• Latest articles
Jul 05, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Jul 05, 2024

Panatilihing bukas ang iyong mga tainga sa pinaka mahinay na udyok ng kalikasan…Ang Diyos ay nangungusap sa iyo sa tanang oras.

Walang tigil  na sinisikap ng Diyos na ipaalam sa atin ang Kanyang mensahe ng pag-ibig—sa maliliit na bagay, sa malalaking bagay, sa lahat ng bagay.  Minsan sa kaabalahan ng buhay, madalas nating makaligtaan ang sinisikap Niyang sabihin sa atin, sa sandaling iyon at pagkatapos.  Ang ating mapagmahal na Diyos ay nananabik na tayo ay lumapit sa Kanya sa katahimikan ng ating mga puso.  Doon natin Siya tunay na makakatagpo at masisimulang lumago sa ating kaugnayan sa Kanya—sa pamamagitan ng pakikinig sa “mabuting guro” (Huan 13:13). Itinuro ni Santa Teresa ng Calcutta: “Nangungusap ang Diyos sa katahimikan ng ating mga puso.” Itinuturo din sa atin ng banal na kasulatan, na matapos mawala ang malakas na hangin, lindol, at apoy ay nuon lamang nadinig at naunawaan ni Elias ang Diyos sa pamamagitan ng “mahinahong tinig” (1 Hari 19:9-18).

Ang Kapangyarihang Nakakabagbag Sa Atin

Kamakailan, sumama ako sa aking pamangkin sa tabing dagat sa North Wales; ninais naming magkasamang magpalipad ng saranggola.  Habang papalayo ang dagat, kinalas namin ang tali sa may buhanginan. Inihagis ko ang saranggola pataas habang nagsimulang tumakbo ang aking pamangkin sa bilis ng kanyang makakaya, tangan ang hawakan nito.  Ang dalampasigan ay bahagyang napapalibutan ng mga bangin, kaya sa kabila ng malakas na hanging dala ng mga alon, ang saranggola ay hindi nanatili sa taas nang matagal.  Muli siyang tumakbo, sa pagkakataong ito ay mas mabilis pa, at sinubukan namin nang paulit-ulit.  Matapos ang ilang pagtatangka, napagtanto namin na hindi ito gumagana.

Minasdan ko ang paligid at nakita ko na sa tuktok na bahagi ng talampas, may isang maluwag na kalawakan at malaking lupain.  Kaya sabay kaming umakyat nang mataas pa.  Habang sinimulan naming kalasing muli ang tali, nagsimulang gumalaw ang saranggola; mahigpit na kumapit ang pamangkin ko sa hawakan.  Bago pa namin malaman, ang saranggola ay ganap na dumips at lumipad nang napakataas.  Ang kagandahan sa pagkakataong ito ay magkasama naming pinaglugdan ang sandaling ito sa napakaliit na pagsisikap.  Ang susi ay ang hangin, ngunit ang lakas ng pumailanglang na saranggola ay naganap sa pagtungo sa isang lugar kung saan ang hangin ay talagang makakaihip.  Ang saya, halakhak, kagalakan, at pagmamahalan na pinagsaluhan sa sandaling iyon ay walang katumbas. Parang tumigil ang oras.

Ang Matutong Umunlad

Nang maglaon habang ako’y nagdadasal, bumalik sa akin ang mga alaalang ito, at nadama ko na binibigyan ako ng mabisang mga aral sa pananampalataya, lalo na ang tungkol sa panalangin.  Sa buhay, kaya nating subukang gawin ang mga bagay sa sarili nating lakas.  May isang bagay sa ating makasalanang pagkatao na nagnanais na mangibabaw sa lahat. Ito ay katulad ng nasa manibela ng sasakyan.  Maaari tayong magtiwala sa Diyos at pahintulutan Siya na gabayan tayo, o maaari nating gamitin ang ating malayang pag-iisip. Hinahayaan tayo ng Diyos na hawakan ang manibela kung at kapag pipiliin natin.  Subalit habang naglalakbay kasama Siya, nakikita natin na sa katunayan, ninanasa Niya na hindi natin subukan at gawin ang lahat nito nang mag-isa.  Ni ayaw din niyang gawin ang lahat nito nang mag-isa.  Nais ng Diyos na gawin natin ang lahat—sa pamamagitan Niya, kasama Niya, at sa Kanya.

Ang pinaka akto ng pagdadasal ay isang handog mismo, subalit nangangailangan ito ng ating pagtutulungan.  Ito ay tugon sa Kanyang tawag, subalit ang pagpili na tumugon ay atin.  Mabisang itinuturo sa atin ni San Agustin na “kilanlin ang ating tinig sa Kanya at ang Kanya sa atin” (CCC 2616).  Ito ay hindi lamang totoo para sa panalangin kundi para sa lahat ng bagay sa buhay.

Totoo, kung minsan ay pinahihintulutan tayo ni Jesus na magpagal nang “magdamag” at “walang mahuli.” Ngunit ito ay naghahatid sa atin sa pagtanto na sa pamamagitan lamang ng Kanyang patnubay ay makakamit natin ang ating ninanais.  At higit pa kapag binuksan natin ang ating mga puso upang makinig sa Kanya. (Lukas 5:1-11)

Kung nais nating lumipad nang mataas, kailangan natin ang hangin ng Banal na Espirito, ang hininga ng Diyos, na nagpapabagong-anyo at nag-aangat sa atin paitaas (Huan 20:22).  Hindi ba’t ang hangin ng Banal na Espiritu ang siyang bumaba sa natatakot na mga disipulo sa mas mataas na silid noong Pentecostes at binigyan sila ng bagong anyo na puno ng pananampalataya, walang takot na mga mangangaral at mga saksi ni Kristo (Mga Gawa 1-2)?

Naghahangad Nang Buong Puso

Mahalagang kilalanin na ang pananampalataya ay isang kaloob na dito ay dapat tayong mangunyapit (1 Mga Taga-Corinto 12:4-11).  Kung hindi, maaari tayong mabuhol sa mahihirap na kalagayan sa mundo na, kung wala ang Kanyang biyaya, ay imposible tayong makalaya.  Dapat  tayong patuloy na abutin ang mas mataas na antas sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espirito—upang “matamo ang Panginoon at mabuhay” (Amos 5:4, 6).  Mahigpit tayong hinihikayat ni San Pablo na “Magalak lagi, manalangin nang walang humpay, magpasalamat sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Kristo Hesus para sa inyo” (1 Tesalonika 5:16-18).

Samakatuwid, ang panawagan ay para sa bawat mananampalataya na maging mas taimtin sa panalangin sa pamamagitan ng paglikha ng puwang para sa katahimikan, alisin ang lahat ng mga abala at mga hadlang, at pagkatapos ay hayaan ang hangin ng Banal na Espiritu na tunay ngang umihip at gumalaw sa ating buhay.  Ang Diyos Mismo ay nag-aanyaya sa atin sa pakikipagtagpo na ito na may pangako na Siya ay sasagot: “Tumawag Ka sa Akin, at sasagutin Kita, at sasabihin Ko sa iyo ang mga dakila at natatagong bagay na hindi mo nalalaman.” (Heremias 33:3)

'

By: Sean Booth

More
Jul 05, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Jul 05, 2024

Isang paulit-ulit na bulong mula sa itaas, madaming nabigong pagtatangka…lahat ay nalutas ng isang kuwentong pambata!

Mayroong isang kahanga-hangang kuwento ni Hans Christian Andersen na pinamagatang The Steadfast Tin Soldier na labis kong ikinasiyang basahin nang malakas sa aking anak na babae, at siya, sa pakikinig dito.  Ang maikling buhay ng sundalong ito na may isang paang lata ay may tanda ng kapighatian matapos ang isa pang kapighatian.  Mula sa pagkahulog nang madaming palapag hanggang sa muntik nang malunod hanggang sa lamunin ng isda na tulad ni Jonah, sadyang mabilis na naiintindihan ng maykapansanan na kawal ang pagdurusa.  Sa lahat ng ito, gayunpaman, hindi siya nag-aatubili, natitigilan, o kumikibo.  Oh, ang maging tulad ng sundalong lata!

Ang Pagtuklas Ng Dahilan

Maaaring iugnay ng mga literalista at pesimista ang kanyang katatagan sa katotohanang siya ay gawa sa lata.  Sasabihin ng mga nagpapahalaga sa talinghagang ito na ito ay dahil mayroon siyang malalim na kaalaman sa kanyang pagkatao.  Siya ay isang sundalo, at ang mga sundalo ay hindi hinahayaan ang takot o anuman, sa bagay na iyon, na itaboy sila sa kanilang landas.  Ang mga pagsubok ay nagwash over sa sundalong lata, ngunit siya ay nananatiling walang pagbabago.  Kung minsan, inaamin niya na kung hindi siya sundalo, gagawin niya ang ganito at ganoon—tulad nang lumuha—subalit ang mga bagay na iyon ay hindi niya ginawa, dahil hindi ito naaayon sa kung sino siya.  Sa bandang huli, siya ay inihagis sa isang kalan kung saan, ala- Saint Joan of Arc, siya ay nilamon ng apoy.  Ang kanyang mga labi ay natagpuan kapagdaka ng katulong, na naging—o maaaring sabihin ng isa, na naging—isang perpektong hugis na pusong lata.  Oo, hinulma siyang isang pag-ibig ng apoy na matatag niyang tiniis!

Marahil, ang kinakailangan lang para maging matatag ay ang malaman ang pagkakakilanlan ng isang tao?  Ang tanong kung gayon, ano ang ating pagkakakilanlan?  Ako ay, at ikaw din, isang anak na babae (o anak na lalaki) ng Hari ng Sandaigdigan.  Kung alam lang natin at hind tayo titigil sa pag-angkin ng pagkakakilanlan na ito, tayo din ay maaaring maging matatag sa paglalakbay tungo sa pagiging tulad ng Pag-ibig na Siya ay mismo.  Kung kumikilos tayo na alam natin na tayo ay mga prinsesa at prinsipe na pagala-gala sa kastilyo ng ating Ama, ano ang katatakutan natin?  Ano ang maaaring magdulot sa atin na mangatog, tumalikod, o madurog?  Walang talon o baha o apoy ang makakapag patiwalag sa atin mula sa landas tungo sa pagiging santo na buong pagmamahal na inilatag para sa atin.  Tayo ay minamahal na mga anak ng Diyos, nakatakdang maging mga santo kung mananatili lamang tayo sa landas.  Ang mga pagsubok ay magiging kagalakan dahil hindi nila tayo hahatakin mula sa ating landas bagkus, kung matatag na tiniis, sa bandang huli ay magpapabago sa atin tungo sa nais nating madating!  Ang ating pag-asa at kagalakan ay makakapanatiling lagi, dahil kahit na ang lahat ng tungkol sa atin ay paghihirap, tayo ay minamahal pa din, pinili, at ginawa upang makapiling ang Ama sa Langit sa tanang kawalang-hanggan.

Mga Kalungkutang Naging Kagalakan!

Nang makita ng Anghel Gabriel, sa kanyang misyon na tanggapin ang utos ni Maria, ang takot ni Maria, sinabi niya sa kanya: “Huwag kang matakot, sapagkat nasa iyo ang biyaya ng Diyos.” (Lukas 1:30)  Napakagandang balita!  At napakaluwalhati na tayo din ay nakatanggap ng lingap ng Diyos!  Ginawa Niya tayo, minamahal, at ninanais na makasama Siya natin palagi.  Kaya, tayo, tulad ni Maria, ay dapat hindi matakot, anuman ang kahirapan na dumating sa atin.  Matatag na tinanggap ni Maria ang lahat na dumating sa kanya, batid na ang Kanyang Kalinga ay ganap at ang kaligtasan ng buong sangkatauhan ay malapit na.  Siya ay tumindig sa paanan ng Krus sa mga sandali ng kanyang pinakamalaking pagdurusa at nanatili.  Sa bandang huli, kahit na ang puso ni Maria ay tinusok ng madaming espada, siya ay itinaas sa Langit at kinoronahang Reyna ng Langit at Lupa, upang makasama ang Pag-ibig magpakailanman.  Ang kanyang katatagan at mapagmahal na pagtitiis sa pagdurusa ay nagbigay daan sa kanyang pagiging Reyna.

Oo, ang kalungkutan ng Pieta ay naging kaluwalhatian ng pag akyat ni Maria sa langit.  Ang pagtitiis ng napakadaming banal na lalaki at babae ay naging sanhi na sila ay maging bahagi ng hukbo ng Langit na nagpupuri sa Panginoon magpakailanman.  Tulad ng ating Ina at ng mga Santo, nawa’y tanggapin natin ang biyayang maging matatag, tumindig nang matatag sa gitna ng kalungkutan, apoy, at lahat ng iba pang mga pangyayari na nagpupumilit na ilayo tayo sa bukas na mga bisig ng Panginoon.  Nawa’y maging matatag tayo sa ating pagkakakilanlan bilang mga anak na ginawa ayon sa larawan ng Ama.  Nawa’y tayo, tulad ng isinulat minsan ng kilalang makata na si Tennyson: “Maging matatag sa pagnanais na magsikap, maghangad, maghanap, at hindi sumuko!”  Nawa’y tayo, matapos ang lahat ng ito, ay maging katulad ng Pag-ibig.

'

By: Molly Farinholt

More
Jul 05, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Jul 05, 2024

Si Anacleto González Flores ay ipinanganak sa Mexico noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Dahil sa inspirasyon ng isang sermon na narinig sa kanyang pagkabata, ginawa niyang pinakamahalagang bahagi ng kanyang buhay ang araw-araw na Misa. Bagama’t pumasok siya sa seminaryo at mahusay sa akademya, nang mapagwari niyang hindi siya tinawag sa pagpapari pumasok siya sa paaralan ng batas.

Sa loob ng maraming taon na pag-uusig ng mga Kristiyano sa Mexico, buong kabayanihan na ipinagtanggol ni Flores ang mga pangunahing karapatan ng mga Kristiyano kung kaya’t ginawaran siya ng Holy See ng Cross Pro Ecclesia et Pontifice para sa kanyang mga pagsisikap. Dahil maraming Kristiyanong Mexicano ang buong tapang na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang pananampalataya, patuloy siyang sumulat laban sa mga kalupitan at naging isang kilalang pinuno ng Digmaang Cristero.

Noong 1927, siya ay inaresto at malupit na pinahirapan—siya ay hinampas, ang kanyang mga paa ay pinutol ng mga kutsilyo, at ang kanyang balikat ay na-dislocate. Isang hindi nabigla na si Anacleto ang nanatiling matatag sa kanyang pananampalataya at tumanggi na ipagkanulo ang kanyang kapwa tapat. Nang siya ay pagbabarilin hanggang sa mamatay, hayagang pinatawad niya ang kanyang mga pumatay at namatay, na bumubulalas: “Nagsumikap ako nang walang pag-iimbot upang ipagtanggol ang layunin ni HesuKristo at ng Kanyang Simbahan. Maaari mo akong patayin ngunit alamin mo na ang layuning ito ay hindi mamamatay kasama ko.” Hayagan niyang pinatawad ang kaniyang mga pumatay at namatay, na bumulalas: “Ako ay namamatay, ngunit ang Diyos ay hindi namamatay. Mabuhay si Kristong Hari!”

Matapos ang mga taon ng pamumuhay ng isang banal na buhay na nakasentro sa debosyon sa Banal na Sakramento at isang huwarang debosyon ni Marian, ibinigay ni Flores ang kanyang buhay sa Panginoon kasama ang tatlo sa kanyang kapwa mananampalataya. Ang matapang na martir na ito ay na-beato ni Pope Benedict XVI noong 2005, at siya ay idineklara na patron ng Mexican layko noong 2019.

'

By: Shalom Tidings

More
Jul 05, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Jul 05, 2024

Nawala ko ang aking iPhone noong isang taon.  Sa simula, tila bagang naputol ang isang bahagi ng katawan.  Nakapag-ari ako ng isa para sa labintatlong mga taon, at ito’y tila isang karugtong ng aking sarili.  Sa unang mga araw, ginamit ko ang “bagong iPhone” tulad ng isang telepono, ngunit daglian itong naging isang panggising na orasan, isang kalkulador, pansagap ng balita, pagsiyasat ng panahon, ng bangko, at marami pa…at sumunod…ito’y nawala.

Dahil sapilitan akong nagawi sa makabagong pagpupurga, nagkaroon ako ng maraming mga suliranin.  Ang mga listahan ko ng bilihin ay kinailangang isulat sa papel.  Isang orasan ay nabili, at isang kalkulador.  Napanabikan ko ang arawing ‘hudyat’ ng mga mensahe at pagbabalasa upang buksan ang mga ito (at ang dama ng pagiging mahalaga sa iba).

Ngunit nadarama ko ang kapayapaan ng hindi pagkakaroon nitong munting bahaging gawa sa metal na sumasaibabaw sa aking buhay.

Hindi ko napagtanto kung paano makapag-utos at makapagpigil ang gamit na ito hanggang ito’y nawala.  Hindi tumigil ang mundo.  Kinailangan ko lamang na matututunan nang muli ang bagong-lumang mga paraan ng pakikipagsalamuha sa mundo, gaya ng pakikipag-usap sa mga tao nang harap-harapan at paggawa ng binabalak sa mga pagtitipon.  Hindi ako nagmadaling mapalitan ito.  Sa katunayan, ang pagkalaho nito ay humantong sa malugod na pagpapaiba sa buhay ko.

Ako’y nagsimulang magsubok ng katiting na medya sa aking buhay.  Walang mga peryodiko, babasahin, radyo, tv, o telepono.  Bitbit ko ang isang iPad para sa mga email ng trabaho, pumili ako mga mga palabas sa YouTube sa lingguhang katapusan, at iilang mga balitang nasa nabubukod na mga pahina.  Ito’y isang panunubok na nagpamana sa akin ng pagiging mahinahon at tahimik, nakakayanan kong gamitin ang aking panahon para sa panalangin at Kasulatan.

Ako ngayo’y nakakakapit sa Diyos ng higit na madali, na Siya “pa rin, kahapon, at ngayon, at habambuhay” (Hebreyo 13:8).  Ang Unang Utos ay sinasabihan tayo na “mahalin ang iyong Panginoong Diyos ng buong Puso at Isip at Kaluluwa at mahalin ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili” (Marko 12:30-31).  Nag-iisip ako kung paano natin magagawa yaon kung ang isip natin ay nasa telepono sa halos kabuuan ng araw!

Totoo bang mahal natin ang Diyos nang ating mga isip?  Nakasaad sa Romano 12:2: “Huwag sundin ang halimbawa ng mundong ito ngunit isahugis muli ang inyong anyo sa pagbabago ng inyong isip.”

Hinahamon ko kayong iwasan ang medya, kahit para sa maikling sandali lamang at kahit katiting.  Damhin yaong nakapagbabagong-anyo na kaibhan sa inyong buhay.  Sa pagbibigay lamang ng pagkakataon sa ating mga sarili ay magagawa nating mahalin ang ating Panginoon Diyos nang may napagbagong mga isip.

'

By: Jacinta Heley

More
Jul 03, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Jul 03, 2024

T – Marami sa aking mga kaibigang Kristiyano ay nagdiriwang ng ‘Komunyon’ tuwing Linggo, at ipinagdidiinan nila na ang Yukaristikong pag-iral ni Kristo ay isang pambanalang paglalarawan lamang.  Ako’y naniniwala na si Kristo ay naroon sa Yukaristiya.  Ngunit mayroon bang paraan upang maipaliwanag ito sa kanila? 

S – Ito’y talagang isang di-kapanipaniwalang paninindigan na sabihin na sa bawa’t misa, ang isang munting piraso ng tinapay at isang kalis ng alak ay nagiging ganap na laman at dugong Kusa ng Diyos.  Hindi isang paglalarawan o palatandaan, ngunit ito’y tunay na katawan, dugo, kaluluwa, at kabanalan ni Hesus.  Paano natin ito magagawang isang paninindigan? 

Mayroong tatlong mga dahilan kung bakit natin pinaniniwalaan ito. 

Una, si Hesukristo ay kusang sinabi ito.  Sa Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 6, sinabi ni Hesus:  “Tunay, tunay na sinasabi Ko sa inyo, maliban lamang na kakanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang Kanyang dugo, kayo ay walang buhay sa sarili ninyo.  Sinuman ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw.  Pagka’t ang laman Ko ay tunay na kakanin at ang dugo Ko ay tunay na inumin.  Sinuman ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananatili sa Akin at Ako sa kanya.”  Tuwing sinasabi ni Hesus, “Tunay, tunay na sinasabi Ko…”, ito’y isang tanda na ang Kanyang susunod na sasabihin ay may buong payak na kahulugan.  Bilang karagdagan, ginamit ni Hesus ang Grekong salitang trogon na ang pagsalin ay “kumain”—ngunit ang totoong kahulugan ay “ngumuya, ngumata, o himayin ng mga ngipin ng isang tao.”  Ito’y isang maliwanag na pandiwa na magagamit lamang nang santalagahan.  Mandin, bigyang-pansin ang ganting tugon ng Kanyang mga tagapakinig; sila’y nagsilayo.  Isinasaad sa Juan 6: bilang kinauwian nitong [pangaral], marami sa Kanyang mga alagad ay bumalik sa kanilang dating kinagawiang pamumuhay at hindi na nagsiulit na samahan Siya.”Hinahabol ba Niya sila, sinasabing hindi nila naunawaan Siya?  Hindi, sila’y hinayaan Niyang lumisan–sapagka’t Siya’y taimtim tungkol sa Kanyang pangaral na ang Yukaristiya ay ang Kanyang tunay na laman at dugo. 

Ikalawa, naniniwala tayo dahil ang Simbahan ay palagi nang itinuro ito simula sa pinakamaagang mga araw.  Minsan kong tinanong ang isang pari kung bakit walang pagbanggit ng Yukaristiya sa Kredo na ating ihinahayag tuwing Linggo—at sumagot siya na ito’y dahil walang nakikipagtalo sa Kanyang Tunay na Pag-iral, kaya ito’y hindi kinakailangang bigyan ng pangkapunuang kahulugan!  Marami sa mga Ama ng Simbahan ang nagsulat tungkol sa Yukaristiya—bilang halimbawa, si San Justino Martir, nagsusulat sa loob ng ika-150 na Taon ng Panginoon, ay inilagda itong mga salita:  Pagka’t  hindi bilang isang pangkaraniwang tinapay at pangkaraniwang inumin na tinatanggap natin ang mga ito; tayo’y napangaralan na ang pagkain na nabasbasan ng panalangin ng Kanyang diwa, at kung saan nagmumula ang kalusugan ng ating dugo at laman, ay ang laman at dugo ng yaong si Hesus na nagkatawamg-tao.”  Bawa’t Ama ng Simbahan ay sumasang-ayon—ang Yukaristiya ay totoong laman at dugo Niya. 

Pinakahuli, ang ating pananampalataya ay napasisigla sa pamamagitan ng mga himala ng Yukaristiya sa kasaysayan ng Simbahan—mahigit na isang-daa’t-limampung mga himalang natalà nang buong katiyakan.  Marahil ang pinakabantog ay ang naganap sa Lanciano, Italya sa loob ng ikawalong-daang mga taon, kung saan ang isang pari na pinag-alinlangan ang tunay na pag-iral ni Kristo ay nagulantang nang nagtagpuan niya ang Ostiya ay naging malinaw na laman, habang ang alak ay naging bilang malinaw na dugo.  Pagkaraa’y natuklasan ng makaagham na mga panunuri na ang Ostiya ay bahagi ng kalamnan ng pusong nagbubuhat sa isang lalaking tao na may uri ng dugong AB (napaka-karaniwan sa mga kalalakihang Hudyo).  Ang pusong kalamnan ay nabugbog at nagkapasa-pasà nang sukdulan.  Ang dugo ay nagsipagbuo sa limang mga kimpal, nagsasagisag sa limang mga sugat ni Kristo, at ang bigat ng isa sa mga kimpal ay makababalaghang tumutumbas sa bigat ng limang mga kimpal kapag pinagsama-sama!  Ang mga dalub-agham ay hindi maipaliwanag kung paano makatatagal ang laman at dugong ito nang labindalawang-daang mga taon—mandin ay kusang isang di-maipaliliwanag na himala. 

Ngunit paano natin maipaliliwanag kung papaano ito nangyayari?  Tayo’y makagagawa ng pagkakaiba ng pagkakayari (isang bagay na may anyo, amoy, lasa, atbp.) sa kalamnan (kung ano talaga ito).  Noong ako’y musmos na bata, nasa loob ako ng bahay ng aking kaibigan, at nang siya’y umalis ng silid, nakakita ako ng isang galyetas na nasa plato.  Ito’y nag-anyong katakamtakam, may amoy tulad ng banilya, at kaya kumagat ako nito…at ito pala’y sabon!  Ako’y bigong-bigo!  Ngunit ito’y napangaralan ako na ang aking mga pandama ay hindi parating maaninaw ang isang bagay kung ano talaga ito. 

Sa Yukaristiya, ang kalamnan ng tinapay at alak ay nagbabago sa pagiging kalamnan ng katawan at dugo (isang pamamagitang kinikilala bilang banyuhay), habang ang mga pagkakayari (ang lasa, amoy, anyo) ay nanatiling magkatulad. 

Ito’y totohanang nangangailangan ng pananalig upang matanggap na si Hesus ay tunay na umiiral, pagka’t ito’y hindi makikilala ng ating mga pandama, o ito’y isang bagay na mahihinuha ng ating pangangatwiran o pananahilan.  Ngunit kung si Hesukristo ay Diyos at Siya ay hindi makapagsisinungaling, maluwag sa kalooban kong maniniwala na Siya’y hindi isang palatandaan o paglalarawan, ngunit tunay na naroroon sa Pinakabanal na Sakramento! 

'

By: PADRE JOSEPH GILL

More
Feb 21, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Feb 21, 2024

Nabitag sa abala at mabigat na sapot ng pang-araw-araw na buhay, maaari kayang panatilihing nakaugnay ang iyong sarili sa Diyos?

Kung minsan, para bang ang pananampalataya ko ay dumadanas ng kapanahunan bawat taon.  May mga panahon, ito ay namumukadkad tulad ng mga naarawang bulaklak sa tag-araw.  Ito ay kadalasan pag bakasyon.  Sa ibang panahon, ang aking pananampalataya ay parang mundong natutulog ng taglamig—tahimik, hindi namumulaklak.  Ito ay karaniwang sa taon ng pag-aaral kung kailan hindi payag ang aking talaan sa pang-araw-araw na pagsamba o pang-oras-oras na panalangin, di tulad ng mga libreng oras ng bakasyon.  Ang mga abalang buwang ito ay karaniwang ginagamit ng mga aralin, gawain, aktibidad, at oras para sa mag-anak at mga kaibigan.

Ito ay madali, sa gitna ng kaguluhan at pagmamadali, hindi ibig sabihin na limutin ang Diyos kundi ang hayaang mahulog Siya sa likuran.  Maaari tayong magsimba tuwing Linggo, bigkasin ang ating pananalangin, at kahit dasalin pa ang pang-araw-araw na Rosaryo, ngunit magkahiwalay ang ating pananampalataya at ‘normal’ na buhay.  Ang relihiyon at ang Diyos ay hindi lubos na nakalaan lamang para sa Linggo o bakasyon sa tag-init.  Ang pananampalataya ay hindi isang bagay na dapat nating kapitan para lamang sa mga oras ng kagipitan o balikan nang panandalian para lamang magpasalamat at pagkatapos ay kalimutan.  Sa halip, ang pananampalataya ay dapat ding kaakibat ng bawat bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay.

Pang-araw-araw Na Pagkainip

Kahit na may-ari tayo ng sarili nating bahay, manatili sa dorm ng kolehiyo, o nakatira kasama ang ating mag-anak, may ilang mga gawaing hindi natin matatakasan.  Ang mga tahanan ay dapat malinis, ang mga damit ay dapat malabhan, ang pagkain ay dapat magawa… ngayon, ang mga gawaing ito ay lahat tila nakakainip na pangangailangan—mga bagay na walang kabuluhan, ngunit kailangan pa din nating gawin ang mga ito. Inuubos pa ng mga ito ang oras na maaari sana nating magamit sa pagtuntong sa kapilya ng pagsamba  nang tatlumpung minuto o dumalo sa pang-araw-araw na misa.  Gayunpaman, kapag mayroon tayong maliliit na anak sa bahay na nangangailangan ng malinis na damit o mga magulang pauwi ng bahay matapos ang trabaho na nagnanais na makakita ng mga nilampasong sahig, ito ay hindi ang palaging makatotohanang mapamimilian.

Gayunpaman, ang punuin ang ating oras sa mga pangangailangang ito ay hindi kailangang maging pagbawas ng oras ukol sa Diyos.

Si Santa Teresa ng Lisieux ay kilala sa kanyang “munting pamamaraan.”  Ang pamamaraang ito ay nakasentro sa maliliit na bagay na may napakalawak na pagmamahal at pakay.  Sa isa sa mga paborito kong salaysay ni Santa Teresa, isinulat niya ang tungkol sa isang palayok sa kusina na ayaw niyang hugasan (Oo, kahit ang mga Santo ay kailangang maghugas ng pinggan!).  Nabatid niyang tunay na nakayayamot ang gawain, kaya nagpasiya siyang ialay ito sa Diyos.  Tatapusin niya ang gawain nang may labis na kagalakan, nalalalamang ang bagay na tila walang kabuluhan, ay nabigyan ng pakay sa pamamagitan ng pagsasali sa Diyos sa ekwasyon.  Naghuhugas man tayo ng pinggan, nagtutupi ng labada, o nagkukuskos ng sahig, ang bawat nakakainip na gawain ay maaaring maging isang panalangin sa pamamagitan lamang ng pag-aalay nito sa Diyos.

Pinalaking Kagalakan

Minsan, kapag ang sekular na lipunan ay nakamasid sa relihiyosong taong-bayan, ginagawa nila ito sa pag-aakala na ang dalawang mundo ay hindi kailanman maaaring magkabangga.  Nagulat ako nang malaman kong napakadaming tao ang nag-iisip na hindi mo kayang sundin ang Bibliya at magsaya!  Ito ay maaaring hindi malayo sa katotohanan.

Ilan sa mga paborito kong gawain ay kinabibilangan ng surping, pagsasayaw, pag-awit, at pagkuha ng larawan; kadamihan sa aking oras ay nakatuon sa paggawa ng mga ito.  Kadalasan, sumasayaw ako sa relihiyosong musika at gumagawa ng mga bidyo para sa Instagram na pinarisan ng mensahe ng pananampalataya sa aking pamagat .  Umawit ako sa simbahan bilang isang kantor at nais kong gamitin ang aking mga biyaya upang tahasang paglingkuran ang Diyos.  Gayunpaman, mahilig din akong gumanap sa mga palabas tulad ng The Wizard of Oz o kunan ng larawan ang mga laro ng putbol—mga sekular na bagay na nagdudulot sa akin ng malaking kagalakan.  Ang kagalakang ito ay higit na nadadagdagan kapag inialay ko ang mga gawaing ito sa Panginoon.

Sa may likod ng entablado, lagi mo akong makikitang nagdadasal bago ako pumasok, nag-aalay ng pagtatanghal sa Diyos, at humihiling sa Kanya na samahan ako habang sumasayaw o umaawit.  Ang simpleng pagsasanay upang manatili sa hugis ay isang bagay na kapwa kong ikinasisiya at pinahahalagahan upang mapanatili ang aking kalusugan.  Bago ako magsimulang tumakbo, iniaalay ko ito sa Diyos. Kadalasan, sa gitna nito, inilalagay ko ang aking pagod sa Kanyang mga kamay at humihingi sa Kanya ng lakas upang tulungan akong gawin ang huling milya.  Ang isa sa aking mga paboritong paraan upang mag-ehersisyo at sumamba sa Diyos ay ang magsagawa ng maingat na paglalakad habang nagro Rosaryo, sa gayon iniehersisyo kapwa ang aking katawan at ang espirituwal na kapakanan!

Sa Bawat Bagay, Kahit Saan

Madalas nating nalilimutang makita ang Diyos sa ibang tao, hindi ba?  Isa sa mga paborito kong aklat ay ang talambuhay ni Mother Teresa.  Ang may-akda, si Padre Leo Maasburg, ay kakilala siya nang personal.  Naaalala niya nang minsang makita niya ito na taimtim sa paanalangin habang isang tagapagbalita ay nahihiyang sumiksik, natatakot na makagambala sa kanyang pagtanong.  Sabik malaman kung paano siya tumauli, nagulat si Padre nang makita itong lumingon sa tagapagbalita nang may saya at pagmamahal sa mukha sa halip na pagka-inis.  Nangusap siya kung paano, sa isipan nito, na ibinaling lamang niya ang kanyang pansin mula kay Hesus para kay Hesus.

Sinasabi sa atin ni Hesus: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa pinakahamak sa mga ito ng miyembro ng aking mag-anak, ginawa ninyo ito sa akin.” (Mateo 25:40 ).  Subalit si Hesus ay hindi lamang matatagpuan sa mahihirap o maysakit. Siya ay matatagpuan sa ating mga kapatid, ating mga kaibigan, ating mga guro, at mga katrabaho.  Sa paraang payak na pagpapakita ng pagmamahal, kabaitan, at awa sa mga nakakasalubong natin sa ating landas ay maaaring isa pang paraan upang magbigay ng pagmamahal sa Diyos sa ating abalang buhay.  Kapag gumagawa ka ng cookies para sa kaarawan ng kaibigan o kahit na lumabas ka lang para mananghalian kasama ang isang taong matagal mo nang hindi nakita, madadala mo ang pag-ibig ng Diyos sa kanilang buhay at higit pang matupad ang Kanyang kalooban.

Saan Ka Man Naroroon

Sa sariling nating buhay, dumadaan tayo sa iba’t ibang yugto habang tayo ay tumatanda at lumalaki.  Ang pang-araw-araw na gawain ng isang pari o isang madre ay magmumukhang ibang-iba mula sa isang tapat na layko na may pamilyang aalagaan.  Ang mga pang-araw-araw na gawain ng isang mag-aaral ng mataas na paaralan ay magiging iba din sa mga nakagawian ng naturang sarili ng sila ay nasa hustong gulang na. Iyan ang napakaganda kay Hesus—sinasalubong Niya tayo saan man tayo naroon.  Ayaw Niyang iwanan natin Siya sa altar; sa tulad na paraan, hindi Niya tayo basta-basta iiwan kapag lumabas tayo sa Kanyang simbahan.  Kaya, sa halip na maramdaman na pinabayaan mo na ang Diyos habang nagiging abala ang iyong buhay, humanap ng mga paraan para anyayahan Siya sa lahat ng iyong ginagawa, at makikita mo na ang lahat ng bagay sa iyong buhay ay mapupuno ng higit na pagmamahal at panukala.

'

By: Sarah Barry

More
Feb 21, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Feb 21, 2024

Gaano man kahirap ang panahon, kung matiyaga ka, hindi ka matitinag.

Namumuhay tayo sa napakadilim at nakakalitong panahon.  Ang kasamaan ay nasa paligid natin, at ginagawa ni Satanas ang lahat para wasakin ang lipunan at ang mundong ginagalawan natin.  Ang pagtingin sa mga balita kahit ilang minuto ay maaaring maging lubhang nakakasira ng loob.  Kapag sa tingin mo ay hindi na ito maaaring lumala pa, makakadinig ka ng ilang bagong kalupitan o kasamaan sa mundo.  Madali kang masiraan ng loob at mawalan ng pag-asa

Ngunit bilang mga Kristiyano, tayo ay tinawag na maging tauhan ng pag-asa.  Paano ito mangyagari?

Mayroon akong kaibigan na katutubo ng Rhode Island.  Minsang Araw ng mga Ama, binigyan siya ng kanyang mga anak ng isang sombrero na may larawan ng angkla at Hebreo 6:19 na nakaburda dito.  Ano ang kahalagahan nuon?  Ang watawat ng estado ng Rhode Island ay may angklang may nakasulat na salitang “pag-asa”. Ito ay isang patukoy sa Hebreo 6:19, na nagsasabing: “Taglay natin ang pag-asang ito, isang matibay at matatag na angkla ng kaluluwa, isang pag-asang tumutuloy sa Kabanal-banalanng templo sa kabila ng tabing…”

Ang aklat ng Hebreo ay sinulat sa mga taong dumadanas ng matinding pag-uusig.  Ang kilalanin na ikaw ay Kristiyano ay nangangahulugan ng kamatayan o pagdurusa, pagpapahirap o pagpapatapon.  Dahil napakahirap, madami ang nawalan ng pananampalataya at nag-isip kung karapat-dapat bang sundin si Kristo.  Sinisikap ng may-akda ng liham sa mga Hebreo na hikayatin silang manatili, magtiyaga—na ito ay sulit.  Sinasabi niya sa kanyang mga mambabasa na ang pag-asa na nakabatay kay Hesus ang kanilang angkla.

Masinsin At Hindi Natitinag

Noong ako ay nasa mataas na paaralan sa Hawaii, bahagi ako ng isang programa na nagtuturo ng pandagat aghambuhay sa mga mag-aaral.  Gumugol kami ng Ilang linggo sa bawat pagkakataon na naninirahan at gumagawa sa isang bangka.  Sa kadamihan ng mga pook na aming nilayagan, may isang pantalan o daungan kung saan maaari naming itali ang bangka nang walang panganib sa lupa.  Ngunit may ilang malalayong mataas na paaralan na hindi malapit sa pantalan o bayo na may daungan.  Sa mga pagkakataong iyon, kinailangan naming gamitin ang angkla ng bangka—isang mabigat na metal na bagay na may ilang matutulis na kawit dito.  Kapag inihulog ng isa ang angkla sa tubig, kumakapit ito sa ibaba ng kama ng dagat at pumipigil sa bangka sa paglutang papalayo.

Maaari tayong maging tulad ng mga bangka, na pahagishagis at palutanglutang sa kati at alon ng pang-araw-araw na buhay.  Nadidinig namin sa mga balita ang tungkol sa paglusob ng terorista, barilan sa mga paaralan at simbahan, masamang kapasiyahan ng hukuman, masamang balita sa iyong pamilya, o mga natural na sakuna.  Madaming mga bagay ang maaaring yumanig sa atin at masiraan ng loob at puno ng kawalan ng pag-asa.  Maliban kung tayo ay may isang angkla para sa ating mga kaluluwa, tayo ay maiibalibag at hindi magkakaroon ng anumang kapayapaan.

Subalit upang ang isang angkla ay gumana, kailangan nitong ikabit sa isang bagay na matibay at matatag.  Ang isang bangka ay maaaring magkaroon ng pinakamalakas, pinakamahusay na angkla na magagamit, ngunit maliban kung ito ay nakakabit sa isang bagay na matibay at matatag, ang bangkang ito ay matatangay ng susunod na pagtaas ng tubig o alon.

Madaming tao ang may pag-asa, ngunit inilalagay nila ang kanilang pag-asa sa kanilang kwenta sa bangko, sa pagmamahal ng kanilang asawa, sa kanilang mabuting kalusugan, o sa pamahalaan. Maaring sabihin nila: “Hangga’t nasa akin ang tirahan ko, ang hanap-buhay ko, ang sasakyan ko, lahat ay magiging maayos. Hangga’t bawat isa sa aking mag-anak ay malusog, lahat ay maayos.” Ngunit nakikita mo ba kung gaano kahina iyon? Ano ang mangyayari kung mawalan ka ng hanap-buhay, magkasakit ang isang miyembro ng mag-anak, o bumagsak ang ekonomiya? Nawawalan ka na ba ng pananampalataya sa Diyos?

Kailanman Ay Hindi Natangay

Naaalala ko noong ang aking ama ay nakikipagtunggali sa kanser sa mga huling taon ng kanyang buhay.  Ito ay isang mabagyo, magulong panahon para sa aming mag-anak dahil sa bawat bagong pagsusuri, salit-salit naming nadinig ng magandang balita o masamang balita.  May mga pagpunta sa ER, at minsan siyang inilipad pa sa ibang pagamutan para sa madaliang pagtistis. Nakaramdam ako ng labis na pag-aalipusta at kahinaan ng loob habang pinagmamasdan namin ang aking ama na nagdudusa at nanghihina.

Ang aking ama ay isang matatag at debotong Kristiyano.  Gumuugol siya ng ilang oras bawat araw sa pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos, at nagturo siya ng mga pag-aaral ng Bibliya sa loob ng madaming taon.  Nakakatukso para sa akin na magtaka kung nasaan si Hesus sa lahat ng ito.  Matapos madinig ang isa pang masamang pagbabala, habang pakiramdam ng aking kaluluwa’y nabanat ng pinakahuling ulat na ito, nagpunta ako sa isang simbahan upang manalangin.

“Panginoon, ako’y nawawalan ng Pag-asa. Nasaan Ka?”

Habang tahimik akong nakaupo duon, napagtanto ko na inilagay ko ang aking pag-asa sa paggaling ng aking ama.  Kung kayat ramdam ko’y nangangatog at hindi matatag.  Subalit inaanyayahan ako ni Hesus na ilagay ang aking pag-asa, ang aking angkla, sa Kanya.  Mahal na mahal ng Panginoon ang aking ama nang mas higit pa sa kakayanin ko, at Siya ay kasama niya sa mahirap na pagsubok na ito. Ibibigay ng Diyos sa aking ama ang kakailanganin niya upang makatakbo nang maayos ang kanyang pakikipagtunggali hanggang sa katapusan, kailanman iyon.  Kailangan ko yung tandaan at ilatag ang aking pag-asa sa Diyos at sa dakilang pagmamahal ng Diyos sa aking ama.

Pumanaw ang aking ama sa bahay makalipas ang ilang linggo, pinaligiran ng pagmamahal at madaming panalangin, magiliw na inalagaan ng aking ina.  Namatay siya na may maamong ngiti sa kayang mukha.  Siya ay handa nang magtungo sa Panginoon, umaasa na makita nang harapan ang kanyang Tagapagligtas sa wakas.  At ako ay payapa sa ganito, handang siya ay payagang lumisan.

Ang pag-asa ay ang angkla, ngunit ang angkla ay kasing-tibay lamang ng kung ano ang kinakapitan nito. Kung ang ating angkla ay matatag na nakakapit kay Hesus, Siya na nakadaan na sa tabing nauna pa sa atin at naghihintay sa atin, kung kaya’t gaano man kataas ang mga alon, gaano man kalakas ang mga bagyo sa paligid natin, tayo ay mananatiling matatag at hindi matatangay.

'

By: Ellen Hogarty

More
Feb 21, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Feb 21, 2024

Maaari kang maging isang mahusay na mananayaw o hindi, ngunit tinatawag ka pa rin upang umindayog sa sayaw na ito ng buhay.

Ito ay isang magandang umaga; ang araw ay sumisikat nang maliwanag, at ramdam ko ang init nito na tumatagos sa aking pagod na mga buto. Sa kabaligtaran, sa isip, ako ay nasa mahusay na espiritu, nalilibang sa mga magagandang tanawin ng Perth habang naglalakad ako sa baybayin ng Matilda Bay.

Huminto ako sa tabing ilog para hayaang mapuno ng natural na kagandahan ang aking mga pandama. Ang himig ng mga alon na humahampas sa baybayin, ang malamig na simoy ng hangin na marahang humahaplos sa aking buhok habang ito ay sumasayaw paglampas sa mga puno, ang banayad na amoy ng asin at kagubatan, ang pinong mosaik ng maliliit na mga puting kabibi na pinalamutian ang buhangin…Nakaramdam ako ng labis na pagkalula sa karanasan.

Isang imahe ng bulwagan ng sayawan ang bumungad sa aking isipan. Sa aking isip, nalarawan ko ang Diyos na nakikipagsayaw sa akin…

Pagsabay

Kapag sinimulan mo ang pagsasayaw sa bulwagan, mayroong isang yugto kung saan ang iyong buong atensyon ay nakatuon sa pagsisikap na manatiling makasabay sa iyong kapareha at maiwasan ang mga pagkakamali. Ikaw ay nilamon ng takot na matisod sa mga paa ng ibang tao o igalaw ang maling paa sa maling direksyon. Dahil dito, ang pagsisikap na pigilin ang iyong mga galaw ay naninigas at nagiging matigas ang iyong katawan, na nagpapahirap sa iyong kapareha na akayin ka sa mga hakbang ng sayaw. Ngunit kung magluluwag ka, umimbay sa musika, at hayaan ang iyong kapareha na maging gabay, aakayin ka niya sa isang maganda, kaakit-akit, maindayog na sayaw.

Kung hahayaan mong mangyari ito, mabilis kang matututong sumayaw nang kasing ganda ng iyong kapareha, pakiramdam mo ang iyong mga paa ay gumagalaw nang maganda sa buong bulwagan habang tinatamasa mo ang ritmo ng sayaw.

Humawak ka sa Aking Mga Kamay

Sa pagninilay-nilay sa larawang iyon, naramdaman kong parang sinasabi ng Diyos: “Ikaw at Ako ay magkatuwang sa sayaw na ito ng buhay, ngunit hindi tayo makakasayaw nang mabuti nang magkasama kung hindi mo ako pahihintulutan na pangunahan ka. Ako ang dalubhasa, na gumagabay sa iyo upang maging mahusay ka kung susundin mo Ako, ngunit hindi Ko magagawa ito kung pipilitin mong panatilihin ang pagkontrol. Sa kabaligtaran, kung isusuko mo ang iyong sarili at hahayaan Akong pangunahan ka sa sayaw na ito, pananatilihin Ko ang iyong kaligtasan, at makakapagsayaw tayo nang maganda. Huwag kang matakot na matisod sa Aking mga paa dahil alam Ko kung paano ka gagabayan. Kaya, ipagkatiwala mo ang iyong sarili sa Aking yakap at samahan Ako sa sayaw na ito nang magkasama. Saan man tayo dalhin ng musika, ituturo ko sa iyo ang daan.”

Habang pinag-iisipan ko ang mga kaisipang ito, nadama ko ang isang malalim na pasasalamat sa Diyos, na palaging naroroon sa aking buhay, na umaakay sa akin sa sayaw na ito. Alam niya ang bawat iniisip at hangarin ko at hinding-hindi nagkukulang na isakatuparan ang mga ito sa paraang hindi ko inaasahan (Awit 139).

Sinasamahan ng Diyos ang bawat isa sa atin sa sayaw na ito ng buhay, laging handang kunin tayo sa Kanyang mga bisig upang gabayan tayo nang buong kadalubhasaan. Ang ilan sa atin ay mga baguhan, nagsasagawa pa rin ng mga maliliit na hakbang, habang ang iba ay sapat na ang kaalaman upang tulungan ang iba, ngunit wala ni isa sa atin ang napakahusay na para kayaning lumayo sa nangungunang mananayaw.

Mas Masaya, Mas Hindi Nababalisa

Kahit na ang Ating Ina, ang perpektong kapareha ng Diyos sa pagsasayaw, ay alam na ang kanyang kadalubhasaan sa sayaw ay nagmumula sa pagsunod sa Kanyang bawat kilos nang may perpektong biyaya. Mula sa murang edad, tinanggap ni Maria ang Kanyang mapagmahal na yakap, ganap na sinusunod ang Kanyang pamumuno kahit sa pinakamaliliit na mga bagay. Ang kanyang tainga ay nakatuon sa ritmo ng makalangit na musika upang hindi siya makagawa ng maling hakbang.

Si Maria ay ganap na kaisa ng Diyos sa isip at puso. Ang kanyang kalooban ay lubos na naaayon sa Diyos kaya’t nasabi niya: “Maganap nawa sa akin ang ayon sa Iyong kalooban” (Lukas 1:38). Kung ano ang gusto ng Diyos ay iyon din ang gusto ni Maria.

Kung bibitawan muna natin ang ating pagnanais na paglingkuran ang ating sarili at, tulad ni Maria, mawawala ang ating sarili sa yakap ng Panginoon, ang ating buhay ay magiging mas malaya, mas masaya, mas makabuluhan, at hindi gaanong mababalisa, malulumbay, at manlulumo.

'

By: Father Peter Hung Tran

More
Feb 21, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Feb 21, 2024

Gaano kadalas tayo nag-iisip na hindi magkaroon ng sapat na panahon upang gawin ang mga bagay na nais natin? Ngayong Bagong Taon, tayo ay gumawa ng pagkakaiba.

Hindi kailanman ako naging sino sa paggawa ng pagpapasiya sa Bagong Taon.  Napaalalahanan ako nito habang nakatungin sa salansan ng mga hindi pa nababasang aklat na nag-iipon ng alikabok sa aking mesa, na binili sa mga nakaraang taon sa isang mapaghangad ngunit kahabag-habag na nabigong pagtatangka.  Ang isang aklat sa isang buwan ay naging isang salansan ng mga hindi pa nababasang mga layunin. Ako ay nagkaroon ng isang milyong dahilan kung bakit hindi ako naging matagumpay sa aking resolution, ngunit ang kakulangan ng oras ay hindi isa sa mga ito.

Sa pagbabalik-tanaw ngayon sa mga taon na lumisan na may bahagyang pagkabigo sa aking sarili, napagtanto kong talagang magagamit ko sana nang mas mahusay ang aking oras.  Gaano kadalas sa aking buhay idaing ko ang tungkol sa kawalan ng sapat na pnahon upang gawin ang mga bagay na nais ko?  Tiyak, higit pa sa mabibilang ko!

Ilang taon na ang nakakalipas, nakaupo sa tabi ng aking asawa sa ospital noong Bisperas ng Bagong Taon habang tinatanggap niya ang kanyang nakagawiang paggamot, isang bagay ang humila sa aking puso.  Minamasdan sa kanyang di- maginhawang pagkakabit sa kanyang pagbubuhos sa ugat, napansin ko na ang kanyang mga mata ay nakapikit, at ang kanyang mga kamay ay nakatiklop sa panalangin.  Waring nararamdaman ang nagtatanong kong titig, bahagyang iminulat niya ang isang mata at, habang nakasilip sa akin, tahimik na bumulong: “Bawat isa.”

Paano man, nabasa niya ang nasa isip ko.  Madalas naming ipagdasal ang mga nasa paligid namin na sa tingin namin ay nasasaktan o nangangailangan ng panalangin, ngunit ngayon, nakaupo kaming mag-isa, at nagugulumihanan ako kung sino ang ipinagdadasal niya.  Nakakalunos at makapukaw- damdamin na isiping siya ay nagdadasal para sa “lahat” at hindi lamang sa mga inaakala naming maaaring makikinabang sa mga panalangin dahilan sa kanilang panlabas na anyo.

Bawat isa—ang bawat isa sa atin ay nangangailangan ng mga panalangin.  Lahat tayo ay nangangailangan ng biyaya at awa ng Diyos anuman ang imaheng ipapakita natin sa mundo.  Ito ay malamang na totoo, lalo na ngayon na napakadaming tao ang tahimik na dumadanas ng kalungkutan, suliranin sa pananalapi, at kahit na mga pakikibaka sa kalusugan ng isip na kadalasang nakatago.

Walang tunay na nakakaalam kung ano ang pinagdadaanan, pinagdaanan, o pagdadaanan ng ibang tao.  Gaano kaya kamakapangyarihan kung ipagdadasal nating lahat ang isa’t isa?  Gaano ito makapagpapabago sa buhay, makapagpapabago sa mundo.  Kaya ngayong Bagong Taon, nagpapasiya akong gamitin ang aking mga bakanteng sandali sa makatwiranan at maalalahaning paraan—mapagdasal na isasaalang-alang ang mga pagdurusa at pangangailangan ng iba, iyong iba na kilala ko, iyong mga hindi ko kilala, iyong mga nauna sa akin, at iyong mga na dadating pa sa tagal ng panahon.

Ipagdadasal ko ang lahat ng sangkatauhan, nagtitiwala na ang ating mahal na Diyos, sa kanyang masaganang awa at di-masusukat na pagmamahal, ay pagpapalain tayong lahat.

'

By: Mary Therese Emmons

More
Jan 24, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Jan 24, 2024

Sa mga oras ng problema naisip mo na ba kung mayroon lang akong tulong na hindi mo alam na mayroon ka talagang personal na pangkat na tutulong sa iyo?

Ang aking anak na babae ay nagtanong sa akin kung bakit hindi ako kamukha  tulad ng mga tipikal na Polish kung ako ay 100% Polish. Hindi ako nagkaroon ng isang magandang sagot hanggang sa linggo na ito, kapag natutunan ko na ang ilan sa aking mga magulang ay Goral na tagabundok.

Ang Goral tagabundok nanirahan sa mga bundok sa tabi ng timog na hangganan ng Poland. Sila ay kilala para sa kanilang pag-iisip, pag-ibig ng kalayaan, at natatanging dress, kultura, at musika. Sa kasalukuyang ito, ang isang partikular na Goral folk song ay patuloy na naglalaro muli at muli sa aking puso, kaya kaya na ibinigay ko sa aking asawa na ito ay, sa katunayan, tinawag sa akin bumalik sa aking sariling bansa. Ang pag-aaral na ako ay may ninuno na Goral ay sa katunayan na ginawa ang aking puso pumailanglang!

Ang Paghahanap Para sa Mga Ugat

Ako ay naniniwala na mayroong ilang pagnanais sa loob ng bawat isa sa amin upang makipag-ugnayan sa aming mga ugnayan. Ito ay nagpapaliwanag ng maraming mga lugar pinag-angkanan at DNA-pagsusuri negosyo na lumitaw sa kamakailan-lamang. Bakit ito?

Marahil ito ay nagmula sa isang pangangailangan upang malaman na tayo ay bahagi ng isang bagay na mas malaki kaysa sa ating sarili. Kami ay naghihintay para sa kahulugan at koneksyon sa mga nagmula sa amin. Ang pagkatuklas ng aming mga angkan ay nagpapakita na tayo ay bahagi ng isang mas malalim na kasaysayan.

Hindi lamang na, ngunit ang pagkilala ng aming mga magulang ay nagbibigay sa amin ng isang kahulugan ng identidad at solidaridad. Lahat namin ay dumating mula sa isang lugar, kami ay nasa ilang lugar, at kami ay sa isang paglalakbay sama-sama.

Ang pag-iisip sa ito ay nagpaalam sa akin kung paano mahalaga ang pagtuklas ng ating espirituwal na mana, hindi lamang ang ating pisikal na. Sa katunayan, ang mga tao ay katawan at kaluluwa, laman at espiritu. Maraming benepisyaryo sa atin na malaman ang mga Banal na yumao na bago sa atin. Hindi lamang dapat nating malaman ang kanilang mga kasaysayan, kundi dapat din nating maunawaan ang mga ito.

Paghahanap ng Koneksyon

Kailangan kong ipagkatiwalaan, hindi ko palaging mahusay ang pagsasanay sa pagtanong-para-sa-intercession- ng isang santo. Ito ay tiyak na isang bagong pagdaragdag sa aking rutina ng panalangin. Ang ipinagkaloob sa akin sa katotohanan na ito ay ang payo ni San Felipe Neri: “Ang pinakamahusay na gamot laban sa espirituwal na kagutom ay ang paghahatid ng ating sarili na gaya ng mga mangangasiwa sa presensya ng Dios at ng mga Banal. At pumunta tulad ng isang mangmang mula sa isa sa isa at humingi ng espirituwal na almas na may parehong pagsisikap na ang isang mahihirap na tao sa kalye ay tumingin para sa almas.”

Ang unang hakbang ay upang malaman kung sino ang mga Banal. Mayroong maraming mga magandang mga mapagkukunan sa onlayn. Ang isa pang paraan ay basahin ang Biblia. May mga malakas na tagapamahala sa parehong Lumang at Bagong Tipan, at maaari mong may kaugnayan sa isa higit pa kaysa sa iba. Bukod dito, mayroong maraming mga aklat tungkol sa mga Banal at ang kanilang mga kasulatan. Manalangin ka para sa patnubay, at dadalhin ka ng Dios sa iyong personal na grupo ng mga tagapagsalita.

Halimbawa, tinanong ko ang Santo David na Hari para sa tulong sa aking ministeryo ng musika. Ang Banal na Jose ay sa akin kung ako’y sumampalataya para sa aking asawa at para sa pagkilala sa trabaho. Manalangin ko ang tulong ng Banal na Juan Pablo II, San Pedro, at San Pio X kapag narinig ko ang tawag na manalangin para sa Iglesia. Ako’y nanalangin para sa mga ina sa pamamagitan ng pananalangin ng Saint Anne at Saint Monica. Sa panalangin para sa mga pangangaral, minsan ay tinatawag ko ang Banal na Teresa at Santo Padre Pio.

Patuloy ang listahan. Ang Banal na Carlo Acutis ay ang aking pag-go-to para sa mga problema sa teknolohiya. Ang mga Santo Jacinta at Santo Francisco ay nagtuturo sa akin tungkol sa panalangin at kung paano mas mahusay na maghandog ng mga handog. Ang Banal na Juan ang Ebanghelista ay tumutulong sa akin na lumago sa kontemplasyon. At ako ay magiging negligenteng hindi sabihin na ako madalas nagtanong para sa intercession ng aking mga magulang. Sila ay nagsipanalangin para sa akin habang sila ay sa lupa, at alam ko na sila ay nagsisampalataya para sa ako sa walang hanggan na buhay.

Ngunit ang aking mga paboritong tagapagsalita sa lahat ng panahon ay palaging ang ating minamahal na Banal na Ina.

Isang Panalangin Lang Ang Layo

Kung sinuman natin ginugugol ang ating oras ay saligan. Inihuhubog tayo sa pagigiging ating pagkatao.. May katotohanan ay may isang “mga alapaap ng mga saksi” na naglalapit sa amin na kami ay konektado sa sa isang tunay na paraan (Hebrews 12:1). Maghanap tayo upang maunawaan ang mga ito mas mahusay. Maaari naming magpadala ng mga simpleng panalangin ng puso tulad ng, “Santo t ____, Gusto kong malaman ang iyo. Mangyaring tulungan mo ako.”

Hindi tayo inaasahan na gawin ito-isa sa paglalakbay sa pananampalataya. Kami ay nagliligtas bilang isang grupo ng mga tao, bilang katawan ni Kristo. Sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga Banal, natagpuan namin ang parehong isang kompas na nagbibigay ng direksyon at tanging tulong upang maglakbay nang ligtas sa ating Langitang bahay.

Hayaan ang Espiritu Santo tumulong sa atin na makipag-ugnayan sa ating mga espirituwal na ugat upang tayo ay makakasakop sa mga Banal at magpapatuloy ng walang hanggan bilang isang maluwalhating pamilya ng Dios!

'

By: Denise Jasek

More
Jan 24, 2024
Magturo ng Ebanghelyo Jan 24, 2024

Mayroon lang isang bagay tungkol sa isang sanggol. Kung ang isang sanggol ay ipinakilala sa isang masikip na silid lahat ay nais na makita siya. Ang mga pag-uusap ay titigil ang mga ngiti ay kakalat sa mga mukha ng mga tao ang mga braso ay lalapit upang hawakan ang bata. Kahit na ang pinakamalupit at pinaka-curmudgeonly denizen ng silid ay iguguhit patungo sa sanggol. Ang mga tao na ilang sandali pa ay nakikipagtalo sa isat isa ay magbubulungan at gagawa ng nakakatawang mukha sa sanggol. Ang mga sanggol ay nagdadala ng kapayapaan at kagalakan; ito lang ang ginagawa nila.

Ang sentro at hindi pa rin nakakakaba na kakaibang mensahe ng Pasko ay ang Diyos ay naging isang sanggol. Ang makapangyarihang Tagapaglikha ng sansinukob ang lupa ng kaunawaan ng mundo ang pinagmumulan ng may hangganang pag-iral ang dahilan kung bakit mayroong isang bagay sa halip na wala—ay naging isang sanggol na napakahina para iangat ang kanyang ulo isang mahinang sanggol na nakahiga sa sabsaban. kung saan kumakain ang mga hayop. Sigurado ako na lahat ng tao sa paligid ng kuna ng batang si Kristo—ang kanyang ina si Santo Hose  ang mga pastol ang Magi—ay ginawa ang palaging ginagawa ng mga tao sa paligid ng mga sanggol: ngumiti sila at humihikbi at gumawa ng mga nakakatawang ingay. At mas lalo silang napalapit sa isat isa dahil sa kanilang pag-aalala para sa bata.

Dito makikita natin ang isang paghagod ng banal na henyo. Sa buong kasaysayan ng Israel sinisikap ng Diyos na akitin ang Kanyang piniling mga tao sa Kanyang sarili at dalhin sila sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa isat isa. Ang buong layunin ng Torah ang Sampung Utos ang mga batas sa pagkain na nakabalangkas sa aklat ng Lebitico ang pangangaral ng mga propeta ang mga tipan kay Noah, Moises, at David at ang mga sakripisyong inialay sa templo ay para lamang sa pagpapaunlad ng pakikipagkaibigan kay Diyos at higit na pagmamahal sa Kanyang mga tao. Ang isang malungkot ngunit pare-parehong tema ng Lumang Tipan ay sa kabila ng lahat ng mga pagsisikap at institusyong ito ang Israel ay nanatiling malayo sa Diyos: Binalewala ang Torah sinira ang mga tipan sinuway ang mga utos nasira ang templo.

Kaya sa kasaganaan ng panahon ipinasiya ng Diyos hindi upang takutin kami o utusan kami mula sa itaas ngunit sa halip na maging isang sanggol sapagkat sino ang makakalaban sa isang sanggol? Sa Pasko ang sangkatauhan ay hindi na tumingala para makita ang mukha ng Diyos kundi pababa sa mukha ng isang maliit na bata. Ang isa sa aking mga espirituwal na bayani si Santa Therese ng Lisieux ay kilala bilang ‘Thérèse ng Batang Hesus.’ Madali lang na bigyang sentimental ang katawagang ito ngunit dapat nating labanan ang tuksong iyon. Sa pagkilala sa kanyang sarili sa sanggol na si Kristo si Therese ay banayad na nagsisikap na ilabas ang lahat ng kanyang nakilala sa kanilang sarili at sa isang saloobin ng pagmamahal.

Kapag naunawaan natin ang mahalagang dinamikong ito ng Pasko ang espirituwal na buhay ay nagbubukas sa isang bagong paraan. Saan natin matatagpuan ang Diyos na hinahanap natin? Ginagawa natin ito nang malinaw sa mga mukha ng mga mahina mahirap walang magawa parang bata. Ito ay medyo madali upang labanan ang mga pangangailangan ng mayayaman matagumpay at sapat sa sarili. Sa katunayan malamang na makaramdam tayo ng sama ng loob sa kanila. Ngunit ang maralita ang nangangailangan ang mahihina—paano natin sila tatalikuran? Iginuhit nila tayo—tulad ng ginagawa ng isang sanggol—sa ating pag-aalala sa sarili at sa espasyo ng tunay na pag-ibig. Ito ay walang alinlangan kung bakit napakaraming santo—Francis ng Assisi Elizabeth ng Hungary John Chrysostom Mother Teresa ng Kolkata kung ilan lamang—ay naakit sa paglilingkod sa mahihirap.

Sigurado ako na karamihan sa mga nagbabasa ng mga salitang ito ay magtitipon kasama ang inyong mga pamilya para sa pagdiriwang ng Pasko. Lahat ay naroroon: Nanay at Tatay mga pinsan mga tiyuhin at mga tiyahin marahil mga lolot lola at lolot lola ilang mga kaibigan na malayo sa kanilang tahanan. Magkakaroon ng maraming pagkain maraming tawanan maraming buhay na buhay na pag-uusap malamang na isang mabangis na argumento sa politika o dalawa. Ang mga mapakaibigan ay magkakaroon ng isang kahanga-hangang oras; ang mga tahimik ay mahahanap ang lahat ng ito ng kaunti pang mapaghamong. Handa akong tumaya na sa karamihan ng mga pagtitipon na ito sa isang punto isang sanggol ang dadalhin sa silid: ang bagong anak apo apo sa tuhod pinsan pamangkin ano ang mayroon ka. Maaari ko bang himukin ka sa taong ito na maging partikular na matulungin sa kung ano ang ginagawa ng sanggol na iyon sa lahat na mapansin ang nakakagayumang kapangyarihan na mayroon siya sa buong  halo halong pangkat? At pagkatapos ay inaanyayahan ko kayong tandaan na ang dahilan kung bakit kayo nagtitipon ay upang ipagdiwang ang sanggol na Diyos. At sa wakas hayaan ang iyong sarili na maakit ng kakaibang magnetismo ng banal na batang iyon.

'

By: Bishop Robert Barron

More