Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Feb 21, 2024 338 0 Ellen Hogarty, USA
Magturo ng Ebanghelyo

Pag asa sa Madilim na Panahon

Gaano man kahirap ang panahon, kung matiyaga ka, hindi ka matitinag.

Namumuhay tayo sa napakadilim at nakakalitong panahon.  Ang kasamaan ay nasa paligid natin, at ginagawa ni Satanas ang lahat para wasakin ang lipunan at ang mundong ginagalawan natin.  Ang pagtingin sa mga balita kahit ilang minuto ay maaaring maging lubhang nakakasira ng loob.  Kapag sa tingin mo ay hindi na ito maaaring lumala pa, makakadinig ka ng ilang bagong kalupitan o kasamaan sa mundo.  Madali kang masiraan ng loob at mawalan ng pag-asa

Ngunit bilang mga Kristiyano, tayo ay tinawag na maging tauhan ng pag-asa.  Paano ito mangyagari?

Mayroon akong kaibigan na katutubo ng Rhode Island.  Minsang Araw ng mga Ama, binigyan siya ng kanyang mga anak ng isang sombrero na may larawan ng angkla at Hebreo 6:19 na nakaburda dito.  Ano ang kahalagahan nuon?  Ang watawat ng estado ng Rhode Island ay may angklang may nakasulat na salitang “pag-asa”. Ito ay isang patukoy sa Hebreo 6:19, na nagsasabing: “Taglay natin ang pag-asang ito, isang matibay at matatag na angkla ng kaluluwa, isang pag-asang tumutuloy sa Kabanal-banalanng templo sa kabila ng tabing…”

Ang aklat ng Hebreo ay sinulat sa mga taong dumadanas ng matinding pag-uusig.  Ang kilalanin na ikaw ay Kristiyano ay nangangahulugan ng kamatayan o pagdurusa, pagpapahirap o pagpapatapon.  Dahil napakahirap, madami ang nawalan ng pananampalataya at nag-isip kung karapat-dapat bang sundin si Kristo.  Sinisikap ng may-akda ng liham sa mga Hebreo na hikayatin silang manatili, magtiyaga—na ito ay sulit.  Sinasabi niya sa kanyang mga mambabasa na ang pag-asa na nakabatay kay Hesus ang kanilang angkla.

Masinsin At Hindi Natitinag

Noong ako ay nasa mataas na paaralan sa Hawaii, bahagi ako ng isang programa na nagtuturo ng pandagat aghambuhay sa mga mag-aaral.  Gumugol kami ng Ilang linggo sa bawat pagkakataon na naninirahan at gumagawa sa isang bangka.  Sa kadamihan ng mga pook na aming nilayagan, may isang pantalan o daungan kung saan maaari naming itali ang bangka nang walang panganib sa lupa.  Ngunit may ilang malalayong mataas na paaralan na hindi malapit sa pantalan o bayo na may daungan.  Sa mga pagkakataong iyon, kinailangan naming gamitin ang angkla ng bangka—isang mabigat na metal na bagay na may ilang matutulis na kawit dito.  Kapag inihulog ng isa ang angkla sa tubig, kumakapit ito sa ibaba ng kama ng dagat at pumipigil sa bangka sa paglutang papalayo.

Maaari tayong maging tulad ng mga bangka, na pahagishagis at palutanglutang sa kati at alon ng pang-araw-araw na buhay.  Nadidinig namin sa mga balita ang tungkol sa paglusob ng terorista, barilan sa mga paaralan at simbahan, masamang kapasiyahan ng hukuman, masamang balita sa iyong pamilya, o mga natural na sakuna.  Madaming mga bagay ang maaaring yumanig sa atin at masiraan ng loob at puno ng kawalan ng pag-asa.  Maliban kung tayo ay may isang angkla para sa ating mga kaluluwa, tayo ay maiibalibag at hindi magkakaroon ng anumang kapayapaan.

Subalit upang ang isang angkla ay gumana, kailangan nitong ikabit sa isang bagay na matibay at matatag.  Ang isang bangka ay maaaring magkaroon ng pinakamalakas, pinakamahusay na angkla na magagamit, ngunit maliban kung ito ay nakakabit sa isang bagay na matibay at matatag, ang bangkang ito ay matatangay ng susunod na pagtaas ng tubig o alon.

Madaming tao ang may pag-asa, ngunit inilalagay nila ang kanilang pag-asa sa kanilang kwenta sa bangko, sa pagmamahal ng kanilang asawa, sa kanilang mabuting kalusugan, o sa pamahalaan. Maaring sabihin nila: “Hangga’t nasa akin ang tirahan ko, ang hanap-buhay ko, ang sasakyan ko, lahat ay magiging maayos. Hangga’t bawat isa sa aking mag-anak ay malusog, lahat ay maayos.” Ngunit nakikita mo ba kung gaano kahina iyon? Ano ang mangyayari kung mawalan ka ng hanap-buhay, magkasakit ang isang miyembro ng mag-anak, o bumagsak ang ekonomiya? Nawawalan ka na ba ng pananampalataya sa Diyos?

Kailanman Ay Hindi Natangay

Naaalala ko noong ang aking ama ay nakikipagtunggali sa kanser sa mga huling taon ng kanyang buhay.  Ito ay isang mabagyo, magulong panahon para sa aming mag-anak dahil sa bawat bagong pagsusuri, salit-salit naming nadinig ng magandang balita o masamang balita.  May mga pagpunta sa ER, at minsan siyang inilipad pa sa ibang pagamutan para sa madaliang pagtistis. Nakaramdam ako ng labis na pag-aalipusta at kahinaan ng loob habang pinagmamasdan namin ang aking ama na nagdudusa at nanghihina.

Ang aking ama ay isang matatag at debotong Kristiyano.  Gumuugol siya ng ilang oras bawat araw sa pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos, at nagturo siya ng mga pag-aaral ng Bibliya sa loob ng madaming taon.  Nakakatukso para sa akin na magtaka kung nasaan si Hesus sa lahat ng ito.  Matapos madinig ang isa pang masamang pagbabala, habang pakiramdam ng aking kaluluwa’y nabanat ng pinakahuling ulat na ito, nagpunta ako sa isang simbahan upang manalangin.

“Panginoon, ako’y nawawalan ng Pag-asa. Nasaan Ka?”

Habang tahimik akong nakaupo duon, napagtanto ko na inilagay ko ang aking pag-asa sa paggaling ng aking ama.  Kung kayat ramdam ko’y nangangatog at hindi matatag.  Subalit inaanyayahan ako ni Hesus na ilagay ang aking pag-asa, ang aking angkla, sa Kanya.  Mahal na mahal ng Panginoon ang aking ama nang mas higit pa sa kakayanin ko, at Siya ay kasama niya sa mahirap na pagsubok na ito. Ibibigay ng Diyos sa aking ama ang kakailanganin niya upang makatakbo nang maayos ang kanyang pakikipagtunggali hanggang sa katapusan, kailanman iyon.  Kailangan ko yung tandaan at ilatag ang aking pag-asa sa Diyos at sa dakilang pagmamahal ng Diyos sa aking ama.

Pumanaw ang aking ama sa bahay makalipas ang ilang linggo, pinaligiran ng pagmamahal at madaming panalangin, magiliw na inalagaan ng aking ina.  Namatay siya na may maamong ngiti sa kayang mukha.  Siya ay handa nang magtungo sa Panginoon, umaasa na makita nang harapan ang kanyang Tagapagligtas sa wakas.  At ako ay payapa sa ganito, handang siya ay payagang lumisan.

Ang pag-asa ay ang angkla, ngunit ang angkla ay kasing-tibay lamang ng kung ano ang kinakapitan nito. Kung ang ating angkla ay matatag na nakakapit kay Hesus, Siya na nakadaan na sa tabing nauna pa sa atin at naghihintay sa atin, kung kaya’t gaano man kataas ang mga alon, gaano man kalakas ang mga bagyo sa paligid natin, tayo ay mananatiling matatag at hindi matatangay.

Share:

Ellen Hogarty

Ellen Hogarty ay isang spiritual director, manunulat at full-time na misyonero sa Komunidad ng Lord's Ranch. Alamin ang mas higit pang gawain nila tungkol sa ginagawa nila sa mga mahihirap sa: thelordsranchcommunity.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles