Home/Makatawag ng Pansin/Article

Feb 21, 2024 317 0 Denise Jasek
Makatawag ng Pansin

Ang Patiwarik ng Paghinto 

Ang Kuwaresma ay palapit na.  Nakadadama ka ba na mag-atubiling talikdan ang iyong mga kinagigiliwang bagay? 

Habang lumalaki, ako’y isang magulong bata na may kalakasang bibig at masidhing hilig sa musika.  Isa sa aking pinakamaagang mga ala-ala ay ang magbukas ng radyo ng sarili ko at maririnig ang musika na mahiwagang lalabas mula sa yaong munting kahon.  Ito’y tulad ng isang buong bagong mundo na bumukas para sa akin!

Ang buong pamilya ko’y nakagiliwan ang musika, at madalas kaming umaawit, tumutugtog ng piyano, kumukuskos ng kudyapi, nakikinig sa awit na klasiko, o gumagawa ng aming sariling himig.  Aking naaalala nang iniisip ko na ang buhay ay magiging napakabuti kapag mayroong isang malamyos na ponograma na naririnig sa paligid.

Ipinasa ko itong paghilig sa musika sa aking mga anak.  Bilang isang batang mag-anak, kami ay may mga awit sa halos bawa’t okasyon, kabilang ang aming mga panahon ng pagdarasal.  Ngayon, lahat kami’y namumuno ng musika sa ilang hugis o ayos, at kasalukuyan akong naglilingkod bilang ministro ng musika para sa dalawang parokya.  Ang musika ay pinanggalingan ng ligaya at buhay.  Bagama’t isang araw, tinamaan ako nang tuwiran sa gitna ng aking mga mata na ako’y napakahilig sa musika.

Yaong Kuwaresma, tinigilan kong makinig ng musika sa sasakyan.  Yaon ay isang kasukdulan para sa akin, pagka’t lagi akong nakikinig sa musika habang nagmamaneho.  Itong ugali ay isang bagay na mahirap na talikdan.  Ito’y gaya ng isang kagyat na wala-sa-isip na kilos.  Tuwing pagpasok ko sa aking sasakyan, ang kamay ko’y hahablot ng CD na maisasalang.

Ngunit ako’y nagsumikap at sa wakas ay nasanay ko ang aking kamay na hindi hawakan ang anumang mga pindutan ngunit sa halip ay gawin ang tanda ng krus.  Pagkaraka, pinalitan ko ang pakikinig sa musika ng panalangin, ng sadyang pagdarasal ng rosaryo.  Yaon ay pitong taon nang nakalipas, at ako’y hindi na lumingon nang pabalik.  Ako’y yumabong upang kilalanin ng dakilang utang na loob itong paghinto na kasama ang Diyos.

Ang paghinto na kasama ang Panginoon ay nag-aalay sa atin ng puwang na kinakailangan nating lahat upang mawaglit mula sa panlabas na mga bagay at madugtong panloobang buhay.  Ito’y nakatutulong na muling makamit natin ang kapayapaan.  Ito’y nakatutulong sa atin na sumandig at makinig nang higit sa Diyos.  Gunitain kung paano si San Juan Ebanghelista ay sumandig sa dibdib ni Hesus sa Huling Hapunan.  Ngayon, harayain ang sarili mo na nakasandig nang napakalapit na maririnig mo ang pintig ni Hesus.

Nais ng Diyos na tayo ay sumandig.  Upang tayo’y makagawa ng lawak sa ating arawing kabuhayan na sasandig ang ating mga ulo sa Kanyang Kabanal-banalang Puso at matuto mula sa Kanya o payakang ibsan ang ating napapagal na mga kaluluwa.

Bilang nagmamahal ng himig, palaging may tonong dumaraan sa isipan ko noon, at madalas, ito ay tunay na nakahihira.  Ngayon, kapag ako’y may tono sa isip ko, hihinto ako at tatanungin ang Diyos kung Siya’y may isang bagay na ipinahihiwatig sa akin sa pamamagitan nito.  Itong umaga, bilang halimbawa, nagising ako sa isang tono na kailanma’y hindi ko narinig, “Ako ay aawit ng mga awa ng Panginoon magpakailanman; ako’y aawit, ako’y aawit.”

Ang Himig ay ang wika ng puso.  Naniniwala ako na ang Diyos ay nalulugod sa ating pag-awit ng mga papuri sa Kanya at na Siya’y madalas na umaawit sa atin.  Kaya, umaawit pa rin ako!  Bagaman, aking nadarama na ako’y sadyang napagpapalà kung ang pag-awit ay patungo sa purok ng katahimikan, o kung anong nais kong tawagin na ‘makagulugang katahimikan,’ isang purok ng sukdulang kalapitan sa Panginoon.  Sadyang pinagkakautangan ko ng loob itong tahimik na kinalalagyan pagkatapos matanggap ang Banal na Komunyon.

Sa ating maabalahing mga buhay, ang makagawa ng paghinto kasama ang Panginoon ay kadalasang isang digmaan.  Ang pagdarasal ng Rosaryo ay lubos na nakatutulong sa akin sa paghahamok na ito, na may gawang kahulugan pagka’t ang ating Banal na Ina ay isang tampok sa pagdidilidili. “lningatan ni Maria ang lahat ng mga ito, pinagbulaybulayan ang ito sa kanyang puso,” (Lukas 2:19).

Iwinangis ni Hesus ang Kanyang Sarili para sa atin sa pagpapahalaga ng pagpaparoon sa katahimikan, gaya ng Kanyang malimit na pagpaparoon sa tahimik na luklukan upang makap-isa sa Kanyang Amang nasa Langit.

Isang araw nitong nakaraang tag-init, habang nasa masikip na tabing-dagat noong isang muling-pagtitipon ng mag-anak, naratnan ko ang aking sarili na kinukulang sa pagdarasal ng Rosaryo at nangangamba.  Ako’y nagnanasa ng tahimik na saglit na kapiling ang Panginoon.  Ang aking anak na babae ay napunang ako’y wala sa sarili at mapagpahinang binanggit ito.  Ako’y nagpasyang magbakasakali sa tabi ng laot nang mag-isa sa loob ng isang oras at naliwanagan ko na kapag  ako’y pumasailalim ng tubig, mararatnan ko ang aking purok.  Nagdasal ako ng Rosaryo habang lumalangoy yaong hapon at nanumbalik ang aking pagkapayapa.

“Kung lalo tayong nagdarasal, lalo tayong magnanais na magdasal.  Tulad ng isda na sa una ay lumalangoy sa ibabaw ng tubig, at pagkaraa’y susulong nang pailalim, at laging patungong higit na malalim, ang kaluluwa ay sumusulong, sumisisid, at nawawala ang sarili nito sa katamisan ng pakikipag-usap sa Diyos.”—San Juan Biano.

Espiritu Santo, tulungan Mo kaming mahanap ang tahimik na panahon na labis naming kinakailangan, na sa gayo’y higit naming maririnig ang Iyong tinig at makapagpapahinga nang payak sa Iyong yakap.

Share:

Denise Jasek

Denise Jasek ay isang minamahal na anak ng Diyos na lubos na nagpapasalamat sa kanyang pananalig, kanyang limang mga anak na puno ng pananampalataya, kanyang kabiyak na si Chris, at pagkakataong makapaglingkod sa ministeryo ng musika at kampus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles