Home/Makatawag ng Pansin/Article
Kinailangan ng giting upang masimulan ang sanlibong-pirasong palaisipan at matapos ito; tulad rin ito ng buhay.
Noong nakaraang Pasko, ako’y nakatanggap ng sanlibong-piraso ng palaisipang laro mula sa aking Kris Kringle sa aking pinapasukan na pinapaskil ang Labindalawang Apostol ng bantog na Great Ocean Road (isang nakahihindik na kumpol ng mga batuhan sa Southwestern Victoria ng Australia).
Ako’y hindi matalas sa simula, nakagawa na ako ng mga tatlo nito kasama ang aking anak na babae noong lumipas na iilang mga taon, kaya nalaman ko ang kasidhiang kinakailangan ng mga ito. Bagaman, nang tumingin ako sa tatlong mga nabuong palaisipan na nakabitin sa tahanan, kahit na sa pagkawalang-galaw nadarama ko, nagkaroon ako ng isang higit na panloobang pagnanais na pagnilayan “Ang Labindalawang mga Apostol.”
Ikinatataka ko kung paano ang pagdama ng mga Apostol ni Hesus nang Siya’y namatay sa krus at nilisan sila. Ang sinaunang pinanggalingan na mga kasulatang Kristiyano, kabilang ang Ebanghelyo, ay isinaad na ang mga alagad ay nasiraan ng loob, puno ng di-pagkapaniwala at takot kaya sila’y nagsitago. Sila’y nawala sa kanilang pagiging pinakamabuti sa kawakasan ng buhay ni Hesus.
Gayunpaman, ito ang nadama sa simula ng taon—natatakot, di-mapakali, malungkot, nasiraan ng loob, at walang-katiyakan. Ako’y hindi puspusang nakaraos sa dalamhati ng pagkawala ng aking ama at isang matalik na kaibigan. Dapat kong aminin na ang aking pananalig ay nakatayo sa maalog na lupa. Tila bagang nahigitan ang aking pagnanais at kalakasan para sa buhay ng pagkawalang-sigla, kaligamgaman, at kadilimang-gabi ng kaluluwa, na nagbanta (at paminsan-minsang nakapagtagumpay) sa pagpapakulimlim ng aking says, sigla, at pagnanais na paglingkuran ang Panginoon. Hindi ko ito mapagpag nang pawala gaano man kadakila ang aking mga pagpupunyagi.
Ngunit kapag tayo’y hindi titigil sa maluknot na bahagi ng paglisan ng mga alagad sa kanilang Panginoon, makikita natin sa wakas ng mga Ebanghelyo, itong parehong mga lalaki, handang makipagsapalaran sa mundo at kahit mamatay para kay Kristo. Ano ang nagbago?
Ang mga Ebanghelyo ay itinala na ang mga alagad ay naisahugis sa pagsaksi ng Muling Pagkabuhay ni Kristo. Nang pumunta sila sa Betanya upang saksihan ang Kanyang Pag-akyat, naggugol ng panahon sa piling Niya, natuto mula sa Kanya, at nakatanggap ng Kanyang mga pagbasbas, ito’y nag-iwan ng isang makapangyarihang talab. Hindi lamang tagubilin ang Kanyang ibinigay ngunit pati ang layunin at ang pangako. Sila’y hindi lamang mga sugo, ngunit mga saksi rin. Nangako Siyang samahan sila sa kanilang gagawin at binigyan sila ng isang Napakalakas na Tagatulong sa yaon.
Yaon ang aking ipinagdarasal nitong huli—ang pagkikita kay Hesus na Muling Nabuhay upang ang buhay ko ay maipagbago nang may-kabanalan.
Samantalang ako ay nagsimula sa palaisipan, sinisikap na buuhin ang kaakit-akit na kababalaghang ito ng Labindalawang Apostol, napintuho ko na ang bawat piraso ay mahalaga. Bawat taong makakasalubong ko ngayong Bagong Taon ay mag-aambag sa aking pagyabong at pagbibigay kulay sa aking buhay. Dadating ang mga ito sa iba’t ibang kulay—ang ilan ay malakas, ang iba ay banayad, ang ilan ay may maliliwanag na kulay, ang iba ay kulay abo, ang ilan sa isang mahiwagang pagsasamasama ng mga kulay, habang ang iba ay purol o matingkad, ngunit lahat ay kinakailangan upang malubos ang larawan.
Ang mga palaisipang laro ay tumatagal ng ilang oras para mabuo, at gayundin ang buhay. Madaming pagtitiyaga ang kinakailañgan habang tayo ay nakikipag-ugnay sa bawat isa. May pasasalamat kapag nagawa na ang ugnayan. At kapag ang mga piraso ay hindi magtugma, mayroon sanang mapagtiwalang paghimok na huwag sumuko. Kung minsan, maaaring kailanganin nating mamahinga muna, bumalik, at subukang muli. Ang palaisipan, tulad ng buhay, ay hindi natatakpan ng mga saboy ng matitingkad, masasayang kulay sa lahat ng oras. Ang mga itim, kulay abo, at madilim na lilim ay kailangan upang makalikha ng isang kaibahan.
Kailangan ng lakas ng loob upang simulan ang isang palaisipan, lalo pa para tapusin ito. Ang tiyaga, sigasig, panahon, katapatang-loob, pagtuon, sakripisyo, at debosyon ay hihingin. Ito ay kahalintulad kapagka nagsimula tayong sumunod kay Hesus. Tulad ng mga Apostol, tatagal ba tayo hanggang sa wakas? Makakaharap ba natin ang ating Panginoon nang harapan at marinig Siyang magsabi: “Magaling, mabuti at matapat na alipin” (Mateo 25:23), o gaya ng sinabi ni San Pablo: “Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at nanatili akong tapat sa pananampalataya.” (2 Timoteo 4:7)
Sa taong ito, maaari ka ding tanungin: Hawak mo ba ang piraso ng palaisipan na maaaring magpabuti ng buhay ng isang tao? Ikaw ba ang nawawalang piraso?
Dina Mananquil Delfino nagtatrabaho sa isang Aged Care Residence sa Berwick.Isa rin siyang tagapayo, mapagaan bago ang kasal, boluntaryo sa simbahan, at regular na kolumnista para sa Philippine Times newspaper magazine. Nakatira siya kasama ang kanyang asawa sa Pakenham, Victoria.
Hulyo 1936 nuon, ang kasagsagan ng digmaang Espanyol. Naglalakad si El Pelé sa lansangan ng Barbastro, España, nang isang malaking kaguluhan ang nakakuha ng kanyang pansin. Habang sumusugod siya sa pinagmumulan, nakita niya ang mga sundalong kinaladkad ang isang pari sa lansangan. Hindi siya maaaring tumayo na lamang sa mga gilid at manood; sumugod siya para ipagtanggol ang pari. Ang mga sundalo ay hindi natakot at sinigawan siya na isuko ang kanyang sandata. Itinaas niya ang kanyang rosaryo at sinabi sa kanila: “Ito lang ang mayroon ako.” Si Ceferino Giménez Malla, magiliw na kilala sa El Pelé, ay isang Romani—isang komunidad na kadalasang tinutukoy bilang mga Gypsies at minamaliit ng nangingibabaw na lipunan. Subalit si Pelé ay pinahahalagahan hindi lamang ng kanyang sariling komunidad, kahit na ang mga ilustrado tao ay iginagalang ang mangmang na lalaking ito dahi sa kanyang katapatan at karunungan. Nang siya ay hinuli at ikinulong noong 1936, ang kanyang asawa ay namatay na, at siya ay isa nang lolo. Kahit sa bilangguan, patuloy pa din siyang naniwaka sa kanyang rosaryo. Ang lahat, maging ang kanyang anak na babae, ay nakiusap sa kanya na isuko ito. Pinayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na kung tumigil siya sa pagdarasal, maaaring mailigtas ang kanyang buhay. Ngunit para kay El Pelé, ang pagsuko ng kanyang rosaryo o pagtigil sa pagdadasal ay simbolo ng pagtakwil sa kanyang pananampalataya. Kaya, sa gulang na 74, binaril siya at itinapon sa isang mass grave. Ang matapang na kawal ni Kristo ay namatay na sumisigaw: "Mabuhay si Kristong Hari!" may hawak pa ding Rosaryo sa kanyang mga kamay. Animnapung taon ang lumipas, ang Banal na si Ceferino Giménez Malla ay naging una sa pamayanang Romani kailanman na ma-beatify, nagpapatunay muli na ang Tagapagligtas ay palaging nandiyan para sa lahat ng tumatawag sa Kanya, anuman ang kulay o paniniwala.
By: Shalom Tidings
MoreKapag ang mga pag-iisip ng kawalang-halaga ay pumasok subukan ito… Siya ay masamang amoy. Ang kanyang marumi at nagugutom na katawan ay naglaho tulad ng kanyang nasayang na mana. Binalot siya ng hiya. Nawala na sa kanya ang lahat—ang kanyang kayamanan ang kanyang reputasyon ang kanyang pamilya—ang kanyang buhay ay nasira. Kinain siya ng kawalan ng pag-asa. Pagkatapos biglang sumagi sa kanyang isipan ang maamong mukha ng kanyang ama. Ang pagkakasundo ay tila imposible ngunit sa kanyang desperasyon siya ay lumakad at pumunta sa kanyang ama. Ngunit habang siya ay nasa malayo pa nakita siya ng kanyang ama at napuno ng habag; tumakbo siya at inakbayan siya at hinalikan. Pagkatapos ay sinabi ng anak sa kaniya: ‘Ama nagkasala ako laban sa Langit at sa harap mo; Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.’...Ngunit sinabi ng ama…‘ang anak kong ito ay namatay at nabuhay muli; siya ay nawala at natagpuan!’ At nagsimula silang magdiwang” (Lucas 15:20–24). Mahirap tanggapin ang kapatawaran ng Diyos. Ang pag-amin sa ating mga kasalanan ay nangangahulugan ng pag-amin na kailangan natin ang ating Ama. At habang ikaw at ako ay nakikipagbuno sa pagkakasala at kahihiyan mula sa mga nakaraang pagkakasala sinasalakay tayo ni Satanas na nag-aakusa sa pamamagitan ng kanyang mga kasinungalingan: “Ikaw ay hindi karapat-dapat sa pagmamahal at kapatawaran.” Ngunit tinawag tayo ng Panginoon na tanggihan ang kasinungalingang ito! Sa binyag ang iyong pagkakakilanlan bilang anak ng Diyos ay nakatatak sa iyong kaluluwa magpakailanman. At tulad ng alibughang anak ikaw ay tinawag upang tuklasin ang iyong tunay na pagkatao at pagiging karapat-dapat. Ang Diyos ay hindi tumitigil sa pagmamahal sa iyo anuman ang iyong ginawa. “Hindi ko tatanggihan ang sinumang lumalapit sa akin” (Juan 6:37). Ikaw at ako ay walang pagbubukod! Kaya paano tayo makakagawa ng praktikal na mga hakbang upang tanggapin ang kapatawaran ng Diyos? Hanapin ang Panginoon yakapin ang Kanyang awa at ibalik sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang biyaya. Hanapin ang Panginoon Hanapin ang iyong pinakamalapit na simbahan o adoration chapel at harapin ang Panginoon. Hilingin sa Diyos na tulungan kang makita ang iyong sarili sa pamamagitan ng Kanyang maawaing mga mata sa Kanyang walang kundisyon na Pag-ibig. Susunod gumawa ng isang tapat at matapang na imbentaryo ng iyong kaluluwa. Maging matapang at tingnan si Kristo sa Krus habang ikaw ay nagmumuni-muni—dalhin ang iyong sarili sa Panginoon. Ang pag-amin sa katotohanan ng ating mga kasalanan ay masakit ngunit ang isang tunay mahinang puso ay handang tumanggap ng mga bunga ng kapatawaran. Tandaan ikaw ay anak ng Diyos—hindi ka tatalikuran ng Panginoon! Yakapin ang Awa ng Diyos Ang pakikipagbuno nang may pagkakasala at kahihiyan ay maaaring katulad ng pagsisikap na humawak ng beach ball sa ilalim ng tubig. Ito ay nangangailangan ng labis na pagsisikap! Higit pa rito madalas tayong inaakay ng diyablo na maniwala na hindi tayo karapat-dapat sa pagmamahal at pagpapatawad ng Diyos. Ngunit mula sa Krus dumaloy ang dugo at tubig ni Kristo mula sa Kanyang tagiliran upang linisin pagalingin at iligtas tayo. Ikaw at ako ay tinawag na lubos na magtiwala sa Banal na Awa na ito. Subukang sabihin: “Ako ay anak ng Diyos. Mahal ako ni Hesus. Karapat-dapat akong patawarin. Ulitin ang katotohanang ito araw-araw. Isulat ito sa lugar na madalas mong makita. Hilingin sa Panginoon na tulungan kang palayain ang iyong sarili sa Kanyang magiliw na yakap ng awa. Bitawan ang pagkabagot at isuko ito kay Hesus—walang imposible sa Diyos! Mapanumbalik Sa Sakramento ng Kumpisal tayo ay napanumbalik sa pamamagitan ng mga biyaya ng pagpapagaling at lakas ng Diyos. Labanan ang kasinungalingan ng diyablo at salubungin si Kristo sa makapangyarihang Sakramento na ito. Sabihin sa pari kung nahihirapan ka sa pagkakasala o kahihiyan at kapag sinabi mo ang iyong gawa ng pagsisisi anyayahan ang Banal na Espiritu na pukawin ang iyong puso. Piliing maniwala sa walang katapusang awa ng Diyos habang naririnig mo ang mga salita ng pagpapatawad: “Nawa’y bigyan ka ng Diyos ng kapatawaran at kapayapaan at patawarin kita sa iyong mga kasalanan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Ikaw ay naibalik na ngayon sa walang pasubaling pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos! Sa kabila ng aking mga pagkabigo araw-araw kong hinihiling sa Diyos na tulungan akong tanggapin ang Kanyang pagmamahal at pagpapatawad. Maaaring nahulog tayo tulad ng alibughang anak ngunit ikaw at ako ay mga anak pa rin ng Diyos na karapat-dapat sa Kanyang walang katapusang pagmamahal at habag. Mahal ka ng Diyos dito mismo ngayon—Ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa iyo dahil sa pag-ibig. Ito ang nagbabagong Pag-asa ng Mabuting Balita! Kaya yakapin ang pagpapatawad ng Diyos at maglakas-loob na tanggapin ang Kanyang Banal na Awa. Naghihintay sa iyo ang hindi mauubos na habag ng Diyos! “Huwag kang matakot sapagkat tinubos kita; Tinawag kita sa iyong pangalan ikaw ay akin” (Isaias 43:1).
By: Jody Weis
MoreAng pag-aalis ng damo ay nakakapagod, ngunit ito ay isang magandang ehersisyo hindi lamang para sa iyong katawan kundi para din sa iyong kaluluwa! Pagkatapos ng maraming mga dahilan upang maiwasan ang paglilinis ng aking likod-bahay, kinailangan ko ng harapin ang katotohanan na kailangan ko na itong linisin nang husto. Ako ay masuwerte na ang aking asawa ay nasa mabuting kundisyon upang tumulong, kaya't magkasama naming, ginugol ang isang araw ng aming patlang sa Pasko sa pagbubunot ng mga hindi kaaya-ayang manlulusob. Hindi ko alam, na may banal na layunin ang ehersisyo. Habang sinisimulan kong gibain ang matitigas na yakka na naglakihan na ng husto gamit ang natitirang lakas mula sa mga pagtitipon sa kapaskuhan, pinupuno ako nito ng labis na kagalakan, bagaman hindi ito masyadong nakakatuwa sa simula. Isang Hindi Maiiwasang Paghaharap Habang masigasig kong hinuhugot at hinahagod ng kamay ko ang mga damo, ang pag-eehersisyo ay umakay sa akin na pag-isipan ang aking espirituwal na kalusugan. Gaano ako naging kalusog sa espirituwal? Nakaranas ako ng isang pagbabago sa buhay sa pakikipagtagpo ko kay Hesus, ako ay Nabinyagan sa Espiritu noong 2000, at nagkaroon ako ng maraming mapagpakumbabang mga pribilehiyo at pagkakataon na maging mas mabuting tao, sa pamamagitan ng pamumuno ng Banal na Espiritu. Maraming "aray" na mga sandali sa pag-unlad na naghamon sa akin na magsikap pa ng husto, hindi sa pagsisikap na gawing perpekto ang aking sarili (sapagkat walang bagay na perpekto dito sa lupa), ngunit oo, nagiging mas malapit ako sa kabanalan sa aking paglalakad kasama ang Diyos na posible araw-araw, hangga't sinusubukan ko. Ngunit talagang pinaghihirapan ko ba ang layuning ito? Nabawasan ang aking pokus sa panahon ng pandemya, dahil sa halip ay nalubog ako sa takot, pagkabalisa, kawalan ng katiyakan, dalamhati, at pangungulila para sa mga kaibigan at komunidad na nawalan ng mga mahal sa buhay, trabaho, ari-arian, at kapayapaan. Sa panahon ng aking pagpapaganda sa hardin, napaharap ako sa iba't ibang uri ng mga damo. Ang damo ay "isang halaman na nagdudulot ng pagkalugi sa ekonomiya o pinsala sa ekolohiya, nagdudulot ng mga problema sa kalusugan para sa mga tao o hayop, o hindi kanais-nais kung saan ito lumalaki." Isa-isa Nariyan ang Field Bindweed, isang matibay na pangmatagalang baging na binigyan ng maraming pangalan. Sinasabi ng Google na, sa kasamaang-palad, ang pagbubungkal at paglilinang ay tila nakakatulong sa pagkalat ng Bindweed. Ang pinakamahusay na kontrol ay maagang interbensyon. Dapat tanggalin ang mga punla bago sila maging pangmatagalan. Pagkatapos nito, kapag ang mga putot ay nabuo na, ang matagumpay na pagkontrol ay magiging mas mahirap na. Panginoon, ano ang nasa akin na katulad ng Bindweed? Ang pagmamalaki, pagnanasa, kasinungalingan, pagkakasala, pagmamataas, o pagtatangi? Pagkaraan, nariyan ang Quackgrass—isang gumagapang at patuloy na pangmatagalang damo na nagpaparami sa pamamagitan ng mga buto. Ang mahaba, magkakadugtong, na kulay straw na rhizome nito ay bumubuo ng isang mabigat na banig sa lupa, kung saan maaaring lumitaw ang mga bagong usbong. Pinapayuhan kaming hukayin ang mabilis na lumalagong damong ito sa sandaling makita namin ito sa aming mga hardin, siguraduhing mahukay ang kabuuan ng halaman (kabilang ang mga ugat) at itapon ito sa aming basurahan kaysa sa bunton ng pang - abono, dahil malamang na patuloy itong lalago sa huli! Panginoon, ano ang aking Quackgrass? Tsismis, inggit, malisya, selos, materyalismo, o katamaran? Ang susunod na damong ito ay talagang hindi ko gusto. Ang Canada thistle ay isang agresibo at gumagapang na pangmatagalang damo mula sa Eurasia. Pinamumugaran nito ang mga pananim, pastulan, pampang ng kanal, at tabing daan. Kapag ito ay nag-ugat, sinasabi ng mga eksperto na ang pinakamahusay na kontrol ay ang pag-diin sa halaman at pilitin itong gumamit ng mga nakaimbak na sustansya sa ugat. Gayunpaman, maniwala ka man o hindi, ang damong ito ay nakakain! Panginoon, ano ang Canada thistle ko? Alin sa aking mga kasalanan ang maaari kong baguhin at gawing mabunga ang mga resulta? Pagdidiin, pag-aalala, pagkabalisa, kontrol, labis na pagtitiwala, o pagiging sapat sa sarili? Ang mga nutsedges ay mga pangmatagalang damo na halos kahawig ng mga damo, ngunit ang mga ito ay mas makapal, mas matigas, at hugis-V. Ang pagkakaroon ng Nutsedge ay madalas na nagpapahiwatig na ang paagusan ng lupa ay mahina o may tubig. Gayunpaman, kapag naitatag, napakahirap kontrolin. Panginoon, ano ang aking Nutsedge, ang mga gawi na dapat bigyan ng babala sa akin na oras na upang ihanda ang aking sarili nang mas mabuti? Kakulangan sa panalangin, katamaran sa pag-aaral ng Iyong Salita, pagiging maligamgam sa pagbabahagi ng Mabuting Balita, kawalan ng habag at empatiya, kawalan ng pasensya, pagkamayamutin, o kawalan ng pasasalamat? Pagkatapos, mayroong mababang lumalagong Buckhorn Plantain. Sa mahabang ugat, maaari itong makatagal sa panahon ng tagtuyot at mahirap alisin sa pamamagitan lang ng kamay. Upang alisin ang damong ito, bunutin ang mga batang halaman at sirain ang mga ito bago maglabas ng mga buto ang mga halaman. Bilang huling paraan, maraming pampatay halaman ang epektibo. Panginoon, ano ang aking Buckhorn Plantain, ang mga umuugat at tumatangging umalis habang tumatagal ito? Nakakahumaling na pag-uugali, pagkamakasarili, katakawan, walang kabuluhan, pagkakautang, o mga tendensiyang nalulumbay at mapang-api? Ah, at ito—hindi ba natin sila matututunang mahalin! —Mga dandelion na may matingkad na dilaw na ulo sa tagsibol. Nagbibigay sila ng mahalagang mapagkukunan ng pagkain para sa mga bubuyog sa unang bahagi ng taon. Ngunit pagdating ng panahon, sasakupin din nila ang iyong hardin. Mayroon silang mga pinaka madamong katangian. Ang pag-aalis ng mga dandelion sa pamamagitan ng paghila gamit ang kamay o asarol ay kadalasang walang saysay maliban lang kung paulit-ulit na itong ginagawa sa loob ng mahabang panahon, dahil sa kanilang malalim na punong ugat na sistema. Panginoon, ano ang aking Dandelion, ang magkakaugnay na mga ugat na nagdadala ng mga bagong problema? Sobrang pagmamahal sa sarili, sobrang paggugol ng oras sa social media, mga laro, at mga video, negatibong pag-iisip, napakaraming dahilan, mga larong sisihan, pagpapaliban, o pagpapalugod sa mga tao? Hindi ba Masakit ang Pagpuputol? Sa katunayan, ang "mga damo" ay hindi likas na masama. Maraming mga damo ang nagpapatatag sa lupa at nagdaragdag ng organikong bagay. Ang ilan ay nakakain at nagbibigay ng tirahan at pagkain para sa mga hayop. Tunay na nagbigay ito sa akin ng malaking pag-asa—na magagamit ko at mababago ko ang aking mga kahinaan, masasamang gawi, nakatanim na pagkamakasalanan, at mga limitasyon sa mabuting paggamit sa pamamagitan ng paghingi sa Panginoon ng tulong at pagpapagaling, pagiging ganap na umaasa sa Kanya upang putulan ako at gamitin para sa Kanya at sa mga layunin Niya. Alam kong mahirap ang pagbabago, at ang ilang mahahalagang pagbabago ay magagawa lamang sa pamamagitan ng tulong ng Diyos. Kung taos-puso natng hahanapin ang Diyos at hihingi ng tulong sa Banal na Espiritu, ang ipinangakong tutulong, alam ng Diyos ang mga paghihirap na kinakaharap natin at hinihikayat tayong pumunta sa Kanya para sa karagdagang tulong na kailangan natin (Mateo 7:7-8; Hebreo 4:15- 16; 1 Pedro 5:6-7). Hindi ginagawa ng Diyos ang lahat ng gawain para sa atin, ngunit nag-aalok Siya ng tulong para maging mas epektibo tayo. Araw-araw ay isang bagong pagkakataon upang simulan ang prosesong ito ng pagbabagong-buhay, pagbabagong-lakas, at pagpapanibago. Isaalang-alang natin ito bilang isang hamon at kapaki-pakinabang na oras. Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, na napapahamak dahil sa masasamang pita. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat makita sa inyo'y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng Kanyang katuwiran at kabanalan. (Efeso 4:22-24).
By: Dina Mananquil Delfino
MoreAng naiisip lang ni Tom Naemi, araw at gabi, ay kailangan niyang makaganti sa mga nagpakulong sa kanya. Ang aking pamilya ay nandayuhan sa Amerika mula sa Iraq noong ako ay 11 taong gulang. Nagsimula kami ng isang grocery store at lahat kami ay nagsikap para maging matagumpay ito. Ito ay isang magulong kapaligiran upang kalakhan at hindi ko nais na makita akong mahina, kaya hindi ko hinayaan ang sinuman na maging mas mahusay sa akin. Bagaman palagi akong nagsisimba kasama ang aking pamilya at naglilingkod sa altar, ang aking tunay na diyos ay pera at tagumpay. Naging masaya ang pamilya ko nang magpakasal ako sa edad na 19; umaasa sila na tatahimik na ako. Ako ay naging isang matagumpay na negosyante, kumuha at pumalit sa pamilihan ng paninda ng pamilya. Akala ko ako ay hindi matatalo at makakatakas sa anumang bagay, lalo na nang ako ay nakaligtas sa mga pambabaril ng mga karibal. Nang magsimula ang isa pang grupong Chaldean ng isa pang malaking tindahan sa malapit, naging mabangis ang kompetisyon. Hindi lang namin pinapaliit ang isa't isa; kami ay gumagawa ng mga krimen upang alisin ang isa't isa sa negosyo. Sinunog ko ang kanilang tindahan, ngunit ang kanilang pagseseguro ang nagbabayad para sa pagkumpuni. Pinadalhan ko sila ng bombang oras; nagpadala sila ng mga tao para patayin ako. Galit na galit ako, at nagpasyang maghiganti minsan ng todo. Papatayin ko sana sila; nakiusap ang asawa ko na huwag na pero nilagyan ko ng gasolina at dinamita ang isang 14-na talampakan na trak at pinaandar ko ito patungo sa kanilang gusali. Nang sinindihan ko ang mitsa, nasunog agad ang buong trak. Nadamay ako sa apoy. Bago sumabog ang trak, tumalon ako at gumulong sa niyebe; hindi ako makakita. Natunaw ang mukha, kamay, at kanang tenga ko. Tumakbo ako palayo sa kalsada at dinala ako sa ospital. Dumating ang mga pulis upang tanungin ako, ngunit sinabi sa akin ng aking magaling na abogado na huwag mag-alala. Subalit sa huling minuto, nagbago ang lahat, kaya umalis ako papuntang Iraq. Sumunod naman ang aking asawa at mga anak ko. Pagkatapos ng pitong buwan, tahimik akong bumalik sa San Diego para makita ang aking mga magulang. Ngunit mayroon pa rin akong sama ng loob na gusto kong ayusin, kaya nagsimulang muli ang gulo. Mga Baliw na Bisita Ni-raid ng FBI ang bahay ng nanay ko. Bagama't nakatakas ako sa takdang panahon, kinailangan kong umalis muli ng bansa. Dahil maganda ang takbo ng negosyo sa Iraq, nagpasya akong hindi na bumalik sa Amerika. Pagkatapos, tumawag ang aking abogado at sinabing kung susuko ako, makikipag-ayos siya na masentensiyahan ako ng 5-8 taon lamang. Bumalik ako, ngunit nasentensyahan ako sa bilangguan ng 60-90 taon. Sa apela, ang sentensya ay pinutol sa 15-40 taon, na tila walang hanggan. Habang palipat-lipat ako sa bilangguan, nauna sa akin ang reputasyon ko sa karahasan. Madalas akong makipag-away sa ibang mga preso at natatakot na ang mga tao sa akin. Nagsisimba pa rin ako noon, ngunit napuno ako ng galit at nahuhumaling sa paghihiganti. Mayroon akong isang imahe na nananatili sa aking isipan, na naglalakad sa tindahan ng aking karibal, nakamaskara, pagbaril sa lahat ng tao sa tindahan, at maglalakad palabas. Hindi ko makayanan na malaya sila habang ako ay nasa likod ng mga rehas. Lumaki ang aking mga anak na wala ako at hiniwalayan ako ng aking asawa. Sa aking ikaanim na taon sa bilangguan sa loob ng sampung taon, nakilala ko ang mga baliw, banal na boluntaryong mga ito, labintatlo sa kanila, na pumapasok bawat linggo ay kasama ang mga pari. Tuwang-tuwa sila kay Hesus sa lahat ng oras. Nagsalita sila ng mga wika at nag-usap tungkol sa mga himala at pagpapagaling. Akala ko ay baliw sila, ngunit pinahahalagahan ko sila sa pagpunta. Labintatlong taon nang ginagawa ito ni Deacon Ed at ng kanyang asawang si Barbara. Isang araw, tinanong niya ako: “Tom, kumusta ang iyong paglakad kasama si Hesus?” Sinabi ko sa kanya na ito ay mahusay, ngunit isa lamang ang gusto kong gawin. Habang naglalakad ako, tinawag niya ako pabalik, nagtanong: “Paghihiganti ba ang sinasabi mo?” Sinabi ko sa kanya na tinawag ko lang itong "pagganti." Sabi niya: “Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang mabuting Kristiyano, hindi ba?” Sinabi niya sa akin na ang pagiging isang mabuting Kristiyano ay hindi lamang nangangahulugan ng pagsamba kay Hesus, nangangahulugan ito ng pagmamahal sa Panginoon at paggawa ng lahat ng ginawa ni Hesus kabilang ang pagpapatawad sa iyong mga kaaway. “Buweno”, sabi ko, “Si Hesus iyon; madali para sa Kanya, ngunit hindi madali para sa akin." Hiniling sa akin ni Deacon Ed na manalangin araw-araw: “Panginoong Hesus, alisin mo sa akin ang galit na ito. Hinihiling ko sa iyo na pumagitna sa akin at sa aking mga kaaway, hinihiling ko sa iyo na tulungan mo akong patawarin sila at pagpalain sila." Upang pagpalain ang aking mga kaaway? Hindi pwede! Ngunit ang paulit-ulit niyang pag-udyok ay nakapasok sa akin, at mula sa araw na iyon, nagsimula akong manalangin tungkol sa kapatawaran at pagpapagaling. Tinatawag Pabalik Sa mahabang panahon walang nangyari. Pagkatapos, isang araw, habang pinapalipat-lipat ko ang mga panaluyan, nakita ko ang mangangaral na ito sa TV: “Kilala mo ba si Hesus? O taga-simba ka lang?" Naramdaman kong parang direktang kinakausap niya ako. Sa ika-10 ng gabi, ang kuryente ay pinapatay gaya ng dati, naupo ako roon sa aking higaan at sinabi kay Hesus: “Panginoon, sa buong buhay ko, hindi kita nakilala. Nasa akin ang lahat, ngunit ngayon ay wala na. Kunin ang aking buhay. Binibigay ko na sa iyo. Magmula ngayon, gamitin mo ito para sa anumang gusto mo. Malamang na gagawin mo ang isang mas mahusay na trabaho kaysa sa ginawa ko." Sumali ako sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan, at nagpalista para sa Life in the Spirit. Sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan isang araw, nakita ko ang isang pangitain ni Jesus sa Kanyang kaluwalhatian, at tulad ng isang laser mula sa Langit, nadama kong napuno ako ng Pag-ibig ng Diyos. Ang Kasulatan ay nagsalita sa akin, at natuklasan ko ang aking layunin. Ang Panginoon ay nagsimulang makipag-usap sa akin sa mga panaginip at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa mga tao na hindi pa nila sinabi sa iba. Sinimulan kong tawagan sila mula sa bilangguan upang pag-usapan ang sinabi ng Panginoon, at nangakong ipagdadasal ko sila. Nang maglaon, narinig ko ang tungkol sa kung paano nila naranasan ang paggaling sa kanilang buhay. Nasa Isang Misyon Noong inilipat ako sa isa pang bilangguan, wala silang serbisyong Katoliko, kaya nagsimula ako ng isa at nagsimulang mangaral ng Ebanghelyo doon. Nagsimula kami sa 11 miyembro, lumaki hanggang 58, at higit pa ang patuloy na sumasali. Ang mga lalaki ay gumagaling sa mga sugat na nagpakulong sa kanila bago pa man sila nakapasok ng bilangguan. Pagkatapos ng 15 taon, umuwi ako sa isang bagong misyon—Iligtas ang mga kaluluwa, sirain ang kalaban. Sa pag-uwi ng mga kaibigan ko, ay nakikita nila akong nagbabasa ng Kasulatan nang ilang oras. Hindi nila maintindihan kung ano na ang nangyari sa akin. Sinabi ko sa kanila na ang dating Tom ay namatay na. Ako ay isang bagong nilikha kay Kristo Hesus, na ipinagmamalaki na maging Kanyang tagasunod. Nawalan ako ng maraming kaibigan ngunit nagkaroon ako ng maraming kapatid kay Kristo. Nais kong makipagtulungan sa mga kabataan, na ihatid sila kay Jesus upang hindi sila mamatay o mabilanggo. Akala ng mga pinsan ko ay nabaliw na ako at sinabi nila sa nanay ko na malalampasan ko ito sa lalong madaling panahon. Ngunit nakipagkita ako sa Obispo, na nagbigay ng kanyang kapahintulutan, at nakahanap ako ng isang pari, si Padre Caleb, na handang tumulong sa akin para sa adhikaing ito. Bago ako napunta sa bilangguan, napakarami kong pera, ako ay sikat na sikat, at ang lahat ay dapat sa aking pamamaraan. Isa akong kalubus lubusan sa aking mga dating araw ng krimen, ito ay puro tungkol sa akin, ngunit pagkatapos na makilala ko si Hesus, napagtanto ko na ang lahat ng bagay sa mundo ay basura kumpara sa Kanya. Ngayon, ang lahat ay tungkol kay Hesus, na nabubuhay sa akin. Siya ang nagtutulak sa akin na gawin ang lahat ng bagay, at wala akong magagawa kung wala Siya. Sumulat ako ng isang libro tungkol sa aking mga karanasan upang bigyan ang mga tao ng pag-asa, hindi lamang ng mga tao sa bilangguan, ngunit sinumang nakakadena sa kanilang mga kasalanan. Palagi tayong magkakaroon ng mga problema, ngunit sa Kanyang tulong, malalampasan natin ang bawat hadlang sa buhay. Sa pamamagitan lamang ni Kristo natin matatagpuan ang tunay na kalayaan. Buhay ang aking Tagapagligtas. Siya ay buhay at maayos. Purihin ang Pangalan ng Panginoon!
By: Tom Naemi
MoreKapag habang nakatayo sa sangang-daan ay maaaring maging nakakatakot, ngunit ang tulong na nalalayo ay kinakailangan lamang ng isang dalangin… Noong ako’y labing-isang taong gulang pa lamang, ang aking buhay ay nagbago nang panghabambuhay dahil sa isang malubhang pinsala sa binti. Kung walang reconstructive plastic surgery, marahil na ako’y habang-buhay nang pilay. Ang paghanga ko para sa manggagamot na nagtistis sa akin ay nagatungan ang pagnanasa kong sundan ang kanyang mga yapak upang matulungan ko rin ang mga taong nangangailangan. Ang pagsasagawa ng pagmumuling-ayos na pagtistis sa sariling panunungkulan o sa mga misyon ng paggagamot ay nagampanan itong pagnanais at ako’y hindi nagbabalak na itigil ito kahit sa pagbabadya ng pamamahinga sa tungkulin. Kahit bago pa ako namahinga, ako’y nakagawa na ng mga plano na ituloy ang aking gawaing misyonaryo at ako rin ay nagplano na kusang magpatala bilang isang kapelyan ng pagamutan. Sa kasamaang-palad, ang Corona Pandemic ay naglagay ng paghihigpit sa aking mga plano. Bagaman, nagunita ko ang sinabing minsan ni Einstein, “Kapag huminto kang matuto, ikaw ay simulang mamatay,” kaya ako’y namanata na hindi matuksong maging isang tamad. Ako’y nagpasyang kumuha ng kurso para sa banal na pagpatnubay. Mabilis na napagtanto ko na ang matagal nang hinahanap ko ay ang nais kong gawin, at hindi kung ano ang nasa isip ng Diyos para sa akin. Nang maintindihan ko ito, Siya’y hindi natagalang tugunin ang aking mga dalangin para sa pagpapatnubay at pag-uunawa. Ako’y nakatanggap ng email mula sa Sacramento Life Center, na naghahanap ng isang makapagpapatala nang kusa bilang medical advocate at ang tungkuling ito ay nakagigiliwan ko nang ginagawa simula noong nakaraang taon. Ang kusang nagpatalang mga medical advocate ay tumutulong sa maraming mga magagaan, ngunit mga mahahalagang tungkulin para sa may mga sakit sa mga pagamutan. Madalas, ang may mga sakit ay naghahanap lamang ng taong makikinig nang walang paghuhusga. Marahil na sila’y nakadadama ng pagkawala at naghahanap ng kaalaman para sa mga makapagpapaalám o ibang mga paglilingkod. Paminsan-minsan ay sila’y nangangailangan ng tulong upang makakuha ng mga saligang pangangailangang pansanggol tulad ng mga pasador, pamunas, gatas, damit, pansasakyang upuan, andador, atbp. Minsan, sila’y naghahanap lamang ng mga sagot. Ang kalituhan at kahirapan na dinadanas ng mga may-sakit kapag ang mga ito ay hindi nakakamit ay nakadaragdag sa kanilang mga karamdaman, at nakahahadlang sa kanilang paggaling, kaya itong mga kusang nagpatala ay may isang masalimuot na tungkulin. Noong kapanahunan ng aking pangmedikong karera, nagkaroon ako ng pagkakataong makasagip at makapagbago ng mga buhay. Bilang isang kusang nagpatala ay halos nakapag-aalay ng sintulad na kapanatagan. Minsan, ako’y nakatatagpo ng mga taong nagbabalak ng kusang paglalaglag. Isang nakamamanghang bagay kung ano ang magagawa ng pagbabalik-aral ng isang munting pisyolohiya ng pagdadalang-tao, lalo na kapag iniisip nila na ang batang hindi pa nailuwal ay isang balamban ng laman. Kapag ang binhi at itlog ay nagsama, isang buhay ay nagsisimula. Ito ay isa sa mga pinakadakilang himala ng Diyos. Isa't-kalahating buwan lamang ng pagpapabunga, makikita at maririnig ng kliyente ang pumipintig na puso ng batang hindi pa naisisilang sa pamamagitan ng ultrasound. Ipinakikita ko sa kanila ang mga modelo ng tamang sukat ng laki ng sanggol, habang kami’y nagtataka tungkol sa paglaki at pag-unlad ng hugis ng bata. “Waw, masdan ang kanyang mga mata at mga tenga at kanyang munting ilong at bibig! Ang kanyang mga kamay at mga paa'y may mga maliliit na mga daliri.” Maaaring mangyari na ako’y makapagsasagip ng tatlong mga buhay sa isang pagdalaw. Ang mga nagsasalungatang damdamin pagkalipas ng kusang paglalaglag ay maaaring humantong sa pagpapatiwakal o mga nabuwag na pagsasama. Ang pagbigay ng kaalaman at payo na aking inaalay ay madalas na nagbibigay-daan sa mga pagpapasya sa pagpili ng buhay sa halip na dalamhati o pagkakasala. Kapag ang mag-asawang nakapagpasyang magpalaglag ay dumarating sa kliniko, ngunit umaalis na nakapagpasyang piliin ang buhay, ang pakiramdam ng kalooban ko ay masigla at maningning. Pinasasalamatan ko ang Diyos sa Kanyang mga handog at mga biyaya na napahintulutan akong gawin ang Kanyang gawain.
By: Dr. Victor M. Nava
MoreAng bago kong bayani ay si Madre Alfred Moes. Napagtanto ko na hindi siya isang pangalang pambahay, kahit na sa mga Katoliko, ngunit siya ay dapat lang. Dumating siya sa aking iskrin ng radar nuon lamang matapos na ako'y maging Obispo ng Diocese ng Winona-Rochester, kung saan ginawa ni Madre Alfred ang karamihan ng kanyang gawain at kung saan siya nakalibing. Sa kanya ay isang kuwento ng kahanga-hangang katapangan, pananampalataya, tiyaga, at lubos na kaliksihan. Maniwala ka sa akin, kapag nakuha mo ang mga detalye ng kanyang mga pakikipagsapalaran, mapapaalalahanan ka ng ilan pang ibang masinop na mga Katolikong Madre: sina Cabrini, Teresa, Drexel, at Angelica, para pangalanan ang ilan. Si Madre Alfred ay isinilang na Maria Catherine Moes sa Luxembourg noong 1828. Nang bata pa, siya ay nabighani sa posibilidad na makagawa ng gawaing misyonero sa mga katutubo ng North America. Alinsunod dito, naglakbay siya kasama ang kanyang kapatid na babae sa New World noong 1851. Una, sumali siya sa School Sisters of Notre Dame sa Milwaukee ngunit matapos nito ay lumipat sa Holy Cross Sisters sa La Porte, Indiana, isang grupo na nauugnay kay Padre Sorin, CSC, ang may tatag ng Unibersidad ng Notre Dame. Matapos makipagbanggaan sa kanyang mga superyor—manapa'y pinagkaugaliang pangyayari para sa walang takot at mapanalig na babaeng ito—nagtungo siya sa Joliet, Illinois, kung saan siya ay naging superyor ng isang bagong kongregasyon ng mga kapatid na Franciscan, at inako ang pangalang 'Madre Alfred.' Nang si Obispo Foley ng Chicago ay nagdtangkang makialam sa pananalapi at mga proyekto sa pagtatayo ng kanyang komunidad, siya ay lumisan para sa mas mainam na pastulan patungo sa Minnesota kung saan siya ay tinanggap ng dakilang Arsobispo Ireland at pinahintulutang magtatag ng isang paaralan sa Rochester. Sa maliit na bayan na iyon sa katimugang Minnesota nagsimula ang Diyos na mabisang magsagawa sa pamamagitan niya. Noong 1883, isang kakila-kilabot na buhawi ang dumaluhong sa Rochester, na ikinamatay ng madami at nag-iwan ng madami pang nawalan ng tirahan at nagdarahop. Isang lokal na doktor, si William Worrall Mayo, ang umako ng tungkuling pangalagaan ang mga biktima ng sakuna. Dahil sa dami ng nasugatan, nanawagan siya sa mga kapatid ni Madre Alfred na tulungan siya. Bagamat sila ay mga guro at hindi mga nars at walang maayos na pagsasanay sa medisina, tinanggap nila ang misyon. Sa kaganapan ng malaking kapinsalaan, mahinahong ipinaalam ni Madre kay Doktor Mayo na nagkaroon siya ng pangitain na ang isang ay dapat itayo sa Rochester, hindi lamang para pagsilbihan ang lokal na komunidad na iyon, kundi ang buong mundo. Gitla sa hindi makatotohanang panukalang ito, sinabi ni Doktor Mayo kay Madre na kakailanganin niyang makalikom ng $40,000 (isang napakalaking halaga nang panahong iyon) upang makapagtayo ng gayong pasilidad. Sinabi naman niya sa doktor na kung makalikom siya ng pondo at makapagpatayo ng ospital, inaasahan niyang siya at ang kanyang dalawang anak na manggagamot ang magpapatakbo sa lugar. Sa loob ng maikling panahon, nakuha niya ang pera, at naitatag ang Saint Mary's Hospital. Tiyak kong naisip mo na, ito ang binhi kung saan tutubo ang makapangyarihang Mayo Clinic, isang sistema ng ospital na sa katunayan, tulad ng inakala ni Madre Alfred noong unang panahon, na nagsisilbi sa buong mundo. Ang matapang na madre na ito ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang tagabuo, tagapag-ayos, at tagapangasiwa, hindi lamang ng ospital na kanyang itinatag, kundi ng ilang iba pang mga institusyon sa timog Minnesota hanggang sa kanyang kamatayan noong 1899 sa edad na pitumpu't isa. Ilang linggo lamang ang nakalipas, nagsulat ako tungkol sa matinding pangangailangan ng mga pari sa aming diyosesis, at hinikayat ko ang lahat na maging bahagi ng isang misyon upang madagdagan ang mga bokasyon sa pagkapari. Laman si Madre Alfred sa isipan maaari ko kayang gamitin ang pagkakataon ngayon upang magtawag ng higit pang bokasyon sa relihiyosong buhay ng kababaihan? Sa anumang dahilan ang huling tatlong henerasyon ng kababaihan ay tila nakagawian nang pagmasdan ang buhay-relihiyoso na hindi karapatdapat pag-ukulan ng kanilang pansin. Bumaba ang bilang ng mga madre mula noong Ikalawang Konseho ng Vaticano, at karamihan sa mga Katoliko, kapag tinanong tungkol dito, ay malamang magsasabi na ang pagiging isang relihiyosong babae ay hindi mangyayari sa ating pemenista na panahon. Kalokohan! Iniwan ni Madre Alfred ang kanyang tahanan nang siya ay napakabata pa, tumawid ng karagatan patungo sa ibang lupain, naging relihiyosa, sinunod ang kanyang mga udyok at sense of mission, kahit na ito ay nagdala sa kanya sa pakikipagtunggali sa mga makapangyarihang nakatataas, kabilang ang ilang mga obispo, ay nagbigay inspirasyon kay Doctor Mayo na magtatag ng kahanga-hangang medikal center sa planeta, at pinangunahan ang pagbuo ng isang orden ng mga madre na nagpatuloy sa pagtatayo at mga kawani ng madaming institusyon ng pagpapagaling at pagtuturo. Siya ay isang babaeng may pambihirang katalinuhan, kasigasigan, simbuyo ng damdamin, katapangan, at pagiging malikhain. Kung may nagmungkahi sa kanya na siya ay namumuhay nang hindi naaayon sa kanyang mga talino o sa ilalim ng kanyang dignidad, nakikinita ko ay magkakatanggap siya ng ilang mga piling salita bilang tugon. Naghahanap ka ba ng feminist hero? Sa iyo na si Gloria Steinem; sa akin na si Madre Alfred anumang araw ng linggo. Kaya, kung may kilala kang kabataang babae na magiging mahusay na relihiyoso, na puno ng katalinuhan, lakas, pagkamalikhain, at kasigasigan, ibahagi sa kanya ang kuwento ni Madre Alfred Moes. At sabihin sa kanya na maaari niyang hangarin ang mismong uri ng kabayanihan.
By: Bishop Robert Barron
MoreAno ang gagawin mo kapag may kumatok sa iyong pintuan? Paano kung ang estranghero ay hindi naging madaling tao? Binibigkas niya ang kanyang pangalan nang may diin, sa Espanyol, na may tiyak na pagmamalaki at dignidad, kaya maaalala mo kung sino siya—Jose Luis Sandoval Castro. Napunta siya sa aming pintuan sa Saint Edward Simbahang Katoliko sa Stockton, California, noong Linggo ng gabi nang ipinagdiriwang namin ang araw ng aming patron. May nagbaba sa kanya sa aming medyo mahirap, may mabuting trabaho na kapitbahayan. Ang musika at ang karamihan ng mga tao ay tila umakit sa kanya na parang magneto papunta sa aming parokya. Paglalahad ng Katotohanan Siya ay isang taong may misteryosong pinagmulan—hindi namin alam kung paano siya nakarating sa simbahan, lalo na kung sino at nasaan ang kanyang pamilya. Ang alam lang namin siya ay 76 taong gulang, may salamin sa mata, nakasuot ng mapusyaw na kulay, na tsaleko, at hinihila ang kanyang bagahe gamit ang kamay. May dala siyang dokumento mula sa Serbisyo sa Imigrasyon at Naturalisasyon na nagbibigay sa kanya ng pahintulot na makapasok sa bansa mula sa Mexico. Nanakawan siya ng kanyang mga personal na dokumento at wala siyang dalang ibang pagkakakilanlan. Nagsimula kaming alamin at tuklasin kung sino si Jose Luis, ang kanyang pinagmulan, ang kanyang mga kamag-anak, at kung mayroon silang anumang pakikipag-ugnayan sa kanya. Siya ay nagmula sa bayan ng Los Mochis sa estado ng Sinaloa, Mexico. Galit, kataksilan, at makalason ang lumabas sa kanyang bibig. Sinabi niya na inalisan siya ng kanyang mga kamag-anak at ninakawan ng kanyang pensiyon sa Estados Unidos, kung saan siya ay nagtrabaho nang maraming taon, habang siya ay pabalik-balik sa Mexico. Sinabi ng mga kamag-anak na aming nakausap na sinubukan nilang tulungan siya sa iba't ibang pagkakataon, ngunit tinawag niya silang mga magnanakaw. Sino ba ang aming paniniwalaan? Ang alam lang namin ay mayroon kaming isang pagala-galang, regular na palaboy mula sa Mexico sa aming mga kamay, at hindi namin siya maaaring talikuran o ilagay ang matandang, mahinang lalaki sa kalye. Walang pakialam, walang kabuluhan, isang kamag-anak ang nagsabi: “Hayaan nyo siyang mag-isang buhayin ang sarili sa mga lansangan.” Siya ay isang taong madaldal, matapang, at masungit, ngunit paulit-ulit siyang nagpapakita ng mga palatandaan ng kahinaan. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, at halos mapaiyak siya habang ikinukwento niya kung paano siya ginawan ng masama at pinagtaksilan ng mga tao. Parang tanging nag-iisa na lang siya, iniwanan ng iba. Ang totoo—hindi siya madaling tulungan. Siya ay makulit, matigas ang ulo, at mapagmataas. Ang oatmeal ay masyadong makunat o hindi sapat na makinis, ang kape ay masyadong mapait at kulang sa tamis. Nakakahanap siya ng mali sa lahat. Siya ay isang tao na may napakalaking pitsa sa kanyang mga balikat, galit at bigo sa buhay. "Ang mga tao ay masama at salbahe, sasaktan ka nila," hinaing niya. Sa ganyan ang ganti ko meron ding “Mababait na tao” (mabubuting tao) din. Siya ay nasa arena ng mundo kung saan ang mabuti at masama ay nagsasalubong, kung saan ang mga taong may kabutihan at kabaitan ay naghahalo, tulad ng trigo at ipa ng Ebanghelyo. Higit pa sa isang Malugod na Pagtanggap Anuman ang kanyang mga depekto, anuman ang kanyang saloobin o ang kanyang nakaraan, alam naming dapat namin siyang tanggapin at tulungan bilang isa sa pinakamababa sa mga kapatid ni Jesus. "Nang tinanggap mo ang estranghero, tinanggap mo ako." Kami ay nagmiministeryo kay Hesus mismo, binubuksan ang mga pintuan ng mabuting pakikitungo sa kanya. Si Lalo Lopez, isa sa aming mga parokyano na nagsama sa kanya para sa isang gabi, ay ipinakilala siya sa kanyang pamilya, at dinala siya sa laro ng besbol ng kanyang anak, ay nagsabi: “Sinusubukan tayo ng Diyos upang makita kung gaano tayo kabuti at sa pagiging masunurin, bilang Kanyang mga anak.” Sa loob ng ilang araw, inilagay namin siya sa tirahan ng kura. Nanghihina siya, dumudura ng plema tuwing umaga. Halatang hindi na siya makagala at malayang magpalaboy gaya ng nakasanayan niyang gawin noong kabataan niya. Siya ay may mataas na presyon ng dugo, higit sa 200. Sa isang pagbisita sa Stockton, sinabi niya na siya ay nahampas sa likod ng leeg malapit sa isang simbahan sa bayan. Sinabi ng isang anak na lalaki sa Culiacan, Mexico, na "binuo niya ako" at hindi niya talaga siya kilala bilang kanyang ama, dahil hindi siya kailanman nakasama, palaging naglalakbay, patungo sa El Norte. Ang kwento ng kanyang buhay ay nagsimulang sumiwalat. Nagtrabaho siya sa bukid, nag-aani ng mga cherry, maraming taon na ang nakalilipas. Nagbenta rin siya ng ice cream sa harap ng isang lokal na simbahan ilang taon na ang nakararaan. Siya ay, parang upang banggitin ang klasikong kanta ni Bob Dylan, "tulad ng isang walang direksyon sa sariling bayan, tulad ng isang ganap na hindi kilala, tulad ng isang gumugulong na bato." Nang iwan ni Hesus ang 99 na tupa upang iligtas ang isang naliligaw na tupa, ibinaling natin ang ating pansin sa isang lalaking ito, na maliwanag na iniiwasan ng kaniyang kasamahan. Tinanggap namin siya, pinatira, pinakain, at naging kaibigan. Nalaman namin ang kanyang pinagmulan at kasaysayan, ang dignidad at kasagraduhan niya bilang tao, at hindi bilang isa pang itinapon sa mga lansangan ng lungsod. Ang kanyang kalagayan ay inihayag sa Facebook ng isang babae na nagpapadala ng mga video message ng mga nawawalang tao sa Mexico. Nagtanong ang mga tao: "Paano kami makakatulong?" Isang lalaki ang nagsabi: "Babayaran ko ang kanyang tiket pauwi." Si Jose Luis, isang lalaking hindi marunong magbasa, magaspang at hindi dalisay, ay dumating sa aming pista ng parokya, at sa biyaya ng Diyos, sinubukan namin, sa maliit na paraan, na tularan ang halimbawa ni Santa Mother Teresa, na malugod na tinanggap ang mga dukha, ang pilay, ang may sakit, at ang mga itinapon ng mundo sa kanyang sirkulo ng pag-ibig, ang piging ng buhay. Sa mga salita ni San Juan Pablo II, ang pakikiisa sa iba ay hindi isang pakiramdam ng hindi tiyak na pakikiramay o mababaw na pagkabalisa sa mga kasawian ng iba. Ito ay isang paalala na tayo ay nangangako sa ikabubuti ng lahat dahil lahat tayo ay may pananagutan sa isa't isa.
By: Father Alvaro Delgado
MoreNoong unang bahagi ng 1900s, hiniling ni Pope Leo XIII sa kongregasyon ng Misyonaryong Kababihan ng Sagradong Puso na pumunta sa Estados Unidos upang maglingkod sa malaking bilang ng mga imigrante na Italyano doon. Ang tagapagtatag ng kongregasyon, si Inang Kabrini, ay nagnanais na magmisyon sa Tsina, ngunit masunuring sumunod sa panawagan ng Simbahan at nagsimula sa mahabang paglalakbay sa dagat. Dahil muntik na siyang malunod noong bata pa siya, nagkaroon siya ng matinding takot sa tubig. Gayunpaman, bilang pagsunod, siya...sa kabila ng dagat. Sa pagdating, nalaman niya at ng kanyang mga kapatid na babae na ang kanilang tulong pinansyal ay hindi pinahintulutan, at wala silang matitirhan. Ang matatapat na mga anak na babae ng Sagradong Puso ay nagtiyaga at nagsimulang maglingkod sa mga taong walang kinasa sakupan Sa loob ng ilang taon, ang kanyang misyon sa mga imigrante ay napakabunga kaya hanggang sa kanyang pagpanaw, ang may takot sa tubig na madre na ito ay gumawa ng 23 pagtawid sa Atlantic na paglalakbay sa buong mundo, na nagtatag ng mga pasilidad sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan sa France, Spain, Great Britain, at South America. Ang kanyang pagsunod at pagkaasikaso sa tawag na missionaryo ng Simbahan ay walang hanggang gantimpala. Ngayon, iginagalang siya ng Simbahan bilang patron ng mga imigrante at mga administrador ng ospital.
By: Shalom Tidings
MoreT – Natatakot ako sa kamatayan. Bagama't naniniwala ako kay Hesus at umaasa sa Langit, napupuno pa din ako ng pagkabalisa sa hindi batid. Paano ko mapaglalabanan ang takot sa kamatayan? S – Isipin na ikaw ay isinilang sa isang piitan at hindi nakikita ang mundo sa labas. Isang pinto ang nagbubukod sa iyo sa mundo sa labas—ang sikat ng araw, ang sariwang hangin, ang kasayahan...ngunit wala kang kuru-kuro sa mga mas maliwanag, magagandang bagay na ito, dahil ang mundo mo ay ang madilim, maamag na agwat na puno ng pagkabulok. Maya't maya, ang isang tao ay dumadaan palabas sa pintuan, upang hindi na babalik kailanman. Naaala mo ang pagkukulang nila, dahil kaibigan mo sila at nakilala mo sila sa buong buhay mo! Ngayon, isipin sandali na may napasok mula sa labas. Sinasabi Niya sa iyo ang lahat ng magagandang bagay na madadanasan mo sa labas ng piitan na ito. Alam Niya ang mga bagay na ito, dahil Siya Mismo ay galing na doon. At dahil mahal ka Niya, mapagkakatiwalaan mo Siya. Ipinapangako Niya sa iyo na sasamahan ka Niya palabas sa pintuan. Hahawakan mo ba ang Kanyang kamay? Tatayo ka ba at lalakad kasama Siya palabas ng pintuan? Ito ay nakakatakot, dahil hindi mo alam kung ano ang nasa labas, ngunit maaari kang magkaroon ng lakas ng loob na gaya ng meron Siya. Kung kilala mo Siya at mahal mo Siya, hahawakan mo ang Kanyang kamay at lalakad palabas ng pintuan patungo sa sikat ng araw, tungo sa magandang mundo sa labas. Nakakatakot, ngunit may pagtitiwala at pag-asa. Ang bawat kultura ng tao ay kinailangang makipagbuno sa takot sa hindi nababatid kapag tayo ay mnagllakad sa madilim na pintuan ng kamatayan. Pag mag-iisa natin, hindi natin batid kung ano ang nasa kabila ng tabing, ngunit kilala natin ang Isang tao na nagmula sa kabilang panig upang sabihin sa atin kung ano ang katulad ng kawalang-hanggan. At ano ang Kanyang inihayag? Sinabi niya na ang mga nailigtas ay “nasa harap ng trono ng Diyos, at naglilingkod sa Kanya araw at gabi sa Kanyang templo, at Siya na nakaupo sa trono ay kakanlungan sila ng Kanyang presensya. Hindi na sila magugutom, ni mauuhaw pa man; hindi sila tatamaan ng araw, ni anumang nakakapasong init. Sapagkat ang Kordero na nasa gitna ng trono ay magiging kanilang pastol, at papatnubayan Niya sila sa mga bukal ng buhay na tubig, at papahidin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata." (Apokalipsis 7:15-17 ) Nagtitiwala tayo na ang buhay na walang hanggan ay sakdal na pag-ibig, masaganang buhay, sakdal na kagalakan. Sa katunayan, napakabuti nito na “Hindi pa nakikita ng mata, o nadidinig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao.ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” (1 Korinto 2:9) Ngunit mayroon ba tayong anumang katiyakan na tayo ay maliligtas? Wala bang pagkakataon na hindi tayo makakarating sa makalangit na paraisong iyon? Oo, totoo na hindi ito garantisado. Gayunman, tayo ay napupuno ng pag-asa dahil “nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas at madating ang kaalaman ng katotohanan.” (1 Timoteo 2:3-4) Mas nais niya ang iyong kaligtasan kaysa sa naisin mo ito! Kaya, gagawin Niya ang lahat sa Kanyang kapangyarihan para dalhin tayo sa Langit. Ipinaabot na Niya sa iyo ang paanyaya, na isinulat at nilagdaan sa Dugo ng Kanyang Anak. Ang ating pananampalataya, na isinabuhay sa ating buhay, ang tumatanggap ng gayong paanyaya. Totoong wala tayong katiyakan, ngunit mayroon tayong pag-asa, at “hindi tayo binibigo ng pag-asang ito” (Mga Taga Roma 5:5). Tayo ay tinawag na lumakad nang may pagpapakumbaba at pagtitiwala, batid ang kapangyarihan ng Tagapagligtas, na “naparito upang iligtas ang mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15). Sa praktikal na pagsasalita, mapaglalabanan natin ang takot sa kamatayan sa ilang paraan. - Una, tumuon sa mga pangako ng Diyos ng Langit. Madami pa siyang sinabi sa Banal na Kasulatan na pumupuno sa atin ng sabik na pag-asa na matanggap ang magandang kawalang-hanggan na inihanda Niya. Dapat tayong mag-alab nang may pagnanais para sa Langit, na magpapababa sa takot na iwan itong lugmok, wasak na mundo. - Pangalawa, tumuon sa kabutihan ng Diyos at sa Kanyang pagmamahal sa iyo. Hindi ka niya pababayaan, kahit na kapag dumaan sa hindi batid. - Panghuli, isaalang-alang ang mga paraan na Siya ay naroroon sa iyo noong kailangan mong pumasok sa bago at hindi kilalang mga lupain–pagpunta sa kolehiyo, pag-aasawa, pagbili ng bahay. Maaaring nakakatakot na gumawa ng isang bagay sa unang pagkakataon dahil may takot sa hindi batid. Ngunit kung ang Diyos ay naroroon sa mga bagong karanasang ito, lalo pang hahawakan Niya ang iyong kamay habang naglalakad ka sa pintuan ng kamatayan patungo sa buhay na matagal mo nang ninanais!
By: PADRE JOSEPH GILL
More