Home/Makatawag ng Pansin/Article
Trending Articles
Pabalik na si Padre Jerzy sa Warsaw matapos mag-alay ng Misa. Pinahinto ng tatlong opisyal ng serbisyo sa seguriday ang sasakyan, kinuha ang susi, at kinaladkad siya palabas. Marahas siyang pinaghahampas ng mga opisyal, ikinulong sa likudan ng sasakyan, at rumagada na kasama siyang nasa loob. Ang tsuper ay tumakbo sa lokal na simbahan upang ipaalam sa mga may- kapangyarihan ang pangyayari. Samantala, nagsimulang sumigaw si Jerzy at muntik nang mabuksan ang likudan. Nang mapuna ang panganib, agad na inihinto ng mga mama ang sasakyan upang isara ang likudan, ngunit nakatakas siya at tumakbo sa kakahuyan. Sinundan siya at nahuli sa bandang huli, pagkatapos ay nagtungo sa imbakang-tubig ng Vistula River kung saan si Jerzy ay mahigpit na itinali. Ang mga damit ay ipinalaman sa kanyang bibig at nakaplaster ang ilong. Matapos itali ang kanyang mga paa sa isang bag ng mga bato, itinapon nila siya sa imbakang-tubig. Ito ang pangalawang pagtatangka sa kanyang buhay sa loob ng anim na araw.
Ang Polish na paring ito ay inordenan noong ika-28 ng Mayo 1972, sa katindhain ng rehimeng Komunista. Ang unang larawan ng kanyang Misa ay naglahad ng di malilimutang mga salita: “Ipinadala ako ng Diyos upang maipangaral ko ang Ebanghelyo at pagalingin ang mga pusong sugatan.” Ang kanyang buhay-pagkapari ay tunay na saksi ng mga salitang ito.
Tinaguyod niya ang mga naaapi at nangaral ng sermon na nagpapaliwanag sa mga umiiral na mahirap na kalagayang pampulitika sa pamamagitan ng pagpapakilala ng Ebanghelyo, na kaagad ay naging isa sa mga pangunahing asinta ng pamahalaan. Ang mga pagtatanong, maling paratang, at pagdakip ay nangyari nang madaming ulit, ngunit kahit na sa kanyang huling pangaral, ang pasiya niya ay ang”magdasal upang tayo ay malaya sa takot, pananakot, at higit sa lahat, pagkauhaw sa paghihiganti at karahasan.” At kasama nito, buong tapang siyang lumakad patungo sa kanyang pagkamartir nang walang takot o galit!
Sampung araw matapos ang pangyayari, noong Oktubre 29, ang kanyang halos hindi na makilalang katawan ay natagpuan sa ilog .Noong ika-2 ng Nobyembre, nang ang kabataang mandirigmang ito na sa wakas ay inihimlay, humigit-kumulang na 800,000 katao ang dumating upang magpaalam sa kanya. Siya ay taimtim na hinayag na Santo sa harap ng kanyang 100-taong-gulang na ina noong 2010, at inalala bilang “isang pari na tumugon sa mga tanda na natanggap mula sa Diyos at sa loob ng madaming taon, ay naging nahinog sa edad para sa kanyang pagiging martir.”
Nawa’y ang martir na ito, na matatag na nagtanim ng Katolisismo sa kanyang sariling bayan, ay magbigay ng inspirasyon sa atin na mag-alab para sa Kaharian ng Diyos, hindi lamang sa kamatayan kundi maging sa buhay.
Shalom Tidings
Ang Pasko ay sinasamahan ng pagkakaroon ng mga handog para sa bawa’t isa, ngunit ang handog ba ang talagang may kinalaman? Palakdaw-lakdaw na nag-uusisa noong mga taóng lumipas sa isang tindahan ng Kristiyanang mga aklat kasama ng aking kasintahan ng panahong yaon, ang mga mata namin ay lumapag sa iisang larawan nang sabayan sa yaong tagpo. Ito’y isang malaki't makulay na paglalarawan ni Hesus na pinamagatang The Laughing Christ; na may ulo Niyang di-gaanong nakatapong pabalik, nakalugaygay nang kaunti ang madilim na kayumangging buhok na kumukulot, mga matang nangingislap sa tuwa! Ito’y ganap na kabigha-bighani! Nakita namin ang aming sarili na nakatitig sa di-gaanong tuwid na ngiti sa ilalim ng paksa ng kaakit-akit na tanaw ng larawan. O, sadyang nakaaanyaya! Sadyang nakatatanggap! Pagkaakit-akit! Sa pagsulyap mula sa pagkakawig na ito tungo sa isa’t isa, napamahagi namin ang pananabik na nadama ng isa’t isa sa pagtuklas nitong kakaibang pagpapakita ng tao na kapwa naming nakilala at napagkakatiwalaan sa huling mga ilang taon. Kaming dalawa'y napalaki nang may mga estatwa at mga larawan ni Hesus sa aming kinaukulang mga tahanan, ngunit Siya ay palaging naisasalarawan na bilang taimtim, tila nakahiwalay sa buhay na karaniwan alam namin. Bagama’t pinaniwalaan namin na ang taong ipinapakita sa mga larawang ito ay tunay na nanahan sa lupang ito at mandi’y nagdasal sa Kanya kapag mayroon kaming pangangailangan, ang panarili naming mga pananampalataya ay kamakailan lamang ay naging napakatunay… napakabuháy, pati. Itong sapantaha ng pintor ay napaaninag na paano ang Panginoon sa kapwa naming pagtuklas ay magiging sino Siya sa aming mga buhay—isang taong kasama naming mapagbabahaginan ng aming buhay, isang taong nagmahal sa amin sa paraang hindi pa namin nalalaman noong dati, isang taong nagpahayag ng Kanyang sarili nang kami’y nagdasal. Bilang kinahinatnan, ang aming pag-unawa ng Diyos ay nagbago mula sa pawang pangkatalinuhang pagsang-ayon ng Kanyang pag-iral tungo sa isang karanasan ng isang buháy, tumutugon at kahanga-hangang kaibigan; aming pinakamabuting kaibigan. Kahit sa paglisan namin ng tindahan pagkalipas ng ilang sandali, ang aming masiglang pag-uusap ng paglalarawang ito ay nagpatuloy. Ginapi nito ang aming mga puso, kahit wala sa aming dalawa ang nag-akmang bilhin ito. Matapos akong makauwi, nalaman kong dapat na balikan at bilhin ko itong larawan. Lumipas ang ilang mga araw, yao'y alinsunod na ginawa ko, maingat na ibinalot ito, at sabikang naghintay para sa pagsapit ng Pasko. Handog ng Karangalan Ang mga araw ay lumipas hanggang sa wakas, Bisperas na ng Pasko. Kasama ng mga pamaskong awit sa paligid, umupo kami sa sahig katabi ng masukal na huwarang pamaskong puno na inialay sa akin ng ina ko. Nang ibinigay ko ang aking handog sa aking sinisinta, naghintay ako nang may pag-aasam na marinig ang pagkalugod niya habang kanyang tinitiktikan ang bagong relo, ito’y inilagay ko sa paa ng pinalamanang maliit na munting laruang aso na listong magdadala ng orasan. Isang paungot na 'salamat' ang narinig kong sagot lamang. Hindi bale, hindi yaon ang handog na alam kong magiging ganap. Ngunit dapat munang buksan ko ang kanyang handog sa akin. Habang inaabot ko upang tanggapin ito, ako’y bahagyang natuliro. Ito’y napakalaki, parihaba, at patag. Nang sinimulan kong buksan ito, hinihila ang pambalot na papel paalis mula sa regalo, nakita kong biglaan ang… aking larawan?! Kagaya ng binili ko nang palihim para sa kanya? Oo,yaon nga ito! The Laughing Christ. Ang larawang naibigan ko nang labis ngunit sa halip na maging galak, ako’y nabigo. Ito ang dapat na regalo niya. Ang tanging alam kong ganap na ninais niya. Sinubukan kong itago ang aking pagkabigo, lumalapit upang bigyan siya ng halik habang pinahahayag ko ang aking paghahalaga. Pagkaraa'y inilalabas ko ang aking regalong naibalot ko nang maingat na ikinubli ko sa puno, ibinigay ko ito sa layon ng aking pag-ibig. Binuksan niya ito, pinipilas nang mabilis ang papel, ipinakikita ang laman ng pakete. Ang mukha niya ay may-pagkamasaya… o hindi ba? O kaya ito'y bahagyang yukayok tulad ng hitsura ng aking mukha kung hindi ko ito pinaghirapang ikubli sa pagkabigo ko mula sa kanya noong pagkakataon ko nang buksan ang isang handog? Ay naku, kusa naming winika ang tamang mga salita, mangyari pa, ngunit kahit papaano ay natanto namin na ang mga handog na tinanggap mula sa isa’t-isa’y hindi makahulugang napalapit sa aming inaasahan. Ang paghahandog ng yaong regalo ang kapwa naming pinaghandaan nang lubusang pag-aabang. Ipinaaninag nito ang Kristo na kapwa naming naranasan at ang aming hangad na ipamahagi kung sino ang bawa’t isa sa amin na narating upang makilala. Yaon ang kung saan natagpuan ang ligaya, hindi sa pagkakaroon ng pagtatagpo ng mga nais, ngunit ang pagtutupad ng mga nais ng iba. Sa takdang panahon, ang ugnayan ko sa binatang yaon ay nagwakas. Habang ito’y masakit, ang maligayang larawan ni Hesus ay patuloy na sumakop sa isang bahagi ng karangalan sa aking pader. Ngayon, ito’y higit pa bilang isang paglalarawan, at lalong higit pa sa isang lalaki lamang. Ito’y nananatili bilang isang tagapaalala ng Isa na kailanma’y hindi ako lilisanin, ang Isa na may pakikipag-ugnayan sa akin, ang Isa na magpapawi ng mga luha ko nang maraming ulit sa mga taóng dumaraan. At higit sa yaon, ang Isa na gayong pagmumulan lagi ng tuwa sa aking buhay. Matapos ang lahat, Siya ang buhay ko. Yaong mga matang lukot ay nakilala ang mga akin. Pagkaraan, yaong nakakaakit na ngiti ay inanyayahan ang mga sulok ng aking bibig na humilang pataas. At sa ganoon lamang, ako’y tumatawa katabi ng aking Pinakamabuting Kaibigan.
By: Karen Eberts
MoreHindi ko alam ang kanilang wika o ang kanilang emosyonal na dinaramdam...Paano ako makikipag-ugnay sa kanila? Noong Huwebes, Pebrero 22, 2024, ay ang isang araw na hindi ko malilimutan. Ika- 05:15 ng umaga, kasama ang ilan sa aking mga kasamahan sa Catholic Social Services, hinintay ko ang pagdating ng 333 mga takas mula sa Ethiopia, Eritrea, Somalia, at Uganda. Ang Egyptian Airlines ay pinagkatiwalaang ilipad sila sa Entebbe, Uganda, patungong Cairo, Egypt, at sa wakas sa kanilang Canadian punto ng pagpasok , Edmonton. Bigla, ang mga pinto sa kabilang dulo ay bumukas at ang mga pasahero ay nagsimulang magsilakad patungo sa amin. Hindi malaman kung paano magsalita ng kanilang mga wika, nakaramdam ako ng matinding kahinaan ng loob. Paano kaya mangyaring ako, na isang may kakayanan, na isinilang sa Canada, isang hindi kailanman gumugol ng isang sandali sa isang kampo ng mga takas , ay makakayang batiin ang pagod, umaasa, at nangangambang mga kapatid na babae at lalaki sa paraang makapagsasabing: "Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan" ...? Tinanong ko ang isa sa aking mga kasamahan na nagsasalita ng limang wika: “Ano ang masasabi ko?” "Sabihin mo lang, Salam, sapat na iyon." Habang sila'y papalapit, sinimulan kong sabihin: "Salam" habang may ngiti sa aking mga mata. Napansin ko na madami ang yuyuko at ilalagay ang kanilang kamay sa tapat ng kanilang puso. Sinimulan kong gawin ang kaparis. Habang papalapit ang isang kabataang mag-anak na may 2-5 anak, yumuko ako kapantay ng kanilang taas at nag-alok ng tanda ng kapayapaan. Kaagad, tumugon sila ng isang malaking ngiti, ibinalik ang tanda ng kapayapaan, tumakbo sa akin, tumingala gamit ang kanilang napakarilag na kayumangging mga mata, at niyakap ako. Kahit na sa pagkukuwento ko sa mga mahahalagang sandaling ito, naluluha ako. Hindi kailangan ng isang tao ang wika upang mailahad ang pagmamahal. "Ang wika ng Espirito ay ang wika ng puso." Pag-aabot Ng Kamay Matapos maipila ang lahat sa Bulwagan ng Adwana nagsibaba ang aming pangkat at nagsimulang mamigay ng mga bote ng tubig, granola bar , at mga dalandan. Napansin ko ang isang nakatatandang babaeng Muslim, marahil 50-55 taong gulang, na nakayuko sa kanyang troli, sinusubukang itulak ito. Nilapitan ko siya at binati ng 'Salam' at ngumiti. May pa-senyas , sinubukan kong magtanong kung maari ko bang tulungan syang itulak ang troli. Umiling siya: “Hindi.” Anim na oras ang lumipas, sa labas ng Bulwagan ng Adwana , ang mga tao ay nakaupo sa iba't ibang dakong nakakordon; 85 na lang ang matitira sa Edmonton at naghihintay ng pamilya o mga kaibigan para sila'y salubungin at maiuwi. Ang ilan ay sasakay ng bus upang dalhin sa ibang mga lungsod o bayan, at ang iba ay magdamag sa isang hotel at lilipad sa kanilang huling paroroonan kinabukasan. Para doon sa mga isasakay sa bus patungo sa ibang mga lungsod sa Alberta, apat hanggang pitong oras na biyahe ang naghihintay sa kanila. Ang nakatatandang babaeng Muslim na nakita ko sa Bulwagan ng Adwana , natuklasan ko, ay lilipad patungong Calgary kinabukasan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, at ang buong mukha niya ay nagningning. Habang papalapit ako sa kanya,sabi niya sa putol-putol na Ingles: "Mahal mo ako." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, tumingin sa kanyang mga mata, at sinabi: "Oo, mahal kita at mahal ka ng Diyos/Allah." Ang babaeng katabi niya, na natuklasan kong anak nya, ay nagsabi sa akin: “Salamat. Ngayon ay masaya na ang ina ko." May luha ang mga mata, pusong puno ng kagalakan, at pagod na pagod na mga paa, nilisan ko ang Edmonton International Airport, lubos na nagpapasalamat sa isa sa pinakamagagandang karanasan ng aking buhay. Maaaring hindi ko na siya makakatagpong muli, ngunit lubos akong nakakatiyak na ang ating Diyos na ang sagisag ng magiliw, mahabagin na pag-ibig ay ginawa itong nakikita at nasasalat para sa akin sa pamamagitan ng aking magandang kapatid na Muslim. Noong 2023, mayroong 36.4 milyongmga takas na naghahanap ng bagong tinubuang-bayan at 110 milyong tao ang lumikas dahil sa digmaan, tagtuyot, pagbabago ng klima, at higit pa. Araw-araw, nakakadinig tayo ng mga komento tulad ng: "Magtayo ng mga pader," "Isara ang mga hangganan," at "Ninanakaw nila ang aming mga trabaho." Umaasa ako na ang aking salaysay, sa maliit na paraan, ay makakatulong sa mga tao na higit na maunawaan ang eksena ng Mateo 25. Tinanong ng mga matuwid si Hesus: “Kailan, Panginoon, Diyos, namin ginawa ang lahat ng ito para sa Iyo?” at sumagot Siya: “Sa tuwing inyong ginawa sa isa dito sa Aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ginawa ninyo ito sa Akin.”
By: Sr. Mary Clare Stack
MoreNagdatingan ang mga krus nang sunod-sunod, ngunit ang awa ng Panginoon ay hindi kailanman nabigo sa mag+anak na ito! Nagsilang ako sa aking panganay sampung taon na ang lumipas, at kami ay tuwang-tuwa! Naaalala ko pa ang araw; tuwang-tuwa kaming malaman na ito ay isang sanggol na babae. Hindi ako makapagpasalamat ng sapat sa Panginoon para sa Kanyang mga pagpapala sa aking mag-anak. Tulad ng bawat ina, pinangarap kong bumili ng mga nakatutuwang baro, ipit, at booties para sa aking maliit na manika. Pinangalanan namin siyang ‘Athalie,’ ibig sabihin ay ‘Ang Diyos ay dakila.’ Pinupuri namin ang Diyos dahil sa Kanyang magandang regalo. Lingid sa aming kaalaman na di magtatagal ang kagalakan namin ay mauuwi sa matinding kalungkutan o na ang aming panalangin ng pasasalamat ay mapapalitan ng mga pagsamo sa Kanyang awa para sa aming pinakamamahal na sanggol. Sa apat na buwang gulang, siya ay nagkasakit ng malubha. Sa dami ng pagsalakay ng seizure, iiyak siya ng ilang oras at hindi makatulog o makakain nang maayos. Matapos ang madaming pag-eksamen, nasuri siyang maykapansanan sa utak; nagdurusa din siya sa isang pambihirang uri ng malubhang childhood epilepsy na tinatawag na 'West Syndrome,' na lumiligalig sa isa sa bawat 4,000 na bata. Pabalik-balik Na Bagyo Ang pagsuri ay lubhang nakakagitla at nakakasugat ng puso para sa amin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bagyo. Ninais kong maging manhid ang aking puso sa kirot na dinadanas ko. Madaming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko. Ito ay simula pa lamang ng isang mahaba at mahirap na paglalakbay na kailanman ay hindi ako nakahandang akuin. Ang aking sanggol na babae ay patuloy na dumadanas ng mga seizure sa loob ng halos dalawa at kalahating taon. Sinubukan ng mga doktor ang madaming gamot, masakit na turok, at araw-araw na pagsusuri ng dugo. Ilang oras siyang iiyak at ang tanging magagawa ko lamang ay humiling na ipataw ng Diyos ang Kanyang awa sa aking anak. Pakiramdam ko ay wala akong magawa dahil hindi ko siya mabigyang-ginhawa sa anumang paraan. Ang buhay ay parang isang malalim at madilim na hukay ng paghihirap at kawalan ng pag-asa. Ang kanyang mga seizure sa kalaunan ay humupa, ngunit siya ay dumanas ng madaming pagkaantala sa pag-unlad. Habang umuusad ang paglalapat-lunas sa kanyan, isa pang nakakasindak na balita ang bumalot sa aming mag-anak. Ang aming anak na si Asher, na may pagkaantala sa pagsasalita at mga isyu sa pag uugali, ay nasuri na may mataas na gumaganang autism sa gulang na tatlo. Kami ay nasa bingit ng kawalang pag-asa; ang buhay ay naging napakabigat para sa amin bilang mga bagong magulang. Hindi maiintindihan o mararamdaman ng isa ang sakit na aming pinagdadaanan. Nakadama kami ng lungkot at pagka-aba. Gayunpaman, ang panahong ito ng kalungkutan at ang mapighating mga araw ng pagiging ina ay nagpalapit sa akin sa Diyos; Ang Kanyang Salita ay nagdulot ng kaginhawahan sa aking pagod na kaluluwa. Ang kanyang mga pangako, na binabasa ko ngayon nang may mas malalim na kahulugan at mas buong pang-unawa, ay nagpaganyak sa akin. Sulat-kamay Na May Patnubay Ng Espirito Iyon ay sa masalimuot na panahon ng aking buhay na hinayaan ako ng Diyos na magsulat ng mga blog na puno ng pananampalataya at nakakaganyak para sa mga taong dumadanas ng mga hamon at paghihirap na katulad ng sa akin. Ang aking mga artikulo, na sumibol mula sa mga pang-araw-araw kong debosyon, ay nagbahagi ng mga hamon ng kakaibang pagiging magulang at naglakio ng mga karanasan at pananaw ko sa buhay. Ginamit ng Diyos ang aking mga salita upang pagalingin ang madaming namimighating kaluluwa. Ako ay tunay na nagpapasalamat sa Kanya sa pagpaikot sa aking buhay na maging isang kapaki-pakinabang na sisidlan para sa Kanyang pag-ibig. Sasabihin ko na ang desperasyon sa karamdaman ng aming anak na babae ay nagpatibay sa pananampalataya ng aming mag-anak sa Diyos. Habang kami ng aking asawa ay nakipagsapalaran sa di- batid na landas ng naiibang paglalakbay na ito bilang magulang, ang kinailangan naming panghawakan ay ang mga pangako ng Diyos at ang pananampalataya sa aming mga puso na hindi kami iiwan o pababayaan ng Diyos. Ang dating tila mga tambak ng abo ay nagsimulang maging ganda ng kalakasan habang iniabot ng Diyos ang Kanyang biyaya, kapayapaan, at kagalakan sa amin sa panahon ng napakasakit at madilim na panahon ng aming buhay. Sa pinakamalungkot na sandali, ang paggugol ng oras sa Kanyang paanan ay nagdulot sa amin ng panibagong pag-asa at lakas ng loob upang sumulong. Tinugon Na Mga Panalangin Matapos ang mga taon ng paggagamot at walang katapusang mga panalangin, umayos na ngayon ang mga kombulsyon ni Athalie, ngunit patuloy siyang nagkakaroon ng malubhang anyo ng cerebral palsy. Hindi siya makapagsalita, makalakad, makakita, o makaupo nang mag-isa at lubos na umaasa sa akin. Kalilipat kamakailan lang sa Canada mula India, ang aming mag-anak ay kasalukuyang tumatanggap ng pinakamahusay na paggagamot. Ang malaking kaunlaran sa kanyang kalusugan ay ginagawang mas makulay ang aming buhay. Si Asher ay nasa labas na ng pagbukod-bukod, at siya ay ganap nang nakahabol sa kanyang pananalita. Matapos ang unang pagtanggi sa kanya ng madaming paaralan dahil sa kanyang kawalan ng sigasig, siya ay nag-aral sa bahay hanggang ikalimang baytang. Bagama't nagpapakita siya ng ilang tanda ng ADHD, sa awa ng Diyos, nakalista na siya ngayon sa ika anim na baytang sa isang pribadong paaralang Kristyano. Isang mahilig sa aklat siya ay nagpapakita ng kakaibang interes sa solar system. Nais na nais niyang matuto tungkol sa iba't ibang bansa, sa kanilang mga bandila, at mga mapa. Bagama't ang buhay ay puno pa din ng mga hamon, ang pag-ibig ng Diyos ang nagtutulak sa amin na maging magulang ng aming mga anak nang may pagmamahal, tiyaga, at kabutihan. Sa patuloy na pagyakap sa pananalig namin kay Hesus at pagtahak ng kakaibang landas na ito ng espesyal na pangangailangan ng pagiging magulang , naniniwala ako na may mga pagkakataon na mayroong mga dagliang sagot sa aming mga panalangin, at ang aming pananampalataya ay nagsisilbi at nagdudulot ng mga bunga. Ang mga panahong iyon, ang lakas at kapangyarihan ng Diyos ay ipinahayag sa ano mang ginagawa Niya para sa amin—ang tiyak na sagot sa aming mga panalangin. Sa ibang mga pagkakataon, ang Kanyang lakas ay patuloy na tumatanglaw sa amin, tinutulungan kaming matiis ang aming dinaramdam nang may katapangan, hinahayaan kaming madanasan ang Kanyang mapagmahal na awa sa aming mga paghihirap, ipinapakita sa amin ang Kanyang kapangyarihan sa aming mga kahinaan, tinuturuan kami na paunladin ang kakayahan at karunungan na tanggapin ang mga tamang hakbang, binibigyan kami ng kapangyarihan na magkuwento ng Kanyang lakas, at hinihikayat kaming saksihan ang Kanyang liwanag at pag-asa sa gitna ng mga paghamon.
By: Elizabeth Livingston
MoreSi John Taylor ay nasa kalagitnaan ng edad 50 nang umuwi siya isang araw mula sa isang laro ng golf at ibinahagi sa kanyang asawa ang kakaibang sakit na nasimulan niyang maranasan sa kanyang mga kamay. Di-nagtagal, na-diagnose siya ng Hodgkin's Lymphoma, isang bihirang uri ng cancer na dahan-dahang magpapababa sa kanyang matipunong katawan na maging balat at buto lamang sa loob ng 20 taon lamang. Habang lumalakas ang sakit, natanggal ang bahagi ng kanyang dila; hindi siya makapagsalita o makakain, kaya diretso siyang pinakakain sa pamamagitan ng tubo. Kahit na nahihirapan akong intindihin ang sinasabi niya, na-enjoy ko ang pakikisama niya. Siya ay may husay sa pagpa papatawa, at si Anne ay isang mahusay na tagapagluto, kaya nauuwi ako sa paggugol ng maraming gabi kasama ang pamilya. Noong 2011, sa kasagsagan ng kanyang karamdaman, ipinahayag ni John, na kabilang sa Church of Wales, ang kanyang pagnanais na maging isang Katoliko tulad ng kanyang asawang si Anne! Noong bisperas ng Pasko, isang misa ang idinaos para sa kanya sa kanilang sala. Sa oras ng Banal na Komunyon, nagbuhos ako ng isang maliit na pitsel ng Mahal na Dugo sa pamamagitan ng kanyang tubo na direkta sa kanyang tiyan upang maipagdiwang niya ang kanyang Unang Banal na Komunyon. Isa ito sa pinaka pambihirang Unang Banal na Komunyon na nakita ko at isa sa pinakamagandang Bisperas ng Pasko sa buhay ko. Ang alaala ng araw na iyon at ang pinagpalang mag-asawa ay nagpapaalala pa rin sa akin kung ano ang ginagawa ko bilang isang pari—ang pagdadala ng Katawang-tao at ang Mahal na Dugo ni Kristo sa mundo. Noong mga huling araw niya, dinudugo si John tuwing umaga, kaya kinailangang paulit-ulit na palitan ni Anne ang kanyang pantulog. Ito ay pambihira—habang ang estado ni Juan ay nagpapaalala sa akin ng ipinako si Kristo sa krus, si Anne ay isinaayos sa Birheng Maria na nakatayo sa tabi at nag-aalaga sa Kanya sa Kanyang pasyon. Inilibing namin si Anne noong nakaraang taon, mahigit isang dekada pagkatapos ng pagpanaw ni John. Sinabi ni Jesus na ang mga Banal ay magniningning na parang mga bituin sa Kaharian ng Diyos; ngayon, sa karagdagang dalawa pa, mas maliwanag ang kalangitan sa gabi.
By: Father Mark Byrne
More