Home/Makatagpo/Article

Sep 01, 2021 1522 0 Stephen and Nicole King
Makatagpo

ANG MAHABANG PAGLALAKBAY

Maari kang maging kasangkapan sa pag dadala ng iyong kasama sa buhay na lumapit sa Panginoon Diyos!

Ang kwento ni STEPHEN KING, at ang kanyang paglalakbay sa Katolisismo ay siguradong magbibigay ng ng ispirasyon sa iyo.

May Kapansanan sa Agham

Nang si Stephen King ay lumaki na Protastante sa Northern Ireland, hindi niya naisip na isang araw siya ay tumawid sa hati at maging isang Katoliko. Ang mga Kaguluhan sa pagitan ng Katoliko at Protastante sa Northern Ireland ang nag dala kay Stephen at ng kanyang pamilya na maging malayo sa pagiisip ng relihiyon. Kahit na paminsan minsan siya ay pumupunta sa Linggong Eskwela ng kanyang kabataan, pagkamatay ng kanyang ama ng siya ay labingisang taon gulang, ang kanyang pamilya ay huminto ng pagpunta sa simbahan sa kabuuan.

Siya ay nilangin ang isang mapangutya at materyalistikong pananaw sa buhay, umaasa na ang Agham ay may sagot sa lahat.  Hindi niya naramdaman ang pangangailangan sa Panginoon Diyos at ang relihiyon ay nagdudulot lamang ng gulo sa tao, kaya lalayo na lamang siya sa relihiyon. “Ang pagiging materialistiko o pang agham na uri ng tao ay isang kakila kilabot na kapansanan sa pananampalataya.  Nagbibigay ito sa iyo ng kayabangan na napakahirap tanggalin. ”

Pagkatapos niyang tapusin ang pagaaral ng Heolohiya, nag trabaho siya sa isang kumpaniya sa Trinity College, Dublin.  Bagaman ang kahalagahan ng pangalan ay nakatakas sa kanya, ang Panginoon Diyos ay hindi pa rin siya tinalikuran.  Ang kanyang trabaho ay palagi siyang napupunta sa ibang bansa at siya ay tinanong na ipanatili ang sarili sa Brisbane, Australia. Nagpunta siya sa Australia, na walang kakilala o dili kaya ay suporta, ngunit sa Kanyang Pangangalaga,ang ating Panginoon Diyos ang namahala.

Ang Pagmamahal ay Nasa Hangin

Habang siya ay nasa tren papunta sa kanyang trabaho, napansin niya ang isang karaniwan pasahero—isang maganda, dalaga na nakatayo na ang ulo at balikat ay mas mataas sa ibang kababihan at karamihan sa mga kalalakihan.  Si Nicole Davies ay nakaramdam ng isang matinding pag hanga sa mataas, makisig sa pananamit na binata – isa sa mga kakaunit na mas mataas sa kanya.

Pagkatapos ng anim na buwan na paghanga niya mula sa malayo, ang kanyang kapatid ay hinamon siya na lakasan ang loob na tanungin ang binata. “ Sa araw na iyon, kami lamang ang tao sa plataforma sa tren, tapos, kami rin lang ang tao sa karwahe ng riles, nguinit hindi ako makapagsalita “ Naalala ko ang pananalita ng aking kapatid, “ Huwag muna  muli na babanggitin ang binata, kung hindi mo siya natanong” .Tinipon ko ang kanyang tapang, tumakbo ako sa kanya at tinanong. Tumanggi ang binata sa simula ngunit siya ay nagpatuloy.

Natagpuan nila ang pagkakaugnay sa isa’t isa na sa isang lawak ay binabanggit na ni Nicole ang pag aasawa. Si Stephen ay umiibig nguni’t hindi pa siya handa sa pag aasawa. Subalit, maliwanag kay Nicole na kung hindi papunta sa pag aasawa ang kanilang relasyon sa loob ng labing walong buwan, siya ay maghahanap sa ibang lugar.  Pagkatapos ng isang taon na tipanan, inanyayahan ni Stephen si Nicole sa isang biyahe sa Europe para makilala ang kanyang pamilya, para mag ski at ibang pamamasyal.

Isang Pangunahing Paghahayag

Si Nicole ay isang lipas na Katoliko, ngunit ang kanyang ina ay kalian lang na naranasan ang pagbabalik tanaw. Bago sila umalis para pumunta sa Europe, sinamahan niya ang kanyang ina para makipag usap sa isang Katoliko na may pangitain.  May nangyaring hindi kapani paniwala ng gabing iyon. Siya ay nakaramdam ng isang pangunahing pagpapahayag mula sa Panginoon Diyos. Sa simpleng pandinig na mahal siya ng Panginoon Diyos, ay pinagbago lahat ang pagiisip niya tungkol sa lahat ng bagay.. Sa isang iglap, lahat ay nagkaroon ng katuturan sa kanya at labis na labis ang kanyang pakiramdam. Simula sa oras na iyon, siya ay hinimok sa kanyang pananampalataya na maging isang nakatuon na Katoliko.  Habang ito ay magandang balita sa kanya, ito ay naging simula ng mahirap na panahon sa kanilang relasyon.

Ang pelikula “The Case for Christ” ay isinalarawan ang magkatulad na pagsubok sa relasyon ng atistang mamahahayag at ang kanyang asawa pagkatapos maranasan ang pagbabalik loob. Ang damdamin niya ng galit, pag kainis at pagka mangambala ay katulad ng pakiramdam ni Stephen. Hindi siyan masaya na dinala si Nicole ng kanyang ina sa pakikipagkita sa Katolikong may pangitain at pinagbago ang lahat. Ang biyahe nila sa Europe ay isang malaking sakuna. “Gusto ni Nicole na makita ang kada simbahan na napalamit kami at napakaraming simbahan sa Europe. Araw araw ay mayroong pagtatalo at ang gabi ay natatapos sa pagiyak sa hapag kainan, “Inisip ko na lahat ng taga pagsilbi ay gusto akong patayin “Sa kalaunan, si Nicole ay mas maagang bumalik sa Australia.

Naisip ni Stephen na ang kanilang relasyon at tapos na.  Paano maaring makapag patuloy na magkasama sila pagkatapos ng nagyari? Kahit na malayo sa kaisipan ni Stephen ang personal na pagbabagong loob, mahal pa rin niya si Nicole ant hindi niya alam kung ao ang gagawin kung wala si Nicole.   Hinanap niya sa Nicole sa kanyang pagbabalik, nakipag ayos sa kanya at maging maayos.  Sa loob ng pitong buwan, sila ay ikinasal. “Bagaman, sila ay nasa kabaligtaran ng espektro ng Relighiyon, mahal ko ang babaeng ito abd kami ay magkahanay sa moralidad, na sa isip ko ay mahalaga sa isang relasyon.”

May mga kakila kilabot na mga paghihirap para kay Nicole dahil wala siyang kaibigan na relihiyoso. Sa lahat ng mga talakayan, siya ay nagiisa sa na ang iba ay laban sa kanya.  Kahit appaano, ay natagpuan niya ang lakas na manatili sa kanyang pananamplataya.  Sa dahilan na ang paglalakbay ng pananampalataya ni Nicole ay nagmula sa patotoo ng isang pangitain, ito ay banyaga kay Stephen. Inisip niya na alin man sa mga patotoo o milagro ay hindi maaring totoo. Si Nicole ay nakuha sa kasiglahan ng pagbabalik loob magkaagapay sa kanyang ina. Si Stepehen ay hindi naging malapit sa mga taong nakikilala niya sa Simbahang Katoliko, na habang nagpapahayag ng pananampalataya ay hindi mukhang mababait na tao. Kaya hindi siya naakit.

Ang Pabor na Natapos

Sa paglipas ng panahon, si Nicole ay naging mas mapanimdim at pagkatapos masubukan ang ibat ibang Parokya, siya ay nagumpisang pumunta sa Misa na Latin. Ang pari ay si Fr. Gregory Jordan SJ, Naging malaking bahagi siya ng kanyang buhay at naging mabuting kaibigan. Isang araw, ay knausap niya si Stephen at sinabi “Si Nicole ay talagang napapasakitan sa mga bata habang nasa Misa. Pwede mo ba akong gawan ng pabor? Puwede bang sumama ka lang sa Misa sa isang Linggo at umupo ka lang at tulungan siya na tingnan ang mga bata, hindi mo kailangang mangako sa pananampalataya o gumawa ng anuman. Magiging mas magaan para sa kanya “Ito ay tila makatwiran, kaya sinimulan niya a sumama sa paypunta sa Misa kada Linggo at napapaisip niya ang mga nangyayari sa Misa. Nasisiyahan siya na guguin ang kanyang oras kasama ang mga anak nila, tapos ay ang pakikipag usap sa mga kaibigan.

“Lumabas na ito ay hindi isang pagpapataw para sa akin. May mga tao na natakot sa pagkadisiplina ng Misa Latin, ngunit ako ay totoong tinamaan ng paggalang.  Iyan ang umakit sa akin. Isang araw, ang isang kaibigan ay nagbigay sa akin ng libro “Inilibing ba ng Agham ang Panginoon Diyos?” gawa ni Professor John Lennox na nagtuturo ng Mathematics sa Cambridge. Binasa ko ang libro at namulat ako sa posibilidad ng pananampalataya. May mga tanong na hindi masagot ng Agham. Ang kamangha manghang uniberso ng ating Panginoon Diyos ay mas kumplekado kaysa maari nating matanto. Kung paano mo maisip na nagmula sa wala ay hindi ko na maintindihan sa ngayon.

Sa pag kakaupo ko sa Simbahan Katoliko sa matagal na panahon, naging maliwanag sa akin na ang Isa, Totoong Simbahan as ang totoong kasagutan. Naging mabagal ako sa pagtungo sa pananampalataya.  Ako ay binigyan ng sipa sa pantalon ng Panginoon Diyos ng ako ay nagkaroon ng heart attack noon 2015, at iyon ang nag pabago ng lahat. Ipinagbago nito ang aking nakagayak na oras. Naisip ko na hindi ako mabubuhay habang panahon. Kailangan kong gawin mas mabuti kung ano ang totoo at kung anuman ang mas importante ng mabilis. Parati akong kinakausap ng Panginoon Diyos, ngunit kailangan Niya akong pukpukin sa aking ulo ng palakol para ko marinig. Hindi ako mahusay na taga pakinig.”

Habang siya ay nagpapagaling, hindi nagtratrabaho ng tatlong buwan na nakaupo at nagiisip, ay nagbasa siya ng Banal na Bibliya.  Habang napagisipan niya at ipinagdasal ito, unti unting napag tanto niya na dapat siyang gumawa ng pagpili. “Wala siyang mahusay na pagpapahayag, ngunit naging maliwanag na ang tamang gawin sa matuwid na paumuhay ay ag maging mabuting ama sa kanyang mga anak at mabuting asawa sa kanyang maybahay.”

Pagkaraan ng tatlong buwan, siya at tinanggap sa Simbahan Katoliko. Ang araw na iyon ay naging napaka bagbag damdamin sa lahat; lalo na sa kanyang pamilya na makita siya Simbahan pagkatapos ng napakahabang taon.  Sa pagtanggap ng Banal na Pakikinabang sa unang pagkakataon, napag tanto niya kung gaano kahalaga ang pagtulong sa kanya ng Panginoon Diyos. “Naging parati akong naka pako sa aking kakayanan at inisip na mayroon aking ng lahat ng bagay para magtuloy tuloy ang pamumuhay. Sa unang pagtanggap ng Banal na Pakikinabang, natuntunan ko na Siya ang aking kailangan.”

“Nang si Nicole ay naging Katoliko, sa umpisa, ay nakakainis. Nagdala siya sa aming buhay ng hindi ko nagustuhan. Hindi nito nabihag ang aking kagustuhan. Nagbago ang lahat ng naka kilala ako ng mga Katoliko na hinangaan ko at nagustuhan ko at nakita ko kung gaanno sila mabuting tao.  Si Fr. Jordan ay isa sa malaking bahagi nito.  Kung hindi sa kanya, naniniwala akong hindi ako magtatapos kung nasaan ako ngayon.”

“Ako ay umaasa sa tulong ng Panginoon Diyos at kanungan at pag gabay ngayon, nag susumikap na mamuhay sa ibang paraan, pamamaraan ng isang tao na sumusunod sa Panginoon . Nag ro Rosaryo ako kasama ng aking pamilya ngayon at sinusubang magbasa ng Bibliya araw araw, na nagugunam gunam sa mga biyayang aking tinatanggap. Nag sisimba ako sa ibang pamamaraan. at nag I say the Rosary with the family now and I try to read the Bible every day, reflecting on the graces I’ve been given. I go to Mass in a different way. Ako ay naguguluhan sa paghahain ng Panginoon na inihandog Niya para sa atin. Ipinagbago nito ang aking buhay magpakailanman. Kahit na may mga kahirapan, ako ay magiging Katoliko sa buong buhay ko.”

Share:

Stephen and Nicole King

Stephen and Nicole King have been married for 27 years and have 8 children. They live in Brisbane and attend the Oratory parish at Mary Immaculate, Annerley. This article is based on Stephen’s interview on Shalom World TV program, Jesus My Savior https://www.shalomworld.org/episode/why-should-i-believe-stephen-king-jesus-my-saviour

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles