Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 23, 2023 584 0 Brother John Baptist Santa Ana, O.S.B.
Makatawag ng Pansin

ANG DIYOS AY TUMATAWAG

Kapag sa araw na ito’y malinanaw na narinig mo ang nais na ipagawa sa iyo ng Diyos… gawin mo ng totohanan! 

“Maging monghe ka muna.”  Yaon ang mga salitang natanggap ko mula sa Diyos noong ako’y may sari-saring mga plano at mga ninanais na  inaakala ng isang karaniwang may dalawampu’t-isang taóng gulang.  Ako’y may mga plano na makatapos ng kolehiyo sa loob ng isang taon.  Mga planong maglingkod sa kabataang ministeryo, habang naghahanap-buhay bilang stuntman sa Hollywood.  Ako’y nangarap na maaaring makalipat sa Pilipinas isang araw, at maggugol ng maikling panahong namumuhay kasama ng mga katutubo sa isang isla.  At mangyari pa, ang pag-aasawa at mag-anak ay may malakas na panawagan.  Itong mga adhikain na kabílang ng iba pa, ay nasuplong nang madalian noong ibinigkas ng Diyos yaong apat na mga diwang hindi mapagkakamalian.  May iilang mga masusugid na Kristiyano ang nagpakita ng pagkahili nang isinalaysay ko ang tungkol sa kung paano ipinatunay ng Diyos ang Kanyang loob na maliwanag para sa aking buhay.  Madalas nilang sabihin, “Sana naman na makikipag-usap ang Diyos sa akin sa ganyang paraan.”  Bilang tugon dito, minimithi kong mag-alay ng ilang linaw sa kaparaanan ng pananalita ng Diyos hinggil sa aking sariling karanasan.

Ang Diyos ay hindi magsasalita hanggang tayo’y handang marinig at tanggapin ang kailangan Niyang sabihin.  Ang kailangan Niyang sabihin ay maaaring makapagtiyak ng kung gaano kahabang panahon ang nararapat bago tayo maging handa.  Hanggang sa maririnig at matatanggap natin ang diwa ng Diyos, Siya ay maghihintay lamang; at ang Diyos ay makapaghihintay ng napakahabang panahon, tulad ng paglalarawan sa talinhaga ng Alibughong Anak na Lalaki.  Higit na mahalaga, ang mga naghihintay sa Kanya ay kinaluluguran sa buong Kasulatan.  Dapat kong pasimulan ang panawagan kong maging monghe kasama ng mga detalya kung paano nagsimula ang talagang pagtawag sa akin, nang sinimulan kong magbasa ng Mga Ama ng Simbahan bilang isang nagbibinata, o higit na tama, nang sinimulan kong basahin ang Bibliya bawa’t araw.  Sa pagtatag nitong mga detalya, nagpapakita na inabot ng pitong taon ang pag-aninaw bago ako nakatanggap ng apat lamang na diwa mula sa Diyos.

Pagbubungkal sa mga Aklat

Kinasuklaman ko ang magbasa bilang isang bata.  Umuupo sa loob ng masukal na silid na may aklat nang maraming oras sa katapusan ay walang saysay kapag ang walang katapusang pakikipagsapalaran ay nakalahad lamang sa labas ng aking pinto.  Bagaman, ang kahalagahan na basahin ang aking Bibliya bawa’t araw ay nagbigay ng di-malulutas na suliranin.  Bawa’t Ebanghelista ay alam na sinomang Kristiyano na hinahayaan na magtipon ng alikabok ang Mabuting Aklat ay hindi masyadong Kristiyano.  Ngunit paano ako makapag-aaral ng Banal na Kasulatan bilang isang taong kinaaayawan ang pagbabasa?  Dahil sa pagpukaw at halimbawa ng isang pangkabataang paroko, ipinagngalit ko ang aking mga ngipin at ihinanda ang sarili ko sa tungkuling paglamayan ang Diwa ng Diyos bawa’t aklat sa bawa’t pagkakataon.  Sa pagbasa ko nang higit ay lalo akong nagsimulang magkaroon ng mga tanong.  Ang higit na mga tanong ay ipinadpad ako sa pagbasa ng lalong maraming aklat para sa lalong maraming sagot.

Ang mga binatilyo ay likasang masisisidhi.  Ang pananalimuot ay isang bagay na kanilang natututunan sa buhay pagkaraan ng panahon, na kung bakit ang mga Ama ng Simbahan ay iniwan akong sukdulang mapag-ibig bilang isang binata.  Si San Ignacio ay hindi mapanalimuot.  Si Orihen ay hindi pinado.  Ang mga Ama ng Simbahan ay masidhi sa bawa’t pag-uunawa, itinatakwil ang mga makamundong ari-arian, mananatili sa disyerto, at kadalasan ay ihinahabilin ang kanilang buhay para sa Panginoon.   Bilang isang binatilyong may mga pagyukod sa kasukdulan, wala akong natagpuang sinoman na makapagtutunggali sa mga Ama ng Simbahan.  Walang manlalaban na may MMA o lahukang sining ng pandirigma ay makahahalintulad kay Perpetua.  Walang surfer o manlalaro ng mga alon sa dagat ay higit na mapaghamon kaysa sa Pastol ng Hermas.  At mangyari pa, ang mga unang radikal na ito’y walang ibang inatupag kundi tularan ang buhay ni Kristo ayon sa pagbatay sa Bibliya.  At saka, lahat ay napagkasunduan na isabuhay ang pagkasoltero at pagdidilidili.  Ang kabalighuan ay kapuna-puna sa akin.  Bilang sukdulan tulad ng mga Ama ng Simbahan ay nangangailangan ng pamumuhay na, sa ibabaw, nagpapakitang may pagkamakamundo.  Higit na mga tanong na mapagmumunimunihan.

Sumusumbat

Nang nalalapit na ang pagtatapos, ako’y napag-alinlanganan ng dalawang mga inaalok na hanapbuhay na magpapasya ng pag-anib sa isang sekta, gayon na rin ang mapipiling samahan para sa karagdagang pag-aaral pagkatapos ng kolehiyo. Nang panahong yaon, ang aking Anglikanong pari ay nagpayo na isangguni ang bagay sa Diyos sa pananalangin.  Kung papaano ko dapat Siyang paglingkuran ay Kanyang huling kapasyahan, hindi akin.  At anong mabuting pook upang maaninaw ang ang loob ng Diyos na higit pa sa isang monasteryo?  Sa Linggo ng Pagkabuhay, isang babae na noon ko lamang nakita ay lumapit sa akin sa Monasteryo ng San Andres, na nagsabing “Ipinagdarasal kita, at mahal kita.”  Matapos tanungin ang ngalan ko, pinayuhan niya akong basahin ang unang kabanata ni Lukas, at nagsabing “ito’y matutulungan kang matiyak ang iyong tawag.”  Pinasalamatan ko siya nang magiliw, at isinagawa ang bagay ayon sa kanyang bilin.  Sa pag-upo ko sa damuhan ng kapilya habang binabasa ang tungkol sa pinagmulan ng salaysay ni San Juan Bautista, napuna ko ang maraming pagtutulad ng aming mga buhay.  Hindi ako magpapagala-gala sa lahat ng mga detalye nito.  Ang masasabi ko lamang ay ito ang pinakamatalik na karanasan na nagkaroon ako na kaugnay ang Diwa ng Diyos.  Tila ay nadama ko na ang berso ay isinulat para sa akin sa tagpong yaon.

Pinanatilihan kong magdasal at maghintay para sa tagubilin ng Diyos sa madamong hardin.  Pamamatnugutan Niya na ba ako na tanggapin ang tungkulin sa Newport Beach, o ang dating gawi sa San Pedro?  Lumipas ang mga oras habang nagtiyaga akong makinig.  Di-umano, isang hindi inaasahang tinig ang pumasok sa aking isip; “Maging monghe ka muna.”  lto’y nakatutulala, pagka’t hindi ito ang sagot na hinahanap ko.  Ang pagpasok sa isang monasteryo pagkaraan ng pagtatapos ay ang huling bagay sa aking isip.  Bukod pa rito, ako’y nagkaroon ng masigla at makulay na buhay.  Ako’y nagmatigas na itulak ang tinig ng Diyos sa tabi, iniuugnay Ito bilang isang ilang na palagay na pumaibabaw mula sa aking malalim na kamalayan.  Sa pagbalik ko ng pagdarasal, nakinig ako para sa Diyos upang magawa ang Kanyang loob na malinaw sa akin.  Pagkatapos, isang pangitain ang bumihag sa aking isip; tatlong tigang na mga ilogan ay lumitaw.  Kahit papaano, nalaman kong ang isa ay ipinakikita ang San Pedro na aking bayan, ang isa pa ay ipinakikita ang Newport, ngunit ang ilog sa gitna ay isinagisag ang pagiging monghe.  Laban sa aking kalooban, ang ilog sa gitna ay nagsimulang umapaw ng putting tubig.  Ang nakita ko ay lubos na wala sa aking pagpigil; hindi ko ito maiwaglit sa aking paningin.  Sa tagpong ito, ako’y naging takót.  Maaaring ako’y nababaliw, o ang Diyos ay tinatawag akong sa isang bagay na hindi inaasahan.

Hindi Maipagkakaila 

Ang kampana ay kumalembang habang pumapatak ang mga luha sa aking pisngi.  Ito ang oras ng mga Pagdarasal tuwing takipsilim.  Ako’y humilatod patungo sa kapilya kasama ng mga monghe.  Sa pag-awit namin ng mga Salmo, ang pagtangis ko ay hindi na mapigilan sa paglaganap.  Hindi ko na kayang sumabay sa pag-awit, ginunita ko ang dama ng pagkapahiya tungkol sa panggugulo na ako’y maihahalintulad.  Sa pagpila ng mga kapanalig sa paglabas nang isahan, nanatili ako sa loob ng kapilya.

Nakadapa sa harap ng altar, nagsimula akong tumangis nang lalo pa sa nagawa ko na sa tanang buhay ko.  Ang kakaibang dama ay ang buong kakulangan ng damdamin upang saliwan ang pananangis.  Wala ni kalungkutan o galit, ngunit mga paghagulgol lamang.  Ang isang paliwanag lamang na maipapalagay kosa pagbuhos ng mga luha at anupanan, ay ang dampi ng Banal na Ispirito.  Hindi maipagkakaila na ang Diyos ay tinatawag ako sa buhay ng monghe.  Ako’y natulog nang gabing yaon na may mga matang namumugto ngunit may kapayapaan na kaalaman ng daan ng Diyos para sa akin.  Nang sumunod na umaga nangako ako sa Diyos na sundin ang Kanyang anyaya, tinatahak ang pagiging monghe bilang pinakauna sa lahat.

Ako’y Hindi Pa Tapos?

Bagama’t ang Diyos ay kadalasang  maagap, tulad ng pagsama kay Moises sa Bundok ng Sinai o kay Elias sa Bundok ng Carmel, madalas kaysa hindi, ang Kanyang mga diwa ay wala sa panahon.  Hindi natin mapaghahaka na sa pagpapaliban ng ating mga buhay, ang Diyos ay sapilitang magsasalita. Siya’y hindi maaaring mapagmanduhan ni katiting.  Kaya naman, tayo’y napapasubo na lamang na ipagpatuloy ang ating palasak na mga tungkulin hanggang Siya’y halos na malimutan natin—dito ay kung kailan Siya magpapakita.  Ang binatang si Samuel ay narinig ang tinig ng Diyos noong si Samuel ay tunay na tinutupad ang kanyang arawing mga (pangkalupaang) tungkulin, tulad ng paniniyak na ang kandila ng tabernakulo ay laging may tanglaw.  Mayroong mga bokasyon na nasa loob ng mga bokasyon; mga tawag na nasa loob ng mga tawag.  Mangyari, ang isang mag-aaral ay maaaring marinig nang napakalinaw ang Diyos na magsalita sa gitna ng pagharap sa kanyang suliranin sa alhebra.  Ang mag-isang inang magulang ay maaaring makatanggap ng salita sa Diyos habang tahimik na nakaupo sa trapiko ng malawak na daan ng 405.  Ang paksa ay dapat laging nakatingin at naghihintay, pagka’t hindi natin malalaman kung kailan magpapakita ang Panginoon.  Ito’y itinataas ang tanong:  Bakit ang salitang mula sa Diyos ay napakadalang at hindi matiyak?

Binibigyan lamang tayo ng Diyos ng sapat na dami ng kaliwanagan na kailangan natin upang sundin Siya; walang labis.  Ang Ina ng Diyos ay tumanggap ng diwa na hindi nangangailangan ng linaw.  Ang mga propeta, na palaging nakatatanggap ng mga pagpapahayag mula sa Kanya, ay madalas na nalilito.  Si Juan Bautista, ang unang nakakilala sa Mesias, ay hinulaan ang sarili pagkalipas nito.  Kahit ang mga disipulo, ang pinakamalapit na kamag-anakan ni Jesus, ay palaging naguguluhan sa mga salita ng ating Panginoon.  Ang mga nakaririnig na magsalita ang Diyos ay napag-iiwanan ng lalong maraming tanong, hindi mga sagot.  Sinabihan ako ng Diyos na maging monghe, ngunit hindi Niya sinabi kung papaano o saan.  Kalabisan sa kabuuan ng aking sariling bokasyon ay ipinaubaya Niya sa akin upang alamin ko.  Ito’y inabot ng apat na taon bago napagtanto ko ang aking tawag; apat na taon (sa loob nito ay labing-walong mga monasteryo ang dinalaw ko) bago ako nabigyan ng pahintulot na pumasok sa San Andres.  Kalituhan, pag-aalinlangan, at pangalawang paghula, ay bahaging lahat ng mahabang paraan ng  pag-aninaw.  Bukod doon, ang Diyos ay hindi tumutugon sa loob ng kapatlangan.  Ang Kanyang mga diwa ay napangungunahan at nasusundan ng mga salita ng mga iba.  Ang pangkabataang paroko, ang Anglikanong pari, ang oblate ng San Andres—ang mga ito ay kumilos bilang mga basalyo.  Pagpapakinig sa kanilang mga salita’y makabuluhan bago ako makatanggap ng mga nagmula sa Diyos.

Ang bokasyon ko ay nananatiling kulang.  Ito pa rin ay dapat na matuklasan, mandin ay dapat na mapagtantuhan bawa’t araw.  May anim na mga taon na ngayon ang pagiging monghe ko.  Sa taon lamang na ito ay ang pagpahayag ko ng mataimtim na mga panata.  Maaaring sabihin ng isa na nagawa ko na ang pinagagawa sa akin ng Diyos.  Mangyari man ito, ang Diyos ay hindi pa tapos sa pagsasalita.  Hindi Siya tumigil sa pananalita matapos ang unang araw ng Paglikha, at hindi Siya titigil hanggang mabuo ang Kanyang dakilang likha.  Sinong nakaaalam kung ano ang Kanyang sasabihin o kung kailan Siya tutugon nang muli?  Ang Diyos ay may kasaysayan ng pagkakaroon ng mga napaka-katakatakang sinasabi.  Ang ating bahagi ay magmasid at maghintay para sa anumang mayroon Siya na maibabahagi.

 

Share:

Brother John Baptist Santa Ana, O.S.B.

Brother John Baptist Santa Ana, O.S.B. ay isang monghe ng St. Andrew's Abbey, Valyermo, CA. Kasalukuyan niyang tinatapos ang MA sa Teolohiya sa Dominican House of Studies sa Washington, DC. Kasama sa kanyang mga kinagigiliwan ang martial arts, surfing, at pagdidibuho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles