Home/Makatawag ng Pansin/Article
Ang Simbahan ba ay nagpapataw ng mga “mabibigat na moral na paghihigpit” sa mga taong magkaparehong-kasarian ang oryentasyon? Kunin ang katotohanan nang tuwid, galing dito.
Sa nakalipas na mga taon, ako’y nagkaroon na ng mga napakainam na estudyante sa aking klase na may parehong-kasariang oryentasyon, at, mangyari pa, bilang isang Diyakono ng Simbahan, marami akong kilalang mga matatapat na Katoliko na may tularing-kasarian na oryentasyon. Mahalaga na mapansin kaagad na maraming taong may parehong-kasariang oryentasyon ay hindi namumuhay ng masiglang sekswalidad. Marami nang dumaan ng landas na yaon at natagpuan itong hindi sapat (nangangahulugang hindi lahat ng inaakalang bunga nito ay nagaganap). Marami ang naghahabilin sa bisa ng kalinisang-puri—isang bahagi ng birtud ng kahinahunan. Sa ibang salita, maraming magkaparehong-kasarian na Katoliko ay napagtanto na kung ano ang dapat na maunawaan ng mga karaniwang mag-asawa—na ang kasiyahan ay hindi nagmumula sa matalik na seksuwal na pagsasama. Sa halip, ang kasiyahan ay mula sa matinding kaugnayan sa Diyos, at isang moral na buhay na sang-ayon sa ganitong uri ng pagsasama. Hangga’t ang tao ay wala pang tunay na pakikipagtagpo sa Panginoon, karamihan sa mga itinuturo ng Simbahan ay magmimistulang kaunting higit pa kaysa sa mabibigat na mga pagpataw, na nangangahulugang hindi- kinakailangang paghihigpit sa ating sariling kasiyahan.
Ang nakawiwili ay maraming Katoliko na may parehong-kasariang oryentasyon ay tahasang nagbigyang-diin sa di pagkagustong maging deretsahan, ibig sabihin, hindi pagkagustong magpakita at ituro ang mga batayang prinsipyo ng Katoliko sa seksuwal na aral, ay nakagawa ng labis na kapinsalaan sa kanila. Kung ang mga pari, mga katekista at mga guro ay naging mas matungkulin at nagpakita ng dakilang pagkamaalalahanin para sa mga matapatin sa pagturo ng pangkasariang etika at ang kalikasan ng pag-aasawa, sila (mga pari, mga katekista, at mga guro), ay maaaring nakapag-adya ng mga kinauukulan (mga Katolikong may parehong-kasariang oryentasyon) mula sa labis na panukala ng pasakit at nasayang na mga taon. Sa madaling sabi, ang larawang madalas na ipinipinta ng midya o tanyag na kultura ay ang lahat ng mga taong may parehong-kasariang oryentasyon ay nasa isang panig, at ang Simbahan na may “mapasaning moral na mga paghihigpit” ay nasa kabila. Ang naturingang larawan ay sadyang hindi sang-ayon sa mga katotohanan. Maraming Katoliko na may parehong-kasariang oryentasyon ay ganap na nakababatid ng pagkakaiba ng aliw sa ligaya, mahinhinang namumuhay ng tapat na ang kalagitnaang pinalilibutan ay ang Yukaristiya, inaakay ang kanilang Inspirasyon na nagmula sa mga pari, mga madre na matapat na isinabubuhay ang kanilang panunumpa ng kalinisan o mga panata ng pagiging walang asawa.
Ang sekswal na moralidad ay hindi mauunawaan sa labas ng katalastasan ng kalikasan ng pag-iisang-dibdib. Ako ay nagtuturo ng Pangkasalang Paghahanda sa Arkdyosis, at masasabi ko ng may-kaukulang katiyakan na karamihan sa mga mag-asawang ikinakasal ngayong araw ay hindi nalilinawan ng buo kung ano ang kanilang ginagawa kapag pinili nilang magpakasal. Sa madaling sabi, hindi lahatang malinaw sa kanila kung ano talaga ang pag-iisang-dibdib at paano ito nakaugnay sa sekswal na pagpapahayag. Ito ay malinaw dahil tayo ay namumuhay sa kultura na talagang nawala na ang diwa ng totoong kalikasan ng pag-iisang-dibdib. Mayroong kailanan ng mga dahilan na maaaring maipaliwanag ito, sisimulan ng Rebolusyong Sekswal ng mga kaanimnapung-taon; ang paninimula ng walang-salang paghihiwalay noong kahulihang bahagi ng mga kaanimnapung-taon; ang paninimula ng Karaniwang Batas na “pag-iisang-dibdib” (ang mag-asawa ay nagsasama ng mahabang panahon at pagkatapos ay tinuturing ng estado na tila sila ay ikinasal); ang paghihiwalay ng pagtatalik sa palagay ng mga bata (paghihiwalay na nagawang posible sa pagyari at pamamahagi ng mga makabagong kontraseptibo, atbp.).
Ngunit ang kasal ay lagi nang naunawaan bilang isang institusyon. Ito’y higit pa sa pakkiipagkaibigan—ang ating mga pagkakaibigan ay pribado, ang mga ito ay hindi institusyon. Ang buhay may asawa ay isang samahan na umiiral para sa panlahatang kapakanan (institusyon). Kung ang selula ay isang yunit ng buháy na organismo, ang kasal ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang pag-iisang-dibdib ay isang kakaibang hiwaga.
Sa maikling salita, ito ay ang pagsasama ng dalawa bilang isang laman, isang katawan. Ito ay isang ganap (buo) at tugunang pag-aalay ng sarili sa isa pa, at dahil “ikaw ang iyong katawan,” upang i-alay ang sarili mo ay upang i-alay ang katawan mo. Sapagkat ito ay ganap at buong pag-aalay, ito ay hindi mababawi—hindi ko mababawi kung ano ang hindi ko na mapanatili ang bahagi na aking inaalay. Kung ito ay tugunan sa isa’t isa, ang dalawa ay naghabilin na sa bawat-isa kaya ang katawan ng babae ay sumapi sa lalaki at ang katawan ng lalaki ay sumapi sa babae. Sila ay ganap na naging pagsasama ng isang laman. Ang likas na pagpapahayag ng pagsasama ay ang sekswal na pagtatalik (ang pangmag-asawang kilos). Sa kilos na ito, ang lalaki at babae ay nagiging “isang pampag-anakang organismo” (ang lalaki ay di-ganap na pampag-anakan, at gayundin ang babae. Ngunit sa kilos ng mag-asawa, ang dalawa ay nagiging isang pampag-anakang katawan). Sa pagtatalik, ang dalawa ay nagiging pagsasama ng isang laman, kung ano ang pag-iisang-dibdib. Kaya ang pagtatalik ay isang pagpapahayag at pagdiriwang ng pangmag-asawang pagmamahalan. Mayroong dalawang bahagi ng kabutihan sa pagtatalik; ito’y nagsisilbi ng dalawang layunin: 1) upang magpahayag at magdiwang ng pangmag-asawang pag-ibig, at 2) ang paglikha ng bagong buhay.
Iyan ang dahilan kung bakit isa sa mga sagabal na magpapatunay na ang kasal ay walang bisa (hindi-umiiral) ay ang kawalan ng sigla o kakayahan, na nagpapahiwatig ng walang kakayahang makipagtalik (walang kakayahang matupad ang pag-iisang-dibdib). Ang kawalan ng pagyabong o kabaugan ay hindi isang sagabal sa pag-iisang-dibdib; hindi kinakailangang magkaroon ng totoong mga anak upang maging totoong kasal, ngunit ang pagiging bukas sa mga anak ay isang kinakailangang saligan para sa tunay na kasal, at kaya ang kusang layunin na hindi magkaroon ng mga anak ay patunay na ang pag-iisang-dibdib ay walang bisa (hindi umiiral). Ang iba pang mga sagabal na nakasasanhi ng walang bisang kasal ay dahas o pannpupuwersa, panlilinlang (siya’y hindi ang taong naudyok akong paniwalaang siya), kusang pag-iiwan ng puwang upang makaphiwalay (ang layunin ay dapat hanggang “ang kamatayan ay paghiwalayin tayo”), kakulangan ng hustong pag-iisip (ang moral at pangkaisipang mga kailanganin upang totoong maikasal ay sadyang wala sa kahit isa lamang sa dalawa—ito ay lubhang mabigat na suliranin sa maraming tao ngayong araw, pagkat ang kultura natin ngayon ay hindi kaaya-ayang makapagpalaki ng mga matitinong matatanda).
Ang pag-iisang-dibdib ay naituring ng Hudeo-Kristiyanong kaugalian bilang isang nilalayong institusyon na may maliwanag na pinagmulan, ito’y hindi itinatag ng lipunan, na inaakala ng mga pangkasalukuyang makabago. At dahil ang pag-iisang-dibdib ay pagbubuklod ng dalawa sa isang katawan, isang laman, ito ay matutupad lamang ng isang lalaki at isang babae. Ito’y hindi mangyayari sa dalawang taong magkatulad ang kasarian upang maging isang katawan sa pag-ganap ng sekswal na pagsasama. Sa ibang salita, hindi maaaring matupad ang pag-iisang-dibdib kung ang dalawa’y magkapareho ang kasarian.
Ang sekswal na etika—kahit para sa atin lamang—ay malimit na nagsisimula ng pagkaunawa na may kinalaman sa pag-aasawa. Ang pagtatalik bago maikasal ay panimulaing tagpo ng pakikipagsiping sa katawan ng iba—pagkat ang dalawa ay naghahayag at nagdiriwang ng kasal na hindi umiiral. Ngunit ang pagtatalik ng ikinasal na mag-asawa ay tunay na isang banal na kilos; isang nagbibigay-biyayang kilos. Sa labas ng ugnayang ito, ang pagtatalik ay karaniwan at halos-lahat ng kabuuhan nito ay isang uri ng paggawa ng paraan upang makamit ang sekswal na aliw. Ang pakikipagtalik sa ibang tao na hindi bilang isang buo at lahat na pag-aalay ng sarili sa kasal, ngunit bilang isang paraan lamang sa sekswal na aliw, ay upang gamitin lamang ang iba bilang paraan sa isang layunin; at ang paggamit ng iba bilang paraan sa layunin ay laging labag sa moral na alituntunin na pagtrato sa mga tao bilang mga layunin sa kanilang sarili, kailanma’y hindi bilang paraan sa layunin.
Mayroon pang mas maraming matatalakay dito sa pilosopiko at teyolohikong pag-unawa ng pag-iisang-dibdib at ang kahulugan ng sekswal na kilos kaysa maaaring maipahayag ng sapat para sa artikulo na ganito ang sukat, ngunit para sa malaking bahagi ng populasyon, ang sekswal na relasyon ay hindi na talagang isang bagay na may lubhang mensahe ng kahalagahan. Kadalasan ay ito’y hindi mas makabuluhan kaysa makainom ng martini o makalabas patungong Dairy Queen para sa sorbetes, o ibang bagay na magagawa mo na kasama kung sino man. Ngunit ang hangad ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at kabanalan ng pagtatalik at ang tunay na kahalagahan ng pag-iisang-dibdib ay napagtibayan ng kanyang paniniwala na ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan, at anuman ang nakapipinsala ng yaong yunit ay nakapipinsala sa pangmamamayang nayon bilang isang kabuuhan.
At kaya naman, ang Simbahan ay tinatawag ang mga taong may parehong-kasariang oryentasyon sa buhay na kalinisan. Ngayon ito’y maaaring mapakinggan ng may kalupitan para sa iba, ngunit ito’y maaari rin na mas maiging maging kalagayan ng kasalungat na paglapit na talagang malupit. Higit pa rito, ang pagpapari ay marahil na mas mahalaga ngayong araw kaysa noon. Ang isang makisig na pari o magandang madre na nakapagpahayag o nakapagpanata na ng kalinisan o buhay na walang asawa, at nakapamamanaag ng ligaya, nakapagbibigay ng mabisang katibayan na ang kasiyahan (o ligaya) ay hindi nagmumula sa matalik na sekswal na pagsasama; ngunit higit pa rito, ang kasiyahan ay natatagpuan kay Kristo. Patas na mahirap para sa mga ikinasal na mag-asawa na makita Ito. Sila’y malimit na naniniwala na ang kanilang kasiyahan ay matatagpuan sa isa’t-isa. Ngunit si San Agustin ay isinaad noon, sa unang pahina ng kanyang Pagtatapat: “O Panginoon, nilikha Mo kami para sa Sarili Mo, at ang aming mga puso ay walang pahinga hanggang sila’y makapahinga sa Iyo.” Sa ibang salita, nilikha ka ng Diyos para sa Kanyang Sarili, hindi para sa iba. Ang lubos na kasiyahan ay ni-kailanma’y matatagpuan sa ibang mga tao, ngunit sa Diyos lamang. Kung tinawag ng Diyos ang lalaki sa buhay na may asawa, siya’y tinatawag Niya upang mahalin ang kanyang kabiyak para sa kapakanan ng kanyang kabiyak, hindi para sa kanyang kapakanan o kanyang sariling kasiyahan. Tinatawag Niya itong lalaki upang mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagmahal niya sa babae para sa kapakanan niya at ng Diyos. Sa kasawiangpalad, maraming tao ang “naglalahad ng kanilang kamay” sa mga salitang kanilang minumutawi, nagsasabi ng mga bagay tulad ng “pinupuno niya ang puwang na nasa akin”, o “hindi na ako makadama ng kaganapan, kaya iniwan ko siya”, na tila ang pag-iisang-dibdib ay tungkol lamang sa “aking katuparan”.
Mayroong napakatinding yaman ng pamana dito sa paksa ng sekswal na etika at kalikasan ng pag-iisang-dibdib sa kasaysayan ng Simbahan na nakapagdanas ng matinding pag-unlad sa ikadalawampung siglo (ito ay, ang Teyolohiya ng Katawan), at tuwing itinuturo namin ito sa aming mga estudyante, sila’y may sumasang-ayon na reaksyon. Ito’y totoo rin sa mga estudyanteng may parehong-kasariang paghahalina. Marami sa kanila ang nakabatid ng katotohanan ng mga itinuturo at sila’y nagpapasalamat sa pagtanggap ng mga ito. Sa kasawiangpalad, maraming mga kleriko ay takot na ituro ito, at maraming mga tagapagruro ay hindi kilala ito.
Ang katunayan ay, tayong lahat ay may mga sariling pakikibaka. Ano mang landas na tinatawag tayo ng Panginoon upang tahakin, mayroong mga pagpapakasakit na kinakailangan nating gawin, mga labanan sa ating mga sarili at ating mga kakaibang kalokohan na kailangan nating sagupain, ngunit ang ating kasiyahan ay tiyak na nasa katapusan ng ating landas. Higit na mahalaga, “ang landas patungong langit ay makalangit”, bilang pasalungat, “ang landas patungong impyerno ay mala-impyerno.” Kung ang mga tao’y mag-uumpisang talangguhitan ang kanilang sariling mga larangan ng labanan at ang tiyak na landas na tinatawag sila ng Panginoon na sundin, kasama ng lahat ng mga pagpapakasakit na kailangan nilang gawin, masisimulan nilang maranasan ang ligaya na hindi nila inakalang mangyayari. Karamihan sa mga tao’y napapailalim ng maling akala na ako’y magiging masaya lamang kapag magagawa ko ang gusto kong gawin; malimit na dumadaan sila landas na yaon upang matuklasan lamang na hindi totoong sila’y masaya, labis sa pagkasira ng loob nila. Ngunit kapag sa huli’y masimulan nilang gawin ang kung anong tinatawag sila ng Panginoon na gawin, matutuklasan nila ang isang bagay na wala silang palagay na matatagpuan nila, tulad ng, malalim na kahulugan ng katuparan.
Deacon Doug McManaman is a retired teacher of religion and philosophy in Southern Ontario. He lectures on Catholic education at Niagara University. His courageous and selfless ministry as a deacon is mainly to those who suffer from mental illness.
Kapanglawan, ay ang bagong pangkaraniwan sa buong mundo, ngunit hindi para sa mag-anak na ito! Ipagpatuloy ang pagbabasa para dito sa di-kapanipaniwalang payo na makapagpapanatili ng pagiging sama-sama. Kailan lamang, ako’y naging isang pugad na nawalan ng laman. Lahat ng aking limang mga anak ay nagsipagbukod na manirahan nang mga ilang oras ang layo sa bawa’t isa, na nagawang madalang ang mga pagkakataong makapagtipon ang mag-anak. Ito ang isa sa mga pait-tamis na bunga ng matagumpay na paglulunsad ng iyong mga anak, minsan sila’y lumilipad nang napakalayo. Noong lumipas na Pasko, ang buong mag-anak namin ay nagkaroon ng masayang pagkakataon na dalawin ang bawa’t isa. Sa katapusan ng yaong tatlong maliligayang mga araw, nang sumapit na ang panahon ng pagpapaalam, narinig ko ang isang kapatid na nagsalita sa isa pa: “Magkita tayo sa Yukaristiya!” Ito ang paraan. Ito ang kung papaano kami nanatiling malapit sa isa’t-isa. Kumakapit kami sa Yukaristiya. At sama-sama kaming isinasaklaw ni Hesus. Pihong kami’y nananabik na makita ang isa’t-isa at nagmimithi na kami’y may higit na panahong magsama-sama. Ngunit ang Diyos ay natawag kami na magbungkal sa iba’t-ibang mga pastolan at dapat maging masaya sa panahong naibigay sa amin. Kaya, sa pagi-pagitan ng mga pagdadalaw at mga tawag sa telepono, kami ay dumadalo sa Misa upang manatiling magkakarugtong. Nakadarama ng Pag-iisa? Ang pagdalo ng Pinakabanal na Pag-aalay ng Misa ay tinutulutan tayong pumasok sa katotohanan na hindi mapagtatakdaan ng lawak at panahon. Ito ay ang paghahakbang nang palayo mula sa mundo at patungo sa isang sagradong patlang na kung saan ang Langit ay dumadampi sa Lupa nang totohanan, at tayo ay sama-sama bilang buong mag-anak ng Diyos, yaong mga sumasamba dito sa Lupa at pati sa Langit. Sa pakikipagsalo ng Banal na Komunyon, ating matatagpuan na tayo’y hindi nag-iisa. Isa sa huling mga salita ni Hesus sa Kanyang mga alagad ay: “Ako ay laging sumasainyo hanggang sa wakas ng panahon.” (Mateo 28:20) Ang Yukaristiya ay ang malawak na handog ng Kanyang patuloy na pag-iral sa atin. Bilang likas na katunayan, pinangungulilahan natin ang piling ng ating mga yumaong minamahal; minsan, ang hapdi ay maaaring napakabagsik. Yaon ang mga tagpong dapat na tayo’y kumakapit sa Yukaristiya. Lalung-lalo na sa mga araw ng kalumbayan, isinasaalang-alang kong makarating sa Misa nang may kaagahan at mananatili ng may kahabaan pagkaraan nito. Ako’y magdarasal ng pamamagitan para sa aking mga minamahal at makatatanggap ng ginhawa sa pagkaalam na hindi ako nag-iisa at nalalapit ako sa Puso ni Hesus. Idinadalangin ko na ang bawa’t puso ng aking mga minamahal ay malapít sa Puso ni Hesus, upang lahat kami ay maaari ring magkasama-sama. Pinangako ni Hesus: “At ako, kapag naitaas na mula sa lupa, ang magpapadagsa ng lahat ng mga tao sa Aking sarili.” (Huan 12:32) Di-kapanipaniwalang Malapít Isa sa mga kinagigiliwan kong taludtod na bahagi ng Yukaristikong Pananalangin ay ito: Mapagkumbaba naming isinasamo na sa pakikipagsalo ng katawan at dugo ni Kristo, kami ay maititipon bilang isa sa Banal na Ispirito.” Ang Diyos ay itinitipon kung ano ang dating nagkalat at inilalapit tayo patungo sa isang katawan ni Kristo. Ang Banal na Ispirito ay napag-atasan sa natatanging paraan sa pagkakaisa natin. Naranasan mo na bang nasa loob ng iisang silid na may kasamang ibang tao, ngunit gayunpama'y dama mong ika’y nakahiwalay nang sang-angaw na mga milya? Ang kasalungat ng yaon ay maaaring maging totoo. Kahit tayo ay magkakahiwalay nang sandaming milya, maaari nating madama na tayo’y di-kapanipaniwalang malapít sa iba. Pangwakas na Katotohanan Itong nakalipas na taon, nadama ko nang lubusang malapít sa aking lola sa kanyang misa ng paglibing. Ito’y lubos na nakapagaan ng loob, pagka’t tilang dama kong naroon siyang kasama namin, lalo na sa bahagi ng Yukaristikong Pananalangin at Banal na Komunyon. Ang lola ko ay may matatag na pamimintuho sa Yukaristiya, at sinikap niya na makadalo sa Misa bawa’t araw habang ito ay nagagampanan niya nang may kaluwagan. Ako ay nagpapasalamat sa matalik naming ugnayan at yao'y lagi kong pahahalagahan. Ito ay pinapaalalahanan ako ng isa pang bahagi ng Yukaristikong Pananalangin: “Alalahanin Mo ang aming mga kapatid na nagsihimlay sa pag-asa ng muling pagkabuhay at lahat ng mga yumao sa Iyong awa: tanggapin Mo sila sa liwanag ng Iyong mukha. Maawa Ka sa aming lahat, idinadalangin namin, na kasama ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos, si San Jose, ang kanyang kabiyak, ang mga Mapalad na Apostol, at ang lahat ng mga Santo na nagpalugod sa Iyo sa lahat ng panahon, kami ay maging karapat-dapat na mga tagapagmana ng buhay na walang hanggan, at purihihin at luwalhatiin Ka sa pamamagitan ng Iyong Anak, na aming Panginoong Hesukristo.” Habang nasa Misa o Pagsamba ng Yukaristiya, tayo ay nasa Tunay na Pag-iral ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Tayo rin ay sinasamahan ng mga Santo at mga Anghel sa Langit. Isang araw, makikita natin ang katotohanang ito para sa ating sarili. Para sa ngayon, tayo ay naniniwala na may mga mata ng pananampalataya. Magkaroon tayo ng kagitingan sa tuwing tayo’y nalulumbay o nangungulila sa isang minamahal. Ang Mapagmahal at Maawaing Puso ni Hesus ay patuloy na pumipintig para sa atin, naghahangad para sa atin na makapaggugol ng panahon na kapiling Siya sa Yukaristiya. Dito natin matatagpuan ang ating kapayapaan. Dito ang kung saan tayo mapapakain. Tulad ni San Juan, mamahinga tayo nang mapayapa sa dibdib ng pag-ibig ni Hesus at manalangin upang marami pang iba ang makatatagpo ng kanilang daan sa Kanyang Kabanal-banalang Puso. Upang sa gayon, tayo’y magiging tunay na magkakasama.
By: Denise Jasek
MoreMay nagpatigil sa akin noong araw na iyon... at nagbago ang lahat. Sisimulan ko na sana ang aking grupo ng pagrorosaryo sa pansariling pagamutan kung saan ako nagtatrabaho bilang isang propesyonal sa pangangalaga ng pastoral nang mapansin ko ang 93-anyos na si Norman na nakaupo sa kapilya nang mag-isa, na mukhang nalulungkot. Ang kanyang mga panginginig dahil sa kanyang Parkinsons ay mukhang kitang-kita. Sinamahan ko siya at itinanong kung kamusta na siya. Sa talunang pagkibit-balikat, may ibinulong siya sa wikang Italyano at tila napaiyak. Alam kong hindi siya nasa mabuting kalagayan. Ang galaw ng kanyang katawan ay pamilyar sa akin. Nakita ko ito sa aking ama ilang buwan bago siya namatay—ang pagkabigo, kalungkutan, kalumbayan, pagkabalisa ng 'bakit kailangan kong ipagpatuloy ang pamumuhay nang ganito,' ang pananakit ng katawan na makikita mula sa nakakunot na ulo at malasalaming mga mata... Naging emosyonal ako at hindi makapagsalita ng ilang saglit. Sa katahimikan, ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang mga balikat, sinisiguro sa kanya na kasama niya ako. Isang Panibagong Buong Mundo Ang umagang Ito ay oras ng pag-inom ng tsaa. Alam ko na bago niya magawang makarating sa silid kainan na kaladkad ang mga paa, hindi niya aabutin ang pamimigay ng tsaa. Kaya, nag-alok ako na gawan siya ng kupa. Sa aking minimal na alam sa Italyano, naunawaan ko ang kanyang mga kagustuhan. Sa malapit na kusina ng mga tauhan, ginawan ko siya ng isang tasa ng tsaa, na may gatas at asukal. Binalaan ko siya na medyo mainit pa ito. Ngumiti siya, indikasyon na nagustuhan niya iyon. Ilang beses kong hinalo ang inumin dahil ayaw kong mapaso siya, at nang maramdaman naming pareho na tama na ang temperatura, inialok ko ito sa kanya. Dahil sa kanyang Parkinson's, hindi niya mahawakan nang matatag ang tasa. Tiniyak ko sa kanya na hahawakan ko rin ang tasa; ng kamay ko at ng nanginginig niyang kamay, humigop siya ng tsaa, nakangiting siyang-siya na para bang ito ang pinakamabuting inumin na nainom niya sa buong buhay niya. Inubos niya ang tsaa hanggang sa huling bawat patak! Hindi nagtagal ay tumigil ang kanyang panginginig, at umupo siya ng maayos, at naging mas alerto. Sa kanyang katangi-tanging ngiti, siya ay bumulalas ng: “salamat!” Sumama pa siya sa iba pang mga residente na hindi nagtagal ay nagtungo sa kapilya, at nanatili siya para sa Rosaryo. Isa lamang itong tasa ng tsaa, ngunit ang kahulugan nito ay ang buong mundo para sa kanya—hindi lamang para mapawi ang pisikal na uhaw kundi pati na rin ang emosyonal na kagutuman! Nagpapaalala Habang tinutulungan ko siyang inumin ang kanyang cuppa, naalala ko ang aking ama. Ang mga pagkakataong malugod siya sa mga pagkain na magkasama kami nang hindi nagmamadali, nakaupo na magkasama sa paborito niyang lugar sa sopa habang pinaglalabanan niya ang sakit na dulot ng kanyang cancer, sinasamahan ko siya sa kanyang kama sa pakikinig sa paborito niyang musika, nanonood ng Misa sa pagpapagaling onlayn nang magkasama… Ano ang nagtulak sa akin na makipagkita kay Norman ukol sa kanyang pangangailangan noong umagang iyon? Tiyak na hindi ito ang aking mahina at karnal na kalikasan. Ang plano ko ay mabilis na iayos ang kapilya dahil huli na ako. Mayroon akong isang gawain na dapat tapusin. Ano ang nagpatigil sa akin? Si Hesus, ang nagluklok ng Kanyang biyaya at awa sa aking puso upang tumugon sa mga pangangailangan ng isang tao. Sa sandaling iyon, napagtanto ko ang lalim ng turo ni San Pablo: "At kung ako ma'y buhay hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nasa daigdig, namumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at nag-alay ng kanyang buhay para sa akin.” ( Mga taga Galacia 2:20 ) Naiisip ko lang kung pagdating ko kaya sa idad ni Norman at ako ay makagustong uminom ng cappuccino, ‘na may gatas ng almonde, medyo matapang, at talagang mainit,’ may gagawa din kaya nito para sa akin ng may ganoong awa at grasya?
By: Dina Mananquil Delfino
MoreAng pinakadakilang ebanghelista ay tiyak na si Hesus mismo, at walang higit na pagpapakita ng kapamaraanan sa pangangaral ni Hesus kundi ang dalubhasang pasalaysay ni Lukas na may kinalaman sa pagdako ng mga alagad sa daan ng Emaus. Ang salaysay ay nagsisimula ng dalawang mga alagad na pumaparoon nang hindi wastong daan. Ang bayan ng Herusalem ay ang kabanalang gitna ng panawag-pansin—ang pinagmulan ng Huling Hapunan, ng Krus, Muling Pagkabuhay, at Pagsugo ng Ispirito. Ito ang kinatungkulang pook na kung saan ang dula ng Panunubos ay namumukadkad. Kaya, sa paglilisan mula sa ulunlunsod, ang dalawang mga dating alagad ni Hesus ay lumulusong laban sa agos. Si Hesus ay sumasama sa kanilang paglalakbay—bagama’t tayo’y nasabihang sila’y nasansala na makilala Siya—at tinatanong Niya kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Sa Kanyang tanang ministeryo, si Hesus ay nakipagsalamuha sa mga makasalanan. Magkabalikat Siyang nakihanay sa maputik na ilog ng Hordan kasama ng yaong mga naghahangad ng kapatawaran sa pamamagitan ng pagbinyag ni Juan; pagkaraan at muli, Siya’y nakikain at nakiinom sa mga taong may-kinamumuhiang katanyagan, lubhang di-kapanipaniwala sa mga mapagmatuwid; at sa wakas ng Kanyang buhay, Siya’y ipinako sa krus sa pagitan ng dalawang mga magnanakaw. Kinasuklaman ni Hesus ang sala, ngunit kinagiliwan Niya ang mga makasalanan, at patuloy na nalulugod na kumilos patungo sa kanilang mundo upang himukin sila ayon sa kanilang mga pananakda. At ito ang unang dakilang aral sa ebanghelismo. Ang matagumpay na ebanghelista ay hindi nagpapatayog mula sa karanasan ng mga makasalanan, madaliang nag-aalay ng kaukulang hatol, ipinagdarasal sila mula sa kalayuan; sa halip, siya’y nagmamahal sa kanila nang lubos nang sa gayo'y masamahan sila at marapating maglakad sa kanilang mga sapatos upang madama ang pagkakaiba ng kanilang karanasan. Dahil napagningasan ng mausisang mga tanong ni Hesus, isa sa mga manlalakbay, na nagngangalang Cleopas, ay inuulat ang ‘mga bagay' hinggil kay Hesus ng Nasaret: “Siya ay isang makapangyarihang propeta sa diwa at gawa sa harap ng Diyos at lahat ng mga tao; ang aming mga pinuno, bagaman, ay pinapatay Siya; inakala naming Siya ang magiging manunubos ng Israel; itong kaumagahan kami ay napagsabihan na Siya’y bumangon mula sa pagkamatay.” Lahat ng mga 'katotohanan' ay nakuha ni Cleopas nang tuwiran; ni-isa sa kanyang sinasabi tungkol Kay Hesus ay mali. Ngunit ang kanyang pagkalumbay at paglisan ng Herusalem ay nagpapatunay na hindi niya nakukuha ang larawan. Ikinatutuwa ko ang mahusay at nakakatawang mga karikatura sa magasin ng New Yorker. Ngunit, paminsan-minsan, mayroong isang karikatura na pawang hindi ko maunawaan. Nakuha ko ang lahat ng mga detalye, nakita ko ang lahat ng mga mahalagang tauhan at mga bagay na pumapaligid dito, naunawaan ko ang pamagat. Gayunpaman, hindi ko nakikita kung bakit ito’y nakakatawa. Pagkaraka, mayroong dumarating na sandali ng kalinawan: bagama’t wala akong nakikitang anumang karagdagang detalye, bagama’t walang bagong bahagi ng palaisipan ang lumilitaw, naaaninaw ko ang tularan na nakapag-uugnay sa kanila nang sama-sama sa makabuluhang paraan. Sa isang salita, 'nakukuha' ko ang karikatura. Nang naparinggan ang patotoo ni Cleopas, ang sabi ni Hesus: “Naku, ang hahangal ninyo! Ang kukupad ng puso na paniwalaan ang lahat ng isinaad ng mga propeta.” At ang kasunod ay binubuksan Niya ang Mga Kasulatan sa kanila, ipinakikita ang dakilang mga tularan na nagmula sa Banal na Aklat, na nagbibigay-saysay sa 'mga bagay' na kanilang nasaksihan. Na walang ihinahantad sa kanila na anumang bago tungkol sa Kanya, ipinakikita ni Hesus ang hugis at ang nakapananakop na panukala, ang kahulugan—at sa paraang ito Siya ay 'nakuha' nila: ang kanilang mga puso ay nagsisialab sa kaloob-looban nila. Ito ang pangalawang dakilang aral sa ebanghelismo. Ang matagumpay na ebanghelista ay gumagamit ng Mga Kasulatan upang ihantad ang banal na mga tularan at sa wakas ang Tularan na pagiging tao kay Hesus. Kapag wala nitong nakapanlilinaw na mga paraan, ang buhay ng tao ay pawang kahukutan, isang kalabuan ng mga tagpo, isang bungkos ng walang-kabuluhang mga pangyayari. Ang mabisang ebanghelista ay isang ginoo ng Bibliya, pagka’t ang Kasulatan ay isang kaparaanan upang 'makuha' natin si Hesukristo at, sa Kanyang pamamagitan, ang ating mga buhay. Ang dalawang mga alagad ay nilalamuyot Siyang manatili na kasama nila nang papalapit na sila sa bayan ng Emaus. Si Hesus ay umuupong kasama nila, itinataas ang tinapay, isinasaad ang pagbasbas, hinahati ito at binibigay sa kanila, at sa sandaling yaon Siya’y nakikilala nila. Bagama’t sila ay, sa tulong ng Kasulatan, nasimulang makita Siya, hindi pa rin nila naunawaan nang lubos kung sino Siya. Ngunit sa pagpapahalaga ng Yukaristiya, sa pagbabahagi ng tinapay, ang kanilang mga mata ay namulat. Ang pangwakas na paraan upang maunawaan natin si Hesukristo ay hindi ang Kasulatan ngunit ang Yukaristiya. Ang Yukaristiya ay Kusang si Kristo, bilang tao at buong siglang umiiral. Ang sagisag ng hiwaga ng pagpapalaya, ang Yukaristiya, ay ang pag-ibig ni Hesus para sa mundo hanggang kamatayan, ang Kanyang paglalakbay patungo sa pagtatakwil-ng-diyos nang sa gayo’y masagip ang pinakanawawalan-ng-pag-asang mga makasalanan, ang Kanyang pusong nabuksan sa pagkahabag. At ito ang kung bakit sa pamamagitan ng lente ng Yukaristiya ay dumarating si Hesus nang sukdulang kapunuan at kalinawan sa tampulan. At kaya nakikita natin ang ikatlong dakilang aral sa ebanghelismo. Ang matatagumpay na mga ebanghelista ay mga tauhan ng Yukaristiya. Sila ay nakababad sa mga indayog ng Misa; isinasakatuparan nila ang Yukaristikong Pananamba; pinupukaw nila ang mga napagbahaginan ng Ebanghelyo sa pagsali sa katawan at dugo ni Hesus. Alam nila na ang pag-akay sa mga makasalanan kay Hesukristo ay kailanma’y hindi pawang isang bagay na pansariling saksi, o isang pangangaral na nagpapasigla, o kahit isang pahihirati sa mga tularan ng Kasulatan. Ito’y kauna-unahang isang bagay upang makita ang nasugatang puso ng Diyos sa pamamagitan ng tinapay na ibinabahagi ng Yukaristiya. Kaya kayong mga umaasang maging ebanghelista, gawin ang ginawa ni Hesus, makipaglakad sa mga makasalanan, buksan ang Aklat, ipamahahagi ang Tinapay.
By: Bishop Robert Barron
MoreAlam mo ba na tayong lahat ay naimbitahan sa Pinakadakilang Kapistahan sa kasaysayan ng sangkatauhan? Ilang taon na ang nakalilipas, binabasa ko ang kwento ng kapanganakan ni Dionysus kasama ang aking mga estudyante. Ang Persephone, ayon sa alamat, ay nabuntis ni Zeus at hiniling na makita siya sa kanyang tunay na anyo. Ngunit ang isang may hangganang nilalang ay hindi maaaring tumingin sa isang walang hanggang nilalang at mabubuhay. Kaya, ang tanging paningin kay Zeus ay naging sanhi ng pagsabog ni Persephone, doon at pagkatapos, sa lugar. Tinanong ako ng isa sa aking mga estudyante kung bakit hindi kami sumasabog kapag tinatanggap namin ang Eukaristiya. Sinabi ko sa kanya na hindi ko alam, ngunit hindi masakit na maging handa. Ang Diskarte Araw-araw, at sa bawat simbahang Katoliko sa buong mundo, isang dakilang himala ang gumaganap—ang pinakadakilang himala sa kasaysayan ng mundo: ang Lumikha ng sansinukob ay nagkatawang-tao sa altar, at kami ay iniimbitahan na lumapit sa altar na iyon para kumuha. Siya sa ating mga kamay. Kung maglakas-loob tayo. May ilan na nagtatalo—at nakakumbinsi—na hindi tayo dapat maglakas-loob na umakyat at kunin ang Eukaristiya na para bang ito ay isang tiket sa teatro o isang order na kinukuha. Mayroong iba na nagtatalo, at nakakumbinsi, na ang kamay ng tao ay gumagawa ng isang karapat-dapat na trono para sa gayong abang Hari. Alinmang paraan, dapat tayong maging handa. Noong 2018, binisita ko ang Tower of London kasama ang aking pamilya. Pumila kami ng isang oras at kalahati para makita ang Koronang mga Hiyas. Isang oras at kalahati! Una, binigyan kami ng mga tiket. Pagkatapos, umupo kami sa isang bidyo ng dokumentaryo. Di-nagtagal, kami ay dinala sa isang paikot-ikot na serye ng pelus, mga koridor na may lubid na dumaan sa mga sisidlang pilak at ginto, mga nakasuot ng baluti, magarbo at mamahaling mga kasuotang balahibo, satin, pelus, at hinabing ginto...hanggang sa wakas, nabigyan kami ng maikling sulyap. ng korona sa pamamagitan ng bullet-proof na salamin at sa ibabaw ng balikat ng mabigat na armadong mga guwardiya. Lahat ng iyon para lang makita ang korona ng Reyna! Mayroong isang bagay na walang hanggan na mas mahalaga sa bawat Misa ng Katoliko. Dapat tayong maging handa. Dapat nanginginig tayo. Ang mga mandurumog ng mga Kristiyano ay dapat na nakikipaglaban para sa isang sulyap sa himalang ito. Kaya, nasaan ang lahat? Kuwarentenas Milagro Sa panahon ng pandemya, noong ang mga pintuan ng Simbahan ay sarado sa mga mananampalataya, at kami ay pinagbawalan—magaling, kayo ay ipinagbawal—na personal na masaksihan ang himalang ito, ilan ang nakiusap sa Simbahan na magkaroon ng lakas ng loob na magtiwala na mas gugustuhin nating mamatay kaysa mamatay. pagkakaitan ng himalang ito? (Hwag Ninyo akong masamain. Hindi ko sinissi ang desisyon ng Simbahan na pinagbasehan mula sa pinaka mahusay na medical na payo.) Wala akong natatandaang nakarinig tungkol sa anumang galit, ngunit pagkatapos, abala ako sa pagtatago sa kumbento, pag-isterilisado ng mga ibabaw ng patungan, at mga hawakan ng pintuan. Ano ang maibibigay mo kung naroon ka sa Cana nang gumawa si Jesus ng Kanyang unang himala—ang tumayo sa harapan ng Reyna ng Langit? Ano ang ibibigay mo kung nakapunta ka doon noong unang gabi ng Huwebes Santo? O ang tumayo sa paanan ng Krus? Kaya mo. Inimbitahan ka. Magkaroon ng kamalayan at maging handa.
By: Father Augustine Wetta O.S.B
MoreBilang mga Katoliko, narinig na natin mula noong tayo ay maliit pa: “Ihandog ito.” Mula sa isang maliit na sakit ng ulo hanggang sa isang napakaseryosong emosyonal o pisikal na pananakit, kami ay hinikayat na 'ihandog ito.' Noon lamang ako ay nasa hustong gulang na ako ay nagmuni-muni sa kahulugan at layunin ng parirala, at naunawaan ito bilang 'pantubos na pagdurusa.' Ang pantubos na pagdurusa ay ang paniniwala na ang pagdurusa ng tao, kapag tinanggap at inialay na kaisa ng Pasyon ni Hesus, ay makapagbibigay ng makatarungang kaparusahan para sa mga kasalanan ng isa o sa mga kasalanan ng iba. Sa buhay na ito, dumaranas tayo ng iba't ibang menor at malalaking pisikal, mental, emosyonal, at espirituwal na pagsubok. Maaari nating piliin na magreklamo tungkol dito o maaari nating isuko ang lahat at pagsamahin ang ating pagdurusa sa Pasyon ni Hesus. Maaari itong maging redemptive hindi lamang para sa atin, maaari pa nating tulungan ang isang tao na buksan ang kanilang puso upang matanggap ang pagpapagaling at kapatawaran ni Hesus. Maaaring hindi natin alam sa buhay na ito kung paano nakatulong ang pag-aalay ng ating mga pagdurusa sa ibang tao na makawala sa mga pagkaalipin na matagal nang nakahawak sa kanila. Minsan, pinahihintulutan tayo ng Diyos na maranasan ang kagalakan ng makita ang isang tao na kumawala sa buhay ng kasalanan dahil inialay natin ang ating pagdurusa para sa kanila. Maaari nating ialay ang ating mga pagdurusa kahit para sa mga mahihirap na kaluluwa sa purgatoryo. Kapag sa wakas ay nakarating na tayo sa Langit, isipin ang mga pinagdarasal natin at iniaalay ang ating mga pagdurusa na bumabati sa atin at nagpapasalamat sa atin. Ang pagdurusa sa pagtubos ay isa sa mga lugar na maaaring mahirap maunawaan nang lubusan, ngunit kapag titingnan natin ang Banal na Kasulatan at kung ano ang itinuro ni Jesus at kung paano namuhay ang kanyang mga tagasunod, makikita natin na ito ay isang bagay na hinihikayat ng Diyos na gawin natin. Hesus, tulungan mo ako sa bawat araw na ialay ang aking maliit at malalaking pagdurusa, kahirapan, inis, at ipagkaisa ang mga ito sa Iyo sa Krus.
By: Connie Beckman
MoreIsang mapang-akit na unang pagtatagpo, pagkawala, at muling pagkikita...ito ay isang kwento ng walang hanggang pag-ibig. Mayroon akong isang magiliw na alaala ng pagkabata ng isang mahiwagang araw nang makatagpo ko si Hesus sa Eukaristikong Pagsamba. Ako ay nabighani sa Eukaristikong Hesus sa isang marilag na monstrance na may insenso na tumataas patungo sa Kanya. Habang umiindayog ang insenso, ang insenso ay pumaitaas patungo sa Kanya sa Eukaristiya, at ang buong kongregasyon ay sabay-sabay na umawit: “O Sakramento na Kabanal-banalan, O Sakramento na Banal, Lahat ng papuri at lahat ng pasasalamat, sa bawat sandali ay Iyo.” Masyadong Inaabangan na Pagkikita Gusto kong hawakan ang insenso sa aking sarili at dahan-dahang itulak ito pasulong upang maitaas ko ang insenso sa Panginoong Hesus. Iminuwestra sa akin ng pari na huwag hawakan ang insenso at ibinaling ko ang aking atensyon sa usok ng insenso na umakyat, kasama ng aking puso at mga mata, sa Panginoong Diyos na ganap na naroroon sa Eukaristiya. Pinuno ng pagtatagpong ito ang aking kaluluwa ng labis na kagalakan. Ang kagandahan, ang amoy ng insenso, ang buong kongregasyon na kumakanta nang sabay-sabay, at ang pangitain ng Eukaristikong Panginoon na sinasamba...ang aking mga pandama ay lubusang nasiyahan, na nag-iiwan sa akin ng pananabik na maranasan itong muli. Napuno pa rin ako ng malaking kagalakan na alalahanin ang araw na iyon. Gayunpaman, sa aking kabataan, nawala ang aking pagkahumaling sa kayamanang ito, na pinagkaitan ang aking sarili ng napakagandang pinagmumulan ng kabanalan. Ang bata na ako noon, naisip ko na kailangan kong patuloy na manalangin para sa buong oras ng Eucharistic Adoration at isang buong oras ay tila masyadong mahaba para dito. Ilan sa atin ngayon ang nag-aatubiling pumunta sa Eucharistic Adoration para sa katulad na mga kadahilanan-stress, inip, katamaran o kahit na takot? Ang totoo, ipinagkakait natin sa ating sarili ang dakilang kaloob na ito. Mas malakas kaysa Kailanman Sa gitna ng mga paghihirap at pagsubok sa aking kabataan, naalala ko kung saan ako nakatanggap ng ganoong kaginhawahan at bumalik sa Eukaristikong Eucharistikong Pagsamba para sa lakas at kabuhayan. Sa Unang Biyernes, tahimik akong nagpapahinga sa presensya ni Hesus sa Banal na Sakramento sa loob ng isang buong oras, pinahihintulutan lamang ang aking sarili na makasama Siya, nakikipag-usap sa Panginoon tungkol sa aking buhay, humihingi ng Kanyang tulong, at paulit-ulit, ngunit mahinang ipinapahayag ang aking pagmamahal. para sa kanya. Ang posibilidad na magpakita sa harap ng Eukaristikong Hesus at manatili sa Kanyang banal na presensya sa loob ng isang oras ay nagpabalik sa akin. Sa pagdaan ng mga taon, napagtanto ko na ang Eukaristikong Pagsamba ay nagbago ng aking buhay sa malalim na paraan habang ako ay nagiging mas alam ang aking pinakamalalim na pagkakakilanlan bilang isang minamahal na anak ng Diyos. Alam natin na ang ating Panginoong Hesus ay tunay at ganap na naroroon sa Eukaristiya— Kanyang katawan, dugo, kaluluwa at pagka-Diyos. Ang Eukaristiya ay si Hesus Mismo. Ang paggugol ng oras kasama ang Eukaristiya Hesus ay makapagpapagaling sa iyo mula sa iyong mga karamdaman, makapaglilinis sa iyong mga kasalanan at mapupuno ka ng Kanyang dakilang pag-ibig. Kaya, hinihikayat ko ang lahat na gumamit ng regular na Banal na Oras . Kapag mas maraming oras ang iyong natitipon sa Panginoon sa Eucharistic Adoration, mas magiging matatag ang iyong personal na relasyon sa Kanya. Huwag sumuko sa paunang pag-aalinlangan, at huwag matakot na gumugol ng oras sa ating Eukaristikong Panginoon, na siyang pag-ibig at awa mismo, kabutihan, at kabutihan lamang.
By: Pavithra Kappen
MoreIsang handog na malaya mong magagamit saan man sa mundo, at hulaan mo! Ito ay libre hindi lamang para sa iyo kundi para sa lahat! Ipagpalagay mong ikaw ay naligaw sa isang malalim na hukay ng kadiliman at walang pag-asang nangangapa sa paligid. Bigla kang nakakita ng napakagandang liwanag at may umabot sa iyo para iligtas ka. Anong ginhawa! Ang labis na kapayapaan at kagalakan ay hindi lubos na maipahayag sa mga salita. Ganito ang nadama ng babaeng Samaritana nang makatagpo niya si Jesus sa may balon. Winika Niya sa kanya: “Kung alam mo ang handog ng Diyos, at kung sino yaong nagsasabi sa iyo: ‘Bigyan mo Ako ng inumin, hihingan mo Siya, at bibigyan ka Niya ng tubig na buhay.” (Huan 4:10) Nang madinig niya ang mga salitang ito, napagtanto ng babae na tanang buhay niya na itong hinihintay. “Bigyan Mo ako ng tubig na ito, upang hindi na ako mauhaw kailanman,” nagsumamo siya: (Huan 4:15) Noon lamang, bilang tugon sa kanyang kahilingan at pagkauhaw sa kaalaman tungkol sa Mesiyas, ipinahayag ni Jesus ang Kanyang sarili sa kanya: “Ako ay Siya, ang Isa na nangungusap sa iyo.” (Huan 4:26) Siya ang tubig na buhay na pumapawi sa bawat pagkauhaw—uhaw sa pagtanggap, uhaw sa pang-unawa, uhaw sa kapatawaran, uhaw sa katarungan, uhaw sa kaligayahan, at higit sa lahat, uhaw sa pag-ibig, Pag-ibig ng Diyos. Hanggang Sa lkaw Ay Humiling Ang handog ng presensya at awa ni Kristo ay nandiyan para sa lahat. "Pinatunayan ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin na, noong tayo ay makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin." (Roma 5:8) Siya ay namatay para sa bawat makasalanan upang sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, maaari tayong mapadalisay mula sa ating kasalanan at makipagkaisa sa Diyos. Ngunit, tulad ng babaeng Samaritana, kailangan nating humiling kay Hesus. Bilang mga Katoliko, madali nating magagawa ito sa pamamagitan ng Sakramento ng Pagsisisi, pagkukumpisal ng ating mga kasalanan at pakikipagkasundong muli sa Diyos kapag pinawalang-sala tayo ng pari, gamit ang kapangyarihang ibinigay ng Diyos bilang persona Christi (sa katauhan ni Kristo). Nagbibigay sa akin ng malaking kapayapaan ang madalas na pagdalo sa Sakramento na ito dahil habang ito ay ginagawa ko, lalong nagiging bukal ang pagtanggap ko sa Banal na Espirito. Dama ko na Siya ay nangungusap mula sa aking puso, tinutulungan akong mapagwari ang mabuti sa masama, yumayabong sa pagiging matuwid habang ako ay tumatakas sa bisyo. Kung mas madalas kong pinagsisisihan ang aking mga kasalanan at nagbabalik-loob sa Diyos, mas madali kong madama ang presensya ni Hesus sa Banal na Eukaristiya. Nagkakaroon ako ng kamalayan sa presensya Niya duon sa mga tumanggap sa Kanya sa Banal na Komunyon. Dama ko sa aking puso ang Kanyang init kapag naglalakad padaan sa akin ang pari dala ang ciborium na puno ng benditadong hostia. Maging tapat tayo tungkol dito. Madaming tao ang pumipila sa Komunyon, ngunit kakaunti ang pumipila sa Kumpisal. Nakalulungkot na madaming tao ang Hindi nakakapakinabang sa gayong napakahalagang pinagmumulan ng biyaya para palakasin tayo sa pangkaluluwa. Narito ang ilang bagay na makakatulong sa akin para maging sulit ang Kumpisal. 1. Maging Handa Ang isang masusing pagsusuri ng budhi ay kinakailangan bago Magkumpisal. Maghanda sa pamamagitan ng pagsuri sa mga utos, ang pitong malubhang mga kasalanan, ang mga kasalanan ng pagkukulang, ang mga kasalanan laban sa kadalisayan, pagmamahal sa kapwa, atbp. Para sa isang taos-pusong kumpisal, ang pagpapahayag ng kasalanan ay isang pambungad na kailangan, kaya laging nakakatulong na hilingin sa Diyos na liwanagan tayo tungkol sa ilang mga kasalanang nagawa natin na hindi natin batid. Hilingin sa Banal na Espiritu na paalalahanan tayo sa mga kasalanan na naligtaan mo, o ipabatid sa iyo kung saan hindi mo namamalayan na ika'y nagkakamali. Minsan niloloko natin ang ating sarili sa pag-iisip na okay lang ang isang bagay kahit hindi naman. Minsang makapaghanda tayo nang maayos, maaari nating hilinging muli ang tulong ng Banal na Espirito upang buong puso nating aminin ang mga pagkukulang nang may taos pusong pagsisisi. Kahit hindi natin hinaharap ang pagkumpisal nang may lubos na pagsisisi sa puso, ito ay maaaring mangyari sa oras ng kumpisal mismo sa pamamagitan ng biyayang naroroon sa Sakramento. Kahit ano pa man ang nadarama mo tungkol sa ilang mga kasalanan, makabubuting ipagtapat pa din ang mga ito; Pinatatawad tayo ng Diyos sa Sakramento na ito kung aaminin nating tapat ang ating mga kasalanan, kinikilala na tayo ay nakagawa ng pagkakamali. 2. Maging Matapat Maging tapat sa iyong sarili tungkol sa sarili mong mga kahinaan at pagkukulang. Ang pag-amin ng mga pakikibaka, at ang iwaksi ang mga ito mula sa kadiliman tungo sa liwanag ni Kristo ay magpapaginhawa sa iyo sa nakakaparalisang pagkakasala at magpapalakas sa iyo laban sa mga kasalanan na madalas mong gawin nang paulit-ulit (tulad ng mga adiksyon). Naaalala ko minsan, sa pagkukumpisal, nang sabihin ko sa pari ang tungkol sa isang kasalanan na tila hindi ko mawaglit, nanalangin siya para sa akin na matanggap ang partikular na biyaya mula sa Banal na Espiritu upang matulungan akong maiwaksi ito. Ang karanasang ito ay tunay na nakapagpapalaya. 3. Maging Mapagpakumbaba Sinabi ni Hesus kay Santa Faustina na “Ang isang kaluluwa ay hindi makikinabang gaya ng nararapat sa Sakramento ng Penitensiya kung hindi ito hamak. Ang pagmamataas ay nagpapanatili nito sa kadiliman." (Diary, 113) Nakakahiya ang lumuhod sa harap ng ibang tao at hayagang harapin ang mga madilim na bahagi ng iyong buhay. Naaalala ko na nakatanggap ako ng isang napakahabang sermon dahil sa pag-amin ng isang mabigat na kasalanan minsan at ang mapagsabihan dahil sa paulit-ulit na pagkumpisal ng nasabing kasalanan. Kung matutunan kong tanawin ang mga karanasang ito bilang mapagmahal na pagwawasto ng isang Ama na labis na nagmamalasakit sa iyong kaluluwa at kusang-loob Ang pagpapatawad ng Diyos ay isang makapangyarihang palatandaan ng Kanyang pag-ibig at katapatan. Kapag tayo ay masok sa Kanyang yakap at ikumpisal kung ano ang ating nagawa, ibinabalik nito ang ating kaugnayan sa Kanya bilang ating Ama at tayo, Kanyang mga anak. Ibinabalik din nito ang ating kaugnayan sa isa't isa na kabilang sa isang katawan—ang katawan ni Kristo. Ang pinakamagandang bahagi ng pagtanggap ng kapatawaran ng Diyos ay kung paano nito ibinabalik ang kadalisayan ng ating kaluluwa nang sa gayon kapag tinitingnan natin ang ating sarili at ang iba, makikita natin ang Diyos na nananahan sa lahat.
By: Cecil Kim Esgana
MoreHindi madaling hulaan kung ikaw ay magiging matagumpay, mayaman o sikat, ngunit isang bagay ang sigurado– ang kamatayan ay naghihintay sa iyo sa dulo. Ang isang katamtamang bahagi ng aking oras sa mga araw na ito ay nagugol ko sa pagsasanay ng sining ng pagkamatay. Masasabi kong, nasisiyahan ako sa bawat sandali ng pagsasanay na ito, maski na mula pa nang napagtanto ko na ako ay pumasok sa mahirap na wakas ng mga antas ng oras. Ako ay malusog at tunay na maayos at nakalampas sa tatlong taon at sampu, kaya nagsimula akong mag-isip nang seryoso: anong mga positibong paghahanda ang kailangan kong gawin para sa hindi maiiwasang pagkawala ng aking buhay? Gaano ako katibay sa buhay na aking ipinamumuhay? Ang buhay ko ba ay malaya hangga't maaari sa kasalanan, lalo na ang mga kasalanan ng laman? Ang aking pinakalayunin ba ay iligtas ang aking imortal na kaluluwa mula sa walang hanggang kapahamakan? Dahil sa awa ng Diyos, ako ay pinahintulutan pa ng 'dagdag na oras' sa larong ito ng buhay, upang maiayos ko ang aking mga gawain (lalo na ang mga gawaing espirituwal) bago ako pumunta sa tuktok at sa mga anino ng lambak ng kamatayan. Mayroon akong panghabambuhay gayundin upang ayusin ang mga ito, ngunit tulad ng marami, napabayaan ko ang mga pinakamahalagang bagay sa buhay, mas pinipiling maging tanga sa paghahanap ng mas higit pang kayamanan, seguridad, at agarang kasiyahan. Hindi ko masasabing malapit na akong magtagumpay sa aking mga pagsusumikap habang ang mga kaguluhan sa buhay ay patuloy na sumasalot sa akin, sa kabila ng aking katandaan. Ang patuloy na salungatan na ito ay palaging nakakainis at nagpapahirap, ngunit kapag ang isa ay maaari pa ring matukso, ang gayong mga nasayang na emosyon ay napakawalang saysay. Pagtakas sa hindi maiiwasan Sa kabila ng Katolikong pagpapalaki sa akin at sa paghihimok nitong yakapin at asahan ang hindi maiiwasang pagtapik sa balikat ng 'Anghel ng Kamatayan' ng Diyos, inaasahan ko pa rin ang liham mula sa Hari na binabati ako sa pag-abot sa 'the big zero.' tulad ng marami na kaidaran ko, ako ay nakikipag-ugnayan upang pigilan ang hindi maiiwasan sa pamamagitan ng pagtanggap ng anumang insentibo upang makatulong na pahabain ang aking buhay sa lupa gamit ang mga gamot, kalinisan, diyeta, o sa anumang paraan na posible. Ang kamatayan ay hindi maiiwasan para sa lahat, kahit pa para sa Papa, sa ating minamahal na Tiya Beatrice, at maharlika. Ngunit habang tumatagal tayo sa pagtakas sa hindi maiiwasang bagay, mas lalong lumiliwanag ang kislap na iyon ng pag-asa sa ating pag-iisip—na maaari nating itulak ang sobre, maglagay ng isa pang buga ng hininga sa lobo na iyon, palawakin ito hanggang sa pinakalabas nitong hangganan. Sa palagay ko, sa isang paraan, maaaring iyon ang sagot sa matagumpay na pagpapahaba ng petsa ng kamatayan—ang pagiging positibo, ang paglaban sa imortalidad. Palagi kong iniisip, kung maiiwasan ko ang hindi makatarungang mga buwis sa anumang paraan, kung gayon bakit hindi subukang iwasan ang ibang katiyakan, ang kamatayan? Tinukoy ni San Agustin ang kamatayan bilang: "ang utang na dapat bayaran." Idinagdag pa ni Arsobispo Anthony Fisher: “Pagdating sa kamatayan, ang modernidad ay tungo sa pag-iwas sa buwis, gayundin ang ating kasalukuyang kultura sa pagtanggi tungkol sa pagtanda, kahinaan, at kamatayan.” Ganoon din sa mga kaangkupan na dyim. Nagbilang ako noong nakaraang linggo, limang ganoong mga establisyimento sa aming medyo maliit na komunidad, sa panlabas na kanlurang suburb ng Sydney. Ang nagngangalit sa pagnanais na maging angkop at malusog na tunay na marangal at kapuri-puri, kung hindi natin ito masyadong sineseryoso dahil maaari itong makaapekto sa bawat aspeto ng ating buhay sa kapinsalaan nito. At kung minsan, maaari itong humantong sa sobrang pagmamahal sa sarili. Dapat tayong magtiwala sa ating kakayahan at mga talento ngunit panatilihing nakikita ang kabutihan ng kababaang-loob na nagpapanatili sa atin na nakasalig sa katotohanan, upang hindi tayo masyadong lumayo sa mga alituntunin ng Diyos para sa pagiging normal. Hanggang sa Lubos na Kasamaan Sinusubukan pa nga nating paamuhin ang pagtanda at kamatayan, kaya nangyayari ang mga ito sa ating sariling mga termino sa pamamagitan ng mga kosmetiko at medikal na labis, krayopreserbasyon, iligal na ninakaw na mga organo para sa mga transplant, o ang pinaka-malasatanas na paraan ng pagsisikap na talunin ang natural na kamatayan sa pamamagitan ng paggawa ng Euthanasia... Hindi pa ba sapat ang mga sakuna para kumitil sa ating buhay nang maaga. Gayunpaman, karamihan sa mga tao ay natatakot sa pag-iisip ng kamatayan. Maaari itong makaparalisa, makalito, at makapanlumo, dahil ito na ang magiging katapusan ng ating buhay sa lupa, ngunit kailangan lang ng gabuto ng mustasa na pananampalataya upang mabago ang lahat ng 'katapusan ng mundo' na pakiramdam at upang magbukas ng isang buong bagong tanawin ng pag-asa , kagalakan, kasiya-siyang pag-asa, at kaligayahan. Kung meron kang pananampalataya sa kabilang buhay kasama ang Diyos at lahat ng kaakibat nito, ang kamatayan ay isang kinakailangang pinto na dapat buksan para tayo ay makibahagi sa lahat ng mga pangako ng Langit. Napakalaking garantiya, na ibinigay ng ating Makapangyarihang Diyos, na sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanyang anak na si Hesus at pamumuhay ayon sa Kanyang mga tagubilin, pagkatapos ng kamatayan ay mararating ang buhay-buhay sa ganap na antas. At sa gayon, maaari nating itanong nang may kumpiyansa ang: "Oh kamatayan, nasaan ang iyong tagumpay, kamatayan nasaan ang iyong tibo?" (1 Korinto 15:58) Putol na Pananampalataya Sa pagpasok sa malawak na kawalan ng kaalaman, kaba ang maaasahan, ngunit salungat sa Hamlet ni Shakespeare, na nagsabing: “Ang kamatayan ay ang bansang hindi natuklasan kung saan walang nakakabalik na manlalakbay,” tayong mga pinagkalooban ng kaloob ng pananampalataya ay ipinakita sa atin ang katibayan na ang ilang kaluluwa ay nakabalik mula sa bituka ng kamatayan upang magbigay ng patotoo sa maling impormasyong iyon. Itinuturo ng Katesismo ng Katolikong Simbahan na ang kamatayan ay bunga ng kasalanan. Ang Magisterium ng Simbahan, bilang tunay na tagapagsalin ng mga pagpapatibay ng Kasulatan at Tradisyon, ay nagtuturo na ang kamatayan ay pumasok sa mundo dahil sa kasalanan ng tao. “Kahit na ang kalikasan ng tao ay mortal, itinakda ng Diyos na hindi siya mamatay. Kung gayon ang kamatayan ay salungat sa mga plano ng Diyos na Lumikha at pumasok sa mundo bilang bunga ng kasalanan.” Pinatutunayan ito ng Aklat ng Karunungan. “Hindi ginawa ng Diyos ang kamatayan, at hindi Niya kinalulugdan ang kamatayan ng mga buhay. Nilikha Niya ang lahat upang ito ay patuloy na umiral at lahat ng Kanyang nilikha ay kapaki-pakinabang at mabuti.” (Karunungan 1:13-14, 1 Korinto 15:21, Roma 6:21-23) Kung walang tunay na pananampalataya, ang kamatayan ay parang pagkalipol. Samakatuwid, hanapin ang pananampalataya dahil iyon ang nagpapabago sa ideya ng kamatayan sa pag-asa ng buhay. Kung ang pananampalatayang taglay mo ay hindi sapat na malakas upang madaig ang takot sa kamatayan, magmadali ka upang palakasin ang maliit na bahagi ng pananampalataya na iyon tungo sa isang ganap na paniniwala sa Kanya na Buhay, dahil pagkatapos ng lahat, ang nakataya ay ang iyong Buhay na Walang Hanggan. Kaya, huwag nating ipaubaya ang mga bagay sa pagkakataon. Magkaroon ka nawa ng isang ligtas na paglalakbay, magkita tayo sa kabilang panig!
By: Sean Hampsey
MoreT – Marami sa aking mga kaibigang Kristiyano ay nagdiriwang ng 'Komunyon' tuwing Linggo, at ipinagdidiinan nila na ang Yukaristikong pag-iral ni Kristo ay isang pambanalang paglalarawan lamang. Ako’y naniniwala na si Kristo ay naroon sa Yukaristiya. Ngunit mayroon bang paraan upang maipaliwanag ito sa kanila? S – Ito'y talagang isang di-kapanipaniwalang paninindigan na sabihin na sa bawa’t misa, ang isang munting piraso ng tinapay at isang kalis ng alak ay nagiging ganap na laman at dugong Kusa ng Diyos. Hindi isang paglalarawan o palatandaan, ngunit ito’y tunay na katawan, dugo, kaluluwa, at kabanalan ni Hesus. Paano natin ito magagawang isang paninindigan? Mayroong tatlong mga dahilan kung bakit natin pinaniniwalaan ito. Una, si Hesukristo ay kusang sinabi ito. Sa Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 6, sinabi ni Hesus: “Tunay, tunay na sinasabi Ko sa inyo, maliban lamang na kakanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang Kanyang dugo, kayo ay walang buhay sa sarili ninyo. Sinuman ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw. Pagka’t ang laman Ko ay tunay na kakanin at ang dugo Ko ay tunay na inumin. Sinuman ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananatili sa Akin at Ako sa kanya.” Tuwing sinasabi ni Hesus, “Tunay, tunay na sinasabi Ko…”, ito’y isang tanda na ang Kanyang susunod na sasabihin ay may buong payak na kahulugan. Bilang karagdagan, ginamit ni Hesus ang Grekong salitang trogon na ang pagsalin ay “kumain”—ngunit ang totoong kahulugan ay “ngumuya, ngumata, o himayin ng mga ngipin ng isang tao.” Ito’y isang maliwanag na pandiwa na magagamit lamang nang santalagahan. Mandin, bigyang-pansin ang ganting tugon ng Kanyang mga tagapakinig; sila’y nagsilayo. Isinasaad sa Juan 6: “bilang kinauwian nitong [pangaral], marami sa Kanyang mga alagad ay bumalik sa kanilang dating kinagawiang pamumuhay at hindi na nagsiulit na samahan Siya.”Hinahabol ba Niya sila, sinasabing hindi nila naunawaan Siya? Hindi, sila’y hinayaan Niyang lumisan--sapagka't Siya’y taimtim tungkol sa Kanyang pangaral na ang Yukaristiya ay ang Kanyang tunay na laman at dugo. Ikalawa, naniniwala tayo dahil ang Simbahan ay palagi nang itinuro ito simula sa pinakamaagang mga araw. Minsan kong tinanong ang isang pari kung bakit walang pagbanggit ng Yukaristiya sa Kredo na ating ihinahayag tuwing Linggo—at sumagot siya na ito’y dahil walang nakikipagtalo sa Kanyang Tunay na Pag-iral, kaya ito’y hindi kinakailangang bigyan ng pangkapunuang kahulugan! Marami sa mga Ama ng Simbahan ang nagsulat tungkol sa Yukaristiya—bilang halimbawa, si San Justino Martir, nagsusulat sa loob ng ika-150 na Taon ng Panginoon, ay inilagda itong mga salita: “Pagka’t hindi bilang isang pangkaraniwang tinapay at pangkaraniwang inumin na tinatanggap natin ang mga ito; tayo’y napangaralan na ang pagkain na nabasbasan ng panalangin ng Kanyang diwa, at kung saan nagmumula ang kalusugan ng ating dugo at laman, ay ang laman at dugo ng yaong si Hesus na nagkatawamg-tao.” Bawa’t Ama ng Simbahan ay sumasang-ayon—ang Yukaristiya ay totoong laman at dugo Niya. Pinakahuli, ang ating pananampalataya ay napasisigla sa pamamagitan ng mga himala ng Yukaristiya sa kasaysayan ng Simbahan—mahigit na isang-daa't-limampung mga himalang natalà nang buong katiyakan. Marahil ang pinakabantog ay ang naganap sa Lanciano, Italya sa loob ng ikawalong-daang mga taon, kung saan ang isang pari na pinag-alinlangan ang tunay na pag-iral ni Kristo ay nagulantang nang nagtagpuan niya ang Ostiya ay naging malinaw na laman, habang ang alak ay naging bilang malinaw na dugo. Pagkaraa'y natuklasan ng makaagham na mga panunuri na ang Ostiya ay bahagi ng kalamnan ng pusong nagbubuhat sa isang lalaking tao na may uri ng dugong AB (napaka-karaniwan sa mga kalalakihang Hudyo). Ang pusong kalamnan ay nabugbog at nagkapasa-pasà nang sukdulan. Ang dugo ay nagsipagbuo sa limang mga kimpal, nagsasagisag sa limang mga sugat ni Kristo, at ang bigat ng isa sa mga kimpal ay makababalaghang tumutumbas sa bigat ng limang mga kimpal kapag pinagsama-sama! Ang mga dalub-agham ay hindi maipaliwanag kung paano makatatagal ang laman at dugong ito nang labindalawang-daang mga taon—mandin ay kusang isang di-maipaliliwanag na himala. Ngunit paano natin maipaliliwanag kung papaano ito nangyayari? Tayo’y makagagawa ng pagkakaiba ng pagkakayari (isang bagay na may anyo, amoy, lasa, atbp.) sa kalamnan (kung ano talaga ito). Noong ako’y musmos na bata, nasa loob ako ng bahay ng aking kaibigan, at nang siya’y umalis ng silid, nakakita ako ng isang galyetas na nasa plato. Ito’y nag-anyong katakamtakam, may amoy tulad ng banilya, at kaya kumagat ako nito…at ito pala'y sabon! Ako’y bigong-bigo! Ngunit ito’y napangaralan ako na ang aking mga pandama ay hindi parating maaninaw ang isang bagay kung ano talaga ito. Sa Yukaristiya, ang kalamnan ng tinapay at alak ay nagbabago sa pagiging kalamnan ng katawan at dugo (isang pamamagitang kinikilala bilang banyuhay), habang ang mga pagkakayari (ang lasa, amoy, anyo) ay nanatiling magkatulad. Ito’y totohanang nangangailangan ng pananalig upang matanggap na si Hesus ay tunay na umiiral, pagka’t ito’y hindi makikilala ng ating mga pandama, o ito’y isang bagay na mahihinuha ng ating pangangatwiran o pananahilan. Ngunit kung si Hesukristo ay Diyos at Siya ay hindi makapagsisinungaling, maluwag sa kalooban kong maniniwala na Siya’y hindi isang palatandaan o paglalarawan, ngunit tunay na naroroon sa Pinakabanal na Sakramento!
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreAng buhay ay puno ng di-inaasahang mga liko. Halos anim na taong pagkaraan ng kanyang ina, si Bernadette ay kinailangang magdusa sa pagkawala rin ng kanyang ama. Nagmula ng pag-alis sa Lourdes upang sumapi sa samahang pambanalan, siya ay hindi na nagkaroon ng pagkakataong makita ang kanyang ama. Kapag natutuligsa ng ganitong biglaang pagpanaw, ganito kung paano nakatagpo si Bernadette ng lakas—Isang madre ang nakakita sa kanya na lumuluha sa harap ng estatwa ng Birheng Maria, at nang sinikap ng madre na damayan siya, sinabi niya: “Aking kapatid, magkaroon ka palagi ng dakilang katapatan sa matinding paghihirap ng ating Tagapagligtas. Noong nakaraang Sabado ng hapon, nagdasal ako kay Hesus sa Kanyang paghihirap para sa lahat ng yaong mga mamamatay sa yaong sandali, at sa yaong ganap na sandali na nakarating ng kabilang-buhay ang aking ama. Isang kaginhawaan para sa akin na natulungan siya.” Para kay Bernadette, ang Santa na, bilang isang musmos na babae, ay nakasaksi sa pangitain ni Maria sa Lourdes, ang buhay ay hindi walang mga kagipitan. Kinakailangan niyang dumaan ng maraming mga pagsubok; malalaki at maliliit na mga pagpapahiya ay pinasan niya. Malimit niyang sinabi: “Kapag ang mga dinarama ko ay napakalakas, ginugunita ko ang mga diwa ng Ating Panginoon: ‘Narito Ako, huwag kang matakot.' Kaagad kong kinaluluguran at pinasasalamatan ang Ating Panginoon para sa biyayang ito ng pagtanggi at pagkapahiya mula sa yaong mga may-kapangyarihan. Ang pag-ibig nitong Mabuting Panginoon na makapag-aalis ng mga ugat mula rito sa puno ng pagmamataas. Kapag lalo akong magiging musmos, lalo akong lumalaki sa loob ng Puso ni Hesus.”
By: Shalom Tidings
MorePabalik na si Padre Jerzy sa Warsaw matapos mag-alay ng Misa. Pinahinto ng tatlong opisyal ng serbisyo sa seguriday ang sasakyan, kinuha ang susi, at kinaladkad siya palabas. Marahas siyang pinaghahampas ng mga opisyal, ikinulong sa likudan ng sasakyan, at rumagada na kasama siyang nasa loob. Ang tsuper ay tumakbo sa lokal na simbahan upang ipaalam sa mga may- kapangyarihan ang pangyayari. Samantala, nagsimulang sumigaw si Jerzy at muntik nang mabuksan ang likudan. Nang mapuna ang panganib, agad na inihinto ng mga mama ang sasakyan upang isara ang likudan, ngunit nakatakas siya at tumakbo sa kakahuyan. Sinundan siya at nahuli sa bandang huli, pagkatapos ay nagtungo sa imbakang-tubig ng Vistula River kung saan si Jerzy ay mahigpit na itinali. Ang mga damit ay ipinalaman sa kanyang bibig at nakaplaster ang ilong. Matapos itali ang kanyang mga paa sa isang bag ng mga bato, itinapon nila siya sa imbakang-tubig. Ito ang pangalawang pagtatangka sa kanyang buhay sa loob ng anim na araw. Ang Polish na paring ito ay inordenan noong ika-28 ng Mayo 1972, sa katindhain ng rehimeng Komunista. Ang unang larawan ng kanyang Misa ay naglahad ng di malilimutang mga salita: "Ipinadala ako ng Diyos upang maipangaral ko ang Ebanghelyo at pagalingin ang mga pusong sugatan." Ang kanyang buhay-pagkapari ay tunay na saksi ng mga salitang ito. Tinaguyod niya ang mga naaapi at nangaral ng sermon na nagpapaliwanag sa mga umiiral na mahirap na kalagayang pampulitika sa pamamagitan ng pagpapakilala ng Ebanghelyo, na kaagad ay naging isa sa mga pangunahing asinta ng pamahalaan. Ang mga pagtatanong, maling paratang, at pagdakip ay nangyari nang madaming ulit, ngunit kahit na sa kanyang huling pangaral, ang pasiya niya ay ang"magdasal upang tayo ay malaya sa takot, pananakot, at higit sa lahat, pagkauhaw sa paghihiganti at karahasan." At kasama nito, buong tapang siyang lumakad patungo sa kanyang pagkamartir nang walang takot o galit! Sampung araw matapos ang pangyayari, noong Oktubre 29, ang kanyang halos hindi na makilalang katawan ay natagpuan sa ilog .Noong ika-2 ng Nobyembre, nang ang kabataang mandirigmang ito na sa wakas ay inihimlay, humigit-kumulang na 800,000 katao ang dumating upang magpaalam sa kanya. Siya ay taimtim na hinayag na Santo sa harap ng kanyang 100-taong-gulang na ina noong 2010, at inalala bilang "isang pari na tumugon sa mga tanda na natanggap mula sa Diyos at sa loob ng madaming taon, ay naging nahinog sa edad para sa kanyang pagiging martir.” Nawa'y ang martir na ito, na matatag na nagtanim ng Katolisismo sa kanyang sariling bayan, ay magbigay ng inspirasyon sa atin na mag-alab para sa Kaharian ng Diyos, hindi lamang sa kamatayan kundi maging sa buhay.
By: Shalom Tidings
MoreAng Pasko ay sinasamahan ng pagkakaroon ng mga handog para sa bawa’t isa, ngunit ang handog ba ang talagang may kinalaman? Palakdaw-lakdaw na nag-uusisa noong mga taóng lumipas sa isang tindahan ng Kristiyanang mga aklat kasama ng aking kasintahan ng panahong yaon, ang mga mata namin ay lumapag sa iisang larawan nang sabayan sa yaong tagpo. Ito’y isang malaki't makulay na paglalarawan ni Hesus na pinamagatang The Laughing Christ; na may ulo Niyang di-gaanong nakatapong pabalik, nakalugaygay nang kaunti ang madilim na kayumangging buhok na kumukulot, mga matang nangingislap sa tuwa! Ito’y ganap na kabigha-bighani! Nakita namin ang aming sarili na nakatitig sa di-gaanong tuwid na ngiti sa ilalim ng paksa ng kaakit-akit na tanaw ng larawan. O, sadyang nakaaanyaya! Sadyang nakatatanggap! Pagkaakit-akit! Sa pagsulyap mula sa pagkakawig na ito tungo sa isa’t isa, napamahagi namin ang pananabik na nadama ng isa’t isa sa pagtuklas nitong kakaibang pagpapakita ng tao na kapwa naming nakilala at napagkakatiwalaan sa huling mga ilang taon. Kaming dalawa'y napalaki nang may mga estatwa at mga larawan ni Hesus sa aming kinaukulang mga tahanan, ngunit Siya ay palaging naisasalarawan na bilang taimtim, tila nakahiwalay sa buhay na karaniwan alam namin. Bagama’t pinaniwalaan namin na ang taong ipinapakita sa mga larawang ito ay tunay na nanahan sa lupang ito at mandi’y nagdasal sa Kanya kapag mayroon kaming pangangailangan, ang panarili naming mga pananampalataya ay kamakailan lamang ay naging napakatunay… napakabuháy, pati. Itong sapantaha ng pintor ay napaaninag na paano ang Panginoon sa kapwa naming pagtuklas ay magiging sino Siya sa aming mga buhay—isang taong kasama naming mapagbabahaginan ng aming buhay, isang taong nagmahal sa amin sa paraang hindi pa namin nalalaman noong dati, isang taong nagpahayag ng Kanyang sarili nang kami’y nagdasal. Bilang kinahinatnan, ang aming pag-unawa ng Diyos ay nagbago mula sa pawang pangkatalinuhang pagsang-ayon ng Kanyang pag-iral tungo sa isang karanasan ng isang buháy, tumutugon at kahanga-hangang kaibigan; aming pinakamabuting kaibigan. Kahit sa paglisan namin ng tindahan pagkalipas ng ilang sandali, ang aming masiglang pag-uusap ng paglalarawang ito ay nagpatuloy. Ginapi nito ang aming mga puso, kahit wala sa aming dalawa ang nag-akmang bilhin ito. Matapos akong makauwi, nalaman kong dapat na balikan at bilhin ko itong larawan. Lumipas ang ilang mga araw, yao'y alinsunod na ginawa ko, maingat na ibinalot ito, at sabikang naghintay para sa pagsapit ng Pasko. Handog ng Karangalan Ang mga araw ay lumipas hanggang sa wakas, Bisperas na ng Pasko. Kasama ng mga pamaskong awit sa paligid, umupo kami sa sahig katabi ng masukal na huwarang pamaskong puno na inialay sa akin ng ina ko. Nang ibinigay ko ang aking handog sa aking sinisinta, naghintay ako nang may pag-aasam na marinig ang pagkalugod niya habang kanyang tinitiktikan ang bagong relo, ito’y inilagay ko sa paa ng pinalamanang maliit na munting laruang aso na listong magdadala ng orasan. Isang paungot na 'salamat' ang narinig kong sagot lamang. Hindi bale, hindi yaon ang handog na alam kong magiging ganap. Ngunit dapat munang buksan ko ang kanyang handog sa akin. Habang inaabot ko upang tanggapin ito, ako’y bahagyang natuliro. Ito’y napakalaki, parihaba, at patag. Nang sinimulan kong buksan ito, hinihila ang pambalot na papel paalis mula sa regalo, nakita kong biglaan ang… aking larawan?! Kagaya ng binili ko nang palihim para sa kanya? Oo,yaon nga ito! The Laughing Christ. Ang larawang naibigan ko nang labis ngunit sa halip na maging galak, ako’y nabigo. Ito ang dapat na regalo niya. Ang tanging alam kong ganap na ninais niya. Sinubukan kong itago ang aking pagkabigo, lumalapit upang bigyan siya ng halik habang pinahahayag ko ang aking paghahalaga. Pagkaraa'y inilalabas ko ang aking regalong naibalot ko nang maingat na ikinubli ko sa puno, ibinigay ko ito sa layon ng aking pag-ibig. Binuksan niya ito, pinipilas nang mabilis ang papel, ipinakikita ang laman ng pakete. Ang mukha niya ay may-pagkamasaya… o hindi ba? O kaya ito'y bahagyang yukayok tulad ng hitsura ng aking mukha kung hindi ko ito pinaghirapang ikubli sa pagkabigo ko mula sa kanya noong pagkakataon ko nang buksan ang isang handog? Ay naku, kusa naming winika ang tamang mga salita, mangyari pa, ngunit kahit papaano ay natanto namin na ang mga handog na tinanggap mula sa isa’t-isa’y hindi makahulugang napalapit sa aming inaasahan. Ang paghahandog ng yaong regalo ang kapwa naming pinaghandaan nang lubusang pag-aabang. Ipinaaninag nito ang Kristo na kapwa naming naranasan at ang aming hangad na ipamahagi kung sino ang bawa’t isa sa amin na narating upang makilala. Yaon ang kung saan natagpuan ang ligaya, hindi sa pagkakaroon ng pagtatagpo ng mga nais, ngunit ang pagtutupad ng mga nais ng iba. Sa takdang panahon, ang ugnayan ko sa binatang yaon ay nagwakas. Habang ito’y masakit, ang maligayang larawan ni Hesus ay patuloy na sumakop sa isang bahagi ng karangalan sa aking pader. Ngayon, ito’y higit pa bilang isang paglalarawan, at lalong higit pa sa isang lalaki lamang. Ito’y nananatili bilang isang tagapaalala ng Isa na kailanma’y hindi ako lilisanin, ang Isa na may pakikipag-ugnayan sa akin, ang Isa na magpapawi ng mga luha ko nang maraming ulit sa mga taóng dumaraan. At higit sa yaon, ang Isa na gayong pagmumulan lagi ng tuwa sa aking buhay. Matapos ang lahat, Siya ang buhay ko. Yaong mga matang lukot ay nakilala ang mga akin. Pagkaraan, yaong nakakaakit na ngiti ay inanyayahan ang mga sulok ng aking bibig na humilang pataas. At sa ganoon lamang, ako’y tumatawa katabi ng aking Pinakamabuting Kaibigan.
By: Karen Eberts
MoreHindi ko alam ang kanilang wika o ang kanilang emosyonal na dinaramdam...Paano ako makikipag-ugnay sa kanila? Noong Huwebes, Pebrero 22, 2024, ay ang isang araw na hindi ko malilimutan. Ika- 05:15 ng umaga, kasama ang ilan sa aking mga kasamahan sa Catholic Social Services, hinintay ko ang pagdating ng 333 mga takas mula sa Ethiopia, Eritrea, Somalia, at Uganda. Ang Egyptian Airlines ay pinagkatiwalaang ilipad sila sa Entebbe, Uganda, patungong Cairo, Egypt, at sa wakas sa kanilang Canadian punto ng pagpasok , Edmonton. Bigla, ang mga pinto sa kabilang dulo ay bumukas at ang mga pasahero ay nagsimulang magsilakad patungo sa amin. Hindi malaman kung paano magsalita ng kanilang mga wika, nakaramdam ako ng matinding kahinaan ng loob. Paano kaya mangyaring ako, na isang may kakayanan, na isinilang sa Canada, isang hindi kailanman gumugol ng isang sandali sa isang kampo ng mga takas , ay makakayang batiin ang pagod, umaasa, at nangangambang mga kapatid na babae at lalaki sa paraang makapagsasabing: "Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan" ...? Tinanong ko ang isa sa aking mga kasamahan na nagsasalita ng limang wika: “Ano ang masasabi ko?” "Sabihin mo lang, Salam, sapat na iyon." Habang sila'y papalapit, sinimulan kong sabihin: "Salam" habang may ngiti sa aking mga mata. Napansin ko na madami ang yuyuko at ilalagay ang kanilang kamay sa tapat ng kanilang puso. Sinimulan kong gawin ang kaparis. Habang papalapit ang isang kabataang mag-anak na may 2-5 anak, yumuko ako kapantay ng kanilang taas at nag-alok ng tanda ng kapayapaan. Kaagad, tumugon sila ng isang malaking ngiti, ibinalik ang tanda ng kapayapaan, tumakbo sa akin, tumingala gamit ang kanilang napakarilag na kayumangging mga mata, at niyakap ako. Kahit na sa pagkukuwento ko sa mga mahahalagang sandaling ito, naluluha ako. Hindi kailangan ng isang tao ang wika upang mailahad ang pagmamahal. "Ang wika ng Espirito ay ang wika ng puso." Pag-aabot Ng Kamay Matapos maipila ang lahat sa Bulwagan ng Adwana nagsibaba ang aming pangkat at nagsimulang mamigay ng mga bote ng tubig, granola bar , at mga dalandan. Napansin ko ang isang nakatatandang babaeng Muslim, marahil 50-55 taong gulang, na nakayuko sa kanyang troli, sinusubukang itulak ito. Nilapitan ko siya at binati ng 'Salam' at ngumiti. May pa-senyas , sinubukan kong magtanong kung maari ko bang tulungan syang itulak ang troli. Umiling siya: “Hindi.” Anim na oras ang lumipas, sa labas ng Bulwagan ng Adwana , ang mga tao ay nakaupo sa iba't ibang dakong nakakordon; 85 na lang ang matitira sa Edmonton at naghihintay ng pamilya o mga kaibigan para sila'y salubungin at maiuwi. Ang ilan ay sasakay ng bus upang dalhin sa ibang mga lungsod o bayan, at ang iba ay magdamag sa isang hotel at lilipad sa kanilang huling paroroonan kinabukasan. Para doon sa mga isasakay sa bus patungo sa ibang mga lungsod sa Alberta, apat hanggang pitong oras na biyahe ang naghihintay sa kanila. Ang nakatatandang babaeng Muslim na nakita ko sa Bulwagan ng Adwana , natuklasan ko, ay lilipad patungong Calgary kinabukasan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, at ang buong mukha niya ay nagningning. Habang papalapit ako sa kanya,sabi niya sa putol-putol na Ingles: "Mahal mo ako." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, tumingin sa kanyang mga mata, at sinabi: "Oo, mahal kita at mahal ka ng Diyos/Allah." Ang babaeng katabi niya, na natuklasan kong anak nya, ay nagsabi sa akin: “Salamat. Ngayon ay masaya na ang ina ko." May luha ang mga mata, pusong puno ng kagalakan, at pagod na pagod na mga paa, nilisan ko ang Edmonton International Airport, lubos na nagpapasalamat sa isa sa pinakamagagandang karanasan ng aking buhay. Maaaring hindi ko na siya makakatagpong muli, ngunit lubos akong nakakatiyak na ang ating Diyos na ang sagisag ng magiliw, mahabagin na pag-ibig ay ginawa itong nakikita at nasasalat para sa akin sa pamamagitan ng aking magandang kapatid na Muslim. Noong 2023, mayroong 36.4 milyongmga takas na naghahanap ng bagong tinubuang-bayan at 110 milyong tao ang lumikas dahil sa digmaan, tagtuyot, pagbabago ng klima, at higit pa. Araw-araw, nakakadinig tayo ng mga komento tulad ng: "Magtayo ng mga pader," "Isara ang mga hangganan," at "Ninanakaw nila ang aming mga trabaho." Umaasa ako na ang aking salaysay, sa maliit na paraan, ay makakatulong sa mga tao na higit na maunawaan ang eksena ng Mateo 25. Tinanong ng mga matuwid si Hesus: “Kailan, Panginoon, Diyos, namin ginawa ang lahat ng ito para sa Iyo?” at sumagot Siya: “Sa tuwing inyong ginawa sa isa dito sa Aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ginawa ninyo ito sa Akin.”
By: Sr. Mary Clare Stack
MoreNagdatingan ang mga krus nang sunod-sunod, ngunit ang awa ng Panginoon ay hindi kailanman nabigo sa mag+anak na ito! Nagsilang ako sa aking panganay sampung taon na ang lumipas, at kami ay tuwang-tuwa! Naaalala ko pa ang araw; tuwang-tuwa kaming malaman na ito ay isang sanggol na babae. Hindi ako makapagpasalamat ng sapat sa Panginoon para sa Kanyang mga pagpapala sa aking mag-anak. Tulad ng bawat ina, pinangarap kong bumili ng mga nakatutuwang baro, ipit, at booties para sa aking maliit na manika. Pinangalanan namin siyang ‘Athalie,’ ibig sabihin ay ‘Ang Diyos ay dakila.’ Pinupuri namin ang Diyos dahil sa Kanyang magandang regalo. Lingid sa aming kaalaman na di magtatagal ang kagalakan namin ay mauuwi sa matinding kalungkutan o na ang aming panalangin ng pasasalamat ay mapapalitan ng mga pagsamo sa Kanyang awa para sa aming pinakamamahal na sanggol. Sa apat na buwang gulang, siya ay nagkasakit ng malubha. Sa dami ng pagsalakay ng seizure, iiyak siya ng ilang oras at hindi makatulog o makakain nang maayos. Matapos ang madaming pag-eksamen, nasuri siyang maykapansanan sa utak; nagdurusa din siya sa isang pambihirang uri ng malubhang childhood epilepsy na tinatawag na 'West Syndrome,' na lumiligalig sa isa sa bawat 4,000 na bata. Pabalik-balik Na Bagyo Ang pagsuri ay lubhang nakakagitla at nakakasugat ng puso para sa amin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bagyo. Ninais kong maging manhid ang aking puso sa kirot na dinadanas ko. Madaming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko. Ito ay simula pa lamang ng isang mahaba at mahirap na paglalakbay na kailanman ay hindi ako nakahandang akuin. Ang aking sanggol na babae ay patuloy na dumadanas ng mga seizure sa loob ng halos dalawa at kalahating taon. Sinubukan ng mga doktor ang madaming gamot, masakit na turok, at araw-araw na pagsusuri ng dugo. Ilang oras siyang iiyak at ang tanging magagawa ko lamang ay humiling na ipataw ng Diyos ang Kanyang awa sa aking anak. Pakiramdam ko ay wala akong magawa dahil hindi ko siya mabigyang-ginhawa sa anumang paraan. Ang buhay ay parang isang malalim at madilim na hukay ng paghihirap at kawalan ng pag-asa. Ang kanyang mga seizure sa kalaunan ay humupa, ngunit siya ay dumanas ng madaming pagkaantala sa pag-unlad. Habang umuusad ang paglalapat-lunas sa kanyan, isa pang nakakasindak na balita ang bumalot sa aming mag-anak. Ang aming anak na si Asher, na may pagkaantala sa pagsasalita at mga isyu sa pag uugali, ay nasuri na may mataas na gumaganang autism sa gulang na tatlo. Kami ay nasa bingit ng kawalang pag-asa; ang buhay ay naging napakabigat para sa amin bilang mga bagong magulang. Hindi maiintindihan o mararamdaman ng isa ang sakit na aming pinagdadaanan. Nakadama kami ng lungkot at pagka-aba. Gayunpaman, ang panahong ito ng kalungkutan at ang mapighating mga araw ng pagiging ina ay nagpalapit sa akin sa Diyos; Ang Kanyang Salita ay nagdulot ng kaginhawahan sa aking pagod na kaluluwa. Ang kanyang mga pangako, na binabasa ko ngayon nang may mas malalim na kahulugan at mas buong pang-unawa, ay nagpaganyak sa akin. Sulat-kamay Na May Patnubay Ng Espirito Iyon ay sa masalimuot na panahon ng aking buhay na hinayaan ako ng Diyos na magsulat ng mga blog na puno ng pananampalataya at nakakaganyak para sa mga taong dumadanas ng mga hamon at paghihirap na katulad ng sa akin. Ang aking mga artikulo, na sumibol mula sa mga pang-araw-araw kong debosyon, ay nagbahagi ng mga hamon ng kakaibang pagiging magulang at naglakio ng mga karanasan at pananaw ko sa buhay. Ginamit ng Diyos ang aking mga salita upang pagalingin ang madaming namimighating kaluluwa. Ako ay tunay na nagpapasalamat sa Kanya sa pagpaikot sa aking buhay na maging isang kapaki-pakinabang na sisidlan para sa Kanyang pag-ibig. Sasabihin ko na ang desperasyon sa karamdaman ng aming anak na babae ay nagpatibay sa pananampalataya ng aming mag-anak sa Diyos. Habang kami ng aking asawa ay nakipagsapalaran sa di- batid na landas ng naiibang paglalakbay na ito bilang magulang, ang kinailangan naming panghawakan ay ang mga pangako ng Diyos at ang pananampalataya sa aming mga puso na hindi kami iiwan o pababayaan ng Diyos. Ang dating tila mga tambak ng abo ay nagsimulang maging ganda ng kalakasan habang iniabot ng Diyos ang Kanyang biyaya, kapayapaan, at kagalakan sa amin sa panahon ng napakasakit at madilim na panahon ng aming buhay. Sa pinakamalungkot na sandali, ang paggugol ng oras sa Kanyang paanan ay nagdulot sa amin ng panibagong pag-asa at lakas ng loob upang sumulong. Tinugon Na Mga Panalangin Matapos ang mga taon ng paggagamot at walang katapusang mga panalangin, umayos na ngayon ang mga kombulsyon ni Athalie, ngunit patuloy siyang nagkakaroon ng malubhang anyo ng cerebral palsy. Hindi siya makapagsalita, makalakad, makakita, o makaupo nang mag-isa at lubos na umaasa sa akin. Kalilipat kamakailan lang sa Canada mula India, ang aming mag-anak ay kasalukuyang tumatanggap ng pinakamahusay na paggagamot. Ang malaking kaunlaran sa kanyang kalusugan ay ginagawang mas makulay ang aming buhay. Si Asher ay nasa labas na ng pagbukod-bukod, at siya ay ganap nang nakahabol sa kanyang pananalita. Matapos ang unang pagtanggi sa kanya ng madaming paaralan dahil sa kanyang kawalan ng sigasig, siya ay nag-aral sa bahay hanggang ikalimang baytang. Bagama't nagpapakita siya ng ilang tanda ng ADHD, sa awa ng Diyos, nakalista na siya ngayon sa ika anim na baytang sa isang pribadong paaralang Kristyano. Isang mahilig sa aklat siya ay nagpapakita ng kakaibang interes sa solar system. Nais na nais niyang matuto tungkol sa iba't ibang bansa, sa kanilang mga bandila, at mga mapa. Bagama't ang buhay ay puno pa din ng mga hamon, ang pag-ibig ng Diyos ang nagtutulak sa amin na maging magulang ng aming mga anak nang may pagmamahal, tiyaga, at kabutihan. Sa patuloy na pagyakap sa pananalig namin kay Hesus at pagtahak ng kakaibang landas na ito ng espesyal na pangangailangan ng pagiging magulang , naniniwala ako na may mga pagkakataon na mayroong mga dagliang sagot sa aming mga panalangin, at ang aming pananampalataya ay nagsisilbi at nagdudulot ng mga bunga. Ang mga panahong iyon, ang lakas at kapangyarihan ng Diyos ay ipinahayag sa ano mang ginagawa Niya para sa amin—ang tiyak na sagot sa aming mga panalangin. Sa ibang mga pagkakataon, ang Kanyang lakas ay patuloy na tumatanglaw sa amin, tinutulungan kaming matiis ang aming dinaramdam nang may katapangan, hinahayaan kaming madanasan ang Kanyang mapagmahal na awa sa aming mga paghihirap, ipinapakita sa amin ang Kanyang kapangyarihan sa aming mga kahinaan, tinuturuan kami na paunladin ang kakayahan at karunungan na tanggapin ang mga tamang hakbang, binibigyan kami ng kapangyarihan na magkuwento ng Kanyang lakas, at hinihikayat kaming saksihan ang Kanyang liwanag at pag-asa sa gitna ng mga paghamon.
By: Elizabeth Livingston
More