Home/Makatawag ng Pansin/Article

Feb 21, 2024 223 0 Bronwen Healey
Makatawag ng Pansin

“Mahal, Umuwi Ka” 

Nasangkot sa ikid ng mga droga at mahalay na kabuhayan, nawawala ako sa aking sarili, hanggang ito ay nangyari. 

Ito’y kinagabihan, sa isang bahay-aliwan na panlalaki, ako’y handang nakabihis para sa “hanap-buhay.”  Mayroong isang malumanay na katok sa pinto, hindi malakas na nagbubuhat sa mga pulis, ngunit isang mahinahong tapik.  Ang babaeng may-ari ng bahay-aliwan—ang Ginang—ay binuksan ang pinto, at ang aking ina ay tumuloy.  Ako’y napahiya.  Ako’y nakabihis para sa “hanap-buhay” na ginagawa ko sa mga maraming buwan na ngayon.  At naroon sa silid ay ang aking ina.

Siya’y umupo lamang doon at sinabihan ako, “Mahal, kung maari sanang umuwi ka.”

Siya’y nagpakita sa akin ng pag-ibig.  Hindi niya ako hinusgahan.  Siya’y nakiusap lamang na ako’y bumalik.

Ako’y nagapi ng biyaya sa tagpong yaon.  Dapat na ako’y umuwi noon, ngunit ang mga droga ay ayaw akong tantanan.  Buong loob akong nakadama ng kahihiyan.

Isinulat niya ang numero ng kanyang telepono sa isang piraso ng papel, ipinadulas nang pahalang, at sinabi sa akin: “Mahal kita.  Tawagan mo ako kung kailanman, at ako’y darating.”

Sa sumunod na umaga, nagsabi ako sa aking kaibigan na nais kong tumigil sa paggamit ng herowin.  Ako’y natatakot.  Sa gulang na 24, ako’y nasawa na sa buhay.  Tila bang ako’y nakapamuhay na nang hustong haba upang matapos sa buhay.  Ang kaibigan ko ay may kilalang manggagamot na nakapagpalunas ng mga nagumon sa narkotiko, at nakakuha ako ng takdang pagpatingin sa loob ng tatlong araw.  Tumawag ako sa aking ina at sinabi ko na ako’y pupunta sa manggagamot, at ninais kong tigilan nang magherowin.

Siya’y lumuluha sa telepono.  Siya ay lumukso sa loob ng sasakyan at dumating sa akin nang dagsaan.  Matagal na siyang nakapaghintay…

Paano Nagsimula ang Lahat  

Ang aming pamilya ay lumipat sa Brisbane nang makakuha ng mapapasukan ang aking ama sa Expo 88.  Ako’y labindalawang gulang.  Ako’y naipatala sa isang pilî na pantanging pambabaeng paaralan, ngunit ako’y hindi makapag-angkop dito.  Nangarap akong pumunta sa Hollywood at gagawa ng mga pelikula, kaya kinailangan kong pumasok sa paaralang itinatangi ang pelikula at telebisyon.

Nakatagpo ako ng paaralang bantog sa pelikula at telebisyon, at dagling pumayag ang mga magulang ko na ako’y magpalit ng paaralan. Ang hindi ko ipinaalam sa kanila ay ang yaong paaralan ay nasa mga balita dahil sila’y kalait-lait tungkol sa mga gang at mga bawal na gamot.  Ang paaralan ay dinulutan ako ng napakaraming mga kaibigang malikhain, at ako’y nakapagpabuti sa paaralan.  Nagawa kong maging tampok sa karamihan ng aking mga klase at napagkalooban ng mga gantimpala sa larangan ng Pelikula, Telebisyon, at Dula.  Ako’y nagkamit ng mga antas upang makaabot sa Pamantasan.

Dalawang linggo bago matapos ang ikalabindalawang baytang, may nag-alok sa akin ng mariwana.  Sumagot ako ng oo.  Sa katapusan ng eskuwela, lahat ay nagsi-alis, at nang muli ako’y nanubok ng ibang mga droga.

Magmula sa isang batang masugid na nakatutok sa pagtapos ng pag-aaral, ako’y napadpad sa palubog na pagkalubha.  Ako’y nakapasok pa rin ng Pamantasan, ngunit sa ikalawang taon, ako’y nasangkot sa isang kaugnayan ng lalaking nagumon sa herowin.  Tanda ko noong pinayuhan ako ng lahat ng aking mga kaibigan sa panahong yaon, “Ikaw ay magiging durugista, isang gumon sa herowin.”  Ako naman, sa kabilang dako, ay nag-akala na magiging kanyang tagapagligtas.

Ngunit ang lahat ng pagtatalik, mga durug at rak en rol ay nauwi sa aking pagdadalantao.  Pumunta kami sa manggagamot, ang aking kinakasama ay bangag pa rin sa herowin.  Minasdan kami ng manggagamot at dagliang pinayuhan kami upang makapagpalaglag—maaaring napagtanto ng babaeng ito na ang sanggol ay walang pag-asa sa piling ng aming pagsasama.  Lumipas ang tatlong araw, ako’y nakapagpalaglag.

Nakadama ako ng kapanagutan, kahihiyan, at lumbay.  Mamasdan ko ang aking kasama na magpapakabangag sa herowin, mamamanhid at walang pagkabagabag.  Nagmakaawa ako para sa kaunting herowin, ngunit lahat ng kanyang tugon: “Mahal kita.  Hindi kita aalayan ng herowin.”  Isang araw, kinakailangan niya ng salapi, at ako’y nakapagtunguhan ng kaunting herowin bilang kapalit.  Ito’y isang kapiranggot na bahagi, at pinasamà nito ang pakiramdam ko, ngunit ito rin ay walang  ipinadama sa akin.  Ipinatuloy ko ang paggamit ng dosa nang pataas sa bawa’t panahon.

Tuluyan kong iniwan ang Pamantasan at naging palagiang gumagamit nito.

Ako’y walang maisip na paraan kung paano bayaran ang halos katumbas ng isandaang dolyar ng herowin na ginagamit ko sa pang-araw-araw.  Nagsimula kaming magtanim ng mariwana sa loob ng bahay; ipagbibili namin ito upang magamit ang salapi sa pagbili ng higit na maraming mga droga. Ipinagbili namin ang bawa’t pag-aari namin, napalayas sa aking inuupahang tirahan, at pagkaraan, unti-unti, ako’y nagsimulang magnakaw mula sa aking pamilya at mga kaibigan.  Ako’y ni-hindi nakadama ng kahihiyan.  Hindi nagtagal, sinimulan kong magnakaw mula sa pinapasukan.  Inakala kong hindi nila nalaman, ngunit ako rin ay pinalayas doon.

Sa huli, ang nalalabing bagay lamang sa akin ay ang katawan ko.  Sa unang gabi na nakipagtalik ako sa mga hindi kilala, ninais kong isisin nang malinis ang aking sarili.  Ngunit hindi ko magawa.  Hindi mo maiisis ang iyong sarili nang malinis sa loob palabas…  Ngunit hindi ako tinigilan nito sa pagbalik.  Mula sa pagkita ng $300 bawa’t gabi at ginugugol itong lahat sa herowin para sa kalaguyo ko at sa akin, humantod akong makakita ng isanlibong dolyar bawa’t gabi, bawa’t kusing na aking naipon ay napunta sa pagbili ng higit na maraming droga.

Sa kalagitnaan nitong palubog na pumapaikot na galaw nang ang aking ina ay dumating at sinagip ako ng kanyang pag-ibig at habag.  Ngunit yaon ay hindi sapat.

Isang Butas sa Aking Kaluluwa 

Tinanong ng manggagamot ang kasaysayan ng aking pagdudurug.  Sa pag-uukilkil ko sa aking mahabang salaysay, ang ina ko ay nanatiling lumuluha–siya’y natulala sa kapunuan ng aking salaysay.  Pinayuhan ako ng manggagamot na nangangailangan ako ng rehab.  Tinanong ko: “Hindi ba ang mga gumon sa droga ay nagre-rehab?  Siya’y nagulat: “Hindi mo akalang ikaw ay kabilang?”

Sumunod, tumitig siya sa akin at nagsabi: “Sa wari ko’y hindi mga droga ang suliranin mo.  Ang iyong suliranin ay, ikaw ay may butas sa iyong kaluluwa na si Hesus lamang ang makapupuno.”

May layunin na pinili ko ang rehab na ako’y tiyak na hindi Kristiyano.  Ako’y may sakit, nagsisimulang nang marahang magpurga nang, isang araw matapos ang hapunan, tinawag nila kaming lahat na lumabas para sa pulong na panalangin, ako’y galit, kaya umupo ako sa sulok at sinikap kong huwag silang bigyan ng pansin—ang kanilang musika at awitan, at kanilang Hesus at lahat.  Sa Linggo, idinala nila kami sa simbahan.  Tumayo ako sa labas at humithit ng mga sigarilyo.  Ako’y galit, nasasaktan, at nalulumbay.

Magsimulang Muli

Sa ikaanim na Linggo, ikalabinlima ng Agosto, bumubuhos ang ulan—isang sabwatan, sa pagbabalik-tanaw.  Wala akong magawa kundi pumasok sa loob ng gusali, nanatili ako sa likod, iniisip na ako’y hindi makikita ng Diyos.  Nasimulan ko nang maging mulat na ang ilan sa mga pagpapasya ko sa buhay ay mga kasalanan, kaya naroon akong nakaupo, sa likuran.  Gayunman sa huli, sinabi ng pari: “Mayroon ba rito na nais na ialay ang kanilang mga puso kay Hesus ngayong araw?”

Aking naaalalang ako’y nakatayo sa harap at nakikinig sa sinabi ng pari: “Nais mo bang ialay ang iyong puso kay Hesus?  Siya’y makapag-aalay ng kapatawaran para sa nakalipas mo, isang panibagong buhay ngayong araw, at pag-asa para sa iyong hinaharap.”

Sa yaong yugto, ako’y naging malinis, ligtas mula sa herowin sa halos anim na mga linggo.  Ngunit ang hindi ko napagtanto ay mayroong labis na pagkakaiba sa pagiging malinis at pagiging ligtas.  Isinaad kong muli ang Panalangin ng Kailigtasan kasabay ang pari, isang panalangin na hindi ko man naunawaan, ngunit doon, ihinabilin ko ang aking puso kay Hesus.

Yaong araw, sinimulan ko lakbay ng pagbabagong-anyo.  Kinailangan kong magsimulang muli, matanggap ang kapunuan ng pag-ibig, biyaya, at kabutihan ng isang Diyos na nakilala na ako sa aking tanang buhay at nailigtas ako mula sa aking sarili.

Ang daan pasulong ay hindi nangangahulugang walang kamalian.  Ako’y nagkaroon ng kaugnayan sa rehab, at ako’y muling nagdalantao.  Ngunit sa halip na isipin ito bilang parusa para sa maling pagpasyang nagawa ko, pinili naming manatiling magsama.  Sinabi ng kinakasama ko: “Magpakasal tayo at pagbutihan nating gawin ito ngayon ayon sa Kanyang paraan.”  Si Grace ay ipinanganak makaraan ang isang taon; dahil sa kanya, nakaranas ako ng labis na biyaya.

Parati na akong may matinding pagnanais na magbahagi ng mga salaysay; hinandogan ako ng Diyos ng isang salaysay na nakatulong sa pagbabagong-anyo ng mga buhay.  Nagamit na Niya ako sa napakaraming mga paraan upang ibahagi ang aking salaysay—sa mga salita, sa panunulat, at sa pag-aalay ng aking lahat upang maglingkod para sa, at kasama ng, mga babaeng nalublob sa magkawangis na buhay na dati kong tinatahak.

Ngayong araw, ako’y isang babaeng napagbago ng biyaya.  Ako’y natagpuan ng pag-ibig ng Langit, at ngayon ay nais kong mabuhay sa paraan na mapapayagan akong makipagsosyo sa mga layunin ng Langit.

Share:

Bronwen Healey

Bronwen Healey has been sharing her story of recovery with people all over the country through talks, workshops, and her book Trophy of Grace. Article is based on the interview given by Bronwen Healey on the Shalom World program “Jesus My Savior”. To watch the episode, visit: https://www.shalomworld.org/episode/i-dont-think-drugs-are-your-problem-bronwen-healy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles