Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article
Gaano kadalas tayo nag-iisip na hindi magkaroon ng sapat na panahon upang gawin ang mga bagay na nais natin? Ngayong Bagong Taon, tayo ay gumawa ng pagkakaiba.
Hindi kailanman ako naging sino sa paggawa ng pagpapasiya sa Bagong Taon. Napaalalahanan ako nito habang nakatungin sa salansan ng mga hindi pa nababasang aklat na nag-iipon ng alikabok sa aking mesa, na binili sa mga nakaraang taon sa isang mapaghangad ngunit kahabag-habag na nabigong pagtatangka. Ang isang aklat sa isang buwan ay naging isang salansan ng mga hindi pa nababasang mga layunin. Ako ay nagkaroon ng isang milyong dahilan kung bakit hindi ako naging matagumpay sa aking resolution, ngunit ang kakulangan ng oras ay hindi isa sa mga ito.
Sa pagbabalik-tanaw ngayon sa mga taon na lumisan na may bahagyang pagkabigo sa aking sarili, napagtanto kong talagang magagamit ko sana nang mas mahusay ang aking oras. Gaano kadalas sa aking buhay idaing ko ang tungkol sa kawalan ng sapat na pnahon upang gawin ang mga bagay na nais ko? Tiyak, higit pa sa mabibilang ko!
Ilang taon na ang nakakalipas, nakaupo sa tabi ng aking asawa sa ospital noong Bisperas ng Bagong Taon habang tinatanggap niya ang kanyang nakagawiang paggamot, isang bagay ang humila sa aking puso. Minamasdan sa kanyang di- maginhawang pagkakabit sa kanyang pagbubuhos sa ugat, napansin ko na ang kanyang mga mata ay nakapikit, at ang kanyang mga kamay ay nakatiklop sa panalangin. Waring nararamdaman ang nagtatanong kong titig, bahagyang iminulat niya ang isang mata at, habang nakasilip sa akin, tahimik na bumulong: “Bawat isa.”
Paano man, nabasa niya ang nasa isip ko. Madalas naming ipagdasal ang mga nasa paligid namin na sa tingin namin ay nasasaktan o nangangailangan ng panalangin, ngunit ngayon, nakaupo kaming mag-isa, at nagugulumihanan ako kung sino ang ipinagdadasal niya. Nakakalunos at makapukaw- damdamin na isiping siya ay nagdadasal para sa “lahat” at hindi lamang sa mga inaakala naming maaaring makikinabang sa mga panalangin dahilan sa kanilang panlabas na anyo.
Bawat isa—ang bawat isa sa atin ay nangangailangan ng mga panalangin. Lahat tayo ay nangangailangan ng biyaya at awa ng Diyos anuman ang imaheng ipapakita natin sa mundo. Ito ay malamang na totoo, lalo na ngayon na napakadaming tao ang tahimik na dumadanas ng kalungkutan, suliranin sa pananalapi, at kahit na mga pakikibaka sa kalusugan ng isip na kadalasang nakatago.
Walang tunay na nakakaalam kung ano ang pinagdadaanan, pinagdaanan, o pagdadaanan ng ibang tao. Gaano kaya kamakapangyarihan kung ipagdadasal nating lahat ang isa’t isa? Gaano ito makapagpapabago sa buhay, makapagpapabago sa mundo. Kaya ngayong Bagong Taon, nagpapasiya akong gamitin ang aking mga bakanteng sandali sa makatwiranan at maalalahaning paraan—mapagdasal na isasaalang-alang ang mga pagdurusa at pangangailangan ng iba, iyong iba na kilala ko, iyong mga hindi ko kilala, iyong mga nauna sa akin, at iyong mga na dadating pa sa tagal ng panahon.
Ipagdadasal ko ang lahat ng sangkatauhan, nagtitiwala na ang ating mahal na Diyos, sa kanyang masaganang awa at di-masusukat na pagmamahal, ay pagpapalain tayong lahat.
Mary Therese Emmons is a busy mother of four teenagers. She has spent more than 25 years as a catechist at her local parish, teaching the Catholic faith to young children. She lives with her family in Montana, USA.
Hanga pa rin ako sa salaysay ni Reverend Sebastian tungkol sa isang mahimalang pagtakas niya mula sa nakamamatay na panganib. Tiyak na magiging gayon ka rin, tulad ng ibabahagi ko dito ayon sa sarili niyang mga salita. Iyon ang pinakamalamig na gabi ng taglagas ng Oktubre 1987, halos 3 AM na, at may isang oras pa ako bago sumakay sa aking paglipad papuntang London. Nagpasya akong magtungo sa pahingahan ng paliparan at kumuha ako ng isang tasang mainit na kape, na nakatulong sa akin na mapawi ang aking antok. Uminom ako ng ilang gamot para sa isang bahagyang lagnat, ngunit ang epekto ay nawawala na. Kaya, uminom ako ng isa pa, at habang nakasakay ako sa paglipad, nakiusap ako sa serbidora, na nagpakilalang Anne, para sa isang libreng hilera sa gitna para makapagpahinga ako sa mahabang byahe. Tiyak na nasagi siya ng kwelyo ko dahil noong nakailaw ang sinturong pang upuan, lumapit sa akin si Anne at inakay ako ng tatlong hilera pabalik kung saan walang nakaupo. Inayos ko ang mga upuan na parang maliit na sopa at humiga doon. Nakakabalisang mga Balita Nasira ang komportable kong pagkakahimbing dahil sa mga galaw ng sasakyang panghimpapawid. Bumukas ang aking mga mata; ang kamarote ay bahagyang may ilaw, at karamihan sa mga pasahero ay tulog o nakadikit sa mga panooran sa harap nila. Hindi ko maiwasang mapansin ang mabibilis na galaw ng mga tripulante sa kamarote habang nagmamadali sila sa makipot na daanan sa pagitan ng mga hilera ng upuan. Sa pag-aakalang merong maysakit at nangangailangan ng tulong, tinanong ko si Anne, na dumadaan sa aking upuan, kung ano ang nangyayari. "Gulo lang, Padre, lahat ay kuntrolado," sagot niya bago mabilis na sumulong. Gayunpaman, iba ang iminungkahi ng kanyang mga mata na nataranta. Hindi ako makatulog, naglakad ako patungo sa likod ng eroplano para humiling ng isang tasa ng tsaa. Inutusan ako ng isang tauhan ng eroplano na bumalik sa aking upuan ngunit nangakong dadalhan ako ng tsaa mamaya. Naramdaman kong may mali. Habang matiyaga kong hinihintay ang aking tsaa, isang lalaking tripulante ang lumapit sa akin. "Father Sebastian, may nasusunog sa isa sa mga makina, at hindi pa namin naaapula. Puno ang tangke ng gasolina, at halos dalawang oras na tayong lumilipad. Kapag umabot ang apoy sa tangke ng gasolina, maaaring sumabog ang eroplano anumang oras," huminto siya bago tumingin sa akin ng diretso sa mga mata. Nanlamig ang katawan ko sa pagkabigla. "May espesyal na kahilingan ang kapitan—manalangin para sa lahat ng 298 kaluluwang nakasakay at mapatay ang apoy. Alam ng dalawang kapitan na mayroon tayong pari na sakay at hiniling na iparating ko ang mensaheng ito sa iyo," pagtatapos niya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, sumagot ako: "Pakiusap, sabihin sa mga kapitan na manatiling matapang, dahil poprotektahan tayo ni Hesus at ni Inang Maria mula sa mapanganib na sitwasyong ito, tulad ng kung paano iniligtas ni Hesus ang Kanyang mga disipulo mula sa maalon na dagat. Walang dapat ikabahala, at ang Banal na Espiritu ang magkokontrol sa sitwasyon mula sa puntong ito. Sila ay gagabayan Niya nang buong talino." Nakarinig ako ng pagod na boses sa harapan ko na nagtatanong kung sasabog na ba ang byahe. Si Sophie iyon, isang babae na may edad na at nakilala ko sa eroplano kanina. Narinig niya ang ilan sa aming pag-uusap at naging isteriko siya. Binalaan siya ng mga miyembro ng tripulante na huwag gumawa ng eksena; medyo kumalma siya at umupo sa tabi ko, ikinumpisal niya sa akin ang kanyang mga kasalanan sa itaas ng 30,000 talampakan. Patuloy na Kumakapit Gayunpaman, nagkaroon ako ng malaking pananampalataya kay Inang Maria, na tumulong sa akin na malampasan ang mga katulad na sitwasyon noon. Kinuha ko ang aking rosaryo at nagsimulang magdasal, ipinikit ang aking mga mata at binibigkas ito nang may sukdulang debosyon. Sa kalagitnaan ng paglipad, sinabihan ako na sinusubukan ng kapitan na gawin ang emerhensyang paglapag sa isang hindi abalang paliparan at kailangan naming kumapit pa ng panibagong pitong minuto. Nang maglaon, dahil hindi pa rin kontrolado ang sitwasyon, ipinaalam ng kapitan sa mga pasahero na ihanda ang kanilang sarili para sa isang emerhensyang paglapag. Ipinaalam sa akin ni John, ang tripulante na nakausap ko kanina, na umabot na sa gate 6 ang apoy, isang gate na lang ang naiiwan para maabot ang makina. Tahimik akong nagdadasal para sa kaligtasan ng lahat ng nasa byahe. Habang nagpapatuloy ang sitwasyon nang walang pagbabago, ipinikit ko ang aking mga mata at patuloy na nagdarasal, upang magkaroon pa ako ng lakas at tapang sa aking pananampalataya. Nang imulat ko ang aking mga mata, ligtas nang nakalapag ang eroplano sa paliparan, at nagpalakpakan ang mga pasahero. Kaginhawaan sa Wakas! "Mga mahal kong kaibigan, ito si Rodrigo, ang inyong kapitan mula sa kubyerta!" Tumigil siya saglit at saka nagpatuloy. "Tayo ay nasa isang lubhang mapanganib na sitwasyon sa mga nakaraang oras, at tayo ay nasa mabuti ng kalagayan ngayon! Isang espesyal na pasasalamat sa Makapangyarihang Diyos at kay Padre Sebastian. Ipinagdasal niya tayong lahat at binigyan tayong lahat ng ibayong lakas at tapang na malampasan ang sitwasyong ito at…” huminto siya muli, “nagawa natin!” Sumabay sa akin sina John at Anne habang sinasalubong kami ng mga tripulante at mga opisyal sa terminal ng paliparan. Sinabihan ako na ang isang kapalit na sasakyang panghimpapawid ay darating sa lalong madaling panahon at ang lahat ng mga pasahero ay ililipat sa bagong eroplano sa loob ng isang oras. Pagkatapos ng malagim na karanasan sa paglipad, hindi ko maiwasang isipin ang kapangyarihan ng panalangin at ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa anumang sitwasyon. Naalala ko ang mga salita mula sa Marcos 4:35-41, kung saan pinatahimik ni Jesus ang isang bagyo sa dagat at tinanong ang kanyang mga alagad: "Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananampalataya?" Nang sumakay kami sa bagong paglipad, nadama ko ang panibagong pakiramdam ng pasasalamat para sa mahimalang pagkalampas at mas malakas na pananampalataya sa proteksyon ng Diyos. Ibinahagi ni Padre Sebastian ang kanyang kuwento sa maraming tao at hinikayat silang magtiwala sa Diyos sa oras ng mahihirap na panahon. Ipinaalala niya sa kanila na sa pananampalataya at panalangin, malalampasan din nila ang anumang unos at makakatagpo ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan.
By: Shaju Chittilappilly
MoreNabitag sa abala at mabigat na sapot ng pang-araw-araw na buhay, maaari kayang panatilihing nakaugnay ang iyong sarili sa Diyos? Kung minsan, para bang ang pananampalataya ko ay dumadanas ng kapanahunan bawat taon. May mga panahon, ito ay namumukadkad tulad ng mga naarawang bulaklak sa tag-araw. Ito ay kadalasan pag bakasyon. Sa ibang panahon, ang aking pananampalataya ay parang mundong natutulog ng taglamig—tahimik, hindi namumulaklak. Ito ay karaniwang sa taon ng pag-aaral kung kailan hindi payag ang aking talaan sa pang-araw-araw na pagsamba o pang-oras-oras na panalangin, di tulad ng mga libreng oras ng bakasyon. Ang mga abalang buwang ito ay karaniwang ginagamit ng mga aralin, gawain, aktibidad, at oras para sa mag-anak at mga kaibigan. Ito ay madali, sa gitna ng kaguluhan at pagmamadali, hindi ibig sabihin na limutin ang Diyos kundi ang hayaang mahulog Siya sa likuran. Maaari tayong magsimba tuwing Linggo, bigkasin ang ating pananalangin, at kahit dasalin pa ang pang-araw-araw na Rosaryo, ngunit magkahiwalay ang ating pananampalataya at ‘normal’ na buhay. Ang relihiyon at ang Diyos ay hindi lubos na nakalaan lamang para sa Linggo o bakasyon sa tag-init. Ang pananampalataya ay hindi isang bagay na dapat nating kapitan para lamang sa mga oras ng kagipitan o balikan nang panandalian para lamang magpasalamat at pagkatapos ay kalimutan. Sa halip, ang pananampalataya ay dapat ding kaakibat ng bawat bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Pang-araw-araw Na Pagkainip Kahit na may-ari tayo ng sarili nating bahay, manatili sa dorm ng kolehiyo, o nakatira kasama ang ating mag-anak, may ilang mga gawaing hindi natin matatakasan. Ang mga tahanan ay dapat malinis, ang mga damit ay dapat malabhan, ang pagkain ay dapat magawa... ngayon, ang mga gawaing ito ay lahat tila nakakainip na pangangailangan—mga bagay na walang kabuluhan, ngunit kailangan pa din nating gawin ang mga ito. Inuubos pa ng mga ito ang oras na maaari sana nating magamit sa pagtuntong sa kapilya ng pagsamba nang tatlumpung minuto o dumalo sa pang-araw-araw na misa. Gayunpaman, kapag mayroon tayong maliliit na anak sa bahay na nangangailangan ng malinis na damit o mga magulang pauwi ng bahay matapos ang trabaho na nagnanais na makakita ng mga nilampasong sahig, ito ay hindi ang palaging makatotohanang mapamimilian. Gayunpaman, ang punuin ang ating oras sa mga pangangailangang ito ay hindi kailangang maging pagbawas ng oras ukol sa Diyos. Si Santa Teresa ng Lisieux ay kilala sa kanyang "munting pamamaraan." Ang pamamaraang ito ay nakasentro sa maliliit na bagay na may napakalawak na pagmamahal at pakay. Sa isa sa mga paborito kong salaysay ni Santa Teresa, isinulat niya ang tungkol sa isang palayok sa kusina na ayaw niyang hugasan (Oo, kahit ang mga Santo ay kailangang maghugas ng pinggan!). Nabatid niyang tunay na nakayayamot ang gawain, kaya nagpasiya siyang ialay ito sa Diyos. Tatapusin niya ang gawain nang may labis na kagalakan, nalalalamang ang bagay na tila walang kabuluhan, ay nabigyan ng pakay sa pamamagitan ng pagsasali sa Diyos sa ekwasyon. Naghuhugas man tayo ng pinggan, nagtutupi ng labada, o nagkukuskos ng sahig, ang bawat nakakainip na gawain ay maaaring maging isang panalangin sa pamamagitan lamang ng pag-aalay nito sa Diyos. Pinalaking Kagalakan Minsan, kapag ang sekular na lipunan ay nakamasid sa relihiyosong taong-bayan, ginagawa nila ito sa pag-aakala na ang dalawang mundo ay hindi kailanman maaaring magkabangga. Nagulat ako nang malaman kong napakadaming tao ang nag-iisip na hindi mo kayang sundin ang Bibliya at magsaya! Ito ay maaaring hindi malayo sa katotohanan. Ilan sa mga paborito kong gawain ay kinabibilangan ng surping, pagsasayaw, pag-awit, at pagkuha ng larawan; kadamihan sa aking oras ay nakatuon sa paggawa ng mga ito. Kadalasan, sumasayaw ako sa relihiyosong musika at gumagawa ng mga bidyo para sa Instagram na pinarisan ng mensahe ng pananampalataya sa aking pamagat . Umawit ako sa simbahan bilang isang kantor at nais kong gamitin ang aking mga biyaya upang tahasang paglingkuran ang Diyos. Gayunpaman, mahilig din akong gumanap sa mga palabas tulad ng The Wizard of Oz o kunan ng larawan ang mga laro ng putbol—mga sekular na bagay na nagdudulot sa akin ng malaking kagalakan. Ang kagalakang ito ay higit na nadadagdagan kapag inialay ko ang mga gawaing ito sa Panginoon. Sa may likod ng entablado, lagi mo akong makikitang nagdadasal bago ako pumasok, nag-aalay ng pagtatanghal sa Diyos, at humihiling sa Kanya na samahan ako habang sumasayaw o umaawit. Ang simpleng pagsasanay upang manatili sa hugis ay isang bagay na kapwa kong ikinasisiya at pinahahalagahan upang mapanatili ang aking kalusugan. Bago ako magsimulang tumakbo, iniaalay ko ito sa Diyos. Kadalasan, sa gitna nito, inilalagay ko ang aking pagod sa Kanyang mga kamay at humihingi sa Kanya ng lakas upang tulungan akong gawin ang huling milya. Ang isa sa aking mga paboritong paraan upang mag-ehersisyo at sumamba sa Diyos ay ang magsagawa ng maingat na paglalakad habang nagro Rosaryo, sa gayon iniehersisyo kapwa ang aking katawan at ang espirituwal na kapakanan! Sa Bawat Bagay, Kahit Saan Madalas nating nalilimutang makita ang Diyos sa ibang tao, hindi ba? Isa sa mga paborito kong aklat ay ang talambuhay ni Mother Teresa. Ang may-akda, si Padre Leo Maasburg, ay kakilala siya nang personal. Naaalala niya nang minsang makita niya ito na taimtim sa paanalangin habang isang tagapagbalita ay nahihiyang sumiksik, natatakot na makagambala sa kanyang pagtanong. Sabik malaman kung paano siya tumauli, nagulat si Padre nang makita itong lumingon sa tagapagbalita nang may saya at pagmamahal sa mukha sa halip na pagka-inis. Nangusap siya kung paano, sa isipan nito, na ibinaling lamang niya ang kanyang pansin mula kay Hesus para kay Hesus. Sinasabi sa atin ni Hesus: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa pinakahamak sa mga ito ng miyembro ng aking mag-anak, ginawa ninyo ito sa akin.” (Mateo 25:40 ). Subalit si Hesus ay hindi lamang matatagpuan sa mahihirap o maysakit. Siya ay matatagpuan sa ating mga kapatid, ating mga kaibigan, ating mga guro, at mga katrabaho. Sa paraang payak na pagpapakita ng pagmamahal, kabaitan, at awa sa mga nakakasalubong natin sa ating landas ay maaaring isa pang paraan upang magbigay ng pagmamahal sa Diyos sa ating abalang buhay. Kapag gumagawa ka ng cookies para sa kaarawan ng kaibigan o kahit na lumabas ka lang para mananghalian kasama ang isang taong matagal mo nang hindi nakita, madadala mo ang pag-ibig ng Diyos sa kanilang buhay at higit pang matupad ang Kanyang kalooban. Saan Ka Man Naroroon Sa sariling nating buhay, dumadaan tayo sa iba't ibang yugto habang tayo ay tumatanda at lumalaki. Ang pang-araw-araw na gawain ng isang pari o isang madre ay magmumukhang ibang-iba mula sa isang tapat na layko na may pamilyang aalagaan. Ang mga pang-araw-araw na gawain ng isang mag-aaral ng mataas na paaralan ay magiging iba din sa mga nakagawian ng naturang sarili ng sila ay nasa hustong gulang na. Iyan ang napakaganda kay Hesus—sinasalubong Niya tayo saan man tayo naroon. Ayaw Niyang iwanan natin Siya sa altar; sa tulad na paraan, hindi Niya tayo basta-basta iiwan kapag lumabas tayo sa Kanyang simbahan. Kaya, sa halip na maramdaman na pinabayaan mo na ang Diyos habang nagiging abala ang iyong buhay, humanap ng mga paraan para anyayahan Siya sa lahat ng iyong ginagawa, at makikita mo na ang lahat ng bagay sa iyong buhay ay mapupuno ng higit na pagmamahal at panukala.
By: Sarah Barry
MoreTuwang-tuwa sa magandang balita ng isang pinakahihintay na pagdadalantao, nabaligtad ang kanilang mundo sa ika-12 linggong pangkaraniwang kalaluang tunog Ang aming panganay na si Mary Grace ay lumalaking isang magandang bata. Ang aming mag-anak at mga kaibigan ay aktibong nagdadasal para sa amin na magkaroon ng isa pang sanggol, kaya tuwang-tuwa kaming malaman ang tungkol sa pagdadalantao! Ang genetiko pagsusulit ay nagbalik ng mga normal na kalabasan, at nagpasya kaming panatilihing isang magandang sorpresa ang kasarian. Nang magtungo ako para sa nakagawiang ika-12 na linggong kalaluang tunog, ipinakita sa akin ng tekniko ang tagilirang anyo ng sanggol at pagkatapos ay mabilis na inilihis ang screen mula sa akin. Inilabas nila ang aking anak na babae, at kaagad nalaman ko na may hindi tama. Naisip ko: “Siguro may problema sa puso o kapinsalaan ang sanggol, ngunit ayos lang. Kayang ayusin ng Diyos ang anumang bagay, at maaaring operahan.” Ngunit bilang isang doktor, nanalangin ako: “Pakisuyo, Diyos, huwag sana itong maging anensepali.” Dahil nakita ko ang kalaluang tunog, palagay ang loob kong ito ay iba pa. Nang pumasok ang manggagamot sa silid, tinanong ko: "Pakisabi sa akin na ang sanggol ay buhay." Taimtim ang mukha, sinabi niya: "Oo, may tibok ang puso ng sanggol, ngunit hindi ito maganda." Nagsimula akong umiyak at tumawag sa aking asawa sa Facetime. Ito ang pinakakinatatakutan ko—may anencephaly ang aming sanggol, isa sa mga malubhang kapinsanan na maaaring magkaroon ang sanggol sa utero kung saan hindi nabubuo nang maayos ang bungo—at sinabi sa akin ng doktor na ang similya ay hindi mabubuhay nang matagal. Nakakadurog ng puso. Ang itinatanging batang ito na matagal na naming hinihintay ay hindi mabubuhay! Naisip ko kung gaano kasabik ang aking panganay na babae. Sa aming pang-araw-araw na panalangin ng mag-anak, madalas niyang sinasabi: “Hesus, mangyaring bigyan Mo ako ng isang sanggol na kapatid na lalaki o babae.” Paulit-ulit kong sinasabi sa aking isipan: "Panginoon, maaari Mong lunasan, maaari Mong lunasan ang sanggol." Agad na bumaba ang aking asawa. Sa pagsisikap na panatilihing tuwid ang mukha, sinabi ko sa aking anak na umiiyak ako sa tuwa. Ano pa ang masasabi ko? Sinabi ng doktor na maaari naming ihinto ang pagdadalantao. Sabi ko, “Hinding-hindi. Dadalhin ko ang sanggol hanggang siya ay nabubuhay. Kung ito ay magpapatuloy nang 40 linggo, ito ay 40 linggo." Binalaan niya ako na malamang ay hindi ako aabot nang ganuon katagal, at sakaling mamatay ang sanggol sa sinapupunan, maaaring magkaroon ako ng malubhang impeksyon sa dugo. Kailangan ko din ng madalas na pagsusuri dahil ang pagbuo ng likido sa aking matris ay maaaring maging lubhang mapanganib. Sinabi ko sa kanya na handa akong harapin anumang bagay. Salamat naman, hindi ako pinilit pa, kahit na sa mga sumunod na pagdalaw. Alam nila na ako ay nakapagpasya na! Itinalaga Sa Pag-asa Dumating kami sa bahay at ginugol ang panahon na sama-samang nagdadasal at nag-iiyakan. Tinawagan ko ang aking kapatid na babae, na isang residente ng OBGYN. Tinawagan niya ng madami niyang kaibigan, lalo na sa Kabataan Hesus at nagsimula ng Nobena sa Zoom nang gabing iyon. Sinabi lang namin sa aming anak na ang sanggol ay may "kaunting hindi tama, ngunit ayos lang." Hindi kami nagsabi sa aming mga magulang o biyenan; ikakasal ang kapatid ko sa susunod na buwan, at ayaw naming maapektuhan ang kasal. Napag-isipan din namin na hindi nila ito mahaharap nang may lakas tulad ng lakas na naramdaman namin. Sa mga unang araw, madaming tao ang nakipag-usap sa akin, tinutulungan akong magtiwala sa Kalinga ng Diyos at maniwala na hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi mabuti para sa atin. Nakaramdam ako ng matinding kapayapaan. Naisip ko si Inang Maria—ang kagalakan ng pagtanggap ng mabuting balita sa Pagpapahayag at ang kalungkutan sa kalaunan nang pagkakaalam na Siya ay mamamatay. Napagpasyahan namin, noong araw na iyon, na buksan ang tarheta sa mga pagsusuri sa dugo na nagpahayag ng kasarian dahil noon, ibig naming ipagdasal ang sanggol nang may pangalan. Pinangalanan namin siyang Evangeline Hope, na ang ibig sabihin ay ‘ang tagapagdala ng mabuting balita’ dahil, para sa amin, pinapakita pa rin niya ang pag-asa ng pag-ibig at awa ni Kristo. Ni minsan ay hindi namin naisip na siya ay ipalaglag dahil Siya ay isang napakagandang balita, hindi lamang para sa amin kundi para sa lahat ng mga bumabati sa amin —isang batang mag-eebanghelyo sa mundo sa madaming paraan. Sinalihan ko ang isang grupo ng suporta sa Ansipepali na nakatulong nang napakalaki sa aking paglalakbay. Nakilala ko ang madaming tao, maging ang mga ateista, na labis na nagsisi sa kanilang pasyang ipalaglag ang kanilang mga sanggol. Nakipag-ugnayan ako sa mga babaeng nanahi ng mga toga ng anghel mula sa mga donasyong damit pangkasal at mga propesyonal na potograpo na nagkusang-loob na idokumento ang kapanganakan sa pamamagitan ng magagandang larawan. Nagsagawa kami ng pagpapahayag ng kasarian sa kasal ng aming kapatid ngunit hindi pa din sinabi kanino man na ang sanggol ay may karamdaman. Nais lang naming parangalan at ipagdiwang ang kanyang munting buhay. Ang kapatid kong babae at mga kaibigan ay nagbuo din ng isang magandang baby shower (higit na parang isang pagdiriwang ng buhay), at sa halip na mga regalo, lahat ay sumulat ng mga liham sa kanya para mabasa namin matapos ang pagsilang. Walang Tigil Na Tagapagsamba Dinala ko siya hanggang sa ika-37 linggo. Kahit matapos na ang isang kumplikadong pagsisilang, kabilang ang pagputok ng pader ng matris, si Evangeline ay hindi naipanganak na buhay. Ngunit kahit papaano, natatandaan kong nakaramdam ako ng malalim na pagkaunawa sa kapayapaan ng Langit. Siya ay tinanggap nang may labis na pagmamahal, dignidad, at karangalan. Ang pari at ang kanyang mga Ninong at Ninang ay naghihintay na makilala si Evangeline. Doon sa silid ng ospital, nagkaroon kami ng kanaisnais na panahon ng pananalangin, papuri, at pagsamba. Meron kaming magagandang damit para sa kanya. Binasa namin ang mga liham na isinulat ng lahat para sa kanya. Nais namin siyag pahalagahan nang may higit na dignidad at dangal kaysa sa isang 'normal' na bata. Umiyak kami dahil nasala namin ang kanyang presensya, at dahil din sa kagalakan habang kasama niya si Hesus ngayon. Sa silid ng ospital na iyon, inisip namin, “Wow, hindi ako makapaghintay na makadating sa Langit. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang makasama ang lahat ng mga Santo.” Pagkalipas ng dalawang araw, nagkaroon kami ng 'pagdiwang sa buhay' para sa kanya na ang lahat ay nakasuot ng puti. Ang misa ay ipinagdiwang ng apat na pari, at mayroon kaming tatlong seminarista at isang magandang koro na nagparangal sa aming pinakamamahal na sanggol. Inilibing si Evangeline sa bahagi ng mga Anghel laan sa mga sanggol sa sementeryo, na madalas pa din naming dinadalaw. Bagama't wala siya dito sa mundo, bahagi siya ng aming buhay. Mas malapit ako kay Hesus dahil nakikita ko kung gaano ako kamahal ng Diyos at kung paano Niya ako pinili para ipagdslantao siya. Damdan ko'y pinarangalan ako. Siya ay isang walang hanggang tagapagsamba para sa aming mag-anak upang madala kami sa pagkasanto sa paraang wala nang iba pa na kailanman ay maaari kaming madala. Ang tanging biyaya ng Diyos at ang buong pagtanggap sa Kanyang kalooban ang nagbigay sa amin ng lakas upang mapagdaanan ito. Kapag tinanggap natin ang kalooban ng Diyos, ibinibigay Niya ang mga biyayang kinakailangan natin upang malampasan ang anumang partikular na kalagayan. Ang kailangan lang nating gawin ay ipaubaya ang ating sarili sa Kanyang pag-aaruga. Pagpapalaki Ng Mga Santo Bawat sanggol na hindi pa isinisilang na ay mahalaga; malusog man o may pinsala, mga handog pa din sila ng Diyos. Dapat nating buksan ang ating mga puso upang mahalin ang mga batang ito na nilikha sa larawan ni Kristo, na sa aking pananaw ay mas mahalaga kaysa sa isang "normal" na bata. Ang pag-aalaga sa kanila ay parang pag-aalaga sa sugatang Kristo. Isang karangalan na magkaroon ng isang batang may mga kapansanan o mga espesyal na pangangailangan dahil ang pag-aalaga sa kanila ay makakatulong sa atin na maabot ang isang mas malalim na pwesto ng kabanalan kaysa sa pagtupad sa anumang bagay sa buhay. Kung makikita natin ang mga maysakit na hindi pa isinisilang na mga bata bilang mga handog—mga dalisay na kaluluwa—hindi man lang ito madadama na isang pasanin. Ikaw ay magpapalaki sa loob ng iyong sarili, isang Santo na uupo sa tabi ng lahat ng mga anghel at mga Santo. Kasalukuyan kaming naghihintay ng isang sanggol na lalaki (Gabriel), at nagtitiwala ako sa Diyos na kahit na masuri siya na may ano mang bagay, tatanggapin pa din namin siya nang may bukas na puso at mga bisig. Ang lahat ng buhay ay isang mahalagang handog, at hindi tayo ang may-akda ng buhay. Lagi nating tandaan na ang Diyos ang nagbibigay, at ang Diyos ang bumabawi. Purihin ang pangalan ng Panginoon!
By: Dr. Hima Pius
MoreAng buhay ay nambabato ng malalakas na mga dagok sa sinuman, ngunit ikaw ba ay kailanma’y nagtaka kung papaano ang ibang mga tao ay kailanma’y hindi nagagapi? Para sa bawa’t dayuhan na naghahanap-buhay sa Saudi Arabia—ang taunang bakasyon ay ang kasabikan ng taon. Ako man ay inaasam-asam ang lakbay na pabalik sa India, na laging natataon sa Kapaskuhan. Mayroong nalalabing mga linggo na lamang para sa lakbay noong ako’y nakatanggap ng isang email mula sa aking mag-anak. Si Nancy, isang matalik na kaibigan namin, ay natawagan sila para sabihin na si Hesus ay humihingi ng tanging mga dasal para sa bakasyon ko. Talaga naman, ito’y aking isinama sa arawing listahan ko ng mga dasal. Walang lubhang mahalaga ang nangyari sa loob ng kahigitan ng aking pagtigil. Ang mga linggo sa tahanan ay lumipas nang may kadalian. Ang Pasko'y sumapit at ipinagdiriwang ng karaniwang kasiyahan. Pagkaraan ng isang buwan at kalahati ng mga araw na puno ng saya, ang bakasyon ko ay halos lumipas na. Walang nangyaring hindi pangkaraniwan, at ang tagubilin ay nalimutan nang marahan. Isang Malakas na Dagok Dalawang araw bago ng aking lakbay pabalik, nagpasya akong magsimula ng pag-iimpake ng mga bagahe ko. Ang unang bagay na nasa listahan ko ay ang aking pasaporte, at hindi ko ito matagpuan kahit saan. Pagkaraa'y dumaan ang nakamamanhid na pagtanto: Idinala ko ito sa ahente ng paglalakbay yaong umaga upang tiyakin ang lipad ko, at ito pa rin ay nasa bulsa ng aking maong na nasuot ko. Ngunit ito’y naihulog ko nang maaga sa buslo ng mga labahin na hindi inuusisa ang mga bulsa! Ako’y humangos sa makinang panlaba at binuksan ang takip nito. Ang maong ay pumapaikot-ikot. Hinugot ko ito na simbilis nang aking makakaya at itinulak ko ang aking kamay sa loob ng harapang bulsa. Isang dama ng takot ang bumalot sa akin sa paghugot ko ng nabasang pasaporte. Ang pabatas na mga tatak sa karamihan ng mga pahina ay nagkadungis. Ilan sa mga selyong panlakbay ay napilas at, pinakamatindi, ang talab ng tinta sa bisa ng pagpasok sa Saudi ay napalabo din. Ako’y walang maisip na magawa. Ang nalalabing mapipili ay manghiling ng bagong pasaporte at sikapin na makakuha ng bagong bisa para sa pagpasok pagdating sa ulunlunsod. Ngunit hindi na sapat ang nalalabing panahon para rito. Ang ang aking hanap-buhay ay nanganganib. Ang Aking Batalyon sa Saklolo Inilatag ko ang pasaporte sa aking higaan at binuksan ang bentilador ng kisame, inaasahan na ito’y mapatuyo. Sinabihan ko ang iba sa pamilya kung anong nangyari. Tulad ng dati, kami’y nagtipon sa pagdasal, inihabilin ang ang kalagayan kay Hesus, at humiling sa Kanya ng pamamatnubay. Tinawagan ko rin si Nancy para sabihin sa kanya ang sakuna. Nagsimula rin siyang nagdasal para sa amin; wala na kaming magagawa pang iba. Maya-maya nang gabing yaon, tumawag si Nancy upang sabihing nasabihan siya ni Hesus na ang Kanyang anghel ay makikita ako patungo sa Riyadh! Makaraan ang dalawang araw, nakatatagpo ng lakas sa panalangin, ako’y nagpaalam sa pamilya ko, nagpatala ng aking mga bagahe, at sumakay ng una kong paglipad. Sa paliparan ng Mumbai kung saan ako nagpalit ng mga lipad, sumama ako sa pila para sa pandarayuhang pagpapalinaw na nasa pandaigdigang himpilan. Na may di-kailang pangangamba, naghintay akong nakabukas ang pasaporte. Minabutimpalad na ang pamunuan ay bahagyang yumuko bago tinatakan nang walang-kamalayan ang pahina at hinayagan ako ng maingat na lakbay! Puspos ng banal na biyaya, nakadama ako ng payapa. Pagkaraan ng paglapag ng lipad sa Saudi Arabia, tinuloy kong magdasal sa paghakot ko ng aking bagahe at sumali ako sa isa sa mahahabang mga pila na nasa pandarayuhan pagsiyasat. Ang pila ay gumalaw nang matumal habang maingat na sinuri ng pamunuan ang bawa’t pasaporte bago tinatakan ito ng pagpasok na bisa. Sa wakas, ang pagkakataon ko'y dumating. Lumakad ako sa dako niya. Yaong pinakatakdang saglit, isa pang pamunuan ang dumating at nagsimula ng pag-uusap sa kanya. Sa pagkababad niya ng pakikipag-usap, tinatakan ng pandarayuhang pamunuan ang pasaporte ko ng pagpasok na bisa na halos hindi man lamang tumingin sa mga pahina. Ako’y nakabalik ng Riyadh, salamat sa aking anghel na patnubay na “umakay sa akin patagos ng apoy” sa tamang panahon lamang. Tagapagtanggol—Ngayon, Noon, at Palagian Di-kaila, ang paglalakbay ay pinabuti ang kaugnayan ko sa aking anghel na patnubay. Ngunit, binigyang-diin pa rin ni Hesus ang isa pang aralin para sa akin: Ako’y inaakay ng umiiral na Diyos na unang nakababatid ng putikan sa aking daraanan. Kapag kasama Siyang lumalakad nang magkahawak-kamay, nakikinig sa Kanyang mga utos at susundin ang mga ito, makapamamahala ako ng anumang sagabal. “Kung ikaw ay liliko sa kanan o ikaw ay liliko sa kaliwa, ang mga tainga mo ay madirinig ang salita mula sa iyong likod, nagwiwika, “Ito ang daan: lakarin mo ito” (Isaias 30:21). Kung si Nancy ay hindi nakikinig sa tinig ng Diyos, at kung hindi kami nananalangin ayon sa pag-utos, ang buhay ko’y maaaring lumihis nang pawala sa landas. Tuwing Pasko simula noon, bawa’t lakbay pabalik sa aking bansa ay nagdudulot ng magiliw na paalala ng namamatnubay na kalooban at malamlam na yakap ng Diyos.
By: Zacharias Antony Njavally
MoreSinasagot ng Diyos ang mga panalangin at kung minsan ay higit pa Siya sa anumang pinaniniwalaan nating maaaring mangyari... May isang sikat na patalastas sa telebisyon na ipinalabas sa loob ng maraming taon na naglalarawan ng isang taong nasugatan na desperadong tumatawag, "Tulong, nahulog ako at hindi na ako makabangon!" Bagama't sila ay mga aktor lamang na nagbebenta ng isang medikal na sistema ng alerto na humihingi ng tulong kung sakaling magkaroon ng emerhensiya, sa tuwing nakikita ko ang komersyal na iyon ay iniisip ko kung ano ang magiging pakiramdam na nasa isang desperadong masusugatan na posisyon. Ang pagiging mag-isa at walang kakayahang bumangon pagkatapos mahulog ay dapat makaramdam ng lundo at nakakatakot. Sa kabutihang palad may mga kumpanya at gadyet get na maaasahan natin upang maglagay ng mga hakbang sa kaligtasan para sa atin o sa ating mga nanganganib na mahal sa buhay. Paulit-ulit na Suliranin Naisip ko ang patalastas na iyon isang araw nang sinusuri ko ang aking budhi bilang paghahanda sa pagtanggap ng Sakramento ng Penitensiya (kilala rin bilang Pagkakasundo o Pagtatapat). Matapos pagnilayan ang mga bagay na nakakasakit sa Diyos na nagpapalayo sa akin sa Kanyang presensya, nakakabigo ang paulit-ulit na mahulog sa landas tungo sa kabanalan. Nangyari na may mga bagay na kailangan kong aminin na madalas kong ipagtapat noon. Si San Pablo ay nagsasalita tungkol sa kanyang mga pakikibaka sa parehong suliranin . Sa aklat ng Roma (7:15-19) sinabi niya, “Hindi ko maintindihan ang sarili kong pag-uugali. Nabigo akong maisakatuparan ang mga bagay na gusto kong gawin, at nakita ko ang aking sarili na ginagawa ang mismong mga bagay na kinasusuklaman ko...sa halip na gawin ang mabubuting bagay na gusto kong gawin, ginagawa ko ang mga makasalanang bagay na hindi ko gusto.” Ito ay isang pakikibaka na nararanasan nating lahat. Ang Katesismo ng Simbahan Katoliko ay tumutukoy sa hindi kanais-nais na hilig sa kasalanan bilang "pagkahumaling". Madaling maka-ugnay ang aktor sa komersyal dahil sa espiritwal ako ay nadapa na, at parang hindi na ako makabangon. Ang paglayo sa Diyos ay naglagay sa akin sa isang desperado, mahinang posisyon na pinagkaitan ng maraming biyayang iniaalok Niya sa atin. Ang aking relasyon sa Diyos ay nasira, at ang pag-iisip na manatili sa bumagsak na kalagayang iyon ay nakababahalang at nakakatakot. Gayunpaman, mahal ako ni Jesus. Siya ay maawain at naglagay ng mga hakbang na pangkaligtasan para sa ating lahat na nagdurusa pa rin sa hindi gustong magkasala. Walang Humpay na Panalangin Ang simbahan na dinaluhan ng aking pamilya ay nag-alay ng Sakramento ng Penitensiya isang oras bago ang Sabado ng gabi ng Misa ng Pagpupuyat.. Mahalaga para sa akin na pumunta sa Pangungumpisal sa Sabado dahil pinahahalagahan ko ang aking relasyon sa Diyos at nais kong ibalik ito. Tinanong ko ang aking asawa kung sasamahan niya ako kapag natapos na ang mga pagtatapat, para makadalo kami ng misa nang magkasama. Sa tuwa ko, pumayag siya. Siya ay pinalaki na Metodista at sa loob ng higit sa 25 taon ito ang aking walang humpay na panalangin na ang Diyos ay ilagay ang pagnanais sa kanyang puso na dumating sa kabuuan ng kanyang pananampalataya, sa pamamagitan ng pagiging isang miyembro ng Simbahang Katoliko. Sa ngayon, naghihintay ako sa timing ng Diyos at masaya lang na magkasama kami. Hindi siksikan ang simbahan, kaya hindi nagtagal ay lumuhod ako sa harap ng pari para ipagtapat ang aking mga kasalanan. Ang pagtatapat ng kasalanan ay nangangailangan ng kababaang-loob, ngunit ang kagalakan ng pagpapatawad ay nagdulot sa akin ng pakiramdam na bago at naibalik. Matapos makumpleto ang penitensiya mula sa pari, ang puso ko ay hindi na nakaramdam ng bigat sa kasalanan. Tahimik ang lahat sa paligid ko at sa loob ko, dahil ang pakiramdam ng kapayapaan ay muling sumakop sa aking espiritu. Paulit-ulit akong nagpasalamat sa Diyos sa Kanyang awa. Sa isang punto, napabuntong-hininga ako nang may kasiyahan, “Panginoon, hindi ko gustong sirain ang sandaling ito sa pamamagitan ng paghingi sa iyo ng anuman. Gusto ko lang magpasalamat sa Iyo ng paulit-ulit. Gusto kong maging katulad ng isang ketongin na bumalik upang magpasalamat sa Iyo pagkatapos Mo siyang pagalingin.” Lumuhod ako roon at niramdam sa Kanyang banal na presensya at naunawaan kung ano talaga ang pakiramdam ng nasa isang estado ng biyaya. Ibinalik ni Hesus ang aming relasyon at muli kaming naging isa. Gayunpaman, ang pagiging tahimik at tahimik ay isang birtud na isang regular na pakikibaka para sa akin. Hindi nagtagal, isang malakas na udyok na humingi sa Diyos ng isang bagay lang ang pumasok sa aking isipan. “Panginoon, isang bagay lang at hindi ito para sa aking sarili. Mangyaring bigyan ang aking asawa ng pagnanais na maging Katoliko. Gusto kong malaman niya kung ano ang pakiramdam nito." Mabilis na lumipas ang oras sa tahimik na panalangin at hindi nagtagal ay umupo sa tabi ko ang aking asawa. Narinig ko na sinabi na kapag nananalangin ka sa estado ng biyaya, ang iyong mga panalangin ay malinaw na dininig ng Diyos. Napakalapit mo sa Kanya na naririnig Niya ang mga bulong ng iyong puso. Hindi ako sigurado kung iyon ay matatag na doktrina ng Katoliko, ngunit ito ay nagbibigay ng isang punto kung gaano kahalaga ang manatiling malapit sa Diyos. Nang magsimula ang Misa noong gabing iyon, tinanggap ng pari ang lahat at hiniling niya sa amin na maglaan ng ilang sandali upang ihandog ang aming Misa para sa anumang personal na intensyon na maaaring mayroon kami sa gabing iyon. Ang kanyang pag-udyok ay kahanga-hanga ngunit hindi ang paraan ng kanyang karaniwang pagbubukas ng Misa. Dahil hindi ko gustong sayangin ang sandali, agad kong inulit ang panalangin para sa aking asawa na pumasok sa pananampalatayang Katoliko. Hindi ko pa narinig na sinimulan ng pari ang Misa nang ganoon bago o mula noong gabing iyon. Sa pagbabalik-tanaw, ito ay isang magandang indikasyon na ang sagot ng Diyos sa aking panalangin ay nalalapit na. Ang intensyon ay nanatili sa aking puso para sa natitirang bahagi ng Misa, at nadama kong napaka konektado sa Diyos at sa aking asawa. Nakakagulat na Balita Sa aming pag-uwi, hindi inaasahang sinabi ng aking asawa na may sasabihin siya sa akin. Napakabuting bagay na siya ang nagmamaneho, dahil ang mga sumusunod na salita ay maaaring nagulat sa akin upang lumihis sa kalsada. "Napagpasyahan ko na gusto kong mag-palista sa RCIA (Seremonya ng Pagtanggap ng Bagong Kasapi na Kristiyano May Mga Hustong Gulang) na programa sa aming simbahan at tingnan kung gusto kong maging isang Katoliko." Natulala, wala akong nasabi. Ang mga saloobin at emosyon ay umiikot sa aking isip at katawan. Naaalala ko ang pagtatanong sa Diyos: “Ano ang nangyayari dito? Nilinaw ba ng Sakramento ng Pakikipagkasundo ang koneksyon para marinig mo ang aking panalangin? Narinig ba ang aking personal na intensyon sa Misa? Talaga bang sinasagot Mo ang aking mga panalangin pagkatapos ng lahat ng mga taon na ito?” Pagkaraang mapanatag ang loob ko, nag-usap kami ng asawa ko tungkol sa desisyon niya. Magkasama kaming dumadalo sa Misa para sa aming buong kasal at mahalaga sa kanya na ang aming pamilya ay nagpunta sa isang simbahan. Sa paglipas ng mga taon, marami siyang katanungan, ngunit lumago ang pagmamahal at pagtitiwala sa Simbahang Katoliko bilang kanyang pamilya. Ginabayan siya ng Banal na Espiritu na maunawaan na iyon ang tamang panahon para lubos na mangako na maging bahagi ng pamilyang iyon at makabahagi sa lahat ng mga sakramento at kanilang mga grasya. Ang sumunod na Pagpupuyat ng Mahal Na Araw, pagkatapos niyang makumpleto ang programa ng RCIA, sa wakas ay nakumpirma na ang aking asawa bilang miyembro ng Simbahang Katoliko, na pinuspos ng malaking kagalakan sa aming dalawa. Ang puso ko ay patuloy na sumasayaw sa kagalakan, walang humpay na nagpapasalamat sa Diyos para sa pinakahihintay na sagot sa aking panalangin. Higit Pang Mga Sorpresa Na Nakalaan! Pero teka, meron pa! Alam ng Diyos na tinanong ko Siya kung talagang dininig at sinagot niya ang aking mga panalangin. Nais niyang tiyakin na alam ko nang may katiyakan na mayroon Siya, dahil mas maraming sorpresa ang naghihintay. Dalawa sa aming mga anak na lalaki ay nasa matatag na relasyon. Pareho silang magagandang kabataang babae na lumaki na kasama ng Panginoon sa kanilang pananampalatayang Protestante. Sila rin ay regular na kasama sa aking mga panalangin para sa pagbabalik-loob sa pananampalatayang Katoliko, bagaman hindi ako espesipikong nanalangin para sa kanila nang gabing iyon. Sa loob ng isang linggo ng espesyal na Misa na iyon, na independyente sa isa't isa, ibinahagi sa akin ng dalawang kabataang babae na nilayon nilang maging Katoliko. Alam ko nang may katiyakan na ang desisyon ng aking asawa na maging isang Katoliko ay hindi lamang nagkataon at bilang karagdagang biyaya: ang mga magagandang dalagang iyon ay mga manugang ko na ngayon. Purihin ang Diyos! Hindi ako nagkukunwaring alam ang pag-iisip ng Diyos, o kung paano silang 3, na independyente sa isa't isa, ay nagpasya na maging Katoliko. Ito ay isang himala sa akin at masaya akong iwanan ito. Okay, hindi eksakto...isa pa. Naniniwala ako na kapag gumawa tayo ng isang bagay na nakakasira sa ating relasyon sa Diyos, kailangan nating pumunta sa Kanya sa Pagtatapat at magsabi ng paumanhin. Naniniwala ako na kapag talagang gusto nating maging tama ang ating relasyon sa Diyos, gusto Niya tayong pagpalain. Naniniwala ako na talagang gumagana ang panalangin at gusto Niya tayong sagutin. Naniniwala ako na mahal ako ng Diyos at pinagpala ako hindi isang beses, hindi dalawang beses, ngunit tatlong beses noong Sabado, ngunit nais Niyang malaman ko rin na dinirinig Niya ang LAHAT ng aking mga panalangin sa LAHAT ng oras anuman ang aking kalagayan. Alam kong bumagsak na ako at, dahil sa pagkahumaling, malamang na mahulog na naman ako. Aleluya, may magandang balita! Kahit na hindi ko maintindihan ang sarili kong pag-uugali; kahit na hindi ko naisasakatuparan ang mga bagay na gusto kong gawin, at nasumpungan ko ang aking sarili na ginagawa ang mismong mga bagay na kinasusuklaman ko...kahit na hindi ko ginagawa ang mabubuting bagay na gusto kong gawin, at isagawa ang mga makasalanang bagay na hindi ko ginagawa. gusto; sa biyaya ng Diyos at sa Kanyang pagpapatawad, alam kong hindi ako nag-iisa, hindi ko kailangang ma-lundo sa pakiramdam, matakot o manatiling bumagsak. MAAARI akong bumangon. San Pablo, ipanalangin mo kami. Amen.
By: Teresa Ann Weider
MoreAno ang paraan sa labas ng takot, pagkabalisa at depresyon? Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Diyos ay tatlo sa Isa. Nagpapahayag tayo ng pananampalataya sa Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Sa pag-uugali, gayunpaman, binibigyang-diin natin ang unang dalawang Persona ng Santisima Trinidad --nanalangin tayo sa Ama Namin at naniniwalang ipinadala Niya ang Kanyang Anak, si Hesus, para sa ating kaligtasan. At, habang kinikilala natin na ang Banal na Espiritu ay ang banal na "Panginoon at nagbibigay ng Buhay," malamang na kalimutan natin ang Espiritu at hindi Siya binibigyan ng pagkakataong bigyan tayo ng Buhay! Balikan natin ang kwento ng Pentecostes at tuklasin muli kung paano ang Banal na Espiritu ay maaaring maging "Panginoon at nagbibigay ng buhay" para sa atin, dahil kung wala ang Espiritu, ang ating pananampalataya ay nagiging baog, walang kagalakan na moralismo. Ang ikalawang kabanata ng Mga Gawa (vs. 1-11) ay naglalarawan ng pakikipagtagpo ng mga Apostol sa Banal na Espiritu at kung paano sila kumilos pagkatapos. Kasunod ng limampung araw ng kawalan ng katiyakan, isang malaking bagay ang malapit nang mangyari. Ipinagkatiwala ni Hesus ang kanyang Misyon sa mga apostol noong nakaraang linggo, ngunit handa na ba silang ipahayag ang Muling Nabuhay na Panginoon? Maaari ba nilang isantabi ang kanilang mga pagdududa at pangamba? Ang pagdating ng Espiritu Santo ay nagbabago ng lahat. Hindi na natatakot ang mga alagad. Bago sila natakot para sa kanilang mga buhay; ngayon, handa na silang ipangaral ang Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa na may kasigasigan na hindi mapipigilan. Ang Banal na Espiritu ay hindi inaalis ang lahat ng kanilang mga paghihirap o ang pagsalungat ng relihiyosong pagtatatag. Ngunit pinagkalooban sila ng Espiritu ng isang dinamismo na nagpapahintulot sa kanila na ipahayag ang mabuting balita hanggang sa mga dulo ng lupa. Paano ito nangyari? Ang buhay ng mga Apostol ay kailangang radikal na baguhin at ang kaloob ng Espiritu ay kung paano nangyari ang pagbabagong iyon. Sa Espiritu, nakatagpo nila ang ikatlong persona ng Trinity—isang tunay na tao, hindi lamang isang puwersa, kundi isang tao na maaari nating makasama. Habang kilala natin ang Ama bilang manlilikha, at ang Anak bilang manunubos, nakikilala natin ang Espiritu bilang Tagapagbanal, ang nagpapabanal sa atin. Ang Banal na Espiritu ang nagpapabuhay kay Hesus sa loob natin. Habang si Hesus ay wala na sa ating katawan, siya ay nananatili sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. At ang Espiritung iyon ay nagdudulot ng kapayapaan—isang kapayapaan na hindi nagpapalaya sa atin mula sa mga problema at kahirapan, ngunit nagbibigay-daan sa ating mga problema na makahanap ng kapayapaan, magtiyaga, at umasa dahil alam nating hindi tayo nag-iisa! Ang pananampalataya ay hindi isang negosyo sa paglutas ng problema: kapag ang isang problema ay nawala, isa pa ang pumapalit. Ngunit ang pananampalataya ay tumitiyak sa atin na ang Diyos ay kasama natin sa ating mga pakikibaka at ang pag-ibig ng Diyos at ang kapayapaang ipinangako ni Jesus ay atin para sa paghingi. Sa magulong mundo ngayon, sobrang nakakargahan ng sosyal midya at ng ating mga teklado na gamit , nahahanap natin ang ating sarili sa isang libong direksyon, at kung minsan ay napapaso tayo. Pagkatapos ay naghahanap kami ng mabilisang pag-aayos, kung minsan ay gumagamit ng pansariling gamutan sa pamamagitan ng alkohol o paglunok ng mga gamot o sunud-sunod na nakakasirang mga kilig. Sa panahon ng gayong pagkabalisa, si Hesus ay pumasok sa ating buhay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at sinabi, "Sumainyo ang kapayapaan!" Inihagis sa atin ni Hesus ang isang angkla ng pag-asa. Gaya ng sinabi ni San Pablo sa kanyang liham sa mga taga-Roma, pinipigilan tayo ng Espiritu na mahulog muli sa takot, dahil ipinapaunawa niya sa atin na tayo ay mga minamahal na anak ng ating Ama sa langit (Rom 8:15). Ang Banal na Espiritu ay ang Tagapag-aliw, na nagdadala ng magiliw na pag-ibig ng Diyos sa ating mga puso. Kung wala ang Espiritu, ang ating buhay Katoliko ay masisira. Kung wala ang Espiritu, si Hesus ay higit pa sa isang kawili-wiling pigura sa kasaysayan; ngunit kasama ng Banal na Espiritu siya ang muling nabuhay na Kristo, isang makapangyarihan, buhay na presensya sa ating buhay dito at ngayon. Kung wala ang Espiritu, ang Kasulatan ay isang patay na dokumento. Ngunit, sa pamamagitan ng Espiritu, ang Bibliya ay nagiging buhay na Salita ng Diyos, isang salita ng buhay. Ang buhay na Diyos ay nagsasalita sa atin at nagpapanibago sa atin sa pamamagitan ng kanyang Salita. Ang Kristiyanismo na walang Espiritu ay walang kagalakan na moralismo; kasama ng Espiritu, ang ating pananampalataya ay buhay mismo—isang buhay na maaari nating isabuhay at ibahagi sa iba. Paano natin maaanyayahan ang Banal na Espiritu sa ating puso at kaluluwa? Ang isang paraan ay sa pamamagitan ng pagbigkas ng simpleng panalangin: “Veni Sancte Spiritus,” (“Halika, Espiritu Santo”). Ang isa pang paraan upang palalimin ang iyong kaugnayan sa Banal na Espiritu ay ang pag-isipan ang pitong Kaloob ng Espiritu Santo, na natatanggap natin sa Kumpirmasyon. Humanap ng komentaryo sa karunungan, pang-unawa, payo, katatagan ng loob, kaalaman, kabanalan, at takot sa Panginoon at sikaping isama ang mga kaloob na ito sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ang isang mabuting paraan upang malaman kung ipinamumuhay mo ang mga kaloob ng Espiritu ay tanungin ang iyong sarili kung ang iyong buhay ay nagpapakita ng mga bunga ng Banal na Espiritu (matatagpuan sa liham ni Pablo sa mga taga-Galacia [5:22-23]). Kung ang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili ay naroroon sa iyong buhay, kung gayon alam mo na ang Banal na Espiritu ay kumikilos! Panalangin: Halika Banal na Espiritu, punuin mo ang mga puso ng iyong tapat at pag-alab sa amin ang apoy ng iyong banal na pag-ibig! Pagkalooban kami ng iyong mga kaloob at gawing matabang lupa ang aming buhay na nagbubunga ng saganang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. AMEN.
By: Deacon Jim McFadden
MoreAng bago kong bayani ay si Madre Alfred Moes. Napagtanto ko na hindi siya isang pangalang pambahay, kahit na sa mga Katoliko, ngunit siya ay dapat lang. Dumating siya sa aking iskrin ng radar nuon lamang matapos na ako'y maging Obispo ng Diocese ng Winona-Rochester, kung saan ginawa ni Madre Alfred ang karamihan ng kanyang gawain at kung saan siya nakalibing. Sa kanya ay isang kuwento ng kahanga-hangang katapangan, pananampalataya, tiyaga, at lubos na kaliksihan. Maniwala ka sa akin, kapag nakuha mo ang mga detalye ng kanyang mga pakikipagsapalaran, mapapaalalahanan ka ng ilan pang ibang masinop na mga Katolikong Madre: sina Cabrini, Teresa, Drexel, at Angelica, para pangalanan ang ilan. Si Madre Alfred ay isinilang na Maria Catherine Moes sa Luxembourg noong 1828. Nang bata pa, siya ay nabighani sa posibilidad na makagawa ng gawaing misyonero sa mga katutubo ng North America. Alinsunod dito, naglakbay siya kasama ang kanyang kapatid na babae sa New World noong 1851. Una, sumali siya sa School Sisters of Notre Dame sa Milwaukee ngunit matapos nito ay lumipat sa Holy Cross Sisters sa La Porte, Indiana, isang grupo na nauugnay kay Padre Sorin, CSC, ang may tatag ng Unibersidad ng Notre Dame. Matapos makipagbanggaan sa kanyang mga superyor—manapa'y pinagkaugaliang pangyayari para sa walang takot at mapanalig na babaeng ito—nagtungo siya sa Joliet, Illinois, kung saan siya ay naging superyor ng isang bagong kongregasyon ng mga kapatid na Franciscan, at inako ang pangalang 'Madre Alfred.' Nang si Obispo Foley ng Chicago ay nagdtangkang makialam sa pananalapi at mga proyekto sa pagtatayo ng kanyang komunidad, siya ay lumisan para sa mas mainam na pastulan patungo sa Minnesota kung saan siya ay tinanggap ng dakilang Arsobispo Ireland at pinahintulutang magtatag ng isang paaralan sa Rochester. Sa maliit na bayan na iyon sa katimugang Minnesota nagsimula ang Diyos na mabisang magsagawa sa pamamagitan niya. Noong 1883, isang kakila-kilabot na buhawi ang dumaluhong sa Rochester, na ikinamatay ng madami at nag-iwan ng madami pang nawalan ng tirahan at nagdarahop. Isang lokal na doktor, si William Worrall Mayo, ang umako ng tungkuling pangalagaan ang mga biktima ng sakuna. Dahil sa dami ng nasugatan, nanawagan siya sa mga kapatid ni Madre Alfred na tulungan siya. Bagamat sila ay mga guro at hindi mga nars at walang maayos na pagsasanay sa medisina, tinanggap nila ang misyon. Sa kaganapan ng malaking kapinsalaan, mahinahong ipinaalam ni Madre kay Doktor Mayo na nagkaroon siya ng pangitain na ang isang ay dapat itayo sa Rochester, hindi lamang para pagsilbihan ang lokal na komunidad na iyon, kundi ang buong mundo. Gitla sa hindi makatotohanang panukalang ito, sinabi ni Doktor Mayo kay Madre na kakailanganin niyang makalikom ng $40,000 (isang napakalaking halaga nang panahong iyon) upang makapagtayo ng gayong pasilidad. Sinabi naman niya sa doktor na kung makalikom siya ng pondo at makapagpatayo ng ospital, inaasahan niyang siya at ang kanyang dalawang anak na manggagamot ang magpapatakbo sa lugar. Sa loob ng maikling panahon, nakuha niya ang pera, at naitatag ang Saint Mary's Hospital. Tiyak kong naisip mo na, ito ang binhi kung saan tutubo ang makapangyarihang Mayo Clinic, isang sistema ng ospital na sa katunayan, tulad ng inakala ni Madre Alfred noong unang panahon, na nagsisilbi sa buong mundo. Ang matapang na madre na ito ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang tagabuo, tagapag-ayos, at tagapangasiwa, hindi lamang ng ospital na kanyang itinatag, kundi ng ilang iba pang mga institusyon sa timog Minnesota hanggang sa kanyang kamatayan noong 1899 sa edad na pitumpu't isa. Ilang linggo lamang ang nakalipas, nagsulat ako tungkol sa matinding pangangailangan ng mga pari sa aming diyosesis, at hinikayat ko ang lahat na maging bahagi ng isang misyon upang madagdagan ang mga bokasyon sa pagkapari. Laman si Madre Alfred sa isipan maaari ko kayang gamitin ang pagkakataon ngayon upang magtawag ng higit pang bokasyon sa relihiyosong buhay ng kababaihan? Sa anumang dahilan ang huling tatlong henerasyon ng kababaihan ay tila nakagawian nang pagmasdan ang buhay-relihiyoso na hindi karapatdapat pag-ukulan ng kanilang pansin. Bumaba ang bilang ng mga madre mula noong Ikalawang Konseho ng Vaticano, at karamihan sa mga Katoliko, kapag tinanong tungkol dito, ay malamang magsasabi na ang pagiging isang relihiyosong babae ay hindi mangyayari sa ating pemenista na panahon. Kalokohan! Iniwan ni Madre Alfred ang kanyang tahanan nang siya ay napakabata pa, tumawid ng karagatan patungo sa ibang lupain, naging relihiyosa, sinunod ang kanyang mga udyok at sense of mission, kahit na ito ay nagdala sa kanya sa pakikipagtunggali sa mga makapangyarihang nakatataas, kabilang ang ilang mga obispo, ay nagbigay inspirasyon kay Doctor Mayo na magtatag ng kahanga-hangang medikal center sa planeta, at pinangunahan ang pagbuo ng isang orden ng mga madre na nagpatuloy sa pagtatayo at mga kawani ng madaming institusyon ng pagpapagaling at pagtuturo. Siya ay isang babaeng may pambihirang katalinuhan, kasigasigan, simbuyo ng damdamin, katapangan, at pagiging malikhain. Kung may nagmungkahi sa kanya na siya ay namumuhay nang hindi naaayon sa kanyang mga talino o sa ilalim ng kanyang dignidad, nakikinita ko ay magkakatanggap siya ng ilang mga piling salita bilang tugon. Naghahanap ka ba ng feminist hero? Sa iyo na si Gloria Steinem; sa akin na si Madre Alfred anumang araw ng linggo. Kaya, kung may kilala kang kabataang babae na magiging mahusay na relihiyoso, na puno ng katalinuhan, lakas, pagkamalikhain, at kasigasigan, ibahagi sa kanya ang kuwento ni Madre Alfred Moes. At sabihin sa kanya na maaari niyang hangarin ang mismong uri ng kabayanihan.
By: Bishop Robert Barron
MoreAno ang gagawin mo kapag may kumatok sa iyong pintuan? Paano kung ang estranghero ay hindi naging madaling tao? Binibigkas niya ang kanyang pangalan nang may diin, sa Espanyol, na may tiyak na pagmamalaki at dignidad, kaya maaalala mo kung sino siya—Jose Luis Sandoval Castro. Napunta siya sa aming pintuan sa Saint Edward Simbahang Katoliko sa Stockton, California, noong Linggo ng gabi nang ipinagdiriwang namin ang araw ng aming patron. May nagbaba sa kanya sa aming medyo mahirap, may mabuting trabaho na kapitbahayan. Ang musika at ang karamihan ng mga tao ay tila umakit sa kanya na parang magneto papunta sa aming parokya. Paglalahad ng Katotohanan Siya ay isang taong may misteryosong pinagmulan—hindi namin alam kung paano siya nakarating sa simbahan, lalo na kung sino at nasaan ang kanyang pamilya. Ang alam lang namin siya ay 76 taong gulang, may salamin sa mata, nakasuot ng mapusyaw na kulay, na tsaleko, at hinihila ang kanyang bagahe gamit ang kamay. May dala siyang dokumento mula sa Serbisyo sa Imigrasyon at Naturalisasyon na nagbibigay sa kanya ng pahintulot na makapasok sa bansa mula sa Mexico. Nanakawan siya ng kanyang mga personal na dokumento at wala siyang dalang ibang pagkakakilanlan. Nagsimula kaming alamin at tuklasin kung sino si Jose Luis, ang kanyang pinagmulan, ang kanyang mga kamag-anak, at kung mayroon silang anumang pakikipag-ugnayan sa kanya. Siya ay nagmula sa bayan ng Los Mochis sa estado ng Sinaloa, Mexico. Galit, kataksilan, at makalason ang lumabas sa kanyang bibig. Sinabi niya na inalisan siya ng kanyang mga kamag-anak at ninakawan ng kanyang pensiyon sa Estados Unidos, kung saan siya ay nagtrabaho nang maraming taon, habang siya ay pabalik-balik sa Mexico. Sinabi ng mga kamag-anak na aming nakausap na sinubukan nilang tulungan siya sa iba't ibang pagkakataon, ngunit tinawag niya silang mga magnanakaw. Sino ba ang aming paniniwalaan? Ang alam lang namin ay mayroon kaming isang pagala-galang, regular na palaboy mula sa Mexico sa aming mga kamay, at hindi namin siya maaaring talikuran o ilagay ang matandang, mahinang lalaki sa kalye. Walang pakialam, walang kabuluhan, isang kamag-anak ang nagsabi: “Hayaan nyo siyang mag-isang buhayin ang sarili sa mga lansangan.” Siya ay isang taong madaldal, matapang, at masungit, ngunit paulit-ulit siyang nagpapakita ng mga palatandaan ng kahinaan. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, at halos mapaiyak siya habang ikinukwento niya kung paano siya ginawan ng masama at pinagtaksilan ng mga tao. Parang tanging nag-iisa na lang siya, iniwanan ng iba. Ang totoo—hindi siya madaling tulungan. Siya ay makulit, matigas ang ulo, at mapagmataas. Ang oatmeal ay masyadong makunat o hindi sapat na makinis, ang kape ay masyadong mapait at kulang sa tamis. Nakakahanap siya ng mali sa lahat. Siya ay isang tao na may napakalaking pitsa sa kanyang mga balikat, galit at bigo sa buhay. "Ang mga tao ay masama at salbahe, sasaktan ka nila," hinaing niya. Sa ganyan ang ganti ko meron ding “Mababait na tao” (mabubuting tao) din. Siya ay nasa arena ng mundo kung saan ang mabuti at masama ay nagsasalubong, kung saan ang mga taong may kabutihan at kabaitan ay naghahalo, tulad ng trigo at ipa ng Ebanghelyo. Higit pa sa isang Malugod na Pagtanggap Anuman ang kanyang mga depekto, anuman ang kanyang saloobin o ang kanyang nakaraan, alam naming dapat namin siyang tanggapin at tulungan bilang isa sa pinakamababa sa mga kapatid ni Jesus. "Nang tinanggap mo ang estranghero, tinanggap mo ako." Kami ay nagmiministeryo kay Hesus mismo, binubuksan ang mga pintuan ng mabuting pakikitungo sa kanya. Si Lalo Lopez, isa sa aming mga parokyano na nagsama sa kanya para sa isang gabi, ay ipinakilala siya sa kanyang pamilya, at dinala siya sa laro ng besbol ng kanyang anak, ay nagsabi: “Sinusubukan tayo ng Diyos upang makita kung gaano tayo kabuti at sa pagiging masunurin, bilang Kanyang mga anak.” Sa loob ng ilang araw, inilagay namin siya sa tirahan ng kura. Nanghihina siya, dumudura ng plema tuwing umaga. Halatang hindi na siya makagala at malayang magpalaboy gaya ng nakasanayan niyang gawin noong kabataan niya. Siya ay may mataas na presyon ng dugo, higit sa 200. Sa isang pagbisita sa Stockton, sinabi niya na siya ay nahampas sa likod ng leeg malapit sa isang simbahan sa bayan. Sinabi ng isang anak na lalaki sa Culiacan, Mexico, na "binuo niya ako" at hindi niya talaga siya kilala bilang kanyang ama, dahil hindi siya kailanman nakasama, palaging naglalakbay, patungo sa El Norte. Ang kwento ng kanyang buhay ay nagsimulang sumiwalat. Nagtrabaho siya sa bukid, nag-aani ng mga cherry, maraming taon na ang nakalilipas. Nagbenta rin siya ng ice cream sa harap ng isang lokal na simbahan ilang taon na ang nakararaan. Siya ay, parang upang banggitin ang klasikong kanta ni Bob Dylan, "tulad ng isang walang direksyon sa sariling bayan, tulad ng isang ganap na hindi kilala, tulad ng isang gumugulong na bato." Nang iwan ni Hesus ang 99 na tupa upang iligtas ang isang naliligaw na tupa, ibinaling natin ang ating pansin sa isang lalaking ito, na maliwanag na iniiwasan ng kaniyang kasamahan. Tinanggap namin siya, pinatira, pinakain, at naging kaibigan. Nalaman namin ang kanyang pinagmulan at kasaysayan, ang dignidad at kasagraduhan niya bilang tao, at hindi bilang isa pang itinapon sa mga lansangan ng lungsod. Ang kanyang kalagayan ay inihayag sa Facebook ng isang babae na nagpapadala ng mga video message ng mga nawawalang tao sa Mexico. Nagtanong ang mga tao: "Paano kami makakatulong?" Isang lalaki ang nagsabi: "Babayaran ko ang kanyang tiket pauwi." Si Jose Luis, isang lalaking hindi marunong magbasa, magaspang at hindi dalisay, ay dumating sa aming pista ng parokya, at sa biyaya ng Diyos, sinubukan namin, sa maliit na paraan, na tularan ang halimbawa ni Santa Mother Teresa, na malugod na tinanggap ang mga dukha, ang pilay, ang may sakit, at ang mga itinapon ng mundo sa kanyang sirkulo ng pag-ibig, ang piging ng buhay. Sa mga salita ni San Juan Pablo II, ang pakikiisa sa iba ay hindi isang pakiramdam ng hindi tiyak na pakikiramay o mababaw na pagkabalisa sa mga kasawian ng iba. Ito ay isang paalala na tayo ay nangangako sa ikabubuti ng lahat dahil lahat tayo ay may pananagutan sa isa't isa.
By: Father Alvaro Delgado
MoreNoong unang bahagi ng 1900s, hiniling ni Pope Leo XIII sa kongregasyon ng Misyonaryong Kababihan ng Sagradong Puso na pumunta sa Estados Unidos upang maglingkod sa malaking bilang ng mga imigrante na Italyano doon. Ang tagapagtatag ng kongregasyon, si Inang Kabrini, ay nagnanais na magmisyon sa Tsina, ngunit masunuring sumunod sa panawagan ng Simbahan at nagsimula sa mahabang paglalakbay sa dagat. Dahil muntik na siyang malunod noong bata pa siya, nagkaroon siya ng matinding takot sa tubig. Gayunpaman, bilang pagsunod, siya...sa kabila ng dagat. Sa pagdating, nalaman niya at ng kanyang mga kapatid na babae na ang kanilang tulong pinansyal ay hindi pinahintulutan, at wala silang matitirhan. Ang matatapat na mga anak na babae ng Sagradong Puso ay nagtiyaga at nagsimulang maglingkod sa mga taong walang kinasa sakupan Sa loob ng ilang taon, ang kanyang misyon sa mga imigrante ay napakabunga kaya hanggang sa kanyang pagpanaw, ang may takot sa tubig na madre na ito ay gumawa ng 23 pagtawid sa Atlantic na paglalakbay sa buong mundo, na nagtatag ng mga pasilidad sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan sa France, Spain, Great Britain, at South America. Ang kanyang pagsunod at pagkaasikaso sa tawag na missionaryo ng Simbahan ay walang hanggang gantimpala. Ngayon, iginagalang siya ng Simbahan bilang patron ng mga imigrante at mga administrador ng ospital.
By: Shalom Tidings
MoreT – Natatakot ako sa kamatayan. Bagama't naniniwala ako kay Hesus at umaasa sa Langit, napupuno pa din ako ng pagkabalisa sa hindi batid. Paano ko mapaglalabanan ang takot sa kamatayan? S – Isipin na ikaw ay isinilang sa isang piitan at hindi nakikita ang mundo sa labas. Isang pinto ang nagbubukod sa iyo sa mundo sa labas—ang sikat ng araw, ang sariwang hangin, ang kasayahan...ngunit wala kang kuru-kuro sa mga mas maliwanag, magagandang bagay na ito, dahil ang mundo mo ay ang madilim, maamag na agwat na puno ng pagkabulok. Maya't maya, ang isang tao ay dumadaan palabas sa pintuan, upang hindi na babalik kailanman. Naaala mo ang pagkukulang nila, dahil kaibigan mo sila at nakilala mo sila sa buong buhay mo! Ngayon, isipin sandali na may napasok mula sa labas. Sinasabi Niya sa iyo ang lahat ng magagandang bagay na madadanasan mo sa labas ng piitan na ito. Alam Niya ang mga bagay na ito, dahil Siya Mismo ay galing na doon. At dahil mahal ka Niya, mapagkakatiwalaan mo Siya. Ipinapangako Niya sa iyo na sasamahan ka Niya palabas sa pintuan. Hahawakan mo ba ang Kanyang kamay? Tatayo ka ba at lalakad kasama Siya palabas ng pintuan? Ito ay nakakatakot, dahil hindi mo alam kung ano ang nasa labas, ngunit maaari kang magkaroon ng lakas ng loob na gaya ng meron Siya. Kung kilala mo Siya at mahal mo Siya, hahawakan mo ang Kanyang kamay at lalakad palabas ng pintuan patungo sa sikat ng araw, tungo sa magandang mundo sa labas. Nakakatakot, ngunit may pagtitiwala at pag-asa. Ang bawat kultura ng tao ay kinailangang makipagbuno sa takot sa hindi nababatid kapag tayo ay mnagllakad sa madilim na pintuan ng kamatayan. Pag mag-iisa natin, hindi natin batid kung ano ang nasa kabila ng tabing, ngunit kilala natin ang Isang tao na nagmula sa kabilang panig upang sabihin sa atin kung ano ang katulad ng kawalang-hanggan. At ano ang Kanyang inihayag? Sinabi niya na ang mga nailigtas ay “nasa harap ng trono ng Diyos, at naglilingkod sa Kanya araw at gabi sa Kanyang templo, at Siya na nakaupo sa trono ay kakanlungan sila ng Kanyang presensya. Hindi na sila magugutom, ni mauuhaw pa man; hindi sila tatamaan ng araw, ni anumang nakakapasong init. Sapagkat ang Kordero na nasa gitna ng trono ay magiging kanilang pastol, at papatnubayan Niya sila sa mga bukal ng buhay na tubig, at papahidin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata." (Apokalipsis 7:15-17 ) Nagtitiwala tayo na ang buhay na walang hanggan ay sakdal na pag-ibig, masaganang buhay, sakdal na kagalakan. Sa katunayan, napakabuti nito na “Hindi pa nakikita ng mata, o nadidinig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao.ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” (1 Korinto 2:9) Ngunit mayroon ba tayong anumang katiyakan na tayo ay maliligtas? Wala bang pagkakataon na hindi tayo makakarating sa makalangit na paraisong iyon? Oo, totoo na hindi ito garantisado. Gayunman, tayo ay napupuno ng pag-asa dahil “nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas at madating ang kaalaman ng katotohanan.” (1 Timoteo 2:3-4) Mas nais niya ang iyong kaligtasan kaysa sa naisin mo ito! Kaya, gagawin Niya ang lahat sa Kanyang kapangyarihan para dalhin tayo sa Langit. Ipinaabot na Niya sa iyo ang paanyaya, na isinulat at nilagdaan sa Dugo ng Kanyang Anak. Ang ating pananampalataya, na isinabuhay sa ating buhay, ang tumatanggap ng gayong paanyaya. Totoong wala tayong katiyakan, ngunit mayroon tayong pag-asa, at “hindi tayo binibigo ng pag-asang ito” (Mga Taga Roma 5:5). Tayo ay tinawag na lumakad nang may pagpapakumbaba at pagtitiwala, batid ang kapangyarihan ng Tagapagligtas, na “naparito upang iligtas ang mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15). Sa praktikal na pagsasalita, mapaglalabanan natin ang takot sa kamatayan sa ilang paraan. - Una, tumuon sa mga pangako ng Diyos ng Langit. Madami pa siyang sinabi sa Banal na Kasulatan na pumupuno sa atin ng sabik na pag-asa na matanggap ang magandang kawalang-hanggan na inihanda Niya. Dapat tayong mag-alab nang may pagnanais para sa Langit, na magpapababa sa takot na iwan itong lugmok, wasak na mundo. - Pangalawa, tumuon sa kabutihan ng Diyos at sa Kanyang pagmamahal sa iyo. Hindi ka niya pababayaan, kahit na kapag dumaan sa hindi batid. - Panghuli, isaalang-alang ang mga paraan na Siya ay naroroon sa iyo noong kailangan mong pumasok sa bago at hindi kilalang mga lupain–pagpunta sa kolehiyo, pag-aasawa, pagbili ng bahay. Maaaring nakakatakot na gumawa ng isang bagay sa unang pagkakataon dahil may takot sa hindi batid. Ngunit kung ang Diyos ay naroroon sa mga bagong karanasang ito, lalo pang hahawakan Niya ang iyong kamay habang naglalakad ka sa pintuan ng kamatayan patungo sa buhay na matagal mo nang ninanais!
By: PADRE JOSEPH GILL
More