Home/Makatagpo/Article

Jul 05, 2024 135 0 Mishael Devassy
Makatagpo

Ang Langit ay Hindi Napakalayo 

Ikaw ba’y kaagad na nanghuhusga ng mga iba?  Nag-aalinlangan ka bang tumulong sa yaong mga may pangangailangan?  Kung oo, panahon na upang manalamin!

Yaon ay isa na namang karaniwang araw lamang para sa akin.  Bumabalik mula sa bilihan, pagod mula sa isang araw ng paghahanapbuhay, sinusundo si Roofus mula sa paaralang Sinagoga…

Bagaman, isang bagay na nagpadama nang kaibhan sa araw na yaon.  Ang hangin ay bumubulong sa aking mga tainga, at kahit ang langit ay higit na nagpapakilala di tulad ng dati.  Kaguluhan mula sa mga taong nasa mga lansangan ay ipinasatotoo para sa akin na ngayong araw, isang bagay ay magbabago.

Kasunod, nakita ko Siya—ang Kanyang katawang sumamà ang anyo na dali-dali kong ipinihit nang palayo ang mukha ni Roofus mula sa  nakagigitlang pangitain.  Ang kaawaawang bata ay mahigpit na sumunggab sa aking bisig nang lahat ng kanyang lakas—siya ay labis na natakot.

Sa kung paanong paraan ang lalaking ito, ayon sa anumang nalalabi sa Kanya, ay naasikaso na maaaring may kinalaman sa nagawa Niyang kahila-hilakbot na bagay.

Hindi ko na makayanang tumindig at manood, ngunit nang masimulan kong lumisan, pinigil ako ng isang kawal na Romano.  Sa aking pagkalagim, inutusan nila akong tulungan itong lalaki na buhatin ang Kanyang mabigat na pasanin.  Alam kong ito’y nangangahulugang isang gulo.  Sa kabila ng panananggi, hinatol nilang tulungan ko Siya.

Anong laking kaguluhan!  Hindi ko nais na makisalamuha sa isang makasalanan!  Nakakahiya!  Ang magbuhat ng krus habang silang lahat ay nanonood?

Alam kong wala nang paraang makatakas, kaya ako’y nakiusap sa aking kalapit-bahay na si Vanessa na dalhin nang pauwi si Roofus, pagka’t ang paglilitis na ito’y aabutin ng katagalan.

Nilapitan ko Siya—madungis, duguan, walang-ayos.  Pinagtakahan ko kung anong nagawa Niya upang tamasahin ito.  Kahit anupaman, ang parusang ito ay labis na malupit.

Ang mga nagmamasid ay sumisigaw ng ‘lapastangan,’ ‘sinungaling,’ atbp., habang ang iba ay binubugahan Siya ng laway at pinagmamalabisan Siya.

Ako’y kailanma’y hindi pa nahamak at napahirapan nang ganito sa aking isip. Pagkaraan lamang ng labinlimang mga hakbang, Siya’y  bumagsak sa lupa, unang-una ang mukha.  Upang itong paglilitis ay magwakas, kinakailangan Niyang bumangon, kaya ako’y lumuhod upang matulungan Siya.

Pagkaraan, ako’y may napansin sa Kanyang mga mata, na nakapagbago sa akin.  Nakita ko ay awa at pag-ibig?  Paanong nangyayari ito?

Walang takot, ni suklam, ni galit—pag-ibig at pakikiramay lamang.  Ako’y naguluhan, habang may yaong mga mata, Siya’y tumingala sa akin at tumangan sa aking kamay upang makabangong muli.  Hindi ko na marinig o makita ang mga taong nakapaligid sa akin.  Nang binuhat ko ang Krus isang balikat ko at Siya sa isa pa, ang magagawa ko lamang ay ang paglinga-linga sa Kanya.  Nakita ko ang dugo, mga sugat, ang laway, ang dumi, bawa’t bagay na hindi na kayang maikubli ang pagkabanal ng Kanyang mukha.  Ang maririnig ko lamang sa ngayon ay ang pagtibok ng Kanyang puso at ang Kanyang abot-abot na paghinga…Siya’y nahihirapan, ngunit napalakas.

Sa kalagitnaan ng lahat ng mga taong naghihiyawan, nagmamalupit, at nagsisipaghangos, tila nadama ko na Siya’y nakikipag-usap sa akin.  Bawa’t anuman ang nagawa ko hanggang sa tagpong yaon, mabuti o masama, ay walang kinalaman.

Nang ang mga kawal na Romano ay hinila Siyang papalayo sa akin upang kaladkarin patungo sa pook ng Kanyang pagpapako sa krus, tinulak nila ako sa tabi, at bumagsak ako sa lupa.  Kinakailangan Niyang tumuloy nang Kanyang sarili.  Nakatihaya ako roon sa lupa habang napagtatapak-tapakan ako ng mga tao.  Hindi ko alam ang sunod kong gagawin.  Ang alam ko lamang ay ang mga bagay ay hindi na muling babalik sa dati.

Hindi ko na muling marinig ang mga taong nagsikalat ngunit ang kapayapaan lamang at ang tinig ng puso kong pumipintig.  Ako’y napaalalahan ng tinig ng Kanyang magiliw na puso.

Paglipas ng iilang oras, nang ako’y humandang tumayo upang umalis, ang mapagpahayag na langit na kanina pa ay nagsimulang magsalita.  Ang kailaliman ng tinatayuan ko ay umalog.  Palagpas akong tumingin sa tuktok ng Kalbaryo at nakita ko Siya, mga bisig na nakadipa at ang ulo ay nakayuko, para sa akin.

Alam ko na ngayon na ang dugong kumalat sa aking damit yaong araw ay pag-aari ng Kordero ng Diyos, na nag-aalis sa mga kasalanan ng mundo.  Nilinisan Niya ako ng Kanyang dugo.

*** *** ***
Ito ang kung papaano ko hinaharaya si Simon ng Sireneyo sa paggunita ng kanyang araw ng karanasan nang siya’y naatasang tulungan si Hesus na magbuhat ng Krus sa landas ng Kalbaryo.  Ang kanyang narinig tungkol kay Hesus ay maaring napakaliit hanggang sa araw na yaon, ngunit talagang natitiyak kong hindi na siya katulad ng dati nang matapos niyang matulungan ang Tagapagligtas sa pagbuhat ng yaong Krus.

Itong panahon ng Kuwaresma, tinatanong tayo ni Simon na tingnan ang ating mga sarili:

Tayo ba’y naging maagap sa paghatol ng ibang mga tao? 

Minsan, napakabilis nating maniwala kung ano ang ipinahihiwatig ng ating mga biglaang gawi tungkol sa isang tao.  Tulad ni Simon, maaari nating hayaan ang ating mga paghahatol na humambalang sa pagtulong sa iba.  Nakita ni Simon si Hesus na nilalatigo at inakala niyang Siya’y may nagawang isang pagkakamali.  Maaaring nagkaroon na ng ilang mga ulit na ang ating mga sapantaha tungkol sa mga tao ay humambalang sa pagmamahal sa kanila na itinawag tayo ni Kristo.

Tayo ba’y nag-aatubiling tumulong sa ilang mga tao? 

Hindi ba dapat nating makita si Hesus sa katauhan ng iba at alukin na matulungan sila?

Pinanawagan ni Hesus na mahalin natin hindi lamang ang ating mga kaibigan ngunit pati ang mga di-kaanu-ano at mga kaaway.  Si Madre Teresa, bilang isang ganap na halimbawa para sa pagmahal ng mga di-kaanu-ano, ay ipinakita sa atin kung paano makita ang mukha ni Hesus sa bawa’t isa.  Sino, bilang halimbawa, ang higit na makapagtuturo ng pagmahal sa iba kundi si Hesukristo?  Minahal Niya yaong mga kinasuklaman Siya at ipinagdasal Niya yaong mga umusig sa Kanya.  Tulad ni Simon, tayo’y nag-aalinlangang kumalinga sa mga di-kilala at mga kaaway, ngunit tinatawag tayo ni Kristo upang mahalin ang mga kapatid natin, gaya ng Kanyang ginawa.  Siya’y namatay para sa kanilang mga sala at para sa iyong mga sala.

Panginoong Hesus, salamat sa pagbibigay Mo sa amin ng halimbawa ni Simon ng Sireneyo, na naging dakilang saksi sa pagsunod ng Iyong Landas.  Maluwalhating Ama, bigyan Mo kami ng biyaya upang maging Iyong saksi sa pamamagitan ng pagtulong sa yaong mga nangangailangan.

Share:

Mishael Devassy

Mishael Devassy is a secondary school teacher and an active youth leader in the Diocese of Perth in Western Australia. She actively ministers to young people and is passionate about faith formation in teens.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles