Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Jan 24, 2024 348 0 Dr. Hima Pius, USA
Magturo ng Ebanghelyo

Ang Kaisa-isa Nating Pag-asa

Tuwang-tuwa sa magandang balita ng isang pinakahihintay na pagdadalantao, nabaligtad ang kanilang mundo sa ika-12 linggong pangkaraniwang kalaluang tunog

Ang aming panganay na si Mary Grace ay lumalaking isang magandang bata.  Ang aming mag-anak at mga kaibigan ay aktibong nagdadasal para sa amin na magkaroon ng isa pang sanggol, kaya tuwang-tuwa kaming malaman ang tungkol sa pagdadalantao!  Ang genetiko pagsusulit ay nagbalik ng mga normal na kalabasan, at nagpasya kaming panatilihing isang magandang sorpresa ang kasarian.

Nang magtungo ako para sa nakagawiang ika-12 na linggong kalaluang tunog, ipinakita sa akin ng tekniko ang tagilirang anyo ng sanggol at pagkatapos ay mabilis na inilihis ang screen mula sa akin.  Inilabas nila ang aking anak na babae, at kaagad nalaman ko na may hindi tama.  Naisip ko: “Siguro may problema sa puso o kapinsalaan ang sanggol, ngunit ayos lang.  Kayang ayusin ng Diyos ang anumang bagay, at maaaring operahan.”  Ngunit bilang isang doktor, nanalangin ako: “Pakisuyo, Diyos, huwag sana itong maging anensepali.”  Dahil nakita ko ang kalaluang tunog, palagay ang loob kong ito ay iba pa.

Nang pumasok ang manggagamot sa silid, tinanong ko: “Pakisabi sa akin na ang sanggol ay buhay.”  Taimtim ang mukha, sinabi niya: “Oo, may tibok ang puso ng sanggol, ngunit hindi ito maganda.” Nagsimula akong umiyak at tumawag sa aking asawa sa Facetime.  Ito ang pinakakinatatakutan ko—may anencephaly ang aming sanggol, isa sa mga malubhang kapinsanan na maaaring magkaroon ang sanggol sa utero kung saan hindi nabubuo nang maayos ang bungo—at sinabi sa akin ng doktor na ang similya ay hindi mabubuhay nang matagal.

Nakakadurog ng puso.  Ang itinatanging batang ito na matagal na naming hinihintay ay hindi mabubuhay!  Naisip ko kung gaano kasabik ang aking panganay na babae.  Sa aming pang-araw-araw na panalangin ng mag-anak, madalas niyang sinasabi: “Hesus, mangyaring bigyan Mo ako ng isang sanggol na kapatid na lalaki o babae.”  Paulit-ulit kong sinasabi sa aking isipan: “Panginoon, maaari Mong lunasan, maaari Mong lunasan ang sanggol.”

Agad na bumaba ang aking asawa.  Sa pagsisikap na panatilihing tuwid ang mukha, sinabi ko sa aking anak na umiiyak ako sa tuwa.  Ano pa ang masasabi ko?

Sinabi ng doktor na maaari naming ihinto ang pagdadalantao. Sabi ko, “Hinding-hindi.  Dadalhin ko ang sanggol hanggang siya ay nabubuhay.  Kung ito ay magpapatuloy nang 40 linggo, ito ay 40 linggo.”  Binalaan niya ako na malamang ay hindi ako aabot nang ganuon katagal, at sakaling mamatay ang sanggol sa sinapupunan, maaaring magkaroon ako ng malubhang impeksyon sa dugo.  Kailangan ko din ng madalas na pagsusuri dahil ang pagbuo ng likido sa aking matris ay maaaring maging lubhang mapanganib.  Sinabi ko sa kanya na handa akong harapin anumang bagay.  Salamat naman, hindi ako pinilit pa, kahit na sa mga sumunod na pagdalaw.  Alam nila na ako ay nakapagpasya na!

Itinalaga Sa Pag-asa

Dumating kami sa bahay at ginugol ang panahon na sama-samang nagdadasal at nag-iiyakan.  Tinawagan ko ang aking kapatid na babae, na isang residente ng OBGYN.  Tinawagan niya ng madami niyang kaibigan, lalo na sa Kabataan Hesus at nagsimula ng Nobena sa Zoom nang gabing iyon.  Sinabi lang namin sa aming anak na ang sanggol ay may “kaunting hindi tama, ngunit ayos lang.” Hindi kami nagsabi sa aming mga magulang o biyenan; ikakasal ang kapatid ko sa susunod na buwan, at ayaw naming maapektuhan ang kasal.  Napag-isipan din namin na hindi nila ito mahaharap nang may lakas tulad ng lakas na naramdaman namin.

Sa mga unang araw, madaming tao ang nakipag-usap sa akin, tinutulungan akong magtiwala sa Kalinga ng Diyos at maniwala na hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi mabuti para sa atin.  Nakaramdam ako ng matinding kapayapaan.  Naisip ko si Inang Maria—ang kagalakan ng pagtanggap ng mabuting balita sa Pagpapahayag at ang kalungkutan sa kalaunan nang pagkakaalam na Siya ay mamamatay.  Napagpasyahan namin, noong araw na iyon, na buksan ang tarheta  sa mga pagsusuri sa dugo na nagpahayag ng kasarian dahil noon, ibig naming ipagdasal ang sanggol nang may pangalan.

Pinangalanan namin siyang Evangeline Hope, na ang ibig sabihin ay ‘ang tagapagdala ng mabuting balita’ dahil, para sa amin, pinapakita pa rin niya ang pag-asa ng pag-ibig at awa ni Kristo.  Ni minsan ay hindi namin naisip na siya ay ipalaglag dahil Siya ay isang napakagandang balita, hindi lamang para sa amin kundi para sa lahat ng mga bumabati sa amin —isang batang mag-eebanghelyo sa mundo sa madaming paraan.

Sinalihan ko ang isang grupo ng suporta sa Ansipepali na  nakatulong nang napakalaki sa aking paglalakbay.  Nakilala ko ang madaming tao, maging ang mga ateista, na labis na nagsisi sa kanilang pasyang ipalaglag ang kanilang mga sanggol.  Nakipag-ugnayan ako sa mga babaeng nanahi ng mga toga ng anghel mula sa mga donasyong damit pangkasal at mga propesyonal na potograpo na nagkusang-loob na idokumento ang kapanganakan sa pamamagitan ng magagandang larawan.

Nagsagawa kami ng pagpapahayag ng kasarian sa kasal ng aming kapatid ngunit hindi pa din sinabi kanino man na ang sanggol ay may karamdaman.  Nais lang naming parangalan at ipagdiwang ang kanyang munting buhay.  Ang kapatid kong babae at mga kaibigan ay nagbuo din ng isang magandang baby shower (higit na parang isang pagdiriwang ng buhay), at sa halip na mga regalo, lahat ay sumulat ng mga liham sa kanya para mabasa namin matapos ang pagsilang.

Walang Tigil Na Tagapagsamba

Dinala ko siya hanggang sa ika-37 linggo.

Kahit matapos na ang isang kumplikadong pagsisilang, kabilang ang pagputok ng pader ng matris, si Evangeline ay hindi naipanganak na buhay.  Ngunit kahit papaano, natatandaan kong nakaramdam ako ng malalim na pagkaunawa sa kapayapaan ng Langit.  Siya ay tinanggap nang may labis na pagmamahal, dignidad, at karangalan.  Ang pari at ang kanyang mga Ninong at Ninang ay naghihintay na makilala si Evangeline.  Doon sa silid ng ospital, nagkaroon kami ng kanaisnais na panahon ng pananalangin, papuri, at pagsamba.

Meron kaming magagandang damit para sa kanya.  Binasa namin ang mga liham na isinulat ng lahat para sa kanya.  Nais namin siyag pahalagahan nang may higit na dignidad at dangal kaysa sa isang ‘normal’ na bata.  Umiyak kami dahil  nasala  namin ang kanyang presensya, at dahil din sa kagalakan habang kasama niya si Hesus ngayon.  Sa silid ng ospital na iyon, inisip namin, “Wow, hindi ako makapaghintay na makadating sa Langit.  Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang makasama ang lahat ng mga Santo.”

Pagkalipas ng dalawang araw, nagkaroon kami ng ‘pagdiwang sa buhay’ para sa kanya na ang lahat ay nakasuot ng puti.  Ang misa ay ipinagdiwang ng apat na pari, at mayroon kaming tatlong seminarista at isang magandang koro na nagparangal sa aming pinakamamahal na sanggol. Inilibing si Evangeline sa  bahagi ng mga Anghel laan sa mga sanggol sa sementeryo, na madalas pa din naming dinadalaw.  Bagama’t wala siya dito sa mundo, bahagi siya ng aming buhay.  Mas malapit ako kay Hesus dahil nakikita ko kung gaano ako kamahal ng Diyos at kung paano Niya ako pinili para ipagdslantao siya.

Damdan ko’y pinarangalan ako.  Siya ay isang walang hanggang tagapagsamba para sa aming mag-anak upang madala kami sa pagkasanto sa paraang wala nang iba pa na kailanman ay maaari kaming madala.  Ang tanging biyaya ng Diyos at ang buong pagtanggap sa Kanyang kalooban ang nagbigay sa amin ng lakas upang mapagdaanan ito.  Kapag tinanggap natin ang kalooban ng Diyos, ibinibigay Niya ang mga biyayang kinakailangan natin upang malampasan ang anumang partikular na kalagayan.  Ang kailangan lang nating gawin ay ipaubaya ang ating sarili sa Kanyang pag-aaruga.

Pagpapalaki Ng Mga Santo

Bawat sanggol na hindi pa isinisilang na ay mahalaga; malusog man o may pinsala, mga handog pa din sila ng Diyos.  Dapat nating buksan ang ating mga puso upang mahalin ang mga batang ito na nilikha sa larawan ni Kristo, na sa aking pananaw ay mas mahalaga kaysa sa isang “normal” na bata.  Ang pag-aalaga sa kanila ay parang pag-aalaga sa sugatang Kristo.  Isang karangalan na magkaroon ng isang batang may mga kapansanan o mga espesyal na pangangailangan dahil ang pag-aalaga sa kanila ay makakatulong sa atin na maabot ang isang mas malalim na pwesto ng kabanalan kaysa sa pagtupad sa anumang bagay sa buhay. Kung makikita natin ang mga maysakit na hindi pa isinisilang na mga bata bilang mga handog—mga dalisay na kaluluwa—hindi man lang ito madadama na isang pasanin.  Ikaw ay magpapalaki sa loob ng iyong sarili, isang Santo na uupo sa tabi ng lahat ng mga anghel at mga Santo.

Kasalukuyan kaming naghihintay ng isang sanggol na lalaki (Gabriel), at nagtitiwala ako sa Diyos na kahit na masuri siya na may ano mang bagay, tatanggapin pa din namin siya nang may bukas na puso at mga bisig.  Ang lahat ng buhay ay isang mahalagang handog, at hindi tayo ang may-akda ng buhay.  Lagi nating tandaan na ang Diyos ang nagbibigay, at ang Diyos ang bumabawi.  Purihin ang pangalan ng Panginoon!

Share:

Dr. Hima Pius

Dr. Hima Pius lives in Florida with her husband Felix and their 8-year-old daughter. She works as a pediatrician, and is actively involved in the Jesus Youth movement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles