Home/Makatawag ng Pansin/Article

Nov 08, 2024 13 0 Kate Taliaferro
Makatawag ng Pansin

Ang Kapangyarihan ng Katahimikan

Ang katahimikan ay mahirap kahit na para sa mga matatanda, kaya isipin na lang ang gulat ko nang inatasan akong sanayin ang mga bata sa wikang iyon!

Ang Catechesis ng the Good Shepherd (CGS) ay isang Katolikong katekesis na modelo na binuo ni Sofia Cavalletti noong 1950s, na nagsama ng mga prinsipyo ng edukasyon ng Montessori. Isa sa mga pangunahing aspeto ng gawain ni Dr. Maria Montessori ay ang paglilinang niya ng mga panahong katahimikan para sa kanyang mga anak. Sa Sariling Handbook ni Dr. Montessori, ipinaliwanag niya: “Kapag ang mga bata ay naging pamilyar sa katahimikan … (sila) ay magpapatuloy na gawing perpekto ang kanilang sarili; Naglalakad sila nang marahan, nag iingat na huwag bumangga sa mga kasangkapan, iniuurong ang kanilang mga upuan nang walang ingay, at inilalagay ang mga bagay sa mesa nang may matinding pag iingat … Ang mga batang ito ay naglilingkod sa kanilang espiritu.”

Tuwing Linggo ng umaga, mula sa pagitan ng sampu at dalawampung bata, na may edad na sa pagitan ng tatlo hanggang anim, ay nagtitipon sa aming atrium para sa catechesis. Sa CGS, sinasabi namin ang ‘atrium’ sa halip na isang silid aralan dahil ang isang atrium ay isang lugar para sa buhay ng komunidad, mapanalanging trabaho, at pakikipag-usap sa Diyos. Sa panahong magkasama kami, naglalaan kami ng oras para sa katahimikan. Ang katahimikan ay hindi kapag nasumpungan lamang kundi sadyang ginagawa. Hindi rin ito kasangkapan para kontrolin kapag maingay ang mga bagay-bagay; ito ay regular na pinaghahandaan. Ito ang natutunan ko lalo na sa mga batang ito.

Ang tunay na katahimikan ay isang pagpili.

Magsanay para Maging Perpekto

Sa daanan sa CGS , nag-uusap kami tungkol sa ‘paggawa ng katahimikan.’ Hindi namin ito hinanap, hindi kami nagulat dito. Sa isang regular na gawain, na may intensyon at pansin, nakagawa kami ng katahimikan.

Hindi ko napagtanto kung gaano napaka-unti ang katahimikan sa buhay ko hanggang sa hilingin sa akin na sadyang gumawa ng katahimikan bawat linggo. Ito ay hindi para sa isang mahabang panahon, kundi labinlimang segundo o hanggang sa isang minuto, dalawa sa pinakamahaba. Pero sa maikling panahong iyon, ang buong pokus at layunin ko sa aking buong sarili ay ginagawa ko ng walang paggalaw at tahimik.

May mga sandali sa aking pang araw araw na gawain kung saan maaari akong makatagpo ng isang panahon ng katahimikan, ngunit ang katahimikan mismo ay hindi iyon ang layunin sa sandaling iyon. Maaaring ako ay nagmamaneho sa kotse nang mag isa, marahil may ilang minuto ng katahimikan habang nagbabasa ang aking mga anak o kung hindi man ay abala sa ibang lugar ng bahay. Matapos pagnilayan ang pagsasanay ng paggawa ng katahimikan, nasimulan ko ang pagkilala sa pagitan ng ‘natagpuan na katahimikan’ at ang ‘ginawang katahimikan.’

Ang paggawa ng katahimikan ay isang pagsasanay. Hindi lang ang paghinto sa pagsasalita kundi maging ang buong katawan. Ako ay nakaupo sa katahimikan habang nagta type ng mga salitang ito, ngunit ang aking isip at katawan ay hindi pa rin nakatigil. Marahil ikaw ay nakaupo sa katahimikan habang binabasa mo ang artikulong ito. Ngunit kahit na ang pagkilos ng pagbabasa ay humaharang sa paggawa ng katahimikan.

Nakatira tayo sa isang napaka abalang mundo. Ang ingay sa background ay sagana kahit nasa bahay na tayo. Mayroon tayong mga timer, telebisyon, paalala, musika, ingay ng sasakyan, mga yunit ng air conditioning, at mga pinto na nagbubukas at nagsasara. Habang ito sana ay maaaring maging kalugod-lugod na magagawa na ipaloob ang ating sarili sa isang walang mariring nasilid upang sanayin ang paggawa ng katahimikan sa sukdulang tahimik, karamihan sa atin ay walang isang lugar na magagamit. Hindi ito nangangahulugan na hindi tayo maaaring gumawa ng tunay na katahimikan. Ang paggawa ng katahimikan ay tungkol sa pagpapa tahimik sa ating sarili higit pa sa pinagpipilitan ang tahimik sa ating kapaligiran.

Ang Sining ng Pakikinig

Ang paglikha ng katahimikan ay nagbibigay ng pagkakataon na makinig sa mundo sa paligid mo. Sa pamamagitan ng pagpapatahimik ng ating katawan, pagpapatahimik ng ating mgasalita, at sa abot ng ating makakaya, na nagpapatahimik sa ating isipan, nagagawa nating makinig nang may higit na pansin sa mundo sa ating paligid. Sa bahay, mas madaling marinig natin ang pagpapalamig na gamit na gumagana, na nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magpasalamat sa pag lamig ng simoy nito. Kapag nasa labas, naririnig natin ang hangin na humihip sa mga dahon ng mga puno o mas lubos nating mapapahalagahan ang awit ng ibon sa paligid natin. Ang paggawa ng katahimikan ay hindi tungkol sa kawalan ng iba pang mga tunog, ngunit ito ay tungkol sa pagtuklas ng katahimikan at katiwasayan sa loob ng iyong sarili.

Bilang mga taong may pananampalataya, ang paggawa ng katahimikan ay nangangahulugan din ng pakikinig sa mga tainga ng ating puso para sa bulong ng Banal na Espiritu. Sa daanan, kadalasan, tatanungin ng pinunong katekista ang mga bata kung ano ang narinig nila sa katahimikan. Ang ilan ay sasagot sa mga bagay na maaaring asahan ng isang tao. “Narinig ko ang pagsara ng pinto.” “Narinig ko ang isang trak na dumaan.” Gayunman, kung minsan, napapamangha nila ako. “Narinig ko na sinabi ni Jesus na mahal kita.” “Narinig ko ang Mabuting Pastol.”

Malaki ang matututuhan natin sa paggawa ng katahimikan. Sa praktikal na pagsasalita, natututo tayo ng pagpipigil sa sarili at pagtitiis. Ngunit higit sa lahat, natututo tayong magpahinga sa kagandahan ng katotohanan ng Awit 46:10, “Maging tahimik kayo at malaman ninyo na ako ang Diyos.”

Share:

Kate Taliaferro

Kate Taliaferro is an Air Force wife and mom to six beautiful children. She is a homeschooler, blogger, YouTuber, and maker of all the yarn crafts. She lives in Montgomery, Alabama, and regularly contributes content for Catholic blogs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles