Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Sep 09, 2021 956 0 Emily Shaw, Australia
Magturo ng Ebanghelyo

ANG IYONG MGA KAMAY AY PUNO!

Nagtataka kung paano tumugon sa mga puna tungkol sa iyong patotoo sa buhay?  Narito ang tatlong pinakamahusay na pabalik na sagot para lamang sa iyo!

Nitong nakaraang linggo lamang, ipinarada ko ang aming malaking van sa harap ng tindahan. Matapos na makakuha ng ilang mga bagay sa tindahan, bumalik ako at inabutang ang aking mga anak na nakikipag-usap sa mga pasahero ng katabing sasakyan — isang ama at kanyang anak na lalaki.

Sa isang maliit na bayang tulad ng sa amin, palaging may di magandang pag-uugnay sa ibang mga tao. Sa kasong ito, ang bata sa kabilang sasakyan na nakasama ng aming ika-apat na anak sa preschool ay ibig mangumusta.

Ang pintuan sa aming van ay bukas upang mapaunlakan ang naturang pagbati.

Nakikita ko ang may halong sindak na pagmamasid ng ama habang binibilang nya ng mga bata sa aking sasakyan — anim — at pagkatapos ay napansin nya ang di mapag-aalinlanganang umbok na nagpapahayag ng inaasahang pampito.

Ang kanyang puna ay ang  nakakainis, at pangkaraniwang nakukuha ng may malaking pamilya, na: “Dapat kang kumuha ng TV” na may dagdag pang: “o anong bagay pa man” kasunod ang isang masalimuot na halakhak na patunay lamang na napagtanto niya ang kagaspangan ng kanyang puna. Ngunit huli na upang bawiin ito.

Sapilitan ang ngiti, kami ay nagpaalamanan at umuwi. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatagpo ako ng ganoong mga puna, at hindi ito ang magiging huli. Ang katotohanan, ang laki ng aking pamilya, kahit papaano, ay angkop sa isang malaking proporsyon ng lipunan.

“Hindi lang nila naiintindihan,” sabi ng isang kaibigan, at ina ng anim, “kung anong kasiyahan ang nararanasan nating mga pinagpalaan ng malaking pamilya.”

Tama siya. Ang pagiging mapalad sa isang malaking pamilya ay isang bagay na kakaiba sa pagsunod sa 2.1 na mga bata bawat pamilya at, mula sa labas, ay lilitaw na napaka kontra sa kultura.

Siyempre, di ayon sa kultura, ngunit hindi dapat. ganito. Hindi lahat sa atin ay tinawag na magkaroon ng isang ‘malaking’ pamilya ngunit tinawag tayong maging bukas sa buhay. Para sa ilan, nangangahulugan ito ng isang malaking pamilya, ngunit para sa iba, ito ay nangangahulugan na isang maliit na pamilya na nakaharap sa pagkawala ng sanggol o ng pagbubuntis, nagsusumikap na magkaanak, o pag-aampon.

Anuman ang laki ng ating pamilya, lahat tayo ay makakasaksi sa masidhing pagpapala ng pagiging bukas sa buhay.

1. Magbigay Ng Kagalakan.

Ang balita ng isang pagdadalantao ay dapat na isang malaking kagalakan. Mayroong ilang pagkakataon at ilang sitwasyon, kung kailan maaaring malamlam ang balitang ito.

Anupaman, ang isang bagong buhay ay dapat palaging ipagdiwang.

Kapag nakatagpo ka ng iba, bahagi man sila ng iyong pananaw na bukas-sa-buhay o hindi, hayaan mong makita nila ang kagalakan na dala ng pahayag na ito para sa iyo.

Nakakahawa ang kagalakan – at isang bagay na madalas na kulang sa ating mundo ngayon.

Marahil hindi pa rin nila maintindihan kung bakit nais mong magkaroon ng iyong ika-apat, ikaanim, ikapitong o labing isang anak, ngunit dapat pa rin nilang pabayaang nasisiyahan kang umaasa sa isa pang bungkos ng kagalakan.

2.Tumugon Ng May Katatawanan, Hindi Galit.

May ilang katugunang maaaring ibigay ng mga pariralang: “Wala ka bang TV?” o, “Hindi ba puno ang iyong mga kamay?” at iba pa. Ngunit ang ilan ay marahil hindi mapagkawanggawa.

Hindi natin mapagbabago ang mga puso sa pagalít na tugon o, sa totoo lang, ng ano pa mang tugon. Ngunit, maaari tayong magpunla ng isang binhi.

Isang ina na kakilala ko ay mahilig magcuento ng tugon ng isang ina sa mga sumusunod na katanungan: “Bakit maraming mga anak mo? O, mayroon ka pang isa? “Ang di kanaisnais na sagot: “Patuloy kaming gagawa hanggang makuha namin ang gusto namin!” O kaya: “Titiyakin lang namin na marami ang mag-aalaga sa amin sa aming pagtanda.”

Marahil ang mga pasaring na ito ay hindi para sa lahat. Ngunit ang pagpapatawa ay maaaring mahusay na kasangkapan sa pagtugon sa mga litong katanungan ng mga di gaanong relihiyoso sa atin.

Hinihikayat tayo ni San Juan Cantius na: “Labanan ang lahat ng pagkakamali sa paggamit ng mabuting katatawanan, tiyaga, kabutihang loob, at pagmamahal. Ang karahasan ay mapaminsala sa sariling kaluluwa at nakakasira sa pinakamahusay na layunin.”

Marahil ang pagdagdag ng isang dosis ng pagpapatawa ay ang mainam na kasagutan.

3.Saksihan Naang Walang Salita

Bagamat nakatanggap ako ng mga di kaayaayang mga pagpuna tungkol sa laki ng aking pamilya, mayron din ilang mga magaganda.

Isang natatanging nakatatandang ale ang nagsimula sa karaniwang parirala: “Hindi ba puno ang iyong mga kamay?” at idinagdag pa, “at hindi ka ba pinagpala?”

Oo naman; tama siya. Di kapani-paniwalang kami ay pinagpala, at yung mga nakakakilala sa amin ay alam na ang aming pagiging bukas sa buhay ay umaabot pa hanggang sa labas ng aming sariling tahanan.

May mga taong lumalapit sa amin para humingi tulong, gabay at taguyod sa harap ng mga hindi sinasadyang pagdadalantao, hirap matapos makapanganak, pamamahala sa pag-aalaga ng mga ulila o pag-aampon, at ang mga pangkalahatang tagumpay at kabiguan sa pagiging isang magulang. Kadalasan, ang mga kakilalang di-Katoliko ay naghahangad ng aming payo. Dahil sa laki ng aming pamilya, nailalathala namin ang aming taimtim na paniniwalang ang bawat buhay ay katangitangi.

Hindi ito ang sinadyang kalalabasan ng pagkakaroon ng isang malaking pamilya, kundi, naging napakalawak na pagpapala sa amin upang makatulong sa kapwa.

Sa hindi sinasadya, sinusunod namin ang payo ni San Francisco ng Assisi: “Ipangaral ang Salita sa lahat ng oras. Kung kinakailangan, gumamit ng mga salita.”

Kung kaya, bagaman maaasahan mo ang walang katuturang mga puna, hindi nangangahulugang dapat mong pahinain ang iyong sigasig kapag nagbabalita ka ng isang pagdadalantao – maging ito’y sa iyo o sa iba.

Tumugon nang may kagalakan at pagpapatawa, patuloy na nagpapatotoo sa kahalagahan at karangalan ng lahat ng buhay ng tao.

Share:

Emily Shaw

Emily Shaw is a former Australasian Catholic Press Association award-winning editor turned blogger for australiancatholicmums.com and is a contributor to Catholic-Link. A wife and mother of seven, she resides on a farm in rural Australia and enjoys the spiritual support of her local catholic community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles