Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jan 24, 2024 382 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

Ang Santong ito ay Pumanaw na isang Adik sa Opyo

Ang himagsikan ng Chinese Boxer noong 1900 ay pumatay ng halos 32,000 na mga Kristiyanong Tsino at 200 na mga taga-Kanlurang misyonero.  Kabilang sa mga tapat na Kristiyano na nag-alay ng kanilang buhay para sa kanilang pananampalataya, si San Mark Ji Tianxiang, ay namumukod dahil, sa oras ng kanyang kamatayan, siya ay isang adik sa opyo na hindi nakatanggap ng mga sakramento sa loob ng 30 mahabang taon.

Si Ji ay pinalaki sa isang matapat na Kristiyanong mag-anak, at siya ay isang iginagalang at mapagkawanggawa na manggagamot sa kanyang pamayanan.  Sisihin ang kapalaran, ang opyo na ginamit niya upang pahupain ang isang nakakagambalang sakit sa tiyan ay bumihag sa kanya, at siya ay dagling nagumon dito.

Bagamat siya ay madalas sa Kumpisalan, natagpuan ni Ji ang kanyang sarili sa sakmal ng isang malakas na pagkagumon na tumangging sumuko sa anumang paraan ng paglaban.  Sa kalaunan ay sinabi sa kanya ng kanyang Kura paroko na hindi niya maipagpapatuloy na ulitin ang naturang kasalanan sa Kumpisalan.  Ang Kumpisal ay nangangailangan ng isang may pagkamalay na pagtitika at di na magkasalang muli, at ang paulit -ulit na kasalanang ito, noong ika -19 na siglo, ay hindi madalumat na isang sakit.  Mula nuon siya ay pinagbawalan sa pagtanggap ng mga sakramento, ngunit ipinagpatuloy niya ang pagdalaw sa simbahan at nanatiling tapat sa mga pamamaraan ng Panginoon.  Nanatili siyang taos -puso sa kanyang pananampalataya sapagkat naniwala siya sa isang maawain na ama.

Madami ang nagpalagay na siya ang unang tatanggi sa Panginoon kapag naharap sa banta ng pag -uusig.  Ngunit kasama ang kanyang anak na lalaki, apo, at mga manugang na babae, nagtiyaga siya hanggang sa pinakahuli.  Sa katunayan, nagdulot si Ji ng espirituwal na pampalubag-loob sa kanyang mga kapwa Kristiyano habang sila ay nakabilanggo at naghihintay ng pagbitay.

Itinala ng mga kwento na habang sila ay kinaladkad sa bilangguan, ang kanyang apo, nanginginig sa takot, ay nagtanong sa kanya, “Lolo, saan tayo pupunta?”  Kalmado siya at tuwang-tuwang sumagot: “Uuwi na tayo.”  Namatay siya, iinaawit ang litanya ng mapagpalang Birheng Maria.  Itinanghal siyang santo ni Santo Papa Juan Pablo II nuong taong 2000.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles