Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 12, 2022 7398 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

ANO ANG MANGYAYARI SA MGA TAONG HINDI NANINIWALA KAY HESUS?

Tanong:

Totoo ba na si Hesu-Kristo ang tanging daan tungo sa kaligtasan?  Paano ang lahat nang hindi naniniwala sa Kanya, tulad ng ilan sa mga kaanib ng aking mag-anak?  Maiiligtas kaya sila?

Sagot:

Talaga naman, si Hesus ay tahasang umaangkin tungkol sa kung sino Siya.  Sinasabi Niya na Siya “ANG daan, ANG katotohanan, ANG buhay”—hindi lamang isang daan kabilang sa madami o isang landas patungo sa buhay.  Sinabi pa Niya na “Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.” (Juan 14:6).

Bilang mga Kristiyano, naniniwala tayo na si Hesu-Kristo lamang ang nag-iisang tagapagligtas ng mundo.  Ang sino mang nailigtas ay nakatagpo ng kaligtasan kay at sa pamamagitan ni Hesus—ang Kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, na nag-alis ng mga kasalanan ng mundo at nakapagkasundo sa atin sa ama; at sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya, na nagpapahintulot sa atin na makamit ang Kanyang mga kabutihan at awa.  Ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ni Hesus—hindi ni Buddha, hindi ni Mohammed, hindi ng iba pang dakilang espirituwal na pinuno.

Subalit nangangahulugan ba ito na ang mga Kristiyano lamang ang mapupunta sa Langit?  Batay iyan sa kung nadinig ng isang tao ang ebanghelyo o hindi.  Kung ang isang tao ay hindi pa nakadinig ng pangalan ni Hesus, sa gayon sila ay maliligtas, dahil ang Diyos ay naglagay sa bawat puso ng tao ng isang  isang kaangkupan para sa Diyos at likas na batas na ang likas na kahulugan ng tama at mali na nakasulat sa ating mga puso.  Ang sino mang hindi pa nakadinig ng ebanghelyo na maituro ay hindi masisisi sa kanilang kamangmangan kay Hesus, at sa paghahanap sa Diyos sa abot ng paraang kanilang nalalaman at sa pamamagitan ng pagsunod sa likas na batas, maaari silang pagkalooban ng biyaya ng kaligtasan.

Ngunit kung ang isang tao ay nakadinig na tungkol kay Hesus at piniling tanggihan Siya, sa gayon pinili nilang tanggihan ang kaligtasan na Kanyang pinanalunan para sa kanila.  Minsan pinipili ng mga tao na huwag sundin si Hesus dahil tatanggihan sila ng kanilang pamilya, o kailangan nilang talikuran ang isang makasalanang pamumuhay, o ang kanilang pagmamataas ay hindi nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang kanilang pangangailangan para sa isang Tagapagligtas.  Napakalungkot na talikdan ang hindi kapani-paniwalang kaloob ng kaligtasan na minimithi ni Kristong ibigay  sa bawat isa sa atin!

Sa nasabing yan, kinikilala natin na hindi natin mahahatulan ang kaligtasan ng kaluluwa ng bawat isa.  Marahil may nakadinig ng ebanghelyo ngunit ito ay baluktot; baka ang lahat ng alam nila tungkol kay Hesus ay mula sa the Simpsons at Saturday Night Live;  baka naiiskandalo sila sa masamang pag-uugali ng mga Kristiyano kaya hindi nila kayang tanggapin si kristo. isang bantog—marahil apokripal—na salaysay kay Gandhi ang nagpapamansag tungkol sa paghanga ng dakilang pinuno ng Hindu sa Kristiyanismo.  Ibig niyang magbasa ng mga ebanghelyo at siya ay nasiyahan sa karunungan na nilalaman nito. ngunit nang tanungin siya, “Bakit hindi ka maglipat-loob at maging kristiyano, waring maliwanag na naniniwala ka kay Kristo?”  Tanyag siyang tumugon, “Ah, mahal ko ang iyong Kristo, ngunit kayong mga Kristiyano ay hindi katulad Niya!”  Ang masamang halimbawa ng mga kristiyano ang humadlang sa dakilang pinunong ito na maging isa mismo!

Kaya, sa pagbuod ng sagot: ang Diyos, sa mga paraang Siya lamang ang nakakaalam, ay makakapagligtas sa mga hindi pa nakadinig ng ebanghelyo—o marahil ay hindi pa nakadinig na ito ay maituro o maipamuhay nang maayos.  Gayunpaman, ang mga nakadinig ng ebanghelyo ngunit tinanggihan ito ay tinalikdan ang kaloob ng kaligtasan.

Sa pagkakaalam na ang mga kaluluwa ay nasa isang walang katiyakang kalagayan, tayong mga nakakakilala sa Panginoon ay binibigyan ng mahalagang gawain ng pagtuturo ng ebanghelyo!  Dapat tayong nanalangin para sa ating mga kaibigan at kamag-anakan na hindi naniniwala, magpatotoo sa kanila nang may kagalakan at pagmamahal natin, at makapagbigay sa kanila ng “mga dahilan ng ating pag-asa” (1 Pedro 3:15).  Marahil ang ating mga salita o ang ating mga gawa ay magdadala ng isang kaluluwa mula sa kadiliman tungo sa nagliligtas na liwanag ng pananampalataya!

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles