Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 23, 2023 417 0 Graziano Marcheschi, USA
Makatawag ng Pansin

ANG MAGITING NA PUSO

Iilang mga Santo ng Simbahang Katolika ang nakakamit ng tanyag na likhang-isip tulad ni Joan ng Arko.  Ang kanyang salaysay ay nailarawan sa  mga pintadong kuwadro, mga eskultura, at maraming mga pelikula.

Isinilang sa mag-anak ng mga magsasaka noong 1412, si Joan ay lumaki na hindi nakapag-aral, ngunit nakakamit ng sukdulang pag-ibig para sa Simbahan at malalim na pananalig sa Diyos na nagmula sa kanyang ina.  Sapagka’t minahal niya ang pagdarasal at mga sakramento, ang kanyang mga kalapit-bahay ay nagsabing, “Siya’y napakabuti kaya siya’y minahal ng lahat sa bayan.”  Siya’y nag-aruga para sa mga may-sakit at mga walang matuluyan, madalas na inaalay pati ang kanyang sariling higaan.

Nang sa ikalabing-tatlong gulang, si Joan ay nagsimulang marinig ang mga tinig nina San Miguel Arkanghel, Santa Margarita ng Antioch, at Santa Catalina ng Alehandriya.  Siya’y sinabihan nila na siya ang naatasang palayain ang Pransya at tiyakin na ang Pranses na tagapagmana ng kapangyarihan ay nahirang bilang karapat-dapat na hari ng Pransya.  Nakamit niya ang tiwala ng hari sa paglalathala niya ng mga detalya ng nakaraan ng hari na alam lamang ng isang may banal na karunungan.  Sa panahong yaon, ang Pransya ay napasasailalim ng kapangyarihan ng Inglatyera.

Sa paniniwala na ang kanyang mga “tinig” ay nagmula sa Diyos, si Joan ay mabayani at matapat na sinunod ang kanilang bilin, sa kabila ng mga balakid at mga pasakit.  Pagdarasal at pagninilay-nilay ay nanatiling mahalaga sa kanyang buhay kahit siya’y nagpapamuno ng mga digmaan, na ni-kailanma’y hindi siya humugot ng sandata laban sa kanyang kaaway.

Bagama’t mayroong dalawang taon bago ang pagbibigay ng atas, na siya’y “nailathala na bilang isang taong walang pagkukulang sa buhay, isang mabuting Kristiyano, na nagtataglay ng mga katangian ng pagpapakumbaba, katapatan at kapayakan”, si Joan ay pinaratangang may sala ng pangungulam at pagka-erehe matapos siyang magapi ng mga lngles, at walang natanggap na tulong mula sa Hari na napaupo niya sa trono.  Sa paglilitis sa kanya, nagpakilala si Joan ng kanyang malalim na pananalig at talino, at sa kabila ng hindi makatarungang hatol, ang tiwala niya sa Diyos at Simbahan ay ni-kailanma’y nagmaliw.  Nang siya’y sinigahan ng apoy sa tukod ng gapusan, kanyang ihinayag nang malakas ang ngalan ni Jesus habang idinidiin niya ang krusipiho sa kanyang puso, na nasanhi ang isang tagapagmasid na magsaad, “Nasunog natin ang isang banal na tao.”

Ang kanyang pagpanaw ay nagpalaganap ng kanyang katanyagan at karangalan.  Pagkalipas ng dalawampung taon, isang bagong paglilitis ay ihinayag siyang walang sala sa lahat ng mga pinanindigang krimen na ipinaratang sa kanya.  Matapos na yumabong ang kanyang kapurihan sa sumunod na mga siglo nang napakahabang sukat, si Joan ay pinamitagan bilang biyato ni Papa San Pio X noong 1910 at pinarangalang santa ni Papa Benedicto XV pagkalipas ng labing-isang taon.  Siya’y kasalukuyang Santa Patrona ng Pransya at isa sa mga pinakamahal-mahalang pinagpala.

Ang pagtalima ni Joan sa Diyos ay nagpatiyak na ang Pransya ay ipinanatili ang Katolikang pananalig noong panahon ng Protestadong Pagbabago habang ito’y pinabayaan ng Inglatyera.  Ang Pransya ay nanatiling isang matapat na kalagitnaan ng Katolisismo mula sa kung saan makapagpapalaganap ito sa pahilaga ng Yuropa.

 

Share:

Graziano Marcheschi

Graziano Marcheschi serves as the Senior Programming Consultant for Shalom World. He speaks nationally and internationally on topics of liturgy and the arts, scripture, spirituality, and lay ecclesial ministry. Graziano and his wife Nancy are blessed with two daughters, a son, and three grandchildren and live in Chicago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles