Home/Makatagpo/Article

May 12, 2022 1091 0 Estelle Nester
Makatagpo

ANG AKING PANIG NG SALAYSAY

Ang mismong bagay na nagpalayo sa akin sa Simbahan ang nagpabalik sa akin nang taos puso!

Ipinanganak at lumaki sa Philadelphia, nag-aral ako sa isang paaralang Katoliko tulad ng karamihan sa aking mga kaibigan. Ang aking mag-anak ay nagsisimba lamang kapag Pasko at Pasko ng Pagkabuhay. Natutuhan ko ang tungkol sa mga sakramento sa paaralan, ngunit kadalasan ay sinaulo ko ang mga tumpak na sagot para makuha ang mga ito nang tama sa pagsusulit. Ako ay isang mabuting bata. Hindi ako nakihamok sa anumang mabibigat na kasalanan. Tinukso ako ng aking mga kaibigan na malamang ako ay magiging isang madre dahil ako ay may mabuting pag-uugali. Ngunit hindi ako nakaugnay nang maayos sa aking pananampalataya. At matapos ang isang masamang karanasan sa pangungumpisal sa ikaapat na baitang, nagpasiya akong hindi na bumalik.

Pagtapos ng high school nagtrabaho ako bilang isang tagasilbi sa Olive Garden.  Isa sa mga kasamahan ko sa trabaho ay isang napakagandang lalaki na nagngangalang Keith. Isang mahusay na manunugtog at isang maka-Dios na Kristiyano, inanyayahan ako ni Keith sa kanyang hindi-nakaanib na simbahan, at nagustuhan ko ito.  Madalas kaming dumalo nang magkasama, ngunit hindi nagtagal ay tinanggap ni Keith ang posisyon bilang pastor ng kabataan sa kanyang sariling estado ng Iowa.  Nangulila kami sa isa’t isa, kaya sumunod ako sa kanya.  Nagpakasal kami noong 1996, at mahusay ng lahat: Mahal ni Keith ang kanyang gawain sa simbahan: pinangalagaan kami nang mabuti ng kongregasyon, nagkaroon kami ng tatlong magagandang anak, at naibigan ko ang aming pagiging mag-anak ng pastor.  Naglingkod kami doon at sa ilang pang mga simbahan sa loob ng dalawang dekada.  Ang  pagmiministro ay may mga tagumpay at kabiguan, ngunit nagustuhan namin ito.

Ang Sandali Ng Katotohanan

At gayon, matapos ang 22 taon bilang isang pastor, inihayag ni Keith isang araw, “Sa palagay ko ay tinatawag ako ng Diyos na huminto sa aking gawain at maglipat-loob sa Katolisismo.”  Ako ay nabigla, kahit pa habang nalaman ko na sarilinan siyang nagsasaalang-alang ng Katolisismo matagal na.  Nagbasa siya ng mga aklat tungkol sa Katolisismo at tinalakay ang pananampalataya kasama ng mga pari at mga kaibigang Katoliko.  Ang natuklasan niya tungkol sa mga Ama ng Simbahan, sa mga sakramento, at sa pagka-papa ay sumindak sa kanyang kaibuturan, ngunit nagpatuloy siya.  Naibigan ko ang kanyang panibagong kasabikan, ngunit wala akong gana at hindi ko inisip na ipagpapatuloy niya iyon.  Hindi mangyayari na ang Keith na nakilala ko ay maglilipat-loob sa matumal at walang buhay na relihiyon na aking kinalakhan.  Ngunit habang mas napansin kong nagniningning si Keith kapag nangungusap siya tungkol sa pagbabalik-loob, lalo akong natataranta.  Ang mga bata ay tumatanda na at nagsisilaki sa mga simbahang mahal nila; kahit na ginusto namin, hindi namin magawang mapagbalik-loob sila.  “Hindi maaaring naisin ng Diyos na mahati ang aming tahanan,” naisip ko…

Paano ako makakabalik sa anoman na napakaliit ang kahulugan sa akin nang ako ay bata pa, lalo na’t ang bago kong pananampalatayang protestante ay pinanatili akong ganap.  Kinailangan kong harapin ang mga bagay tulad ng Kumpisal—isang bagay na hindi ko na nais na gawing muli.  Lihim akong umaasa na isa lang itong yugto na malalampasan ni Keith sa lalong madaling panahon.  Ang sandali ng katotohanan para kay Keith ay dumating matapos ang isang talumpati na nagpapaliwanag ng Doktrinang Katoliko kung saan naramdaman niyang ang Diyos ay nagngungusap ng tuwiran sa kanya. Umuwi siya at nagsabing, “Yun na yun, gagawin ko ito.  Maglilipat-loob ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin natin tungkol sa pera, ngunit alam ko na tinatawag ako ng Diyos para dito;  aalamin natin.” Kinabukasan, sinabi niya sa kanyang simbahan na siya ay magbibitiw na. Ngayon kailangan kong magpasya kung ano ang gagawin.

Sa pangwakas, matapos ang mga buwan ng pananalangin ay sinundan ko si Keith sa Simbahang Katoliko.  Nadama ko na pinakamainam para sa aming mga anak na makita ang kanilang ina na sumusunod sa pamumuno ng kanilang ama sa pananampalataya, ngunit nagpasiya silang manatili sa kanilang simbahang protestante. Nakatutuwang makita si Keith na napakarubdob sa kanyang pagbabalik-loob, ngunit nagkaroon ako ng mas mapaghamong panahon kaysa sa inaakala ko.  Naiyak ako sa bawat misa nang mga tatlong buwan.  Ang aming mag-anak ay samasamang nagsisamba sa nakalipas na 22 taon.  Ngayon, sa kasawiangpalad, kami ay kalát.  Bilang karagdagan, masama ang loob ako na hindi ginagamit ni Keith ang kanyang likas na talino para sa ministeryo sa Simbahang Katoliko.  Dahil tinawag siya ng Diyos na bumitiw sa kanyang trabaho, inaasahan kong may isang di mapaniniwalaang ministeryo ang naghihintay sa kanya.  Naniniwala akong may balak ang Diyos para kay Keith, pero ano iyon?  Si Keith ay nasisiyahang dumalo na lamang sa Misa at nilulunos ang sarili sa lahat nito, ngunit nais kong makitang ginagamit siya ng Diyos sa panibagong paraan.

Isang Kagila-gilalas Na Paglalakbay 

Pagkatapos ng ilang buwan na pagdalo sa Misa, naging mas malawak ang isipan ko sa pananampalataya.  Nagsimula akong magtanong at alamin kung bakit namin ginagawa ang ginagawa namin.  Sinimulan kong buksan ang aking puso sa Misa at nagsimula akong mahalin ito.  Ang mga tao sa aming parokya ay magagandang halimbawa ng kung ano ang tungkol sa pagiging Katoliko.  Naibigan ko ang Misa na puno ng banal na kasulatan, ang insenso, banal na tubig, at mga sakramento.  Naibigan ko ang mga debosyon, at siyempre, ang Eukaristiya.  Kung mas natutunan ko noong ako ay bata pa ang tungkol sa Eukaristiya, hindi sana ako makakatiwalag nang ganoon kadali.

Noong tag-araw matapos ang aming pagbabalik-loob, isang kaibigan ang nag-anyaya sa amin na magtungo sa Medjugorje.  Ilang mga taon na nang si Keith ay makapunta at nagkaroon ng kagila-gilalas na karanasan.  Kapwa kaming nasabik na pumunta, lalo na nang napagtanto naming nandoon kami sa unang kaarawan ng pagpasok ni Keith sa Simbahang Katoliko.  Napakagandang paraan ng pagdiriwang.  Napagtanto ko na naging abala kami sa buhay, gawain, at pamilya kaya marahil ay hindi namin nadinig sa Diyos ang tungkol sa hinaharap dahil hindi kami naglaan ng panahon upang tumigil at makinig.  “Marahil sa Medjugorje ang Diyos ay magsasalita sa atin tungkol sa kanyang balak sa ating buhay,” naisip ko.  Ang paglalakbay ay isang makapangyarihang karanasan, ngunit hindi ko nadinig ang Diyos na magsalita sa akin tungkol sa aming hinaharap. Nagsimula akong mainip at masiphayo.

Bago Mahuli Ang Lahat

Sa huling araw, kami ay nagsimba, dumalo sa pagtitipon para sa Rosaryo, Pagsamba, at lahat ng iba pang inialok nila.  Hindi namin nais na maligtaan ang kahit anuman.  Sa oras ng Pagsamba, nanalangin ako, “Diyos, pakiusap po na magsalita Ka sa akin.  Dama kong wika ng Diyos, “Magkumpisal ka.” “Hindi po, Dios ko.  Pakiusap po na magsalita Ka sa akin nang tuwiran.  Ito ang aming huling gabi.  Pakisabi sa akin kung ano ang gagawin.”  Sabi Niya, “Magkumpisal ka.”  Nakipagtalo ako sa Diyos, “Alam Mo ba kung gaano kadaming tao ang nakapila para sa Kumpisal? Hindi ako makakapasok!”

Sa Medjugorje, malaking bagay ang Kumpisal. Kahit na may dose-dosenang mga pari na nakikinig ng Kumpisal sa madaming wika, ang mga pila ay maaaring maging mahaba.  Ang dako ng Kumpisal-panlabas ay pinagkukumpulan ng mga tao sa tuwing dadaan kami. “Paumanhin, Diyos, kung nasabi mo ito sa akin nang maaga-aga pa nitong linggo, maaaring nakapunta ako, ngunit ayaw kong maligtaan ang kahit anuman nitong  huling gabi namin dito,” dalangin ko.  Sa pagbabalik-tanaw, sigurado akong pinapagalaw ng Diyos pataas ang Kanyang mga mata.

Matapos ang Pagsamba, habang naghihintay sa aming mga kaibigan, tiningnan ko ang pila ng Kumpisal sinisikap na magpasya kung ano ang gagawin.  Isang kaibigan mula sa aming grupo ang lumapit, tumingin sa akin, at nagsabi ng isang salita, “Pizza.”  Napatalon ako at sinabing, “Oo, lakad na tayo.” Nagkaroon kami ng isang kasiya-siyang oras, at makatapos kong palamnan ang aking sarili, sumagi sa akin na maaaring nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali.  “Marahil dapat sinubukan kong mag Kumpisal,” naisip ko. “Palagay ko kinakausap ako ng Diyos, at sumuway ako.  Ngayon, ano ang aking gagawin?  Baka huli na.”  Nagsisimula ko nang maramdamang ako’y nagkasala

Tinanong ko si Greg tungkol sa mga pag-asa kong makapag Kumpisal. “Lipas na ang 9:00,” sabi niya, “Ang matagpuan ang isang pari na nandoon pa lalo na ang isang pari na nagsasalita ng Ingles ay hindi magiging madali. Nagpasya akong subukan. Naglakad kami ng isang bloke papunta sa panlabasang Kumpisalan at nakita naming walang laman at madilim. Pagliko namin sa kanto, nakita namin ang isang pari sa di kalayuan na nakaupo sa tabi ng karatulang may nakasulat na “English.” Hindi ako makapaniwala. Habang papalapit ako, sinabi niya, “Kanina pa kita hinihintay.”

Isang Mensahe Mula Sa Diyos

Ako ay umupo at sinimulan ang aking Pagtatapat. “Dapat kong sabihin sa iyo,” sabi ko, “Mayroon akong mga katanungan sa Pagtatapat. Lahat ng iba kong Pagtatapat ay di taos-puso at ginawa dahil sa pananagutan. Pakiramdam ko ay sinabihan ako ng Diyos na pumarito ngayong gabi, kaya ituturing kong ito ang aking unang Pagtatapat.” Pagkatapos ay ibinuhos ko ang aking loob. Nagtagal ito. Umiiyak ako, at kahit na pakiramdam ko ay ipinagtapat ko na ang aking mga kasalanan kay Hesus sa mga nakaraang taon, may kakaiba sa pagsasabi nito nang malakas sa isang pari. Nahirapan kong ilabas ang ilan sa aking mga salita, ngunit ginawa ko ang lahat ng aking makakaya.

Nang ako’y matapos, sinabi niya, “Ang iyong mga kasalanan ay napatawad na.” Matapos ay sinabi niya, “Masasabi kong taimtim kang nagsisisi sa iyong mga kasalanan, ngunit hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ka nandito. Nandito ka dahil huling gabi mo na sa Medjugorje, hindi ko sinabi sa kanya iyon!, at matagal nang ikaw ay bigo sa Diyos. Ninais mong Siyang a kausapin ka sa paglalakbay na ito, at palagay mo ay hindi Niya ginawa. (Hindi ko rin sinabi sa kanya!)

“Narito ang mensahe sa iyo ng Diyos,” ang sabi ng pari. “Maging matiyaga ka, ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa at magtiwala ka sa Akin.’’  Nagsimula akong umiyak at tumawa dahil napuno ako ng saya. Niyapos ko siya at nagpasalamat sa paghihintay niya sa akin.  Hindi ako makaantay na sabihin kay Keith ang sinabi sa akin ng pari.  Napagtanto namin na may dahilan kung bakit kami nasa Medjugorje nang kaarawan ng pagiging Katoliko ni Keith.  May dahilan ang Diyos na hindi Niya gaanong pinpagkilos si Keith sa unang taon na iyon.  Kailangan naming maging matiyaga at tapat.  At di nagtagal sa aming pagbabalik, nagsimulang mabukasan ang mga pinto upang maibahagi ni Keith ang kanyang paglalakbay sa pananampalatayang Katoliko.

Halimbawa, sapol nang magsimula ang Pandemic, sinusundan ni Keith ang Rosaryo tuwing hapon sa YouTube.  Sa loob ng halos may dalawang taon na ngayon, ginawa niya ito bawat araw  nang may kinakatawang higit sa 70 bansa.  Ito ngayon ay tinatawag na Rosary Crew.  Sinasabi ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo kay Keith na nakatulong sa kanila ang kanyang paglilingkod.  Kami ay lubos na nagpapasalamat.  Natutunan ko na habang madalas nating hilingin sa Diyos na kausapin tayo, kadalasan ay nakapagpasya na tayo kung ano ang gusto nating sabihin Niya.  Ngunit ibig ng Diyos na gulatin tayo.  Hindi ba nakakabaliw na ang Kumpisal, ang mismong bagay na nagpalayo sa akin sa Simbahan, ay ang bagay na ginamit ni Jesus para maibalik ako nang taos puso?

Ikaw ba ay humihingi ng payo sa Diyos ngunit ayaw mong madinig ang Kanyang sinasabi?  Mayroon ka bang mga katanungan sa Simbahan na kailangan mong lutasin?  Kailangan mo bang humingi ng tawad sa isang tao?  Kailangan mo bang sumuko kay Hesus at magsimulang mamuhay nang naiiba?  Anoman ang iyong katanungan, subukan mong pakawalan ang iyong mga inaasam at makinig lamang?  Huwag nang maghintay pa.  Ang Diyos ay nagsasalita sa iyo. Makinig ka.

Share:

Estelle Nester

Estelle Nester is the wife of Catholic convert Keith Nester, author of the book “The Convert's Guide to Roman Catholicism: Your First Year in the Church.” Estelle lives in Cedar Rapids IA with her husband Keith. They have three adult children.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles