Home/Makatawag ng Pansin/Article

Feb 21, 2024 334 0 Susan Skinner
Makatawag ng Pansin

Ang Dasal ay Makapangyarihan 

Ako’y nagtatahak ng aking lumang panaligang talaarawan na kung saan ay naisulat ko ang mga ilang mga isinasamong dalangin.  Sa aking pagkagulat, ang bawa’t isa sa mga yaon ay nabigyang-tugon! 

Sino man ang gumagawa ng madaliang pagsulyap ng mga balita nitong mga araw ay maaaring makita ang kanilang mga sarili na nagigipit, nagtataka kung saan ang Diyos, nangangailangan ng pag-asa.  Alam kong natagpuan ko na ang aking sarili  sa ganitong tayô sa tiyak na mga araw.  Nadarama natin na hindi tayo makapagpigil, at nais nating malaman kung anong dapat gawin tungkol sa lahat ng kakila-kilabot na mga bagay na ating nakikita.  Nais kong magbahagi sa inyo ng isang salaysay.

May iilang mga taon nang lumipas, ako’y nagsimulang magsulat ng talaarawan ng mga dalanginang kahilingan ng mga tao at mga bagay na aking ipinagdarasal.  Ako’y madalas na nagdarasal ng Rosaryo para sa mga ito, na ginagawa ko pa rin para sa mga pinapanalangin.  Isang araw, ako’y nakatagpo ng isang lumang talaarawan ng aking mga naisulat na mga dasaling hinihiling.   Sinimulan kong basahin nang mabuti ang mga pahina ng aking naisulat noong nakaraan.  Ako ay namangha.  Ang bawa’t dalangin ay sinagot—maaring hindi lagi sa mga paraang inakala kong ang mga ito’y masasagot—ngunit sila’y nasagot.  Ang mga ito ay hindi mga mumunting dalangin.  “Mahal na Panginoon, nawa’y tulungan Mo ang aking tiyahin na tigilan ang pag-inom ng alak.  Mahal na Panginoon, nawa’y tulungan Mo ang aking baog na kaibigan na magkaroon ng mga anak.  Mahal na Panginoon, nawa’y malunasan Mo ang aking kaibigan sa kanser.”

Hanggang natumbok ko nang pababa ang pahina, natanto ko na ang bawa’t dasal ay nasagot.  Karamihan ay sa higit na malaki at higit na paraan kaysa sa aking hinaraya.  Mayroong dalawa, na sa unang sulyap, ay inakala kong hindi nasagot.  Isang babaeng kaibigan na nangangailangan ng lunas sa kanser ay pumanaw na,  ngunit nagunita ko nang siya ay namatay, siya’y nakapagkumpisal at nabasbasan ng pagpahid  para sa malubha bago siya nabawian.  Siya’y namatay nang matiwasay sa piling ng Diyos, na napalibutan ng Kanyang nakalulunas na biyaya.  Ngunit maliban sa yaon, ang karamihan sa  mga dasalin ay nasagot dito sa mundo.  Maraming mga dasal na hinihiling ay tila mga bundok na napakalaki, ngunit sila’y napaurong na.  Ang biyaya ng Diyos ay idinadala ang ating mga dalangin at ang sigasig natin sa pagdasal, at pinagagalaw Niya ang lahat ng bagay patungo sa kabutihan.  Sa tahimik ng aking dasal, narinig ko ang bulong, “Palagi Ko nang ginagawa ang lahat ng mga bagay na ito sa buong panahon.  Palagi na Akong nagsusulat ng mga salaysay na ito.  Magtiwala ka sa Akin.”

Naniniwala akong tayo’y nasa mapanganib na mga panahon.  Ngunit ako rin ay naniniwala na tayo ay nilikha para sa mga panahong ito.  Maaari mong sabihin sa akin, “Ang iyong mga panariling hiling sa dasal na nasagot ay tilang dakila, ngunit maraming mga bansa ay nakikipagdigmaan.”  At ang tugon ko sa yaon ay, muli, walang hindi maaari sa ngalan ng Diyos, ni kahit ang pagtigil ng digmaan sa pamamagitan ng ating mga dalangin.  Nagugunita ko itong nangyayari sa nakaraan.  Dapat tayong manalig na ang Diyos ay makakikilos nang ganyang kadakila ngayon din.

Alang-alang sa mga hindi pa gaanong matanda na makagugunita, mayroong isang malagim na panahon na tila magkakaroon ng pagligo ng dugo.  Ngunit dahil sa kapangyarihan ng Rosaryo, mga pangyayari ay nagbago.  Ako’y nasa  ikawalong baytang, at aking natatandaan noong naririnig ko ang tungkol sa lahat ng kaguluhan sa Pilipinas.  Si Ferdinand Marcos ang diktador ng yaong bansa sa yaong panahon.  Ito’y nagsasahugis na maging isang madugong digmaan na may iilang mga taong patay na.  Isang matatag na manunuri ni Marcos, si Benigno Aquino, ay pinaslang.  Ngunit ito ay hindi naging isang madugong digmaan.  Ang Pangunahing Obispo Jaime Sin ng Maynila ay nanawagan sa mga tao na magdasal.  Sila ay nagsilabasan sa harap ng panghukbong mga kawal, nagdarasal ng Rosaryo nang malakas.  Sila ay tumindig sa harap ng mga tangke habang nagdarasal.  At pagkaraan, isang kahima-himalang bagay ang nangyari.  Ang militar ay ibinaba ang kanilang mga sandata.  Kahit ang pangkalahatang medya, ang Chicago Tribune, ay inilathala kung paano ang “Mga baril ay sumuko sa mga Rosaryo.”  Ang pag-aalsa ay lumipas, at ang luwalhati ng Diyos ay naipakita.

Huwag hintuang magtiwala sa mga himala.  Asamin natin ang mga ito.  Idasal ang Rosaryo sa bawa’t pagkakataon na magkakaroon tayo.  Alam ng Panginoon na ang mundo ay kinakailangan ito.

Share:

Susan Skinner

Susan Skinner is a wife, mom, caregiver, and writer. Currently, she is the director of Adult Faith Formation and RCIA at Saint Philip Catholic Church in Franklin, TN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles