Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 30, 2024 108 0 Kelly Ann Guest
Makatawag ng Pansin

Ako ay ang Yaong Kordero! 

Marahil na ikaw ay may isang milyong mga dahilan upang tumugon ng ‘hindi’ sa maaaring mabuting gawa, ngunit ang mga ito ba’y talagang makatwiran? 

Nakaupo ako sa loob ng sasakyang van naghihintay para sa aking dalagita sa pagtapos ng kanyang pag-aaral ng pagsakay ng kabayo.  Sa kabukiran na kung saan siya nangangabayo, mayroong mga kabayo, mga tupa, mga kambing, mga kuneho, at sangkatutak na mga pusang nasa kamalig.

Ako’y nalingat mula sa panonood sa aking anak nang napuna ko ang isang batang lalaking ginigiya ang isang kordero na napaggupitan lamang ng balahibong lana pabalik sa kural.  Di-umano, ang hayop ay nagpasyang hindi nais na magpatungo sa pastulan at humandusay na lamang sa kalagitnaan ng landas.

Subukan man niyang gawin, ang bata ay hindi magawang mapagalaw ang kordero (ang isang lubos na napalaking tupa ay karaniwang may bigat na sandaang libra o higit pa).  Hinigit niya ang tali.  Pumunta siya sa likod ng kordero upang matulak ang puwitan.  Nag-akma siyang magbuhat ng tiyan nito.  Sinubukan pa niyang mangatwiran sa tupa, nakikipag-usap dito, nangangakong dudulutan ito ng pabuya kapag ito’y susunod lamang sa kanya.  Gayunpaman, ang kordero at nanatiling nakahilata sa gitna ng landas.

Ako’y napangiti at inisip sa sarili ko: “Ako ay ang yaong kordero!”

Gaano ako kadalas tumanggi na pumaroon kung saan sinisikap na akayin ako ng Panginoon?

Minsan, natatakot akong gawin ang hinihiling sa akin ni Hesus.  Ito’y wala sa aking lagay ng ginhawa.  Sinuman ay maaaring kasuklaman ako kapag ako’y magsasalita ng Katotohanan: baka sila’y masaktan.  Ako ba’y nararapat para sa tungkulin?  Pangangamba ang humahadlang sa akin upang hindi ko matupad ang di-kapanipaniwalang panukala ng Diyos para sa akin.

Sa ibang mga tagpo, ako ay sukdulang nahahapo o  tinatatamad lamang.  Ang pagtulong sa iba ay kinakailangan ng panahon, panahon na nalaan ko na sa ibang bagay—isang bagay na ninais kong gawin.  Mayroong mga tagpo na ako’y walang lakas upang makapag-alay para sa isa pang bagay.  Nakalulungkot na tumatanggi akong mag-alay ng higit pa ng aking sarili.  Kasakiman ang humahadlang sa akin upang hindi ko makamit ang mga biyayang ipinadadala ng Diyos sa akin.

Hindi ko matiyak kung bakit tumigil ang yaong kordero sa paggalaw nang pasulong.  Ito ba’y takót?  O napagod?  O pawang tinamad lamang?  Sa wakas, ang munting pastol ay nagawang suyuin ang kanyang kordero na humayong muli at naiparating Ito sa luntiang pastulan upang ito’y makapagpahinga nang matiwasay.

Tulad ng batang pastol, si Hesus ay mahinahong tinutulak at inuudyok ako, ngunit dahil sa aking pagmamatigas, nag-aalinlangan akong gumalaw.  Napakasaklap!  Napaglalapasan ko ang mga pagkakataon, marahil pati na ang mga himala!  Totoo, walang dapat na ikatakot, pagka’t si Hesus ay nangakong mananatili Siya sa akin (Salmo 23:4).  Kung si Hesus ay mayroong hihingin akin, “wala akong pagkakakulangan’ (Salmo 23:1), ni panahon ni lakas.  Kapag ako’y mahahapo: “Pinapatnubayan Niya ako sa tabi ng payapang batis, iniibsan Niya ang aking kaluluwa” (Salmo 23:2,3).  Si Hesus ay ang aking Mabuting Pastol.

Panginoon, patawarin Mo ako.  Tulungan Mo akong sumunod lagi sa Iyo saan man Mo ako ipadala.  Nagtitiwala akong alam Mo ang pinakamabuti sa akin.  Ikaw ang aking Mabuting Pastol.  Amen.

Share:

Kelly Ann Guest

Kelly Ann Guest is blessed to share God’s love with her husband and their nine wonderful children. She is the author of Saintly Moms: 25 Stories of Holiness and blogs at nun2nine.com. She is the Director of Family Faith Formation at her parish.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles