Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 19, 2023 438 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

ANG MAPAGPENITENSIYANG TANYAG NA BITUIN

Sa gulang na dalawampu, nawala ni Antonio ang kanyang mga magulang at naiwanan ng malaking pamana at ang tungkulin na alagaan ang kanyang babaeng kapatid. Sa loob ng parehong panahon, si Antonio ay nagkataong narinig ang isang pagbasa mula sa Ebanghelyo ni Mateo, na sinasabihan ang isang mayamang binata, “Kung nais mong maging lubos, humayo ka at ipagbili ang lahat ng iyong pag-aari at ialay mo sa mga kapus-palad.” Naniniwala si Antonio na siya ang yaong mayamang binata. Nang daglian, ipinamigay niya ang karamihan ng kanyang ari-arian, ipinagbili niya halos lahat ng iba pang bagay, at ipinanatili lamang kung ano ang kinakailangan para sa kanyang sarili at kanyang babaeng kapatid. Ngunit hindi yaon ang kung anong ganap na ipinag-utos ng Panginoon!

Hindi nagtagal, si Antonio ay nasa Misa muli at narinig ang sipi ng Ebanghelyo, “Huwag mong ikabalisa ang bukas; ang bukas ay bahala sa kapakanan nito” (Mateo 6:34). Muli, nalaman niyang nakikipag-usap si Hesus sa kanya nang tuwiran, kaya ipinamigay niya kahit ang munti na kanyang naipon, ihinabilin niya ang kanyang babaeng kapatid sa ilang banal na mga babae, at pumasok sa disyerto upang mamuhay ng pagdaralita, pag-iisa, panalangin, at pagpepenitensiya.

Sa malupit na kapaligiran ng yaong disyerto, sinalakay siya ng diyablo nang di-mabilang na mga paraan na nagsasabing “Isipin mo ang tungkol sa lahat ng mga mabuting nagawa mo sana sa yaong pera na iyong ipinamigay!” Si Antonio ay nilabanan nang buong tatag sa panalangin at pagpepenitensiya ang diyablo at kanyang mga pagpapakita. Marami ang nabighani sa kanyang talino, at hinimok niya sila na hangarin ang pagkakait sa sarili at ang buhay ng ermitanyo. Hindi kataka-taka na pagkalipas ng kanyang pagpanaw siya’y naging San Antonio na Dakila o San Antonio ng Disyerto, ang ama ng Kristiyanong Monastisismo.

Minsan isang kapatid ay tumalikod sa mundo at inialay ang mga kalakal niya sa mga dukha, ngunit nagtago siya ng kaunti para sa pansarili niyang gastos. Humayo siya upang makita si Aba Antonio. Nang isinalaysay niya ito, ang matandang lalaki ay tumugon sa kanya, “Kung nais mong maging monghe, pumunta ka sa nayon, bumili ka ng karne, takpan mo ang iyong hubad na katawan nito at pumunta ka dito nang ganyan.” Ginawa ito ng kapatid, at pinunit ng mga aso at mga ibon ang kanyang laman. Pagbalik niya ay tinanong siya ng matanda kung sinunod niya ang kanyang payo. Ipinakita niya sa kanya ang sugatang katawan niya, at sinabi ni San Antonio, “Yaong mga tumalikod sa mundo ngunit nais na magmay-ari ng bagay para sa kanilang sarili ay nasugatan sa ganitong paraan ng mga demonyo na nakikipagdigma sa kanila.”

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles