Home/Makatawag ng Pansin/Article

Feb 21, 2024 281 0 Dina Mananquil Delfino, Australia
Makatawag ng Pansin

Ang Nawawalang Bahagi

Kinailangan ng giting upang masimulan ang sanlibong-pirasong palaisipan at matapos ito; tulad rin ito ng buhay.

Noong nakaraang Pasko, ako’y nakatanggap ng sanlibong-piraso ng palaisipang laro mula sa aking Kris Kringle sa aking pinapasukan na pinapaskil ang Labindalawang Apostol ng bantog na Great Ocean Road (isang nakahihindik na kumpol ng mga batuhan sa Southwestern Victoria ng Australia).

Ako’y hindi matalas sa simula, nakagawa na ako ng mga tatlo nito kasama ang aking anak na babae noong lumipas na iilang mga taon, kaya nalaman ko ang kasidhiang kinakailangan ng mga ito.  Bagaman, nang tumingin ako sa tatlong mga nabuong palaisipan na nakabitin sa tahanan, kahit na sa pagkawalang-galaw nadarama ko, nagkaroon ako ng isang higit na panloobang pagnanais na pagnilayan “Ang Labindalawang mga Apostol.”

Sa Maalog na Lupa

Ikinatataka ko kung paano ang pagdama ng mga Apostol ni Hesus nang Siya’y namatay sa krus at nilisan sila. Ang sinaunang pinanggalingan na mga kasulatang Kristiyano, kabilang ang Ebanghelyo, ay isinaad na ang mga alagad ay nasiraan ng loob, puno ng di-pagkapaniwala at takot kaya sila’y nagsitago.  Sila’y nawala sa kanilang pagiging pinakamabuti sa kawakasan ng buhay ni Hesus.

Gayunpaman, ito ang nadama sa simula ng taon—natatakot, di-mapakali, malungkot, nasiraan ng loob, at walang-katiyakan.  Ako’y hindi puspusang nakaraos sa dalamhati ng pagkawala ng aking ama at isang matalik na kaibigan.  Dapat kong aminin na ang aking pananalig ay nakatayo sa maalog na lupa.  Tila bagang nahigitan ang aking pagnanais at kalakasan para sa buhay ng pagkawalang-sigla, kaligamgaman, at kadilimang-gabi ng kaluluwa, na nagbanta (at paminsan-minsang nakapagtagumpay) sa pagpapakulimlim ng aking says, sigla, at pagnanais na paglingkuran ang Panginoon.  Hindi ko ito mapagpag nang pawala gaano man kadakila ang aking mga pagpupunyagi.

Ngunit kapag tayo’y hindi titigil sa maluknot na bahagi ng paglisan ng mga alagad sa kanilang Panginoon, makikita natin sa wakas ng mga Ebanghelyo, itong parehong mga lalaki, handang makipagsapalaran sa mundo at kahit mamatay para kay Kristo.  Ano ang nagbago?

Ang mga Ebanghelyo ay itinala na ang mga alagad ay naisahugis sa pagsaksi ng Muling Pagkabuhay ni Kristo.  Nang pumunta sila sa Betanya upang saksihan ang Kanyang Pag-akyat, naggugol ng panahon sa piling Niya, natuto mula sa Kanya, at nakatanggap ng Kanyang mga pagbasbas, ito’y nag-iwan ng isang makapangyarihang talab.  Hindi lamang tagubilin ang Kanyang ibinigay ngunit pati ang layunin at ang pangako.  Sila’y hindi lamang mga sugo, ngunit mga saksi rin.  Nangako Siyang samahan sila sa kanilang gagawin at binigyan sila ng isang Napakalakas na Tagatulong sa yaon.
Yaon ang aking ipinagdarasal nitong huli—ang pagkikita kay Hesus na Muling Nabuhay upang ang buhay ko ay maipagbago nang may-kabanalan.

Hindi Sumusuko

Samantalang ako ay nagsimula sa palaisipan, sinisikap na buuhin ang kaakit-akit na kababalaghang ito ng Labindalawang Apostol, napintuho ko na ang bawat piraso ay mahalaga.  Bawat taong makakasalubong ko ngayong Bagong Taon ay mag-aambag sa aking pagyabong at pagbibigay kulay sa aking buhay.  Dadating ang mga ito sa iba’t ibang kulay—ang ilan ay malakas, ang iba ay banayad, ang ilan ay may maliliwanag na kulay, ang iba ay kulay abo, ang ilan sa isang mahiwagang pagsasamasama ng mga kulay, habang ang iba ay purol o matingkad, ngunit lahat ay kinakailangan upang malubos ang larawan.

Ang mga palaisipang laro ay tumatagal ng ilang oras para mabuo, at gayundin ang buhay.  Madaming pagtitiyaga ang kinakailañgan habang tayo ay nakikipag-ugnay sa bawat isa.  May pasasalamat kapag nagawa na ang ugnayan.  At kapag ang mga piraso ay hindi magtugma, mayroon sanang mapagtiwalang paghimok na huwag sumuko.  Kung minsan, maaaring kailanganin nating mamahinga muna, bumalik, at subukang muli.  Ang palaisipan, tulad ng buhay, ay hindi natatakpan ng mga saboy ng matitingkad, masasayang kulay sa lahat ng oras.  Ang mga itim, kulay abo, at madilim na lilim ay kailangan upang makalikha ng isang kaibahan.

Kailangan ng lakas ng loob upang simulan ang isang palaisipan, lalo pa para tapusin ito.  Ang tiyaga, sigasig, panahon, katapatang-loob, pagtuon, sakripisyo, at debosyon ay hihingin.  Ito ay kahalintulad kapagka nagsimula tayong sumunod kay Hesus.  Tulad ng mga Apostol, tatagal ba tayo hanggang sa wakas? Makakaharap ba natin ang ating Panginoon nang harapan at marinig Siyang magsabi: “Magaling, mabuti at matapat na alipin” (Mateo 25:23), o gaya ng sinabi ni San Pablo: “Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at nanatili akong tapat sa pananampalataya.” (2 Timoteo 4:7)

Sa taong ito, maaari ka ding tanungin:  Hawak mo ba ang piraso ng palaisipan na maaaring magpabuti ng buhay ng isang tao?  Ikaw ba ang nawawalang piraso?

Share:

Dina Mananquil Delfino

Dina Mananquil Delfino nagtatrabaho sa isang Aged Care Residence sa Berwick.Isa rin siyang tagapayo, mapagaan bago ang kasal, boluntaryo sa simbahan, at regular na kolumnista para sa Philippine Times newspaper magazine. Nakatira siya kasama ang kanyang asawa sa Pakenham, Victoria.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles