Home/Makatagpo/Article

Jan 24, 2024 260 0 Susen Regnard
Makatagpo

Ang Paglunas sa Sakit na OCD? Maaari!

Siya’y napatunayang may talamak na Nakakahumaling  na Mapilit na  Kaguluhan, at pinamaraanang maggagamot nang habambuhay.  Pagkaraan, isang hindi inaasahan ang nangyari

Noong panahon ng 1990, ako’y natuklasang may palagiang pagsusumagi ng alaala na walang lubay at kawalang-ayos.  Ang manggagamot ay niresetahan ako ng paggamot at nagsabing kakailanganin ko ang mga ito para nalalabi ng aking buhay.  Ilang mga tao ay iniisip na ang mga bagay na may kinalaman sa kalusugan ng isip ay gawa ng ikaw ay kulang sa pananalig, ngunit walang mali sa aking pananalig.  Palagi kong minahal nang taimtiman ang Diyos at inasahan Siya sa lahat ng bagay, ngunit ako rin ay nakadama ng matibay na nakababaldadong pagkukulang.  Hindi ko nakuhang maiwaglit ang paniwala na ang bawa’t maling bagay sa mundo ay pagkakalamali ko.

Ako ay may katibayang antas sa Batas, ngunit ang puso ko’y kailanman ay hindi naparoon.  Natapos ko ang Abogasya upang mapahanga ang ina ko, na inisip na ang pasya ko ng pagtuturo bilang isang hanapbuhay ay hindi sapat na mabuti.  Ngunit nakapag-asawa ako at nakapagsilang ng aking unang sanggol bago pa ako makatapos nito, at nagpatuloy na magkakaroon ng pitong  maririkit na mga anak, kaya ako’y nakapaggugol nang higit na panahon na natututong maging ina kaysa nanunungkulan sa batas.  Nang kami’y lumipat sa Australia, ang batas ay iba, kaya bumalik ako sa pamantasan upang sa wakas ay mag-aral ng aking unang giliw.  Pagtuturo.  Ngunit kahit nang makahanap ako ng tungkulin na ikinalulugod kong gawin, nadama ko na sinusubukan ko lamang na bigyang katarungan ang aking pag-iral sa pag-iipon ng salapi.  Kahit paano, hindi ko nadama na ang pangangalaga ng aking pamilya at pag-aasikaso ng mga taong inihabilin sa akin ay sapat na tama.  Sa totoo, dahil sa aking nakapanlulumong pagkukulang at pagdama ng kasahulan, wala man lamang nakapagdulot ng kasapatan.

Lubusang Di-inaasahan

Dahil sa laki ng aming mag-anak, hindi laging madaling makaalis sa araw ng pahinga, kaya kami’y nanabik nang nakarinig kami tungkol sa Carry Home sa Pemberton na kung saan ay ang bayad ay abuloy ng kung ano ang iyong maidudulot.  Ito ay may magandang lalawigang kapaligiran na malapit sa mga gubat. Kami’y nagbalak na dumalo para sa mag-anakang banal na paggunita sa katapusan ng linggo.  Sila rin ay may isang samahan ng pagdasal at pagsamba sa Perth.

Doon, sa isa sa mga paggugunita, isang bagay na di-inaasahang lubos at nakadadaig ang nangyari.  Katatanggap ko lamang ng panalangin nang ako’y biglaang bumagsak sa sahig.  Pabaluktot na nakatungo sa sahig na tila isang sanggol, ako’y humiyaw at humiyaw at humiyaw.  Binuhat nila ako patungo roon sa umaalog na lumang kahoy na balkonahe sa labas at patuloy na nagdarasal hanggang sa huli, ako’y tumigil ng paghiyaw.

Ito’y lubos na di- ninanais at di-inaasahan.  Ngunit alam kong ito ay pag-aadya.

Ako’y nakadama lamang ng kahungkagan na tila isang bagay ay nilisan ako.  Pagkaraan ng paggunita, ang mga kaibigan ko ay patuloy na siniyasat ako at dumating upang ipagdasal ako, humihiling para sa pamamagitan ni Maria na ang mga biyaya ng Banal na Ispirito ay maging malinaw sa akin.  Ako’y nakadama ng lubhang higit nang makaraan ang isang linggo o dalawa, nagpasya akong bawasan ang aking antas ng mga gamot.  Sa loob ng tatlong buwan, naitigil ko ang pangangailangan ng mga gamot at nakadama ng higit na mabuti kaysa noong dati.

Pawalang Natutunaw

Hindi na ako nakadarama ng pangangailangan upang patunayan sa aking sarili o magpanggap na ako’y lalong mabuti kaysa noong dati.  Hindi ko nadama na kailangan kong magpaka-ibabaw sa lahat ng mga bagay.  Ako’y nagpapasalamat sa handog ng buhay, ang aking pamilya, ang aking madasaling komunidad at itong pambihirang kaugnayan sa Diyos.  Nang ako’y nabigyang-laya mula sa pangangailangan na magbigay ng katarungan sa aking pag-iral, ako’y namulat na hindi ako makapagbibigay ng katarungan sa aking pag-iral.  Ito’y isang buhay na handog, pamilya, panalangin, kaugnayan sa Diyos—lahat ng ito’y mga biyaya, hindi tulad ng maaari mong makamkam.  Tanggapin mo ito at pasalamatan mo ang Diyos.

Ako’y naging lalong mabuting tao.  Hindi ko kinakailangang magpakitang-gilas, makipagtagisan, o ipagsapilitan nang may-kayabangan na ang aking pamamaraan ay pinakamabuti.  Namulat ako na hindi ko kinakailangang maging higit pa sa ibang tao dahil ito’y walang kabuluhan.  Ang Diyos ay minamahal ako, ang Diyos ay inaalagaan ako.  Mula sa mahigpit na sunggab ng aking salantaing sala, ako’y nagsimulang namulat na “Kung hindi ako ninais ng Diyos, maaring nakapaglalang na Siya ng iba pa.”

Ang kaugnayan ko sa aking ina ay walang-katiyakan.  Kahit nang naging ina ako, patuloy pa rin akong maghirap sa dama nitong walang katiyakan.  Ngunit ang karanasang ito ay binago ang yaon para sa akin.  Tulad nang pinili ng Diyos si Maria upang idala si Hesus sa mundo, napili Niya si Maria na tulungan ako sa aking paroroonan.  Ang mga bagay sa kaugnayan ko sa aking ina, at sa aking Inang Banal sa huling dako, ay marahang nalusaw nang pawala.

Nadama ko tulad ni Juan sa paahan ng Krus nang sinabihan siya ni Hesus: “Ito ang iyong Ina.”  Naratnan ko upang malaman na si Maria ang ganap na malinis na ina.  Ngayon, kapag ang isip ko’y nakaliligta, ang Rosaryo ay mamamagitan upang saklolohan ako!  Hindi ko napagtanto kung gaano ko siya kailangan hanggang naituring ko siyang isang mahalagang bahagi ng aking buhay.  Ngayon, hindi ko maharayang lumakad nang palayo.

Share:

Susen Regnard

Susen Regnard

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles