Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jun 23, 2021 1384 0 Ellen Hogarty, USA
Makatawag ng Pansin

Ang Ika Labing-Isang Kautusan

Alam mo ba na nakakatulong ang pag-aalala? 90% ng mga bagay na pinag-aalala mo ay hindi nangyayari!

Bago Ka Mabilaukan

Ang huling pagkakataong makita ko ang aking ama nang sya ay nabubuhay pa ay noong kami ay mag-usap sa kanyang silid sa ospital.  Madaming bwan syang nakipagbaka sa cancer at ngayon ay papalapit na sa dulo ng labanan.  Sa dami ng bible studies na pinangunahan nya sa kanyang buhay, sinabi niya sa akin, “Kung bibigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon na magturo tungkol sa Kanyang Salita, magbibigay ako ng usap tungkol sa kung anong tinatawag kong –Ika Labing Isang Utos: ‘Hwag Mag-alala.”  Ito ay isang paborito nyang tema, isang taong may malaking pananampalataya at tiwala sa Panginoon.  Mahilig siyang magturo tungkol sa kung paano magtagumpay laban sa pagkabahala sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos.

Makalipas ang 6 na linggo, tinawag na ng Panginoon ang aking ama kaya hindi nya naibigay ang huling pahayag.  Ngunit nais kong ibahagi ang diwa nuon dito. Sa maikling sipi mula sa Mateo 6: 25-34, sinasabi sa atin ni Jesus ng tatlong beses, “Huwag mag-alala.”  Huwag mag-alala tungkol sa buhay, o kung ano ang kakainin o iinumin, o tungkol sa katawan, kung ano ang isusuot. “Sa katunayan, alam ng iyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito,” tinitiyak sa atin ni Hesus.

Ang pag-aalala ay pagpapakita ng kakulangan ng pagtitiwala sa Diyos. Gayunpaman, ang pag-aalala ay isang bahagi na ng ating kultura at lipunan kaya itinuturing nating ito ay normal. Iniisip natin na ang pag-aalala sa mga anak ay pagiging isang mabuting ina.  O ang isang taong mapag-alala tungkol sa kanyang kumpanya ay pagiging isang mahusay na negosyante.  Hindi natin tinuturing na ang pag-aalala ay isang pagsuway.  Ngunit ito ang totoo.

Ang salitang “pag-aalala” ay mula sa isang lumang katagang Ingles “wyrgan” na ang ibig sabihin ay “mabulunan” o “masakal.”  Iyon ang ginagawa ng pag-aalala sa ating pananampalataya: binubulunan o sinasakal ito.

Magsimula tayong magdasal para sa isang anak, o isang kamag-anak na may sakit, o isang  maligalig na pagsasama; at bago natin malaman ito, tayo ay nagambala na ng pag-aalala, at pagkatapos ay dinaklot na tayo ng takot at ang ating pananampalataya ay nasakal na.

Mahirap manalangin o kahit na mag-isip nang malinaw kapag tayo ay nag-aalala. Kung nakita mo ang isang hardin na nababalutan ng damo, at na kung paano sinasasakal ng damo ang anumang mga bulaklak o gulay na tumutubo sa tabi ng mga ito.

Tigilan Ang Pag-aalala

Kaya nga, paano nating ihihinnto ang ating pag-aalala?  May dalawang mahusay na paraan para simulan ang pag-atake sa masamang ugaling ito.

Una, itanim ang Salita ng Diyos sa iyong puso. Tutunin ang mga pangako ng Diyos at isulat ang mga ito.  Paulit-ulit na basahin ang mga ito hanggang sa ang Salita ng Diyos ay magka ugat sa iyong kaluluwa. Magandang mag umpisa sa Filipos 4: 6-7: “Huwag kang pagkabalisa sa kung ano pa man, ngunit sa lahat ng bagay, sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat, ipaalam ang iyong mga kahilingan sa Diyos. Susunod ay ang kapayapaan ng Diyos, na nilalampasan ang lahat ng pang-unawa, ang magbabantay sa inyong puso at pag-iisip, sa Ngalan ni Kristo Jesus.”

Pangalawa, magpunta sa harap ng Banal na Sakramento at idulog ang iyong mga hinaing sa harap ng Panginoon at ilatag ang mga ito sa paanan Nya.  Aminin mo ang iyong kawalan ng kakayahang ayusin ang mga bagay at hilingin kay Jesus na Sya ay pumalit sa lugar mo.  Isang matalino at banal na tao ang minsang nagsabi sa akin, “Kadalasang natutunaw ang mga problema ng tao kapag sya ay nasa Adorasyon sa harap ng Banal na Sakramento.  Hindi nila malaman kung paano at kung bakit, basta, ang kanilang paghihirap ay nagsisimulang maibsan kapag sumasamba sila sa Panginoon sa harap ng Eukaristia.

Lahat ng Ito ay Magiging Maayos

Ilang buwan ang nakalipas pagkamatay ng aking ama, isang bagay ang naganap na nag iwan ng malalim na impression sa akin at nagpaalala sa akin ng kanyang aral tungkol sa pag aalala.  Ang aking ama ay isang tapat na tagahanga ng Boston Red Sox sa loob ng madaming taon.  Noong 2003 larong beysbol, isa sa huling mga napanood niya, ang Red Sox ay natalo ng mahigpit nilang karibal, ang New York Yankees, kahit na nang taong yon ay tila may pag asa silang makasali sa Serye sa Mundo.  Naging isang mapait na pagkatalo ito para sa lahat ng mga tagahanga ng Red Sox, kasama na ang aking ama.

Ilang buwan, bago mismo pumanaw ang aking ama, ang aking nakababatang kapatid na babae, isa ding malaking tagahanga ng Red Sox, ay nagsabi sa kanya, “Tay, kapag nasa langit ka na, siguraduhin mong matalo Red Sox ang Yankees sa taong ito!” Napangiti ang aking ama.

Pumanaw siya noong Abril 2004, at sa Oktubre ng taong iyon ang Yankees at Red Sox ay nagharapang muli sa palaro para sa kampeonato. Hindi ako isang tagahanga ng palaro, ngunit sinusundan ko ang panahon ito ng baseball sa alaala ng aking ama. Malaki ang pagtitiwalang sinabi ko sa aking mga kaibigan na tapat ding mga tagahanga ng Red Sox, “Ang Red Sox ay manalo sa taong ito.”  Matapos nun, sunod sunod ang pagtalo nila sa unang 3 paligsahan.  Di kanaisnais masdan!

Matapos ang ikatlong pagkatalo,  naglakad ako sa kabukiran, malungkot sa pangunguliala sa aking ama, at bigo na ang kanyang koponan ay natatalo. Isa sa mga kaibigan ko ay masama ang loob sa akin dahil sa ibinigay ko maling pag asa.  Habang ako ay nagmumuni sa lahat ng ito, bigla akong nagkaroon ng isang mental na larawan ng aking ama, malawak na nakangiti at tiyakang nagsabi sa akin, “Ell, bakit ka nag-aalala? Ang lahat ay magiging maayos.”  Nadinig ko nang sabihin yon ng aking ama sa aking ina nang daan daan, kundi man libo libong beses, habang ako ay lumalaki. Ang ina ko ang palaging nag-aalala, ngunit gaano man kalungkot tingnan ang mga bagay, pinapayuhan sya ng aking ama na hwag mag-alala, na aayusin ng Diyos ang lahat. At pabalikbalik nga, ang Diyos ay dumadating sa kagulatgulat na pamamaraan.

Kagulat-gulat na ang Red Sox ay nagpatuloy sa pagnalo sa mga apat pang magkakasunod na playoff games —  isang bagay na kailanman ay hindi nangyari sa kasaysayan ng baseball.  At hindi lang sa natalo nila ang Yankees, kundi nagpatuloy pa silang manalo sa Serye sa Mundo na syang nagtapós sa 86 na taon na tagtuyot mula sa kanilang huling panalo sa Serye sa Mundo noong 1918.

Sa pamamagitan nitong mga di-gaanong mahalagang tagumpay ng palaro, alam kong itinutuon ako ng aking ama sa isang bagay na mas malaki. Ipinapaalala nya sa akin ang mga paboritong nyang tema:  Hwag mag-alala!  Magtiwala sa Diyos. Ang mga bagay ay magiging maayos … kahit na ito ay mukhang imposible.

Ang buhay ay nagdudulot ng mga problema, malaki at maliit. Ngunit kahit ano pang problema ang hinaharap mo sa ngayon– pinansiyal,  kalusugan,  nakababahalang mga relasyon– tandaan na ang iyong Ama sa Langit ang nakakaalam kung ano ang kailangan mo at nagagalak Syang pangalagaan ka. “Ipaubaya mo ang pag-aalala sa Kanya dahil Sya ay nagmamahal sa ‘yo.”– (1 Pedro 5: 7).

Share:

Ellen Hogarty

Ellen Hogarty ay isang spiritual director, manunulat at full-time na misyonero sa Komunidad ng Lord's Ranch. Alamin ang mas higit pang gawain nila tungkol sa ginagawa nila sa mga mahihirap sa: thelordsranchcommunity.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles