang kinakailangan natin upang malampasan ang anumang partikular na kalagayan.  Ang kailangan lang nating gawin ay ipaubaya ang ating sarili sa Kanyang pag-aaruga.

Pagpapalaki Ng Mga Santo

Bawat sanggol na hindi pa isinisilang na ay mahalaga; malusog man o may pinsala, mga handog pa din sila ng Diyos.  Dapat nating buksan ang ating mga puso upang mahalin ang mga batang ito na nilikha sa larawan ni Kristo, na sa aking pananaw ay mas mahalaga kaysa sa isang “normal” na bata.  Ang pag-aalaga sa kanila ay parang pag-aalaga sa sugatang Kristo.  Isang karangalan na magkaroon ng isang batang may mga kapansanan o mga espesyal na pangangailangan dahil ang pag-aalaga sa kanila ay makakatulong sa atin na maabot ang isang mas malalim na pwesto ng kabanalan kaysa sa pagtupad sa anumang bagay sa buhay. Kung makikita natin ang mga maysakit na hindi pa isinisilang na mga bata bilang mga handog—mga dalisay na kaluluwa—hindi man lang ito madadama na isang pasanin.  Ikaw ay magpapalaki sa loob ng iyong sarili, isang Santo na uupo sa tabi ng lahat ng mga anghel at mga Santo.

Kasalukuyan kaming naghihintay ng isang sanggol na lalaki (Gabriel), at nagtitiwala ako sa Diyos na kahit na masuri siya na may ano mang bagay, tatanggapin pa din namin siya nang may bukas na puso at mga bisig.  Ang lahat ng buhay ay isang mahalagang handog, at hindi tayo ang may-akda ng buhay.  Lagi nating tandaan na ang Diyos ang nagbibigay, at ang Diyos ang bumabawi.  Purihin ang pangalan ng Panginoon!

'

By: Dr. Hima Pius

More
Jan 24, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Jan 24, 2024

Sa edad na anim, nagpasya ang isang batang babae na hindi niya gusto ang mga salitang ‘kulungan’ at ‘binitin’. Hindi niya alam na sa edad na 36, ​​makakasama niya ang mga bilanggo sa death row.

Noong 1981, nasa unang pahina ng mga balita sa Singapore at sa buong mundo ang nakakagulat na pagpatay sa dalawang bata. Ang pagsisiyasat ay humantong sa pag-aresto kay Adrian Lim, isang tagapamagitan na sekswal na nang-abuso, nangikil, at nakontrol ang isang hilera ng mga kliyente sa pamamagitan ng panloloko sa kanila sa paniniwalang siya ay may kahima-himalang kapangyarihan, pinahirapan sila sa pamamagitan ng paggamit ng may kuryenteng ‘terapewtika.’ Isa sa kanila, si Catherine, na aking naging isang estudyante  na pumunta sa kanya upang gamutin ang kanyang depresyon pagkatapos ng kamatayan ng kanyang lola. Siya ay ginawang babaing bayaran at inabuso ang kanyang mga kapatid. Nang mabalitaan kong kinasuhan siya ng pakikisama sa mga pagpatay, pinadalhan ko siya ng sulat at isang magandang larawan ng Sacred Heart of Jesus.

Pagkalipas ng anim na buwan, sumulat siya pabalik, na nagtatanong, “Paano mo ako kayang mahalin pagkatapos ng mga nagawa kong mga masasamang bagay?” Sa sumunod na pitong taon, binisita ko si Catherine linggu-linggo sa bilangguan. Pagkatapos ng mga buwan ng pagdarasal na magkasama, ginusto niyang humingi ng tawad sa Diyos at sa lahat ng taong nasaktan niya. Pagkatapos niyang ikumpisal ang lahat ng kanyang mga kasalanan, nagkaroon siya ng totoong kapayapaan, para siyang naging ibang tao. Nang masaksihan ko ang kaniyang pagbabalik-loob, ako ay tuwang-tuwa sa aking sarili, ngunit ang aking ministeryo sa mga bilanggo ay nagsisimula pa lamang!

Pagbabalik Tanaw

Lumaki ako sa isang mapagmahal na pamilyang Katoliko na may 10 anak. Tuwing umaga, lahat kami ay sama-samang pumupunta sa misa, at ginagantimpalaan kami ng aking ina ng almusal sa isang kapihan malapit sa simbahan. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, ito ay tumigil sa pagiging tungkol sa pagkain para sa katawan at naging tungkol lamang sa pagpapakain para sa kaluluwa. Nababakas ko pa ang aking pagmamahal sa Eukaristiya sa mga misa ng madaling araw kasama ang aking pamilya kung saan inihasik ang binhi ng aking bokasyon.

Ipinadama ng aking ama sa bawat isa sa amin na lalo kaming minamahal, at hindi kami kailanman nakalimot na masayang tumakbo sa kanyang mga bisig sa kanyang pagbabalik mula sa trabaho. Noong panahon ng giyera, kapag kailangan naming tumakas sa Singapore, siya ay nagtuturo ng pampaaralan sa amin sa bahay. Tinuturuan niya kami ng paulinigan tuwing umaga, na hinihiling niya sa amin na ulitin ang isang sipi kung saan may nasentensiyahan ng kamatayan sa kulungan ng Sing Sing. Sa murang edad na anim, alam ko na na hindi ko gusto ang talatang iyon. Kapag ako na, imbes na basahin ko, binibigkas ko ang Hail Holy Queen. Hindi ko alam na balang araw ay mananalangin ako kasama ng mga bilanggo.

Hindi pa huli Kailanman

Nang simulan kong bisitahin si Catherine sa bilangguan, maraming iba pang bilanggo ang nagpakita ng interes sa aming ginagawa. Sa tuwing may hihiling na isang bilanggo na dalawin, natutuwa akong makilala sila at ibahagi ang maibiging awa ng Diyos. Ang Diyos ay isang mapagmahal na Ama na laging naghihintay sa atin na magsisi at bumalik sa Kanya. Ang isang bilanggo na lumabag sa batas ay katulad ng Alibughang Anak, na natauhan nang siya ay umabot sa pinakamababa at napagtanto, “Maaari akong bumalik sa aking Ama.” Nang siya ay bumalik sa kanyang Ama, humihingi ng kapatawaran, ang Ama ay tumakbo palabas upang salubungin siya pabalik. Hindi pa huli kailanman para sa sinuman na magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik sa Diyos.

Pagyakap sa Pag-ibig

Nalaman ni Flor, isang babaeng Pilipinong inakusahan ng pagpatay, ang tungkol sa aming ministeryo mula sa iba pang mga bilanggo, kaya binisita ko siya at sinuportahan siya habang inaapela niya ang kaniyang hatol na kamatayan. Matapos tanggihan ang kanyang apela, galit na galit siya sa Diyos at ginustong huwag ko na siyang pakialaman. Sa pagdaan ko sa kanyang pintuan, sinabi ko sa kanya na mahal pa rin siya ng Diyos kahit anong mangyari, ngunit naupo siya sa kawalan ng pag-asa habang nakatitig sa blangkong dingding. Hiniling ko sa aking grupo ng panalangin na dasalin ang Nobena ng Our Lady of Perpetual Succor at ialay ang kanilang mga paghihirap para sa kanya. Pagkalipas ng dalawang linggo, biglang nagbago ang puso ni Flor at hiniling niya akong bumalik kasama ang isang pari. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa dahil binisita ng Mahal Na Ina ang kanyang selda, sinabihan siyang huwag matakot dahil sasamahan siya  hanggang sa wakas. Mula sa sandaling iyon, hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, tanging saya ang nasa puso niya.

Ang isa pang hindi malilimutang bilanggo ay isang lalaking Australyano na nakulong dahil sa pagbebenta ng droga. Nang marinig niya akong kumakanta ng isang himno sa Ating Ina sa isa pang bilanggo, labis siyang naantig anupat hiniling niya sa akin na dalawin siya nang regular. Ang kanyang ina ay nanatili sa amin nang bumisita siya mula sa Australia. Sa kalaunan, hiniling din niya na mabinyagan bilang isang Katoliko. Mula sa araw na iyon, siya ay puno ng saya, kahit na ng siya ay naglalakad papunta na sa bitayan. Ang superintendente doon ay isang binata, at habang ang dating nagbebenta ng droga na ito ay naglalakad patungo sa kanyang kamatayan, lumapit ang opisyal na ito at niyakap siya. Napaka kakaiba, at nadama namin na parang ang Panginoon Mismo ang yumakap sa binatang ito. Hindi mo lang maiwasang maramdaman ang presensya ng Diyos doon.

Sa katunayan, alam ko na sa bawat pagkakataon, nariyan sina Inang Maria at Hesus para tanggapin sila sa langit. Naging isang kagalakan para sa akin na tunay na maniwala na ang Panginoon na tumawag sa akin ay naging tapat sa akin. Ang kagalakan ng pamumuhay para sa Kanya at para sa Kanyang mga tao ay higit na kapaki-pakinabang kaysa anupaman.

'

By: Sister M. Gerard Fernandez RGS

More
Jan 24, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Jan 24, 2024

Ang buhay ay nambabato ng malalakas na mga dagok sa sinuman, ngunit ikaw ba ay kailanma’y nagtaka kung papaano ang ibang mga tao ay kailanma’y hindi nagagapi?

Para sa bawa’t dayuhan na naghahanap-buhay sa Saudi Arabia—ang taunang bakasyon ay ang  kasabikan ng taon.  Ako man ay inaasam-asam ang   lakbay na pabalik sa India, na laging natataon sa Kapaskuhan.

Mayroong nalalabing mga linggo na lamang para sa lakbay noong ako’y nakatanggap ng isang email mula sa aking mag-anak.  Si Nancy, isang matalik na kaibigan namin, ay natawagan sila para sabihin na si Hesus ay humihingi ng tanging mga dasal para sa bakasyon ko.  Talaga naman, ito’y aking isinama sa arawing listahan ko ng mga dasal.

Walang lubhang mahalaga ang nangyari sa loob ng kahigitan ng aking pagtigil.  Ang mga linggo sa tahanan ay lumipas  nang may kadalian.  Ang Pasko’y sumapit at ipinagdiriwang ng karaniwang kasiyahan.  Pagkaraan ng isang buwan at kalahati ng mga araw na puno ng saya, ang bakasyon ko ay halos lumipas na.  Walang nangyaring hindi pangkaraniwan, at ang tagubilin ay nalimutan nang marahan.

Isang Malakas na Dagok

Dalawang araw bago ng aking lakbay pabalik, nagpasya akong magsimula ng pag-iimpake ng mga bagahe ko.  Ang unang bagay na nasa  listahan ko ay ang aking pasaporte, at hindi ko ito matagpuan kahit saan.  Pagkaraa’y dumaan ang nakamamanhid na pagtanto:  Idinala ko ito sa ahente ng paglalakbay yaong umaga upang tiyakin ang lipad ko, at ito pa rin ay nasa bulsa ng aking maong na nasuot ko.  Ngunit ito’y naihulog ko nang maaga sa buslo ng mga labahin na hindi inuusisa ang mga bulsa!

Ako’y humangos sa makinang panlaba at binuksan ang takip nito.  Ang maong ay pumapaikot-ikot.  Hinugot ko ito na simbilis nang aking makakaya at itinulak ko ang aking kamay sa loob ng harapang bulsa.  Isang dama ng takot ang bumalot sa akin sa paghugot ko ng nabasang pasaporte.

Ang pabatas na mga tatak sa karamihan ng mga pahina ay nagkadungis.  Ilan sa mga selyong panlakbay ay napilas at, pinakamatindi, ang talab ng tinta sa bisa ng pagpasok sa Saudi ay napalabo din.  Ako’y walang maisip na magawa.  Ang nalalabing mapipili ay manghiling ng bagong pasaporte at sikapin na makakuha ng bagong bisa para sa pagpasok  pagdating sa ulunlunsod.  Ngunit hindi na sapat ang nalalabing panahon para rito.  Ang ang aking hanap-buhay ay nanganganib.

Ang Aking Batalyon sa Saklolo

Inilatag ko ang  pasaporte sa aking higaan at binuksan ang bentilador ng kisame, inaasahan na ito’y mapatuyo.  Sinabihan ko ang iba sa pamilya kung anong nangyari.  Tulad ng dati, kami’y nagtipon sa pagdasal, inihabilin ang ang kalagayan kay Hesus, at humiling sa Kanya ng pamamatnubay.  Tinawagan ko rin si Nancy para sabihin sa kanya ang sakuna.  Nagsimula rin siyang nagdasal para sa amin; wala na kaming magagawa pang iba.

Maya-maya nang gabing yaon, tumawag si Nancy upang sabihing nasabihan siya ni Hesus na ang Kanyang anghel ay makikita ako patungo sa Riyadh!  Makaraan ang dalawang araw, nakatatagpo ng lakas sa panalangin, ako’y nagpaalam sa pamilya ko, nagpatala ng aking mga bagahe, at sumakay ng una kong paglipad.

Sa paliparan ng Mumbai kung saan ako nagpalit ng mga lipad, sumama ako sa pila para sa pandarayuhang pagpapalinaw na nasa pandaigdigang himpilan.  Na may di-kailang pangangamba, naghintay akong nakabukas ang pasaporte.  Minabutimpalad na ang pamunuan ay bahagyang yumuko bago tinatakan nang walang-kamalayan ang pahina at hinayagan ako ng maingat na lakbay!

Puspos ng banal na biyaya, nakadama ako ng payapa.  Pagkaraan ng paglapag ng lipad sa Saudi Arabia, tinuloy kong magdasal sa paghakot ko ng aking bagahe at sumali ako sa isa sa mahahabang mga pila na nasa pandarayuhan pagsiyasat.  Ang pila ay gumalaw nang matumal habang maingat na sinuri ng pamunuan ang bawa’t pasaporte bago tinatakan ito ng pagpasok na bisa.  Sa wakas, ang pagkakataon ko’y dumating.  Lumakad ako sa dako niya.  Yaong pinakatakdang saglit, isa pang pamunuan ang dumating at nagsimula ng pag-uusap sa kanya.  Sa pagkababad niya ng pakikipag-usap, tinatakan ng pandarayuhang pamunuan ang pasaporte ko ng pagpasok na bisa na halos hindi man lamang tumingin sa mga pahina.

Ako’y nakabalik ng Riyadh, salamat sa aking   anghel na patnubay na “umakay sa akin patagos ng apoy” sa tamang panahon lamang.

Tagapagtanggol—Ngayon, Noon, at Palagian

Di-kaila, ang paglalakbay ay pinabuti ang kaugnayan ko sa aking anghel na patnubay.  Ngunit, binigyang-diin pa rin ni Hesus ang isa pang aralin para sa akin:  Ako’y inaakay ng umiiral na Diyos na unang nakababatid ng putikan sa aking daraanan.  Kapag kasama Siyang lumalakad  nang magkahawak-kamay, nakikinig sa Kanyang mga utos at susundin ang mga ito, makapamamahala ako ng anumang sagabal.  “Kung ikaw ay liliko sa kanan o ikaw ay liliko sa kaliwa, ang mga tainga mo ay madirinig ang salita mula sa iyong likod, nagwiwika, “Ito ang daan: lakarin mo ito” (Isaias 30:21).

Kung si Nancy ay hindi  nakikinig sa tinig ng Diyos, at kung hindi kami nananalangin ayon sa pag-utos, ang buhay ko’y maaaring lumihis nang pawala sa landas. Tuwing Pasko simula noon, bawa’t lakbay pabalik sa aking bansa ay nagdudulot ng magiliw na paalala ng namamatnubay na kalooban at malamlam na yakap ng Diyos.

'

By: Zacharias Antony Njavally

More
Oct 17, 2023
Magturo ng Ebanghelyo Oct 17, 2023

Sa simula ng Pebrero, ipinagdiriwang ng Simbahan sa Estados Unidos ang Linggo ng mga Paaralan ng Katoliko. Nais kong samantalahin ang pagkakataong ito na awitin ang mga papuri ng mga paaralang Katoliko at anyayahan ang lahat—Katoliko at hindi Katoliko—na suportahan sila. Nag-aral ako sa mga institusyong pang-edukasyon na nauugnay sa Simbahan mula unang baitang hanggang sa makatapos ng eskuwela, mula sa Holy Name Elementary School sa Birmingham, Michigan, hanggang sa Institut Catholique sa Paris. Ang mahabang panahon ng pagsusumikap na iyon ay lubos na humubog sa aking pagkatao, sa aking mga kahulugan sa pagpapahalaga, sa aking buong paraan ng pagtingin sa mundo. Ako ay kumbinsido na, lalo na ngayon, kapag ang isang sekularista, materyalistang pilosopiya ay higit na namumuno sa ating kultura, ang Katolikong etos ay kailangang nakatanim sa isip.

Tiyak, ang mga natatanging marka ng mga paaralang Katoliko na aking pinasukan ay ang pagkakataon para sa Misa at iba pang mga sakramento, mga klase sa relihiyon, ang pagkakaroon ng mga pari at madre (medyo mas karaniwan sa mga unang taon ng aking pormasyon), at ang paglaganap ng mga simbolo at larawang Katoliko, at mga imahe ng mga santo. Ngunit marahil ang pinakamahalaga ay ang paraan kung saan ipinakita ng mga paaralang iyon ang pagsasanib ng pananampalataya at katwiran.

Para makasigurado, walang “Katoliko” na matematika, ngunit mayroon talagang Katolikong paraan upang magturo ng matematika. Sa kanyang tanyag na talinghaga ng kuweba, ipinakita ni Plato na ang unang hakbang palayo sa isang purong materyalistang pananaw sa mundo ay ang matematika. Kapag naunawaan ng isang tao ang katotohanan ng kahit na ang pinakasimpleng ekwasyon, o ang likas na katangian ng isang numero, o isang kumplikadong pormula ng aritmetika, siya ay, sa isang tunay na kahulugan, ay umalis sa larangan ng mga lumilipas na bagay at pumasok sa isang uniberso ng espirituwal na katotohanan. Ang teologo na si David Tracy ay nagsabi na ang pinakakaraniwang karanasan ng hindi nakikita ngayon ay sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga purong pagbubukod ng matematika at heometrya. Sa wastong pagtuturo, ang matematika, samakatuwid, ay nagbubukas ng pinto para sa mas mataas na espirituwal na mga karanasang iniaalok ng relihiyon, sa di-nakikitang kaharian ng Diyos.

Katulad nito, walang kakaibang “Katoliko” na pisika o biyolohiya, ngunit mayroon talagang isang Katolikong pamamaraan para sa mga agham na iyon. Walang siyentipiko ang makakapag-paangat sa lupa sa kanyang tinatrabaho maliban lang kung naniniwala siya sa radikal na katalinuhan ng mundo-ibig sabihin, ang katotohanan na ang bawat aspeto ng pisikal na katotohanan ay minarkahan ng isang naiintindihan na tularan. Totoo ito sa sinumang astronomo, kimiko, astrophysicist, sikologo, o heologo. Ngunit ito ay natural na humahantong sa katanungang: Saan nagmula ang mga maliwanag na tularan na ito? Bakit ang mundo ay dapat na mamarkahan ng kaayusan, pagkakaisa, at makatwirang pagtutularan? May isang kahanga-hangang artikulo na binuo ng ikadalawampung siglong pisiko na si Eugene Wigner na pinamagatang “The Unreasonable Effectiveness of Mathematics in the Natural Sciences.” Ang argumento ni Wigner ay hindi maaaring isang pagkakataon lamang na matagumpay na inilalarawan ng pinakamasalimuot na matematika ang pisikal na mundo. Ang sagot ng dakilang tradisyong Katoliko ay ang pagiging madaling maunawaan na ito ay nagmumula, sa katunayan, mula sa isang mahusay na malikhaing katalinuhan na nakatayo sa likod ng mundo. Ang mga taong nagsasagawa ng mga agham, kung gayon, ay hindi dapat magkaroon ng problema sa paniniwala na “sa pasimula ay ang Salita.”

Wala ring kasaysayang “Katoliko”, bagama’t tiyak na may Katolikong pamamaraan ng pagtingin sa kasaysayan. Karaniwan, ang mga mananalaysay ay hindi lamang nagkukuwento ng mga pangyayari sa nakaraan. Sa halip, naghahanap sila ng ilang mga pangkalahatang tema at direksiyon na patutunguhan sa loob ng kasaysayan. Karamihan sa atin ay malamang na hindi man lang ito napagtanto dahil tayo ay nasa panahon na nasa loob ng isang liberal na demokratikong kultura, ngunit sa halip ay natural nating nakikita ang Kaliwanagan bilang ang pagbabago ng kasaysayan, ang panahon ng mga dakilang rebolusyon sa agham at pulitika na tumutukoy sa modernong mundo . Walang sinuman ang maaaring mag-alinlangan na ang Kaliwanagan ay isang mahalagang sandali, ngunit tiyak na hindi ito nakikita ng mga Katoliko bilang ang kasukdulan ng kasaysayan. Sa halip, pinaniniwalaan natin na ang ikutang punto ay nasa isang maduming burol sa labas ng Herusalem noong mga taong 30 AD, nang ang isang batang gurong hudyo ay pinahirapan hanggang sa mamatay ng mga Romano. Binibigyang-kahulugan natin ang lahat—politika, sining, kultura, atbp—mula sa pananaw ng sakripisyo ng Anak ng Diyos.

Sa kanyang kontrobersyal na talumpati sa Regensburg mula 2006, ang yumaong Papa Benedict ay nakipagtalo na ang Kristiyanismo ay maaaring sumali sa isang masiglang pag-uusap sa kultura dahil mismo sa doktrina ng Pagkakatawang-tao. Tayong mga Kristiyano ay hindi nagsasabi na si Hesus ay isang kawili-wiling guro sa marami, bagkus ang mga Salita, ang isip o katwiran ng Diyos, ay naging laman. Alinsunod dito, anuman ang minarkahan ng mga salita o rasyonalidad ay likas na pinsan ng Kristiyanismo. Ang mga agham, pilosopiya, panitikan, kasaysayan, sikolohiya—lahat ng ito—ay matatagpuan sa pananampalatayang Kristiyano, samakatuwid, isang natural na diyalogo (naritong muli ang mga salitang iyon!) na kapareha. Ito ang pangunahing ideya na, mahal na mahal ni Papa Ratzinger, na nagpapaalam sa mga paaralang Katoliko sa kanilang kahusayan. At ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pag-usbong ng mga paaralang iyon, hindi lamang para sa Simbahan, kundi para sa ating buong lipunan.

'

By: Bishop Robert Barron

More
Oct 17, 2023
Magturo ng Ebanghelyo Oct 17, 2023

Sino ang iyong tinatanging bayani?  Nakatagpo ka na ba ng isang magiting na bayani sa buhay mo? 

Bilang isang batang lumalaki sa San Francisco noong ikalimampung dekada, kami ay may mga bayani, karaniwan ng mga ito ay mga koboy—higit sa kanilang lahat ay si John Wayne, na nakararating saan man niyang ninais na pumaroon, na may patakarang isinasabuhay niya, nalipol ang mga masasamang tao (o yaong naturing sa lipunan noong panahon na mga ‘masasamang tao’), nakuha ang babae sa katapusan, at pawalang lumakbay patungo sa paglubog ng araw.  Sa pagtuloy ng Estados Unidos matapos magwagi laban sa mga kapangyarihan ng Axis pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig patungo sa mga panganib ng Digmaan sa Diplomasya (pagsasanay sa nukleyar na digmaan, Krisis sa mga Misil mula sa Cuba, atbp.), ang magiting na anyo ni John Wayne ay kahali- halina, sa paghintay namin para sa panahon na ang aming mga landas ay sadyang ‘masasaya.’

Salubungin ang Tunay na Bayani

Paglaktaw patungo sa 2022, at ang pagnanais sa mga bayani ay tuluyang lumalaganap.  Tignan lamang ang mga prangkisiya ng mga maririlag na bayani na pumapangibabaw sa kasalukuyang agos ng mga pelikula.  Ang mga palabas ng Kababalaghan at ang mga kauri nila, ay higit na katulad ng mga karanasan sa isang ‘liwasang may paksa’ kaysa sa paggalugad ng mga kaguluhan ng ating mga pangkatauhang karanasan, ay nag-aalay sa atin ng tila walang tigil na panustos ng mga maririlag na mga bayani (hindi lamang ‘mga bayani’ kundi ‘mga maririlag na bayani’!) na ginagapi ang ating mga kaaway.  Sa pagtutuos sa mga pamiminsala ng pangkalawakang sakit, ang digmaan sa Yuropa, ang pagbabanta ng nukleyar na digmaan, pag-init ng mundo, pagkawalang-tiyak ng ekonomya, dahas sa mga lansangan ng Estados Unidos, ang mga maririlag na bayani ay naglalathala ng ating pagnanais na ang mga dakilang lalaki at babae ay makagagapi sa mga panganib na itinatarak sa atin.

Sa tagpong ito, ang isang Kristiyano ay nawa’y itataas ang kamay at sabihin, “Buweno, kami ay may isang bayani na napangingibabawan ang anuman at lahat ng mga ‘maririlag na bayani’, at ang ngalan Niya ay Hesus.”

Kapag yaong tanong ay itinataas, si Hesus ba ay isang bayani?  Sa isip ko ay hindi, dahil ang bayani ay may ginagawa na ang karaniwang tao ay hindi magagawa o hindi gagawin, kaya, sa danas ng isip natin ay pinanonood natin sila na magapi ang mga kaaway, na pansamantalang nakapagdudulot ng lunas sa ating pagkabagabag hanggang ito’y di-maiiwasang babalik na may susunod na krisis.

Habang si Hesus ay hindi isang bayani sa karaniwang diwa, Siya ay tahasang isang mandirigmang may kakaibang uri:  Siya ang Diwa ng Diyos na naging tao upang tayo’y masagip mula sa sala at kamatayan.  Siya ay makikipaghamok sa mga pangunahing kaaway na ito, ngunit Siya ay hindi gagamit ng mga sandata ng pagsalakay, karahasan, at panggunaw.

Sa halip, gagapiin Niya ang mga ito sa pamamagitan ng awa, pagpapatawad, at pakikiramay, lahat ay idadala sa harap, sa pamamagitan ng Kanyang Pagdurusa, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay.  Bigyang pansin kung papaano Niya nalupig ang sala at kamatayan.  Simula sa Halamanan ng Gethsemane, inari Niya ang ating sala—ang ating pagkakamali, kaguluhan, di-pagkatao, pagkaganid—at naging sala.  Ayon kay San Pablo, “Para sa ating kapakanan ginawa Niya ang Sarili na maging sala na hindi nakakilala ng sala, upang tayo’y maging katuwiran ng Diyos sa Kanya” (2 Korinto 5:21).  Bagama’t si Hesus ay hindi makasalanan pagka’t Siya ay banal—ang ikalawang pagkatao ng Trinidad—pinasan Niya ang ating sala at sa makailang saglit ay ‘naging sala’ na kumitil sa Kanya.  Ang malupit na katotohanan ay ang ating mga sala ay pinatay si Hesus, ang Anak ng Diyos.

Ngunit ang salaysay ng Kristiyano ay hindi nagwakas sa Mahal na Araw dahil sa ikatlong araw, ang Diyos Ama ay ibinangon si Hesus mula sa pagkamatay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal Ispirito.  Sa pagtupad nito, ang ating pangunahing mga kaaway—sala at kamatayan—ay nalupig.

Kaya naman, si Hesus ay talagang isang kataas-tasang banal na mandirigma, ngunit Siya’y hindi isang bayani sa karaniwang diwa.  Bakit hindi?

Sinulid sa Banal na Tapiserya 

Ang Pagdurusa, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Hesus ang tanging mga palatandaan ng Misteryo ng Kuwaresma, ang misteryo ng ating Pananampalataya.  Bigyan ng pansin ang ‘ating.’

Si Hesus ay dumanas ng Kanyang paghihirap at pagkamatay—hindi upang tayo’y masagip mula sa pagdanas nito—ngunit upang maipakita sa atin kung papaano mabuhay at maghirap upang sa gayon ay nawa’y maranasan natin ang pagkabuhay na muli ngayon at magpasawalang-hanggan.  Alam ninyo, bilang mga nabinyagang kasapi ng Kanyang Banal na Katawan, ang Simbahan, tayo’y “kumikilos, nabubuhay, at nagkakaroon ng pagkatao” kay Hesus (Mga Gawa 17:28).

Upang maging tiyak, nais Niyang maniwala tayo sa Kanya dahil, batay sa naisulat sa Juan 14:6, “Ako ang landas, ang katotohanan, at ang buhay.  Walang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.”  Sa pagtaguyod sa yaong panimulang paniniwala, tayo’y tinatawag na maging  disipulo Niya, upang matupad ang Kanyang layunin, na ihinabilin Niya sa Simbahan noong Pag-akyat sa Langit (ipaghambing ang Marko 16:19-20 at Mateo 21:16-20).  Higit pa rito, tayo’y tinatawag na makibahagi sa Kanyang tunay na Katauhan.  Tulad sa isinulat ni Romano Guaridini sa kanyang pambanalang klasiko, Ang Panginoon, “tayo ay tulad ng sinulid sa banal na tapiserya: nauunawaan natin ang ating katauhan sa Kanya sa pamamagitan Niya.”  Sa ibang salita,  ginagawa natin ayon sa ihinalimbawa ni Hesus para sa atin.

Ang pakikipagbahagi sa Muling Pagkabuhay ng Niluwalhating Pag-iral ni Hesus sa sakramentong buhay ng Simbahan, lalo na, sa Yukaristiya, isinabubuhay natin ang Misteryo ng Kuwaresma sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Ispirito.  Kaya, si Hesus ba ay isang bayani?  Dinggin kung ano ang sinabi ni Pedro noong tinanong siya ni Hesus:  “Ano bagá ang sabi ng mga tao kung sino ako?”  Ang tugon ni Pedro, “Ikaw ang Mesiyas, ang anak ng Diyos na buháy.”  Si Hesus ay higit pa sa isang bayani; Siya ay isang mandirigma ng may kakaisang uri.  Siya ang tangi at pandaigdigang MANUNUBOS!

'

By: Deacon Jim McFadden

More
Jul 27, 2023
Magturo ng Ebanghelyo Jul 27, 2023

Noong isang gabi, nagkaroon ako ng pribilehiyo na makilahok sa isa sa mga sesyon ng pakikinig para sa kontinental na yugto ng proseso ng SInodal. Ang batayan ng aming talakayan ay isang mahabang dokumento na ginawa ng Vatican matapos itong magtipon ng mga datos at patotoo mula sa buong mundo ng Katoliko. Habang ako ay nag-aaral at nagsasalita tungkol sa sInodalidad, labis akong nasiyahan sa pagpapalitan ng mga pananaw. Ngunit lalo akong hindi mapakali sa dalawang salita na kitang-kita sa dokumento at nangingibabaw sa karamihan ng aming talakayan—sinasabing, “Pagsasama” at “Pagtanggap.”

Paulit-ulit, naririnig natin na ang Simbahan ay dapat maging isang mas inklusibo at malugod na lugar para sa iba’t ibang grupo: kababaihan, LGBT+ mga tao, mga diborsiyado at sibil na ikinasal muli, atbp. Ngunit wala pa akong nakikitang tiyak na kahulugan ng alinmang termino. Ano nga ba ang hitsura ng isang mapag-anyayang pagtanggap at napapabilang na Simbahan? Ito ba ay palaging makaaabot sa lahat sa diwa ng paanyaya? Kung gayon, ang sagot ay tila halatang oo. Palagi bang ituturing nito nang may paggalang at dignidad ang lahat, anuman ang kanilang pinagmulan, etnisidad, o sekswalidad? Kung gayon, muli, ang sagot ay oo. Ang ganitong Simbahan ba ay laging nakikinig nang may pastoral na atensyon sa mga alalahanin ng lahat? Kung gayon, sang-ayon. Ngunit ang isang Simbahan ba na nagpapakita ng mga katangiang ito ay hindi kailanman magiging isang moral na hamon sa mga gustong makapasok? Mapapatibay ba nito ang pag-uugali at mga pagpipilian sa pamumuhay ng sinumang nagharap sa kanya para sa pagpasok? Mabisa ba nitong aabandunahin ang sarili nitong pagkakakilanlan at lohika sa pag-istruktura upang mapaunlakan ang sinuman at lahat ng lumalapit? Umaasa ako na ito ay pantay na maliwanag na ang sagot sa lahat ng mga tanong na iyon ay isang matunog na hindi. Ang kalabuan ng mga termino ay isang problema na maaaring makasira sa karamihan ng proseso ng Sinodal.

Upang hatulan ang bagay na ito, iminumungkahi ko na huwag tayong tumingin nang labis sa nakapaligid na kultura ng kasalukuyang panahon kundi kay Kristo Hesus. Ang kanyang saloobin ng radikal na pagtanggap ay wala nang mas malinaw pa na ipinapakita kaysa sa kanyang hapag kainan na pakikisama, ibig sabihin, ang kanyang pare-parehong gawi—kontrakultural sa sukdulan—na kumain at uminom hindi lamang kasama ng mga matuwid kundi pati na rin ng mga makasalanan, kasama ang mga Pariseo, mga buwis kolektor, at mga babaeng bayaran. Ang mga pagsasalo-salong ito ay sagradong pakikisama ni Hesus at inihambing pa sa piging sa langit. Sa Kanyang buong pampublikong ministeryo, inabot ni Hesus ang mga itinuturing na marumi o masama: ang babae sa balon, ang lalaking ipinanganak na bulag, si Zaqueo, ang babaeng nahuli sa pangangalunya, ang magnanakaw na ipinako sa kanyang tabi, atbp. Kaya, walang pag-aalinlangan na Siya ay mapagpatuloy, mabait, at oo, magiliw sa lahat.

Sa parehong patotoo, ang pagiging kasama ng Panginoon ay malinaw at patuloy na sinamahan ang kanyang panawagan para sa pagbabagong loob. Sa katunayan, ang unang salita na lumabas sa bibig ni Hesus sa kanyang panimulang pagsasalita sa Ebanghelyo ni Marcos ay hindi “Maligayang pagdating!” kundi “Magsisi!” Sa babaeng nahuli sa pangangalunya, sinabi Niya, “Humayo ka at huwag nang magkasala”; pagkaraang makilala ang Panginoon, nangako si Zaqueo na babaguhin ang kanyang mga  makasalanang mga pamamaraan at pagbabayaran ng labis-labis ang kanyang mga maling ginawa; sa harapan ni Jesus, kinilala ng mabuting magnanakaw ang kanyang sariling pagkakasala; at pinilit ng nabuhay na mag-uling Kristo ang pinuno ng mga Apostol, na tatlong beses na nagtanggi sa Kanya, nang tatlong beses na pagtibayin ang kanyang pagmamahal.

Sa isang salita, may kahanga-hangang balanse sa pastoral na pag-abot ni Jesus sa pagitan ng pagtanggap at hamon, sa pagitan ng pag-abot at ng panawagan na magbago. Ito ang dahilan kung bakit nais kong tukuyin ang Kanyang diskarte hindi lamang bilang “kasama” o “mapag-anyaya,” ngunit sa halip bilang mapagmahal. Ipinapaalala sa atin ni Thomas Aquinas na ang pag-ibig ay “pag-uutos sa ikabubuti ng kapwa.” Alinsunod dito, ang isang tunay na nagmamahal ay inaabot ang iba bunsod ng kabaitan, upang makatiyak, ngunit sa parehong pagkakataon ay hindi siya mag-aatubili, kung kinakailangan, upang iwasto, upang bigyan ng babala, kahit na humatol. Ang aking tagapagturo, si Francis Cardinal George, ay minsang tinanong kung bakit hindi niya nagustuhan ang damdamin sa likod ng kantang “All Are Welcome.” Sumagot siya na hindi napapansin ang simpleng katotohanan na, kahit na ang lahat ay talagang malugod na tinatanggap sa Simbahan, ito ay “ayon sa mga tuntunin ni Kristo, hindi ng sa kanilang sariling tuntunin.”

Ang isang pangkalahatang alalahanin na mayroon ako, na lubhang nauugnay sa pare-parehong paggamit ng mga terminong “pagtanggap” at “pagsasama-sama,” ay ang pag-imbento ng doktrina, antropolohiya, at tunay na teolohikong argumento sa pamamagitan ng damdamin, o kaya ay medyo naiiba, ang tendensya. upang i-sikolohiya ang mga bagay na isinasaalang-alang. Hindi ipinagbabawal ng Simbahan ang mga gawaing homoseksuwal dahil mayroon itong hindi makatwirang takot sa mga homoseksuwal; ni hindi nito tinatanggihan ang pakikipag-isa sa mga nasa iregular na pag-aayos ng kasal dahil natatanggal ito mula sa pagiging eksklusibo; hindi rin nito pinahihintulutan ang ordinasyon ng kababaihan dahil ang mga masusungit na matatandang lalaki na nasa kapangyarihan ay hindi kayang tagalan ang mga babae. Para sa bawat posisyong ito, ipinapahayag nito ang mga argumento batay sa Kasulatan, pilosopiya, at tradisyong teolohiko, at bawat isa ay pinagtibay ng makapangyarihang pagtuturo ng mga obispo sa pakikipag-isa sa papa. Ang pagtatapon sa lahat ng mga naayos na turong ito dahil hindi ito tumutugma sa mga kanon ng ating kontemporaryong kultura ay maglalagay sa Simbahan sa totoong krisis. At taos-puso akong hindi naniniwala na itong pagyanig ng mga pundasyon ang nasa isip ni Papa Francis nang tumawag siya ng isang sinod sa sinodalidad.

'

By: Bishop Robert Barron

More
Mar 23, 2023
Magturo ng Ebanghelyo Mar 23, 2023

Hayaan ang Diyos na magsulat ng isang magandang salaysay sa iyong buhay

Iyon ay magandang araw ng tag-araw habang kami ay nagpapahinga at nagkukuwentuhan kasama ng mga kaibigan habang ang mga bata ay nagtatawanan at naglalaro sa sapa.  Nagmamalaki nilang sinabi sa amin ang tungkol sa kanilang nakakatandang anak na lalaki na nagtungo sa Mexico upang ituloy ang kanyang pagaaral sa pagpapagaling ng ngipin dahil ito ay mas abot-kaya sa kanilang sariling bansa.  Sinabi sa kanila ng kanilang anak ang tungkol sa mga bagong kaibigan na kanyang nakilala.  Namangha siya sa isa sa mga babaeng nakilala niya dahil sa kanyang pag-uugali na hindi gaanong tugma sa kanyang konserbatibong pagpapahalaga, kaya nagpasya siyang lumayo dito.  Ipinagmamalaki nila ang kanilang anak dahil napagtanto nito na hindi magandang ipagpatuloy ang pakikipagkaibigan o relasyon sa babaeng ito.  Naiintindihan ko ang kanyang pag-iingat, ngunit nagkaroon ako ng ibang pananaw dahil minsan, ako ay, ‘ang babaeng ‘yon”…

Sa Paglaki

Isinilang ako sa isang maliit na bayan sa Quebec na isang magandang pook para magbuo ng pamilya.  Sa kasamaang palad, naghiwalay ang aking mga magulang noong ako ay 2 taong gulang lamang, kaya lumaki ako kasama ang aking ina at ang kanyang kapareha, at dinadalaw ko lamang ang aking ama minsan bawat dalawang linggo.  Palagi kong nadama ang kawalan ng pagmamahal at hindi talaga ako ipinakilala kay Hesus.  Bagaman ang aking mga magulang ay mga Katoliko, at tiniyak ng aking ina na natanggap ko ang lahat ng aking mga sakramento, hindi niya ako nadala sa Misa pag Linggo, ni ang magdasal sa bahay, kahit na ang Rosaryo o Grasya bago kumain.  Ang aking pananampalataya ay napaka simple.  Ang aking ama ay Italyano, ngunit lumaki sa Canada.  Ang kanyang ina ay isang debotong Katoliko at hindi nakakalimot magdasal araw-araw.  Nakakahiyang hindi ko sinunod ang yapak niya…Gayon pa man, ang Diyos ay may ibang pakay para sa akin, sa palagay ko.

Habang lumalaki, ramdam kong tinanggihan ako ng ibang mga bata dahil sa kulay ng aking balat.  Ang aking ina ay mula sa Costa Rica kaya hindi ako ang pangkaraniwang French Canadian. Gayunpaman, nagawa kong magkaroon ng madaming kaibigan, bagamat hindi lahat sila ay magandang inpluwensiya.  Sa pagdadalaga, ako ay naging isang kaakit-akit na binibini na mukhang mas matanda kaysa sa aking edad.  Sinamantala ko ito para sumikat at huwag magkaroon ng problema sa pagkakaroon ng kasintahan.  Ang aking ina ay hindi talaga nagbigay sa akin ng sekswal na edukasyon na kinailangan ko at ang kapaligiran na aking tinitirhan ay hindi makaluma.  Sa paglipas ng panahon, dumanas ako ng panlilinlang.  Nakaramdam ako ng kawalan.  Ang aking “kagalakan” ay palaging pansamantala at sa maiksing panahon, humantong ako sa mga bisig ng kung kanino.

Paghahanap ng Pag-ibig

Nang matapos ako sa mataas na paaralan, ako’y nagpasiyang magpahinga ng isang taon at magtungo sa Costa Rica upang manirahan kasama ng aking tiyahin bago ako magsimula sa kolehiyo. Dahil nagkaroon na ako ng hindi pang buong araw na trabaho para makabili ng sarili kong mga usong damit, pampaganda, pabango atbp, nag-ipon ako ng pera para pondohan ang biyahe at matuto ng Espanyol sa isang akademya.  Dumating ako sa panahon ng kapaskuhan, kaya madaming kasiyahan ang nagaganap.  Dahil ang aking mga ugnayan sa mga lalaki ay palaging nagtatapos sa hindi mabuti, ako ay nagpasya (sa edad na18) na ako ay tapos na sa mga lalaki.  Nagpasiya akong gugulin ang aking panahon kasama ang mag-anak, subalit ang Diyos, may ibang pakay para sa akin…

Limang araw makalipas ang aking pagdating, dinala ako ng aking pinsan sa isang kainan na nagsisilbi ng alak  kung saan nakipagkita siya sa ilang mga kaibigan.  DI nagluwat pagkaupo namin, isang napakagwapong lalaki ang ngumiti sa akin.  Namula ako at ngumiti pabalik.  Tinanong niya kung maaari siyang sumali sa amin, at tinanggap ko ito nang may kasiyahan.  Pareho kaming nakaramdam ng isang agadang pagkakaisa at nagkaayos na magkitang muli kinabukasan, at sa susunod, at sa susunod at iba pa.  Sa kabila ng aming pagkakaiba ng kultura, madami kaming pagkakatulad at nagkakonekta kami sa paraang hindi namin maisip.  Sinabi niya sa akin, “Ang pinakamahalaga sa akin ay kung ano ang nasa iyong ulo at kung ano ang nasa iyong puso.” Wala pang nagsabi ng ganuon sa akin dati.

Kami ni William ay hindi mapaghiwalay.  Niyaya pa niya akong sumama sa misa bago kami magtungo sa kung saan.  Bagamat hindi naman ako talaga nagbayad-pansin, natuwa pa din ako dahil kasama ko siya.  Pagkatapos ay inanyayahan niya akong sumama sa kanyang pamilya sa paglalakbay sa banal na lugar sa basilica ng Cartago na may kasamang 4 na oras na paglalakad.  Muli, hindi talaga ako nagpunta dahilan sa aking pananampalataya.

Pusong Nagbuhos-loob

Namangha ako nang makita ang libu-libong taong dumadating sa simbahan, humihingi ng kabutihang-loob sa Mahal na Birheng Maria, o nagpapasalamat sa mga kabutihang-loob na kanilang natanggap. Di-mapaniniwalaan.  Bawat isa sa kanila ay papasok sa simbahan, luluhod at paluhod na lalakad hanggang sa makadating sa altar.  Nang kami na ang sumunod, maayos ang pakiramdam ko, ngunit nang sandaling lumuhod ako, parang nawalan ako ng hangin.  Isang malaking buhol ang nabuo sa lalamunan ko at napaiyak ako.  Umiyak ako na parang sanggol hanggang makadating sa altar. Tumingin sa akin si William, nagtataka kung ano ang nangyayari, ngunit hindi nagsalita.  Nang nasa labas na ulit kami, tinanong ako ng kaniyang inang si Sandra kung ano ang nangyari.  “Hindi ko alam,” pahingal kong tugon.  Sinabi niya na si Hesus ay dumating upang dalawin ang aking puso.  Alam kong tama siya.  Iyon ay para bang nakaharap mo ang taong minahal mo nang labis pagkatapos ng mahabang paghihiwalay.  Isang bagay na kahima-himala, na lampas sa aking pamamahala, ang gumampan sa akin.

Mula nang sandaling iyon, pakiramdam ko’y isa akong panibagong tao at ang aking buhay ay nagsimulang muli.  Dinala ako ni William sa Kumpisal sa unang pagkakataon mula nang aking Kompirmasyon sa edad na 11.  Napakahaba ng aking listahan…parang ibig ng pari na magretiro matapos madinig ang aking pag-amin.  Madami tayong gagawin ang sabi niya!

Nagpakasal kami ni William makalipas ang 4 na taon at biniyayaan kami ng Diyos ng 3 magagandang lalaki.  Noong 2016 inialay namin ang aming mag-anak sa Kalinis-linisang Puso ni Maria.  Ang aking pananampalataya ay patuloy na lumago.  Nagsimula akong maglingkod sa Simbahan sa iba’t ibang ministeryo: pinakahuli bilang katekista.  Talagang pinaikot ng Diyos ang buhay ko sa naiibang direksyon.  Patuloy Niyang pinakikintab ang aking kaluluwa, nililikha ako sa Kanyang obra maestra.  Maging ang mga mapanghamong panahon ay bahagi ng Kanyang plano.  Kapag niyayakap ko ang aking krus at sinusundan Siya, inaakay Niya ako patungo sa Kanyang kaharian.  Pinili ako ni Hesus na maglingkod tulad ng ginawa Niya.

Kapag iniaalay ko ang maliliit na pagkayamot at kahihiyan bilang sakripisyo sa Kanya, binabago Niya ang mga ito sa isang bagay na mas maganda kaysa sa naiisip ko, gaya ng pagbago Niya sa akin.

Habang pinag-isipan ko ang sinabi ng aking mga kaibigan, naisip ko ang lumang ako, kung gaano ako nawala, at kung gaano ganap na binago ng Diyos ang buhay ko sa pamamagitan ng pagkakilala kay William.  Pinayuhan ko silang hikayatin ang kanilang anak na huwag tanggihan ang isang pagkakaibigan nang madalian, bagkos hayaan ang liwanag ng Diyos na sumikat sa kanilang kaluluwa.  Maaring Ang Diyos ay may plano…

'

By: Claudia D’Ascanio

More
Mar 23, 2023
Magturo ng Ebanghelyo Mar 23, 2023

Nalulula ka ba sa mga kawalan ng katiyakan sa buhay? Lakasan mo ang iyong loob. Minsan ko ring pinagdaanan yan—ngunit ipinakita sa akin ni Jesus ang landas para makalabas.

Mahigit tatlumpung taong gulang na ako, naglalakad sa bayanan sa damit na gustong-gusto ko, sa isang mahangin na bughaw na kalangitan. Sa palagay ko nabola ako ng hugis nito, kaya madalas ko itong isinusuot. Nang walang ano-ano ay bigla kong nasulyapan ang repleksyon ko sa isang bintana ng tindahan. Nagulantang ako, at sinubukan kong higuping paloob ang aking tiyan. Pero di ko mahigop. Wala itong mapuntahan. Mga umbok kung saan-saan. Sa ilalim ng laylayan, ang aking mga binti ay parang mga hamon. Naiinis ako sa sarili ko.

Walang pakialam

Ang aking pagkain at timbang ay bumubulusok paitaas ng walang kontrol; at higit pa doon, ang buong buhay ko ay isang hanay ng pagkawasak. Kamakailan lamang ay ginutay-gutay ng diborsiyo ang aking maikling kasal. Sa panlabas nagkunwari akong maayos ang lahat, ngunit sa loob ako ay durog na durog.

Nag-iisa sa likod ng mga pader ng katabaan, ibinahagi ko ang aking dalamhati sa walang sinuman. Para mapawi ang sakit na nararamdaman ko, uminom ako ng alak, nagtrabaho, at kumain—nang sobra-sobra. Ang sunud-sunod na mga pagtatangka sa pagdidiyeta ay bumabagsak lamang sa akin sa isa pang siklo ng pagkahumaling, awa sa sarili, at mapilit na pagmamalabis.

At, sa ilalim ng lahat ng mga pagkadurog na iyon, ang mga espirituwal na problema ay lumala. Tinawag ko pa rin ang aking sarili na Katoliko, ngunit namuhay ako bilang isang ateista. Para sa akin, ang Diyos ay ‘nasa itaas’, ngunit malayo at walang pakialam sa aking mga paghihirap. Bakit ako magtitiwala sa Kanya kahit kaunti? Nagpapakita lang ako sa Linggong Misa kapag bumibisita ako sa aking mga magulang, para linlangin sila sa paniniwalang tapat pa rin ako. Sa totoo lang, ginugol ko ang aking mga araw nang hindi iniisip ang Diyos at nagpatuloy sa paggawa ng anumang gusto ko.

Ngunit ang nakakagigil na alaala ng aking repleksyon sa bintanang iyon ay sumasalamin sa akin. Isang bagong kabagabagan ang bumalot sa aking kaluluwa. Kinakailangan ang pagbabago, ngunit ano? Wala akong ideya. Ni wala akong ideya na ang Diyos Mismo ay kumikilos sa sandaling iyon, sinimulang ilantad ang sakit sa aking puso gamit ang Kanyang magiliw na mga daliri.

Nakikipaglaban kay Goliath

Isang babae sa trabaho ang nagpahayag ng panghihina ng loob tungkol sa kanyang pagkain at timbang, at kami ay naging konektado. Isang araw ay binanggit niya ang isang labindalawang hakbang na grupo na sinimulan niyang daluhan. Iginiit ng grupo na ang hindi maayos na pagkain ay nauugnay sa ating emosyonal at espirituwal na buhay, ang pagbabawas ng timbang at pag-alis nito ay kailangang tugunan din ang mga bahagi nito. Ang pinagsamang diskarte na ito ay umakit sa akin. Sa kabila ng aking pang-aalipusta sa mga grupo, sinubukan kong dumalo sa ilang mga pagpupulong. Di-nagtagal, nawili ako, regular na akong dumadalo, at kahit na bihira akong magsalita sa mga pulong, pagkatapos ay nag-eeksperimento ako sa ilan sa mga ideyang narinig ko. Medyo gumana ang diskarteng ito, at pagkaraan ng ilang buwan ay natuwa ako nang magsimulang bumaba ang aking timbang. Gayunpaman—bagama’t hindi ko ito sinasabi kahit kanino—nakikipaglaban ako sa isang mabagsik na Goliath, isa sa nagbanta na sirain ang aking pag-unlad.

Habang ako ay nasa trabaho araw-araw, sinusunod ko ang isang plano sa pagkain na nagpapahintulot sa akin na kumain ng katamtaman at para mabawasan ang mga tukso. Ngunit pagsapit ng 5:00 ng hapon sa bawat araw ay nagugutom ako. Nagmamadali ako sa pag- uwi at humahangos at padaluhong, pinupuno ko ang aking bibig nang pagkain ng walang tigil hanggang sa bumagsak at magkandatulog ako sa kama. Walang kapangyarihan para sa halimaw na ito, at sa takot na ang timbang ay muling tumaas, naiinis ako sa aking sarili. Ano ang dapat kong gawin? Wala akong ideya. Ang madilim na tularan ay patuloy na kumaladkad, at ang kawalan ng pag-asa ay nakasunggab sa akin.

Isang Ideya ang Lumitaw

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumasok sa aking isipan ang pinaka kakaibang kaisipan. Sa halip na dumiretso sa bahay mula sa trabaho, maaari kong abutan ang 5:15 na Misa sa hapon. Iyon ay makapagpapaliban at mababawasan ng isang oras ang aking pagmamalabis. Sa una ang ideyang ito ay tila kalunus-lunos. Hindi ba dapat ito ay tigil-tigilan at kalokohan? Ngunit, nang walang ibang mga pagpipilian na nakikita, ang desperasyon ay nagtulak sa akin na subukan ito. Hindi nagtagal ay dumadalo na ako sa Misa at tumatanggap ng Banal na Komunyon araw-araw.

Ang aking isang layunin ay upang mabawasan ang aking pagmamalabis. Tila, sapat na iyon para kay Hesus. Tunay na naroroon sa Kanyang Katawan at Dugo, Siya ay naghihintay para sa akin doon, at natutuwa na nakabalik ako. Nang maglaon ay napagtanto ko na mayroon din Siyang adyenda para sa lahat ng ito: isang hindi maarok na mas mataas, mas malawak, at mas malalim kaysa sa akin. Alam niya kung ano ang kailangan ko at kung paano ito ibibigay.

Sa magiliw na pag-aalaga, ginamit niya ang aking kawalan ng pag-asa upang ilapit ang aking nanghihinang mga paa sa matatag na lupa at sinimulan ang isang mahabang proseso ng pagpapagaling sa aking puso at ang paglalapit nito sa kanyang sarili. Sa Misa araw-araw, pinapakain Niya ako ng Kanyang sariling Katawan at Dugo, sinimulan Niyang lunasan ang aking mga karamdaman, pinaliguan ako ng mga kahima-himalang biyaya, nagbibigay ng liwanag sa aking kadiliman, at binibigyan ako ng lakas upang labanan ang mga kasamaan na nagbabanta sa akin.

Kalayaan sa Wakas

Ang Kanyang mga grasyang Eukaristiya ay nagpa-alab at nagpasigla sa akin, at pinataas ko ang aking pakikilahok sa programa sa isang bagong antas. Kanina ako ay nakipag-siksikan; ngayon ay tumalon ako gamit ang dalawang paa sa pagpasok, at sa paglipas ng mga araw, natagpuan ko ang dalawang regalo na napatunayang kailangang-kailangan: isang matulungin na komunidad na nananatili sa akin sa magaganda at masasamang araw, at isang arsenal ng mga praktikal na estratehiya. Kung wala ang mga ito, nawalan na ako ng loob at sumuko. Ngunit sa halip—sa mahabang panahon, nang matutunan kong hayaan si Hesus na maging Tagapagligtas na Kanyang kinamatayan, habang ang aking labindalawang hakbang na pakikipagkaibigan ay nagpayabong at nagpalakas sa akin, at habang ginagamit ko ang mga kasangkapan at karunungan na ibinigay sa akin, natagpuan ko, ang kalayaan mula sa aking hindi maayos na pagkain at ang isang matatag at pangmatagalang plano sa paggaling na nagpapatuloy hanggang sa araw na ito.

Sa prosesong ito, ang pananampalataya na minsang nasa aking isip lamang ay lumipat sa aking puso, at ang aking huwad na imahe ng isang malayong walang malasakit na Diyos ay gumuho at nagkawatak-watak. Si Hesus, ang Pinagpalang Tagapagligtas na patuloy na naglalapit sa akin sa Kanyang sarili, ay ginawang matamis ang aking mapait. Hanggang ngayon, habang nakikipagtulungan ako, patuloy Niyang binabago ang iba pang mga hukay at mga basurang lupain na pumipigil sa akin sa pag-unlad. ikaw naman? Anong mga imposibleng hadlang ang kinakaharap mo ngayon?

Ikaw man ay nababagabag tungkol sa iyong pagkain, nagdadalamhati tungkol sa isang mahal sa buhay na umalis sa pananampalataya, o nadurog ng iba pang mga pasanin, lakasan mo ang iyong loob. Yakapin si Hesus sa Banal na Eukaristiya at sa pagsamba. Hinihintay ka niya. Dalhin mo sa Kanya ang iyong sakit, ang iyong kapaitan, ang iyong mga kaguluhan. Nananabik Siyang tumulong sa iyo tulad ng pagligtas Niya sa akin sa lahat ng aking mga paghihirap. Walang problemang napakalaki o napakaliit para dalhin sa Kanya.

'

By: Margaret Ann Stimatz

More
Mar 23, 2023
Magturo ng Ebanghelyo Mar 23, 2023

Noong nakaraang linggo, nakipagkita ako sa mga dikano ng aming diyosesis upang talakayin ang ilang mga paksa, ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang kasalukuyang paraan ng pagsasama ng ilang mga parokya namin at muling pagsasaayos ng mga iba pa bilang mga kulumpol.  Itong mga hakbang, na naglaganap na sa lumipas na maraming taon, ay napagkailanganan ng ilang mga dahilan: ang umuunting bilang ng mga pari, mga pagpapalitan ng dami ng mga tao sa aming mga lunsod at mga purok, mga kabigatan ng ekonomya, atbp.  Kahit na ihinayag ko ang aking pagpayag para sa ilang mga pagbabago nito, sinabi ko sa mga dikano na, para sa bawa’t maayos na paraan ng pagtatatag, kailangan ko rin ang maayos na paraan sa pagpapalaki.

Payak na aking tinanggihan ang mungkahi na ako, o sinomang obispo, ay dapat na mamagitan sa dalisdis ng aming mga simbahan.  Sa sariling kalikasan nito, ang Kristiyanismo ay pumapalayo, gumagawing palabas, pandaigdigan sa layunin at saklaw.  Hindi sinabi ni Hesus, “Ipangaral ninyo ang Ebanghelyo sa Ilan sa inyong mga kaibigan,” o “Ipahayag ninyo ang Mabuting Balita sa inyong kultura.”  Bagkus, winika Niya sa kanyang mga disipulo: “Lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay naibigay na sa akin.  Kaya humayo kayo at mag-alap ng mga disipulo ng lahat ng mga bansa, bibinyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espirito Santo” (Mateo 28:18-19). Ibinilin din Niya sa Kanyang mga alagad na ang mga pinakapintuan ng impiyerno ay hindi magwawagi laban sa mandirigmang Simbahan na Kanyang itinaguyod. Kaya naman, sa pananatili ng mga bagay na nariyan na, o pangangasiwa ng mga suliranin, o pagsulong sa tubig ay totoong hindi ang ninanais o inaasam ni Hesus mula sa atin.

Pahintulutan akong sabihin, kaagad, na ang pagpapalawak ng ating Simbahan ay hindi nangangahulugang tungkulin na natatangi lamang para sa mga obispo at pari.  Gaya ng malinaw na itinuturo ng Vatikan II, ang bawat binyagang Katoliko ay inatasan na maging isang tagapagturo ng Mabuting Balita; kaya lahat tayo ay sama-sama dito.  Samakatuwid, ano ang ilan sa mga paraan ng paglago na maaaring gamitin ng sinumang Katoliko?  Ang una kong tatampulan ay ito lang: bawat mag-anak na palagiang nagsisimba ay kinakailangang gawin nilang pang-ebanghelyong pananagutan ang magdala ng isa pang pamilya sa Misa sa darating na taon.  Bawat matapat na nagsisimba na bumabasa sa mga salitang ito ay kilala kung sino ang mga taong dapat na nagsisimba ngunit hindi.  Sila marahil ay ang sarili mong mga anak o apo.  Sila marahil ay mga kasamahan sa trabaho na dating masigasig na mga Katoliko at napalayo lamang sa paggampan ng pananampalataya, o marahil mga taong galit sa Simbahan.  Kilalanin ang mga gumagala na tupang ito at gawin mong hámon na pang-ebanghelyo ang dalhin sila pabalik sa Misa. Kung matagumpay nating nagawa ito, madodoble natin ang laki ng ating mga parokya sa isang taon.

Ang pangalawang tagubilin ay ang manalangin para sa pagpapalawak ng Simbahan.  Ayon sa Kasulatan, walang dakilang bagay ang naisagawa kailanman maliban sa panalangin.  Kaya’t hilingin sa Panginoon, mapilit, taimtim, kahit pa maging matigas ang ulo, na ibalik ang Kanyang nakakalat na mga tupa.  Gaya ng kung paanong kinailangan nating magsumamo sa panginoon ng pag-aani na magpadala ng mga manggagawa at magsipagtipon sa kaniyang anihan, gayon din naman na kailangan nating magmakaawa sa Kaniya na palakihin ang kaniyang kawan.  Hinihikayat ko ang mga matatanda at papauwi na sa parokya na gawin ang naturang gawain na ito.  At maaari kong hilingin sa mga panayang nagsasagawa ng Pagsamba sa Eukaristiya na gumugol ng labinlima o tatlumpung minuto sa isang araw na humihiling sa Panginoon para sa nasabing pabor na ito.  O iminumungkahi ko na ang mga tagaplano ng liturhiya ay isama ang mga petisyong para sa paglago ng parokya sa mga panalangin ng mga mananampalataya sa PanLinggong Misa.

Ang pangatlong pag-uutos ay anyayahan ang mga naghahanap na itaas ang kanilang mga katanungan.  Alam ko mula sa madaming konkretong karanasan sa nakalipas na dalawampung taon na madaming kabataan, maging ang mga nag-aangkin ng poot sa pananampalataya, ay talagang interesado sa relihiyon.  Tulad ni Herodes na nakikinig sa pangangaral ni Juan Bautista sa bilangguan, maging ang mga tila hindi ayon sa relihiyon ay pupunta sa mga pahinarya ng relihiyon at harapin nang mabuti ang tinatalakay.  Kaya’t tanungin ang mga naging hindi-kaakibat kung bakit hindi na sila dumadalo sa Misa.  Baka mabigla ka kung gaano sila kahanda na sabihin sa iyo.  Ngunit pagkatapos, kailangan mong sundin ang mungkahi ni San Pedro:  “Maging laging handa na magbigay ng paliwanag sa sinumang magtatanong sa iyo ng dahilan para sa iyong pag-asa” (1 Ped. 3:15).  Sa madaling salita, kung magtatanong ka, mas mabuting maging handa kang magbigay ng ilang mga sagot. Nangangahulugan ito na kailangan mong pagtibayin ang iyong teolohiya, ang iyong apologetics, ang iyong Kasulatan, ang iyong pilosopiya, at ang iyong kasaysayan ng simbahan.  Kung mukhang nakakatakot iyan, tandaan na sa nakalipas na dalawampu’t limang taon o higit pa ay nagkaroon ng pagsabog ng literatura sa mga lugar lamang na ito, na tumpak na nakatuon sa mga uri ng mga tanong na madalas itanong ng mga kabataang naghahanap—at karamihan sa mga ito ay madaling makukuha onlayn.

Ang ikaapat at huling mungkahi na gagawin ko ay ito lang: maging mabait. Si Sherry Waddell, na ang Pagbuo ng Sinasadyang mga Disipulo ay naging isang makabagong klasiko sa larangan ng ebanghelisasyon, na ang isang mahalagang unang hakbang sa pagdadala ng isang tao sa pananampalataya ay ang pagtatatag ng pagtitiwala.  Kung ang isang tao ay nag-iisip na ikaw ay isang mabuti at disenteng tao, siya ay mas malamang na makinig sa iyo na magsalita tungkol sa iyong pananampalataya.  Maaari ba akong magsalita ng tapatan?  Kahit na ang pinaka-hindi sinasadyang sulyap sa Katolikong pakipagtalastasan sa onlayn ay nagpapakita ng napakadaming kasuklam-suklam na pag-uugali. Napakadaming tila nagnanais na ibulalas ang kanilang sariling kawastuhan, tumutuon sa makitid na mga isyu na hindi maintindihan at walang kaugnayan sa karamihan ng mga tao, at wasakin ang kanilang mga kaaway.  Natatakot ako na ang katotohanang ito sa pakipagtalastasan sa onlayn ay maaaring isang pagpapalakas ng mga saloobin sa Simbahan sa labas ng puwang na didyital.  Ang mga saloobing ito ay salungat sa ebanghelisasyon.  Ang isang kasamahan ko ay nagkuwento na sa kanyang pakikipag-usap sa mga hiwalay at hindi kaanib na ang nagpapalayo sa kanila sa Simbahan ay ang kanilang karanasan sa kung ano ang kanilang inilarawan bilang kahalayan sa mga mananampalataya. Kaya sa onlayn at sa totoong buhay, maging mabait.  Walang sinuman ang magiging interesado na madinig ang tungkol sa buhay pananampalataya ng malinaw na masaklap at nalulumbay na mga tao.

Kaya, mayroon tayong mga utos sa paglisan ipahayag ang Panginoong Hesu-Cristo sa lahat ng mga bansa.  Magsimula tayo sa sarili nating mga parokya, sa sarili nating mga pamilya.  At huwag na huwag tayong magpakatatag para sa pagpapanatili ng pangkasalukuyang katayuan.

'

By: Bishop Robert Barron

More
Feb 22, 2023
Magturo ng Ebanghelyo Feb 22, 2023

Narinig mo ba ang tungkol sa Araw ng Kabataan sa Mundo? Hinihikayat ka ni Sister Jane M. Abeln na kunin ang pagkakataon upang maranasan ang hindi kapani-paniwalang pagdiriwang na ito na nagdadala ng Langit sa lupa.

Mula sa araw na si Pope John Paul II ay lumabas bilang bagong Papa na may mga salitang, “Huwag kang matakot!”, labis akong humanga at sinubaybayan siya. Siya ang nagbigay inspirasyon sa aking trabaho sa mga kabataan, kung saan siya ay nagkaroon ng isang espesyal na karisma. Noong 1984 at 1985, naglabas siya ng isang espesyal na imbitasyon para sa mga kabataan na sumama sa kanya sa Roma sa Linggo ng Palaspas. Naging matagumpay ito kaya pinalawak niya ito sa isang “World Youth Day” (o sa halip na linggo) na nangyayari ngayon sa iba’t ibang bansa sa buong mundo kada dalawang taon.

Isang mamamahayag na ipinanganak sa Poland ang nagbahagi ng isang kahanga-hangang pananaw sa kung paano pinaunlad ni Pope JPII ang ideya ng Mga araw ng mga kabataan sa mundo. “Sa Komunistang Poland, kinailangan niyang humanap ng mga paraan para matulungan ang mga Katoliko na ipahayag ang kanilang pananampalataya. Taun-taon, nag-oorganisa siya ng mga paglalakbay sa mga banal na lugar sa Jasna Gora (Dambana ng Black Madonna), para sa Agosto 14-15. Natuklasan niya kung gaano kalaki ang nabuo nitong mga ugnayan at nagpalakas ng pananampalataya sa kanyang mga tao.”

Bagama’t hindi na ako kabataan o nasa hustong gulang na, ginawang posible ng Diyos sa Kanyang Awa at tulong na makadalo ako sa Araw ng Kabataan sa North America. Ang Araw ng Kabattan sa Mundo ay idinisenyo para sa 16-35 na pangkat ng edad, ngunit ang mga pari, relihiyoso, pamilya at mas matatandang chaperone ay tinatanggap din. Kulang sa isang taon ang natitira para sa Agosto 1-7, 2023 Araw Ng Kabataan sa Lisbon, Portugal, ibinabahagi ko ang aking mga karanasan upang magbigay ng inspirasyon sa iyo na sumali sa peregrinasyon, upang suportahan ang iba na dumalo at samahan sila sa panalangin.

WYD 1993, Denver, Colorado, USA

Sa pagdating ni Pope John Paul II sa Denver noong 1993 para sa unang Araw Ng Kabataan sa Mundo sa estados unidos ng Amerika, sinimulan kong magplano ng isang lokal na kaganapan sa aming archdiocese upang iugnay ito. Nang matapos ito, nabasa ko ang tungkol sa isang sobrang “pakete” na iniaalok ng mga Salesian sa murang halaga, na kasama ang papunta at pabalik na paglipad at hotel, at isinaayos ko na sumama sa isang lokal na grupo ng kabataan.

Ang salawikain ng Araw ng Kabataan sa Mundo sa Denver ay: “Ako ay naparito upang bigyan kayo ng buhay—masaganang buhay” (Juan 10:10). mga nasa edad na umaawit sa Panginoon sa mga wika mula sa buong mundo. Nagpatuloy iyon hanggang sa mga araw ng kateketikal. Ang masayang sigasig ng mga kabataan at ng kanilang mga chaperone ay parang isang paunang patikim ng Langit habang sila ay nagtatawanan, nagsasalu-salo sa pagkain, ngiti at malalim na pag-uusap. Kahit saan sila magpunta, kumakanta, sumasayaw at umaawit habang winawagayway ang kanilang mga banner at watawat sa mga lansangan. Dumaloy ang biyaya habang dumagsa ang mga tao upang tumanggap ng Sakramento ng Pakikipagkasundo, magdasal ng tuloy tuloy sa Eukaristikong Pagsamba at magtipon tpon para sa mapitagan, puno ng dasal na mga Misa. Pagdating ni Pope John Paul, sinalubong siya ng palakpakan at mga animadong boses na umaawit, “John Paul II, mahal ka namin.”

Ang nagtatapos na Ara ng Kabataan sa Mundo ay nagsimula sa isang paglalakbay sa banal na lugar na naglalakad papunta sa lugar ng huling Misa. Ang mga Manlalakbay ay maaaring maglakad ng 15 milya, o sumakay sa trolley at maglakad lamang ng 3 milya. Pinili ko ang huli sa 90ᵒ F na init ng araw, ngunit pagkatapos ng mga serbisyo ng Pag-oorasyon kasama ang Banal na Ama, ang bukid sa milya-mataas na lugar ng Denver ay bumaba sa 40ᵒ. Bagama’t halos manigas ako dahil hindi ko dala ang maiinit na damit na ipinayo, naaaliw ako sa mga kabataang Espanyol at Pranses na sumayaw buong gabi. Ang bukang-liwayway ng isang bagong araw, ay nagbalik ng init sa aming mga katawan nang kami ay lumabas mula sa aming mga pantulog na bag upang maghanda para sa huling Misa. Napakaganda nito kaya’t ang mga luha ng kagalakan ay dumaloy mula sa aking mga mata habang ako ay nananalangin kasama ng napakaraming kabataang puno ng pag-asa sa kinabukasan.

Sa isang nakakaganyak na homiliya sa milyun-milyong natipon sa kanyang harapan, hinamon tayo ni Pope John Paul II na maging aktibo sa pagtataguyod ng isang “Kultura ng Buhay” upang labanan ang pagkawasak na dulot ng “Kultura ng Kamatayan” na nagtataguyod ng pagpipigil sa pagbubuntis, paglalaglag, pagpatay dahil sa awa, paghihiwalay, kawalan ng pag-asa at pagpapakamatay. Ang panawagang ito ay magbibigay inspirasyon sa pagbuo ng maraming bagong apostolado kabilang ang “Sangang-daan” na nagsimula sa Franciscan University of Steubenville, at lumawak sa taunang pabor sa-buhay na mga paglalakbay sa banal na lugar sa tag-init sa 3 bansa, na hayagang nagpapatotoo sa mga komunidad na kanilang dinadaanan, habang sila ay nagsasagawa ng puno ng pagdarasal na sakripisyo para sa kanila.

WYD 2002, Toronto, Canada

Noong 2002, nabiyayaan ako na ma-isponsor para dumalo sa huling World Youth Day ni Pope John Paul II sa Toronto, Canada. Bagama’t ang Papa ay baluktot na dahil sa edad, at nanginginig na dahil sa sakit na Parkinson, mayroon pa rin siyang kapasidad na pasiglahin at magbigay ng inspirasyon sa isang bagong henerasyon upang ipagpatuloy ang misyon. Bagama’t nagsimula ang Linggo na may malakas na ulan, nanalig ako sa pag-asa na liliwanag ito. Ang Ebanghelyo ay nagmula sa Mateo 5. Kung paanong ang mga salitang, “Kayo ang ilaw ng sanlibutan,” (Mt 5:14) ay umalingawngaw sa istadyum, ang araw ay sumilay sa mga ulap.

Ang homiliya ng Papa ay nagmula mismo sa kanyang Pastol na puso: “Si Jesu-Kristo ang Liwanag sa malaking kadiliman ng mundo. Huwag magpahuli sa kadiliman. Bagama’t nabuhay ako sa napakaraming kadiliman…Nakita ko ang sapat na katibayang paniniwala upang hindi matinag at kumbinsido na walang kahirapan, walang takot na napakatindi na maaaring makasira sa pag-asa na sumisibol ng walang hanggan sa puso ng mga kabataan.”

Direkta niyang tinugunan ang iskandalo sa pang-aabuso sa sekso na kalalabas lang: “Huwag masiraan ng loob dahil sa mga kasalanan ng kadiliman, maging sa mga pari at relihiyoso. PERO [sumigaw siya] alalahanin ang maraming mabubuting pari at relihiyoso na ang tanging hangarin ay maglingkod at gumawa ng mabuti.” Hinikayat niya ang mga kabataan na sundin ang mga bokasyon sa relihiyon at pagpapari—“ang maharlikang daan ng Krus” kung saan, sa mahihirap na panahon, “lalo pang nagiging mahalaga ang paghahangad ng kabanalan.” Maraming bokasyon ang isinilang sa taong iyon.

Nang ipahayag ng ating Banal na Ama ang susunod na lugar para sa 2005 sa Cologne, Germany, idinagdag niya, “Makikita ka ni Kristo doon.” Bumilis ang tibok ng puso ko at bumuhos ang mga luha sa aking mga mata, dahil kadalasang sinasabi niya, “Makikita kita doon.” Alam ko, alam nating lahat, na alam niyang malapit na ang kanyang mga huling araw.

2005 at higit pa

Noong Agosto 2005, nakaupo ako kasama ang aking naghihingalong Tatay na nanonood sa telebisyon habang naglalayag si Pope Benedict sa Rhine River upang makilala ang mga kabataan sa mundo sa Cologne. Namangha ako nang mapagtanto na ang Papa na humalili kay Pope John Paul II ay isang katutubo ng bansa na napili na para sa susunod na Araw ng Kabataan sa Mundo! Katulad din ang nangyari noong 2013. Habang naghahanda ang mga kabataan mula sa bawat kontinente, maliban sa Antarctica, para sa Araw ng Kabataan sa Mundo y sa Rio de Janiero, Brazil, nagbitiw si Pope Benedict, at hinalinhan ni Pope Francis mula sa kontinenteng napili na. Sina Pope Benedict at Pope Francis ay parehong lubos na yumakap sa pamana ng kanilang hinalinhan at ang World Youth Day ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan na sundin ang landas ng kabanalan.

WYD 2023, Lisbon, Portugal

Ang mga kabataan mula sa buong mundo ay nagpaplano na ngayong maglakbay sa Lisbon para sa susunod na World Youth Day. Ang punong- abalang bansa ay nagpaplano na para sa Mga araw sa Diyosesis sa buong Portugal para maranasan ng mga kabataan ang kanilang kultura, at mayroon silang nakakaakit na programa na puno ng mga pag-uusap, talakayan, at kaganapan mula sa ilan sa pinakamahuhusay na mangangaral, musikero, at artista ng Simbahan. Ang mga lokal na pamilya, paaralan at mga parokya ay naghahanda upang mapaunlakan ang maraming kabataang peregrino. Ang Sakramento ng Pagkakasundo at Eukaristikong Pagsamba ay nasa lahat ng dako at ang mga koponan ay nagdarasal na para sa mga inaasahang bisita. Ang mga grupo ng peregrinasyon ay bumubuo sa mga bansa sa buong mundo, at ang mga parokya ay nangangalap ng pondo upang tulungan ang kanilang mga kabataan na dumalo. Kapag tinatawag ka ng Diyos doon, tutulungan ka Niya na makarating doon, at susustinahan ka sa paglalakbay sa buhay. Isa ito sa mga kayamanan ng Simbahang Katoliko sa ating panahon. (Tingnan ang iyong diocesan website, at YouTube at Facebook para sa opisyal na promo, kanta sa 5 wika, logo, at mga eksena).

Ang mga hindi makadalo ay maaaring makilahok sa ilang mga kaganapan sa pamamagitan ng social media, at manalangin kasama ng mga peregrino.

 

'

By: Sister Jane M. Abeln SMIC

More
Feb 22, 2023
Magturo ng Ebanghelyo Feb 22, 2023

Kapag habang nakatayo sa sangang-daan ay maaaring maging nakakatakot, ngunit ang tulong na nalalayo ay kinakailangan lamang ng isang dalangin…

Noong ako’y labing-isang taong gulang pa lamang, ang aking buhay ay nagbago nang panghabambuhay dahil sa isang malubhang pinsala sa binti.  Kung walang reconstructive plastic surgery, marahil na ako’y habang-buhay nang pilay.  Ang paghanga ko para sa manggagamot na nagtistis sa akin ay nagatungan ang pagnanasa kong sundan ang kanyang mga yapak upang matulungan ko rin ang mga taong nangangailangan.  Ang pagsasagawa ng pagmumuling-ayos na pagtistis sa sariling panunungkulan o sa mga misyon ng paggagamot ay nagampanan itong pagnanais at ako’y hindi nagbabalak na itigil ito kahit sa pagbabadya ng pamamahinga sa tungkulin.

Kahit bago pa ako namahinga, ako’y nakagawa na ng mga plano na ituloy ang aking gawaing misyonaryo at ako rin ay nagplano na kusang magpatala bilang isang kapelyan ng pagamutan.  Sa kasamaang-palad, ang Corona Pandemic ay naglagay ng paghihigpit sa aking mga plano.  Bagaman, nagunita ko ang sinabing minsan ni Einstein, “Kapag huminto kang matuto, ikaw ay simulang mamatay,” kaya ako’y namanata na hindi matuksong maging isang tamad.

Ako’y nagpasyang kumuha ng kurso para sa banal na pagpatnubay.  Mabilis na napagtanto ko na ang matagal nang hinahanap ko ay ang nais kong gawin, at hindi kung ano ang nasa isip ng Diyos para sa akin.  Nang maintindihan ko ito, Siya’y hindi natagalang tugunin ang aking mga dalangin para sa pagpapatnubay at pag-uunawa. Ako’y nakatanggap ng email mula sa Sacramento Life Center, na naghahanap ng isang makapagpapatala nang kusa bilang medical advocate at ang tungkuling ito ay nakagigiliwan ko nang ginagawa simula noong nakaraang taon.

Ang kusang nagpatalang mga medical advocate ay tumutulong sa maraming mga magagaan, ngunit mga mahahalagang tungkulin para sa may mga sakit sa mga pagamutan.  Madalas, ang may mga sakit ay naghahanap lamang ng taong makikinig nang walang paghuhusga.  Marahil na sila’y nakadadama ng pagkawala at naghahanap ng kaalaman para sa mga makapagpapaalám o ibang mga paglilingkod.  Paminsan-minsan ay sila’y nangangailangan ng tulong upang makakuha ng mga saligang pangangailangang pansanggol tulad ng mga pasador, pamunas, gatas, damit, pansasakyang upuan, andador, atbp.  Minsan, sila’y naghahanap lamang ng mga sagot.  Ang kalituhan at kahirapan na dinadanas ng mga may-sakit kapag ang mga ito ay hindi nakakamit ay nakadaragdag sa kanilang mga karamdaman, at nakahahadlang sa kanilang paggaling, kaya itong mga kusang nagpatala ay may isang masalimuot na tungkulin.

Noong kapanahunan ng aking pangmedikong karera, nagkaroon ako ng pagkakataong makasagip at makapagbago ng mga buhay.  Bilang isang kusang nagpatala ay halos nakapag-aalay ng sintulad na kapanatagan.  Minsan, ako’y nakatatagpo ng mga taong nagbabalak ng kusang paglalaglag.  Isang nakamamanghang bagay kung ano ang magagawa ng pagbabalik-aral ng isang munting pisyolohiya ng pagdadalang-tao, lalo na kapag iniisip nila na ang batang hindi pa nailuwal ay isang balamban ng laman.  Kapag ang binhi at itlog ay nagsama, isang buhay ay nagsisimula.  Ito ay isa sa mga pinakadakilang himala ng Diyos.  Isa’t-kalahating buwan lamang ng pagpapabunga, makikita at maririnig ng kliyente ang pumipintig na puso ng batang hindi pa naisisilang sa pamamagitan ng ultrasound.  Ipinakikita ko sa kanila ang mga modelo ng tamang sukat ng laki ng sanggol, habang kami’y nagtataka tungkol sa paglaki at pag-unlad ng hugis ng bata.  “Waw, masdan ang kanyang mga mata at mga tenga at kanyang munting ilong at bibig!  Ang kanyang mga kamay at mga paa’y may mga maliliit na mga daliri.”

Maaaring mangyari na ako’y makapagsasagip ng tatlong mga buhay sa isang pagdalaw.  Ang mga nagsasalungatang damdamin pagkalipas ng kusang paglalaglag ay maaaring humantong sa pagpapatiwakal o mga nabuwag na  pagsasama.  Ang pagbigay ng kaalaman at payo na aking inaalay ay madalas na nagbibigay-daan sa mga pagpapasya sa pagpili ng buhay sa halip na dalamhati o pagkakasala. Kapag ang mag-asawang nakapagpasyang magpalaglag ay dumarating sa kliniko, ngunit umaalis na nakapagpasyang piliin ang buhay, ang pakiramdam ng kalooban ko ay masigla at maningning.  Pinasasalamatan ko ang Diyos sa Kanyang mga handog at mga biyaya na napahintulutan akong gawin ang Kanyang gawain.

 

'

By: Dr. Victor M. Nava

More