Home/Makatagpo/Article

Jul 27, 2023 458 0 Shalom Tidings
Makatagpo

ANG BULONG NG DIYOS

Pagkaraan ng ika-anim at kalahating oras, habang napakadilim pa at nakapaninigas ang lamig, si Joshua Glicklich ay nakarinig ng isang bulong, ang bulong na idinala siyang pabalik sa buhay.

Ang pagpapalaki sa akin ay tulad ng karaniwang bata na nagmula sa hilagang dako ng United Kingdom.  Ako’y pumasok sa isang paaralang Katolika at tumanggap ng unang Banal na Komunyon.  Itinuro sa akin ang pananampalatayang Katolika at nagsimba kami nang napakadalas.  Nang dumating ang panahon na naabot ko ang gulang na labing-anim, kinailangan kong magpasyang pumili ng pag-aaral, at pinili kong gawin ang aking mga antas, hindi ang Katolikang ika-anim na taon, ngunit sa isang pansambayanang paaralan.  Doon ko nasimulang mawala ang aking pananampalataya.

Ang palagiang pagpapaalala ng mga guro at pari na palalimin ang aking pananalig at mahalin ang Diyos ay wala na roon.  Ako’y napadpad sa isang pamantasan, at dito ang kung saan nailagay sa pagsubok ang aking pananampalataya.  Sa aking unang semestro, ako’y nakikipagtipon, dumadalo ng lahat nitong mga pagdiriwang, at hindi gumagawa ng pinakatamang mga pasya.  Talagang gumawa ako ng mga malalaking pagkakamali—tulad ng lumalabas upang uminom at alam ng Diyos hanggang anong oras sa umaga at namumuhay nang walang kabuluhan.  Yaong Enero, noong ang mga mag-aaral ay kinakailangan nang bumalik mula sa pagtigil ng unang semestro, ako’y bumalik nang higit na maaga sa sinuman.

Yaong araw na hindi ko malimutan sa aking buhay, gumising ako ng kalahati makalipas ang ika-6 ng umaga.  Habang madilim pa at ang lamig ay nakapanginginaw.  Kahit ang mga soro na kadalasan kong nakikita ay hindi pa naglalabasan sa pagdungaw ko ng bintana—ganoon ito kalamig at kalagim.  Ako’y napaghiwatigan ng isang tinig na naririnig ko sa aking kaloob-looban.  Ito’y hindi isang marahang dagil o tulak na nakayayamot sa akin.  Ito’y tila isang tahimik na bulong ng Diyos na nagsasabing, “Joshua, mahal Kita.  Ikaw ay Aking anak… bumalik ka sa Akin.”  Maaaring ito’y tinalikuran ko na lamang at hindi binigyang-pansin.  Gayunpaman, nagunita ko na ang Diyos ay hindi malilimutan ang Kanyang mga anak, kahit gaano pa kalayo ang ating paglalagalag.

Bagama’t umuulan ng yelo, ako’y lumakad sa Simbahan nang yaong kinaumagahan.  Sa paglagay ko ng aking paa sa harapan ng isa, inakala ko sa aking sarili, “Ano ang ginagawa ko?  Saan ako paroroon?”  Gayunpaman, ang Diyos ay patuloy akong pinakikilos nang pasulong, at dumating ako nang ika-8 para sa Misa nang yaong malamig at maniyebeng araw.  Para sa kauna-unahang pagkakataon mula noong ako’y 15 o 16, hinayaan ko ang mga salita ng Misa na humugas sa akin.  Narinig ko ang Santo—“Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo.” sinundan pa niyan, ang pari ay nagsabing, “kasama ng mga koro ng mga anghel at mga santo…”  Inilagay ko ang aking puso dito at tinampulan ito.  Nadama ko ang mga anghel na nagsisibaba sa tunay na pag-iral ni Hesukristo sa Yukaristiya.  Nagunita kong tinatanggap ang Banal na Komunyon at iniisip, “Saan na ako nagtungo at ano na ang kabuluhan ng lahat ng ito kung hindi para sa Kanya?”  Sa pagtanggap ko ng Yukaristiya, nagapi ako ng agos ng mga luha.  Naging maliwanag sa akin na tinatanggap ko ang Katawan ni Kristo.  Siya’y naroon sa kaloob-looban ko, at ako’y naroon bilang Kanyang tabernakulo—ang Kanyang silid-pahingahan.

Magmula noon, ako’y nagsimulang dumalo ng Misa ng mga mag-aaral nang palagi.  Nakakilala ako ng maraming Katolikong minamahal ang kanilang pananampalataya.  Madalas kong magunita ang sipi ni Santa Catalina de Siena, “Dapat maging ikaw ang kung ano ang inilaan ng Diyos sa iyo na maging at maihahanda mo ang mundo na magliyab.”  Yaon ang aking nakita sa mga mag-aaral na Ito.  Nakita ko ang Panginoon na hinahayaan itong mga tao na maging sino sila.   Pinatnubayan sila ng Diyos nang mahinahon tulad ng isang Ama.  Itinatakda nila ang mundo na mag-alab—ipinamamahagi nila ang ebanghelyo sa pagpapakilala nila ng kanilang pananampalataya sa paaralan, inaalay ang Mabuting Balita.  Ninais kong masangkot, kaya ako ay naging bahagi ng pangangapelyan ng pamantasan.  Sa loob ng panahong ito, natuto akong mahalin ang aking pananampalataya at ipaalam ito sa iba sa paraang hindi nakapangingibabaw ngunit tulad kay Kristo.

 

Makaraan ang ilang mga taon, ako’y naging pangulo ng Lipunang Katolika.  Ako’y nagkaroon ng karapatang pamunuan ang isang pangkat ng mga mag-aaral sa pag-unlad ng kanilang pananalig.  Sa panahong ito, yumabong ang pananampalataya ko.  Ako’y naging isang tagalingkod sa altar.  Noon ko nakilala si Kristo—na payak na malapit sa altar.  Ang pari ay binibigkas ang mga salita ng pagpapatibay ng pagsalin, at ang tinapay at alak ay nagiging totoong Katawan at Dugo ni Kristo.  Bilang isang tagapagsilbi ng altar, lahat ng ito ay nagaganap sa harap ko.  Ang aking mga mata ay nabuksan sa  lubusang kababalaghan na nagaganap kahit saan, sa bawa’t Misa, sa bawa’t altar.

 

Iginagalang ng Diyos ang ating pagpapasya at ang paglalakbay na ating tinata hak.  Gayunpaman, upang makarating sa nauukol na paroroonan kailangan nating piliin Siya.  Ating alalahanin na gaano man tayo nagpakalayo sa Diyos ay walang kinalaman.  Siya’y laging naroroon kasama tayo, katabi natin sa paglalakad, at pinapatnubayan tayo sa tamang pook.  Tayo’y walang anuman kundi mga peregrinong naglalakbay paroon sa Langit.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles